Followers

Friday, December 20, 2013

Ang CHRISTMAS WISH Ni Joey Boy 1 of 3


Sa mga hindi pa kilala si Joey Boy. Pakibasa na lang yung Story nya :)
Please Click The Title Below To Read The Story:


*******Dec 23*******

Maagang maaga pa lamang ay napaka busy na ang buong mansion dahil dito sa Philippines magse-Celebrate ng Christmas sina Ma'am Silvs and Joey Boy. Ilang years na din kasing nagpupunta sa HongKong Disneyland ang mag-ina to celebrate the Holiday Season.

This year kasi'y nagkaroon ng isang napakalaking pagbabago sa buhay ng mag-ina kaya nama'y nagDecide itong si Ma'am Silvs na mag-Stay na lamang upang makasama sa Holiday ang nadagdag na members sa kanilang Family.

Dati-rati'y ang naiiwan lamang sa Mansion tuwing Christmas ay ang kanilang Driver na si Manong Cris at ang kanilang maid na si Katie but this time ay makakasama nila itong si Carl at ang Nanay Cion nito. Si Carl ay ang dating caregiver nitong si Joey Boy at nang naging legal guardian ito ng isip batang anak ni Ma'am Silvs ay naging part na siya sa kanilang Family.

Sa side naman nina Carl ay ganoon din naman ang nangyari. Parang naging anak na din na itinuring ni Nanay Cion si Joey Boy dahil talaga naman kasing napalapit at napamahal ito sa kanila.

"Okay lang ba sa inyo Carl to spend Christmas here..." Ang tanong ni Ma'am Silvs habang pinag-pla-planuhan nila kung ano-ano ang mga kailangan pang bilhin para sa kanilang iluluto bukas sa Noche Buena.

"Ayos lang po Ma'am Silvs..." Ang nakaSmile na reply naman ni Carl.

NagRequest at nangulit kasi itong si Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl na samahan siya nito sa Christmas kaya nama'y inimbitahan na din ni Ma'am Silvs si Nanay Cion at sa kabutihang palad nama'y nag-Yes ang mga ito.

"Okay lang yun Ma'am Silvs... Doon sa bahay ng mga Balae ko kasi magpapasko sina Carmie at ang apo ko kaya kami lang dalawa ni Carl ang maiiwan sa bahay... Mas maganda nga po ito at marami tayo at para maiba-iba na din naman ang Pasko namin... Lagi na lang kami sa bahay namin eh..." Ang explain naman ni Nanay Cion kay Ma'am Silvs.

"Salamat talaga sa inyo... Tuwang-tuwang talaga ang Baby ko..." Ang reply naman ni Ma'am Silvs sa mag-ina.

"Ati..." Ang naiinis na pag-singit naman ng maid na si Katie nang lumapit ito sa tatlo.

"Ano yun..." Ang sambit kaagad ni Ma'am Silvs.

"Si Joey Boy Ati... Pasaway..." Ang sumbong kaagad ni Katie at On cue namang lumapit sa kanila itong si Joey Boy.

"ATE KATIE... ATE KATIE... PLEEEEASE..." Ang paiyak na pakiusap nito sa kanilang maid.

"No Joey Boy... You can't come with me sa SM..." Ang tanggi naman ni Katie.

"I want to see the Grocery Store..." Ang pilit ulit ni Joey Boy.

"Paano namang nalaman ni Joey Boy ang pagpunta mo sa SM..." Ang nagtatakang tanong naman ni Ma'am Silvs sa kanilang Maid dahil sa tuwing mag-gro-Grocery itong si Katie ay hindi nila ipinaalam ito kay Joey Boy upang hindi magpilit na sumama.

"Narinig po kasi ako ni Joey Boy nang sinabihan ko si Manong Cris sa kusina na magpapa-Drive po ako sa SM para mag-Grocery eh..." Ang explain naman ni Katie.

"Oh Ate Katie... Please..." Ang muling pagmamakaawa ni Joey Boy.

"Bakit ayaw mo namang isama si Joey Boy..." Ang tanong naman ni Carl kay Katie.

"Kasi hindi ko siya mababantayan at napakakulit nyan sa Grocery eh..." Ani naman ni Katie.

"Sasama na lang ako para ako ang magbantay..." Ang volunteer naman ni Carl.

"EHEEEK... REALLY..." Ang hindi makapaniwalang outburst ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl sabay yakap niya dito ng mahigpit.

"Ati Silvs..." Ang sambit naman ni Katie sa kaniyang Amo upang humingi ng saklolo.

"PLEASE MOMMY..." Ang maluha-luhang sambit naman ni Joey Boy.

"Basta magbe-Behave ka doon ha..." Ang sambit naman ng nakaSmile na si Ma'am Silvs.

"YES MOMMY... PWAMIS... MWAAAAH..." Ang masayang-masayang sambit ni Joey Boy sabay hug and kiss niya sa kaniyang mommy Silvs.

"Hay... Basta Dong ikaw magbabantay kay Joey Boy... Gumala na lang kayo sa Mall at huwag nyo na akong samahang mag-Grocery..." Ang nakaFrown na sambit na lamang ng talunang si Katie sa biglang nagtakang si Carl.

"Nagkakaproblema ba si Joey Boy kapag nasa Grocery..." Ang hindi mapigilang tanong naman ni Nanay Cion kay Ma'am Silvs.

"Kung ano-ano lang kasi ang pinabibili niya at kapag hindi siya ibinili eh iiyak na lang yan..." Ang explain naman ni Ma'am Silvs.

Naintindihan naman kaagad nina Carl and Nanay Cion itong si Ma'am Silvs and ang Dilemma ni Katie dahil narinig na nila kasing umatungal ng iyak itong si Joey Boy.

"Basta mamasyal na lang kayo ni Joey Boy sa Mall at ayaw na ayaw ni Katie na naiistorbo siya kapag nag-gro-Grocery..." Ang nakaSmile na bilin ni Ma'am Silvs kay Carl.

"Ako na pong bahala kay Joey Boy..." Ang pag-a-Assure naman kaagad ni Carl.

"Ati ito na po ba lahat..." Ang tanong naman ni Katie nang makita na niya ang listahan ng bibilhin niya.

"Yan na lahat yan..." Ang nakangiting sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Ba't para naman atang ang kaunti..."

"Namalengke na kami ni Ma'am Silvs kahapon ng mga karne at gulay..." Ang explain naman ni Nanay Cion.

Nag-Suggest kasi itong si Nanay Cion kay Ma'am Silvs na sa palengke na lamang sila bumili ng mga Meat and Vegetables upang makamura.

"Ah... Sige po alis na kami..." Ang ani naman ni Katie.

"Alis na po kami..." Paalam naman ni Carl.

"Ba-Bye Mommy... Ba-Bye Nanay Cion... MWAAAAH... MWAAAH..." Ang sweet na sweet namang pagbaba-Bye ni Joey Boy with matching goodbye kisses pa kina Ma'am Silvs and Nanay Cion.

"LET'S GO BRITNEY..." Ang next na malakas na pag-usal ni Joey Boy sa kaniyang Pet na Askal.

"ARF... ARF... ARF..." Ang malakas ding reply ni Britney habang nagmamadali itong pumunta kay Joey Boy bitbit ang Adidas sports bag na pinaglalagyan niya sa tuwing isasama siya nito sa pamamasyal.

***Please Click the Title Below To Read How Joey Boy Kidnapped Britney***

"Huwag mo nang isama si Britney Joey Boy..." Ang mabilis na usal kaagad ni Katie.

"EHEEEK..." Ang shock na shock namang expression ni Joey Boy.

Naging parang body guard na kasi nitong si Joey Boy ang Askal na kaniyang napulot noon na si Britney kaya nama'y nasanay na siyang kasa-kasama ito sa tuwing umaalis siya.

"Kayo na lang ang umalis Baby... May gagawin kasi kami ng Nanay Cion mo and we really need Britney's help..." Ang sambit kaagad ni Ma'am Silvs kay Joey Boy.

Mabilis kaagad na nakapag-isip itong si Ma'am Silvs ng way para hindi na isama ng kaniyang anak itong si Britney.

"EHEEEK..."

"Or do you want to stay here na lang at samahan kami nina Nanay Cion and Britney..." Ang next na usal ni Ma'am Silvs sa nag-iisip na si Joey Boy.

"Babalik din naman agad tayo eh... Kailangan ng Mommy mo ng help dahil marami silang gagawin at malapit na ang Christmas di ba..." Ang explain naman ni Carl.

"Oh... okay... Kuya Carl..." Ang mabait na pagsunod na lamang ng no choice na si Joey Boy na ikinahinga naman ng maluwag ng lahat lalong-lalo na itong si Katie.


*************


Sinigurado muna ni Britney na nakasakay ng maayos itong si Joey Boy sa loob ng Revo.

"Ba-Bye Britney... Bantayan mo sina Mommy ha..." Ang sambit na lamang ng no choice na si Joey Boy sa kaniyang Pet na Askal habang binibigyan niya ito ng flying kiss.

"ARF..." Ang reply naman nitong si Britney habang kinakawayan siya ni Joey Boy mula sa loob ng bintana ng Revo.

Nang makaalis na ang Revo'y isinara na ng Askal na si Britney ang gate ng mansion. Kapag nasa sa Mansion kasi itong si Britney ay siya na ang naging tagapagbukas at tagapagsara ng Gate kapag may umaalis or may bisita.

Tulad nina Carl ay para na ring member ng Family itong si Britney and until now ay hindi pa din sila makapaniwala dahil napakasipag nito't marunong ito sa gawaing bahay.


*******At SM*******


Kahit na anong gawing effort at pang-bra-bribe nitong si Carl sa kaniyang alaga'y at wala siyang nagawa nang nagpumilit itong sumama sa pag-gro-Grocery ni Katie.

"Sige na Joey Boy... Mag punta na lang tayo sa Arcade... Di ba gusto mo doon..." Ang pagpupumilit pa din ni Carl.

"NO..." Ang matigas na reply lamang sa kaniya nitong si Joey Boy habang sumusunod ito kay Katie.

Labis talaga ang ipinagtataka ni Carl kung bakit ayaw na ayaw isama ni Katie si Joey Boy sa pag-gro-Grocery sa SM at harmless na harmless naman ng sweet na si Joey Boy.

"BASTA DONG! WE DON'T KNOW EACH OTHER!!!" Ang ibinigay na warning sa kanila ni Katie nang makapasok na sila sa entrance ng SM Grocery Store habang kumukuha na ito ng PushCart.

Tahimik na pinagmasdan muli ng binata itong si Joey Boy at hindi na namang napigilang mapa-iSmile ni Carl nang lapitan nito si Katie at kinulit.

"STOP NA JOEY BOY!" Ang inis na inis na saway ni Katie kay Joey Boy.

"But I want to ride on it..." Ang hindi papatalong reply naman nito.

"DONG! ANO BA! HINDI AKO MAKAPAG GROCERY NG MAAYOS!" Ang sambit naman ni Katie at inis na inis talaga ito kina Joey Boy and Carl.

"Joey Boy... Big ka na kaya... Hindi ka na puwedeng sumakay sa push cart..." Ang explain naman ni Carl nang hinawakan na niya ang isang kamay ni Joey Boy upang ilayo sa push cart ni Katie.

"But I want to... Why can they ride on the cart..." Ang tanong naman ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl sabay turo niya sa isang batang nakasakay sa Push Cart.

"Kuya ka na diba... Hindi na sumasakay ang mga Kuya sa Push Cart..." Ang mahinahong explain naman ni Carl sa napasimangot na si Joey Boy.

"Sabi ko sa iyo eh... Kaya hindi namin isinasama yang si Joey Boy kapag nag-gro-Grocery ih..." Ani naman ni Katie.

"MERRY CHRISTMAS!!! HAPPY SHOPPING!" Ang biglang narinig na lamang sa buong Grocery from the Public Address System ng SM Grocery Story at pagkatapos nito'y nagbigay ng masiglang two Claps ang mga Staff.

Kaagad na napansin ni Carl na biglang nanlaki ang dalawang mga mata ni Katie na tila ba nag-pa-Panic...

"MERRY CHRISTMAS... HAPPY SHOPPING!!! EHEEEEK!!!" Ang walang pasabi na lamang na biglang isinigaw ni Joey Boy at pagkatapos ay malakas na nag Clap din ito ng kaniyang hands gaya ng mga salesman and saleslady ng SM Grocery.

"HINDI KO KAYO KILALA!!!" Ang malakas na sambit ni Katie kina Carl and Joey Boy sabay alis niya and that time din ay biglang nanliit na lamang si Carl nang napagtanto niyang nakatingin na pala ang lahat ng mga tao sa loob ng Grocery sa kanilang direction.

"ATE KATIE... WAIT!!!" Ang malakas na pagtawag bigla ni Joey Boy nang makita niyang malayo na ito sa kanila.

"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang sunod-sunod na outburst ni Joey Boy habang hinahabol niya ang pilit lumalayo sa kanilang si Katie.

Napayuko na lamang itong si Carl dahil tumutunog at kumakalansing pa ang mga laman sa loob ng backpack ng tumatakbong si Joey Boy at nakangiting pinagtitinginan sila ng mga tao.

"Free taste..." Ang bigla na lamang narinig ni Joey Boy mula sa isang saleslady na nagtitinda ng Ham.

"EHEK..."

"Eto oh..." Ang nakaSmile na sambit ng Saleslady nang binigyan niya ng isang pirasong ham na nasa toothpick si Joey Boy.

"TSALAP... TSALAP... TSALAP... Can I have one more pa please..." Ang usal ni Joey Boy sa nakaSmile na Saleslady.

"Joey Boy let's go na..." Ang nahihiyang pagyaya naman ni Carl nang malapitan na niya ito.

"Okay lang sir... Eto pa oh..." Ani naman ng Saleslady kasabay ng pagbibigay niya ng isang heartwarming smile kay Carl habang inaabutan niyang muli ng isa pang ham na nasa toothpick ang eager na eager na si Joey Boy.

NaGets na ng mga Saleslady and Salesman at pati na din ang mga namimili ang condition ni Joey Boy.

"Can Kuya Carl have one too..." Ang sweet na sweet na isinunod na request naman ni Joey Boy na masayang pinagbigyan namang muli ng saleslady.

"Miss thank you..." Ang nahihiyang sambit ni Carl nang inabutan siya ng Free Taste Ham ng saleslady.

"TENCHU... MWAAAH... Ba-Bye..." Ang next na sambit ni Joey Boy sabay kiss niya sa cheeks ng mabait na saleslady na kaagad namang nagBlush.

"Merry Christmas..." Ang sambit na pahabol naman ng Saleslady sa kumakaway na si Joey Boy.

"Merry Christmas... Happy Shopping... EHEK!!!"

"Joey Boy... Let's go na..." Ang nasambit ni Carl nang biglang tumigil itong si Joey Boy.

"Joey Boy..." Ang muling pagtawag ni Carl nang hindi pa din ito kumilos.

"What are you looking at..." Ang tanong kaagad ni Carl nang nilapitan niya si Joey Boy ngunit after just a few seconds ay kaagad na nanlaki sa panic ang dalawang mga mata ni Carl nang makita niya kung nasa saang isle sila.

"I want that Kuya Carl... That one also... and that... and that... that... that... that one too..." Ang sunod sunod na sambit ni Joey Boy habang masaya siyang nagtuturo ng mga items na kaniyang nagustuhan sa Snacks and Sweet Isle ng SM Grocery.

"Yan kasi eh... Ayaw makinig eh..." Ang biglang narinig na lamang ni Carl sa kaniyang likuran.

"Hindi ko talaga alam kasi... Sorry..." Ang paghingi naman ng paumanhin ni Carl sa nakangiting si Katie.

"Ate Katie... Can you buy me this one... Please..." Ang sweet na sweet na sambit ni Joey Boy habang ipinapakita niya ang isang malaking box ng Orion's Choco Pie.

"One lang Joey Boy..." Ang sambit naman ni Katie na ikinatuwa naman kaagad ni Joey Boy.

"Kuya Carl... Can you buy this one for me..." Ang next na sambit naman ni Joey Boy sabay pakita niya ng Isang malaking pack ng Kitkat dito.

Tumungo na lamang itong si Carl dahil katulad ni Katie'y hindi nila matanggihan itong si Joey Boy.

"Don't tell Mommy ha..." Ang next na sambit naman ni Joey Boy sa dalawa.

Mahigpit kasing pinagbabawalan ng kaniyang Mommy itong si Joey Boy na kumain ng mga sweets dahil kung minsa'y nasosobrahan ito sa pagkaHyper.

"Basta ba magbe-Behave ka palagi eh..." Ang nakasmile na sambit naman ni Katie.

"Promise Ate Katie..."

"Sige... Let's go na Joey Boy para makauwi na tayo..." Ang pag-yaya naman ni Ate Katie na mabait namang sinunod nitong si Joey Boy.

"Thank You Kuya Carl... Thank You Ate Katie..." Ang paulit-ulit na sinasambit ni Joey Boy habang nakapila sila sa counter ng Grocery Store.

Hindi talaga maipaliwanag ngunit ikinatataba talaga ng puso ng mga tao kapag naririnig at nakikita nilang happy and grateful ang mentally challenge na si Joey Boy.


*******On The Way Home*******


Hindi pa din matapos-tapos sa pagte-Thank you itong si Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl and Ate Katie dahil talaga namang happy na happy siya dahil nakaDelihensiya na naman siya ng mga Sweets.

"Manong Cris... Please don't tell Mommy ha..." Ang pag-re-remind muli ni Joey Boy sa kanilang Driver at tinawanan na lamang siya nito.

Kahit si Manong Cris ay aliw na aliw talaga kay Joey Boy. Matagal-tagal na din siyang naninilbihan kina Ma'am Silvs at ang asawa niyang si Manang Rosa kasi ang naging Yaya ni Joey Boy since noong baby pa ito hanggang sa lumaki ngunit dahil sa katandaa'y nagpaalam na ito kina Ma'am Silvs upang umuwi at magpahinga na lamang sa Province.

"Wait lang Joey Boy... Ano ang wish mo nga pala kay Santa..." Ang biglang tanong kaagad ni Katie kay Joey Boy.

"EHEEEK..."

"Bakit Joey Boy..." Ang sambit naman ni Carl nang makita niya ang nakaFrown na expression ni Joey Boy.

"I don't know pa eh..."

"Hala... Malapit nang magChristmas at wala ka pang wish kay Santa... Naku... Baka hindi ka niya bigyan ng gift..." Ang pananakot ni Katie sa biglang nagPanic na si Joey Boy.

"I don't know pa talaga eh..." Ang hirit naman ni Joey Boy.

Natatawang ini-explain ni Katie kay Carl na isang big thing para kay Joey Boy ang pagwi-Wish kay Santa. Palagi kasing ibinibida ni Joey Boy sa kanila ang gift sa kaniya ni Santa after every Christmas.

"Ahmmm... Kuya Carl..."

"Ano yun Joey Boy..."

"Ahm... Kasi... EHEK..."

"Ano nga yun Joey Boy..."

"Can I have two wishes ba kay Santa..." Ang curious na tanong ni Joey Boy.

"Isa lang dapat eh..." Ang biglang pag-singit na pagbibiro naman ni Katie.

"EHEK..." Ang outburst muli ni Joey Boy.

"Ano ba ang gusto mong ibigay sa iyo ni Santa..." Ang curious na tanong naman ni Carl na hindi na sinagot pa ni Joey Boy.

Napataas na lamang ng kanilang mga kilay sina Carl, Katie and Manong Cris nang nanahimik bigla itong si Joey Boy at halatang-halata nilang malalim ang iniisip nito.

Ang akala nila'y iniisip nitong si Joey Boy na naniwala ito sa biro ni Katie at baka dalawa ang gusto kasi nitong i-wish kay Santa.

Bothered na bothered itong si Joey Boy dahil sa sinabi sa kaniya ng kaniyang Ate Katie na isa lang dapat ang pupuwede niyang i-Wish kay Santa.

Sa katotohana'y wala pang naiisip talaga itong si Joey Boy na gusto niyang i-Wish na Toy kay Santa dahil lahat naman ng gusto niya ay naiibigay sa kaniya ng kaniyang Mommy at palagi din naman siyang binibilhan ng mga Toys ni Sir Steve.

Ang talagang nagpapa-Bother sa isip batang si Joey Boy that time ay nagamit na niya kasi ang kaniyang Wish kay Santa noong naComatose ang kaniyang Mommy Silvs. 

NagPray noon si Joey Boy na sana ay magising at gumaling ang kaniyang Mommy Silvs and nagWish din siya ng same thing kay Santa at natupad naman ang wish niya kaya ngayo'y medyo na-a-Upset itong si Joey Boy dahil hindi na siya pupuwede palang magWish kay Santa sa darating na Christmas Eve.


*******At The Mansion*******


Laking gulat talaga ni Joey Boy nang madatnan niya sa kanilang Living Room ang kaniyang mga kaPlaymate. 

Binigyan na lamang sila ni Katie ng snacks at pagkatapos ay iniwanan nila ang mga ito to give them privacy.

"Joey Boy..." Ang sambit ng grade two na ka-playmate sa kanilang Executive Village ni Joey Boy na si Rachel.

"What is it..."

"We want to invite you kasi eh..."

"EHEK..."

"Sama ka sa amin Bukas Joey Boy..." Ang sambit naman ng Grade One na si Richard.

"Where..."

"Mamamasko tayo..."

"EHEK... What's that..."

"Hi... hi... hi..." Ang hagikhikan ng mga kalaro ni Joey Boy.

Palagi nga kasing pumupunta sa Hong Kong Disneyland sina Ma'am Silvs and Joey Boy tuwing Christmas kaya nama'y hindi pa nararanasan ni Joey Boy na mamasko. Hindi din naman kasi noon pinapayagan itong si Joey Boy when he was younger dahil nga sa kaniyang mental condition.

"Pupunta tayo sa mga kapitbahay natin para humingi ng pamasko..." Ang explain ng mga bata kay Joey Boy.

"What's pamasko..."

"Gift yun Joey Boy..."

"EHEK... All of our neighbors will give us gifts..." Ang hindi makapaniwalang tanong ulit ni Joey Boy.

"Yes Joey Boy..."

"EHEEEK... WHEN..."

"Tomorrow..."

"WAIT LANG... EHEK...: Ang outburst ulit ni Joey Boy at pagkatapos ay nagExcuse siya sa kaniyang mga playmates sabay takbo niya papuntang kusina.

"MOMMY... MOMMY..."

"Ano yun Joey Boy..." Ang tanong ni Ma'am Silvs habang nag-aayos sila ng mga pinamiling Groceries ni Katie.

"Mommy... Can I come with my playmates..."

"Where naman..."

"We will go...

...
...
...

Ahm...

...
...
...

Ahm...

...
...
...

I forgot na Mommy what it's called eh...

Basta our neighbors will give gift to me and my playmates..." Ang explain na lamang ni Joey Boy sa nakaSmile niyang Mommy Silvs.

"Hmmm..."

"Please Mommy... It's sound so fun kasi eh... Can I go with them please..."

"Sige na nga..." Ang natatawang reply ni Ma'am Silvs sa nagtatalon na si Joey Boy.

Noong isang araw pa sinabihan ng mga HomeOwner's Association Officers itong si Ma'am Silvs na may gagawing mga activity ang mga Bata sa kanilang executive village this coming December 24 at ito nga ay ang gagawing pamamasko ng mga ito sa lahat ng mga bahay sa kanilang buong village.

"TENCHU MOMMY... MWAAAAH..."

"Sige Joey Boy... Tell your playmates na..." Ang natatawang usal na lamang ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"Bakit po bukas sila mamasko eh 24 pa lang naman po bukas eh..." Ang curious na tanong naman ni Carl.

"Tradition na nila yun Dong..." Ang explain naman ni Katie.

"Tradition..." Ulit ni Carl.

"Yes Carl... Instead sa 25th sila magbahay-bahay eh ginawa na lamang ng mga Home Owner's Association Officers na sa 24 para hindi masyadong busy ang mga tao at para na din hindi na gumala pa ang mga bata sa Pasko... Ang iba kasi eh umaalis din sa 25 kaya ganoon..." Ang explain naman ni Ma'am Silvs.

"Ang sosyal talaga dito..." Ang natatawang sambit naman ni Nanay Cion.

"Talaga naman po Manang Cion... Pati Chinese New Year eh sine-Celebrate talaga dito..." Ang natatwang sambit din ni Katie.


**************


"Pinayagan ka ba ng Mommy mo..." Ang kaagad na itinanong ng kaniyang mga playmates nang makabalik na itong si Joey Boy sa living room.

"EHEK..." Ang masayang sambit naman nitong si Joey Boy.

"YEHEEEEY..." Ang outburst naman ng mga bata at talaga namang gusto nilang kasama nila itong si Joey Boy para kumpletong-kumpleto silang magkakalaro.

"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang sunod sunod na outburst din ni Joey Boy at that time dahil hindi talaga siya makapaniwalang there's something na mas higit pa kay Santa.

Isip-isip nitong si Joey Boy na isang gift lang ang pupuwede niyang i-Wish at matanggap kay Santa pero ngayon ay marami siyang matatanggap na gift from the neighborhood dahil makakapamasko siya this Christmas.





To Be Continued



Preview Sa Next Chapter:

"Santa... Hu... hu... hu..." Ang mahinang pag-iyak ni Joey Boy.

"Thank you Santa because you gave me my wish eventhough it was not yet Christmas when I wish my Mommy to wake up... Hu... hu... hu..." Ang pagpapatuloy ni Joey Boy sa kaniyang paghikbi.

Upset na upset talaga itong si Joey Boy that time dahil sa kaniyang nasaksihan at nadama sa kaniyang puso that day.

"But Santa... I hope that you will give me a gift this Christmas... Hu... hu... hu..."

"I want a gift Santa..."

"Santa... I wish..."

"I wish..."

"I wish... Hu... Hu... Hu..."

"I wish... U... U... U..."

"UWAAAAAH... UWAAAAAH... UWAAAAH..." Hindi na naituloy pa ni Joey Boy ang kaniyang Wish kay Santa dahil tuluyan na siyang humagulgol dahil sa kaniyang matinding kalungkutan lalo na kapag sumapit na ang kinabukasang kapaskuhan.

17 comments:

  1. 4 DAYS TO GO BEFORE CHRISTMAS

    Embedded music comes from Britney's

    All I Want

    EHEEEEEEK!

    MISS NA MISS NA NI PONSE SI JOEY BOY KASI EH! :))

    ReplyDelete
  2. Me too din neng , buti nalang at binanggit mo sya sa story ni Doms at Doc Racky ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang at wala ka dito Ate Joy at hindi makapamasko ang inaanak mo sayo :))

      Delete
  3. Joey boy is in the house! Yeah yeah!! Merry Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas din Kuya Marc!!! :))

      Delete
  4. Joey Boy Merry Christmas inaanak. Have a blessed Christmas and Prosperous New Year to all :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same to you and to your Family Mr.Stan!!! :))

      Delete
  5. yeheeeyyyy mamasko c joeyboy w his frends. so nice aman dis story of yours PONSE! sooooo cuteee. he he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. this will be the last Joey Boy story Tito Robert :)) See you po sa next part :))

      Delete
  6. nice.. merry xmas


    marc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas Kuya Marc :)) EHEEK!!!

      Delete
  7. Ang cute ni Joey Boy! pwede ba Kuya Ponse sya na lang gift ko sa Christmas??please???hahaha!

    ReplyDelete
  8. Sobra ko mamimiss si Joey Boy Kuya huhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede namang dyan senyo Kuya Riley mag Bagong Taon si Joey Boy eh :)) Kaya lang naTrauma na siya sa paputok :))

      Delete
  9. napaka inosente tlaga ni joey boy, nkakatuwa :3

    nkaka sad lang kc last story na pla nia to. peo sna sumisingit-singit pa dn xa sa mga future stories as cameo appearances :D

    ReplyDelete
  10. Dear Author, Thank you for adding new chapters of this story, hindi lang nakakaaliw at nakakalibang na basahin, itoy nakakapag bago din ng pananaw ng mga mambabasa sa pagtrato sa mga bata o adult na may pagkukulang or abnormality sa kanilang pag iisip. Kasi pangkaraniwan na nating nakikita o nababasa na kapag ang bata ay may abnormality, tingin natin sa kanila ay puro problema o nakakapagbigay lamang ng kalungkutan o hinagpis sa kanilang pamilya. reading your story makes me feel to want someone like joey boy in my family. GOD Bless you!
    Ben from Aus.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails