Followers

Tuesday, December 24, 2013

Ang CHRISTMAS WISH Ni Joey Boy 2 of 3



*******Dec 24*******

Hindi na talaga mapakali itong si Joey Boy dahil sa kaniyang pagiging sobrang excited today dahil ngayon lang kasi siya makakasama sa pamamasko with his playmates sa kanilang executive village.
"Why don't you sit down muna Baby." Ang sambit ni Ma'am Silvs sa palakad-lakad sa kanilang garden na si Joey Boy.
"I want to go out na Mommey eh..." Ang reply naman ni Joey Boy.
"Just wait for them Baby..." Ang usal muli ni Ma'am Silvs nang makita niyang it's almost 10 am na. Napagkasunduan kasi ng mga playmate ni Joey Boy na susunduin nila ito sa Mansion at sa kanila unang mamamasko ang mga ito.
"Teka lang Baby... What's your wish nga pala kay Santa..." Ang biglang tanong ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.
"Ahm... I don't know Mommy..."
"What do you mean na you don't know..."
"I haven't think of it pa po eh... Maybe i'll not wish na lang kay Santa this Christmas..." Ang explain lang ni Joey Boy na ikinagulat ni Ma'am Silvs.
DING DONG!
"EHEEEEK!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy sabay takbo niya palapit sa kanilang gate.
"LET ME BRITNEY..." Ang next na usal ni Joey Boy nang makita niyang bubuksan na ng kanilang Askal na si Britney ang gate.
"ARF..." Ang reply naman ni Britney at pagkatapos ay kaagad siyang tumabi upang hindi siya mabunggol ng excited na si Joey Boy.
"KATIE... CARL... Andito na ang mga bata..." Ang malakas na pagtawag naman ni Ma'am Silvs sa loob ng Mansion.
"MERRY CHRISTMAS JOEY BOY!!!" Ang malakas na greetings ng mga kaPlaymate ni Joey Boy nang buksan na nito ang kanilang gate.
"EHEEEK... LET'S GO NA... COME ON BRITNEY..." Ang reply naman ni Joey Boy sabay labas sa kanilang gate.
"ARF..." Kaagad din namang sumunod si Britney kay Joey Boy palabas dahil sasama din siya sa pamamasko.
"Wait lang Joey Boy... Mamamasko muna kami sa Mommy mo..." Ang sambit naman ng isang bata.
"EHEEEEK... Really..."  Tinawanan na lamang ng mga bata itong si Joey Boy at pagkatapos ay kaagad na silang pumasok lahat sa loob ng gate. Kaagad na pumila ang mga bata sa harapan ni Ma'am Silvs at gumaya naman nitong si Joey Boy sa kanilang ginawa.
"Merry Christmas po..." Ang bati ng batang first in the line sa nakangiting si Ma'am Silvs.
"Mery Christmas din..." Ang reply naman ni Ma'am Silvs habang inaabutan niya ng tig-iisang P200 bill ang mga bata at pagkatapos na makakuha ang mga bata ng Aguinaldo kay Ma'am Silvs ay binibigyan naman sila nina Carl and Katie ng mga Sweets na kanilang binalot kagabi sa isang supot na pang Yelo.
"MagMerienda muna kayo mga bata..." Ang greet naman ni Nanay Cion nang lumabas na ito na may dala-dalang kaldero ng kaniyang nilutong special spaghetti.
"YEHEEEY..." Ang sigawan naman ng mga bata.
"MERRY CHRISTMAS MOMMY..." Ang usal ni Joey Boy nang lumapit siya sa kaniyang Mommy Silvs.
"AY... Sorry nakalimutan kita... Kala ko hindi ka na mamasko sa akin eh..." Ang natutuwang sambit naman ni Ma'am Silvs habang niyayakap niya ang kaniyang anak.
"Get your Pamasko na from ypur Kuya Carl..." Ang instruct kaagad ni Ma'am Silvs kay Joey Boy.
Hindi na nagbothered pa itong si Ma'am Silvs na bigyan ng aguinaldo ang kaniyang anak dahil hindi ito marunong sa pera kaya pinabigyan na lamang niya ito ng mga packed sweets. Since Christmas nama'y pinayagan muna niya itong si Joey Boy na kumain ng sweets.
...
...
...
Kahit hindi ipakita'y medyo nakikitaan ng pag-aalala itong si Ma'am Silvs para sa kaniyang anak kaya nama'y panay ang bilin niya kina Joey Boy habang papalabas na ito kasama ang kaniyang mga ka-playmates sa kanilang gate.
"Joey Boy don't talk to strangers ha..."
"EHEK... Yes Mommy..."
"Samahan ka na lang ng Kuya Carl mo..."
"EHEK... No Mommy... Britney's coming with me naman eh..."
"Joey Boy kapag finish na kayo eh go home na..."
"Yes Mommy... Ba- Bye Mommy... Muah..." Ang sambit ng papalayong si Joey Boy sabay bigay niya ng isang sweet na sweet na flying kiss na ikinangiti naman ng kaniyang Mommy.
"Huwag ka nang mag-alala Ma'am Silvs... Marami namang kasama si Joey Boy eh..." Ang pagpapalubag ng loob ni Nanay Cion sa napa-Sigh na lamang na si Ma'am Silvs.
Hindi pa din mai-alis-alis kasi ang pag-aalala ni Ma'am Silvs para kay Joey Boy kahit na nagpapakita na ang kanyang anak ng pagiging familiar nito sa pasikot-sikot sa kanilang village.
Lately ay nagiging slight na independent na itong si Joey Boy kapag lumalabas sa kanilang Mansion kapag pupunta ito sa playground. Hindi naman totally independent dahil sinasamahan siya palagi ng Askal na si Britney at pati na din sa pagjo-Jogging ni Joey Boy tuwing madaling araw. Hindi na kinakailangan pa nina Carl or kung minsan ni Katie na samahan pa itong si Joey Boy kapag lumalabas ng Mansion.
"Katie..."
"Ano po yun Ati Silvs..."
"Sinabi na ba sa'yo ni Joey Boy ang Wish niya kay Santa..."
"Hindi pa Ati eh..."
"Eh sa'yo Carl..."
"Hindi pa din po..."
"Ikaw Manong Cris..."
"Hindi pa din po eh... Pero parang dalawa ang gustong maging wish ni Joey Boy..."
"Ha..." Ang nakangiting sambit ni Ma'am Silvs.
Inutusan kasi noong isang araw ni Ma'am Silvs sina Katie, Carl and Manong Cris na alamin kung ano nga ba ang gustong gift ni Joey Boy kay Santa sa darating na Christmas.
"Pano ngayon yan... 24 na at kailangan ko ng mabili ang gift na gusto ni Joey Boy..." Ani ni Ma'am Silvs.
"Tatanungin ko din mamaya kapag uwi niya..." Ang volunteer naman ni Nanay Cion.
"Baka nahihirapang pumili si Joey Boy ng gift na gusto niyang i-Wish..." Ang sambit naman ni Manong Cris.
"Ansabe mo Manong..." Ang curious na ani ni Ma'am Silvs sa kanilang driver.
"Sinabi kasi ni Katie kay Joey Boy na isa lang at hindi pupuwedeng dalawa ang Wish kay Santa..." Ang sumbong ng natatawang si Manong Cris sa kaniyang Amo.
"Hindi ko naman alam na seseryosohin ni Joey Boy yun ih..." Ang defensive na usal kaagad ni Katie.
"Kahit ano paniniwalaan nun... Naniniwala pa nga si Joey Boy kay Santa..." Ang hirit naman ni Manong Cris sa 100% guilty na si Katie.
"Basta bago magsara ang mga Mall ngayong araw na ito eh kailangang malaman na natin ang gustong gift ni Joey Boy..." Ang sambit na lamang ni Ma'am Silvs.
"Sige po..." Ang sambit nina Manong Cris and Katie.
Pagkatapos ay ikinuwento na ni Ma'am SIlvs na naging tradition na ni Joey Boy ang magWish kay Santa sa tuwing sumasapit ang Christmas pero ang hindi alam ni Joey Boy ay inaalam ng lahat ang kaniyang wish upang mabili ito para kapag gising niya sa Christmas ay makikita na niya sa ilalim ng Christmas Tree ang kaniyang gift na ini-Wish niya kay Santa.
They didn't bothered explaining to Joey Boy the real deal with Santa dahil isip bata naman ito kaya hinayaan na lamang nilang maniwala ito kay Santa hanggang sa ngayong age niyang 28.

**************

Sa loob lamang ng ilang hours ay nasuyod na ng mga bata ang lahat ng bahay sa kanilang executive village at labis-labis talaga ang pag-i-enjoy ni Joey Boy sa kanilang ginagawa.
Makakapal na ang mga bulsa ng mga bata dahil sa kanilang mga Aguinaldo na puro P100 and P200 bills habang itong si Joey Boy nama'y mabigat na din ang back pack dahil sa mga lamang sweets and goodies na ibinigay sa kaniyang pamasko ng kanilang mga kapitbahay.
"Okay... Last na ito..." Ang masayang sambit ng isang kaPlaymate ni Joey Boy sabay pindot sa doorbell ng pinakahuling tinapatan nilang bahay.
"MERRY CHRISTMAS DOC RACKY!!!" Ang malakas at masayang bati ng mga bata nang buksan na ng isang semi kalbong gwapong lalaki ang gate ng bahay.
"24 lang ngayon ah..." Ang gulat na sambit ni Doc Racky sa mga bata.
"Wait lang... Sagutin ko lang..." Ang next na sambit ni Doc Racky sa mga bata nang biglang tumunog ang kaniyang mobile phone.
"HA..." Ani ni Doc Racky from the other line.
"Ba't di mo naman sinabi Doms..." Ang usal muli ni Doc Racky sa phone.
"Okay... okay... Sige... Sige... Labyu..." Ang pagtatapos ni Doc Racky sa kaniyang conversation sa phone.
"Wait lang ha... Kukunin ko ang mga pamasko nyo..." Ang sambit muli ni Doc Racky sa mga bata at pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok muli sa kaniyang bahay upang kunin ang kaniyang wallet.
...
...
...
Mabuti na lamang ay napalitan ng mga bata ang mga P1,000 bills ni Doc RAcky kaya nama'y nabigyan niya ng tig P100 ang mga ito at napangiti na lamang siya nang lumapit sa kaniya itong si Joey Boy upang manghingi ng Aguinaldo.
"Merry Christmas Doc Racky..."
"Merry Christmas din Joey Boy..." Ang bati din ni Doc Racky sabay abot niya nga P200 dito. Dinoble na niya ang Aguinaldo since malaki na nga kasi si itong Joey Boy.
"EHEK..." Ang upset na sambit ni Joey Boy sa biglang natawang si Doc Racky.
"O eto..." Ang bawi ni Doc Racky nang pinalitan niya ng P500 ang kaniyang pamasko kay Joey Boy.
"EHEEEEK..." Ang sambit muli ni Joey Boy.
"Hindi po marunong ng pera si Joey Boy..." Ang natatawang sambit ng mga bata kay Doc Racky.
"Ah ganoon ba..." Ang nakaSmile na sambit ni Doc Racky.
"Wait lang Joey Boy..." Ang mabilis na sambit ni Doc Racky sabay takbo niyang muli papasok sa loob ng kaniyang bahay.
"ARF..." Ang medyo nanghihinayang na kahol na lamang ni Britney pero wala siyang magagawa dahil napaka-inosente nga nitong si Joey Boy.
Ilang minutes ding naghanap sa kaniyang kitchen itong si Doc Racky na kaniyang pupuwedeng maibibigay kay Joey Boy kaya lamang ay ni isang pirasong candy ay wala siyang makita.
"Pwede na siguro ito..." Ang nakaSmile na usal na lamang ni Doc Racky sabay dampot niya sa kaniyang nakita sa kaniyang kitchen Counter.
...
...
...
"EHEK... Thank you Doc Racky... Ba-Bye... MWAAAH..." Ang tuwang-tuwang sambit ni Joey Boy sabay bigay niya ng kiss sa cheek ng natatawang si Doc Racky.
Pailing-iling na lamang itong si Doc Racky habang nakatingin siya sa mga batang naglalakad papalayo. Lalo siyang napangiti nang makita niyang ang saya-saya ng smile ni Joey Boy habang hawak-hawak nito ang isang supot ng Gardenia Tasty Bread na kaniyang ibinigay dito.
...
...
...
"Where are we going next..." Ang full of energy na tanong ni Joey Boy sa kaniyang mga kaPlaymate.
"Ihahatid ka na namin sa inyo... Finish na tayo kasi eh..."
"EHEK... But I want to go mamasko pa eh..."
"Nakapamasko na tayo sa lahat ng bahay eh..."
"Ehek..."
"Time to go home na..."
"Okay... Ba-Bye..." Ang sambit naman ni Joey Boy.
"Hahatid ka na namin sa inyo Joey Boy..." Ang ulit uli ng isang kaPlaymate ni Joey Boy.
"I will go home na lang with Britney..." Ang reply naman ni Joey Boy.
"Sige Joey Boy... Ba- Bye... Merry Christmas!!!" Ang paalam ng mga ka-Playmate ni Joey Boy at pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na sila papauwi sa kani-kanilang mga bahay.
...
...
...
"ARF... ARF... ARF..." Ang kahol ni Britney kay Joey Boy nang mapansin niyang ibang kalsada ang kanilang tinatahak at hindi sila papauwi ng Mansion.
"I don't want to go home pa Britney... I want to mamasko pa eh... I want to have many gifts..." Ang masayang sambit lang ni Joey Boy habang patuloy pa din ito sa paglalakad.
"ARF... ARF... ARF..." Ang nagpaPanic na kahol naman ni Britney.
Kahit na kahol ng kahol itong si Britney ay hindi siya pinapansin nitong si Joey Boy dahil ang inakala kasi nito'y natutuwa din si Britney at mamamasko pa sila. Namalayan na lamang ni Britney na papalabas na silang dalawa ni Joey Boy sa gate ng executive village.
"ARF... ARF... ARF..." Ang malakas na kahol ni Britney sa Security guard ng executive village upang mapansin sila nito.
"SHOOOO..." Ang bugaw lamang ng Security Guard kay Britney dahil busy na naman ulit ito sa pagre-Reply ng mga text messages niya from the Yayas and Maids sa kaniyang binabantayang executive village.
"ARF..." Ang kahol muli ni Britney at pagkatapos ay wala na siyang nagawa pa dahil nakalabas na ang walang kamuwang-muwang na si Joey Boy sa Executive Village kaya nama'y sinundan na lamang niya ito upang bantayan.

*******After Many Hours Of Walking*******

Nang makaramdam ng pagod at uhaw itong si Joey Boy ay niyaya niya itong si Britney na maupo muna sa isang bench sa ilalim ng puno. Walang kamuwang-muwang ang dalawa na nakarating na pala sila Luneta.
"Can we sit here..." Ang sambit ni Joey Boy sa isang batang babae na nakaupo din sa bench. Tumungo na lamang ang batang babae at umusad upang bigyan ng space itong si Joey Boy.
"This is so nice..." Ang sambit ni Joey Boy kay Britney nang makaupo na silang dalawa sa bench at labis labis ang tuwa talaga ni Joey Boy habang pinagmamasdan niya ang magagandang mga plants and trees sa Luneta Park.
"I'm hungry na Britney... Let's eat na..." Ang sambit ni Joey Boy habang hinahalungkat niya ang loob ng kaniyang Red na Back pack upang pumili ng mga goodies na kaniyang napamaskuhan para kainin nila ni Britney for lunch.
"Can you put a straw in these..." Ang sambit ni Joey Boy nang iniabot niya ang dalawang Zest-o at dalawang straw kay Britney.
Mabilis namang nilagyan ng straw ni Britney ang dalawang Zest-o at pagkatapos ay kaniyang ibinigay ang isa kay Joey Boy. Nag-sip muna si Joey Boy ng kaniyang Zest-o at pagkatapos ay naglabas siya ng dalawang Goldilocks Mamon at iniabot niyang muli ang mga ito kay Britney.
"Can you open these please..."
"ARF..." Ang kahol naman ni Britney at mabilis din niyang binuksan ang mga Goldilocks Mamon.
"EHEK... Do you like some..." Ang sambit ni Joey Boy sa batang babae nang mapansin niya itong nakatingin sa kanila.
"Here you go..." Ang sweet na sweet na sambit ni Joey Boy sabay bigay niya sa kaniyang hawak na Mamon and Zest-o sa batang babae na kasama nilang nakaupo sa bench.
Tahimik na kinuha lamang ng bata ang food na ibinigay sa kaniya ni Joey Boy.
"Britney... Put a straw and open this again please..." Ang sambit muli ni Joey Boy nang inabutan niya ulit si Britney ng isang Goldilocks Marble Cake slice at isang Moo.
"LET'S EAT NA..." Ang masayang sambit ni Joey Boy nang mabuksan na ni Britney ang pack ng Marble Cake at malagyan na ng straw nito ang Moo.
"Neneng... Saan mo nakuha yan..." Ang narinig na lamang ni Joey Boy sa batang lalaki na lumapit sa batang binigyan ni Joey Boy ng food.
"Bigay sa akin ni Kuya at nung panget na aso..." Ang sambit naman ni Neneng sa kaniyang kapatid sabay turo niya sa masayang kumakain na sina Britney and Joey Boy.
"Do you like to have some..." Ang alok naman ni Joey Boy sa batang lalaking nakatayo. Hindi na hinintay ni Joey Boy na magsalita pa ang batang lalaki at kaagad siyang kumuha ulit ng Mamon at Zest-o mula sa loob ng kaniyang back pack.
"Here oh..." 
"Sa-salamat po Kuya..." Ang usal na lamang ng batang lalaki nang iniabot na sa kaniya ni Joey Boy ang food.
"I have lots of food... Have some more..." Ang sambit ng masayang si Joey Boy sa dalawang bata. Gustong-gusto talaga ni Joey Boy ang magShare ng mga foods sa mga bata.
"ARF..." Ang kahol naman kaagad ni Britney upang pigilan itong si Joey Boy.
"Britney is happy to share too..." Ang sambit naman ni Joey Boy na ikina-Sigh na lamang ni Britney dahil namis-interprete na naman siya nito.
"Ako nga pala si Ambo... Eto ang kapatid kong si Neneng..." Ang pagpapakilala ng batang lalaki.
"My name is Joey Boy... I'm 28 years old..." Ang pagsisimula naman ni Joey Boy sa kaniyang introduction.
"Marami ka pa bang pagkain Kuya..." Ang tanong kaagad ni Neneng sa nahinto sa kaniyang introductiong si Joey Boy.
"Yes I have lots of napamaskuhan... Why..." Ang tanong ni Joey Boy.
"Tatawagin ko lang ang mga kapatid ko..." Ang mabilis na sambit naman ni Ambo sabay takbo niya.
"EHEK..." Ang masayang outburst naman ni Joey Boy and after ilang minutes lamang ay nagsidatingan na ang mga kapatid nina Ambo and Neneng at kaagad na binigyan ni Joey ng mga Food and tetra pack drinks ang mga ito. Sa kabutihang palad nama'y nagkasya ang mga napamaskuhan nitong si Joey Boy sa magkakapatid.
"Have some Keyndi..." Ang masayang alok ni Joey Boy sa mga bata habang binibigyan niya ng mga sweets ang mga ito after nilang makain ang kanilang mga food. Hindi na lamang kumibo itong si Britney dahil alam niyang nag-eenjoy itong si Joey Boy.
"Eto pala Kuya Joey Boy sina Bebeng... Boknoy... Kring-Kring... Jun-Jun... Utoy..." Ang pagpapakilala ni Ambo sa iba pa niyang kapatid.
"Ito ang kambal namin... Sina Ning-Ning and Ging-Ging..." Ang last na sambit ni Ambo kay Joey Boy.
"EHEK... WHATTAKYUTNAMES..." Ang outburst naman ni Joey Boy.
"This is Britney... My Friend..." Ang next na sambit ni Joey Boy upang ipakilala niya sa mga bata ang kaniyang Pet na Askal.
"Salamat sa pagkain Kuya..." Ang sambit naman ng magkakapatid. Si Neneng ang pinakaBata sa lahat at the age of Three at si Ambo naman ang panganay sa kanila at the age of 11.
"Gusto mo bang maglaro Kuya..." Ang sambit naman nina Ning-ning at Ging-ging after nilang makakain na sinang-ayunan naman kaagad ni Joey Boy.
"Britney... Watch my Bag ha..." Ang sambit naman ni Joey Boy at kaagad niyang ibinigay ang kaniyang backpack kay Britney.
"Dyan lang kayo ha... Huwag kayong lalayo... Mamamalimos ulit kami..." Ang sambit naman ni Ambo sa kaniyang mga kapatid.
Naiwang kalaro ni Joey Boy sina Neneng, Boknoy at ang kambal na sina Ning-Ning at Giging habang sina Ambo, Bebeng, Kring-Kring, Jun-Jun at Utoy ay itinuloy na ang kanilang pamamalimos sa mga tao sa Luneta.
Walang kamalay-malay itong sina Joey Boy and Britney na nagpa-Panic na ang lahat ng mga tao sa Mansion nina Joey Boy lalong-lalo na ang Mommy nito at that time. 

*******After A Couple Of Hours*******

Nasuwertehan naman ng magkakapatid na marami ang nagbigay sa kanila ng Limos nang araw na iyon kaya nama'y nakabili sila ng dalawang supot ng CheeseBread at isang malaking 1.5 na Royal at pagkatapos ay kaagad na nilang binalikan ang kanilang mga naiwang kapatid na nakipaglaro kay Joey Boy.
"Sabi ko sa iyo Kuya eh... Sinto-sinto yan eh..." Ang ani ni Utoy kay Ambo nang makita nilang magkakatabing natutulog sa damuhan sa ilalim ng lilim ng puno na magkakatabi sina Joey Boy, Neneng, Boknoy, Ning-Ning at Ging-Ging habang binabantayan sila ni Britney.
Hindi naman sila pinapansin ng mga Taong namamsyal sa Park ni kahit mga Patrolmang Pulis ay walang pakialam din sa kanila dahil madami naman kasing nagpi-Picnic at nagpapahinga sa lilim ng mga puno sa Luneta Park nang araw na yaon.
"Alam ko... Sige na gisingin nyo na sila para makakain na at makauwi na tayo..." Ang sambit naman ni Ambo kay Utoy.
Tuwang-tuwa talaga itong si Joey Boy dahil ngayon lang siya nakaranas na magPicnic sa Luneta at kakaiba talaga sa kaniya ang uminom ng Softdrinks na nasa sa plastic. Binuksan na din nila ang Gardenia Tasty Bread na napamaskuhan ni Joey Boy upang ipangdagdag sa kanilang Ensaymadang masaya nilang pinagsasaluhan.
...
...
...
"Paano Kuya Joey Boy... Thank You sa bigay mong pagkain sa amin... Uuwi na kami..." Ang paalam ng mga bata kina Joey Boy and Britney.
"OH-UH..." Ang biglang usal ni Joey Boy na biglang ipinagtaka ng mga magkakapatid.
"Bakit Joey Boy..." Ang tanong ni Bebeng.
"I don't know how to go home..." Ang usal na lamang ni Joey Boy at kahit itong si Britney ay now lang naRealized na hindi na niya matandaan pa kung paano sila napadpad sa Luneta.
"Naku... Paano na yan..." Ang sambit naman ni Ambo na nag-aalala para kay Joey Boy. Alam ni Ambo na walang kakayahan itong si Joey Boy.
"Paano ka nakarating dito..." Ang tanong naman ni Kring-Kring kay Joey Boy.
"We just Walk..."
"Sinong kasama nyo ni Britney..." Ani naman ni Boknoy na inilingan na lamang ni Joey Boy.
"Dalhin na lang natin sila sa mga Pulis... Mag-gagabi na eh.." Ani naman ng kambal na sina Ning-Ning at Ging-Ging.
"KUYA..." Ang takot na takot na sambit ng pinakabatang si Neneng sabay turo nito sa isang grupo ng mga kabinataang palakad-lakad sa Luneta.
"Sama na lang natin sila sa bahay... BILIS!!!" Ang nagpaPanic na sambit ni Ambo sa kaniyang mga kapatid at pagkatapos ay kaagad nilang hinawakan ang dalawang mga kamay ni Joey Boy upang akayin at umalis na sa kanilang kinauupuang Bench sa Luneta Park.
"Bilis Joey Boy..." Ang sambit ni Boknoy at talaga namang alam nilang magkakapatid na kung iiwan nila itong si Joey Boy sa Luneta Park ay baka mapahamak ito't mapagtripan ng mga Rugby Boys na kanilang iniiwasan sa Luneta. Mabuti na lamang ay nakita kaagad ni Neneng ang grupo ng mga Rugby Boys at nakaalis na kaagad sila.

**************

Dapit hapon na nang makauwi na ang magkakapatid kasama si Joey Boy at agad-agad na ipinakilala nila sa kanilang Nanay ito pagkadating nila sa bahay.
"MWAAAAH..." Ang pagbibigay ni Joey Boy ng isang kiss sa cheek ng Nanay nina Ambo.
"Ang bait-bait naman..." Ani ni Nanay Fely kay Joey Boy.
"Binigyan kami ni Joey Boy ng pagkain kanina..." Ani naman ni Neneng sa kaniyang Nanay.
"Ganoon ba... Salamat Kuya Joey Boy..." Ang natutuwang sambit namang muli ni Nanay Fely sa nakaSmile na si Joey. NaGets na kaagad ni Nanay Fely ang Mental capacity ng kanilang bisita.
"I like to share po kasi...EHEK..."
"Dadalhin na po sana namin siya sa mga Pulis kaso biglang dumating yung mga Rugby Boys kaya isinama na lang po namin si Joey Boy dito... Baka po kasi siya makita nila at mapagTripan..." Ang sumbong naman ni Kring-Kring.
Ikinuwento pa ng mga magkakapatid sa kanilang Nanay na ang kasama lamang ni Joey Boy ay ang Askal na si Britney at hindi alam ng mga ito ang papauwi sa kanila.
"Pagdating na lang ng Tatay nyo eh saka na lang natin dalhin si Joey Boy sa presinto..." Ang nakaSmile na sambit ni Nanay Fely sa kaniyang mga anak.
"Pwede po bang bukas na lang... Nakakatuwa kasi eh..." Ang hirit naman ni Boknoy.
"Hindi puwede at baka nag-aalala na din ang mga magulang ni Joey Boy... Maghain na kayo..." Ang reply naman ni Nanay Fely sa kaniyang mga anak na nagreRequest na mag Overnight si Joey Boy sa kanilang maliit na barong-barong.
Ilang minuto lamang ay nakasalampak na sina Joey Boy at ang mga bata sa sahig ng barong-barong habang hinahainan sila ni Nanay Fely ng tig-iisang bowl ng lugaw. Si Britney nama'y nag pasyang magStay na lamang sa labas ng Barong-Barong.
"Kumakain ka ba ng Lugaw Joey Boy..." Ang nahihiyang tanong ni Nanay Fely sa kanilang bisita. Batid ni Nanay Fely na may kaya itong sina Joey Boy dahil sa suot-suot nito.
"I like Lugaw po..." Ang mabait na reply ni Joey Boy.
"Subuan kita Joey Boy..." Ang sambit ni Neneng na tinawanan naman ng lahat.
"Hindi laruan si Joey Boy..." Ang saway naman ni Ambo sa kanilang pinakabatang kapatid.
"You don't have Toys..." Ang tanong naman ni Joey Boy na inilingan na lamang ng mga bata.
"Kumain muna kayo at mamaya na lang kayo magkuwentuhan..." Ang saway naman ni Nanay Fely sa kanila na kaagad naman sinunod nina Joey Boy at ng mga bata.
...
...
...
"One more pa..." Ang sambit ni Joey Boy nang maubos na niya ang kaniyang Bowl of Lugaw.
"Ang lakas kumain..." Ang nasambit bigla ng kambal na sina Ning-Ning and Ging-ging.
"Tsalap-tsalap kasi..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Joey Boy.
"Ganoon ba... Buti naman nagustuhan mo... Eto pa oh..." Ang natutuwang sambit ni Nanay Fely nang nilagyan niyang muli ng Lugaw ang empty bowl ni Joey Boy.
"EHEK..." Ang outburst na lamng ni Joey Boy nang sinimulan na niyang muling lantakan ang kaniyang Lugaw.
NapaNgiti na lamang itong si Nanay Fely habang pinagmamasdan niyang maganang kumakain ang kanilang bisita. Kahit na ibinigay ni Nanay Fely ang Lugaw na para sana sa kanilang mag-asawa'y bale wala iyon dahil kulang pa yun bilang pagtanaw niya sa kabutihang loob na ipinakita ni Joey Boy sa kanilang mga anak.
Labandera itong si Nanay Fely at pa-extra-extrang Sikad Driver naman ang kaniyang asawa. Kahit na ayaw niyang pagala-gala ang kanilang mga anak sa lansangan ng Maynila upang mamalimos ay wala silang magawa dahil nagpupumilit ang mga ito. Batid kasi ng mga magkakapatid ang katayuan ng kanilang pamumuhay kaya nama'y tumutulong sila upang maitawid nila ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
"KANINONG ASO ITO!!!" Ang malakas at gulat na boses ng isang lalaki mula sa labas ng Barong-barong.
"SI TATAY!!!" Ang tuwang-tuwa namang sambit ng mga bata.

...

...

...

Kaagad na nagpaliwanag ang mga magkakapatid sa kanilang Tatay Delfin nang tanungin nito kung sino ang kanilang mga bisita.
"WOW!!! ANDOKS!!!" Ang malakas na sambit ng mga bata nang makita nila ang supot na bitbit ng kanilang Tatay.
"Fely... Saing ka muna..." Ang sambit naman ni Tatay Delfin nang iniabot niya ang supot ng bigas at Andoks sa kaniyang asawa.
"Sinuwerte ka ata ngayon ah..." Ang natutuwang sambit ni Nanay Fely.
"Marami ang pasahero kasi at namimili ang mga taxi kaya nagpe-Pedicab na lang sila... Iwas din kasi sa traffic eh..." Ang nakaNgiting paliwanag naman ni Tatay Delfin.
"Hindi ba natin gagawing pang Noche Buena ito..."
"Huwag na lang Fely at may bisita tayo..." Ang nakangiting sambit naman ni Tatay Delfin sa kaniyang may bahay.
"Pwede po bang dito na lang matulog si Joey Boy..." Ang hirit muli ng bunso nilang si Neneng sa mag-asawa.
"Neneng naman... Hindi laruan si Joey Boy... Baka hinahanap na siya sa kanila..." Ang saway uli ng kaniyang kapatid na si Ambo dito.
"Pagkatapos nating kumain eh dadalhin na natin sa Presinto si Joey Boy para makauwi na siya..." Ang mahinahing paliwanag naman ni Tatay Delfin.

*******After An Hour*******

Si Nanay Fely na mismo ang nagsubo ng food kay Joey Boy dahil hindi ito marunong mag-kamay at talaga namang tuwang-tuwa itong si Joey Boy dahil sabay-sabay na namang muli silang kumain ng kaniyang mga bagong kalaro.
"Eto pa Joey Boy Oh..." Ang sambit ni Jun-jun sabay subo niya ng ulam dito.
"Tsalap-tsalap..." Ani naman ni Joey Boy.
"Eto naman Joey Boy..."  Ang usal naman ni Neneng nang siya naman ang nagsubo kay Joey Boy. Napabugtong hininga na lamang ang mag-asawa at talaga namang wala na silang magawa at napapagkamalang laruan ng kanilang bunso ang isip batang si Joey Boy.
"EHEK..." Ang biglang naiusal ni Joey Boy.
"Anyare Joey Boy..." Ang nag-aalalang tanong naman kaagad ng magkakapatid dito.
"Britney haven't eaten yet..." Ang reply naman ni Joey Boy.
"Mamaya pa kakain si Britney... Pagkatapos natin..." Ang explain naman ni Nanay Fely. Kaagad namang napaSmirk ang nasa sa labas na si Britney nang marinig niya ang iniusal ni Nanay Fely dahil alam niyang magiging tiba-tiba siya at buto ng isang buong Andoks Lechon Manok ang kaniyang uupakan maya-maya.

...

...

...

"BURP... EHEK..." Ang malakas na dighay ni Joey Boy nang maubos na niya ang isang basong tubig after his meal.
"Pwede po ba kaming sumama kapag inihinatid na sa presinto si Joey Boy..." Ang paalam ng mga bata kay Tatay Delfin.
"Teka lang po Tay... Makikita po ba kaagad ng mga Pulis ang bahay nina Joey Boy..." Ang concern na tanong naman ni Utoy.
"Hindi natin yan alam anak..." Ani naman ni Mang Delfin.
"Sige na po Tay... Sasama na kami..." Ang sambit muli ng mga bata.
"Sige na nga Delfin... Hatid na nating lahat si Joey Boy..." Ang talunang sambit naman ni Nanay Fely sa kaniyang asawa.
"YEHEEEEY..." Ang malalakas na outburst naman ng mga bata.
"EHEEEEK!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy na ikinagulat naman ng lahat.
"Ano yun Joey Boy..." Ang tanong ng mag-asawa.
"EHEK..." Ang sambit muli ni Joey Boy sabay turo niya sa butas-butas na haligi ng barong-barong.
"IPIIIIIIIIS..." Ang malakas na pag-iyak ni Joey Boy sabay tayo mula sa sahig ng maliit na barong-barong.
"EHEEEEK... IPIS... IPIS... IPIS..." Ang malalakas na pag-iyak ni Joey Boy habang nagpapanic itong tumakbo ng paikot-ikot sa loob ng maliit na Barong-barong.
"PATAYIN NYO YUNG IPIS..." Ang malakas na utos ni Mang Delfin sa kaniyang mga anak.
"EEEEEEEEHHHHH..." Ang sigaw naman ng mga bata dahil bigla na lamang umuga ng malakas ang kanilang barong-barong dahil sa paikot-ikot at pagpa-Panic ni Joey Boy.
"ARF!!!" Ang malakas na kahol din ni Britney mula sa labas ng bahay. Kahit siya'y nagulat din nang makita niyang bigla na lamang umuga na parang nililindol ang buong barong-barong.
...
...
...
Ilang minutes din ang tumagal bago mapatay ng mga bata ang ipis na kinakatakutan ni Joey Boy at natatawa na lamang ang mag-asawa sa antics ng humihikbing si Joey Boy. Hindi mapigilan ng mag-asawang mangiti talaga habang kinakalma ng kanilang maliliit na anak ang 28 yrs old na si Joey Boy.
"Teka lang pala... May ID ka ba dyan sa bag mo..." Ang naalalang tanungin ni Tatay Delfin sa nagpupunas ng luhang si Joey Boy.
"It's in my other bag..." Ang reply naman ni Joey Boy.
"Oh-uh..." Ang next na sambit ni Joey Boy nang may biglang naalala ito.
"But I have this..." Ang mahinang sagot lamang ni Joey Boy habang may kung anong dinukot siya sa kaniyang bulsa.
"Kuya Carl told me to show this if I get lost..." Ang muling ani ni Joey Boy.
"Ambo... MakiText ka nga sa tindahan... pakiText yung number dito at sabihin mo na nandito si Joey Boy sa atin..." Ang sambit ni Mang Delfin nang iniabot niya ang maliit na papel sa kaniyang anak.
Binigyan kasi ng maliit na papel ng kaniyang Kuya Carl itong si Joey Boy kung saan nakalagay ang kaniyang Contact number at binilinan ni Carl na sakaling mawawala itong si Joey Boy ay iyon ang ipapakita nito sa mga tao.
"Napaka inosente mo talaga..." Ang sambit na lamang ni Nanay Fely habang niyayakap niya ng mahigpit itong si Joey Boy.

**************

Laking tuwa talaga ng lahat nang makatanggap ng info via text message itong si Carl na nagsasabing kung nasa saan itong si Joey Boy kaya nama'y hindi na sila nag-aksaya pa ng sandali at kaagad na sinundo na nila ito.
Si Carl and Nanay Cion ang sumama kay Manong Cris papunta sa lugar nina Mang Delfin habang sina Ma'am Silvs and Katie nama'y sinabihan na ang buong Village at ang mga Police na nakita na si Joey Boy. Nagpanic din kasi ang buong village nang malaman nilang hindi pa nakakauwi itong si Joey Boy sa kanila mula sa pamamasko.
...
...
...
Natagalan din sa pagbaba-Bye itong si Joey Boy kina Tatay Delfin, Nanay Fely at sa mga anak nito at nakipag-iyakan pa din ito sa Bunsong si Neneng bago tuluyang sumakay na ng Revo.
Labis-labis ang pagpapapsalamat at paghingi ng paumanhin nina Nanay Cion and Carl sa mag-asawa dahil sa pang-gagambala ni Joey Boy sa mga ito. Hindi tinanggap ng mag-asawa ang perang ibinibigay sa kanila nina Carl at ang tangging sinabi na lamang nila na sapat na ang ginawang pagbibigay ni Joey Boy ng pagkain sa kanilang mga anak.


**************


Hindi na natulog pa itong si Joey Boy nang makarating sila sa Mansion dahil ang bukambibig lamang nito sa lahat ay ang kaniyang masayang experience sa pamamasko't pakikipaglaro sa kaniyang mga naging bagong kaibigan sa araw na iyon.
Laking pasasalamat talaga ni Ma'am Silvs na hindi napahamak ang kaniyang anak sa pangalawang pagkakataon nitong makatakas sa kanilang Executive Village.

*******11:40 pm *******

Nakahanda na ang lahat ng mga pagkain sa hapag ng Dinning Room ng Mansion at tanging hinihintay na lamang ng lahat ay ang pagpatak ng alas dose ng Kapaskuhan. Hindi naman sila naiinip dahil inaaliw sila ng mga kuwento nitong si Joey Boy.
"Nagluto ako ng paborito mong Chicken and Pork Adobo..." Ang masayang sambit ni Nanay Cion kay Joey Boy.
"May Spaghetti din... May Cake..." Dagdag naman ni Katie.
"Bumili din ako ng Ice Cream..." Ani ni Ma'am Silvs.
"May dala akong Black Forest Cake..." Dagdag naman ni Sir Steve. Inimbitahan na din ni Ma'am Silvs ito dahil ilang days na siyang kinukulit ni Sir Steve na gusto nitong makasama sila sa Noche Buena.
"HUWAW... ANDOKS!!!" Ang masayang sambit ni Joey Boy nang inilapag na ni Carl ang mga Turbo Roasted Chicken na iniluto din nila ng kaniyang Nanay Cion.
"Saan mo naman natutunan yang Andoks..." Ang natatawang sambit ni Katie kay Joey Boy.
"We ate that when I was in the house of Tatay Delfin and Nanay Fely..." Ang explain naman ni Joey Boy.
"Where's the lugaw..." Ang out of nowhere na tanong bigla ni Joey Boy.
"HA..." Ang gulat na usal naman ni Katie.
"Where's the lugaw..." Ang muling tanong ni Joey Boy sa kanilang Maid na si Katie.
"Anong lugaw Joey Boy..." Ang nagtatakang tanong naman ni Nanay Cion.
"I like to eat Lugaw po again eh... We ate lugaw at the house of Tatay Delfin and Nanay Fely..." Ang sambit naman ni Joey Boy.
"Susmi naman Joey Boy... Wala ng lugaw... Di ba sabi mo kinain nyo na..." Ang explain lang ni Katie.
"But I want to have some eh..." Ang hirit muli ni Joey Boy.
"Wala ng lugaw Joey Boy eh... Kinain nyo na..." Ang muling hirit din ni Katie.
"Ipaglulugaw ko na lang si Joey Boy..." Ang volunteer naman ni Nanay Cion.
"Ay naku huwag na po... Ako na lang po..." Ang sambit naman ni Katie at pagkatapos ay nagmamadali siyang pumunta na sa kusina upang ipaglugaw itong si Joey Boy.
"We'll... MERRY CHRISTMAS EVERYBODY!!!" Ang entrada naman ni Sir Steve sa lahat.
"Hindi ko napansing 12 na pala..." Ani naman ni Ma'am Silvs.
"Merry Christmas..." Ang bati ng lahat sa bawat isa ngunit kaagad namang nagtaka sila dahil biglang nanahimik itong si Joey Boy at nakatingin lang ito sa mga food na nakahain sa kaniyang harapan.
"Something wrong Baby..." Ang tanong ni Ma'am Silvs.
"Ahm... Mommy..."
"Ano yun..."
"Are they eating kaya..." Ang tanong ni Joey Boy.
"Who Baby..."
"Neneng, Ning-Ning, Ging-Ging, Boknoy, Bebeng, Kring-Kring, Utoy, Jun-jun and Ambo..." Reply ni Joey Boy.
"Sino naman mga yun..." Tanong naman ni Sir Steve.
"Mga anak po ng nakakita kay Joey Boy..." Ang explain naman ni Carl.
"Yes naman Joey Boy..." Ang nakaSmile na sambit ni Sir Steve.
"Ahm... We already Ate the Andoks and Lugaw kanina eh... May food pa kaya sila..." Ang inosente't malungkot na sambit ni Joey Boy na ikinatahimik ng lahat.
"Meron naman siguro..." Ang sabi ni Nanay Cion.
"Baka gusto mong magbukas ng gift mo Joey Boy... It's under the Christmas Tree..." Ani naman ni Ma'am Silvs para maiba ang mood ng kaniyang anak.
"Do they have gifts kaya..." Ang muling usal ni Joey Boy.
"Bibigyan sila ni Santa..." Ang segway naman ni Manong Cris.
"Ano nga pala ang gift na wish mo kay Santa..." Ang biglang tanong naman ni Ma'am Silvs.
"I don't have Mommy... I already asked a wish to Santa kasi eh..."
"You already did..." Ang nagtatakang sambit naman ni Ma'am Silvs.
"Yes Mommy... I wished to Santa that you wake up na when you slept for many days..." Ang answer naman ni Joey Boy na ikina ngiti ng lahat.
"Oh... Ang baby ko talaga..." Ang sambit ni Ma'am Silvs habang niyayakap niya si Joey Boy.
"Sige na Joey Boy... While waiting for your lugaw eh magbukas ka muna ng gift namin sayo..." Ang ani naman ni Carl.
"Okay..." Ang matamlay na sambit naman ni Joey Boy at pagkatapos ay matamlay na itong tumayo sa kaniyang kinauupuan at naglakad papunta sa kanilang salas.

"Let's eat na..." Ang sambit naman ni Ma'am Silvs sa lahat nang makita niyang tahimik pa din ang buong hapag.

*******After A Few Minutes*******

"Asan na si Joey Boy..." Ang usal naman ni Katie nang inilapag na niya ang isang bowl ng lugaw sa hapag.
"Mommy..." Ang on-cue namang sambit ni Joey Boy nang makabalik na ito sa Dining room.
"Did you see open all of your gifts..." Ang masayang bati naman kaagad ni Ma'am Silvs na inilingan na lamang ni Joey Boy.
"I saw it na Mommy but I didn't open them..." Ang matamlay na reply lamang ni Joey Boy.
"Ganun ba... Sige eat ka na... Here's your lugaw na..." Ani naman ni Ma'am Silvs sa anak.
"I have so many gifts..." Ang sinabi ni Joey Boy nang makaupo na ulit ito sa kaniyang puwesto sa hapag.
"Yes... Bigay namin yun sa inyo..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Ma'am Silvs.
"Madami din kayang gift sina Neneng, Ning-Ning, Ging-Ging, Boknoy, Bebeng, Kring-Kring, Utoy, Jun-jun and Ambo..." Ang malungkot na sinabi ni Joey Boy sa hapag.
"Huwag mo nang isipin sila Joey  Boy... Eat your lugaw na..." Ang sambit naman ni Katie na tahimik na sinunod naman ni Joey Boy.
"This is not like what we ate eh..." Ang mabilis na sambit ni Joey Boy pagkatikim na pagkatikim niya ng nilutong lugaw ng kaniyang Ate Katie para sa kaniya.
"Huwag ka ng mamili pa Joey Boy... Maraming mga bata ang wala ngang makain ngayon eh..." Ang sambit naman ni Katie.
"Like Neneng, Ning-Ning, Ging-Ging, Boknoy, Bebeng, Kring-Kring, Utoy, Jun-jun and Ambo..."  Ang maluha-luhang tanong ni Joey Boy.
Ilang seconds ding nanahimik sa buong dining room bago nagsalitang muli itong si Joey Boy.
"I want to sleep na..." Ang matamlay na sambit ni Joey Boy at pagkatapos ay binigyan na niya ng isa-isang goodnight kiss sina Ma'am Silvs bago siya umakyat sa kaniyang room.
"Anyare doon... Lasang lugaw naman ah..." Ang clueless na tanong ni Katie habang tinitikman niya ang lugaw na niluto niya.
"Hayaan mo na lang si Joey Boy at baka pagod..." Ang usal na lamang ni Ma'am Silvs sa kanilang maid na si Katie but deep inside ay para bang may namumuong idea na sa kaniyang puso kung bakit ganoon ang mood ng kaniyang anak na si Joey Boy.

***************

Pagkapasok na pagkapasok ni Joey Boy sa kaniyang room ay kaagad-agad siyang nagshower si Joey Boy at nagbihis ng kaniyang pajama.
Dahil malalim ang iniisip nitong si Joey Boy ay hindi na niya namalayang nakabukas na pala ang aircon at ang kaniyang electric fan sa kaniyang room at hindi din niya nakita ang natutulog sa kaniyang bed na si Britney. Hindi na kasi nakipag-Noche Buena itong si Britney dahil pagod na pagod siya sa kanilang paglalakad ni Joey Boy.
"AARRRFFFF!!!" Ang malakas na kahol ni Britney nang magising siyang bigla dahil sa walang pasabing ibinagsak ni Joey Boy ang katawan nito sa kama't nadaganan siya.
"OH BRITNEY..." Ang sambit ng nalulungkot na si Joey Boy sabay yakap niya ng mahigpit sa leeg ni Britney.
"I'm so sad..." Ang muling usal ni Joey Boy kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.
Ang tanging nasa sa isip lamang ni Joey Boy that time ay ang buong pamilya nina Tatay Delfin and Nanay Fely...
Batid ng musmos na puso't isip ni Joey Boy ng mga oras na iyon ang kalagayan ng mga ito...
Hindi talaga niya maipaliwanag na kahit marami siyang gift at masasarap ang nakahaing food sa kaniya'y nalulungkot pa din siya...

"Santa... Hu... hu... hu..." Ang mahinang pag-iyak ni Joey Boy.

"Thank you Santa because you gave me my wish even though it was not yet Christmas when I wish my Mommy to wake up... Hu... hu... hu..." Ang pagpapatuloy ni Joey Boy sa kaniyang paghikbi.

Upset na upset talaga itong si Joey Boy that time dahil sa kaniyang nasaksihan at nadama sa kaniyang puso that day.

"But Santa... I hope that you will give me a gift this Christmas... Hu... hu... hu..." Ang pagbabakasakali ng isip batang si Joey Boy.

"I want a gift Santa..."

"Santa... I wish..."

"I wish..."

"I wish... Hu... Hu... Hu..."

"I wish... U... U... U..."

"UWAAAAAH... UWAAAAAH... UWAAAAH..." Hindi na naituloy pa ni Joey Boy ang kaniyang Wish kay Santa dahil tuluyan na siyang humagulgol dahil sa kaniyang matinding kalungkutan lalo na kapag sumapit na ang kinabukasang kapaskuhan.

...
...
...
Little did Joey Boy know na kasalukuyang kinakausap ng kaniyang Mommy sina Manong Cris and Carl dahil may naisip na plano itong si Ma'am Silvs for tomorrow.



To Be Continued

5 comments:

  1. Embedded Music Comes from Glee's Version Jingle Bell Rock

    MERRY CHRISTMAS ! ! !

    ReplyDelete
  2. I love you Joey Boy , ang bait mo talagang bata ... 😍

    Pati ako neng nadala sa kalungkotan ni Joey Boy ...

    ReplyDelete
  3. Napakabait talaga ni Joey Boy..pure heart,di makasarili..

    Mwahugs Joey Boy!

    ReplyDelete
  4. aww... mukang alam q na ang wish ni joey boy... ambait tlaga ^w^ isa xang hunky angel hehehe

    ReplyDelete
  5. wow how touch namn ako kay Kuya Joey Boy.... Thank kuya Ponse... Sana may Photo Na si Kuya Joey Boy hindi na isang Hunk na.... :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails