I made this chapter short on purpose. You'll know why sa susunod na update.
I wanna hear your thoughts. Leave them at the comments section. :)
Happy reading!
--
Chapter 13
“Tatahimik ka na lang ba diyan?” pagsisimula
ni Justin. Hindi ko siya pinansin at imbes ay nagpatuloy na lamang sa pagkain
ng inorder ko. “Gab... please don’t make this harder for me.” halata ang
pagka-desperado at ang pagmamakaawa sa boses niya na siyang nakapagparamdam sa
akin ng guilt, kaya naman tiningnan ko na siya ng diretso sa mata.
“Explain how... kung paano ‘to
nangyari? Paano ka napunta dito?” kalmado kong pagsisimula. Huminga siya ng
malalim bago magsalita. “Okay, hiningi ko ‘yung tulong ni Trish para masolo
kita. I begged her all day for her to help me. Nagalit siya because apparently
nakwento mo sa kanya ‘yung nangyari kaninang umaga, but in the end, napapayag
ko siya. And here we are.” salaysay niya.
“Why are you still doing this?”
tanong ko sa kanya matapos niyang magsalita. “Gab, you’re special. I don’t want
to lose you that easily.” sincere na pahayag niya na siyang nakapagpalakas ng
tibok ng puso ko—as cheesy as it sounds. Bumuntong-hininga ako bago ko sabihin
ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. “You do understand that... this may
not work out, right? Justin, I’ve never been in this position before. Hindi ko
pa naranasan sa buhay ko na... for once, may humahabol sa akin. All my life,
ako ang naghahabol ng mga bagay na gusto ko, kaya hindi ko talaga alam ang
gagawin ko when you told me.” pahayag ko.
Tumango naman siya, tila naiintindihan
ang sentiments ko. “Gab, I don’t mind. Take all the time you need. Gusto ko
lang ng kasiguraduhan na susubukan mo. Can you do that?” tanong niya. Napaisip
ako ng lubusan sa sinabi niya. Hindi rin maiwasang sumagi sa isip ko ang sinabi
sa akin ni Trisha tungkol sa pagbibigay ng opportunity sa sarili kong lumigaya.
After all what happened... I think I deserve some happiness. And fuck this, I’m
taking my chances!
Tumango ako.
Ngumiti siya.
At alam kong nagkakaintindihan
kaming dalawa ukol sa gusto kong mangyari.
Totoo nga ang sinabi nila, some
things are better left unsaid.
--
“Ginabi na tayo, ah.” pagpansin
ko dahil sa napuna ko na maga-alas nuebe na pala ng gabi sa orasan niya sa
kotse. “Ang sarap ng dinner. I enjoyed. Promise.” sagot niya sa akin. Tumango
ako at tinuon ko ang atensyon ko sa bintana ng kotse niya at sinubukang
paliparin ang isip ko mula sa mga nangyayari, dahil sa totoo lang... takot ako
sa pinasok ko. Ayokong masaktan, dahil with the state things are right now, I
don’t see myself with Justin in the future. Pero maaga pa naman para magsalita.
I need not mind the future when I can—and should—focus on the present. Dapat
kilalanin ko muna siya. Totoo, gusto ko siya bilang kaibigan. Hopefully I can
take it from there.
“Pwede magshare?” tanong ko.
“Hmmm?” tanong niya.
“Gusto ko lang linawin lahat...
ayokong may iniiwan na malabong bagay.”
“Go lang.” sabi niya, nakatuon pa
rin ang atensyon sa daan.
“’Yung nangyari kaninang umaga...
kaya ako nagalit kasi ayoko ng ganon, eh. ‘Yung habang-buhay na nagtatago. What
if this works out, Justin? Itatago na lang ba natin ‘to?” honest kong pahayag
sa kanya.
Napansin kong humigpit ang kapit
niya sa manibela. Oh oh.
Bumuntong-hininga siya.
“Look, Gab. You want me to be
honest with you? Okay. Takot ako. There, I said it, but don’t get me wrong. I’m
honest when I said that I like you—hell, baka nga mahal na kita eh—pero this is
new to me... and nakwento ko na naman sa’yo ‘yung family ko, ‘di ba? I’m afraid
na hindi nila ako tatanggapin. Wala akong matatakbuhan gaya mo, Gab. Sobrang
hirap.” ramdam ko ang sakit ng mga salitang lumalabas sa labi niya sa pahayag
niyang iyon.
Napatahimik ako dahil sa mga
narinig ko sa kanya. Dapat naisip kong iba nga pala ang sitwasyon ko sa kanya.
How can I be so insensitive?
Katahimikan.
“But Gab... if it will make you
happy. I will come out... soon. As long as you do me a favor.” pahayag niya.
Naramdaman kong itinigil niya ang sasakyan niya at iginiya niya ang katawan
niya paharap sa akin.
Nang marinig ko ang pabor na
hinihingi niya ay hiniling ko na sana ay hindi ko na ibinalik ang topic.
“Be my boyfriend, Gab... Answer
me now, please. What do you say?” pahayag niya.
--
Dumating na kami sa tapat ng
bahay nila at matapos noon ay sabay kaming bumaba mula sa kotse niya. Hinatid
niya ako sa tapat ng gate namin at nang makarating kami doon ay nagpaalaman na
kami. “Gab, I can’t tell you how thankful I am.” nakangiting pahayag niya.
“Nah, wala iyon.” nakangiti ko ring balik sa kanya. “I enjoyed dinner.” dugtong
ko pa na siyang lalong nakapagpa-lapad ng ngiti sa mukha niya. “So I guess...
see you tomorrow?” tanong niya. Tumango ako bilang tugon.
Papasok na sana ako ng bahay nang
bigla niyang hilahin ang katawan ko para sa isang mahigpit na yakap. “I won’t
waste this chance, Gab. Thank you.” ramdam ko ang emosyon sa pahayag niya. Wala
akong maisagot sa kanya, dahil sadyang hindi ko inaasahang yayakapin niya ako.
Ramdam ko man ang pamumula ng mga pisngi ko, at ang tila panlalambot ng mga
tuhod ko ay sa huli nagdesisyon akong ibalik ang yakap niya. Medyo nagtagal
kami sa ganoong posisyon bago kami kumalas.
Hindi ko ikakailang may kakaiba
akong naramdaman sa ginagawa namin ngayon.
Kung hindi pa sapat ang yakapan
namin, ay mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari. Unti-unting lumapit ang
mukha niya sa akin. Sa oras na iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako
tanga para hindi malaman ang susunod niyang gagawin. Sa tanang buhay ko, isang
lalaki pa lang ang nahahalikan ko, at iyon ay si Josh noong gabing umamin siya
sa akin na hindi niya ako kayang mahalin dahil mahal niya si Matt. Since then,
wala na akong iba pang tao na nahalikan (family and relatives don’t count).
Ipinikit ko ang mga mata ko at
hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako
pumayag sa gusto niyang mangyari. Kaunti pa ay nararamdaman ko na sa mukha ko
ang hininga niya. Parang tumigil ang oras, ang lahat ng nangyayari sa mundo. Habang
papalapit ang mukha niya ay siyang ginagawa kong paghahanda sa sarili ko para
sa mangyayari nang biglang marinig ko ang pagbukas ng gate na siyang
nakapagpabalikwas sa amin.
Bumungad sa amin ang gulat na
gulat na mukha ni Caleb. Para kaming mga tuod ni Justin, dahil tila nahuli
kaming ginagawa ang isang bagay na hindi namin dapat ginagawa, ng isang taong
hindi dapat kami makita. Nang mahimasmasan ako ay magpapaliwanag na sana ako
nang matigilan ako dahil sa nakita kong tabas ng mukha ni Caleb. Nakakunot ito
at parang sasabog sa galit, na siyang ikinakaba ko. Naramdaman ko na lamang ang
marahas na paghila nito sa akin papasok ng bahay. Ako naman ay tila naninigas
pa rin at hindi maka-react dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nakita ko na lang
ang sarili ko sa kwarto niya. Ikinandado ni Caleb ang pintuan ko at tinulak ako
sa kama niya.
“Ano ba?!” singhal ko sa kanya
nang bumalik na ako sa huwisyo. “Akala ko ba si Trisha ‘yung kasama mo, ha?!
Why did you lie, Gab? Bakit hindi mo sinabing si Justin pala ang kasama mo?”
galit na bulyaw niya sa akin na siyang nakapagpainit ng dugo ko. Plano ko
sanang ipaliwanag ng maayos ang lahat—na set up lamang ito ni Trisha—ngunit
sinimulan niya ako sa marahas na paraan, isa sa mga bagay na pinakaayaw ko. If
he treats me that way, ibabalik ko lang kung ano ang binigay niya sa akin.
“Ano bang pakialam mo, ha? Bakit
ka ba nangingialam? Eh ikaw nga hindi ko naman inuusisa sino mga kinakasama
mong kaibigan. Bakit ba ang init ng ulo mo? Kaibigan mo naman si Justin ah?
Anong masama doon? Maging rational ka naman Caleb!” sunud-sunud kong litanya sa
kanya. Napasabunot siya sa buhok niya na siyang ikinabigla ko. Bakit ba siya
nag-iinarte ng ganito? Dahil ba iyon sa nakita niya? Dahil hindi niya tanggap
ang pagkatao ko?
“Gab, hindi mo kilala si Justin.
Kung akala mo mabait siya, nagkakamali ka.” si Caleb nang mahimasmasan siya.
“Bakit ba galit na galit ka?
Dahil ba iyon sa nakita mo, ha?! Ano bang masama? At anong sinasabi mong hindi
ko kilala si Justin, Caleb?” balik ko sa kanya
“Masama siyang
tao! I’ve known him all my life at mahilig siyang magpaikot ng mga tao!”
“So ano sa tingin mo? Na ako
‘yung tipo ng tao na lolokohin na lang ganon na lang ba ‘yon? Ganoon bang
ka-tanga, kababa ang tingin mo sa akin?”
“Huwag mo na siyang ipagtanggol,
Gab! Bakit ba ganoon na lang ka-importante sa’yo si Justin, ha?! Eh kaka—“
“Dahil boyfriend ko na siya!” at
hindi ko na napigilan ang paglabas ng
katotohanan mula sa mga labi ko. As much as I want to keep it a secret, pinilit
niya ako. Isa pa, hindi makatarungan ang mga pinagsasasabi sa akin ni Caleb.
Wala siyang ebidensya sa mga pinagsasasabi niya.
Nakita kong natigilan ito. Tila
binuhusan siya ng malamig na tubig mula sa narinig niya sa akin. “What?” ang
tanging nasabi niya.
“Oo, boyfriend ko na siya. Huwag
mo siyang pagsalitaan ng ganyan, Caleb! Kung alam mo lang na naging sandalan ko
siya habang ikaw pinapahirapan mo ang buhay ko dito sa bahay na ‘to! Siya ‘yung
isa sa mga taong nag-aangat palagi ng kumpiyansa ko sa sarili! Lagi niyang
pinaparamdam sa akin na special ako at ni minsan ay hindi niya ako iniwan kahit
pa sasandali pa lang kami magkakilala.” mahabang turan ko.
Natigilan siya, ngunit nang
marealize niya iyon ay bumalik ang galit sa sistema niya.
“Gab, makinig ka nga! Tingnan mo
nga ‘yang pinagsasasabi mo. You’re acting like you’re so sure of yourself. Wake
up, Gab! Hindi ka mahal ni Justin! Ginagamit ka lang niya at hindi ka niya
seseryosohin! Hindi niya magagawang mahalin ang isang taong tulad mo!”
--
Flashback.
“Gab, bakit ba ang stiff mo?” tanong sa akin ni Josh nang matapos namin
ang isang round ng isang game na nilalaro namin sa Xbox niya. “Paanong stiff?”
takang tanong ko sa kanya. “Aloof. Parang nararamdaman ko kasi na may dinadala
ka, pero sinasarili mo lang.” kaswal na sagot niya na siyang nakapagpaisip sa
akin. “Oo, nagsshare ka sa akin ng problema mo, pero hindi ko maramdaman ‘yung
bigat ng mga iyon, eh. Parang... nagkkwento ka lang, pero ayaw mong makita ko
‘yung totoong saloobin mo. Ganon.” dugtong pa niya.
Hindi ako nakasagot.
“Alam mo sabi sa akin ni Papa? Kapag daw nawala na sa tamang takbo ang
mga bagay, ‘yung tipong mababaliw ka na... na parang hindi mo na kaya ‘yung
bigat ng mga problema mo, gumawa ka daw ng imaginary box. “ pagsisimula niya.
“Huh?” clueless kong tanong. “Ganito iyon... sabi ni papa, and I’m sure
magagamit mo ‘to dahil busy person ka, kapag marami kang pinagdadaanan, pero
dahil sa kailangan mong magpakatatag at hindi ipakitang mahina ka, ilagay mo
daw muna lahat ng hinanakit mo doon sa imaginary box. That way, maitatago mo
doon lahat ng hinanakit mo at hindi iyon makikita ng iba.” Tumigil siya ng panandalian
bago magpatuloy.
“Tapos, kapag mag-isa ka na lang, o kaya kapag may kasama kang
pinagkakatiwalaan mo, pwede mo ng buksan ‘yung kahon tapos ilabas mo na lahat
ng hinanakit mo sa sarili mo, o sa taong iyon. Gab, unhealthy kasi ‘yung
ginagawa mo, eh. May box ka nga, pero forever nakakandado iyon. Hindi mo
binubuksan. Gusto ko lang malaman mo na kapag kasama mo ako... pwede mong
buksan ang imaginary box mo ng walang takot.”
--
I guess it’s time to open the
box.
“Gab... I didn’t mean it like
that. Sorry.” pag-aalo sa akin ni Caleb. Ngunit alam kong huli na ang lahat at
hindi na niya mababawi ang bigat ng sinabi niya sa akin. The truth is...
masakit. Masakit, dahil alam ko na may isang maliit na parte ng pagkatao ko ang
nagsasabi sa akin nito, ngunit kahit kailan man ay hindi ko iyon pinakinggan.
Now that someone’s actually showing it onto my face doesn’t make it any better.
Hindi ko ikakailang tila binaril ako ng paulit-ulit dahil sa narinig kong iyon
mula sa kanya. Ang mas masakit pa noon ay sa kanya pa iyon mismo nanggaling.
Napailing ako at naglakad na
lamang palayo.
Ngunit pinigilan niya ako.
Nagkatitigan kami, ngunit agad akong kumalas mula doon dahil ayokong makita
niya ang kalungkutang nararamdaman ko. Ayoko ng sagutin siya, ayoko na ng away,
ayoko na ng gulo... lalo lang akong masasaktan, eh. “Gab, I’m so sorry.” buntong-hininga niya.
“You’re right. Thanks for making
me realize that.” pahayag ko bago ko siya tuluyang talikuran at tahakin ang
daan papunta sa kwarto ko.
--
Itutuloy...
Exciting ang next chapters! Ano ba tlaga ang meron kina justin at caleb?
ReplyDeletehai. Buti nmn author at ayus ka na. Welcome back. ^_^ Nice chapter kahit medyo maiksi. ^_^ sana mapanatili mong light lang ang flow ng story.. Na-eenjoy ko tlaga basahin to.
ReplyDeletetama ka nga, maikli lang hehe! problema n naman ang dala ni gab. tama ba talaga si caleb na masama ugali ni justine? Parang gusto ko ng maniwala na ex nya si justine at pinaikot lang sya, kaya ganyan nalang ang reaksyon nya.
ReplyDeletebharu
Ahhh gosh excited na ako sa susunod na chaptes! Wala akong masabi!
ReplyDeleteinfairness, isa ito sa pinakamaganda dito..
ReplyDeletenice job author..