Merry Chrismas and a Happy New Year to everyone!
Salamat po sa pagsubaybay ng aking kuwento at sa inyong moral support para sa aking pagsusulat.
Hindi ko po talaga matiis na hindi magsulat kaya naman kahit busy, ginawa ko pa rin. Less than a month till my faithful day but hindi ko pa rin po nasisimulan ang paper proper. Pero I made a great leap kaya naman po sobra akong natuwa to the point na nakapagsulat ako ng isang chapter. This keeps running in my mind kaya I can't help but write this. Baka kasi makalimutan ko pa.
Due to this unexpected update (even for me), hindi na po ako magsasabi ng date ng update. Mahirap na, baka kainin ko na naman ulit ang sasabihin ko. But don't expect an update anytime sooner.
Comment, suggestion or violent reaction? Comment lang po dito o ie-mail niyo ako sa karatekid.stories@gmail.com. I still truly hope na matapos ko na ang dapat kong tapusin para makabalik na po muli ako sa pagsusulat. I even ask God's help by attending and completing the Misa de Gallo para dito. Again, I am asking your prayers for this.
Salamat po.
Chapter 17
-Yuri-
Pasimple kong binabantayan ang
pagdating ni AN. Alam ko namang darating
ito dahil kasama siya ng magdesisyon ang kanyang barkada na magdinner. Pero dahil hindi pa siya dumarating, medyo hindi
na rin ako mapakali. Kahit gustung-gusto
ko nang itanong sa kanila kung nasaan ito, hindi ko ito ginawa dahil na rin sa
hiya.
Tila wala ring nakaalala sa kanya
sa magbabarkada dahil na rin kay Wolfram. Kung hindi pa nag-CR ang ‘asawa’ ni Andre,
hindi pa maitatanong ni Karl kay Luke ang tungkol kay AN. Ito ang huling pagkakataong magkikita kami at
sigurado akong hindi na ito mauulit pang muli kaya naman parang hindi naging
maganda ang aking pakiramdam ng aking malaman na hindi ito makakadalo.
Bagsak ang balikat, namaalam ako
sa kanilang magpupunta sa palikuran habang bahagyang hinahawakan ang brasong dinaplisan
ng bala kagabi. Medyo kumikirot pa rin
pero sa tantya ko, tatlong araw lang ay magaling na rin ito. Alam kong hindi pangkaraniwan ito dahil nang
minsang sabay kami nagkasugatan ng aking ama sa tagiliran (halos parehas rin
ang laki nito) habang nagtetraining kami sa katana, ang sugat ni ama na halos
tumagal ng tatlong lingo ay isang lingo lang sa akin kahit parehas ang
panggagamot sa amin ni ina. Sa puntong
iyon, napansin ng aking pamilya na hindi pangkaraniwan ang kakayahan ko sa
paggaling. Kaya naman ng malaman ni ina
na walang naiwang bala sa aking sugat, hindi na rin ito nag-alala para sa akin
kagabi.
Habang papunta sa palikuran, hindi
ko maiwasang malungkot dahil sa hindi pagdating ni AN sa dinner. Napaisip rin ako sa kanyang ikinilos kagabi
at kaninang umaga. Kung noong malapit pa
kami sa presinto, si Keith ang halos hindi nagsalita sa katahimikan, si AN
naman ang biglang natahimik ng dumating siya sa amin. Marahil hindi siya sanay sa bahay kagaya ng
sa amin kaya naman nagpumilit siyang umuwi kagabi noong makita niya ang aming maliit
na bahay. Kung meron pa lang talagang
masasakyan papuntang campus kagabi, pinauwi ko na ang mga ito dahil nakadama
ako ng hiya sa itinuran ni AN.
Tila hindi rin naging maganda ang
tulog nito dahil noong magising kami ni ina para magtraining, nagising na rin
ito kahit halos tatlong oras lang ang nakararaan simula ng mahiga kami. Binati kami nito ni ina ng magandang umaga at
nakiusap siya kay ina kung pwede siyang manood sa kanyang training. Pero dahil hiwalay kami ni ina ng dojo kapag
Biyernes, si ina lang ang napanood nito.
Inudyukan pa ito ni ina na sa akin na lang sumama pero nagdahilan ito na
gusto niyang makita ang training ng aikido na pinayagan rin naman nito.
Pagkatapos ng training, wala pa
ring namagitang usapan sa amin dahil sumama siya sa pagluluto ni ina habang ako
naman ay nagsimula ng aralin ang ipepresent ko kinahapunan. Ang tangi lang pagkakataon na kinausap niya
ako ay noong pag-alis na ng mga ito para magpasalamat at mamaalam.
Alam kong hindi na rin kami
madalas magkikita ni Keith simula next semester dahil puro major subjects na
ako. Pero dahil nagkaayos kaming
magkaibigan, hindi ako nalulungkot para dito dahil alam ko namang kahit papaano
ay magkikita pa rin kami at maayos na magbabatian. Pero si AN, siguradong hindi na dahil bukod sa
hindi kami parehas ng college, parang balik normal kami sa pakikitungo sa isa’t
isa (hindi nagkikibuan, hindi nagpapansinan) kaya kahit magkasalubong kami sa
daanan ay parang hindi kami magkakilala nito.
Wala na akong magagawa pero hanggang dito na lang ang aming ‘samahan’
(meron ba?) kahit pa gustuhin kong mapalapit sa kanya.
Pagkatapos kong pumunta sa
palikuran, napansin ko si Wolfram malapit sa mini zoo ng restaurant na aming
kinainan. Ilang uri ng ahas, bayawak, at
isang parang pusa na may itim na stripe ang makikita lamang naman roon sa isang
hilera ng mga hawla sa gilid ng restaurant.
Pinagmasdan ko si Wolfram na nakatingin
sa parang pusa. May suot pa itong
backpack na hindi niya tinatanggal kanina pa sa kanyang likod. Maayos ko muling nasuri ang mukha nito. Kung hindi lang baklang kumilos ito, masasabi
ko talagang magkakacrush rin ako rito dahil sa gwapo nito. Pero dahil sa simula pa lamang ay alam ko ng
bakla ito, hindi na rin pumasok sa isip kong magkagusto rito.
Bahagyang bumubuka ang bibig nito na
parang bumubulong habang nakatitig sa hayop na parang pusa. Aalis na sana ako para bumalik sa karamihan
ng aking mapansin ang pagtulo ng luha nito.
Alam kong apektado ako sa luha kaya naman hindi na ako nag-atubili pang
lapitan siya. Kanina ko pa rin ito
napapansing problemado kaya naman titingnan ko kung may maitutulong ako sa
kanya.
Nang papalapit na ako, mabilis rin
niyang pinunasan ang kanyang mga mata kahit nakatalikod pa ito sa aking
direksyon. Nang makalapit na ako sa
kanya, wala na itong luha (namumula pa rin ang mga mata) at mariin pa ring nakatingin
sa parang pusa.
“Kumusta?” panimula kong bati
rito.
Tumingin ito sa akin at
ngumiti. “Ito, okay naman.”
Parang ako rin. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang kanyang problema
kaya naman nag-isip ako ng ibang topic. “Ano
bang klaseng hayop yan? Ngayon lang kasi
ako nakakita ng ganan eh” ang aking tanong dito.
“Ah yan ba? Alamid o musang ang tawag diyan” sagot nito. “Endemic yan dito sa Pilipinas. Merong wild niyan malapit sa lugar na ito.”
“Naku hindi pa talaga ako
nakakakita niyan kahit halos linggo-linggo akong pumupunta ng gubat” sagot ko dito.
“Kawawa naman siya, ano?” biglang
palit ng topic nito na parang hindi narinig ang aking sagot. Nakatingin siya ng mariin sa alamid.
“Dahil mag-isa lang siya?” tanong
ko rito. Mukhang awang-awa siya sa hayop
sa kulungan.
“Oo” wika nito. “Tingin ko ikinulong nila yan diyan para
malaman na genuine ang kape alamid nila.”
“Kape alamid?” tanong ko dito.
“Ung isa sa menu nila. Nakita mo?” balik tanong nito sa akin. Parang naaalala ko nga na isa ito sa menu ng
restaurant under beverage kaya tumango ako.
“Kape iyon na mula sa coffee beans
na kinain at idinumi nila” sagot nito.
“Ha?” mas lalo kong hindi
maintindihan ang sinasabi niya.
“Oo. You heard it right” bahagyang ngumiti muli
ito. “Ung digestive juices mula raw sa
stomach nila ang nagpapasarap ng kape. Sikat
nga ito sa amin sa Germany eh. Kung alam
lang nila kung saan galing ang kapeng yun.”
Tuluyan ng bumungisngis ito ng tawa at bahagyang nawala ang lungkot nito
sa mata.
Natawa na rin ako sa kanyang
sinabi. Habang nagtatawanan kami, may
narinig akong tunog o langitngit mula sa kanyang bag. Mukhang tunog ng isang hayop!
“Ano yun?” tanong ko rito.
Nagpalinga-linga naman si Wolfram
sa paligid. Nang makita niyang walang
ibang tao, umupo siya sa isang malapit na bench at inilapag ang kanyang bag. Binuksan niya rin ito at mula rito ay may
biglang tumalon mula sa kanyang bag.
Bahagya akong napaigtad dahil sa
pagkagulat. Isang parang malaking daga
na may mahabang katawan at buntot ang lumabas dito. Medyo orange na mamulamula pa ang balahibo
nito. Tumayo ito sa kanyang balikat.
Nacutean rin ako sa kanyang alaga
kaya naman aabutin ko sana ito para haplusin sa ulo. Nang malapit na ang aking kamay, lumipat ito
sa kabilang balikat ni Wolfram habang nakatingin pa rin sa akin.
“Ang kulit mo talaga Sophie” wika
ni Wolfram habang nakatingin sa alaga. “Sabi
ko sa iyo huwag kang magulo sa bag eh.
Baka palabasin tayo dito kapag nakita ka.”
“Ok. Sige.
Basta bumalik ka agad sa bag ha?” sa alaga pa rin nakatingin.
Nagtataka pa rin ako habang
nakatingin sa kanila na parang nag-uusap ng biglang humarap sa akin si Wolfram.
“Sophie, ito si Yuri” ipinakilala
ako nito sa kanyang alaga. “Yuri, si
Sophie.”
Muling gumawa ng tunog ang alaga
nito na parang binabati ako. Bigla itong
tumalon sa aking balikat na medyo ikinagulat ko na naman.
“Hindi yan nagpapahawak sa hindi
kakilala pero sweet naman yan sa mga kakilala niya” wika pa rin ni
Wolfram. Nagpabalik-balik ito sa aking
balikat habang tila ipinupunas ang kanyang malambot na balahibo sa aking
pisngi.
“Wolfram” tawag pansin ko rito. “Anong klaseng hayop siya?” tanong ko rito. “Hindi pa kasi ako nakakakita ng ganito eh.”
“Red squirrel yan” sagot nito sa
akin. “Family ko yan galing Germany.”
Nangunot ang noo ko dahil sa
kanyang sinabi. Family? Si Sophie?
“Mukhang mahal na mahal mo ‘to ah”
ang tangi ko na lang nasabi. Nasa
kaliwang kamay ko si Sophie habang hinihimas ko ang ulo nito.
“Oo naman” sagot nito. “Since my mother died, isa na lang siya sa tatlong
nagpapasaya sa akin.” Halata ang
pagkalungkot sa boses nito.
“Sorry. Hindi ko sinasadyang ipaalala sa iyo” wika
ko. Lumipat si Sophie sa balikat ni
Wolfram at tila inaalo ito mula sa pagkalungkot.
“Ok lang iyon” sabi nito. “Hindi ko na rin naman iniisip iyon.” Pilit itinatago nito ang kalungkutan.
“Huwag mong itago yan” wika ko
muli. “Baka makasama sa iyo.”
Ilang segundo ring walang
namagitang usapan sa amin kaya naman alam kong nalungkot ito sa naalala.
“Wolfram” pagsisimula ko
muli. Nakatingin na rin ako sa alamid
habang nagsasalita. “Last October lang
namatay si ama kaya alam ko ang nararamdaman mo. Alam mo ba bago, namatay si ama, siya lang at
ang aking ina ang itinuturing kong kaibigan?
Kaya naman ng biglang namatay siya, parang gumuho ang mundo ko. Kung hindi ako nakahanap ng mabubuting
kaibigan, baka nasiraan na ako ng bait.”
Binigyan ko ito ng huling tingin bago
tumayo para maiwan siyang mag-isa. Nagsisimula
na akong maglakad ng biglang magsalita muli ito.
“Yuri” lumingon ako sa kanya. “Pwede bang dumito ka muna? Mukhang busy naman ang mga iyon sa
pag-iinuman nila eh.”
Bumalik ako sa aking kinaupuan. Lumipat muli sa aking balikat si Sophie.
“Parehas pala tayo” nagsalita na
muli ito. “Noong last October lang
namatay si Mater (German accent),
tawag sa amin yun sa ina” wika niya ng makita ang nagtatanong kong ekspresyon. “Pero hindi katulad mo, hindi ako nakahanap
ng kaibigan. Tanging ang natira kong mga
kapamilya ang aking naging sandigan.”
Nagsisimula ng dumaloy ang luha sa
mata nito. “Nasabi ko na kanina na pumunta
kami dito ni ina ng magcollege ako di ba?”
Tumango ako bilang sagot. “Ang
totoo niyan, itinakas lang ako ni Mater
mula kay Vater. Hindi na kasi matiis ni Mater ang physical at mental abuse na nakukuha ko mula sa aking Vater.
Alam mo na, dahil ganito ako.”
Alam kong ang pagiging bakla nito
ang tinutukoy nito. Nagpatuloy muli ito,
“Kaya naman ng magcocollege ako, nagplano talaga si Mater na tumakas kay Vater
at bumalik dito sa bansang kanyang pinagmulan.
Pero wala na ring kamag-anak dito si Mater
kaya naman kami lang ang namuhay mag-isa kasama ang tatlo naming isinama galing
Germany, including her” pagtukoy nito kay Sophie. “Si Mater
ang nagtrabaho para sa aming lahat. Pero
ang hindi ko alam, may sakit pala siya.”
Mas lalong dumami ang luhang pumapatak mula sa mata nito. Panay hikbi na rin ang maririnig mula sa
kanya. Si Sophie ay bumalik kay Wolfram
at hindi malaman kung paano patatahananin ang amo.
Halos maluha ako sa kanyang
ikinuwento pero alam kong kailangan niya ng matatag na masasandalan kaya hindi ako
nagpakita ng luha sa kanya. Ilang minuto
rin kaming natahimik sa lugar na iyon.
“Mas swerte pa ako sa iyo kahit
papaano” wika ko rito pagkatapos ng katahimikan. Ilang hikbi na lang rin ang maririnig mula sa
kanya. “Ang totoo niyan, matagal ng alam
sa bahay na bakla ako. Pero tanggap nila
kahit ganito ako. Kahit mahirap ang
buhay, hindi ako nakarinig o nasaktan man lamang nina ama dahil sa aking
kasarian. Kaya naman siguro alam mo kung
gaano kasakit sa akin ang mawala si ama, di ba?" simpleng tango ang nakuha
ko mula sa kanya. “Kaya naman
naiintindihan talaga kita sa pagkawala ng iyong ina.”
Nagpatuloy pa ako, “Kung kailangan
mo ng kaibigan, narito lang ako. Huwag
kang mahihiya sa akin. Ito ang number ko
para macontact mo ako kapag kailangan mo.”
Ipinakita ko sa kanya ang aking celfone na naglalaman ng aking
numero. Kinopya naman niya ito at nag
miss call sa akin para maisave ko rin ang number niya. “Ibig sabihin, mag-isa ka lamang
namumuhay? Gusto mo sa amin ka na lang
tumira.” Alam kong hindi tutol dito si
ina kaya naman inimbita ko na siya.
“Hindi” sagot nito. “Okay lang ako sa tinitirhan ko. Sabi ko nga, may family pa naman ako dun. Nabubuhay pa naman kami.” Naintriga ako sa family-ing sinasabi niya. Kung si Sophie, isang red squirrel, ay
ikinoconsider niyang family ano pa kaya yung iba. Malakas ang aking pakiramdam na hindi tao ang
tinutukoy nito pero hindi ko na tinanong pa siya.
“Teka, hindi mo ba kaibigan si Andre?”
tanong ko muli rito. Sa tono ng
pananalita niya, mukhang wala pa siya kahit isang kaibigan kaya naman naitanong
ko ito sa kanya. Mukha kasing masyado rin
itong ilag sa kanyang ‘asawa’ at hindi nagtuturingan ang dalawa bilang
magkaibigan kanina noong kumakain kami.
“Ang totoo niyan, hindi” sagot
nito. “Napilit lang naman ako nitong
sumunod dahil binantaan niyang ipapaalis ako sa trabaho kapag hindi ako sumunod
sa kanya.”
“May trabaho ka?” tanong ko. “Saan? Anong trabaho?” bigla akong naging interesado dahil sa
trabaho niyang nabanggit.
“Oo, sa malapit na fastfood chain sa
campus. Crew/cashier ako dun” sagot
nito.
“Pwede kayang mag-apply?” hindi na
ako nag-alinlangan na magtanong sa kanya.
“Kailangan ko kasing magkatrabaho bago magpasukan.”
“Alam ko nga hiring ulit kami ngayon”
wika muli ni Wolfram. “Sige, sasabihin ko
kay Manager na mag-aapply ka para magkasama tayo. Tiyak, hindi ka tatanggihan noon lalo na
kapag nalaman niyang ikaw ata ang nagpataob sa kalabang frat nila na kafrat din ni Andre.” Tila naging excited ito sa aking sinabi.
Natuwa ako ng lubos dahil ang isa
kong problema ay nawala na rin. Kita mo
nga naman, sa loob lamang ng dalawang araw, biglang nawala ang mabibigat kong
mga problema. Lihim akong nagpasalamat
kay ama dahil alam kong tinutulungan niya ako.
“Friends?” naalala ko ang gesture
sa akin ni Keith kaya naman ito rin ang ginawa ko kay Wolfram.
Kinuha niya ang aking kamay at
nagwika, “Friends o Freund sa aming
wika.” Parehas kaming nakangiti dahil sa
pagkakahanap namin ng bagong kaibigan sa isa’t isa.
Habang magkahawak kami ng kamay, mabilis
na kumilos si Sophie at bumalik sa bag ni Wolfram. Hindi pa kami nakakabawi sa pagkabigla sa
kanyang ikinilos ng may muling nagsalita.
“Hoy” si Andre. Medyo lasing na ito. “Ano bang ginagawa niyo diyan? Bumalik na nga kayo doon at kanina pa kayo
iniintay.”
Sabay kaming kumilos ni Wolfram
para bumalik. Pero dahil isinukbit pa
niya ang kanyang bag, naiwan pa siyang nakaupo.
“Tara na” wika ni Wolfram ng
aktong tatayo.
“Diyan ka muna” wika ni Andre na
nagpabalik sa pagkakaupo ni Wolfram. “Yuri,
umuna ka na doon. May sasabihin lang ako
dito.”
Tiningnan ko si Wolfram para
kumpirmahin kung tututol siya kay Andre.
Tumango lang ito bilang pahayag na ayos lang siya kaya naman umalis na
rin ako doon at iniwan ang dalawa para mag-usap upang bumalik sa karamihan.
Kinabukasan, pagkatapos ng aming training
at namaalam na para umuwi si Diana (na panandaliang nagalit sa akin dahil sa
bilis kong pinatawad si Keith na madali rin naman naming naayos kahapon), lihim
kong kinausap si Kuya para sa aking sasalihang competition. Nakiusap ako sa kanyang tutukan ang aking
magiging training na hindi pa niya sinang-ayunan noong una. Sinabi niyang hindi magandang maglihim kami
kay ina pero sinabi kong sasabihin ko rin naman dito bago magcompetition. Sinabi ko pa sa kanyang may malaking premyo
at dahil alam nito ang aming sitwasyon ni ina sa pera, pumayag na rin ito basta
sabihin ko lang daw kay ina ito bago magcompetition.
Mga alas-otso na ng umaga ng pumunta
sa amin si Keith gamit ang sarili nitong sasakyan. Naabutan pa niya bago umalis ang pamilya nina
ate at kuya at ipinakilala rin namin siya sa kanila. Umalis na rin ang aking mga kapatid kasama
ang kanilang pamilya pagkatapos ng maikling usapan.
“Nakakatakot pala ang iyong mga
kapatid” mahinang wika ni Keith pagkaalis nina kuya. “Lalo na yung iyong kuya. Parang isang suntok lang noon, tulog na agad
ako.”
“Hahaha. Baka hindi lang tulog ang abutin mo kapag
sinuntok ka ni kuya” napatawa ako sa kanyang tinuran. “Hindi.
Mababait ung mga iyon. At saka
hindi kami sumusuntok ng walang dahilan.”
Namili si Keith ng lulutuin at
groceries para sa aming overnight bago pa siya pumunta dito. Medyo nahiya pa ako pero dahil alam ko namang
malapit na ring maubos ang aming pera ni ina, hindi ko na ito tinanggihan pa. Wala ring nagawa si ina sa pamimilit ni Keith
na ang kanyang ipinamili ang kanyang lutuin para sa kanyang overnight stay sa
amin. Pagkatapos niyang maibaba lahat ng
napamili, pumuwesto na rin kami sa center table ng aming sala para gawin ang
kanyang dapat gawin. Kumuha ako ng ilang
rubber mat mula sa dojo at parehas kaming nag-indian sit sa tapat nito. Ipinatong niya ang kanyang laptop sa center table.
Nagsimula na kaming gawin ang
kanyang mga required exercises. Twelve
exercises ito na simula pa sa Exercise 1 na pinakabasic sa lahat. Hindi siya pumayag na umupo ako sa laptop
niya dahil siya raw dapat ang gumawa noon.
In short, tuturuan ko lang talaga siya ng mga bagay na dapat niyang
malaman habang nagmamasid ako ng kanyang ginagawa kung tama. Pero mula sa pagiging seryoso sa paggawa ng
kanyang gawain, napapalitan naman ito ng maya’t mayang tawanan.
Mas kapansin-pansin rin ang mga
kakaibang ginagawa ni Keith. Ewan ko ba
kung anong pumapasok sa isip nito sa mga ginagawa nito. Hindi mawala ang aming walang humpay na
asaran (na siya ang nagsisimula at siya ang naasar sa huli) pero parang minsan
ay sumosobra ito. Hindi naman yung
tipong nakakagalit pero sa tingin ko, hindi ito pangkaraniwan dahil hindi naman
niya ito ginagawa sa akin dati.
Nariyan yung kikilitiin niya ng
bigla-bigla ang iba’t ibang parte ng aking katawan (hihipan sa tenga,
susundutin sa tagiliran, pagagapangin ang limang dulo ng daliri sa tuhod,
kakamutin ang talampakan) pero dahil sa wala akong kiliti, siya pa ang naaasar
kapag ibinalik ko na ang mga ginawa niya dahil halos lahat ata ng parte ng
katawan niya ay may kiliti.
Nariyan yung bigla siyang yayakap,
magsasabing ‘love na love kita’ at ngunguso para umaktong manghahalik kapag naturuan
ko ito ng isang mahirap na bagay. Alam
kong nagloloko lang ito kaya naman pilit akong nagmamakawala at inilalayo ang
mukha sa kanya. Kapag sobra namang higpit
ng yakap nito, bahagya ko naman itong sisikmuraan para lumambot ang yakap niya at
madali akong makawala sa kanya. Pagkatapos
nang daing ng nasaktan, sisimangot ito at sasabihing “isa lang naman” bago
bumalik muli sa ginagawa. Nangingiti na
lang ako dito.
Nang magtanghalian, nakatapos na
rin kami ng tatlong exercises. Tinawag na kami ni ina para kumain ng
tanghalian. Sinigang na hipon lang ang
niluto nito para raw makarami kami ng kain.
Pagkatapos naming kumain lahat (alam na talaga ni Keith ang ugali namin
sa pagkain), nagsimula ang usapan naming tatlo.
“Marami ba kayong natapos?” tanong
ni ina.
“Marami-rami naman po” sagot
ko. “Mabilis naman pong turuan itong si
Keith. Bakit niyo po naitanong?”
“Ah wala” wika ni ina. “Para kasi kayong enjoy na enjoy sa ginagawa
nyo eh. Tawa kayo ng tawa. Akala ko tuloy hindi nyo nagagawa ang dapat
niyong gawin at naglalaro lang kayo. Baka
magkadevelopan kayo niyan ha?”
“Ina!” bahagya akong nakapagtaas
ng boses kay ina dahil sa pang-aasar nito sa akin. Nakakahiya para kay Keith. Saglit din akong napasulyap dito. Nakatingin ito sa akin na abot tenga ang
ngiti.
“Ano?” maang na sagot ni ina. “Ganyang ganyan kasi kami ng ama mo kaya
naman sinabi ko yun. Huwag muna
ngayon. Kapag gumaradweyt na kayo. Para naman makapagsarili na kayo kung sakaling
palayasin yang si Keith ng magulang niya.”
Straight forward ang pang-iinis ni
ina kahit sa tapat ni Keith kaya naman sobrang hiya ang aking
nararamdaman. Natahimik na lang ako
bilang senyales na hindi ko nagugustuhan ang biro ni ina. Ni hindi ko kayang tingnan ang dalawa at
umaktong tatayo at maglilinis na ng hapag.
Pero bago ako tuluyang nakatayo, mabilis
naman akong inakbayan ni Keith. “Naku,
patay tayo kay ina. Hindi mo pa ba
sinasabi sa kanya?” tanong nito sa akin.
“Ang ano?” tanong ko rin dito.
Pakiramdam ko kulay dugo na ang
aking mukha dahil sa init nito sa kahihiyan.
Pilit ko ring tinatanggal ang pagkaka-akbay nito. Pero dahil sa higpit ng pagkakahawak nito,
sisikuhan ko sana sa tagiliran ng bigla itong magwika.
“Hep-hep” paghawak nito sa aking
siko para mapatigil ako sa aking gagawin.
“Ikaw naman. Hindi mo pa nga
nasasabi kay ina na BOYFRIEND mo na ako, nananakit ka na. Sige ka, isusumbong kita. Hindi pa nga tayo ikinakasal gagawin mo na
agad akong battered HUSBAND.” Inistress
out nito ang salitang ‘boyfriend’ at ‘husband’.
“YURI” nanlaki ang mata ni ina sa
narinig. Mukha napaniwala ito sa sinabi ni
Keith.
“TUMIGIL KA NGA DIYAN” sigaw ko na
kay Keith. Pakiramdam ko malapit na
akong matunaw sa pagkapahiya. Kaya naman
dapat talaga akong makawala mula dito. Binigyan
ko ito ng isang kontroladong back fist gamit ang kamay kong pinipigilan nito. Pero kahit kontrolado, hindi nito napigilang
tanggalin ang pagkakaakbay nito sa akin at hawakan ang parte ng mukhang
tinamaan ng aking kamao.
“Ina, oh” wika ni Keith na tila
nagsusumbong.
“Ina, huwag nga kayong maniwala sa
kumag na ‘to. Nang-aasar lang yan.” Ang tangi ko na lang sinabi at tuluyan ng
tumayo at inimis ang hapag.
Wala na ring nasabi si ina dahil
sa inasta ni Keith kaya naman nang tumayo ako, tanging “Ako na lang diyan. Ituloy niyo na ang ginagawa niyo” na lang ang
nasabi nito.
Hindi na ako nagpapilit kay ina
dahil nahihiya pa rin ako sa pang-aasar ni Keith. Umalis na ako sa hapag at bumalik na ng sala
ng hindi man lamang tiningnan si Keith.
Naiinis pa rin ako sa kanya.
Narinig kong sinabihan rin ni ina si Keith ng “Ako na ang bahala
diyan. Bumalik ka na doon” na nasundan
rin ng yabag na pahiwatig na pabalik na rin siya sa center table.
“Uy, sorry na” wika ni Keith ng
hindi man lamang ako kumibo ng umupo ito.
“Ikaw naman hindi ka na mabiro.”
“Ewan ko sa ‘yo” sagot ko
rito. Sa laptop na bukas ako nakatingin.
Nagpatuloy na siya sa kanyang
ginagawa na tila naiilang sa akin. Pero
wala pang trenta minutos ng dumating na naman sa puntong hindi na niya alam ang
gagawin kaya naman kinailangan ko na namang turuan ito. Pagkatapos ko siyang turuan, nagsalita na
ulit ito.
“Sorry ulit kanina ha?” wika ni
Keith. “Mukhang nasobrahan ata ako.”
“Keith” tugon ko dito. “Ayoko ng ganoong biro. Alam mo na ngang bakla ako, pagkatapos
aasarin mo pa ako ng ganan.”
“Kaya nga sorry na” wika muli
nito. “Ayaw mo ba talaga sa akin?”
panandalian itong natigil. Nangunot
naman ang noo ko dahil hindi ko alam ang sinasabi nito. “Kapag inaasar kita ng ganoon.”
“Talagang ayaw ko” sagot ko
dito. Napalitan naman ng biglaang lungkot
ang mukha nito. Napansin ko ito kaya
naman nagbiro na rin ako rito. “Sa
susunod, kapag ginawa mo ulit yun, hindi lang backfist ang matatanggap mo. Baka di ka na makilala ng kaorg mo
pagnagkataon.”
“Grabe ka naman” pilit na rin ang
ngiti nito.
Nagpatuloy na muli kami sa
ginagawa. Muling nanumbalik ang asaran
sa pagitan naming dalawa. Hindi namin
namalayan na nakalipas na ang ilang oras ng muli kaming tawagan ni ina para
magmeryenda. Turon lang naman ito. Gawa ito sa saging na saba na makukuha lamang
sa aming likod-bahay.
Habang kumakain kami, tumunog ang
aking celfone na hudyat na may tawag. Kinuha
ko ito mula sa pinagpapatungan upang tingnan kung sino. Nagliwanag ang aking mukha at tinanggap ang
tawag.
“Hello, Wolfram” sagot ko
dito. Napatingin sa akin si Keith at si
ina. “Kumusta? Anong balita?”
“Yuri, nakausap ko na ang manager
ng resto” wika nito. “Ang sabi,
immediate hiring kami. Kung maisusubmit
mo ang papel mo ngayon, pwede ka nang magstart sa Lunes.” Lalong lumiwanag ang aking mukha sa
narinig. Dahil sinabi naman nito kagabi
ang mga requirements sa pag-aapply, naihanda ko na rin ang mga ito.
“Hanggang anong oras ba kayo? ”
tanong ko muli. “Punta ako diyan.”
“Naku, paano yan?” alalang wika
nito. “Kailangan ko na sanang umuwi.”
Natigilan ako dahil mukhang
napurnada pa ata ang aking magiging trabaho.
Ilang sandali rin akong hindi nakapagsalita habang nakatingin sa malayo.
“Ganito na lang” wika muli ni
Wolfram. “Nandiyan si Keith sa inyo, di
ba?”
“Oo” sagot ko dito. Nasabi ni Keith kagabi na tatapusin niya ang
exercises niya sa bahay namin.
“Makiusap ka sa kanya na kung puwedeng
kuhanan ng picture sa celfone niya ang documents mo, ipaMMS sa akin at ako na
ang bahalang mag-print dito” wika nito.
Hindi na ako nag-alangang tanungin
si Keith tungkol dito. Nagtatanong ito
kaya naman mabilis kong sinabi sa kanyang para iyon sa trabaho. Gusot ang mukha, tumango na lang ito bilang
tugon.
“Ok daw” balik ko kay Wolfram.
“Sige, ibababa ko na ito para
masimulan niyo na” si Wolfram. “Sabihin mo
gandahan ang resolution ng picture para makita ang text sa documents mo.”
Ibinaba na rin nito ang celfone. Mabilis naman akong tumungo sa kuwarto para
kunin ang mga dokumentong inihanda ko kagabi.
Bumalik ako sa sala para simulan na ang pagpapadala ng MMS kay Wolfram.
Habang iniisa-isa ni Keith kunan
ang aking mga dokumento (minadali ko ito dahil baka matagalan pa si Wolfram
kaya naman hindi agad ito nakapagtanong), nakapagtanong na rin ito. “Humingi ka ng tulong kay Wolfram para sa
trabaho?” Nakasimangot ito habang
nagpapatuloy sa ginagawa. “Bakit hindi
ka sa akin na lang humingi ng tulong?
Parang hindi mo naman ako kaibigan niyan.”
“Hindi naman ako humingi ng tulong
sa kanya” sagot ko sa kanya. “Napapunta
lang doon ang usapan namin kagabi kaya naman hindi na ako nahiyang
magtanong. Nagkataon naman na immediate
hiring rin sila kaya sa Monday raw pwede na akong magsimula kapag naisubmit yan
ngayon” dagdag ko pa.
“Kahit na” wika nito habang
patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato.
“Dapat sa akin ka na lang lumapit.
Siguradong may maibibigay na trabaho sa iyo sina Mama.”
“Ano ka ba?” ako. “Aabalahin mo pa ang iyong Mama. Andun na nga iyon eh at saka sayang naman
kung tatanggihan ko pa. Nakakahiya na
rin kay Wolfram.”
Tumahimik na rin ito at nagpatuloy
sa ginagawa. Ilang sandali pa ay
naipadala ng lahat ni Keith ang lahat ng documents ko kay Wolfram. Nagtext rin ako sa kanyang naisend ko na ring
lahat ang documents. Na nireplyan naman
nito ng okay at ipinapapaprint na niya.
Updatean na lang daw niya ako after niyang maisubmit ang aking
dokumento.
Nakahinga ako ng maluwag dahil
alam ko namang maisusubmit niya iyon ng maayos.
Sa wakas, magkakatrabaho ako.
Kaya naman hindi mawala ang ngiti sa aking labi.
“Anak, okay na raw ba?” si
ina.
“Opo raw” ako. “Sasabihan na lang daw niya ako kapag naisend
na niya.” Tumayo na rin si ina at
tumungo sa kusina para ayusin ang aming mineryenda. Namaalam rin ito na aalis siya para kumuha ng
sahog sa kanyang iluluto sa hapunan.
Napatingin ako sa tahimik na
nagmamasid na si Keith. Walang ngiti ito
sa labi.
“Parang nalugi ka diyan” puna ko
dito. “Hindi ka ba masaya na
nagkatrabaho na ako.”
“Parang sigurado ka ng makukuha
ah” puna rin nito.
“Oo naman” sagot ko. “Inassure yun kanina ni Wolfram kaya naman sigurado
na yun.” Confident kong wika.
“Basta. Galit ako sa iyo” pairap na wika nito. Humarap na rin ito sa kanyang laptop at
nagsimula ng gawin ang exercises.
Napabuntung-hininga na lang
ako. Mukhang nagalit nga ang mamang ito. Nanood na lang ako sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa ay may natanggap na rin
akong text mula kay Wolfram na pwede na akong magsimula sa Lunes.
Ilang minuto rin kaming walang
imikan sa isa’t isa hanggang dumako na naman sa puntong hindi na naman niya
alam ang gagawin. Kaya naman tinuruan ko
na ulit ito. Wala naman itong imik na
sumunod sa akin. Pero dahil mabilis
naman niyang nakuha ang itinuro ko, naisipan ko itong gawan ng kalokohan na katulad
ng ginagawa nito sa akin kanina para na rin gumaan ang hangin sa paligid namin.
Mula sa tagiliran, bigla-bigla ko
itong inakap sabay sabing, “ang galing galing mo talaga, kaya love na love kita
eh.” Ito ang eksaktong sinasabi niya sa
akin kanina kapag ginagawa niya ito. Pakiramdam
ko ay parang naestatwa ito sa aking ginawa dahil natigilan ito.
Dahil alam kong lalayo ito (dahil
ito ang aking reaksyon kanina), ngumuso ako para kunwaring halikan ito sa
pisngi. Pero hindi ko inasahan ang
kanyang ginawa. Humarap ito sa akin at
bahagyang binuksan ang bibig dahil marahil gusto nitong magsalita. Mukhang hindi nito inasahan na hahalikan ko
kunwari siya at nagkabanggaan ang aming mga labi. Amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga
kahit bago itong kain. Tila na kuryente
naman ako sa nangyari kaya naman mabilis akong napaatras para lumayo sa
kanya. Si Keith ay parang estatwa pa rin
sa nangyari.
“Sorry Keith” hingi ko ng
paumanhin sa nangyari. “Hindi ko
sinasadya.” Pakiramdam ko pwede ng
paglutuan ng itlog ang aking mukha dahil sa init nito. Alam ko ring singpula na lalo ng kamatis ang
kulay nito dahil sa pagkapahiya. Hindi
na ako makatingin ng deretso kay Keith.
Ilang sandali ang lumipas at inasahan
kong makakaramdam ako ng sakit dahil sa aking ginawa. Okay lang kung suntukin niya ako. Hindi ako lalaban. O kaya ay magwawalkout ito.
“HAHAHAHAHA” malakas na tawa ni
Keith. “SA WAKAS, NAHALIKAN RIN KITA.
HAHAHAHAHA.”
Buti na lang at wala si ina kung
hindi baka pumunta na iyon dito dahil sa lakas ng tawa ni Keith. Pakiramdam ko mas lalo pang namula ang aking
mukha dahil sa malakas na tawa ni Keith.
Ilang segundo rin itong walang tigil sa katatawa bago muli
nakapagsalita.
“May pagnanasa ka rin pala sa akin
dapat hindi ka na nagpakipot kanina” medyo natatawa pa rin ito.
“Sira, akala ko kasi lalayo ka”
parang pwede na akong lumubog sa kinauupuan ko.
Hindi pa rin ako makatingin dito.
“Aba, malay ko bang manghahalik
ka” depensa nito. “Nasa tagiliran kaya
kita.”
“Sorry” alam ko namang tama ang
dahilan niya. “Suntukin mo ako, bugbugin
mo ako, hindi ako gaganti.” Pumikit ako
para ihanda ang aking sarili at namnamin ang sakit ng pagsisisi.
“Umayos ka nga diyan. Baka pagbinugbog kita, kamay ko pa ang
sumakit” wika ni Keith. Nagmulat ako at
tiningnan siya. “Hindi ka talaga maasar,
no? Wala kang kiliti, kapag kunyaring
hahalikan kita, sisikmuraan mo naman ako, pagkatapos ngayong pagkakataon ko ng
bumawi sa pang-aasar, ang seryoso mo naman masyado. Hay naku ang hirap bumawi sa iyo.”
“Sorry” wika ko at muling iniiwas
ang tingin sa kanya.
“Ano ka ba?” si Keith muli. “That was actually a compliment. Usually kasi, sa akin ang huling halakhak
kapag asaran. Pero sa iyo, hindi ko pa
ata iyon nararanasan.”
Tahimik pa rin ako. Ilang minutong wala muling namagitang usapan
sa pagitan namin hanggang si Keith muli ang nagbukas ng usapan.
“Ano ba yung trabaho na papasukan
mo?” basag nito sa katahimikan.
“Sabi ni Wolfram, katulad lang din
ng sa kanya. Crew/cashier daw doon sa
fastfood restaurant na malapit sa campus” sagot ko dito.
“Doon sa tapat ng apartment?” tila
na excite ito sa nalaman.
“Oo” ako.
“Wow” si Keith. “Buti naman doon lang. Asahan mong doon lagi ako kakain para naman
magkita tayo palagi.”
“Ikaw ang bahala” ako. Naalala ko ulit ang nangyari kanina “Sorry
talaga kanina Keith ha? Hindi ko
sinasadya.”
“Huwag mo nang isipin yun” sagot
nito. Napatingin ako dito at nakita kong
muli ang abot tenga nitong ngiti. “Pero
kung gusto mo pa, sabihin mo lang. Libre
ito para sa iyo.” Nakanguso ito.
“Sira” tangi ko na lang naisagot
at muling inilayo ang mukha nito sa akin.
-AN-
“YURI” sigaw ko at biglang upo. Nanaginip na naman ako ng masama. Namamawis habang sapo ang ulo, pilit kong
binubura sa isip ang ilang araw ko ng napapanaginipan na pilit bumabalik.
In my dream, both Keith and I were
kidnapped and were brought to a desolated place. Yuri arrived to save us. While Keith and I were running, I heard a
gunshot. Sa aking panaginip, naalala ko
ang oras na sinagip rin kami ni Yuri kaya naman hindi ko naiwasang tumigil at tingnan
ang pangyayari. When I faced that
direction, I saw Yuri kneeling with bloodied leg. Mukhang napatumba naman nito ang bumaril pero
mukhang hindi nito inasahan ang ikalawang taong susulpot na may hawak rin ng
baril. Nakatapat na ito kay Yuri. Sabay ng nakakarinding putok ng baril ay ang
aking sigaw at biglaang paggising.
Pumunta na ako ng kusina para
uminom ng tubig. Alam kong dehydrated
rin ako dahil ilang araw na rin akong pumupunta sa iba’t ibang bar para lunurin
ang sarili sa alak na katulad kagabi.
I never obeyed the police nor my parents
about going out especially at nights. Halos
isang linggo na rin ang nakakalipas mula noong pangyayaring sinagip kami ni
Yuri and since that night, I am always at different places making myself drunk.
The exact reason why was I wasn’t able
to join my friends dinner.
Buti na lang at finals week. Kung hindi, matagal na akong pinauwi nina Mom
and Dad. Wala naman akong ififinals pero
idinahilan ko ito sa kanila dahil alam kong hindi na ako makakakilos ng maayos
sa amin dahil sa nangyari. Kahit ideal
parents ang mga ito, over protective naman sila to the point of grounding us
when times like these arrive.
Sa ilang araw ng aking pag-inom, ganoon
rin kadalas ang paulit-ulit kong panaginip tungkol kay Yuri. Noong una pa nga ay sinubukan kong bumalik sa
pagtulog pero ilang oras ang lumipas at bumalik na naman ang panaginip na iyon
kaya naman kapag nagigising ako sa ganoong panaginip, hindi ko na inaattempt
pang matulog muli.
Unti-unting bumalik ang lungkot sa
akin ng aking maalala si Yuri. Kung
gaano ako kasigurado ng tinanggap kong may gusto ako kay Yuri, ganoon rin ako
kasigurado na matinding pagkainggit at pagseselos ang aking naramdaman noong
magkaayos sina Keith at Yuri. Ang yakap
ni Keith ang pinagsimulan nito. Naiinis
ako kay Keith dahil sa kapal ng mukha nitong humingi ng tawad sa kabila ng
tindi ng ginawa nito. Kay Yuri (na
parang gustung gusto ang yakap sa kanya ni Keith) dahil sa bilis nitong
magpatawad, dahil ikumpara niya ako kay Keith na iyakin rin at dahil hindi man
lamang ako pinigilan nito ng magyaya akong umuwi. Higit sa lahat, naiinis ako sa aking sarili
dahil nakakaramdam ako ng ganitong bagay.
Kapansin-pansin rin ang pagbabago
ng ekspresyon ng mukha ni Yuri habang magka-usap sila ni Keith. Kung sa akin ay para siyang military man na
may kaharap na mas mataas ang ranggo sa kanya, para naman itong clown na hindi
matanggal ang ngiti sa bibig ng magkaayos sila nito. Nakadagdag rin ito sa nararamdaman kong selos
para sa kanilang dalawa.
Noong makaalis ako sa kanila,
nagdesisyon na akong kalimutan siya. Pipilitin
ko ang aking sarili katulad ng pagpilit ko dito noong iwan ako ng una kong
girlfriend. Magiging madali naman ang
pag-iwas ko rito dahil bukod sa hindi na kami magiging magkaklase, tiyak kong
hindi rin kami magbabatian nito kapag nagkasalubong kami sa loob ng campus. Ang desisyon kong ito ay alam kong para hindi
rin ako maging tuluyang isang bakla o isang bisexual. At ginawa ko ngang gamot ang alak para
mapabilis ito.
Ilang araw na ang nakakaraan pero
hindi nababawasan ang aking dinadala. Hindi
ito kagaya ng sa una kong girlfriend na isang linggo lang ata ay halos hindi ko
na dinaramdam pa. Eh paano naman
mangyayari ito kung gabi-gabi akong binabagabag ng aking panaginip kay Yuri? Hindi ko alam ang gagawin pero pipilitin ko
na lang na ipagpatuloy ang aking ginagawa hanggang sa tuluyan na ngang mangyari
ang aking gusto.
Masakit ang ulo, pinilit ko pa
ring ayusin ang aking sarili para pumunta sa campus at tingnan ang standing ng
huli kong iniintay na subject. Alam ko
namang pasa ito pero gusto ko pa ring tingnan para makasigurado. Wala na rin naman akong gagawin dito sa flat
at ayaw ko na ring bumalik pa sa pagtulog.
Gamit ang sarili kong sasakyan, tinungo
ko ang building na pagpopostan ng standing.
Dumating ako sa bulletin board at akin ngang nakita na pasa ako sa
subject na iyon. Paalis na sana ako sa
lugar na iyon ng may tumawag sa aking pangalan.
“AN” sigaw nito na naging agaw
pansin sa paligid.
“Hi Jam” bati ko rito. Kaklase ko siya sa subject na ito. Ang babaeng nagpakita ng picture ni Katrina
habang may kahalikan ito na naging dahilan ng aming pag-issplit.
“You look so pale” puna nito. “Are you okay?”
“I will be” walang pag-iisip kong sagot
dito.
“Sorry” hingi ng paumanhin
nito. Nangungunot noo akong napatingin
dito dahil hindi ko alam kung bakit humihingi ito ng tawad. Mukhang nakuha naman niya ang aking pahiwatig “Alam mo na.
Ako ang naging dahilan sa paghihiwalay niyo ni Katrina. Kung alam ko lang na ganan ka kaaffected,
hindi ko na sana sinabi yun sa iyo.”
“Tama lang yung ginawa mo”
ako. “At regarding that, masaya ako na
nalaman ko agad iyon kaya huwag mo ng isipin iyon. Hindi naman yun ang dahilan ng aking
ipinagkakaganito.”
“Teka” wika muli nito. “Intayin mo ako at titingnan ko lang ang
grade ko. Then, sabay tayong
magbreakfast, my treat. Sigurado kasi
akong hindi ka pa kumakain dahil sa itsura mo.”
Tatanggihan ko sana ito pero mabilis
itong pumunta sa bulletin board. “YES”
sigaw nito ng makita ang kanyang grade. Bumalik
ito sa akin at nagsimula na kaming tunguhin ang aking sasakyan. “Anong grade mo?” tanong nito sa akin.
“1.75 lang” sagot ko dito.
“Lang, eh anong pang tawag sa
grade ko?” nakasimangot ito.
“Eh ano bang grade mo?” tanong ko
rin dito.
“2.75” proud na sagot nito. “Aba masaya na ako diyan ha. Kaya wag mo yang iismallin. Buti nga hindi pasang awa.”
Tuluyan na nga akong natawa sa
pagkakwela niya. Nang dumating kami sa
parking lot, tinanong ko ito kung saan niya gustong kumain. Sinabi nitong kung ok lang sa akin, diyan na
lang kami sa malapit na fastfood dahil kailangan pa raw talaga niyang bumalik
sa campus dahil may finals pa siya sa isa niyang subject, 2 hours mula
ngayon.
Kahit papaano, natuwa ako sa mga
patawa niya kaya naman tawa kami ng tawa hanggang sa fastfood restaurant. Umabot kami sa counter na busy pa rin sa
usapan at tawanan habang nakatingin sa menu ng restaurant.
“May I take your order please”
wika ng isang pamilyar na boses. Dahil
sa narinig, biglang tumalon ang aking tingin sa kanya kasabay ng bahagyang
pagtalon ng aking puso dahil sa nakita.
Si Yuri. Gwapong-gwapo ito sa clean attire ng pagiging
cashier. Kataka-taka dahil wala na ring
sugat ang kaliwa nitong brasong tinamaan ng bala na kitang kita sa hapit na
hapit nitong pang-itaas. Sobrang malaki
ang sugat nito para gumaling lang ng isang linggo. Ang walang emosyon nitong mukha ang bumungad
sa akin na pinaiibabawan lamang ng pilit na ngiti.
“Hoy. Hoy AN” pukaw ni Jam sa aking pagkatulala. Hindi ko namalayan na ilang segundo rin akong
nakatingin kay Yuri na nakatingin naman sa akin para hingin ang aking
order. “Anong nangyari sa iyo? Parang nakakita ka ng multo ah.”
“Ah wala” sagot ko dito. “May naalala lang.”
Hindi ko alam kung anong nagtulak
sa akin pero biglaan kong inakbayan si Jam habang itinatanong ang kanyang gustong
kainin. Pagkaakbay ko dito, panandalian
kong tiningnan si Yuri. Mukhang
namalikmata lang ako dahil akala ko ay nakita ko ang kanyang mata na parang
nasasaktan pero ang wala nitong ekspresyong mukha ang nakaharap sa akin ngayon.
Tumingala ako para tingnan ang
aking oorderin. Ilang beses ko ring
palihim na tinitingnan ang kanyang mukha.
Not even a muscle on his face moves while staring at me. Nakatingala ako pero wala sa pagkain ang
aking isip.
“Uhmm sir” nahihiyang wika ni
Yuri. Tumalon muli ang aking tingin sa
kanya dahil akala ko ay may reaksyon na ito sa aking ginawa. “Kung hindi pa po kayo oorder, pwede po bang
tumabi na muna kayo. Medyo mahaba na po
kasi ang pila.” Napalingon ako sa aking
likod at nakita kong may lampas na limang tao (tantiya ko ay hindi estudyante) ang
nakasimangot sa akin. Sobrang natagalan
ako sa aking pag-iisip at hindi namalayang humaba na pala ang pila.
“AN” wika ni Jam. “Kanina pa akong nakaorder. Ikaw ba, anong gusto mo?”
“Ah eh” napahiya ako sa
pangyayari. Madali talagang lumipad ang
aking isip kapag itong taong ito ang aking kaharap. “Yung katulad na lang ng sa kanya.”
Nakarinig ako ng sigh of disbelief
mula sa aking likuran na hindi ko na lang pinansin. Mabilis namang kumilos si Yuri at wala pang
isang minuto ay naihanda na niya ang aking pagkain. Mabilis ring nakuha ni Yuri ang bayad mula
kay Jam na pipigilan ko sana (ayaw ko kasing inililibre) pero dahil sa maiinit
na tingin sa akin, hindi ko na nagawa pang makapagsalita man lamang. Dali-dali kong kinuha ang tray na naglalaman
ng aming pagkain at nagmamadaling
nilisan ang linya. Hindi ko na rin
tiningnan si Yuri dahil baka hindi na naman ako makapag-isip ng tama.
Malalaking hakbang, umalis na kami
sa counter na iyon. Nasa ilang hakbang
mula sa taong nasa pinakahuling linya, mayroong barkadahang bagong pasok sa
loob nito at tumawag sa akin.
“AN” si Luke kasama ang buong
barkada at si Diana. “Brod, anong
nangyari sa’yo? Tagal mong hindi
nagparamdam ah!” tanong nito.
“Medyo nabusy lang ng kaunti”
pagsisinungaling ko. “Ay siya nga pala,
si Jam, Jam sila ang barkada” pakilala ko sa mga ito. “Sige pre, una na muna kami at may exam pa
raw ito mamaya.”
“Sige, sunod na lang kami sa inyo”
wika muli ni Luke. Nagsi-pila na rin ang
mga ito habang kami naman ni Jam ay pumili ng upuan malapit sa glass wall ng
restaurant. Kita rin mula rito ang
counter kung saan nakapuwesto si Yuri.
Pagkaupo namin ni Jam, nagsimula
na rin kaming kumain nito. Palihim ko
ring inoobserbahan si Yuri at ang barkada habang kumakain.
Nahati sila sa dalawang
counter. Si Keith, Luke at Diana ay
pumuwesto sa linya ni Yuri habang si Andre, Karl at ang kasama nitong babae ay
pumuwesto sa kabila.
Habang nagpapatuloy sa pagkain,
nakita ko kung paano tinawag ni Keith ang pansin ni Yuri mula sa pagkakalinya
nito. Nakaramdam na naman ako ng inis ng
aking makita ang ngiti nito sa pagkakita pa lamang kay Keith at sa iba pa. Hindi na rin maalis ang ngiti ni Yuri kahit
sa mga taong sineservean niya hindi katulad ng hinarap niya ako kaya naman
ibayong inggit rin ang aking naramdaman dahil the fact na nakita niya ito,
nagbago na ang pakikitungo nito sa mga tao.
Inilayo ko na rin ang aking mga
tingin sa mga ito dahil nasasaktan lang ako.
Nag-uusap na lang kami ni Jam ng kung anu-anong bagay at pilit
ngumingiti sa mga biro nito. Malapit na
kaming matapos (mukhang nagmamadali rin Jam dahil sa exam nito) ng biglang makarinig
kami ng malakas na biruan mula sa counter na hindi lang tumawag sa aking pansin
kundi ng lahat ata ng taong malapit doon.
“Uuuyyyyyyy” sabay-sabay na biro
ng barkada kasama na rin ang ilang crew ng fastfood restaurant. Mukhang niloloko ng lima si Andre habang
nakikipag-usap ito sa baklang ‘foreigner’ na cashier na katabi ni Yuri. Hindi ko ito napansin kanina dahil nakatuon
lang ang aking atensyon kay Yuri. Sinong
mag-aakala na may foreigner na cashier sa isang restaurant? Pero sigurado naman akong wala akong narinig
kaninang kakaibang salita dahil kung foreigner nga ito, kahit papaano ay
matatawag nito ang aking pansin.
Pulang-pula ang foreigner habang si Yuri ay ngingiti-ngiti lang sa
nangyayari.
Umalis na rin ang anim mula
cashier at pumunta sa malapit sa puwesto namin para umupo. “Ang bilis niyo naman” komento ni Karl ng
makita na ubos na ang aming pagkain ni Jam.
“Naku, kailangan talaga” sagot ko
dito. “Baka malate kasi ito. Mahirap na baka kung bumagsak ito, ako pa ang
masisi” Nagtawanan kami at natahimik
naman si Jam. Nawala ang pag-iingay nito
at tila nahiya sa aking mga kaibigan. “Pahinga
lang kami then alis na rin kami maya-maya.”
“’Drei ano yun?” tanong ko sa
ingay kanina sa counter. Sasagot sana
ito ng sinapawan naman ito ni Karl sa pagsasalita.
Ikinuwento nito na ‘asawa’ ni
Andre ang baklang half German/half pinoy na cashier, katabi ni Yuri. Nalaman ko ring Tagalog rin ang salita nito
kaya naman pala hindi ko ito napansin kanina.
Kahit sinabi na ni Karl ang sitwasyon kung paano naging mag-asawa ang
dalawa, hindi ko maiwasang makita kay Andre ang saya sa mga mata nito kapag
binibiro ito kay Wolfram, ang foreigner na cashier.
Hindi ko maiwasang magtaka kay
Andre dahil para bang natutuwa siya kapag binibiro ito kahit ang totoo niyan ay
siya ang pinakapikon sa magbabarkada. Dati
kasi, bigla na lang itong manununtok o kaya naman ay magwawalk out kapag hindi na
ito nakatiis sa pamimikon namin. Pero
ngayon, kamot sa ulo habang ngingiti lang ang reaksyon nito. Nakakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko na
ito pinansin.
Pagkatapos ng ilang minuto,
namaalam na rin kami ni Jam para maihatid ko ito sa building na pag-eexaman
nito. Nagpasalamat naman ito sa akin at
bumaba na para makapag last minute review pa siya sa subject na iyon. Ang totoo niyan, lihim akong kinausap ni Jam
na pwede naman siya na lamang mag-isa ang pumunta sa building dahil nasa
restaurant nga ang aking barkada. Pero
hindi ko nagustuhan ang topic tungkol kay Yuri at kay Keith kaya naman
nagpumilit na akong umalis ng restaurant.
Napag-alaman kong simula ng nagsimula
si Yuri doon, palagi na lamang naroon si Keith tuwing nagduduty ito. Inaasar ito ng lahat na baka naman
nagkakagusto na ito kay Yuri na mariin naman nitong itinanggi. Sinabi nitong nagpapaturo lamang siya kay
Yuri sa mga courses na ififinals niya na hindi ko rin pinaniwalaan dahil
pakiramdam ko ay hindi ito nagsasabi ng totoo.
Naasar ako rito kaya nagpumilit na rin akong umalis.
Kinabukasan, maagang pumunta sina
Mom and Dad sa flat para sunduin ako at may mahalaga raw na sasabihin ang mga
pulis. Nadatnan naman ako ng mga ito na
halos tatlong oras lang ata ang tulog at galing sa pagkalasing kagabi kaya
naman katakut-takot na sermon ang inabot ko sa mga ito. Inilalagay ko raw sa kapahamakan ang aking
sarili. Buti na lang raw ay tinulungan
ako ni Yuri noong una kung hindi baka hindi na raw nila alam ang kanilang
gagawin kahahanap sa akin. Pinuna rin ng
mga ito ang aking bahagyang pamamayat at
ang pagiging pale ng aking kulay na indikasyon raw na hindi ako kumakain
ng maayos. Hindi ko na ito pinansin
dahil alam ko namang totoo ang mga sinasabi nila.
Sa presinto, binigyan kami ng
report ng tungkol sa mangingidnap sana sa amin ni Keith. Sinabi ng mga ito na ayon sa imbestigasyon,
miyembro pala ang mga ito ng isang notorious kidnap for ransom group. Kasama rin sa report na ako talaga ang target
ng mga ito at nadamay lang si Keith na kasama ko ng gabing iyon. Nakita kasi sa niraid nilang hide-out ang mga
information tungkol sa akin. Nabasa ko
ang mga ito at naglalaman ito ng aking mga activity, schedule, oras ng aking
pagkain, at iba pa na may kinalaman sa akin.
Mukhang kinailangan na raw ng mga
ito na ituloy ang balak sa akin dahil malapit ng magtapos ang semester at
magpapalit na naman ako ng schedule sa pagpasok. Ang oras na sinagip kami ni Yuri ang tangi
raw nilang nakitang opening na hindi mahahalata ang pangingidnap sa akin kaya
naman ayun ang oras na kikidnapin daw talaga nila ako. Pinagpawisan rin ako ng malamig dahil sa
isang linggo ng aking paglimot kay Yuri, malaki ang tsansa nila na ituloy sana ang
kanilang binabalak. Pero dahil mainit pa
ang kanilang grupo sa pulis, mukhang nagtago ang mga ito at ipinagpaliban muna ang
pangingidnap sa akin.
Pinayuhan ako ng mga pulis na
mag-ingat ng lubusan dahil kahit anong oras ay maaaring ituloy ng mga ito ang
balak. Marami raw miyembro ang mga ito
kaya ang anim na nahuli ng mga pulis ay madali lang din nilang mapapalitan. Nagsuggest rin ang mga pulis na kung maaari
ay sa mansion muna namin sa Makati ako magstay na ikinasimangot ko naman dahil
tiyak kong grounded ako doon.
Tinanong ako ng mga ito kanina
tungkol sa aking schedule sa class bago pa kami nakarating police station. Nasabi ko sa mga ito na tapos na lahat ng
aking exam kaya naman ngayon, pilitan na ang pagsasama nila sa akin sa mansion. Kaya naman hindi na rin ako nagcomplain ng
dumeretso na kami doon pagkagaling namin sa presinto.
Nadatnan ko sa mansion ang kuya
kong si Adrian Newton (na kasing tanda ni kuya Kurt) at si Aaliyah Nikki
(kasing tanda nina Kianna at Kian) na tinawagan na ni Mom na huwag umalis ng
mansion at may mahalaga kaming pag-uusapan bago pa kami dumating.
As expected, ang topic ng family
discussion ay yung supposed kidnapping case ko.
Kinausap kami nina Mom na mag-ingat kami ngayon dahil marahil nga ay
hindi lang ako ang tinarget ng grupo. Napag-usapan
na kung maaari ay hindi muna ako magsummer class pero hindi ako pumayag dahil
alam kong hindi ako basta-bastang makakalabas sa bahay ngayon. Nagdahilan ako sa kanila na kailangan kong
pumasok or else baka hindi pa ako makagraduate next year. Okay lang sana iyon sa kanila (na hindi ako
gumaradweyt on time) pero hindi talaga ako pumayag.
Ilang minuto ring natahimik ang
usapan na tila nag-iisip ang aking magulang ng tamang gawin. Akala ko ay ipagpipilitan nila na huwag na
akong magsummer pero sila na rin ang nagsabi na baka matagalan pa ang pagsolve
ng kaso at imposible rin namang hindi kami lumabas hanggang mangyari iyon. Kaya naman nagdesisyon sila na bigyan ako ng
bodyguard or else hindi raw nila ako papayagan na lumabas ng mansion.
Hindi naman daw sila nagwoworry
kay Kuya dahil may sarili na rin naman itong driver na pwedeng umakto na
bodyguard kung kinakailangan. Si Aaliyah
naman hatid sundo rin ng family driver kaya hindi rin sila nagwoworry
dito. Ako lang daw talaga na sa malayo
pumasok ang kanilang ipinag-aalala kaya hindi raw sila papayag na bumalik ako
ng campus kung wala akong kasamang bodyguard.
Tanging pagpayag na lang ang aking nagawa kahit ayaw ko sa ideyang iyon. At least kung makakabalik ako sa campus,
kahit papaano makakakilos ako ng gusto ko basta kasama ko lang ang aking
bodyguard.
Lumipas ang mga araw na pagtigil
sa mansion na hindi nababawasan ang aking pag-iisip kay Yuri. Halos gabi-gabi rin akong ginagambala ng
aking panaginip. Sa tuwing magigising
ako mula rito, napapansin ko ang aking basang mukha na dulot ng pag-iyak sa
loob ng panaginip.
Pagkatapos ng dalawang linggo
(lumipas ang holy week na hindi rin ako umalis ng bahay) buhat ng kausapin kami
sa presinto, nagpakilala si ama ng isang lalaking tatayo raw bilang bodyguard
ko. Brando ang pangalan nito. Malaking tao ito at, sa tingin ko, kayang
kaya ako nitong ipagtanggol kapag nangailangan ako.
Nang dumating ang bodyguard,
naisip ko na ring bumalik na ng condo dahil nababagot na talaga ako sa loob ng mansion. Palagi lang kasi akong naiiwang mag-isa dito
dahil may kanya-kanyang lakad lagi ang aking mga kapatid at magulang. Hindi rin naman nila ako pinapayagang umalis
kahit pumunta man lamang ng labas ng bahay dahil wala pa nga raw akong
bodyguard.
Pagkatapos kong magsabi sa kanila
na kailangan ko ng asikasuhin ang enrolment para sa summer, pumayag na ang mga
ito na bumalik ako ng condo. Walang
tigil ang bilin ng mga ito na kailangan ko raw na mag-ingat at huwag aalis ng
condo kung hindi kasama ang bodyguard. Ang
aking bodyguard ay tutulog sa isa sa kuwarto ng aking flat. Namaalam ako sa kanila at tuluyan na nga
kaming bumalik ng aking bodyguard sa condo.
Ang totoo niyan, next week pa ang
simula ng summer class at pwede na rin naman next week ako bumalik mula mansion. Pero dahil hindi ako makahinga sa loob noon,
pinilit ko na talagang bumalik. Gabi na
kami nakarating ni Brando sa loob ng flat pero niyaya ko na agad itong uminom
sa isang malapit na bar.
Hindi pa ito pumayag ng una dahil
baka raw magalit ang aking mga magulang pero nadala rin siya sa pamimilit. Huwag lang daw akong magsabi sa kanila dahil
baka tanggalin raw siya sa trabaho.
Ipinagbilin raw kasi ng aking mga magulang na huwag akong payagang
pumunta muna sa mga bar dahil delikado raw na siya rin namang ibinilin nila sa
akin. Buti na lang at madali ring
bumigay ito kaya naman ng gabing bumalik kami, nakapunta na agad kami sa
pinakamalapit na bar mula sa condo.
Kinabukasan, inasakaso ko na rin
ang aking enrolment. Kumuha rin kami ng
permit sa OSA na payagan ang aking bodyguard sa loob ng campus para na rin sa
aking seguridad. Nakakuha rin kami ng
permit pero pinapangako kami ng Director na hindi ito magdadala ng baril sa
loob ng campus. Kinagabihan at ng mga
sumunod na gabi, tumutungo kami palagi sa isang bar para mag-inom.
Medyo nabawasan naman kahit papaano
ang aking pag-iisip kay Yuri. Mukhang
malaking factor ang pagkakaroon ng ibang activity para mangyari iyon. Gusto kong itest ang aking sarili kong
magiging apektado pa ako kay Yuri kaya naman naisipan kong kumain kami sa
fastfood restaurant nila.
Nagsuggest pa ang aking bodyguard
na siya na lamang ang mag-oorder pero hindi na ito nagpumilit ng ako ang
nagpresinta na mag-order. Pumunta na siya
sa lugar kong itinuro na aming kakainan para maghintay.
“May I take your order please?”
wika ng lalaking half German. Nagpalinga-linga
ako sa paligid para hanapin si Yuri.
Sinabi ko agad ang aming kakainin
sa kanya. Pagkatapos kong mabayaran ang
kakainin, itinanong ko na kung nasaan ang aking pakay.
“Kayo po si Sir AN na kaibigan
nina Andre, di ba?” sagot nito. Hindi na
nakakapagtaka na kilala ako nito. “Naku
sir wala po si Yuri dito ngayon” sagot nito.
“Bakit?” tanong ko ulit. “Iba ba ang shift niya?”
“Sir, hindi po siya papasok ngayon
hanggang Linggo” sagot nito.
“Bakit?” mabilis kong tanong dito.
“Sir, kasali po kasi siya MMA
tournament sa MOA” sagot muli nito.
“Ano? Anong tournament?” tanong ko
muli.
“Alam niyo naman pong magaling
magkarate si Yuri, di ba?” ang half-German.
Tumango na lang ako. “Pinasali po
kasi siya ng sensei ng karate club dun. Malaki-laki
raw po ang premyo kaya pumayag siya. Qualifying
rounds po ngayong araw. Bukas po ay ang
start ng bracketed tournament. At sa
Sunday po ang semi-finals at finals.
Punta nga po kaming magkakateam sa Sunday para manood kung papalarin
siyang makaabot sa finals.” Ang
dere-deretsong wika nito at hindi na ako binigyan ng pagkakataong magtanong. Kinuha ko na ang aking inorder at pumunta sa
mesa na sinabi ko sa aking bodyguard.
Kinahapunan, pumunta na naman kami
ng aking bodyguard sa bar. Nilunod ko na
naman ang aking sarili sa alak. Si
Brando naman ay umiinom rin pero dahil masyado atang malakas ang capacity nito,
hindi ito nalalasing sa aming inuman. Siya
ang nagdadrive sa akin kaya naman kahit humantong sa puntong tulog na ako sa
bar, nakakauwi pa rin ako. At ngayong
gabi, magpapakalasing talaga ako.
Kung ang akala ko ay hindi na ako
apektado sa kanya, nakakamali ako. Masyado
akong apektado sa nalaman tungkol sa kanya.
Kahit papaano kasi, kilala ko na si Yuri na hindi sasali sa ganoong
tournament ng dahil lamang sa pera. Pero
sa pagkakasabi ng ‘asawa’ ni Andre, lubos akong nasaktan. Parang sinira niya ata ang pansariling
prinsipyo ng dahil sa kahirapan. Nagalit
ako kay Keith dahil hindi nito napigilan si Yuring sumali.
Nag-aalala ako kay Yuri dahil alam
kong nagsimula na ang kanyang mga laban.
‘Sana ayos lang siya’ ang mahina kong naiusal.
Alam kong masyado na itong
delikado para kay Yuri. Nakakapanood kasi
ako nito sa TV kaya naman alam ko ito.
Hindi ito katulad ng nakaharap niya ang grupo nina Alex o ng makasparring
niya ang kapitan ng karate club o noong ipinagtanggol niya kami sa anim na
grupo ng mga kidnapper. Bukod kasi sa
masyadong magagaling ang sumasali dito, masyado ring marahas ang mga kalahok
nito na umaabot sa puntong dumudugo ang mga parte na tinamaan ng suntok o sipa
pero hindi man lamang ito pipigilan ng referee. Sa labanan kasing ito, dapat mapasuko mo ang
kalaban o kaya ay maknock-out mo ito.
Mag-aala una na nang umuwi kami ng
aking bodyguard sa aking flat. Hindi na
rin ako halos makalakad kaya kailangan pa akong alalayan nito. Nang buksan ni Brando ang flat, bigla akong
nagising sa nakita.
Kaharap ko ngayon ang galit na
galit kong mga magulang.
merry christmas...
ReplyDeletethank you very much sa update...
inaabangan ko po palagi ang pag post nyo ng update at buti na lang at
napaaga ito....
sana po update kaagad....
joe.....
thanks sa update. kala kopo sa february pa update. hehe
ReplyDeletemerry christmas author.... akala ko wala ng karugtong ang story mo... im waiting for ur updates...i do really miss to read ur story... buti na lang at nakaupdate u...
ReplyDeleteramy from qatar
Thank you author. Kay tagal ko itong inaabangan! Merry xmas!
ReplyDeleteYehey!
ReplyDeleteThank you at nagupdate k mr. Author!
Ayun ohh!!! sa wakar,may update din,salamat ng marami sayo author :))
ReplyDeleteAyun ohh!!! sa wakaS,may update din,salamat ng marami sayo author :))
ReplyDeleteThank you mr. Author for the update. I waited this. Thanks alot..
ReplyDeleteHope mabilis ang update..
Thank you crayon!
ReplyDeleteMerry xmas.
ReplyDeleteGoodluck on your paper! We'll pray for you..
Karatekid pala.. Sorry.. :)
ReplyDeletehaii, salamat author..for my request being granted...
ReplyDeletesalamat sa present na galing sa u mr.author mery christmas at happy new year...
ReplyDeletewaaaa,,,,... nxt cahpa na agad.. hehe inaabangn ko to.. waaa
ReplyDeletenpa
wolfram and yuri? love team to sa kyou kara maoh ah :))
ReplyDeleteHahaha! Good observation! Dun ko nga nakuha ung pangalan ni Yuri. Pero kay Wolfram, ni research ko sa internet. Ngayon ko lang naalala na Wolfram nga pala ang kapartner nya dun.
DeleteThank you sa update! Unexpected but real good.
ReplyDeletethank you author if u nid help we are here for you you can ask for help
ReplyDeleteNawala na yung excitement q sa tagal ng update....jejejeje....basahin n lng pag nandyan na...
ReplyDeletebuhay pa ba yung AUTHOR nito? antagal na eh.. baka di ko na natatandaan haha
ReplyDeleteKelan ko lang nasimulan tong story at nahook talaga ako, natapos ko na sya in 2 nights at ngayon bitin na bitin ako. Sana mabasa ito ni author at masundan na agad. Ang ganda po ng story at sigurado maraming nakaka relate. Mas gusto ko yung yuri-keith. Kinikilig talaga ko kapag naaala ko lalo na itong latest chapter. Sana mapost na agad. To author: nainspire ako magsulat based naman sa story ko. I hope makilala ka po para mabigyan mo naman ako ng mga tips. Thanks sa mga efforts mo, marami kang napapasya. Continue mo lang po:-)
ReplyDeletemay paper na tinatapos si mr author..
ReplyDeletehintay hintay muna tayo saglit..
goodluck
Anlakas mambitin ni Mr. Author hahaha
ReplyDelete..isa ito sa paborito kong story..sana maupdate na to. Tnx mr. Author :))
author i am going to wait for your update no matter how long it will take
ReplyDeletehow long are we gonna wait for the next chapter?
ReplyDeletemay updatd p kya dito? Andami ko na natapos basahin dahil sa kakahintay. Actually nakalimutan ko na nga story nito dahil sa blue. May suggestion po kayo magandang basahin next sa blue habang nagaabang tayo dito.? Anyways maghihintay p rin ako dito
ReplyDeleteHind
DeleteWala. nang update ito tinamad nang mag update si Mr author.
Hey mr. Author. Kala ko ba by end of the mos. ng feb. Magupdate kana? Tagal naming inantay ay. Sana makapagupdate kana. Salamat. :)
ReplyDeletehi mr author. kumusta ung paper mo? sana tapos na para makapaupdate ka na.. hehr.. namimiss ka na story nito..
ReplyDeletepls, pls update namn po..miss ko na si yuri..
ReplyDeleteupdeeyt.pleaaaaase :(
ReplyDeleteUpdate pleaaaaase :'(
ReplyDeletePa update naman po mr. Author
ReplyDeleteauthor? Msob admin? Sana maupdate naman to. Kakabitin
ReplyDeleteThe author mentioned about finishing a paper until January 2014 and life or death daw yun. The author is two months overdue.... I wonder what happened or if he is okay? Sana naman madugtungan na ito... Marami kasi nakakaappreciate nung story eh...
ReplyDeletehala "its a matter of life and death daw?" Mr. author maawa ka naman sa amin!!!!!
ReplyDelete-Seaboy
mr. author.. update na please.. bitin na bitin na kami sa story mo.. ito pa naman pinakaaabangan k dito sa msob
ReplyDeleteloki
Anong nangyayari sa author? Nawalan ng inspiration si author..get back to writing please author..
ReplyDeletemauupdate pa kaya ito? sayang naman..
ReplyDeletemr author update na pls oh! araw araw ako tumitingin dito sa msob kng may update na.. :(
ReplyDeleteupdate na po mr author. syang ung story nito
ReplyDeleteKalahating taon n asan ka na Yuri?
ReplyDeleteKalahating taon n asanbka na Yuri?
ReplyDelete-asn n p0h ksun0d n2..,nka2bitin eh
ReplyDeleteala na po talaga update nito? sayang naman.. :(
ReplyDeleteSayang naman kung ganto nalang to :(
ReplyDeletenxt chapter na!!!!!!!
ReplyDeletesan kana author????
baka nabalian kana s karate jan!!!
You know halos karamihan sa mga storya, kahit saang sites pulos hinde mga natapos ... ano kayang motibo nitong mga authors na ito? Huwag na lang magbasa! Hinde ko alam ang mga puntos nila. Libre nga bale wala din. Tapos idedefensa pa ni Mike Duha na mga volunteers lang daw, eh din magpabayad sila para mapatronize, hinde yong ibibitin hanggang sa mawala. Kahit saang sites mabibilang lang ang mga natapos.
ReplyDeleteAgree ako sa iyo! Nakakabwisit!
DeleteAgree ako sa iyo! Nakakabwisit!
DeleteAgree ako sa iyo! Nakakabwisit!
DeleteDear Author,
ReplyDeleteYou're fired! You know why? You are M.I.A. That's what. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ako naghintay na matapos muna ang kwento mo bego ako nagsimulang magbasa. I am so disappointed. Another (story) bites the dust. Sana matuto na ako.
Ayan naman kasi! Tatangkilik ng tatangkilik ako, palpak lang naman pala. Nakakairita!
ReplyDeleteAyaw ko na yata sa iyo, Author! Pang- cock blocker ka kasi (as an author).
ReplyDelete-d2 nba t0h mta2p0s mr.author..,s0bra nmang bitin....,
ReplyDeletemay update pa ho ba to?
ReplyDeleteLet us just move on guys..baka may pinagdaanan si author kaya nawala...i pray for him..
ReplyDeletesana may update na po ito.. :(
ReplyDeleteAs always ..... wala na to.... bka patay na c yuri...
ReplyDeleteSayang to :(
ReplyDeleteupdate na po.. ang hirap ng alang closure.. :(
ReplyDeletemay update pa ho ba to? update na karatekid pls
ReplyDeleteOtor..
ReplyDeletePa update naman.. Ganda kc ng story.. Isa sa mag magaganda ata matinong story sa blog ni sir mikel.. Sana po ma gawaan nyo nag update pag di na kayo bz... Samalat..m
wala pa po bang next chapter ito:) slamat po
ReplyDeleteOtor deactivated his account.... All hope is lost....
ReplyDeleteWala na po talagang update ito? Sayang lang kasi promising na yung story e. Haist.. sana po matuloy yung story soon author. :(
ReplyDeleteSayang naman bakit walang update?
ReplyDeleteAko na nga lang magdugtong nit.
ReplyDeleteHindi na pala talaga Nadugtungan. Sayang Ganda pa naman ng Kwento. Gusto ko si Yuri at AN. Well kung di n ito madudugtungan isipin ko nalang si Yuri at AN nagkatuluyan dahil mahal nila ang isat isa
ReplyDelete