Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
1 (Umamin Siya, Umamin Ako,Nagka-aminan Kami!) 2 (Out-of-this-World Interrogation) 3 (‘Di Lahat ng RulerStraight, ‘Yung Iba Bendable!) 4 (Pagkabakla at Mga Pundasyon ng Bahay, Anong Connect?) 5 (The Reason I Like you, Naks!) 6 (Naging Kami!) 7 (Ang Limang Kasunduan!) 8 (Ang Kaibigan kong si Chong?) 9 (Ang Birong Hindi Biro, Bow) 10 (Second Monthsary Namin!) 11 (Bawal ang Babe at Honey?) 12 (Salamat, Habanera!) 13 (Ang Request ni Dad) 14 (The Natural Complementaries of Man and Woman, AnoDaw?) 15 (Third Monthsary Namin!) 16 (Ang Pagkidnap kay Chong) 17 (Ang Date saRooftop ng Company Building) 18 (Mga Pangarap at mga Bituin) 19 (Si Carl Alfred Santiago) 20 (Mga Pahiwatig ) 21 (Ang Makapagpapasaya kay Chong) 22 (Si Christopher Santos, Alyas Christie) 23 (Pag-aaway at Pagkakasundo) 24 (Pagkahulog) 25 (Ang Engagement) 26 (Ang Unang Submission Signal) 27 (Tadhana) 28 (Ang Dating Christopher Chong) 29 (Pagtataksil)
--------------------------------------------------------------------------------
Mga Dilemma ng ‘A Dilemma of Love’ 3
- Isang milyon sa mga comments na natanggap ko eh,
ang bagal daw ng takbo ng kwento. Wahahaha! Nadala kayo sa isang milyon
ano. Well, nakakadala talaga. Kasi intentional talaga ang pagiging
mabagal, detalyado, at matagal ng bawat update ng ‘Dilemma’. Joke. ‘Yung
una at pangalawa lang ang sadya. Pero ‘yung akala kong makakaganda ay tila
naging kasiraan ng kwento. Kunsabagay, pwede namang mangyari ‘yun. Ang
lakas mo ang siyang magiging kahinaan mo…XD
Dahil sa makulit ang writer, i-eexplain niya ngayon kung
bakit ganoon ka-elaborate ang ‘Dilemma’.
- Guilty ako na sinulat ko ‘tong ‘Dilemma’ in TV
style. Specifically, Korean TV style. Siguro kasi fascinated talaga ako sa
mga palabas nila na hindi lang basta teledrama, kundi parang pelikula. Ang
daming camera angles, at ang detalyado. ‘Yung tipong ‘yung simpleng pagcontract
ng blood vessels at paglaki ng pores mo sa mukha ay kinukuha sa camera (Joke
uli, tumawa kayo…). Nakita ko sa mga palabas nila ang tunay na essence ng
slow-mo sa eksena, hindi katulad sa mga palabas natin na tadtad ng slow-mo
pati pagkain ng mga bida (Teka parang may ganoon sa ‘Dilemma’ ah…XD).
- Kahit hindi ka na natatawa sa mga kwento ko,
gusto kong sabihin na ‘yun talaga ang gusto kong palabasin, na gusto ko
talagang maging mabagal ang takbo ng kwento. Gusto kong mag-build ng
tension sa pamamagitan ng pagiging mabagal ng kwento. Gusto ko na manamnam
niyo ng mabuti ang bawat salita, at saka niyo marerealize na baliw lang
pala numanamnam sa mga salita XD. Gustong-gusto ko ‘yung ginamit na mga
salita ng isang commenter na ang pangalan ay “Kirk” sa previous chapter,
puno daw ng ‘dangling thoughts’. Precisely. Gusto ko kayong bitinin. Gusto
ko na sa dulo eh tatanungin niyo ang sarili niyo na ‘Anong gustong
palabasin ng hungkag na author nito?’ Babasahin niyo uli, at saka niyo
masasabing, ‘Ah, ganon pala ‘yun. Exaggerated lang ‘yung writer’. XD Gusto
ko ng dangling thoughts, kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin ng
dangling.
Parang mali yata ang intindi ko sa dangling. Sabi ng
thesaurus sa Word, dangling means lifeless and limp. Magkukulong na lang ako sa
freezer…
- Isa rin sa mga dahilan kung bakit ang hahaba ng
chapters ng Dilemma eh dahil sa mga gestures (Hello, James Santillan XD)
ng mga bida na pinapakadescribe ko. Andyan ‘yung magkukrus ‘yung mga braso
ni Chong. Andiyan ‘yung naglikot ang mga mata ni Fonse. Andiyan ‘yung titinging
patagilid si Chong. Andiyan ‘yung susuntukin niyo ‘yung monitor kasi
nakakabwisit ako.
Ginawa ko ‘yun kasi doon nalalaman ni Chong ang nararamdaman
ng mga tao sa paligid niya, at gusto kong makita ng mga gustong bumasa ang mga
nakikita niya. It’s just like I’m telling another story based on their gestures
apart from the ones explicitly written. May mga times rin kasing iba ‘yung ibig
sabihin ng gestures ng tauhan sa sinasabi niya, lalo na si Chong. Kaya ko ginawa
ang Chapter 26 dahil dito. Dapat makita niyo at ni Fonse ang lahat sa mata ni
Chong. At gusto kong magkahint ang mga nagbabasa na kaya ganon ang ginagawa ko
eh dahil may pinapalabas ako, na through gesture, kahit na hindi gestures ng
mga tauhan sa ‘Dilemma’, eh may ibig sabihin.
Nakikita ko ngayong nasa baba mo ang nakakuyom mong palad,
sinasalo nito ang mabigat mong ulo. Ibig sabihin niyan, bored ka na…XD
- Inaamin ko na kahit hindi halatang
napakadefensive ko, minsan na-ooverdo ko siguro talaga. Hindi ko
sasabihing tao lang ako at nagkakamali, kasi ‘yan ang parehong rason kung
bakit mas mataas ‘daw’ tayo sa mga hayop. It will invalidate the
proposition. Kahit planado ko na ‘yung kwento sa simula pa lang, liliko at
liliko pa rin. Siguro nga sumobra, kasi planado. Siguro nakaka-umay nga
talaga. Kumbaga naging crispy pata na ‘yung nilaga, natuyo at nawalan ng
katas. Kaya nga pagkatapos nito sasalain ko uli. I-eedit. ‘Yung 21 pages
gagawin kong 50. Hindi ko pa kasi naeexplore ‘yung mathematical
relationship sa reasoning at intellect ni Chong at ni Fonse. Baka may
bagong equation akong makuha. Brilliant right? XD
---------------------------------------------------------------------
Ikinambiyo ni Alfred ang minamanehong sasakyan sa harap ng
kanilang bahay.
“Manang, pakikuha ‘tong mga plastic…” Bumaba siya na hapo
mula sa magarang sasakyan.
Tinungo niya ang compartment sa likod ng van na puno ng
plastic. Laman nito ay mga bagong damit, bagong sapatos, bagong cellphone.
Lahat ay bago at pawang mamahalin.
Ilang saglit lamang ay ilang mabibigat at nagmamadaling mga
yabag ang narinig niyang papalapit sa kanya. “Manang, paki-ingatan itong kulay
blue na…” Hindi na niya natapos ang kanyang mga salita. Nayukayok siya sa tabi
ng sasakyan, habang dumaloy sa kanyang ilong ang sariwang dugo.
Suntok ni Alfonse ang sumalubong sa kanya.
Sinubukang tumayo ni Alfred mula sa lupa ngunit nabigo siya. Yumukod
si Fonse at siya'y kwinelyuhan. “Putang-ina ka! Ang sama mong makatingin sa
akin kapag kasama ko si Chong. Kulang na lang umapoy ako sa kahihiyan dahil
mali ‘yung ginagawa ko! Tapos malalaman kong gusto mo rin pala siya!” Kinabig
siya ng kaharap palapit. “Gusto mo pa talagang agawin sa akin si Chong ano?
Gago ka!” Muli’y sinuntok ni Fonse ang kakambal.
“Tang-ina ka rin! Ano bang pinagsasabi mo?” Tila lumabo ang
paningin ni Fred. Hinawakan niya ang labi niyang pumutok.
Tila magkaharap sa salamin ang dalawa. Bawat hilatsa ng
kanilang mukha ay walang pinagkaiba, lalo na ang kanilang mga mata. Ang mga
singkit na mata ni Alfred ay nagtatanong. Ang mga singkit na mata ni Alfonse ay
nag-aapoy.
“Magmaang-maangan ka pa! Sagarin mo ako!” Tumayo si Fonse.
Mabibigat ang kanyang bawat hininga. Ang maamo niyang karakas ay naglaho. Tiningnan
lamang niya sa baba si Fred na dumadaing sa sakit. “Alam ko na ‘yung tungkol sa
date niyo TWO YEARS AGO. Nung pinag-usapan niyo kung anong plano niyo sa akin
at nung tinanong mo siya kung paano kayo. Shit ka, nag-enjoy ka ba sa paghawak
sa kamay niya?” Sinipa niya ang kakambal.
Tumayo si Fred. Hindi niya maituwid ang kanyang nananakit na
katawan. Nabakas sa kanyang labi ang isang ngiti kasama ng pagpanaw ng
pagtatanong sa kanyang mga mata. Napalitan ito ng pangungutya.
“May nalalaman ka pang dapat maghiwalay kami ni Chong! Shit
ka! Ang galing mong umarte!”
Ilang tao mula sa mansiyon ang lumabas upang tingnan ang
kaguluhan at dinggin ang sigawan. Maski ang guard sa gate ay tumatakbong
pumunta. “Ser, tama na… ‘Wag po kayong magsakitan…” Si Manang Elsa ay namagitan
na rin. Tinitigan lamang ng ibang katulong ang magkakambal.
Tila nahimasmasan si Fonse sa narinig. Ang kanyang mabibigat
na hininga’y unti-unting gumaan. Ang kanyang nakakuyom na mga palad ay
unti-unting lumuwag. Pumikit siya’t huminga ng malalim.
Inakay ng guwardiya si Fred na paika-ika. Mahigpit ang yakap
niya sa kanyang tiyan. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo. Tinungo nila ang
daan papunta sa pinto ng mansiyon.
Saka dinamba ni Alfred si Alfonse.
“ ‘Yun ba ang ipinuputok ng butsi mo! ‘Yung date namin TWO
YEARS AGO! TWO YEARS AGO!!! Tarantado! ‘Edi nalaman mo ngayong hindi ka naman
talaga mahal ng Chong na ‘yan!” Kinuwelyuhan ni Fred ang kakambal na nakahiga
sa lupa. Mahigpit, puno ng galit. “At sa tingin mo talaga papatulan ko ‘yang
bakla mong shota! Sa tingin mo talaga pumapatol ako sa bakla!”
Nagitla ang lahat sa narinig. Umugong ang bulungan ng mga
katulong sa pintuan. Naaligaga si Manang Elsa sa mga naririnig.
“…Tinukso ko lang ‘yung baklang Chong na ‘yun! Shit! Tumira
ka ba! Bakit mo naisip na gusto ko siya? Huwag mo akong itulad sa’yo, gago ka!”
Nanatiling nakahiga si Alfonse sa malamig na semento, walang ginagawa at tila
walang buhay. Lumuluha ang kanyang mga mata. “…Tiningnan ko lang kung bibigay
sa akin ‘yung baklang hindi bumigay sa’yo! Trip lang ‘yun, laro-laro lang!”
Malamig ang kapaligiran. Malakas ang ihip ng hanging hindi karaniwan
sa buwan ng Abril. Sa sementong kinalulugmukan ni Alfonse ay wala siyang madama
kundi kalungkutan.
“…Eh ‘yung sa inyong dalawa, ano?” Kinabig ni Fred palapit
ang kwelyo ng kakambal. Malayang sumunod ang katawan ni Fonse. “…Anong tawag mo
dun? PAGMAMAHAL? PAG-IBIG? TARANTADO KA! Hindi mo man lang naisip na sa tuwing
nakikipaglandian ka sa baklang ‘yun, ang mukha ko ang nakikita ng mga tao,
nakikita ng mga taong nandidiri at nagagalit sa inyo. Mukha mo at MUKHA KO!!!” Muli’y
dumapo sa mukha ni Fonse ang kamao ni Fred.
Kinuyom na lamang ni Fonse ang kanyang mga kamao. Dama nito ang
magaspang at maduming lupa.
“…Baka naman kasi mamaya, bakla ka na rin? Hindi ba ganoon
daw ‘yun, bakla daw ang nagkakagusto sa bakla! Ano, bakla ka diba? Bakla!
BAKLA!”
“PAPA!”
Matinis ang sigaw na iyon, sigaw ng isang babae. Lahat ng
tao’y napalingon sa pinagmulan noon. Maski si Alfred ay napahinuhod. Nabakas sa
kanyang mukha ang pagkagulat.
Humangos ang mga katulong na takot at gulat. Si Alfred ay
tumayo’t tumungo sa gilid ng gate, malapit sa halamanan. Nanatiling nakahiga si
Alfonse sa sementong daanan, nakatitig sa langit na nakukulapulan ng maitim na
mga ulap.
Ibinaling ni Alfonse ang kanyang lumuluhang mga mata pababa
sa kinaroroonan ng mga tao. Nakita niya ang kanyang amang hawak ng mahigpit ang
dibdib at tila hindi makahinga. Gayon din ang kanyang inang unti-unting nayuyukayok
at nawawalan ng malay-tao.
Tahimik sa loob ng ospital.
Tanging kalmadong yabag lamang ng mga tao ang maririnig, minsa’y
mga aparatong walang kulay at walang buhay. Malimit ay uugong ang pager na
nagtatawag ng mga pangalang hindi kilala ng mga taong aligaga at hindi
mapanatag sa kalagayan ng mga mahal nilang nasa dagok ng kamatayan.
Ganoon ang nadarama ni Alfred.
Minsa’y tatayo siya’t lalakad. Pabalik-balik. Walang pagtigil.
Walang kasiguraduhan.
Malimit ay uupo siya. Magkahawak ang kanyang mga palad.
Mahigpit. Puno ng pinaghalong galit at pag-aalala. Palakas ng palakas ang
pagtama ng kanyang sapatos sa sahig. Nawawalan ng pagtitimpi. Saka niya ibabaling
kay Alfonse ang nag-aapoy niyang tingin.
Ngunit hindi siya titingnan pabalik ni Fonse.
Nakatulala si Alfonse. Walang bakas ng pag-aalala,
pagkalungkot, pagtitimpi at pagkagalit sa kanyang mukha. Tila isang bangkay,
pinanawan ng lakas, puso at buhay.
Naaninag niya sa gilid ng kanyang mata ang mabilis na pagtayo
ni Fred, nagmamadali, tila papatay.
“Tarantado ka! Bakit ka nandito!” Hindi inalintana ni Fonse
ang narinig. Kahit na hindi siya ang pinatutungkulan, manhid na siya sa mga
salitang iyon. Nanatili siyang nakatitig sa kawalan. “…Inatake sa puso ang tatay ko dahil sa’yo.
Tapos ang lakas ng loob mong magpakita dito!”
“Huwag mong isisi sa iba ang mga kasalanan mo!” Natauhan si
Fonse sa narinig. Pamilyar ang boses, hindi malaki ngunit hindi rin maliit, at
may lambing. Ngunit ngayon ay may galit. “At anong susunod mong gagawin?
Susuntukin mo ako? Bakit? Mababago ba nun ang katotohanang hindi aatakihin ang
tatay niyo kundi dahil sa pinaggagagawa niyo?”
Nilingon ni Fonse ang kakambal. Nakatalikod ito at hindi
maaninaw ang kaharap. Ang malinaw lamang ay kinukuwelyuhan ito ng kanyang
kakambal.
“Hindi ba’t girlfriend mo si Sandra Altamirano hindi ba?” Nagulat
si Fred sa narinig. “At alam mong buntis siya?”
Natauhan si Fonse sa narinig, ngunit nanatiling nanghihina
ang kanyang katawang hindi niya maigalaw.
“At kahit na alam mong buntis siya, pinabayaan mo na lang
siya bigla. At hindi lang iyon, sinabi mo pa sa kanyang hindi mo siya
matutulungan, na hahayaan mo siya magdesisyon sa isang bagay na ginusto niyong
DALAWA…”
Dahan-dahang tumayo si Alfonse. Nanatiling walang sigla at
buhay ang kanyang mga mata.
“Kaya ako nandito ngayon kasi nagtangkang magpalaglag ang
girlfriend mo. Inisip niyang magpalaglag sa mumurahing clinic ng kung
sino-sinong hindi lisensiyadong doctor. Hinarap niyang mag-isa ‘yun, hinarap
niyang wala ka…”
Lumuwag ang mahigpit na hawak ni Fred sa kwelyo ng kaharap.
Tila nanghina siya. Napaupo siyang tila nawalan ng lakas.
Saka nakita ni Fonse ang kausap ng kakambal. Nagkatinginan
sila. Sa kanya’y mga matang nagdadalamhati, sa kanyang kaharap ay mga matang
puno ng pag-aalala.
Nakatayo sa kanyang harap si Chong.
-------------------------------------------------------
Pinisil ng marahan ni Chong ang kamay ni Sandra.
Inidilat ng babaeng payapang nakahiga sa kama ang kanyang
mapupungay na mga mata. Una niyang nasilayan si Chong, si Chong na nakangiti ng
matamis.
“Okay ka na sabi ng
mga doktor. Walang nangyari sa bata. Buti’t nahimatay ka at naabutan kita…”
Napangiti si Sandra. Ngiting puno ng pasasalamat.
“Bakit sa mumurahing clinic? Bakit sa Quiapo pa?” Humigpit
ang hawak ni Chong sa kamay ng kaharap.
“Ayokong malaman nila Lolo… Magiging kahihiyan ako…” Malamlam
ang ilaw sa pribadong silid ng ospital, ngunit hindi maitago noon ang malayang
pag-agos ng mga luha ni Sandra.
“Mayaman naman kayo ‘diba. Pwede ka namang magbayad ng doktor
sa private hospital hindi ba?” Puno ng pag-aalala ang mukha ni Chong. “Hindi mo
ba naisip na pwede kang maubusan ng dugo kung itinuloy mo ‘yung plano mo, na pwede
kang mamatay? Sana naisip mo muna ‘yun…” Tumigas ang mukha niya. “’Yang bata
lang sa sinapupunan mo ang gusto mong patayin, hindi pati ikaw…”
Nagitla ang kuya ni Sandra na nagbabantay sa kanya. Nakakrus
ang kanyang mga braso. Malimit ay itutuon niya ang galit niyang mga mata kay
Alfred na nanatiling nakayuko. Nakasandal lamang si Alfonse sa pader, matamang
tinitingnan ang kalahatan ng mukha ni Chong.
“Kung gagawa ka ng plano para sa kalungkutan ng iba,
siguraduhin mong hindi ikaw ang masasaktan. ‘Yung sanggol lang gusto mong
mamatay, siya lang ang dapat mamatay!”
Ang payapang pagluha ni Sandra ay naging paghikbi. Umugong
ang kanyang hinaing sa loob ng puting silid. Nag-angat ng tingin si Alfred. Nakita
niya ang mukha ng kasitahang puno ng pasakit.
“Alam mo kung bakit ka umiiyak, kasi ayaw mo naman talagang
ipalaglag ‘yung bata. Natatakot kang mawalay siya sa’yo, gusto mo siyang
alagaan. Narealize mong hindi mo pala kayang gawin ‘yung plinaplano mo, at
hindi mo matanggap sa sarili mong nagawa mong isiping ipalaglag ‘yang baby mo. Hindi
ba’t masaya mo ngang ibinalita ‘yan sa boyfriend. Dangan lamang at
napaka-iresponsable ng lalaking ‘yun…”
Ibinaba ni Fred ang kanyang tingin, mga tinging puno ng
pagsisisi.
“…Hindi naman talaga ‘yang bata sa sinapupunan mo ang gusto
mong iwasan. Ang gusto mong takasan ay ‘yung bunga ng pagkakaroon mo ng anak,
lalo na kung mag-isa ka lang. Pero maraming paraan, Sandra, maraming paraan.
Hindi lang ang pagpapalaglag diyan tanging ang sagot…”
Itinuon lamang sa kanya ni Sandra ang kanyang luhaang matang
napuno ng pag-asa.
“ ’Wag ka na uli gagawa ng isang bagay na pagsisihan mo sa huli,
maliwanag!” Tumayo sa upuan si Chong. “…Kapag ginawa mo ‘yun, kulang ang
habambuhay mo para magsisi…” Lumakad siya papuntang pinto.
Huminto siya sa paanan ng kama, kung nasaan si Alfred. Tiningnan niya ang
katabi, ngunit iniwasan lamang siya nito.
“Fred…” Puno ng pagmamahal ang tawag na ‘yun ni Sandra.
Lumapit si Alfred sa tabi ng kama’t hinawakan niya ang kamay
ng kasintahan. Nagtinginan sila, pagsisi ang kay Fred habang kapatawan ang kay
Sandra.
“Mag-usap tayo sa labas…” Nilingon ni Fonse ang katabi.
Itinuon niya dito ang kanyang mga mata. Malamlam, nakapanlalamig. Hindi
mapigilan ni Chong na iwasan ang mga titig na iyon.
Lumabas si Alfonse at Chong sa silid.
“…Tanggap na nila lolo ang magiging baby natin…” Bakas ang
napakatamis na ngiti sa labi ni Sandra.
Hindi ring mapigilang mapangiti ni Fred, ngiting taos mula sa
puso. Maging ang kanyang mga mata’y maluha-luha.
“Kaibigan mo si Chong?”
Nawala ang ngiti sa labi niya. “Magkaklase kami sa ilang
subject…” Naaligaga si Fred at yumuko.
“Dapat pasalamatan natin siya. Kung hindi dahil sa kanya…”
Nahalata ni Sandra ang panlalamig ng kasintahan. “Hindi ba kayo magkasundo ni
Chong?”
Napangisi si Fred. “He’s gay. Bakla…”
Nagulat si Sandra sa narinig, ngunit ilang saglit pa’y
lumiwanag rin ang kanyang mukha. “But, what’s wrong with that?”
“…Girlfriend siya ni…” Natigilan si Fred, hindi alam kung
itutuloy ang sasabihin. “…Fonse, sila ni Fonse…”
Maging si Sandra’y natigilan. Tinitigan lamang niya ang
kaharap. Humigpit ang haplos niya sa palad ni Alfred.
--------------------------------------------------------------
Akala niyo kung ano na 'yung Chong - Fred, ano...XD Last FOUR Chapters. Baka matagalan muna, Prelim na kasi
naming niyan eh. At medyo mabigat ang susunod na chapter (Chong-Fonse
Conversation).
ramdam.ko.ung.suntok.ni.Fonse.kay.Fred!!!...hahahaha..ambigat.lang..!!
ReplyDeleteanother.thumbs.up.chapter!!!..
-Kio...:D
Wahahaha, masakit ba? XD
DeleteIntense. Akala ko iba n ung ky fred at chong mali ako dun. Di na ako manghuhula. Napaka unpredictable. XD thank you again author. Di na ako napamura. Napasmile nlng ako the whole time. XD
ReplyDelete-james santillan
Wahahaha, pwede ka pang manghula. Engaged si Alfonse...XD
DeleteI got the chance to read the entire story for two days. And I commend your writing, subtle or should I say refined; well plotted and thoughts are organized. Kita ko yung POV and even the setting sa words na naggagantihan mo. I love how you made me think and internally ask questions! Weird in a good sense of way yung story mo! Keep this up. Medyo matagal ka Lang talaga magupdate! Hahaha. :)
ReplyDeleteNEW READER HERE!
-James. :)
Wow, nabasa mo lahat yun in TWO DAYS? XD Amazing...XD
DeleteWow, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming salamat!!!
And another James...:-D
Sorry for a grammatically wrong part and that-is-an-autocorrect-to-be-blame word of my message! Those should be 'were organized'; and not 'nagagantihan' but 'ginagamit'. OCD alert! :)
DeleteBut anyway, update naman diyan!
-James
Actually hindi ko napansin yung 'are organized' XD Pwede naweirduhan nga ako na nagagantihan nung nabasa ko...XD
DeleteLakas kasi makapogi ng james. XD kelan ang update author? Di n ako manghuhula. Come what may. Hahaha
ReplyDeleteWahahaha! Maka-pogi talaga, papapalit na akong pangalan...XD Kalahati na ako sa Chapter 31. Goodness, gusto ko na tong matapos sa 29...XD
Delete