Followers

Sunday, December 29, 2013

Ang CHRISTMAS WISH Ni Joey Boy 3 of 3



*******December 24*******

Almost 30 minutes na'y hindi pa din ma-Convince-convince nina Katie, Britney and Carl na tumayo sa kaniyang bed ang nagmumugtong si Joey Boy.
"Sige na Joey Boy... Tayo ka na... 10am na..." Ang pilit ni Katie sa nakatalukbong pa ding si Joey Boy.
"Eheeek... I'm sleepy pa eh..." Ang pagsisinungaling ni Joey Boy habang lalo pa niyang hinihigpitan ang kaniyang paghawak sa kaniyang comforter upang hindi ito matanggal nina Carl and Katie. Ang katotohana'y walang gana talaga itong si Joey Boy na magCelebrate nang araw na ito.
"Hindi ka pa nagbre-breakfast... Kanina pa nakahain ang mga foods sa table... Hindi mo din binuksan yung mga gift namin sayo kagabi..." Ani naman ni Carl habang buong lakas niyang tinatanggal ang nakatalukbong na comforter kay Joey Boy.
"I'm not hungry... and i'm really sleepy pa..." Ang tanggi muli ni Joey Boy at talaga namang hindi nakaya ng kaniyang Kuya Carl na tanggalin ang kaniyang talukbong.
"Sige bahala ka Joey Boy... Masarap pa naman ang gift ko sayo..." Ang bribe ni Katie sa biglang natahimik na si Joey Boy.
"Ibibigay ko na lang sa mga playmates mo yun kung hindi ka babangon dyan..." Ang next na sambit ni Katie sa nagsisimulang kumilos nang si Joey Boy.
"I'll just brush my teeth..." Ang sambit ni Joey Boy habang tamad na tamad siyang bumango't tumungo sa kaniyang bathroom.
"Bilisan mo ha... Nandyan ang mga kalaro mo't hinihintay ka sa baba..." Ang nakaSmile namang bilin ni Carl.
"I'm sleepy and I don't want to play..." Ang ulit muli ni Joey Boy. Nagkatinginan at nagkangitian na lamang sina Carl and Katie dahil alam nilang clueless na clueless ang nag-i-emong si Joey Boy ng mga oras na iyon.
"Britney... Can you get my toothbrush and put some toothpaste on it please..." Ang tinatamad na usal ni Joey Boy.
"ARF..." Ang attentive namang pagsunod ni Britney sa tinatamad na si Joey Boy. Paminsan-minsan ay inuutusan ni Joey Boy itong si Britney kapag medyo wala siya sa mood at kapag nagiging bratinello itong siya.
Hindi talaga maiwasang maUpset ng isip batang si Joey Boy since last night dahil ang talagang nasa sa isip lamang nito'y ang buong family nina Mang Delfin and Aling Fely at ang maliliit nitong mga anak. Hanggang ngayo'y sila pa din ang iniisip nitong si Joey Boy at kahit walang kamuwang-muwang itong si Joey Boy ay batid at dama ng kaniyang musmos na puso't diwa ang kalagayan ng mga ito.
"After that eh change your clothes na at pumunta ka kaagad sa Living room para makita mo ang mga kaPlaymate mo..." Ang last na bilin ni Katie sa nagtu-toothbrush na si Joey Boy bago sila tuluyang lumabas na ni Carl sa room ni Joey Boy.

**************

Kahit na anong pilit ng Askal na si Britney na magpalit mula sa kaniyang Pajama itong si Joey Boy ay wala itong nagawa dahil walang gana talaga ito at nakapagDecide na itong mag-i-iStay na lamang siya sa loob ng kaniyang room the whole day.
"Arf... Arf... Arf..." Ang muling kahol ni Britney at walang pasabi niyang kinagat ang laylayan ng pajama ni Joey Boy at saka hinila palabas ng kuwarto dahil no choice na talaga siyang ginawa iyon.
"Britney naman eh... Eheeek..." Ang reklamo ni Joey Boy habang sumusunod na lang siya kay Britney and halos tumagal din ng ilang minutes bago sila makababa na ng tuluyan ng hagdana't makarating sa dining room.
"Bakit nakaPajama ka pa..." Ang nakaSmile na tanong ni Ma'am Silvs nang makita niya ang hitsura ng kaniyang anak.
"I want to sleep all day Mommy..."
"Are you sure Baby..."
"Yes Mommy..."
"Mag Breakfast ka na muna Baby..."
"I'm not hungry eh..."
"How about opening your gifts..."
"I'm sleepy pa Mommy..."
"Sige na nga Baby..." Ang bugtong hininga na lamang ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.
"Tawagin mo na ang mga bisita natin sa Living Room para sabay-sabay na kayo kumain..." Ang next na usal ni Ma'am Silvs na tahimik na lamang na sinunod ni Joey Boy ito. Katulad nina Carl ay napangiti na lamang itong si Ma;am Silvs habang pinagmamasdan niyang naglalakad si Joey Boy papuntang salas na bagsak ang dalawang balikat.

****************

Nakayukong pumasok ng Living room itong si Joey Boy at nilapitan niya ang mga nakaupong bisita at clueless na clueless itong nagsalita sa mga ito.
"Gudorning... Let's have some breakfast na po..." Ang matamlay na pag invite ni Joey Boy sa mga bisita.
"MERRY CHRISTMAS JOEY BOY!!!" Ang masayang-masaya't malakas na pagbati ng mga bata sa napatalong si Joey Boy dahil sa pagkagulat.
"EHEEEEK!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy kasabay ng panlalaki't panginginig ng mga namimilog niyang mga mata.
"Eheeek..." Ang muling sambit ni Joey Boy habang pinagmamasdan niya ang mga nakangiting mukha ng mga bata.
"Merry Christmas Joey Boy..." Ang heartwarming na bati ni Nanay Fely sa parang estatwang si Joey Boy.
"Hello Joey Boy..." Ang bati naman ng nakaSmile na si Tatay Delfin.
"HI JOEY BOY..." Ang salitang bati naman nina Ambo, Kring-Kring, Jun-jun, Utoy, Bebeng, Ning-ning, Ging-ging and Neneng.
"Anyare Itay..." Ang sambit ni Ambo kay Tatay Delfin nang ilang minutes na hindi kumi-kilos itong si Joey Boy.
"Joey Boy..." Ang sambit naman ng kambal na sina Ning-Ning and Ging-ging habang nilalapitan nilang magkakapatid ang natahimik na si Joey Boy.
Tahimik lamang na nakamasid sina Ma'am Silvs and Sir Steve at kahit sila'y nagtataka din sa ikinikilos nitong si Joey Boy.
"EHEEEEEK!!!" Ang walang pasabing malakas na outburst ni Joey Boy sabay sugod niya sa mga batang papalapit sa kaniya.
"EEEEEEEEEHHHHH!!!" Ang sigawan ng mga bata nang walang pasabing niyakap sila ng mahigpit ni Joey Boy.
"UWAAAAH... UWAAAAH... UWAAAAH..." Ang next na malakas na pag-iyak ni Joey Boy habang lalo pang humihigpit ang kaniyang  pagHug sa mga bata.
"EEEEEHHHHHH!!!" Ang tilian pa din ng mga bata dahil pakiramdam nila'y mababali ni Joey Boy ang kanilang mga buto.
"STOP JOEY BOY!!!" Ang nagpapanic na sambit ni Ma'am Silvs.
"Carl... Katie... Tulong..." Ang pagtawag naman ni Sir Steve dahil kahit silang dalawa na ni Tatay Delfin ay hindi nila makayang alisin ang pagkakayakap ng mahigpit ni Joey Boy sa mga bata.

********After A Couple Of Minutes********

Humihikbi pa din itong si Joey Boy habang nakaupo na silang lahat sa mesa at lahat ng mga mata'y nakatingin lamang sa kaniya.
"Tahan na Joey Boy..." Ang pagpapatahan ng bunsong si Neneng sa katabi niyang si Joey Boy.
"Sige na... Huwag ka nang umiyak..." Ang sambit naman ni Utoy na katabi naman ni Joey Boy sa kabila niyang side.
"Pasensya na ho talaga kayo at ganyan lang talaga ang anak ko..." Ang nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Ma'am Silvs kina Nanay Fely and Tatay Delfin.
"Wala po yun... Tuwang-tuwa talaga kami lalo na ho ang mga bata dyan kay Joey Boy..." Ang reply naman ni Tatay Delfin.
"Misis... Maraming-maraming salamat talaga sa pag-iimbita nyo po sa amin... Malaking bagay po ito sa amin lalong-lalo na sa mga bata..." Ang maluha-luhang sambit naman ni Nanay Fely. Kagabi'y inutusan kasi ni Ma'am Silvs sina Manong Cris and Carl na sunduin ang mga ito ng maagang-maaga para magCelebrate ng Chrsitmas sa kanilang Mansion.
"Maraming-marami ding salamat sa pag-aalaga nyo sa anak ko... Nag-iisa lang kasi siya eh..." Ani naman ni Ma'am Silvs.
"Napakabait po talaga ni Joey Boy... Binigyan nya po kami ng pagkain..." Ang masayang sambit ng panganay na si Ambo at doo'y ikinuwento na nila kung paano nila naging kaibigan itong si Joey Boy.
"Ba't di pa kayo kumakain..." Ang masayang sambit ni Nanay Cion nang mailapag na niya sa mesa ang ininit niyang Spaghetti from last night Noche Buena.
"WOW!!!" Ang manghang sambulat ng mga bata nang makita nilang napakarami ng spaghetti na inihanda sa mesa.
"Eto pa..." Ang habol naman ni Carl nang makabalik na ito sa kusina.
Hindi na nakapagsalita pa ang mga bata habang isa-isang inihahain nina Carl and Katie ang mga pagkain sa mahabang Dining table nina Joey Boy. Pagkatapos na pagkatapos na maghain ay naupo na itong sina Carl and Katie sa kanilang puwesto upang makakain na din dahil hindi talaga sila nag breakfast at hinintay nilang maipakita nila kay Joey Boy ang kanilang napagplanuhang surprise para dito.
"Dahan-dahan lang... Gumamit kayo ng kutsara't tinidor..." Ang mabilis na saway ni Tatay Delfin sa kaniyang mga gutom na gutom na mga chikiting.
"Hayaan mo na sila Mister... Okay lang yan..." Ang nakangiting sambit naman ni Ma'am Silvs.
"Anong gusto mong kainin Joey Boy..." Ang tanong naman ni Neneng.
"Kumain ka na lang Neng at marunong yang si Joey Boy kumain mag-isa..." Ang sambit muli ni Ma'am Silvs.
"I want spaghetti, hotdog, ham, fried chicken, lots of rice..." Ang parang walang narinig na reply naman ni Joey Boy kay Neneng. Napangiti na lamang sina Carl and Katie habang pinagmamasdan nilang nilalagyan ng maliit na si Neneng ang plato ni Joey Boy at kahit ang katabi nitong si Utoy ay nilalagyan din ng food ang plate ni Joey Boy.
"Malaking subo Joey Boy... Aaaah..." Ang sambit ni Neneng habang sinusubuan niya si Joey Boy na masayang-masaya din namang sumusunod. Halos pigilan nina Carl and Katie ang matawa dahil baligtad ang eksna na mga bata ang nagsusubo kay Joey Boy.
"Neneng... Hindi laruan yang si Joey Boy..." Ang mahinang saway ni Nanay Fely sa kaniyang bunso.
"Kala talaga ng anak ko eh laruan yang si Joey Boy... Nakatulugan ni Neneng ang pag-iyak kagabi nang sinundo na si Joey Boy sa bahay..." Ang kuwento naman ni Tatay Delfin kina Ma'am Silvs and Sir Steve.
"Mommy..." Ang out of nowhere na sambit ni Joey Boy.
"Ano yun Baby..."
"Can we buy them gifts... I have lots of gift kasi but they don't have any eh..."
"Sure Baby... This afternoon at sarado sa ganitong oras ang mall kapag Christmas..."  Ang nakasmile nareply naman ni Ma'am Silvs.
"Naku Misis... Huwag na po..." Ang nahihiyang sabayang sambit ng mag-asawa kay Ma'am Silvs.
"Huwag na kayong mahiya... Gusto talaga ni Joey Boy ang nagshe-share..." Ang explain naman ni Sir Steve sa mag-asawa.
"And can we watch Movie also at the cinema..." Ang biglang hirit ni Joey Boy na ikinatawa naman ni Ma'am Silvs.
"Sure Baby..."
"EHEEEEK... THIS IS THE BEST CHRISTMAS EVEEEER..." Ang hindi mapigilang sambit ni Joey Boy at pagkatapos ay kaagad siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at agad na lumapit sa kaniyang Mommy upang i-Hug ito.
"Finish ka na bang mag-eat..." Ang tanong naman ni Ma'am Silvs sa walang tigil sa kahahalik sa kaniyang cheek na si Joey Boy.
"Yes Mommy... We're going to play na..."
"Maligo ka na muna at magpalit ng pajama mo..." Ang utos ni Ma'am Silvs na sinunod naman kaagad ni Joey Boy.
"Wait lang ha... I'm going to take a bath..." Ang bilin ni Joey Boy sa mga bata at pagkatapos ay nagmamadali itong umakyat na papunta sa kaniyang room.
"Sige... Kain pa kayo... Madami talaga ang niluto namin..." Ang sambit naman ni Nanay Cion sa mga bata.
Habang pinagmamasdan ni Ma'am Silvs ang mga batang masasayang kumakain ay napaSmile siya't napaSigh na kaagad namang napansin ni Sir Steve.
"Hey... Hindi ka nagkamali sa ikinamumukmok ni Joey Boy kagabi..." Ang mahinang sambit ni Sir Steve sabay hawak niya sa isang kamay ni Ma'am Silvs.
"Mother knows best... Nakakataba ng puso..." Ang nakaSmile na reply naman ni Ma'am Silvs.
"Baka naman puwede din akong humingi ng regalo sa'yo Silvs... Kahit isang kiss lang..." Ang biglang hirit ni Sir Steve na ikinahalakhak ni Ma'am Silvs.
"Teka lang kukunin ko lang yung cake..." Ang masaya't malakas na sambit ni Ma'am Silvs sa mesa upang sumegway kay Sir Steve.
"Ati ako na lang..." Ang volunteer naman kaagad ni Katie.
"Ako na lang... Can you help me Steve..." Ang nakaSmile na sambit ni Ma'am Silvs habang papunta siya ng Kitchen.
"MY PLEASURE!!!" Ang parang nakaJackpot na reply kaagad ni Sir Steve at halos pumalakpak ang dalawa niyang tainga habang sinusundan niya itong si Ma'am Silvs papuntang Kitchen.

*******That Afternoon*******

After makaligo itong si Joey Boy at pakapagpalit na ng damit ay inilibot muna niya sa buong mansion ang mga bata at ipinakilala niya ang mga ito sa iba pa niyang mga Pets at pagkatapos ay niyaya na ni Joey Boy ang magkakapatid na doon sila sa kaniyang room magPlay upang maishare din niya sa mga ito ang kaniyang mga toys habang nag-uusap naman over coffee sina Tatay Delfin and Nanay Fely kasama sina Ma'am Silvs and Sir Steve.
Sina Katie and Manong Cris nama'y nagprePare na din para sa kanilang pagpunta sa mall at ito namang sina Nanay Cion and Carl ay nagVolunteer na maiwan na lamang sa Mansion kasama si Britney upang magPrepare ng kanilang magiging Dinner sa araw na iyon kapag nakabalik na mula sa pagsho-Shopping at panonood ng sine ang mga bata.
"Baba na kayo... Aalis na tayo..." Ang sambit ni Katie kina Joey Boy at sa mga bata nang pumasok ito sa room.
"EHEEEK... Help me with my bag please..." Ang pakiusap ni Joey Boy sa mga bata at pagkatapos ay tinulungan siya ng mga ito na maisuot ang kaniyang paboritong red na backpack.
"Don't forget my blanket Ate Katie ha..." Ang last na bilin ni Joey Boy sa kanilang maid bago sila tuluyang lumabas na ng kaniyang mga bagong friends sa kaniyang room.
"Sasama ka ba Britney..." Ang tanong naman ni Katie habang ipinapasok niya sa hawak niyang Eco Bag ang blanket ni Joey Boy. Nakasanayan na kasi ni Joey Boy na nakaFleece blanket siya tuwing manonood siya ng Sine.
"Arf..." Ang tanggi lamang ni Britney dahil mas gusto niyang magstay na lang sa mansion that time.
Pagkalabas na pagkalabas ni Katie sa room ni Joey Boy ay mabilis na iniayos at ibinalik kaagad ni Britney ang mga nilaruang mga toys nina Joey Boy sa lagayan ng mga ito at pagkatapos ay kaagad na niyang binuksan ang aircon at nahiga siya sa kama ni Joey Boy upang makabawi ng tulog.
"Doon na lang kayo sumakay sa sasakyan ko at sina Joey Boy at ang mga bata na lang sa Revo... Sasamahan naman sila ni Katie eh..." Ang sambit ni Sir Steve sa mag-asawa nang makita nilang napuno na nina Joey Boy at ng mga bata ang Revo.

***************

Nang matapos ang mahigit na isang oras na pagsho-Shopping nina Ma'am Silvs and Sir Steve ng mga mga napili at nagustuhang clothes and toys ng mga bata'y kaagad na nagyaya itong si Joey Boy sa Cinema.
"I want to watch that..." Ang sambit ni Joey Boy sabay turo niya sa poster ng Pagpag: Siyam Na Buhay.
"Ay ako din Joey Boy... Gusto ko yan..." Ang sambit naman ni Katie.
"Gusto nyo din ba yan..." Ang tanong naman ni Ma'am Silvs sa mga bata.
"OPO!!!" Ang kinikilig na reply naman ng mga bata. Fans kasi sila nina Daniel Padilla't Kathryn Bernardo.
"Sana maganda yan..." Ang bugtong hininga na lamang ni Sir Steve nang makita na niyang inutusang bumibili na ng tickets ni Ma'am Silvs si Manong Cris. Nangiti na lamang ang mag-asawang Tatay Delfin and Nanay Fely sa inusal nitong si Sir Steve dahil kahit na ayaw nilang manood ng sine'y kailangan nilang samahan ang mga bata.

************

Nasuwertehan namang hindi masyadong puno ang loob ng Sinehan kaya nama'y nakaJackpot sila ng isang halera ng vacant seats. Sina Ma'am Silvs and Sir Steve ang naupo sa pinaka isle at sa kabilang dulo nama'y ang mag-asawang sina Tatay Delfin and Nanay Fely. Ang mga bata't si Joey Boy namay sa seats between the two copules habang sina Katie't Manong Cris ay umupo naman sa likod ng kinauupuan nitong si Joey Boy. Bawat bata'y may hawak na popcorn and softdrinks at itong si Joey Boy nama'y agad-agad na kinulit ang kaniyang Ate Katie para sa kaniyang mga paraphernalia.
"Ate Katie... Where's my blanket..." Ang sambit ni Joey Boy nang nagsimula nang ipalabas ang Pagpag.
"Eto na Joey Boy Oh..." Ani naman ni Katie habang kinukumutan niya si Joey Boy.
"Ate Katie Can I have some Yakult... And some popcorn..." Ang next na sambit ni Joey Boy na sinunod naman ni Katie and after ilang minutes lamang ay naging tahimik na ang lahat habang nanonood ng pelikula.
"EHEK!!!" Ang malalakas na outburst ni Joey Boy sa tuwing may nakakagulat na eksena or nakakatakot. Eventhough hindi naman ganoong nakakatakot ang palabas ay extreme na extreme ang reaction nitong si Joey Boy.
Nag-enjoy talaga ang mga bata sa kanilang pinanood at kahit ang maka KathNiel na si Katie'y nag-Enjoy din samantalang natulog na lamang itong sina Sir Steve and Tatay Delfin all through out ng pelikula.
...
...
...
Halos ang bukambibig nina Joey Boy at ng mga bata ay ang kanilang pinanood at kahit si Katie'y nakikisali sa usapan kapag nabanggit ng mga bata sina Daniel Padilla't Kathryn Bernardo.
"Mang Delfin..." Ani ni Sir Steve while driving.
"Ano po yun Sir..." Reply naman ni Tatay Delfin.
"Marunong ka bang magDrive..."
"Opo... Kapag nakakaSuwerteng maglabas ng Jeep ng kapitbahay namin eh pumapasada po ako... Pero kalimitan ho eh nagsisikad po ako ng Pedicab..."
"Kailangan namin sa Company ng mga Drivers... Baka gusto mong pumasok..." Ang nakangiting sambit ni Sir Steve. Nangiti na din pati itong si Ma'am Silvs dahil sa sinabi nitong si Sir Steve.
"TALAGA HO..." Ang hindi makapaniwalang sambit naman ni Tatay Delfin.
"Sa Jan 3 ka na magsimula... Mamaya pagkadating natin sa mansion eh mag-usap tayo..." Ang ani naman ni Sir Steve.
"Maraming-maraming salamat po talaga..." Ang tuwang-tuwang sambit naman ng Mag-asawa.
Hindi na nagreply pa itong sina Sir Steve and Ma'am Silvs dahil kahit sila'y gumaan ang loob sa kanilang pagpapasaya't pagtulong sa pamilya ng Mag-asawa.

*******At The Mansion*******

Bago magDinner ay nagpicture-picture muna silang lahat habang binubuksan na ng mga bata ang mga ipinamili sa kanila nina Ma'am Silvs habang itong si Joey Boy nama'y binubuksan na ang kaniyang mga gift.
"Merry Christmas po..." Ang sambit ni Carl sa mag-asawang Tatay Delfin and Nanay Fely habang iniaabot niya ang mga binili niyang mga regalo sa na-Surprise na mag-asawa. Ang buong katotohana'y kaya hindi sumama sina Carl and Nanay Cion sa panonood ng Sine'y nagplano sila nina Ma'am Silvs na ipagShopping nila ng pang regalo ang mag-asawa.
"Sa-salamat po talaga..." Ang nauutal at nahihiyang sambit ni Tatay Delfin sa lahat habang si Nanay Fely nama'y hindi na nakapagsalita't humikbi na lamang habang niyayakap niya ng mahigipit itong sina Ma'am Silvs and Joey Boy.
"Mag Thank you kayo sa kanila..." Ang utos ni Tatay Delfin sa kaniyang mga anak at pagkatapos ay isa-isang nagsipaglapitan ang mga ito't niyakap din at pinasalamatan ang mag-ina.
Gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa mukha nina Carl, Katie, Manong Cris, Nanay Cion and Sir Steve habang pinagmamasdan nila ang nagpapasalamat na family kina Ma'am Silvs and Joey Boy.

***************

After dinner ay iniayos na nina Carl and Katie ang mga ipapa-Takehome na food kina Tatay Delfin and Nanay Fely. Sina Nanay Cion nama'y nakipagkuwentuhan kina Ma'am Silvs and Nanay Fely habang serious na nag-uusap sina Tatay Delfin and Sir Steve.
Ilang oras ding naglaro sa loob at labas ng mansion ang mga bata kasama si Joey Boy hanggang sa bigla na lamang humikab itong si Joey Boy kaya nama'y inaakay kaagad ng mga bata ito papunta sa kaniyang Mommy.
"Inaantok na po si Joey Boy..." Ang sambit ni Neneng habang hawak-hawak niya ang isang kamay ni Joey Boy.
"Sige na Joey Boy... Mag ba-bye ka na sa kanila..." Ang nakaSmile at malumanay na utos naman ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.
"Yes Mommy..." Ang reply kaagad ni Joey Boy na ikinagulat naman ng lahat. Expected kasi nila'y magwawating at malulungkot na naman kasi ito kapag nagpaalam na siya sa mga kalaro niya.
"MWAH... MWAH... MWAH... Good night..." Lahat ay binigyan ng tig-iisang kiss ni Joey Boy sa cheeks at pagkatapos niyang mag ba-bye ay kaagad siyang umakyat na sa kaniyang room.
"Maraming-maraming salamat po talaga..." Ang sambit ng mag-asawa kina Ma'am Silvs.
"Thank you po..." Ganundin naman ang sinabi ng kanilang mga chikiting dito.
"Huwag ka nang mag Cry..." Ang sambit ni Ma'am Silvs nang mapansin niyang lumuluha ang bunsong si Bebeng.
"Masaya lang po ako..." Ang tanging usal na lamang ni Neneng kay Ma'am Silvs.
"Susunduin namin ulit kayo para dito kayo magbagong taon..." Ang nakangiting sambit muli ni Ma'am Silvs.
"TALAGA PO..." Ang hindi makapaniwalang sambit ng mga nagulantang na bata. Ngumiti na lamang at tumungo itong si Ma'am Silvs na ikinahiyaw ng sobrang galak na mga bata.
"Ipapahatid na namin kayo kay Manong Cris..." Ang sambit ni Ma'am Silvs sa mag-asawa.
"Carl... Pakisamahan mo naman si Manong Cris para may kasama siya pabalik..." Ang request naman ni Ma'am Silvs na sinag-ayunan naman ni Carl.
...
...
...
Bitbit ang kanilang mga regalo't patakehome na mga pagkain ay isa-isa nang sumakay na sa Revo ang buong pamilya nina Tatay Delfin and Nanay Fely habang walang patid ang kanilang pagpapasalamat kina Ma'am Silvs.
"Merry Christmas..." Ang pahabol ni Sir Steve sabay abot niya ng isang makapal na envelope kay Tatay Delfin.
"Huwag na po Sir... Sobra-sobra na po ang pagpapasaya ninyo sa Pamilya ko..." Ang tanggi naman ni Tatay Delfin.
"Aguinaldo namin yan sa mga bata..." Ang reply naman ni Sir Steve.
"Tanggapin nyo na yan... Sige na..." Ang sambit naman ni Nanay Cion sa mag-asawa.
"Salamat po talaga..." Ang last na sinambit ng buong pamilya nina Tatay Delfin and Nanay Fely sa lahat bago tuluyan ng pinaandar ni Manong Cris ang Revo upang ihatid na ang mga ito sa kanilang bahay.
"Gusto nyo pong magCoffee..." Ang alok ni Katie kina Ma'am Silvs, Sir Steve and Nanay Cion.
"Sige... That would be nice..." Ang nakangiting sambit naman ni Ma'am Silvs.
"Thank you talaga Ati sa regalo mo ha... Buong taon na naman akong may Yes Magazine..." Ang thankful na thankful at masayang sambit ni Katie sa kaniyang Amo habang papasok na sila sa loob ng Mansion.
...
...
...
Habang nagko-Coffee ay napagplanuhan nina Ma'am SIlvs and Sir Steve with the Advice of Nanay Cion na pag-aaralin nila ang mga bata at plinano na din nila na sabihin ito kina Tatay Delfin and Nanay Fely kapag pinasundo nila muli ang buong Family nito sa bisperas ng bagong taon.
Balewala naman kasi ang paggastos kina Ma'am Silvs and Sir Steve dahil nagboom talaga ng bigtime ang kanilang Company ngayong 2013 dahil sinuwerte ang company ni Sir Steve nang ginawa nilang isa sa mga share holders itong si Joey Boy.
Ang magkakapatid na sina Ambo, Boknoy, Kring-Kring, Jun-jun, Utoy, Bebeng, Ning-ning, Ging-ging and Neneng ang kauna-unahang nabibiyaan ng gagawing Scholarship Foundation na itatayo nina Ma'am Silvs and Sir Steve sa name ng isip batang si Joey Boy.

**************

Kung kagabi'y nagmumukmok itong si Joey Boy ay kabaligtaran naman ang mood nito ngayon. Naka-Smile siyang nagtoothbrush and nag take ng bath at pagkatapos niyang magsuot ng kaniyang Pajama'y kaagad na nagready na siya para sa kaniyang Bed Time.
Hindi na niya ginising pa ang natutulog sa kaniyang Bed na si Britney at iniurong na lamang niya sa side ito. Akmang hihiga na itong si Joey Boy ay bigla na lamang siyang nakarinig ng sunod-sunod na tunog ng matitining na pag jingle ng mga bells mula sa labas ng kaniyang bintana.
Hindi na nag-aksaya pa ng mga saglit itong si Joey Boy at kaagad siyang dumungaw sa kaniyang bintana...

"EHEEEK..." Ang malakas na outburst ng naSurprise na si Joey Boy.
Kasabay ng pagpatak ng bawat segundo'y nanlaki ang dalawang mga mata ni Joey Boy at napanganga ito nang makita niya kung saan nanggagaling ang jingles...
"Merry Christmas Joey Boy..." Ang masayang bati kay Joey Boy ng isang matabang lalaking nakaEyeGlasses and nakaRed at kulay puti ang beard. NakaSakay ito sa lumulutang sa ere na Red Sleigh na nakakabit naman sa mga Reindeers.
"Merry Christmas Santa... Thank you po..." Ang namutawi na lamang kay Joey Boy habang kinakawayan niya ang lumilipad at papaalis na matabang lalaki na nakasakay sa sleigh na hila-hila ng mga Reindeers.


Fin

11 comments:

  1. Wow sir ponse.. Iba kah galing mu.. Kathniel k din.. Heheheh ganda ng flow kht 3 episodes lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Adik si Ponse Kuya Russ :)) Sila lang yung KathNiel! :)) hahaha!

      Delete
  2. Wow may update na agad thanks kuya ponse...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas and Happy New Year Kuya Bobby :)) EHEEK!

      Delete
  3. nice one again pose! congrats and happy new year too,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy new year po Tito Robert! God Bless You and Your Family :))

      Delete
  4. Mamimiss nmin c joey boy at ang parang taong c britney. Tnx ponse.

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same here :)) Pero kapag naisipan kong magkuwento sa kanila eh magkukuwento na lang ako biglaan kuya Randz :)) God Bless and Happy New Year! :))

      Delete
  5. I will surely miss Joey Boy,Britney and the rest..nakakagaan talaga sa loob basahin to..

    Thank you Kuya Ponse :)

    Happy New Year! and Godbless you always..mwahugs!

    ReplyDelete
  6. Huli man daw at magaling, magaling pa rin! Hahahaha.:))

    Sorry at ngayon lang ako nakapagbasa, Friend. Such a touching mini-series. Andami kong "awwwwww" moments. Iba ka talaga. At iba talaga si Joey Boy my favorite!

    Hope you ha a great Christmas! Have a great year ahead!:)

    ReplyDelete
  7. anung petsa na ngaun q lang to nbasa hahaha
    thanks alpy for sending the link :)
    i'm very happy na hahaha
    tenchu! mwah!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails