Hindi na nagawa pang isara ni Doms
ang Gate dahil nagmamadali siyang pumasok sa pintuan ng bahay at talaga namang
banas na banas na siya ng mga oras na iyon at talaga namang gusto niyang ilabas at
isuka ang lahat ng kaniyang sama ng loob sa pagmumukha ni Doc Racky...
Hindi na kumatok pa sa pintuan si
Doms at tuloy-tuloy na siya sa loob at bago siya tumuloy sa salas ni Doc Racky ay
nag-inhale and exhale muna siya...
...
...
...
Natigilan kaagad sa kaniyang
pagkilos si Doms nang mabungaran niya ang nakapameywang na si Doc Racky na
nakatayo sa salas ng bahay...
...
...
...
Matagal na nagtinginan at
nagpakiramdaman muna ang dalawa...
...
...
...
Batid ng bawat isang may kakaiba
sa Aura ng kanilang kaharap ng mga oras na iyon...
...
...
...
Ngayon lang nila nakitang ganoon
ang hitsura ng bawat isa...
...
...
...
Batid nina Doc Racky and Doms na
may nais ipahiwatig ang malalalim at matatalim na pagtitig ng kanilang
kaharap...
...
...
...
Kaagad na nag-inhale muli si Doms
upang ibuhos na kay Doc Racky ang kaniyang pagkadismaya...
Pagka-Upset...
Pagka-inis...
At pagkaGalit dahil sa ginawa nito
sa kaniya...
...
...
...
Ngunit huli na ang lahat dahil
naunahan siya nitong si Doc Racky...
...
...
...
"HOW COULD YOU..." Ang
galit na galit na sigaw ni Doc Racky na ikinaatras ni Dominic dahil sa
pagkagulat.
Malayong-malayo ang hitsura
nitong si Doc Racky sa hitsura nito noong nagpapapansin pa ito and sweet na
sweet pa siya kay Doms...
...
...
...
"ANONG HOW COULD YOU..."
Ang hindi patatalong shout back naman ni Doms.
"NAGTANONG KA PA..." Ang
mabilis na bulyaw naman kaagad ni Doc Racky sabay turo niya kay Doms na
napaatras na namang muli.
...
...
...
Sisigaw na sana muli itong si Doms
ngunit naunahan na naman siya nitong si Doc Racky...
"SAWANG SAWA NA AKO SA IYO
DOMS..." Ang nanginginig sa galit na pagsisimulang muli ni Doc Racky.
Hindi pa din iniaalis ni Doc Racky
ang kaniyang pointing finger sa direction ni Dominic...
"HOW COULD YOU..." Ang
muling pag-ulit ni Doc Racky sa kaniyang unang sinabi.
Hindi na talaga nakapaghunusdili
itong si Doc Racky at lahat ng kaniyang mga kinikimkim na pagkagalit at
pagkabanas niya kay Doms ay tuluyan ng sumabog...
"Doc..." Ang mahinang nasambit
na lamang ni Doms dahil sa kaniyang pagkagulat talaga.
Ibang-iba ang Doc Racky na kaharap
niya ngayon...
"ANONG AKALA MO SA SARILI
MO... HA..." Ang pagpapatuloy ni Doc Racky habang lumalapit siya sa
kinatatayuan ni Dominic.
Mabilis na gumapang at kaagad na
nabalutan ng matinding pagkatakot ang buong katawan ni Doms dahil para siyang
lalamunin ng papalapit sa kaniyang si Doc Racky...
Halos magngit-ngit ang mga ngipin
ni Doc Racky habang pinagmamasdan niya si Dominic...
Napalunok na lamang si Dominic ng
mga sandaling iyon...
"GUSTO KONG MALAMAN MO NA
SAWANG-SAWA NA AKO SA PANGHIHIMASOK MO SA BUHAY KO..." Ang malakas na
bulyaw muli ni Doc Racky.
Napapikit itong si Dominic dahil ang
akala niya'y sasapakin na siya nitong si Doc Racky ngunit hinawakan lang siya
nito ng mahigpit sa kaniyang mga balikat gamit ang dalawang kamay nito...
"SINONG MAY SABI SA'YO NA
PUPUWEDE MONG PAKIALAMAN ANG MGA GAMIT KO SA BAHAY...
HINDI KA NA NAKUNTENTO SA MGA
FURNITURES PATI ANG PERSONNAL NA GAMIT KO EH HINDI MO PINATAWAD...
ALAM MO BA NA YAN ANG PINAKA AYAW KO SA
LAHAT...
HA..."
Napailing na lamang itong si Doms
habang unti-unti niyang nare-Realized kung bakit nagwawating itong si Doc
Racky...
Nakalimutan na din niya ang
kaniyang reason kung bakit niya pinuntahan itong si Doc Racky...
Hindi na natuloy pa ang balak ni
Doms na bungangaan itong si Doc Racky...
"MAHILIG KANG MAGDESISYON
NANG HINDI AKO TINATANONG..."
"Kailan ko ginawa
yan..." Ang gulat na usal ni Doms.
"YUNG PAKIKIPAG DOUBLE DATE
NATIN SA KAIBIGAN MO..." Ang sambit ni Doc Racky na biglang ikinatameme ni
Doms.
"YUNG SA PAGPUNTA SA
BAGUIO..." Ang dagdag pa ni Doc Racky na lalo pang ikinatahimik ni Doms.
"TAPOS MANGINGIALAM KA PA SA
PAGBENTA KO NG MGA ANTIQUES NAMIN...
ALAM MO DOMS...
MASAYA NA AKO SANA KUNG HINDI SANA
GANYAN ANG UGALI MO..." Ang praning na praning na outburst ni Doc Racky na
para bang wala sa sarili dahil sa lubos-lubos na ang kaniyang pagpapasabog ng
kaniyang naipong sama ng loob.
"KAHIT MASAMA ANG PAKIRAMDAM
KO DOMS...
SINUSUNOD PA DIN KITA..."
Unti-unting natauhan itong si
Dominic sa mga ibinubulyaw sa kaniya ni Doc Racky...
"AKALA MO MADAMING KANG ALAM
SA PAGPAPATAKBO NG RELATIONSHIP...
KAYA PATI GAMIT KO SA TRABAHO
PINAKIALAMANAN MO...
MAGALING KA TALAGA DOMS...
MAGALING MANGHIMASOK SA BUHAY NG
MAY BUHAY..."
Hindi talaga akalain ni Doms na
ganoon na pala ang nararamdaman ni Doc Racky...
"SAWANG-SAWA NA AKO...
HINDI NA AKO MAKAHINGA SA
PANGSASAKAL MO SA AKIN..." Ang next na sinambit ni Doc Racky na hindi
natitinag sa kaniyang ibinibigay na matatalim na pagtitig sa mga mata ng
natulalang si Doms.
"HINDI KA MAKAPAGSALITA...
NAGULAT KA BA NA MALAMANG GANYAN
ANG UGALI MO..." Ang walang patawad na isinunod pang muli ni Doc Racky.
Hindi pa din makahugot ng
sasabihin itong si Dominic...
Kasabay ng realization ni Doms ay
biglang namuo ang magkakahalong emotions sa kaniyang dibdib...
"MAGSALITA KA..." Ang
malakas na sigaw ng parang wala sa sariling si Doc Racky sabay talikod niya kay
Doms.
..
..
..
"ANO...
WALA KANG MASABI..." Ang next
na usal ni Doc Racky nang makaupo na siya sa Sofa.
...
...
...
"NATAMEME KA..."
Hindi pa din papaawat itong si Doc
Racky at tila ba hindi pa nauubos ang kaniyang galit sa pakialamerong si Dominic...
...
...
...
"Sorry Doc..." Ang
naibulalas na lamang ni Doms ng mga saglit na iyon kasabay ng pagtulo ng mga
matatabang mga luha mula sa kaniyang nagsisimula nang mamugtong mga mata.
Masakit para kay Doms na
mapag-alamanang inilihim ni Doc Racky ang pagkakaroon nito ng asawa...
Masakit din para sa kaniya na
pinagpustahan lang pala siya...
Ngunit mas masakit para sa kaniya
ang malaman na ganoon na pala ang nangyayari kay Doc Racky...
Pero ang pinakamasakit sa lahat ay
ang mapagtanto niyang ikinukubli pala nito ang tunay niyang nararamdaman for
the past few days...
Hindi lang sa mga nagdaang mga araw...
Matagal na pala itong kinikimkim
sa kaniya ni Doc Racky...
Lalong napaluha si Doms habang
iniisip niyang sa mga pagkakataong kasama niya itong si Doc Racky at masaya
sila ay wala siyang kaalam-alam na nagtitimpi na pala ito...
...
...
...
"I'm really sorry
Doc..." Ang muling usal ni Doms habang parang bata niyang pinupunasan ang
kaniyang mga luha gamit ang likod ng kaniyang dalawang palad.
...
...
...
Biglang napanganga itong si Doc Racky
nang makita niyang ganoon ang hitsura ni Dominic...
Expected at pinaghandaan na kasi
ni Doc Racky kanina na mag-aaway sila ng bigtime ni Doms ngunit hinid niya inaakalang
magiging ganito ang outcome...
Unti-unting nahimasmasan itong si
Doc Racky...
Na-Realized niyang dahil sa
sobrang inis niya ay talaga namang medyo naging Harsh siya kay Doms to the
maximum level...
Kaagad na inusig ng kaniyang
kunsensya itong si Doc Racky habang patuloy pa din niyang pinagmamasdan ang mahinang
pag-iyak ng fragile na fragile na si Doms...
...
...
...
"Doms..." Ang nabiglang
usal ni Doc Racky at mabilis siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan upang lapitan
at yakapin itong si Dominic ngunit mas mabilis na nakapagsalita ito.
"I'm really sorry...
I won't bother you again..." Ang
napipiyok na usal ni Doms sabay talikod niya kay Doc Racky at wala pang ilang
seconds ay mabilis na siyang nakalabas sa bahay.
"DOMS..." Ang malakas na
paghabol na pagtawag ni Doc Racky ngunit mabilis na nakalabas na itong si Doms
sa gate nila na hindi siya nililingon.
...
...
...
"GRRRRRRR..." Ang galit
na outburst na lamang ni Doc Racky nang maiwan siyang nakatayo sa labas ng
kanilang bahay.
Nagngi-ngit-ngit sa galit na
pumasok muli itong si Doc Racky sa loob ng kaniyang bahay...
Galit na galit siya dahil
pakiramdam niya''y siya ang lumabas na kontrabida sa kanilang somewhat of a
fight...
Ngunit mas galit na galit si itong
si Doc Racky sa kaniyang sarili dahil hindi siya nakapag-hunos-dili at nasaktan
niya ng lubusan ang umalis na si Doms...
"FUCK... FUCK...
FUCK..." Ang sunod-sunod na malalakas na outburst ni Doc Racky habang
paulit-ulit na nagre-Replay sa kaniyang isipan ang last na sinabi ni Doms that
he won't bother him again.
**************
"KLAAAANG"
Nagulat talaga si Mommy Juliet
nang bigla na lamang bumagsak ng malakas ang kanilang gate at rinig na rinig
ito sa kanilang salas...
"Baka si Doms..." Ang
sambit naman ni Daddy Elvis.
Nanonood sila ng news that time at
hinihintay nila itong si Doms para sabay sabay silang makapagDinner...
"CLICK... BLAAAAAG..."
Ang next na malakas na sound ng pagbubukas at pagbagsak ni Doms ng pintuan sa
salas nang makapasok na ito sa loob ng bahay.
"OIST... Baka magising si
Thalia..." Ang mabilis na saway kaagad ni Daddy Elvis sa nagdadabog niyang
anak.
"ANYARE SAYO..." Ang
tanong naman kaagad ni Mommy Juliet nang mapansin niyang namumula ang mga mata
ni Doms.
"I'm just tired..." Ang
mahinang reply na lamang ni Doms at pagkatapos ay dire-direcho na siyang
umakyat papunta sa kaniyang room.
"KAIN NA TAYO..." Ang
mabilis na habol naman ni Tita Luisa sa papaakyat na si Dominic
"Not hungry..." Ang
maiksing reply na lamang ni Doms na ikinataas ng mga kilay nina Mommy Juliet
and Tita Luisa.
"Baka Bad Trip lang..."
Ang sambit naman kaagad ni Daddy Elvis at doo'y nagtinginan ang magkapatid na
sina Tita Luisa and Mommy Juliet.
"Mabuti naman at hindi
naistorbo ang tulog ng baby natin..." Ang next na usal ni Daddy Elvis
sabay himas niya sa golden Fur coat ng naghihilik na si Thalia na nakasalampak
sa kaniyang tabihan sa sofa.
"Wait lang Honey..." Ang
sunod na sinabi ni Daddy Elvis.
"Ano yun Darling..."
Raply naman ni Mommy Juliet.
"Wala ba kayong napapansin
kay Thalia..."
"Bakit anong meron..."
Ani ni Tita Luisa.
"Lately eh parang laging
tulog at kapag gising naman eh parang tinatamad..." Ang explain ni Daddy
Elvis.
"O nga ano..." Ang
pansin din ni Tita Luisa.
"Atsaka parang lalong
tumataba si Thalia..."
"Napansin ko din yan Elvis...
Medyo lumalaki ang tiyan at balakang ni Thalia..." Ang puna muli ni Tita
Luisa.
"Ang takaw takaw
kasi..." Ang nakangiting sambit na lamang ni Mommy Juliet ngunit bigla na
lamang nanlaki ang dalawa niyang mga mata kasabay ng pagtaas ng dalawa niyang kilay
nang maalala niya ang pagkain nila ng mangga't bagoong ni Thalia.
*************
Hindi na binuksan pa ni Doms ang
ilaw ng kaniyang room bagkus ay kaniyang ibinagsak na lamang ang kaniyang pagal
na katawan sa bed and after that ay mabilis siyang nagLog-in sa kaniyang FB via
his iPhone...
Itinuloy ni Doms ang kaniyang
pag-iyak ng mga sandaling iyon at lalo pang naglEvel up ang kaniyang pagkaEmo
nang puntahan na niya ang FB ni Doc Racky...
Ilang minutes ding pinagmasdan at
iniyakan ni Doms ang Profile picture ng FB ni Doc Racky kung saa'y nakaakbay
ito sa kaniya at pareho silang wagas na wagas na nakaSmile...
"I won't bother you
again..." Ang mahinang sambit ni Doms and after that he blocked Doc Racky
sa kaniyang dummy and real FB account.
*******Within A Week*******
Naging tahimik at matamlay itong
si Dominic sa bahay and even sa work ay nakitaan din ito ng kakaiba ng kaniyang
mga kasamahan...
Naging kapansin-pansin ang
ikinikilos ni Doms sa Museong Pambata dahil everytime na may Schedule siyang
mga School na nagpi-Field Trip ay napansin talaga ng mga kasamahan nito na
gloomy itong si Doms bago magsimula ang kaniyang tour sa mga students...
Sa kalagitnaan naman ng Tour ay nahalata
nilang fake ang smile at ang pagiging masayahin ni Doms sa mga Students at
pagkatapos niyang maipasyal ang mga nagpi-Field trip ay babalik
muli ang gloominess nitong si Dominic...
Malaki ang pinagkaiba ng binata
ngayon...
"Nag-away ba kayo..."
Ang hindi mapigilang tanong ng isang kasamahan nila kay Myrtle.
"What..." Ani ni Myrtle.
"Nag-away ba kayo ni
Doms..."
"Hindi... Ba't mo naman
naitanong yan..." Ang reply naman ni Myrtle.
"Eh kasi parang nag-iba na si
Doms eh... Parang naging Emo..." Ang explain naman ng co-Currator ni Myrtle.
"Ikaw din..." Dagdag pa
nito.
"Anong ako din..." Ang
naguguluhang tanong naman kaagad ni Myrtle.
"Naging tahimik ka na at
hindi mo na nilalandi si Doms eh... Dati kada minuto umaalembong ka sa
kaniya..." Ang explain muli nito kay Myrtle.
"Busy lang ako... Wala akong
alam kung bakit matamlay si Doms... Tatanungin ko siya mamaya..." Ang
pagsisinungaling na lamang ni Myrtle.
Alam ni Myrtle kung bakit
nagkakaganoon itong si Dominic dahil nakausap na niya ang kaniyang pinsang si
Doc Racky...
Sinabi na ni Doc Racky ang
kaniyang nagawa kay Doms...
Hindi din kasi talaga inaakala ni
Myrtle na magiging ganoon ang kahahantungan ng kaniyang Pinsan at ni Dominic...
...
...
...
"Doms..." Ang sambit ni
Myrtle nang makakuha siya ng chance na makausap in private itong si Dominic.
"... ... ..." Walang
reply itong si Doms.
"Doms naman... Bakit ang
lungkot-lungkot mo... Pansin ng mga tao dito sa Museum..." Ang
pagsisimulang muli ni Myrtle.
Tinignan lamang siya ni Dominic sa
mga mata ng ilang seconds at pagkatapos ay iniwan na ng binatang nakanganga
itong si Myrtle...
Alam ni Myrtle na galit siguro
itong si Doms sa kaniya pero ang mas lalong nakapagpaGuilty sa kaniya ay ang
mga malulungkot na mga mata nitong si Dominic...
Mas kakayanin pa ni Myrtle na
pagsalitaan siya nitong si Dominic tungkol sa ginawa nilang kalokohan ng kaniyang
Cousin pero mas matindi ang effect sa kaniya ng hindi pagsasalita at ang
pang-i-ignore sa kaniya nito...
Kaagad na tinawagan ni Myrtle
itong si Doc Racky...
"HINDI MO PA BA KINAKAUSAP SI
DOMS..." Ang inis na usal ni Myrtle sa kaniyang pinsan.
"I'm busy... May sasabihin ka
pa ba..."
"SHIT NAMAN KUYA
RACKY..."
"Anong shit..."
"Kakaiba na ang ikinikilos ni
Doms..."
"Anong kakaiba..."
"Hindi na siya tulad ng
dati... Kasalanan mo ito..."
"Anong kasalanan..."
"Basta..." Ang sambit na
lamang ni Myrtle bago niya tinapos ang kanilang conversation ni Doc Racky.
Naawa itong si Myrtle sa situation
ni Dominic at ang mas malala pa'y alam niyang may part din siya sa reason kung
bakit nagkakaganoon itong si Doms...
Kung si Myrtle ay guilty na guilty
ng mga oras na iyon ay mas triple pa ang pagkaGuilty nitong si Doc Racky sa
kaniyang kasalanan niya kay Dominic...
Technically ay pareho lamang
silang may kasalanan nitong si Doms ngunit naging napakaHarsh niya kay Doms...
Doc Racky tried na makausap si
Doms via FB ngunit hindi na niya makita pa ang account nito at kahit sa phone
ay hindi siya nire-Reply-an nito at hindi din sinasagot nito ang kaniyang mga
call...
Sinubukan ding puntahan ni Doc
Racky si Doms sa bahay upang makausap pero palagi na lamang hindi niya
matiyempuhan ito...
Bothered itong si Doc Racky na
baka talagang tinotoo ni Doms ang ang sinabi nitong hindi na siya nito
gagambalain pa...
Kahit ayaw mang aminin ni Doc
Racky sa kaniyang sarili ay hindi niya mapagkakaila na parang naging malungkot
ang kaniyang buhay nang nag-away sila ni Doms...
Kahit na demanding at pakialamero
itong si Doms ay gusto pa ding mayakap siya nitong si Doc Racky kahit maakbayan
man lamang...
*******One Morning*******
Dumaan muna sa Dining room itong
si Dominic upang magpaalam sa kaniyang mga Parents bago siya tuluyang umalis na
for work...
"Hindi ka ba
magbre-Breakfast..." Ang tanong ni Tita Luisa sa papaalis na si Doms.
"Hindi na po... Sige po...
Alis na po ako..." Ang matamlay na reply naman ni Dominic.
...
...
...
"Kausapin mo na Darling si
Doms..." Ang concerned na sambit ni Daddy Elvis sa kaniyang wife.
"Let him be... Kaya niya
yan..." Ang nakaSmile na reply naman ni Mommy Juliet.
"Ilang beses na din siyang
hindi nagbre-breakfast at nagdi-Dinner ah... Parang malaki ang
problema..." Ani naman ni Tita Luisa.
Napabugtong hininga na lamang
itong si Mommy Juliet sa situation ng kaniyang anak...
"May chicmis kaya sa
Museum... SInabi sa akin ng kumare ko..." Ang nakaSmile na sambit naman ni
Mommy Juliet.
"Nag-away ata sina Doms and
Myrtle..." Ang pagtatapos ni Mommy Juliet.
"Kaya naman pala eh..."
Ang sambit naman ni Daddy Elvis.
"Kaya sinabi kong kaya nya
yang mga ganyang problem..." Ang proud na proud na reply naman ni Mommy
Juliet pero deep inside her heart ay kinukutuban siyang may something pang
gumagambala kay Doms.
As a Parent ay madaling malaman
nina Daddy Elvis and Mommy Juliet kung may problema sa kanilang anak pero
nagDecide na lamang silang huwag nang manghimasok lalo na kapag sa Love life
ang problema dahil matanda na ang kanilang anak unless na lumapit sa kanila
itong si Doms...
"Ngayon ka lang
nagising..." Ang biglang bati ni Tita Luisa kay Thalia nang pumasok na ito
sa Dining Room at dumirecho sa kaniyang Doggy Bowl na punong-puno ng paborito
nitong Puppy Chow.
"Tulog ka ng tulog Thalia
kaya ka namamanas..." Ang bati din ni Daddy Elvis nang mapansin niyang parang
nagDouble ang size ng kanilang Pet Labrador Golden Retriever.
"URK..." Ang biglang
naiusal ni Thalia nang akmang kakain na siya ng kaniyang Puppy Chow Breakfast.
Nagmamadaling lumabas ng Dining
room itong si Thalia at dumirecho sa Kitchen at lumabas sa backyard nila na
ikinataas ng mga kilay nina Tita Luisa, Daddy Elvis and Mommy Juliet...
"GUUUUWAAAARRRRKKKK..."
Ang mga malalakas na pagduduwal ni Thalia from the backyard na dinig na dinig
sa Dining room.
"Para namang buntis si
Thalia..." Ang natatawang sambit ni Tita Luisa dahil sa pagduduwal ni Thalia
ng ganoong kaaga.
2 Seconds...
5 Seconds...
7 Seconds...
10 Seconds...
"OMG! ! !" Ang outburst
na lamang bigla nina Mommy Juliet and Tita Luisa sabay tayo nila't labas sa kanilang backyard upang iCheck kung
okay lang ba ang sumusukang si Thalia.
"ANYARE..." Ang sambit
na lamang ng clueless na clueless na si Daddy Elvis nang maiwan siyang mag-isa
sa Dining Room.
*******After Another Week*******
Hindi maipinta ang pagmumukha
nitong si Doms habang nagdri-Drive siya papunta sa Animal Hospital nina Doc
Racky...
"Bakit hindi na pala
nagpaparamdam si Doc Racky sa atin..." Ang biglang tanong ni Mommy Juliet
na ikinagulat ni Doms.
"Busy po kasi..." Ang
pagsisinungaling ni Doms.
"Ganoon ba... Kumusta naman
yung kaniyang mga Antiques... Hindi na rin niya ako binalitaan..." Ang
next na tanong ni Mommy Juliet.
"Busy po kasi..." Ang walang
ganang pag-ulit ni Doms.
Pilit mang iniaalis ni Doms sa
kaniyang system itong si Doc Racky ay hindi pa din siya nagtatagumpay dahil
everytime na nasa trabaho siya'y nakikita niya ang pinsan nitong si Myrtle at
kapag nasa bahay naman siya'y batid niyang few blocks lang ang layo ng bahay ni
Doc Racky sa kanilang bahay...
"Ganoon ba..." Ang
bugtong hininga na lamang ni Mommy Juliet.
"Kung naging babae ka lang eh
talagang ipagtutulakan ka namin kay Doc Racky... I know he's a good guy..."
Ang clueless na banat ni Mommy Juliet na ikinasimangot kaagad ni Dominic.
Hindi na nagsalita pa itong si
Dominic at nanahimik na lamang siya hanggang sa makarating sa Animal
Hospital...
"Sunod na lang po
ako..." Ang sambit ni Doms nang maibaba na niya ang kaniyang Mommy Juliet
and si Thalia sa harapan ng Animal Hospital at pagkatapos ay kaniya nang
pinaandar muli ang kanilang adventure para i-Park.
...
...
...
"Hey..." Ang biglang
narinig na lamang ni Doms nang makababa na siya sa kanilang Adventure.
Napaatras na namang muli si Doms
nang makita niyang si Doc Racky ang pumukaw sa kaniya...
Kakababa lang din nito sa Honda
Civic nito sa Parking Lot...
"Doms... Can we talk..."
Ang nagmamadaling usal ni Doc Racky nang lapitan niya ang naglalakad sa
kainyang papalyong si Dominic...
"Hey..." Ang muling usal
ni Doc Racky sabay hawak niya sa isang braso ng papaalis na si Doms nang
mahabol niya't makalapit na siya dito...
Gulong-gulo ang isipan ni Doms ng
mga sandaling iyon kaya nama'y automatic na marahas na winagwag niya ang
kanyang braso upang mabitawan ito ni Doc Racky...
"Doms..." Ang nasambit
na lamang ni Doc Racky nang binigyan siya ng malalim na pagtingin ni Doms.
Hindi na nakahugot pa ng kaniyang
sasabihin itong si Doc Racky at hinayaan na lamang niyang magpatuloy sa
kaniyang paglalakad itong si Dominic...
Lalong naGuilty pa itong si Doc
Racky dahil nararamdaman niya ang matinding pagka-Upste at ang kalungkutan sa
mga mata ni Dominic that time...
...
...
...
After na maCheck Up at
maUltraSound ni Doc Racky itong si Thalia ay kaagad siyang nagCongratulate kay
Mommy Juliet and Doms dahil confirmed na buntis nga itong si Thalia...
"Sino naman kaya ang naka-One
night stand mo..." Ang curious na sambit ni Mommy Juliet sa nakahigang si
Thalia.
Napangiti itong si Doc Racky dahil
may isang Aso kaagad na pumasok sa kaniyang isipan at pagkatapos ay hindi niya
namalayang nagtama na pala ang mga paningin nila ni Doms...
"Ahm... Bigyan ko po siya ng
Vitamins..." Ang biglang usal kaagad ni Doc Racky sabay alis niya ng
kaniyang pakikipag eye to eye stare kay Doms.
Ramdam din ni Doms ang malaking
Akwardness sa pagitan nila ni Doc Racky...
"Doc Racky... Sabi ni Doms eh
sobrang busy mo kay di ka na nakakaDalaw sa bahay... Minsan nga kapag libre ka
eh doon ka ulit magDinner..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet.
"Busy po talaga ako... But
i'm looking forward na makapaghapunan sa inyo..." Ang sweet na sweet na
reply naman ni Doc Racky.
...
...
...
Nakahinga na ng maluwag itong si
Doms habang binabagtas na nila ng kanilang Adventure ang highway papauwi sa
kanilang bahay dahil hindi na siya nilapitan pang muli ni Doc Racky kanina bago
sila umalis sa Animal Hospital...
May nararamdaman pa ding
pagkabalisa itong si Doms that time dahil para bang sumisigaw kasi kanina ang
kaniyang puso at tinutukso siyang yakapin muli si Doc Racky...
Aminado naman itong si Doms na
miss niya itong si Doc Racky at palagi niyang napapanaginipan ang mahigpit na
pagyakap ng mga maskulado nitong mga bisig sa kaniya...
Alam ni Doms na namiMissed din
niyang maramdaman kung gaano ka firm and katigas ang mga muscles ni Doc Racky
sa Biceps, Shoulders and Chest...
Ngunit batid din ni Doms na
impossible nang mangyari pa ulit iyon...
Labis ang pagtataka ni Doms kung
bakit within two lamang ay madali siyang nakaGet-Over about sa pagtatago ni Doc
Racky sa kaniya about his Wife and sa pakikipagpustahan nito kay Myrtle...
Kapag naalala ito ni Doms ay wala
na sa kaniyang effect ito at para bang naglahong bula na lamang ito ngunit ang
pinakanahihirapan siya ay hindi siya makaGet Over sa mga sinabi nito sa
kaniya...
NaRealized ni Doms dahil sa
pangbubulyaw sa kaniya ni Doc Racky that he became a monster sa kanilang
relationship...
Alam niyang pinagbigyan siya ni
Doc Racky pero the fact na napuno niya't naubos niya ang patience ni Doc Racky
sa kaniya ang pinakamasakit sa kaniyang puso...
Wala na siyang mukhang maihaharap
pa kay Doc Racky sa ginawa niya dito...
Clueless itong si Doms na pareho
lamang na inuusig sila ni Doc Racky ng kanilang mga Kunsensiya...
"Bakit ka
napapailing..." Ang bati ni Mommy Juliet nang mapansin niya itong si Doms.
"Wala po Ma..." Ang
pagsisinungaling na lamang ni Doms.
Nanghihinayang pa din itong si
Doms sa kaniyang relationship kay Doc Racky na kaniyang sinakal at sinira...
Napakagat na lamang ng kaniyang
mga labi itong si Dominic habang nagdri-Drive dahil nag-give up na siya ng mga
oras na iyon...
Kahit gaano man labanan ni Doms
ang kaniyang isipan ay hindi niya magawang mapigilan ang paulit-ulit na paguhit
ng gwapong mukha nitong si Doc Racky sa kaniyang diwa...
*******After A Month*******
Mabuti na lamang ay nagkaroon ng
maraming activity sa Museong Pambata kaya naOccupied ang isip nitong si Doms at
nakatulong din ang pagbubuntis ni Thalia dahil nagkaroon siya ng reason na
maging slight na excited just like his Parents...
Naging tahimik pa din itong si
Doms sa bahay at sa work and hanggang ngayon ay laman pa din ng kaniyang isipan
itong si Doc Racky kaya nama'y Doms make it sure na hindi na muli siyang dadaan
pa sa harapan ng bahay ni Doc Racky sa tuwing lalabas siya ng village...
Hindi na din nagBother pang
magText sa kaniya itong si Doc Racky kaya nama'y medyo slight na
naka-reko-Recover na itong si Doms...
"Isang buwan pa
siguro..." Ang sambit ni Doms one time bago siya matulog dahil sumagi na naman sa kaniyang isipan ang
larawan ni Doc Racky.
Nagbuntong hininga na lamang si
Doms at pinilit niyang makatulog at talaga namang hindi pa din niya maalis-alis
sa system niya na malaki ang atraso niya kay Doc Racky...
Kahit na gustong makaRecover
kaagad ni Doms ay mahirap talaga ito dahil Doc Racky is a guy na
hinding-hindi mo kaagad-agad na makakalimutan...
*******After Three Weeks********
Hindi pa din mapakali itong si
Myrtle at talagang one month na siyang hindi kinakausap nitong si Doms kaya
nama'y nang makakuha ulit ng chance itong si Myrtle ay hinila na naman niya sa
isang lugar sa Museong Pambata itong si Doms kung saan niya pupuwede itong
kausapin ng may privacy...
"DOMS ANO BA..."
"... ... ...."
"BAKET HINDI MO AKO
KINAKAUSAP..."
"... ... ..."
"PATI SI KUYA RACKY EH
INIIWASAN NA DIN AKO..."
"... ... ..." Wala pa
ding reply itong si Doms at tinitignan lamang niya sa mga mata itong si Myrtle.
"PAREHO NA KAYO..." Ang
outburst ni Myrtle na ikinataas ng mga kilay ni Doms.
"OO DOMS... Pareho na kayong
nangangayayat... Pareho na kayong bihira na lang magShave... ANO BA KAYO...
BAKIT BA KAYO NAGKAKAGANYAN..."
"... ... ..."
"MAGSALITA KA NAMAN DOMS...
ALAM KONG HINDI TAMA ANG GINAWA NG KUYA RACKY KO SAYO KAYA PATAWARIN MO NA
SIYA... PARA NA SIYANG BALIW KAYA... IKAW DIN... PAREHO NA TALAGA KAYO..."
Ang explain ulit ni Myrtle.
Napabugtong hininga na lamang
itong si Doms that time...
"Hindi na ako magtatanong
kung bakit kayo nagkakaganyan..." Ang bawi kaagad ni Myrtle na tila ba
naasar na din.
"GANYAN ANG EFFECT SA INYO NG
BAWAT ISA... COME TO THINK ABOUT IT..."
"... ... ..."
"DOMS NAMAN... Wala ka pa din
bang sasabihin...
Did you see him lately...
MUKHA NA SIYANG ERMITANYO...
KAMUKHA NA KAYONG DLAWA..."
Aminado naman itong si Dominic na
hindi na niya masyadong iniintindi ang pagpa-Polished ng kaniyang looks pero
medyo nagambala siya sa ipinaalam sa kaniya nitong si Myrtle about what's
happening to Doc Racky...
NapaSigh na namang muli itong si Doms
nang biglang pumasok sa kaniyang isipan ang idea na pagsasabihan niya itong si
Doc Racky na ayusin ang sarili nito...
"STOP IT DOMS... NAGIGING
PAKIALAMERO KA NA NAMAN... WALA KA NANG PAKIALAM KAY DOC RACKY AT HINDI NA KAYO..."
Ang gumuhit sa kaniyang isipan na malakas na pagpapa-alala ni Doms sa kaniyang
sarili at talaga namang he learned na his lessons.
"Mahala na mahal ka ni Kuya
Racky..." Ang dagdag pa ni Myrtle na biglang ikinagulat ni Doms.
"Kahit na huwag mo na akong
kausapin... Kausapin mo naman si Kuya Racky at pinababayaan na niya ang sarili
niya... Mahal na mahal ka niya Doms..." Ang paghingi ng tulong ni Myrtle
dahil one time she tried to speak with Doc Racky kaya lamang ay para bang
nakikipag usap siya sa hangin.
Concerned na concerned and
nag-aalala na itong si Myrtle kay Doc Racky kaya nama'y naglakas loob na lamang
siyang humingi ng tulong kay Doms...
"Kahit hindi nyo sabihin eh
may feelings pa din kayo sa isa't isa..." Ang muling hirit ni Myrtle sa
lalo pang nanahimik na si Doms.
"BAHALA NA NGA KAYO SA BUHAY
NYO... NASABI KO NA... BAHALA NA KAYONG DALAWA..." Ang inis na inis na
ouburst ni Myrtle nang wala pa din siyang narinig na reply nitong si Doms at
pagkatapos ay siya naman ang umalis sa kanilang puwesto at kaniya ng iniwan
itong si Doms na malalim na nag-iisip.
...
...
...
Hindi na namalayan pa ni Doms na
tinutuluan na pala ng mga matatabang mga luha ang kaniyang dalawang mga mata...
Masakit kay Doms ang nangyari sa
kanilang dalawa ni Doc Racky especially the fact na that was the first time he
experience a real realationship...
Pero ang sinabi ni Myrtle sa
kaniyang mahal pa din siya ni Doc Racy ay dahilan kung bakit siya lumuluha
ngayon...
Masakit ito para kay Doms pero mas
masakit ang kaniyang napagtanto sa mga oras na iyon...
Naging malinaw kay Dominic sa kaniyang
puso't isipan ang fact na Mahal na mahal pa din niya itong si Doc Racky...
"It's too late..." Ang
hikbi na lamang ni Doms at pagkatapos ay nagmamadali na siyang kumilos upang
pumunta sa CR ng Museong Pambata.
Sa kabutihang palad nama'y walang
katao-tao that time ang loob ng museum kaya nama'y diredirecho ang paglalakad
ni Doms habang nakayuko siya't pinupunasan niya ang kaniyang mga luha...
...
...
...
Kaagad na ibinuhos muli ni Doms
ang kaniyang mga luha nang makapasok na siya sa CR...
"EXCUSE ME..." Ang
malakas na sambit ng isang babae na biglang ikinatalon sa gulat ni Doms.
"SORRY..." Ang
nagpaPanic na usal naman ni Doms sa babae.
Dahil sa sobrang Emo ni Doms at
medyo cloudy ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang pag iyak ay nagkamali siya
ng pinasok na CR...
"Wait..." Ang sambit
mmuli ng babae sabay hawak niya sa isang kamay ng papalabas sa CR na si Doms.
"I Think you need
this..." Ang malumanay na sambit ng babae sabay bigay niya ng kaniyang
tissue box kay Doms.
Hindi na nakuha pang ikubli ni
Doms ang kaniyang pag-iyak nang kinuha na niya ang tissue box sa babae...
Pagkatapos na suminga ay kaagad na
pinunasan ni Doms ang kaniyang mga luha at nagpasalamat sa babaeng kaharap
niya...
"Thank you... MEGAN
YOUNG!!!" Ang gulat na usal ni Doms nang makilala niya ang kaharap.
Nginitian kaagad siya ni Megan
Young kasabay ng pagLevel Up ng pagkaConcious kaagad ni Doms...
Dumaan kasi ng Museong Pambata itong si Megan Young dahil magsho-Shopping sila ng kaniyang Tita sa MOA today...
Dumaan kasi ng Museong Pambata itong si Megan Young dahil magsho-Shopping sila ng kaniyang Tita sa MOA today...
"So-sorry talaga..." Ang
muling paghingi ng paumanhin ng nahihiyang si Doms.
"Care to tell me what's your
problem..." Angreply naman ni Megan Young kasabay ng pagbibigay niya ng
isang heart warming smile kay Doms.
Hindi maipaliwanag ni Doms ang
kaniyang biglang naramdaman dahil tumagos sa kaniyang puso ang matatamis at
malumanay na ngiti sa kaniya ng 2013 Miss World Title Holder na si Megan Young kaya nama'y naibuhos niyang
ikuwento ang lahat-lahat ng kaniyang sama dito...
...
...
...
Nakangiti lamang si Megan Young
habang hinihimas-himas niya ang likuran ng humihikbing si Dominic...
"Hindi ko na talaga alam kung
anong gagawin ko..." Ang hikbi ni Doms ng sandaling iyon.
"I don't have the face and
the courage to talk to him after what i did to him...
Galit na galit siya sa akin...
Ayaw na niyang panghimasukan ko pa ang buhay niya..." Ang dagdag pa ni
Doms.
"I know what you need to
do..." Ang maiksing reply lang ni Megan Young na ikinatigil kaagad ng
emong si Doms.
"Can we have privacy
please..." Ang mabilis na sambit ni Megan Young nang may pumasok bigla sa
CR at sa kabutihang palad nama'y agad-agad din itong mga nagsipaglabasan.
"You know what... Gawin mo
lang ang ginawa ko ngayon..." Ang pagpapatuloy ni Megan Young.
"What do you mean..."
"Ano bang ginawa ko
ngayon..."
"Pinalabas mo yung mga
magsi-CR sana..." Ang clueless na sambit kaagad ni Doms na ikinatawang
bigla naan ni Megan Young.
"Not that one silly..."
Ang reply na lang ni Megan Young.
"The only thing that you need
to do with your Doc Racky is Listen..." Ang paliwanag ni Megan Young sa
naguluhang si Doms.
"When was the last time that
you REALLY listen to him..."
Hindi na nakasagot itong si Doms
at napatingin na lamang siya sa nakasmile na magandang mukha ng kaniyang
kaharap na Beauty Titlist...
"Did you ever listen to
him..."
Napailing na lamang ang nahihiyang
si Dominic dahil guilty siya na hindi pa niya nagagawa iyon...
"That's what you need to do
Honey... Listen to him..."
"Eh galit nga siya sa akin
eh... Sabi niya sawang-sawa na siya..." Ang naiiyak na usal muli ni
Dominic.
"Did he really mean
that..." Ang maiksing raply again ni Megan Young na lalo pang pinag-isipan
at ikinaGuilty ni Doms.
"Just listen to him... I
think that's what he needs right now... And after that... Make your next
move...
It's not about you... It's about
him... Listen to what he'll be saying..." Ang sambit muli ni Megan Young.
"SWEETIE... Ba't ang
tagal-tagal mo..." Ang biglang usal ng head ng Museong pambata sa kaniyang
pamangking si Megan Young nang pumasok ito sa CR.
"ANYARE SA'YO DOMS..."
Ang gulat na tanong ng boss ni Doms nang makita niya ang hitsura nito.
"Tita... Doms will be going
home na... He doesn't feel well..." Ang sweet na sweet na sambit naman ni
Megan Young sa Museum Head at kaagad niyang sinenyasan itong si Doms na
umeskapo na.
"He can go home naman...
Right..." Ang sambit ulit ni Megan Young na tinunguhan na lamang ng boss
ni Doms.
"Thank you..." Ang
mahina't nahihiyang sambit na lamang ni Doms kay Megan Young bago siya tuluyan
ng lumabas sa CR ng mga girls.
...
...
...
Habang nasa biyahe papauwi'y
pinagnilay-nilayan ni Doms ang mga sinabi sa kaniya kanina ni Megan Young...
Lalong naGuilty itong si Doms nang
wala talaga siyang naalala ni kahit minsan na nakinig siya kay Doc Racky...
Alam ni Doms na malaki ang
kaniyang nagawang pagkakamali sa relationship niya kay Doc Racky pero he
doesn't have the guts pa din kung i-a-approach niya ba ito or hindi...
*******4:00 pm*******
Bago umalis ay inakyat muna ni
Mommy Juliet itong si Doms sa room nito...
"Come in..." ang sambit
na lamang ni Doms nang marinig niya ang pagtawag ng kaniyang Mom ouside his
door.
"Baka ma-Late kami sa
pag-uwi... May Wedding kaming pupuntahan... Kasama ang Tita Lui mo..." Ang
bilin ni Mommy Juliet sa nakahigang si Doms.
"May food na sa Kitchen...
Ikaw na ang bahala kay Thalia..." Ang dagdag pa ni Mommy Juliet.
"Yes Ma..."
"At tama na ang
pag-iyak..."
"HA... I'M NOT
CRYING..." Ang sambit ni Doms sabay talukbong niya.
"Alam na namin ang iniiyak
mo..."
"It's nothin Ma... I'm just
tired..."
"Hmmm... Eh ano naman ang
explanation ng paglilipat ng bahay ni Doc Racky..."
"WHAAAT..." Ang gulat na
sambulat ni Doms nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Mommy
Juliet.
"Sabi ko na nga ba..."
"What do you know Ma..."
"I don't need to know
everything... Mother knows best...
And halata naman kayo ni Doc Racky
eh...
"... ... ... " Hindi na
nakapagsalita pa itong si Doms dahil sa pagkakabuking niya sa kaniyang Mommy
Juliet.
Wala siyang nakuhang mga sentences
para i-Explain ang kaniyang sarili...
"Nag-aalala ka ba... Don't worry
Doms..." Ang sweet na sweet na sambit ni Mommy Juliet sa kaniyang anak
nang naupo siya sa kama nito't niyakap niya si Dominic.
"Your dad's okay with it...
We love you Doms..." Ang assurance ni Mommy Juliet at alam niyang bothered
itong si Doms.
"Talaga..." Ang hindi
naman makapaniwalang sambit ni Doms.
"Your Dad and Me... When we're
younger..." Ang pagsisimula ni Mommy Juliet upang mapayapa niya itong si
Doms.
"You can't imagine kung gaano
kami kaWild noon... Lahat na ng klase ng tao eh napakisamahan namin... Sa Work
place... sa mga Gimikan noon... Including gays and bisexuals kaya hindi na sila
iba sa amin...
And don't worry Doms... Mahal na
mahal ka namin ng Daddy mo..." Ang sambit muli ni Mommy Juliet habang lalo
pa niyang hinihigpitan ang pagkakaHug niya kay Doms.
"Honey... Ang tagal mo naman
at baka ma-Late tayo sa Ceremony..." Ang biglang sinabi ni Daddy Elvis
nang pumasok ito sa room ni Doms upang iCheck kung bakit hindi pa bumababa
itong si Mommy Juliet.
"Hey Doms... My One and Only
Son... Okay ka na ba..." Ang nakangiting sambit naman ni Daddy Elvis kay
Doms.
NapaSmile na din itong si Doms
kasabay ng pagtulo muli ng kaniyang mga luha...
"Thanks Ma... Pa..." Ang
nasambit na lamang ni Doms ng niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang Parents.
"Here..." Ang next na
sinabi ni Daddy Elvis sabay bigay niya ng CD ng The Carpenters Gold kay
Dominic.
"Anong gagawin ko dito..."
Tanong naman kaagad ni Doms.
"Hindi kami makapagbigay ng
payo sa Love Problem mo pero It will Help..." Ang nakaSmile na explain
naman ni Daddy Elvis.
"Let their song teach you
something about Love... Yan palagi ang pinakikinggan namin noon ng Dad mo whenever
nagkakaroon kami ng problem in our relationship..." Ang sambit naman ni
Mommy Juliet.
"Paano Doms... Alis na
kami... Ikaw ng bahala kay Thalia ha..." Ang last na sambit ni Daddy Elvis
bago sila tuluyang lumabas na ni Mommy Juliet sa room ni Doms.
NapaSmile na lamang itong si Doms
dahil hindi niya expected ang warm na pagtanggap ng kaniyang mga parents sa
kaniyang sexuality...
"Ang cool talaga nila..."
Ang sambit na lamang ni Doms habang pinatutugtog na niya ang CD ng The
Carpenters Gold.
...
...
...
Hindi na din napigilan ni Doms ang
mapaluha habang tahimik niyang pinakikinggan ang mga kanta ng The Carpenters na
pumupuno sa apat na sulok ng kaniyang room...
...
...
...
In every words...
In every note...
In every tune of each song ng The
Carpenters ay unti-unting naaalala ni Doms ang mga pinagdaan nila ni Doc
Racky...
...
...
...
Nakuha na ni Doms ang sinabi sa
kaniya ng kaniyang Parents at para bang magic na naging malinaw na malinaw na
napagtanto ni Doms ang mga kamalian na nagawa niya sa kanilang relationship ni
Doc Racky...
...
...
...
Ipinikit na lamang ni Doms ang
kaniyang mga mata habang para siyang idinuduyan ng boses ni Karen Carpenter...
Unti-unting napapawi ng boses ni
Karen Carpenter ang kalungkutang nararamdaman ni Doms that time...
Kasabay ng lalo pang paglinaw ng
larawan ni Doc Racky sa kaniyang puso't isipan...
"I don't want to loose
you..." Ang namutawi na lamang kay Doms bago siya tuluyang makatulog habang
nakikinig ng The Carpenters Gold Album.
**************
"SHOOT..." Ang malakas
na naibulalas na lamang ni Doms nang magising siya at makitang 8:30pm na pala.
Nagmamadaling lumabas si Doms ng
kaniyang roomnang maalala niya na lilipat na pala ng bahay itong si Doc
Racky...
Walang kaalam-alam itong si Doms
na nagDecide na pala itong si Doc Racky na lumipat dahil hindi na nito
makayanan pang magstay sa same na village nina Doms at mabuti na lamang ay
nagpaalam ito kanina kina Mommy Juliet and Daddy Elvis...
Pabilis ng pabilis ang pagkabog ng
puso ni Doms habang pababa siya ng hagdanan at talaga namang hindi niya
maiwasang matakot at baka wala na itong si Doc Racky sa bahay...
Tatawagan na sana ni Doms itong si
Doc Racy nang maalala niya itong si Thalia...
"Si Thalia nga pala..."
Ang sambit ni Doms nang akmang lalabas na sana siya ng bahay kaya nama'y
pumasok muna siya sa loob upang iCheck muna ang kanilang Pregnant na Pet.
"Thalia..." Ang pagtawag
ni DOms nang hindi niya nakita sa sofa sa salas ang kanilang matabang Dog.
Kaagad na pumuntang dining room si
DOms at nang hindi niya nakita doon si Thalia'y dumirecho kaagad siya sa
kitchen...
"Dyan ka pa natulog..."
Ang sambit ni Doms nang makita niyang nakahiga si Thalia sa tabi ng kanilang
fridge.
BLAAAAAG!!!
Hinimas-himas muna ni Doms ang
kaniyang balakang dahil napasama ata ang kaniyang pagbagsak dahil sa kaniyang
pagkakadulas...
"DITO KA PA UMIHI..."
Ang naiinis na sambit ni Doms nang maramdaman niyang basa ang kaniyang pinagbagsakan
sa sahig.
"Thalia..." Ang sambit
ni Doms nang hindi nagreact ang kanilang Pet Labrador Golden Retriever.
"HEY... THALIA..." Ang
sambit ni Doms nang nilapitan niya ito't niyugyog upang gisingin.
"OH NO..." Ang malakas
na outburst ni Doms nang makita niyang basang basa din ang kinahihigaan ni
Thalia.
Alam ni Doms na kabuwanan na ni
Thalia kaya nama'y kaagad niyang kinuhang muli ang kaniyang iPhone upang
tawagan ang kaniyang Mommy Juliet...
"THE SUBSCRIBER CANNOT BE
REACH..."
"SHIT..." Ang nagpaPanic
na naiusal na lamang ni Doms habang sinusubukan niyang tawagan naman ang
kanyang Daddy Elvis.
"Hold On Thalia..." Ang
naiiyak na sambit ni Doms nang parehong cannot be reached din ang phone ng
kaniyang Daddy Elvis and Tita Luisa.
"WHAT NOW..." Ang nagpaPanic
pa ding usal ni Doms that time at talaga namang kinakabahan na siya dahil
kitang-kita niya ang malalalim at tila ba nahiirapang paghinga ng walang malay
na si Thalia.
Alam ni Doms na nagBroke na ang
water bag ni Thalia...
***************
Napasimangot bigla itong si Doc
Racky nang biglang tumunog ang kaniyang phone dahil nasa lastna box na siya ng
kaniyang pagpa-Pack ng kaniyang mga gamit sa kaniyang gagawing paglipat...
Lalo pang napasimangot itong si
Doc Racky nang makita niyang kay Doms ang nakaRegister na incoming call sa
kaniyang phone kaya naman ay kaagad niyang ni-Reject ito...
"What the hell..." Ang
bad trip na bad trip na usal muli ni Doc Racky nang tumawag ulit itong si Doms
sa kaniya kaya nama'y kaniya na namang ni-Reject muli ang call ni Doms.
Nag give up na itong si Doc Racky
at talaga namang desperado na siyang makaalis sa village na iyon at talaga
naman kasing nag-e-Expect na siyang hindi na siya kakausapin nitong si Doms...
Akmang papatayin na sana ni Doc
Racky ang kaniyang phone nang biglang tumawag na naman itong si Doms sa kaniya
and this time ay hindi na nakatiis pa itong si Doc RAcky at kaniya itong
sinagot...
"Doms..." Ang walang
ganang pagbati ni Doc Racky sa other line.
"DOC... SI THALIA...
HELP..." Ang nagpapanic at mangiyak-ngiyak na usal ni Doms sa abilang
linya.
"I'll be there..." Ang
nasabi na lamang ni Doc Racky at pagkatapos ay hindi na siya nag-aksaya pa ng mga
sandali at kaagad na niyang pinuntahan sa bahay itong sina Doms and si Thalia.
Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You
To Be Continued
duda na ako sa tanong mo kanina kung nag tatagalog ba si Megan hahahaha
ReplyDeletehay si thalia parin ang dahilan sa pagbabalikan ni domz at ni doc :))
Wala talaga akong idea kanina Kuya PJ :))
DeletehahahA..... ng dahil kay Thalia..... ang malanding si Thalia
ReplyDeleteWhat about Thalia Kuya Partryckjr :)) Papatalo ba naman si Thalia kay Doms :)) Hahaha
Deletewala naman palang binatbat si dom, suko agad sa komprontasyon! naunahan kasi ni doc kaya ayun natameme si doms. kaya ayun, nalaman nya ang mga mali nya. kaya siguro dinaa rumesbak si dom para tapos na ang usapan at sarilinin nlng ang hinanakit nya.
ReplyDeletepataasan ng ihi at pakipot pa kunyare. si thalia lang yata ang magiging daan para magkabati silang bigla.
0309
Isa sa mga magandang gawin Kuya 0309 kapag nag-aaway ang isang couples eh tumahimik ang isa :)) Yan ang pinakamagandang technique :))
DeletePROMISE!!!
Nice chapter a lot of self-assessments and realizations. People, in any kind of relationship needs to know these lessons. Communication is the key to make everything work.
ReplyDelete(Extra na naman si Mam Silvs) hehehe kakamiss din si Joey Boy.
napalitan ko na :)) isang beses ko lang ulit nailagay M.Stan :))
Deletegusto ko ding sabihin na 'Listening' is another one na makakapangalaga sa relationship ng isang couple :))
A very nice piece of work! Di talaga kumukupas. Looking forward for more quality, drifting, overwheming and naughty stories Kuya Ponse. Nga pala, bkit wala nang update sa stories mo sa pinoydaddies? Hope you can continue and end your stories there. It's the other side of you, the most naughty part of you...hehehe...thanks
ReplyDeleteAbout kay Bambino Kuyang Anon eh iniiba ko ang Ending :)) Hopefully eh makapag Update ako bago matapos ang 2013 :)) I'll try :))
DeleteManganganak na my favorite girl! Awwwww. Akin yung isa! Hahahaha.:))
ReplyDeleteHemingway, tama ka dun sa dapat hindi sumabay kapag may galit na galit na isa sa relationship. Ang kulang lang sa magjowang Doms at Racky eh pagpapakumbaba at determnination to fight for the relationship. Tumiklop pareho after the fight eh. At fisrt, husto ni Doc Racky ba kausapin si Doma pero he gave up nung lagi siyan nire-reject. Si Doms naiintindihan mo kasi first relasyon niya eh. I get na sa isang major fight, pakiramdam niya tapos na lalo na at kasalanan niya. Very me before. Hahahahaha.:))
At nakaktatuwa naman si Megan. Umeksena talaga.
Can't wait for the finale!
Eh di happy sayo ang Partner mo Ngayon Friend Rico??? :))
DeleteGanda talaga ng participation ni Thalia hahahahaha...love it !!
ReplyDeleteLast na pla sa susunod ang bilis naman
Pahinga ko lang kasi ang Story na ito Kuya Raffy :)) I just like to discuss yung kalimitang typical problem ng isang couples na minsan eh hindi napapansin kaagad until malala na pala :))
DeleteI love Thalia na talaga , ang lakas ng kapit ky Doc Racky ... Dahil ayaw nyang paghiwalayin ung dalawa ...
ReplyDeleteAkin isang anak ni Thalia Neng ha .. 😃
solomoch ng madai sa update .. Muahh
Siempre naman at isa kang Mayamang Ninang Ate Joy :))
DeleteSo mukang si Thalia din magiging dahilan para magka ayus na yung dalawa :) Thalia and her baby hehe
ReplyDeleteLapit na finale Kuyaaaa!lapit na din pasko..gift ko Kuya Ponse alam mo na yun ;)
Thanks Kuya Ponse :)
So mukang si Thalia magiging dahilan para magka ayus yung dalawa :) Thalia and her baby hehe
ReplyDeleteLapit na finale Kuyaaaa!yung gift ko Kuya Ponse alam mo na ;)
Thanks Kuya Ponse :)
At salamat kay Megan Young natauhan si Doms haha!
ReplyDeleteDi ba hindi papahuli si Thalia noong nasa Batangas sila :)) Hahaha!
DeleteHahaha!naka bull's eye agad ihh :D
Deleteevery chapter makes me feel good... this is timeless.. laging nangyayari.. nice piece of work ponse!
ReplyDelete-arejay kerisawa
NAngyari na ba yang ganyan sa inyo ni Doc Kuya Arejay ??? :))
DeleteThanks kuya ponse..mwahh@!
ReplyDeleteSalamuch din Kuya Vhin :)) God Bless!!!
Deletethank you kuya ponse!! ive been dying to read this chapter!!!
ReplyDeleteNatagal na kitang di nakakaPM Andy :)) Paramdam ka naman sa FB :))
Deletemusta na kuya ponse... huwaaahhh next chapter na.....
ReplyDelete