Note:
1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 15! Thank you po sa lahat ng mga nagkomento, positive or negative, masaya po pa rin ako dahil natutulungan ng mga ito ang aking paglalakbay bilang isang bihasa na manunulat. Kahit negative po ang mga komento at suhestiyon, sana po ay magbigay kayo ng constructive criticisms. Ikasasaya ko po ito. :)
Maraming salamat po kay:
Jon Gerald Gonzales, ramy from qtar, Rico Bautista, bharu, coffee prince, arejay kerisawa, Jay!, randzmesia, -Kevin, Siule, tonix, - Lime, ireneomercado, -hardname-, Mars, pjberdz, **sinbad, Ken, -niko, Raffy Asuncion, ramzter, MicG, russ, - ChuChi, ang batang npa, marc, -Hiya!, Franz, robert_medoza94, rascal, 0702, at sa ibang mga anons na mga nagbabasa pati na rin sa mga silent readers.
Open pa rin po ako sa mga suhestiyon. Kung may mga katanungan o reaksyon, pakicomment na lang po at masaya po akong tatanggapin ang mga komento ninyo. Baguhan pa lang naman ako eh. Hehe.
2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse.
3. Ang updates ko po ay every Tuesday at Friday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito.
Enjoy!
Disclaimer:
1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.
3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay o masyadong sekswal. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)
Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!
---
Chapter 15
Binuksan ni Angelo ang kanyang mga mata. Saan ako? Nasaan ako? Kaninong
kwarto to? Tinitignan-tignan
niya ang paligid kitang-kita niya si Riza sa isang tabi, natutulog. Anong ginagawa ni Riza dito? Bakit
nasa kwarto akong hindi ko naman kilala kung kanino?
Babangon na sana siya upang makaupo nang naramdaman niyang parang
may pumipigil sa kanyang kanang kamay. Dahil naguluhan siya dahil hindi siya
makagalaw, tinignan niya kung ano ang nakasabit.
Dextrose?
Inikot niya ang kanyang paningin muli,
tinignan niya ang likod ng kanyang mga palad, kita niya ang mga natuyong sugat
sa mga ito.
"So far, okay naman siya. Baka bukas ng gabi, pwede na siyang
i-discharge." Ang mahinang pagkukuwentuhan ng isang doktor at tao sa
labas. Nakatingin lang siya sa pintuan at nakiramdam. Mahimbing pa ring
natutulog si Riza.
Maya-maya, bumukas ang pintuan at nakita niya si Dimitri,
nakangiti sa kanya.
"Hi loves, gising ka na pala." Sabay halik sa noo ni
Angelo habang inaalukan ng snickers si Angelo. Kinuha ni Angelo ang snickers at
tinapon ito sa mukha ni Dimitri.
Nagulat si Dimitri. Nagulat din si Angelo sa inasta ni Dimitri,
kahapon lang ay masungit itong si Dimitri sa kanya, hindi siya pinapansin. Ah! Nagkomprontahan pala kami last
time. Sabi ni Angelo sa
kanyang isip nang maalala niya ang mga pangyayari bago siya mahimatay.
Tinignan niya ulit si Dimitri, nakatingin pa rin ito sa kanya,
nakangiti. Ang ngiti ng gago.
Nakakainis! Parang wala lang nangyari? Leche siya! Umirap si Angelo.
"Oh, bakit ang sungit mo namang tumitig sa akin, loves
ko?" sabay bunot ng upuan at umupo sa tabi ni Angelo, hinahawak-hawakan
ang kanyang-kamay. Ipagkakaila man ni Angelo, halatang kinikilig siya. Ngunit
pinili niyang hindi kausapin si Dimitri.
"Sumagot ka naman baby oh? Akala ko ba ikaw baby brother ko
slash big brother slash father slash uncle slash lolo ko?"
Tangina lang? Pinaiyak niya ako ng ilang araw tapos lalambing
lambing! Wow, plastik din nito ah? Tigas ng bungo. Maturuan nga ng leksyon.
Umupo si Angelo sa kama at hinarap si Dimitri. Maya maya, isang
malakas na suntok mula sa kanyang kaliwang kamao ang itinapon sa mukha ni
Dimitri. Natumba si Dimitri sa sahig at nagulat sa ginawa ni Angelo.
"TEKA?! PARA SAAN BA IYON?!" Gulat na gulat si Dimitri
at hinimas ang kanyang kanang panga.
"Para iyan sa panggagago mo sa akin, tangina ka! Tayo ka
diyan! Man up you little bitch!" Pagtatrash talk ni Angelo habang tumayo
at naka boxing stance pa.
"Pwede namang hindi tayo magsuntukan babes eh. Alam mo namang
magaling ako diyan, pero wala akong laban sa'yo." Tumayo si Dimitri at
umupo muli sa kanyang kinauupuan kanina.
Leche! Binabale wala lang ako?
Nilapitan niya si Dimitri at kinuwelyuhan na niya. Itatapon na
niya sana ang isa pang malutong na suntok nang bumukas ang pintuan.
"Hep, hep, hep! Angelo? Anong sinabi ko tungkol sa pagiging
bayolente? Chill!" Natigilan si Angelo sa pagsuntok kay Dimitri at
lumingon sa taong kararating lang.
"Gio?"
"Oo, ako nga. Darating lang ang pagkain mo mamaya. Bakit mo
ba sinusuntok si Dimitri?" Kalmadong tanong ni Gio habang umupo katabi si
Riza.
"Gago iyan! Pinaglaruan ako tapos mag-su-sweet-sweetan sa
akin! Plastik! Suntukan na lang tayo oh!" Bruskong sigaw ni Angelo habang
hinaharangan ni Dimitri ang sariling mukha.
Tumawa si Gio.
"Bakit ka natatawa? Gusto mo rin nito?" Sabay angat ng
kamao niya sa mukha ni Gio.
"Dimitri, umalis muna kayo ni Riza. Magpahinga muna kayo.
Balik na lang kayo mamaya."
Tinignan ni Angelo si Dimitri na nag-mouth ng mga katagang:
"I LOVE YOU!" habang umaalis. Kinilig naman si Angelo sa ginawa ni
Dimitri pero hindi niya pinakita iyon kay Dimitri. Ayaw niyang isipin ni
Dimitri na okay na siya matapos ng lahat nang ginawa niya. Kaya tinitigan niya
lang ito nang masama.
Nang makaalis na sila Dimitri, umupo si Gio katabi ni Angelo sa kama.
Nang makaalis na sila Dimitri, umupo si Gio katabi ni Angelo sa kama.
"Kamusta ka na tol?" Nakangiting tanong ni Gio habang
tinatapik si Angelo sa balikat.
"Kita mong ayos na ako oh? Nagtanong ka pa!" Masungit na
sagot ni Angelo.
"Wag maging sarkastiko, mabigat sa damdamin. Di ba anong sabi
ko?" Mariin na paalala ni Gio habang pinapakalma si Angelo.
Humingang malalim si Angelo. Naalala niya ang gustong sabihin ni
Gio. Alam na niya ang isasagot dito: "Wala namang magagawa iyang chill
chill mo na iyan eh! Nasaktan lang ako! Tingnan mo, nakipaglandian siya kay
Riza tapos kitang iligtas, tapos kampi ka pa sa kanya? Ano bang nahithit mo,
ha?" Malakas ngunit paos-paos na boses ni Angelo.
"Tol, chill. Una, hindi girlfriend ni Dimitri si Riza, okay?
Ikalawa, minahal ka talaga ni Dimitri. He never gave up on you. Pinaselos ka
lang niya to know kung tama ba talagang mahal mo rin siya. Ikatlo, gago kang
putang ina ka, sa susunod wag kang suntok ng suntok!" Sabay batok kay
Angelo. Natigilan si Angelo sa mga salitang narinig mula kay Gio. Napalingon
siya rito.
"Teka? Hindi ko maiintindihan?" Naguguluhang tanong ni
Angelo.
"Ganito iyon...
"GANITO KITA KAMAHAL GAGO KA!" Sabay suntok sa mukha ni
Dimitri. Napahiga si Dimitri sa sahig. Hinimas-himas niya ang kanyang panga at
naramdaman niya ang dugo. Dugo hindi galing sa mukha niya, kung hindi galing sa
sariwang sugat ni Angelo sa kanyang mga kamao.
Nagulat siya sa suntok na pinakawalan ni Angelo. Masayang-masaya
siya sa kanyang narinig at tatayo na sana siya nang biglang...
"ANGELOOOOOO!" sigaw ni Gio mula sa
elevator. Nag-collapse si Angelo at napahiga na lang siya ng bigla sa sahig.
Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Angelo at pinakiramdaman si Angelo.
"ANGELO! ANGELO! GISING! SHIT! ANG INIT MO!" kinapa-kapa
ni Gio ang leeg ni Angelo. Mainit ang pakiramdam ni Angelo, mas mainit pa nang
matagpuan ni Angelo si Gio noon. Tinignan niya ang mukha ni Angelo at maputla
ito, may namumuong bilog sa ilalim ng kanyang mga mata. Masyadong dry ang bibig
ni Angelo at mabilis ang kanyang paghinga.
Nakita niya si Dimitri, tumatawag sa kanyang cellphone.
"YES! HURRY! I NEED AN AMBULANCE RIGHT
NOW!" Utos ni Dimitri sa kabilang linya. Nang ibaba na ni Dimitri ang
cellphone niya, sinuntok ni Gio si Dimitri sa mukha. Nagulat si Dimitri dahil
sa suntok ni Gio. Napahiga siya at natapon ang kanyang cellphone. Kinuha niya
ito at bumangon.
"Puta! Bakit ang lalakas niyong sumuntok? At para saan ba
iyon?" Himas himas ni Dimitri ang kanyang pumutok na labi.
"Gago ka! Anong ginawa mo kay Angelo ha?" Namumutok sa
galit ang mga mata ni Gio. Hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon,
masasaktan na naman si Angelo sa mga kamay ni Dimitri.
"Tol, chill! Baka pwede namang sa ospital na natin ito
pag-usapan." Sabay tapik ni Dimitri sa mga balikat ni Gio. Ngunit winaksi
ni Gio ang mga kamay ni Dimitri at tinulak siya.
"Tawagin mo iyang putang inang ambulansya mo! Isasakay ko na
siya sa taxi!" Walang ano-ano ay binuhat na ni Gio si Angelo patungo sa
ibaba. Nag-aalala siya para sa kaibigan at ikamamatay niya kung mawawala ang
utol niya. Habang akay-akay niya ito ay bahagyang tumutulo ang kanyang mga
luha. Hindi na siya gumamit pa ng elevator dahil sa sobrang pag-aalala niya kay
Angelo na masolusyunan ito kaagad.
Samantalang si Dimitri, walang nagawa kung hindi ang tingnan si
Gio na tinutulungan si Angelo. Nakokonsensiya siya sa kanyang ginawa.
Diyos ko… Ano po ba tong nagawa ko? Please naman po…
Naisakay ni Gio si Angelo sa isang taxi at
mabilis na humarurot ang taxi patungo sa isang pribadong ospital. Napasok na
rin ni Gio si Angelo sa isang emergency room. Habang ineexamine si Angelo ay
nakaupo si Gio sa mga upuan at nakabaon ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.
"G-Gio? I'm so sorry..." Sabi ng lalaking nasa tabi
niya. Matangkad, matipuno - si Dimitri.
"Start." Maiksing utos ni Gio.
"Gio, I'm so sorry! All we had is a confrontation. At last
narinig ko mula sa kanya na he loves me, that's all that matters! Yan lang
naman ang hinihinta-"
"From the start." Utos ni Gio.
"Okay. We were supposed to meet the day na dinala ka niya sa
ospital. Alas-siyete, sa fountain park. But unfortunately, walang Angelo na
dumating. Nakausap ko na ang kung sinu-sino, but he never came. I didn't know
na dinala ka pala niya sa hospital. I reasoned out na sana, at least nagtext na
lang man siya kung sino ang kasama niya. But nothing was received, hindi ko
alam kung anong nangyayari. So I sent a text to him. He replied thirty minutes
late. Gusto niya akong maghintay sa dorm room ko. I waited, but walang kumatok.
So I started to feel like something was wrong. Sabi ko “okay lang kung saan
siya at kung sino ang kasama niya, at least he has to let me know, and as long
as it's not you”."
"W-What? Do you mean-" Naguguluhan si Gio sa huling
sinabi ni Dimitri.
"Yes. Oo. Nagseselos ako sa'yo. Kasi simula nang maging
problematic ka, all he has to say is to worry about you. Nainggit ako, kasi
hindi man lang niya sinasagot ang mga pasweetums ko, kailangan ko pa talagang
manligaw sa kanya para mapansin niya ako. Pero okay lang naman, hindi pa rin
ako susuko. It's just that compared to you, kahit hindi ka niya nakakasama,
naiisip ka niya. At that point, nagseselos ako." At tumulo na ang luha ni
Dimitri.
Naaawa si Gio sa kanya. Kasi nararamdaman niya ang totoong
pag-ibig. Kung magseselos ang isang tao, mahal na mahal niya talaga ito.
"Dimitri. Man to man talk. Okay lang naman na magselos, lalo
na sa katulad mong nagmamahal. But you also have to remember na naging best
friend niya ako. Our foundation started ever since we were young, so hindi mo
siya mabe-blame kung maiisip man niya ako, o maiisip ko man siya. Kasi, we were
together for so long na alam namin ang isa't-isa without necessarily being
physically together. And bakit ka naman magseselos sa akin? Dimitri, I value
Angelo as much as you do, but it's in a way where we're friends, not any more
intimate! We don't have romantic strings, and I hope you understand that. I
trust him so much and I hope you trust him as well. He loves you, I hope you
understand that. Put much more trust in him. Talk to him!"
"That's where I was mistaken Gio, I didn't talk to him. All I
thought is that you guys were hanging out together. Di ko man lang tinanong sa
kanya kung anong ginawa niyo. So thinking na nagseselos ako sa'yo, I devised a
plan to really gauge whether he loves me as well or not. Tinawag ko ang
bestfriend kong babae, si Riza. Riza is my childhood friend. Nang nakalipat
kami sa Maynila galing sa probinsya, ever since elementary, siya na ang
katuwang ko dito sa Maynila. She lives here in Manila. And I used to stay here
for quite some time. So, may contact pa rin kami. Close kami ni Riza, sweet ako
sa kanya and sweet din siya sa akin, ngunit kagaya ninyo, no romantic strings
din kami. Tinatiming ko na sweet si Riza sa akin every time nandiyan si Angelo,
para tingnan ko ang reaction niya. Ngunit, no reaction. Kaya nagtagal. Little
did I know, kinikimkim na niya pala, inaabsorb niya lang. Naaawa ako sa kanya.
Gusto ko siyang halikan at paligayahin nang nalaman ko na nagseselos siya. Mas
lalong naglulundag ang puso ko nang marinig kong mahal niya rin ako. Wala nang
mas hihigit sa saya na aking naramdaman noong marinig ko mula sa kanya na mahal
niya ako... at noon pa. Gusto ko siyang halikan nang halikan at yakapin, pero...
eto siya.." Patuloy sa pag-iiiyak si Dimitri.
"Bakla ka! Huwag kang umiyak! Man up!
Gago ka, nililigawan mo si Angelo tapos lalamya lamya ka diyan parang babaeng
walang magagawa? Pigilin mo iyang luha mo. Ang gusto ko, kapag nagising na si
Angelo, paligayahin mo siya. Bawiin mo ang kasalanan mo tanga ka! Naiinis ako
sa'yo." Sabay batok kay Dimitri.
"No need to say that. Gagawin ko iyan."
"And oh by the way..." Tumayo si Gio at tinapunan ng
isang malakas na suntok sa mukha si Dimitri.
"OUCH! WHAT THE FU-"
"Para iyan sa pagpapaasa mo sa kanya noong una." Tumawa
si Dimitri at tumayo. Inilahad ang kanyang mga palad. "I guess we're even
now?"
"Deal. Wag mo lang siyang paiiyakin, kung hindi sa kabaong na
kita patutulugin." Sabay shakehands kay Dimitri.
Kumalas silang dalawa pagkatapos.
"Friends?" Tanong ni Dimitri.
"No. Fuck you. Fuck off. Sinaktan mo na siya so I have no
reason to be friends with you anymore. But I'm totally watching you. Call me if
you need something, you have my number."
Tawanan.
"By the way Dimitri. Do you know Angelo bailed you out noong
nasa rehas ka?" Natigilan si Dimitri sa narinig mula kay Gio.
"You mean, noong kinuha ako ni Riza? He
did?" gulat na gulat ang mukha ni Dimitri.
"Yes. He did. That was his last 20 thousand. Galing iyon sa
allowance niya, he saved up half of his monthly allowance tapos buwanang
pinapadala ang kalahati sa pamilya niya sa probinsya."
"I thought Riza bailed me out?" Naguguluhan si Dimitri
at hindi makapaniwala sa ginawang kabutihan ni Angelo sa kanya kahit sinaktan
niya ito.
"No, you weren’t supposed to be detained. Minor age ka pa.
Ngunit nadakip ka at wala kang identification basis, walang naniwala sa’yo.
Pinilit ni Riza na minor ka pa talaga, pero hindi naniniwala ang mga pulis. Isa
lang ang solusyun diyan… pera. Riza was supposed to bail you out as well. But
wala siyang racket and nagkakandarapa siya sa pera. The night na nakipagsuntukan
ka at nakulong ka, Riza had your cellphone right? She called up Angelo, that
was when we were getting ready to leave from the hospital kasi the morning
after, aalis na kami. Pinuntahan ka ni Angelo sa kulungan pero takot na takot
siya baka galit ka pa rin sa kanya, kaya Riza paid for you but it was actually
Angelo's help."
"Shit! What have I done to him? I'm such a bad a person!
I'm-I'm stupid! ARGH!" Sabay sipa ng upuan.
Hindi na pinansin ni Gio ang drama ni Dimitri at nanahimik na lang
habang nakaupo. Nang magsawa na sa kadradrama si Dimitri, lumabas ito at
nag-iiiyak.
"So iyon na iyon. Iyon ang
nangyari." Pagtapos ni Gio sa kwento.
"So hindi niya talaga girlfriend si Riza? And show lang lahat
ng iyon?" Tanong ni Angelo kay Gio.
"Yeah. He just wanted you to say it to his face na mahal mo
siya. Hindi mo raw siya kasi sinasagot eh. Mahal mo ba siya tol?" Seryoso
ang tingin ni Gio kay Angelo. Hinihintay niya ang reaksyon sa mga mata nito.
Bahagyang ngumiti si Angelo at tumango.
"H-ha? Oo? I guess?"
"So mahal mo naman pala siya eh, bakit mo siya
pinahihirapan?” Tanong ni Gio kay Angelo. Napatingin si Angelo sa sahig. Nahiya
siya sa tanong ni Gio. Totoo naman eh, bakit niya pa papahirapan kung pwede
naman pala?
"Kasi sabi ko sa kanya magiging kami lang kung ako ang
manliligaw. Kaya araw-araw siyang nanliligaw, kaya araw-araw ko rin siyang
binabasted." Ngumiti si Angelo na halatang kinikilig.
"Wow. Hanep. Babae lang?" Pambara ni Gio kay Angelo.
"Bakit babae lang ba pwedeng mambasted?"
Tawanan.
"Ano raw sabi ng doktor?" Tanong ni Angelo.
"Ah! Tungkol diyan. 3 days ka nang tulog since then, tapos
dehydrated ka, kulang ka sa nutrients lalong lalo na ang iron dahil namumutla
ka, kulang ka sa tulog kasi imbalance daw ang metabolism mo, then may ulcer ka
sa tiyan."
"Inoperahan nila ako?" Gulat na tanong ni Angelo.
"No. Parang may pinainom sila sa'yo upang mabilis na humilom
ang ulcer mo. Ikaw naman kasi eh, hindi ka kumakain!"
"Oo kasi, nasasaktan ak-"
"O tama nang drama."
Katahimikan.
"Nga pala Gio, kamusta na kayo ni Amy?"
Ngumiti si Gio. "Mahal ko pa rin siya. Kaya titiisin ko na
lang. Bahala na sigurong may kasex siyang iba, basta all I know is that ako
lang ang mahal niya, and kami pa rin, then okay na iyon."
"Naks, martir ang papel mo tol?"
"Kailangan! Wala namang masama di ba?" Di magawang
ngumiti ni Gio dahil masyadong sensitibo ang paksang iyon para sa kanya.
Tawanan.
"Sige tol. May pasok pa ako mamaya. Ingat ka ha? Darating din
silang Dimitri dito mamaya. Sumbong mo sa akin kapag may kagaguhan na namang
ginawa iyan ha? Uupakan ko iyan!"
Tawanan.
"Sige. Text ka na lang Gio."
"Okay sige. Alis na ako. Ingat."
At lumabas na si Gio sa silid ni Angelo. Tumigil sandali sa labas
ng pintuan si Gio bago umalis, inaalala ang kanilang masasayang usapan. At least, masaya ka… At tuluyan na siyang naglakad.
--------------------------
Nababagnot si Angelo sa ospital. Kaya tumawag siya ng nurse at
nagtanong kung pwede ba siyang alalayan sa paglalakad papunta sa garden.
Pinayagan naman siya ng nurse at inalalayan.
Nakaabot na sila ng garden at masarap sa pakiramdam ni Angelo ang
bawat sariwang hangin na kanyang nalalanghap. Mag-aalis kuwatro na rin kasi ng
hapon nang mga oras na iyon kaya hindi na masyadong mainit.
Nakikita ni Angelo ang iba't-ibang klaseng mga halaman at kung
anu-ano pa. Nag-eenjoy siyang tingnan ang mga makukulay na paru-paro at mga
ibon na naglalaro sa malaking garden. Ngayon niya lang naramdaman ang peace of
mind na kanyang hinahangad buong buhay niya. Wala naman kasing ganitong lugat
sa SEAU, kahit sa kanilang bayan, wala. Bihira lang siya makakita nang ganito
katiwasay at tahimik na lugar, sa Maynila pa talaga.
Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang nakita niya ang mga senior
citizens na kailangan ng therapy na nagzuzumba malapit sa basketball court.
"Nurse, sino po sila?" Sabay turo sa mga matatandang
nagsasasayaw.
"Ah, mga senior citizens po iyan na nakasurvive ng cancer.
Program po kasi ng ospital ang magbigay ng libreng zumba lessons para sa mga
pasyente namin noon na cancer survivors."
"Ahh, okay po. Bakit ang iba narito po sa garden?"
"Ah, wala lang iyan sir. Kagaya niyo po ay nag-eenjoy din
sila sa halimuyak ng mga halaman at bulaklak dito sa garden. Maganda rin naman
po kasi dito sir eh, nakakatanggal ng stress."
"Tama ka po nurse, nararamdaman ko pong unti-unting nawawala
ang galit at problema ko sa mundo."
"Mabuti naman po at ganon. Siya nga pala sir, single pa po ba
kayo?"
Nahiya naman si Angelo sa tanong ng nurse. Kasi, parang hindi na
siya magiging single ilang araw ang dadaan.
"A-Ah, eh.. Oo? Bakit po?"
"Kasi po, ang gwapo niyo talaga. Hindi ako naniniwalang
single pa kayo." Ngumiti ang lalaking nurse na umalalay kay Angelo.
Nagblush naman si Angelo sa narinig.
"Kayo talaga kuya, nagbibiro pa kayo."
"Ilang taon na po ba kayo sir?"
"Katorse pa lang kuya. Kayo?"
"Naku! Katorse tapos matipuno na po ang katawan niyo? Lugi
naman kaming mga pandak niyan. Hahahaha, 22 na po ako." Mahiyang sagot ng
lalaking nurse habang kumuha ng upuan at tumabi kay Angelo.
"Hindi naman masama ang height mo kuya eh. Haha, wag ka ngang
self-pity!" Tumawa si Angelo. Sumimangot naman ang nurse.
"Nakakainggit nga po ang boyfriend ko, matangkad
masyado!"
"Boyfriend?" Pag-ulit ni Angelo.
"Ah? Oo po. Lalaki po akong gumalaw pero sa lalaki rin ako
nain-love. Gay po ako." Sagot ng nurse.
"Talaga kuya?"
"Oo. Gay couple kami. Hindi ko nga aakalain na maiinlove ako
sa kanya, at siya sa akin. Kasi po, noon, playboy po ako eh. Straight. Ngunit
maraming sikretong nabunyag. Langit at lupa nga ang pagitan namin ng boyfriend
ko po eh. Kahit kamatayan sukdulan na. Ngunit gagawa at gagawa ng paraan ang
tadhana para mapalapit kayo ng taong nakakatadhana para sa'yo. Tinulungan niya
po ako oh. Yung matanda." Sabay turo ng matandang ng iispray ng tubig sa
mga bulaklak.
Tinignan ni Angelo ang tinuro ng nurse. Matanda nga, pero kahit
medyo may katandaan na, aktibo pa rin at bata pa ring gumalaw para sa kanyang
edad. Natutuwang pagmasdan ni Angelo ang matanda na walang emosyong nag-iispray
sa mga halaman.
"Kuya, bakit parang seryoso palagi si manang?" Takot na
tanong ni Angelo.
"Hindi, masaya yan siya. Ganiyan lang talaga kung
umasta."
Pinagtitinginan nila ang matanda nang lumingon ito sa kanila.
Nagulat si Angelo sa matanda. Akala niya aatakihin siya nito dahil hindi man
lang magawang ngumiti. Kumaway naman ang nurse.
Tinutukan talaga ng matanda si Angelo. Nakapako lang ang mga mata
ng matanda kay Angelo.
"Hijo, halika. May sasabihin ako sa'yo." Sabi ng matanda
kay Angelo.
"P-Po? Ako p-po?" Tumango lang ang matanda.
Naupo siya sa isang maliit na bangko at naglabas ng isang mesang
tagatuhod lang. Naglabas ng stack ng mga baraha ang matanda.
Walang nagawa si Angelo, nacurious naman siya. Lumapit siya at
naupo sa maliit din na bangko na kagaya ng sa matanda. Agad naming tinulak ng
lalaking nurse ang wheelchair ni Angelo papalapit sa matanda.
"Naniniwala ka ba sa hula?" Tanong ng matanda habang
shina-shuffle ang mga baraha.
"H-Hindi ko po alam..." Nauutal na sagot ni Angelo sabay
kamot sa kanyang ulo.
"Tinatawag ako ng iyong kaluluwa. Gusto ng kaluluwa mo ng
gabay para sa iyong mga hahakbangin. Hijo, nakikita ko sa iyong hindi ka
marunong magdesisyon, kaya tutulungan kita." At hinagis ng matanda ang
stack ng baraha sa mesa.
"Kumuha ka ng apat. Pakiramdaman mo ng maagi. Gusto kong
namnamin mo ang kapangyarihan ng bawat baraha."
Natatawa na si Angelo sa kanyang nakikita. Paano naman mananamnam ang
kapangyarihan? Tanga lang. Hahahaha. Sa
isip niya. Pero hindi niya maiwasang kilabutan. Tumatayo ang kanyang balahibo.
Agad naman niyang pinili ang apat na baraha at hinanay ito sa
isang dulo.
"Hijo, itong apat na baraha ang sisimbolo sa apat na katauhan
na magdadala ng kabuluhan sa iyong pararatingan." Tumaas ang kilay ni
Angelo sa narinig.
Binuksan ng matanda ang unang baraha mula sa kanan ni Angelo. Ang
nakalagay: "LA
BRUJA"
"Ano pong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Angelo.
Tinignan lang ng matanda si Angelo sa mata. Mistulang tatalong ang puso ni
Angelo sa mga titig ng matanda.
"La bruja, ang bruha. Isa itong kaluluwang susubukan kang
titibagin at patumbahin. Nababasa ko sa barahang ito, na isa itong taong naging
bahagi ng buhay mo noon na may kinalaman ka sa sakit na kanyang dinaramdam, at
maghihiganti siya… sa’yo. At hindi lang iyan, malakas ang kanyang paghihiganti.
Siya ang dahilan nang mga pagdurusa mo sa susunod na trahedya na darating.
Maraming trahedya siyang ibibigay sa'yo. Lakasan mo ang loob mo. Gagamit siya
ng kakaibang paraan upang matumba ka."
Natakot si Angelo sa narinig. Hindi niya kasi aakalaing may tao
palang aawayin siya. Natatakot
siya na baka papatayin siya o kung ano pa. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
"Malala po ba ang kanyang bagsik?" Tanong ni Angelo.
"Malalang-malala. At ikamamatay mo ito."
Hindi nakahinga si Angelo sa kanyang narinig. "Gaano katagal
pa po bago siya maghiganti?"
"Huli na hijo, nagsisimula na siya. Gumagapang na ito sa
iyong kaluluwa. Malapit na, malapit na."
Natatakot si Angelo. Hindi niya kayang mamatay, hindi pa siya
handa! Katorse pa lang siya. Seryoso
ba tong matandang ito?
Pinatong ng matanda ang kanyang hintuturo sa sunod na baraha at
nakita ang imahe ng isang palaban na mandirigma na nakasuot ng bakal na
pandigma. Ang nakasulat: "EL
SOLDADO"
"Ang mandirigma. Ito ang tutulong sa iyong kalabanin ang
bruha. Palagi lang siyang nasa iyong tabi at hindi ka iiwan. Kaya suriin mo
ngayon pa lang kung sino ang sundalo na tutulong sa'yo, na magpapalakas sa'yo,
na hindi ka iiwan. At hanggang sa huli, siya ang magiging katulong mo sa buhay
hanggang sa mamatay ka. Ipaglalaban ka ng taong ito, kaya huwag kang sumuko sa
kanya. Siya lang ang magiging katuwang mo habang buhay, kaya wag na wag mo
siyang pakakawalan."
Nabuhayan naman ang loob ni Angelo. Sa pagkakasabi na magkakaroon
siya ng mandirigma na tutulong sa kanya, nabuhay ang kanyang kalamnan at alam
niyang hindi siya mag-iisa sa lakad at takbo ng buhay, alam niyang hindi
mawawala ang mandirigma at tutulungan siya.
"Ang nagmamahal. Itong taong ito ay labis kang mamahalin.
Maaaring sa ngayon ay hindi niya masyadong pinapakita ang pagmamahal niya
sa'yo. Sa hinaharap ay labis siyang magpapakita ng pagmamahal... ngunit sa
panahong iyon ay maaaring patay ka na. At sa huli... hindi rin kayo
magkakatuluyan ng labis na nagmamahal sa'yo. Hindi ka niya isusuko, at
ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig. Pero dahil hindi kayong dalawa ang
itinadhana, at dahil hindi nagkakamabutihan sa pag-ibig ang inyong mga
kaluluwa, hinding-hindi kayo para sa isa't-isa."
Tumayo na naman ang balahibo ni Angelo. Hindi na niya napigilan
ang sarili. Si Dimitri ba ito?
Huwag naman sana Panginoon! Iyak
niya sa sarili.
"Malapit na po ba talaga akong mamamatay?" Nanginginig
na tanong ni Angelo, hindi niya pa rin matanggal ang takot ng hula ng matanda
tungkol sa bruha.
Tinignan siya ng mabuting ng matanda, isang titig na tila ba
sinusuri ang kanyang buong kaluluwa.
"Oo hijo, malapit na. Malapit na malapit na at darating ito
nang hindi mo inaasahan, nang dahil dito..." Sabay bukas ng ikaapat na
baraha.
"LA FALSO! Ang manloloko. Itong taong ito ang
magdudulot ng iyong kamatayan. Siya ang magpapasabuhay ng mga pinaplanong
kasakiman ng bruha laban sa'yo, siya ang magbibigay katuparan sa kasamaan ng
bruha. At kung maaari, layuan mo siya. Huwag mo siyang pakinggan. Huwag mo
siyang paniwalaan. Kung hindi, ikamamatay mo ito. Kakailanganin ng bruha ang
tulong ng manloloko, at sa pinakadi-inaasahang pagkakataong matitibag ka nang
dahil lang sa pangloloko ng taong ito."
Natigilan si Angelo. Teka?
May mangloloko sa akin? Sino ba?
Ang bruha, ang mandirigma, ang nagmamahal,
ang manloloko - sinu-sino sila?
Sino ang bruha? Si Corina? Ang mandirigma? Si Dimitri? Si Nanay? Si Gio? Ang
manloloko? Si Dimitri? Si Maryanne? Si Riza? Si Gio? Ang nagmamahal? Si Dimitri
lang ang alam ko. Bakit Lord? Bakit ganito ang basa ng mga barahang ito?! At mistulang mabibiyak ang puso ni
Angelo sa mga karumal-dumal na hula ng matanda sa kanya.
"Bilang isang manghuhula hijo, wala akong kakayahang baguhin
ang kapalaran mo, ang magagawa ko ay pagbalaan ka lang, pagsabihan. Wag mong
ikatakot ang mga ito, dahil tutulong sila sa ikakasatao mo. Lakasan mo lang ang
loob mo. Tibay ng loob at tatag lamang ang magliligtas sa’yo" Patuloy ng
matanda habang nililigpit na ang mga baraha at inilalagay sa itim na lalagyan.
"Bakit niyo po to sinasabi sa akin? Bakit po tayo nagkita?
Bakit po tayo nag-usap? Bakit niyo po ako tinawag?" Naguguluhang tanong ni
Angelo.
"Tadhana hijo. Tadhana. Nakatadhana kang lumapit sa akin, at
nakatadhana rin akong basahin ang iyong kapalaran."
"Wag niyo po akong pinaglololoko! Wala po akong pera!"
Pabirong tawa ni Angelo. Ngunit hindi nakitawa ang matanda.
"Walang bayad ang sinumang magpapahula sa akin hijo... Ngunit
hindi rin ako pumapayag kung sinu-suno ang huhulaan ko. Mararamdaman ko lang
kung tinatawag ako ng kaluluwa para hulaan ang karampatang kapalaran. Iyon
lang. Makakaalis ka na." Tumayo ang matanda at pinagpatuloy ang pag-ispray
ng tubig sa mga halaman at maliliit na bulaklak.
"O, okay ka na?" Tanong ng nurse.
"Kuya, s-sino po ba siya? Totoong manghuhula ba talaga iyan
siya kuya?" Tanong ni Angelo sabay turo sa matanda na lumayo at
pinagpatuloy ang pag-didilig ng halaman.
"Siya ba? Si Aling Tining iyan. Magaling manghula iyan, halos
lahat ng hinuhulaan niya, eksakto ang kanilang kapalaran. May bata ngang
nasagasaan at dito naospital, tapos hinulaan niya ang kapalaran ng bata na
pagtungtong ng edad 20 ay mananalo siya sa lotto, at oo! Nanalo ang bata
matapos ang 8 taon!"
"Baka naman tsamba lang iyon kuya? Alam mo na, ilagay nating
dose pa lang ang bata ng nahulaan siya ng matanda, at pagtungtong niya ng bente
ay mananalo siya sa lotto, e di syempre may walong taon siyang subukan ang
lotto di ba?"
"Yun na nga Angelo eh, bakit nahulaan ng matanda na sa
pagtuntong ng eksaktong bente anyos ng bata, mananalo siya? Kasi kung sinubukan
niya ang buong walong taon, e di pwedeng nanalo siy ang mas maaga? Pwede ring
pagkatapos niyang mag bente? E di sa ganoong lagay, nagsisinungaling ang
matanda! Pero bakit bente talaga?"
"Naku naman kuya, pati ikaw nagpapaniwala diyan. Siyempre may
mahigit tatlong daan at animnapu't araw ang isang taon!"
"Tapos? Bakit nahulaan ng matanda na sa loob ng mahigit
tatlong daan at animnapu't araw mananalo ang bata? Pwede namang manalo siya
pagkatapos ng "mahigit tatlong daan at animnapu't araw", di ba?"
"Hay naku kuya, basta ako hindi ako naniniwala."
"Hindi, Angelo... Ayaw mo lang maniwala. Bakit ba?"
Natigilan si Angelo sa sinabi ng nurse na kanyang kasama. Totoo naman siguro? Natatakot akong
maniwala, natatakot akong mamatay. At
tumulo na naman ang kanyang luha.
"Ahhh, alam ko na bakit ayaw mong maniwala, takot ka mamatay
ano?" Sabi ng nurse.
Nilingon ni Angelo ang nurse at tumango.
"Okay lang iyan, Angelo. Kung totoo man na mamamatay ka, at
malapit na ito, walang problema. Tanggapin mo itong maluwag sa iyong kalooban.
Pero alam mo ba na hindi namamatay ang isang tao kung hindi niya nahahalubilo
ng maigi ang soulmate niya? Tsaka, di ba sabi naman ng matanda maliligtas ka?
Tatag ng loob lang ang kailangan mo."
"H-ha?"
"Oo, Angelo. Hindi ka pa mamamatay. Magmamahal ka pa ng labis
bago ka mamamatay. Kaya wag kang mag-alala. Gumising ka, at araw-araw mong
kumbinsihin ang sarili mong handa ka na mamatay. Ganoon lang. Kahit ako, handa
na ako mamatay eh. Hehe. Magpakatatag ka lang. Maliligtas ka pa. May panahon
pa." Ngumiti ang lalaking nurse kay Angelo. Namangha naman si Angelo sa
tapang at tatag ng nurse.
"Ang tapang mo naman kuya."
"At ang pogi ko pa!" Sabay kindat kay Angelo. Tumawa
naman si Angelo. Totoo naman eh, pogi naman talaga ang nurse.
Tinignan ni Angelo ng maigi ang mukha ng nurse, gwapo ito. Mukhang
artista, parang half-american at half-asian, maputi at magaganda ang biloy sa
pisngi. Hindi masyadong pantay ang ngipin ngunit hindi ito nakakabawas ng
kapogian ng nurse.
"Kuya, gwapo rin po ba ang boyfriend mo?"
"Oo naman! Siyempre kagaya ko. Hahahaha."
"Kuya..."
"O sir?"
"Bakla ka ba?" Nahihiyang tanong ni Angelo.
Tumawa ang nurse.
"Kung ang ibig sabihin mo ay iyong open na bakla na
nagcro-cross dress, hindi. Lalaking-lalaki ako gumalaw, magsalita, at manamit.
Pero wag mong ibahin kasi nirerespeto ko rin ang mga baklang ganoon. Pero kung
ibig mong sabihin ay iyong lalaking naiinlove sa kapwa lalaki, abay oo. At oo,
mahal na mahal ko ang boyfriend ko. Handa akong mamatay para sa kanya."
Nginitian ng lalaking nurse ang kalangitan.
"P-Paano po kayo nagkakilala?"
"Di inaasahan eh. Para kaming aso’t pusa. Noong una kailangan
lang namin magsama. Hanggang sa nadala sa emosyon.."
Natigilan si Angelo, may pagkakahawig kasi ang sitwasyon ng nurse
noon sa sitwasyon nila ni Dimitri.
"Matalino, matangkad, matipuno, gwapo, pinagkakaguluhan.
Ganyan ko siya maisasalarawan. Actually, kasama ko siya eh. Bad boy type kasi
siya eh. Salbahe kumbaga, kaya kahit dreamy siya, walang nagkakagusto sa kanya.
Suplado. Awkward nga. Tapos, maraming kababalaghan ang nangyari. Hanggang sa
magkabistuhan, magkaaminan, at inamin ko sa kanila na in love ako sa kanya. Sa
di inaasahang pangyayari, niligtas ako ng taong ito, maraming beses. Hanggang
sa nawala siya… at ginive up lahat ng meron siya para sa akin, para sa amin.
Hanggang ngayon kami pa rin.
"Ahh, masaya naman po kayo. Nakakainggit may love life
kayo."
"Bakit wala ka rin ba?"
"A-Ah, eh, kasi... M-Magulo!" Pagdadahilan ni Angelo.
"Meron ka ata eh! Kagabi nag-iiiyak iyong gwapong lalaki,
iyong malaki ang katawan at matangkad, maputi at naka-eyeglass na maluwag ang
panga?"
Si Dimitri.
"Alam mo pal-"
"Oo! Nagkwento kasi siya sa akin kung paano niya pinagsisihan
ang ginawa niya sa tao raw na nasa kwarto. Tinanong ko naman kung nasaang
kwarto tapos tinuro niya ang kwarto mo, naguluhan ako kasi lalaki naman, tsaka
ayon ko lang nalaman na mahal na mahal ka talaga niya at gay couple rin kayo
katulad namin ng boyfriend ko. Mahal mo ba siya?"
"Ah... eh..." Ngumiti si Angelo na kinikilig at tumango.
"Bata ka pa eh. Basta, kakaiba ang pag-ibig na mararamdaman
natin. Ang mahalaga, ipaglaban lang natin ito.“ Ginulo ng nurse ang buhok ni
Angelo.
Nagkuwentuhan pa sila ng nurse at di nila namalayan na tatlong
oras na pala ang dumaan. Nag-aya si Angelo na bumalik na sa kanyang silid.
Inalalayan naman siya ng nurse na makabalik. Habang naglalakad sila, hindi pa
rin matanggal sa isip ni Angelo ang hula ng matanda. Naguguluhan siya,
nalilito, natatakot. Sana
hindi totoo ang sinabi ng matanda. Sana. Sana.
"O sige sir. Andito na po tayo sa room niyo. Ako nga pala si
Titus sir."
"Sige Kuya. Dito na lang po ako sa pintuan. Ako na lang po
papasok. Angelo po pala Kuya."
"Nice meeting you po, sir Angelo. Tawag ka lang po ng nurse
kung meron kayong kailangan. Nasa dulo lang po ang station namin."
"Sige kuya. Nice meeting you rin po!" Sabay shake hands.
Nasa pagshe-shake hands sila nang bumukas ang pinto ng silid ni
Angelo at lumabas si Dimitri. Tinignan ni Dimitri ang mga kamay nila na
nagsheshakehands. Kumalas si Angelo at dumiretso na sa nurse station si Titus.
"Uy! Asawa ko! Kamusta ka na?" Bati ni Dimitri sabay
bukas ng kanyang mga braso para yakapin si Angelo.
"I'm fine. I'm doing fine." Sabay iwas sa yakap ni
Dimitri at pumasok na sa kwarto niya. Seryoso ang mukha ni Angelo at pinapakita
niyang hindi siya apektado sa mga pangyayari.
Sumunod naman si Dimitri at sinarado ang pintuan.
"A-Angelo?" Nauutal na tawag ni Dimitri. Hindi binigyan
ng pansin ni Angelo si Dimitri.
"I-I'm so-sorry sa mga ginawa ko. Sana mapatawad mo na
ako." Sabay yakap kay Angelo na nakahiga sa kama.
Hindi gumanti ng yakap si Angelo. Pero dahan-dahang napipiga ang
kanyang puso nang nararamdaman niyang bumabasa ang kanyang balikat. Umiiyak
pala si Dimitri.
Hindi sila nag-iimikan at magkayakap lang sila ng buong limang
minuto.
"Angelo... I never meant to hurt you. I just wanted you to
tell me na nagseselos ka, na mahal mo ako... That's all. And Riza isn't my
girlfriend, she's my very, very bestfriend. I hope you understand tha-"
Naluluha na si Dimitri.
"I do, Dimitri. I know. Gio told me. No need to explain. I
completely understand."
Kumalas sa pagkakayakap si Dimitri, hinawakan ang mukha ni Angelo.
Nararamdaman ni Angelo ang mga nakakakiliting titig ni Dimitri sa kanya. Medyo
tumutulo na ang mga luha ni Dimitri at nararamdaman ni Angelo na mahal na mahal
talaga siya ni Dimitri.
"Nice! Can you understand this as well?" Sabay halik ni
Dimitri sa labi ni Angelo. Nagulat si Angelo sa ginawa ni Dimitri. Hindi naman
talaga siya dapat magulat eh, kasi panaka-naka namang ninanakawan ni Dimitri ng
halik si Angelo, ngunit pilyo ang mga halik na iyon, nangungulit lang, hindi
ang klase ng halik na nangungusap, na nagpaparamdam ng pag-ibig.
Kakaiba rin ang halik ni Dimitri ngayon, puno ng emosyon. Ramdam
ni Angelo ang luha na lumalabas mula sa mga mata ni Dimitri, ramdam niya ito sa
kanyang pisngi. Magkadikit ang kanilang mga mukha kaya bawat patak ng luha ni
Dimitri ay parang patak ng luha ni Angelo. Naawa si Angelo kay Dimitri.
Ang halik na iyon ay parang pinaghalong paghihinagpis, pagsisi,
kalungkutan, kasiyahan at higit sa lahat, pag-ibig.
Puno ng kilig ang katawan ni Angelo. Habang magkadikit ang
kanilang mga mukha at magkalapat ang kanilang mga labi, hindi niya maiwasang
isipin na gustuhing angkinin ng buong-buo si Dimitri, tama - mahal niya pala si
Dimitri.
Matagal silang naghalikan. Hinawakan ni Dimitri ang magkabilang
sentido ni Angelo at kumalas sa pagkakahalik pero nanatiling magkadikit ang
kanilang mga noo.
"Angelo... Forgive me. Hinding-hindi na kita sasaktan ulit.
Mamahalin kita. Paliligayahin kita. Hinding-hindi na kita paiiyakin."
"Ganyan din ang sabi mo noon eh nang magkita tayo, tapos
pinaselos mo lang ako." Hinawakan ni Angelo sa Dimitri sa batok.
"Oo Angelo. Pinaselos kita, pero hindi kita niloko. Hindi
kita pinaasa. Pinaselos kita, fine. Pero sa pagpapaselos ko, minahal pa rin
kita. At inamin mo rin na mahal mo ako. Tagal ko nang hinintay iyon, di mo lang
alam!"
Tawanan habang magkadikit ang kanilang mga noo. Hinahawakan nila
ang batok ng isa't-isa.
"Angelo, will you be my boyfriend? I love you, at hindi-hindi
kita sasaktan. Akin ka lang at ako'y sa'yo... Nangangako akong ikaw lang ang
mamahalin ko." Sabay mabilis na halik sa labi ni Angelo.
Ngunit seryoso pa rin ang mukha ni Angelo.
"I-I'm sorry, Dimitri... Sinabi kong mahal kita pero..."
"I understand Angelo. Hindi ka pa handa na maging boyfriend
ko. It's okay." At kumalas si Dimitri sa pagdidikit ng noo ng isa't-isa at
binitawan na rin niya ang sentido ni Angelo.
"Binasted kita Dimitri kasi sabi ko naman di ba, ako ang
manliligaw sa'yo?" Sabay hila ng batok ni Dimitri na napupuluputan ng mga
braso ni Angelo.
"Will you be my boyfriend, Dimitri?" Sabay ngiti ni
Angelo.
Nanlaki ang mga mata ni Dimitri. Tumulo ang luha ni Dimitri,
lumiwanag ang kanyang mukha at halatang-halata ang saya sa kanyang mukha.
"OO ANGELO! YES! SHIT! DI MO LANG ALAM KUNG GAANO KO KATAGAL
HININTAY ANG PAGKAKATAONG ITO!" Sabay siil ng malambot na halik sa mga
labi ni Angelo. Naghalikan na naman sila.
Mga isang minuto silang naglapat ang kanilang mga labi ng bumukas
ang pintuan. Pumasok si Gio. Nakita ni Gio ang paghahalikan ng dalawa at nasa
tabi lang siya, nakatingin sa dalawa.
"Oh! Istorbo ata ako, tawagin niyo lang ako pagkatapos
niyo." Tinignan ni Gio ang kamay ni Dimitri na nagmuwestrang lumabas muna
siya."
Lumabas naman si Gio at sinarado ang pintuan.
Matapos ang sunod na minuto ng paghahalikan ay kumalas silang
dalawa ngunit magkahawak pa rin sila sa batok ng isa't-isa.
"I've waited for this for so long Angelo, and now heto na
tayo. I love you!"
"Handa na ako pare, and I'm not going to let this feeling go
away."
"Pare? Pangit naman nun. Parang magtropa lang. Dapat may
tawagan tayo. Babes? Honey? Asawa ko? Ano ba?"
"Ano ba ang gusto mo Dimitri?"
"Ah! Alam ko na. Sal!"
"Bakit sal?" Tanong ni Angelo.
Hindi kaagad sumagot si Dimitri at umupo sa tabi ni Angelo sa
kama. Hinawakan ni Dimitri ang hita ni Angelo at pataas baba niyang ginagpang
ang kanyang palad sa hita ni Angelo.
"Kasi, ako ang iyong unang salsal!" Tumawa si Dimitri.
Sinuntok siya ni Angelo sa braso.
"Ano ba yan. Ang laswa. Walang dating."
"Ah eto Angelo, magaling 'to. Hanep. May dating."
"Baka malaswa na naman iyan, makikipagbreak ako sa'yo."
"Magugustuhan mo to."
"Ano nga?"
"Jack."
"Bakit Jack? E Angelo naman ang pangalan ko?"
Naguguluhang tanong ni Angelo.
"Kasi basta't ikaw, may pagmamahal bawat
"Jack-kol"!" Tawa-tawa si Dimitri.
"Gusto mo break na tayo?" Masungit na tanong ni Angelo.
"Kunwari ka pang ayaw mo, nasarapan ka nga sa pagjajakol ko
sa'yo!" Sabay kiliti sa tagiliran ni Angelo.
"AHAHAHAHAHAHA! WAG DIMITRI! SHIT! MAY KILITI AKO
DIYAN!" At napahiga silang dalawa sa hospital bed habang kinikiliti ni
Dimitri si Angelo. Hindi na pinansin ni Angelo ang dextrose na nakakabit sa
kanyang kanang palad.
"HAHAHAH! TIGIL NA DIMITRI!"
"Sabihin mo munang payag ka sa "Jack"?"
Tumigil si Dimitri habang nakangiti kay Angelo.
"HAHAHAHAHAHAH-HINDI-HAHAHAHAAH! WAG!! HINDI AHAHAHAHAH SHIT
TAMA NA!!" Patuloy sa poagkiliti si Dimitri kay Angelo.
"Ayaw mo talaga ha?" At mas pinatindi pa ni Dimitri ang
kiliti kay Angelo, binuka niya ang mga hita ni Angelo, humiga sa katawan ni
Angelo, patuloy sa pagkiliti sa tagiliran ni Angelo, sabay siil ng halik sa
leeg niya.
"HAHAHAHAHAHAHAHHA! SHIT SIGE NA OO. TIGIL NA JACK PLEASE OH
MY GOODNESS! SHIT HAHAHAHAHAAHHH JACK PLEASE-"
At tinigil na ni Dimitri ang pagkiliti kay Angelo. Nakahiga pa rin
si Dimitri sa katawan ni Angelo, hinahaplos-haplos ang mukha ni Angelo at
tinignan bawat detalye sa mukha ni Angelo.
"Hindi ko aakalaing maiinlove ako sa lalake Angelo. Pero sa
lahat ng naging nakarelasyon ko, ikaw lang ang ginusto ko ng husto to the point
na nakikita ko mukha mo bago ako matulog, sa paggising ko ikaw hinahanap ko, sa
pagkain ikaw gusto kong kasama. Ang ibang girlfriend ko, hindi, sa'yo pa lang
talaga. I love you. You're the best thing that's ever happened in my whole
life." Sabay nakaw ng halik sa mga labi ni Angelo.
--------------------
Nakabihis na si Gab at lalabas na sana siya ng dorm room nang may
di-inaasahang bisita siyang dumating.
"Hi babe? Where are you going?" Malanding tanong ng
babae habang nilalaro ang mga daliri sa di-kalakihang dibdib ni Gab. Nagulat si
Gab sa biglang pagsulpot ng babae. Isasarado na niya sana ang pintuan nang
naharangan siya ni Corina.
"Pupuntahan ko si Angelo. He's in St. Ferd's hospital
now." Diretsong tingin ni Gab kay Corina na halatang nataranta dahil sa
pag-aala kay Angelo. Umirap si Corina at pinigilan ang kamay ni Gab sa pagsara
ng pintuan.
"Teka. Sino may sabi?" Naiiritang tanong ni Corina.
"Si Gio. Pinapasunod niya ako. Bakit babe, may
problena?" Inosenteng tanong ni Gab.
Obvious ba Gab? Ayaw ko na pumunta ka sa baklang iyon. Simple!
Ibang klase talaga tong baklang to oo, mahalimuyak talaga sa mga lalake. Pwe!
Kadiri! Sa isip ni Corina habang matagal silang nagtitigan ni Gab.
Nagbuntong-hininga si Corina sabay hawak sa kamay ni Gab.
"Babe... baka pwedeng sa susunod na araw na lang muna ang
bakl- este si Angelo. Since I'm here, maybe we can do... something." Sabay
halik ni Corina sa mga labi ni Gab. Mapusok ang halik, malandi, at nang-iimbita.
Noong una ay nagulat si Gab sa ginawang paghalik ni Corina, kaya
nagpaubaya muna siya. Sa susunod na mga sandali, naalala niya si Angelo na nasa
ospital.
Kumalas siya sa paghalik kay Corina at inuuyog ang ulo. "I'm
sorry Corina. I really have to go to Angelo. He needs his friends now."
Umungol si Corina at nilapit ang sariling katawan sa katawan ni
Gab. Binawasan niya ang agwat ng kanilang mga mukha at malanding dinilaan ang
mga labi ni Gab.
"So are you saying he's nore important than I am right
now?" Maharot na tanong ni Corina. Nataranta si Gab at hindi niya alam ang
isasagot. Kaagad niyang hinalikan si Corina dahil sa tumataas na libog. Gumanti
rin ng halik si Corina. Binuhat ni Gab si Corina habang nakapulupot ang mga
binti ng babae sa balakang ng lalake. Hayok na hayok na ang dalawa at
nakalimutan ni Gab ang pag-aalala para kay Angelo.
Pinagsaluhan nila ang kamunduhan.
Pagkatapos nilang magtalik, nasa kama ang dalawa at nagsisiksikan
dahil sa liit ng single bed. Napagod si Gab sa ginawa nila ni Corina kaya
mabilis itong nakatulog. Nang mapansin ito ni Corina, tumayo siya, kinuha ang
kanyang cellphone, at pumasok sa banyo. Siniguro na muna niyang nakatulog si
Gab bago tuluyang sinarado at nilock ang pinto.
May pangalan siyang hinanap bago pinindot ang call button.
"Hello Corina?" Bati ng tao sa kabilang linya.
"Nagsimula na ba ang plano mo? Bakit ang aga ata?"
Naguguluhang tanong ni Corina sa kanyang kausap.
"Ano ba iyang sinasabi mo? Di ba kinausap na kita tungkol sa
plano ko kay Angelo? At kung tungkol kay Angelo ang sinasabi mo, hindi pa
ngayon ang angkop na panahon. Matagal pa. Bakit, anong nangyari?"
"Naospital raw ang bakla. Ewan ko kung anong nangyari.
Kailangan ko pang italik si Gab para malaman ko lang na naospital pala tong
bading na to."
"Talaga? Naospital siya? Hindi ako ang may gawa niyan! Baka
kadramahan lang iyan ng katawan niya dahil ilang araw na rin siyang hindi
kinikibo ng lalake niya eh."
"Sus! Maniwala. Pero seryoso, hindi talaga ikaw?"
"Hindi nga! Ano ba! Tanga ka ba talaga kahit kailan Corina?
Huh?!" Sigaw ng tao sa kabilang linya. Napalayo naman si Corina sa
cellphone at nagulat sa pagsigaw ng tao.
"Oh sige sige. Aalis na ako. Kala ko pa naman ikaw, excited
na akong waratin ang buhay ng bading na iyan." Tumawa si Corina.
"Hoy, Corina, bakit ka nga ba kasi galit na galit kay Angelo?"
"Hmmmmm ewan ko. Ayaw ko lang talaga sa kanya. Nandidiri ako
sa kanya. Tinignan ko nga si Dimitri sa mata isang araw at parang tumiklop ang
pakpak ng lalake! In fairness gwapo rin pala ng Dimitri na iyon ha. Jackpot si
bading! Eh ikaw ba, bakit gusto mong maghiganti kay Angelo?"
"Malalim ang dahilan ko Corina, maliban sa broken hearts, o
sa panloloko. Malalaman mo rin sa takdang panahon."
"Tagal naman!"
"Bahala ka." Malamig na sagot ng tao sa kabilang linya.
Maya-maya naramdaman ni Corina na binabaan na siya ng telepono.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hinarap niya ang salamin at ngumiti.
Ako rin Angelo may mas malalim na dahilan... may ninakaw ka na
dapat sana'y para sa akin. May kinuha ka na dapat ay sa akin. At hindi kita
mapapatawad...
Pumatak lang ang luha ni Corina habang inaayos ang kanyang buhok.
---------------------
Matapos masaksihan ni Gio ang paghahalikan nila ni Angelo at
Dimitri, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Para siyang nalungkot at
nararamdaman niyang hindi na siya mahalaga pa sa buhay ni Angelo, ngunit sa
kabilang banda ay masaya pa rin siya para sa kaibigan. Nanigas siya habang
tinitignan ang dalawang lalaki na naghahalikan bago siya sinenyasan ni Dimitri
na lumabas. Lumabas siya. Feeling
ko, wala na akong silbi.
Oo, lumabas nga siya. Ngunit bahagya niyang binuksan ang pintuan
upang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalake, na sa tingin niya ay opisyal na
magsing-irog na talaga.
"I've waited for this for so long Angelo, and now heto na
tayo. I love you!"
"Kasi, ako ang iyong unang salsal!"
"Kunwari ka pang ayaw mo, nasarapan ka nga sa pagjajakol ko
sa'yo!"
"Hindi ko aakalaing maiinlove ako sa lalake Angelo. Pero sa
lahat ng naging nakarelasyon ko, ikaw lang ang ginusto ko ng husto to the point
na nakikita ko mukha mo bago ako matulog, sa paggising ko ikaw hinahanap ko, sa
pagkain ikaw gusto kong kasama. Ang ibang girlfriend ko, hindi, sa'yo pa lang
talaga. I love you. You're the best thing that's ever happened in my whole
life.".
Ito ang mga salita ni Dimitri na mistulang mga punyal na
sumasaksak sa puso ni Gio. Sila
na pala talaga. Masaya ako para sa kanya. Masaya na ata si Angelo sa bagong
buhay niya eh. Sa pagkatao ni Dinitri, hindi lang siya nagkaroon ng boyfriend,
napalitan na rin pala ang kanyang bestfriend. Parang kape lang si Dimitri eh, 2
in 1.
Ang sakit lang. Ang dali namang makalimot ni Angelo sa
pinagsamahan naming dalawa. Halos magkadikit na ang aming mga bituka, pero
dahil sa pag-ibig napalitan na niya ako. Sinikap kong maging mabuting kaibigan,
pati pag-arteng bakla sa kanya ginawa ko na rin, ngunit iba na talaga kapag
puso ang magdidikta. Ganito pala kasakit. Ang sakit kung isantabi ka lang na
parang laruan na tapos ng gamitin. Ang sakit palang maiwan sa ere at hindi man
lang mabigyan ng atensyon. Ang sakit palang mawalan ng kaibigan... nang dahil sa
pag-ibig. Masakit.
Matagal pa ring nakatayo si Gio sa likod ng pintuan habang
pinapakinggan ang masasaya at mahaharot na tawa ni Dimitri at Angelo sa
kabilang bahagi ng pintuan. At bawat saya na na kanyang naririnig mula sa bibig
ni Angelo ay parang mga truck ng graba na pilit tinatabunan si Gio sa limot at
hiya. Hindi niya maipaliwanag ang hinagpis na kanyangnnararamdaman.
Bakit ka ba naman kasi naging bakla Angelo? Bakit naman kasi hindi
ako naging bakla? Bakit naman kasi hindi ako nagkakagusto sa lalaki? Di ka na
sana nawala pa sa akin. Lecheng buhay to oo. Nakaka-inggit naman pala maging
bakla. Kung natuturuan lang sana ang puso kung paano ang umibig...
Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Gio. Mamaya, hindi na niya
makayanan ang lungkot at nagdesisyun na siyang lumakad at kalimutan ang
nararamdaman ng isang taong nilimot at binasura.
Umupo siya sa isang bar at nag-order ng isang bucket ng red horse.
Pilit niyang inaalala ang mga masasayang ala-ala nila ni Angelo bago pa man
sila mapaghiwalay ng tadhana.
"Bakit ka nag-iisa diyan? Gusto mo sumama ka sa akin doon sa
laot?" Tanong ng isang payatot na lalaki sa akin. Mabait ang kanyang mukha
at halatang magaling sa languyan dahil sa kulay ng kanyang balat na sunog.
Tinignan ko ang lalaki at maaliwalas ang ngiti nito. Isang ngiti
na puno ng saya at ligaya. Nakatayo ito sa harapan ko dala-dala ang isang
malapad na piraso ng styrofoam.
"Okay lang ba na samahan kita?" Mahiyaing tanong ko.
Nang marinig ng bata ang tanong ko, mas lumawak ang ngiti nito at hinampas ako
sa likod.
"Oo siyempre naman! Nahiya ka pa! Nagmumukmok ka kasi diyan
sa batuhan eh. Halika na!" Hinila ako ng bata habang tumatakbo kami
papuntang laot.
"A-Anong pangalan mo?" Tanong ko habang naghihingalong
lumusong sa tubig.
"Angelo!" Sagot ng masiglahing bata. Pumapalaot na kami
at inaabangan ang mga sakay ng ferry boat na hulugan kami ng barya o candy.
Tinignan ko si Angelong bibong tumitingala at sinisisid ang mga nahuhulog bago
tuluyang mawala sa paningin. Nang may nakita akong candy na mahuhulog,
inabangan ko ito. Sasaluhin ko na sana nang hindi ko ito naabutan. Ang
nakakatawa, nabitawan ko ang styro foam ni Angelo.. at hindi ako marunong
lumangoy.
Habang pilit kong sinisisid ang candy, pinapalabas kong magaling
at marunong ako upang hindi ako mapahiya sa bago kong kaibigan. Pero mali.
Hindi ko nakayanan ang tubig at naghihingalo akong pumapadyak sa tubig para
hindi malunod. Pero nararamdaman kong palubog nang palubog ako sa tubig. Nang
nag-angat ako ng tingin kay Angelo, malayo-layo ito sa akin, tiyak hindi ako
natutulungan nito. Nagpaubaya na lang ako sa tubig at hindi na gumalaw.
Nalulunod ako.
Mamatay na ang mamatay.
Sabi ko. Ngunit mali na naman ako. Nararamdaman kong may humila sa
akin pataas at inakay ako sa styro foam. Si Angelo, niligtas niya ako. Sa
wakas, nakahinga ako at pinahiga niya ako sa kanyang styro.
Tumawa ito.
"Hindi ka pala marunong lumangoy? Hahaha. Ibabalik na lang
nga kita." Sinimulan na niyang itulak ang styro sa pier habang ako ay
nanatiling nakahiga at hapong-hapo.
"Oo. Takot akong malunod eh. Pero hindi ako takot sa
tubig." Mahinang sagot ko.
"Okay lang iyan. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong
niya sa akin.
"Gio." Sagot ko.
Nakaabot na kami sa pier at naaapakan na namin ang mga bato.
"Sige, Gio ha? Kung may kailangan ka, tawagin mo lang
ako." Ngumiti ito sa akin. At sa puntong iyon, nakaramdam ako ng saya ng
pagkakaibigan.
Pauwi na ako nang nakita ko ang mga lalaking kaklase ko. Tumawa
ito nang dumaan ako sa harap nila.
"Ang payatot oh! Bakla! Hahahahaha." Sigaw nila sa akin
at paulit-ulit kong narinig. Hindi ako nakapagtimpi at nasuntok ko ang lalake.
"Hindi ako bakla! May kaibigan na akong lalaki! Tandaan niyo
yan!" Naguluhan ang iba pang kasamahan ng lalake at pinalibutan nila ang
dumudugong bibig ng lider nila. Diretso lang akong naglakad.
Lalaki ako. May kaibigan akong lalaki. Hindi ako bakla. At ito
lahat dahil kay Angelo. Pinamulat niya sa akin na hindi ako matutuksong bakla.
Salamat sa kanya, naging lalaki ako. Sigurado ako sa kasarian ko.
Siguro panahon na rin na bigyan ko ng space si Angelo. Karapatan
na rin niya sigurong magkaboyfriend. Siguro panahon na hindi ko na siya
baby-hin. Malaki na siya, at wala na rin siguro akong dapat patunayan sa kanya
pa. Tumungga ng beer si Gio. Hinugot niya ang kanyang cellphone sa
bulsa dahil nag-vibrate ito.
ANGELO CALLING...
Wala na siguro akong kakatakutan pa maliban sa posibleng
pagkalunod...
ANGELO CALLING...
Sana naging bakla na lang ako. Para at least hindi niya ako
makakalimutan…
ANGELO CALLING...
At sana, maturuan niya pa ako kung paano lulumangoy…
ANGELO CALLING...
Na sana, sa lahat ng mga kahinaan ko, andiyan pa rin siya…
ANGELO CALLING...
Na sa lahat ng saya at lungkot, andiyan pa rin siya…
ANGELO CALLING...
Na kahit may boyfriend pa siya, hindi niya ako makakalimutan…
ANGELO CALLING...
Na minsan, nagkaroon siya ng kaibigan na ang pangalan: “GIO
GABRIEL SANTOS.”
“DENY INCOMING CALL.”
"DENY. Yan naman ang ginagawa mo sa akin eh." Sabi ni
Gio sa sarili habang tumatawa habang pinupunasan ang mga luha.
Pero sa kailaliman ng kanyang puso.. Nasasaktan sa pagkawala ng
kaibigan.
Suportado pa rin naman kita Angelo kahit papaano eh. Masaya nga
akong masaya ka.
Wag mo lang akong kalimutan. Kung saan ka, doon ako masaya.
Itutuloy…
Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
LA BRUJA. EL SOLDADO. EL AMANTE. LA FALSO.
first...
ReplyDeletewell author naiintindihan ko naman talaga...
saktan pa si angelo... Lol XD
salamat sa update
-john of Kidapawan
wag naman sana na mamatay si angelo...malamang si corinne at angelo ay kambal.....si gab siguro ang manloloko at si gio ang tagapagtanggol kay angelo... sana makayanan ni angelo....
ReplyDeleteramy from qatar
ramy from qatar
Sinusubukan ko ng hulaan kung sino yung magic four! Ganda ng update! Excited na ako! C:
ReplyDeleteAng korni nung sa hula! Kairita! :3
ReplyDeleteOA lang si gio nag ka bf lang ang bestfriend nakalimutan na agad ee ganun din naman ginawa nia nung nagbanda sia at ng may jowa ane be yen! Haha
ReplyDeleteAlam ko na, ang manghuhula at ang author ay iisa. Hehe.. biro lang. Mr. Author wag naman sana mamamatay si angelo. Mamatay na lang sila wag lang si angelo. Lol. I think maryanne has an evil plan, sya yung manloloko. Hehe. Thanks mr. Author.
ReplyDeleteyuun!!!!! lumaban din sya putek !!! wahahah tagal ng patayan!!!! wahahaha ang psychopath ko,,..
ReplyDelete-dino
Manloloko - maryane
ReplyDeleteBruha - corina
Soldier - gio
Nagmamahal - Dimitri.
Yan hula,ko,hahahaha
Cno kya ung misteryosong kausap ni Corina?
ReplyDelete