Followers

Wednesday, April 16, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Teaser 3: Corina/Jun]


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

Facebook: Boy Cookies
E-mail Address: comegetmycookies@gmail.com

---
 

I can't believe we're losing it now. We own the top stars in the Philippines and now, we are going down? Production team! What is wrong with you? Tingnan niyo ang ratings!” Galit na galit na sigaw ni Corina habang binato ang isang makapal na folder na naglalaman ng makapal na papel sa mesa.

Our show, that should be showcasing our best female singing group, from 1st in its timeslot to 5th? Seriously? Naunahan pa tayo ng Baby Russel Show? What the hell is happening?!” Sigaw niya habang hinahampas ang mesa.

SOMEBODY SPEAK UP! GOD!” Sigaw niya sabay sweep ng mesa kaya natapon ang projector sa sahig. Galit na galit si Corina.

Ma'am,” pagtawag pansin ng isang babae kay Corina. Nakatanggap siya ng isang masamang tingin mula kay Corina bago tumango ito upang pagsalitain ang babae.

Ma'am, we're doing the best that we can. Kaso, our timeslot in NGC is so poor. Hindi conducive-”

WOW!” Sigaw ni Corina na may halong pagkasarkastiko. “SO, WE BLAME IT ON THE TIMESLOT NA TAYO RIN NAMAN ANG PUMILI? COME ON, THINK! KASALANAN NIYO YAN!” Huminto muna si Corina upang uminom ng tubig.

In the first place, sana pumili pala kayo ng mas magandang timeslot, eh bakit yan ang pinili niyo?! At ngayon, pangit ang timeslot, pero wala man lang kayong ginawang something enticing to invite people? Alam niyo, kahit mag-aalas dose pa yan ng gabi, kung gusto ng tao si Russel Mae, panonoorin talaga ng tao ang tiyanak na yun! THAT IS MARKETING! WAKE UP PEOPLE, WE ARE LOSING MONEY PER PERCENTAGE LOSS! EVERYTHING IS MONEY. DO SOMETHING ABOUT IT NOW!”

Tahimik. Nagkatinginan ang mga nagmi-meeting.

I SAID, OUT!” Malditang tili ni Corina. Nagkakandarapang lumabas ang mga tao sa loob ng conference hall. Maya-maya ay naupo si Corina at napahingal sa kasisigaw niya.

Laurel! Pakikuha ng laptop ko. Tubig na rin. Dali!” Sigaw ni Corina sa kanyang sekretarya. Wala pang tatlumpung segundo ay pumasok ang kanyang sekretarya dala-dala ang kanyang tubig at kanyang laptop.

Andito na po ma'am.” Sabi ni Laurel habang nilapag ng maayos ang tubig at laptop ni Corina.

Punyeta! Ang bobobo ng mga tao rito! Naku! Hoy Laurel, buksan mo nga iyang TV. Manonood ako ng balita. Bilisan mo.” utos ni Corina kay Laurel. Tumakbo naman si Laurel sa TV stand at binuksan ang TV. Matapos itong mabuksan, tinignan muna ni Laurel ang TV saglit nang marinig niya si Corinang sumigaw.

O ANO MANONOOD KA NA LANG BA? BILISAN MO LINISIN MO TONG KALAT SA CONFERENCE TABLE! HINDI KITA BINIBIGYAN NG SAHOD PARA TUMUNGANGA LANG!” Kaagad na nagising ang ulirat ni Laurel at naglinis sa mesa, tinapon ang kalat, at naglinis naman.

Nang lumabas si Laurel para itapon ang kalat sa mesa, nanakaw ang atensyon ni Corina sa TV mula sa paggawa ng report. Isang news flash ang dumating.

Isa sa pinakamagaling at hinahangaang direktor sa larangan ng pelikula ay pumirma na ng contrata para sa merging ng ownership sa NGC Broadcasting Corporation. Si PM Realoso, direktor ng Boom Baby, Fireshotter, at Hot Strings, nakipagmerge na ng share at ng nanay niya na si Jonah Realoso.

PM: I'm really excited to work with NGC Broadcasting Corporation. I will bring NGC back to the top and elevate the quality of our media.

Sisimulan na ni PM ang kanyang serbisyo sa NGC sa pamamagitan ng pagdirect sa upcoming breakthrough movie ng taon at pagpoproduce ng reality show na naglalayong humanap ng bagong breed ng stars.

Natulala si Corina sa nakita sa TV. Hindi maaari. Patay na siya. Dapat patay na siya. Hindi siya dapat maging si Angelo.

Dahil kung siya si Angelo... I am fucked.

Hindi nasiyahan si Corina kaya agad niyang sinearch ang pangalan ni PM. Nang nakita na niya ang mukha ni Angelo, natapon niya ang baso ng tubig sa sahig. Hindi pwede. Siya nga. Siya! Bakit?! Papaanong??

...

Realoso. Shit! Kinupkop siya ni Jonah! Kinuha siya ni Jonah! Malamang si Jonah ang nag-alaga sa kanya! Tanginang matandang yan! Walang hiyang matandang iyon. Patay. Patay? Anong gagawin ko?!

BOOOGSH! Natapon ni Laurel ang tinimplang kape at nabasag ang tasa. Nakatingin si Laurel sa laptop ni Corina at naluluha.

"Ma'am... Si Angelo yan?"


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

7.1.14


---
 
Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.


Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final 

19 comments:

  1. Grabe ang tagal neto author pls po mag post kana ng update sa story

    ReplyDelete
  2. Grabe ang tagal neto author pls po mag post kana ng update sa story

    ReplyDelete
  3. Magpakamatay kana Corina hahhahaha


    Boholano blogger

    ReplyDelete
  4. FYI. If you're gonna use names of real life people, be mindful of giving them names. Mas okay siguro if you change something on the name hindi yung eksaktong eksakto like Ryzza Mae. It's offensive to call her tiyanak unless hindi siya yung tinutukoy na Ryzza Mae ng Ryzza Mae Show. Sorry but it's a writer thing. Thank you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! The point of using the seemingly exact name to be criticized is to put real-life impact on the character. It wasn't made deliberately to defame Ryzza Mae at any point. In fact, I wasn't even talking about which Ryzza Mae am I exactly talking about.

      As I was writing this teaser, I didn't see any issue at all. Because all names are real-life as they are, depends on the people interpreting the name given. However, since this became an issue to you, I'll fix this as soon as I can gain access. Thank you very much!

      -Cookie Cutter

      Delete
    2. Grabe ang Ryzza Mae Show umabot ng 12 years ang airing 2014-2026

      123

      Delete
  5. This must be interesting!!! Patay kau!!iys pay back time!! Kelan simulan ang exciting stories..ang tagal naman!!

    ReplyDelete
  6. AUTHOR first of all ang ganda ng pagkagawa ng story niyo at sana po ipalabas niyo na ang lahat ng teaser araw- araw akong bumibisita sa MSOB site pra d2


    123

    ReplyDelete
  7. Ryzza Mae Show talGa hahaha naging 5th place sa ratings xd
    anyway alAm kong Fiction story lang ito sana naman wag laitin yung bata yung shanak na line

    123

    ReplyDelete
  8. Ganda na tlaga nito.. Cguro nmn d yun sinasadya ng author kc s eksena eh galit galit c corina kya un.nasabi nya..

    I agree din po s iba nga ibahin n lng instead na rysa mae show gawi n lng n anak ni janice show n lng.

    ReplyDelete
  9. Anggaling. Magkamuka si Jun saka si Dmitri. Hahaha! :D -bing

    ReplyDelete
  10. Tnx author sa update kahit teaser lng.. sana maipost na ung story.. honestly i like genres like this and i dont know why.. masochist ata aq.. hahaha.. joke lng po..

    Anyways cant w8 for the Book 2 and your others stories.. naalala q pa, mas inuna q pa ung basahin kesa magreview sa exam namin, kaya un.. hahaha.. tnx po ulit..

    Joma of Bicol

    ReplyDelete
  11. Idol! Weeeeew ang ganda ng teaser! Excited na ako sa susunod na teasers c: ~Ken

    ReplyDelete
  12. Kinase!!!! puro teaser hahahaha

    ReplyDelete
  13. Fifteen days pa bAgo pa ipLabas ang teaser 4

    Let me guess GIO/GAB?

    123

    ReplyDelete
  14. update na po pls...tagal ko na rin to hinintay author...

    ReplyDelete
  15. update na po pls..tagal ko na po tong hinintay..plz...

    ReplyDelete
  16. update na po pls...tagal ko na rin to hinintay author...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails