"Kailangan natin mag-usap bukas." Dinig na dinig ko sa
kabilang linya na may kakaiba sa boses ng kaibigan ko.
"Aah.. Oh, e, sige..."
"Sige. Kita na lang tayo sa park bukas"
Pinilit kong matulog pero hindi ako dalawin ng antok. Lahat na
halos ng paraan para antukin ako, ginawa ko na. Pero sadya yatang hindi ako
matahimik.
(Ano kaya ang problema nun? Kanina ok lang naman siya. Pero
bakit bigla yata siyang hindi umayos noong sinabi ko na... Oh shit. Oh my God!
Dahil kaya dun sa sinabi ko kanina?) kinakausap ko ang sarili ko.
Lalo akong hindi nakatulog dahil sa labis na pag-aalala. (Halaka
Aldrin. Hayan. Malandi ka kasi. Sana tinago mo na lang.)
Nagkita kami kinabukasan sa park. Nakangiti siyang lumapit sa
kinauupuan ko. Halata sa mukha niya ang matamis na ngiti.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya sa
akin.
"Mejo, Oo, ikaw ba?"
"Yeap! Sure did. May maganda pa akong napanaginipan."
"So, why'd you want to meet here? Pwede naman sa bahay.
Para may chibug pa."
"I want to be alone for a moment with you."
(For a moment daw. Naku pu! Kung di ka lang kamukha ni Paolo
Avelino, matagal na kitang tinapon. Haha) sa loob-loob ko.
"Ganun ba? Saan ba ang lakad natin?"
"Tara sa mall, sa café, then tuloy tayo sa bahay. May
surprise ako sa iyo dun."
Napakarami naming ginawa maghapon. Jamming, tawanan saka nanuod
ng kung anong showing sa cinema. At ang ending, sa bahay nina Troy.
"Aldrin, dre..." Pagtawag niya ng pansin sa akin.
"Maliligo lang ako. Pagtapos ko, ikaw naman. Tapos, sabayan mo akong matulog."
(Asan na yung surprise na sinasabi netong mokong na 'to.)
Nakaligo na ako at nadatnan kong nakahubad ng pang-itaas si
Troy. (Ang muscles, yummy! Haha). Tingin pababa. Nice view talga. Haha. Ang
sexy ng bestfriend ko. Pero puzzled pa rin at sobrang napapaisip talaga ako sa
nangyayari sa kanya.
Ibinukas niya ang kamay niya na nagaanyaya para sa isang yakap.
"Nasaan na yung surprise mo?"
"Eto oh," at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Naku, sanay na ako jan sa kiss na ganyan. Wala bang
iba?" Walang anu-ano'y hinalikan niya ako sa labi. Isang halik na hindi ko
pa naranasan sa tana ng aking buhay.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumugon ako sa halik niya.
Marahan pero habang tumatagal, nagiging mapusok.
Habang tumatagal ang halikan namin, at pakiramdam ko na may
ibang pwedeng mangyari bukod sa halikan, biglang tumigil si Troy saka tumitig
sa akin ng makahulugan.
"Aldrin, dre, ito ba talaga ang gusto mo?"
Nagising naman ako sa katotohanan na hindi nga pala kami pwede.
Napayuko na lang ako sa hiya.
"Di ba, may pinag-usapan na tayo dati?"
"Oo, alam ko. Naaalala ko."
--- flashback
1st year high school
"Anong nangyari sa'yo Troy?" Alalang tanong ko nang
makita kong gusot ang P.E. uniform ng bestfriend ko. Pero hindi siya sumasagot.
Puro hikbi lang ang naririnig ko at walang lumalabas na boses sa bibig niya.
"Paano kita matutulungan kung hindi ka naman magsasalita?
Come on. Tell me what really happenned."
"Si ... Si ano kasi."
"Sino? Ano?" Kahit ako man ay kinakabahan na sa
sasabihin niya.
"May ginawa sa akin si Sir Delta."
"Ssssshh.. Wag kang mag-alala bestfriend, ako ang bahala.
Hindi kita pababayaan. Ipinapangako ko na hindi ko na hahayaang mangyari pa
ulit sa iyo 'to."
Ginawaran ko ng isang halik sa pisngi si Troy. Isang halik na
nangangako ng katarungan at pagmamahal.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon dahil sa tonong iyon, at sa
posisyon niyang dinatnan ko, alam ko na kung ano ang nangyari. Walang atubili
akong pumunta sa guidance councilor ng school at ibinuod ko ang lahat ng kwento
ni Troy sa akin.
Isang linggo ang lumipas, inaresto si Sir Delta habang nasa P.E.
class. Everybody was shocked sa pangyayari. Lingid sa kaalaman namin, marami na
rin pala ang nabiktima ng kumag na to. Isa-isang naglabasan ang mga victims and
witnesses habang nasa trial.
(Drama moment! Tapos na yan at matagal nang naibaon sa limot.)
--- present
"Mahal na mahal kita Aldrin, alam mo yan. At ayokong umabot
tayo sa walang katiyakang relasyon. Ayaw ko na pareho nating pagsisisihan ang
lahat."
"Aray naman." Pasimple kong sabi.
"Kaya ayaw ko ng ganitong usapan. Pareho lang tayong
nahihirapan eh."
"Ikaw kasi eh. Kiss mo na lang ako para mawala na yung
iniisip ko" at sabay halik uli sa aking pisngi. "Yun lang?"
Hinalikan uli niya ako pero sa labi. Halik na nagsasabing tapos na ang usapan.
Close ended. (Close ended daw? Haha)
"Last na yan ha?"
To Be Continued
sobrang kakabitin nmn!
ReplyDeletepero nice talga netong kwento!
kilig!
Susme.... Ano ba yun...300 words lang yata nabasa ko... Balak ko pa sanang bilangin.. Hahaha
ReplyDelete