Followers

Tuesday, December 24, 2013

PLaRO- Chapter 8 "Colby"

Colby POV

          Hi, I'm Colby  Sanchez, 18 years old,studying at St. Lucy University. I'm already a 2nd year student of BSITHM (Bachelor of Science in International Tourism and Hospitality Management) haba..haha ...Standing 6'2 , Moreno, medyo chubby ,or tawag nilang baby fats. Ayokong maging buff or muscled ang katawan ko. Di naman ako kagwapuhan ,yun ang sabi ko pero sabi nila gwapo daw.I'm living with my parents at bunso kong kapatid. Di ako rich kid, di rin mahirap, In short may kaya. Sabi nila mayaman daw ako and I told them na kung mayaman ako edi sana di ako nagaaral sa St. Lucy (low price of tuition fee and etc.) Walang nakakaalam na bisexual ako, even my dad and mom ata kapatid ko. Ang dad ko, galit sa bakla yun. Si mama nakakahalata na pero di lang nagtatanong, masyado kasi akong masinop at malinis sa mga bagay bagay. Ayoko ng gusot na damit, maruming kwarto at kahit anu pa. Pero sa kilos di mo ako makakakitaan ng bahid o bakas ng pagiging BI.

          Matagal na akong user ng PLaRO (Planet Romeo) bilang si Discreetboy. Sa tagal kong ito alam ko na ang kalakaran dito haha..
Paguwi ko ng bahay.

Typing at search engine: www.Planetromeo.com
Username:Discreetboy
Password: ***********
          Wala akong kahit anong picture na inilagay sa profile ko baka may makakilala sa akin eh. May mga naging kilala na ako at naging kuya-kuyahan ko o tropa.Pili lang ang minimeet ko at kinakausap.Actually di ako nakikipagsex sa mga minimeet ko usap lang , ganun.Friendship lang talaga hanap ko sa PlaRO.If someone told me na friendship lang daw habol pero some other day magyayaya ng sex? No way...di ko na kinakausap yung mga taong ganun .Even if na konti lang ang pwede kong pagkatiwalaan ,masaya ako dito sa PlaRO.
          Habang tumitingin tingin ako ng mga ibat ibang profile may nagmessage sa akin.Tinignan ko muna yung profile.
          Siya si HotxIce yun ang username niya,ang status niya ay party invites.Sa buong buhay ko na tagal ko dito sa PLaRO, ngayon lang ako nakaencounter ng ganun. Ay teka eto ang message niya.

HotxIce:gusto mo sumama sa party namin? along ortigas lang,magcheck in tayong lahat sa isang unit. Ano game?
           Tinignan ko mga pictures niya, puro yelo at fire, malamang hot and ice ang username. At sumagot ako.

Discreetboy: Inuman? sige ba sama ako , kailan ba?
HotxIce: Saturday, mga 11pm para masaya, oo nga pala may iba pang kasama, bale anim tayong lahat, dala ka na rin ng extra money, para sa inumin at ice.
Discreetboy: Malamang matik na yelo eh iinom tayo ng alak eh.
HotxIce: Alam mo ba kung anong Ice ang tinutukoy ko?
Discreetboy: OO, It is a  solidified 2 atoms of Hydrogen and 1 atom of oxygen,
HotxIce: Baliw! Ice meaning shabu ..tsk tsk
Discreetboy: Ah.... ganun ,thanks na lang , hindi na lang ako sasama.
HotxIce: K 

         Taena, kung hindi ako nagpakatanga ng konti haha.. magiging adik ako ng wala sa oras. At siguro magiging orgy ( group sex) yung grupong yun after uminom at gumamit ng shabu. Mabait kaya ito.HONESTO!!
           Nalaman kong BI ako since 1st year college dahil sa nainlove ako sa bestfriend ko,hindi ko na sasabihin kung sino at least ok kami ngayon at naguusap pa rin,kaso one time na nalaman niya na nainlove ako sa kanya pero imbes na ikasaya ko ikinalungkot ko pa, sinabi niyang BI din siya at may mahal na siyang iba. Ngayon pagmay nagtatanong sa akin na paano ako naging BI ang sinasabi ko na lang ay nalilibugan na lang ako sa kapwa lalake hhaha ...
         Iniba ko ngayon ang status ko " need a friend" at nag scan pa rin ako ng pedeng ichat hanggang sa may nakita akong profile pic na makangiti ay wagas ..haha ang cute niya..

Discreetboy: Hi!

       Tagal niya sumagot,tumagal ata ng 5 minuto at nagreply na din siya. Sa paguusap namin, taga St. Lucy din pa la siya haha.... swerte ko. Ang galing niya manghuli, sa paguusap namin ay hindi ko namamalayan na nagkaka clue na siya sa akin. Siguro matalino to sa personal. Makulit din siya, nagbigayan kami ng number at natulog na ako dahil may pasok pa ako bukas.
          Kinabukasan, nagtext ako sa kanya ng good morning. Maaga kasi ako umaalis ng bahay para sa morning training namin. Nag reply siya ..mga mag 1 hr na after ko mag text. Nagkatext din kami about his ex boyfriend at dahilan ng break up nila. At habang nagkakatext kami,hindi ko akalain na makikita ko siya dito sa daan. Yung pagbunggo ko sa kanya ay sinadya ko yunhaha...ang sam ko nu?. May pagkamasungit pala siya. Nagreklamo siya ..ahha at humingi na rin ako ng tawad at naglakad na ako papalayo. After noong tagpo naming iyon nag text ako sa kanya na nasa room ana ako pero ang totoo ay kakabangga ko lang sa kanya kanina at papasok pa lang ako ng lobby ng campus. Dumating din yung araw na nagtagpo kaming dalawa sa isang kainan o ang Meat's and eats ng hindi niya namamalayan, nanduon kasi kaming lahat ng varsity kumakain. Dumating siya kasama ng grupo niya at tinext ko siya ng palihim habang nakikipag kwentuhan ako sa mga ka team mate ko," Nandito ako sa Meat's and eats". Si Jero naman hanap ng hanap, palinga linga siya kung saan saan.
          Noong day din na iyon ay may laro kami.Break namin preparing for the 3rd quarter. Tinext ko siya na samahan ako manuod ng basketball game pero ang totoo ay naglalaro ako . Yung game na iyon parang gusto kong manlumo, pagkapasa kasi sa akin ni Lisboa ng bola ay hindi ko nasalo, ang bilis kasi sobra at tumama iyon sa ulo ni Jero at natumba siya. As in lakas ng tunog ng bola after mag bounce sa ulo ni Jero. Na conclude ko tuloy na matigas ang ulo niya, (oi wag kayong green minded..haha ulo sa taas ang tinutukoy ko at hindi ang bandang ibabang part. Inalalayan ko siya tumayo at nagsorry sa kanya. Kailangan ko bumawi sa kanya at  gumawa nga ako ng paraan, umulan after ng game namin, after ko maligo at magbihis para umuwi . Lumabas na ako ng campus at nakita ko si Jero na walang payong. At siyempre para way ko na rin ng pagsosorry sa kanya. Tinawag ko siya at binahagian ko siya sa paggamit ng aking payong. Nagsorry ako tungkol sa nangyari kanina sa laro, ang bait niya talaga siguro kung ibang tao yung natamaan ko ng bola ay nasigawan na ako. Nagusap kami ng mga kung ano anong bagay, Tumatawa siya sa mga jokes ko kahit alam kong corny pero hindi ko alam na may epekto sa kanya ito. Sa paguusap namin hindi mo mahahalatang bisexual siya. Lalaking lalake ang boses, yung hindi naghihigh note haha, brusko kahit papaano kumilos. Parang yung tingin ko sa kanya sa mga litrato niya sa PLaRO AY UNTI UNTING NAGKAKAROON NG KAHULUGAN. Nagkwento din ako sa kanya tungkol sa sarili ko lalo na ang problema ko sa pakikipag kaibigan.
         Nakarating na kami sa Arko ng Pinagbuhatan kung saan parehas kaming bababa papunta sa mga terminal ng tricycle na sasakyan namin pauwi sa aming kanya kanyang bahay. Nagpaalam na rin siya sa akin  at ganoon din ako sa kanya. Nagpasalamat din siya sa pagtulong ko sa kanya ngayong araw na ito. Pag uwi ko ng bahay, si mama lang at ang kapatid kong si leonard ang nadatnan ko. Si Leonard ay yung bunso kong kapatid. Nagpaalam muna ako kina mama na magbibihis muna ako bago pumunta sa hapagkainan  para makasabay sa pagkain. Kung inyong tatanungin o hahanapin ang akin papa ay nasa ibang bansa, siya nagtratrabaho. Pagkatapos kong magbihis ay naghapunan na kaming lahat. Umakyat na ako sa kwarto at tinext ko si Jero na nakauwi na ako ng bahay pero ang totoo kanina pa ako nandito sa bahay. Kinamusta ko siya kung nasa bahay na rin siya. Sa paguusap namin sa text , gusto ko sana siyang yayain lumabas at magpakita sa kanya, nagaalangan ako kung tatawag ba ako o hindi, kung gusto ko dapat tumawag na talaga ako.
         Tumatawag ako sa kanya, may halong kaba na saya, sana sagutin niya. At sinagot nga niya ang tawag ko. Niyayaya ko siya lumabas bukas kaso magsisimba daw sila ng pamilya niya. Pero nagliwanag ang mukha ko after niya sabihin na after nila magsimba ay sasama daw siya sa akin.
           Hindi ako masyadong nakatulog ng gabing iyon., maraming pumapasok sa isip ko kung ano ang mga maaring mangyari sa amin bukas kapag magkita man kami. Kung anu-ano nang papmpatulog ang ginawa ko . Nagbilang hanggang 1 thousand ,nagbasa ng history books, kaso walang epekto pa din. Hanggang sa napagtripan ko kumuha ng lapis at coupon bond , nagisip muna ako ng tema at consepto. Alam ko na! magdradrawing na lang ako. Idrawing o isketch ko na lang ang kaliwa kong kamay haha...Mga 3 am na ata ako nakatulog.
          Kinabukasan....
         Maaga ako nagising ,nag prepare ako agad ,naligo at nagpapogi, nag agahan. Umalis ako ng bahay mga 8am na. Nakarating na ako ng simbahan at tinext ko siya na nandoon na ako. Nakarating ako ng simbahan at 30 mins. na lang pala for the next mass. I attended the mass. After ng mass, nagsilabasan na ang lahat at nakita ko si Jero with his family at lumabas na sila ng tuluyan ng simbahan. Then I texted him " tapos na ang misa, san ka na?" ang sagot naman niya ay nandito pa rin daw siya sa simbahan at pupunta muna raw sila ng Jollibee para kumain. After 15 mins. ay nag text siya sa akin na nasa MCDO na raw sila . He asked me din kung saan ko siya hihintayin. Ang sagot ko naman ay sa groto ko siya hihintayin. Pagkatapos ng 10 minuto ay nagtext ang loko. Pabalik na raw siya dito sa simbahan. Habang nasa malapit  ako sa groto ay nagtext siya na " Ano ang suot mo?". Nagisip ako kung sasabihin ko ba o hindi, sa sobrang kaba ko ay may nakita akong lalaki na nakatayo malapit sa akin. "Alam ko na! " pabulong kong sambit. gagamitin ko na lang siya  as descriptiom ng damit na itetext ko kay Jero. Tinext ko na ang kunwaring suot ko ay Red shirt,white shorts,at converse shoes at ang kanya naman daw ay plain green shirt , maong pants at rubber shoes. 
          Habang naghihintay ako sa kanya ay malayo pa lang ay kita ko na siya , parang eagle eye lang ahah...sa sobrang kaba at excitement,nagtakbo agad ako papasok ng simbahan at nagtago sa likod ng pintuan ng simbahan. Nagtext siya na nasaan na raw ba ako, ang sabi ko ay nasa groto ako kahit wala naman ako dun. Sa aking pinagtataguan dito sa likod ng pinto ay tanaw ko ang groto at ang lalaking ginagamit ko as kunwaring ako yun. Tinext ko rin si Jero kung ano suot niya, ang sabi naman niya ay naka Plain green shirt ,maong pants at rubber shoes siya. Mga ilang minuto ay nakita ko na si Jero papalapit sa taong ginamit ko as ako, May napansin lang ako at bakit ang bilis nilang makapagpalagayan ng loob yung parang matagal nang magkakilala eh if I know na strangers lang ata sila sa isa't isa. Ang kakaiba yung ginamit kong lalaki as ako kinukurot si Jero sa tagiliran, syeeeeet mukhang mauunahan pa ako ni gungong.
          Maya maya may dumating na isa pang lalaki at parang sinundo yung allaking ginamit ko. Ang naiwan na lang sa may groto ay si Jero. SO THIS IS IT PANSIT!.
                    "Inhale" pagsamsam ko ng hangin.
                     "Exhale" pagbuga ko naman ng hangin,pan tanggal kaba
          Ang cute niya , yung mga mata niya,yung kilos niya, basta undescribable." Dub dub Dub dub Dub dub." bakit ganito bigla yung tibok ng puso ko. Naginhale at exhale ulit ako. Naglakad na siya papalayo ng groto. Tyempo ko na ito, lumabas ako ng simbahan at tumakbo ako papunta kay Jero at hinablot ko siya papalayo. Kahiya itong ginagawa ko ,yung mga tao nakatingin na sa amin.
           Huminto kami sa labas ng parking lot ng simbahan . Wala akong narinig sa kanya kundi puro reklamo. Ikaw ba naman ang hatakin ng isang malaking tao haha.. Eh .. pagangat niya ng ulo niya, gulat siya eh.."Sanchez?",ang gulat  na sabi niya sa akin. Kung I dedescribe yung itsura niya sa mga oras na ito , Tulala at parang nakatingin sa akin na parang may dumi ako sa mukha , at namumutla pa siya ah ahha. Nagsalita na ako at ipinakilala ko ang sarili ko ng pormal sa kanya. Tulala pa rin siya . Pumitik ako ng dalawang beses sa harapan niya at bumalik na ang kanyang kaluluwa dito sa lupa. Humingi siya sa akin ng sorry sa pagiging tulala niya at nag sorry din ako dahil niloko ko siya sa 1st day pa lang ng formal meet naming dalawa. Kaya ko naman nagawa yun dahil gusto ko siya isurprise at saka hindi niya alam na ang ka text niya ay nakita na pala niya  dati ng paulit ulit haha..Na obserbahan ko nakina na mukhang kilala niya yung kausap niya kanina, yung taong ginamit ko as ako.
          Niyaya ko siyang gumala kami at treat ko kaso hindi siya pumayag , sasama lang daw siya kung KKB ( Kanya Kanyang Bayad) daw kami. Ayun pumayag na rin ako sa gusto niya. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong itawag niya sa akin. Sa loob ng utak ko eh gusto niya akong tawaging BABE ahaha, pero ang tinawag pa rin niya sa akin ay Colby. Wala akong magagawa eh..iyon ang gusto niyang itawag sa akin. Tinanong ko naman siya kung saan kami pwedeng gumala. Nagisip siya, nakapamewang at nakanguso siya. hay... halikan ko kaya siya,mag na baka magalit ..harap pa naman ito ng simbahan .."Colby, mag megamall na lang tayo, isang ride lang naman ng FX eh." Ang sabi niya sa akin. Sawa na ako sa Megamall eh pero kung kasama ko naman siya...ayiee mukhang magiging akkaiba ang pagpunta kong muli sa mall na iyon. Tinanong ko siya kung ano naman ang gagawin namin doon. Every last day of the month nandoon ako kasi may SALE! . Bibili ako ng sapatos , yung size 13 1/2 haha [(131/2 +5)/2) = yung size ng private part daw ng male sabi ng mga kaibigan ko . Yung time na tinanong ko siya kung ano ang gagawin doon namin sa Megamall ay biniro niya ako ..Yung paraan ng pagkakasabi niya sa akin ng "Ano ba gusto mong gawin natin doon?" titigan ba ako ng malagkit...syet..parang gusto ko nang mag evaporate . Di ako makapagsalita, poker face,yun ata ang itsura ng mukha ko. Tinawanan din ako ng loko. Naisipan ko rin siyang pagtripan sa pamamagitan ng hindi ko pagimik sa kanya. Kahit nagsasalita siya ay hindi pa rin ako umiimik. Hanggang sa niyaya niya akong mag timezone na lang daw kami at kumain sa labas at ang tanging sagot ko lang ay isang malamig na "Sige". Habang naghihintay kami ng Fx para masakyan ay , "Ahem" pagtanggal bara niya sa kanyang lalamunan niya at sabay naming tinawag ang isa't isa. Nagsorry at nagpaliwanag siya, naapektuhan  pala ang mokong. Ang sinabi ko na lang ay hindi ako sanay sa ganoon lalo na kung sa public place pero ang totoo binibiro ko lang din siya. Nagbago na ang aura sa pagitan naming dalawa, bumalik na ulit kami sa dati.
          Sa tagal ng aming paghihintay ay abutin na kami ng halos alas 3 ng hapon bago makasakay. Sa aming pagsakay sa likod ng FX ay may napansin ako agad sa dalawang tao na nasa aming harapan. Pagkaaninag ko sa parte ng pagitan nila habang ang kanilang bag ay nasa kanilang mga hita. Nakikita ko na ang kanilang mga kamay ay MAGKAHOLDING HANDS!! . Take note parehas silang lalake haha...pero kung titignan mo sila ay mukhang hindi magkakilala ung isa nakatingin sa harap at yung isa naman ay sa bintana sa likod ng Fx.. Natype  ako sa cellphone ko at pinabasa ko kay Jero . Si Jero naman ay binasa kung anong meron sa cellphone ko at pasimple siyang sumulyap sa pagitan ng dalawa at napahagikgik siya...Ang cuuuuuteee niya!!!..at nagkulitan kaming dalawa sa loob ng Fx...
          Nang makarating na kami sa may Megamall ang napagpasyahan naming unang puntahan ay ang Dairy Queen ....ang sarap kaya ng ice cream dun yung babaligtarin ng clerk yung ice cream before ibigay sayo. Kailan kaya darating yung time na matatapon yung bibilhin kong Blizzard hahah..pagkarating namin sa pwesto ng Dairy Queen ay ako na ang naginitiate na magorder para sa aming dalawa. Habang nag oorder ako ay pumunta muna si Jero sa gilid upang mag muni muni.Ang haba sobra ng Pila,Habang nasa pila ako panay pa rin ang pagsulyap ko kay Jero . Sa pangapat kong pagtingin sa kanyang kinaroroonan ay tumingin din siya at ako aman ay sabay biglang iwas at kunwari ay may kinakalkal ako sa Phone ko.Noong makarating na ako sa harap akt ako na ang oorder " 2 blizzards po ung may kit kat na rin" . I waited for 3 minutes at nakuha ko na ang order namin ni Jero..Papuntan a sana ako sa kinaroroonan ni Jero nang may biglang may lalakeng yumakap mula sa kanyang likod. Kasing tangkad ko lang tong gagong to ah...kakasimula pa lang may nagmamaasim na agad na mang agaw kay Jero??? may sumesegway agad,..kailangan makagawa ako ng paraan para mawala sa paningin ko ang taong nakikita ko ngaun na nakayakap kay Jero..

..........................................................to be continued............................................................................................

ui pasensya na po sa late update ..christmas na kasi kaya maraming customers :) 
gamit na gamit ang bibig ko :) kaka kanta po sa mga events :) 
sana po ay maunawaan nio po :)

gracias 
-trident-

2 comments:

  1. Ganda ng story m dre,sana dalian m ung pagupdate ng story nakakabitin.

    ReplyDelete
  2. Nasan na po yung update ?? Next chapter please ((: salamat author

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails