Followers

Sunday, December 1, 2013

PLaRO - Chapter 7 " Di ko lubusang maisip

Ahm ..sorry po sa paghihintay ...:)
sana yung mga readers ko ay nandito pa din ...
sa mga patuloy na nagbabasa maraming salamat..

may nangyari lang kasi samin ng bf ko na di ko nagustuhan,
kaya nid kong ayusin ..

https://www.facebook.com/iwillkillyousoftly


enjoy reading,
-trident-

...................................................................................................................................................................

Jero POV

Mahihiga na sana ako ng biglang may nag text..
pagbukas ko ng phone ko si Mccoy

Mccoy: I will call you.

"Hala bakit kaya tatawag to? ano kaya nakain nito?" pagtataka ko...

ilang minuto ay tumatawag na siya..

 ♪ ..If our love is tragedy ,why are you my remedy...If our love insanity, why are you my clarity .. ♪  -incoming call from Pr. Mccoy

Accept.

Jero: Hello? Good evening , napatawag ka Mccoy?
Mccoy: Hehe... wala lang nangangamusta lang..kamusta araw mo?
Jero: Ayun ok naman, eto medyo masakit ang ulo ko haha...
Mccoy: Napano ba yan?
Jero:  Wala lang to haha...malayo naman sa bituka at heart dre.
Mccoy: ADIK! .. I just wanna ask you if may gagawin ka tommorow?
Jero: Ahm...magsisimba ako bukas kasama ang whole family ko.
Mccoy: Saan?
Jero: Sa may immaculate concepcion...Baget ( bakit)?
Mccoy: Pwede ba tayo mag meet tommorow after the mass? Gusto lang kita makita.
Jero: Pwede naman ...heheh 8am kami magsisimba.
 Mccoy: Sige , kita na lang tayo bukas...good night

-phone call ended-

" dub dub,dub dub,dub dub..."
nilagay ko ang kamay ko sa aking gitnang dib dib...
Bakit kaya bigla akong nagkakaganito,kinakabahan ako na parang excited ..Di dahil kaya sa pagkikita namin ni Mccoy bukas?...
arrrrggggghghhhh.....sabunot ko sa ulo ko..
"Hay nako bahala na nga!" sigaw ko sa sarili ko

"OI Jero ano nanamang kabalastugan ginagawa mo dyan matulog ka na!" saway sa akin ni mama sa kabilang kwarto sa tapat..
" Mama ...baliw nanaman kasi yan ...or it might be may ginagawang kababalaghan yan si Jero" dag dag pa ni ate mula sa kabilang kawrto naman sa kanan ko

"Wala po mama , may iniisip lang....Ikaw ate matulog ka na  at magsisimba pa tayo bukas." sigaw ko sa kanila para marinig haha..

inayos ko na ang kama ko at nahiga..

after 10 minutes..

tic tok ,tic tok,tic tok....

nananatili pa din akong gising

"Arrrggggghhhh...nyemas bakit hindi ako makatulog!!!" sigaw ko at papaling paling ang ulo ko kaliwa't kanan..

"JERO!!!!..maaga pa tayo magsisimba bukas, magpatulog ka naman kung ayaw mong gibain ko iyang kwarto mo." banta sa akin ng ate ko.
Alam kong hindi na siya natutuwa..
"OPOOO ate..." sagot ko.

Ayun ginawa ko nanaman ang gawaing pampaantok,instagram,sound cloud, facebook, at twitter..

Twitter update: I can't sleep..still counting sheeps ROFL

(Rolling On the Floor while Laughing)
At napagtripan ko din munang makinig ng musika

list.
David cook-always be my baby
Goo Goo Dolls- Iris
Lighthouse- You and Me
UpDharmaDown-Feelings
Katy Perry- Unconditionally
David cook- come back to me

Ayun tuluyan na akong nakatulog..


Umaga.........

"Bat may gumagapang sa dib dib ko?" isip ko.

yung pakiramdam na mabasa, malamig, pero maliit
"Jeero...gising na!! " sabi ng boses na aking narinig.

Dahan dahan akong iminulat ang aking mga mata..

"PUTA!!!! SYET NA!!!  BUTIKI!!! .....alis alis... MAMA!!" pagngawa ko , pagwawasiwas at pagpapagpag ng damit ko para lang maalis yung butiki sa dibdib ko.
Nang maalis ko yung butiki sa dibdib ko.
"Nagsalita yung butiki kanina? Luh..at kaboses pa ni ate yung butiki? " pagtataka ko

"Gago! ako naglagay ng butiki sa dibdib mo mahal KONG kapatid BWAHAHAHAHA (tawang mangkukulam) , FYI (for your information) di ako boses butiki!" sabi ni ate sa akin habang nakapamewang at nakasandal sa pinto ng kwarto ko..

at lumapit sa akin

"infairness ah... walang kupas ang takot mo sa butiki. ahhahah...bilisan mo at kakain na tayo ng agahan at makapagsimba na tayo ." bilin sa akin ni ate habang palabas ng pinto..
Sira talaga ate ko,walang kupas ang topak sa ulo.

"Opo..Ate Clarita" hahah gagalitin ko ngayon si ate,,
.....1....2...3
"GUMANA!! HAHA" 

huminto siya sa paglabas ng pinto..

biglang sing bilis ni flash 
tumakbo si ate at sinugod ako sa kama...
takte lakas ni ate ...hampas na unan kahit saang parte ng katawan ko ..at di man lang ako nakaganti....
huminto na si ate at tumayo.
"Araay..sakit ng katawan ko ...ate .." pagmamakaawa ko kay ate
"yan kasi eh hahaha ...ano mangaasar ka pa? ..kung masakit yang katawan mo ..dadagdagan ko pa" pangaasar ni ate.
"di na ate...I Surrennnderrr!!!!!" sabi ko kay ate na may pagkanta pa haha..
"dali na kilos na!" utos sa akin ni ate at lumabas na siya ng kwarto ko.

Naligo na ako at nagbihis ng maayos, dahil alam kong makikipagkita ako sa isang tao na matagal ko nang ka text... matagal nga bang ka text?? haha ..Naggel, pabango at bumaba na ako...

As usual kung paano ang routine naming magpapamilya every breakfast. Bago kami umalis ay pumunta muna ako sa likod bahay para kausapin ang mga alaga kong cactus. Aminin ko man pero kinakausap ko din sila. Sinasabihan nga ako ni ate na timang pero ok lang kasi sa kanya naman ako nagmana haha..
"Jero..nak aalis na tayo." pagtawag sa akin ni mama
"Opo..nandito na po ma." aking pagtugon 

At gumanyak na kami papuntang simbahan

May mensahe.

Mccoy: Good morning, nandito na ako sa simbahan........see you later  pare.
Jero: Good morning din and see you later, papunta pa lang kami nila mama, papa at ate.
Mccoy: Sige ingat,
Jero: Ingat din pare.

Nakarating na kami ng simbahan. Saktong magsisimula na ang misa. Habang nagmimisa ay nakita ko si Patrick na may hinahanap at pormang porma siya ngayon. Matanongn ga mamaya, mukhang may pinopormahan ang kumag.
after ng mga isang oras mahigit
"Peace be with you" sabi sa akin ni mama at papa...gulat ko dahil sa pag katulala ko ewan ko kung bakit 
"peace be with you bunso!" sabi ni ate sa akin
"peace be with you din mama, papa, at ang pinaka mamahal kong ate Clarita! ahah bawal ka dito maging halimaw sa loob ng simbahan haha.. I love you ate." banat ko kay ate.
"I love you din bunso ...yari ka sa akin sa bahay ...wahaha" tawang maala demonyo ni ate at sabay ngiti ng nakakaloko..
"Ate andito tayo sa simbahan...kahiya.." sabi ko kay ate paano kasi karamihan sa katabi namin sa upuan nakatingin sa kanya.
"Sorry." sabay uko ni ate sa sobrang hiya at batok sa akin ..

mga ilang minuto ay tapos na ang misa...

may nag text
Mccoy: Tapos na ang misa..saan ka na?
Jero: Dito pa rin sa simbahan, punta muna kaming jollibee, kain muna kami treat kasi ni ate.
Mccoy: Ah ..sige hintayin na lang kita.
Jero: Paalam lang ako kina mama at papa kapag tapos na kami pare.

Tumingin ako kay Patrcik, malapit siya sa groto at busy ata siya sa phone niya he's wearing  red shirt,white shorts at converse shoes

text.
Mccoy: Sige ingat.
Jero: Ikaw din Pare

Nilapitan ko si Patrick upang kausapin.
"Oh...best pormang porma ka ngayon ah,ano meron?" Tanong ko kay Patrick.
"May hinihintay lang hehe." sagot sa akin ni Patrick habang patuloy siyang tumitingin sa phone niya.
"Baka gusto mo munang kumain kasama namin bes habang hinihintay mo yung hinihintay mo." anyaya ko sa kanya.
"Ah ..Thank you na lang bes, hintayin ko na lang siya...malapit lapit na rin siguro yun..kumain pa kasi siya with family niya." Pagtanggi niya sa akin.
"Ingat bes..next time na yayain kita sumama ka ah..katampo na men haha.." sabi ko sa kanya.

Umalis na ako kasama nila Ate at pumunta kami sa Jollibee kaso puno na kaya nag Mcdo na lang kami...at ginusto ko naman haha...

As usual matic order...Big Mac, Hash brown, Hot fudge at fries!

Tinext ko si Mccoy.
Jero: Mccoy, ditop ako sa Mcdo mga 10 mins . Puntahan na kita. Saan ka ba maghihintay dre?.
Mccoy: Dito lang ako sa may simbahan, hihintayin kita dito...take your time lang dre..Ok lang ako dito wag ka magalala.
Jero: Sige, ingat.

At kumain na kami..
After 10 mins.
"Ate! penge naman pera oh! please ..ngayon lang hehe...I love you ate"  panay pag papacute ko kay ate para bigyan niya ako ng pera.
"Eto oh 300, umuwi ng maaga ah... may pasok ka pa bukas." bilin ni ate sa akin.

Umalis na ako ng Mcdo at bumalik ulit sa may simbahan upang makipagkita kay Mccoy.Habang patungo ako sa may simbahan ay tinext ko siya.

Ako: Papunta na ako dyan sa simbahan
Mccoy: Sige , dito lang talaga ako ...haaha
Ako: Ano suot mo para makilala kita?
Mccoy: Red shirt, white shorts, at converse shoes ......ikaw?
Ako: Plain green shirt, maong pants at Rubbershoes..

Wala na akong reply na natanggap mula kay Mccoy. Nakarating na ako ng simbahan.
Nagtext ako ulit
Ako:Saan ka ba? ( habang ako'y palingalinga)
Mccoy: Nandito ako sa gilid ng simbahan,malapit sa groto.
Ako: Naka v-neck shirt ako,nakawhite pants at lightblue sneakers.Ikaw?
Mccoy: Ulitin ko pa ulit? ahha ,,,,,pumunta ka na lang sa groto,
Ako: Sorry haha....gue gue lapit na ako.

Naglakad na ako papunta kung saan nakapwesto ang groto ng simbahan.
"Red shirt, white shorts, converse shoes" paulit ulit kong sinasabi ng pabulong sa sarili ko.
Pagdating ko sa groto nakita ko si Patrcik sakto ang damit na binigay na description ni Mccoy kung ano ang suot niya...
lumapit ako dahan dahan...
kinakabahan ako..

"Be..be..bestfriend!" pautal utal na tawag ko kay Patrick
"Oh! ..bakit ka bumalik dito? sila ate hindi mo kasama?" tanong sa akin ni Patrick.
"Hindi eh...ikaw si Mccoy?" Tanong ko kay Patrick.
"Sinong Mccoy? Ikaw bes ah sino yun? hhaa" tanong sa akin ni Patrick at kinukurot ,sinusundot ang tagiliran ko.
"ARAY!... Sakit na , wala baka naiba lang pangalan mo.." Rason ko kay Patrick,sana kagatin ng mokong hhaaha..
"Sige bes dito na pinsan ko..Ingat ka dyan..kung sino man kikitain mo magingat ka... ha " sabay kindat sa akin..at sabay belat .

Tahimik....

"Kung hindi si Patrick , sino si Mccoy?,Sino  yung naka red shirt, white shorts at naka converse na shoes?" Pagiisip ko..nung oras na ito ay tulala ako kakaisip.

umalis ako sa Groto at naglakad papunta sa gate upang lisanin ang simbahan.

Nang biglang.........









biglang may bumuhat sa akin
"Aray,sino ka ba? Tae nasakit!..Bitiwan mo ako!!!" Reklamo ko...
Hindi ko tinitignan nung itsura kung sino ang bumubuhat sa akin sapagkat buhat niya ako na parang baboy sa isang slaughter house ..yung ipapasan ka sa balikat. Tumatakbo siya patungo pabalik sa groto.
Huminto kami ,nagpagpag at inayos ko ang gusot ng aking damit.
"Tae naman eh ..Pwede naman akong kausapin ng hindi binubuhat at dinadala kung saan saan" Reklamo ko parin habang inaayos ang gusot ngdamit ko ng hindi tumitingin sa ulupong na bumuhat sa akin...

Pagtingin ko ay.....
.
.
.
.
.
.

"Sanchez?" gulat ko
"Aaaa...anong meron at hinatak mo ako?" paktay bat ako nagkakaganito nanaman ..nyemas..
"Hehe ...sorry tsong ah" pagsosorry niya sa akin...pero bat iba ngayon siya tumingin? tapos maka ngiti makalaglagbrief.
"Ahm..ako nga pala si Mc Colby Sanchez, for short Mccoy" Pakilala niya sa sarili niya..

di ako makapaniwala...na isang tulad niya ay isang Bi...at ang isa pa ..nakikita ko siya,nagkrurus ang landas....pero darating pala sa punto na ang lagi kong ka text ay siya rin pala.....di ko lubusang maisip na sa ganito kami lalong magiging magkakilala...

tameme lang ako....parang wala sa kawalan ang isip ko dahil sa mga bagay bagay.

"Yes , tama yang iniisip mo ako yung ka text mo galing Plaro,secret lang natin ito ah.haha." sabi niya sa akin.

pero parang wala pa rin akong naririnig...tahimik at tulala pa rin ako..

"Click,Click" pagpitik ng daliri ni Mccoy sa harap ko.
" HOY! JERO GISING!!!!!!" sigaw niya sa akin...

bumalik na ang isip ko sa earth !!! hahah ...paksyet ..kahiya ..

"Sorry" Pagpapaumanhin ko sa kanya ...napayuko ako sa hiya.
"Wala yun men" pucha ngumiti nanaman ang gago. At pinatong pa niya kamay nia sa kanang balikat ko...di ko alam gagawin ko..napayuko ako ulit dahil alam kong sa puntong ito namumula na ako.
"Sorry din  kung nagsinungaling ako, hindi ako nakared shirt, white shorts, at converse shoes..hehe ..kilala mo pala yung ginamit kong tao haha.." paliwanag niya sa akin.

"Best friend ko yun. Alam niyang Bi ako...straight siya baka mag duda ka eh ...Teka bakit mo ginawa yung paggamit ng ibang tao bago tayo mag meet?" tanong ko sa kanya.
"Hahah..eh kung kapag sinabi ko totoong damit ko edi makikilala mo ako agad.. at saka kinabahan ka kanina nu?... akala mo bestfriend mo." paliwanag niya sa akin at tanong na rin.
"OO....kinabahan din ako nu..best friend ko yun eh tapos biglang nalaman kong Bi yun.. at ikaw may nalalaman ka pang paganunganun..HAHAHA." Sabi ko sa kanya sabay suntok sa braso niya. 
"Matagal na tayong nagkikita ikaw lang pala ang textmate ko." sabi niya sa akin.
"Panahon nga naman..di natin alam at di ko rin lubusang maisip na kilala pala natin ang isat isa haha..." sabi pa rin niya sa akin at ...biglang "BWAHAHAH" wagas makatawa ang mokong.
"So nagkita na tayo ..uwi na ako ah .." pakunwari kong aalis at nang aakma na akong hahakbang papalayo.
"Uy ,wag ka namang ganyan ei..gala tayo treat ko..please" pagmamakaawa niya sa akin.Di naman siya ganito noong unang nagkita kami ng umuulan ng gabi iyon ..nakakapagtaka.
"Pagiiisipan ko men... ok sasama ako pero ayokong ilibre mo ako ..KKB (kanya kanyang bayad) tayo!' sagot ko sa kanya.
"Teka, ano na pala itatawag ko sa iyo pare? Colby o Mccoy?" Tanong ko sa kanya dahil iisa lang pala sila,si Mccoy na katext ko at si Sanchez,Mc Colby o Colby na Basketball player ng university namin na kaharap ko ngayon.
"Saan ka ba sanay?:" sabay taas baba ng kilay niya ng sabay.
"Colby na lang para unique..hehe" sabi ko sa  kanya.
"So saan tayo gagala?" tanong niya sa akin.

Wala naman akong alma na lugar na pwede namin puntahan. Ang alam ko lang ay ang parke,yung museo dito sarado naman, kung sa arcade...ah! ALAM KO NA!.

"Colby!..mag Megamall na lang tayo, isang ride lang naman ng FX eh." anyaya ko kay Colby.
"Ano naman gagawin natin doon?" Tanong niya sa akin.
"Ano ba gusto mo gawin natin dun?" titig ko sa kanya ng malagkit at kagat labi at sabay tawa " BWAHAHAHA".

".................." siya yung itsurang poker face.
at tumalikod
Hala paktay hindi umiimik ang gago baka na offend ata.
"Laro sa Timezone, o di kaya kumain tayo.. di ba showing na yung catching fire ng hunger games." Anyaya ko sa kanya,
Sana mag iba mood nito..kinakabahan ako baka di na ako kausapin nito.
"Sige" matamlay niyang sagot sa akin.

Nako dapat maiba ko ang mood nito bago kami makarating ng megamall.
Naghintay kami ng FX sa may tapat ng simbahan. Kakaunti lang ang dumadaan, kung meron man ay puno. Sa paghihintay naming ito, wala maski ni isa sa amin ang nagsasalita...paraehas tuloy kaming nangangapa...tanga ko kasi kung bakit ko pa siya biniro ng ganun. Ako na nga ang magsasalit. Magsosorry na ako.

"Ahem.." pagtanggal ko ng bara sa lalamunan ko.
"Ah..Colby?"
"Jero" magkasabay naming tinawag ang isa't isa.
"Ikaw na  mauna"  sabay pa rin naming sabi.
"Ako na nga mauna Colby.. I just wanted to say sorry at na offend ata kita kanina.. Di ko naman alam na hindi ka pala pwedeng biruin ng ganun." pagsosorry ko sa kanya.habang nagsosorry sa kanya pinagbabangga ko ang dalawa kong hintuturo habang nakayuko. Sana tanggapin niya..

"Di naman ako galit or naoofend hehe...ok naman ako..di lang kasi ako sanay sayo ..ksai nung nameet kita noong una inosente..ahahha " sabi niya sa akin

At may humintong Fx sa harap namin at sumakay na kami dun ,Sumakay kami banda sa may likod ng Fx at magkatabi kaming dalawa. Pagpasok namin ay may 2 lalaki may mga itsura,magkalayo ang kanilang tingin ,.Ung isa nakatingin sa Harap ,ung isa naman ay sa bintana sa likod ng Fx nakatingin. Nakapatong yung mga bag nila sa mga hita nila . Si Colby naman kalabit ng kalabit sa akin . Pagtingin ko pinakita niya sa akin ang cellphone niya at may nakalagay na message sa cellphone niya.

"Tignan mo yung pagitan nilang dalawa..hehe ang sweet" sabi niya sa text.

Ako naman tumingin ako sa espasyo sa pagitan ng dalawang lalaki na tinutukoy ni Colby..Sa una ay di ko makita...pero nang di naglaon ay may nakita ako at napa bungisngis na lang ako sa upuan ko. Kinuha ko phone niya at nag type...ang inilagay ko..

"Magkaholding hands yung dalawa ..sweet nga haha" ang tinype ko sa phone niya.
at nag type si Colby..
"Akala ko nung pagsakay natin at nakita natin sila ,hindi sila magkakilala." nakalagay sa phone niya.
Kinuha ko Phone niya at nag type din.
"Isend mo na lang kaya ?ahha..patingin ka pa ng patingin ng phone mo sa akin eh ." ang nilagay ko.
Ang kumag pagkabasa niya nagtype siya agad sa phone niya pero hindi  pinabasa sa akin,ilang minuto ay  nagring ang phone ko.
Mccoy: OH! eto sinend ko na sa phone mo haha..
Oo nga pala hindi ko pa napapalitan ang pangalan niya dito sa phonebook ko. At pinalitan ko na galing sa pangalang Mccoy hanggang maging Colby na ang nakalagay. Tawanan lang kami ng tawanan sa loob ng Fx. Magaling siyang magjoke. Mga pagkaraan ng 30 minuto ay nakarating na kami sa megamall..Dumaan kami sa likod ng megamall sa may part o tapat ng St. Francis at San Miguel Corp.

"Ano unang pupuntahan natin?" tanong niya sa akin habang tumitingin siya sa store directory.
"Punta muna tayong DQ (Dairy Queen--ice cream store) pagkatapos bili tayo ng blizzard ha?" Sabi ko kay Colby habang nagpupunas ng pawis..
"Sige tara na ...nakita ko na kung saan" sabay hawak niya sa balikat ko at naglakad papunta sa DQ( Dairy queen).

Nagpunta kami sa Dairy Queen habang nagoorder  si Colby sa counter ay pumunta muna ako sa gilid at may naramdaman akong kamay mula sa aking likuran na nakahawak sa aking baywang. At nabanggit ko ang 
"Colby?"

At paglingon ko...


-------------------------------------------------------to be continued---------------------------------------------------------------------------------------

tragic and violent reactions are accepted ..mamats sana patuloy pa rin kayo magbasa ng gawa ko ..gracias ..

-trident-

3 comments:

  1. cno yun? di kaya c patrick? kakabitin ang last part. nice chapter. tnx trident sa update

    ReplyDelete
  2. Parang may mali. Di kaya c patrick talaga un? Baka kakilala ni patrick c colby at pinagpanggap? Naisip ko lng na pwedeng maging twist. Hehehe

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. baka magkakilala nga sila ...ewan ko..:)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails