by aparadorprince
Author's Note:
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng readers ng Dati, mula sa Part 1 hanggang ngayong finale. Pinilit ko pong matapos yung series para hindi kayo madisappoint, at nag-enjoy din naman ako sa paggawa nito. Sa frequent commenters, silent readers at mga kuya Anon: I couldn't thank you enough.
Mr. Michael Juha maraming salamat po sa pag-post ng kwento, at pagtitiwala kahit na hindi pa tapos yung Dati nung ipinasa ko. Kuya Ponse, salamat din ng madaming madami lalo na sa kakulitan ko.
Hanggang sa susunod na series ko, aabangan nyo ha? Promise?
**aparadorprince
P.S. Alam kong madaming magrerequest after mabasa ang finale, sooooo.... Huwag kayong mag-alala, may surprise ako soon. Hohoho
DATI
19 (FINALE)
Matapos
ang dinner nila ni Biboy ay agad na nag-isip si Arran kung nasaan si Robert.
Sinubukan niyang puntahan muna ito sa ginagawang branch ng printing press nito
sa Taguig. Naabutan pa siya ng traffic papunta roon ngunit nakasarado ang lugar
at mukhang walang tao. Bumaba si Arran mula sa kotse upang i-check kung wala
ngang tao roon. Nakapatay ang ilaw sa loob ng puwesto. Arran sighed, as he
fished out his phone inside his pocket. Sinubukan niyang tawagan si Robert
ngunit out of coverage si mokong. “Where the hell are you, Robert?” naiinis na
saad niya. Dalawang beses pa niyang sinubukang tawagan ang numero ngunit
talagang naka-off ito.
Naisip
ni Arran na baka nasa Legarda si Robert. It’s a long drive from Taguig, and now
Arran felt absolutely stupid for not checking Robert’s apartment first. Sumakay
na siya kay Brownie at nagsimulang magbiyahe.
Ang
hindi alam ni Arran na bago pa siya makarating sa construction site ay galing
na si Robert rito upang i-check ang progress nito. Napag-alaman niyang sa loob ng
dalawang linggo ay maaaring matapos na ang construction. Pipinturahan na lamang
ang mga dingding at maaari nang ilagay roon ang printing equipments niyang
nabili.
Pauwi
naman si Robert upang muling maligo at mag-ayos ng sarili. Tama nga si Biboy –
he looked dirty. Hindi na rin naman niya inalagaan ang sarili matapos ang
nangyaring gusot sa kanila ni Arran. He felt worthless for doing such a
desperate move. Ang akala kasi niya ay maaagaw ni Biboy si Arran. Had he known
that Arran will choose him, he didn’t text Biboy to go to Enchanted Kingdom.
Dumaan
si Robert sa South Super Highway upang mapadali ang pagbyahe niya. Wala pang
tatlumpung minuto ay nakarating na ito sa bahay. Nakabili na rin siya ng
bouquet of roses at chocolates na ibibigay niya kay Arran mamaya. Plano niya
kasing puntahan ito sa bahay nila upang humingi ng paumanhin, at humingi ng
pangalawang pagkakataon.
“I
promise I won’t let you get away, Arran Hatagami.” Ang nasambit niya habang
nasa harap siya ng salamin at nag-aahit.
Si
Arran naman ay na-stuck sa traffic dahil napagdesisyunan niyang dumaan sa Edsa
patungo sa Makati Avenue. Lalo lamang siyang naiinis dahil mali talaga ang
desisyon niyang puntahan muna ang puwesto ng printing press ni Robert. Hindi pa
rin ma-contact ang cellphone ng huli, kaya naman lalong nag-aalala si Arran. “I
really want to make things work out Robert…” nasabi niya sa sarili habang
hinihintay na mag-green light ang stoplight.
Ilang
minuto pa ay nag-green na ito, at pinaandar na niya muli si Brownie. “But how
can I do that if I don’t even know where the hell you are?” dugtong niya. He
was getting pissed off with this situation. But more importantly, he missed
Robert so much that it actually hurts him. Akala niya ay kakayanin niyang
tiisin si mokong ng matagal na panahon, ngunit nagkamali siya. He couldn’t even
bear not seeing Robert.
Habang
stuck sa traffic si Arran, ay natapos na sa pagbibihis si Robert. He was
pleased with how he looked now. He wore a red polo shirt, jeans, and white
sneakers. Sumakay siya sa kotse ngunit napasimangot nang mapansin na wala na
palang gasolina ang kotse niya. “Bummer.” Naibulalas niya. Napagpasyahan na
lamang niya na magtaxi patungo sa bahay nila Arran. Dala-dala ang mga bulaklak
at chocolate ay nag-abang siya ng masasakyang taxi. Tiningnan niya ang relo at
malapit na palang mag ala-una ng madaling araw. Robert thought that his
feelings could not wait any longer. Namimiss na niya si Arran, and he’s willing
to do everything to win him back. Maya-maya ay nakasakay na rin siya sa taxi.
Agad na nagtanong ang driver, “Saan tayo boss?”
“San
Juan po.” Maikling tugon niya. Nais niyang paliparin ang taxi upang agad na
makarating siya sa bahay nila Arran. Back to the arms of that silly guy who
made his heart skip a beat. Patungo sa taong minahal niya ng labis.
Nadismaya naman si Arran
nang marating niya ang bahay ni Robert. Naroon man ang kotse ni mokong ay
nakapatay naman ang ilaw ng bahay. Bumaba pa rin siya sa kotse niya at tumungo
sa pinto. He knew it would be quite impossible but he still knocked on the
door. “Robert?” tawag nito ngunit walang sumasagot. Madaling araw na, he’s
already feeling tired. But he knew his heart yearned for Robert. At hindi na
siya makapaghihintay upang makita si mokong.
Laglag
ang balikat ni Arran na bumalik sa kotse dahil matapos siyang kumatok ng
kumatok ay wala namang sumasagot sa bahay ni Robert. Naisip na lamang niyang
umuwi upang magpahinga. As much as he wants to see him, he needs to rest too.
“I can always go back here tomorrow.” Arran assured himself as he drove back to
San Juan.
Maaari
naman siyang bumalik rito bukas, o sa isang araw, o kahit sa mga susunod na
araw pa. He’s willing to do it every day, until that day when he’ll be able to
see Robert. And tell him how much he missed him.
Samantala, agad na ibinababa at inalalayan ni
Uno si Biboy nang marating nila ang condo mula sa bar. Dumiretso sila sa 8th
floor ngunit naiwanan pala ni Biboy ang susi ng unit niya sa kotse, kaya naman
naisipan ni Uno na tumuloy sila sa unit niya.
Hindi
na naman masyadong nagpupumiglas si Biboy, marahil ay dala ng sobrang
kalasingan nito. Nang makapasok sila sa unit ni Uno ay agad na humiga si Biboy
sa sofa nito., samantalang si Uno ay nagsimulang maghubad ng sapatos at
pantalon.
“I
just want to forget him, Uno.” Hindi mapigilang saad ni Biboy kahit na
nakapikit na ito. Napatingin naman si Uno sa binatang nakahiga sa sofa.
“Everything’s going to be alright.” Tugon nito. Inabot niya ang shorts na
nakapatong sa isang sofa at isinuot ito.
Bigla
namang umupo si Biboy kahit na hilong-hilo ito sa kalasingan. “No, it’s not
going to be alright. It’s going to be horrible. Everything else will fall down
on me.” Sumbat nito. Umiling naman si Uno. “Trust me Biboy, you’ll be okay.
You’ll get over Arran.”
“You
don’t understand how it feels. All my life, I always thought Ran-ran and I
would end up together. Akala ko sapat na ang nakaraan namin para ako ang piliin
niya. I wanted Ran-ran more than anyone else.” He spat bitterly. Agad na
pinunasan ni Biboy ang luhang pumatak mula sa mata niya. He felt bad, and it
was definitely an understatement to boot.
“That’s
because you made your life revolve around Arran.” Malumanay na sagot ni Uno.
“Isipin mo din kasi ang sarili mo. It
doesn’t mean that if someone makes you happy, that person will be the sole reason
for your happiness.” Tuloy pa niya. Tiningnan lamang siya ni Biboy.
“I
tried to wait for the perfect time. I tried to be good, I didn’t have sex…”
sagot niya, ngunit agad namang pinutol ni Uno ang sasabihin ni Biboy. What he
heard piqued his curiosity.
“But
you’ve had sex, right?” tanong nito.
Tahimik
lamang si Biboy, at bahagyang umiling pagkatapos ang ilang saglit.
Uno
let out an amused chuckle. “Seriously? Wow…” tanong nito. He couldn’t believe
that Biboy actually is a virgin. “Pero hindi ka ba na-curious kahit minsan?”
hindi niya mapigilang itanong rito. Alam niyang lasing ang kausap niya, but
just like the old adage: the drunk body speaks the sober mind.
“Hindi.”
Mariing sagot ni Biboy ngunit agad din siyang tumahimik matapos nito. “Oo.
Hindi ko alam. Look, sex is the last thing on my mind now. Can we just drop the
subject?” naiiritang sagot nito. Sumandal siya sa sofa dahil hindi na rin niya
kayang suportahan ang sariling katawan.
Tumawa
naman si Uno sa mga naririnig na rebelasyon mula kay Biboy. Biboy really is a
virgin, but that’s not the issue. Biboy began to let out soft, stifled sobs. Napansin
niyang patuloy na pinupunasan ni Biboy ang luhang pumapatak sa mukha niya. Uno
felt concerned with the man he’s with.
“Look
Biboy, I think you’re an awesome guy. You shouldn’t devote yourself in someone
who doesn’t reciprocate the feelings that you have for him. Marami pa diyang
iba…” Uno tried to console the guy. Hinagod niya ang likuran ni Biboy ngunit
tiningnan lamang siya ng huli, hot tears still streaming down his eyes.
“At
sana ikaw na lang yung ‘iba’ na tinutukoy mo, Uno…” mahinang sagot nito.
Unti-unting inilalapit ni Biboy ang sarili sa kaharap, ngunit agad na iniwas ni
Uno ang sarili.
Hinawakan
ni Uno ang mga balikat ni Biboy. “Wait, what are you doing?” tanong niya.
“Well,
don’t you want to kiss me?”
“What?”
bulalas ni Uno. He was shocked at Biboy being too straightforward. Of course he
wanted to kiss those lips, but he didn’t really want to take advantage of the
situation. Biboy was drunk, and that’s what matters now.
Muling
sumandal si Biboy sa sofa. “Wow. You’re not even attracted to me.” Mahinang
tugon niya. Nagbuntong-hininga naman si Uno. This could not be happening.
Napakamot
ng ulo si Uno. “I told you earlier, you’re really adorable but…”
“Then
kiss me.”
“I-I
can’t. Look Biboy, you’re drunk and probably would regret it when you sober
up…” Uno tried arguing with Biboy, but he knew trying to reason out to a drunk
person isn’t a very good idea.
Lalo
lamang nadadagdagan ang inis ni Biboy sa kausap. “Dammit Uno, just kiss me
already!” sigaw nito. Agad na lumapit naman si Uno at kinabig si Biboy palapit
sa kanya.
Uno
kissed Biboy’s waiting lips. It was a slow, gentle kiss at first, but Uno was
slowly slipping from reality and getting absorbed by Biboy’s soft lips. He
reeked of alcohol, but still smelled like chocolates. Sweet yet intoxicating.
Agad
na bumitaw si Uno nang marealize niya ang ginagawa nila. He didn’t want to ruin
everything for Biboy, especially that he knew his reputation in bed. Ayaw
niyang lalong mahulog sa temptasyon na nasa harapan niya ngayon.
Ngumiti
si Biboy matapos maghiwalay ang mga labi nila. “That – that was nice.” Saad
niya bago humiga sa binti ng kaharap. Uno wished this moment won’t end, but
he’s afraid that things would change once Biboy sobers up. And as much as he
hoped that it will be alright, it might turn out terrible – just like Biboy
told him earlier.
“Can
you stand up? I have spare clothes you can use.” Saad ni Uno habang inaalalayan
si Biboy patungo sa banyo. Pumasok naman si Biboy sa loob at ilang saglit pa ay
narinig na ni Uno ang lagaslas ng tubig. Kumuha na siya ng mga damit na pamalit
ni Biboy at isang towel na maaaring gamitin ng binata. Pumasok na si Uno sa
loob ng kwarto niya at humiga sa kama.
Matapos
ang ilang minuto ay pumasok na rin si Biboy – nakaputing T-shirt at asul na
shorts. Lumapit ito sa kama at humiga na rin. Uno felt awkward but remained
silent.
Ilang
minuto din ang katahimikan sa loob ng madilim na kwarto, na binasag ng boses ni
Biboy matapos ang ilang saglit. “Uno, can you hold me tonight?” mahinang tanong
nito. Agad namang tumalima si Uno, he wrapped his arms around Biboy, while the
latter made himself comfortable in the former’s arms.
Rain
started to pour outside. Perfect bed
weather, naisip ni Uno. The perfect weather to cuddle with someone. And he
felt lucky that Biboy is the one he’s cuddling with tonight.
“Good
night, Biboy.” Mahinang bulong ni Uno. Sana
madali mong makalimutan ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Sana matutunan
mong maging masaya, at hindi nakadepende ang kaligayahan mo sa ibang tao,
naisip ni Uno.
Pero kung pwede akong maging parte kung
bakit ka magiging masaya, mas ayos sa akin yun. Dugtong pa niya sa sarili.
Uno smiled at what he thought.
“Good
night, Uno. Sweet dreams.” Sagot naman ni Biboy. A couple of minutes more, Uno
felt the Biboy’s steady breathing. Biboy fell asleep.
“Of
course, I’ll have sweet dreams. ‘Cause I’ll be dreaming about you, Biboy.”
Mahinang tugon ni Uno bago siya pumikit at natulog.
Narating na ni Robert ang labas ng
bahay nila Arran at tumungo sa harap ng pintuan. Nagdoorbell siya ngunit wala
namang sumasagot upang buksan ang pinto. Napasimangot siya ng bahagya bago
umupo sa gilid ng kalsada. Malamang ay wala roon si Arran. Sinabi na rin naman ni Biboy na hindi
sila nagkikita ng kababata. Baka naman nasa isang bar si Arran? Baka
nakikipagdate na sa iba? Robert felt awful with what he thought. Hindi niya
kakayanin kung ganoon nga ang nangyari. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng
kalsada, until he felt heavy drops of rain starting to pour.
“Malas
naman.” Robert said to himself as the rain even poured harder. Mukhang
nakikisabay ang panahon sa disappointment na nararamdaman niya. Unti-unting
nabasa si Robert sa ulan, ngunit hindi na siya natinag at nanatiling nakaupo sa
gitna ng kalsada. He couldn’t care less if he gets drenched in the rain. He
wants to see Arran, and as foolish at it may sound, walang makakatinag sa kanya
sa balak niya. Not even this heavy rain.
Natutulog
na naman si Ashley nang may marinig siyang mag doorbell. Dahil sa himbing ng
pagkakatulog niya ay inakala niyang ang kapatid niyang si Arran ang dumating.
Wala rin kasi ang kanilang mommy dahil may conference silang pinuntahan kasama
ang mga kaopisina. Nagtalukbong siya ng kumot, at maya-maya ay narinig niyang
bumubuhos ang ulan. Lalo lamang naging mahimbing ang pagtulog niya dahil
katulad ng kanyang kapatid ay tila mantika rin si Ashley kung matulog. Ang
hindi alam ng dalaga ay si Robert na ang nasa labas ng bahay, nauulanan, at
naghihintay kay Arran na magbukas ng pinto.
Habang
nagmamaneho si Arran pauwi sa kanilang bahay ay hindi niya mapigilang
magbuntong hininga. Hindi niya kasi nakita ngayon si Robert. Binuksan na rin
niya ang wiper ng kotse dahil unti-unting bumubuhos ang ulan sa labas. “Kapag
minamalas ka nga naman oh.“ nakanguso niyang saad. Mukhang nakikisabay pa ang
ulan sa pagsesenti niya. Inaamin niya sa sarili, namimiss na niya ng sobra si
Robert. Si Robert na palagi siyang inaasar kapag nagluluto ng gulay. Si Robert
na madalas ay may topak at suplado. Si Robert na masarap magluto ng fried
chicken. Si Robert na yumayakap sa kanya ng mahigpit. Si Robert na nagpapasaya
sa kanya kahit sa simpleng makita lamang niya
“Si
Robert!” ang biglang bulalas niya nang makita niya ang kanina pang laman ng
isip. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada, basang-basa ng tubig ulan, may dala pang
bulaklak at box ng chocolates si mokong. Bigla din itong napatingin sa
dumarating na kotse at napatayo sa kinauupuan. Hindi maialis sa mukha nito ang
ngiti dahil ang lulan ng kotseng parating ay ang taong mahal niya.
Agad
na bumaba si Arran sa kotse, wala na ring pakialam kahit mabasa siya ng ulan.
Tumakbo siya palapit kay Robert at mahigpit na niyakap si mokong. “Rob…” ang
tanging nasabi niya. Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata, at hindi
man ito makita dahil unti-unti na rin siyang nababasa ng ulan ay mapapansin sa
kanya dahil sa pagsisimula ng paghikbi niya.
“Hey.”
Maikling tugon naman ni Robert. He started to grin like a five-year-old kid
while being embraced by the guy he loves so much. “So I guess the rain added a
romantic touch to this scene…” komento sana ni Arran ngunit hindi na niya
natapos dahil agad naman siyang hinalikan ni Robert sa labi.
Arran
wrapped his arms around Robert’s neck and responded with the kiss. He missed
him so much, and now that he’s with Robert, he doesn’t want to let go.
“That
was awesome.” Robert commented after the kiss ended, still grinning. “You even
used some tongue, I like that.” Dugtong pa nito.
Tumawa
rin si Arran, at bahagyang pinalo ang braso ni Robert. “You pervert.” Sagot
niya. He was so damn happy that he found Robert now. Maybe everything happened
that night will eventually lead to them meeting just outside Arran’s house.
“Where
the hell have you been?” tanong agad ni Arran, hindi maitago ang excitement sa
boses nito. Basang-basa na rin siya sa ulan, katulad ni Robert. But that doesn’t
really matter now.
“Just
wanted to think things over. I’m lost without you, Arran. Don’t ever run away
like that.” Seryosong sagot naman ni Robert, hindi inaalis ang titig sa
binatang inaasam niya.
“I
won’t. Just don’t do stupid things anymore.” Arran smiled. Ashley’s right, all
it takes was for him to forgive Robert. The latter also smiled, “I won’t. And
I’m sorry, Arran. I hope you’ll forgive
me for what I did.” Sagot niya.
Marahang
pinisil ni Arran ang ilong ni Robert. “I guess I won’t act like this if I’m
still mad, right?” tanong niya. Tumango naman si Robert at muling hinalikan ang
labi ni Arran. How he missed kissing Arran’s lips. The moment was perfect for
them.
Iniabot
ni Robert ang flowers at ang chocolate. “For you. Sorry, basa na ng ulan.” Saad
nito. Nakangiti namang tinanggap ni Arran ang binigay ni Robert. But Arran was
shocked when Robert suddenly kneeled on one knee. “Hoy, tumayo ka nga d’yan.”
Utos nito, but Robert didn’t even budge. The guy fished something out of his
pocket – a velvet box. Binuksan niya ito at laman ng kahon ang isang singsing
na napaghihiwalay sa gitna.
Inabot
ni Robert ang kamay ni Arran at isinuot ang singsing sa daliri nito. Arran was
smiling while Robert did this sweet gesture. Tumayo si Robert at isinuot din ni
Arran ang kalahati ng singsing kay mokong.
“That’s
a reminder that you hold a piece of my heart from now on.” Robert said, which
made Arran chuckle. Ang cheesy ni mokong, but it was really sweet and he liked
it so much. “Hey, you have a piece of my heart too, mister.” Arran answered
back, pointing at the ring Robert is wearing now.
Ginagap
ni Robert ang mga palad ni Arran. The latter responded by locking his fingers
to Rob’s fingers too.
“I love you, Arran. I love you so
much.”
Arran smiled. “I love you too,
Robert. I won’t run away from now on.”
“And I want to be the reason why
you’ll never look for love again.” Sagot naman ni Robert. Muli niyang hinalikan
sa labi si Arran.
Pinamulahan lalo ng mukha si Arran.
“Nakakarami ka na ha…” natatawang sambit niya, ngunit agad namang nagsalita si
Robert.
“If you’re ready, we can get married
abroad, and live together. You don’t have to work, the printing press can
provide for both of us…” tuloy-tuloy na salita ni Robert, but Arran cut him
off.
“Nagmamadali ka yata. You didn’t
even ask me the question.” Paalala ni Arran. Tumaas naman ang kilay ni Robert.
“Kailangan pa ba ‘yun?” tanong niya. Arran just frowned. “Are you gonna do it
or not?”
“Well Arran Hatagami, will you be my
boyfriend, and soon-to-be husband?” nakangiting tanong ni Robert.
Arran chuckled. “Baliw ka talaga.”
Sagot nito. Hinigpitan naman ni Robert ang hawak sa kamay ni Arran, at
pinandilatan ng mata. He’s waiting for an answer. “Yes, Robert Mendoza. I’m
glad to be your boyfriend.”
“And soon-to-be husband?”
Lalong lumakas ang tawa ni Arran.
Inalis niya ang kamay niya kay Robert at muling yumakap. “Yes, and soon-to-be
husband.” Robert locked his arms around Arran too.
Magkayakap ang dalawa nang biglang
narinig nila ang boses ni Ashley. Agad silang tumingin sa pintuan ng bahay.
Nakatayo roon ang dalaga, nakangiti at may dalang dalawang tuwalya. “Tapos na
kayo? Pasok na dito, lovebirds.” Natatawang sambit nito.
Magkahawak ang kamay nilang naglakad
papasok sa bahay habang inaabot ni Ashley ang tuwalya. “Nagising ako sa ingay
ninyong dalawa. Ang sweet!” she squealed in delight. Tumawa naman si Robert sa
inasal ng kapatid ni Arran.
“Gusto ninyo ng kape?” tanong ni
Ashley. Tumango lamang si Arran. He is happy that he was able to sort things out
between him and Robert. Masaya siya dahil sa wakas ay maayos na siya ng taong mahal niya.
Naisip niyang may mga pagkakataong
kailangang bumitaw sa nakaraan, sa mga ala-alang nabuo na dati. Kinakailangang
gawin iyon upang magbigay ng daan ng mga bagong mga ala-ala - mga ala-alang
masaya, at hindi makakalimutan kailanman. And for Arran, meeting Robert was the
best part of his short vacation - the trip to make memories.
-FIN-
Aww. Simple storyline yet full of emotions, romance and all. Well plotted and straightforward. :) I'll miss this story. :)
ReplyDelete-dilos
Salamat sa comment dilos. Pwede mo namang basahin ulit kapag namimiss mo. Haha.
DeleteHindi yan well plotted. Random na random ang pagsusulat ko. Haha
Nice!!!
ReplyDelete-Hiya!
Salamat sa pagbabasa :)
DeleteHaaay! Natapos ang kwenti na virgin si Biboy. Lol! Thanks author!
ReplyDeleteTingnan natin sa susunod na series kung mananatiling virgin si Biboy. LOL
Deletevery nice story sayang natapos na.tnx prince. till next story that you will share to us ur avid readers.
ReplyDeleterandzmesia
Unang series ko palang naman randz, saka ayoko maging dragging yung kwento kapag sobrang haba na. Salamat sa palaging pagcocomment!
Deleteganda ng story... start to finish...... thanks again Joem..........
ReplyDeletesino si Joem? Haha
Deletelove the story..... start to fin....thanks aparadorprince
ReplyDeleteSalamat din sa pagbabasa patryck. It's overwhelming to read comments from people who liked the story.
DeleteThe BEST!!!
ReplyDeleteYEHEY! Apir!
DeleteLove it til the end! Thanks author!
ReplyDeleteMay kadugtong ba ung kay uno at biboy? Parang open ended ung kanila eh.
-hardname-
hello hardname. Pahinga lang muna ako, tapos itutuloy ko yung kay uno at biboy. Haha
DeleteLove it so much! Kilig to the bones! Hahahaha hintayin ko yung kay Uno at Biboy!
ReplyDeleteHaha salamat sa comment! Yup hintayin nyo. Hahaha
Deletein short Happy Ending! kaso po pinaglaruan mo si arran at robert. parang naglalaro lang ng taguan at hindi magkakita kung nasan sila. patay ang cp. walang gas ang kotse na di nmn n dapat binanggit. pwede namang palabasing magtaxi nlng dahil late na at tinatamad magdrive. si ashley na sinabi mo na lalong nahimbing ang tulog dahil sa ulan. tas ayan bigla nalang nasa pinto at sinabing nagising sa sobrang ingay ng 2. Ano yung ingay? nagsisigawan ba na naguusap ang 2 kaya nagising si ashley? alam kopo kwento lang to, pero para sa akin dimo po napalabas na makatotohanan. Pero sa chapter lang na ito ako nagkaron ng negative comment.
ReplyDeleteAng eksena nmn ni Uno at biboy tamang-tama or swak na swak naman. Dina kailangang iditalye pa susunod na eksena, dahil understood na yung mga susunod na pangyayari na parang nanunuod ka ng movie tas babaling yung camera sa isang sulok or aakyat yung camera sa langit tas The End.
hehe salamat sa comment kuya anon. kapag kasi nagkita si Arran at Robert, iiksi yung kwento, tapos magrereklamo din kayo :)
DeleteSaka nag-doorbell nga si Robert di'ba? Most likely titingnan mo pa rin kung sino yung nagdoorbell kahit natutulog ka. Hehe.
Yun lang.
Bitin na naman yun prince...
ReplyDeleteW8 ko na lang yun kila uno biboy hehehe
Anyway. ..gusto kong mag pasalamat for giving us a nice story. ..this is one of my fave hir in msob every chapters nag cocoment ako kc nagandahan talaga ko...nagbabalik ako sa nakaraan every time mababangit ung mga palabas nung araw...proud batang 90's ata ako :)))
Salamuch sa bawat updates mu...till next time po asahan mu suporta ko sa mga next series mu pa im sure gagawa kpa coz your one of the best here ^____^
Hasta la proxima vez
KUDOS aparador prince !!!
Your avid reader...raffy
Hi raffy, salamat sa comment. oo nga frequent ka magcomment dito. hahaha
Deleteyup I just need to rest, then proceed na with my next series.
the story was simple yet awesome... i am not happy with the ending though... i was so in-love with biboy-arran love story... i wan them... i have heavy heart while reading this story... i want biboy-arran... un lang.. i will hold on to your surprise...
ReplyDelete-arejay kerisawa
hala arejay, ganun talaga may nagwawagi at natatalo lalo sa pag-ibig :) kapag si biboy at arran ang nagkatuluyan, edi may hindi rin magiging masaya sa ending. salamat sa comment. yup magpapahinga lang ako saglit tapos yung surprise na. haha
Deletegaling...
ReplyDeletemarc
salamat sa pagbabasa marc :)
DeleteLike what the others have said, this might be simple but really a very nice ending.
ReplyDeleteEverything ended with such a light atmosphere.
I'm so kilig. :"> HAHA!
I knew it. Bagay naman si Uno at Biboy. They also deserve to be happy after all.
Thanks for this story kuya Prince ,
wait, ill just want to know something.. is Prince just a codename or is it your real name?
#JustWondering << HAHA. kanya2 yan. :P
Tnx again ;)
syempre light lang yung kwento kaya light lang din ang ending. haha kinilig ba? LOL
DeleteI guess bagay din naman si Biboy at Uno, kaya sila na ang sunod na kwento ko... Kung paano sila magkakasundo kasi mukhang palagi silang mag-aaway.
Salamat sa pagbabasa at palaging pagcocomment :) John Rae pangalan ko. Pero wag mo akong tawagin dun. LOL
wow! nice love story. hope more to come! tnx Mr. Author.
ReplyDeleteSalamat sa comment robert! Yup abangan mo yung susunod. Hehehe
Deletewow.. ganda ng ending!
ReplyDeletesmooth na smooth!
walang natigok, walang nawalan ng pag-asa.
hay..
looking forward sa next mong story bossing!
congrats dito sa Dati mo!
go! go! go!
hi ferds, salamat sa pagcocomment. hehe :) ang saya nga natapos ko yung series. haha
Deletethanks sa update. masaya po ang story!
ReplyDelete0309
hehe 0309, ang iksi ata ng comment mo ngayon. haha :) salamat sa pagcocomment palagi
DeleteMedyo bitin pero ok lng love love love this story pren huhuhuhu sana masundan pa ng isa png magandang story author
ReplyDelete-Lime
Hi Lime, salamat din sa pagbabasa. Medyo bitin kasi nga may susunod pang story dito. Hehe :)
DeleteSarap ng ganyan love story na happy ending...
ReplyDeleteGuys naniniwala ba kayo na may same sex na magtatagal ang relasyon na pang habang buhay?
i need someone to talk to... please.. ;(
hehe oo nga nakakagood vibes. haha
Deletekung may same sex na magtatagal ang relasyon? Posible :)
book 2!!!
ReplyDeleteHAHAHA!!
biboy and uno's love story naman :)))))
nice author!
-ChuChi
Yes ChuChi, wish granted. Haha. Papahinga lang ang krung krung na author nyo. :)
Deletehello author. just wanna let you know how i enjoyed your story, i actually love this kind of stuff- tama sila nakakaGV.. ill be waiting for the next love story. THANK YOU
ReplyDeletehi Zach, salamat sa comment at sa pagbabasa. Yup may kasunod pa to, naoverwhelm din ako sa responses eh.. Nakakainspire kayo para magsulat pa ako
DeleteNice story and i love the ending that they got each other again ang loving no matter what..
ReplyDeleteNice plot :) Kinilig ako. Haha Good job author! Aabangan ko ang next na akda mo ;)
ReplyDeleteIm in love.. and this story make me feel double inlove.. thanks APARADOR PRINCE.. hope to hear story of UNO and BIBOY soon.. kisses...
ReplyDeleteIm in love and now im double inlove ... i really want to hear your next stories soon.. thanks APARADOR PRINCE..
ReplyDeleteParang nabitin ako sa uno-biboy tandem! Mas na divert ung attention ko sa kanila! Hahahaa
ReplyDeleteIvan D.
Wahahaha I'm back! Sige sosokusyunan natin yang Biboy at Uno hangover mo. Soon :)
DeleteHi prince. Kakatapos ko lng basahin story mo. Simple and emotional sya. Nadala talaga ako. Maganda na sya para sa first series mo. Im a silent reader of this site. nung una ran-ran biboy talaga ako. Pero sa ending parang nagustohan ko na rin yung twist ng story. I believe that you could go a long way in this type of literature considering your first few steps. Thank you for your story i once again feel the essence of love, forgiveness, acceptance and sacrifice. Looking forward to your next stories.
ReplyDelete-bubbles
Habang binabasa ko po ang story na to, para po talaga akong nagbalik sa nakaraan, relate na relate po ako kapag natatalakay ung mga bagay about sa 90's yung mga palabas yung mga laro... naalala ko po tuloy yung kababata ko sayang at di na kami close pag laki nmin.. pero lahat ng yan sabay namin pinapanuod at ginagawa...para po talaga akong naging parte ng story na to... saludo po ako sa inyo dahil napakagaling nyo at huling huli nyo po tlga ang loob ng mga mababasa nyo, at talaga pong parang na touch ang isang bahagi sa aming memory,,, thank you... ang ganda...
ReplyDeleteHello po Author, only now that I was able to see and read this story and it was really a great one. Nung una talaga team biboy ako, pero kalaunan narealized kong baka dapat ganun lang talaga, hindi lahat ng bagay mangyayari sa kung anong iniisip natin. Just so glad na my twist yung story at hindi naman pala maiiwan mag isa si biboy..pero dama ko tlaga si biboy, ang sakit talaga nun, trying to be okay in front of your bestfriend/love of your life...haay! Good job author! Nice one! Ano po title ng sequel neto?
ReplyDelete