NIGHTMARE LOVE 4
Author’s note:
Guys, eto nap o yung chapter 4 salamat pos a mga nag-comment sa chapter 3 at I really appreciate it, Masaya na nga ako sa 1 comment lang pero yung marami na.. wow talaga
Dahil dito, talagang pinagtyagaan ko na ang pagsusulat.. naku, ang bigat na kaya ng puso ko kasi nakakatabi ng puso yung comments niyo eh haha
Maraming thanks pala kay sir mike letting me post in MSOB..
Eto na po yung chapter 4, sana po ay magustuhan ninyo po
Disclaimer:
I do not own the images above. It’s only a representation for my story. Anyone complain about this image will instantly REMOVED. Thank you.
Note:
This is a true to life story. The person I interviewed is my basis of the story. It’s his story, a real story; the names used in this story are only screen names for his protection and security. I only change some of his story to make the flow better. I need RESPECT and try to understand and discover learnings about his life of love J thank you. I need your comments J
Nightmare Love: Let the battle begin
Chapter 4
Krisha's POV
"Nagseselos ako babe! Alam mo ba yun! Mas inuuna mo pa yung kababata mo kesa sa akin!", nagtatampo na sabi ng aking kasintahan
"Babe naman.. eto talaga.. ilang taon na kasi kaming hindi nagkikita eh.. pagbigyan mo naman ang babe mo please", pagmamakaawa ko sa kanya
"Babe naman.. hindi ko naman maiwasang magselos..eh", ang naiiyak na sabi ni Kirby sa akin. Kahit kelan talaga napakaiyakin
"Babe naman, wala ka naman dapat pagselosan eh.. si Jm? hindi naman kasi lalake yun...", ang hindi ko napagpatuloy dahilan nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Kirby
"Pakiulit mo nga yung sinabi mo?!", galit na sabi ni Kirby at hinawakan ako sa aking braso
"Babe! Bitiwan mo ako, nasasaktan ako, ano ba!", ang angal ko
"Hindi sabihin mo! Kaya ba kampante ka na hindi magiging kayo ni Jm kasi Bakla siya? akala ko pa naman hanggang kaibigan lang ang turing mo sa kanya yun pala.. Talagang kaibigan lang ang turing mo sa kanya kasi nga bakla siya!", ang bulyaw niya sa akin
"Babe! Please nagmamakaawa ako, wag si Jm!", pagmamakaawa ko
"Hindi! Aabangan natin yung baklang yun! Leche, bakla pala siya!", ang gigil na sabi ni Kirby
Hindi na ako makapagsalita, patay na si Jm neto! Wala pa naman siyang cellphone para itext man lang.. Sorry Jm sa gagawin ni Kirby sa'yo ah.. pero kahit alam na ni Kirby ang tungkol sa iyo.. ipagtatanggol kita.. alam ko naman eh.. walang sinasanto si Kirby sa mga bakla.
At ayun na nga.. Nakita namin si Jm na papasok ng campus.. Hinawakan naman ako ni Kirby ng mahigpit kasabay nito ang at pagkaladkad sa akin papunta kay Jm.. Tinignan ko naman si Jm nang may pag-aalala. nang makalapit naman kami ay binigyan ni Kirby ng isang suntok si Jm.
"BABE..!!", suway ko kay kay Kirby
"Hayop ka! Bakla ka pala", gigil na sabi ni Kirby kay Jm
Kita ko naman ang paglaki ng mata ni Jm. I'm sorry Jm.
"Bessy so-sorry..", nahihiya kong sabi
"Wag kang mag-sorry d'yan.. Malaki ang atraso sa akin ng baklang yan!", bulyaw ni Kirby kay Jm
"Ako may atraso? aba nang malaman mo lang na bakla ako, may atraso agad?! Aba ang kitid naman ng utak mo kung ganun!", ang sabi ni Jm kay Kirby
Aambahan na sana ni Kirby si Jm nang dumating si Kenji. Si Kenji, pag nakikita ko siya parang may taong nagpapaalala sa akin... Sa tatlong taon na lumipas mula nang makilala ko siya ay yun pa rin ang naalala ko basta parang kilala ko siya.. Nagulat ako nang..
"Pre!", ang gulat na sabi ni Kirby kay Kenji nang harangan niya ito
"Bakit mo namang sinuntok si Jm?", ang medyo galit na sabi ni Kenji
Nagulat kami ni Kirby dahil ang isang Kenji na tahimik lang ay ngayon lang namin nakita na nagagalit.
"Hindi mo alam pre?! Bakla yang si Jm!", ang gigil na sabi ni Kirby kay Kenji.. parang hindi naman nagulat si Kenji na parang alam niyang bakla si Jm
"Wala naman masama kung bakla siya di ba?", ang sabi ni Kenji kay Kirby
"Hindi pre! May atraso siya sa akin!", ang galit na sabi ni Kirby kay Kenji
"Sa akin mo na lang ibuhos yang atraso niya", ang sabi ni Kenji
"Pre naman! Bakit mo ba ipinagtatanggol yang baklang yan?!", inis na sabi ni Kirby kay Kenji
"Kaibigan ko siya, ok!", ang bulyaw ni Kenji kay Kirby
Magsasalita na sana si Kirby nang hatakin ko na siya palayo sa kanila.
"Babe, kumalma ka ah", ang sabi ko sa kanya
"Babe naman! Bakit hindi mo sinabi sa akin na bakla pala siya nang maturuan ko ng leksyon yun!", ang gigil niyang saad
"Yun na nga eh! Pag sinabi ko talaga na bakla siya ay tuturuan mo siya ng leksyon!", ang galit kong sabi
"Babe naman..", ang sabi niya
"Hindi tama 'to babe eh... please para sa akin babe ah", ang sabi ko sa kanya
"I'll do it babe.. kahit mahirap..", ang nasabi nalang niya
"Salamat babe.. accept the history babe", ang makahulugang sabi ko sa kanya
"Thanks babe", sabi niya at binigyan niya ako ng isang halik.. tinugon ko naman yun.
Jm's POV
"Ok ka lang ba?", alalang sabi ni Kenji sa akin
"Oo, o-ok lang ako", ang sagot ko sa kanya
"Tara, pasok na tayo.. alam ko naman na magka-classmate tayo eh", ang sabi niya sa akin
"Sa-salamat", ang sagot ko sa kanya
Pagkapasok naman namin ng room ay rinig ko na naman ang bulung-bulungan nila... Nakita kasi nila na kasabay ko si Kenji na papasok sa loob ng room.
"Hayaan mo na lang sila, naiinggit lang yan haha", ang pagbibiro ni Kenji sa akin
"Loko ka talaga!", ang sagot ko sa kanya
Pagkaupo naman namin ay agad naman akong kinausap ng katabi namin.. ewan ko ah, iba naman yung sinasabi tungkol sa amin keso daw paano ko naturuan magsalita si Kenji, paano ko daw siyang pinagtyagaan pero ngiti lang ang sukli ko sa kanila kasi kinukurot kurot ako ni Kenji eh.
"Wag mong sabihin na ako ang lumapit sa'yo ah..nakakahiya kasi eh", nahihiyang sabi niya, ngumiti naman ako sa kanya.
Natapos naman ang klase nang maayos. Natuto naman ako sa prof namin. Programming pa naman yun.. hayss buti na lang ipinanganak akong matalino kundi hahaha!..
Rinig ko naman ang pangungutya ng iba sa akin tungkol daw sa amin ni Kenji. Alam ko ipinakalat na ni Kirby ang tunay na ako at syempre hindi ko naman ito ikinakahiya.
Nangyayari na ang nangyayari sa aking paniginip. Eto na ata ang pagsubok na sinasabi nito, ako ang tinutukoy ng repleksyon, ang aking pagkatao naman ang sinasabi ng pagbabago sa salamin at yung tawanan ay yung mga taong nangungutya sa akin. Totoo ng ang panaginip, natakot naman ako
Nagulat nga ako eh kasi hindi man lang lumalayo sa akin si Kenji. Simula nga nung malaman niyang bakla ako, ay mas lalo naman siyang protective laban sa mga nangungutya sa akin. Wala daw siyang paki kung sabihan daw din siyang bakla at syempre nakakataba naman ng puso.
Kinabukasan, ay maaga kong tinapos ang paglilinis ng buong barangay. Maaga din akong pumasok ng school para makapagreview. Si Kenji naman may klase pa daw siya kaya ayun, akong mag-isa ang nag-rereview. Habang nagrereview naman ay may naglapag ng bola sa ibabaw ng mesa, nakita ko naman ang isang lalakeng kinaiinisan ko ng sobra, si Mike.
"Bali-balita daw na bakla ka?!", pang-aasar niya sa akin
"Eh anu naman!", masungit kong tugon
"Aba masungit ka ah.. meron ka ata ngayon!", pang-aasar niya pa
"Pwede ba, kung wala kang magawa umalis ka na lang dito!", inis kong sabi sa kanya
"Naku, kung iiwan kita dito, mamaya niyan baka magwala ka dito", pang-aasar niya sa akin
Hindi na ako sumagot sa kanya sa halip ay niligpit ko ang gamit ko, inilagay sa bag at nagsimulang naglakad palayo. Ayaw ko lang na awayin ng mga patay na patay sa kanya at baka magulpi ako. Sa aking paglalakad ay napansin kong parating na si Kenji kaya dali-dali naman akong pumunta sa kanya
"Oh? bakit mukhang nagmamadali ka?", ang nagtatakang tanong niya sa akin
"Wala yan pre, naasar lang yan", ang rinig kong sabi ng isang lalake, si Mike nang aking lingunin. Sinamaan ko naman siya ng tingin
"Oh? bakit ka makatitig ng ganyan?", ang sabi niya pa sa akin
"Umalis na nga tayo dito Kenji..", ang nasabi ko kay Kenji
Hindi ko na pinag-antay na magsalita si Kenji sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya at hinatak palayo kay Mike. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano sa kamay ni Kenji, parang nahawakan ko na yung kamay niya ngunit isinantabi ko muna yun dahil pilit pa rin akong naiinis sa pang-iistorbo ni Mike sa akin.
Mike's POV
Nakita kong umalis na ang taong inaasar ko. Hindi ko alam pero, nasisiyahan akong nakikita siyang naasar. Hindi yung tipong bubulihin siya ah, ibang ngiti ito pag nakikita ko siyang naasar. Takte! Ako ba 'to? may girlfriend akong tao tapos...
"Babe.. san tayo pupunta?", ang rinig kong sabi ng isang babae, sigurado ako si Ruby yun, ang girlfriend ko
"Ewan ko sa'yo babe, san ba gusto mo?", ang rinig kong sabi ng lalake kay Ruby
Nilingon ko kung saan pinanggalingan yung boses na iyon at laking gulat ko sa aking nakita. Si Ruby nga, may kasamang lalake. Hindi siya kasing gwapo ko pero ma-appeal kung titignan. Ang lambing-lambing nilang tignan nasasaktan ako sa aking nakikita. Hindi ko na napigilan, nilapitan ko naman sila at inambahan ang lalake ng suntok.
"Mi-Mike..?", utal-utal na banggit na sabi ni Ruby sa akin
"Ano?! Magsalita ka?! Niloloko mo na pala ako? Bakit hindi ka na kuntento sa akin? Bakit mas mahal mo pa siya kesa sa akin?", naiiyak na ako sa mga oras na iyon
"Mi-Mike.. hi-hindi naman sa ganun pe-pero..", ang nabitin niyang sabi dahil nagsalita na ulit ako
"Narinig ko lahat Ruby! Lahat-lahat! Ayoko na! nasasaktan na ako! Minahal kita ng buong-buo tapos gaganituhin mo lang ako?!", galit kong sabi sa kanya
"Mi-Mike.. I'm so-sorry..", naiiyak niyang usal
"Hindi mo na kelangan pang mag-sorry", sabi ko, nanlaki naman ang mata niya
"Mike no...", nagmamakaawa niyang sabi
"Ayoko na Ruby, ilang beses mo na akong sinaktan pero iba na 'to ngayon, we should finish this!", ang pagtatapos kong sabi sa kanya, umiyak na lang siya sa harapan ko
Nilisan ko ang kinalalagyan nila nang may tumutulo sa aking mata. Masakit! Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Ruby yun sa akin pero dahil sa ayaw na niya sa akin, ay papakawalan ko siya.. hahayaan ko siya kung saan siya liligaya.
Jm's POV
3 araw na ang nakakalipas ay malago pa rin ang isyu tungkol sa akin. Ang aking pagkatao ang pinakasentro ng kanilang usapan. Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi nila kasi nand'yan naman ang aking kaibigan na handang tumulong sa akin
"Beks, wag kang mag-alala, kami bahala sa'yo", ang sabi ni Jelay sa akin nang nasa canteen kami at kumakain
"Sa-salamat sa inyo ah, pati kayo nadadamay sa akin", ang sagot ko sa kanila
"Ok lang yun Jm, wag kang nahiya... mawawala yan ring isyu sa iyo", ang nakangiting sabi naman ni Richard sa akin
"Oh? talaga? paano?", nagtatakang sabi ko sa kanya
"Oo nga..", sagot naman ni Lyka
"Remeber, malapit na yung laban natin.. maraming manonood pati yung team A manonood sa laban natin", ang masayang sabi ni Richard
"Anung connect?..", singit naman ni Jelay sa amin
"Asus, pag nakita nila si Jm na kasali sa basketball team namin, tiyak magbubulung bulungan yan sila", ang sabi naman niya
"Parang ganun din naman yun.. pagbubulong-bulungan pa rin si Jm", ang sabi ni Jelay
"Oo nga", sabi ko
"Basta..", ang nakangiting sabi ni Richard sa akin
"Nakuu.., Chard ayusin mo lang yang sinasabi mo ah..", ang sarkastikong sabi ni Jelay, ngiti lang ang isinukli ni Richard sa kanya.
Hindi ko rin maiwasang mapaisip sa sinabi ni Richard sa akin, alam ko naman na may laban naman kami next week pero anu naman kaya ang magagawa nun sa isyu ko Hayss...
Pagkatapos naman ng aming klase ay agad naman akong umuwi sa amin, napansin ko naman na ang tamlay ni Jorge.. kaya agad ko naman siyang nilapitan.
"Bes.. anung nangyari sa iyo bakit ang lungkot mo naman ata?", ang pagpuna ko sa kanya..
"Wala bes.. tara uwi na tayo", ang nasabi na lang niya
Alam kong may itinatago siya, ewan ko lang pero mukhang malalim ang problema niya.. Nagsimula naman siyang maglakad pero ako ay nanatiling nakatayo lang at nakatitig sa kanya
"Ba't nand'yan ka pa bes?", ang tanong ni Jorge, nilagyan naman niya ito ng ngiti kahit alam kong pilit yun
"Magsalita ka nga bes.. anong problema? ba't ayaw mong sabihin yan sa akin?", ang sabi ko sa kanya
"Wala nga 'to bes..", ang sagot niya lang, nainis naman ako
"Ano ba naman yan, sige ganyan ka eh.. taguan na pala ng sikreto ah", ang tanging nasabi ko
"SINABI NGANG WALA EH...!!", ang sigaw niya sa akin
Nagulat naman ako sa inasal niya ngayon, hindi ko aakalain na sisigawan niya ako ng ganito. First time lang niya akong sigawan ng ganito tapos galit pa. Natahimik na lang ako sa kanya.
"Tara na, kung ayaw mong pag-usapan.. umuwi na tayo", ang suko kong sabi sa kanya
"Be-bes.. so-sorry..", ang rinig kong sabi niya
"Ok lang", ang malumanay kong sabi at nagsimulang maglakad
Ramdam ko naman na smunod siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin, naisip ko na baka nga malalim yung problema niya. Hindi na rin ako masyadong nagsasalita baka kasi masigawan pa niya ako, hindi ko kasi alam kung anong gaagwin ko, ngayon lang niya ako nasigawan eh, naisip ko baka kelangan niyang mapag-isa o baka nakulitan na siya sa akin.
"Bes.. so-sorry..", rinig kong sabi niya sa akin kahit nakatalikod ako
"Ok nga lang.. sige na pasok na ako", tanging na sabi ko sa kanya at hindi man lang siya nilingon.
Pagkapasok ko naman ng bahay ay agad akong napaisip, kung ganun pa din ang mukha niya bukas, mabuti nang iwasan ko muna siya. Ayaw ko kasing sinisigawan eh.. nagmumukha kasing ako ang may kasalanan kung bakit sila nagsisisigaw sa aking harapan.
"Oh anak, bakit nakatayo ka pa rin d'yan?", ang tanong bigla sa akin ng Itay
"Wala tay, medyo pagod lang ako", ang sagot ko
"Eh, pumasok ka na muna sa kwarto mo, gutom ka na ba? ipagdadala kita", ang sabi naman ng Itay
"Itay talaga, wag ka ngang masyadong magpagod.. ako na bahala mamaya sa kakainin natin", ang masayang sabi ko sa Itay ko
"Salamat naman kung ganun anak nang makapagpahinga naman ako", ang sabi ng Itay sa akin
"Ayan na ang sinaabi ko Itay eh, mapahinga ka na nga muna", ang sabi ko sa Itay
"Anak syempre tao lang ako, nakakaramdam ng pagod, ikaw talaga", nakangiting sabi sa akin ng aking Itay
Agad naman akong pumasok sa loob ng aking kwarto, napansin ko na naman ang aking kahon na naglalaman ng aking nakaraan. Hindi ko muna ito binuksan at nagpahinga na agad para may maihanda kami ng aking Itay.
Mabilis lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng sinasabi sa akin ni Richard, eto na naman ako, kinakabahan na naman ako, laban na daw kasi namin sa baksetball at yung sinasabi ni Richard na team A ay manonood, ang alam ko kasi sa team A ang pinakamagaling sa lahat ng teams dito sa campus. Bukod sa kasali ang mga sikat na sila daw ang dahilan ng pagkakapanalo ay masasabi mo na magaling talaga ang kanilang isitilo ng bawat isa.
"Ui, manonood ka ba ng laban, mamaya? team B daw laban sa team D alam ko naman na hindi ka mahilig sa basketball eh", ang sabi sa akin ni Kenji nang nasa rooftop kami at nagmumuni-muni sa tanawin.
"Eh.. kasi..", ang nasabi ko sa kanya pero cinut naman niya
"Ok lang manonod pa rin ako, hindi ko nga alam kung sino ang bago nilang player eh", ang sabi ni Kenji
Naku.. Kenji kung alam mo lang kung sino yung bagong player.. pero hayaan mo makikita mo naman ako mamaya eh.
"Pano? una na ako ah", ang paalam ko naman sa kanya
"Ok", sagot niya at nagmadali na akong bumaba
Pagkababa ko naman ay agad naman akong hinila ni Richard
"Ui, makahatak wagas", ang sabi ko kay Richard
"Kelangan ka namin, may bagong player ang tema D kaya be prepare", ang sabi niya sa akin
"3rd quarter niyo na lang ako papasukin ah", ang sabi ko
"O-ok", alinlangan niyang sagot
Hindi ko alam pero narito pa rin yung sinabi ni Richard na mawawala daw yung isyu sa akin, kahit na hindi ko alam kung anong mangyayari, fight pa rin ako.
Mike's POV
Matapos ang ilang linggong pagkabreak namin ni Ruby, ay hindi ko na siya pinapansin, kahit na nakikita ko siya nang may pagmamakaawang itsura ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Alam ko, malaking kawalan siya sa akin pero sa ginawa niya sa akin, pakialam ko na sa kanya, hindi ko na siya kilala. Masakit, kasi ilang beses na niya akong sinasaktan, ay binabalewala ko lang siya dahil mahal ko nga siya pero ng makitang kong may kasama siyang iba at ang sweet-sweet pa tapos may tawagan pa sila. Nakakainis.. dapat lang sa kanya yan.. Ang hiwalayan ko siya.
Kahit na wala na kami ay patuloy pa rin ako pagiging sikat at dahil nga sikat ako, ay alam nila ang tungkol sa akin. Ang break-up namin ni Ruby. Marami na ngang nagpaparamdam d'yan eh, kaso hindi ko naman kelangan sunggaban at tsaka kelangan ko ang may magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal ko sa kanila. Kelangan kong makita yung taong magbibigay sa akin ng ngiti.
Laban ng team D at team B.. Balita ko may bagong myembro ang team D, at kilala ko yun, actually nakalaban ko siya at masasabi kong magaling siya pero yung sa team B, mukhang hindi ko alam kung sino yun ah kaya naintriga ako.
Simula na nang game at umupo sa isang mahabang upuan. Hindi ko naman kilala yung mga katabi ko pero mukhang dikit ng dikit sa akin at mukhang patay na patay siya sa akin well, hindi ko naman kasalanan yun eh. Nakita ko naman si Kirby at Rj kasama nila si Krisha dun sa kabilang upuan. Napansin ko naman si Kenji na nakaupo sa may unahan. Mukhang interisante sila sa bagong myembro ng team B ah.
Pagpasok kaagad ng dalawang team at agad kong tinignan ang team B at ang mga myembro nila. Wala naman akong nakitang bago sa kanila. Pansin ko naman ang kabilang team naman ay kita ko naman yung bago nila. Mukhang excited ah.. kawawa naman ang team B
Nagsimula ang game sa jump ball.. always naman eh haha... Agad namang natapos ang dalawang quarters nakita ko naman na sobrang tambak yung team B.. mukhang hindi na makakahabol.. sino ba kasing bago nila? baka naman wala at natsambahan nila na makalamang sa practice game nila.
Nakita ko naman sa score board ang scores ng bawat team. team D got 75 points dahil sa bago nila samantalang yung team B ay naka 31 points lang.. agad naman akong tumayo dahil baka wala nang pag-asang manalo yung team B, aalis na sana ako nang..
"3rd quarter na ba?", ang rinig kong tinig ng isang babae, agad ko naman siyang nilingon si Jm pala, Oh anung ginagawa niya dito? ibig sabihin..
Kita ko naman na nabigla sila Kenji, Kirby, Krisha at Rj kahit ako nagulat dahil siya yung bagong member ng basketball team ng team B. Narinig ko ang mga bulung-bulungan dahil kay Jm, ang alam ng lahat ay bakla nga daw itong si Jm pero eto sumali siya sa basketball team.. nakakabilib.
Nagsimula na ang 3rd quarter nang hawak ng bagong player ng team D ang bola.. nagulat na lang kami nang..
"HA..?", ang sabi ng lalakeng nakalaban ko dati
NA-steal ni Jm ang bola nang wala man lang nakakakita, mabilis naman siyang humarurot papuntang ring at na-shoot ang bola. Shit! Ang husay niya! Kabilib.
Napansin ko naman ang bago ng team D na mukhang naiinis, alam ko na ang ibig sabihin nito. Mukhang seseryosohin niya ang laban.
Hawak ng bago ang bola at bantay siya ni Jm, mukhang point guard ang position ni Jm ah.. nagulat ako nang malagpasan si Jm ng bago ng team D nang hindi man lang gumagalaw si Jm, mas lalo akong nagulat nang ngumiti si Jm pagkalagpas sa kanya ng kalaban. Nagulat ang lahat nang harangan ni Richard, yung lalakeng nakalagpas kay Jm pero mas nagulat kami ng..
"Steaallll...!!", ang sigaw ni Jm sa lalake na hinaharangan ni Richard.
Naagaw na naman ni Jm ang bola at humarurot papuntang ring nagulat naman ako nang mabilis tumakbo ang kalaban nila. One-on-One ang laban.. pero imbes na ipasa ni Jm ang bola ay nakipagsabayan siya sa lalakeng nakaabang sa kanya. Ang laki ng agwat ng kanilang taas kaya hindi masu-shoot ni Jm ang bola.
Pero hindi nga ishi-noot ni Jm ang bola sa halip ay binato niya ito sa kakampi niyang nasa gilid na walang nagbabantay.. hindi man lang nilingon ni Jm yung pinasahan niya.. ibig sabihin kaya niya ang ginagawa kong misdirection kong style sa paglalaro. At yun nga! 3 points
Natapos ang 3 quater nang makalamang ang team B sa team D. Hindi man lang naka-score ang team D dahil mabilis naagaw ni Jm ang bola. Kaya ang score ay, team D 75 points pa rin at yung team B ay 139 points halos doblehin nila yung tambak sa kabilang team.
Grabe, bumilib akong lalo kay Jm, kahit na bakla siya ay kaya niyang makipagsabayan sa mga magagaling na manlalaro ng campus. Ewan ko napangiti na lang ako sa aking nakikita siguro yung inaasar kong Jm, ay hindi ko pala aakalain na kasing galing ko pala.
Jm's POV
"Jm!, Jm!, Jm!", ang sigaw ng aking kakampi nang manalo kami sa laro
Oo, nanalo kami sa laro dahil daw sa akin at syempre nakakataba na rin ng puso. 171 to 78 ang resulta. Halos tambakan namin sila. Hindi ko pa rin alam yung sinasabi sa akin ni Richard na mawawala na daw ang issue tungkol sa akin.
"Chard, anong mangyayari sa akin? sabi mo mawawala na yung issue tungkol sa akin", ang tanon ko kay Richard
"Sus, bulag ka ba? ayan na nga sila oh!", ang sabi naman niya at tinuro ang kinalalagyan ng mga babaeng nagtatakbuhan palapit sa akin
Nagulat na lang ako nang...
"Jm.. ang galing mo! you're my fan na although you're gay"
"Jm.. ang galing mo! Pwede papicture!"
"Jm.. best game... ikaw ang nagpanalo"
Yan ang naririnig kong sabi ng mga babae at lalake sa akin, nalaman ko naman yung gustong iparating sa akin ni Richard. Effective nga haha!
"Ano? di ba?", ang sabi ni Richard sa akin, nginitian ko naman siya
"Loko ka! Sus baka isipin ng iba na lalake pa ako, bakla na nga magiging lalake pa!", ang sabi ko sa kanya
"Pwede naman why not!", ang nakangiting turan sa akin ni Richard
"BAGAY KAYO..!! AyyyyiieeE", ang rinig naming sigaw ng ka-teamate namin
"Loko! Hindi noh!", ang sabi ko sa kanila
"Sus, gwapo naman ako ah..", ang sabi naman ni Richard
"Loko! Sige ka, magagalit sa'yo girlfriend mo hahaha!", ang natatawang sabi ko
"As if namang magiging tayo", pang-aasar niya
"Feelingero din eh noh!", natatawang sabi ko sa kanya.
"Sus", tanging nasabi niya
At nagkayayaan na magbar daw pero sinabi ko sa kanila na hindi ako nag-iinom pero nagpumilit sila at syempre hindi ako nagpapatalo at nanalo nga ako. Pagkauwi ko naman ng bahay ay agad naman akong nakatulog ng mahimbing.
Kinabukasan ay agad naman akong nagising ng maaga. Hindi na nga ako nakapasok sa bar kahapon eh kasi nga pagod ako, pero babawi naman ako mamaya pagpasok ko. Maglilinis na sana ako nang maalala ko si Jorge baka kasi masigawan na naman ako pero isinantabi ko na muna iyon at nagpatuloy lang ako sa paglilinis. Habang naglilinis naman ako ay nakita ko naman si Jorge sa may tindahan, mukhang problemado talaga siya, naawa naman ako, kasi baka isipin nun na iniiwasan ko siya kahit ganun nga. Nang makita ko naman siyang nakatingin sa akin ay binigyan ko naman siya ng isang ngiti. Syempre kumaripas siya nagtakbo papunta sa akin.
"Bes..!!", ang naluluha niyang sabi
"Bes", ang masayang sabi ko naman at binigayan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Namiss ko ring itong taong ito.
"So-sorry bes", ang naiiyak niyang usal
"Ok lang yun bes.. sorry din kasi hindi kita iniimik", ang pagpapatawad ko sa kanya
"Sorry bes kung nasigawan kita ah", ang sabi niya
"Problemado ka kasi eh.. kaya ayun..", ang sabi ko
"Sasabihin ko naman sa iyo bes pero sa tamang panahon ah", ang sabi naman niya sa akin
"Ok", ang sabi ko at binigyan siya ng ngiti
Natapos naman ang paglilinis ko kasi tumulong siya. Salamat na rin at nagkabati na kami, hindi ko kasing matiis ang hindi ko siya makita eh. Dahil gusto niyang bumawi ay hinatid niya ako papuntang school. Pagkadating naman namin sa school ay nakita ko ang isang babae na masama ang tingin kay Jorge.
"Bes kilala mo yun", tanong ko sa kanya, ngiti lang ang isinukli niya
"Pasok ka na bes", ang wika niya at agad ko namang sinunod
Pagkapasok ko naman ay nakita ko si Kirby na papalapit sa akin hindi naman ganun kasama ang tingin niya sa akin. Pero nung makalapit naman siya sa akin ay binigyan niya ako ng isang sarkastikong ngiti
"Nice game sa basketball", ang sabi niya sa akin
"Ah.eh.. sa-salamat", ang naiusal ko sa kanya
"Pero kahit ganun ka kagaling hindi pa rin nawawala sa akin ang pagiging bakla mo ah!", ang may galit na tonong sabi niya sa akin, nanlaki naman ang mata ko
"Ano bang gusto kong gawin para makalimutan mo na yang galit mo sa akin", ang may pagmamakaawa kong boses
"Gusto mong gawin? sumama ka sa akin mamaya pag-uwi mo akong bahala", pananakot niyang pahayag
Hindi ko alam kung papayag ako sa alok niya pero para makalimutan niya ang galit sa akin, ay eto lang ang magagawa ko
Ang galing! Koroko's style ang gamit,ang misdirection! what a blastttt.... :))
ReplyDeletesana, araw-araw may updatd,hook ups ako sa mga ganitong story kasi...
galing mo jm....merry christmas...
ReplyDeletesugar214brunei
waaaaa itodo na ang uodate................ waaaaaaa ... excited na ako sa nxt chap
ReplyDeletenpa
ang ganda naman nito.. koroko ang style's kabilib talaga ... :D keep it up mr author!
ReplyDeleteAng ganda na ng takbo ng story.. sana araw-araw na ang update kasi nakikita ko ang sarili ko kay Mike,,. :)
ReplyDelete-marC-
Wow! Kudos sa wirter!! Sana araw araw yung update!
ReplyDeletemedyo naguluhan lang ako dun sa first part kasi sabi "BI" daw pero hindi nagkakagusto sa Babae?
anyways good luck and continue writing!
P.S. Sana daily yung update T_T
-Hiya!
Author please update!!!!! I love this story!!!! Grabe ang ganda ng flow tapos relatable. Kudos!!!!
ReplyDelete