Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
1 (Umamin Siya, Umamin Ako,Nagka-aminan Kami!) 2 (Out-of-this-World Interrogation) 3 (‘Di Lahat ng RulerStraight, ‘Yung Iba Bendable!) 4 (Pagkabakla at Mga Pundasyon ng Bahay, Anong Connect?) 5 (The Reason I Like you, Naks!) 6 (Naging Kami!) 7 (Ang Limang Kasunduan!) 8 (Ang Kaibigan kong si Chong?) 9 (Ang Birong Hindi Biro, Bow) 10 (Second Monthsary Namin!) 11 (Bawal ang Babe at Honey?) 12 (Salamat, Habanera!) 13 (Ang Request ni Dad) 14 (The Natural Complementaries of Man and Woman, AnoDaw?) 15 (Third Monthsary Namin!) 16 (Ang Pagkidnap kay Chong) 17 (Ang Date saRooftop ng Company Building) 18 (Mga Pangarap at mga Bituin) 19 (Si Carl Alfred Santiago) 20 (Mga Pahiwatig ) 21 (Ang Makapagpapasaya kay Chong) 22 (Si Christopher Santos, Alyas Christie) 23 (Pag-aaway at Pagkakasundo) 24 (Pagkahulog) 25 (Ang Engagement) 26 (Ang Unang Submission Signal) 27 (Tadhana)
--------------------------------------------------------------------------------
Mga Dilemma ng ‘A Dilemma of Love’ 1
Dahil sa
matatapos na itong ‘Dilemma’, kekwentuhan kayo ng pasaway na writer nito ng mga
hirap na dinanas niya sa paggawa ng kwentong ito, as if you care XD. Joke lang.
Ilalagay ko rin dito ‘yung ilang bagay tungkol sa mismong kwento…:-D
Game na? ‘Di
eto na….
- Matagal kong pinag-isipan bago ko gawin ang
kwentong ito, matagal na pinag-isipan kung gagawin ko ba at kung ano ang
ipapakita ko sa ‘nobelang’ ito. Ayoko kasing gawin ‘yung kwento out of
excitement at panggagaya. Parang latest model lang ‘yan ng Iphone. Excited
kang makuha, then kapag nasa kamay mo na pagsasawaan mo na. Ayokong
mangyari ‘yun. Kapag ginawa ko ang ‘Dilemma’ dahil sa hindi mapigilang
excitement, malamang na mawalan ako ng gana at iwan ko na lang na hindi
tapos, lalo na kung walang magbasa.
Ang dami kong sinabi ano. ‘Di ko na lang sinabing natatakot
akong walang magbasa ng kwento…XD.
- Nang makapagdesisyon akong gagawa ako ng kwento
pagkatapos ng 100 taon, nahirapan naman akong mag-isip ng magandang titulo
para sa kwentong hindi ko alam kung maganda ang kalalabasan. Nung una,
gusto ko ng kwento na ang tunog eh parang ‘Si Utol at ang Chatmate Ko’ o ‘Ang
Kuya kong Crush ng Bayan’, ‘yung tunog romcom (Opo, may tinge ng romantic
comedy ang ‘Dilemma’ kung hindi niyo nalalaman…XD). Kaso wala akong maisip
na tipong ganoong title. Kapag ‘di kasi napag-isipang mabuti, may tendency
na magtunog baduy. Kunsabagay, baduy naman ‘yung kwento…XD
- Naisip ko na ring ‘Terrified’ ang ipangalan sa
walang kwentang kwentong ito. Kung pipili kasi ako ng theme song para sa
‘Dilemma’, ito ay ang ‘Terrified’. Kaso ayoko na simpleng ‘Terrified’
title, atsaka ayokong magtitle ng mula sa isang kanta at that time. 50
years later, nalaman kong may akda rin palang ‘Terrified’ ang titulo dito
sa MSOB.
- Pumasok na rin ang idea na ipasa ‘to kay Kuya
Mike ng walang titulo. ‘Yun ay nung I’ve lost all hope. Kaso ‘di ko
itinuloy. Ang lungkot para sa isang tao na walang pangalan. Ang isang
libro ay kalipunan ng isip ng tao, kaya nararapat lang na mabigyan siya ng
pangalan. Kung pwede lang na ilagay na MENALIPO’S STORY. Anong
significance? XD
- Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon kami
ng discussion sa Philosophy. Binigyan kami ng prof naming ng handout para
sa isang article na ang pangalan ay LOVER’S DILEMMA. Eureka! Nanlaki ang
mga mata ko. Pagkatingin ko sa prof, nakatingin din siya sa akin. Buti
hindi niya ako tinanong kung anong sagot sa tanong niya. Binago ko lang ng
kaunti kaya naging A DILEMMA OF LOVE.
Saka ko lang nalaman na ang dami palang kwento na may title
na Dilemma, lalo na sa Wattpad…XD
Oh, siguro
nakakunot ang mga kilay niyo dahil sa pinagsasabi ko, kaya ititigil ko na muna
ito at baka suntukin niyo na ang monitor niyo…XD
---------------------------------------------------------------------
“KAMPAY!” Itinaas ni Fonse ang hawak niyang baso na may
lamang alak. It was more than just a friendly invitation, common things that
drunkards do to affirm whether someone is their friend or foe. Gusto talaga
niyang tumikim ng alak si Chong, at kung maaari’y lasingin ang lalaking kanyang
katabi sa malambot at korteng pahaba’t
parisukat na upuan sa loob ng KTV room.
Gusto ni Alfonse na maging manhid si Chong sa mga salitang
hindi niya gustong sabihin sa kanya.
Lumikha ng tunog ang pagbangga ng baso ni Chong na baso ni
Alfonse. “Gusto mong magzipline sa sampayan niyo ng patiwarik?” Uminom si Chong
ng pineapple juice sa baso.
Hindi mapigilang ngumiti ni Alfonse sa narinig. He always
knew that Chong will not succumb to what he wants.
“Kumanta ka naman!!!” May halong pagdadabog at paglalambing
ang tinig ni Fonse. Tila isang batang nalango sa alak. Sa paningin nila ni
Chong ay aandap-andap ang kapiligiran. Tanging malamlam na ilaw galing sa disco
ball ang tanglaw nila.
Nabakas ang ngiti sa mukha ni Chong. “Kanina pa ako kumakanta
ah…”
“Oo, kanina ka pa kumakanta…” Pinunasan ni Alfonse ang alak
sa kanyang mga namumulang labi. “…kanina ka pa kumakanta ng ‘Happy Birthday’ at
‘Baa, Baa, Black Sheep!” Muli’y hindi niya mapigilang tumawa. “Sige na,
kantahan mo ako…” Hinawakan niya ang kamay ni Chong at saka ngumiting hindi
nakikita ang mga ngipin, parang batang nakiki-usap sa nakatatandang bilhan siya
ng lobo.
Napangisi na rin si Chong, ngiting naging ngisi. “Pasalamat
ka’t naperfect mo ‘yung test sa Foundation, hindi kita mababara…” Tumayo siya’t
kinuha ang mikropono. “…’wag mo lang akong sisisihin kapag nabingi ka…”
“Kung boses mo naman ang magiging dahilan para mabingi ako, I’ll embrace it fully…”
Kinindatan niya si Chong. “…akong pipili ng kanta ah…”
Umasim ang mukha ni Chong. “Tigilan mo nang uminom. Kumokorni
ka na!” Halos dumagundong sa buong kwarto ang kanyang tinig. Nilingon niya ang
screen kung saan binabasa ang lyrics ng kanta.
“…You Were There?” Clueless siyang tiningnan ni Chong. “Wala
na bang mas tatanda pa diyan? Bohemian Rhapsody, ayaw mo?”
Inangilan lamang siya ni Fonse. “Dali na! Gusto ko ng
pakinggan ‘yung reward ko!”
Inirapan siya ni Chong habang tila umuubo upang alisin ang
kung ano mang bara sa lalamunan.
“I guess you've heard,
I guess you know,
In time I have told
you but I guess I'm too slow…”
”Bakit ...bakit mo ba ako iniiwasan? Ah...oo... tama, bakit mo nga ba ako iniiwasan? ”
Napangiti
si Alfonse. Naalala niya ang tagpong ‘yun lagpas dalawang taon na ang
nakakalipas.
”Gusto mo talagang malaman kung bakit
kita iniiwasan?”
Ngayon ay nakatayo na sa harap niya ang taong halos patayin
siya sa galit noon, ipinagdiriwang ang mataas niyang grado sa isa sa mga huli
nilang pagsusulit bago makapagtapos ng kolehiyo. Kinakantahan siya ng taong
‘yun sa pamamagitan ng malamyos at malamig na tinig. ‘Di man katulad ng sa mga
mang-aawit sa telebisyon, ang bawat himig, liriko’t mga salita mula sa bibig ni
Chong ay mistulang galing sa langit.
“Hindi pa ba sapat na dahilan yan para sa’yo? Gusto kita, ibig sabihin
bakla ako. Okay?”
“It's overly romantic, but I know
that it's real,
I hope you don't mind
if I say what I feel.”
Isang luha ang tumulo sa mata ni Fonse.
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”
“It's like I'm in somebody else's
dream,
This could not be
happening to me.”
Nanatiling nakatutok ang mga mata ni Chong sa maliwanag na
screen. Hawak niyang mabuti ang mikropono at bakas sa kanyang mukha ang pagdama
sa bawat salitang kanyang nakikita.
“But you were there,
And you were everything I'd never seen,
You woke me up from this long and empty sleep,
I was alone, I opened
my eyes and you were there…”
Malayang umagos ang luha mula sa mga mata ni Fonse. Pigilan
man niya ang pagpatak ng bawat luha ay hindi niya magawa. Bakas sa mga mata
niya ang lungkot at takot.
“Don't be alarmed, no, don't be
concerned,
I don't want to
change things, leaving just as they were…”
“Ah, OO NGA NAMAN.
Napaka-O.A. ko nga naman talaga. Hindi nga naman ibig sabihin na gusto mo ako,
eh, guguluhin mo na ang buhay ko. Napaka-overthinking ko nga naman no, Carl.
Kaya pala, kaya pala maski si Sir Villacruel kinotsaba mo para lang maging
magkagroup tayo, para lang makasama mo ako, at para isampal lang sa mukha ko na
gusto mo lang ako. Wala nga naman akong dapat ipag-alala, kasi normal na gawain
lang ng bawat normal na tao ang pakialaman ang mga gamit ng mga taong hindi
niya lubusang kilala. Ang galing no, susubukan ko ngang magpakonsulta sa
psychiatrist as soon as possible. Napaka-paranoid ko na nga pala, no, Carl.”
Pinahid ni Fonse ang luha sa kanyang mukha. “Akalain mong nagawa ko nga pala ang mga
bagay na ‘yan…” Naisip niya.
“I mean nothings really different,
It's me who feels strange,
I'm always lost for
words when someone mentions your name.”
“Fuck, pare! Ang hina mo, CHONG!!”
“Tay daneng, CHONG!! Saan ka ngayon! Panalo na ako!”
“Shet!! Shet na malagkit!! Yung ipinusta ko, CHONG!”
“CHONG, CHONG, CHONG...”
“PUTANGINA, TUMIGIL KAYO SA KAKA-CHONG!!”
Humingang malalim si Fonse. Hanggang ngayo’y hindi pa rin
niya nagagawang bumalik sa Internet Café kung saan niya nagawang
mag-isakandalo, dahil lang sa pangalan ni Chong.
“I know that I'll get over this for
sure,
I'm not the type that dreams there could be more.”
Matamang tiningnan ni Alfonse ang
mukha ni Chong. Tila nag-iiba ang mukha ng kanyang kaharap sa tuwing umaawit
ito. “Yeah, right. Nasabi ko na rin
minsan sa sarili kong ‘there couldn’t be more’…”
“But you were there
And you were everything I've never seen
You woke me up from this long and empty sleep
I was alone, I opened my eyes and no, I’m not alone
I’m not alone, I opened
my eyes and you were there.”
Ibinaling ni Chong ang kanyang tingin kay Alfonse. Nakita niya
ang lalaking basa ang mga mata’t umaagos ang luha mula sa kayang mga mata. “Bakit
ka umiiyak?” Nanlalaki ang kanyang mga mata.
Ngumiti lamang ng mapait si Alfonse.
“Ang drama mo!” Tumama sa mukha ni Alfonse ang unan na
ibinato ni Chong. Kinuha ito ni Fonse at muling ibinato nang tumatawa. “Ikaw
naman ang kumanta! Ako rin pipili!”
Nagmamalaking tumayo si Alfonse at kinuha ang mikropono. “Humanda
ka na dahil makakarinig ka ngayon ng world class entertainment…” Dumagundong
ang kanyang mga salita sa silid.
Inirapan lamang siya ni Chong.
“1, 2, 3, 4.” Tumawang parang bata si
Alfonse. “Paborito ko rin ‘to!”
“Ayusin mo kumanta at baka bigwasan
kita kapag nababoy ‘yan!” Nakangiti ring sabi ni Chong.
“Give me more loving than I’ve ever had,
Make it all better when I’m
feeling sad,
Tell me I’m special even when I know I’m
not…”
Tinatapik ni Chong ang mesa sa
kanyang harapan na tila sumasabay sa ritmo ng kanta. Minsan ay lalapit si
Alfonse sa kanya’t hahawakan ang kanyang mukha na tila nang-aakit. Aarte lamang
siyang kakagatin niya ang kamay ng lalaking hindi mapigilang ngumiti.
“Make it feel good when it hurts so bad,
Barely get mad,
I’m so glad I found you,
I love being around you,
You make it easy,
It’s easy
as 1-2-1-2-3-4…”
Mistulang naglalaro lamang si Alfonse
sa kanyang ginagawa. Andiyan ang magkukuwari siyang may hawak na gitara at
patutugtugin ito. Minsa’y mag-aasata siyang rock star na tila nagwawala. “Thank
you, FANS!” Saka niya bibigyan ng flying kiss si Chong.
Babatuhin na lamang siya ni Chong ng
unan nang tumatawa.
“There only ONE thing (one),
TWO do (two),
THREE words (three),
FOUR you (four),
I Love
You….”
“Ah, kaya pala eto ang gusto mong
kantahin ko ah. Gusto mong masabihan kita ng ‘I LOVE YOU’!”
Kumunot ang mukha ni Chong. “Sorry
ka, ‘yan ang themesong naming ni Jasper nung 4th year…” Uminom siya
ng pineapple juice na tila nagmamalaki. Siya naman ang binato ni Alfonse ng
unan. Kung hindi nagawang umiwas ay naliligo na siya sa juice.
“BALIW!!! Ikaw lang ang
nakaka-alalang theme song niyo ‘yan ni JASPER!!!”
Inangilan at inirapan lamang siya ni
Chong.
“Give me more loving from the very start,
Piece me back together when I fall apart,
Tell me
things you never even tell your closest friends…”
“…tell me things you never really
tell your closest friends…” Ang kanina’y pagwawala ni Alfonse ay natigil. Humigpit
ang hawak ng kanyang dalawang kamay sa mikropono. Ibinaling niya ang kanyang
tingin kay Chong na nanatiling naka-upo’t nakangiti sa kanya. Mula sa katawan
niya’y lumalabas ang malamig na pawis.
“Oh, ba’t natigil ka?”
Saka natauhan si Alfonse. Pinunasan
niya ang kanyang noo. “Ah, napapagod na ako…” Saka siya humingal at ngumiti ng
pilit.
“There only ONE way (one),
TWO say (two),
Those THREE words (three),
And that’s what I’ll do (four),
I Love
You….”
Ipinagpatuloy ni Alfonse ang arteng
paghingal hanggang matapos ang pagkanta. Nang lingunin niya ang screen para sa
kanyang score, nagulat siya sa kanyang nakita.
“Bakit 100 ‘yung score mo?” Hindi
makapaniwalang sabi ni Chong. “Bakit ‘yung sa akin 87 lang!”
“Waha! Magaling eh. Syempre performance-level…”
Ngumisi si Alfonse nang nagmamalaki.
Ikrinus ni Chong ang kanyang mga
braso. “Hindi ka naman kumanta, nagwala ka lang…”
Pabalibag na umupo si Alfonse. Ningitian
niya ng matamis si Chong at hinawakan ang kanyang kamay. “Parang ikaw na rin
naman ang naka-high score, kasi ikaw ang dahilan kung bakita mataas ang score
nun…”
Tiningnan lamang ng mataman ni Chong
si Alfonse.
Hinaplos-haplos si Alfonse ang kamay
ng katabi. “Kaya mataas ang score nun, kasi kinanta ko para sa’yo…”
Napangiti na lamang si Chong. Tinapik
ni Alfonse ang kanyang balikat. Nasakyan ni Chong ang gusto ng katabi,
isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Fonse.
“Chong, anong balak mo…pagkagraduate
natin…” Halata sa tinig ni Alfonse ang pamamaos, marahil sa epekto ng alak o
dahil sa walang kasiguraduhang sagot na magmumula kay Chong.
Napangisi si Chong. “Balak?” Sandali
siyang napa-isip. “Syempre, magtatake muna ng board. Pagkatapos makapasa,
magcoconstruction ako. Siguro pagkatapos ng sampung taon at mayaman na ako’t
may sariling mansiyon, magtuturo naman ako. Siguro dito rin sa campus.
Magmamasteral ako. Mag-aaral uli ako. Psychology, Education. Pwede rin akong
mag-abroad pero hindi na muna siguro…” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni
Fonse. “…Pagkatapos kong matupad ang isa, bubuo uli ako ng bagong pangarap…”
Nakangiting inangat ni Chong ang
kanyang tingin kay Fonse. Malamlam ang mga mata ni Fonse, at halata ang konting
inis at yamot sa kanyang mukha. “Alam ko naman kung anong tinutukoy mo, pinaligoy-ligoy
mo pa kasi. Hindi mo na lang diniretso na kung anong plano ko sa atin…”
Napahagikgik si Chong.
Napawi ang inis sa mukha ni Fonse.
“Ano nga bang plano ko para sa atin?”
Tumingin lamang sa kisame si Chong habang nakasandal sa balikat ng katabi. “Ikaw
ano bang plano mo sa atin?”
“Ibinalik mo lang ‘yung tanong sa
akin eh…” Parang batang tugon ni Alfonse. “Eh ano nga ba? Plano ko, pagkatapos
ng ceremonies, magbabakasyon tayo sa ibang bansa. Gusto kong makapunta sa
Eiffel Tower kasama ka…” Kahit na halatang unti-unting nalalango ay dinig sa
tinig niya ang hindi mapigilang saya, tila pagkatuklas sa isang panibagong
mundo. “…Pagkatapos nun, pupunta naman tayo sa Statue of Liberty. Nakapunta na
ako doon, pero gusto ko uling pumunta doon nang kasama ka. Tapos pwede ring
tayong manood ng opera sa London kagaya ng Phantom of the Opera tsaka Les
Miserables. Hindi ko man maintindihan ‘yung mga iyon, basta makita lang kitang
masaya, okay na ako. ‘Diba gustong-gusto mo ‘yung mga iyon…”
Napangiti na lamang ng napakatamis si
Chong. Dama niya sa bawat hibla ng kanyang buhok ang ihip ng hininga ni
Alfonse.
“…Gusto mong malaman kung ano ang
huli kong gustong puntahan?”
“Saan?” Kumunot ang kilay ni Chong.
Napahagikgik si Alfonse. “Gusto kong
pumunta sa nudist beach…”
“Gusto mong basagin ko ‘yang baso mo sa
noo mo?” Seryoso ang tono ni Chong.
Patuloy ang paghagikgik ni Alfonse.
Inihilig niya ang kanyang ulo sa ulo ni Chong, habang ang kanyang mga mata ay tila
unti-unting bumibigat. “Chong…may sasabihin ako sa’yo…”
Hinarap siya ni Chong. Itinuon niya sa
kanyang kaharap ang kanyang bilugang matang puno ng sinseridad.
“Chong, engaged na ako…” Ngunit hindi maiusal ni Alfonse ang mga salitang iyon. Sa
kanyang unti-unting napipikit na mga mata’y nakikita niya ang isang taong hindi
niya kayang saktan at hindi niya kayang mawalay sa kanya.
At alam niyang kapag inamin niya ang
lahat, ang kaharap niya’y maglalaho kasama ng kawalan.
“Ano, anong sasabihin mo?” Bakas sa
mukha ni Chong ang isang matamis na ngiti.
“Ah, Chong…” Nanginginig ang mga labi
ni Alfonse. Ang kanyang mga matang lalong sumingkit ay sinasamsam ang buong
paligid. Ang kaninang silid na aandap-andap ay unti-unti nang dumidilim. “…engaged na ako…”
“HUY!!!”
Hinawakan ni Alfonse ang dalawang
kamay ng kaharap. “Chong…” Sandali siyang natigilan. “…kahit na anong mangyari,
lagi mong tandaan na mahal kita. Mahal na mahal kita…” Muli’y unti-unting namuo
sa kanyang mata ang isang luha.
Ngumiti ng matamis si Chong. “Gusto
mong magjumping-jacks?”
Kumunot ang kilay ni Fonse. “Ba…Bakit?”
“Epektibo daw na pampawala ng
kalasingan ang exercise. Subukan natin…” Kita sa mga mata ni Chong ang hindi
maitatangging sigla.
Tiningnan lamang siya ni Alfonse nang
malamam ang mga singkit na mata.
“Oh, 8 o’ clock na. Uuwi na ako,
pagagalitan na ako niyan.” Tumayo si Chong at isinukbit sa kanyang kanang
balikat ang gray niyang body bag. Sinundan lamang siya ng tingin ni Alfonse.
“Ikaw, hindi ka pa aalis?”
Ngumiti si Fonse. “Hindi… Dito muna
ako…” Pinuno niya ang kanyang baso ng alak at nilagok ito.
“Sige… ‘Wag ka nang masyadong
magpakalasing. Si Ronnie na naman ang mahihirapan sa’yo niyan…” Pagkatapos ng
ilang papunta sa pinto’y tumigil siya. “May problema ka no?”
Gulat na nag-angat ng tingin si
Alfonse. “Paano mo nasabi?”
Napangisi si Chong. “Kadalasan kasi,
kapag nagpapa-alam ako, kinukulit mo akong halikan kita…”
Pumungas-pungas si Alfonse. Mistulang
naka-akbay sa sandalan ng upuan ang kanyang mga braso. “Lasing na kasi ako.
Pero tutal naman ipinaalala mo, kukulitin na rin kita…” Ininguso niya ang
kanyang mga labi. “…KISS!!”
Napangiti si Chong. “Katulad ng dati
kong sagot, gumapang ka muna sa kisame ng patiwarik…”Inikot niya ang knob ng
pinto. “Sigurado ka ba talagang okay ka lang niyan? Samahan na kaya kitang
umuwi?”
Nadarama ni Alfonse ang lalong
bumibigat niyang katawan. “Hindi na, sige na, ‘wag mo na akong aalalahanin…”
“Ay Fonse, ‘yung final draft pala ng
mga pinagawa ko para sa thesis…”
Unti-unting nayuyukayok si Alfonse sa
kanyang upuan. “Sa USB ko na lang inilagay. Kunin mo na lang sa bag ko, nasa
bulsa sa loob…”Pautal-utal niyang sagot.
Ilang saglit pa’y nabalot ng
katahimikan ang buong silid. Akala ni Alfonse ay walang ng ibang tao sa kwarto.
Ngunit pagkatapos ng ilang segundo’t nang nag-angat siya ng tingin, nakita
niyang nakatayo si Chong kung nasaan ang kanyang bag. Nakayuko ito’t tila
tulalang nakatingin sa loob ng kanyang gamit.
“Chong, bakit?” Hindi tuluyang
maiangat ni Fonse ang kanyang ulo.
Ibinaling ni Chong ang kanyang tingin
kay Fonse. Puno ng walang kasiguraduhan ang kanyang mga mata. “Ah…wala…” Inayos
niya ang kanyang tindig. “Uhmmm..sigurado ka bang okay ka lang niyan…”
Ngumiti lamang si Alfonse. “Oo,
kaibigan ko naman ‘yung may-ari…” Mistulang kinakain na niya ang kanyang mga
salita.
Saka narinig ni Alfonse ang marahang
pagkakasara ng pinto.
“Bakit! Bakit ‘di ko masabi?” Umuugong
ang hinagpis sa apat na sulok ng silid. “Anong gagawin ko kapag nalaman niya!
Anong mangyayari sa amin!” Gawa ng kalasinga’y naging ungol lamang ang bawat
sigaw.
Pagapang niyang kinuha ang kanyang bag
mula sa kabilang parte ng sofa. Binuksan niya ito’t tinangkang kunin ang
singsing na simbolo ng pagtatali nila ni Mylene.
Ngunit wala sa loob ang singsing.
Tila nagising ang diwa ni Alfonse sa
nalaman. Ang kanyang bumibigat na mga mata’y biglang nandilat, kasabay ng pagtuwid
ng kanyang bawat kilos. Halos ibalibag niya ang laman ng kanyang bag.
Hinalughog niya ang kasuluksulukan nito. Ang basong puno ng alak ay natapon sa
sahig.
“Shit, nasaan ‘yun? Nandito lang ‘yun
sa loob ng bag?”
Sa kabila ng kanyang desperadong
paghahanap ay patuloy na tumutugtog ang masiglang kanta sa kwatong iyon.
“Anong hinahanap mo?” Gulat na
nag-angat ng tingin si Alfonse. Halos tatlong talampakan mula sa kanya’y
nakatayo si Chong, tuwod ang tindig at bakas sa mukha ang isang ngiti. “Parang
‘di ka na lasing ah. Anong nangyari?”
Lumikot ang sulyap ni Alfonse. “Ah,
wala, wala. ‘Yung…’yung cellphone ko ‘di ko makita… Ikaw, ba’t ka bumalik…”
“Naiwan ko ‘yung panyo ko…” Ngumiti
si Chong, ngumiti ng matamis. “Nasa tabi mo ang cellphone mo…”
Aligagang napalingon si Fonse sa
kanyang tabi. Doon niya nakita ang kanyang Iphone. “Mukhang ‘di pa nawawala ang
pagkalasing ko…”
Pinulot ni Chong ang kanyang panyo na
nasa sahig. “Oh, sige. Aalis na talaga ako…”
Muling hinalughog ni Alfonse ang
kanyang bag. Nang hindi niya makita ang kanyang hinahanap ay tumayo siya’t
inikot ang kwarto.
“Sigurado ka bang ‘yung phone mo ang
hinahanap mo?”
Tiningnan ni Fonse si Chong. Nakatayo
ito sa pintong nakangiti at nakataas ang kilay. “Ah, ‘yung wallet ko. Ganoon ba
ako katinding nagwala kanina?” Tumawa siya. Isang ngiting halatang pilit.
Ngumiti rin si Chong. Isang ngiting
bakas sa labi ng mga taong lubhang masaya. “Sigurado ka ah?”
Nagpatuloy sa pag-ikot sa bawat sulok
si Alfonse. Nagpatuloy sa pagtayo ng payapa si Chong malapit sa pinto.
“Ah, Chong, wala ka bang nakitang…”
Sumenyas ng pabilog si Alfonse gamit ang kanyang daliri. Ngunit natigilan
siya’t hindi ito itinuloy.
“Ano ‘yun?” Kumurap si Chong. Katulad
ng mga unang araw. Banayad, may pag-iingat, at buong paggalang.
“Ah, wala…” Bakas ang pagka-aligaga
sa mukha ni Fonse. Tumalikod siya’t muling hinanap ang singsing.
“Eto ba ang hinahanap mo?”
Natigilan si Alfonse. Unti-unting
siyang tumayo ng tuwid. Huminga siyang malalim. Saka niya ibinaling ang kanyang
tingin kay Chong ng dahan-dahan, may pag-aalala, may buong takot.
Sa singkit niyang mga mata’y nakita
niya si Chong, tila isang respetadong hari na nakatayo sa silid. Kahit na
tumatama sa kanyang mata ang makulay na liwanag ay ni minsa’y hindi siya
kumurap. Sa labi niya’y bakas ang isang ngiti.
“Cho...Cho…” Unti-unting namuo sa mga
mata ni Alfonse ang luhang kanina pa gustong umagos. Ang kanyang tinig ay
unti-unting nababasag. Parang kopitang unti-unting nagkakalamat.
Nagbaba ng tingin si Chong at
sinundan niya ng tingin ang kanyang daliri. Unti-unting nawala sa kanyang mukha
ang kanyang ngisi.
Natulala si Fonse sa kanyang nakita.
Unti-unting napaamang ang kanyang mga labing kanina pa nanginginig.
Sa mga daliri ni Chong ay naroon an
gang hinahanap ni Fonse. Naroon ang gintong singsing.
“Chong…Chong…” Malayang umagos ang
luha sa mukha ni Fonse.
Nanatiling nakatayo ng panatag si
Chong. Walang anumang mababakas sa kanyang mukha. Ilang saglit pa’y kukurap
siya nang dahan-dahan, may buong pag-iingat, at buong paggalang. Tila hawak
niya ang lahat. Pagkadilat niya’y tatama sa kanyang paningin ang makulay at
nakabubulag na liwanag. Ngunit walang kahit anong panghihinang mababakas mula
dito.
Sa mga mata niya’y walang mabanaag
kundi repleksiyon walang kulay na mundo.
okay naman author. kaso nga lang minsan sa sobrang words eh parang paikot ikot at dangling yung thought, as a result parang sobrang bagal talaga yung progress ng story. wala pang climax and all that. yun lang. pero overall good job.
ReplyDelete-kirk
Wow, real review!!! MARAMING SALAMAT!!! I'll see to it na maremedyuhan yan...XD
Deletewhhhhyyyyy????...ang.sweeet.ng.first.part,halos.magdikit.na.ung.lips.ko.sa.tenga.ko.sa.super.kilig.at.ngiti...pero...ung.last.part...aaaahhhhhhhhhhhhh!!!
ReplyDeleteas.expected.d.q.pa.rin.mahulaan.iniisip.ni.chong.after.nung.scene.nung.last.part...
greaaaaatttt.chapter!!!!!!!...thanks.sir.lipo!!
-kio
Wahaha, damhin mo nang mabuti, wala ng kilig niyan sa susunod na chapter...XD
DeleteMenalipo na lang, wala ng Sir...XD
p.s...laptrip.po.ako.sa.MENALIPO'S.STORY.na.title...:D
ReplyDelete-Kio
ang pangit pakinggan ano...XD
Delete