Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook
Final requirement 06
Nasaan naman kaya yun? Bakit ang lakas ng topak nun? Hindi na mabiro tss.
Ayun hinanap ko siya sa buong Rizal memorial park sa sobrang laki nito ay nahirapan akong maghanap tapos ang dami pang tao sa paligid.
Sa wakas nakita ko siya doon sa may damuhan malapit sa dulo nakaupo nakasimangot. Dumaan ako sa gilid niya upang hindi niya ako mapansin.
“Boooo!!” < --- Ako
“…..” < --- Chard
“Babe? Sorry na po” < --- Ako
“Babe naman eh sorry na jinonoke ka lang naman eh” < --- Ako
“Hindi kasi nakakatawa tss” < --- Chard
“Sorry, alam ko minsan oh madalas ginagawa kong joke ang lahat ng bagay, sorry talaga babe” < --- Ako
Kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa din niya ako pinapansin, sinubukan kong yakapin siya, hawakan ang kamay ngunit pilit siyang nagpupumiglas.
Nagsimula nang mangilid ang luha ko, dahil kahit anung paghingi ng ko sorry sa kanya ay ayaw niyang pakinggan.
Daig ko pa ang taong may nakakahawang sakit kung makapiglas kapag hinahawakan ko siya.
Pero mas masahol pa ako sa taong may sakit kung ipagtabuyan, dahil may taong nagmamahal sa kanila na sa kabila ng kanilang karamdaman ay nananatili ito sa tabi nila dahil sa pagmamahal. Ngunit sa kaso ko ay ang taong una kong minahal ng ganito ang mismong nagtataboy pa sa akin.
"Babe anu ba? Nagsosorry na nga ako diba?" < --- Ako na medyo inis na din.
"Ah . . . At ngayon ikaw pa ang may ganang magalit?" < --- Chard
"H-hindi Babe sorry, eto na nga oh humihingi na ng sorry diba?" < --- Ako
Niyakap ko siya sa likod ng mahigpit ngunit nagpumiglas siya ng sobrang lakas at medyo nasaktan ako sa ginawa niyang iyon. Pisikal, dahil nasiko niya ako sa tagiliran at ang pinakamasakit, sa Puso.
"Lumayo ka nga!" < --- Chard
Ang luha ko na kanina pa nagbabadya ay tuluyan nang umagos. Ang sakit sa pakiramdam na mismong taong mahal mo ang nagtataboy sayo ng ganito. Ganun ba kalaki ang kasalanan ko?
Dahil ayaw ko ipakita sa kanya na umiiyak ako pinili kong lisanin ang damuhan kung saan kami nakaupo.
Mabigat sa pakiramdam kapag may bagay ka na nais ayusin ngunit ngunit sa huli ay hindi ito naging matagumpay. Hindi pa ako nakakalayo ng sumigaw siya.
"Ikaw na nga tong may kasalanan ikaw pa ang mag-wawalk out" < --- Chard
Nang marinig ko ang sinabi niya hindi ko na din napigilan ang inis ko sa kanya.
"Di ba sinabi mo na lumayo ako" < --- Sinabi ko yan ng hindi ko manlang siya nilingon sa dahilang patuloy na bumabagsak ang aking luha.
Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad palayo sa kanya ay narinig ko ang mga yabag niya patakbo papunta sa akin at pwersahang hinablot ang balikat ko dahilan upang mapaharap ako sa kanya.
Kita sa kanyang mga mata ang galit, pero nung nakita niya ang pag-iyak ko ay nakita ko ang ibayong pag-aalala sa kanyang mga mata ngunit nanatili pa din siyang matigas.
"Ano? Hindi ka manlang hihingi ng tawad? Ikaw na nga itong may kasalanan ha?" < --- Chard
Dito na bumuhos ang matinding emosyon na kanina ko pa kinikimkim. Kasabay ng muling pagtulo ng aking mga luha.
"Tanga ka?! kanina pa ako humihingi ng sorry di ba?! Anung ginawa mo?! Ayun pinagtatabuyan mo na para akong may nakakahawang sakit! Bakit hindi mo subukang ibaba yang Put@ng !n@ng pride mo? Ang taas eh!" < --- Ako sabay lakad papalayo sa kanya
Di pa ako masyado nakakalayo nang tinawag niya ako.
"Ba-babe! " < --- Chard
Gusto ko siyang lingunin, pero kailangan ko munang lumayo, para pag-isipan ang lahat.
"Babe!" < --- Chard
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis. Pero tulad kanina inabutan niya ako, hinawakan ang magkabilang balikat ko. Iniharap niya ako sa kanya ng dahan dahan. Di ako tumingin sa mga mata niya, patuloy pa din kasi akong umiiyak sa mga oras na ito.
"Babe, Sorry alam kong napakasimple lang ng pinag-awayan natin pero eto pinalaki ko" < --- Chard
"Oo nga eh" < --- Ako
"Galit ka ba sa akin Babe?" < --- Chard
"Oo, kaya b-bitawan mo muna ako please? Kailangan ko muna mag-isip tungkol sa atin" < --- Ako
"A-ayoko wag mo ako iiwan babe mahal kita please . . ." < --- Chard
"K-kaya nga bitiwan mo muna ako, ayoko magdesisyon ng may galit pa ako sayo" < --- Ako
Binitawan na nga ako ni Chard pero niyakap niya ako.
"Babe please, a-ayoko mahiwalay sayo di ko kaya babe sana piliin mo yung tayo" < --- Chard
Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Chard tumalikod ako at nagsimulang humakbang palayo.
. . .
"Ay lintek, kita mo ang ginawa mo? Natapon oh!" < --- Sabi ng mamang nabunggo ko
"Ayaw mo kasing umalis sa dinadaanan ko, text ka ng text dyan" < --- Ako
Aambahan na niya ako ng suntok pero naunahan ko siya.
BLAG! taob siya sa suntok ko.
"Ikaw sa susunod wag kang mang bintang! Ikaw ang patanga tanga na text ng text tapos kung makapanisi ka parang kasalanan ko pa ang lahat?! Wag ka na ulit magpapakita sa akin, kung hindi, mas malala pa ang aabutin mo sa akin" < --- Litanya ko sa kanya
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa 7'11 kung saan ko nakita ang mga alak ang magiging sandigan ko sa oras na ito.
Nilalagok ko ito habang pauwi sa amin, madaming mata ang nakatingin sa akin pero wala akong pakialam, hindi nila ako kilala, hindi ko sila kilala kaya who cares.
“Par?! Anu yan?! Kalian ka pa nag-iinom ng ganyan?” < --- Jet
“Bayaan mo muna ako par, naiinis ako jan sa pinsan mo sige jan ka na” < --- Ako
Nakakainis, alam ko nagkamali ako pero yung magalit siya ng ganon? Parang napaka imatture naman kasi eh…
Masakit ang ginawa niya, simpleng pagkakamali . . . tss nakakainis, mali ba ako sa desisyon ko na magmahal ng kapwa lalaki? Kaya ba iilan lang ang nagtatagal sa ganitong relasyon dahil sa letcheng pride na yan? Ang sakit lang nung sinusubukan ko na siyang amuhin itataboy yung kamay mo? Tapos hinintay ka pang umiyak para lang pansinin ka T@ng !n@.
J e t --- >>>
Papunta ako sa Puntod namin, alam ko na makikita ko si Andrei doon kasama si insan Chard, masaya ako para sa kanila, ngayon ko lang nakita sa Andrei na ganito kasaya.
Habang naglalakad ako may nakita akong lasengero na nilalantakan ang isang litrong alak, pero laking gulat ko ng si Andrei ang taong iyon, hindi yan ganyan . . . napakabait nang taong yan, at never na uminom ng ganyan . . . anu kaya ang problema?
“Par?! Anu yan?! Kalian ka pa nag-iinom ng ganyan?” < --- Ako
“Bayaan mo muna ako par, naiinis ako jan sa pinsan mo sige jan ka na” < --- Andrei
Hindi ko na sinundan si Andrei, alam ko na mas gusto nan ang mapag-isa kapag may problema dahil ma nakakapag-isip siya ng ayos, pero ngayon hindi ko alam, puso ang problema ni Andrei ngayon lang yan nag-mahal ng ganyan at saksi ako doon.
Malapit na ako sa aming puntod, pero hindi mawala sa isip ko si Andrei. Alam kong mas nais niya na mapag-isa pero sa takbo ng pag-iisip niya ngayon mas malapit siya sa piligro.
Nasa bukana na ako ng Panchong namin ng marinig ko na pinagsasabihan ni Tito Sam at Kuya Adam si Chard.
Di na ako tumuloy sa aming puntod bagkus ay nagtungo ako papunta sa lugar kung saan ko nakita si Andrei.
"Shit ang daming tao" < ---ang nasabi ko na lang, dahil sa daan ko siya nakita kanina at may dala dala pang alak.
Napag desisyunan ko na lakarin ang daan pauwi sa kanila, sa pag-asang makikita ko siya. Tiningnan ang mga beer house at mga tindahan na posible niyang pasukan at tambayan.
Bigo ako, lahat ng mga beer house at tindahan na posibleng tambayan ay walang Andrei akong nakita.
Muli ay tinahak ko ang lugar patungo sa kanila sa pag-asang makita ko siyang nasa ayos ang kalagayan.
Pero sa isang iglap ay bigla na lang akong kinabahan, kung bakit ay hindi ko alam, pero sigurado ako sa isang bagay; may nangyayaring hindi maganda.
Sa hindi kalayuan ay nakarinig ako ng kaguluhan parang may mga tambay na nag-aaway, panigurado ay Lasing ang mga ito kaya nagkainitan.
Lasing.
Pumasok ang imahe ni Andrei na may dalang alak sa aking isipan kaya naman awtomatikong lumakad ang aking mga paa papunta doon upang tingnan.
Pagkalapit ko ay nakita ko na pinagtutulungan ng 5 tambay ang isang batang lalake na sa aking tancha ay kasing edad ko lamang. Madilim ang paligid kaya naman hindi ko maaninag kung sino ang lalaking binubugbog. Pero kita mo na duguan na ito at hindi na makakilos ng maayos
Sa di maipaliwanag na pagkakataon ay biglang umilaw ang poste dahilan upang maaninag namin kung sino ang binubugbog ng 5 tambay.
Nanlamig ang aking buong katawan, napuno ng galit ang buo kong pagkatao at kusang gumalaw ang katawan ko papunta sa mga tambay
"Lubayan nyo si Andrei!"
"J-jet?" < --- Andrei
Sinugod ko ang mga tambay na may hawak sa magkabilang kamay ni Andrei
Baaaag!
Nabitawan nila si Andrei at humandusay sa kalsada ang katawan niyang walang malay.
"Mga walang hiya kayo!!!"
Sinugod ko ang limang tambay wala akong pakialam kung anung mangyari sa akin basta tigilan lang nila si Andrei.
Mag-isa kong sinugod ang limang tambay na nangbugbog kay Andrei. Alam ko wala akong laban pero iba ang nagagawa ng galit.
"Hoy itigil nyo yan!" < --- Tanod
May galos din akong natanggap sa mga nangbugbog kay Andrei pero hindi naman ito masyadong grabe.
"Tumawag kayo ng Ambulansya!"
"Boss! Yang batang yan ang nagsimula ng away!" < --- Tanod 1 sabay turo kay Andrei
"Ang kapal ng muka nyo! Bata pinapatulan nyo! Tingnan mo nga sarili mo lango ka sa alak!" < --- Ako
"Kahit na yung bata pa ang nagsimula, di nyu dapat patulan, kayo ang matanda kayo ang dapat may malawak na pag-iisip, tingnan nyo ginawa nyo sa bata?" < --- Tanod
"Kapag may hindi magandang nangyaring kay Andrei humanda kayo!" < --- Ako
"Dapat lang yan sa gagong yan!" < --- Tambay 3
Nagpanting ang tenga ko at sinugod ko ang damuhong tambay na yon.
"Mas gago ka! Subukan mong magtrabaho ng may pakinabang sayo?! Hindi yung pangbubugbog ang inaatupag mo!" < --- Ako sabay suntok sa muka niya.
Mabilis na dumating ang ambulansya at gamit ang stretcher kinuha ang kanyang walang malay na katawan at isinakay. Syempre sumama ako sa kanya papuntang ospital, sinurender sa akin ang gamit ni Andrei.
13 Missed calls and 24 Messages ang nakarehistro sa cellphone ni Andrei at lahat ito ay galing kay Insan. Nagtatalo ang aking isip kung tatawagan ko ba oh hahayaan
Maalala ko anu kayang pinag-awayan ng dalawang ito?
Habang papunta sa Ospital ay nagsalita si Andrei, halata dito ang pagiging lasing.
"Hayop kayo! Mga hayop kayo!"
"Isa ka pa Richard Alvarez! Humingi naman ako ng tawad diba? P-pero bakit napakataas ng p-pride mo?! At hindi mo ako mapatawad t@ng !n@ng yan!"
"Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko eh! Bakit ako nahulog sayo?! anu bang ginawa ko at g-ginanito nyo ako!"
"Alam mo? Sasagutin na dapat kita eh! Pero ngayon? Di ko na alam! Gago ka kasi!"
Ayan ang mga salitang binitawan ni Andrei habang umiiyak, naaawa ako sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay upang maipadama ko sa kanya nan nandito ako upang suportahan siya.
Humagulgol ng humagulgol si Andrei hanggang sa nakatulog itong muli
. . .
"Insan" < --- Ako
"Bakit?" < --- Chard
"Anung ginawa mo kay Andrei?" < --- Ako
"Nakita mo siya? Kamusta siya?" < --- Richard
"Lasing na lasing si Andrei, ano ba ang nangyari?" < --- Ako
"Kasi insan nagkaroon kami ng konting di pagkakaunawaan hindi ko naman sinasadya eh" < --- Chard
"Ah ganun ba" < --- Ako
"Please insan alam mo ba kung nasaan siya?" < --- Chard
"Hindi eh, nakita q lang siya kanina may dalang alak, at mukang balak nyang ubusin yun" < --- Ako
"Shit! Kasalanan ko ito eh, please insan tulungan mo ako magkayos ni Andrei di ko kayang mawala siya" < --- Chard
"Sige insan makakaasa ka" < --- Ako
Kapatid na ang turing ko kay Andrei kaya gusto ko siyang pangalagaan, kung bakit nagsinungaling ako kay Chard na di ko alam kung nasaan si Andrei ay dahil panigurado ayaw din ni Andrei na makita si Chard paggising nito.
R i c h a r d --- >>>
Nainis ako kay Babe kanina, kasi lahat ng bagay ginagawa niyang biro. Pero eto naging bingi ako sa paghingi niya ng tawad. Umabot pa sa puntong nakita ko ang mga mata niya na umiiyak parang sinaksak ang puso ko at alam kong AKO ang dahilan ng pag-iyak niya kaya naman di ako mapalagay.
Bumalik ako sa aming puntod at nagpaalam na uuwi na lamang ako.
"Where's Andrei anak?" < --- Mommy
"Ah eh medyo may di po kami pagkakaunawaan eh" < --- Ako
"Hiwalay agad tol? Sayang naman mukang matinong tao si Andrei" < --- Kuya Adam
"Hiwalay" ayan ang ayokong mangyari. Gagawin ko ang lahat bumalik lang kami sa dati.
"H-hinde! A-ayoko, mahal ko si Andrei kuya, anu ba ang dapat kong g-gawin para di siya M-mawala" < --- Ako
"Humingi ka ng tawad, wag pride ang pairalin" < --- Kuya Adam
"Thats right kaya anak Im hoping magkabalikan kayo ni Andrei, you know that boyfriend of yours reminds me of someone" < --- Daddy
"Sana nga po Daddy, Ayoko mawala si Andrei sa buhay ko" < --- Ako
. . .
"Alright sige ingat sa pag-uwi" < --- Mommy
Pagkaalis ko sa puntod namin ay kaliwa't kanan ang balitang tungkol sa isang batang lalaki pinagtulungan ng mga tambay. Kawawa naman yun. Pero luckily at nadala naman daw sa Ospital.
Pero ewan ko, iba ang kabog ng dibdib ko kanina pa. Sana nasa ayos kang kalagayan Babe.
Sa aking paglalakad ay may nakasalubong akong dalawang lasing na may mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan.
"Gagong bata yon?! Naku wag lang yun magpakita sa akin mapapatay ko talaga yun" < --- Tambay1
"Anu nga pangalan ng batang yun?" < --- Tambay2
"Andrew ata? Ah hinde Andy?" < --- Tambay1
Ayan ang takbuhan ng usapan nila nung napadaan ako sa isang tindahan kung saan sila nakaupo, tss buti hindi si Babe ang napagtripan ng mga to.
Nang marating ko ang parking lot ay agad kong pinatakbo ang sasakyan pauwi. Ilang beses ko sinubukan tawagan at nakailang send na din ako ng sms kay Andrei pero wala; hindi manlang siya sumagot.
Kasalanan ko naman I deserve this.
Dumaan muna ako sa mini stop para bumili ng San mig, hindi muna ako uuwi kailangan ko ng mapayapang lugar at mag-iisip ng paraan to win him back.
. . .
Sinimulan kong lantakan ang beer na binili ko at nagsimulang mag-isip ng paraan para mapatawad ako ni Andrei.
Tumawag si Jet at dito ko nalaman na Andrei is drinking himself to death, Mabilis malasing si Andrei, oh god please I hope nasa maayos siyang kalagayan ngayon.
Binuksan ko ang radyo para naman marelax ako kahit papaano.
Same bed but it feels just a litte
bit bigger now
Our song on the radio but it don't
sound the same
When my . . .
(When i was your man Bruno mars)
Shit naman pati Radyo kinokonsiyensya ako :'( di ko naman intention na saktan siya eh.
Hai . . . Tapos sa labas ang daming couples, nakaakbay, yung isa nakahiga sa lap nung BF nya. may Bi couple din tsk grabeng parusa to
T___T Umuwi na lang ako sa amin at doon ay may mga naisip akong paraan. Humanda ka babe I'm gonna win you back.
Itutuloy >>>
mapride kasi eh, ilang beses bang nagSORRY sayo at ayaw mong pansinin, tas binaliktad mopa. isip bata ka parin, kala ko nagbago kana, dipa pala haha. ayun, ano gagawin pag nalaman mo nangyari kay andrei? wawa naman! nabugbog dahil ka kakitiran ng utak mo dahil lang sa simpleng biro! nakakainis ka hehe!
ReplyDeletebharu
Pa girl kce sa sobrang taas ng pride shungaers ren chard
ReplyDelete-Lime
hay.... i hate this chapter.... too much pride.... richard is so childish...
ReplyDeletePutek naman oh kung totoong tao ka richard alvarez ako sasapak sayo napaka taas ng pride mo kase hay nako siraulo ka kase eh pati bata pagseselosan mo pa ...hayst ...almost perfect na lahat sa inyo tanggap kayo,hardworking bf mo,sweet,kalog,caring tapos napaka taas ng pride mo.....paiyak na ako sa nangyare tas natouch talaga ako ...ganda kase ng story galeng mo po mr. Author
ReplyDeletePutek naman oh kung totoong tao ka richard alvarez ako sasapak sayo napaka taas ng pride mo kase hay nako siraulo ka kase eh pati bata pagseselosan mo pa ...hayst ...almost perfect na lahat sa inyo tanggap kayo,hardworking bf mo,sweet,kalog,caring tapos napaka taas ng pride mo.....paiyak na ako sa nangyare tas natouch talaga ako ...ganda kase ng story galeng mo po mr. Author
ReplyDelete