Good day to everyone :] Gusto ko pong
magpasalamat sa blog na ito for letting me post my story. Hope you like it. I
am very sorry sa napakalate na update. I was sick for a week due to respiratory
infection and I needed to rest. I do hope you'll understand. Critiques and
suggestions are highly appreciated. More power to MSOB!
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
CHAPTER 4
Days turned to weeks and weeks turned to
months. Sabado noon ng umaaga at nagising ako dahil sa malakas na pag-alarm ng
aking phone. Hinagilap ko ang pinagmumulan ng tunog at agad itong sinilip.
Nawala ang pagkaantok na naraamdaman ko nang mabasa ko ang reminder na ini-set
ko para sa araw na iyon.
It was the 8th year anniversary ng aming
pagkakaibigan ni Trevor. Sariwang sariwa pa sa aking isipan ang unang araw nang
aming pagkikita at pagkakakilala.
Baliktanaw...
Pasukan noon at kasalukuyan akong nasa
grade 2. Malapit lamang sa aming bahay ang paaralan at paglalakad lamang ang
kailangan para marating ito. I was on my way noon nang makita ko ang isang
batang may hawak hawak na laruan at nakasandal sa isang poste na napapalibutan
ng tatlo pang batang lalaking sa tantsa ko ay di hamak na mas malaki sa kaniya.
May pagkausisero ako noong bata kaya naman lumapit ako ng bahagya. Hindi nga
ako nagkamali, binubully nga ang batang nakasandal sa pader at pilit na
kinukuha ang laruan niya.
Hindi naman ako mahilig makipagbasag ulo
noong maliit pa ako pero kakaiba ang naramdaman ko nang marinig ko ang paghikbi
ni Trev. Nakaramdam ako ng sense of responsibility at isinisigaw ng isang
bahagi ng aking musmos na isipan na kailangan kong tulungan ang batang nasa
aking harapan.
Dali dali akong naglakad at pumagitna sa
kanila. Bakas sa mukha ng tatlong bata ang pagtataka at pagkainis.
"Hoy! bakit ka ba nangingialam
ha?" ang sigaw sa akin ng batang mah katabaan.
"Ah-eh, wala naman hehe." sabay
bitiw ko sa kanila ng isang nakakalokong pagngisi.
Kitang kita ko ang bakas ng pagkainis sa
kanilang mga mukha. Napalunok naman ako at napaatras sa tabi ng umiiyak pa ding
si Trev. Nilingon ko naman siya at nginitian par iassure siya na ayos lang
lahat.
"Ano ba gusto mo ha, away gulo?"
segunda naman ng isa pang batang may pagkagusgusin ang dating.
"Bakit ba pinagtutulungan niyo tong
bata ha? Anlalaki niyo na eh, bakit di kayo maghanap ng kasing damulag
niyo?" hindi ko na naisip pa ang mga pinagsasabi ko nang mga sandaling
iyon. Kitang kita ko naman ang pagngingitngit ng tatlong kabataang nasa harapan
ko.
Inundayan ako ng sapak nung batang mataba
ngunit nakailag naan ako. Isa namang tadyak sa likod ang hindi ko inaasahang
nasalo ko mula sa isa pa. Hindi ako nakikipagaway at wala ngang bahid ng kung
anuman ang mga kamao ko. Ibayong sakit ang naramdaman ko at ako ay napaluhod.
Akmang susuntukin nang isa pang batang bully si Trev pero mabilis ko itong
naharangan. Hindi ko na alam ang aking gagawin noong mga sandaling iyon kaya
naman niyakap ko na lamang ang umiiyak na si Trevor at ako na lamang ang sumalo
ng lahat ng pambubugbog ng mga salbaheng batang kalye. Hindi rin nama nagtagal
ang eksenang iyon, nakita kami ni tita Mitch, ang ina ni Trev, at dalidaling
inawat ang mga bata. Tila natakot naman sila kaya naman dali daling nanakbo at
umeskapo na.
"Trev! Trev! okay ka lang ba?"
nakita ko ang bakas ng pag-aala sa mukha ni tita.
"O-opo ma, t-inulungan p-o ako nung
bata." ang tugon naman nang umiiyak pa ding si Trev sabay turo sa akin.
"Naku, kawawa ka naman hijo! nadamay
ka pa. Pero salamat na din ag tinulungan mo itong si Trev ko. Bagong lipat lang
kasi kami dito at hindi ko akalaing ganire pala ang mga bata dito!"
"Ah, eh wala po iyon, turo po kasi
sakin ni mama na tulungan daw ang mga nangangailangan." nginitian ko pa
rin si tita Mitch kahit na ibayong pananakit ng katawan ang aking nararamdaman.
Napansin naman ni tita ang aking iniinda at
gayundin ang school uniform kong nadumihan at napigtalan pa ng butones.
"Naku hijo ang bait mo naman, what's
your name ba?"
"Ah, Clyde po, diyan lang po ako
nakatira sa kabilang subdivision."
"Pasok ka muna sa bahay at tingnan
natin yang mga galos mo pati na rin pala yang uniform mo eh aayusin ko
na."
"Eh, nakakahiya naman po, maliit na
galos lang naman po ito. Tsaka kay mama ko na lang po ito ipapaayos."
"Naku hindi pupuwede, ako na ang
bahala sayo, tara pasok ka na." hindi na ako nakapalag pa dahil tuluyan na
akong binuhat ni tita Mitch papasok sa kanila.
"Ah, kuya Clyde salamat nga....dun sa
pagtulong mo sakin.." nginitian ko lamang si Trev dahil talaga namang
natutuwa ako kapag pinagmaasdan ko yung mga mata niya. It reminds me of
something and it relaxes me. Parehas kasi sila ng kulay ng mga mata ni tatay.
"Haha, ano ka ba, huwag mo na ako
tawaging kuya kasi parang magkaedad lang naman tayo."
"Hehe, sige, simula ngayon ikaw na ang
bagong bestfriend ko." sabay ngiti niya sakin ng napakatamis at pagyakap
sa akin.
Kakaiba ang naramdaman ko nang mga
sandaling iyon.Wala kasi akong nakababatang kapatid at tila uhaw ako sa
ganitong uri ng atensiyon. May kung ano akong naramdaman sa aking dibdib nang
mga sandaling iyon pero hindi ko pa matiyak kung ano dahil sa kamusmusan. Sa
parehong paaralan na din ipinasok ni tita Mitch si Trev dahil nas panatag daw
ang loob nito kapag kami ang magkasama. Naging magkaibigan na din ang aming mga
magulang kaya naman halos saggang dikit na kami sa lahat ng bagay. Sa pagpasok,
sa pagpasiyal, at maging sa paglalaro sa aming mga bahay.
Kapag sumasapit ang friendship anniversary
naming dalawa ay palaging espesyal dapat. Dapat may gifts sa isa't isa o kaya
naman ay may sorpresa. Ibayong kaligayahan ang naramdaman ko simula nang
makilala ko siya. He added a rainbow into my life, a new flavor, a new slice.
Mabilis na lumipas ang panahon at lumaki na kami ni Trev. He grew into a fine
man, even finer than me. Naging mas malaki at matangkad na siya sa akin dahilan
upang tila nagkapalit ang aming posisyon at ako naman ang ipinagtatangol niya
kapag ako anh napapaaway at napapahamak. Noon ko lang din napansin ang
nagbabago kong pagtingin para sa kaniya. Unti unti akong nagising sa
katoyohanan na minamahal ko na pala ang pinakamatalik kong kaibigan at wala
siyang kaalamalam.
Agad akong bumangon sa aking kama at
tinawagan si Brent, ang kasalukuyang pinakamalapit kong kaibigan. Kilala na
nito si Trev dahil sa madalas kong pagkukuwento sa kaniya. Hindi ko maiwasang
pag usapan siya lalong lalo na kapag namimiss ko talaga siya.
"Hello Brent."
"Oh Clyde, napatawag ka?" bakas
sa boses niya ang kalaliman dulot ng pagkaantok.
"Ah, eh, puwede ba akong magpasama sa
iyo?"
"Saan naman?"
"Sa mall lang, may gusto lang sana
akong bilhin."
"Hmm...ano namang bibilhin mo?"
"Mamaya ko na lang sasabihin.
Magkikita ba tayo or susnduin mo na lang ako?"
"Ahm, sige sunduin na lang kita, give
an hour."
"Okay, okay. Call me when you're near
na ah?"
"Sige, sige, I'll hang up na.
Bye."
"Okay! bye, thanks tol."
Agad akong bumaba. Rest day ngayon ni mama
at naabutan ko siyang nagwawalis sa sala.
"Oh baby, aga mo ata nagising
ngayon?"
"Ah, may lakad po kasi ako ma,
anniversary namin ni Trev ngayon remember?"
"Ay, oo nga pala! Naku namimiss ko na
talaga ang batang iyon. Babalik pa kaya sila kumareng Mitch dito sa
Pinas?"
"Hindi ko po alam eh. Wala pa namang
nababangit sakin si Trev tungkol sa ganyan."
"Hmm...ganun ba. Sana naman
magbakasyon sila dito kahit minsan minsan."
"Sana nga po ma, sige po maliligo na
ako at susunduin na ko ni Brent in an hour."
"Ah iyon ba yung poging pogi mong
kaibigan?" natawa naman ako sa pagkakadescribe ni mama kay Brent. Paminsan
minsan narin kasing dumadalaw sa bahay si Brent kapag wala siyang magawa sa
bahay nila. Natutuwa naman sa kaniya si mama dahil bukod daw sa napakaguwapo,
eh napakabait pang bata.
"Haha, opo ma. Siya nga."
Pagkatapos maligo ay agad akong
naghalungkat ng aking isusuot. Maya maya pa ay nakarinig ako ng tatlong
magkakasunod na busina. Sigurado akong si Brent na iyon kaha dali dali na akong
bumaba upang magpaalam na kay mama.
"Ma, andiyan na po si Brent, alis na
po ako."
"Cge, ingat ka baby."
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at
tinungo ang kotse ni Brent na nasa tapat na ng aming bahay. Nakababa ang
salamin ng pintuan kaya naman kitang kita ko si Brent. Kahit may ilang buwan ko
na siyang nakakasama ay ganoon pa din ang epekto ng kaguwapuhan niya sa akin.
Ngunit sa kabila nito ay isang matalik na kaibigan lamang ang turing ko sa
kaniya. Mahirap na kasi, nakakadala na. Binuksan ko ang pintuan at sumakay na.
"So, shall we go?"
"Oo, tara na." I smiled at him
and he smiled back.
Binagtas namin ang daan papunta sa mall.
Hindi naman maitatago ang pagtataka niya at wala pa rin siyang clue kung ano
ang pakay ko.
"Hm, ano bang bibilhin mo dito
Clyde?"
"Ah, bibili kasi ako ng cake para sa
anniversary namin ni Trev."
Napansin ko namag nagbago ang timpla ng
mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Nawala ang kaniyang ngiti at naging
blanko lamang ang ekspresyon. Kahit nagtataka ay hindi ko na lamang ito
binigyan pa ng pansin.
"Ah, ganun ba? para pala kay
TREV." bahagyang may diin ang pagkakabanggit niya sa pangalan ni Trev at
parang alam ko na kung ano ang dahilan.
"Ah, eh, oo. It's our 8th year
anniversary kasi."
Naging tahimik lamang si Brent at hindi ko
mabasa ang tinatakbo ng isip niya nang mga sandaling iyon. Pinagkibit balikat
ko na lamang and brushed off all assumptions in my mind.
Sandali lang ang naging biyahe sapagkat
hindi naman traffic nang araw na iyon at isa pa ay talagang maaga akong umalis
upang maiiwasan ito. He parked his car at bumaba na ako. Inaantay ko siyang
bumaba pero hindi ito nangyari.
"Ahm, Brent, hindi mo ba ako sasamahan
sa loob?"
"Hindi na, ikaw na lang ang bumilo
niyang cake para sa BESTFRIEND mo, baka makabagal lang ako sa iyo."
"Hmm, galit ka ba? iba kasi ang tono
mo eh, is there something wrong?"
"No, everything is fine. Just go ahead
I'll wait for you here na lang. My head just feels a little fuzzy." he
just gave off a smile and part of my heart know it's very fake.
Napabuntong hininga na lamang ako at
itinuloy ko na kung ano ang totoong pakay ko.
Brent's POV
Hindi ko maalis sa sarili ko ang inis na
nararamdaman. Hindi ko maitatangi ang aking pagseselos sa isang taong wala
naman dito. Alam kong magkaibigan lamang sila ni Clyde at kaibigan LANG din
naman ako kaya naman wala ako sa lugar to get jealous. I can not help myself
from doing so though. I think I've already fallen for the guy.
Pakiramdam ko'y napakacompatible ko sa
lalaking ito. Everything seems light whenever I am with him. My fears, my
frustrations, and my insecurities. Lahat ng ito ay napapawi ng mere presence
niya. Love, friendship, care, fun. Iilan lamang ito sa mga bagay na naranasan
ko sa company ni Clyde na hindi ko man lang naramdaman sa piling ng aking
pamilya. I know we're rich but we do not have a home and I know that no amount
of money could afford those things.
My mind was occupied dahil sa selos na
nararamdaman. Hindi ko na namalayan ang oras na dumaan habang nakikinig ng
music sa aking phone. Nakita ko si Clyde kasabay ng bugso ng mga papalabas
natao sa mall. He was holding a box of cake on his right and something on his
left.
Clyde's POV
Pagkatapos kong bumili ng cake ay dumaan
muna ako sa supermarket para bumili ng ice cream. It was Brent's comfort food
at batid kong may dinaramdam siya kahit hindi niya pa aminin sa akin. What I
bought was a simple greetings cake, vanilla flavored. Ito kasi ang paborito
namin ni Trev. Nakasulag sa cake ang mga katagang "Happy 8th year
anniversary bro! from your bestfriend Clyde :)". Plano ko kasing magtake
ng pictures at iaattach ko ito kasama ng message na isesend ko sa kaniya para
sa special day na iyon. I was excited and happy.
Paglabas na paglabas ko ng mall ay
dumiretso agad ako sa parking area kung saan ko iniwanan si Brent. He's still
there. Sitting steadily at nakasalpak ang earphones sa magkabila niyang tainga.
Binilisan ko ang aking paglakad dahil bakas ko na sa kaniyang mukha ang
pagkabagot.
"Hey, I'm done. Thank you very much
for waiting. Here." Inabot ko sa kaniya ang plastic ng ice cream na hawak
ko at kita ko ang kaniyang pagtataka.
"Ano to?"
"Ano pa ba sa tingin mo, eh di ice
cream." Nakita ko namang napawi nang bahagya ang simangot ng kaniyang
mukha. Dali dali niya itong binuksan nang parang isang bata.
"Are you bribing me?" Ang
nakangiti niyang tanong.
"Kung ayaw mo eh di ako na lang ang
kakain niyan." Akma kong inabot ang ice cream at agad niya naman itong
iniwas.
"Hmpp, binigay mo na 'to kaya akin na
'to. Wala nang bawian. Blehhh!"
Hindi ko napigilang matawa sa napacute ma
si Brent. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay isa siyang paslit. Ang
softer side niya, at gustong gusto ko ito sapagkat sa bahagi ng pag kataong
niyang ito siya pinaka vulnerable. Ngumiti ako sa kaniya hinalikan ko siya sa
noo. Ito kasi ang gesture ko kapag kimocomfort ko dati si Trev noong mga bata
pa kami. Hinawi niya naman agad ang mga labi ko sa noo niya ngunit alam kong
nangingiti siya.
"Para saan naman 'yon ha?"
"Hmm, wala lang. Pakiramdam ko kasi
may galit ka sakin eh. Pampawala ng inis mo sakin yang kiss na yan. Haha."
"Baliw ka talaga, hindi ako galit no,
and who said that I am mad anyway?"
"It shows, for some reason I just feel
it even if you do not tell me. Don't hide secrets from me please, i thought
you're my bestfriend?" Seryoso kong tanong sa kaniya pero hindi ko pa din
inalis ang ngiti sa aking mga labi.
"I'm not hiding anything, hindi ako galit
okay? Isa pa, alam ko naman talaga kung sino ang bestfriend mo."
"Haha, finally."
"Finally what?"
"Inamin mo din sa wakas." Isang
nakakalokong ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
"Inamin ang alin?"
"You're jealous right?"
Umiwas siya ng tingin at binaling ang
kaniyang attensiyon sa labas ng bintana.
"At bakit naman ako magseselos?"
Pansin ko na ang bahagya niyang pagkainis sa aming usapan kaya naman itinigil
ko na ang aking pangaasar sa kaniya.
"Hehe, nagbibiro lang naman ako.
You're special to me Brent, keep that in mind."
Alam kong napangiti siya sa sinabi ko.
Madali lang namang mahalin ang taong nasa harapan ko. Kahit minsan ay may
pagkaisip bata ito, I can not deny the fact that he is insanely hot as hell. A
brick of silence was between us as we sailed the road. My mind is still
occupied dahil sa excitement ko para kay Trev at sa kung aning surprise niya
para sakin for our anniversary.
I remembered the last time he surprised me.
He arranged a simple private dinner date para sa aming dalawa and God knows
kung gaanong kilig ang aking naranasan sa eksenang iyon. I literally felt like
a girl at kung hindi lamang straight si Trev ay talagang iisipin kong may
special feelings din siya para sa akin.
We reached home atlast. Kating kati na
akong magtake ng selfie pics para sa message ko kay Trev. I asked Brent if he
would like to stay in a while but he refused. Medyo sumama raw ang pakiramdam
niya kaya naman hindi ko na siya inabala pa although I know he is just making
up a cover para mapag isa na. Nagmadali akong pumasok ng bahay at dumiretso sa
aking kuwarto. I dug up my closet upang maghanap ng damit na isusuot. I wore a
cap and the bff shirt that Trev gave me on our last anniversary. I wanted to
make him feel that even though he is far away, I still value him and our
friendship, not to mention my feelings for him.
Kinuha ko ang aking digital camera and
strike several poses. Aliw na aliw ako sa pagseselfie nang mga sandaling iyon.
Nang matapos na ako ay agad kong pinili ang aking 10 best shots at sinave ito
sa aking laptop. Dali dali akong naglog in sa aking facebook.
I scrolled through my notifications at may
isang nakapukaw sa aking buong atensiyon.
"Trevor Martin Corpuz is in a
relationship." Pakiramdam ko ay biglaang lumamig ang aking paligid. Kakaibang
bigat sa aking dibdib ang nangingibabaw habang pinagmamasdan ko ang couple
pictures nila. They look so good together. The girl was a FilAm and is indeed
undeniably beautiful. Ano nga naman ang laban ng isang pamintang tulad ko sa
isang tunay na babaeng ubod pa ng ganda. Kung sabagay, wala naman akong
karapatang magselos dahil hindi naman ako pinangakuan, but still I could not
help my self from feeling God damn hurt and jealous.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.
Nawala sa isip ko ang ipinagdiriwang ko nang araw na ito. Ang kaninang
kasiyahan at pagkasabik na nararamdaman ko ay bigla na lamang naglaho at
natabunan ng paninibugho. Siguro nga ay hindi na ako dapat umasa pa na mahalin
din ako ni Trev. Ito na ang sagot niya sa sinabi niyang pagiisipan pa niya ang
mga bagay na nngyari sa amin. I was like blown away and shattered to pieces by
a roaring storm...masakit, mahirap, the torture was unbearable.
Itinuloy ko pa din ang pagbati sa
bestfriend. Although that time I was really hurting like thousand knives are
stabbing my heart, I've sent my pictures and my special message to him, with an
added note, "congratulations nga pala sa new relationship mo best."
Labag man sa kalooban kailangan ko itong harapin at hindi dapat maapektuhan ang
aking buhay.
I never did a thing afterwards, except
crying. Lahat ng maiiyak ko ay aking ibinuga oara maibsan man lang ang bigat na
daladala ng dibdib ko. Without thinking I called Brent. I calmed and and made
myself steady.
"Hello Brent."
"Yow, Clyde what's up, NEED
anything?"
"Hmm, I need your company, puntahan mo
naman ako dito sa bahay please."
"You sound strange, what happened
ba?"
"I just do not want to talk about it
ngayon, gusto mo bang mag sleeover ngayon dito? Nagpaalam na ko kay mama at ok
lang daw."
"Hmmm, you reallysound strange, I'll
be there, antayin mo ako. Want me to bring anything?"
"Dala ka ng beer tsaka pagkain, mag
movie marathon tayo at mag videoke."
"Wait a minute, eh hindi ka naman
umiinom eh, what's with the sudden request?"
"Basta Brent saka ko na lang
ikukuwento sayo. Antayin kita huh?"
"Okay , okay Clyde. Be right there in
an hour."
After an hour, narinig ko ang boses ni
Brent na kausap si mama. Sinabihan ko naman si mama na papuntahin na lang si
Brent sa kuwarto ko sa oras na dumating na ito. Dali dali naman siyang umakyat
at kumatok sa kuwarto ko. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad ko siyang
niyakap ng mahigpit kasabay ng aking mahinang paghikbi.
"Cl-yde, what happened?" ang
medyo gulat niyang tanong sa akin.
"I do not want to talk, I just wanna
stay like this for awhile. I need a shoulder at the moment." ang tugon ko
sa kaniya nang garalgal kong boses.
He wrapped his arms around me and hugged me
tight. Somehow he made me calm down, lighten the weight of my chest, and made
me felt secure in his strong arms. His scent was very hypnotic. I closed my
eyes and savor the moment together with Brent. Kumalas siya sa akin at pinahid
anmga luha sa namumugto kong mata. He held my cheeks and looked straight
through my eyes like he wanted to enter my soul in order to know what I am
thinking and what I am feeling. Finally, he talked...
"Just spill it out Clyde. I'm ready to
listen...
Itutuloy...
aaaaahhh... bitin much... haahaha
ReplyDeletesana po mkapag update agd author..
andun na o.. hahaa
jihi ng pampanga
Awww. Nakakalungkot naman. Anyways, nandyan na naman si Brent.
ReplyDeleteAuthor! Nabitin po ako. When po next. Update?
--- Rye Evangelista
i'll try my very bst na matapos to bukas at masend kay sir ponse hehe.
ReplyDelete-elocihn
so pd na pong mapost ngayon?? ahaha... excited lang e..ahaha
ReplyDeleteNext time sguro mga short story na lang ang gawin.Kahit saang sites ang daming incomplete o hinde tapos na storya, magaganda panam. Mostly sa suspense part..... naglaho na.
ReplyDeleteHuwag nyo nang pahabain ang storya palagay ko wala namang bumabasa ... boring kasi eh. Zzzzzzzz
ReplyDeleteAno na naman kayang Alibi
ReplyDeleteWala naman kwentang storya ito. Sabi nga ni Anonym @12:10 AM. BORING tapos hinde mo na sinundan. Huwag mo na lang ituloy at walang wala ka sa mga magagandang storya dito sa MSOB. Makibasa ka na lang. Ha ha ha
ReplyDelete