Followers

Wednesday, December 18, 2013

Nightmare Love 3


Author’s note:

Guys, eto na po yung chapter 3 ko pinahaba ko po ito para sa inyo hahaha
Maraming salamat sa mga nagpost sa chapter 2 ng aking story sobrang na-appreciate ko po yun ng sobra-sobra.. kaya madami pa rin akong iniwan na mga katanungan diyan hahaha

Maraming salamat kay Kuya Mike at kay Pose for letting me post my first story in my blog lalo na kay Ponse na walang sawa na tumutulong sa akin.. bayaan mo makakabawi din ako sa pick-up mo sa akin hahaha!

Eto na po yung chapter 3 maraming salaMUCH sa mga magbabasa J
Disclaimer:

I do not own the images above. It’s only a representation for my story. Anyone complain about this image will instantly REMOVED. Thank you.

Note:

This is a true to life story. The person I interviewed is my basis of the story. It’s his story, a real story; the names used in this story are only screen names for his protection and security. I only change some of his story to make the flow better. I need RESPECT and try to understand and discover learnings about his life of love J thank you. I need your comments J



Nightmare Love: Challenges for me

Chapter 3

Jm's POV

     Pagkatapos ko naman gawin ang aking assignment ay agad akong lumabas ng library.  
Palabas na sana ako ng campus nang makita ko si Kirby may kasama siyang mga lalake na sa  
tantya ko hindi sikat at nagulat lalo ako ng tignan naman ako nila ng masama.


     "Hoy", maangas na tawag sa akin ni Kirby kasama nito ang kaibigan niya


     "Ba-bakit?", ang nauutal kong sagot


     "Pwede bang layuan mo si Krisha", maangas niya pa ring tugon


     "Ba-bakit na-naman?", utal-utal kong sabi


     "Wala ka na dun ok! basta lumayo-layo ka kay Krisha", ang pagbabanta niya na may  
maangas na tono sa kaniyang boses


     "Pwede ba yun? bestfriend ko siya eh, hindi naman pwede na layuan ko siya ng bigla- 
bigla at tsaka ilang taon din kami na hindi nagkita kaya namiss namin ang isa't-isa", ang  
sagot ko na lang sa kanya


     "Yun na nga yun eh, hirap mo din intindihin eh.. alam mo naman na kami ni Krisha di  
ba? kaya wag ka nang umeksena ha! At hinding-hindi mangyayari na magiging kayo ni Krisha",  
maangas niyang sabi


     Muntikan na akong matawa sa harap niya. Pano ba naman, pinagseselosan niya ako kay  
Krisha. My Gawd! Kung alam mo lang na tagilid ako malamang hindi mo ako pagseselosan pero  
bubugbugin mo naman. Kaya ang ginawa ko ay ang tumango bilang pagsang-ayon


     "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo.. Sa oras na malaman kong nakaaligid ka kay  
Krisha,.. talagang patay ka sa amin", pagbabanta pa nito


     "O-Ok", pagtugon ko


     Umalis na ang magkakabarkada kaya nagmadali akong umuwi sa aming bahay pero pasakay pa  
lang ako ng jeep nang makita ko si Krisha sa may kabilang kanto at kumakaway-kaway sa akin,  
syempre sa kabila ng pagbabanta sa akin ni Kirby ay nginitian ko naman siya. Pagbaling ko  
sa kaliwa ni Krisha ay nakita ko ang isang Kirby na nagliliyab ang mata sa pagtingin sa  
akin kaya dali-dali naman akong nagmadaling sumakay ng jeep pauwi sa amin.


     "Jm, kamusta pasok mo ngayon", ang sabi sa akin ni Nikko nang nagtatrabaho na kami sa  
bar ngayon


     "Ok lang naman, bakit mo naman naitanong", ang sagot ko na lang sa kanya


     "Wala lang baka kasi nabubully ka na dun", ang sagot niya


     "Parang na hindi?", di siguradong sabi ko


     "Ha?! bakit inaano ka dun? sabihin mo! Gugulpihin ko talaga! sabihin mo", ang  
paghihisterikal ni Nikko


     "Eto naman, kumalma ka nga muna, ganito kasi yun, naging classmate ko yung bestfriend  
ko nung bata ako sa probinsya tapos pinakilala niya sa akin yung boyfriend niya tapos ayun  
bigla na lang siyang nagselos at pinagbabantaan ako ng kung anu-ano", pagkwento ko kay  
Nikko


     "mag-iingat ka dun ah, naku sabihin mo lang pag inano ka nila dun ah", sabi naman niya


     "Naku kung may magagawa ka sa kanila haha!", pang-aasar ko at humagalpak ng tawa


     "Oy, may muscles na rin ako ah, bilang na lang sa daliri ko yung araw na magkaka- 
muscles na akong talaga", ang asar na pahayag niya sa akin


     "Hehe, joke lang naman yun. Tara na nga umuwi na tayo", ang yaya ko, tumango naman  
siya bilang pagsang-ayon


     Kinabukasan ay ganun pa rin ang napaniginipan ko. Yung tawanan, yung salamin at yung  
repleksyon ko, hindi ko alam kung bakit ganun yung napapanaginipan ko, basta paullit-ulit  
pero sa tuwing gigising naman ako ay iilan lang ang naalala ko.


     "BBLLLLAAAGGG...!!", ang tama ng bola sa aking ulo nang nasa park ako nagrereview sa  
mga lessons ko mamaya


     "Aray ko! Sino ba naman ang may-ari nitong bola?", inis kong sabi sa sarili at  
hinawakan ang bola ng madiin


     "Ako may-ari niyan bakit?", ang maangas na narinig kong tugon mula sa aking  
pagsasalita


     Agad ko naman nilingon kung sino mang lalake ang nagsalita nun tanging nakita ko lang  
ay isang kinababaliwan ng isang Jelay, yung Mike ba yung pangalan? yung sikat ata?..


     "Ikaw may-ari nitong bola?", ang inis kong sabi sa kanya


     "Oo bakit?", maangas niyang tugon


     Aba! Hindi lang 'to suplado, maangas pa... magsama nga sila ni Kirby parehas nga  
silang sikat, mga masasama ugali!


     Binato ko ang bola niya sa fountain, wala akong paki kung magalit siya sa akin. Aba!  
Masakit din kaya ang tamaan ng bola, ligaw na bola!


     "Bakit mo naman binato dun?! Kainis naman oh!", ang inis niyang turan sa akin


     "Eh masakit kaya ang tamaan ng bola", inis ko ring turan


     "Alam mo naman pala eh, bakit di ka umiwas?", inis niyang sabi


     "Aba! Malay ko naman kung dito babagsak ang bola noh! Uso naman kasing magsorry agad",  
inis kong ring sabi


     "Eh binato mo sa may fountain yung bola ko! tapos gusto mo ako pa ang mag-sorry? ayos  
ka din noh? chicks ka!", inis niyang tugon


     "Aba! ako na nga 'tong tinamaan ng bola tapos wala ka pang ganang magsorry, ayos din  
noh!", insi kong sabi sa kanya


     "Hindi mo ba ako kilala ha? masyado kang matapang ah, pwede ba, kunin mo yung bola",  
utos niya sa akin


     "Aba, ikaw na nga yung namerwisyo tapos may gana ka pang mang-utos! ayos din noh!",  
inis kong sagot sa kanya


     "Ikaw ang nagbato ng bola d'yan sa fountain eh", inis niyang sabi


     "Kukunin ko yang bola, basta magsorry ka muna, aba ikaw kaya ang tamaan ng bola", inis  
kong sabi sa kanya


     "Sobra yan ah.. at tsaka wala sa bokabularyo ko ang salitang sorry", ang mayabang  
niyang sagot


     "Ok", tanging sagot ko at umalis sa harapan niya


     Madali lang naman akong kausap pero nakakainis eh, ikaw na nga yung tinamaan tapos  
wala pa siyang ganang magsorry, aba! napaka-spoiled naman niya di porket sikat siya!


     "Hindi mo kilala kung ino kinakalaban mo!", ang rinig kong sabi niya sa akin


     Nilingon ko naman siya at kita sa kanya ang pilyong ngiti niya. Ewan ko pero,  
kinabahan ako sa kanyang sinabi.


     Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pumasok sa room na ayon sa aking registration  
form. Pagpasok ko naman ay nakita kong nakasimangot ang lahat sa akin. Di ko alam kung  
bakit sila nakasimangot sa akin. Uupo na sana ako nang may lumapit sa aking tatlong babae


     "Hey, anong kakapalan ng mukha ang ginawa mo kay papa Mike?", ang pagmamaldita sa akin  
ng babae


     "Hindi ko alam yung sinasabi mo", ang saad ko


     "Aba, sinungaling ka rin noh? Kitang-kita kaya namin na sinasagot-sagot mo si papa  
Mike", ang sabi naman ng isa


     "Eh, kung kayo kaya tamaan ng bola tapos malakas pa ang bato sa'yo, hindi pa ba kayo  
maiinis?", ang saad ko sa kanila


     "Aba! Kasalanan mo yan! haharang-harang ka kasi sa dadaanan eh!", ang sagot ng kasama  
nila


     "Pwede ba tantanan niyo ako, kung gusto niyo.. lalayuan ko yang papa Mike niyo,  
tantanan niyo ako Ok?", ang sabi ko


     Hindi sila sumagot sa halip ay nilampasan lang nila ako. Sa bawat lampas nila ay  
binubunggo nila ako, ayos din eh noh?


     "Psstt", tawag sa akin ng isang babae


     "Ah..eh.. ba-bakit?", ang usal ko


     "Dito ka na sa tabi ko ka umupo, ok lang sa akin", ang sabi naman niya


     Walang pasabi-sabing umupo agad ako sa kanyang tabi.


     "Ako nga pala si Jm, salamat sa alok ah", ang aking pagpapakilala at pagpapasalamat


     "Ok lang yun, ako nga pala si Eunice, so bago ka lang ba dito?", ang tanong niya sa  
akin


     "Ah, oo eh.. ba-bakit ba?", ang tanong ko naman sa kanya


     "Pagpasensyahan mo na yung tatlong babae kanina ah, palibhasa, mga patay na patay kay  
Mike kaya ayun", ang sabi niya


     "Teka nga, bakit ba naging sikat sila, nakakainis naman eh", ang sabi ko. Bahagya  
naman siyang tumawa


     "Ok, ganito kasi yun, yung sikat na sinasabi mo, kaya kasi naging sikat sila kasi yung  
pamilya nila ang sponsor ng campus na 'to, pati nga yung mga scholar sila rin yung nag- 
sponsor eh", ang sagot niya


     Nagulat naman ako, so ibig sabihin, sila este ang pamilya nila ang nagpapaaral sa  
akin, nahiya naman ako bigla.


     "So scholar ka rin dito? halata kasi sa itsura mo eh", ang sabi niya sa akin


     "Nakakahiya kasi yung ginawa ko kay Mike eh", ang nahihiyang sabi ko kay Eunice


     "Ok lang yun, alam mo naman ngayon yung lugar mo di ba?", ang sabi niya sa akin


     "Oo alam ko na", nahihiya ko pa ring sabi sa kanya


     "Ok lang yun, scholar kasi ako dito eh", ang sagot niya


     "Pareho tayo", ang sagot ko sa kanya


     "Hayaan mo na yung nagawa mo kanina ah, tantanan mo na si Mike para tantanan ka na rin  
nila", ang sabi niya sa akin, tumango naman ako bilang "Oo" ang sagot


     Sasagot na sana ako nang makita ko si Mike na papasok sa aming room, te-teka classmate  
ko ba siya? Wag naman sana


     "Classmate natin siya, anong gagawin mo?", rinig kong tanong ni Eunice sa akin


     "Ewan ko, bahala na", ang nasabi ko na lang


     Napansin ko naman ang pagtitig sa akin ni Mike, nang makita niyang nakatingin ako sa  
kanya, ay binigyan niya ako ng isang nakakalokong tingin. Kinabahan naman ako, mas lalo  
akong kinabahan nang palapit siya sa akin.


     "Hindi pa tayo tapos!", ang pananakot niya sa akin


     "So-sorry", ang nasabi ko


     "So alam mo na pala kung sino ako?", ang pagmamayabang niyang sabi


     "So-sorry", naulit kong sabi


     "Hin-di pa ta-yo ta-pos!", ang dinahan-dahan naman niyang sabi


     Hindi ako makasagot, ramdam ko naman ang pagtagatak ng pawis ko dahil sa kaba. Grabe,  
pamilya pala nila ang nagbigay sa aking ng scholar. Nakakahiya talaga sa akin


     Natapos naman ang klase namin nang hindi makapag-concentrate sa lessons dahil ramdam  
ko ang pagtitig minsan sa akin ni Mike. Paglabas ko naman ng room..


     "Hindi pa tayo tapos ah...!!",  ang nang-aasar niyang usal, natahimik naman ako


     Naramdaman ko na lang na nakaalis na siya, kaya dali-dali naman akong bumaba pababa ng  
hagdan. Pababa na sana ako nang makita ko si Richard... mukhang nakangiti ang gago..


     "Oh nakangiti ka d'yan?", ang nagtatakang sabi ko kay Richard


     "We will have a practice game tomorrow, kalaban natin ang team D, kaya wag kang  
mawawala ah", ang paalala niya sa akin


     "Eh.. te-teka akala ko ba sa friday or sa next week pa, bakit napaaga naman ata?", ang  
nasabi ko sa kanya


     "Syempre ako pa, tsaka gusto kong makita kung pano ka maglaro kaya, galingan mo ah",  
ang turan niya, napabuntong hininga naman ako


     "Kinakabahan?", ang natatawang tanong niya sa akin


     "Loko, hindi naman, uuwi na ako, bahala na bukas", ang nasabi ko sa kanya


     "Wag ka nang magdala ng damit bukas, pinagawa na kita", ang balita niya sa amin, ngiti  
naman ang sukli ko sa kanya


     "Sige na umuwi ka na", ang sabi niya kaya walang anu-ano'y tumakbo agad ako pauwi.


     Pag-uwi ko naman ng bahay ay naabutan ko ang Itay na natutulog, wala pa si Inay,  
marahil nasa trabaho pa. Napangiti naman ako sa aking Itay na natutulog ng mahimbing.  
Lumapit ako sa kanya at binigyan ng isang halik.


     "Pagod ang Itay ko ah, bayaan mo tay, ipagluluto kita ng pagkain", ang bulong ko sa  
Itay


     Pumasok naman ako ng kwarto para magbihis. Pero muli, naalala ko na naman ang aking  
nakaraan. Ang aking paghihintay. Ang pagmamahal ko sa kanya. Ang walang sawang pagiyak ko  
sa kanya. Ang taong nagngangalang Rain. Kailan ka ba babalik? Siguro naman tama na ang haba  
ng panahon ng pag-aantay sa'yo pero sinu ang magpapaibig sa akin gayong wala pa naman ang  
nakakaalam sa aking pagkatao.


     Kinabukasan gaya ng sabi ni Richard ay hindi na nga akong nagdala ng damit. Agad naman  
akong pumasok sa aking klase at agad nagseryoso sa pag-aaral. Kahit na sumasali sa mga  
activities dito sa school, ay kelangan wag kong pabayaan ang aking pag-aaral.


     "Oh, kala ko hindi ka na pupunta eh...", ang sabi ni Richard nang makita niya akong  
papalapit sa kanya


     "Hehe, medyo kinakabahan na nga ako eh", ang naisagot ko sa kanya, ngiti lang ang  
natanggap ko sa kaniya


     Kahit na mahusay ako sa pagbaabsketball, ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga  
makakalaban ko, ang tatangkad mga 5'11 siguro ang tangkad nila pero gaya nga ng sabi sa  
akin ni Jorge, hindi sa tangkad nababase ang paglalaro sa basketball kundi sa taktika na  
ginagamit mo.


     "Half quarter na kita ipapasok ah", ang rinig kong sabi ni Richard sa akin, umoo na  
lang ako sa kanya.


     Natapos ang half quarter na makita ko ang scores namin. Team namin ay 39 points  
samantalang ang kalaban ay 58 points. Malaki ang lamang, kinabahan ako, ang pinakamatangkad  
lang sa amin ay 5'9 lang eh ako, 5'4 lang.


     "Point Guard ang position mo ah", ang rinig kong sabi ni Richard sa akin


     "Hala ka, wag naman, hindi naman ako magaling sa basketball eh", ang kinakabahang  
turan ko


     "May tiwala ako sa'yo Jm, kaya mo yan.. Hindi ako pumasok ng Court para makita ko ang  
galing mo.. kaya cheer up na", ang pagpapalakas loob niya sa akin


     Pagkapasok ko naman ng court ay napansin kong natatawa sa akin ang kalaban, hindi lang  
sila pati yung kakampi ko natatawa din, Hindi pa nga sila titigil kung hindi pa sila  
susuwayin ni Richard eh


     "Ang liit mo naman para sa Point Guard", ang pang-aasar sa akin ng kalaban na Point  
Guard din, mas matangkad siya sa akin


     Nagsimula na ang game. Hawak ko ang bola, agad namang lumapit ang magbabantay sa akin  
na natatawa-tawa pa.. aba! nang-aasar ba 'to? sampulan ko nga!


     I accelerated my feet across him ng walang nakakapansin, hindi na lang nila nakita  
nakalampas na ako sa kanya. Siyempre ramdam ko ang pagsunod niya sa akin... malapit na ako  
sa ring ng court nang nakabantay ang 2 center nila. Wala anu-ano'y nakipagsabayan ako sa  
kanila na tumalon. Imbes na sa harapan nila ako magshu-shoot ay ginawa ko sa ibang  
dereksyon ang bola nang nakatingin pa rin sa dalawang sentro. Pinasa ko ang bola sa taong  
walang bantay..


     Pagkapasa ko pa nga ng bola nagulat na lang siya dahil na sa kanya ang bola.. Walang  
anu-ano'y nagshoot naman siya ng bola, at shoot nga 3 points..!!


     Yan ako, ang galing ko, hindi naman sa pagmamayabang pero ganyan ako maglaro, gumamit  
ng taktika hindi lakas. Pansin ko naman ang pagnganga nila, kita ko rin na nakanganga rin  
si Richard. Hala, magaling ba masyado? hahaha!


     Sa pagpapatuloy ng laro ay ganun ang ginawa ko. Natapos ang game nang 152 points kami  
at 63 points lang ang kalaban. Ayun nga, hinagis-hagis pa ako ng ka-teammate ko, ganundin  
si Richard na nakikihagis din. Pagkatapos naman ng laro...


     "Jm! Gahalimaw ka naman sa paglalaro ng basketball pang-NBA ang style mo, himala nga  
eh, may bakla palang magaling sa larong ito", ang masayang-masaya na sabi ni Richard sa ain


     "Loko! Hindi naman ako ganun kabakla noh!", ang turan ako at tinulak siya ng mahina


     "Hahaha! Pero ang galing mo talaga, pwera biro, sumali ka na sa amin ah", ang  
natatawang sabi niya sa akin


     "Salamat", ang nausal ako at nagsimulang kaming maglakad na tatawa-tawa









Mike's POV

     Ako si Mike, ang kinikilalang pinaka- campus crush ng buong school namin, actually  
apat nga kami eh, hindi ko na sila papakilala kasi alam niyo naman kung sinu-sino sila. May  
girlfriend akong tao at loyal ako sa kanya. Ewan ko nga kung Loyal siya sa akin. Spoiled  
akong tao kaya nga nakukuha ko ang gusto ko eh. May kapatid ding lalake. Sabi nga ng iba ay  
suplado ako at syempre totoo yun dahil sa sabi ng girfriend ko at nagseselos daw siya kung  
may kalantari daw akong ibang babae.


     Naglalaro ako sa park nang may makita akong nagrereview, walang anu-ano'y binato ko  
siya ng bola. Kita ko naman na natamaan siya, natawa naman ako. At dun nga kaming  
nagbangayan at alam niyo na yung ibang kwento.


     Kinilala ko siyang maigi, siya pala si Jm. Transferee daw siya dito at scholar ng  
magulang ni Kenji. Nagulat nga ako nung nagsalita siya, babaeng-babae kala mo dalaga eh  
pero kung mag-ayos, mas lalake pa sa akin eh. Pero wala naman akong paki dun at ang plano  
ko lang sa kanya ay i-bully ko siya.


     "Pre alam mo na ba yung balita?", ang kwento sa akin ni Rj


     "Hinde eh, anu ba yun?", ang tanong ko sa kanya


     "Tambak daw ang team D ng halos lagpas ng kalahati", ang sabi niya sa akin. Nagulat  
naman ako, himala yun ah


     "Eh magkasing galing daw yun ah, bakit umimprove ang laro nila?", ang nagtatakang  
tanong niya sa akin


     "Ewan ko pre pero bali-balita daw may bago daw silang member at sa tingin ko siya yung  
dahilan kung bakit ganun ang standings nila", ang sabi ni Rj


     Hindi na ako sumagot sa halip ay nagmadaling lumabas ng compound na tambayan namin at  
hinanap kung sino ang misteryosong lalakeng iyon. Ayaw kong may makalagpas sa aking galing  
pagdating sa basketball.


     Naging taliwas ang aking paghahanap ng makita ko si Richard kasama yung lalakeng dapat  
sana ay ibubully ko, si Jm. Mukhang close sila kung titignan. Napansin ko naman ang  
pagngiti ni Jm parang mahuhulog ka sa kanya, ang pula ng labi tapos yung pisngi ang sarap  
pisilin teka?! Tigilin mo nga 'to Mike! Hindi ako bakla! Nagulat nga ako nang nakasuot ng  
pang-basketball si Jm, siya ba yung bago nilang miyembro?









Jm's POV

     Salamat nakahinga na rin ng maluwag akala ko pa naman na matatalo ang team namin pero  
thanks to me at nanalo kami.


     "Oh anak ba't pawis na pawis ka?", alalang sabi ng Inay sa akin nang umuwi ako galing  
eskwelahan


     "Nakauwi na pala kayo nay", ang sabi ko nang makita ang Inay


     "Wag mong ibahin ang usapan, ba't ka pawis na pawis", ang seryosong sabi naman ng Inay  
sa akin. Nakita ko naman ang Itay na lumabas ng kwarto at nag-aantay sa isasagot ko


     "Ano ba naman kayo nay, wala 'to eh kasi nga yung classmate ko niyaya akong sumali sa  
basketball team niya kaya ayun, napasabak kaagad nga ako sa laban eh tapos binigyan pa ako  
ng partida.. pinatambak niya yung team namin kasi daw malaki daw ang tiwala niya sa akin  
pero ayun..", ang hindi natapos na nasabi dahil naghisterikal na naman ang Itay


     "Talaga nak? sumali ka sa basketball? Naku nakakatuwa naman kung magiging lalake ka..  
tiyak magkakaroon ako ng apo niyan", ang tuwang sabi ng Itay sa akin


     "Itay talaga, sumali lang ako pero hindi ko sinabing magpapakalalake ako hahaha!",  
pang-aasar ko


     "Ok lang yun ito talaga, binibiro ka lang namin..", natatawang sambit ng Itay sa akin


     "Oh akala ko pa naman kung ano na... tara na kumain na tayo", ang singit naman ng Inay  
sa aming usapan


     Kumain kami sa hapag syempre sa pangunguna ng Itay, masaya kaming nagkekwentuhan at  
sana nga palaging ganito ang pamilya namin, yung walang problemang nadating. Para sa  
kanila, nagtyatyaga akong magsipag sa pag-aaral, para sa kanila ay nagtatrabaho ako at  
syempre dahil sa magulang ko sila kelangan kong magpakatatag kahit na nahihirapan na ako.


     Agad naman akong nakatulog dahil na rin sa pagod. Nagising na lang ako sa tapik ng  
aking Inay, sabi niya magbihis na daw ako at baka ma-late ako sa trabaho. Agad naman akong  
lumabas at nagbihis para sa trabaho ko mamaya. Ikekwento ko na lang kay Nikko yung nangyari  
sa akin kanina mamayang pagdating ko


     "Talaga? naks, MVP na.. ikaw na!", ang komento ni Nikko nang ma-kwento ko sa kaniya  
ang nangyari sa akin


     "MVP agad? beginner pa lang ako noh!", natatawang sabi ko


     "Pero papunta na rin yun dun hahaha!", pagbibiro niya


     Habang nag-uusap kami ni Nikko ay nahagilap ng aking mata ang isang lalake. Anong  
ginagawa niya dito? Nakita kong ang pagkagulat niya nang makita niya rin akong nagtatrabaho  
dito. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya...


     "Uy, mukhang may nainlove sa iyo ah..", pagbibiro ni Nikko


     "Loko, kilala ko siya, classmate ko kasi siya sa isa kong subject", paliwanag ko


     "Sige na lapitan mo na", ang sabi niya


     Kahit na nagdadawalang isip ako, ay nagpasya naman akong lumapit sa kanya para hindi  
kabastusan ang ginagawa ko. Pagkalapit ko naman sa kaniya ay agad niya akong nginitian...


     "Sir.. an-anong order niyo?", utal-utal kong sabi sa lalake


     "Wala, umupo ka muna dito",  ang sabi naman niya


     "Sir bawal po eh... kelangan na po ninyong magorder kasi maraming nag-aantay", ang  
sabi ko


     "Sus, umupo ka kaya muna", ang mabokang sabi niya


     Nagulat na lang ako nang hatakin niya ako paupo. Hindi ko talaga ang pakiramdam pero  
ang lakas ng kabog ng puso ko sa twing nakikita ko siya. Parang kilala ko kasi siya eh..  
kasi nga sikat siya kaya kilala ko siya pero hindi ko naman tanda ang pangalan niya


     "Kilala mo pa ba ako?", tanong niya sa akin


     "Hi-hindi ko po matandaan sir eh, pasensya na", nahihiyang sabi ko


     "Wag mo na akong tawagin sir, Kenji na lang ang itawag mo sa akin", ang pagpupumilit  
niya


     "Sige po sir... este Kenji", ang nasabi ko


     "Good!", ang natatawang sabi niya sa akin


     "A-ano po bang pag-uusapan natin?", ang kinakabahang sabi ko


     "Easy lang, wag kang kabahan, at tsaka wag mo nga akong i-PO ah, bata pa ako", ang  
sabi niya


     "Ah..eh.. hindi kasi ako sanay eh.. kasi nga po nung una kitang nakita ay tahimik ka  
lang tapos natutulog ka pa sa library.", ang paliwanag ko


     "Ah hehe.. Sorry ah, ganun akong tao pero nung nakita kita parang kilala kasi kita  
eh.. sorry ah pero yun kasi yung nararamdaman ko.. kilala kita pero hindi ko matandaan kung  
saan", ang sabi niya


     Tignan mo nga naman, pareho lang kami na parang kilala ang isa't-isa pero hindi  
matadaan kung saan, parang may amnesia kami eh..


     "Ako ri-rin po..", ang sabi ko


     "Sabing wag na mag-PO eh", ang inis niyang sabi


     "Sorry po.. este sorry", ang nahihiyang sambit ko


     "Ok lang.. kumalma ka, alam kong kilala mo ako dahil sikat ako pero.. please lang  
pwede bang makilala kita kasi parang kilala kita eh..", ang sabi naman niya


     "O-ok, ako nga pala si Jm", pagpapakilala ko, sandali lang siyang nag-isip ng malalim


     "Oh?", ang lumabas sa bibig niya


     "Sige na, kita na lang tayo sa school bukas", ang sabi ko, pagtayo ko naman ay siya  
namang..


     "Friends na ba tayo?", ang sabi niya


     "Oo naman, sino ba naman ako para tumanggi..", ang sabi ko, ngumiti naman siya sa akin


     Nang makita ko namang siya na nakangiti ay hindi ko maiwasan na may maalala.. hindi ko  
alam pero may naalala ako sa ngiting iyon, hayss baka nag-iilusyon lang ako.


     "Kamusta date?", tanong ni Nikko sa akin


     "Loko! Date daw? hindi noh!", ang sagot ko


     "Eh bakit ka kinausap?", tanong pa niya


     "Nakikipagkaibigan lang yun, kasi nga classmates kami, hindi naman kasi kami close nun  
sa school eh", ang sabi ko


     "Eh papunta na rin yun sa ka-ibigan hahaha!", pang-aasar niya


     "Loko! Straight yun..", ang nasabi ko


     "Basted ka na pala", ang pang-aasar niya pa lalo


     "Ikaw hindi ka titigil hangga't hindi ako naasar noh!", ang inis kong sabi sa kanya


     "Naman!", ang nakangiting sabi niya


     Natapos naman ang trabaho namin, pagkalabas namin ay nagulat kami nang...


     "Pwede na bang ihatid na kita?", ang alok sa akin ng isang lalake, si Kenji


     "Kenji! Bakit hindi ka pa umuuwi?", ang sermon ko sa kanya


     "Pasensya na ah, mauuna na ako sa inyo, mukhang may date ka pa pala Jm", pang-aasar sa  
akin ni Nikko at nagmadaling tumakbo


     "Pwede ba? at tsaka madaling araw na oh", ang nag-aalalang sabi ni Kenji sa akin


     "Ah..e.. hi-hindi na.. mauna ka na.. kilala ko naman dito ang holdapers eh", pagbibiro  
ko napansin ko naman na tumawa siya


     "Ahaha! Sumabay ka na kasi sa akin", ang sabi niya


     "Hindi na nga.. ikaw nga ang dapat mag-ingat eh.. kasi nga hindi mo alam dito.. hala!  
sumakay ka na! uuwi na ako", ang sabi ko


     "Ihaha..", ang sabi niya kaso cinut ko siya


     "Sabi ng uwi na eh", sabi ko


     "Pero..", sabi pa niya pero cinut ko ulit


     "Wala nang pero pero.. umuwi ka na.. baka mapano ka pa", ang sabi ko


     "Pano ka?", ang sabi niya sa akin


     "Mag-alala wagas? kakakilala pa lang natin eh... seryoso nga ako, kilala ko yung  
holdapers dito kaya safe ako, kaya umuwi ka na pwede", ang sabi ko, wala na siyang nagawa  
kundi ang sumakay ng kotse niya at bumiyahe pauwi sa kanila ng siya lang.


     Nakauwi naman ako ng ligtas sa amin.. pagkauwi ko naman ay ibinagsak ko ang katawan ko  
dahil na rin sa pagod na ako. Kinabukasan, ay maganda ang gising ko pero bigla na lang  
akong kinabahan... ewan ko pero kinakabahan ako ngunit isinantabi ko muna yun.


     Pagkapasok ko naman sa campus ay nakita ko ang mga bulung-bulungan sa akin.. siguro  
alam na nila na naging magkaibigan na kami ni Kenji.. aba! grabe naman sila  
pakikipagkaibigan hindi na pwede? at tsaka si Kenji kaya ang nakipagkaibigan sa akin.


     Ngunit ang bulungan na iniisip ko ay mali pala... Nakita ko ang magkasintahang Kirby  
at Krisha na papunta sa akin.. Ewan ko, nang makita kasi nila ako ay nakita kong nag-aalala  
si Krisha sa akin tapos si Kirby ay matalim ang tingin sa akin... Mas lalo akong nagulat  
nang makalapit sila sa akin.. inambahan ako ni Kirby ng suntok.


     "BABE...!!", suway ni Krisha kay Kirby


     "Hayop ka! Bakla ka pala!", ang galit na sabi ni Kirby sa akin


     What? alam na niyang bakla ako? pano na 'to?

9 comments:

  1. Excited to read the next chapter!! Go jm

    ReplyDelete
  2. AIP... bitin waaaaaa kilan ang nxt update haha anag ganda na......

    ReplyDelete
  3. gumanti ka jm, kalmutin mo si kirby,,,,sana di na patagalin ang update...

    ReplyDelete
  4. next chapter na dear author.... maganda kasi...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. pwede pakibilisan ng update? ang ganda na ng story eh... :)

    ReplyDelete
  6. Ang haba ng hair. Lahat ba cla magkakagusto kay jm?

    -hardname-

    ReplyDelete
  7. whoaaa...ang ganda ng takbo ng story! may aabangan na naman ako dito :)

    ReplyDelete
  8. ang ganda talaga nito keep it up mr. author

    -marC-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails