Followers

Tuesday, May 6, 2014

Can't We Try? 8


Guys, Em back! Pasensya na kung napatagal, honestly nawalan ako ng time para makapag-update, pero eto na ulit ako :))

Masyado akong naiinip sa bahay kaya napagdesisyunan kong pumunta ng SM Clark ngayong gabi para maki-free WiFi at makapag-update para sa inyo. Mahal ko kayo eh hihi :))


[May 3, 7:52pm ako nag-update kay Kuya Ponse, salamat kuya ponse.]

Guys alam niyo ba, nung pumunta ako sa internet cafe ay hindi ako mapakali habang bino-browse ko yung MSOB, puro Alt-tab alt-tab ako at baka kasi may makakita hehe, kalaro ko kasi sa dota o kabarkada ko mga nasa loob ng internet cafe eh, wooooh okay lang kahit masira pagka-discreet ko as bisexual basta makita ko comments niyo :))


Sa tuwing mag-uupdate ako ng chapters ay pupunta ako sa SM Clark para maki-free WiFi haha, iPod ko lang ang way para mai-send yung story eh, katulad nga po ng sinasabi ko ay dito po ako nagsusulat.


Guys pasensya na po sa mga napangitan sa ending ni Justin and Kyle, first story ko po at talagang hindi ako marunong gumawa ng problema o kung paano gumawa ng magandang ending, pagpasensyahan niyo na lang po.


Guys eto na po pala ang chapter 8 at hindi ko po alam mga pinaggagawa ko ngayon sa mga characters, even yung mga trabaho nila ay hindi ko alam kung tama yung mga pinagsasabi ko, intindihin niyo na lang po, kung may mali po ako about sa work nila please inform me, para maayos ko sa next chapter, pati sa mga grammars baka may ma-encounter kayong kahiyahiya, medyo boring 'tong chapter kasi puro pakilala at kung anu-ano na medyo OA :]] be ready guys !!


Guys gusto ko talagang tadtarin ng napakaraming message itong Author's note ko para sa inyo, madami kasi akong gustong sabihin sainyo eh.


By the way, sino malapit sa SM Clark? samahan niyo ako sa next update? :)) tapos makipagkaibigan narin ako sa inyo haha :>


Well, thanks MSOB. Enjoy reading guys :))




---

Can't We Try? 8


Makalipas ang ilang oras ay sa wakas at uwian nadin, kailangan ko nang puntahan si Martin at baka magtampo pa yun.


Agad na akong bumaba para puntahan siya, gagawa kasi kami ng
assignments eh, siguradong wala nanamang alam yun, bopols eh, haha.







"Wuy hindi paba kayo tapos magpraktis?" pagpansin ko rito habang nagpupunas ito ng kanyang pawis.

"Oh nandyan kana pala Kurl, katatapos lang namin, wait moko ha?" balik naman nito ng nakangiti.

Pinagmasdan ko lang naman ito habang nagpupunas ng pawis,..


"Diba sabi ko iba dapat pamunas mo sa mukha at pawis mo sa katawan?" inis kong sabi rito.

"Eto po oh, magkaiba yan." saka naman niya pinakita yung dala niya, sabi ko kasi sakanya na hindi niya dapat ipamunas sa mukha niya ang pamunas niya sa pawis ng katawan niya.

"Akala ko kasi,.. osya bilisan mo at gagawa pa tayo ng assignment." pagmamadali ko rito.

"Saan tayo? sa amin o sa inyo?"

"San mo ba gusto?" tanong ko rin dito.

"Ano bang oras yung trabaho mo?" tanong din nito, ganito kami minsan ni Martin, puro tanong walang sagot.

"5 pa naman, 2pm pa lang oh." paglapit ko pa ng relo ko sa mukha niya.

"Edi samin tayo, tara?" ngiti naman nito saka na kami umuwi.

Pareho kaming may motor ni Martin kaya naman para kaming tanga sa daan na naghihintayan, hunghang eh.
Magkapitbahay lang kami kaya kami naging magkaibigan, siguro almost a year na silang nakatira dun.

Sa wakas at naka-uwi nadin kami, tinignan ko naman siya.

"What?" tanong naman nito na naka-taas pa ang isang kilay.

"Ang itim naman ng kaibigan ko." pagbibiro ko rito at mukhang pikon nanaman ang asungot. "Sows kaw talaga, ako na gagawa ng assignments natin at kumopya ka nalang bukas ng maaga okay? maliligo na ako at may trabaho pa ako, farewell my darkfriend!" pang-iinis ko pa rito saka na ako dumeretso sa aking bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay napa-upo na lang ako sa sala, at pinagmasdan ko ang loob ng bahay, nalungkot nanaman ako.

Walang tao, tahimik, malinis. Yung bang walang nanggugulo sa loob, walang maiingay, walang mga nagtatawanan, sa madaling salita, nakaka-lungkot.

"Malungkot ka nanaman." mahinang sabi ng isang matandang babae, si lola zen, siya yung tumutulong sa akin ngayon, kapitbahay ko din siya at siya ang pinakamabait na kapitbahay ko, siya na din tumayo bilang magulang sa akin.

"Lola, papuntahin niyo po mga apo niyo rito, yung mga makukulit na bata para naman mabulabog bahay ko, please?" pabiro kong sabi rito pero alam kong alam ni lola na malungkot ako.

"Alam mong magugulo masyado ang mga iyon." tugon naman nito saka naupo sa harapan ko. "Kurl apo, alam kong namimiss mo nanaman ang mama at papa mo, pero sana tibayan mo pa ang loob mo ha? alam ko din kung gaano kahirap ang mag-isa sa buhay kaya naiintindihan kita kapag sinasabi mo nang ayaw mo na, pero heto ka ngayon nag-aaral at ilang taon na lang ay makakapagtapos kana, kaya sana huwag kang sumuko." seryoso nitong sabi, hindi ko na napigilan ang maiyak, si lola ganyan lagi, halos kilalang-kilala narin kasi ako ni lola eh, siya din kasi ang tumutulong kila inay nung mga panahong nandyan pa sila.

"Syempre po." pagpigil ko sa pag-iyak at pagbigay ng pilit na ngiti. "Si Kurl Santiago po kaya ito." dagdag ko pa saka na kami nagtawanan ni lola, alam niya kasing pilit kong iniiwasan ang maiyak.

"Nga pala Kurl apo, nakuha ko na yung pera para sa iyo."

"Ay lola sabi ko po huwag niyo ng kunin yun at nakakahiya na." balik ko naman.

"Tapos ano? tapos lalo ka lang mabubusit kapag ipinadala diretso dito sa bahay mo?" natatawang sabi naman nito, alam na talaga ako ni lola. "Naka-usap ko pala yung inay ng batang niligtas nila mama mo, gusto ka daw talaga niyang maka-usap pero sabi ko naman na hayaan ka na muna at mahirap pa sayo ang lahat ng nangyari." dagdag pa nito.

Si mama at papa kasi ang rason kung bakit mayroon akong pinansyal na suporta ngayon, iniligtas kasi nila ang isang bata noon sa nasusunog na bahay, pareho silang sumugod sa loob ng nasusunog na bahay para kunin at iligtas yung batang nasa loob, narinig kasi namin na may umiiyak na isang batang lalaki, at nang lumabas na ang aking itay ay buhat buhat na niya ang batang walang malay at itinabi ito sa akin.

(flashback




"Bantayan mo itong bata Kurl ha? Huwag kang papasok anak diyan ka lang, at hahanapin ko ang mama mo sa loob." sabi sa akin ng aking itay habang ako naman ay umiiyak na, hinalikan niya pa ako sa noo bago siya tuluyang pumasok sa loob para kunin si inay.


Mga ilang sandali lang ay may narinig akong malakas na pagsabog, mas lalong lumakas ang apoy at ang tanging nagawa ko lamang ay ang umiyak ng umiyak, sumisigaw din ako para humingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sa akin.

Hanggang sa may lumapit na isang matandang babae na si Lola Zen na mababakasan ng pagkataranta at pag-aalala, humingi ito ng tulong.

"Ano nangyari apo? okay ka lang? nandun ba si Sandra at Marko?" hindi mapakaling tanong ni lola zen na noon pa man ay talagang mabait na. "Sino itong batang ito?" dagdag pa niya, patukoy sa batang iniligtas nila itay.

Hanggang sa may dumating nang mga bumbero at ambulansya.

flashback ends)




"Lola kung hindi ko lang po sana pinilit sila mama at papa para magpunta nun sa park ay hindi sana sila mamamatay." alam kong napapaluha nanaman ako.

"Shh Kurl apo, wala kang kasalanan tandaan mo yan, walang may gustong mangyari iyon, kaya patawarin mo na ang pamilya ng bata lalo na ang sarili mo, huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, diba sabi mo nga na lahat ay may rason?" paglapit ni lola sa akin at pagyakap.

"Alam mo ba nakita ko na din kanina lang yung batang iniligtas ng mga magulang mo, sigurado akong ka-edad mo lang siya at nakikita kong napaka-bait niyang bata katulad ng mga magulang niya na tumutulong sa iyo ngayon." napatigil naman ako sa sinabi nito.

"Patawad po pero ayaw ko talaga silang makita, siguro masyado po akong makasarili pero kahit anong gawin ko po ay talagang hindi ko sila kayang makita." nasabi ko na lamang.

"Hayaan mo't darating din ang araw at mawawala din yang sama ng loob mo sakanila, alam kong magagawa mo silang patawarin lalo na ang sarili mo dahil alam ko kung gaano ka kabait at mapagmahal na tao." tugon naman nito, laking pasasalamat ko talaga at nakita ako ni Lola Zen nung araw ng aksidente dahil kung hindi ay walang tutulong sa amin ng batang niligtas nila inay at itay at mas lalong wala nang kukupkop sa akin.

Buti na lang at may bahay kami, sakto lang ang laki, may dalawang kwarto at banyo, kusina at sala. Kung saan ako ngayon naninirahan. Hanggang ngayon ay ayaw ko parin makausap ang pamilyang tinulungan nila itay, mga walong taon pa lang ako noon nang mangyari ang bagay na ikinamatay ng aking mga magulang at ngayo'y labing-walong taon na ako at talagang hindi ko pa matanggap ang mga nangyari.

Sinasamahan ako ni lola sa loob ng bahay nung mga panahong hindi ko pa kaya ang sarili ko, mga panahong pag-iyak lang ang nagagawa ko, pero nung nag-college ako ay ipinangako ko sa aking mga magulang na mag-aayos na ako, na magbabago na ako, na mag-aaral na ako ng mabuti, na pipilitin kong makapagtapos ng pag-aaral para sakanila at ng hindi din masayang ang tulong na ibinibigay sa akin ng pamilyang tinulungan nila.

Ngayon ay kapag natutulog na lang sa gabi ako nagpapasama kay lola, sa totoo lang ay hindi ko kasi kayang matulog mag-isa, hindi dahil sa rason na wala na ang mga magulang ko kundi dahil sa,.. ahm sa,.. sa m-multo.

Naniniwala kasi ako sa mga ganun eh, madali akong matakot, konting tunog lang ng isang bagay o kung ano man ay ninenerbyos na ako, in short matatakutin talaga ako, kapag gabi lang ah! baka kala niyo pati sa umaga.

Laging nasa sala lang si lola at nanunuod ng tv kapag matutulog na ako sa aking kwarto, iniiwanan niya ako kapag nakatulog na ako, kalaki-laki ko na daw ay takot padin ako sa multo, eh anong magagawa ko eh sa takot talaga ako, hehe.



Makalipas ang ilang sandali ay natapos nadin kami sa dramahan, buti na lang talaga at nandyan si lola. Nagready siya ng miryenda bago ako pumasok sa trabaho, alam ni lola na kaya ako nagtatrabaho ay dahil sa ayaw ko nang umasa doon sa binibigay na tulong sa akin ng pamilyang tinulungan nila itay.

"Oh eto pala ang pera na ipinadala sayo, subukan mong bigyan ako at talagang mahahampas na kita." natatawang sabi naman ni lola, medyo angat kasi sila lola sa buhay, may mga anak siyang nasa ibang bansa kaya hindi ko na daw siya kailangang bigyan ng pera at para sa akin lang daw ito.

"Lola pakisabi po sakanila na last na nila ito, na huwag na po nila akong suportahin at marami na masyado ang naitulong nila sa akin, tignan niyo naman po at nakuha ko pang magkaroon ng bank account sa edad kong ito dahil sa sobra-sobra na ang ibinibigay nila." natatawang sabi ko naman rito.

"Matagal ko nang pansin yan, natatawa nga ako sayo dahil talagang pinapakatabi mo yang pera sa bangko na parang may balak kang ibalik sakanila, sige ako ang bahala at sasabihin ko sakanila kapag nagkaroon ng pagkakataon." nakangiti naman nitong tugon, hayy buhay talaga oh.

"Pero may plano po ako na sa huling pagtulong nila sa akin ay gusto ko po silang pasalamatan ng personal, sa totoo lang po lola ay tanggap ko na ang lahat, malinaw nadin sa akin ang lahat, hindi naman po talaga ako galit sakanila eh, sadyang puro sakit lang po talaga ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon kaya hindi ko po sila kayang makita, pero ngayon po lola,.. kaya ko na po." seryoso kong sabi kay lola, nakaramdam naman ako ng pagkaproud sa sarili dahil sa mga sinabi ko, relieved, dahil sa nasabi ko narin na handa na akong maka-usap sila.

Nginitian lang ako ni lola saka sinabi niya na natutuwa daw siya sa sinabi ko at alam naman daw niya na hindi talaga ako galit.



"Lola mamaya pong gabi puntahan niyo ako ha? hintayin niyo lang po akong makatulog saka niyo na po ako iwanan nun, alam niyo naman po ako diba?" pagtaas-baba ko pa ng kilay kay lola na ikinatawa naman niya.

Nagpaalam na si lola at sinabihan na akong magready para sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ahhhh, papasok nanaman ako sa trabaho at makikita ko nanaman yung asungot na feeling boss namin!" simangot ko saka padabog na pumasok sa banyo at naligo.

Pero bago pa man ako maligo ay tinawag ko na ang apo na lalaki ni lola na 12 years old para magstay na muna sa amin habang naliligo ako, sinabi ko rito na maglaro na muna siya ng computer, ang dahilan ko kasi ay talagang hindi ko kayang mag-isa, I mean maliligo ako eh baka biglang may drakulang lumitaw kapag labas ko ng banyo, yan ganyan ako kaisip bata at katakot sa multo, sakto pang makulimlim at parang uulan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako, sinabihan ko naman ang apo ni lola na magpakasawa lang sa paglalaro at aalis na ako, i-lock na lang niya ang pinto pagkatapos niya.


"Ayan ready na!" nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang aking sarili sa suot na white t-shirt at medyo skinny slacks.

Isa nga pala akong Merchandiser, at mag-iisang buwan pa lang ako sa trabaho ay gusto ko nang umalis sa trabaho dahil sa asungot na feeling boss doon pero kailangan ko parin magtrabaho para sa sarili ko at, at,... at crush ko yung manager namin eh, gustong-gusto kong nakikita haha.

Since mukhang uulan ay nagcommute na lang ako, ayokong isabak sa ulan kung sakali si baby Tobi, yan pangalan ng motor ko!! haha


"Hayy sana nagkasakit o napilayan o nabukulan o na-flatan o wala ang asungot na yon." nasabi ko na lamang, isa kasing feeling boss iyon palibhasa may-ari sila ng business na iyon.

Pagkadating ko sa trabaho ay bigo ako, katulad ng dati ay nandyan nga siya at wala atang balak mag-absent sa pagtatambay, sabagay hindi naman siya nag-aasikaso dito eh, tambay-tambay lang talaga siya, barkada niya kasi manager ng business nila kaya yun kakwentuhan niya.

Nakita kong binabati siya ng mga kapwa empleyado ko, nadadaanan kasi nila ito habang naka-upo ito na mala-SEÑORITO, katabi niya pala yung manager namin na binabati din ng mga papansin kong co-workers.

Dinaanan ko lang ang asungot at hindi ko ito binati, yun na nga at napansin nanaman ako nito, panira talaga 'to ng araw.

"You're late Mr. Santiago." sarcastic nitong pagpansin sa akin, napatingin naman ako sa aking relo.

"I am very sorry for being 1 minute late." walang gana kong sabi ng hindi man lang ito sinusulyapan.

"Next time na ma-late ka ay tatanggalin na kita dito." balik naman nito, grabe talaga 'tong asungot na ito.

"Well, just tell me when,.. I was actually waiting to be fired." sungit ko rito, alam kong bastos na ang pag-asta ko pero wala akong oras na makipag-bangayan sakanya kaya gusto ko na agad matapos ang aming pag-uusap.

"Really?" sabi nito, alam kong medyo naiinis na ito sa akin pero wala akong pakealam.

"Yah, excuse me." pasimpleng sagot ko rito saka na tumuloy sa loob para mag-ayos at makapagsimula na.

"Nakakabilib siya pare, siya lang nakakaganyan sayo dito." rinig ko pang sabi ng kaibigan nito which is yung manager na crush ko, si sir Ken, hehe.

"Ahhh!! Hindi ko nabati yung manager namin, ahh tanga ko talaga, patay nakakahiya." naisaboses ko na lamang habang papunta sa lugar kung saan ako magsusuot ng pangtrabaho.

"Okay lang yun sakin, pasensya na dun sa kaibigan ko ah? alam mo na anak ng may-ari kaya ayan." natatawang sabi ng nasa likod ko, napatigil naman ako dahil sa alam ko kung kaninong boses iyon, napatingin naman ako sakanya.

"A-ahh sir Ken, sorry po at nalate ako." nahihiyang sabi ko rito, ngumiti naman ito, ahh eto nanaman ang mga ngiti niya.

"Nge? wala yun nako 1 minute lang." sabi naman nito, napatawa naman ako ganun din siya.

"Ehem!!" pagsingit naman nung asungot na feeling boss.

"Oh sige po sir Ken at mauuna na ako." pagngiti ko rito, saka ako tumingin kay asungot saka ko ito pasimpleng inisnaban, nakita ko namang napasimangot ito, haha.

Nga pala 5pm-10pm ang sched ko sa work, alam kasi nilang nag-aaral ako eh kaya sila na mismo nag-ayos ng sched para sa akin, ewan ko ba't ganun sila, medyo nawe-weirduhan ako pero hindi ko na lamang pinapansin.

Makalipas ang ilang oras ay abala padin ako sa pag-aayos ng mga stock, check check lang.

"Huyy ikaw 'di kaba magbe-break?" nagulat naman ako sa biglang nagsalita, boses pa lang napasimangot na ako.

"Hindi po BOSS." pagbigay diin ko pa sa huli kong sinabi, alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko hehe.

"Hindi mo man lang ba ako titignan?" pangungulit pa nito.

"Do I have to? abala po ako sa pagtatrabaho kaya wala po akong oras para asikasuhin ang kung ano mang hindi related sa trabaho." walang gana kong sabi rito habang nag-aayos ng mga produkto.

"Ang arte mo, alam mo bang ang dami-daming tao ang gusto akong maka-usap pero ikaw nag-iinarte." paghahangin nanaman ng asungot na anak ng may-ari ng pinagtatrabahuan ko.

"Wooh ang lamig grabe, napalakas ata yung aircon,.. ay saglit nga papahina ko lang." sabi ko naman ng hindi man lang ito tinitignan saka na ako kunwari nagmadaling umalis, pero sa kabilang side lang ako pumunta para doon naman magcheck ng products, hehe.

Halos sa araw-araw na lang ay kabangayan ko yang asungot na yan, kaya siguro hindi nadin ako nahihiyang sumagot rito pabalik.

Konting check check at ayos pa, lista lista at sa wakas ay sarado nadin kami at oras na para umuwi, pero bago pa man ako makauwi ay parang may kakaiba.

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero alam kong hinahanap ko yung asungot, milagro at hindi nagtambay hanggang uwian.

Natapos ang lahat ay pwede na kaming umuwi, yung mga walang kamatayang palista-lista pa ng pangalan ay sa wakas tapos na ako, nakita ko naman yung manager namin.


"Good evening sir Ken, mauuna na po ako." pagngiti ko rito saka na ako umalis, nginitian din naman ako ni crush haha.

Pagkauwi ko ay nakita ko namang nakatambay sa harap ng bahay nila si Martin.

"Wuy tol anyare?" pagpansin ko rito.

"Oh nandyan kana pala, tara stroll?" excited naman nitong sabi.

"Ehhh wrong timing ka naman, bukas na lang, hindi pa ako kumakain at pagod nadin ako eh." tugon ko rito, eh pagod na talaga ako eh.

"Ganun ba? pagkatapos mong magbihis punta ka na lang dito saglit sa amin, dito kana kumain okay? dame kasi niluto ni ate yaya eh." pag-alok naman nito na tinanguan ko na lamang.

"By the way Martin, kamusta na pala kayo nung nililigawan mong chicks?" pagngiti ko rito, yung nililigawan pala nito ay isang cheer dancer sa school, maganda at mabait, at talagang bagay sila.

"Yun nga sasabihin ko sayo eh kaya inaagkat kita magstroll, at kwentuhan sana tayo."

"Oh sige mamaya pagkapasok ko sa inyo ikwento mo agad." ngiti ko rito saka na ako pumasok para mag-bihis, medyo mahangin sa labas at medyo umaambon, huwag sanang umulan, sa tuwing malakas ang hangin sa labas ay napapangiti na lang ako, iniisip ko kasi na siguro naghahangin si Asungot kaya ganyan.

Si lola ay naglilinis nanaman, nagpaalam ako na kila Martin ako kakain.

Hanggang sa tapos na ako magbihis at pumunta na ako kila Martin, ang dami niyang kinwento about sakanila ng bago niyang girlfriend at alam kong napakasaya niya, masaya din ako para sakanya.

Pagkapasok ko naman ng bahay ko ay dumeretso ako kaagad sa kwarto at natulog, sobrang pagod ko nanaman, sabagay araw-araw naman eh, si lola naman ay sinabing huwag na daw ako lalabas dahil mukhang napakalakas ng babagsak na ulan.

Kinabukasan ay umuulan nga ng napakalakas at sobrang lamig ng panahon, nabalita sa tv na walang klase ang mga istudyante sa lugar namin, ayaw ko namang magstay lang sa bahay kaya tinext ko ang isang katrabaho ko kung pede ba akong pumasok ng maaga.

Magtatanong muna daw siya, sa huli ay pede daw kaya naman agad-agad akong nagready para sa pagpasok sa trabaho, sinabihan ko din si lola na wag nang mag-alala sa akin.

Mga eleven ng umaga ng nagpasya na akong umalis.

Syempre favorite jacket ko, at nagshort lang ako dahil sa kung mag i-slacks ako ay mababasa lang, at nagtsinelas nadin ako haha, sa trabaho na ako magbibihis.
Kinailangan ko pang magcommute.



"Kurl lakas ng ulan pero talagang pumunta ka kaagad ah?" pagpansin sa akin ng pinagtanungan ko sa text pagkadating ko sa trabaho.

"Yah, ayoko magstay sa bahay, nalulungkot lang ako habang naririnig ko malakas na bagsak ng ulan, nase-senti talaga ako eh." pagbigay ko ng pilit na ngiti rito.

Hinanap naman ng paningin ko ang dalawang magkaibigan, agad ko namang nakita ang feeling boss na naka-upo nanaman mala-señorito.

Tuluyan na akong pumasok, walang late-late ngayon kaya tiyak na hindi ito magsisimula ng bangayan.

"Oh Kurl aga mo ata?" pagpansin sa akin ni sir Ken ng saktong nasa harapan nila ako.

"Opo sir, good morning." pagngiti ko rito saka na ako tumuloy sa paglalakad, hindi ko man lang binigyan ng tingin ang asungot na feeling boss.

Hanggang sa nagtrabaho na ako, check dito check doon, ayos dito ayos doon, lista dito lista doon, yan ang habit ko lagi haha.


"Kurl tara lunch sabay ka samin." pagpansin sa akin ng mga katrabaho ko, mga bandang tanghali.

"Ah sige salamat na lang, busog pa ako eh." tugon ko rito na nginitian lang ako saka na sila umalis.

"May kaibigan kaba? sobrang arte mo, ikaw na nga inaagkat kumain eh." rinig kong sabi naman ng isang tao, si asungot, hindi ko na lang ito nilingunan.

Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy lang ang aking ginagawa.

"Excuse me kinakausap po kita." medyo malakas pang sabi niya, nilingon ko naman ito.

"Are you talking to me?" tanong ko rito.

"Sino pa ba? ang arte mo talaga." inis pa nito, hindi ko naman ito sinagot at ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

"Siguro mismong mga yan ay gusto ng ma-expire sa kaka-ayos mo, ulit ulit kana lang eh." pagtukoy nito sa mga produkto na inaayos ko, talagang tumawa pa ito.

Dahan-dahan naman akong tumayo, pasimple akong bumaling sakanya, alam kong medyo naguguluhan ito sa aking kinikilos, lihim naman ako napatawa at agaran ng umalis, sa kabila naman ako mag-aayos.

"Ah talagang bastos ito ah." rinig ko pang inis na sabi nito, napangisi na lang ako, haha.

"Kurl tara sama ka sa amin? lunch tayo." nagulat naman ako sa biglang nagsalita, medyo nahiya tuloy ako, alam kong nakita niya akong nagulat.

"A-ah kayo po pala sir Ken." nahihiyang sabi ko rito.

"Ano sama ka? dali mamaya na yan." nakangiti nitong sabi, wow ah iba 'tong manager na ito haha.

"Sige salamat na lang po sir, mamaya na ako kakain." pagtanggi ko rito.

"Ay daya mo naman dali na, huwag ka nang mahiya." pagpipilit pa nito kaya naman wala na akong nagawa, no choice.

Sinabi ko naman na sasama na ako, nahihiya talaga ako kaya hindi na ako nagsalita pa.


Ngayon ay nasa KFC na kami, tatlo kami at kasama pala si asungot. Hindi tuloy ako makakain ng maayos, nanlibre yung asungot, hindi na ako nakatanggi dahil mapilit ito.

Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa presensya ng dalawa, ang isa na crush ko at ang isa na nakaka-inis talaga.

Nagkekwentuhan naman ang dalawa, naghahangin nanaman ang asungot.

"Ay grabe, sa school ang daming kumukuha ng number ko." sabi ng asungot.

"Edi sana binigay mo." sagot naman ni sir Ken.

Kunwari hindi ako nakikinig, may binabasa ako kunwari sa aking iPod, ayyy naalala ko tuloy yung story, medyo nainis nanaman ako at tapos na nga, remember?

"Ba't ko naman ibibigay? napakswerte naman nila nun." pagmamayabang pa nito.

"Iba ka ah." balik naman ng kausap nito.

Coke float naman ang tinira ko habang nagbabasa kunwari sa iPod.

"Hirap maging gwapo eh noh? tapos ang ganda rin daw ng katawan ko tapos,.." hindi na nito natapos ang kanyang paghahangin dahil sa akin.

Literal kasi akong na-ubo dahil sa mga paghahangin nito, medyo napasama ata dahil sa naagaw ko ang atensyon ng dalawang kasama ko.


"Are you okay?" pagtatanong naman ni sir Ken habang hinihimas-himas niya ang likod ko, medyo naalarma naman ako sa ginawa nito.

"Opo sir, napalakas po ata ang aircon dito sa loob, kaya siguro nasobrahan ako sa pagsingot." natatawang sabi ko rito, pagtukoy ko sa paghahangin ni asungot, pasimple naman akong sumulyap sa asungot at nakasimangot ito hahah.

Natawa naman si sir Ken, siguro nakuha niya ang ibig kong sabihin, lihim naman akong natawa dahil sa alam kong alam ni asungot na siya tinutukoy ko.

Umalis na kami, bumalik na sa trabaho, hindi naman ako pinapansin ni asungot, teka nga papakilala ko siya at si sir Ken.

Si sir Ken pala ay 21 years old palang pero assistant manager na dito, siguro dahil sa asungot kaya siya naging ganyan kaagad, going back, 5'8 ang taas, saktong pangangatawan lang, moreno, cute si sir Ken, hindi siya kagwapuhan pero ayos na.

Eto na nga, ang asungot na pinaka-kinaaayawan kong presensya.
Siya si Paulo Ramirez, mafeeling, mataas ang tingin sa sarili at mahangin na talagang nakakawalang gana at laging panira ng araw. Masakit man sabihin pero gwapo ito kaya ayan mayabang, maganda ang katawan at alam kong may abs ito pero pusta ako mas maganda yung akin haha, kasing tangkad ko lang, mas maputi sa akin, mayaman, kapag nakikita ko siyang kausap si sir Ken ay alam kong palabiro siya, palatawa at masayahin, ewan ko ba pero pagdating sa akin, ayy nako saksakan ng kahanginan. Pero may karapatan naman siyang maghangin eh, totoo naman kasi mga sinasabi niya, siya yung tipong kapag nakasalubong mo sa daan ay talagang mapapatitig ka sakanya, head turner ba tawag dun? ayy basta.

"Thanks." masakit man aminin sa loob ko pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinausap ko siya, na ako ang nauna, hanggang sa loob ay rinig parin ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas, buti na lang at nagkotse kami, kotse ni asungot ang ginamit.

"What happened?" sungit naman nito, ayyy kabusit talaga 'to.

"Thanks for the treat." seryosong tugon ko rito saka na ako dumeretso sa loob para magtrabaho na, nagpasalamat nadin ako kay sir Ken kanina.

Ewan ko lang ah, pero parang walang kahigpit-higpit dito, which is quite good, hehe.
Siya nga pala, kaya pala ako nakapasok sa trabaho na ito ay dahil kay lola, nabanggit ko kasing naghahanap ako ng trabaho, dahil sa kailangan na suportahan ko na ang aking sarili, may isa raw siyang kaibigan na makatutulong, kaya ako napunta rito ay dahil sa kaibigan niyang iyon.


"Wuy nilibre kita kanina kaya dapat ilibre mo din ako." parang batang sabi naman ni Paulo, sumunod pala.

"Hah?" gulat ko naman rito.

"I treated you, so you have to treat me back." ngiti naman nito.

"Do I really have to?" taas kilay ko pa rito.

"Ayy arte mo talaga, sige na nga wag na lang." inis naman nito saka na tumalikod at bumalik sa trono niya kung saan siya nauupo mala-señorito.

Umabot na ng gabi at sinabihan ako ni sir Ken na pwede na akong umuwi, naguluhan man ako ay napagpasyahan ko na rin umuwi, kakapagod kasi talaga ngayon, nanibago talaga ako sa sched na sinubukan ko ngayon.

Naglakad na ako papunta sa lugar kung saan ako magbibihis at mag-aayos ng gamit, napatigil naman ako sa aking narinig na kwentuhan.


"Oo eh, nakaka-awa talaga siya, ihh ang gwapo gwapo niya pamo."
"Ngayon ko lang siya nakitang nalungkot at take note napa-iyak pa ata?"
"Ano kaya nangyari sakanya? Okay na kaya si sir?"
"Sino kasi yung tumawag na yun eh, sinisira niya yung mood ni sir Paulo noh?"

Rinig kong kwentuhan ng mga babae na nagtatrabaho din rito, napa-isip naman ako sa aking mga narinig, naglakad pa ako ng konti pabalik para makita si Paulo na pinagkekwentuhan nila.

Naka-upo ito at nakapamulsa lang, deretso ang tingin na parang nag-iisip ng malamim.

Pansin ko ang lungkot sa mga mukha nito, napano kaya siya? aaminin ko na medyo nakaramdam ako ng awa na nakikita siyang ganyan o kaya naman ay talagang naninibago ako dahil sa ganitong oras ay tiyak na nagbabangayan kami.

Naalala ko naman yung mga sinabi niya kanina, kung kayang pagbigyan ko siya? baka sakaling matulungan ko pa siya.

Agaran na akong nagbihis at nag-ayos, napagdesisyunan kong pagbigyan ito.

Inayos ko naman ang aking sarili bago siya puntahan, hindi na ako nagjacket, nagpabango ako at inayos ko pa ang aking buhok ng mabuti, teka ba't ba ako nako-conscious ng ganito? nagreready ba ako dahil sakanya? ahhhhhhhh!

Nagsimula na akong maglakad papalapit sakanya, nagdadalawang-isip man ay ipinagpatuloy ko parin, sa nakikita ko sa mukha niya ay alam kong wala siyang gana.

"A-a, e-excuse me." utal-utal kong pag-agaw ng pansin nito, nakita kong iniangat lang nito ang kanyang mukha paharap sa akin.

Napalunok naman ako dahil sa sobrang conscious ko sa harap nito, nakaramdam naman ako ng awa sakanya ng mapansin ko ang mga mata nito.

"Are you okay?" mahina at sincere kong pagtatanong rito, nakita ko namang medyo nagulat ito.

Hindi sumasagot ito, nakatingin lang siya sa akin.

"Are you still in the mood of going out with me? I'll treat you." saka ko ito binigyan ng ngiti, yung konti lang, yung medyo lang,... ahhhhh basta hehe.

Nakatingin lang sa akin ito, hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya, ano kaya ang problema nito at naging ganito ito?

"Well I guess you're not. Osige mauuna na ako, salamat na lang." mahina kong sabi rito, sa totoo lang medyo nakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ito tumugon, tatalikod na sana ako ng bigla itong magsalita, nagulat pa ako at alam kong nakita niya iyon, nahihiya tuloy ako sakanya.

"Wait." mahinang tugon naman nito, pansin ko yung pagkalungkot ng boses nito.

Medyo nabuhayan naman ako, malamang papayag ito.
Dahan-dahan naman akong humarap sakanya, nerbyos at excitement ang nararamdaman ko ngayon.

"Saan tayo?" tanong naman nito, ngayon ko lang siya nakitang nakangiti, ngiti na hindi dahilan ng pang-iinis niya sa akin.

"Basta, let's go?" ngiti ko rin rito saka na ito tumayo, dapat energetic ako para naman mapagaya siya haha.

Awkward yan ang ayaw ko sa lahat, wala kaming kibuan kaya naman ako na nagsimula.

"Wala ng ulan, so pwede ka kahit saan?" pagpansin ko rito, nakaduko kasi siya eh, siguro talagang nalulungkot ito.

"Sige, tara gamitin natin kotse ko." pilit na ngiti nito, sumunod lang ako, tumungo naman kami sa parkingan ng mga kotse.

"Tuturo ko na lang daan sayo, game." saad ko pagkapasok namin ng kotse niya.

"Ge, oh ba't nandyan ka? dito ka sa harap, parang multo ka naman diyan sa likod eh." natatawang sabi nito. "May multo pamo dyan sa likod, kaw din bahala ka." biglang pananakot naman nito.

Napatigil at napalunok naman ako sa sinabi nito, hindi tuloy ako makagalaw, hah? m-multo?

"Lipat kana dito sa tabi ko." sabi pa nito.

Agad naman akong kumilos, nasakto pang nasa parking lot kami kaya madilim, pagkalabas ko ay pumasok kaagad ako sa harap sa tabi niya na para bang may nanghahabol sa akin.

Pagkapasok ko naman ay dahan dahan akong lumingon kay Paulo, halatang nagpipigil ito ng pagtawa, binigyan ko naman ito ng pilit na ngiti.

"Oh gamitin mo muna panyo ko, pinapawisan ka oh." sabi naman nito, napahawak naman ako sa aking noo, ayyyy grabe sobra takot ko talagang pinagpawisan pa ako.

"Takot ka parin pala sa multo hanggang ngayon?" biglang sabi naman nito na nagpipigil parin ng tawa.

"Hah?" gulat kong sabi rito, narinig niyo ba sinabi niya? takot parin daw pala ako, alam niya ba? grabee 'to ah.


"Wala, tara na nga, ayan tinodo ko na aircon para maalis na pawis mo." sabi naman nito, talagang nagpipigil pa ng tawa eh.
Hanggang sa umalis na kami, makalipas ang ilang minuto,...

Hinubad naman niya ang suot niyang makapal na jacket at ipinasuot niya ito sa akin, parang bata naman akong sumunod lang sa kanya, napansin niya kasing nilalamig ako, sa sobrang lakas kasi ng ulan ay talagang lumamig ang panahon, sabay pa yung aircon ng kotse niya, nabigla man ako sa ginawa niya ay nanahimik na lang ako.

Nahiya naman ako dahil sa alam kong nagpipigil parin ito ng tawa, ayy yang multong talaga na yan oh. 

Hindi na lang ako kumikibo, kikibo lang ako kapag ituturo ko yung daan.

Dinala ko siya sa lugawan malapit sa bahay ko, malamig ngayon kaya tiyak na magugustuhan niya iyon, grabe naman yung kulog, sobrang lakas talaga ng ulan.

"Ayan dyan sa may lugawan, ipark mo kotse mo sa gitna ng daan para masagasaan na." simangot ko rito, dahil alam ko talagang natatawa ito sa inasta ko kanina.

"Sobra ka naman Kurl." natatawang sabi nito, talagang pinagtitripan niya ako.

Nagpark naman ito sa may gilid ng kainan kung saan makakasilong kame, hindi ko naman ito kinikibuan.
Saka na kami dumeretso sa loob para bumili ng lugaw.

"Limang order po ng lugaw, pabalot po salamat." pag-order ko sa tindera, medyo kilala na nila ako dahil sa every weekend ay dito ako kumakain.

Si Paulo naman ay nasa tabi ko lang, pinanunuod lang ako sa aking ginagawa.

"Paulo ikaw ano gusto mo? mahanghang ba?" pagpansin ko naman rito.

"Nag-order kana ata eh?" takang tanong nito na talagang patingin-tingin pa sa tindera.

"Para kila lola yun iba yung atin, ano ba gusto mo mahanghang?" tumango naman ito at halatang hindi na makapaghintay kumain.

"Ate dalawa pa po, yung isa po hindi mahanghang at yung isa po mahanghang, ate kung pede po tadtarin niyo ng isang kilo ng sili o paminta para po mamatay na yung kakain, salamat." ngiti ko rito, natawa naman ito sa sinabi ko.

"Ahh ganyanan talaga Kurl,.." hindi na natapos si Paulo sakanyang sasabihin ng biglang may nagsalita.

"Oh Kurl pare nandito ka pala! Daya mo ah hindi mo na ako pinupuntahan sa bahay 'di kana din nagtetext." pagtatampo naman nito, si Martin.

"Oh Martin kaw pala, sensya na nasa work ako eh lam mo na busy." bati ko rito saka pa ako nakipag-apir, si Paulo naman nakatingin lang sa amin.

"Ay basta daya mo! Punta ka samin mamaya para makabawi ka." balik naman nito, nakita ko namang tinitignan nito si Paulo na nasa likod ko lang.

"Ah nga pala, Martin si Paulo kaibigan ko, Paulo si Martin,.." hindi na ako natapos sa pagsabat ni Martin.

"Bestfriend niya." ngiti nito kay Paulo saka ito nakikipag-kamay.

"Nice to meet you." ngiti din naman ni Paulo saka siya nakipagkamay kay Martin.

"Kurl eto na oh, ang dami naman nito." si ateng tindera, sa tuwing bibili kasi ako ay isa lang kaya siguro nanibago ngayon.

"Salamat po ate. Oh paano ba yan pare una na kame?" pagbaling ko naman kay Martin.

"Sige sige Kurl, punta ka samin mamaya ah?" tugon naman nito, hayyy ito talagang maitim na ito oh.

"Ge lemme try, una na kami." pagpapaalam ko rito saka na kami pumunta sa kotse ni Paulo.

"Sino yun?" biglang sabi naman niya pagkapasok namin sa kotse niya.

"Ah yun, tropa ko, lagi kami magkasama nun kaya ayan ang daldal sakin." natatawang sagot ko naman sakanya.

"Ganun ba? saan pala tayo kakain?"

"Sa amin na lang, gusto mo?"

"Talaga?" pagngiti naman nito bigla, may sa demonyo pala si Paulo ah.

"Ge, tara na go, deretso lang ang daan." magiliw kong sagot rito saka na nga kami umalis.

Nang nasa may harapan na kami ng bahay ni lola,

"Wait stop muna dito, ahm ayos lang ba ibaba ko 'to?" pagtukoy ko sa bintana ng sasakyan niya at tumigil nga ito, tumango lang siya. "Lolaaaaaaaa!!!!!" sigaw ko naman kay lola para iabot ang limang lugaw.

Nakita kong may sumilip naman sa pinto at si lola na nga, pinakita ko naman ang dala kong pagkain saka ito natawa dahil sa may dala nanaman ako para sakanila, lumabas naman ito saka kumuha ng payong at lumapit na.

"Lola eto po lugaw oh, sainyo po pati sa mga bata." ngiti ko rito pagkababa ko ng kotse, may payong naman pala ang asungot at hinayaang mabasa pa kami kanina.

"Nako nag-abala kapa, buti naman at may kasama ka, kaibigan mo?" napatingin sa kotse si lola, hindi niya nakita si Paulo.

"Opo la, super feeling boss po yan sa trabaho ko." pagngiti ko rito saka na ako nagpaalam at pumasok na ito, binalingan ko naman si Paulo at itinuturo kung saan siya magpapark.

Nang makapagpark na ito ay sinalubong ko ito kung saan siya bababa para payungan. Umakbay naman ito sa akin saka na kami dumeretso sa loob.

"Ayan basa na tayo oh, grabe lamig noh?" sabi ko rito pagkasilong namin sa bahay.

"Sorry." sabi naman nito.

"Bakit?" takang tanong ko rito.

"Nabasa ka eh." sagot naman nito agad.

"Eh ano naman?" tanong ko ulit.

"Ay ewan ko sayo." inis nito, haha pikon din talaga 'to.

"Ahm Paulo, eto pala bahay ko, mag-isa lang ako rito, tara pasok." saka naman kami pumasok, buti na lang talaga at malinis ang bahay, kung hindi ayy nako nakakahiya sakanya.

Pagkapasok namin ay pina-upo ko ito sa sala, ako naman ay dumeretso sa may kusina para ayusin ang lugaw, pagkatapos ko naman ay pumunta na ako kay Paulo para kumain na kami.

Pagkaharap ko rito ay patingin-tingin lang ito sa bahay, parang exploring ata ang ginagawa niya haha.

"Oh tara game habang mainit pa." paglapag ko sa dalawang lugaw, saka naman ito nag-ayos ng upo at nagsimula na kaming kumain.

"Mag-isa ka lang talaga dito?" biglang sabi naman nito habang kumakain kame.

"Yah, pero kapag minsan pinupuntahan ako ni lola yung kanina, inaasikaso niya ako minsan, tapos kapag gabi naman ay hinihintay niya ako makatulog bago siya umuwi sakanila." sagot ko naman.

"Wala bang multo dito sa inyo?" out of nowhere naman na balik nito, ganito ba talaga si Paulo? puro pananakot na lang ginagawa niya sa akin eh.

"Wala noh!" depensa ko naman kaagad.

"Talaga? pagpasok ko kasi kanina parang may naramdaman ako." seryoso namang sabi nito.

Napaisip man sa sinabi nito ay hindi na lang ako kumibo, ayy kung anu-ano kasi pinagsasabi nito, nasaktong multo pa tsk.

"Nuod tayo ng DVD Kurl?"

"Ano naman?"

"Nakakatakot, dali may bago ngayon eh, may dala akong CD." excited naman nitong sabi, napatigil
naman ako sa sinabi nito.

"What? a-ahh wala akong dvd player dito eh." pagsisinungaling ko rito, bakit pa kasi nakakatakot gusto niyang panuorin.

"Dala ko laptop ko, ano game?" agad niyang sabi, sa dami ba naman kasi ng panunuorin ay nakakatakot pa, ahh grabe.

Nagulat naman ako sa lakas ng kulog, kumabaga si Kulog, si Nakakatakot at si Paulo papatayin ako ngayong gabi haha.
Napatango na lang ako, wala eh bisita ko siya kaya wala nadin akong magagawa.

"Ayaw mo ata Kurl eh?" sabi naman nito na parang bata, nalulungkot pa daw ito, sows!

"Sige na nga diba." panlalaki ko pa ng mata dito, napangiti naman siya.

Tumayo na ito para kunin ang laptop sa kotse niya, napatayo din ako, syempre susunod ako.

"Bakit?" takang tanong naman nito ng napansin niya akong sumusunod.

Shhh wag kayong maingay, ayaw kong maiwan mag-isa dito sa loob noh, lakas ng ulan tapos kumukulog pa, baka biglang may kapre na lumitaw.

"Samahan kita." nahihiyang tugon ko naman sakanya, nakita ko namang nagpipigil itong tumawa, naguguluhan man ako sakanya ay pinabayaan ko na lang.

"Ilang taon ka na nga ulit?" pagharap nito sa akin, napa-atras naman ako ng konti dahil pagkaharap nito ay medyo nagkalapit ang aming mga mukha.

"19 b-bakit?" kuno't noo ko ritong tanong.

"Ahh tanda mo na ganyan kapa." natatawang sabi nito.

"Hah?" naguguluhan ko namang tanong rito.

"Sabi ko mas matanda ka pala sa akin ng isang taon." sagot naman nito saka nagpipigil ng tawa, hayy kanina pa ito ah.

Yun na nga, kinuha niya ang laptop niya at ako naman ay nakasilong lang at pinagmamasdan siya, sa edad niyang 18 ay napakaganda na ng katawan niya, long-legged din katulad ko at nakataas pa ang kanyang mga buhok na mas lalong nagpadagdag ng appeal niya, sex appeal in total haha.

Nang makalapit ito ay pumasok na kami, sabi ko naman na sa loob na ng kwarto ko kami manuod para mas tahimik at makapagfocus, rinig kasi ang sobrang lakas ng bagsak ng ulan kapag sa sala kami eh.

"Ge una kana, ayun yung kwarto ko, huhugasan ko lang 'tong pinagkainan natin." pumunta nga siya, hindi naman ako mapakali habang naghuhugas, pinakabilis-bilis ko na para makasunod na dun, malay ba nating biglang may white lady na lumitaw dito sa likod ko diba?

Mga ilang sandali lang ay natapos na ako kaya naman sumunod na ako, nakita ko namang may inaayos ito sa kanyang laptop, feeling at home naman ito dahil pakapostura pa nito sa aking kama.

"Ano ayos na?" sabi ko rito pagkapasok ko.

"Yah, eto oh ii-start ko na lang tapos game na." ngiti naman nito saka siya tumayo mula sa higaan ko.

Pinagmasdan ko lang naman ito kung ano ang kanyang gagawin, nang makita kong maghuhubad ito ng pang-itaas ay agad akong nagsalita.

"Wait!" sigaw ko rito na ikinagulat naman niya kaya siya napatigil at napatingin lang sa akin, naitaas na niya ng kaunti ang kanyang damit kaya naman nasisilayan ko yung abs niya, napalunok naman ako.

"What Kurl?" kuno't noo nito.

"Anong gagawin mo?" tanong ko naman kaagad.

"Huhubarin ko itong tshirt ko, ang init eh, pinagpawisan ako dahil sa lugaw eh." sagot naman nito.

"Huwag na, bubuksan ko na lang yung aircon para hindi kana pawisan." medyo taranta kong sabi, agad ko namang tinungo ang aircon para i-on ito.

"Yan okay na, wait mo lang lalamig din kaagad." ngiti ko saka ako bumaling paharap sakanya.

Nagulat naman ako pagkaharap ko sakanya, naka-upo na ito sa aking higaan at nakaharap sa kanyang laptop, tinignan ko ito ng maayos, napalunok naman ako ng mapansin ko ang kanyang katawan, ahh talagang nagtanggal parin siya ng tshirt ah.

Naghubad nadin naman ako para magsando at nagpang-basketball shorts nadin ako, ganito kasi ako sa bahay eh. 

"Ang kulit mo." inis ko rito ng medyo nakalapit na ako sakanya, napatingin naman ito sa akin at medyo nagulat pa ata ito.

"Mainit eh." balik naman niya, napatingin naman ako sa kanyang abs na talagang lean at agad naman akong umiwas ng tingin.

"Siguraduhin mong hindi ka lalamigin ah? Ang lakas ng ulan sa labas at talagang napakalamig, tapos binuksan ko rin yung aircon, wag kang maghihingi ng kumot diyan ah." simangot ko rito saka ko kinuha ang aking nakatuping comforter sa higaan banda likuran niya tanda na talagang wala siyang mahihiram na panangga sa lamig.

Nakapatong lang ang laptop nito sa aking higaan, pumwesto naman kami paharap sa laptop, inistart na niya ito, grabe introduction pa lang ng palabas nakakatakot na, parang gusto ko ngang pumukit na lang hanggang matapos itong pinapanuod namin.

Nagkumot na ako dahil sa nakaramdam na ako ng lamig, sobrang lamig talaga.

Makalipas ang sampung minuto,

Buti na lang talaga at kasama ko itong nanunuod, dahil kung mag-isa lang talaga akong nanunuod ng nakakatakot ay malamang nahimatay na ako sa sobrang takot.

Pasimple naman akong tumingin kay Paulo na nasa kanan ko at may konting espasyo sa pagitan namin.
Nakita ko namang nilalamig na ito, ayan kase naka-skinny jeans lang siya at walang pang-itaas na damit.

Tumayo naman ako saglit para kumuha ng extrang damit para sakanya, at hindi ko rin maiwasang tignan ang katawan niya, naaattract kasi ako, ahhhh kainis.

"Oh eto." inis kong sabi saka ko hinagis sakanya yung isa ko pang sando, nagpasalamat naman siya saka niya ito sinuot.

"Patayin ko ba aircon? halatang nilalamig ka eh." sinabi naman niya na wag at okay lang daw.

"Oh eto share tayo." pagbagsak ko sakanya ng gamit kong comforter, agad naman siyang nagkumot, halatang nilalamig talaga siya.

Pumwesto naman ako saka ulit nagkumot at nanuod, napapalunok na lang ako kapag biglaang lilitaw yung pumapatay sa pinanunuod namin, naisip ko tuloy na paano kaya kung gagalaw ng kusa 'tong mga gamit dito sa kwarto ko tapos biglang may lilitaw na drakula at kapre, ayyy patay talaga.

Pasimple ulit akong tumingin kay Paulo, nakafocus lang ito sa aming pinanunuod, at talagang nanginginig pa ito dahil sa lamig, ano ba 'to OA na?

"Sobra ka naman lamigin boss Paulo, baka gusto mong yakapin pa kita eh." pagbibiro ko rito, napatingin naman ito sa akin ng nakangiti.

"Yun ay kung okay lang sayo." tugon naman nito.

"Okay ang?" takang balik ko rito.

"Ang yakapin mo ako." nakangiti namang sabi nito saka dumikit sa akin, nabigla naman ako sakanya.

"Oo alam kong maraming naka-drugs ngayon sa bansa natin, huwag mo nang ipahalatang isa ka sakanila, okay?" sarcastic ko namang sabi rito, saka naman ako umusog palayo ng kaunti sakanya.

Natawa naman ako dahil nainis ito at ipinagpatuloy na lang ang panunuod kaya nanuod nadin ako.

Halos mapalundag talaga ako sa gulat kapag biglang sisigaw yung pumapatay, kapag ganun ang nangyayari ay napapatingin naman ako kay Paulo at nagpipigil naman ito lagi sa pagtawa.


Base sa mga nangyayari ay alam kong patapos na ang aming pinapanuod kaya naman sinasabi ko sa sarili ko na konting tiis na lang.

"Ahm Kurl?" biglang sabi naman ni Paulo na nakatutok lang sa panunuod.

"What?" pagbaling ko sakanya.

"Wala lang." ngiti naman nito pagkaharap niya sa akin na ikinasimangot ko naman.

"Yan ending na." pagfocus ulit nito sa aming pinapanuod, pinagmasdan ko naman ito.

"Paulo na mafeeling at mahangin." nasabi ko na lamang sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mukha nito.
Pero sa totoo lang talaga ay ang gwapo ni Paulo, parang nagkakagusto na ata ako sakanya eh, ahhh hindi pwede,.. ayoko sa asungot.

Hanggang sa natapos din namin ang aming pinapanuod, medyo hindi pa ako nakakakilos ng maayos, iniisip ko kasi na baka nandito na sa amin yung pumapatay, tsk.

Pagkatapos manuod ay nagfacebook naman ito sa laptop niya, sana huwag magtanong ito kung meron ako dahil WALA, as in wala akong account sa fb haha.

Tinitignan ko naman ito habang pangiti-ngiti ito, ano kayang nakakatuwang nangyayari sa fb niya para magka ganyan siya?

"Kurl look at my profile picture." sabi naman nito saka niya tinuturo yung sa may bandang right side, lumapit naman ako rito mula sa pagkakahiga.

"374 likes." pagbasa ko naman sa tinuturo nito, tinignan ko naman ang picture niya, grabe ang gwapo niya, mas lalo tuloy akong nagkagusto sakanya, pero 'di pako sure dahil attracted pa lang ako sakanya.

"Dame noh? mga fans yan at hindi yan auto-likes katulad ng iba, yung mga likers ko kasi ay talagang mga tagahanga ko!" pagmamalaki naman nito, napakuno't noo na lang ako sa paghahangin niya.

"I don't care, because I don't want to care and I'm not planning to care." pambabara ko rito saka ako bumalik sa pagkakahiga.

Nakita ko namang napasimangot ito, haha, hindi ko akalaing makakasama ko ito sa aking bahay at alam kong komportable kame sa isa't-isa.

"Arte mo talaga." pikon nitong sabi, saka naman niya ako hinagisan ng unan, nagulat naman ako.

"Aba." gulat kong sabi saka ko rin siya binato ng unan.

Hanggang sa nagbatuhan kami at puro tawanan, sa totoo lang ay masaya ako dahil kakulitan ko itong asungot na ito, mabait at masarap naman pala siyang kasama eh.

Nakuha din naming magkilitian, hindi ko akalain na ganito kaligalig itong si Paulo.

Hanggang sa napatigil ako, pati narin siya o mas magandang sabihin na tumahimik bigla ang loob ng kwarto ko, aircon at malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ang tanging nangingibabaw.

Hindi ko alam kung paano magre-react sa nangyari, tanging nagawa ko lang ay ang mapatitig sakanya at ganun din siya na nakatitig lang sa akin.

Sa sobrang ligalig kasi naming dalawa ay bumagsak kami sa sahig mula sa kama, nung una ay ako lang ang mahuhulog sana pero sinubukan niya akong saluhin nguni't mabilis ang pangyayari kaya pareho kaming nahulog sa baba.


Hindi rin namin inasahan ang sunod na nangyari. Ngayon ay magkatitigan kami, magkadikit ang aming mga labi at wala ni isa sa amin ang kumikilos.

"Kurl? Kurl?" rinig kong pagkatok ni Martin, mas lalo naman akong kinabahan, hindi ko alam ang gagawin, maging si Paulo man ay nanatiling nakatitig lang sa akin.




Itutuloy

11 comments:

  1. hi there.. napangiti mo ako, honestly? andito ako sa SM CLARK ngayon, nakiki free wifi haha.. lets meet sometime para sa next update hehe email me thru alexanderchuablog@gmail.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, sige minsan po sabay tayong maki-free wifi :))

      - Prince Justin

      Delete
  2. Replies
    1. Hi Vienne, sana po hanggang huli ay subaybayan niyo po ang story :))

      - Prince Justin

      Delete
  3. ang dalawang sinusubaybayab kong authors andito.. wahhh.. at nagheheshem clark lang.. ibg sbhn pwedeng i can bump into them pag pumasyal akong heshem..ahaha

    nga pla kuya author ganda ng story.. napipicture kong napacute ni kurl.. lalo na sa personality.. its worth the wait .. ismayli hir

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jihi :)) minsan sama ka kapag nag SM Clark ako :))

      - Prince Justin

      Delete
  4. Woah! Si Sir Alex na yan at saka si Sir Vienne ha! Haha. Ganda nito. Okay lang na nabitin doon sa love story nila Kyle at Justin. Maganda naman yung sequel.

    Congrats Author!

    -- Rye Evangelista

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Rye, sino si sir Alex at sir Vienne? haha salamat sa pagbabasa :))

      - Prince Justin

      Delete
    2. Ahehehe. Hanging masyado yung comment ko. What I meant was yung dalawang napakagaling magsulat ng story yung nagsabi na maganda ang akda mo. O di ba? Sir Alex of Start Over and Sir Vienne of Fated Encounter.


      Wait! Kelan pala ang update nito? Hehe! Thanks!

      Rye Evangelista

      Delete
  5. Hehe ayus ^_^

    -Bing

    ReplyDelete
  6. Maraming salamat po sa mga nagbasa :)) medyo magulo ano po? basta hintayin niyo po masagot lahat ng gumugulo sa utak niyo hehe, guys pasensya na kung wala pang kilig moments, basta tiis tiis muna :]]

    - Prince Justin

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails