This one's a bit short. Sorry din for the lack/delay of updates. I'm currently in the hospital and hindi ko pa alam kung kailan ako makakuwi. :( Sana maintindihan niyo at patuloy niyo pa ring suportahan itong series ko. Medyo nagsisimula ng ma-develop 'yung plot. :)
Comment on what you think about this chapter. Iyon na lang gift niyo sa akin para gumaling agad ako hahahaha kidding.
Salamat and happy reading!
--
Chapter 12
Gab.
Naramdaman ko na parang mabigat
ang ulo ko, kaya nagpasya akong bumangon at magtungo ng kusina para makainom ng
tubig. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay hindi ko inaasahang madadatnan ko
roon si Caleb, na siyang gulat na gulat rin. Sandali kaming nagkatitigan bago
niya basagin ang katahimikan. Nang mapansin kong tanging shorts lamang ang suot
niya ay napabaling ako ng tingin sa kaliwa. Hindi ko alam kung bakit lubusang
naiilang ako tuwing kasama ko siya. Oo, alam kong bati na kami, pero hindi ko
talaga matanggal sa sistema ko ang pagkailang for some reason.
“Sabi ni ate Jen nakauwi ka na
raw.” sabi niya. Napansin kong medyo nahihiya siya na siyang ikinataka ko.
“Saan ka nga pala pupunta?” tanong niya. Sandali akong natahimik, dahil parang
nabihag na naman ako ng mapupungay niyang mga mata. Napailing ako at pinilit
ang sarili kong bumalik sa huwisyo. “Ahm, kukuha lang ako ng tubig. Bakit ka
nakatayo sa may pintuan ko?” tanong ko sa kanya. “I just wanted to check on
you. Halika, punta tayong kitchen.” pagyaya niya sa akin bago maglakad
papalayo.
Nang makarating kami ng kusina ay
uminom na ako ng tubig. Matapos noon ay sumandal ako sa may counter at
hinimas-himas ang ulo ko. “Masakit ulo mo?” tanong niya na siyang tinanguan ko
na lamang. Naglakad siya papalapit sa akin at hindi ko inaasahan ang susunod
niyang ginawa. Naramdaman ko na lamang na dahan-dahang minamasahe ng mga daliri
niya ang noo ko. Parang nanigas naman ako sa pwesto ko dahil sa hindi
inaasahang pagtatagpo ng mga balat namin ni Caleb. More importantly, hindi ko
inaasahang gagawin niya ito, kaya naman gulat na gulat ako. Nang maka-recover
na ako at makabalik sa realidad ukol sa nangyayari ay napabalikwas ako.
“Shhh, okay lang.” pagpigil niya
sa akin. Hindi siya nagpatinag at patuloy minasahe ang ulo ko. Hindi ko
mapigilang mapangiti. Sino ba naman ang mag-aakalang ang taong umaaway sa akin
dati ay heto ngayon at minamasahe ang noo ko? “Magkwento ka naman sa vacation
niyo ni Justin.” simpleng request niya. “And bakit ang aga niyo namang
nakabalik? Parang nagsayang lang kayo ng oras kung ganoon kabilis yung vacation
niyo.” dagdag niya.
“Ahh, wala naman. Okay naman.
Nakapagrelax naman ako.” simpleng sagot ko, ngunit deep down ay gustong-gusto
ko na ikwento kay Caleb lahat ng nangyari. Pero naisip ko rin na baka makasama
iyon kay Justin, kung totoo man ang sinabi niya sa akin kagabi. Alam kong
kaibigan niya si Caleb kahit papaano at wala siguro akong karapatan na i-expose
si Justin sa kanya. At isa pa, baka naman nangtri-trip lang si Justin, kasi nga
lasing siya. “Nakapag-relax ka, pero masakit ang ulo mo? Stop lying, Gab. I
know something happened there.” pahayag niya, tila siguradong-sigurado siya na
siyang ikinakaba ko.
Naramdaman kong tumigil siya sa
pagmamasahe ng ulo ko na siyang dahilan kung bakit napadilat ako at
mapagmasdang muli ang mga mata niya. “Nothing, Caleb. Walang nangyari.”
striktong pahayag ko, para tumigil na siya sa kakatanong. Mukhang naging
effective naman ito dahil napatango siya. “Okay. So kamusta naman sila Pete,
Zach, Emily?” kaswal na tanong niya, naka-cross ang mga braso niya sa hubad
niyang dibdib. “S-sino sila?” takang tanong ko. Nangunot ang noo niya. “Barkada
ni Justin? Sila yung mga laging nagyaya sa amin sa Laguna. Si Pete ‘yung may
ari noong resort.” tanong niya, at doon ay naramdaman ko ang pagkadagdag ng
paghihinala niya.
“Gab, umamin ka nga.” impatient
na tanong nito.
“Sa villa ng dad niya kami pumunta,
and Cal—“
“Kuya Gab! You’re here na pala!”
ecstatic na bungad ni Selah, na siyang ipinagpasalamat ko, dahil nasagip niya
ako mula sa pagsagot sa mga tanong ni Caleb. “Eww, Kuya. Put a shirt on.”
baling ni Selah kay Caleb. “Anyway, Kuya Gab. Na-miss kita. Kamusta naman
vacation mo?” excited na tanong niya sa akin. Kinwentuhan ko naman si Selah,
leaving the parts kung saan kinausap ako ni Justin. Pinipilit ko rin na huwag
bigyang-pansin si Caleb by pretending to be engrossed in my conversation with
Selah, hoping na makakalimutan niya ang mga tinatanong niya sa akin kanina. Ngunit
alam kong hindi susuko si Caleb hanggang hindi siya nakakakuha ng matinong
sagot mula sa akin, dahil habang nakikipag-usap ako kay Selah, halatang-halata
sa kanya na pilit niya akong binabasa, dahil hindi ako nilubayan ng dalawa
niyang mga mata.
--
“Hey, babe! OMG, I’m so happy for you!” kilig
na kilig na sigaw ni Trisha na siyang ikinatawa ko. Kasalukuyan kaming
nagsskype sa loob ng kwarto ko, at kitang-kita ko sa screen ng monitor ko kung
gaano siya kilig na kilig. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lamang
tinext si Justin at tinanong kung seryoso siya ukol sa mga sinabi niya sa akin
kagabi. At lalo kong ikinagulat nang makita ko na lamang ang sarili kong
nagte-text sa kanyang pumapayag na akong subukan kung saan tutungo ang
‘relasyon’ naming dalawa. Natuwa naman ako dahil pakiramdam ko ang saya-saya
niya ngayon. Nakakatuwang isipin na ang kapitbahay ko... ewan ko ba, kung ano
ang tawag sa amin, pero I made it very clear that nothing’s official.
“Hindi ba ako nagmamadali?” medyo
alanganing tanong ko kay Trisha. “Babe, ang hirap sa’yo laging calculated lahat
ng mga decisions mo. For once, finally, you did something for yourself! Wala
namang mawawala sa’yo. Mabait naman ‘yung tao, gwapo, mayaman! Oh my God lang,
‘di ba? You Only Live Once nga, ‘di ba? Baka mamaya sa kakaisip mo ng kung ano
ang tama at mali, wala ng nangyari sa life mo.” pangaral niya sa akin na siyang
ikinahagikgik ko.
“I just can’t believe na... haha,
ewan. But I’m happy.” honest kong sagot sa kanya. “Awww, binata na si Gabby
ko.” sagot niya na siyang ikinatawa ko. “I don’t know, Trish. I don’t love him
yet, but susubukan ko. Nakaka-ano lang sa pakiramdam na may taong handang
ibigay ang sarili niya sa akin. It’s the first time na naramdaman ko ‘yon.”
ngiting pahayag ko sa kanya. “Gabby, of all people, you deserve this. You’ve
been through a lot and hay shet kinikilig ako for you!!” nakangiti din niyang
saad.
“Uhm... the thing is, we don’t
want anyone to know yet. Huwag mo munang ipagkalat. It’s nothing official,
Trish. I made that clear. And medyo bago pa siya dito, and medyo takot pa siya
on what people will think.” paalala ko sa kanya. Maligalig naman siyang tumango
at nagpakawala ng matamis na ngiti.
--
Kinabukasan.
“Hey.” masuyong bati sa akin ni
Justin na sinamahan pa niya ng isang matamis na ngiti. “Uhm, okay ka lang Gab?”
concerned niyang tanong. “Yup. Nagkulang lang ako sa tulog kagabi.” pagod kong
turan sa kanya. Napansin kong hindi pa niya pinapaandar ang kotse kaya naman
napabaling ang atensyon ko sa kanya. Napansin ko ang malungkot na tabas ng
mukha niya, kaya naman tinanong ko kung anong meron sa kanya. Masaya naman siya
a few moments ago.
“Oh, bakit ganyan mukha mo?” tanong
ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at napailing. “Gab... if you’re stressing
out because of us...” pagsisimula niya na siyang pinabulaanan ko kaagad. “What?
No, no! Justin, seryoso naman ako sa sinabi ko kagabi.” pahayag ko sa kanya.
“But I can see that it’s bothering you.” hindi niya naniniwalang pahayag sa
akin bago tuluyang paandarin ang kotse niya.
“Justin...” pagsisimula ko,
ngunit hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko. Naiinis ako sa sarili ko,
dahil kagabi ay masayang-masaya ako, ngunit heto ako ngayon, nalilito sa naging
desisyon ko. “No. I get it, Gab. Naawa ka lang sa akin kaya pumayag ka, pero
deep down, ayaw mo naman talaga! Ano pa bang kulang sa akin, ha?! Hindi ko kasi
maisip kung ano pa pwede mong hanapin sa akin, eh. Ito na ako, oh!” mahaba at matalim
niyang singhal sa akin na siyang ikinagulat ko. “The hell?! Tangina, Justin!
Ano bang nakain mo, ha?” irita kong balik sa kanya. Para namang binuhusan siya
ng malamig na tubig dahil sa naging reaksyon ko.
“S-sorry.” sabi niya, ang mga
mata ay nakatutok pa rin sa kalsada. “Okay lang.” reply ko, pilit iniintindi si
Justin. “So ano ba talaga set-up natin?” diretsong tanong ko. Might as well get
over the difficult part. “’Dating’ siguro, since ayaw mo naman maging official
tayo, eh.” medyo malungkot niyang sagot. Magpapaliwanag na sana ako nang
putulin niya ang sasabihin ko. “Hey, okay lang sa akin. And pwede ba na sa
ating dalawa muna ‘to? Wala ka munang sasabihan na kahit sino?” request niya.
Tumango ako, ngunit naalala kong nasabi ko na nga pala it okay Trisha.
“Uhm, Trisha knows...” ingat kong
pahayag. “What?!” bulyaw niya na siyang hindi ko inexpect. “Gab... fuck, what the
fuck?! Bigla mo na lang sinabi ‘yon without my permission?! Paano kung kumalat
‘yan ha?!” pagli-litanya niya na siyang ikinainis ko ng lubusan. “Gab, I know I
said that I like you, but I’m not fucking ready for people to know! I—“ “Putangina,
Justin. Stop the car!” matigas kong pahayag, ngunit nakatulala lamang siya at
walang ginawa.
“FUCKING STOP THIS CAR!” sigaw ko
sa kanya na siyang dahilan ng biglaan niyang pagpreno, at walang sabi-sabi
akong bumaba ng kotse.
--
“Oh my God, Gabby. Ang sweet
naman ni Justin!!” kilig na kilig na bungad sa akin ni Trisha nang magkita kami
sa classroom. “Shhh! Trisha, what were you thinking?!” galit kong pagsita sa
kanya. Marami na kaming tao sa classroom, at ayokong may makarinig tungkol sa
bagong developments sa amin ni Justin. “Bawal na may makaalam.” mariing kong
dugtong, at doon ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig at natulala. “Oh
well, iisipin naman nilang boyfriend ko yung Justin or something.” bulong niya.
Hindi na ako nakapagtalo pa dahil may point naman siya.
“Don’t be so shaky. Lalo silang
maghihinala, Gabby.” pahayag niya na siyang ikina-buntong hininga ko. “I don’t
know, Trisha. Nalilito pa rin ako.” pahayag ko sa kanya. Kumunot ang mga kilay
niya dahil doon. Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok niya, inilugay ito, at
iniharap ang upuan niya sa akin. Napapansin kong kapag ganito ang ayos ni
Trisha ay mas attentive siya sa mga bagay-bagay. Ibig sabihin nito ay handa na
itong makinig. “Okay, sabihin mo na lahat ng bumabagabag sa’yo.” utos niya na
siyang tinalimaan ko.
“Una, I don’t think that I’m
ready for a relationship, let alone itong ganitong uri ng relationship. It’s
not that I don’t have a problem with guys, pero natatakot ako kasi bago pa ito
sa akin. I know na nag-agree ako dito, pero... what if it becomes serious? What
if masaktan ako?” pagsisimula ko. Tumango naman si Trisha bilang tugon at
kinuha ko iyon bilang senyales na magpatuloy. “Secondly, ayoko ng patago. On
the way here, habang hinahatid niya ako, kinausap niya ako ng masinsinan. I
can’t tell anyone—my parents, kay Selah, kay Caleb. Sobra, as in OA ‘yung pagka-inis
nga siya noong sinabi ko sa kanyang sinabi ko sa’yo, eh. Kaya I’m not really
feeling comfortable here, Trish. What if magdemand ako in the future na huwag
na namin i-secret? Mapaninindigan ba niya ako? Ayokong magtago habangbuhay,
Trish. Gusto ko lang ng normal relationship na magiging malaya ako.”
pagpapatuloy ko. “Lastly... hindi ko naman siya gusto, eh. I like the idea of
him, but not him. Gusto ko siyang kaibigan, pero hanggang doon lang ata for
now... pero gusto ko talagang subukan. Tama ka kasi, eh. I deserve to be with
someone after all what happened. I just don’t know if siya ‘yon.” pagtatapos
ko.
“Huwag ka na kasi tumingin sa
malayo.” rinig kong sabi ng boses sa likod ko na siyang ikinabalikwas ko.
Nadatnan kong nakangisi sa akin si Juno at agad-agad umupo sa bakanteng silya
sa tabi ko. “Kanina ka pa diyan?” tanong ko, trying to keep my voice natural.
“Hindi. Ngayon lang.” inosenteng sagot niya na hindi ko kinagat. “Juno...”
pagsisimula ko, ngunit pinutol niya ako. Napahagikgik ito at hindi ko maiwasang
matuwa sa itsura niya. “Okay, fine. May narinig ako, pero konti lang.” natatawa
pa rin niyang pahayag na siyang dahilan kung bakit nasuntok ko siya sa braso.
“Bakit hindi na kita nakikita?”
tanong ko sa kanya. “What do you mean?” nakakunot niyang tanong bago upuan ang
bakanteng silya sa kanan ko. “Hindi ka na namin nakakasamang maglunch, tapos
bigla-bigla ka na lang nawawala.” sagot ko sa kanya. “Hindi ka naman ganyan
dati, eh.” dagdag ko pa. “Miss me?” he teased na siyang ikinatawa ko na lang.
Si Trisha naman ay napahagikgik rin sa narinig ni Juno. “Medyo, pero seriously?
Anong pinagkakaabalahan mo?” tanong kong muli.
“Digging up some trash.”
makahulugan niyang pahayag na siyang hindi na nabigyang kasagutan, dahil
dumating na ang professor namin.
--
“Sino ba ‘yang ka-text mo? Kanina
pa kami nagkkwento dito parang hindi ka naman namin kasama.” inis na komento ni
Juno kay Trisha, na oblivious pa rin sa sinabi nito. Nagkatinginan kaming
dalawa at napabuntong-hininga. Napansin kong kanina pa wala sa pasak itong si
Trisha at hindi na tumigil sa kate-text sa cellphone niya. “Oo nga, Trish. Ano
bang meron?” tanong ko, ngunit gaya ng inaasahan ay tila nakakulong na naman
siya sa sariling mundo niya at hindi man lang napansin ang sinabi ko.
Ilang minuto pa ay tumigil ito sa
pagte-text at tiningnan kaming dalawa. “So, guys? Ano ng balak natin sa
report?” magiliw niyang tanong bago humigop ng juice mula sa kanyang baso.
Napailing na lamang kaming dalawa ni Juno dahil sa naging tanong niya. “Trisha,
just so you know, ‘yan na ‘yung pinag-uusapan natin... namin ni Gab for the
past 30 minutes.” iritang pahayag ni Juno. “Wala ka na naman kasi sa sarili mo.
Si Marco ba ka-text mo?” dagdag ko. “Ahh, wala. Break na kami.” simpleng
pahayag niya, na tila wala lamang iyon.
Hindi ko ikakailang nasanay na
ako sa ganitong behavior ni Trisha sa mga lalaki. Ni minsan ay hindi ito
nagseryoso. Napakarami na niyang naging boyfriend, pero ni isa sa kanila ay
hindi man lang nagtagal ng humigit sa isang buwan. Nagbreak sila ni Marco matapos
ang tatlong linggo. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko, ngunit ginagawa ko
ang makakaya ko para huwag siyang husgahan.
“Patricia, seriously? Bakit ba
takot na takot ka sa commitment, ha?” as usual, straightforward na naman ang
mga pahayag ni Juno kahit gaano pa ka-sensitive ang paksa ng usapan. “I told
you, guys! Hindi ko pa kasi siya nakikita. Malay ko bang hindi pala si Marco
‘yung hinahanap ko. I just keep on trying.” depensa ni Trisha. “You do realize
na marami kang nasasaktan? And that’s not good for your image, because
hinuhusgahan ka na agad ng mga tao just because of that. Hindi nila nakikita
‘yung totoong Trisha. Natatakpan ng mga fling mo ‘yung totoong ikaw.” pahayag
ko. “I agree.” segunda ni Juno na siyang nakipag-apir sa akin.
She just gave us the middle
finger na siyang nakapagpatawa sa aming dalawa.
--
“Babe, huwag ka na magpasundo.
Hatid na lang kita sa inyo.” sabi ni Trisha sa akin nang matapos na kami sa
last subject namin. “Huh? Why?” takang tanong ko. “Gusto ko kasi ng kasama magdinner
tonight. Wala na naman kasi sila mom, eh.” malungkot niyang sagot sa akin.
Naintindihan ko naman ang gusto niyang ipahiwatig kaya naman pumayag na rin ako
sa gusto niya. “Wala na naman ba si Juno?” puna ko nang mapansin kong hindi na
siya sumabay sa amin lumabas ng classroom. “Oo nga noh.” pagsang-ayon ni Trisha
sa sinabi ko.
“Ano ba kasi ‘yung ibig sabihin
niya sa ‘digging up some trash’? Ang daming pakulo.” tanong ko sa kanya. “Ewan
ko rin. Anyway, halika na. Medyo malayo ‘yung parking ko, eh.” sagot niya sa
akin. Kaya naman naglakad na kami papunta sa parking niya. Isinalpak ko muna sa
tainga ko ang dala kong earphones at nagpatugtog ng music hanggang sa marating
namin ni Trisha ang lugar kung saan niya pinarada ang kotse niya.
Habang binabaybay ang daan ay
napaisip naman ako sa mga nangyari kaninang umaga sa amin ni Justin. Masyado
akong na-distract sa mga nangyari buong araw kaya naman hindi ko na napagtuunan
ng pansin ang problema naming dalawa. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang
naging reaksyon ko sa pagiging iritable niya kaninang umaga. Dapat ba inintindi
ko na lamang siya? O tama lamang na naging honest ako sa kanya, dahil sa totoo
naman ay naiinis ako. Hindi lang naman siya ang bago dito, eh kaya dapat
intindihin din niya ako.
“Anong iniisip mo?” ngiting
tanong ni Trisha sa akin nang matigil kami sa may intersection. “Si Justin.”
sagot ko sa kanya. “Still bothered with what happened this morning?” pagsunod
niya sa sagot ko. “Yeah. I don’t know if I acted up harshly, or tama lang sa
kanya ‘yon.” sagot ko. Inapakan ni Trisha ang acceleration at nagpatuloy ang
biyahe namin.
“Alam mo? The way I see it,
pareho kayong may mali, eh.” komento niya. “I mean, tingnan mo. Sinundan mo
lang ‘yung pagkakamali niya, which led to an even bigger argument, but I don’t
blame you. Fuck, hindi pa nga kayo nagka-away na kayo.” napapailing niyang
pahayag. Napabuntong-hininga naman ako at sinang-ayunan ang sinabi niya.
“What if magkaharap kayo ngayon?
Ready ka na ba kausapin siya?” tanong niya sa akin. Napansin kong nagmane-obra
na siya ng kotse niya at kasalukuyan itong pinaparada sa harap ng isang
Japanese restaurant. “I don’t know.” honest kong sagot sa kanya. “Well,
haharapin at haharapin mo rin naman siya when the time comes.” saad niya. “Ano
bang na sa loob mo, Gabby?” seryosong tanong niya. “Gusto mo pa bang ituloy, or
aatras ka na kahit wala ka pang nasisimulan?” seryosong dagdag niya.
“Gusto ko lang na... na, maayos
‘to.” pahayag ko.
--
Pagka-order namin ni Trisha ay
panandalian muna kaming nagkwentuhan nang biglang magring ang phone niya.
Tiningnan niya ang screen ng cellphone niya at ibinaling ang atensyon sa akin.
“Gab, I need to take this. And mag CR lang ako. I’ll be quick.” paalam niya na
siyang tinanguan ko na lamang. Dali-dali naman siyang umalis at sinagot ang
tawag niya.
At hindi ko inaasahang ang phone
ko naman ang magri-ring. Sinagot ko iyon ng hindi tumitingin sa screen.
“Hello?” bungad ko. “Hey, Gab.” rinig kong sabi ng malalim na boses na hindi
ako magkamali kung sino ang nagmamay-ari. “C-Caleb. Anong atin?” tanong ko. Sa
hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nanigas ang katawan ko matapos marinig
ang boses niya. “Nasaan ka? Kakatapos lang ng class ko. You want me to pick you
up?” cool niyang tanong. Rinig ko sa background ang pagsara ng pintuan ng isang
kotse.
“No, okay na ako. Maaga natapos
class ko. Kasama ko si Trisha, kaibigan ko, nagdi-dinner kami.” sagot ko sa
kanya. Natahimik siyang sandali bago ako sagutin. “Ahhh, ganon ba? Sige... I
guess kita-kita na lang sa bahay.” reply niya. Ayokong mag-assume, pero tila
na-detect ko ang disappointment sa boses niya. Napailing na lamang ako sa
naisip kong iyon. “Sige. Ingat sa pagmamaneho.” pamamaalam ko bago tuluyang
tapusin ang tawag.
Nang mabalik ako sa realidad ay
tiningnan ko ang relo ko at hindi ko maiwasang magtaka dahil mahigit limang
minuto na ay hindi pa rin bumabalik si Trisha. Si Trisha ay hindi gaya ng ibang
babae na matagal magbanyo. Alam ko namang hindi siya nadudumi, dahil mahahalata
ko naman iyon sa kanya, o sasabihin naman niya sa akin iyon. Lalo pang tumindi
ang pag-aalala at pagtataka ko nang lumipas pa ang sampung minuto ay hindi pa
rin siya bumabalik. Nagtext na rin ako sa kanya, ngunit hindi niya ako sinasagot.
Dumating na ang order namin at
hindi ko maiwasang magdalawang-isip kung ipapa-take out na lamang ito at
babayaran na, o patuloy pa ring maghihintay sa kaibigan ko. Kaya naman tumayo
ako tinanaw ang labas ng restaurant. Sa oras nadatnan kong wala na sa parking
space ang kotse ni Trisha ay nagpanic na ako. Nang makita ko sa tabi ng
bakanteng parking space ang isang pamilyar na kotse ay lalong tumindi ang kaba
at pagtataka ko. Isa lamang ang naiisip ko—dapat umalis na ako dito. Dahil
mukhang naging biktima na naman ako ng isang set-up.
“Hey.” pagkarinig ko sa boses na
iyon ay alam kong huli na ang lahat. Sinubukan kong bagalan ang pagharap ko sa
kanya, pilit pinapatagal ang oras. Now I know why Trisha kept asking me those
questions! Humanda ka sa akin, Trish, inis
kong sabi sa loob-loob ko. Hindi pa ako handang kausapin siya, especially dahil
fresh pa ang nangyari sa akin. Ngunit naisip ko rin naman na tapusin na rin ito
habang maaga pa.
“Justin.”
--
Itutuloy...
Mahilig talagang gumawa ng set up itong si trish. Mabuti na rin yan para matapos na gusot ni gab at justin. wala rin nmn palang gusto si gab kay justin eh. at sa palagay ko parang mahuhulog sya kay caleb.
ReplyDeleteMay gusto ba si caleb kay Gab o nagseselos dahil parang me pinagdaanan si caleb at justin? thanks sa update
bharu
Im happy to finally see an update from you. Ito na lang kasi ang inaabangan ko dito. But im sad at the same time to heat about your condition. Sana maging okay ka agad. More power idol. I look forward to the next chapters.
ReplyDeleteFinally may update na rin! Sana gumaling ka na. Always loving the Caleb and Gab scenes.
ReplyDelete-Ken.
Thanks sa update author'
ReplyDeleteKeep it up' i feel sorry about your condition ' get well soon'
_ace
Kung friend ko tong si Trish, reregaluhan ko siyang plantsa. Hahaha.
ReplyDeleteThis Trish girl needs a life. LOL.
Hey author, Im kidding. Kudos, Im hooked. :)
Untouchable Creen
ReplyDelete