Followers

Saturday, December 14, 2013

Nightmare Love 2


Author’s note:

Guys, sorry kung natagalan sa pag-post ng Chapter 2 marami po kasing paper works eh sana po ay maunawan niyo po iyon

Maraming salamat sa mga nagpost sa chapter 1 ng aking story sobrang na-appreciate ko po yun ng sobra-sobra..

Maraming salamat kay Kuya Mike at kay Pose for letting me post my first story in my blog lalo na kay Ponse na walang sawa na tumutulong sa akin.. bayaan mo makakabawi din ako sa pick-up mo sa akin hahaha!

Eto na po yung chapter 2 maraming salaMUCH sa mga magbabasa J

Disclaimer:

I do not own the images above. It’s only a representation for my story. Anyone complain about this image will instantly REMOVED. Thank you.

Note:

This is a true to life story. The person I interviewed is my basis of the story. It’s his story, a real story; the names used in this story are only screen names for his protection and security. I only change some of his story to make the flow better. I need RESPECT and try to understand and discover learnings about his life of love J thank you. I need your comments J


Nightmare Love: Stars of Campus

Chapter 2

Jm's POV

     Pagkaalis ko naman ng court ay naisipan kong balikan si Krisha pero paglingon ko ay laking gulat ko nang makita ko si Kirby na nakatitig sa akin ng masama! Hala!



     "Baka naman nagseselos?", pagbibigay ko ng konklusyon


     Agad naman akong lumabas ng campus, sumakay ng jeep at bumiyahe pauwi sa amin. Pagkababa ko naman ng jeep ay nakita ko si Jorge na may inaantay. Sino naman kaya yun?


     "Oh sinong inaantay mo dito?", tanong ko kay Jorge


     "Ikaw bes", sagot naman niya


     "Anung nakain mo at inantay mo ako dito?", ang sunod kong tanong sa kanya


     "Wala  lang naman bes, bakit masama bang antayin kita", sagot ulit naman niya


     "Oo bes masama yun at tsaka may paa naman ako palakad pauwi sa amin noh!", sarkastikong sabi ko sa kanya


     "Syempre at nakikita ko noh!", sagot naman niya


     "Yun naman pala eh...", tanging nasabi ko at nagsimulang maglakad ng hindi siya inaantay, naramdaman ko naman na sumusunod naman siya sa akin


     "Bes uuwi ka na?", tanong niya sa akin


     "Hindi bes, papasok pa lang ako, actually, late na nga ako eh", pamimilosopo ko naman


     "Hahaha! Vice Ganda lang?", pagbibiro niya, ngumiti naman ako sa kanya


     "Hindi Vic Sotto lang", pamimilosopo ko ulit


     "Haha.. ikaw talaga tara na ihahatid na kita", pagpupumilit niya


     "Sus, yun lang naman pala eh.. tara na nga", pagpayag ko at naglakad na kami pareho


     Ganyan si Jorge, nakasanayan ko na yan ang gawin niya akong baby, oks lang naman yun sa akin kasi may mga taong mahalaga pala ako sa kanila. Nang nasa tapat kami ng bahay...


     "Bes, papasok na ako sa loob ah", paalam ko sa kanya


     "Bakit bes lalabas ka ba sa loob?", pamimilosopo niya


     "Hoy pilosopo ah! papasok na nga lang ako eh", natatawang sabi ko sa kanya


     "Sige na pumasok ka na, alam ko naman na pagod ka eh", sabi niya, tumango naman ako bilang pagsang-ayon at pumasok sa loob ng bahay


     Pagkapasok ko naman sa loob ay napansin ko naman sina Itay at Inay na naglalambingan. Nakakatuwang pagmasadan kasi mahal talaga nila ang isa't-isa. Naiingit tuloy ako, hays, sino kaya ang mag-gaganyan sa akin? Waaaah! Syempre wala noh!


     "Oh anak nandyan ka na pala, pumasok ka na", sabi ng Inay nang mapansing nakapasok na ako ng aming bahay. Agad naman akong lumapit sa kanila


     "Kamusta ang first day of class?", pagtatanong ng aking Inay


     "Okay lang naman po nay, alam niyo naman na kapag first day of school, puro pakilala lang parang high school lang po nay", balita ko sa Inay


     "Oh sige na anak magpahinga ka na, alam kong pagod ka na tapos may trabaho ka pa mamaya", sabi naman ng Itay sa akin


     "Oo nga po tay eh, alam niyo na..", sabi ko at ngumiti-ngiti pa kasabay ng pagtaas-taas ng kilay tapos titingin kay Inay tapos kay Itay na may gustong ipahiwatig


     "Anak naman, alam ko naman na pagod ang Inay mo eh", depensa ng Itay


     "Eh ako tay? Pagod din naman ako eh", natatawang pagmamaktol ko


     "Eh di humanap ka ng lalakeng manglalambing sa'yo hahahaha!", pagbibiro ng Itay at humagalpak ng tawa


     "Itay talaga! Naisingit niyo pa po yun", asar kong sabi


     "Oh magtigil kayong dalawa d'yan, mamaya baka may gyera na naman ha. Oh anak, may pagkain naman dito eh, kumain ka na lang kung gusto mo", sabi ng Inay sa akin


     "Magpapahinga lang muna ako nay", sabi ko at pumasok ng aking kwarto


     Pagkapasok ko naman ng aking kwarto, ay humiga naman ako sa aking papag at nagpahinga. Napansin ko na naman ang kahon ng aking nakaraan. Ang nakaraan namin ni Rain. Muli, nasasaktan na naman ako. Hindi ko kasi alam kung kelan siya babalik. Mahigit isang dekada na rin akong nag-aantay pero wala pa rin ni anino ang nagpapakita sa kanya.


     Minsan nga naiisip ko na baka nagkamali lang ako ng pagkakaintindi sa sulat na iniwan niya, baka mahal lang niya ako bilang kaibigan lang. Ako lang ang nag-aasume na mahal niya ako. Minsan naisip ko nga na baka may iba na siya dun, may babae na siya, may anak na sila at masayang namumuhay sa States. Para kasi sa akin sa twing naiisip ko yun, nasasaktan ako eh lalo na't sa pagdaan ng araw ay mas lalo mong naiisip kung ano na bang talagang nangyayari sa kanya baka totoo na yung iniisip ko.


     Dahil mahal ko nga siya ay kelangan kong maging manhid sa kung sinuman ang kakatok sa aking puso. Basta ang nasa isip ko lang ay kung sakali mang babalik si Rain ay hindi ko na siya papakawalan. Tama na ang mahigit sa isang dekadang pag-aantay.


     "Rain, gaano ba ako kahabang mag-aantay sa'yo? Ang hirap na kasi eh, mahal mo bang talaga ako? kasi kung mahal mo ako, dapat nandito ka na sa piling ko. Dapat masaya tayong nagsasama pero kahit wala ka parin dito, patuloy parin ako sa pag-aantay sa'yo"


     Palaging ganito ang Aking ginagawa, kakausapin ko ang mga masasayang araw namin hanggang sa araw ng aming paghihiwalay, hayss, nalungkot naman ako. Masyado pa siguro kaming bata para sa love pero ngayong nasa tamang age na ako, siya pa rin ang hinahanap ko. Hays, buntong hininga na naman.


     Agad naman akong bumangon at lumabas ng aking kwarto nakita ko naman sila Inay at Itay na kumakain ng sabay, date kumbaga haha!


     "Oh anak sumabay ka na sa amin", salubong sa akin ng aking Itay nang makita niya ako


     "Hindi ba ako nakakaistorbo sa date niyo ng Inay?", pangiti-ngiting sabi ko sa Itay napansin ko naman ang Inay na napapangiti din


     "Ikaw talaga, sige na sumabay ka na sa amin ng nanay mo", sagot naman ng Itay at ngumiti rin. Sumunod naman ako sa Itay at umupo sa hapag.


     Pagkatapos naman naming kumain ay agad na akong bumalik sa kwarto para maghanda na sa trabaho ko mamaya. Nagpaalam naman ako sa magulang ko na aalis na ako. Actually, part time lang ang kinuha kong trabaho bilang waiter at pasalamat naman na kasya sa aming magkakapamilya ang aking kinikita dito. Pagkadating ko naman ng bar..,


     "HHHUUUYYYYY!!!", biglang sigaw ng lalake sa aking likuran na syang ikinagulat ko


     "AY! Anak ng tipaklong!", biglang nabigkas ko, nilingon ko naman yung nanggulat sa akin at as expected...,


     "Ano ba yan Nikko! Gabi-gabi na lang?", inis kong sabi


     "Hahaha! Ito naman, masyado ka kasing nagkakape eh", sagot niya

/*/
     Si Nikko. Si Nikko ang pinakaclose ko sa bar. Kengkoy siyang tao, palabiro, nagpapatawa kaya nga palaging puno 'tong bar eh karamihan mga kababaihan and don't ask me kung bakit ganun hahaha! Alam naman niya ang estado ko, actually kagaya lang siya ng Jorge na nagpapanggap na boyfriend ko which I really don't like


     "Hindi naman ako nagkakape eh", depensa ko naman


     "Sus, sabagay kasi pagpasok mo dito, ako agad ang hanapin ah, nang hindi ka nagugulat", sabi niya at humagalpak ng tawa


     "Loko, pano naman kita makikita kung napapalibutan ka ng chicks?", pang-aasar ko


     "Alam ko naman yun, kaya nga nahanap agad kita eh, kasi isa ka sa mga nakapalibot dun hahaha!", pang-aasar niya din sa akin


     "Ang kapal naman ng mukha mo, hindi naman ako yung iba d'yan na sobrang patay na patay sa'yo hahaha!", sabi ko naman


     "Talaga lang ha", matawa-tawang sabi naman niya sa akin


     "Oo naman, akala mo naman madadaan mo ako sa itsura mo, oy wag kang mag-feeling", pang-aasar ko


     "Sus oo na lang, ba't kasi ayaw mong mag-girlfriend? may itsura ka naman ah", sabi niya


     "Paulit-ulit na lang tayo dito? Ang sabi ko sa'yo noon pa na..", sabi ko at ipinagpatuloy niya naman


     "...na alam mong babalik at babalik ang taong mahal mo para sa'yo at wala man sino ang mapapaibig sa'yo dahil tatanggihan mo", sabi niya


     "Oh alam mo naman pala eh, bakit nagtatanong ka pa?", sabi ko sa kanya


     "Nagbabaka-sakali lang", tanging nasabi niya


     "Tara na nga magiis-start na ako ng duty ko",


     "Tara na nga", sagot naman niya


     Actually, kalahating taon palang ako sa serbisyo pero tinutulungan pa rin ako ni Nikko. Ewan ko dun at anong nakain haha! Pagkatapos naman ng duty ay agad naman kaming nagpaalam ni Nikko sa aming boss. Hindi naman kami parehas ni Nikko ng daanan kaya naghiwalay na kami


     Hindi naman ako kinakabahan kahit anong oras na akong makauwi sa aming bahay kasi kilala ko na dito ang mga holdapers dito eh haha! Pagkauwi ko naman ng aming bahay ay alam kong tulog na sina Inay at Itay kaya hindi ko na sila ginambala pang gisingin.


     Bago muna ako matulog ay syempre ni-lock ko muna ang pintuan ng aming bahay for secutrity hahaha! Agad naman akong pumasok sa aking kwarto, nag-alarm para sa trabaho bukas at nahiga na sa papag. Di ko na lang namalayan na nakatulog na ako.


     Bigla naman akong nagising sa kung anumang liwanag, siguro mag-uumaga na kaya napasarap ang tulog ko pero nagalarm ako ah. Agad ko namang idinilat ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Ang liwanag ng paligid, hindi ko makita ang mga nasa paligid ko kasi sobrang liwanag.


     "Ito na ang simula ng engkwentro mo nilalang. Ito na ang magiging pagsubok mo", narinig ko sa paligid pero wala akong makitang tao


     "Ano ba yang pinagsasabi mo?!", sigaw kong sabi sa kanya


     Wala na akong narinig na tugon mula sa kanya sa halip ay nakarinig ako ng tawanan. Yung tipong tawanan na nakakaasar, mapanlait at parang ikaw yung pinagtatawanan. Pilit ko namang tinatakpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga tawanang ito pero sadyang malakas talaga ang mga boses.


     "BAAAAAM!!!!", tanging narinig ko na bumagsak na bagay sa aking likuran, lumingon ako at isang salamin ang aking nakita.


     Nakita ko namang ang aking repleksyon sa salamin na ito. Nagulat ako nang makitang nagbago ang repleksyon ko sa ibang anyo. Hindi ko maisalarawan ang aking sarili pero nakakahiya. Maya-maya nama'y naririnig ko na naman ang mga tawanan. Sobrang lakas kesa kanina. Tinakpan ko ang aking tenga. Nakita ko naman ang salamin ay unti-unting nagka-crack, sumabog hanggang sa.....









     "HINDI!!!!", sigaw ko mula sa sa aking kinahihigaan


     "Panaginip na naman! Arrgghh!", inis kong sabi sa sarili


     Hindi ko alam kung bakit nagbago na naman ang scenario sa aking panaginip. Ano ba ibig sabihin nun? Totoo ba yun? Ano bang ibig sabihin ng tawanan, ako, yung repleksyon ko? Mangyayari ba yun? Kung kayo ako, maniniwala ba kayo? Hayss...


     "KRING...KRING...KRING!!!", sigaw ng aking alarm clock na nakapag-gising sa aking pagmumuni-muni


     "Anak ng tipaklong naman oh", sabi ko at pinatay ang alarm clock


     Agad naman akong lumabas ng kwarto at napansin kong wala pa sina Inay at Itay kaya ako na ang naghanda ng aming almusal.


     "Oh anak, gising ka na pala", bungad ng Itay sa akin na tila kagigising lang kasi pupungas-pungas pa


     "Good morning tay, tara na kain na tayo", masayang sabi ko naman sa Itay


     "Oh sige anak, tatawagin ko na ang Inay mo", sagot naman ng Itay at pumasok ulit ng kwarto para gisingin ang Inay


     "Oh anak, ang aga mo namang magising", bungad naman ng aking Inay


     "Good morning nay, hindi pa po kayo nasanay sa akin eh may alarm clock po ako", masayang sagot ko kay Inay


     "Ikaw talagang bata ka", tanging nasabi ng Inay


     Nagsimula naman kaming kumain sa pangunguna ng pagdadasal ng Itay. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpresenta ang Itay na siya na daw ang maglilinis ng bahay kaya sumunod ako kay Inay palabas ng aming bahay.


     "Oh anak dito na ako ah, maghihiwalay na tayo, mag-iingat ka d'yan ha", bilin ng Inay sa akin


     "Kayo rin po nay", sagot ko naman


     Agad naman akong nagsimulang maglinis ng buong barangay at syempre tinulungan naman ako ni Jorge na maglinis. Napansin ko naman na hinihingal si Jorge tanda ng pagod na 'to alam ko kasi kung pagod 'to or nag-iinarte lang eh


     "Bes upo ka muna", sabi ko sa kanya


     "Bes ba-bakit?", sabi naman niya


     "Pagod ka na eh", sabi ko sa kanya


     "Hah? Hi-hindi pa ako pagod noh", depensa pa niya


     "Sus, alam ko kung pagod ka or hindi", sabi ko na ikinatahimik naman niya


     "PAAKK, guilty. Sinabi ko na nga ba eh", sabi ko at pinaupo siya at naglabas ng bimpo at pinunasan siya


     Habang pinupunasan ko siya ay napansin ko ang pagngiti niya hindi ko alam pero may pagkapilyo ang ngiti niyang iyon


     "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?", tanong ko sa kanya


     "Ha? wala noh", depensa niya


     "Anong wala? eh halos mapunit na yang labi mo sa kakangiti", sabi ko sa kanya


     "Ah..eh.. kasi ang sarap pala sa pakiramdam kung pinupunasan ka ng bestfriend ko", nakangiting sabi niya sa akin


     "Loko! Magpunas ka mag-isa mo", sabi ko


     "Bes naman", sabi niya


     "Anong bes naman! Ako na nga 'tong nagpresentang punasan ka tapos ikaw kung anu-ano pa ang pinag-iisip nakuu..", inis kong sabi


     "Hahaha! Joke lang po yun bes", sabi naman niya


     "Dapat lang", sabi ko at nagsimulang maglinis ulit


     Pagkatapos ko namang maglinis ng buong barangay ay agad naman kaming umuwi ni Jorge sa aming bahay. Pasalamat ako kasi may gaya niya na tumutulong sa akin. Pagkauwi ko naman ng bahay ay agad naman akong nagpahinga at syempre naalala ko na naman si Rain. Pumasok naman ako sa campus at agad naman akong pumasok sa room. Napansin ko naman sila Jelay at Richard sa room. Ka-classmate ko pala siya ngayong sched kong 'to


     "Jelay!!!.. Richard!!!..", pagtawag ko sa kanila


     "Beks! Dito ka na umupo!", masayang sabi naman niya sa akin


     "Kahit hindi mo naman sabihin, uupo talaga ako dito eh, hahaha!", pagbibiro ko at napansin kong naging seryoso naman ang mukha niya


     "Ba-bakit? may nasabi ba akong mali?", tanong ko sa kanya


     "May hindi ka pa pala nasasabi sa amin?", seryosong tanong niya sa akin


     "Oo nga", tugon din ni Richard


     "Ha? ano naman yun?", biglang pagseryoso ko naman


     "Hindi mo pala sinabi sa amin na kilala mo pala si Krisha Alcantara", sabi niya sa akin na ikinagulat ko naman


     "Hah?! Kilala mo yung bestfriend ko?", nagtatakang at gulat kong tanong sa kanya


     "At bestfriend mo pala siya ah?", sunod naman niyang nasabi sa akin


     "Actually sasabihin ko naman sa inyo yun ngayon eh", sagot ko naman


     "So kung hindi pa ako magsasalita hindi mo pa sasabihin?", medyo pataray niyang sabi


     "Bakit? Galit ba kayo kay Krisha?", tanong ko


     "Hindi naman, pero kilala mo yung boyfriend niya di ba?", balik-tanong naman niya sa akin


     "Ah yung Kirby ba? yung maangas", sagot ko


     "Oo", simpleng tugon naman niya


     "Bakit anung meron sa kanya?", kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam pero deep inside, kinakabahan talaga ako


     "So hindi mo pala ang tunay niyang personality?", sabi naman niya sa akin


     "Ano ba yun? pakiklaro naman?", nagtatakang sabi ko sa kanya


     "Hmm, wag kang mabibigla sa sasabihin ko sa'yo ah", sabi niya sa akin, tumango naman ako bilang pagsang-ayon


     "Ok first, si Kirby, siya yung boyfriend ni Krisha. Isa sa mga 4 kinababaliwan ng mga kababahian pero si Kirby lang ang may ugaling galit sa mga tulad natin", sabi niya


     "HA! What do you mean?", takang tanong ko sa kanya


     "Hindi ko alam pero once na nalaman niyang bakla, ay naku tapos ka na!", sagot niya sa akin


     Bigla naman akong napasisip sa mga nangyayari. Nalaman ko na kung bakit natataranta si Krisha nung kausap ko si Kirby. Alam ko na kung bakit nag-iiba yung aura niya kapag kausap ko siya kasama si Kirby. Alam ko na rin kung bakit masama ang titig niya sa akin. Pero is he knows my identity?


     "Huy! Parang kinakabahan ka noh?", sabi ni Jelay sa akin pero nananatili siyang seryoso


     "Bakit? pano mo nalaman yun?", sabi ko sa kanya at halata pa rin sa akin ang pagiging kabado


     "Simply, I'm his victim before", sagot niya sa akin


     "HA! Ano!", gulat kong sabi sa kanya


     "Oo, nabiktima na niya ako. Pasensya na ah, I'll just give you warn Jm, mag-iingat ka ah. Kasi once na nalaman niya na bakla ka, you're dead", sabi niya


     "Pero don't worry Jm, kami bahala sa'yo", ang pagpapakalma sa akin ni Richard


     "Alam ko naman na malalaman at malalaman din ni Kirby yung tunay na ako eh", ang sagot ko naman


     "Oo nga, kaya nga tutulungan ka namin eh", ang sabi naman ni Richard


     "Ha? Pano?", nagtatakang sabi ko, napansin ko naman na nakangiti si Richard


     "Sasali ka sa basketball team namin ah, sa ayaw at sa gusto mo", ang sagot niya


     Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya kasi favorite ko yung basketball, sabi nga sa akin ni Jorge eh, parang pang NBA yung style ko sa paglalaro. Kaya ang sinagot ko...


     "Ok sige. Call ako", ang pagpayag ko


     "Sige, team B tayo, actually, this campus has 4 teams at ako ang napili na maging captain sa isa sa mga teams na iyon..", ang paliwanag niya


     "Talaga", ang di mapakaniwalang sabi ko


     "Oo kaya, baka by friday or next week, baka may practice game tayo ah, isasabak na kita dun", ang sabi naman niya


     "Ok good!", masayang sabi ko


     "Bakit beks, marunong ka bang mag-basketball?", ang di-mapakaniwalang sabi ni Jelay sa akin


     "Hindi naman, kayo na mag judge", ang natatawang sabi ko naman


     Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap ay may pumukaw sa amin na isang tili gaya ng kahapon.. at as usual..


     "Classmates...!!!! classmate natin si Mike!!!! Ayieeeee!!", tili ng babae sa amin room classmate ko rin 'to


     "Si Mike? ayiiieeee!!! My gawd!!!", tili din ni jelay, nagtilian naman yung iba kong classmate


     "Kumalma ka Jelay", ang nasabi naman ni Richard


     Patuloy pa rin sila sa pagtitilian samanatalang ako ay parang wala lang kasi hindi ko naman kilala yung Mike eh, siguro gwapo yun kung gwapo nga, tsk! I don't care, di ba nga sabi ko hindi ako kumikilatis kung pogi or cute ang isang guy.


     "Jm hindi mo kilala si Mike?", kinikilig na sabi ni Jelay sa akin


     "Ah... Teka yung kabarkada ni Kirby?", tanong ko


     "Oo", sagot niya


     "Ah, naging classmate ko silang apat kahapon pero ang nakita ko lang si Kirby eh kasi siya lang lumapit sa amin kaya hindi ko na napansin yung iba", sagot ko naman


     "My gawd sana alphabetically arranged tayo para makatabi ko siya ayiieee!!", kinikilig niyang sabi


     "Sus, madami tayong S ang apleyido noh, wag magassume", sabi ko


     "Oo nga", gatong ni Richard


     "Tse!, minsan lang 'to noh", sabi naman niya

/*/
     Naging mas malakas ang mga tilian sa pagdating nitong lalakeng nagngangalang Mike, pero ako hindi ako na-gagwapuhan sa kanya kasi mas pogi ang Rain ko hahaha! teka ano na kaya ang itsura ni Rain? Hays.. Saktong pagpasok naman ng Mike ay agad namang pumasok ang professor namin


     "Class, ayokong maingay ang klase ko kaya I'll arrange you in alphabetical order", announce naman ng prof sa amin nakita ko naman na nakangiti ng wagas si Jelay, napangiti naman ako hahaha!


     Agad naman kaming inarrange ng prof namin hayyss, kala ko pa naman makakatabi ko si Jelay pero napapagitnaan naman namin yung katabi niya na heaven sa kanya hahaha! Yung Mike ba yun?


     "Jelay?", banggit ko sa pangalan niya


     "Ba-bakit?", utal-utal niyang sabi, natawa naman ako


     "Wala", sagot ko sa kanya


     Sandaling lumabas yung prof namin dahil may kukunin daw siya. Saktong pag-alis naman ng prof ay siya namang rambulan ng mga babae na malapit kay Mike


     "Mike, can I have your number?", pa-sweet na sabi ng babae kay Mike


     "Mike, pwede bang pasama mamaya", sabi naman ng isang babae


     "Hello Mike, pwede pa-picture", malanding sabi ng babae kay Mike


     Puro ganyan ang naririnig kong tanong nila kay Mike pero 'tong si Mike, dedma. Tsk! Suplado pala 'to.


     Hindi ko na lang pinansin yung lalakeng nagngangalang Mike, sa halip ay tinignan ko naman si Jelay na namumula pa rin hanggang ngayon. Natawa na lang ako sa aking nakita.


     Natapos ang klase nang namumula si Jelay.. Pansin ko naman na lumabas na yung Mike na yun.. at summunod yug mga patay na patay sa kanya.. kala mo naman ka-gwapo! Hmp!


     "Jelay.. ui, wala na yung Mike mo!", panggigising ko kay Jelay


     "Jelay HOY!!!!...", pagsigaw naman ni Richard, kita ko naman na nagulat si Jelay na akala mo end of the world na, natawa naman ako haha..


     "Ah.. eh.. tara na nga", ang naiusal ni Jelay dahil sa pagkakahiya, natawa naman kami ni Richard sa inasal niya


     "Oy, mauuna na ako sa inyong dalawa ah, pupunta na akong court para masabihan ko na sasali ka Jm", ang paalam sa amin ni Richard


     "Ikaw talaga ang busy mo talaga, president ka na nga sa organization niyo tapos captain ka pa sa basketball team,, hayok ka naman!", ang pagbibiro ko


     "Ganun talaga... sige na!", ang sabi niya at tuluyang umalis sa amin


     Habang naglalakad kami ni Jelay palabas ng campus ay nagulat na lang ako nang bigla siya nagtititili..


     "AAYYYYYIIIEEEEE!!!!", tili niya


     "Ano na naman yang tili na yan?", sabi ko


     "Si papa Rj parating Ayyyyyiiee!!", tili niyang pahayag


     "Saan?", tanong ko


     "Ayun oh!", turo niya sa lalakeng nakaupo sa corridor

/*/
     "Tapos?" sabi ko naman


     "Ano ba yan beks! Hindi mo rin type si papa Rj?" ang tanong niya sa akin


     "Hindi eh bakit ba?", ang tanong ko naman


     "My gawd! Jm siya ang isa sa sikat, siya yung pinakamatalino sa kanila", impormason naman niya


     "pero okay lang kasi ang pinakagwapo kasi si papa Mike!", dugtong naman niya sa akin natawa naman ako


     "Ikaw talaga Jelay tara na nga umuwi na tayo", sabi ko sa kanya


     "Teka mag-gagala pa ako eh", ang sabi naman niya


     "Puro ka gala eh.. tignan mo yung grade mo parang buhok mo lang", ang nasabi ko


     "Bakit?"


     "Bagsak na bagsak, hahaha", ang nasabi ko at tumawa


     "Ikaw talaga, hindi naman ganun kabagsak noh", depensa naman niya


     "joke lang, ay oo nga pala, dadaan pa pala ako sa library kasi gagawin ko na yung assignment ko", ang sabi ko sa kanya


     "Sige na, pumunta ka na sa library at ako naman sa mall haha", sabi niya, nagpaalam naman ako sa kanya at tuluyang pumunta ng library


     Nasa loob ako ng library nang, makita kong maraming tao, ano ba naman yan, panu ako gagawang assignment niyan?


     "Grabe talaga gwapo rin si Kenji ah, kaso tahimik lang talaga", ang rinig kong usal ng babae


     "Oo nga eh, pero mas gwapo si Mike noh", rinig kong sagot ng isa


     Hindi ko naman pinakinggan ang natirang usapan nila, hindi naman ako tsismoso noh. Pagkakuha ko naman ng libro ay agad naman akong umupo sa bakentang upuan at muli, eto na naman si bulung-bulungan


     "Ang kapal naman niyang umupo diyan, akala mo naman kakausapin siya ni Kenji", ang sabi ng isa


     "Oo nga eh, feeler siya noh", ang sabi ng isa


     Sino ba yung Kenji na yun at masapak ko nga, kawawa tuloy yung pinagsasabihan, hindi man lang niya alam na siya yung pinag-uusapan.


     "Aaaaaaa...", ang hikab ng lalakeng nasa harapan ko


     "Ssshhh.. wag ka ngang maingay! library 'to eh", ang suway ko sa lalakeng naghikab


     Bigla akong nabigla sa istura ng lalake, hindi ko alam pero parang namumukhaan ko siya, ewan baka namamalik-mata lang ako


     "Sorry", ang usal ng lalake sa akin, nginitian ko naman siya


     Agad naman tumayo ang lalake at tuluyang umalis. Sumunod naman yung babaeng nagbubulung-bulungan kanina.. nagulat nga ako ng sumigaw sila ng...


     "Kenji..!!! tekalang!", ang sigaw nila


     Nagulat naman ako, so si Kenji yung lalakeng hummikab so ako pala yung pinag-uusapan nila kanina pa, arrgghh! naisahan ako dun ah! hindi ko tuloy magawa ng maayos ang aking assignment dahil sa aking narinig kanina lang. Nahihirapan lalo ako sa assignment lalo na't rinig ko pa rin ang bulung-bulungan pero pasalamat sa utak ko at natapos ko ang assignment ko.



     Pagkatapos ko naman gawin ang aking assignment ay agad akong lumabas ng library. Palabas na sana ako ng campus nang makita ko si Kirby may kasama siyang mga lalake na sa tantya ko hindi sikat at nagulat lalo ako ng tignan naman ako nila ng masama.

2 comments:

  1. Oh my g! Gusto ko ung story. Hahahaha. Nex chapter please!

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. wOw ang ganda naman nito.. nest chapter po.. medyo misteryoso pa :)

    -marC-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails