Followers

Wednesday, May 21, 2014

'Untouchable' [Finale]

This is it!

Happy Reading!

--
 
 
'Untouchable' [Finale]

5 years later

“Mr. Tan, I need you to cover a special assignment for me.” pagsisimula ng aming editor-in-chief, si Sir Larry nang makapasok na ako sa office niya matapos niya akong ipatawag. Tumango ako at umarteng interesado sa sasabihin nito, kahit pa sa loob-loob ko ay parang basag na basag na ako dahil sa nabalitaan kong balita mula kay mama kaninang umaga.

“Yes, sir?” tanong ko dito, pilit sinasabi sa sariling magfocus ako dahil trabaho ito, and that I should not let my personal life interfere with work—dapat magpaka-professional ako. That’s been my mantra eversince tumira kami dito sa States five years ago. Mahirap man, eh nakasanayan ko na rin ang buhay dito. Nakapagtapos na rin ako ng degree in the Languages at ngayon ay isa na akong feature writer sa isang Filipino-American news magazine sa New Jersey. Eversince, life’s been one slow rollercoaster ride.

Nakakalula, nakakatakot, pero mabagal at walang pagbabago.

“No one’s willing to take this project, and medyo kailangan na nating magmadali dahil dapat fresh pa ang balita once we publish it. Alam kong may balak kang umuwi ng Pilipinas in two weeks time, at okay lang ba kung medyo mapapaaga ka?” alangang tanong ng boss ko. Kahit pa matagal na siyang nagttrabaho, at ako’y kabago-bago pa lamang ay napakabait naman nito sa akin kung paano ako ituring at pakitunguhan kaya naman masaya ako dahil dito ako nakakuha ng trabaho.

Nagulat ako sa sinabi niya.

“You mean, I need to go to the Philippines just to get this story?” gulat na tanong ko dito, and I instantly saw him feeling apologetic. “Yes, that’s the thing... kaya walang willing magcover, and medyo importante ito.” sabi niya. “But sir? Wala pa po akong 5 months dito, and yet you’re okay with a neophyte like me to handle this?” tanong ko dito.

Bumuntong-hininga siya.

“To be honest? Yes. Magaling ka namang bata ka, eh. And don’t worry, all-expense paid naman ito. May budget naman tayo para sa malalaking story na gaya nito.” sabi niya pa. “May problema ba, Gab? May ayaw ka bang balikan sa Pilipinas?” concerned na tanong nito sa akin. Gusto kong sabihin na oo, na as much as possible ay ayoko ng bumalik ng bansa. Kahit pa pupunta ako doon in the coming weeks, ay sandali lamang akong lalagi doon at wala akong balak magtagal dahil matagal ko ng pinutol lahat ng koneksyon ko sa mga kakilala ko doon noong araw na umalis ako.

“No, sir. And if ever meron man po, I don’t see why it has to get in the way of my job as a writer.” sagot ko dito na siyang ikinatango niya. “Good. So is that a yes?” hopeful na sabi nito, at wala na akong nagawa kundi pumayag. “Excellent, Gab. Be ready to leave tomorrow before dawn.” sabi pa nito.

Pero sadyang hindi ako nakatiis.

“Pero, sir? Wala na po ba talagang iba?” pagpipilit ko pa rin.

“Sa totoo lang, ikaw talaga ang gusto kong pumunta doon dahil mas may chance na makaka-relate sa’yo ‘yung mga iinterviewhin mo because of your background, at dahil doon baka mas madali tayong makakuha ng information para matapos agad natin ‘tong coverage.” pagpapaliwanag niya na siyang ikinakunot ko ng noo. “What does that have to do with me?” tanong ko.

“The people you’ll be interviewing are from a Chinese family.” sabi pa nito, at tumango na lamang ako bilang tugon. “Ano po bang nangyari? Anong feature ba, sir? Business? Lifestyle?” tanong ko.

“Profile.” sagot niya.

“Sino naman, sir?”

“A huge businessman in QC. Mayaman, owns a big pharmaceutical company. Died of depression daw.” sabi niya. Pilit kong ginawang manhid ang sarili ko. Kung makapagbiro nga naman ng tadhana. Sa dinami-dami ng balita sa mundo, sa dinami-dami ng kwento na pwede kong isulat, ay dito pa talaga ako na-assign. Tumango na lamang ako at aktong lalabas na sana nang biglang magsalita si sir Larry.

“Gab, if you don’t mind? I know this is unlikely, but... is there a chance you’re related to this Ronald Tan?” tanong niya.

Tumigil ako sa kinatatayuan ko, dahan-dahan siyang hinarap at sinagot ang tanong niya.

“Yes, sir... I’m his son.” sagot ko bago tuluyang lumabas ng opisina niya.

--

“No way! But Gab... condolence. I’m so sorry, bro.” sabi sa akin ng roommate kong si Mac nang ibalita ko sa kanya ang magiging assignment ko. “But why did you... bakit tinanggap mo pa rin?” tanong pa nito. Humilata muna ako sa kama ko, bumuntong-hininga, at hinarap siya bago ko siya sagutin. “Hindi ko rin alam. Siguro gusto ko rin siyang makita one last time before... you know.” sabi ko dito.

“You know... pwede ka namang umiyak, I won’t judge or think less of you. Father mo ‘yun, eh.” sabi nito sa akin out of concern, pero alam kong hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko. Parang nagtatalo ang utak ko sa kung ano ang dapat kong isipin tungkol sa nangyari. I’m telling you, the last time I saw my father wasn’t one those fondest of memories. In fact, isa iyon sa mga pinakamasakit na tagpo ng buhay ko. We did not end on a good note, hence me leaving. And ang masakit is ni hindi man lang kami nagkapatawaran, or at least nagkaroon ng closure bago ito mamatay.

Gusto kong umiyak, dahil totoo, sobrang nalulungkot ako. Hindi sapat ang kung anumang salita upang ilarawan ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Si dad ang isa sa mga pinakamabait na taong nakilala ko. He always puts others before himself. Sayang nga lang at hindi ko siya nakasama ng matagal noong nabubuhay pa siya gawa ng mga komplikadong nangyari noong nakaraan, ngunit masaya na rin ako, that once in my life, I actually got to know him, that I actually felt complete... that once in my life, I’ve experienced the love of a father.

Pero for some reason, ay hindi ako makaiyak. Nang ibalita sa akin kanina iyon ni mama ay nagulat lamang ako at hindi nakapagsalita, pero ni isang emosyon ay walang mababanaag sa mukha ko. Si mama naman ay parang wala lamang sa kanya, kahit pa sa tawag lamang niya iyon ibinalita sa akin ay alam kong hindi iyon gaano kabigat sa kanya. Matagal na niyang sinasabi sa akin na wala na siyang pagmamahal na natitira pa para kay papa dahil siguro nakapagmove on na siya at isa pa, hindi naman talaga naging maganda ang mga nangyari sa pagitan nila.

“Ikaw daw photographer. So sasama ka rin, sorry ngayon ko lang naalala.” pahayag ko kay Mac. Matapos kong sabihin kay sir ang kaugnayan ko kay papa ay agad itong humingi ng tawad at binawi ang project sa akin, ngunit sinabihan ko itong okay lamang ako. Napaisip siya at sinabing papasamahan na lamang daw niya ako kay Mac para may back-up daw ako in case hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Sabi ko sa kanya ay hindi na iyon kailangan, ngunit nagpumilit ito, kaya heto kasama kong aalis ng America si Mac bukas para sa special assignment na ito.

Nagulat siya sa sinabi ko, ngunit imbes na mainis ay natuwa pa ito. “Yown! Matagal na rin since nakauwi ako sa atin. Siguro mag-eight years na?” sabi pa nito. “Eh bakit kasi hindi ka umuuwi, eh ang yaman-yaman mo naman! Pwede ka ngang magpabalik-balik doon, eh. Alam mo, Mac? Matagal ko ng gustong itanong ‘to sa’yo. Bakit ka ba nagtitiis sa maliit nating publishing outfit, eh pwede ka namang mag-embark sa ibang career?” tanong ko dito. Mayaman kasi ang ungas, at nagtapos sa isang kilalang film school dito sa States. Ngunit kahit may pagkaspontaneous sa mga desisyon niya sa buhay ‘tong si Mac ay isa siya sa mga piling tao kung saan wala akong agam-agam mag-open up. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko pa rin naikkwento sa kanya ang mga nangyari sa buhay ko na nagdala sa akin dito sa America. Ang tanging alam lang niya ay umibig ako, at nasaktan.

“I want to be myself. Ayokong umasa na lang sa iba. I took photography for a reason. Pinaglalaban ko ang mga bagay na mahal ko, simple lang. I don’t really care about the money. As long as hindi ako nagugutom and I have some luxuries here and there, okay na ako.” sagot nito. “Gab, if you don’t mind, anong name ng father mo so we can look him up already para maka-start na rin ako sa concept ng layout, graphics and stuff for the feature?” tanong nito.

“Ronald.” sagot ko.

“Ronald Tan?” tanong nito.

Tumango ako bilang sagot. Napansin kong natigilan ito, parang nakakita ng multo. Napansin kong nanigas ang katawan nito. Bigla-bigla naman itong napabalikwas at binuksan ang laptop niya at dali-daling nagtype ng kung anu-ano. Tumayo ako at pinuntahan si Mac sa kama niya. Nang makita ko ang ginagawa niya ay nakita ko na lamang ang ilang mga larawan ni papa sa laptop niya. Frozen pa rin siya, at parang nakakita ng kung anong hindi kapani-paniwala.

“Siya ba... ‘yung tatay mo?” nanghihinang tanong niya sa akin. “Pero imposible, Gab... ang alam ko dalawa lang anak ni tito.” at doon sa sinabi niya ay sadyang nagulat ako. Paano naman niya iyon nalaman, at bakit niya tinawag na “tito” si papa? “How did you know? Kilala mo ba si papa, Mac?” tanong ko dito, bakas pa rin ang gulat at pagtataka sa boses ko. “Paano ka niya naging anak, Gab?!” iritang tanong nito muli sa akin, kaya naman wala na akong nagawa kundi ipaliwanag dito ang pagiging anak sa labas ko. Nang matapos ako ay nabigla na lamang ako sa naging reaksyon niya.

Nagulat na lamang ako nang makita ko siyang umiiyak, at hindi lamang basta iyak, humahagulgol siya na siyang ikinalarma ko.

“Hoy, Mac! Umayos ka nga. Ano bang nangyayari?”

“S-so, kapatid mo si Selah and si... si C-Caleb?” malungkot nitong tanong sa akin. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

“Ano bang meron, Mac? Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ko sa kanya.

Tumayo ito, pumunta sa cabinet niya at mula sa mga gamit niya ay may kinuha itong isang kahon. Pumunta siya sa kama niya at inilapag ang kahon doon. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, at may kinuha siyang isang picture frame mula sa loob noon. Pinagmasdan niya iyon sandali bago ipinakita sa akin. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang dalawang taong magkasama sa frame.

Dalawang batang teenager, mukhang mga nasa High School pa, ang magkaakbay at nakangiti sa larawan. Isa doon, sa kaliwa, ay si Mac. At ang isa... si Caleb.

“Mac! Si Caleb ‘to ah?”

Nagulat na lamang ako sa sumunod na tinanong niya sa akin.

“Gab, si Caleb ba? Nakkwento ba niya ako sa’yo? Naalala niya pa ba ako? Galit pa ba siya sa akin, Gab?” umiiyak nitong tanong sa akin. Gusto ko sana siyang sagutin o gaguhin dahil wala na talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari, sa mga pinagsasasabi niya, at sa inaakto niya. Ngunit dapat intindihin ko na lamang ito dahil kung anuman ang pinagdadaanan nito ay mukhang may kabigatan nga, at isa pa, sino ba namang mag-aakalang may pinagdaanan pala sila ni Caleb?

“Uhm... wala, eh. Wala naman siyang nababanggit na may pangalang Mac.” sagot ko dito.

“Wala talaga siyang Mac na ikkwento sa’yo, because Migs ang tawag niya sa akin. May nasabi ba siya sa’yo about me, Gab?”

Franco Miguel Acuña... Mac... Miguel... Migs.

At nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay tila isang bomba ang sumabog na ikinatigil ng mundo ko.

Siya si Migs, ang taong unang minahal ni Caleb.

“I...kaw si Migs?” nagugulumihanan kong tanong dito.

Tila nagliwanag naman ang mukha nito, ngunit kung gaano kabilis nangyari iyon ay isang bilis din naman ng pagdilim muli nito. “So naikwento na pala niya ako sa’yo... and he’s still mad at me, right?” malungkot na tanong nito. “Hindi lang siya galit, he’s broken because of you.” diretso, ngunit mahinahon kong sagot dito. As much as I want to be mad at him, for some reason ay hindi ko magawang magalit dito. Sa tinagal ng pagkakakilala ko kay Mac ay nakagaanan ko na rin ito ng loob, at isa pa, dahil sa pagiging journalist kahit sa maikling panahon ay natutunan kong huwag magpadala sa emosyon at kunin ang panig ng lahat ng kampo sa isang storya.

“I’ve been such a coward, Gab. I know hindi ito magandang rason, pero natakot lang talaga ako sa sasabihin ng ibang tao... kaya ko siya sinaktan. Kasi alam kong sa huli, masasaktan ko rin siya, eh at ayokong... ewan.” naiiling nitong pahayag.

“Siguro panahon na rin para itama ang lahat ng naging pagkakamali mo. Malay mo kaya tayo babalik para itama lahat ng pagkakamali natin.” wala sa sarili kong pahayag dito. Nagkatinginan kaming dalawa ng panandalian, tila binabasa namin ang isip ng isa’t-isa, hanggang sa basagin ni Mac ang katahimikan.

“Babawi ako kay Caleb.”

--

Matapos kong malaman ang lahat, at kahit shocked pa rin ako mula sa nalaman ko ay sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magfocus at maghanda na para sa pag-alis ko kinabukasan. Naging busy ako buong maghapon kaka-console kay Mac, or should I say, kay Migs. Hindi ko pa rin maisip na sa dinami-dami ng tao eh kaming dalawa pa ang pagtatagpuin ng tadhana. Sino ba naman ang mag-aakalang sa dinami-dami ng Miguel sa mundo, eh itong Miguel pa na naging kasintahan noon ni Caleb ang makakasama ko sa trabaho?

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si mama at magpaalam.

“Hello, ma. I’ll be leaving for Manila tomorrow.” bungad ko dito. Narinig ko naman ang pagsinghap nito bilang reaksyon sa naging pahayag ko.

“Ano? Eh paano na? So babalik ka ulit after 2 weeks? Naka-book na ‘yung flight mo for our vacation, ah.” sagot nito sa akin.

Bumuntong-hininga ako.

“My boss wants me to do a feature and cover about dad’s death.” sabi ko kay mama.

“Kaya mo ba?” nag-aalalang tanong nito. Ito pa pala ang isang bagay—at malamang ang tanging mabuting bahay—na naidulot ng mga kaguluhang nangyari noon. Ngayon ay mas naging close na kami ni mama at lahat ng galit ko dito ay tuluyang nawala na. Dahil din dito ay tuluyan na niyang natanggap ang pagkatao ko at patuloy na niya akong binibigyan ng suporta sa lahat ng mga balak ko sa buhay na siyang ikinatutuwa ko talaga ng lubusan.

“Yeah... at isa pa, gusto ko rin naman makita si papa sa huling pagkakataon.” malungkot kong sabi kay mama.

“Okay. I understand. Bale hanggang kailan ka magtatagal doon?” si mama.

“I still don’t know. Depende po. I can send my article online, pero siguro gusto kong bumalik na rin dito as much as possible... pero kung magtatagal man ako, I’ll tell you... Ibig sabihin lang noon may inaayos pa ako.” makahulugan kong pahayag kay mama. Alam kong alam niya kung ano iyong mga bagay na tinutukoy ko na aayusin ko. Siguro ay pagkakataon na rin para harapin lahat ng mga balakid sa buhay ko.

I just want to be happy.

“Sige, Gab. Mag-iingat ka. If you’re extending, makitira ka muna sa mga Tita Grace mo. May susi rin siya ng bahay natin, kaso lilinisin mo pa, pero pwede ka roon kung gusto mong magsolo.” bilin ni mama.

“Yep. Sige, ma. Bye, ingat din po kayo diyan.” pagpapaalam ko.

“And Gab...”

“Yes, ma?”

“Be brave. Alam kong masakit pa, pero maging matapang ka. Bye.” sabi nito at agad-agad binaba ang telepono, na siyang dahilan kung bakit hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.

“Maging matapang ka, Gab.” sabi ko sa sarili ko.

--

“Gab, what if Caleb doesn’t accept me? What if... may iba na pala?” bulong sa akin Migs habang nakasakay kami sa taxi. Oo, nakabalik na kami ng Pilipinas, as much as I despise the fact, nandito na kami. Ni hindi ko nga masyadong naalala ang plane ride na nangyari pabalik dahil lahat ng laman ng utak ko ay tanging naka-focus lamang sa mangyayari ngayong araw na ‘to. Kung saan kami ibababa ng taxi na ito ay siya ring na pinakakinakatakutan ko.

Bigla ko namang pinag-isipan ang tanong ni Caleb, and to be honest, it hit me real hard. Ngayon lang talaga nagsi-sink in sa akin kung paano ko na lamang biglang inabandona ang buhay ko dito sa Pilipinas matapos lahat ng nangyari. Iniwan ko lahat ng mga taong importante sa akin ng walang paalam, ng walang paliwanagan, ng walang koneksyon, ng walang komunikasyon. Maging lahat ng social networking sites ko ay dineactivate ko na. I wanted to have a clean slate when I moved to the states.

But it was more complicated than I thought.

Ngayong tinanong ako ni Migs ukol sa bagay na ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa sarili, ng pagsisisi, ng takot. Prangkahan na lang, kahit pa limang taon na ang nakalipas simula nang umalis ako, at kahit sa panahong iyon ay marami na akong nakilalang iba’t-ibang taong may potensyal para mahalin ko ay for some reason ay hindi ko magawang buksan ang puso ko para sa kanila. Sarado ang puso ko na kahit kanino, dahil isang tao lang naman ang nasa loob nito.

At dahil sa tanong ni Migs ay hindi ko maiwasang maisip ang taong iyon, at kabahan kung matapos ng limang taon ay napatawad na ba niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ang taong mahal ko, nakahanap na kaya siya ng bagong mamahalin matapos ko? Alam kong masyado siyang nasaktan sa nakita niya noong gabing iyon, at hindi malayong nakahanap na siya ng iba, pero sa totoo lang... aaminin ko.

Noong gabing iyon, wala akong naramdaman sa halik ni Caleb.

Ang taong iyon lamang ang tanging sumagi sa utak ko habang nakalapit ang labi ni Caleb sa labi ko. Nakaramdam ako ng guilt, ng galit sa sarili kung bakit ba ako nagpadala sa agos ng mga pangyayari nang gabing iyon at hinayaan si Caleb na gawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto, ng isang bagay na mali. Mali hindi dahil sa magkapatid kami, mali dahil committed na ako sa ibang tao, at doon ko naiintindihan kung saan ang pinanggagalingan ni Justin.

“Justin.”

Hindi ko mapagtanto ngayon kung paano ko siya haharapin, dahil sa katotohanan na... mahal ko pa rin siya. Sobra. Tila walang naidulot ang limang taon naming pagkakalayo upang alisin ang pagmamahal kong nakalaan para sa kanya. Ganoon talaga siguro kapag masyadong importante at mahal mo ang isang tao, na kahit gaanong tagal ang panahon ang lumipas ay hinding-hindi noon mapapawi ang pagmamahal na meron ang puso. Sabi nga nila, love is the greatest force, talo pa nito ang oras.

Parang si Migs. Kahit mga pito o walong taon na siguro sila mula ng huling magkita ni Caleb ay parang sariwa pa rin ang mga sugat sa kanya, dahil ang pagmamahal niya para sa kapatid ko ay hindi nabawasan ni katiting man lang.

“Kung may iba man siya, let him be. Kung masaya naman siya doon sa tao, you should not deny him from his happiness.” wala sa sarili kong banggit dito. Bumuntong-hininga siya at tila nanlulumo. Ramdam ko ang kaba ni Migs, at alam kong ramdam din niya ang pagririgodon ng puso ko ngayon dahil sa mga susunod na mangyayari. Naikwento ko na rin kay Migs nang gabing iyon kung ano ba talaga ang nangyari sa akin sa Pilipinas, at maging ang naging pagtingin ko noon kay Caleb ay naikwento ko na rin dito kahit medyo nagkailangan kami ng panandalian dahil doon.

“You did fine for so long, maybe... after this trip, matutuldukan na rin ‘yang paghihintay mo. Maybe it will end, because you two will end up together, or maybe... it will end because... dapat maghanap ka na ng bagong taong mamahalin, but I hope that’s not the case. Alam kong mahal ka pa rin ni Caleb kahit matindi ang galit niya sa’yo. Kaya ka nga nandito, ‘di ba? Aside from work, siguro dapat pareho na rin natin trabahuhin ang mga personal na buhay natin while we’re here.” pahayag ko.

Katahimikan.

“Gab, what was your last memory of your father? And what happened after?” tanong niya sa akin na siyang nagpabalik-tanaw sa akin sa ilang mapapait na alaala. Oo, mapait, ngunit ngayong narealize ko ng iyon nap ala ang huling pagkikita namin ni dad, kahit pa hindi maganda iyon, ay buong buhay ko iyong aalalahanin kahit pa masakit ito.

“Hindi maganda, pero nangyari na ang nangyari, eh.” sagot ko bago ko simulang magkwento.

--

Flashback.

Tiningnan ko ang pintuan ng bahay na kinatatayuan ko. Bumuntong-hininga muna ako bago ko tuluyang kinatok ang pinto. Napaisip ako, at natawa sa loob-loob ko. Sino nga bang mag-aakala na babalik pa pala ako sa lugar kung saan ako nagsimula? Na dito rin pala ako hahantong, at dito rin pala matutuldukan ang panibagong kabanata ng buhay ko?

Dito rin pala ako magsisimula ng panibago.

Tuluyang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa akin ang babaeng nakagisnan ko na buong buhay ko, ang babaeng nag-aruga at nagpalaki sa akin, ang babaeng minsang nagdulot ng isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko na siyang punong dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyon ngayon. Siya ang babaeng nagsimula ng lahat, at ang babaeng binalikan ko.

“Anak!” gulat na bulalas ni mama pagkabukas niya ng pinto.

“Ma.” matamlay kong bati dito. Napansin kong magtatanong pa ito, ngunit nang madako ang tingin niya sa mga dala kong gamit ay parang nahulaan na nito ang pakay ko ngayon. “Halika na. Pumasok ka na sa loob, nakapagluto na ako.” pag-anyaya nito sa akin. Agad-agad naman akong tumalima at sinundan papasok ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay ay hindi ko maiwasang hindi mangulila dahil talaga namang na-miss ko na ang lugar kung saan ako halos lumaki. Kahit pa noong bata pa ako ay palipat-lipat kami gawa nga ng tinatago ako ni mama kay papa ay dito sa bahay na ito kami pinakanagtagal. Dito ko rin siguro nabuo ang kabuuan ng kung sino ako ngayon.

Napansin kong sa pagmumuni ko ay hindi man lang ako nilisan ng mga mapanuring tingin ni mama. Alam kong may naiisip na siya kung bakit bigla-bigla na lang nagpakita ang anak niyang pinalayas niya noon, ngunit ayaw lamang nito magtanong marahil siguro ay gusto niyang ako mismo ang magsabi sa kanya ng kusa. Nararamdaman ko rin na may kutob siya na mabigat ang dahilan ng pag-uwi ko at ng pagbalik sa puder niya, ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina ay pinilit niyang manahimik at hayaan akong kusa na magsabi sa kanya.

“Ma, pwede bang dito muna ako?” pagbasag ko sa katahimikan.

Sa sinabi kong iyon ay kinabahan ako dahil baka kahit payagan niya ako ay pagsabihan niya ako ng kung anu-anong mga bagay o pangaralan ako sa di makatarungang paraan. Kahit pa siya ang kasama ko halos buong buhay ko ay alam kong may ugali si mama na siyang hindi ko gusto. May mga pagkakataon at mga sitwasyon kung saan hindi bukas o makitid ang utak niya base sa mga pananaw niya. Iyon ang ikinatatakot ko ngayon. Ayoko ng mapagsabihan, dahil sa totoo lang, parang sasabog at babagsak na ako dahil sa bigat ng mga pinagdadaanan ko.

“Oo naman. Hindi ba’t sabi ko sa’yo kahit anong oras pwede kang bumalik dito?” kalmadong pahayag ni mama na siyang ikinagulat ko. Walang kahit anong bakas ng panunuya o paninisi sa boses niya, at ang isa pang ikinagulat ko ay nang maramdaman ko ang concern mula sa kanya sa unang pagkakataon sa mahabang panahon. Tila natuwa ang puso ko dahil sa isang simpleng bagay na ipinakita sa akin ni mama.

“Ano bang nangyari?” maingat na tanong nito, at doon ay nagdesisyon na akong ikwento sa kanya ang mga bagay na naganap kagabi.

--

Flashback.

“Papa...” kinakabahan at nagulat kong bulong sa ere nang madatnan ko ang takang-taka at iritableng mukha ni papa. Sa likod niya ay si tita Audrey na tila concerned at nag-aalala sa kung anumang komosyon ang nangyari ngayong disoras ng gabi.

“Anong meron dito? Bakit kayo nag-aaway? Gab, Justin? Bakit kayo umiiyak?” authoritative na mga tanong ni papa. Doon ay kinabahan na ako. Hindi ko alam kung sino sa amin ang unang magsasalita, ang magiging matapang para sumagot. More importantly, kung sasabihin ba namin ang totoong nangyayari sa kanila. Ang daming mga tanong ang nagsilabasan, ngunit ayoko munang pagtuunan ang mga iyon ng pansin.

“Caleb?” baling naman ni papa kay Caleb, gawang wala siyang makuhang reaksyon man lang sa amin ni Justin.

Bumuntong-hininga ito, at sa aking pagkagulat, at pagkadismaya... ipinaglaban niya ako sa harap ng mga magulang niya kahit wala man lang kasiguraduhan. Ngunit ang inaakala kong Caleb na magiging palaban, na sasagutin o bubulyawan ang kanyang ama, ay naging parang isang batang mahina, at biglang nagmakaawa na lang kay papa.

“Dad, I know I’ve been a disappointment for so long, alam kong ang dami kong atraso sa’yo... and I’m sorry because I’m about to disappoint you more, but dad... mahal ko si Gab... higit pa sa isang kapatid.” nakapikit nitong sabi, at tila hinihintay ang magiging reaksyon nito. Doon na ako nagsimulang matakot talaga, at maging si Justin ay naramdaman kong hindi niya inasahan ang pagtatapat na iyon ni Caleb.

Lalong umigting ang takot na nararamdaman ko nang makita ko ang biglang pamumula ng mukha ni papa.

Sabi nga nila, kapag daw nagalit ang isang mabait na tao, ay nagiging nakakatakot ito. Ganoon din ang nasaksihan ko kay papa. That moment, tila ibang tao na ang nasa harapan ko. Mula sa pamumula ng mukha niya ay unti-unting kumunot ang noo niya hanggang sa tuluyan ng lumabas ang galit sa mukha niya. Agad niyang nilapitan si Caleb at sinampal. Walang sinabi si papa, ngunit tila mas malakas pa sa malakas na sigaw ang ginawa niya dahil ramdam na ramdam ko ang gusto niyang iparating. Si Tita Audrey naman ay parang estatwa lamang na nakatayo sa isang gilid at tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Galit. Disappointment. Pandidiri. Kalungkutan.

Lumuhod si Caleb sa harapan ni papa at yumuko, ngunit dahil sa pag-alog ng mga balikat nito ay alam kong umiiyak na ito. Nang batukan niya si Caleb habang nakaluhod pa rin ito ay doon na ako nakapagdesisyong sumabat.

“Dad, tama na po!” pagpigil ko kay papa.

Agad naman niyang binaling ang atensyon niya sa akin at binigyan ako ng isang matalim na tingin.

“You stay out of this, Gab!” bulyaw niya sa akin na siyang nakapagpa-atras sa akin. Binaling niyang muli kay Caleb ang atensyon niya at ang mga sumunod na nasaksihan at narinig ko ay mga bagay na hindi ko kayang ilarawan, dahil sadyang masakit. Hindi ko mahinuha kung paano masasabi ni papa ang mga ganoong uri ng bagay sa anak niya.

Ngunit... talaga namang nagkamali kami. Isang malaking pagkakamali ang pagmamahalan namin ni Caleb.

At ang mas masakit pa? Ang mga salitang sinabi sa akin ni papa nang matapos siya kay Caleb.

“Bukas, uuwi na tayo. At bukas, Gab, gusto kong umalis ka na sa amin. Ayoko ng sirain mo pa ang pamilya namin.”

--

Sabihin na lamang natin na hindi naging maganda ang nangyari kaya narito ako ngayon sa kinalalagyan ko ngayon. Tiningnan ko si mama at hinintay ang reaksyon nito. Kinakabahan ako, dahil may posibilidad na huhusgahan—or worse, papangaralan o papagalitan—ako ni mama. Ngunit alam kong dapat akong maging matapang at harapin ang consequences ng mga nangyari, at isa sa mga iyon ay ang sabihin kay mama ang katotohanan kung bakit ako biglang tumakbo pabalik sa puder niya.

“At pagkatapos po noon, pagdating namin sa bahay, kusa na akong umalis.” pagtatapos ko sa kwento ko kay mama. Wala ng sinabi si mama tungkol sa kinwento ko, at imbes ay umarte na lamang na parang walang nangyari, ngunit banaag pa rin dito ang pag-aalala para sa akin. Ang buong akala ko ay hanggang dito na lamang talaga ako, at wala ng magagawa para ayusin pa ‘tong gulong nangyari sa buhay ko.

Until one opportunity came.

--

“And then, she told me that we’re moving to the States. Matagal na rin kasing ayos ang documents ko, and she’s been saving the trip for quite some time, pero ayun nga... nahiwalay ako sa kanya because pinalayas niya ako dati. So tinanong niya ako if I want to move there. Napaisip ako, but then in the end, I agreed. Gusto ko rin namang makapagsimula, Migs.” pagtatapos ko.

Tumango ito.

“We’re here.” aniya, at nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi niya ay tiningnan ko ang paligid, at hindi ko maiwasang makaramdam ng nostalgia dahil sa pagiging pamilyar ng lugar. Binaybay namin ang village na kinatitirikan ng bahay nila papa hanggang sa marating namin ang isang pamilyar na bahay. Bumaba kami ni Migs, dala ang dalawang hand-carry luggages na tanging bitbit namin galing Amerika, at doon namin nadatnan kung gaano karaming tao ang nakiramay sa burol ni papa.

Naramdaman kong parang malamig ang hangin, bigla na naman akong kinabahan. Pakiramdam ko ay tila nabawasan ng buhay ang bahay na nasa harapan ko, na parang nalantang bulaklak. Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding lungkot, at unti-unting pangungulila habang papasok na kami sa bahay nila papa, na minsan ko na rin naging tahanan.

Nang makapasok kami ay doon ko nakita si Selah at si Tita Audrey sa harap ng urn ni papa, nakaupo lamang at tahimik na tinitingnan ang mga labi ng ama ko. Mula sa kinatatayuan ko ay naaninag ko ang pagkawala ng buhay sa mga mata ni tita Audrey, na siyang dati ko pang hinahangaan dahil sa pagiging mapupungay ng mga ito. Si Selah naman ay miya mong isang lantang bulaklak na unti-unti ng namamatay.

“Tita.” pagbungad ko sa kanila. Tumingin silang dalawa sa direksyon namin ni Migs at doon ay naaninag ko ang pagkagulat nilang dalawa sa pagdating ko. Agad tumakbo ang dalawa at bigla akong kinulong sa mahihigpit na mga yakap.

At doon na naganap ang matagal ko ng pinipigilan.

Naiyak na ako, dahil tuluyan ko ng naramdaman ang totoong sakit ng pagkawala ni papa, ang taong matagal ko ng hinahanap simula noong pagkabata pa ako, ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang ama kahit sa panandaliang panahon, at ang taong kinupkop at tinanggap ako ng buong loob noong wala akong malapitan.

Nilapitan ko ang urn ni papa at doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak. Inilabas ko na lahat ng emosyon na matagal ko ng tinatago, at doon ay sinabi ko na ang isang katagang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya, isang katagang kahit kailan man ay hinding-hindi ko na masasabi sa kanya ng harapan, dahil... wala na siya.

“Dad, I’m so sorry.”

--

”Buti nakaabot ka pa. Huling gabi na ng burol ni Ronald.” sabi sa akin ni Tita Audrey. Inaya niya muna akong magstay sa study area nila para mas tahimik at mas makapag-usap daw kami ng masinsinan. “Oo nga po, eh. Actually, there’s another reason I’m here. I have a story to cover.” sabi ko kay tita. Parang nalungkot naman ito dahil sa sinabi ko, at nang mapagtanto ko kung bakit ay agad ko namang pinabulaananan ang sinabi ko. “Pero syempre po, pupunta talaga ako kahit walang trabaho. Siguro nagkataon lang po talaga.” sabi ko.

Tumango naman ito.

“Tita, I know it’s a dumb question, but... how are you? Alam ko pong masakit, pero sana po kayanin niyo para kay Selah at Caleb.” sabi ko rito. Tumango ito at mukhang maiiyak na naman bago sinimulang magkwento.

“Gab, sising-sisi si Ronald sa ginawa niya sa inyo ni Caleb. Ilang araw matapos ka niyang palayasin, hinanap ka niya. Wala siyang ideya kung saan siya magsisimula. Sinuyod niya ang buong Metro Manila, naghire siya ng investigators, pero wala siyang nakita. Ni hindi ka na namin ma-contact after noon. Nasaan ka ba? Alalang-alala kami sa iyo. Kamusta ka na after all these years?” ani ni tita.

“Bumalik po ako kay mama. After noon, pumunta kami ng Cebu dahil may inayos po siyang matters sa family business, and then after a few days, I flew to the States. Nakapagtapos na rin ako ng college doon. Now, I’m a journalist para sa isang maliit na magazine sa America.” pagsagot ko sa tanong niya.

“I’m glad that naging okay ka naman. Gab, gusto ko lang malaman mo how sorry your father is after—“

“No, tita. Naiintindihan ko po kung saan siya nanggagaling. Ako po ‘yung nagkamali. Ni minsan hindi ako nagtanim ng galit kay dad.” depensa ko.

“Salamat.”

“Tita, maiba po ako... nasaan si Caleb?” tanong ko, at doon ay ang kaninang malungkot na mukha ni tita ay tila lalong nalungkot dahil sa tanong ko na siyang ikinataka ko. Hindi ko pa rin kasi nakikita si Caleb buhat nang dumating ako dito.

“Nag... naglayas siya.” buntong-hininga ni tita na siyang ikinagulat ko ng husto.

--

Nang makarating ako sa kwarto ko sa bahay nila papa ay hindi ko maiwasang matuwa dahil walang pinagbago ang itsura nito. Maging ang ilang gamit na iniwan ko roon gaya ng ilang pabango ay nandoon pa rin at tila walang nakialam. Pansamantala muna kaming namalagi dito ni Migs para magpahinga bago kami umuwi sa bahay namin nila mama mamayang gabi matapos ang misa para kay dad. Dito ko na rin napagdesisyonang sabihin sa kanya kung ano ang nalaman ko patungkol kay Caleb galing kay tita Audrey.

“Fuck.” ang naging reaksyon ni Migs nang ibalita ko rito ang nalaman ko mula kay tita Audrey. Hindi siya nagsasalita, dahil alam kong nagulat, nalilito, at nalulungkot ito. Hanggang sa may napansin akong hindi natural na pamumula sa kanang pisngi niya. Tiningnan ko itong maigi at doon ko nakumpirma na hindi ito basta-basta pamumula lamang.

“Sinong sumampal sa’yo?” diretsong tanong ko dito.

“Selah.” simpleng sagot nito.

“Why?!” gulat na taong ko.

“Para kay Caleb. Ganti daw sa ginawa ko.” maikling paliwanag nito.

“I’m worried, Gab. After this, magpapaalam ako kay sir. Hindi muna ako babalik ng US. I’ll find him... no matter what.” sabi ni Migs. Inencourage ko na lamang ito sa balak niya at sinabihang magiging ayos din ang lahat dahil sa totoo lang ay wala na akong ibang maisip na makapagpapa-lakas ng loob nito. Makalipas ang ilan pang minuto ng sumunod na katahimikan ay nagdesisyon akong lumabas muna para mag-entertain ng mga bisita. Ni hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin ng mga tao gawang anak lamang ako sa labas ni daddy. Ang iniisip ko na lamang ay sa pamamagitan nito ay parang napaglingkuran ko na rin si daddy sa huling pagkakataon.

Ang kwarto ko ay ang tanging bedroom (bukod sa maid’s quarters) na nasa ground floor, gawang hinabol lamang ito. Dati itong isa sa tatlong guest rooms na matatagpuan sa kabuuan ng bahay. Ang lokasyon nito ay malapit sa common CR, kaya naman hindi na nakapagtataka na kung papalabas ako ay maaaring may makasalubong akong bisita na gagamit ng banyo.

Ngunit hindi ko inasahan ang taong makakasalubong ko.

“Gab?!” gulantang na bungad sa akin ni Trisha na parang nakakita ng isang multo. Maging ako ay nagulat nang magkasalubong kaming dalawa. Matagal ko na rin hindi nakikita o nakakausap si Trisha, at agad akong nakaramdam ng guilt, dahil tila parang lahat ng mga tao dito, kasama na siya, ay pinagtabuyan ko na nang pumunta ako ng Amerika sa pamamagitan ng pagputol ng lahat ng paraan ng communication.

Bigla akong bumalik sa realidad nang maramdaman ko ang isang malakas na sampal sa pisngi ko.

I stared at hear, aghast.

“Putangina mo! Aalis-alis ka ng walang paalam! Alalang-alala ako sa’yo! Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo! Akala ko patay ka na, Gab! Ni wala akong natanggap ni isang balita mula sa’yo. Ni tawag, ni text, or kahit e-mail or PM man lang sa facebook, wala!” galit na galit na pabulong na bulyaw nito sa akin. Halatang nagpipigil lamang ito ng emosyon niya. Pretty sure ay gustong-gusto na ako nitong bugbugin dahil sa ginawa ko.

“Sorry, Trish... I didn’t know what to do. I was so lost, I wasn’t thinking properly. Hindi ko dapa—“ at naputol ang sinasabi nang bigla ko na lang maramdamang yakap-yakap ako ni Trisha.

“Gab... I missed you... and I’m sorry.” pahayag nito, na siyang ikinataka ko.

“What fo—“

Bigla siyang nagtatakbo paalis, ng walang pasabi.

Bakit?

--

Buong gabi akong nag-entertain ng mga bisita. Pilit kong pinapakita na kahit pa anak ako sa labas ni papa ay malakas ang loob ko na harapin sila, ipakitang may silbi ako, at parte ng pamilyang ito kahit papaano. Buong gabi rin akong binabagabag sa mga inaakto ni Trisha kanina. Alam kong ang sorry niya ay hindi dahil sa pakikiramay niya sa pagkamatay ni dad, o ni sa pagsampal niya sa akin. Nararamdaman kong may mali, na parang may hindi magandang nangyari habang wala ako kaya ito ganito.

Isa pa, kahit alam kong sabik siyang makita ako ay basta-basta na lamang itong umalis ng nagmamadali, na parang ayaw akong makausap. Hindi niya ako matingnan ng diretso sa mata, at dahil doon ay siguradong-sigurado akong may mali. Ang pinaka-lohikal na bagay na naiisip kong dahilan ng paghingi niya ng sorry sa akin ay... siguro may nagawa siyang kasalanan sa akin.

Pero ano?

Ano bang posibleng kasalanan ang nagawa niya para umarte siya ng ganoon?

“Kuya, the mass will start na.” dinig ko sa boses ni Selah na nanggaling mula sa likuran ko. Tiningnan ko siya at tinanguan. Sinundan ko siyang makarating sa sala ng bahay namin kung saan gaganapin ang misa para sa huling gabi ng burol ni dad. Umupo kaming dalawa sa harap, kaharap si Tita Audrey. Ipinagdasal ko ang kaluluwa ni dad sa misa, at maging ang sarili ko, pinagdasal ko na rin, dahil parang may bahagi ng pagkatao kong nagsasabi na dapat ay maghanda ako sa isang malaking pagsubok na darating.

Matapos kong tumanggap ng komunyon ay napansin kong marami-rami rin palang tao ang dumalo sa misa sa bahay namin. Nagulat na lamang ako nang may mahagilap akong mga pamilyar na mukha. Nakita ko sila Josh, Matt, at maging ang isa pa naming kaibigan noong High school na si Janine na nakaupo sa isang sulok. Nasipat ko rin si Sari na mataimtim na nagdadasal sa isang sulok, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nagtagpo ang mga paningin namin. Tinanguan ko sila Josh at dahan-dahang umupo sa kinappwestuhan ko.

Nang biglang may maramdaman akong parang isang pwersa na nagsasabi sa aking lumingon ako sa kabilang direksyon, sa direksyon sa likuran ko opposite sa kinapupwestuhan ni Josh. Dahan-dahan, ipinihit ko ang ulo ko sa direksyong iyon, at doon nakita ko ang dahilan ng lahat ng kabang nararamdaman ko. Nakita ko ang binatang matagal ko ng inaasam makita, ang taong mahal ko. Sa unang beses sa loob ng halos anim na taon mula noong huli kaming magkita ay nagtama ang mga mata namin.

Naaninag ko sa mga mata ni Justin ang iba’t-ibang emosyon: pagtatanong, gulat, at malamang sa malamang, sakit. Matapos ang mahabang panahon ay banaag pa rin kay Justin ang sakit na naidulot ng isang malaking di pagkakaintindihan, ng isang malaking pagkakamaling nagawa ko. Oo, isang halik lamang iyon na hinayaan ko, but it caused me almost everything that I have. Napansin kong katabi niya si Trisha, na nakaplaster pa rin sa mukha ang kaba. Hindi ko alam kung ano bang meron, pero talagang kinakabahan ako at nararamdaman kong parang may bagay akong hindi alam na ayaw sabihin ng mga tao dito sa akin.

Unang kumalas ng tingin niya si Justin, habang ginawa ko ang makakaya ko para pigilan ang sarili kong gumawa ng kahit anong kahihiyan sa gabing ito. Ramdam ko agad ang sobrang pangungulila para sa kanya, ang galit sa sarili dahil sa ginawa ko, ang guilt, at kung anu-ano pang mga bagay na tila kumakain sa sistema ko. Dito ko napatunayan na, kahit limang taon na ang lumipas, ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Nang matapos ang misa ay muli kong tiningnan ang kinauupuan ni Justin, at sa kasamaang-palad ay wala na ito doon. Naiwan na lamang si Trishang mag-isa.

--

Sinadya ko talagang manmanan ang mga ikinikilos ni Trisha. Nang magpaalam siya kay tita Audrey ay agad ko siyang sinundan palabas ng bahay. I’ve decided to settle the real score once and for all. Kung anuman ang tinatago ni Trisha, kung anuman ang tinutukoy niya sa pagso-sorry niya ay dapat malaman ko na iyon ngayon din. Parang hindi ko na kasi kakayanin kung pagtatagalin pa ito.

Hinablot ko ang kamay niya na siyang dahilan para mapatingin siya sa akin. Laking gulat niya nang madatnan kung sino ang humawak sa kanya. Agad siyang nagpumiglas mula sa pagkakahawak ko, ngunit hindi ko siya hinayaang makatakas.

“Trisha, tell me ano bang meron? Bakit ka nagkakaganyan?!” pagdemand ko dito.

Napansin kong maiiyak na siya, at patuloy pa rin itong nagpupumiglas ngunit hindi ako nagpatinag at imbes ay lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko dito. Doon ay nasipat ko ang isang singsing sa isa sa mga daliri niya, na siyang lalo kong ikinagulat.

“Tapatin mo nga ako, Trisha. Ano bang meron?” utos ko rito.

At tila napagod na siyang manlaban, at sa panahong iyon ay napansin kong tila nanghina ito, na tila naubusan na siya ng lakas para pigilan ako. Unti-unti kong niluwagan ang hawak ko sa kanya. Bumuntong-hininga ito at nagsalita.

“Mahal mo pa ba si Justin?” tanong nito na siyang ikinagulat ko. “Please be honest, Gab.” dagdag pa nito.

“Oo... sobra. Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya after all this time. Sana ay hindi pa ako huli.” pag-amin ko rito. Dahil sa sinabi ko ay tuluyan na siyang napahagulgol. Nabigla ako at as if by instinct ay sinubukan ko siyang aluhin, ngunit mas lalo kong ikinagulat nang ipagtabuyan ako nito.

“Huwag kang lalapit, Gab!” banta ni Trisha.

“Trish! Ano ba kasing meron? May kinalaman ba si Justin dito?”

“Gab. Mahal kita, dahil kaibigan kita. Mahal kita dahil tinuring na kitang kapatid. Gab... wala kang ginawa sa akin na masama for you to deserve this. Alam kong after mong malaman kung anuman ito, baka hindi mo na ako ituring na kaibigan, pero maiintindhan ko. I will understand, because ako naman talaga ang tanga, ako ang nagkamali. At naiinis ako dahil ikaw ang nasaktan ko dahil sa kagagahan ko!” litanya niya.

Magsasalita na sana ako ang bigla niyang sabihin ang totoong dahilan, ang bagay na kanina ko pa sinusubukang hulaan... ang bagay na dahilan kung bakit hindi ako mapakali.

Sa tanang buhay ko, ni hindi ko pa naranasan ang ganitong uri ng kalungkutan. Parang paulit-ulit akong binabaril dahil sa narinig ko kay Trisha. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Doon ay alam ko ng huli na ang lahat, na talo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang tanging bagay na naririnig ko sa utak ko ngayon ay ang parang sirang plaka na linya ni Trisha na nagpaguho ng mundo ko.

“Gab, I’m pregnant with Justin’s baby.”

Parang wala ako sa sariling nagtatakbo palayo kay Trisha matapos noon. Naririnig kong sinisigaw niya ang pangalan ko, ngunit ayokong sumunod ng mga paa ko at huminto. Gusto ko munang magpakalayo-layo sa lugar na iyon, at takasan ang katotohanang narinig ko mula sa mga labi ni Trisha. Hindi ako makapaniwala na tapos na ang lahat. Huli na ang lahat.

Tapos na ang lahat.

Bumalik ako ng bahay at ginawa ko ang makakaya ko para hindi ako mahalata ng mga tao. Nang marating ko ang kwarto ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa nang makita ko si Migs. Agad ko itong niyakap at doon na ako nagsimulang maglabas ng mga emosyong kanina ko pa pinipigilan. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay unti-unti kong inilabas sa kanya, ngunit alam kong kahit gaano katagal akong umiyak ay walang magbabago sa masakit na katotohanan, at doon ako mas lalong nalungkot at lalong naiyak.

“Gab, ayos ka lang ba? Anong nangyari?” gulat ngunit nag-aalalang tanong niya sa akin.

“My fight’s over, Migs... wala na akong pag-asa kay Justin.” umiiyak kong sumbong dito na parang isang bata.

“What? Why? How?” naguguluhang mga tanong nito.

For the first time, lumabas ang mga mapapait na salita mula sa labi ko.

“Nabuntis niya ‘yung kaibigan kong si Trisha, and I assume na ‘yung singising na nakita ko sa daliri niya ay bigay ni Justin. Magpapakasal na sila.” pahayag ko. In an instant, I saw Migs soften at tila ba mas lalo pa niyang pinag-igihan ang pag-aalo sa akin.

“And ang mas masakit pa, hindi ko magawang magalit kay Justin! Oo, masakit ang ginawa niya pero wala akong karapatang magalit dahil ako ang nang-iwan, ako ang nanakit! Nasaktan ko si Justin at iniwan ko na siya ng tuluyan ng walang closure when I moved to the States. He has all the right to do whatever he wants in his life not concerning me... pero puta Migs, ang sakit kasi kaibigan ko pa...

“At hindi ko rin magawang magalit kay Trisha kasi nga, wala na naman ako sa eksena kaya malaya siya para makipag-commit kay Justin, at isa pa... ang laki ng utang loob ko sa kanya kaya wala akong karapatang magalit. Migs, ang sakit sakit kasi mahal na mahal ko pa ‘yung tao... tapos... tapos...”

Naramdaman ko na lamang ang paninikip ng dibdib ko na napansin ni Migs kaya naman bigla itong nataranta at hinanap ang inhaler ko sa loob ng bag na dala ko. Habang hinihintay siya ay patuloy pa rin ang pahirapan sa paghinga, ang paninikip ng dibdib ko. Tila ba ilang oras na lamang ay mawawalan na ako ng malay. Bigla na lamang akong may naramdaman na kung anong nakasuksok sa bibig ko at doon ay sininghot ko ang gamot mula sa inhaler.

Matapos ang ilang minuto ay unti-unti na rin akong kumalma at nakahinga ng maayos. Ang natatandaan ko na lamang ay si Migs na mismo ang nagpaalam para sa akin kay tita Audrey at kahit pa nagpumilit si tita na doon na kami patulugin ay hindi ito sumang-ayon at nagdahilan na lamang ito ng kung ano para mapapayag si tita sa huli.

In the end, we ended up in his house nearby sa halip na pumunta pa kami sa mga tita ko at mang-abala, o sa bahay namin dati ni mama at maglinis na isang lalong mas malaking abala. Laking pasalamat ko naman sa pagiging mabait ng caretaker ng bahay nila Migs. Kasama na rin kasi niya ang pamilya niya sa America kaya naman taga-bantay na lamang ang nakatira dito.

Nang marating namin ang kwarto niya ay para ba akong isang pinatay na kandila dahil agad na lamang akong nakatulog matapos kong humiga sa kama niya.

--

Kinabukasan ay nagtipon-tipon kami sa simbahan sa loob ng village nila papa para doon gawin ang huling pagbabasbas sa mga labi nito. Nagising ako ngayong umaga na tila ba pagod na pagod, na hinang-hina, at higit sa lahat, lungkot na lungkot dahil sa mga mangyayari. Tila ba unti-unti na talagang nagsi-sink in sa akin na wala na ang tatay ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang iyon.

Marami pa akong bagay na dinadala. Unang-una ay ito nga, ang paghahatid namin kay papa sa huling hantungan niya maya-maya lamang. Ikalawa ay ang hindi pa rin pagpapakita ni Caleb na lubusan ko talagang ikinalulungkot. Alam kong marami siyang pinagdadaanan ngunit hindi ko mapigilang magalit sa pagiging immature nito sa ‘di pagsipot sa libing ng kanyang ama. Ito na nga ang huling pagkakataong madadatnan niya ang labi nito at hindi pa rin ito magpapakita. Sa kabilang banda ay napapansin ko rin na malungkot si Migs dahil nga sa disappearance ng kapatid ko. I know that he’s trying to set aside his emotions para maging sandigan ko siya in this difficult moment, pero I know that he’s also hurting a lot inside. At ang huling bagay na dinadala ko ngayon ay ang katotohanang nalaman ko kagabi mula kay Trisha. Alam kong hindi ito ang tamang panahon para magmukmok sa mga ganitong uri ng bagay. Kaya naman ginaya ko si Migs at pansamantalang isinantabi ang mga personal kong problema.

Lahat na ata ng pwede kong maiiyak ay naiyak ko na matapos kong marinig ang eulogy ni tita Audrey para kay papa. Ramdam ko sa kanya ang sakit ng mawalan ng taong minamahal. Ramdam ko sa mga salita ni tita na hindi pa rin niya tanggap, ngunit gustong-gusto niyang magpakatatag para sa pamilya niya. Nang matapos ito ay umupo muling ito sa tabi namin ni Selah.

“Gab, do you want to say something for your dad?” tanong nito na siyang ikinagulat ko.

“Tita, okay na po. Baka hindi ko po kayanin.” sagot ko sa kanya.

“Sige na, Gab. Do it for him.” pagpilit ni tita. Bumuntong-hininga ako at nilakasan ang loob ko. Tumayo ako at nagpunta sa harapan ng maliit na simbahan. Ininda ko na lamang ang mga bulung-bulungan na narinig ko mula sa mga tao. Alam ko na ang pagiging anak sa labas ko ang dahilan kung bakit ako nahuhusgahan ngayon, pero hindi iyon dapat maging basehan para husgahan ako ng mga taong ito.

“Uhm... Magandang tanghali po. It’s not a secret that I was a child conceived outside of marriage, from another woman. And yes, alam ko naman na marami dito na siguro hinuhusgahan ako, na sa tingin siguro ng iba eh makapal ang mukha ko sa pagtayo ko dito sa harap niyo.” pagsisimula ko bago tumawa ng mapait. “Pero iba si papa. We had a rough start. At first, I was mad at him not only because of the fact that I grew up without a father, but mostly because he was never there for me while I was growing up. Bata pa lang ako, alam ko na ang posisyon ko sa pamilya niya. I’m never going to get the same treatment, the same recognition, and the same love because anak nga lang ako sa labas.

However, things happened and our paths crossed. Naramdaman ko ‘yung pagmamahal ng isang ama na matagal ko ng inaasam because of him. I’m happy that even though sa maikling panahon ay nakilala ko si dad ng lubusan, na naramdaman ko for once ang pagmamahal ng isang ama... Dad, thank you for everything. My heart will forever be grateful for all the things you taught me, for welcoming me into your home, for the love you’ve selflessly given to me. And dad... I’m so sorry. I know that we did not end on a good note, but that did not make me love you any less. I know that you’re finally in a better place, watching each and everyone of us... I love you, dad.” pagtatapos ko. Tumigil na ako bago pa mawala ang composure ko dahil sa sumasabog na mga emosyong nararamdaman ko sa loob-loob ko.

Habang pabalik ako ng upuan ay napansin ko ang isang taong naglalakad papunta sa altar. Natigilan ako at marahil doon ay lumingon ang lahat ng tao papunta sa likuran.

“Caleb!” sigaw ni Tita Audrey at dali-daling humangos papunta sa direksyon ng naglalakad na si Caleb. Kaming dalawa din ni Selah ay sumunod kay tita. Si Selah ay lumapit at niyakap ang kapatid niya. Ako naman ay walang ginawa. Lumapit nga ako sa kanya ngunit di ko man lamang siya niyakap. Ewan ko ba sa sarili ko, pero hindi ko talaga magawa iyon.

Lumapit kaming mag-anak papunta sa altar, at hinayaan ko na lamang ang tatlo na damayan ang isa’t-isa habang ako’y nakikinig lamang sa mga iyak at hinagpis ng tatlo. Si Caleb ay walang tigil sa kakahingi ng tawad sa papa niya, kinakausap ang urn na pinaglalagyan ng abo nito na tila si papa talaga ang nasa harapan niya. At bigla kong naalala si Migs at nang ibaling ko ang atensyon ko sa kanya ay miya mong di mawari ang lungkot sa mga mata nito. Kitang-kita ko doon ang gulat at pangungulila niya para sa kapatid ko, ngunit wala siyang magawa na tila ba isa siyang istatwa na nakatigil lamang sa kinauupuan niya.

--

Matapos namin ihatid ang mga labi ni papa sa sementeryo ay agad-agad kaming bumalik sa bahay kasama si Caleb. Maging si Migs ay sumama rin pabalik sa amin ngunit humiwalay muna ito para mabigyan kami ng sandaling panahon bilang pamilya matapos ang lahat ng nangyari. Tahimik kong pinagmasdan si Caleb habang kumakain kaming apat ng hapunan at napansin ko ang tila ba pagbagsak ng katawan nito. Halatang-halata dito ang pagpayat, ang pag-itim ng ilalim ng mga mapupungay niyang mata. Napansin ko rin ang papatubong bigote sa ibabaw ng labi niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa at hindi ko na naitago ang awa ko para sa kanya. Tahimik ang hapag-kainan at ramdam na ramdam sa kabahayaan ang kawalan ni papa. Agad naming tinapos ang pagkain namin at naghiwa-hiwalay na ng mga landas tungo sa kanya-kanya naming kwarto. Nagtext naman sa akin si Migs na gusto niyang makausap si Caleb, kaya naman sinabi ko sa kanya na kakausapin ko muna ito bago siya dahil may mga issues pa kami mula sa nakaraan na kailangan ng matuldukan.

Pumunta ako sa kwarto ni Caleb, ngunit nang buksan ko ang pintuan niya ay hindi ko ito makita. Sinuyod ko ang buong bahay hanggang sa madatnan ko siya sa may garden at tahimik na nakatingin sa kalangitan. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan muna siyang mabuti bago ako tuluyang nagsalita.

“Kamusta ka na, Caleb?” tanong ko dito.

“Malungkot.” simpleng sagot nito.

“Ano bang nangyari sa’yo? Ba’t naglayas ka?” mahinahong mga tanong ko dito. At doon ay binalingan na niya ako ng tingin.

“Anong klaseng tanong ‘yan, Gab?! Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Fuck, Gab... I searched everywhere para makita lang kita. After that night things were never the same around the house. Dad treated me differently, and ako pakiramdam ko nakakulong ako, pakiramdam ko sasabog na ako ng tuluyan. Pero nag-isip ako, alam ko masama pero hinintay ko munang maka-graduate ako bago ako naglayas para tuluyan na akong makatayo sa sarili kong mga paa.

“Gab, ang sakit ng ginawa mo. Iniwan mo ako sa ere. Kung hindi mo ako mahal, o kung mahal mo ako pero ayaw mo o hindi mo kaya, sana man lang sinabihan mo ako! Hindi ‘yung tatakasan mo na lang ‘yang mga problema mo dito! Putangina mo, Gab! Duwag ka! Isa kang malaking duwag!” bulyaw ni Caleb sa akin. Hindi ko na ikinagulat iyon, at imbes, mas ikinagulat ko pa dahil hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya sa akin.

“I’m so sorry, Caleb.” ang tangi ko na lamang nasabi.

Katahimikan. Doon ako kumuha ng pagkakataon para i-text si Migs na maaari na siyang pumasok ng bahay namin.

“Bakit ba lahat na lang kayo, iniiwan ako? Ano bang mali sa akin? Nagmahal lang naman ako, eh... wala namang masama doon. Pero bakit ang sakit-sakit? Wala naman akong ginagawang masama kundi magmahal ng iba. What did I do to deserve this? “ paglalabas ni Caleb ng sama ng loob. “Pero okay lang ‘yon. I forgive you, Gab... sanay na naman akong masaktan.” dagdag pa nito.

Niyakap ko ito, at kahit hindi ko ginusto ay hinalikan ko siya sa labi. Isang mabilis na halik, isang halik na nagtatakda ng katapusan ng nararamdaman ko sa kanya. Tila nakuha naman niya ang ibig sabihin ko doon dahil sa matabang na ngiting ibinigay nito sa akin.

“Thank you for everything, Caleb. And I’m so sorry sa lahat ng ginawa ko sa’yo. Pero alam ko kung paano ako makakabawi.” sabi ko rito.

“Caleb.” rinig kong boses na nanggaling sa likuran namin. Hindi ako tanga para hindi malaman kung sino ang nagmamay-ari noon. Binaling ni Caleb ang tingin niya sa likuran namin at nang madatnan niya roon si Migs ay tila ba para itong nakakita ng multo. Agad itong tumayo mula sa kinatatayuan niya at nagtatakbo paalis ng garden. Sinubukan namin siyang habulin ni Migs, ngunit nabigo kami. Umakyat ito sa kwarto niya at narinig kong pabalang nito sinara ang pintuan at ikinandado ito.

“Galit pa rin siya, Gab.” buntong-hininga ni Migs.

Umiling na lamang ako at pumunta sa pinaglalagyan ng mga reserbang susi ng mga kwarto sa bahay. Kinuha ko ang para sa kwarto ni Caleb at ibinigay iyon kay Migs.

“You know what to do. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito.” sabi ko rito. Tumango ito at nagmadaling tinahak ang daan tungo sa kwarto ni Caleb.

--

Sa wakas ay natapos ko na rin ang article na ipinagawa sa akin ng EIC namin. Akala ko ay mahihirapan akong isulat ang mga bagay tungkol sa buhay ni papa, ngunit ikinagulat ko na naging madali lamang iyon para sa akin. Muli kong pinroofread ang write-up na naisulat ko nitong nakaraang isang oras bago ko iyon tuluyang ipinadala sa boss ko for approval. I closed my laptop and laid on bed, handa na para matulog nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Pasok.” sabi ko.

Pumasok si Selah sa kwarto ko at tinabihan ako sa paghiga.

“Anong meron?”

“I can’t sleep, kuya. Puro sigawan sa kabilang kwarto. Ang daming hugots.” sabi nito. Natawa na lamang ako dahil natuwa ako at sa wakas ay nagkaharap na rin ang dalawa matapos ang mahabang panahon.

“Hayaan mo na. Kailangan nila ‘yon.” sagot ko sa kanya.

“Paano mo nakilala si Migs? And fuck, ngayon ko lang nalaman ‘yung totoong story ni kuya.” sabi ni Selah.

“It’s a long story, but to make it short, roommates kami sa US kasi co-workers kami. What are the odds, right?”

Katahimikan.

“So ano ng balak mo this Saturday?” tanong niya sa akin matapos kaming matahimik.

“Ano bang meron sa Sabado?” tanong ko rito.

“Trisha’s wedding.” sabi ni Selah. Muli ay naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Bakit parang ang bilis naman ata ng mga nangyayari? Ni wala pa ngang closure na nagaganap sa amin ni Justin. Ni hindi pa nga ako nakapagpapaliwanag rito, eh tapos ito na agad. Masyado ng masakit. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Selah at imbes ay nagkunwari na lamang akong tulog.

--

Nagdesisyon akong magjogging sa village namin kinabukasan para na rin matanggal ang stress na nararamdaman ko and to take my mind off from certain problems. Pagkabihis ko ay lumabas na ako mula sa kwarto ko nang maalala ko ang tungkol kay Caleb at Migs. Something inside me led me to be curious. Kaya naman umakyat ako papunta sa kwarto ni Caleb, idinikit ko ang tenga sa may pintuan niya at sinubukan ko kung may mapapakinggan akong kahit anong tunog mula sa kwarto niya.

Katahimikan.

Aksidente kong nahawakan ang doorknob, at doon ko napansin na nagturn ito, isang indikasyon na hindi naka-lock ang pintuan. Kaya naman dahan-dahan kong itinulak ang pintuan ng kwarto ni Caleb at maingat na tiningnan ang paligid.

Needless to say, sa mga nagkalat na mga gamit, sa mga nahubad na mga damit, at sa magkatabi at magkayakap na si Caleb at Migs na himbing na himbing pa rin ang pagtulog, ay masasabi kong naging maganda ang kinalabasan ng mga bagay-bagay. Hindi ko na lang binigyang-pansin ang mga bagay na ginawa nila at imbes ay napangiti na lamang ako dahil masaya ako para sa kanila.

Syempre, nainggit ako, pero alam ko namang wala akong magagawa, eh. Ang magagawa ko na lamang siguro ngayon ay ang maghintay para sa taong sasagip sa akin mula sa sakit na nararamdaman ko ngayon, at sa kakulangang pilit kong pinupunan sa buhay ko noon pa lamang.

Lumabas ako ng bahay namin at pinlano kong tumakbo mabagal lamang para ikutin ang ilang parte ng village namin. Doon ako napatingin sa harap ng bahay namin. Mabuti kong tiningnan ang bahay ni Justin. Gusto ko pa sanang magtagal, ngunit naisip kong lalo ko lamang papahirapan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, kaya naman bago pa ako hindi makapagpigil ay dali-dali na akong nagtatakbo hanggang sa makalayo ako ng lubusan sa bahay nila.

Para na siguro akong siraulo dahil sa naiisip ko. Pero siguro siraulo na talaga ako ngayon. Ito sigurong pagtakbo ko ngayon ay tila ba isang representation ng gusto kong gawin sa buhay ko ngayon – takbuhan ang lahat ng mga problema ko at huwag ng harapin ang mga iyon. Gaya ng sabi sa akin ni Caleb, isa nga akong malaking duwag.

So might as well panindigan ko na rin ang pagiging duwag ko.

“Gab!” tawag sa akin ng isang boses mula sa likuran ko na siyang ikinatigil ko.

Pakiramdam ko ay tila ba manlalambot ang mga binti ko dahil sa tinig niya. Umiling ako sa loob-loob ko at ginawa ko nga ang palagi kong ginagawa, tumakbo ako. Tumakbo ako dahil gusto kong lumayo. Tumakbo ako dahil ayoko siyang harapin. Tumakbo ako dahil takot ako. Takot akong harapin ang lahat ng ito, ang katotohanan na kahit kailan ay wala na akong magagawa, na wala ng pag-asa.

Ang katotohanang kasalanan ko ang lahat.

Naramdaman ko ang pwersahang pagtigil ng katawan ko, ang pag-ikot nito paharap kay Justin. Hawak niya ang dalawa kong braso at pakiramdam ko ay I’m at my lowest. Pilit niya akong pinatitingin sa mukha niya, ngunit ako ay nanatiling nakayuko upang maiwasan kong titigan iyon. Doon na niya pilit iniangat ang mukha ko gamit ang palad niya, at doon ay nagtagpo ang mga mata namin.

Banaag ko sa mukha niya ang pangungulila, ang lungkot.

Bigla niya akong kinulong sa kanyang bisig at doon naghari ang katahimikan. Sinubukan kong damdamin ang yakap niya, dahil may posibilidad na maaaring ito na ang huling pagkakataong magagawa niya ito sa akin. I’ve decided to go back to the US after this, since wala na rin pala akong dahilan para magstay. Pumikit ako at pinakiramdaman ko ang katawan niya sa katawan ko. I want to save this memory of him, because this might be the last. Wala na akong pakialam kung may makakita sa aming dalawa.

“Gab, na-miss kita.” bulong nito sa akin.

--

Naupo kami ni Justin sa clubhouse sa loob ng village—ang lugar kung saan una kaming nagkakilala, at dahil sa alaalang iyon ay hindi ko maiwasang maging sentimental, ngunit pilit kong itinago ang mga nararamdaman ko dahil ayokong makita niya na mahina ako. Ako ang may kasalanan sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, at wala akong karapatang magreklamo dahil in the first place ay kagagawan ko ito.

“I’m so sorry, Justin... for what happened that night.”

“Matagal na kitang napatawad. Alam ko na ang katotohanan, naging biktima ka lang ng situation. I talked to Caleb, and nagisisi ako kung bakit hindi kita pinakinggan that night. If I did, wala sana tayo dito, masaya pa rin sana tayo. Hindi ka sana umalis, hindi sana ako naiwan dito ng mag-isa.” emosyonal na pahayag ni Justin.



“For the second time, natalo na naman ako.” mapait kong pahayag. “I’m happy for you and Trish. At least kayong dalawa ang magkakatuluyan. Alagaan mo ang magiging anak niyo, ah.” wala sa sarili kong bilin dito. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha nito, ngunit dali-dali naman bumalik ang lungkot na kanina pa niya nararamdaman.

“Gab... hindi ko gusto ang nangyari, ‘yung pagkabuntis ni Trish. Muntik na akong mabaliw nang malaman kong pinalayas ka ni tito. Lalo akong na-frustrate when they could not find you. ‘Yung nangyari sa amin ni Trisha, it was a drunken mistake.”

“Do me a favour, Caleb... mahalin mo si Trisha. Mahalin mo ang magiging anak niyo. Please.” at doon ay hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Sunud-sunod na naglabasan ang butil ng mga luha mula sa mga mata ko. “Pareho kayong mahalaga sa akin, kaya alagaan niyo ang isa’t-isa. Iyon lang ang hiling ko, Justin. Sana mapagbigyan mo ako.”

Sandali siyang natahimik.

“Just so you know, Gab... I never stopped. Hindi ako tumigil, kasi hanggang ngayon, nandito ka pa rin eh.” sabi nito sabay turo sa dibdib niya. “Pero dahil kasalanan ko naman ‘to, at dahil ikaw ang nagsabi, gagawin ko ‘to para sa’yo... kahit masakit para sa akin, kahit nasaktan na naman kita... gagawin ko.” pangako niya. “And if you’d do me one favour?” tanong niya.

Hinintay ko na lamang ang susunod na sasabihin niya.

“Please be there tomorrow. Gusto kitang makita sa araw ng kasal namin.”

--

Araw ng kasal nila Trisha at Justin. Siguro sasabihin ng ibang tao na isang katangahan, o isang kamartyran ang gagawin kong pagdalo dito, ngunit dahil nga sa nangako ako kay Justin ay pinilit kong tumupad dito. Naisip ko na lamang na matapos ang kasal ng dalawa ay agad na akong didiretso sa airport. Kagabi ay nagbook na ako ng flight pabalik ng America, at kahit sobrang namahalan ako ay wala na rin akong naging pakialam dahil isa lamang ang gusto kong gawin matapos ang lahat ng ito, ang umalis ng Pilipinas at muling magsimula ng panibagong buhay sa America.

I dressed simply. Nagsuot ako ng isang dark blue long-sleeved shirt, slacks, at leather shoes. Ni hindi ko na nagawang ayusin ang buhok ko dahil sinadya kong bagalan ang mga kilos ko kanina, at ngayon ay mala-late na ako dahil sa ginawa kong iyon. Nakipagtitigan muna ako sa sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko roon sila Migs at Caleb na masayang nagsasalo ng kanilang agahan. Kitang-kita ko sa mga mata ni Caleb ang lubusang kasiyahan na ngayon ko lang napansin sa kanya. He deserves it, of all people. Matagal na rin siyang naghintay para sa happiness niya at ngayong dumating na ito, ay masayang-masaya ako para sa kapatid ko.

Nang madatnan ako ng dalawa ay agad nanamlay ang aura ni Migs.

“So pupunta ka pa rin?” paniniguro nito.

I just shrugged him off.

“Ano bang meron, Gab? Bakit nakasuot ka ng ganyan?” clueless na tanong ni Caleb sa akin.

Magsasalita na sana ako nang ikwento ni Migs kung ano ang mangyayari.

“Huh? Anong si Jus—“

“Kuya!” tili ni Selah na tila ba tarantang-taranta. “Bakit? Ayos ka lang ba, Selah?” takang tanong ni Caleb dito. “Wala lang hehe.” sagot niya.

“Oh, bakit parang ako lang ang nakabihis? Hindi ba kayo invited sa kasal ni Justin?” nagtatakang tanong ko sa dalawang magkapatid, dahil come to think of it, bakit nga kaya hindi sila imbitado? Hindi ba’t kahit papaano ay nagkaroon din naman sila ng samahan? Isa pa, magkapit-bahay lamang ang mga ito kaya lubusan talaga akong nagtataka.

Magsasalita na sana si Caleb nang biglang sumabat na naman si Selah.

“Basta! It’s complicated! Susunod na lang kami sa church. Mauna ka na, kuya! You’re gonna be late, dali!” pagmamadali sa akin ni Selah, to the point na itinutulak na niya ako papalabas ng bahay namin. Bigla naman niyang inabot sa akin ang susi ng isang kotse.

“Para saan ‘to? Magcab na lang ako.” sabi ko rito.

“Hay nako, kuya. I insist. Take it. Susi ‘yan nung Montero, ‘yung puti ah, not the black one.” sabi nito sa akin. “Good luck, kuya! Kaya mo ‘yan.” pagpapalakas ng loob nito sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Napailing na lamang ako at nagtungo sa garahe namin para kunin ang sasakyan. Once all is settled, bumiyahe na ako tungo sa simbahan sinabi sa akin ni Justin.

--

Pagdating ko ng simbahan ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Pumasok na ako at nakita kong marami ng tao, at busy ang lahat sa pagsasa-ayos ng mga huling detalye ng kasal. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, ang kaibigan kong si Juno. Nang magtagpo ang paningin namin ay tila ba isa itong bata sa naging reaksyon niya.

“Gab! Ikaw ba talaga ‘yan?!” hindi makapaniwalang bati nito sa akin.

“Hindi.” sarkastiko kong tugon dito.

“Kamusta ka na? Bakit ka ba biglang naglaho na lang?” mga tanong nito sa akin. “Long story, pero nagpunta ako ng States kasi doon na tumira si mama. Basta, next time na lang natin pagkwentuhan.” sabi ko rito. Tumango naman ito at tiningnan ang paligid.

“Single ka ba ngayon?” biglang tanong nito.

Natawa ako at tumango.

“Ako rin! Alam na.” biro nito, at hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi batukan ito.

“Uy, joke lang. Ito naman!” depensa nito sa akin. “Who would’ve thought na sa ating tatlo eh si Trisha ang unang magpapakasal? Pag-ibig nga naman, nakapagpapabago sa mga tao.” wala sa sariling sabi ni Juno to no one in particular.

“Oo nga, eh. Siguro mahal talaga nila ang isa’t-isa.” mapait kong tugon.

“Oo naman, nako kapag nakilala mo ‘yung boyfriend ni Trisha kitang-kita mo kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.” sagot nito.

“Huh? Eh kilalang-kilala ko mapapang-asawa noon eh!”

“Ah oo nga pala, kuya ni—“

“Juno!” tawag ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako at nadatnan ko si Justin na nakasuot ng isang itim na Amerikana. For a groom, I’d say that he definitely looks the part. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko dahil hindi ito ang tamang panahon para isipin ang ganoong uri ng mga bagay. “Long time no see!” sabi ni Justin kay Juno. Naramdaman kong dinaanan ako nito ng tingin, but I chose to ignore it. Ngunit kita ko sa mga mata ni Justin ang saya dahil tumupad ako sa pangako niya.

Nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa magpaalam si Juno matapos tawagin ng isa sa mga wedding coordinators. Narinig kong ilang minuto na lamang ay dadating na si Trisha.

“May surpresa ako sa’yo.” pahayag ni Justin. Magtatanong pa sana ako ngunit bigla itong umalis ng walang pasabi at sumali na ito sa hanay ng mga kasali sa entourage. Hindi ko na lamang sinabi sa Napansin kong kinausap niya ang nanay niya na siyang napatingin sa direksyon ko. Nginitian ko na lamang silang dalawa at naghanap ng mauupuan. Bago pa man ako makausad ay napukaw ng atensyon ko ang sabay-sabay na pagdating nila tita, Selah, Caleb, at maging si Migs. Niyaya nila akong umupo na medyo ‘di-kalayuan mula sa altar.

Iiyak na ba ako? Iyon ang unang sumagi sa isipan ko nang mapagtanto ko na ganito ang typical na eksena sa mga telenovela kapag ang ikakasal na ang taong mahal mo sa iba.

Nagsimula na ang pagtugtog ng pamilyar na Canon ni Bach. Tumingin ako sa likuran ko at takang-taka naman ako nang madatnan kong unang naglalakad si Justin na walang kasamang magulang. Shortly after him, ay nakita ko ang kuya Owen niya na napapagitnaan ng kanyang mga magulang.

Huwag mong sabihing...

Nagkatinginan kami ni Justin at kinindatan ako nito bago ito tuluyang humagikgik.

Anak ng...

Gulat na gulat ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang magiging reaksyon ko nang marealize ko ang ilang katotohanan ngayong araw.

1. Best man si Justin;

2. Ang kapatid niya ang ikakasal, at hindi siya;

3. Napaglaruan ako nila Justin at Trisha... at marahil ng iba pang tao.

Binaling ko ang atensyon ko sa mga kasama ko. Napansin kong nagpipigil ng tawa sila tita at Selah, habang ang dalawang lalaki ay biglang-bigla din gaya ko, lalong-lalo na si Migs.

“Yes, kuya. Pwede ka ng magtatalon dahil hindi si Justin ang ikakasal.” natatawang pagkumpirma ni Selah ng mga hinala ko. Muli kong tiningnan si Justin na ngayon ay nasa harap na ng altar at patuloy pa rin sa pagtawa. Binigyan ko ito ng isang matalim na tingin, ngunit hindi pa rin ito natinag at imbes ay lalo pang naging matindi ang pagtawa nito na patuloy pa rin niyang pinipigilan.

“Anak, nandiyan na si Trisha.” sabi sa akin ni tita kaya naman nilingon ko na ang likod ng simbahan, at sakto namang papasok na si Trisha sa loob.

To say that she’s beautiful is a huge understatement. Simple lamang ang ayos niya, ngunit lutang na lutang ang natural niyang ganda sa suot niya. Tila ba araw niya talaga ngayon dahil she’s really looking her best. I’ve never seen her look this beautiful. Oo, natural na maganda si Trisha, ngunit mas lalo pang naging angat ang ganda niya dahil sa itsura at ayos niya ngayon.

Nang tumapat siya row namin ay nagulat na lamang ako nang bigla itong tumigil, at dahil ako ang nakaupo pinakamalapit sa aisle, niyakap ako nito na siyang di ko inasahan mula sa kanya.

“Sorry, hindi ko napigilan! Kailangan kong gumanti haha. Ikaw kasi, eh. Bakit ka nagpa-miss masyado. Ayan tuloy. Basta, sorry Gabby... and alagaan mo ‘yang si Justin!” bilin nito sa akin, at hindi na nga niya ako binigyan ng pagkakataon pang magreply, at imbes ay nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad sa aisle papunta sa altar.

Doon ko pa lang talaga naramdaman ang mga emosyon dulot ng mga nangyari.

Wala ako sa sariling napaiyak, at napangiti dahil for once, everything’s looking up.

--

“Gago talaga kayo!” sabi ko kay Justin pagkatapos na pagkatapos ng misa. Natawa na naman ito at hindi ko napigilang bigyan ito ng isang mahinang suntok sa sikmura na siyang ikinatigil nito. “Uy, sorry na. Nadamay lang naman ako sa plano ni Trisha, eh. Kilala mo naman ‘yun!” depensa nito.

“Oo na, oo na... pero tinakot niyo talaga ako.” sabi ko kay Justin.

“Bakit naman?” tanong niya.

“Alam mo na ‘yon! Ayoko ng magpaliwanag!”

“Bakit nga?! Gab, kilala mo ako, alam mong hindi kita titigilan hanggang hindi ako nakakakuha ng matinong sagot mula sa’yo!” banta nito.

“Akala ko kasi... nawala ka na sa akin. Mahal kita, eh.” nahihiyang pag-amin ko dito.

“Wow! Ang sweet naman. Paki-ulit nga. Isa pa!” parang bata niyang pagpilit.

Napabuntong-hininga ako.

“Alam mo, Justin. Iniisip ko kung ano ba talaga nagustuhan ko sa’yo.”

“Simple lang. Marami! Gwapo ako, mayaman, caring, affectionate, talented... and the list goes on and on.”

“Ang yabang mo.”

“Mahal mo naman.”

Natawa na lamang ako at tinanguan siya.

Siguro ito na ‘yung sinasabi nilang kapag para kayo talaga sa isa’t-isa ay kahit anong mangyari ay kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli, and I guess, with Justin ganoon nga ang nangyari. Marami na rin kaming napagdaanan. Hindi man naging maganda ang naging simula namin, at sinubok man kami ng ilang pagsubok at ng oras, hindi pa rin matatawaran ang katotohanang ang pagmamahal namin sa isa’t-isa ay nakayanan lahat ng pagsubok na dumating.

And that is something I’d hold on to as I spend my future with Justin.

All my life, simple lamang ang gusto ko sa buhay—ang maging Masaya. At sa mga nangyayari ngayon, hindi malayo na magiging pangmatagalan ang nararamdaman kong ito. For the longest time, I can finally say that I am undoubtly, and certainly happy.




WAKAS.

-------------

Author’s note:

FINALLY! We have come to the end of a wonderful journey!

Unang-una ay gustong-gusto kong magpasalamat sa lahat ng readers ng series na ‘to. From Unexpected to Untouchable ay hindi kayo nagsawang suportahan ako kahit lagi akong natatagalan mag-update (peace). Maraming-maraming salamat talaga! Agh, all my gratitude cannot be sufficiently expressed through words. Basta, thank you talaga sa suporta!

This book is all about second chances, and I hope nag-enjoy kayo sa journey nating ito. J

Ikalawa, ay gustong-gusto ko magpasalamat kay Kuya Mike Juha for giving me the chance to publish my works here on his site. Without him, wala ako rito ngayon, syempre. Kaya maraming salamat talaga, Kuya Mike!

If you have any questions, I’d gladly answer them for you. J

Questions

1. Bakit Untouchable ang title?

Representation siya ng characters nila Gab, Caleb, at Justin actually.

Similar ‘yung context ng kay Gab at kay Caleb. Si Gab kasi and Caleb may pagka-distant na mga tao, mga taong mahirap maabot. Isa pa, ang pagiging magkapatid nila Gab at Caleb. In a way, si Gab at Caleb, hindi nila maaabot ang isa’t-isa dahil sa may malaking balakid at iyon nga ang pagiging magkapatid nila. Kaya naman nagmahalan na lamang sila ng palihim sa una, ng patago.

Si Justin naman, kasi kapag magkasama sila ni Gab, they feel that they can conquer anything. Isa pa iyon sa mga definition ng Untouchable, hindi sila matitinag ng kahit ano, dahil sa nagmamahalan silang dalawa.

2. Bakit si Justin?

Originally, si Caleb naman talaga ang dapat makakatuluyan ni Gab, but then may mga nangyari sa buhay ko while writing this series that made me realize certain things. Si Justin kasi at first, akala ko hindi siya magiging malaking part nito bukod sa gagawin niyang panloloko kay Gab, ngunit nakita ko ‘yung potential niya as a character. He changed for the better, he confronted his fears, he did not care about what others would say, basta ginawa niya lahat para lang mapatawad siya ni Gab. He fought for his love, and that, my friends, is someone who deserves to be with the one he loves in the end.

Trivia

I never planned on writing a second book! Kaya inaamin kong isa rin itong rason kung bakit ako natatagalan mag-update. Kasi in the first place nga, wala naman talaga akong balak sundan ang Unexpected, but then I felt the need to give Gab some justice, kaya naman pinagbigyan ko na ‘yung request hehe. :)

New Series?

Yup! Expect it late this year. Also, sadly, I’d say that this is the end of this book. I’m not going to write more stories revolving around the lives of Gab, Justin, Caleb, Migs, at maging sila Josh and Matt. I guess it’s best to leave it at that. Isa pa, I want to have more freedom and not be limited with what I can do with my next series. Hope you understand!

Sana ay patuloy niyo pa rin akong suportahan sa mga susunod kong akda. Muli ay maraming-maraming salamat.

See you in my next series!

- A. Lim

63 comments:

  1. What a roller coaster ride.. Great story, even greater ending.. I really waited for this ending and I am glad I did.. One of the best stories I've read.. Thank you!!!!

    ReplyDelete
  2. Thank you A. Lim for this! This was what I requested as the ending when I commented on the pre-finale chapter. I'll be looking forward to more of your works. Sad lang kasi later this year pa. I hope your readers/fans can also find you in Fb or Twitter. You and Crayonbox are now my 2 MSOB all-time fave contributors, by far. Thanks again and good luck! - Kris :)

    ReplyDelete
  3. pwede ba kitang ligawan Mr. A.Lim? mahal na mahal ko yung mga characters mo. mahal ko na nga si Gab eh. it's so sad na tapos na ang kwento ni Gab. pwede bang story naman natin ang buuin natin? haha. Ang lungkot ko sobra ngayon. napamahal na ako sa kanila seriously. parang nakipaghiwalay ako sa taong mahal ko at hindi na kami magkikita pa. pwede bang ikaw na lang mahalin ko A.Lim?

    p.s. kapag nababasa ko yung A.Lim, si mayor Alfredo Lim naiisip kong mukha nung author na ito. ahhaha ang weird tuloy.

    -Jon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala akong masabi dito hahahahahaha! :))

      But thank you sa support, Jon! :)

      Delete
  4. Ang galing mo talaga me. Author. U gave justice and definitely portray the right title for ur work. Keep it up un doing such a splendid work. Kodus gayyem!


    Hambog of ilocos sur

    ReplyDelete
  5. Sobrang ganda ng story. You know it's a good read when you can relate to the characters and feel their emotions. All throughout the story kinakabahan ako with what will happen. I felt the joy, the pain, the longing of your main characters. Sobrang galing! Though while reading this lat chapter, I was really hoping that it won't end as I scroll the pages but it did. huhu. Pero good job Mr. Writer! You can definitely write a book and have it published.

    Sana makasalubong kita one time sa UP and have coffee. baka makakuha ka ng inspiration sa story ko though mine's without a happy ending pa haha. oh well. what are the odds of meeting you haha.

    again, great job!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige, coffee tayo sa TBA basta libre mo hahaha. Kidding aside, thanks for he support! I really appreciate it. :)

      Delete
  6. asteeeeeeeeeeeeeeeg!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Haha sana naman nakakaiyak siya in a positive way. Salamat! :)

      Delete
  8. OMG....sa wakas natapos din ang pakikipagsapalaran ni gab...galing mo author..hanggang sa susunod mong mga obra.. thank you for sharing your wonderful talent, god bless and more power.

    Bruneiyuki214

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe talaga. Pati ako na-proud kay Gab kasi ang dami na niyang napagdaanan whew. Maraming salamat din sa suporta at pagtangkilik!

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  9. Saludo ako sa yo mr author! ang ganda ng story, nalungkot lang ako at namatay yung daddy nila Gab! pero kainlangan eh! tutal happy naman na ang lahat!
    Next story please!

    ben

    ReplyDelete
  10. Akala ko naman story ni Juno ung susunod XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sadly, hindi eh. I already started writing my next series, and new set of characters talaga. It pains me to say goodbye to this set of characters and this storyline, but I guess some good things come and go. :)

      Delete
  11. Akala ko naman story ni Juno ung susunod XD

    ReplyDelete
  12. Haaaaay! First time ko magko-comment sa Story mo kasi medyo naging busy lang sa pagbabasa hehe, Kahit ganun Love love kita bilang isang magaling na author Love you Keep it up :)

    ~ReaganHere

    ReplyDelete
  13. Grabe ang ganda! Wala akong masabi. Gusto ko ung naging ending! Happy ang lahat! :))

    -hardname-

    ReplyDelete
  14. Bravo!!!!! Maganda ang kwento mo Me Lim.....Pang Cinema.Thank you for sharing...

    ReplyDelete
  15. One of the best series here in the blog! Maturity is seen in this story pero I love Unexpected din naman. :) mas mature nga Lang and relatable itong untouchable. :) VERY VERY SLOW CLAP FOR YOU! :)
    -dilos

    ReplyDelete
  16. worth the wait talaga ang finale ng story na to...

    ReplyDelete
  17. Roller coaster but really really good, sir Author! Ang taking and I love the ending! Sayang di nagkatuluyan sila Caleb at Gab pero okay pa rin! Double happy ending! ~Ken

    Of course I will be waiting for the next series! Good luck and God Bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Ken! Thank you for the constant support! I really appreciate it. :)

      Delete
  18. Salamat po sa pagbabahagi. Makabuluhan at napapanahon!!!

    ReplyDelete
  19. sobrang nabother lang ako sa incest. naruined ang kilig ko. kakaloka

    ReplyDelete
  20. Thanks. I like Caleb for him the whole until sa pre finale. Nice ending Mr Author.

    ReplyDelete
  21. indeed a very good and nice story A. LIM. congratz and more power for you upcoming stories!

    ReplyDelete
  22. Sobrabg ganda ng story. Gusto ko pa malaman ang nangyari pa kila justin at gab. Buti naman justin at gab pa din. Hehe. Thanks mr. Author sa magandang story mo.

    -tyler

    ReplyDelete
  23. My favorite story here at msob. Naiyak ako habang binabasa to. Grabe. Good job and very inspiring. Thank you, Mr. Author. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awwww. Salamat dito. Really appreciate it! :)

      Delete
  24. Team Caleb pa rin ako! pero nevertheless, ang ganda ng story! Happy ending rin naman kasi! :) Can't wait for your next series sir A. Lim! Two Thumbs UP!

    ReplyDelete
  25. "Grabe ang galing!!!!!!!! wala na akong masabi pa.. asdfghjkl" <------- dull man ang comment ko, pero seriously, mixed emotions ang nararamdaman ko....


    Honestly, this is my first time time to comment sa lahat ng stories dito sa blog na to, kasi i felt that hindi naman ako kailangan magcomment... but this story is exceptional and its worth it.
    i really do admire the author for his outstanding ideas reverberating in every word of his creations.
    if only i can get to know you more, but i know its over the limitations..

    anyway.. kudos to you kuya. i am really inspired XD

    --- JaikobMn

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha. Maraming salamat!

      Of course you can get to know me better. Just send me an email at angelmatt.mail@gmail.com, and we can talk there. I want to get to know my readers more. :)

      Delete
  26. Mr. A. Lim!! I'm a BIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGG fan.
    I've read your stories and I've got a looooooooooooooooooot of things to tell you. It's sad that I don't know how to reach you. :( If by any chance you read this, please e-mail me at japiskolarngbayan@gmail.com . I've got soooooooo many things to say to you. ^_^

    ReplyDelete
  27. This is so good!! Nicely-crafted. Please don't stop making stories. You inspire many people! :) I will be waiting for your next series.

    -A

    ReplyDelete
  28. Hi, A!

    I have a lot of things to tell you that I don’t know where and how to start.

    For now, I just want you to know that I am very glad to have clicked the link to your story. To say that I was moved is an understatement. Hopeless romantic kasi eh. No wonder your stories have affected me in ways more than I can imagine. I want to make this short because I don’t want to occupy a lot of comment space but darn it, it’s too hard. LOL Now I’m being ridiculous. I guess I just have to help myself. I don’t want to make a scene here. Hahahaha.

    I know you’re working on your next, so if I can be of any help at anything, please let me know. Let’s make a lot of happy-endings. :)

    Thank you for making your stories. Thank you for making my day.

    -JAPisko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey, I sent you an email. Doon mo na lang sabihin 'yung mga gusto mong sabihin. Thanks for the offer to help me. Just message me, and let us see where this will go.

      Thank you for your support! I look forward to hear more from you. :)

      - A

      Delete
  29. one of the best story na nabasa ko ! :) sobrang ganda.. sana marami pang author na tulad mo ! :) cant wait for ur next story :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat! :) Working on one right now ;)

      Delete
  30. Ughhhhh!!!!!!!!!!! Nakakainis ka author.. ang Ganda sobra kahit na pinabigat mo tong puso ko.. sa dami ng stories na nabasa ko sobrang tatatak sa isip ko tong mga characters na to.. ughhh!!!! >.< di ako makarecover..

    -JB :D

    ReplyDelete
  31. nga po pala.. ano po ung bago nyong story? Do you have any groups on Fb na pwede kong salihan? Please kua A. Lim :3 hayyyss.. gusto kitang makilala tulad ni kua blue rose hehe ang gagaling nyo Gumawa.. I'll try to make one of myself someday. sana. hehe.. Justin Gab Caleb Migs Matt Josh Trish Janine And Even Nikki na crush ko sobra HAHA <3 pero mas crush ko pala si Justin HAHA

    -JB :D

    ReplyDelete
  32. 2016 ko na po itong nabasa. I thought na bad ending siya. Pero happy ending pala. Nakaka-inspire.

    ReplyDelete
  33. 3 years ang story na toh haha pero ang Ganda :)

    ReplyDelete
  34. san po ung next part ng migz nd caleb

    ReplyDelete
  35. san po ung next part ng migz nd caleb

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails