Authors note: Alam niyo dahil sa mga comment niyo.. nakakagana magtype..napapabilis tuloy yung update ko na dapat every friday lang hahaha so thank you so much talaga. sa mga messages sa fb.. pinipilit ko replyan lahat.. thanks sa pointers sinusubukan ko iapply.promise . hehehe.. wierd kasi kahit ako inaabangan ko yung susunod na mangyayare..everytime kasi na sinumalan ko na magtype.. yung idea ko nawawala.. hahaha basta yung kamay ko tuloy tuloy lang.. yung story na to gawa gawa lang talaga ng imahinasyon ko. pero may some parts na pati yung sariling kong experiences nalalagay ko.. kaya pati ako affected..yun lang thanks again.. ok ingatz kayo and have a good life..enjoy reading..
Si IRENE
Kinabukasan pagpasok ko dumeretso
agad ko sa room ni aldred..napangiti lang ako ng maisip yung nangyare kagabi..
Yung pag-iyak ni blue.. Parang musika yun sa pandinig ko..para akong hinehele
sa bawat hikbi niya..at napasaya dahil dun.. Pero ngayon Its better kung
magkunwari muna ako at samantalihin yung sitwasyon.. Simula na ng mala
impyernong buhay mo blue.. Malayo palang nakita ko na nakatungong naglalakad si
aldred.. Napansin ko lang yung benda sa kamay niya.. Buti nga sayo.. Eh kung
ako nalang kasi..
" what are you doing
here..?" simangot ni aldred paglapit sakin..
" I just want to make
sure na ok ka lang.." napailing naman sya..
" as you can see I'm ok..
Pwede ka ng umalis.."
" hindi ka naman mukhang
ok eh..? Namumugto parin yung mata mo tapos yung kamay mo ok lang ba..sana kasi
hindi ka nalang muna pumasok eh.."
" irene pwede ba umalis
ka nalang.."
" aldred si blue alam ko
mahal mo sya... Baka pwede pa tong maayos.. Akala ko nuon magiging masaya ako
kapag nakitang umiiyak si blue.. Pero hindi pala.. Kapatid ko pa rin sya kaya
nag-aalala ako sa kanya.. Aldred please ayusin niyo na to.. I now kasalanan ng
kapatid ko pero mahal ka niya.. Lahat naman nagkakamali di ba.. Saka di ba
ngayon lang naman nangyare to.?"
" irene please umalis ka
nalang.."
" aldred mahal na mahal
ka ng kapatid ko.." kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin..
" irene Anong laro
nanaman ba tong ginagawa mo.. Pretending to be a sister to him..? Hindi mo ko
maloloko.." gigil na bulong niya..
" bakit hindi ba ko pwede
maging kapatid sa kanya..?"
" sa oras na malaman kong
may mangyare sa kanya... Kakalimutan kong babae ka... Tandaan mo yan..!"
napaatras naman ako saka humugot ng malalim na hininga..
" aldred gusto ko lang
makabawi kay blue. Kaya nga nilalapitan kita para maayos niyo to.. Yang
problema niyo.. Sinusubukan ko lang tumulong.. Bakit hindi ba pwede yun.."
" alam mo magkapatid nga
kayo.. Pareho kayong sinungaling.. Pareho kayong manloloko..umalis ka na
papasok na ko.."
" aldred tumutulong lang
naman akong maayos yung problema niyo ah..?"
" maayos to kahit walang
tulong galing sayo.. Saka irene.. Alam ko lahat.. Alam ko lahat ng gusto mong
mangyare.. Hindi naman daddy ni blue yung nagsabi ng tungkol sayo eh.. Naalala
mo nung hinatid kita.. Nandun ako nung nagaaway kayo ng daddy mo.. Kaya wag ka
ng magpanggap.. Kasi kilala na kita.. Alam ko na gusto mo gumanti.. Pero
subukan mong galawin si blue.. Magkakasubukan tayo.."
" narinig mo
lahat..?"
" lahat lahat.. Kaya
hindi mo na kailangan magpanggap.."
" I still love
you.." bulong ko lang.. Narinig ko naman yung sarkastiko niyang pagtawa..
" aldred I mean it.."
" Oo sige galit ako kay
blue ngayon.. Pero mahal ko pa rin sya.. At yung galit ko sa kanya hindi
dahilan para gawin din sa kanya yung ginawa niya sakin.. Kasi alam ko kung gano
kasakit yun.. At hinding hindi ko ipaparanas sa kanya yun.. Kaya kung pwede
layuan mo ko.. Layuan mo ko kung ano man yang pinaplano mo.. Itigil mo na
habang maaga pa.." sinimaan ko naman sya ng tingin kaya napangiti sya..
" makukuha din kita
aldred.."
" wag ka ng umasa..
Tandaan mo irene sa oras na may malaman akong may ginawa ka sa kanya...
Sinisugrado kong pagsisihin mo yun.."
" kung mahal mo pa
sya.. Eh bakit hindi mo sya kausapin..?"
" pakialam mo ba..
Hindi ka kasali sa problema namin kaya you better shut your mouth.. Kasi
nakakabwisit.."
" fine.. Kung hindi ka
mapupunta sakin.. Sinusugurado kong hindi ka rin mapupunta sa kanya..."
" talaga lang
huh..?"
" aldred hindi mo pa ko
kilala.. Hindi pa. Hindi mo pa alam kung ano kaya kong gawin.. Maghintay ka
lang kasi gugulatin kita.."
" really.. Pwede na ba
kong pumasok..?" binigyan niya lang ako ng sarkastikong ngiti. saka ako
nilampasan.. Gigil ko lang syang tiningnan habang papasok sa room nila..
Lunch time nun ng magpasya
akong wag na pumasok sa afternoon class ko.. Dumereto lang ako sa bahay ng
walang kwenta kong daddy.. Pagtapat ko palang sa gate nakita ko na yung bwiset
niyang asawa.. pInilit ko naman ngumiti ng buksan nito yung gate..
" irene.. Hindi ka
pumasok.?"
" ah hindi na po..
Salamat po sa reply kanina huh.."
" wala yun.. Pasok ka
na.. Yung daddy mo nasa office pa yun si blue naman.. Nasa kwarto niya parin..
Hindi pa kumakain yun simula kagabi.."
" ganun po ba."
" nagkita ba kayo ni
aldred.. Pumasok ba sya..?" tumango naman ako.. Sinundan ko lang yung
mommy ni blue hanggang makarating kami sa sala.. "nakausap mo ba iha..
Kamusta sya..? Yung kamay niya..?"
" galit pa rin po sya
eh.. Mukha pong mahihirapan ng mabalik yung relasyon nila ni blue.." pilit
na ngiti ko.. Kita ko naman yung lungkot sa mukha nito.. Napangiti lang ako sa
loob loob ko..
" naniniwala ako maayos
pa nila to.. Kilala ko yun si aldred kung gano niya kamahal si blue.. Irene by
the way.. Anong sabi ng mommy mo about sa offer ng asawa ko.."
" tingin niyo po ok lang
kay blue kung dito ako tumira..?"
" mabait yun.. Alam ko
maiintindihan niya... sigurado ako.. Saka mukha ok naman kayo kagabi di
ba..?"
" di ko pa alam eh.. Kasi
po actually mejo may hindi kami pagkakaintindihan ni blue eh..?"
" ah yung about sa
paghalik mo kay aldred..?" tumango naman ako.. " pero kagabi sabi mo
nga nagsorry ka na.. I think ok na sa kanya yun.."
" sana po tita.."
" kumain ka na ba..?
Paghahanda kita"
" uhm hindi pa po...
Pero pwede ko pong puntahan muna si blue..? Subukan ko pong kumbinsihin syang
kumain.."
" ok sige.. I hope
mapilit mo sya kumain.. Nag-aalala na ko eh.."
" ok po akyat na po
ako.?" saad ko saka tumalikod..
" wait irene.."
napalingon lang ako ng marinig yung tawag nito.. " irene.. Pwede ba kitang tawaging
anak..?" ilang sandali lang akong natigilan. " alam mo una kitang
nakita nung baby ka.. Ang cute cute mo nga nun eh.. Yung galit ko nun sa asawa
ko nawala nung nakita kita.."
" pero po bakit hindi
niyo po sinabi kay daddy na alam niyo na yung tungkol samin..?"
" natakot ako.. Baby
parin si blue nun.. Natakot ako na baka kayo yung piliin ng asawa ko kesa samin
ni blue.. Kaya mas pinili o manahimik.. Nung ara na yun tinanggap ko na may
kahati kami sa asawa ko.. Tuwing uuwi sya ng late alam ko sa inyo sya
galing.."
" mahal po kayo ni
daddy.. Kayo lang po yung minahal niya.."
" yun nga ang sabi ng
mommy mo.. Nagkausap na kami..A month ago... Sinabi niya sakin lahat kaya
kagabi.. Madali na sakin tangapin lahat.."
" salamat po tita sa
pagtanggap sakin.."
" pwede mo ko tawaging
mommy kung gusto mo..? Gusto ko rin kasi magkaroon ng babaeng anak eh.. Ok lang
ba sayo..?"
" sure po.. " pilit
na ngiti ko..pakialam ko kung tanggap mo na ko.. Ikaw ang hindi ko tanggap na
maging mommy ko..saad ko lang sa loob loob..
" salamat irene.."
tumango naman ako..
" sige po tita.."
saad ko lang saka tumuloy sa hagdan paakyat sa kwarto ni blue.. Marahan lang
akong kumatok saka binuksan yung pinto.. Nakita ko lang si blue na
nakatalukbong ng kumot.. Umupo naman ako sa gilid ng kama..napakagandang
tanawin.. Ang makitang miserable ka.. Napangiti lang ako... "
blue..?" tapik ko sa kanya.. Pero wala akong sagot na narinig mula dito.
" blue alam mo walang mangyayare kung magmumukmok ka lang dito.."
tinanggal niya naman yung kumot sa mukha niya saka mariing tumitig sakin..
Natigilan lang ako sa tingin niyang yun. " blue may problema ba..?"
" yung sinabi mo
kagabi.. Totoo ba yun..? Pwede bang
linawin mo.. Ipaliwanag mo..ipaintindi mo sakin.."
" alin dun..?"
" na kapatid
kita..?"
" yeah.. Totoo yun..
"
" pano nangyare yun..?
Mas matanda ka sakin..? Anong sabi ni mommy? Ok na ba sila ni daddy, nag-away
ba sila..si mommy Ok lang sa kanya..? Yung mommy mo nasaan..? "
" ang dami mo naman
tanong..?"
" sagutin mo nalang
pwede..?"
" ok fine.. Actually kagabi pumunta ko dito.. Nagulat nga
ako kilala pala ako ng mommy mo. Matagal niya na palang alam yung tungkol samin
ni mommy.. Mommy ko naman.. Kahit kailan naman hindi sya sa inyo kasi hindi
naman niya mahal yung daddy mo..mapilit lang talaga yun dad mo kaya nagmukha
kaming other family...."
" matagal ng alam ni
mommy yung tungkol sayo..?"
" yeah.. Kala ko nga
kagabi may dramang mangyayari.. Natakot nga ako baka masaktan ako ng mommy mo
eh.. Pero mabait pala sya.."
" yung mommy mo nasaan
na..?"
" nasa bahay of
corse.." ngiti ko.. " joke.. Uhm magpapakasal na si mommy eh.. Dun sa
taong totong mahal niya.." ilang sandali naman syang natahimik saka umupo
sa kama niya.. Ngumiti lang ako sa kanya habang titigan niya yung mukha ko..
" may pagkakahawig tayo di mo pansin..?"
" bakit mo hinalikan si aldred..?"
" uhm ah eh.. Kasi.."
" what..?"
" for sure hindi naman
lingid sa kaalaman mo na gusto ko sya di ba.. Yeah i like him."
" matagal mo ng alam
na kapatid mo ko..?" tumango naman ako sa kanya.. " alam mo din yung
relasyon namin ni aldred..?"
" ah eh oo..?"
" kung alam mo naman
pala... Bakit mo sya hinalikan..?"
" ok fine.. Mali ako
dun.. Mahal ko lang naman sya. Pero ngayon narealize ko. Hindi ko pala sya dapat agawin sa kapatid
ko.. Kaya i surrender.. Sinusuko ko na sya sayo.. Ang wish ko nalang siguro
ngayon maayos yung relasyon niyong dalawa.."
" mahal mo si
aldred..?"
" uhm di
naman ganun kamahal.. Super crush siguro.. Ang gwapo gwapo ni aldred so hindi
naman malabo na magkagusto ako sa kanya di ba. Pero ngayon wala na.. Ok na
sakin basta para sa kapatid ko.."
" sigurado ka
ba..?"
' oo naman basta promise me
na maayos niyo to.."
" tingin mo ba maayos
pa to..?"
" dapat maayos..
Aayusin mo.. Kasi kapag hindi baka sumalisi ako sayo...mapunta sya sakin."
ngiti ko..kita ko lang yung pagtitig niya sakin. " pero syempre joke yun..
Don't worry my brother tutulungan kita.."
" talaga..?"
" oo naman noh ikaw
pa.. Matagal ko na kayang pangarap magkaroon ng kapatid.. Ang saya lang kasi
finally matatawag na talaga kitang kapatid.. Wait tanggap mo naman na ko di
ba.?"
" uhmm.. Ewan
ko..?"
" bakit ewan
mo.?"
" pasensya na irene
huh.. Magulo pa kasi utak ko ngayon eh.. Uhm siguro tanggap ko na parang
hindi.. Niloko pala ni daddy si mommy dati..?" napangiti lang ako. Like
father like son..
" hindi naman
sinasadya ng daddy mo yun.. Saka napatawad na sya ng mommy mo.. "
napabuntong hininga naman sya..
" sabagay.. Bakit
ko pa paguguluhin yung sitwasyon.. Saka matagal ko na rin naman wish na
magkakapatid eh nagkaproblema kasi si mommy kaya hindi na sya pwedeng magbuntis
yung dream ko na magkakapatid. ngayon natupad na.. Aarte pa ba ko..?"
" ok good.. Tara
kain na tayo sa baba..?"
" sige kumain ka
na.. Hindi naman ako nagugutom eh..?"
" blue kailangan mo
kumain.. Sige ka pag pumayat ka baka lalong hindi ka na magustuhan ni
aldred.."
" ok lang ako hindi talaga ko
nagugutom.."
" no.. Kakain ka
sabay naman tayo.. First time natin kumain ng sabay please.. Si mommy kasi wala
lagi sa bahay kaya madalas mag-isa lang ako kumain.. Kaya sabayan mo na
ko..?"
" irene
ayoko talaga..?"
" blue tumayo ka na
jan.. Iparanas mo naman sakin magkaroon ng kapatid..?"
" hindi pa nga
nagsisink in sa utak ko na kapatid talaga kita eh.. Saka wala talaga kong gana.."
" alam mo yung
relasyon mo kay aldred... Maayos pa
yan.. Saka in case na hindi maayos.. May chris ka pa di ba..?" ngiti ko sa
kanya saka natutop yung bibig.. " oopss I'm sorry ok lang ba na banggitin
ko sya..?"
" irene hindi ko
mahal si chris.."
" uhmmm hindi mahal
pero may nangyare sa inyo.. How was it.. Well pagdating sa halikan.. Magaling
talaga yun eh.." saad ko lang natigilan naman sya.. " eh di ba
remember ex ko yun..?"
" oo nga pala.. Irene
sige na kumain ka na sa baba iwan mo nalang muna ako magisa.."
" tara na kasi kain
na tayo.. Wag mo na muna isipin si chris. Or si aldred.. Kung maayos.. Maayos
naman yan eh.. Kung hindi.. Edi hindi ganun lang kadali yun.. Kaya tara na..
Kumain ka muna.."
" wait si aldred
nakita mo ba..?"
" yeah.. mukhang
galit na galit parin sya sayo.. Kaw naman kasi nahuli ba kayo sa akto..? Gagawa ka lang ng kalokohan magpapahuli ka
pa..?"
" anong sinabi ni
aldred..?"
" wala naman
masyado.. Babangitin ko palang yung pangalan mo pinaalis na ko eh.."
bumuntong hininga naman sya.. " don't worry my handsome brother.. I'll
help you para ayusin yung katangahan na nagawa mo.."
" oo na katangahan
na.. Wag mo na ipamukha..?"
" hello blue
kailangan ipamukha sayo yun.. Katangahan naman talaga yung ginawa mo di ba..
Hindi ka na naawa kay aldred.. Alam mo naman siguro kung gano ka niya kamahal
di ba.. So napakalaking katangahan yang ginawa mo.. Ako nga dream ko na maging
boyfriend yun tapos ikaw na sayo na eh.. Tapos pinakawalan mo pa.. Ang tanga mo
di ba..?"
" irene andito ka ba para pagaanin
yung pakiramdam ko or nandito ka para lalo akong madepressed..?" kunot ang
noong saad niya...sino naman nagsabi na pinapagaan ko loob mo gusto ko nga
magdusa ka eh.. Saad ko lang sa sarili ko..
" uhm syempre im here para icomfort ka..
Kung tumatayo ka na kasi.. Kain na tayo gutom na ko eh..?"
" hindi talaga ko
gutom eh.."
" sabi ng mommy mo
hindi ka pa daw kumakain.. Simula kagabi.. Kumain ka ba sa bahay nung syota
number 2 mo..?" ngiti ko..
" irene hindi ko
syota si chris ok..?"
" talaga..? Anong
feeling ng namamangka ka sa dalawang ilog.. Sarap mo nga kalbuhin eh
pinag-aagawa ka ng dalawang lalake.. Kung ako siguro papipiliin dun sa dalawa..
Dun ako kay chris.. Hindi naman sa hindi gwapo si aldred.. Pero bro mas yummy
talaga si chris eh..?" saad ko lang. " tapos since nakakapunta ka sa
bahay nila ibig sabihin tanggap ka nung masungit niyang mommy.. Nung boyfriend
ko kasi yun napakasungit sakin nun eh..?"
" irene kumain ka
na sa baba.. Matutulog nalang muna ako.."
" sa pagkakarinig
ko kagabi.. May nangyare sa inyo ni chris.. ? Grabe yun huh.. Kaw na talaga..?"
" irene please...
Kumain ka na di ba gutom ka na.. ?"
" since ayaw mo
kumain.. Hindi nalang din ako kakain kwentuhan nalang muna tayo.. Exciting kasi
pano kayo nahuli ni aldred.. Sa kwarto ba..? Nagtotootooth kayo ni
chris..?"
" irene.. Nahihilo
talaga ko.. Kung ok lang baba ka na..?"
' baba lang ako kung
sasabayan mo ko kumain..?" ilang
sandali syang nagisip saka napabuntong hininga at tumango.. " ok good tayo
ka na."
" susunod ako..
Maliligo lang ako.." ngumiti lang ako saka tumayo...
" bilisan mo maligo
ok.. Nagugutom na talaga ko bro.. Babalik pa ko sa school para sa praktis nung
stage play eh.. Manunuod ka ba nun.?" kita ko lang na natigilan sya saka
umiling.. " teka bakit hindi ka manunuod.. Support mo naman yung sister
mo..?"
" irene di ko
talaga alam.. Sige na maliligo na ko..?"
" aixt hindi ka man
lang ba inimvite ni aldred para manuod nun..?"
" binigyan niya ko
ng ticket.."
" yun naman pala
eh.. may ticket pa sana ako eh kaso meron ka na pala .. So pupunta ka..?"
" hindi ko pa
alam.."
" blue I know may
something kayo ni aldred ngayon.. Pero please support mo naman ako dito..
?"
" susubukan ko
irene.. Maliligo na ko. Gutom ka na di ba tapos babalik ka pa sa school niyo
sabi mo.. ?"
" blue manuod ka na
oh..?" pinalungkot ko naman yung mukha ko saka tumungo.. " blue
please..?" narinig ko lang yung buntong hininga niya..
" ok fine irene..
Manunuod ako.. Sige na baba ka na.."
" yes,,!" ngiti ko..
Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo makakalimutan ang gagawin ko.. Saad ko
lang sa sarili ko.. " baba na ko huh.. Bilisan mo na.." saad ko la ng
saka lumabas ng kwarto.. sana hindi na maayos yung relasyon niyo.. And I'm
really praying for that blue...
Si BLUE
Ng hapon na yun nagpasya
lang akong lumabas ng bahay para magpahangin.. Pagkatapos namin kumain ni irene
kanina madami pa syang sana gusto ikwento pero nagpasya na kong bumalik sa
kwarto ko.. Parang ang hirap niya maging kapatid.. Napabuntong hininga lang
ako.. Paglabas ko ng gate humugot lang
ako ng malalim na hininga saka nakatungong naglakad.. Gusto ko lang magisip..
Babalikan pa kayo ako ni aldred.. Haixtt sa laki ng kasalanan ko parang hindi
na.. Sabi ni irene madaming umaaligid kay aldred sa school nila.. Kung sakaling
mawala ako sabuhay niya.. Hindi ako magiging kawalan.. Ang tanga tanga kasi
eh.. Hanggang makarating ako sa basket ball court naupo lang ako bench dun..
" finally nagkita tayo uli."
napalingon lang ako ng marinig yung nagsalita.. Si geo.. " paupo
naman..?" ngiti niya.. Umurong naman ako para makaupo sya.. " sabi
sayo magkikita pa tayo eh."
" geo uhm pwede bang
iwan mo muna ako..>?"
" pagkatapos kong
pagtyagaan kang sundan.. Papaalisin mo lang ako.. Ang bagal bagal mo pa
maglakad.?"
" geo umalis ka na
pwede.. Wala ako sa mood.."
" blue hindi mo pag
aari tong court na to kaya bakit mo ko pinapaalis.. Kamusta kayo ni kuya
aldred... ?"
" masakit ang ulo ko
geo.. Pwede ba.."
" teka umiyak ka ba..
Parang numumugto yung mata mo..?"
" uhm ok fine ako nalang ang aalis.." saad
ko saka tumayo pero hinawakan niya lang yung braso ko saka hinila paupo. "
ano ba geo..!"
" blue I know hindi
maganda yung encounter natin sa cavite.. Pero promise babawi ako sayo.."
" ok bahala ka.."
" may problema ka ba.
Ok ba kayo ni kuya aldred..?" ilang sandali naman akong natigilan sa
tanong niya saka umiwas ng tingin." I knew it.. May problema nga kayo ni
kuya aldred.. Iniwan ka niya..
Pinagpalit ka na sa babae noh..? Sabi na eh.. Hindi rin kayo magtatagal.."
" di ba sa Saturday
pa yung play nila aldred.. Eh bakit ba nandito ka na.."
" umabsent ako..
Minsan lang naman.. saka inaasahan ko din na makikita kita. So hiwalay na
talaga kayo ni kuya.?"
" aalis na ko
geo.." saad ko saka tumayo.. Natigilan lang ako ng mula sa malayo nakita
ko si chris habang nakatingin kay geo..
" why..?" taong
ni geo saka tumingin kung san ako nakatingin.. " kilala mo sya..?"
tumalikod naman ako..oh my chris.. Kailan mo ba ko titigilan..
" blue pwede ba
tayong magusap..?"
" ah pare kais
naguusap kami eh.. Paschedule ka nalang sa secretary niya.. Baka next year
availabale na sya.." biro ni geo..hinawakan naman ni chris yung kamay ko
para humarap sa kanya.. " don't touch him.." saad pa ni geo.. Saka
humarang sakin.
" chris ano ba..
Pwede bang umalis ka na..!"
" umalis ka
daw..?"
" sino ka ba
huh.." gigil na saad ni chris kay geo.
" uhm kilala mo si
aldred..? Pinsan niya ko.. Eh ikaw sino ka ba.."
" boyfriend
niya.." saad ni chris saka tumingin sakin lumingon naman sakin si geo..
" boyfriend.. ?
Hiwalay na talaga kayo ni kuya aldred..?"
" tama na nga chris..
Sabing umalis ka na eh.. Patahimikin mo na naman ako oh..?"
" totoo ba na
boyfriend mo sya blue..?" umiling naman ako kay geo. " sinungaling ka
pala eh.. Alis na.."
" blue iniwan ka na ba
ni aldred..?"
" Chris alam mo.. Kung
pwede lang ayoko na kitang makita eh..kaya pwede tigilan mo na ko..? "
saad ko lang saka naglakad at nilampasan yung dalawa.. Humabol naman si chris
sakin saka hinawakan yung braso ko.. Nagulat lang ako ng biglang tanggalin ni
geo yung kamay ni chis sa braso ko..
" pare ayaw ka na
makita di ba.. So tsupi.."
" wag kang makialam pwede.."
" chris naman tigilan
mo na ko.."
' narinig mo naman di ba..
Tigilan mo na daw sya kaya umalis ka na.."
" eh pano kung
ayoko..?"
" edi sapakan nalang tayo..
Dadagdagan ko yan make up mo sa mukha.. Wait si kuya aldred may gawa niyan
samukha mo noh..?? Si kuya aldred talaga susuntok nalang hindi pa
tinodo.". Napaatras lang si chris ng ambahan to ni geo..
" geo tama na.."
" eh ginugulo ka
eeh.. Tingin ko sya ang dahilan kung bakit namumugto yang mata mo.. Anong
ginawa mong hayop ka huh..?" sarkastikong ngiti ni geo..
" blue magusap naman
tayo..?"
" isa pa sasapakin na talaga kita
sabing alis na eh.." saad pa ni geo.. Napatunngo naman si chris.. Pinara
ko lang yung dumaan na tricycle sa harap namin saka sumakay.. " blue
wait.." saad ni geo saka sumabit at nagmamadaling tumabi sakin sa
loob.. " ikaw pala huh di mo sinabi
mahilig ka pala sa party.. Sa third party nga lang...." asar sakin ni
geo..
" manong sa plaza
po.." saad ko sa driver.. " bakit ka ba sumakay pa geo.."
" wala lang.. Eh pag
hindi ako sumama sayo baka nasapak ko na yun.. Kararating ko lang makikipagaway
agad ako dito sa lugar niya.. Badtrip yun baka umuwi ako ng cavite ng may
pasa.. Nasa school paraw si kuya aldred
di ba tara puntahan nalang natin.."
" galit pa sakin
yun."
" ano ba nangyare..?
"
" mahabang kwento.."
" edi paikliin mo..
Saka kung sa plaza tayo pupunta tapos tayong dalawa lang.. Patay ako niyan kay
kuya aldred eh.. Magseselos yun malamang.. Baka kung ano nanaman pagbabanta sa
buhay ko yung matanngap ko.."
" what do you
mean..?"
" remember nung
pumunta kayo sa bahay.. Kinagabihan tinawagan ako nun.. Baka daw mapatay niya
ko kung hindi daw kita titigilan.. Yung pagpunta ko pa nga lang dito para
manuod ng play nila ang dami ng sinabi sakin eh.. Kesyo subukan ko daw na may
gawin sayo.. Or agawin kita ililibing niya daw ako ng buhay.. Pero alam ko
naman na joke lang yun.. Sa school nalang nila tayo punta.?."
" eh kasi.."
" sige na ayoko ng
magaway kami nun.. Gusto ko ienjoy yung stay ko sa kanila.."
" baka kasi ayaw niya
kong makita eh..?"
' ikaw pa ba..?"
" geo wag na gusto mo ikaw nalang
pumunta.. Sa plaza nalang ako bababa.."
" samahan mo na
ko..please.. Pinagtangol naman kita dun sa kaluguyo mo ah..?"
" kaluguyo..?"
" so big comfrontation
ba yung nangyare.. May pasa yung loko kaya im sure sinapak ni kuya aldred yun..
Pano ka nahuli..?"
" bakit ba parang
masaya ka..?"
" wala lang.. Fight
scene yun sayang hindi ko nakita.."
" alam mo geo..
Hanggang ngayon talaga nakakainis ka parin.." simangot ko sa kanya. Pero
ngumti lang sya sakin.
" nakakainis pero cute
naman.."
" wehh.?"
" ano uli name ng
school nila kuya aldred..?"
" anhs.." saad ko
lang..
" manong sa anhs
nalang po kami.." saad ni geo sa driver..
" geo kasi baka
magalit lalo si aldred pag nakita ako.. Sa plaza nalang ako bababa.."
" akong bahala sayo.. Saka kung galit
sya sayo.. Hindi naman kita iiwan eh.." kunot naman ang noong tumingin ako
sa kanya.. " hoy blue anong iniisip mo.. Sasamahan lang kita yung feelings
ko sayo. Wala na yun... Pag ako talaga nasuntok ni kuya aldred.. Magiging
kaaway na rin kita.."
" ewan ko talaga sayo
geo.." simangot ko sa kanya..hanggang makarating yung tricycle na
sinasakyan namin sa tapat ng gate ng school nila aldred.. Hindi naman ako
makababa ng tricycle dahil sa kaba.. Kung hindi pa ko hinila ni geo hindi ako
bababa..
" blue actually ang
sagwa ng itsura mo ngayon.. Halatang galing ka sa pag-iyak eh.. pero wala naman
paki si kuya aldred sa itsura mo eh.."
" geo uwi nalang
ako.." natigilan lang ako ng makitang palabas ng gate si aldred habang
hawak yung cellphone niya.. Npansin ko lang yung benda sa kamay niya.
" kuya aldred were
here..." tawag dito ni geo..
Lumapit naman samin si aldred.. Hindi man lang ako binigyan nito ng
kahit isang sulyap.. pilit na ngumiti lang to kay geo.. " pati ba naman
ikaw kuya aldred mugto din ang mata..?"
" anong ginagawa mo
dito..si tita nasa bahay na din..?" tanong ni aldred dito.. Napatungo lang
ako.. Para na kong hangin sa kanya..
" yeah nasa bahay niyo
na sya..uuwi ka na ba..?"
" yeah tara na.."
" hindi mo dala yung
motor mo..?"
" hindi eh tricycle lang
tayo.."
" blue let's go.."
ngiti sakin ni geo pero umiling lang ako.. " tara na.."
" uhm uuwi nalang ako
magisa.." saad ko lang saka tumalikod..
" blue tara na sabay ka
samin.."
" geo tara na.. Kung
ayaw sumabay hayaan mo.. May gagawin pa ko sa bahay..kaya bilisan mo na."
saad ni aldred saka nagsimulang maglakad..
" pero kuya
aldred..?"
" geo I'm ok.. Sige
na.."
" geo ano ba tara na..?"
" haixt ewan sa inyong
dalawa uuwi na nga lang din ako mag-isa naiipit ako sa inyo eh.." simangot
ni geo..
" sabing tara na eh.." lumapit lang dito si aldred saka
hinila si geo..
" kuya pano si
blue.?"
" marunong naman siguro
sya sumakay mag-isa eh.. Sinungaling sya kung sasabihin niya hindi sya
marunong.. Kaya tara na.."
" basta tara na blue
sabay ka samin.." saad ni geo saka hinila yung kamay ko.. Wala naman akong
nagawa ng magpara si geo ng tricycle.. Kita ko lang yung pag iling ni aldred
saka sumakay sa likod.. " kuya ako jan. Dito ka sa tabi ni blue.."
" geo wala kang alam ...!
Kaya pwede ba?"
" pero kuya.?"
"gusto mo ba masapak..?
Wag mo ko inisin."
" sabi ko nga dito ako sa
tabi ni blue.." pilit na ngiti ni geo.. Saka tumabi sakin sa loob ng
tricycle napabuntong hininga naman ako. " blue ok ka lang ba..?"
tumango naman ako.. Hanggang makarating
yung tricycle sa tapat ng bahay namin.. Bumaba naman ako natigilan lang ako ng
makita si chris sa harap ng gate namin.. Agad naman bumaba si geo.
" bakit nandito ka
parin..!" galit na saad ni geo dito..saka hinawakan yung kwelyo ng damit
ni chirs..
" gusto ko lang kausapin si
blue."
" ang kulit mo din
noh..!"
" chris umalis ka na
pwede ayoko kitang kausapin.." gigil na saad ko ng lingunin ko si
aldred.sa tricycle nakatungo lang to..
" aalis ka ba o gusto mo talaga
masaktan..?"
" bitawan mo nga ako..
Ano bang paki mo huh.!" hawi ni chris sa kamay ni geo. Pero agad lang tong
sinapak ni geo.. Agad naman gumanti chris..pinilit ko lang silang awatin saka
pumagitna sa dalawa.
" chris umalis ka
na!!" sigaw ko sa kanya.. " tama na geo.."
" tangina niya kung hindi
pa sya aalis talagang babasagin ko mukha niyan..!"
" mas tang ina ka..
Nakikialam ka hindi ka naman kasali.." sigaw ni chris habang pinupunasan
yung dugang tumulo sa bibig niya
" geo..!" napalingon
lang kami sa sigaw ni aldred..saka lumapit at hinila si geo..
" kuya aldred ano ba
sandali.. Si blue..?"
" uuwi na tayo.!"
" kuya bitawan mo nga
ako.. Hindi ako aalis hanggang hindi umaalis yang lalakeng yan.."
" shit geo.. Uuwi na tayo
hayaan mo na sila..!!"
" aldred.." sigaw ni
chris.. Napahinto naman sila sa paglalakad.. " salamat tol.."
" anong salamat..?
Nababaliw ka na ba..?" sigaw ni geo dito..
" salamat aldred.. Kasi
akin na ngayon si blue.." humarap naman si aldred saka tiningnan ng masama
si chris.. " salamat.." sarkastikong ngiti pa ni chris dito.. Hinarap
ko naman si chris ngumiti lang ako sa kanya.. Sobrang gigil ko ng mga oras na
yun.. Parag sasabog na ko sa galit.. Nilagay ko lang lahat ng lakas ko sa palad
ko saka sya binigyan ng malakas na sampal..
" booom.." sigaw ni
geo..
" blue..?" saad ni
chris habang hawak yung pisngi niya pero muli ka lang syang sinampal ng ubod ng
lakas.. Nakita ko naman sumakay na ng tricycle si geo at aldred..agad lang
umalis yung sinasakyan nila.. " blue why..?" kita ko lang yung
pagtulo ng luha niya.
" chris tanga ka ba.. O
nagtatanga tangahan..?"
" blue wala na si
aldred.. Pwede na tayo..?"
" damn! Chris.. Mahirap
ba intindihin na hindi kita mahal.. Mahirap ba na intindihin na si aldred lang
yung nasa puso ko.." saad ko saka tumalikod sa kanya.. Pumasok lang ako ng
gate pero sumunod parin sya.
" blue pero i know may
nararamdaman ka sakin.. Na kahit konti mahal mo ko..?" muli ko lang syang
sinampal..
" alam mo kung ano nalang
nararamdaman ko sayo.. ? Chris galit! Yun nalang.. Galit nalang chris.. Kaya
pwede ba tigilan mo na ko..?"
" blue hindi.. Hindi
parin ako susuko."
" kalimutan mo na ko..
Kasi simula ngayon hindi na kita kilala.. Hindi na ikaw yung chris na naging
kaibigan ko.. Hindi na ikaw yung chris na naging bahagi ng buhay ko.. Layuan mo
na ko..! Layuan mo na ko..!"
" blue please.. Wala na
si adred... Ako hindi kita iiwan.. Hindi ako aalis sa tabi mo.."
" mas gugustuhin ko pang
magisa umiyak kesa makasama yung tulad mo.. Chris wag kang tanga.. Kasi kahit
kailan hinding hindi kita mamahalin.. Kahit kailan hindi naiintindihin mo ba
yun.. Kahit kailan hindi..!"
" tanga na kung tanga..
Pero mamahalin parin kita.. Hindi ako titigil.. Kasi iknow darating ang panahon
na mamahalin mo rin ako.. Na makakapasok na ko sa mundo mo..!"
" sinisigurado ko na
hindi mangyayare yun.. Umalis ka na.. !" gigil naman na hinawakan ni chris
yung braso ko saka mapusok akong hinalikan.. Ubod lakas ko naman syang tinulak
saka sinampal.. Hindi ko alam kung ilang beses ko ginawang sampalin sya..
Hanngang mapagod ako.. Hinayaan ko lang pumatak yung luha ko.. " chris
hindi mo alam kung ano yung sinira mo.. Chris hindi mo alam kung ano yung
nawala sakin dahil sayo.. At lalong hindi mo alam kung anong sakit yung
nararamdaman ko ngayon.. "
" blue tandaan mo hindi
lang ako may kasalanan.."
" oo kasalanan ko.. Pero
tama na nanaman.. Ang sakit na eh.. Sana hindi nalang kita nakilala.. sana
hindi nalang.."
" blue.. I love
you.."
" hindi ka marunong
magmahal.. Chris.. Hindi.. ! Sigaw ko sa
kanya saka nagmamadaling tinungo yung papasok ng bahay..
SI CHRIS..
Parang nawalan ako ng lakas
habang nakatayo sa garahe ng bahay nila blue.. Blue bakit ba hindi mo ko
magawang mahalin.. Bakit ba kahit anong gawin ko hindi man lang ako magkapuwang
sa puso mo.. Hinayaan ko lang yung pumatak yung luha ko.. Natigilan lang ako ng
makita yung mommy niya.
" chris tama na.."
" tita si blue po.. Mahal
ko po sya.."
" kung mahal mo sya
bakit ginagawa mo sa kanya to.."
"Ito lang naman po yung
paraan na alam ko."
" kung gusto mo syang
ipaglaban.. Lumaban ka ng patas.. Tingin mo ba may pagasa pang mahalin ka niya
pagkatapos ng ginawa mo..?"
" tita I'm sorry
po.."
" alam mo iho wag mong
ipilit yung mga bagay na alam mong hindi pwede.. Kung patuloy kang maghihintay
na mahalin ka ng anak ko.. Walang mangyayare. Iho sumuko ka na.. Give
up..."
" tita mahirap po
maghintay sa isang bagay na alam mong hindi mangyayare... yung bagay na
malabo.... Pero tita its even harder to give up.. When you know its everything
you wanted.."
" iho parepareho na
kayong nasasaktan.. Tama na.."
" ayoko po.. Hindi po
ako susuko.." saad ko saka nagmamadaling lumabas ng gate.. Hindi ako
susuko.. Hindi.. Akin ka blue.. Hinayaan ko lang pumatak yung luha ko habang
nagaantay ng tricycle.. maya maya nakit ko lang si irene na naglalakad hanggang
makalapit sya sakin..
" nice try
chris.." sarkastikong ngiti nito.. " but unfortunately you
failed.."
" what are you doing
here..?"
" wala ka ng paki
dun.." saad nito saka ako nilampasan.. " wait piece of advice
chris.. Galingan mo next time.. Para
sure mo ng makukuha mo sya.." lingon pa sakin ni irene..
" irene wait.."
" what..?"
" gusto mo si aldred di
ba..?" ngumiti lang sya saka tumalikod.. " irene wait.."hawak ko
sa braso niya.
" bakit hindi mo na
kaya..? Kailangan mo na ng tulong..?"
" uhm irene si aldred..
"
" what..?
" hindi mo ba susubukan
ipaglaban sya..?"
" what are you trying to
say.. Agawin ko sya para syao na talaga
si blue..?"
" irene maganda ka..
Kayang kaya mo akitin si aldred..?"
" hindi ako tanga at
lalong hindi ako desperada.. Gagaya mo pa ko sayo... Makukuha ko si aldred
kahit hindi ko gawin yun.." ngiti lang niya " kikilos ako ng akin..
Kumilos ka ng sayo.. Alam mo sayang ka chris eh.. Nagmumukha ka ng kawawa..
Change strategy ka na.."
" anong strategy..?"
" may plano ako.."
"ano yun..?" nagulat
lang ako ng kinuha niya yung cellphone sa bulsa ko saka nagtype..
" text text tayo.. Antayin
ko yung message mo.."saad niya pagkaabot sa cellphone ko saka tumalikod
pinagmasdan ko lang sya habang palayo sakin.. Nagtaka lang ako ng pumasok sya
sa gate nila blue.. Bakit dun sya
pumasok.
SI BLUE
"1 am napala.." saad ko
lang sa sarili ko habang nakatingin sa cellphone ko.. Napabuntong hininga lang
ako saka tumingala sa langit..dinama yung lamig ng simoy ng hangin.. Balik
nanaman ako sa dataing gawain ko.. Ang tumambay magisa sa harap ng gate ng
ganitong oras.. Sana pwedeng balikan ang lahat pwedeng maayos yung mga
pagkakamali mo sa nakaraan.. Kung pwede lang hilahin yung oras pabalik..kung
pwede lang gagawin ko Para lahat ng sakit na nararamdaman ni aldred ngayon..
Mawala.. Yung pain na dulot ng ginawa ko maglaho nalang.. Siguro kung hindi
niya ko nakilala hindi na sya masasaktan ng dahil sakin.. Yung sakit na ginawa
ko sa kanya.. Alam ko walang kapatawaran yun.. Niloko ko sya.. At alam ko
habang buhay ko yung pagsisihan at pagbabayaran.. Hinayaan ko lang pumatak yung
luha sa pisnge ko.. Masakit pero ito na yun.. Ilang sandali akong nasa ganun
pwesto ng may motor na pumarada sa harap ko.. " aldred..?" saad ko
lang..
" pwede
patambay..?"saad niya habang nakatingin sa ibang dereksyon ilang sandali
lang akong natigilan saka tumango.. Bumaba lang sya sa moto niya saka tumabi sakin..
Ilang minutong walang nagsalita samin hanggang marinig ko yung buntong hininga
niya.. Paglingon ko sa kanya kita ko lang yung lungkot sa mga mata niya habang
may pilit na ngiti.
" aldred.." bulong ko.
" blue naalala mo ba dito
tayo unang nagkita..?" ngiti niya sakin. Napatungo naman ako para akong
nadudurog makita yung mga luha niya.." dyan ako nabangga sa basurahan na
yun.. Tapos dito mo ginamot yung sugat ko.. Dito sa lugar na to una tayong
nagkwentuhan.." rinig ko lang yung pagsinghot niya hindi ko lang mapigilan
yung paghikbi ko.. " Dito ko unang narinig yung nakakatawa mong pangalan..
At yung sarili mong difinition nun.. Blue dito ko unang nakita yung mga ngiti
mo.. Yung mga ngiti ilang segundo nagpatigil ng mundo ko.. Dito ko unang nakita
yung magagagndang mong mata.." nanatili lang akong nakatungo ng mgaoras na
yun.. Damang dama ko yung lungkot sa boses niya..at yung paggaralgal nito.
" aldred I'm really
sorry.."
" tapos alam mo ba kinaumagahan
nun.. maaga ako gumising nun para pilitin si mommy magluto.. Ewan ko pero umaga
palang nun parang sinisilihan na ko para pumunta dito sa inyo.. At ang naisip
kong paraan ay yung dalhan ka ng ulam.. Nagkataon pang favorite mo yung dinala ko.." kita ko lang ngiti niya
habang may luhang tumutulo..sa bawat luhang umaagos sa pisnge niya parang
tumatagos sa puso ko.." yung mommy mo ang hirap hulihin ng ugali nun..
Pero nagtyaga ako.. Kasi seryoso ako sayo.. Yung kahit araw araw adobo ulam
niyo ok lang basta makasabay lang kita kumain.. Basta makasama lang kita..
Kahit halos magtampo na si mommy kasi lagi akong wala sa bahay.. Nawalan ako ng
pakialam sa paligid ko basta nanjan ka.. Ang alam ko masaya na ko.."
" aldred..." naluluha
kong saad..
" yung daddy mo na
nakakatakot talaga yun.. Sobra.." iling niya kasabay ng mga hikbi.. "
alam mo bang Halos manginig ako kapag tinitingnan niya ko.. Feeling ko kasi
baka bigla nalang akong suntukin.. Grabe takot ko nun kasi hindi pa niya alam
yung tungkol sa relasyon natin.. Tapos one day nagulat nalang ako pagkagising
ko kausap niya na si mommy at daddy.. Gusto ko yakapin daddy mo nun ng
pakiusapan niya yung parents ko na bigyan tayo ng chance.. Na hayaan tayo kung
san tayo masaya.. Sobrang saya ko ng araw na yun.. Simula ng araw na yun
nagakkabiruan na kami ng daddy mo.. Nawala na yung takot ko sa kanya.. Sya nga
yung pumili nung kanta ko nung birthday mo.. Angel of mine..kasi sabi niya
naging anghel daw tayo sa isat isa.. Blue ikaw yung pinakamagandang nangyare sa
buhay ko.. Ikaw yung taong nagparamdaman sakin kung gano kasarap mahalin..
."
" Aldred.. Im really
really sorry.. Im sorry sa pananakit ko sayo..
Hindi ko dapat ginawa yun.. Aldred kung kaya ko lang ibalik ang oras
para itama lahat to.. Para wag ka ng masaktan.. Aldred patawarin mo ko.. Im
really really sorry.." umiiyak na turan ko sa kanya pero ngumiti lang sya
saka pinunasan ng mga daliri niya yung mga luha ko.. " aldred.."
" blue I'm sorry kung
hinusgahan kita nang hindi pa naririnig yung side mo.. Nagalit ako ng hindi ka
pinakikinggan.. I'm sorry sa mga nasabi ko sayo kagabi.. Hindi ko dapat sinabi
yun.. I'm really sorry kung iniwasan kita kanina.. Hindi ko lang alam kung pano
ka haharapin.. Hindi ko alam kung anong sasabhin ko sayo.. Gustong gusto kita
lapitan kanina nung nanjan si chris.. Kaso naisip ko baka si chris yung
kailangan mo.."
" aldred."
" blue sorry kung
nagalit ako.."
" aldred naiintindihan
ko yun at karapatan mong magalit.. Kase kasalanan ko eh.. Kasalanan ko.."
" blue gusto kita
pakinggan ngayon.. Gusto ko marinig lahat.. I know masakit pero gusto ko
intindihin kita.. Pipilitin kong maintindihan yung paliwanag mo.. Blue gusto ko
maintindihan.. Kaya please blue ipaintindi mo sakin.. please.."
" aldred tama na..
Ayoko ng dadagan yung sakit na nararamdaman mo.. Hindi mo deserve yung pain na
to.. Lalong hindi mo deserve yung kagaya kong manloloko at walang
kwenta.."
" blue please gusto
kita intindihin.. Gusto ko.. Sabihin mo sakin lahat. Kung ano ba talaga nangyare.. Kung bakit..
Kung anong dahilan.. Blue gusto ko malaman lahat.. Gusto ko marinig mula sayo..
Pipilitin ko maintindihan pangako.. Sayo
ako maniniwala.. Sayo lang.. Lahat ng lalabas ng sa bibig mo.. Yun ang
paniniwalaan ko.."
" aldred.."
" blue please..?"
kita ko lang yung pagtulo ng luha niya..
"blue parang awa mo na.." saad niya lang habang nakatitig sa
mga mata ko Napabuntong hininga naman ako..
" nung Friday.. Nakita
ko yung paghalik ni irene sayo.. Nandun ako.." nakatungo kong saad.
" nakita mo..? Bakit
hindi mo sinabi.."
" yeah.. Naging makitid
yung utak ko ng mga oras na yun.. Hindi ako nagisip.. At dun nagsimula yung
katangahan ko.. Hanggang nagtuloy tuloy na.." saad ko lang saka tumingala
para pigilan pa yung mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko... "
Sinimahan ako umiyak ni chris nun... Niyaya niya ko magswimming. Gusto ko lang
umiyak nun.. Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko.. Naisip ko nun anong
laban ko kay irene. Babae sya.. Hindi malabong
ipagpalit mo ko sa kanya.."
" di ba sabi ko
sayo.. Hinding hindi mangyayareng ipagpapalit kita kay irene.. Blue mahal
kita.. Ikaw lang.."
" I'm sorry aldred kung
inisip ko yun.." nakatungo kong saad.. " Hanggang nung gabing yun
naglabas ng alcohol yung mommy niya.. Naginuman kami.. Wala sa plano kong
malasing nun.. Pero nalasing ako..
Siguro sa sama ng loob..Gusto ko sana umuwi nun pero pinigilan na ko ng
mommy ni chris dahil lasing na daw ako.."
"naghihintay ako ng
tawag mo.. Sana tumawag ka para nasundo kita..?"
" i was so drunk that
time.. Hindi ko na alam kung nasaan phone ko nun.. Aldred inaamin ko ako yung
unang humalik kay chris.." saad ko lang saka nasapo ng dalawang palad yung
mukha ko.. " Hindi ko alam kung ano yung nasa isip ko nun bakit ko ginawa
yun..wala na ko sa katinuan ng mga oras na yun.. Siguro sa init narin ng katawan.. Kasalanan ko kasi
hindi ko na nakontrol yung sarili ko hanggnag nangyare nga yung hindi dapat...
Kinabukasan nung umuwi ako dito hindi ko alam kunng pano sasabihin sayo.. Kung
pano ipapaliwanag sayo yung nangyare.. I
know masasaktan ka kaya pinili kong magsinungaling.. Aldred.. Im sorry.. Hindi
ko sinasadya."
" kahapon.. Hindi ka
lasing pero may nangyare sa inyo di ba..?" nakatungo niyang saad..
' tinakot ako ni chris..
Tinatakot nya ko na ipapakita niya sayo yung picture naming dalawa na
naghahalikan.. Hindi ko alam kung pano niya ko nakunan ng picture siguro wala
na kong alam sa sobrang lasing nun..
Pinilit kong pigilan.. Alam ko kasi kahit ano namang pananakot niya
sakin choice ko parin naman eh.. Pero still nagpadala parin ako.. Napakatanga
ko.. Sobra.. Napakatanga..ang bobo ko kasi nagawa ko sayo yun.." kita ko lang yung pagpupunas niya ng mukha..
"Aldred hindi mo deserve yung taong tulad ko.. Lahat ng sinabi mo kagabi..
Lahat yun totoo. Lahat yun.. Lahat lahat..Na sinungaling ako.. Manloloko..
Aldred tanggap ko kung dahil dito hindi mo na ko mapapatawag.. Kailangan kong tanggapin yung consequence ng
ginawa ko.. Kasalanan ko.. Yung taong tulad ko hindi nababagay sa pagmamahal na
kaya mo ibigay.."
" blue si chris.. Mahal
mo ba sya.. Or may nararamdaman ka ba sa kanya..?"
" pure lust.. Nakakahiya
aminin pero yun talaga..hindi ko sya mahal.. Hindi.. Im really sorry aldred..
Im really really sorry.."
" blue mahal
kita.." bulong niya.. muli naman tumulo yung luha ko ng marinig yung mga
salitang yun.... " blue mahal na mahal kita.. Mahal na mahal.." rinig
ko lang yung hikbi niya habang nakatungo.
" aldred mahal kita..
Pero wala na kong karapatan sayo.. Yung ginawa ko hindi mo deserve yun.. Aldred
wala na kong karapatan kaya maiintindihan kita kung iiwan mo ko.. Tatangapin ko
kung dito na tayo magtatapos.. Mahal kita.. Pero niloko kita.. Aldred hindi ko
dapat ginawa sayo yun..kasalanan ko.."
" blue.. Aayusin natin
to.."
" aldred..?"
" blue aayusin natin
to.. Maayos natin to naiintindihan mo.."
" aldred.. Ok lang
naman sakin kung masakit pa sayo.. Aldred magaantay ako.. Aantayin ko yung araw
na mawala na yung pain jan sa puso mo.."
" Mahal kita blue mahal
na mahal.. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang wala ka.. Hindi ko kayang iwan ka..
Blue aayusin natin to naiintindihan mo.. Kahit anong mangyare hindi ako papayag
na masira tayo... Na iwan mo ko.. Blue ipinglaban ko yung nararamdaman ko
sayo.. Kaya ipaglalaban ko to hanggang sa huli.. Kahit anong mangyare hindi ako
bibitaw.. Hindi.." saad niya lang habang umiiyak..
" aldred nasasaktan ka
na masyado dahil sakin.."
" blue hindi ko kaya..
Oo nagkamali ka pero di ba wala naman taong perpekto.. Lahat nagkakamali..
Lahat nadadapa..blue magsisimula tayo uli.. Blue kakalimutan natin lahat to..
Kakalimutan ko.. Mahal na mahal kita.. Tatangapin ko lahat.." hinawakan niya lang yung palad ko.. "
blue can we start again..?"
" aldred mahal kita
mahal na mahal... Sa laki ng kasalanan ko sayo.. Hindi mo parin ako binitawan..
Nanjan ka parin.. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti to deserve you in
my life.."
" blue di ba sabi ko
sayo hindi ako bibitaw.. Kahit bitawan mo pa ko.. Hindi parin ako aalis sa tabi
mo.. Blue mahal kita.. Mahal na mahal.. At walang makakapagbago nun.. Kahit
anong gawin mo tatangapin parin kita.. Tatangapin ko lahat.. Blue ganun kita
kamahal.."
" aldred I'm really
sorry sa nagawa ko.."
" pinapatawad na kita..
Without any conditions.. Basta just stay
with me.. Just hold my hand.. And don't ever leave me.. Blue hindi kita
hahayaang mawala sa buhay ko.." napatungo lang ako saka tahimik na
umiyak.. Mayamaya niyakap niya ko saka hinalikan sa noo.. " blue mahal na
mahal kita.. kahit anong mangyare hindi ako bibitaw.. "
" mahal na mahal din
kita aldred.." ilang sandali pa kongnasa ganun pwesto.. tahimik na
umiiyak.. mayamaya humiwalay sya sakin..
" pwede na ba kitang
ikiss.?" tumango naman ako.. Tinaas niya lang yung mukha ko saka dinampian
ng isang halik..ngumiti lang sya kasabay ng paghikbi niya.. " yung sipon
mo tumutulo na.." saad pa niya.. Agad ko naman pinunasan too ng damit
ko.." kadiri. Nalasahan ko pa ata.." tawa pa niya.
" aldred naman eh.. "
" konti nalang masisinghot
na kita.. " ngiti niya saka mahigpit na hinawakan yung kamay ko.."
kakalimutan natin yung nangyare magsisimula tayo uli.. Si chris o kahit si
irene.. Hindi natin hahayaan masira nila yung relasyon natin.. Hindi ako
papayag.. Alam ko gagawa sila ng paraan para maghiwalay tayo pero sorry sila..
Hinding hindi ako hahayaang mangyare gusto nila.. Magkakasama tayong haharapin
sila di ba..?"
" yeah aldred.. Magkasama
tayo.. .."
" blue I love you.."
" I love you too
forever and more.."
wooh!! ..yan ang kwento!! ..mangilid-ngilid yung luha ko sa pangyayari dto sa chapter na to ..haha ..galing mo mr. author!!
ReplyDelete*lei andrew
Nakakainis naman pati ako apektado n rin s kanila .... GO team BLU-RED haha go
ReplyDeleteYun naman pala eh! magkakaayos din pala. Ang sweet na nman nila, kakainggit namanGganyan ang tunay na nagmamahal, malawak talaga pangunawa ni aldred. Pero hanggang saan nila malalagpasan ang mga pagsubok. Lalo na ang patibong ni irene at chrismas tree. Saka iba na ginagawa ni chris, hindi na patas ang laban kaso ganun talaga ang nagmamahal.
ReplyDeleteNakakagulat naman si geo, biglang bumulaga nalang sa eksena. Dahil jan, mukang nabighani sya kay chris. Ayaw lang ipahalata. haha.
Asan na po yung next chapter ng Nicko? Kelan po uli sisimulan?
0309
Yessssss.... I LOVE YOY ALDRED!!!!! Sana may aldred din ako.. Ang saya ng chapter na to. Good job author. Mas patatagin mo ang blue-red tandem. buti nlang andun si geo. At salamat nmn at lumaban na si blue kay chris... Wag na c irene. Epal lang ehh. ^_^
ReplyDeleteGrabe. Nakakainis ung mga unang eksena. Nakakainis c chris at irene. Pero naging sweet ang ending. Kainggit si blue. Sana may red din ako. Huhuhuhu.
ReplyDelete-hardname-
Ba yan desperate move gnawa kce ni papa chris kung ayaw sau ni blue mine ka nlng
ReplyDelete-Lime
blue-red pa rin ako! Mr. author blue-red nlng PO! wag na cya cris...kay irene nlng xa! hehe
ReplyDeletetonix
c Geo? akin nlng xa! haha
konti na lang iiyak na ko eh... hehehe
ReplyDeletemore action! more drama!!
Kelan kaya to matatapos. No offense meant author but i stopped reading blue. Chapter 25 ata last ko nabasa. Dati kapanapanabik para sa akin pero ngayon hindi na. Hmmmmm... Kase sa pacing ng kwento mo dati, ang conclusion ko gang chap 23-26 ending na.
ReplyDeleteEh di ikaw na ang author.. PEACE!!! ^_^ try mo din sundan yung kwento, wag ka mag-skip.
DeleteSa wakas! Nagkapaliwanagan din yung dalawa. Mabilis man na nakapagpatawad si aldred na hindi ko alam kung may nageexist na tulad niya sa tunay na buhay still this is a good chapter than the last one.
ReplyDelete