SI IRENE.
" irene andito na kami sa highway.." nabasa kong text ni alex.. Napalingon lang ako sa paligid.. Andun kami sa bahay nila aldred ng mga oras na yun para sa celebration ng success ng play namin.."iba talaga kapag mayaman.." simangot ko lang.. busy lahat ng tao sa paligid... Wala naman makakapansin kung aalis ako.. Asan kaya si aldred.. Malamang nababaliw na yun kakahanap kay blue.. Kailangan puntahan ko sya school..
Ilang minuto din akong nagaabang ng tricycle ng muling magring yung cellphone ko..si alex.. Bwisit talaga to sabing wag tatawag eh..agad ko naman sinagot yung tawag.. " di ba sabi ko alex wag kang tatawag..? Dumeretso na kayo sa motel.. Then text me kung saan yun."
" irene si blue nasagasaan..?!"
" what the ..! What happened..? Napakabobo mo..! Pano nangyare yun..! Bullshit alex!?"
" kasalanan mo to.. Huwag mo kami idadamay dito..!"
"shit! asan kayo.. ?!"
" umalis na kami dun..!may kasama sya kaya nabulilyaso.... Lalake..may kasama pa syang isa pang lalake na nabangga din.." gigil ko lang na pinatay yung cellphone ko.. Bullshit..pakialamero ka talaga chris..! Anong gagawin ko.. Haixtt hindi pwede to.. Kailangan makaisip ako ng paraan..Natigilan lang ako ng may humintong kotse sa harapan ko.. Mommy ni chris..
" If I'm not mistaken ex girlfriend ka ni chris right.?" tumango naman ako.. Nahigpitan ko lang yung hawak sa cellphone ko saka humugot ng malalim na hininga.. Bahala na.." si chris kasi nakailang misscall sya sakin.. May idea ka ba kung nasaan sya.?"
" alam ko po kung nasaan sya.." saad ko nalang saka umikot at sumakay sa kotse na yun..
" where .?"
" sa high way po..?" kumunot naman yung noo nito pero tumango lang ako.. Pinaandar naman niya yung sasakyan niya..rinig na rinig ko lang yung kabog ng dibdib ko dahil sa kaba..damn.! Ano ba tong ginawa ko.. Wala pang isang minuto nandun na kami tanaw na tanaw ko lang si aldred habang katabi ng katawan ni blue si di kalayuan nakita namin si chris.. Kita ko lang yung pagkatulala ng mommy ni chris.. Saka hininto yung sasakyan alam ko mejo malayo pa kami pero bumaba na ko.. " tita.. Wait lang po.." saad ko .. Madilim yung kalsada kaya di agad mapapansin na may tao palang nabangga dun.. Sa gilid ng kalsada may napansin akong isang tubo.. Dahan dahan naman akong lumapit sa nakatalikod na si aldred.. narinig ko pang may kausap sya.. Shit..! Nakita ko naman na nabitawan niya yung cellphone.. I'm sorry aldred.. I have to do this.. Humugot lang ako na malalim na hininga Saka sya ubod lakas na pinalo sa ulo.. Kita ko naman na nawalan to ng malay..
" hey anong ginawa mo..?!" gulat na saad ng mommy ni chris.. " bakit mo pinalo si aldred..?!"
" tita help me po buhatin natin sila.. Kailangan na nilang madala sa ospital.."
" baliw ka na ba..? Buhatin?!"
" tita damay na po kayo dito kaya kung ayaw niyo makulong tulungan niyo po ako..!"
"teka bakit ako ang makukulong.. Wala akong kinalaman dito..!"
" ngayon po meron na.."
"chris..!! " Sigaw nito..napansin ko lang yung rose na nasa kamay niya.. Agad ko lang tong tinggal sa kamay niya saka tinapon sa gilid.. pinulsuhan ko lang si blue ng masiguradong may tibok pa ay lumapit naman ako kay chris..
" buhay po sila.." saad ko lang saka pinilit itayo si blue..
" what are you doing tigilan mo yan.. Baka lalong silang mapasama tatawag ako ng ambulansya.."
" sa oras na maabutan tayo ng mga pulis dito.. Kayo ang ididiin ko.. Tandaan niyo po lahat kayang gawin ng anak niyo para dito sa kapatid ko.."
" kapatid mo sya.?"
" opo.."
"at kagagawan mo to..!?"
" opo.. At tingin niyo po may maniniwala na kaya kong gawin lahat to..? " sarakastiko kong ngiti. " kayo po ang ididiin ko pag nagkataon....!"
" baliw ka na..!" kita lang yung pagkataranta sa mukha nito.. " pano mo nagawa to..?"
" tulungan niyo po ako pwede..?!" sigaw ko.. Napailing lang to saka ako tinulungan sa pagbuhat kay blue papunta sa kotse,.. Kita ko lang yung dugo sa ulo ni blue. Hinubad ko lang yung jacket ko saka nilagay sa ulo niya.. Pagkatapos masigurong ayos na sya ay pinuntahan naman namin si chris..
" chris are you ok..?" narinig kong saad ng mommy niya..
" tingin niyo po sasagot yan..?" sarkastiko kong saad saka hinawakan yung kamay ni chris saka nilagay sa balikat ko.. Nagulat lang ako ng maramdaman yung pag galaw ng kamay niya.
" iha gising sya.."
" tulungan niyo na po ako..!" nagmamadali naman kaming sinakay sila sa kotse.. Halos manghina ako pagkasakay ko sa kotse.. " tita sa ospital po.. Tara na..?"
" si aldred.. Pano sya.. bakit mo sya pinalo sa ulo..! Ano ba to.. Ano bang nangyayare.?"
" tita wag na po kayong magtanong.. Hindi niya tayo nakita. Kaya bilisan niyo na..!"
" demonya ka.. Pano mo nagawa to..!" saad nito saka mabilis na pinaandar yung sasakyan..
" demonya na po kung demonya.. Pero ngayon i think maging anghel kayo para sa kanila.. Kasi kung gusto niya pa sila mabuhay.. Magmadali na kayo..!"
" i can't believe this..!! Oh my god..."
" I think aabot pa sila kung hindi sa ospital dito niyo sila dadalhin..?"
" what..?"
' sa kabilang bayan po tayo.. Bilisan niyo na..! Pag namatay ang kapatid ko.. Sinisiguradong kong makukulong kayo..!"
" bitch!!" umirap lang ako dito.
" wheres your phone po..?"
" why..?"
" basta..!" sigaw ko lang.. Inabot naman nito yung cellphone niya.. Tinawagan ko lang yung number ko ng magring ay muling binalik ko lang yun... " ihinto niyo po muna.."
" anong ihinto,,? kapag namatay ang anak ko.. Sinisgurado kong patay ka rin..!"
" ibaba niyo po ako.. Tatawagan ko po kayo.. Dalhin niyo po sila sa ospital.. Ibahin niyo po yung pangalan nila para hindi sila matrace.."
" napakasama mo..!"
" ihinto niyo na po.!!. Sinisigurado ko pong hindi kayo madadamay.."
" anong sasabihin ko kay blue pag nagising sya..!'
" kayo na pong bahala..!"
" hindi ko alam ang sasabihin ko..?" tarantang saad nito..
" sabihin niyo na naabutan niyo yung aksidente. Kaya dinala niyo sila sa ospital..! Ihinto niyo na! Gawan niyo nalang ng paraan.." huminto naman yung sasakyan.. Agad lang akong bumaba dito.. " tita tatawagan ko po kayo.." saad ko saka sinara yung pinto ng kotse.. Mabilis naman na umandar to.. Nang may dumaan na taxi ay sumakay agad ako dun..saka nagpahatid sa subdivision.. Malayo palang ako ng bumaba. Tanaw na tanaw ko lang yung pagkakagulo sa loob.. Pumasok naman ako ng walang nakakapansin
" lyka..? Whats happening..?" bulong ko lang.
" tumawag ata si aldred.. Naaksidente daw si blue san ka ba galing..?"
" nag c.r lang ako nagkagulo na..?"
" kaalis lang ng parents mo kasama yung parents ni aldred."
" ok sige.." nakita ko naman si geo na hawak yung cellphone niya.. Agad lang akong lumapit dito.. " geo.. Sabihin mo ok lang si blue di ba..?" pinalungkot ko lang yung boses ko.. Pinilit ko naman tumulo yung luha ko..
" uhm irene naghihintay pa ko ng tawag..? Magiging ok din ang lahat.." himas nito sa likod ko.
" pwede ba puntahan natin sila..?"
" mag-intay pa tayo ng tawag.. May kotse mommy ko.. Pupuntahan natin sila don't worry.."
" geo nag-alala ako kay blue.. Baka napano na sya.. Bakit naman kasi hindi pa sya sumabay samin.. haixxtt"
" kahit ako nag-aalala.. Sana ok lang sya.."
" my god.. Bakit ba nangyayare to.". Umiiyak na saad ko.. Niyakap naman ako ni geo..
" irene.. Relax ka lang magiging ok ang lahat.. I'm sure ligtas si blue.. Magdasal lang tayo.."
" geo pano kung hindi..?"
" sshhh.. Think positive.." saad pa nito.
SI ALDRED
Unti unti ko lang binukas yung mata ko.. Nasilaw lang ako sa ilaw.. Saka nilibot sa paligid yung mata ko.. Pero puro puti lang yung nakita ko.. Nahagip naman ng mata ko na naguusap si mommy at mommy ni blue.. What happened..? Nalilitong saad ko.
" gising na si kuya aldred.." rinig kong saad ni geo.. Napalingon lang ako dito.. " kuya ok ka lang ba..?"
" geo what happened..?"
" kuya nasaan si blue..?" tanong nito napapikit naman ako saka pilit na inalala yung nangyare.. Nahawakan ko lang yung ulo ko na may benda..
" geo kailan pa ko dito..?"
" buong araw kang walang malay kuya.. Kuya si blue nasaan.?? Nung tumawag ka sabi mo kasama mo sya.. Sabi mo nabangga sya.. Asan na sya.?"
" aldred yung anak ko nasaan.?" saad ng mommy ni blue.. Muli lang akong pumikit.. Unti unti namang pumasok sa isip ko lahat ng nangyare.. Yung pagkabangga ni blue at chris.. Yung nakakabinging preno ng sasakyan.. Aixxxtt nasapo ko lang yung ulo ko..
" tita si blue po.. Sabihin niyo po buhay pa po sya di ba.. Tita ok lang ba sya.. Tita may dugo po sa ulo niya.. Asan sya..?" histerikal na saad ko. " tita sabihin niyo buhay pa sya..!?"
" aldred wala si blue.. Aldred wala yung anak ko."
" ano pong ibig niyong sabihin..?"
" ikaw lang yung naabutan namin sa lugar na yun.. may nakitang bakas ng dugo yung mga pulis pero hindi nila nakita si blue.. Pagdating namin dun. Nakita ka lang namin na walang malay.."
" may pumalo po sa ulo ko..!!?"
" iho ano bang nangyare.. Nasaan yung anak ko.. Aldred.. Anong nangyare..?" umiiyak na saad ng mommy ni blue.. Tumulo lang yung masaganang luha sa mata ko.. Hindi ko na mapigilan yung paghikbi ko ng mga oras na yun.. Asan sya.. Asan sya..
" tita si blue po.. Buhay pa sya di ba.. Buhay pa sya.? Sabihin niyo naman po sakin na buhay pa sya..?"
" aldred nasaan ang anak ko..? Sabihin mo kung anong nangyare..?"
" may kumuha pong van kay blue mula sa parking lot ng school.. Si chris po nakita niyo po ba sya..?"
" kasama niyo si chris..? Pero Wala din sya.. ." saad ni geo.
" ibig mong sabihin aldred may kumidnap sa anak ko..?"
" tita si chris po ang nakakita na sinakay si blue sa van.. Hinabol niya po yun.. Sumunod po ako sa kanya.. Naabutan ko po sila sa highway habang ginugulpi si chris.. Tinulungan ko po sya.. Hanggang nakita ko na may paparating na mabilis na sasakyan.." tumulo lang yung luha ko.. " tita si blue.. Kasama si chris.. Nabangga po sila nung kotse..kitang kita ko po yung pag tilapon nila.. Nakita ko po.." umiiyak na saad ko.
" eh yung kotse nasaan..?"
" huminto po sya.. Lumapit po sya samin pero po bumalik din sya sa sasakyan.. Saka mabilis na umalis.." kita ko naman yung pagiyak ng mommy ni blue.. Hawak naman ni mommy yung kamay ko. " tita yakap yakap ko po si blue.. Tita yakap yakap ko sya nung tumawag ako sa inyo.. Hawak ko po yung kamay niya.. Naramdaman ko hinawakan niya yung kamay ko..hanggang unti unting nawala yung higpit ng hawak niya.." pinunasan ko lang yung mga luha sa mukha ko. "Tapos bigla nalang may pumalo ng ulo ko.. Hindi ko na alam yung sumunod na nangyare.hindi ko na alam.. Si blue.. Buhay pa naman po sya di ba..tita naramdaman ko. Nawala yung higpit ng hawak niya sakin.. Tita buhay pa naman sya di ba.?" para akong nadudurog ng oras na yun.. Ang sakit sakit.. Halos hindi tumitigil yung mga luha ko.. Tuwing pumipikit ako mukha ni blue yung nakikita ko habang nakatayo sa gitna ng kalsada..
" yung nakavan.. Hindi kaya sila yung pumalo sa ulo mo kuya..?"
" hindi ko po alam.. Tita may dugo si blue.. Tita baka kung anong mangyare sa kanya..? Tita may dugo po sa ulo niya eh.. Nakita ko po yun... hanapin niyo po sya please...baka po mamatay sya.. Hindi ko po kaya.. Please tita mahahanap po sya di ba..? Tita parang awa niyo na hanapin niyo po si blue.. Hindi ko po kayang mawala sya.." umiiyak na saad ko...
" kilala mo ba yung mga nasa van..?"
' hindi po.. Pero yung isa sa kanila.. Parang kaedad lang po namin.. Hindi ko po sila kilala.."
" my god.."
" kumikilos yung dad mo saka yung daddy ni blue para hanapin sila.. Wag kang magalala kuya.. Magiging ok din ang lahat.."
" tita si blue po.." saad ko po.. Napaupo naman yung mommy ni blue saka tahimik na umiyak.. " mommy hanapin niyo po si blue.. Parang awa niyo na.. May dugo sa ulo niya eh.... Hindi ko kayang mawala sya mom..mommy hindi ko po kaya.. hindi." tumango naman si mommy.
" kuya kaya mo yan.. Be strong..mahahanap si blue.. Tiwala lang.. Mahahanap sya.. Maniwala ka sakin.."
" pano geo kung hindi na..? Pano kung namatay na sya.. Pano kung hindi sya dinala sa ospital.. Pano kung.. Pano kung..?" napatungo lang ako saka hinayaang pumatak yung mga luha ko.." geo pano kung namatay na si blue.. Hindi ko kaya.. Hindi ko kaya... Geo pano kung.."
" aldred no.. Please wag mo sabihin yan.. Buhay pa sya.. Buhay pa sya naiintindihan mo.. Buhay pa yung anak ko.. Buhay pa sya..!" umiiyak na saad ng mommy ni blue.. " aldred wag mo sabihin yan please..?"
" tita.. Mahal na mahal ko po si blue.. Tita bakit ganito.. Bakit kailangan mangyare to.. Mahal na mahal ko po sya.. Hindi sya pwedeng mawala.. Kailangan tuparin niya yung pangako niyang magkasama kaming tatanda.. Tita tutuparin pa niya sakin yun.. Tita.. Tutuparin niya pa yun eh..tita "
" kuya tama na.. Makikita natin si blue.. Makikita natin sya.."
" dapat hindi ako umalis sa tabi niya eh.. Dapat hindi ako umalis sa tabi niya." napapikit lang ako saka tahimik na umiyak.. Blue.. Nasaan ka na..
SI IRENE
" tita.. Kamusta na po..?"
" hayop ka..!" agad na sigaw nito..
" tita pwede ba.! san niyo po sila dinala..?"
" napakasama mong babae ka..may puso ka pa ba huh..!"
" tita nasaan po kayo..?!" ramdam ko lang yung gigil sa boses nito.
" sa oras na makita kita.. Papatrayin kita tandaan mo yan..!"
" damn..! Pwede ba sabihin niyo nalang po kung nasaan kayo..!!"
" sa maynila ko sila dinala....si chris may mga bali syang buto pero ok na sya.. Sabi ng doctor hindi naman ganun kalakas yung pagkakabangga sa kanya.. Inoperahan si blue.may namuong dugo sa ulo niya sabi ng doctor malakas daw yung pagkakaumpog niya. .. At uncopncious pa sya ngayon.. Kapatid mo sya di ba.. Bakit nagawa mo to..!"
" tita iniba niyo po ba yung pangalan nila?.. Ano pong sabi niyong nangyare..?"
" ano nga uli pangalan mong babae ka..?"
" irene po.."
" pagbabayaran mo tong ginawa mo. Sinisigurado ko yan.!"
" subukan niyong magsalita.. Idadawit ko kayo dito.." banta ko lang..
" demonya ka..! Pauwi ako.. Dahil may mga pulis na nasa bahay."
" pano po si blue.."
" tinawagan ko yung kapatid ko.. Andun na sya ngayon.."
" anong sasabihin niyo sa mga pulis..?"
" hindi ko alam.. Kating kati na yung dila ko na sabihin sa kanila yung ginawa mo.. Alam mo ba yun..!"
" ganito tita.. Sabihin niyo na buong gabi niyo hinahanap si chris.. Until now.. Just pretend na nagalala kayo.."
" hindi mo ko itusan..! Gustong gusto kitang patayin. Alam mo ba yun.. Demonya ka.!"
" tita ang alam nila kinidnap si blue.. Tita nasaan nga uli si blue ngayon..? Sa oras na malaman nila to.. Hindi ako ang makukulong.. Kayo..!"
" napakahayop mo..!"
" yun ang plano.. Magpapalamig muna ako. Bago puntahan si blue.. Magiging ok din sya I know.. Masamang damo yun.."
" eh ano pang tawag sayo kung masamang damo si blue..? Wala kang puso.. Kapatid ka pa naman niya..!! Napakamalas ni blue kasi nagkaroon sya ng demonyong kapatid.!"
" hindi ko na kasalanan kung malas sya sakin.."
" hayop ka.. Wala kang kunsensya..!"
" bye tita.. Tatawag uli ako para makibalita.." saad ko saka pinindot yung end botton ng phone ko.. Napabuntong hininga lang ako saka lumabas ng kwarto ko..haixtt ganito na ba talaga ko kasama.?. Pagbaba ko sa sala nandun sila mommy kasama si geo.. " mom.. Si aldred gising na..?" bungad ko sa kanila.
" irene yung kapatid mo.. Nakidnap nga sya sabi ni aldred..?"
" si blue po..?"natulala lang ako saka dahan dahang napaupo sa hagdan hinayaan ko lang pumatak yung luha ko... " mom babalik pa naman si blue di ba.. Sabihin niyo po sakin babalik pa sya..Ngayon lang ako nagkaroon ng kapatid mawawala pa..? Sandaling panahon ko palang syang nakakasama.? Bakit ganito.. Bakit biglang ganito.?" umiiyak na saad ko.. Lumapit naman sakin yung mommy ni blue saka ko niyakap..
" irene babalik sya.. Maniwala ka sakin.. Babalik sya.."
" pano po kung hindi na.. Bakit po ganun.. Ang saya pa namin kahapon.. Tapos ngayon.. Hanapin niyo po si blue pleasee..."
" ginagawa namin lahat.." umiiyak na saad ng mommy ni blue..
" ang bait bait niya.. Hindi dapat mangyare sa kapatid ko to.. Please po.. Tutulong po ako para mahanap si blue.." hagulgul ko lang... Hinigpitan lang ng mommy ni blue yung yakap sakin..
" irene mahahanap natin sya tandaan mo yan.." pinunasan naman nito yung luha sa mukha ko..Lumapit naman sakin si geo saka ako binigyan ng tubig.
" inom ka..?" maikling saad nito.. Kinuha ko naman yung baso saka uminom..dun naman pumasok si daddy saka yung daddy ni aldred. " uhm irene dun muna tayo sa labas... I think maguusap sila..?" pilit na ngiti ni geo.. " tita dun muna po kami sa labas.." saad ni geo..Tumango naman ako.saka tumayo at lumabas ng bahay.
" geo si aldred.. Is he Ok.?"
" base sa mga test sa ulo niya.. Wala namang problema.. Lalabas na rin sya tomorrow morning.."
" buti naman.. Pero si blue.. Nasaan na sya..?"
" uhm irene.. May nabanggit sakin si kuya.."
" nabanggit na alin..?"
" irene may kinalaman ka ba dito..?" tinitigan ko naman yung mata niya.. Pinabayaan ko lang tumulo yung luha ko.. " irene I'm just asking..?"
" geo naririnig mo ba yang sinasabi mo.. Kapatid ko si blue.. How come na naisip ni aldred na gagawin ko yun sa kanya..?" tumango lang si geo saka pilit na ngumiti sakin.
"yun nga sabi ko kay kuya aldred eh.. Ang imposible naman... I'm sorry sa tanong ko.."
" geo nag-iisang kapatid ko si blue.. At mahal na mahal ko sya. Handa kong itaya ang buhay ko wag lang syang mapahamak.. Nakakainis lang kasi bakit kailangan mangyare to.. Ilang araw ko palang syang nakakasama bilang kapatid tapos mawawala agad sya..?" naluluha kong saad.. Lumapit lang sakin si geo saka hinimas yung likod ko.. " geo si blue.. Gusto ko na syang makita.. Sana ok lang sya.. Sana buhay pa sya.. Gusto ko pa syang makasama kaya hindi pwedeng mawala sya.."
" I'm sure he's ok.. Matapang yung kapatid mo eh.. Babalik yun.. Saka yung mga kumidnap dun.. Bubungangaan ni blue yun.. Nakakahurt pa naman magsalita yung kapatid mo.."
" sana geo.." bulong ko lang..
" sigurado ako dun.."
SI ALDRED
Isang linggo ang mabilis na lumipas.. Ngunit wala parin balita kay blue o kahit kay chris.. Ni walang tumatawag na kidnaper.. Halos panghinaan na kami ng loob.. Pero Pinipilit kong magpakatatag.pinipilit kong umasa.. Alam ko buhay pa si blue.. Alam ko babalik sya..nararamdman ko babalik pa sya. Nakatambay lang ako sa labas ng bahay nila blue ng gabing yun.. Tumulo lang yung luha ko ng maalala yung masasayang tagpo nung kasama ko pa sya.. Haixt tumingala lang ako.. Umaasang makakakita ng falling star.. Gusto ko humiling na sana bumalik na si blue..na sana maayos yung kalagayan niya.. Blue sana makakita ka ng falling star kung nasaan ka man ngayon.... Pag ikaw kasi yung nagwiwish. Natutupad.. Blue bumalik ka na please...Bigla namang nagring yung cellphone ko.. Mommy ni chris.. Agad ko naman tong sinagot.
" goodevening po.."
" aldred.. Kamusta.. May balita na ba..?"
" uhm wala pa po... Pero hindi po kami tumitigil sa paghahanap sa kanila... Wag po kayong magalala kapag may balita po sa anak niyo tatawagan ko po kayo agad.."
" salamat.. Aldred magpakatatag ka huh.. Si chris alam ko hindi niya papabayaan si blue. Magiging ligtas sila.."
" sana po si chris wag niya pabayaan si blue.. Sana po ok sila.."
" alam mo gagawin lahat ni chris para kay blue.. Hindi hahayaan ng anak ko na mapahamak si blue.. Mahal na mahal ng anak ko yun eh."
" tita tingin niyo po buhay pa sila.?. Nakita ko po eh.. Nakita ko po na nabangga sila pareho ni blue.." naluluhang saad ko.. " gusto ko po isipin na buhay pa sila.. Pero pag naiisip ko yung pagkakabangga sa kanila.. Para pong...." hindi ko naman mapigilan yung mga hikbi ko. "Para pong nawawalan na ko ng pagasa..? Para pong dapat tanggapin ko na wala na.. Tita hindi ko po alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob..si blue lang po kasi yung nagpapalakas sakin eh.."
" iho.. I know buhay pa sila.. Just keep on praying.. Magtiwala ka lang.."
" sana po tita.." saad ko lang.
" ok aldred.. Be strong please para kay blue.. Wag kang bibitaw.."
" hindi po ako bibitaw.." saad ko lang
" bye aldred.. Tawagan mo ko pag may balita na.."
" opo.." sagot ko saka pinindot yung end botton ng phone ko. Napabuntong hininga lang ako saka tumingla sa langit.. Blue bumalik ka na... Mahal na mahal kita.. Maya maya narinig ko lang yung pagbukas ng gate nila.. Nakita ko lang na lumabas si irene.. Agad ko naman pinunasan yung mga luha ko..
" aldred.." saad nito saka umupo malapit sakin.
" anong ginagawa mo dito.."
" sasamahan ka..?"
" hindi na kailangan.. Pumasok ka na.." rinig ko naman yung pagbuntong hininga. Saka pilit na ngumiti habanag nakatingala sa mga star..
" alam mo..miss na miss ko na si blue.. Isang linggo palang pero parang isang taon na yung lumipas..? Isang linggo palang pero parang napakatagal na natin naghihintay.."saad niya.. Natawa lang ako payak. Napalingon naman sya sakin..
" irene.. Alam mo... Hindi ako naniniwala na wala kang kinalaman dito.. Hindi ako naniniwala sayo.."
" aldred.. Ano ba..! I know may nasabi ako before.. Ang gusto ko lang naman makitang umiyak si blue eh.. Aldred iba to.. Kahit kailan naman hindi ko ginustong mawala yung kapatid ko.. Buhay na yung nakataya dito.. Hindi naman ako ganun kasama.. "
" kahit anong sabihin mo alam ko.. At nararamdaman ko.. May alam ka.."
" aldred.. Wala akong alam..kahit ibaliktad mo pa ko.. Wala talaga.. Tumutulong naman ako sa paghahanap di ba.. Ginagawa ko lahat.. Ang gusto ko lang makita yung kapatid ko.." napailing naman ako sa sinabi niya.. " aldred.. Mahal ko si blue.. All my life kinamuhian ko yung pamilya na to.. pero alam mo sa ilang araw na nakasama ko si blue sa bahay na to. Dun ko naramdaman magkaroon ng isang tunay na pamilya.. Yung may pagmamahal.. Si daddy simula nung tumira ako dito.. Naramdaman ko yung pagmamahal na hindi ko naramdaman mula sa kanya dati.. Yung masira yung pamilya na toi. Yun ang hindi ko gagawin.. Kasi sila nalang ang meron ako.. Sila nalang.."
" irene please.. Kung may alam ka sabihin mo na.. Kung mahal mo yung parents ni blue.. Wag mo na silang pahirapan.. Si tita nahihirapan na sya.. Hindi ka man lang ba naawa kapag umiiyak sya.."
" aldred.. Wala akong kinalaman dito naiintindihan mo ba.. Nasa bahay niyo ko nung nangyare yung aksidente.. The whole night kasama ko si geo.. Aldred maniwala ka sakin.. Wala .. Wala talaga.."
" irene ikaw lang yung alam kong may dahilan para gawin yun kay blue.. Ikaw lang.."
" aldred tandaan mo papatunayan ko sayo na wala akong kinalaman dito.." saad pa ni irene saka nagmamadaling tumayo at pumasok sa gate.. "Malaman ko lang irene na may kinalaman ka sa pagkawala ni blue at chris.... Baka mapatay kita..!" Gigil na saad ko ..
Kinabukasan pinilit ko ng pumasok sa school.. Hindi magugustuhan ni blue kung ititigil ko yung buhay ko.. Kailangan kong magpatuloy.. Kailangan kong ituloy ang buhay ko Pero blue pangako ko hindi ako hihinto sa paghahanap sayo.. pangako..
" aldred.. Wala pa rin balita kay blue..?" bungad sakin ni lyka.. nasa canteen ako ng mga oras na yun habang nakatulala.. Pinilit ko naman ngumiti saka umiling.. " anong sabi ng mga pulis..?"
" naghanap sila sa mga ospital.. Pero walang blue sebastian ang naadmit sa mga yun..wala ding report na may nabangga ng araw na yun.." nakatungo kong saad.
" aldred.. Kumakain ka pa ba.. Natutulog ka pa ba..? hindi na maganda yung nakikita ko sayo.?"
" lyka do you think.. Makakain pa ko.. Do you think. Makkatulog pa ko ng mahimbing knowing na baka wala na si blue.. Knowing na baka patay na talaga sya.?? Lyka gusto ko maging ok.. Pero ang hirap.. Hindi ko kayang magpanggap na ok lang ako kahit hindi naman.."
" aldred.. Don't lose hope.. Di ba sabi mo nararadaman mo na buhay pa sya.. Magtiwala ka lang.. Pano yan sa oras na bumalik si blue tapos makitang ganyan ang itsura mo.. Baka hindi ka na magustuhan nun.? Ang payat mo na oh.?"
" lyka.. Sana buhay pa sya.. Sana buhay pa si blue..?" nagsimula namang tumulo yung luha ko..
" aldred wala tayong magagawa sa ngayon kundi magdasal.. Magdasal na sana buhay pa nga sya.. Alam mo kahit ako.. Pinagdadasal ko yun sa gabi.. Nalulungkot yung leader ng fans club mo..kasi malungkot ka.." ngiti niya.. " nabawasan na yung member namin kasi pumapangit ka na..?"
" lyka I really miss him.. Sa bawat araw na lumilipas.. Parang unti unti na rin akong namamatay.. Simula ng makilala ko sya..araw araw ko syang kasama.. Araw araw ko syang nakikita..pero ngayon Mahigit isang linggo na.. Hinang hina na ko.."
" magpakatatag ka nga.. Magiging ok din ang lahat.. Malay mo..Magugulat ka nalang isang araw nasa harap na ng gate niyo si blue.. Nakangiti.. Inaantay ka.. Syempre ikaw patakbo kang lalapit at yayakapin sya.. Ang sweet nun..?"
" sana bumalik na sya.. Miss na miss ko na talaga sya eh..?"
" babalik sya aldred.. I know babalik sya.."
Kinahapunan pauwi na sana ako ng maisipan kong pumunta kung saan nangyare yung aksidente.. Nakamotor ako ng mga oras na yun.. Itinigil ko lang yun kung san bumagsak si blue mula sa pagkakabunggo.. Napabuntong hininga lang ako saka bumaba sa motor.. Natuyo na yung bakas ng dugo sa semento..halos hindi mo na maiisip na may nangyare palang aksidente sa lugar na yun.. Wala na yung dugo Pero hinawakan koparin yun.. "Blue.." Nilibot ko lang yung mata ko sa paligid hanggang mapansin ko yung lantang rose sa gilid ng kalsada.. Lumapit lang ako dito.. Nagsimula lang tumulo yung luha ko.. Natatandanan ko nilagay ko yun sa kamay ni blue.. Kinuha ko lang to halos matanggal na yung mga petals nito sa tangkay.. Nabulok na sya.. Napaupo lang ako saka tahimik na umiyak.. Hinayaan ko lang dumaloy yung luha sa mata ko.. Blue bumalik ka nanaman oh.. Please bumalik ka na..
hanggang ilang linggo pa ang lumipas pero wala paring balita kung nasaan si blue.. Halos nilapitan na namin lahat... Ayoko na magbilang ng araw.. Ayoko na bilangin yung mga araw na wala sa tabi ko si blue.. Pag iniiisip ko lalo akong nanghihina.. Lalo akong nawawalan ng pag-asa..
" tita.. I have something for you..?" bungad ko sa bahay nila blue ng hapon na yun.. Naabutan ko lanG yung mommy niya na nasa kusina habang nagluluto.. Syempre ng adobo ulit..
" uhm ano yan aldred..?"
" uhm cake po..?" ngiti ko..
' cake para saan..? Si irene nasa school pa ba..?"
" nasa school pa yon tita.. Balita ko nagpapraktis sila ng sayaw.. Hayaan niyo nalang alam niyo naman pong hindi kami close nun.." saad ko habang binubuksan yung box ng cake..
" eh para san nga yan.. May okasyon ba.?"
' magcecelebrate po tayo..."
' ng alin.?"
" monthsary po namin ni blue ngayon.. Gusto ko po kayo po yung kasama ko sa special na araw na to.." ngiti ko.. Pagtingin ko sa mommy ni blue may pilit na ngiti lang to sa mukha. " tita.. Di ba sabi ko wag na tayong malungkot.. Magcecelebrate nga tayo so dapat masaya.. Favorite po ni blue to di ba..?" nakita ko naman yung pagpupunas ng luha nito. " ay naku tita.. Yung adobo niyo masusunod yan..?" saad ko lang saka nilapitan yung kalan saka pinatay..
" aldred hindi pa luto yan.." kumuha lang ako ng kutsura saka to tinikman..
' masarap na po eh. Ok na yan.." ngiti ko.. Kumuha naman ako ng maliit na mangkok saka hiniwa yung cake.. " tita.. Nalito ako..? Di ba po black forest yung favorite ni blue..?"
" uhm hindi naman yun favorite nun eh..?"
" huh.. Eh ano po.?"
" caramel kaya fovorite nun.. Nakalimutan mo na.."
" talaga po.??. Pero po one time sabi niya masarap daw po yung black forest kaya I thought ito yung favorite niya.." ngiti ko lang. " tita tikman mo masarap.." saad ko saka inabot dito yung maliit na platito.. Napangiti lang ako ng sumubo to ng cake.
" masarap nga.." ngiti nito pero may luhang tumulo sa mata..
" tita.. Umiiyak ka nanaman..?"
" uhm aldred.. Tingin mo ba babalik pa si blue..?"
" oo naman po.." ngiti ko lang saka muling kumuha ng cake. " Maybe next month... Kasama na natin syang icecelebrate yung monthsary namin.. Kung hindi man sa susunod na buwan.. Baka sa next next next month.. Or maybe next year.." natigilan lang ako.. " maybe next next year.. After 2 years.. 5.. 10 years..?" nagsimula namang tumulo yung luha ko.. "Tita babalik sya.. Kailangan lang po natin magintay.. Ngayon.. Habang wala sya.. Sabay po natin icecelebrate yung mga okasyon na importante sa kanya.."
" aldred ang tagal na.. Pero wala pa rin sya.. "
" uhm hindi naman po tayo tumitigil sa paghahanap.."
" aldred miss na miss ko na yung anak ko."
" miss na miss ko na din po sya.. Sobra.."
" hanggang kailan tayo maghihintay aldred.. Nakakapagod na..?"
" tita wag po kayong mapagod.. Wag naman po.. Alam mo po tita.. Sa inyo po ako humuhugot ng laaks ng loob.. Para kayanin pa.. Para umasa.. Kaya tita please wag kayong susuko.." tumulo lang yung luha ko saka sumubo ng cake.
" aldred pano kung hindi na sya bumalik..?"
" tita mahigit isang buwan palang po.. Di ba sabi niyo po kahit habang buhay pa tayo maghanap sa kanya.. Hinding hindi po tayo susuko.. Sabi niyo po yun.. Wala naman pong iwanan..?"
" tama ka aldred.. Hindi dapat ako sumuko..." napangiti lang ako saka nilapag yung hawak kong cake at yumakap dito.. " oh hindi na nga ako susuko di ba..?"
" tita mangako po kayo na hindi kayo susuko.. Kasi hanggang di po kayo sumusuko.. Hindi rin po ako susuko.."
" oo aldred.. Kahit habang buhay pa yan.."
SI CHRIS
6 months after the incident.. Nakatingin lang ako sa magandang tanawin ng taal volcano..nasa isang restaurant kami nun sa tagaytay Napakalamig sa lugar na to.. Parang ang perfect ng lahat.. Ang bango ng simoy ng hangin.. Malayo sa anumang problema..
" chris ang ganda noh..?" napalingon lang ako kay blue saka napangiti.. Tumabi lang sya sakin.. Hinawakan ko naman yung kamay niya.ramdam ko naman yung higpit ng hawak niya sa kamay ko.
" blue.."
" uhm tuwing nakikita ko yung taal volcano parang.. Ang gaan ng pakiramdam ko.. Parang ok lang ang lahat.. Tingin ko kahit siguro hindi ko na maalala lahat.. Ok lang.. Basta kasama kita.. basta chris nanjan ka para hawakan yung kamay ko.." matamis na ngiti niya sakin..
grabe naman ang bagibg twist nang kwento...pero anong gagawin mo author para maibalik si Blue kay aldred at maparusahan ang mga walang kaluluwang gustong manira sana ibitin nang patiwari si irene, ang mama ni cris at si cris mismo,,,pati iyong ina animal din pala i mean ina ni cris...
ReplyDeleteKainis ka author, pinapaiyak mo ko. Sabi na nga ba eh, magkaka-amnesia c blue.
ReplyDelete-hardname-
Kawawa naman c blue lalo na c aldred. :( mapagsamantala naman tong c chris at ung mommy nya! C irene sana mamatay na sya. Haha
ReplyDeleteWhat ever happened to this story? Ginawang tanga na lahat ng tao.. It is such a waste na nasira ang kwento nito when it started really really well..
ReplyDeleteIyak.. isa pang iyak.. At iyak pa ulit.. Grabe author, nahirapan akong basahin to kakaiyak. Nkakaawa na si aldred, please author, pagaanin mo nmn ang sitwasyon. Huhuhuhu.. At pwede bang makabawi na kay irene. Sobra na xa. Grrrrrr...
ReplyDeleteang sadista mo author. pero gusto ko yung pagkasadista mo. hindi nga lang makatotohanan yung pagdala sa ospital. emergency nga eh, bakit s malayo pa dinala. ang utos ni satanista sa kabilang bayan. tas sa manila dinala haha.
ReplyDeleteNoce one tnx ha
ReplyDeletegeo
I was a big follower before, but as the chapter to chapter end it goes un-interesting. Nawawala na yung magic ng story. Before I always go back to the lines of each character kaso ngayon parang nakakatamad na sya basahin. Dear Author don't you think that you are losing the "magic" of the story? Pa check lang po kasi matabang na ang timpla mo ng kwento.
ReplyDeleteThanks!
Thadeus
edi wag kang MAGBASA ang dali dali lng BRO
DeleteLol! I just love reading the comments!!!! Dumadami na ang nagsasabing pangit na ang story! Gawin na kase ang ending ng story para makapagbasa na ko ulet hindi puto comments na lang!!!
ReplyDeleteAng pangit na ng kinahantungan ng napakagandang umpisa ng blue!!! Sayang na sayang! Dumadami na ang hindi natutuwa!!!
Pls author be spared with the comments of the critics end this story the soonest!
I completely agree to Thadeus. I understand that these events - betrayal/uncontrolled lust of blue, revenge of irene and the accident - were used to spice up the story and to test the undying love of blue and red. however, it is becoming so tragic that we readers are losing grip to the concept of young, unburdened and happy love of high school students. The plot of the story is becoming extremely one-sided and emotionally taxing. It seems like I am watching a teleserye where the protagonists have to suffer a lot (very passe concept of love story). The light romance flow which is very endearing earlier has been lost. Nevertheless, kudos still to the author for the best efforts.
ReplyDeleteRenzo
INFERNES kay IRENE may paki PARIN SYA KAY BLUE haha pero MUKHANG kaylangan nya ng ISANG SAPAK mula s ken . . BRUHA sya! !.. tnx author s update
ReplyDelete16KR!
Isa ako sa mga "silent reader" ng kwentong ito. I agree sa mga comments sa itaas na nawala sa katotohanan ang kwento. Bakit ang isang nakatatanda ay natakot sa bata gayong alam nya na sya ang tama.
ReplyDeleteBrix
Shet ka irene makaka tikim ka ren ng parusa bruha ka halika dto kakalbuhin ktang babae ka nakakaloka ka
ReplyDelete-Lime
Isa ako sa mga "silent reader" ng kwentong ito. I agree sa mga comments sa itaas na nawala sa katotohanan ang kwento. Bakit ang isang nakatatanda ay natakot sa bata gayong alam nya na sya ang tama.
ReplyDeleteBrix
Ang ganda,., kaya mo yan red wag kang bibitaw, babalik din si blue.... :'(
ReplyDeleteDear author, sana pamasko mo na sa amin na masugid mong tagasubaybay na sana magkaroomn kami ng peace of mind bago magpasko, na malaman o magkaroon ng magandang mangyayare kina Blue at Aldred. please!
ReplyDeleted ko na din nagustuhan ung story ngaun..
ReplyDeleteHmm .. maganda po yung story .. kso .. hmm .. ok im not a writer but as a reader msyado ng paligoy ligoy yung story .. msyado ng maraming characters .. ok na sa una kso habang tumatagal pahaba ng pahaba .. well maganda nmn yung mga twist kso kc pag ginawa mo tong drama sa tv for sure yung mga manunuod maiinis dhil sa dami ng ikot ng story .. siguro dpat katulad lng ng mga story ni kuya mike na khit marking twist walang paligoy ligoy yung daloy ng story .. sna po maintindihan nyo ..
ReplyDelete