Followers

Tuesday, December 3, 2013

Nightmare Love 1


Author’s note:

Para sa mga readers, eto na po yung Chapter 1 ng aking story. Alam ko pong medyo nakakatamad basahin kapag chapter 1 pa lang pero I assure you na kapag tumatagal, mas lalong gumaganda ang story.  Maraming katanungan ang iiwan ko dito na sasagutin sa mga susunod na Chapters. Yun lang hope maganda para sa inyo yung story.

Tsaka nga pala kung may mga mali-mali sa aking pag-type, pakiintindi po ah, hindi po ako perpekto. Pasensya na po kung wala pong picture yung main character ko kasi ang hirap maghanap (buti sana kung may nag-volunteer)

At huli, I’m very thankful for kuya ponse for letting me post here in this blog at syempre thank you din kasi tinulungan niya ako. Gayundin kay kuya mike kaya maraming thank you.
Disclaimer:

I do not own this image. It’s only a representation for my story. Anyone may complain about this image, just leave a comment and the images will be automatically REMOVED. Thank you.

If you like to contact me, just leave also a comment and I will give my contacts (any kind of contacts hahaha! ) Thank you.


Note:

This is a true to life story. The person I interviewed is my basis of the story. It’s his story, a real story; the names used in this story are only screen names for his protection and security. I only change some of his story to make the flow better. I need RESPECT and try to understand and discover learnings about his life of love J thank you. I need your comments J

Nightmare Love: The Dream of the beginning

Chapter 1


Jm's POV

     Isang lalake nakikita ko sa maliwanag na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako pero kami lang dalawa ang naandun. Hindi ko rin maaninag ang itsura nitong lalake sa harapan ko. Hindi man lang nagsasalita o hindi man lang naglalakad pero may mga naririnig ako sa paligid na sa tantya ko ay galing sa kanya.

     "Marami ang iyong pagdadaanan. May mga pagsubok, pagsasakripisyo, pagdudusa, pamamaalam at pagmamahal ang darating sa'yo", ito ang mga naririnig ko sa paligid

     Sinusubukan kong kausapin ang lalake sa aking harapan pero sadyang nakatayo lang siya sa harapan ko. Sinubukan ko naman na ako ang lumapit sa kanya pero biglang nagliwanag ang paligid. Sa sobrang liwanag ay bigla nagdilim ang paningin ko. Para akong bulag na walang makita. Maya-maya ay nakaramdam ako ng may humawak sa akin. Hindi hawak, kundi yakap. ang higpit ng pagkakayakap ng lalake sa akin. Sinubukan kong kumawala pero sa bawat lakas na ginagamit ko ay mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.




     "Ano ba! bitawan mo ako!", pasigaw kong utos sa kung sino mang tao ang yumayakap sa akin




     Kahit anong gawin kong utos sadyang hindi niya naririnig ang mga pagsigaw ko. Nahihirapan na akong huminga. Kahit anong gawing sigaw at pumiglas ko ay ayaw nitong bumitaw. Maya-maya nama'y natameme ako sa sinabi ng yumayakap sa akin.




     "Mahal kita", tanging narinig ko sa kanya




     Bigla naman akong nakaramdam ng pagluwag sa pagkakayakap bagkus ay may pwersang tumulak sa akin. Para akong mahuhulog sa kung anumang matarik na lugar.




     "Mahal kita pero mamamatay ka dahil sa pag-ibig ko sa'yo", tanging narinig ko sa di kalayuang lugar. Halata dito ang pagkakalungkot sa boses. Bakit?




     "Wag!", mahina kong usal




     "WAAAAGGGGGG!!!!!", sigaw kong sabi hanggang sa unti-unti akong nanghihina na tipong nauubusan ka na ng dugo. Nahihirapan na ako huminga. Nawawalan na ako ng lakas hanggang sa....









     "KRING!!! KRING!!! KRING!!!", bulabog ng aking alarm clock na siyang nakapag-gising sa aking mula sa bangungot.




     "Panaginip na naman", bulong ko sa sarili




     Hindi ko alam kung bakit paulit ulit na nangyayari sa aking panaginip ang mga ganung scenario. Nakakaramdam ako ng kakaibang takot although it is only a dream but it's happening for REAL.




     "Jm kung gising ka na d'yan halina't sumabay ka na sa amin ng itay mo na mag-almusal", sigaw ng aking ina sa akin




     "Opo nay", sagot ko naman




     Ang inay talaga, kakaumpisa pa lang ng kwento ko, pabida agad! Ako ang bida dito nay, ako! Hahaha! By the way, ako si Jm.



/*/
     James Mario Santos ang tunay kong pangalan. 17 taong gulang at nakatira sa siyudad ng parañaque. Madalas na makikita niyo sa akin ang pagiging masayahin, mapagbiro, maalalahanin at kung anu-ano pa nag nagsisimula sa "ma" hahaha! Except mapangit. Sa isang tulad ko ay hindi mo mahahanap sa akin ang magagalitin pero mainisin oo hahaha!




     Tulad ng ibang teenager, normal lang akong tao: may 2 mata, 1 ilong, 2 tenga, 1 labi, 24 na ngipin hahaha! Hindi naman ako kagwapuhan at hindi rin kapangitan, slight lang kumabaga, nasa middle lang ang gaya ko. Kadalasan na sa mga nakakakita sa akin ang nakyukyutan sa akin dahil daw sa baby face ang aking istura, Oh di ba sosyal hahaha!




     Aaminin ko sa inyo na ako'y isang bi. Hindi yung feminine na silahis ah. Alam naman ng aking magulang ang pagiging ganito ko. Imbes ba ikahiya, ay pinagmamalaki nila ang gaya ko dahil daw sa napaka-understanding daw ako. Kahit alam naman nila inay at itay ang pagiging bi ko, ay hindi ko sila binigyan ng kahihiyan. Hindi ako nagbibihis babae kasi nasanay akong simple lang ang pananamit ko.




     Aakalain niyo na isa akong normal na tao pero sa tuwing kakausapin mo ako ay dun mo makikita ang kakaiba sa akin. Binata sa anyong panlabas ngunit dalaga kung bumigkas. Hindi ko alam kung bakit ganun ang aking boses pero ang sabi ng aking inay ay mula daw nung ipinanganak ako, Inborn kumbaga. Walang asaran ah, that's my weakness eh hahaha!




     Kung aalamin naman ninyo ang buhay pag-ibig ko ay isa lang ang isasagot ko d'yan, I am a member of lonely hearts club. Hindi kasi ako naniniwala sa pag-ibig eh lalo na ang hinahanap kong makakasama sa buhay eh kaparehas ko pa. Ni hindi nga ako kumikilatis kung gwapo or cute ang isang lalake eh. Ganyan ako kalupet hahaha! Pero I experienced love before ayaw ko nang ikwento sa inyo kasi masaklap eh.




     Pagkatapos ko naman na iligpit ang higaan ko, naghilamos at nagmumog ako bago ako lumabas na kwarto ko. Nakita ko naman sila inay at itay na naghahain na ng aming almusal. Laging pinangungunahan ng itay ang pagdadasal. Pagdadasal sa pasasalamat sa biyayang natatanggap at pasasalamat dahil sa araw-araw kami nakakaraos. Opo tama kayo d'yan, mahirap lang kami noh. Hindi porket may alarm clock mayaman na! Hahahaha!




     Pagkatapos naman naming kumain, ay nagpresenta naman ako na maghugas ng aming kinainan. Agad naman na lumapit ang inay sa akin habang naghuhugas ako.




     "Jm, ikaw na bahala dito sa bahay ah", bilin ng inay sa akin




     "Opo nay", sagot ko




     "Oh sige na anak una na ako ah", sabi ng inay at lumabas na ng bahay




     Agad ko naman sinunod ang bilin ng inay sa akin. As usual, ang maglinis ng buong bahay hahaha! Pero hindi naman ako naiinis sa mga ganitong gawain lalo na kung ang magulang ko ang mag-uutos hahaha!




     Pagkatapos ko naman maglinis ay agad na akong nag-ayos ng sarili para sa trabaho ko ngayon. Opo, nagtatrabaho ako. Street Sweeper sa umaga at waiter sa isang bar kapag gabi, oh diba ang sipag! Hahaha! Sabi ko nga, mahirap kami kelangan kong magtrabaho para makaraos kami.




     "Tay lalarga na po ako", paalam ko sa itay




     "Ingat ka anak ah", tugon naman ng itay at lumabas na ako ng aming bahay




     Actually, mag-iisang taon pa lang kami dito sa parañaque. Dati kaming naninirahan sa probinsya sa amin pero simula nang maaksidente ang itay ay dito na kami nanirahan. Syempre likas sa amin ang pagiging mabait(weh?) kaya karamihan dito ay close namin. Hindi naman ako nahihirapan sa pagwawalis sa araw-araw kasi may mga tumutulong sa akin: may taong kakilala namin, mga taong nagigising ng maaga para maglinis ng tapat ng kanilang bahay at even mga tambay ay tumutulong sa akin hahaha! Speaking of tumutulong ay may lumalapit sa akin na syang tumutulong sa akin sa araw-araw si Aling Marta




     "Good morning aling marta", bati ko sa kanya




     "Oh Jm? ang aga naman ata natin ngayon ah, anong meron?", sabi naman niya




     "Ah wala naman po. May pasok na kasi ako mamaya kaya ayun, gumigising ng maaga para makatapos agad", sagot ko




     "Ay ganun ba, mag-aral ng mabuti ah", sabi naman niya




     "Syempre naman po", pagsagot ko ulit




     "Oh sige na anak, tatawagin ko na lang yung anak ko para makatulong sa iyo d'yan", agad na sabi ni aling marta




     "Ay, naku na po nakakahiya naman po, wag na po at tsaka patapos na po ako", pagtanggi ko




     "Nau Jm, alisin mo nga yang pagiging mahiyain mo, eh halos araw-araw ka naman tinutulungan ng anak ko para naman mapabilis ka d'yan at para makapagpahinga ka pa ng matagal", pagpuumlit niya




     Syempre ano pa nga ba ang isasagot ko? "OO nalang!" haha! Agad naman umalis si Aling Marta para utusan ang kanyang anak na tulungan ako. By the way, si Jorge ang anak ni Aling Marta.



/*/
     Si Jorge ang una kong naging kaibigan dito mula ng unang lipat kami. Sabi ng iba, ay gwapo daw itong si jorge kasi ang swerte ko daw at naging kaibigan ko siya. Bihira lang daw itong makipagkaibigan sa iba. Tsk! Gaya nga ng sabi ko, hindi ako kumikilatis kung gwapo or cute ang isang lalake basta ang mahalaga ay may gustong makipagkaibigan sa akin. Alam naman niya na ako'y isang bi. Actually nga eh lagi yang nagpapanggap na boyfriend ko which I really don't like. Pero looking at him sabi ng iba "adonis-look siya".




     "Bes Jm!", sigaw ni Jorge sa aking likuran




     "Makasigaw naman bes wagas, daig mo pa alarm clock kung makasigaw", pambabara ko




     "Ganun! ah!", sabi niya




     "Ewan tara na tulungan mo daw ako sabi ng mama mo", sabi ko sa kanya




     "Kahit hindi mo sabihin, tutulong talaga ako hahaha!", natatawang sabi niya




     "Hmm... baka mamaya mag-inarte na naman ah", pagpaparinig ko sa kanya




     "Hindi yan bes tara na umpisahan na natin para makatapos ka na d'yan", sab niya at agad na kumuha ng isang walis ting-ting para tulungan ako. Napabuntong hininga na lang ako kasabay ay nagwalis ulit ako.




     Patapos na SANA kami ng inatake ng KATAMARAN itong si Jorge. Nakuuuuu! itong mokong na 'to palaging ganyan yan kaya masanay na kayo.




     "Bes pagod na ako", sabi ng mokong na humihingal hingal pa




     "Ayan na nga ang sinasabi ko eh, inarte na naman ha!", sarkastikong sabi ko sa kanya




     "Bes naman, alam mo naman ang ibig sabihin nito di ba?", sabi naman niya na nakaturo ang daliri sa kanyang pisngi na may gustong ipahiwatig




     "Oh ano na naman yan?", pa-inosenteng sagot ko sa kanya kahit alam ko ang ibig sabihin nun




     "Kiss bes", sabi niya




     "Leche! tumigil ka ah! kiskisin kita d'yan", sarkastikong sabi ko sa kanya




     "Sige na bes", pagpupumilit niya




     "Bwisit! kiss ah, halika ito ang kiss!", sarkastikong sabi ko sa kanya at pinakita ko sa kanya ang nakatiklop kong kamao




     "Lumakas ata ako", natataranta niyang pahayag na ikinatuwa ko naman




     Agad naman kaming natapos sa paglilinis at kinuha ko ang aking sinahod ngayong araw. Naisipan ko naman ang hatian si Jorge sa aking kinita kahit na alam kong itatanggi niya iyon




     "Bes", pagtawag ko sa kanya




     "Bakit?", casual niyang sabi




     "Oh...", sabi ko at inabot sa kanya yung kalahati ng aking kinita




     "Wag na bes", pagtanggi niya




     "Eeehhh sabi na eehhh tatanggi ka na naman"




     "Di ba okay na sa akin yung kiss?", pagbibiro niya




     "Leche kiss ka d'yan!", inis kong sabi




     "Aruuuyy na-leche pa ako", natatawang sambit niya sa akin




     "Tara na nga kung ayaw mong tanggapin ito", sabi ko at nagsimulang maglakad umuwi ng bahay sumunod naman siya na tatawa tawa




     Agad naman akong hinatid ni Jorge sa amin at sinabihan kong umuwi na rin para makapagpahinga pero pagkapasok na pagkapasok ko naman.....




     "ANAK!!!! okay ka lang ba? pagod ba? gutom ka na ba?", ang histerikal na salubong ng aking itay sa akin. Halos gusto namang lumabas ang kaluluwa ko sa pagkagulat




     "Itay talaga oo, hindi po ako pagod kasi may mga tummutulong sa akin sa labas tsaka hindi rin ako gutom, kakakain ko lang kanina tay eh", sagot ko naman




     "Ganun ba?"




     "Opo tay, pahinga muna ako sa kwarto tay", sabi at pumasok sa kwarto




     Pagkapasok ko naman sa kwarto ay agad naman akong humiga sa papag at nagmumuni-muni. Napansin ko naman ang isang kahon sa tabi ng aking higaan. Oo nga pala hindi ko pa pala yun binubuksan mula nung lumipat kami dito. Agad naman akong bumangon at kinuha ang kahon ngunit pagkabukas ko ng kahon ay agad na tumulo ng luha ko.




     "Naalala na naman kita", nakangiti kong sabi habang tuloy na dumadaloy ang luha ko




     "Kamusta ang paninirahan sa states? mahal mo pa ba ako? pasensya na kung hindi ko naamin sa'yo ang tunay kong nararamdaman kasi natatakot akong itakwil mo ako pero parehas pala tayo ng nararamadaman hayss..", dugtong ko pa at napabuntong hininga




     "I'm still waiting for you Rain", sabi ko at tuluyang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng aking luha




     Yeah, naalala ko na naman si Rain. Si Rain ang dahilan kung bakit naging bi ako. Siya ang una at huling lalakeng mamahalin ko. Hayss, buntong hininga ulit. Agad naman akong nagmadali para sa darating na pasok ko mamaya. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko ang itay na naghahain ng aming kakainin




     "Oh anak tara sabay ka na sa akin kumain", anyaya ng itay sa akin




     "Opo", pagsunod ko




     Agad naman pinangunahan ng itay ang pagdadasal at nagsimula na kaming kumain. Nagwagi ang katahimikan sa pagitan namin ng itay. Alam ko na naman ang magiging usapan na 'to hayss...




     "Anak..", agad na sabi ng itay na pinangunahan ko na agad




     "Tay, hayss... wag niyo na kasing sisihin ang sarili niyo.. 2 taon na lang tay at makakagraduate na rin ako", sabi ko sa itay




     Actuallly, pilay ang itay ko. 1 taon na ang nakakalipas. Ito yung sinasabi kong trahedya na kinasangkutan ng itay. Basta ang natatandaan ko nun ay may bumangga daw sa isang poste ang taxi na minamaneho ng itay at nayupi yung harapan ng kotse kasama ang hita ng itay. Hayss, lagi niya kasing sinisisi ang sarili niya kung bakit ako tumigil sa pag-aaral para matustusan ang mga gastusin sa hospital. Pasalamat naman sa Diyos at binigyan ng pangalawang buhay ang itay.




     "Anak, salamat ha, lagi mo akong iniintindi, kami ng inay mo. Pasensya na kung hindi ako makatulong sa inyo ng inay niyo", malungkot na sabi ng itay sa akin




     "Tay naman, ok lang yun, pasalamat kami ni inay na ikaw ang naging tatay ko. Mapagmahal na tatay", pilit kong pagbibiro sa itay




     "Pasensya na anak kung sa pagpapasaya ko inyo ang kaya kong maitulong ha", naiiyak na sabi ng itay sa akin. Naiyak naman ako




     "Itay talaga, malaking tulong yun sa amin ni inay dahil sa iyo natututo kaming sumaya kahit na nahihirapan ka na po sa sitwasyon mo at syempre hindi ka nag-iisa tay noh, hangga't buhay kami ni inay, kami ang mag-aalaga sa iyo", masayang sabi ko sa itay




     "Ikaw talaga", tanging nasabi ng itay at nagpunas ng luha




     "Tay lagi mong tatandaan love na love ka namin ni nanay", masayang sabi ko sa kanya at tumulo na naman ang luha ko. Naawa kasi ako sa sitwasyon ng itay hayss




     "Sa akin lang talaga? ayaw mag boyfriend?", pagbibiro ng itay kasi alam niyang magiging madrama ang magiging usapan namin(kanina pa! hahaha!)




     "Itay talaga, eh sa ayaw kong mag-boyfriend eh", natatawang sabi ko




     "Ikaw talaga, tumayo ka na d'yan at male-late ka na sa klase mo", sabi ng itay at agad ko naman sinunod




     Agad naman akong naghanda ng mga gagamitin sa pagpasok ko sa eskwelahan. Hindi naman mawawala sa akin ang excitement dahil sa wakas makakapag-aral na ulit ako. I'm taking up BS Computer Science. 3rd year na ako ngayong taon at scholar sa nilipatan kong campus.




     Actually I'm an accelerated student. I never experienced being a 1st year high school student. Okay lang at least naka-adjust na ako pero mas masaya kasi ka-batch ko yung mga friends ko nung elementary ako. Hayss




     Pagkatapos mag-ayos ng gamit, agad naman akong naligo at nagbihis pagkatapos nun ay agad na akong nagpaalam sa itay para pumasok na sa eskwelahan. Agad naman akong pumara ng jeep para sumakay. Actually, 30 mins lang kung lalakarin mo at 10 to 12 mins lang kung sasakay ka. Agad na naman akong namangha sa campus na pinapasukan ko. Hayss




     "Dito na talaga ako mag-aaral. Go Jm! kaya natin 'to AJA! hahaha!", natatawang takbo na sabi ng aking pag-iisip




     Agad naman akong pumasok sa loob para hanapin ang aking room. Halos inabot ako ng 10 minuto sa kakahanap ng room ko pero sadly hindi ko manahap. Hello, hindi ko kabisado ang daan tapos wala pa akong kakilala. Hayssss, pero kahit na ganun ay nahanap ko ang room ko ng ako lang. Napansin ko naman na maraming mga tao sa loob, medyo kinakabahan ako. Ano kaya ang mangyayari sa akin dito? hayss bahala na!




     Pagkaasok ko naman ng classroom ay agad namang nagtinginan ang karamihan sa akin dahil na rin sa bago ako sa kanila(malamang transferee!). Bigla naman akong kinabahan sa mga tingin nila sa akin. Hindi lang basta tingin yun, parang may kakaiba talaga sa tingin nila lalo na yung babae sa gitna, akala mo ka-close ko siya sa titig niyang yun pero isinantabi ko muna yung mga titig nila sa akin at nagpasyang maghanap ng mauupan. Pagkaupong pagkaupo ko naman ay biglang lumapit sa akin yung babaeng tumititig sa akin kanina pa.




     "Hello", bati niya sa akin. Medyo namumukhaan ko yung babae pero hindi ko matandaan kung saan




     "Hello din po", nahihiyang sabi ko




     "Oh ano? limot ka na?", biglang pataray niyang sabi sa akin




     "Huh?", ang tanging naisagot ko sa kanya




     "Jm, hindi mo ba ako kilala?", pamimilit niya pa sa akin




     Teka lang ha! tinatnadaan pa kita, wag atat! Hahaha!




     "Bessy!", biglang banggit niya sa akin.




     Doon ako natauhan, gawd! Anong ginagawa niya dito? classmate ko rin siya?




     "Krisha? ikaw ba yan?", paninigurado ko




     "Oo ako nga lokaret kang bakla ka", natatawang sabi niya sa akin



/*/
     Si Krisha, Krisha Alcantara, siya yung bestfriend ko nung elementary ako. Actually, tatlo kami ni Rain ang mag-bestfriend niyan. Alam niya rin na bi ako at alam din niya na mahal ko si Rain sobra. Siya yung tao na may pagka-praning kung minsan pero ehem! May itsura siya ah.




     "Bessy, wow lalo kang gumanda", manghang sabi ko sa kanya




     "Tinalbugan ko na ba yang beauty mo?", pagbibiro niya




     "Loko ka. Hindi naman ako maganda noh", sagot ko na lang




     "Asus, denial ka pa rin bessy", pagbibiro niya sa akin




     "Che! Hahaha! Kamusta ka na bessy?"




     "Eto going pretty pa, lalo na't taken na ang lola mo", sagot niya na ikinabigla ko




     "What?! Do you mean may boyfriend ka na?!", gulat kong sabi sa kanya




     "Yeah, bakit ikaw?", balik tanong naman niya sa akin




     "Ano ka ba, lonely hearts member pa rin ako", sagot ko




     "Ano ba yan bessy, wala pa rin ba? teka, sige mamaya papakilala ko sa'yo yung BF ko", sabi niya




     "Sige ba", pagpayag ko naman




     Nagpatuloy naman kami sa pagchichikahan. Ikinwento ko naman sa kanya yung mga nangyari sa akin mula nang lumipat kami sa probinsya. Hayss, nalaman ko rin na kaya pala sila lumipat na manila kasi umasenso yung pamumuhay nila. Ang yaman na daw nila(weh?!)




     Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap, ay may babaeng naka-agaw tensyon sa aming lahat. Naputol ang aming pag-uusap ni Krisha dahil sa babaeng ito. Grabe naman kasi, kung makatili, wagas! tapos kung makatakbo dito parang hihimatayin, tsk.




     "Classmates, papunta na sila! yiieeeeee!!!", tili pa niya na sobrang nakakarindi sa tenga ko




     "Ano ba yan, kung makatili naman 'tong babaeng 'to wagas!", inis kong sabi sa sarili




     "Bessy kakainin mo rin yang sinasabi mo", biglang sabi ni Krisha sa akin na siya namang ikinataka ko




     "Huh? ano yun bessy?", nagtatakng tanong ko sa kanya




     Hindi na siya sa sumagot sa halip ay narinig ko na naman ang mga tilian na nakakarindi sa tenga. Mas malakas pa 'to kesa sa kanina palibahasa hindi lang isa ang tumitili. Mas lalo namang lumakas dahil pati yung mga classmates ko nakikitili rin pero si Krisha nananatiling tahimik.




     Agad ko naman tiningnan kung ano ba yung pinagtitilian nila at maka tili wagas. Hindi na ako nagkamali kung ano este SINO ang pinagtitilian nila.




     Tanging nakita ko lang ay 4 na lalake na sabay-sabay na pumasok sa classroom.



/*/
     Nagulat ako na isa sa kanila na syang pinakamatangkad ang lumapit sa kinaroroonan namin ni Krisha. Agad namang tumayo si Krisha at sinalubong yung lalakeng yun. Nagulat ako nang yumakap si Krisha sa kanya at malala pa niyan, binigyan ni Krisha yung lalake ng isang smack. Siya ba yung boyfriend niya???




     "Hi babe how's your day?", pagtatanong ng lalake kay Krisha. Tama nga ako, boyfriend niya yung lalakeng 'to




     "I'm fine babe. Nga pala, babe this is Jm, siya yung sinasabi kong bestfriend ko nung kababata ko. Jm, this is Kirby, my boyfriend", pagpapakilala ni Krisha sa aming dalawa




     "Jm po pala", magalang kong pagpapakilala sa kanya at inabot sa kanya yung kamay ko




     "Kirby", maangas niyang sabi sa akin at agad namang tinanggap yung kamay ko. Pansin ko naman si Krisha na parang nangangamba, bakit kaya?




     "Babe may lakad tayo mamaya ah", malambing na pagyaya ni Kirby kay Krisha




     "Sure thingy babe", pagpayag naman ni Krisha at umalis na yung kirby na yun




     "Pogi ba?", agad namang tanong ni Krisha sa akin




     As usual, ano pa bang isasagot ko? hindi naman ako marunong kumilatis eh, nagkibit-balikat na lang ako kay krisha




     "Ano ba yang bessy, hindi pa rin talaga kumikilatis?", natatawang sabi ni krisha sa akin




     "Loko", tanging nasabi ko




     "Ok lang yun bessy, so nakilala mo na yung boyfriend ko. Papakilala ko naman yung ibang kaibigan niya na habulin talaga", masayang sabi niya sa akin




     "Ah.. eh.. bessy wag na lang", pagtanggi ko kasi wala akong panahon sa mga ganyang pakikipagkilala ng mga sikat na yan.




     "Bessy talaga, di porket na-trauma ka na sa boys eh", pagbibiro ni Krisha sa akin




     "Alam mo naman di ba", tanging naisabi ko kay krisha




     "Yeah I know, mahal mo pa rin si..", sabi niya pero kinut ko na kaagad siya




     "Ssshh.. daldal pa", sabi ko na lang at ngumiti




     "Ikaw talaga", tanging nasabi niya sa akin




     Naputol ang aming pag-uusap nang dumating na yung professor namin. Syempre 1st day of class puro pakilala lang ang gagawin namin. Isa-isa naman kami nagpapakilala and as expected, nung ako na yung nagsalita, karamihan ay ngumanganga dahil sa boses kong dalagita.




     Di ko nga expected may nakikipagkaibigan sa akin pero I'm so thankful naman kasi may mga makikipagkaibigan sa akin. Isa na sila: si Richard, si Jelay at si Lyka.



/*/
     Si Richard ang tinaguriang "Mr. Nice" ng campus kilala siya dahil siya ang president ng sinalihan niyang club. Bukod sa mabait, nasasabi ng iba na may itsura daw itong si Richard. Well, sabi lang naman yun at wag kayong maniwala haha!



/*/
     Si Lyka naman ang kilala sa cheerdancing, siya ang lider ng cheer squad ng basketball team. Katulad ni Richard, si Lyka rin ay biniyayaang nilalang. Maganda din siya katulad ni Krisha at mabait gaya ni Richard



/*/
     At ang huli naman ay si Jelay, si Jelay ang pinaka kwela na kilala ko. Bukod sa alam niya ang estado ko, oo alam niya na bi ako kasi ganun din siya eh pero magkaiba kami, siya ay talagang bihis girl talaga. Sense niya daw ang gaya ko kasi alam niya kung sino ang mga katulad niya, malakas daw ang pang-amoy niya sa mga gaya ko hahaha!




     "Jm, sasama ka ba sa min?", pagtatanong ni Richard




     "San ba kayo?", sagot ko naman




     "Beks sa mall, alam mo naman, bored sa bahay..", agad na sagot ni Jelay




     "Ah, pasensya na ah, hindi ako makakapunta ng mall", tanging naisagot ko kasi may trabaho pa ako mamaya eh




     "Ok lang yan Jm, di bale sa susunod, sasama ka ah", sabi naman ni Lyka

     "Ok sige sige", pagpayag ko naman

     "Pano beks, una na kami ah", pagpapaalam ni Jelay sa akin

     "Oh sige ingat kayo", sabi ko

     "Ikaw din", sabi nilang tatlo ng sabay at tuluyang umalis sa aking harapan

     Hayss, ano ba yun? 1st day of class mall agad? ibang klase pala dito yung mga estudyante ng manila,.. haysss well, mababait naman sila at mukhang magkakasundo naman kami.

     Agad naman akong lumabas ng aking room, pauwi na sana ako ng makita ko si Krisha sa may basketball court, kasabay nun ay yung mga babaeng nagtitilian. As usual, ano pa nga ba ang hinahabol nila?, eh di yung mga sikat daw na gwapo, tsk wala pa rin yan kay Rain hahaha!

     "Bessy", pagtawag ko kay Krisha

     "Oh bessy anong atin?", agad namang sabi niya sa akin. Somethings wrong sa kanya pero isinantabi ko na muna yun

     "Ah wala naman, magpapaalam na sana ako sa'yo mauuna na ako ha", sabi ko

     "Oh, antayin mo na lang kami kasi..", sabi niya kaso may nagsalita sa likuran niya

     "Oh babe, di ba may lakad tayo mamaya?", medyo inis na sabi ni Kirby kay Krisha. Anong meron kaya sa lalakeng 'to at naiinis pag kasama ko si Krisha, hindi naman ako manhid noh! Halata kaya sa itsura ng lalakeng yan

     "Ay, oo nga babe, sorry bessy ah may lakad pala kami ng babe ko", pagpapaumanhin ni Krisha sa akin

     "Okay lang yun, pano una na ako ah", sabi ko at umalis na sa court


     Pagkaalis ko naman ng court ay naisipan kong balikan si Krisha pero paglingon ko ay laking gulat ko nang makita ko si Kirby na nakatitig sa akin ng masama! Hala!

4 comments:

  1. Luhh ka. Ganda mo girl. HAHA!
    Nice start. Hindi nga cya boring kuya PONSE ee. Humble ever. :* XD

    ReplyDelete
  2. May 4 na lalakeng gwapo. F4 lng ang peg? Hehehe. Mukhang kaabang-abang ang kwento.

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. ayos to ah!
    medyo misteryoso pa.

    looking forward sa next chapter!
    ^^,

    ReplyDelete
  4. mganda to ahhh.... kaabang-abang haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails