Followers

Saturday, December 14, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang FINALE



Nanahimik na lamang itong si Doc Racky habang mabilis siyang nagdri-Drive papunta sa kanilang Animal Hospital dahil sa life and death situation nitong si Thalia na kasama ni Doms ngayon na nakaupo sa passenger's backseat ng kaniyang Honda Civic...
Kaagad na isinugod nina Doc Racky and Doms itong walang malay na si Thalia sa Animal Hospital dahil kahit na kabuwanan na nitong manganak ay masyado pang maaga ang pagputok ng Water Bag nito...
Hindi lang ang buhay ni Thalia ang nanganganib bagkus ay mas delikado ang kalagayan ngayon ng mga puppies nito sa sinapupunan...
"You're going to be alright..." Ang naririnig ni Doc Racky na paulit-ulit na sinasambit ni Doms habang humihikbi ito't hinihimas-himas ang golden fur coat ng matabang si Thalia.
Kahit palaging hindi nagkakasundo kasi ang dalawa sa bahay ay parang isang member na din kasi ng Family ang turing ni Doms sa kanilang Pet na Labrador Golden Retriever...
That time din ay naaawa itong si Doc Racky kay Doms at kahit na gustong-gusto na niyang yakapin ito kanina para aluin ay pinigilan na lamang ni Doc Racky ang kaniyang sarili dahil medyo malamig pa ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa dahil sa kanilang recent na pag-aaway na nauwi sa paglayo ni Doms sa kaniya...
"Hello... Doc Racky..." Ang biglang narinig na lamang sa loob ng humaharibas na Honda Civic na tinig ng isang babae mula sa naka-Loud Speaker na iPhone ni Doc Racky.
"Nhinzy... Sinong naka-Duty dyan..." Ang sagot naman ni Doc Racky sa kaniyang tinawagang Vet Nurse.
"Kasama ko po tonight si Nurse Jai and nagpre-prepare na pong umuwi si Si Doc Aga..." Ani naman ng Nurse.
"Pakisabi naman kay Doc Aga na I'm on my way dyan and I need his help..."
"Anyare po Doc Racky..."
"May dadalhin ako dyang Patient for Cesarean... Malapit na kami dyan..."
"Sige po Doc... I'll prepare na ang operating room..." Ang last and attentive na sambit naman ni Nurse Nhinzy after they end their phone conversation.
Kitang-kita ni Doc Racky na lalo pang nag-Panic ang expression sa mukha ni Doms kaya nama'y kahit medyo naiilang siya'y kinausap niya ito...
"Don't worry Doms..." Ang tanging nasambit na lamang ni Doc Racky ngunit imbes na magReply itong si Doms ay humikbi na lamang ito na lalo pang nagpaGuilty sa kasalukuyang nararamdaman nitong si Doc Racky.
Naaalala kasi nitong si Doc Racky ang hitsura ng umiiyak na si Doms nang binungangaan niya ito't sinigawan sa kanilang naging pag-aaway...
Hindi na muling nagsalita pa itong si Doc Racky hanggang sa makarating na sila sa Animal Hospital dahil lalo pa siyang na-Akward sa hindi pag-imik sa kaniya nitong si Doms...

*******After 30 Minutes*******

After na ma-Estabilized nina Doc Racky and Doc Aga ang mga Vital signs ni Thalia and ma-i-Check ang kalagayan ng mga ide-Deliver na mga Puppies nito'y kaagad nilang isinalang kaagad ito sa Operation table upang magawa na nila ang C-Section ngunit bago mag-Scrub itong si Doc Racky ay muli niyang hinarap itong si Dominic...
Kahit ayaw man talagang gawin ni Doc Racky ito'y hindi niya mapigil-pigilan ang malakas na isinisigaw at ang panghahaltak sa kaniya ng kaniyang puso that time...
"Doms... Huwag ka nang mag-Worry... I'll take care of Thalia..." Ang pag-aasure ni Doc Racky sa humihikbi pa ding si Doms at pagkatapos ay walang pasabing ikinulong niya sa kaniyang well defined na mga bisig ang bigla na lamang na nagulat na si Doms.
...
...
...
Hindi talaga makapag-react ni Doms ng mga sandaling yaon...
Matagal na niyang nami--Miss ang mga yakap sa kaniya ni Doc Racky ngunit dahil sa kasalukyang situation ay para bang blankong-blanko ang kaniyang utak...
Kahit ganoon pa man ang diwa nitong si Doms ay ramdam na ramdam niya sa kaniyang puso ang nais ipadama sa kaniya nitong si Doc Racky...
Kahit hindi magsalita itong si Doc Racky ay damang-dama niya ang labis na pagsisisi nito at that time...
Hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili ngunit pakiramdam ni Doms na nanghihingi sa kaniya ng patawad itong si Doc Racky...
...
...
...
Walang kamuwang-muwang si Doms na desperadong umaasa itong si Doc Racky na susuklian niya ang ginagawa nitong pagyakap sa kaniya...
...
...
...
After ilang seconds ay automatic na kumilos ang dalawang mga bisig ni Dominic upang yakapin na din itong si Doc Racky... 

...

...

...

Ngunit naging masyadong mabilis ang mga pangyayari...

Kaagad na kumalas sa kaniyang pagkakaHug itong si Doc Racky at tahimik na itong pumasok sa Operating Room habang pasimple niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha...
Hindi ito napansin ni Doms dahil bigla na lamang lumakas ang kaniyang nararamdamang panghihinayang nang hindi niya nayakap itong si Doc Racky...
Napabuntong hininga na lamang itong si Dominic dahil sa tindi ng mga emotions na gumugulo sa kaniya ng mga sandaling iyon lalong-lalo na ang pag-aalala niya sa sine-Cesarean na si Thalia...

*******After A Few Hours********

Dumating na din ang sina Mommy Juliet and Daddy Elvis sa Animal Hospital at si Tita Luisa naman ang tumao sa bahay...

Doon na lamang silang tatlo na naghintay sa Lobby ng Animal Hospital hanggang sa madala na itong si Thalia sa Recovery Room...
"Congratulations..." Ang masayang bati ni Doc Aga nang hinarap na niya ang mga nag-aalalang sina Doms.
"How's our girl..." Ang tanong naman ni Daddy Elvis.
"She's very well... Okay na okay po ang kaniyang mga Vital Signs... She's a strong Dog..."
"Eh ang mga Apo namin..." Ang excited namang outburst ni Mommy Juliet.
"They're pretty Healthy po... Bulldog na Bulldog ang mga Puppies..." Ang reply naman ni Doc Aga.
"Bulldogs..." Ang nagtatakang sambit nina Daddy Elvis and Mommy Juliet dahil wala naman kasing Bulldog sa kanilang tinitirhang executive Village na pupuwedeng maka-Sex kasi ni Thalia.
"When can we see them..." Ani ni Mommy Juliet.
"Follow me... Nalinisan na ng mga Nurses namin ang Five puppies..." Ang masayang pagyaya naman kaagad ni Doc Aga sa mag-asawa.
"Are you coming Son..." Ang bati naman ni Daddy Elvis nang makita niyang naupo na lamang ulit itong si Doms.
"Mauna na po kayo... I'll check on them later... I'm so Exhausted..." Ang reply naman kaagad ni Doms.
Binigyan na lamang siya ng smile ng kaniyang Mommy and Daddy at pagkatapos ay masasaya at mga excited na itong sumama kay Doc Aga upang makita na ang mga puppies ni Thalia...
Tahimik na naiwang mag-isa itong si Doms at matiyaga niyang inabangan itong si Doc Racky at baka magawi ito sa Lobby...
Nagnanais ngayon na kausapin ng masinsinan nitong si Doms itong si Doc Racky...

*********After A Few Minutes*******

Hindi na nakatiis pa itong si Doms kaya nama'y kaagad na nagtungo siya sa Information Desk upang tanungin kung nasa saan na ba si Doc Racky...
"Umalis na po..." Ang sagot naman ng magandang si Nurse Jai Cyrus nang hinanap sa kaniya ni Doms ang kaniyang Boss.
"HA..."
"Opo Sir... Umalis na po siya right after ng Cesarean Operation..."
"Saan pumunta..."
"Wala pong sinabi Sir eh... Nagsabi na lang po na uuwi na siya..."
"Thank You Miss..." Ang talunang sambit na lamang ni Doms kay Nurse Jai Cyrus at pagkatapos ay kaniya nang pinuntahan ang kaniyang mga hindi pa ding bumabalik na Mommy and Daddy.

*******After Two Days*******

Naging occupied ang buong household nina Doms dahil sa pagdating ng five na additional members ng kanilang family at dahil dito'y talaga namang naging proud na proud sina Daddy Elvis and Mommy Juliet sa kanilang Baby na si Thalia at hindi din nila maiwasang mapag-Discussion-an kung saan naka-meet itong si Thalia ng Bulldog...
"Wala man lang nagmana sa iyo Baby..." Ang masaya at sweet na sweet na sinabi ni Daddy Elvis isang umaga habang pinupuno niya ng Puppy Chow ang Bowl ni Thalia.
"ARF..." Ang masayang reply naman ni Thalia habang pinapa-Dede niya ang kaniyang mga Puppies.
"Doms... Where are you going..." Ang biglang sambit naman ni Mommy Juliet nang makita niyang papalabas ng Bahay si Doms.
"Kina Doc Racky lang po..." Ang mahinang reply naman ni Doms at pagkatapos ay sinundan na siya ng kaniyang Mommy Juliet sa labas upang kausapin.
"Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos..." Ang next na itinanong kaagad ni Mommy Juliet nang makalabas na sila ni Doms ng bahay.
NagSigh na lamang itong si Doms habang iniilingan niya ang kaniyang Mom...
"Ano ba naman kasi ang pinagkatampuhan nyo..."
"Maliit na bagay lang po Ma... Kasalan ko naman po kasi kaya nagagalit sa akin..."
"That would be weird..." Ang hindi napigilang puna naman ni Mommy Juliet sa kaniyang anak.
"HA???!!!"
"Hindi naman siguro galit si Doc Racky..." Ang reply lang ni Mommy Juliet.
Kasabay nang pagtatapos ng sentence ng kaniyang Mommy Juliet ay bigla na namang naalala ni Doms ang pagyakap sa kaniya ni Doc Racky noong nasa sa Animal Hospital sila...
"Did something happen ba..." Ang next na naiusal ni Mommy Juliet.
"Wala po Ma... Pero wait lang po... Pano nyo naman po nasabing hindi galit si Doc Racky..." Ang curious na tanong naman ni Doms.
"First of all eh kung galit si Doc Racky sa iyo eh hindi naman siya tutulong para isugod si Thalia sa Hospital di ba....
And second... Inako niya ang Bills noong nag Labor si Thalia..." Ang explain naman ni Mommy Juliet sa kaniyang lalo pang napag-isip na Son.
Nanatiling tahimik na lamang si Doms habang sinusuri siya ng kaniyang Mommy Juliet na tila ba binabasa nito kung ano nga ba ang nasa isip ng kaniyang anak...
"Doms..." Ang biglang singgit naman ng nagwawalis na si Tita Luisa sa usapan ng mag-ina.
"HA... Ano po yun Tita Lui..." Ang gulat usal kaagad ni Doms.
"Baka may nagawa ka na naman..." Ang sambit ni Tita Luisa na lalo pang iinagulat ni Doms.
"MAY ALAM KA DIN TITA LUI..." Ang hindi makapaniwalang outburst ni Doms.
"Ako pa..." Ang maiksing reply na lamang ni Tita Luisa kasabay ng pagbibigay niya ng paninging straight to the eyes of Doms.
"Wala namang problema sa Tita Lui mo Doms..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet to give assurance sa biglang nana-nahimik na anak.

**************

Hindi mapigilang ma-Upset ni Doms habang naglalakad siya papauwi dahil matagal-tagal din kasi siyang nagdo-Doorbell sa bahay ni Doc Racky ngunit sa kasamaang palad nama'y hindi ito lumabas ng bahay...

Iisipin na sana ni Doms na ayaw na siyang makita pa nito ngunit napansin niyang wala pala sa garage ang Honda Civic nito kaya nama'y in-nAssume na lamang ng binata na umalis ito't wala sa bahay...
Habang pabalik na itong si Doms sa kanilang bahay ay hindi maiwas-iwasang maramdaman ni Doms na para bang may namumuong malakas na kutob sa kaniyang dibdib at hindi niya mapigilang makaramdam ng takot habang unti-unting namumuo sa kaniyang isipan ang isang Idea about Doc Racky...
Buong maghapon na lamang na ini-Occupy ni Doms ang kaniyang pag-iisip and Attention sa pag-aalaga kay Thalia and thankfully nama'y nakatulong ito dahil ang kyu-Cute talaga ng mga Puppies at hindi din mapigilang mapa-i-Smile ni Doms dahil proud na proud itong si Thalia sa kaniyang mga anak...
Kahit na nakaka-Smile that day itong si Doms ay hindi pa din niya maialis-alis ang pag-iisip niya kay Doc Racky dahil palagi na lamang lumalarawan sa kaniyang mga ala-ala ang kaniyang naramdaman nang huli siya nitong niyakap...
...
...
...
Kinagabiha'y nagbakasali na naman itong si Doms na bumalik sa bahay nina Doc Racky ngunit just like what happened ay umuwing bagsak na naman ang dalawang balikat ng binata nang makita niyang walang ilaw ang buong bahay ni Doc Racky...
Hindi na din naglakas ng loob itong si Doms na pumasok sa bahay ni Doc Racky kahit na gusto niyang ibukas ang mga ilaw ng bahay nito sa kadahilanang baka magalit na naman ito sa kaniya...
Doms learned his lesson kaya nama'y medyo nag-iingat na din siya sa kaniyang mga ikinikilos and nag-e-effort talaga siyang baguhin ang kaniyang pag-uugali...

*******That Evening*******

Hindi na talaga mapakali itong si Doms kaya nama'y mabilis niyang tinawagan ang mobile ni Doc Racky ngunit 'Cannot Be Reached' lang ang nagPrompt on the other line...
Hindi na nagDial pang muli itong si Doms bagkus ay mabilis niyang inalis ang pagkaka-Blocked niya sa FB ni Doc Racky upang matignan niya ang FB nito...
Sa kasamaang palad ay mahigit three weeks nang walang update ang status ni Doc Racky sa FB and that time ay hindi na talaga napigilang mapaluha nitong si Doms...
"Doc..." Ang mahinang hikbi na lamang ni Doms habang ibinabaon niya sa pillow ang kaniyang mukha.
Doon ay unti-unti nang nabalot ng pangamba't pagkatakot itong si Doms...
Alam ni Doms at hindi niya maitatangging ang kaniyang naramdaman noong niyakap siya ni Doc Racky...
Malinaw na malinaw kay Doms at kahit na hindi nagsalita noon si Doc Racky ay naiparating sa kaniya nito sa pamamagitan ng pagkakayakap nito sa kaniya na naghihingi ito ng Tawad...
Napasuntok na lamang bigla itong si Doms sa kaniyang kama kasabay ng lalo pang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil sa matindi't malakas na pag-uusig ng pagsisisi na sumasaksak sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao...
"Shit..." Ang namutawi na lamang kay Doms nang mga sandaling yaon.
Batid ni Doms na kung sana'y nasuklian niya kaagad ng pagyakap din itong si Doc Racky ay hindi siya nakakaramdam ng pag-uusig ngayon...
Ang pag-uusig na Bigtime niyang pinagsi-sisihan...

*******After One Week*******

Tanging pagbugtong hininga na lamang ang nagagawa ng mga kasama ni Doms sa bahay tuwing makikita nilang nananamlay ang binata dahil alam din naman kasi nilang wala silang magagawa sa problema nitong si Dominic...
Kahit na tanungin nila kung okay lang ba ito'y alam nilang nagsisinungaling ito't sinasabing ayos lamang siya...
Naisin man nilang pigain sa interrogation info itong si Doms ay wala pading magiging magandang effect ito at hindi naman din kasi maibabalik nito ang dating sigla't saya ng binata...
"Hindi ko na alam ang gagawin dyan sa anak natin..." Ang talunang naiusal na lamang ni Daddy Elvis kay Mommy Juliet habang nagko-Coffee sila kasama si Tita Luisa.
Kakauwi lang kasi ni Doms galing trabaho at nang niyaya ni Daddy Elvis na mag-Coffee ang anak ay matamlay itong umiling at kaagad na umakyat sa room nito...
"First Love..." Ang naiusal na lamang naman ni Mommy Juliet.
"Mabuti nalang at may mga babies na tayo dito kungdi pati tayo magiging affected dyan kay Doms..." Ang natatawang sambit naman ni Tita Luisa dahil lumapit itong si Thalia sa kanilang tatlo na kasunod ang mga Puppies nito.
BreastFeeded kasi ni Thalia ang kaniyang mga Puppies kaya nama'y mabilis itong mga lumaki at kaagad na nakakagapang ng mabilis...
"Hayaan nyo na si Doms... Kaya nya yan..." Ang last na sinabi na lamang ni Mommy Juliet kina Daddy Elvis and Tita Luisa habang kinukuha niya ang isa sa mga Puppies ni Thalia upang i-Cuddle.
Kahit na ganoon ang statement ni Mommy Juliet ay hindi pa din niya maiwasang mag-alala para sa kaniyang anak dahil lately ay napapansin niyang bumabagsak na ang katawan nito dahil palagi na lamang na nag-i-i-skip ito sa meal...
Naisin man nila na mag-intervine kay Doms ay nagdecide na lamang silang huwag nang mangialam since may edad na ito at tungkol naman din kasi sa lovelife ang problema nito bagkus ay they're praying that everything will be well as soon as possible...

************

Kahit sa work ay talaga namang napansin ng kaniyang mga kasamahan ang malaking pananamlay ni Doms at kahit sa kanilang head ay hindi ito nakatakas...
"Doms..." Ang pagtawag ni Myrtle habang naglalakad itong si Doms papunta sa office ng kanilang Boss.
Nilingon na lamang ni Dominic itong si Myrtle at hindi na niya ito inimikan...
"Can we have Coffee after our work... My treat..." Ang sambit kaagad ni Myrtle nang malapitan na niya itong si Doms ngunit tahimik na umiling na lamang itong si Doms at tinalikuran siya.
"Hey..." Ang sambit muli ni Myrtle sabay hawak niya sa isang braso ng papalayong si Doms.
"May balita ka ba kay Kuya Racky... I'm trying to contact him pero wala siyang paramdam..." Ang mabilis na explain kaagad nitong si Myrtle.
Kahit na medyo nabigla itong si Doms ay umiling na lamang siya kay Myrtle...
"Can you notify me kapag nagkabalita ka na kay Kuya Racky... Nag-aalala na kasi ako..." Ang concern na concern na sambit muli ni Myrtle.
"I'll let you know..." Ang maikling reply lamng ni Doms at pagkatapos ay tuluyan na niyang iniwan itong si Myrtle upang pumunta na sa office ng kanilang Boss.
Hindi din maiwasang mag-alala ni Doms dahil sa kaniyang narinig from Myrtle...
Hindi naman niya masisi itong si Doc Racky at baka tuluyan na nga itong lumipat ng bahay...

Ilang araw at gabi na din kasing hindi natitiyempuhan ni Doms itong si Doc Racky sa bahay nila at hindi din niya ito makontak-Contact kaya nama'y nag-give up na lamang siya sa kaniyang planong makausap itong si Doc Racky...

Kahit siya'y nakakaramdam ng Awkwardeness sa fact that they're living in the same executive village...
...
...
...
Dinatnan naman ni Doms ang Head ng Museong Pambata na nagpre-Prepare nang umuwi kaya nama'y hindi na siya nagpa-tumpik-tumpik pa at kaagad na sinabi sa kaniyang Boss ang pakay niya dito...
"I'm expecting this Doms..." Ang nasambit na lamang ng Head nila nang ibaba na nito sa kaniyang desk ang Resignation notice na ibinigay sa kaniya ni Doms.
Napa-Smile lang ang Museum Head nang makita niyang tumaas ang dalawang kilay ni Doms dahil sa kaniyang sinabi...
"I know that this is coming... Sinabihan na kasi ako ni Megan..." Ang natatawang sambit kaagad ng Boss ni Doms.
"Alam nyo na din Ma'am..." Ang hindi makapaniwala't talunang nai-Reply na lamang ni Doms.
"Ganito na lang... I know what's happening to you... I won't accept your resignation Doms..."
"Hindi ko na po talaga kaya Ma'am... Burned out na burned out na po ako... PROMISE..." Ang explain naman ng nagmamakaawang si Doms.
"Alam ba ito ng Mare..." Ang tanong naman ng Museum head disregarding the explanation ni Doms.
"Hindi pa po alam ni Mommy eh..."
"Huwag kang magResign... Ganyan lang talaga ang first love..." Ang nakaSmile na explain muli ng Boss ni Doms sa kaniya.
Hindi na nagReply itong si Doms bagkus ay lalo pang bumagsak ang facial expression nito't mga balikat...
"I think One month is enough..."
"What do you mean Ma'am..."
"One month vacation... Tignan mo nga yang hitsura mo... Haggard na haggard ka na..."
"I want to resign po..."
"Saka na lang natin pag-usapan yang Resignation mo pagkatapos mong magbakasyon...
You need to take a break... I'll see you after a month... Start na ang vacation mo bukas..." Ang last na sinabi na lamang ng Boss ni Doms na hindi na natanggihan pa ng binata.
Walang kaalam-alam itong si Doms na si Megan Young mismo ang nagsabi sa kaniyang Tita na bigyan ng Vacation itong si Dominic upang makapagpahinga't makaRecover...

*******After Two Week*******

Halos walang ibang pinagkaabalahan ang buong household nina Doms kundi ang mga malilikot na mga Puppies ni Thalia kaya nama'y parang palaging may riot sa loob ng kanilang bahay...
Malaki din ang naitulong ng mga cute puppies dahil habang nagbabakasyon itong si Doms ay siya ang nag-aalaga sa mga ito ngunit kahit pa man busy si Doms ay palagi na lang siyang nagkakaroon ng mga Emo moments at habang patagal ng patagal ay lalo siyang nakakaramdam ng lungkot at pagsisisisi...
Tinanggap na ng buong-buo ni Doms sa kaniyang sarili na tuluyan na ngang lumipat ng bahay itong si Doc Racy dahil personal niyang kinumpirma sa Animal Hospital ang status nitong si Doc Racky...
Napag-alamanan ni Doms na nag Leave itong s Doc Racky sa trabaho at walang sinabing reasons at kung kailan ang balik nito...
Kahit na nalaman niya ang mga infong ito'y hindi pa din siya mapakali ng mga sandaling iyon...
Alam niyang harsh ang paghihiwalay nila ni Doc Racky kaya nama'y desididong-desidido siyang makausap ito ng masinsinan upang makipaghiwalay silang dalawa officially ng maayos...
Ayaw niyang matapos ang relationship nila na may galit si Doc Racky sa kaniya kaya nama'y nagpaalam siya sa kaniyang Mommy Juliet upang pumunta ng Batangas...
"Pano ka naman nakakasiguradong nasa Batangas nga si Doc Racky..." Ang tanong naman sa kaniya ni Mommy Juliet.
"Uuwi din naman po ako kapag wala si Doc doon eh..." Ang paliwanag naman ni Doms at talagang desperado na niya kasing makausap si Doc Racky.
Pakiramdam kasi ni Doms ay parang may malaking puwang sa kaniyang puso't pagkatao nang mawalay sa kaniya si Doc kaya nama'y naghahanap siya ng isang maganda't mahinahong closure para sa kanilang dalawa...
Tanggap na tanggap na talaga ni Doms na hindi talaga magwo-work out ang kanilang relationship at hindi na din maiaalis ang pagkakalamat nito...
Ang nais lamang talaga ni Doms ay mapatawad siya ni Doc Racky so that they could part ways peacefully...
Lalong lalo na siya...
"Ipagpabukas mo na lang yan..." Ang reply naman sa kaniya ni Mommy Juliet.
"Bakit po..."
"May lakad kami ng mga Daddy at Tita Luisa mo..."
Hindi na nag pumilit itong si Doms bagkus ay kaniya na lamang sinunod ang kaniyang Mommy Juliet dahil natonohan niyang hindi request ang sinabi nito sa kaniya kundi isang utos...

**************

"Paano Doms... Ikaw munang bahala kay Thalia at sa mga Babies..." Ang sambit ni Mommy Juliet kay Doms that afternoon.
Tinunguhan na lamang ni Doms ang kaniyang Mom at matamlay na niyang pinagpatuloy ang kaniyang panonood ng TV hanggang sa makaalis na ang mga ito...
...
...
...
"Arf... arf... arf..." Ang matitining na kahol ng Limang puppies habang pilit nilang nginangat-ngat ang dalawang mga paa ng natutulog na si Doms.
Hindi na namalayan pa ni Doms na nakatulog na pala siya habang nanonood ng TV...
"Wait lang..." Ang hikab na sambit ni Doms sa mga Puppies nang tumayo na siya mula sa kaniyang pagkakasalampak sa Sofa.
Nakita kasi ni Doms na palubog na ang araw sa labas ng bintana kaya nama'y nagmamadali niyang pinalabas kaagad ang mga makukulit na Puppies...
"Arf... arf... arf..." Ang masasayang mga kahol ng mga puppies nang mabuksan na ni Doms ang pintuan sa salas.
Napa-Smile na lamang itong si Doms nang makita niyang nagmamadaling nagsipagtakbuhan ang mga Tuta papunta sa kanilang Garden upang umebak...
Sinanay kasi nina Doms ang mga Puppies na paebakin sa Garden sa ganoong time...
"Haaaiiissst..." Ang bugtong hininga na lamang ni Doms at pagkatapos ay naupo na lamang siya sa Garden Set nila habang pinapanood niya ang mga Puppies na ngayon ay naghaharutan na.
Tulakan, daganan at dambahan ang ginagawang paglalaro ng mga ito at para ba itong mga nagwre-Wrestling sa Bermuda ng Garden nina Doms...
"ARF..." Ang malakas na pagkahol ni Thalia sa kaniyang mga Puppies nang makita niyang nagiging harsh na ang mga ito sa pakikipagharutan sa bawat isa.
"Hindi mo ba na-mi-Miss si Brutus..." Ang pabirong tanong ni Doms sa katabi niyang si Thalia.
"ARF..." Ang kahol lamang ni Thalia na ikinangiti naman ni Doms dahil para talagang nakakaintindi ang kanilang Pet.
"Arf... arf... arf... arf... arf..." Ang sunod-sunod at matitining na biglang kahol ng Limang Puppies na natigilan sa kanilang paghaharutan.
"ARF..." Ang biglang kahol din naman ni Thalia at pagkatapos ay napatayo ito sa kaniyang kinauupan sa tabi ni Doms.
"ANYARE..." Ang sambit na lamang ni Doms nang biglang nagsitakbuhan ang mga Puppies kasama ang kanilang Mommy Thalia papunta sa nakasaradong gate.
"ARF... ARF... arf... arf... arf..." Ang malalakas and excited na pagkahol nina Thalia and Her Puppies habang nakadikit sila sa gate nina Doms.
Kaagad namang pinuntahan sila ng nagtatakang si Doms dahil wala naman siyang nakitang tao sa kanilang mababang gate...
"Anong problema nyo..." Ang tanong ni Doms sa mga hindi pa ding tumitigil sa pagkahol na sina Thalia.
"ARF..." Ang biglang narinig ni Doms na malakas at mababang boses na pagkahol mula sa labas kaya nama'y kaagad niyang binuksan ang kanilang gate.
...
...
...
Halos lumuwa ang mga mata ni Doms nang makita niya kung kanino nanggaling ang low toned na bark mula sa labas ng kanilang gate...
"ARF... ARF... ARF..." Ang excited na kahol ni Thalia nang masilayan niya ang Bulldog na si Brutus na nakaupo sa labas ng gate.
Mabilis na nilapitan ni Thalia itong si Brutus at kaagad na ni-Lick nito ang mukha ng bulldog at gayon din naman ang ginawa ni Brutus kay Thalia...
"Arf... arf... arf..." Tuwang tuwang lumapit din ang mga puppies kay Brutus at masayang ni-Lick sila isa-isa ng Bulldog.
...
...
...
Halos hindi makagalaw itong si Doms nang mga sandaling iyon...
...
...
...
Unti-unting bumilis ang pagpintig ng kaniyang puso kasabay ng lalo pang pagkabog ng malakas ng kaniyang dibdib nang mga oras na yaon...
...
...
...
"ARF... ARF... ARF..."
Masayang-masaya talaga itong si Thalia that time at talaga namang miss na miss na niya kasi itong si Brutus...
Hindi na pinansin ni Thalia and ng mga Puppies ang nakatayong parang estatwang si Doms at kanilang nilampasan na lamang ito nang pumasok na muli sila sa bahay kasama itong si Brutus...
...
...
...
Napalunok ng kaniyang laway itong si Doms dahil para bang biglang natuyuan siya ng lalamunan habang unti-unting nagle-Level Up ang nararamdaman niyang pagka-kaba sa kaniyang dibdib...
...
...
...
Ilang minutes ding tahimik na natakatayo itong si Doms habang hindi niya iniaalis ang kaniyang paningin sa nakabukas nilang gate...
...
...
...
Kahit na may kaba sa kaniyang puso'y kusang kumilos ang mga paa nitong si Doms...

Marahang lumabas na sa kanilang ng gate itong si Doms...
Ini-e-expect kasi nitong si Doms na ang kasunod niyang makikita sa kanilang gate ay ang taong nagdala't kasama ni Brutus...
...
...
...
Kaagad namang nakita ni Doms ang isang Silver na Honda Civic na nakaparada sa tapat ng bakod ng kanilang katabing kapitbahay na lalo pang nagpatindi sa kasalukuyang emotions ng binata...
...
...
...
Napakagat ng kaniyang mga labi itong si Doms kasabay ng hindi niya mapigilang pagtulo ng kaniyang mga luha nang makita niyang may nakatayong semikalbong lalake sa tabi ng kotse...
...
...
...
Hindi malaman-laman ni Doms kung ano ang kaniyang gagawin ng mga sandaling iyon kaya nama'y nagpunas na lamang siya ng kaniyang mga luha nang mapansin niyang nakangiti sa kaniya ang semikalbong lalake na talaga namang matagal na niyang gustong makita...
Suminghot muna ng kaniyang sipon itong si Doms at siya na mismo ang kumilos upang lapitan itong si Doc Racky...
Ngunit mas mabilis itong si Doc Racky at ito na mismo ang nagmamadaling lumapit sa kaniya...
...
...
...
Lalong nagLevel up pa ang mga emotions nitong si Doms nang mahigpit na ikinulong siya ni Doc Racky sa mga bisig nito...
Hindi na nag-aksaya pang muli ng saglit itong si Dominic at kaagad naman niyang sinuklian ang mga yakap sa kaniya nitong si Doc Racky...
Halos tumigil ang pag-ikot ng buong mundo sa pagitan ng dalawang nangulila sa isa't isa...
...
...
...
Hindi na kinailangan pa nina Doc Racky and Doms na magsalita upang ipadama sa kanilang kayakap ang nais nlang iparating sa bawat isa...
...
...
...
Sapat na ang kanilang paghikbi upang malaman nilang nagsisisi ang bawat isa sa kanilang mga previous actions...
Tanggap nila ang kanilang mga pagkakamali...
...
...
...
Dama nila sa kanilang mga puso ang paghingi nila ng pagpapatawad sa bawat isa...
...
...
...
Hindi na nila namalayang magkahinang na pala ang kanilang mga labi...
...
...
...
Na siyang nagsasabi sa kanilang pinapatawad na nila ang isa't isa...
...
...
...
Habang lalo pang humihigpit ang kanilang pagkakayakap sa bawat isa at ang pagiging mapusok ng kanilang pagkakahalika'y sumasabay na ang unti-unting pagpuno ng kakulangan sa kanilang mga puso...
...
...
...
Batid nila na ang tanging makakapagkumpleto sa kanilang buhay ay ang kapiling at ang kayakap nila ngayon...
...
...
...
Malaki ang pasasalamat at galak na nagsasayaw sa mga puso nina Doc Racky at Doms dahil alam nilang napakaSuwerte nila't binigyan na naman ulit sila ng tadhana ng isa pang chance...
Batid din ng dalawa na magsisimula na namang muli sila...

They learned they're lesson kaya nama'y tanggap nilang magtiyagang muli...
...
...
...
Hindi na namalayan pa nina Doc Racky and Doms ang pagdaan ng isang lalaki sa kalsada...
"EHEK..." Ang outburst ng lalaki na siyang ikinagitla ng dalawa upang bumalik muli sila sa kanilang mga wisyo't itigil ang ginagawa nilang paghahalikan.
NapaSmile na lamang itong si Doms habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha dahil sa kabutihang palad ay ang mentally challenge nilang kapitbahay ang nakakita sa kaniya habang nakikipag lips to lips siya kay Doc Racky...
"Where are you going... Magdidilim na..." Ang nakaSmile namang tanong ni Doc Racky sa dumaang lalaki.
"Ate Katie asked me to buy some Suka eh..." Ang reply lang ng lalaki sabay pakita sa kanila ng hawak nitong isang maliit na bote ng Datu Puti.
"Go home ka na Joey Boy at baka abutan ka ng dilim sa kalye..." Ang sambit naman ni Doms.
"I'm not scared... Britney's with me..." Ang explain lamang ni Joey Boy sabay turo niya sa kasama niyang Askal.
"Ba-Bye Doc Racky... Ba-Bye Kuya Doms..." Ang sweet na sweet na sambit ng isip batang si Joey Boy bago ito tuluyang naglakad papauwi kasama ang kaniyang Askal.
"ARF..." Ang next na narinig nina Doms and Doc Racky mula sa loob ng gate.
Lumabas ulit kasi sina Thalia and Brutus upang tawagin na ang dalawa dahil dinner time na kasi...
NapaSmile na lamang itong si Doms sabay hawak niya sa isang kamay ni Doc Racky sabay hila niya dito papasok ng gate...

*******After One Week*******

Dinaanan muna ni Doc Racky itong si Doms sa kanilang bahay dahil may lakad sila sa araw na iyon...
Susunduin nila sa airport ang mga Parents ni Doc Racky dahil dito magbabakasyon ang mga ito at mag-i-iSpend ng Holidays...
"Ready ka na ba Doms..." Ang masayang tanong ni Doc Racky nang makapasok na ito sa loob ng salas.
"Yup..." Ang reply naman ni Doms sabay yakap niya't kiss sa isang cheek ni Doc Racky.
"No PDAs please..." Ang pabirong saway naman ni Daddy Elvis sa dalawa.
Kahit na okay naman sa kanila ang same sex relationship nina Doc Racky and Doms ay hindi pa din sila comfy kapag nakikita nilang nag-pi-PDA ang mga ito...

Sina Mommy Juliet and Daddy Elvis lang kasi ang may karapatang mag PDA...

Pati na din naman sina Thalia and Brutus too...

Sa bahay muna nina Doms nagStay itong si Brutus upang makasama si Thalia at ang kanilang mga Puppies. Isasabay na lamang ni Doc Racky na ibalik si Brutus sa Batangas kapag inihatid na niya doon ang kaniyang mga Parents.
"Huwag na kayong dumaan daan sa iba pang lugar para makarating kayo dito bago mag Lunch..." Ang bilin naman ni Tita Luisa na tinunguhan naman ng dalawa.
"Sige po mauuna na po kami..." Ang paalam naman ni Doc Racky sa lahat bago na sila tuluyang lumabas ng bahay.
"Bye Guys..." Ang nakaSmile na paalam naman ni Doms nang mabilis na nagsipagsunuran sa kanila ang mga Puppies.
"Nasaan nga pala si Tita Juliet..." Ang tanong ni Doc Racky kay Doms nang makasakay na sila sa Honda Civic.
"Busy sa Kitchen..."
"Thank you sa pag-aabala nyo ha..." Ang sweet na next na naiusal ni Doc Racky kay Doms.
Nag Volunteer kasi sina Mommy Juliet and Daddy Elvis na sa bahay na dalhin ni Doc Racky ang kaniyang Parents for lunch...
"Okay lang yun..." Ang reply naman ni Doms sabay hawak niya sa isang kamay ni Doc Racky.
"Basta in due time eh sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa relationship natin..." Ang next na naiusal naman ni Doc Racky.
Medyo kinakabahan pa kasi silang dalawa na mag-out sa Parents ni Doc Racky kaya nama'y napagkasunduan nilang ipagpaliban muna ito...
Natuto na din ang dalawa na kunin ang side ng bawat isa bago sila gumawa ng Decision...
They're now trying very hard not to pass each other when it comes to their decision making na may kinalaman at makakaapekto sa kanilang relationship...
Which nareRealized nilang maganda and healthy pala ito sa kanilang dalawa...
"Siguro kapag okay na ang Divorce papers ko... Baka after na lang nun sabihin ko sa kanila at talaga namang magtataka ang mga iyon kapag nalaman nilang nakipaghiwalay na pala ako sa Wife ko..." Ang sambit muli ni Doc Racky.
"I Agree..." Ang nakaSmile na pagConfirm naman ni Doms na ikinaSmile na din ni Doc Racky.
Medyo natuto na din itong si Dominic na makinig ng suggestion at binawas-bawasan na din nito ang pagiging epal at feeling genius sa pagpalakad ng kanilang relationship...
"Are you happy Doc..." Ang out of no where na biglang naitanong ni Doms sa nagdri-Drive na si Doc Racky.
"Sobra..." Ang naiReply na lamang ni Doc at talaga namang unDescribable ang bliss sa kaniyang puso.
"Kelan ka pa nakinig ng ganito..." Ang gulat na naiusal ni Doms nang mapansin niya ang CD ng The Carpenters Gold sa Dashboard ng kotse ni Doc Racky.
"Oo nga pala... Hindi ako nakapag Thank you sa Mom mo... Galing sa kaniya yan..."
"Talaga..."
"Yup... And it really helped..." Ang satisfied na naiusal nitong si Doc Racky.
NapaSigh na lamang itong si Doms at kaagad niyang kinuha ang kaniyang iPhone mula sa kaniyang bulsa upang iText ang kaniyang Mommy Juliet...
"Walang kupas talaga ang Boses ni Karen Carpenter ano... Pati din ang lahat ng mga songs... Immortal..." Ang nasambit ni Doms nang makapagpadala na siya ng text sa kaniyang Mom at pagkatapos ay kaniya nang pinatugtog ang Playlist ng The Carpenters from his iPhone.
Nagkatinginan at nagkangitian na lamang itong sina Doms and Doc Racky habang pinupuno na ng angelic and immortal voice ni Karen Carpenter ang loob ng byumabiyaheng sasakyan nitong si Doc Racky...
Hinayaan na lamang nilang mag-enjoy silang dalawa sa pakikinig at alam na alam din naman kasi nilang ang bawat songs na nagpla-Play ay inilalaan nila fro each other...

**************

"Thanks Ma for introducing The Carpenters kay Doc..." Ang text message ni Doms na nabasa ni Mommy Juliet habang nasa sa kitchen ito't abala sa pagpre-Prepare ng lunch.
NapaSigh na lamang itong si Mommy Juliet and napaSmile...
Hindi na kasi makatiis itong si Mommy Juliet noon sa pag-i-Emo ni Doms kaya nama'y katulad ng ginawa niya sa kaniyang anak ay kaniyang pinuntahan itong si Doc Racky sa bahay at upang bigyan at sinabihang pakinggan ang The Carpenters Gold Album upang makatulong sa Dilemma ni Doc kay Doms...
Batid ni Mommy Juliet na nagawang palambutin ni Karen Carpenter ang mga mapri-Pride at nagtutumigas na puso ng dalawa...
Thankful talaga itong si Mommy Juliet at hindi na naman siya binigo ng kaniyang Idol na si Karen Carpenter.


  Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You


Dedicated and Credits To My Idol Din...



37 comments:

  1. Replies
    1. Siya ang pambansang Vet eh! :)) nyahahaha!

      Delete
  2. Thank You Kuya Ponse for this beautiful story of Doms and Doc Racky :)

    As always satisfied ako lagi sa ending mo..may cameo pa si Joey Boy! haha!

    Merry Christmas Kuya!mwah! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa Christmas Special na ako magsasabing MERRY CHRISTMAS!

      He he he!!! :))

      Delete
  3. Pahinga ko lang ang story na ito :))

    SEE YOU SA CHRISTMAS SPECIAL NATEN!!!

    E H E E K ! ! !

    ReplyDelete
  4. this series is one of a kind... the theme is common and natural but the characters are great.. sobrang relate ako kasi bf ko ng is doctor din... nice story.. ang galing mo Ponse! i soooo love carpenters.. pampa-relax ang mga songs nila... thank you for sharing this to us... God Bless you always..

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch din Kuya Arejay! :)) Hope that madameng natutunan dito :))

      Delete
  5. thank you. super galing. naisingit pa talaga si joey boy, hehe. ayan naman pala, e di nagkaintindihan sa mga ayaw at gusto. happy ending.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkikita kita pa tayo nina Joey Boy sa Christmas Kuya 0309 :))

      Delete
  6. Replies
    1. Tenchu po sa pagsubabay at pagsama hanggang sa huli kuya Marc :)) See you this Christmas :))

      Delete
  7. EHEK!!!


    lol natawa aq sa entrada ni joey boy xD buti d nia sinabing nagba-bubble gum sila xD

    anyways taas ng kilig effect ng kwento mo alpy, nkakatuwa ^w^
    nkalimutan ko tuloy na nagmumukmok aq knina dhil pang ilang taon q na tong d nanunuod ng ligligan parul dhil nga wla aq ksama manuod hahaha

    mamats ng madami sa pagbahagi ng isa pang napakakulay na kuwentong bunga ng iyong adik at ala-pantas na guni-guni :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. See yyou Lawfer sa Christmas Special naten :))

      Delete
  8. Such a nice ending. Sana maging for keeps din kami ng Babe ko. Andami kong natutunan dito ha bilang isa akong Doms pag dating sa relationships (same-sex, that is). I'll miss Thalia and her pups. Sige na nga si Brutus na rin! Hahahaha.:))

    Thanks, Friend! At congrats! Another successful story! Successful? Parang mali ang word choice ko. Kebs na, basta alam mo na ibig kong sabihin! Hahahahaha.:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. GoodLuck sa relationship mo Friend :))

      Delete
  9. Replies
    1. Kumusta ang birthday boy Auel :))

      Delete
    2. Ayos lang. Nag susurvive pa naman. :)
      Pano mo nalaman na birthday ko nung nakaraan?

      Delete
  10. Clap! Clap! Clap!

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you sa susunod na story naten Mr. Stan :))

      Delete
  11. nabitin ako kuya ponse!! pero maganda!! ang cute nila thalia. galing mo kuya ponse!!

    pati si joey boy ang cute. haha

    ReplyDelete
  12. nabitin ako kuya ponse!! pero maganda!! ang cute nila thalia. galing mo kuya ponse!!

    pati si joey boy ang cute. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss ko na kasi si Joey Boy Andy :)) Makikita natin ulet siya sa Christmas Special :))

      Delete
  13. Ang galing galing! Ang ganda ng story!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po, Adik po yaan Kuya Hardname :))

      Delete
    2. Nung simulan kong basahin, ayaw ko ng tigilan. So marathon lng naman ang ginawa ko. Kasi nga maganda.

      -hardname-

      Delete
  14. Na Karen Carpenter na din ako :D

    Salamuch Kuya Ponse..

    Aabangan ko sa yr 2014 yung mga next stories mo :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkikita pa tayo nina Joey Boy sa Christmas Special Kuya Jack :))

      Delete
  15. Nice ending mister author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch kuyang Anon sa pagComment and pagsama mo hanggang sa huli :)) TC and GOD BLESS!!! :))

      Delete
  16. Thank Kuya Ponseng Adik... Nawala na ung adventure nila Joey Boy at Britney... Paano sila nagkakilala... hmpp... baka landiin ni Britney si Brutus... naku Cat Fight este Dog Fight ang mangyayari... Ganda ng Story... two thumbs up!!!!

    ReplyDelete
  17. Thank You Kuya Ponseng Adik... two thumbs up... may Special appearance pa si JOEY BOY at BRITNEY... teka paano sila nagkakilala?... super na inlove ako na karen capenter din ako... ikaw kuya ponse ikare carpenter mo ako... dali!!!! mwah!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkapitbahay lang naman kasi sila (They're leaving sa same Executive Village kasi) Kuya Bobby :))

      See you sa Christmas Special natin :))

      Delete
  18. great job Mr author! i enjoyed your story a lot . there were grammatical errors- lose ( mawalan) not loose (maluwang), it DID happen not happened.:) but overall i liked your story , looking forward for more of these. THANK you!

    ReplyDelete
  19. Dehins ko maita yung 'Loose' Kuya Zach, yung happened eh napalitan ko na.

    See you sa Christmas Special :))

    ReplyDelete
  20. Alam ko Ponse di pa tapos pero i really like the story. Thanks. Merry Xmas!

    Randzmesia

    ReplyDelete
  21. Ang cute ng story. Ito yung mga tipo na gusto kong binabasa. Thanks author! :)

    - mark

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails