Followers

Tuesday, December 10, 2013

A Dilemma of Love 29 (Pagtataksil) at Mga ‘Dilemma’ ng ‘A Dilemma of Love’ 2

Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com





--------------------------------------------------------------------------------
Mga Dilemma ng ‘A Dilemma of Love’ 2
  1. Minsan, nagiguilty ako at naiisip kong hindi naman talaga ako nagsulat ng love story. At mas lalong hindi naman ako nagsulat ng kwento. Ang ginawa ko ay sumulat ako ng IDEALS na SININGITAN ng KWENTO. Kadalasan kasi KWENTONG SININGITAN ng IDEALS, ‘yung tipong kapag may problema ‘yung bida eh lalapit siya sa isang all-knowing and all powerful entity na mahihingan niya ng advice. ‘Yung mga tipong mga salitang makukuhaan mo ng aral. ‘Yung mga bagay na pinagsasabi ni Chong kapag nakasinghot siya ng sunog na gulong ang mga bagay na kadalasang bumabagabag sa isip ko kapag nananahimik ako. At kadalasan ay tahimik akong tao. Pero hindi ko naman sinasabing kapupulutan ng aral ang mga naiisip ko (Dyusme, ikaw kayang mag-isip ng mga ganoong bagay, tingnan ko kung ‘di ka mabaliw…XD). Minsan, sakit lang sa ulo ang mga litany ko…XD Sa mga characters ng ‘Dilemma’, si Chong ang kinakatawan ko.
  2. Yes, ang writer ay si Chong. Kaya nahirapan talaga ako sa mga unang chapters. ‘Yung mga una kasi ay sa point of view ni Alfonse, na mas masculine daw ang character sabi ng author (WEH?). Iniisip ko kung paano ko maaachieve ‘yung character na lalaking-lalaki, tapos naiisip ko na kailangang magtunog mayabang ‘yung character. ‘Yung tipong nakukuha ang lahat, bruskong pakinggan, at confident sa sarili niyang makukuha niya lahat. At lahat ng characteristics ko ay kabaligtaran niyan…XD Kaya nahirapan talaga ako. Tapos ang detalyado pa ng pagkakasalaysay ko. Hindi ko pwedeng i-alternate na point of view ni Fonse at point of view ni Chong, kasi kung ilalagay ko sa point of view ni Chong ang kwento, nareveal na lahat ng liko ng kwento, wala ng thrill (Sakyan niyo na lang ako, kunwari meron talagang thrill…XD).
  3. Dapat talaga hanggang sa dulo ay sa view point ni Fonse ang ‘Dilemma’, kaso sumuko rin ako. Chapter 16 ang huling chapter na nasa viewpoint ni Fonse. Napahinuhod na rin ako. Naisip ko kasing bakit hindi? Ganon naman ‘yung ginawa ni Yann Martel sa Life of Pi, alternating third at first viewpoint. And after all, hindi lang si Fonse ang may dilemma, maging si Chong.
  4. Kasabay ng pagbuwag ko sa viewpoint ni Alfonse, ay ang pahapyaw na sulyap sa mundo ni Chong. Kapag third person at ikinukwento ang adventures ni Chong, dinig sa salaysay ang cynicism at sarcasm. ‘Yung tipong indifferent siya sa ibang tao at untrusting siya. Ganon talaga si Chong. Ajinomoto kasi ang kinalakihan niyang gatas.
  5. Isang bagay pa na tungkol sa hungkag na author ng mapalabok na kwentong ito ay ang pangalan niya: MENALIPO ULTRAMAR. At hindi ‘yan ang totong pangalan ng author. Oo, pseudonym ‘yan. Dyusme, katulad nga ng sabi ko sa isang reader na nakapagsend sa akin ng e-mail (Hi, James…XD), kawawa ang taong may ganyang pangalan…XD Kung natatandaan niyo, si MENALIPO ang pinsan ni Florante na nangrape sa kanya. Joke, siya ‘yung pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya sa Florante’t Laura. ‘Yung ULTRAMAR naman ay galing sa lumang diyaryo dito sa Pilipinas, mga Stone Age yata. Yes, nagtatago ako, nasa Bulkang Taal ako at hindi pwedeng may maka-alam kung nasaan ako. Kaya nag-alala ako ng malaman kong required ang bawat contributor sa MSOB na magbigay ng picture at description. Hindi ko alam kung tuloy pa rin yun…XD
  6. Kahit na pseudonym lang gamit ko, makikila niyo pa rin ako sa Dilemma. Gusto niyong makilala ang paborito niyong writer? Basahin niyo ‘yung mga una niyang akda. Sigurado’t sigurado ako, may mga tagpo dun sa kwento na halaw sa totoong karanasan ng writer. Minsan, maski ‘yung pangalan, malapit na malapit na, ‘yung tipong pinalitan na lang ng isang letra. Et voila! At maski ‘yung leading man, NAKU! Siguradong may pinaghalawan ‘yun.
(Disclaimer: Kung mali ‘yung conclusion ko, ‘wag niyo akong isumpa. At kung tama ako at inirereveal ko ang sikreto nating mga writer dito sa MSOB, ‘wag niyo rin akong isusumpa…XD)

---------------------------------------------------------------------
"Eto ba ang hinahanap mo?"
Nagitla si Alfonse. Alam niyang maaaring nasa mga kamay ni Chong ang kanyang hinahanap. Alam niyang ngayong gabi'y maaaring masira ang lahat ng mga binuo nilang pangarap. "Cho...Cho..." Ibinaling niya sa kasintahan ang mga matang puno ng takot at lungkot.
Sinundan ng tingin ni Chong ang kanyang kamay na unti-unti niyang itinataas. Sa karakas niya'y walang anumang mababakas. Ang mapanlibak niyang ngisi'y pumanaw sa kanyang mukha.
Hawak ni Chong sa kanyang mga daliri ang engagement ring ni Alfonse at Mylene.
"Chong...Chong..." Pumatak ang mga luha sa mata ni Fonse.
Ibinaba ni Chong ang kanyang kamay at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. “Bakit hindi mo kaagad sinabi?” Isang ngiting mula sa kaibuturan ng puso.
Lumuha si Alfonse na tila isang sanggol. Mabilis siyang naglakad at niyakap si Chong. “I’m sorry. Sorry. Dapat sasabihin ko na sa’yo. Hindi ko gustong saktan ka. Sila Mama at Papa lang ang may gusto sa kasal. Maski ako binigla nila. I’m sorry …” Ang kanyang yakap ay humihigpit, tila takot na sa pagkawaglit ay mawalay sa kanya si Chong.
Napangisi si Chong, isang mapanlibak na ngisi. “Shhh, wala kang dapat ipaliwanag.” Ramdam niya ang bawat luhang pumapatak sa kanyang balikat. “Pero dapat hindi ka naglihim. Napakasayang bagay nito para itago…” Puno ng saya ang kantang tinig, salamin ng kawalang pagtitiwala ang kanyang mga mata.
“Chong, ‘wag kang magagalit. Please, ‘wag. Hindi matutuloy ‘yung kasal, hindi matutuloy…” Lalong humigpit ang kanyang yakap.
Tumaas ang kilay ni Chong. Dahan-dahan. May pag-galang. May buong pag-iingat. “Eh paano ‘yung babae? Paano ang Mama at Papa mo?” Patagilig niyang tiningnan si Fonse na naksandal sa kanyang balikat. “Paano ang kontrata niyo?”
Walang anumang sagot na nagmula kay Alfonse. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata’t lumuha.
“Kailan ang kasal niyo?”
Napuno ng pagtataka ang mga mata ni Fonse. “Sa June, dalawang buwan pagkatapos ng graduation…” Yumapos sa kanyang likod ang mga palad ni Chong, mga malalamig na palad. “…Natatakot ako, ayokong magpakasal. Hindi ko alam ang gagawin ko…”
“Tahan na, wala kang dapat ipag-alala…” Banayad na hinaplos-hinaplos ng mga palad ni Chong ang likod ni Fonse. Puno ng alaga. Puno ng unawa. Puno ng pagmamahal. Tuluyang isinandal ni Chong ang kanyang ulo sa ulo ni Fonse at saka pumikit.
Dahan-dahang idinilat ni Chong ang kanyang mga mata. Puspos ng pag-iingat. Malimit ay tatama sa kanyang paningin ang makulay na tanglaw ng silid. Ngunit ang kanyang mga mata’y salamin ng walang kulay at siglang paligid. Pinanawan ng buhay at kaluluwa.
“…’wag kang matakot, andito lang ako…”
---------------------------------------------------------
“…I should have known na ‘yun ang dahilan kung lagi kang wala sa sarili…”
Mula sa kawala’y itinuon ni Alfonse ang kanyang mga mata kay Chong. Ang mga ito’y malamlam at tila puyat.
“The flies are feasting on your food.” Karaniwan ang tono ni Chong, tila isang gurong nangangaral sa isa sa tatlong daan niyang estudyanteng alam niyang makakalimutan din siya paglipas ng panahon.
Detached. Uninloved. Distrust.
“Galit ka ba sa akin?” Hinawakan ni Fonse ang mga kamay ni Chong, hindi alintana ang pagtigil at pagkagulat ng iilang estudyanteng nakakakita sa kanyang ginawa.
Tiningnan ni Chong ang pagkakahawak sa kanyang kamay ng hindi yumuyuko. He is looking down at it. Nakita niya ang mainit na paghaplos ng kamay ni Alfonse sa kanyang malamig na kamay. Tiningnan niya sa mata ang kaharap ng walang kahit anong emosyon. Saka siya ngumiti ng buo. “Anong gusto mong gawin ko para mapatunayan kong hindi ako galit?” ang sabi niyang malambing.
Napangiti si Alfonse. Ang kanyang mata’y tila nagningning sa namumuong luha. “Just smile. ‘Yung ngiting nakita ko nung hinayaan mo akong akbayan ka for the first time…”
Tumaas ang kilay ni Chong na tila nagtatanong. Tiningnan lamang siya ni Fonse nang puno ng sinseridad. Unti-unti’y nabakas sa mukha ni Chong ang isang ngiti, isang ngiting hindi maikaka-ilang mula sa puso. “Kumain ka na, magugutom ka niyan sa exam…”
Maski sa mukha ni Fonse ay nabanaag ang isang matamis na ngiti.
“May kilala ka bang Sandra Altamirano?” Ang tinig ni Chong at may bahid ng alinlangan.
Nagpatuloy sa pagkain si Alfonse. “Oo, bakit?”
Nabakas ang gulat sa mata ni Chong. “Kaano-ano niyo?”
“Fiancée si Alfred…” Lumiit ang mga singkit na mata ni Fonse. “Teka, ba’t mo natanong?”
Natigilan si Chong. “Uhmm, nakita ko lang sa…broadsheet. Nag-organize daw sila ng event to help the victims of child abuse, kasama ‘yung tatay mo, tsaka a certain Ferdinand Chua…”
Si Alfonse naman ang natigilan. “Ahhhhh. ‘Yung tatay ni Sandra tsaka si Ferdinand Chua ang pinakamatalik na mga kaibigan ni Papa…”
Napangisi si Chong. “Uy Fonse, mauna na ako. Magtetest na ako niyan sa SanEng.”
“Pwede kong hiramin ‘yung notes mo sa Foundation? Magrereview na sana ako para sa sa Final Exam.” Binilisan ni Fonse ang kanyang pagnguya.
 “Sige, pero isoli mo sa Thursday. Magtetest kami niyan sa Friday…” Hinalungkat niya ang loob ng kanyang bag. Matagal, tila may ihihahanda.
“Sigurado ka bang okay lang na hiramin ko?” Palipat-lipat ang tingin ni Fonse. Una’y sa mga mata ng kasintahan, pangalawa’y sa mga malilikot nitong kamay.
Ngumiti ng matamis si Chong. “Okay lang, sa weekends na lang ako magrereview…” Iniabot niya kay Fonse ang kanyang kwaderno nang may  ningning sa mga mata.
“Thank you, thank you talaga…”
Muling isinukbit ni Chong ang gray na body bag sa kanyang kanang balikat. “Wala kang dapat ipagpasalamat… Sige mauna na ako…” Tumalikod siya’t umalis.
Iniligpit ni Fonse ang kanyang pinagkainan. Bigla’y nasagi ng kanyang kamay ang notebook ni Chong. Nalaglag ito sa maalikabok na daan. Tiningnan niya ito’t bukod sa kwaderno’y may nakaipit rin ditong nakaplastic na CD.
Binasa ni Fonse ang nakasulat sa CD. “Booby trap?”
“Ser, bakit po kayo nagmamadali?” Sinundan lamang ng tingin ni Manang Elsa ang kanyang napakabilis na mga hakbang. Tangan niyang mahigpit ang notebook kung nasaan ang CD.
“Manang, andiyan na po ba sila Mama at Fred?”
“Wala pa po Ser, pero ang sabi po pauwi na…” Inaninag niya sa taas ng engrandeng hagdan ang binata. “Ser, gusto niyo po ng miryenda? May uwi pong cake si Ma’am kanina.”
Ngunit hindi pinansin ni Fonse ang tanong ng matanda. Natulala na lamang si Manang Elsa at bakas ang pagtatanong sa mukha. “Anong nangyari kay Ser?”
Hindi alintana ni Fonse ang kanyang bag na nahulog mula sa kanyang kama. Kaagad niyang binuksan ang kanyang laptop at isinaksak ang CD.
“Hindi ba’t parang mali ‘yung ginawa ko? Dapat yata isinoli ko na lang kay Chong? Parang hindi yata magandang maki-alam ako ng gamit?” Patuloy na naglaro ang mga ito sa kanyang isipan. Nag-aalinlangan niyang pinili ang nag-iisang file na nasa CD, isang recording.  Katahimikan ang unang narinig mula dito, saka narining ang mahinang tugtugin ng ‘Party in the USA’.
“Hindi…” Idinantay niya ang kanyang hinalalaki sa buton ng DVD drive ng laptop. “…Hindi ko dapat ginagawa ‘to…”
“Sir heto na po ‘yung shake niyo...” Natigil si Fonse sa kanyang balak. Kumunot ang kanyang kilay. Tila nadinig na niya minsan ang mga salitang iyon.
“Thanks..”
Itinuwid ni Fonse ang kanyang upo habang lalong inilalapit ang tainga sa maliwang na monitor ng laptop. Pagkatapos ng pasasalamat ay walang nadinig sa recording kundi katahimikan.
“Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, kaya kita gustong kausapin, eh para linawin kung ano man ang meron sa amin ng kakambal mo... Hindi mo naman kailangang gawin ‘yung ginawa mo kanina. Ibinaba mo lang ang sarili mo. You should have talk to me instead...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse, hindi siya makapaniwala sa kanyang nadidinig.
 “Well, bago ako magsalita, pwede bang makipatay muna ‘yang inirerecord mo?”
“HA?”
“Mister, kanina ka pa tingin ng tingin sa ibaba ng mesa mo, particularly sa kanang bulsa mo.Parang kang nanonood ng porn sa isang public area at nag-aalalang mahuli ka ng kung sinong tao...”
“Anong sinasabi mo?”
“At kung matatandaan mo, naabutan kitang nagtetext kanina pagkadating mo at nang makita mo ako, inilagay mo sa kanang bulsa mo. Saka ka pumunta sa banyo, not for too long. Bakit? Dahil in the first place hindi ka naman talaga nagbanyo, pumunta ka lang sa banyo para i-on ‘yang recorder mo ng hindi ko nakikita.”
“Sandali...”
“Mister, hindi mo rin magagamit ‘yang recording na ‘yan against sa akin. I mean, I haven’t mention any name since nagstart ‘yang recording mo. I didn’t mention YOUR name, and YOUR TWIN’S name...”
“Pero Ch...”
“Don’t you dare speak. Hindi mo ba naisip na pwedeng makilala ng kung sino ang boses mo. Sige sabihin na nating wala ka naman talagang kinalaman dito, pero alam mong napakamalisyoso ng utak ng mga tao, you should know that. At kahit na dineny mo ang dapat mong ideny, gagawa at kakalat pa rin ang mga balitang wala naman talaga sa plano mo…”
Pinutol uli ng katahimikan ang tinig ng dalawang nag-uusap.
 “What do you think mister? Pwede na ba akong magsalita?”
Humigpit ang kapit ni Alfonse sa mesa sa kanyang harap. Hanggang ngayo’y hindi siya makapaniwala. Alam niyang ito ang recording na nadinig niya mula sa Iphone ng kanyang kakambal dalawang taon na ang nakalilipas. Ito ang hindi tapos na recording na bumagabag sa kanyang isipan.
Datapwat ang pagkaka-iba’y nagpatuloy ang mga salita mula sa recording ngayon.
“Oo, may relasyon kami ni Fonse…”
“Tarantado ka. Nagawa mong papuntahin ako dito para sabihin ‘yan…” Dinig ni Alfonse ang pagpipigil sa boses ng kakambal. “…Tigilan mo ‘tong ginagawa mo…”
“Tapos ka na ba? Kasi ako hindi pa…” Sumunod ang ilang segundong katahimikan. “May relasyon kami pero hindi katulad ng iniisip mo. Walang pang nangyayari sa amin, walang sex na nangyari at walang magaganap na ganun…”
“Gago ka. Talaga bang hinihintay mong may mangyaring ganoon? Sa tingin mo titigan lang kita’t hahayaan ko lang iyon…”
“Hindi… Kaya nga kita kakausapin ngayon kasi alam kong hindi mo lang kami tititigan. Nagawa mo ngang makapagparinig kanina eh…” Mas malakas ang boses ni Chong kumpara kay Fred. “Makulit ‘yung kakambal mo. Bago pa naging kami, ginawan ko na ng paraan para tigilan niya ako. Pero wala. Siguro alam mo na lahat ng eskandalong ginawa ni Fonse. Nakita ko siyang pinakiki-alaman ‘yung mga gamit ko sa library. Nakipagkontsaba siya kay Sir Villacruel para maging magka-group kami. Kung meron ka mang minumura ngayon, dapat ‘yung kakambal mo…”
“Eh bakit ganon ang nangyari? Bakit naging kayo? Alalahanin mo marami kaming koneksiyon sa campus. Kahit anong oras, pwede kang makick-out.”
“Bakit ‘di mo subukan? Parang maganda yatang kumalat sa campus at makarating sa mga magulang mo na pumapatol sa bakla ang kakambal mo, hindi ba?” Dinig ang paghinga ni Chong, tila mas malapit sa kanya ang recorder. “Katak ka kasi ng katak, hindi mo muna ako patapusin. Hindi kami magsesex kasi kapag nangyari ‘yun, magbrebreak na kami. Isa ‘yun sa limang kondisyon ko sa kanya.”
Dilig ang pagtawa ni Fonse. “Kondisyon. Bangag ka ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Anong mararating nga kondisyon mo?”
“It’s so funny na nagawa mong lecturan kami tungkol sa natural complementarities ng lalaki at babae, pero hindi mo magawang gamitin ‘yang utak mo ngayon para mag-isip…”
“Tigilan mong pang-iinsulto mo sa akin.”
“Then, STOP INSULTING ME also.” Madiin ang pagkakasabi ni Chong. “Kung umeepekto sa lahat ng tao ‘yang ere mo sa ulo, ibahin mo ako. Kung gusto mong respetuhin kita, respetuhin mo ako…”
Nadinig sa malayo ang malalim na paghinga, tila mula kay Fred. “Pasensiya na. Nabigla lang ako.”
“Okay.” Bumaba ang tinig ni Chong. “Naging kami nung Surveying Project sa Pangasinan. I swear wala pang nangyari. We’ve agreed to five conditions. Una, kami pero hindi siya pwedeng lumapit sa akin ng dalawang buwan. Bawal ‘yung intercourse. Hindi siya pwedeng kumopya sa akin ng kahit anong uri ng sagot. Hindi siya pwedeng makipag-relasyon sa iba. Kahit anong mabreak niya sa mga ‘yan, matatapos ‘yung relasyon namin…”
“Hindi ko pa rin maintindihan. Para saan ‘yang mga ‘yan? Wala na bang ibang paraan. Ang gusto ko, matigil ang namamagitan sa inyo. Pero ang lumilitaw, parang gusto mo ang nangyayari? Ano ba talaga?” Maski ang tinig ni Fred ay huminahon, ngunit puno ng kalituhan.
“Fred, just to clear things up, maski ako, ayaw ko ang nangyayari sa amin. Gusto ko lang siya, I’ll be a hypocrite if I will deny that. Pero hanggang doon lang iyon. I’ve talked to him several times. Nung inamin ko sa kanyang gusto ko siya, akala ko lalayuan na niya ako. Pero hindi. Magkatapos nun, ininsulto ko naman siya. Tinanong ko siya kung namolestiya siya, at kung ano-ano, pero wala pa rin. Saka niya kinontsaba si Sir Villacruel. Kinausap ko siya pagkatapos nun. Tinanong ko siya kung ano ba talaga ang gusto niya, kung bakit niya pinaggagagawa ‘yung mga kabalbalang ‘yun. Tinanong ko siya kung bakit niya ako gusto, sabi niya walang dahilan. Basta gusto daw niya ako. Sinabihan ko siyang kapag ipinagpatuloy niya ang gusto niyang mangyari, lahat mawawala sa kanya, ikaw at ang pamilya niyo. Pero wala pa rin…” Tila naghabol ng hininga si Chong. “Kung gusto mo magpa-guidance counselor kayo. O ‘di kaya sabihin mo na sa mga magulang niyo, para sila na mismo ang gumawa ng paraan…”
“Hindi ko pwedeng gawin ‘yun Chong. Hindi pwede…”
Naghari ang sandaling katahimikan, tila nagpapakiramdaman. “Wala na akong ibang maisip na paraan…”
“Pero bakit ganoon? Bakit kailangang maging kayo? Mas lalo lang kayong nagkakalapit eh…”
“Hindi kami nagkakalapit, pero hindi rin kami nagkakalayo. Nasa gitna kami ng dalawang ‘yan. Ang gusto kong mangyari, malito siya kung nagkakalapit kami o nagkakalayo, kung kami na o hindi. Gusto kong magmula mismo sa kanya na hindi niya alam kung saan siya lulugar, hanggang siya mismo ang sumuko…” Sandaling tumigil si Chong. “Gusto kong magmula sa kanya ang katotohanang hindi niya kayang talikuran ang lahat ng tinatamasa niya para sa isang bakla…”
Tulalang ibinaling ni Fonse ang kanyang mata sa monitor ng laptop.
“…Kapag nalito siya kung nasaan kami at kapag naisip niyang wala siyang kahit ano mang pinanghahawakan, siya na mismo ang lalayo. Lalabagin niya ang isa sa lima naming kasunduan. At saka matatapos ang lahat…”
Katahimikan ang sunod na kumubkob sa mga tunog. Sa kwarto ni Alfonse ay ang mabilis na pinitig lamang ng kanyang puso ang nanaig.
“Sigurado ka bang eepekto ‘yan?”
“Naalala mo ‘yung araw na nagjoke ako na kami na sa harap ng barkada niyo. Ginawa ko iyon kasi binali niya ‘yung napagkasunduan naming distansiya. Nung araw ding iyon, nilandi-landi siya ni Grace, at alam ko hindi niya naamin dun sa babaeng kami na. Kahit na makulit ‘yung kakambal mo, takot pa rin siya sa pwedeng mangyari kapag may naka-alam na may karelasyon siyang bakla. Pagkatapos kong magjoke kunwari na kami na, nilayuan na niya ako hanggang sa dalawang buwang palugit…”
“ ‘Yun nga eh, natiis niya ‘yung dalawang buwan. Paano pa ‘yung iba? Biglain mo na kaya…”
“Matatagalan niya ang dalawang buwan. Pero hindi ang isang taon na walang halik at habambuhay na walang sex. Hindi ko pwedeng biglain. Kapag ginawa ko ‘yun, malamang maghanap lang siya ng iba. Maraming ibang bakla diyan…”
Naghari ang katahimikan.
“May tanong ka pa ba?”
 “Wala na…”
“Aalis na ako. Kung mayroon ka pang tanong tawagin mo na lang ako uli, basta tago…”
Dinig ang paggitgit ng mga tukod ng upuan sa lapag. Napakatinis. Ang isa pa’y ang pagtama ng kung ano man sa mesa na tila dahil sa pagtayo ng isang tao.
“Sandali…”
Kumunot ang kilay ni Alfonse. Ang akala niyang tapos ay hindi pa pala nagwawakas.
“Paano…tayo?”
Nagpanting ang mga tainga niya.
Nakarinig siya ng marahang halakhak, tila galing kay Chong. “Andito ako ngayon, para linawin sa’yong wala akong anumang masamang balak sa kambal mo. Kinausap kita para sabihin sa’yo na wala kang dapat ipag-alala sa pakikipagrelasyon ng kakambal mo sa bakla dahil wala naman akong inaasahan at binabalak na huthutin. At hindi lang iyon, minura mo na ako’t lahat-lahat dahil sa namamagitan sa amin ni Fonse, tapos ano, tatanungin mo ako kung paano tayo?”
Kinuyom ni Alfonse ang kanyang mga palad.
“Bitawan mo ang kamay ko.”
Natapos ang recording. Lumabas mula sa kanyang silid si Alfonse. Nanginginig ang kanyang mga palad at mabibigat ang kanyang mga hakbang.
-----------------------------------------------

YEY! Last five chapters…XD I’ll try to update on Monday.

10 comments:

  1. speechless...."Paano.tayo?".....

    kinilabutan.ako.sa.last.part.sir...(and.now.nasagot.na.yung.dati.ko.pang.tinatanong.sa.inyo.sir.about.sa.recording)

    awesome.chapter!!!

    -kio

    ReplyDelete
    Replies
    1. Omit the Sir nga eh!!! XD

      Wahahaha!!! Thank you :-)

      Delete
  2. First time ko mag comment at Ito lang rin ang bukodtanging binabasa ko...kaya pls update kana agad tol...hhehehe #drake

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll try. Kaso kasi Prelims na namin niyan. Sa hindi magkawriter's block...XD

      Thank you :-)

      Delete
  3. grabe ang rebelasyon na yun! mukhang may gulong mangyayari between Fonse and Fred,ahh. Sino nga kaya ang nakatadhana kay Chong!?


    nice,nice ^____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pansinin o rin 'yung sinabi ni Chong na plano niya...XD


      Tadhana? Let's see...>D

      Delete
  4. "Tangina ang galing! Puta" ---> mga unang reaksyon ko... Hahahaha

    Napakagaling mo Author! Wala akong masabi. Sana gawin itong book :))
    - K ! n G

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaha, nahawa ka lang sa galit ni Fred..XD

      Wahaha, magkasya ka na lang na nandito sa blogspot...XD

      Delete
  5. Thank you for mentioning my name. Wahahaha. Napamura ako ng walang tunog. XD

    Parang ayaw ko ng ituloy magbasa dahil sa mga revelation pero dahil maganda ang kwento ay tatapusin ko whatever the ending is. Aba! One year ko ng sinusundan tong kwentong to!

    May kutob na ako dati eh. Bumalik ulit sa isip ko yung mga reaction ni fred pag nkikita niyang mgkasama si chong at fonse. Lumilinaw na ang lahat. Chong is like a killer premeditating a murder. Though his not a murderer. Lol Gusto ko yungpagtagpi tagpi ng mga details. Ang galing. Best chapter so far!

    -james

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napamura ka dahil sa pagmention mo sa akin...XD Wahaha!

      Sa tingin ko nakakakuha ka ng hint sa mga comment ko sa'yo..XD

      Pero the Fred-Chong ek-ek, eh hindi ganon... BASTA, sa susunod na chapter na lang...XD May ibang dahilan kung bakit ginawa 'yun ni Fred. Alalahanin mo, may girlfriend siya...

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails