Good
day po sa lahat ! Gusto ko lang po ulit na lubos na magpasalamat sa blog na ito
for letting me post my story.
Muli,
ako po ay isang newbie writer and this is my first. I know that I have so much
to improve and I'm willing to learn. Your comments and critiques would be
highly appteciated! Thank you!
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
CHAPTER
2: Spark
After
2 days...
Talaga namang
na miss ko na si Trev kahit sandaling panahon pa lamang ang dumaan. One week na
lamang ang nalalabi para sa aking summer vacation. I decided to check kung
online siya sa facebook. Medyo kabado ako as I logged my account. Kakaiba
talaga ang tama ko sa aking bestfriend. Excited kong chineck ang online friends
sa chat tab at hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang pangalang Trevor
Martin Corpuz sa special tab na ginawa ko para sa kaniya, labelled bestfriend.
Nagdalawang
isip akong kausapin siya dahil sa ilang na nararamdaman ko pero chance ko na
ito so I clicked his name anyway.
"Hi
best." Ang pambungad ko dito. Alam kong nakita niya ang message ko dahil
sa seen status nito.
1 minute, 2
minutes, 3 minutes... I was about to give up at isiping na seen zoned ako when
ATLAST! nagreply na siya!
"Hey
Clyde, what's up?"
"Hmm..wala
lang na miss lang kita." Shoot o.o why did I even said that xD Kinabahan
ako sa magiging response niya sa aking sinabi ng biglang...
"Me
too." Waaaa, is that for real?! Parang gusto nang mag jumping jacks
ng puso ko when I read what he said. As in super kilig talaga ang naramdaman ko
and I know that my face is very red right now.
The situation
was really awkward para sakin kaya i changed the topic.
"Kamusta
na pala kayo diyan? Sila tito and Tita?"
"Medyo
pagod sa pag-aayos, they're still unpacking our stuffs dito sa apartment."
"Ahm,
Clyde kamusta na yung mukha mo? May pasa ba?" "I know I am such an
idiot for hurting you, hindi ko talaga sinasadya, pati na rin dun sa mga nasabi
ko sayo. Im really sorry. Please forgive me :(" mabuti na lamang at siya
ang nag open up ng topic na iyon. Nahihiya kasi akong magsabi sa kaniya.
"Okay lang
ako Trev, kulang pa yung suntok mo kung tutuusin sa ginawa ko sayo. pero gusto
ko lang sabihin sayo na nagawa ko lang yun because I love you. Hindi ko alam
kung kailan pa ito nagsimula. I just woke up one morning and I started falling
for you."
"Pero kasi
Clyde, alam mo namang hindi ako bakla diba? Special ka sakin Clyde, I do not
want to lose our friendship, ayaw ko ding mawala ka sakin."
"Hindi ko
naman hangad na ireciprocate mo etong feelings ko para sayo. Gusto ko lang
malaman mo para wala akong pagsisihan kapag nagkataon man." "Malay
mo, in due time ma fall ka din sa akin, I'll take my chances, haha." Hindi
ko talaga ma gets kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob sa mga pinagsasabi
ko sa kaniya. Hayyy, ganito siguro talaga kapag inlove ka xD.
"Haha,
loko ka talaga, kung nandiyan lang ako kanina pa kita nabatukan. can you give me time for this? Gusto ko munang
pag isipan."
"Cge Trev,
I will give you the luxury of time. Hindi ko naman ipinupush ang sarili ko
sayo, hindi din kita pipiliting mahalin ako." "But Trev always
remember that no matter what happen you'll always be my bestfriend at walang
makakaagaw noon :-) "
"Thank you
Clyde for understanding me. Kaya kita naging bff eh. At huwag kang mag alala
dahil kahit ano ka pa, ikaw pa rin si Clyden Joseph Bueneventura ang nag iisang
bestfriend ni Trevor Martin Corpuz at hinding hindi iyon magbabago."
"I love
you Trev."
"Thank you
very much Clyde." Ang pagtapos niya sa aming usapan.
Magkahalong
lungkot at saya ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Saya dahil panatag
ang loob kong hindi na galit sa akin ang aking bestfriend at lungkot dahil alam
kong may kalabuang mahalin niya rin ang isang tulad ko.
Naging regular
ang pag-uusap namin ni Trev through online chatting. Kahit papaano any naibsan
ang pangungulila ko sa kaniya. Ngunit iba pa din talaga kapag personal mong
kasama ang isang tao. Na miss ko yung bonding naming dalawa, ang tawana't
biruan, ang pag jajamming pati sa kalokohan, at maging ang chick sighting na
talaga namang na eenjoy ko pag siya ang kasama ko. Wala siyang kaalam alam na pati
mga hot na boys ay sinasight seeing ko xD
3
days before my first day in college...
tok...tok...tok...
Sunod sunod na
katok ang gumising sa akin nang umagang iyon. It was mom. Claire ang pangalan
ng mama ko. Dito rin binase ang pangalan ko with my father's name, Vlyde
combined. Oo nga pala , Dad already died when I was 6. Biktima siya ng hit and
run at nangyari ang aksidente sa kalagitnaan ng pagpapasyal sakin ni papa.
Napakavivid pa din tragic scene na yun na naikintal na sa aking isipan simula
pa lang pagkabata...
I remember how
I chased after that balloon...
Ang matinis na
busina ng kotseng papalapit...
Ang mabilis na
pagtakbo ni papa sa aking kinaroroonan...
Ang pagtulak
niya sa akin upang malayo ako sa kapahamakan...
Ang pagbundol
sa kaniya ng kotse at ang malakas na pagbagsak ng kaniyang duguang katawan...
At ang hinding
hindi ko malilimutan...ang mukha ng lalaking pumatay kay papa.
I was right
there, I froze in fear and shock as I watched the life of my dad being slowly
sapped away. Grabeng trauma ang naidulot sa akin ng aksidenteng iyon. Magmula
noon ay may namuo nang pagkamuhi sa akin para sa lalaking umutang ng buhay ni
papa at nagbigay ng labis na kalungkutan kay mama.
Magmula noon ay
si mama na ang tumayong tatay at nanay ng tahanan. Nagsimula kaming maghirap
dahil dad's relatives refused to help us. Medyo against kasi sila kay mama. But
she refused to give up at nakita ko kung pano siya tumayo sa sariling mga paa
upang itaguyod ako at dahil na din sa pagsisikap niya, medyo stable na ang
buhay namin ngayon. Ok enough drama let's get back to reality
"Clyde,
kumain ka na't maligo't magbihis. Diba ngayon tayo bibili ng gamit mo for
school? Sasabay na rin akong mag grocery."
"Okay po
ma, lalabas na po ako."
Kinusot ko ang
aking mga mata at naginat inat muna. Di pa rin nawawala sa aking isipan si
Trev. He's always running in my mind and it is making me crazy. Di ko maiwasang
mapa smile kapag naiisip ko siya at talaga namang para akong tanga.
Kinuha ko ang
towel ko sa cabinet and searched for clothes na isusuot ko. Pumunta ako sa
banyo para gawin ang mga dapat gawin at kumain na ng almusal. Pagkatapos ay I
groomed myself at nagpapogi muna sa salamin bago inayang lumarga na si mama.
Hindi kami
mayaman. Kung hindi lang ako isang scholar ay wala akong pagkaataong pumasok sa
isang costly at prestigious university sa Cavite. Wala kaming kotse kaya nag
commute kami papunta sa mall. S.M. DasmariƱas to be exact. Binigay sakin ni
mama ang pera para bilhin ang lahat ng kailangan ko. Pinaalalahanan din niya
akong huwag masiyadong mahal ang pipiliin. Sinabi niyang magkita na lamang daw
kami sa food court kapag tapos na ako sa pamimili.
So I strolled
from stall to stall alone. Talaga namang jam packed sa tao ang mall dahil
pasukan na naman. Busog na busog naman ang aking mata sa kaka sightseeing sa
mga nag gaguwapuhang nilalang na dumadaan sa aking harapan. Muntikan ko nang
makalimutan ang aking dapat gawin nang ako ay natauhan. Oh Lord patawarin niyo po ang
makasalanan kong mga mata xD Kayo naman kasi eh bakit ang yayummy ng mga tao
dito haha xD
Isa isa ko na
ngang binili ang mga kailngan ko for school. Ugali ko nang mag stock ng
naraming supplies para hindi ako bili ng bili kaya nama medyo marami rami din
ang bitbit ko. Tinext ko na si mama para magkita na kami sa foodcourt.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman napag pasiyahan kong bumili muna ng
refreshnent.
Tinext ko ulit
si mama dahil parang natagalan na siya. I was not looking on where I'm going
dahil sa pag tetext, kaya naman nagulat na lamang ako nang may isang lalaki
akong nakabanggaan. Bad news, nalunod ako sa juice na binili ko, good news? Ang
hot ng nakabanggaan ko, as in. Natulala lang ako habang nakasalampak pa rin ako
sa sahig at tumilapon ang mga pinamili ko.
His face was
like an angel's. Halata rin na maganda yung katawan niya dahil sa semi fit
t-shirt na suot niya at talaga namag artistahin ang kutis ng guy na nasa
harapan ko. His features seemed familliar pero hindi ko lang mapinpoint kung saan
ko siya talagang nakita. I shook off the thought dahil baka naman nagkakamali
lamang ako.
Hindi ko alam
kung ilang seconds akong nag space out dahil sa appeal ng lalaking ito. Bigla
na lang akong natauahan nang marinig ko yung boses niya. Lalaking lalaki at may
pagkacommanding ang dating.
"Hey dude,
are you all right?"
"H-a?"
ang nauutal kong reply.
"Tinatanong
ko kung okay ka lang ba?" Sabay ngiti na nagpalabas sa dimples na nasa
magkabilang pisngi nito. Talaga namng nakakapanghina yung ganoong tanawin.
Feeling ko lumutang ako ng mga 3 inches lang naman above the ground. Gustong
gusto ko nag matunaw nang mga sandaling iyon.
"A-h, oo,
o-o, okay lang ako." sabay tayo ko at aktong pulutin na yung mga pinamili
ko.
Mabait naman
yung guy at tinulungan niya akong pulutin din to.
"Oh,
you're soaking, sorry talaga."
"Ahm,
kasalanan ko naman din kasi eh. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
I was dumbfounded sa next move na ginawa niya.
Gamit ang sarili niyang panyo, hinawakan niya yung mukha ko sabay pinunasan. Grabe!
heaven talaga yun mga atii xD, ang harot harot ko na naman.
Alam kong mag
ba blush ako ng todo todo at mahirap itago yun, kaya naman kinuha ko na lang
yung panyo niya.
"ah, ako
na, nakakahiya. Salamat."
"Sorry
talaga, hindi ko sinasadya."
"Ah, eh,
hindi, wala kang dapat isorry. It was all my fault. Thank you for your
kindness."
"Hmm, kung
ganoon eh, mauna na ako. I'm looking for a friend kasi. Sige see ya!"
Nginitian niya lang ako nang ubod ng tamis at tuluyan na siyang umalis. hayyyy,
came so fast, gone too soon xD
I am still
spacing out dahil sa gesture of kindness na pinakita ng lalaki nang ma realize
ko na naiwan niya pala yung handkerchief niya. I was about to chase him para
sana isauli pero naglaho na ito sa aking paningin. How I wish I got his name. Maghunos
dili ka Clyde, may mahal ka na diba, huwag masiyadong malandi xD Natawa
na lamang ako sa nasabi ko sa sarili.
Umupo na ako sa
isang table sa foodcourt at pinunasan ang basa kong damit. Chineck kong muli
ang panyong naiwan sakin. Mamahalin ang brand at talaga namag nakakahypnotize
yung scent ng pabango niya. Sarap langhapin. Adik lang Clyde? landi pa more!
Naabutan ako ni
mama sa ganoong eksena, Agad ko namng dinivert ang usapan para hindi na niya
itanong.
"Ma, bakit
naman ang tagal tagal niyo po." ang pambungad kong tanong, with matching
duckface.
"Hayy,
grabe kasi ang dami ng tao dun sa grocery anak eh. Oh bakit para kang basang
sisiw diyan?
"Ay, wala
lang po ito ma, natapunan lang po ako ng juice na iniinom ko." ang
pagtatangi ko sa totoong nangyari. Ayaw ko na kasing tanungin pa ko ni mama ng
kung ano ano.
"Hay, naku
naman kasi anak napakaclumsy mo. Tigas tigasan mo naman kasi ng kaunti pag may
time!" ang pang aasar sakin ni mama sabay halakhak ng napakalutong.
Hindi na kasi
lingid kay mama na medyo alanganin nga ako. Alam kasi niya na medyo malaki ang
epekto ng pagkawala ng isang father figure para sakin. At isa pang impluwensiya
ang pang bababy niya sa akin noon. Si mama lang ang may alam ng lihim kong ito
at wala nang iba pa.
"Mama, nagugutom
po ako, order naman tayo ng malalafang." Talaga namang I am free as a bird
at puwedeng puwede kong iexpress ang tunay kong sarili around my mom at talaga
namang napakathankful ko dahil siya ang binigay na nanay ni Lord para sa akin.
"Oh sure
baby, ano bang gusto mo? Huwag masiyadong mahal ah, at magpapasukan na! Strict
ang budget natin." ang pangunguna sakin ni mama.
Nag desisyon na
lamang kaming sa McDonald's kumain. Mura at favorite ko ang lugar na ito dahil
dito ako laging dinadala ni Dad when I was little. I was full na at nagdesisyon
kami ni mama na umuwi na. On our way to the terminal, may nakita akong pamilyar
na tao.
"Si
lola..." ang bulong ko sa sarili. Siya yung lolang nasa tapat ng bahay
nila Trev. Laking pagtataka ko naman kung anong ginagawa niya dito. Nakatingin
lang siya sa akin at nakangiti from afar. Nginitian ko rin siya at aktong
napalingon ako sa kaliwa at nakita ko ang isa pang pamilyar na mukha. OMG!
si kuyang nakabangaan ko. Bumaling ako ng tingin pabalik kay lola, at
as usual nawala na naman siya. I smell something fishy na talaga sa kaniya
ha!
Bigla bigla ko
na lang nakikita in unusual places tapos bigla bigla ding mawawala. Kung
curious kayo sa hitsura ni lola, kamukha po siya ni Ms. Cuntapay kaya naman
medyo may pagkacreepy talaga. Back to the story...
Naalala kong
nakalimutan nga palang kunin ng lalaki ang panyong pinahiram niya sa akin.
Nagdalawang isip ako kung isasauli ko pa ba or itatago ko na lang. Isa pa
kasama ko si mama kaya baka kung anu anong sabihin niya dun sa guy. I decided
na itatago ko na lamang ang panyo as remembrance na lang kumbaga mula sa isang
napakagandang nilalang.
Medyo madilim
na nang makauwi kami ni mama. Medyo nanakit at talaga namang napagod ang
katawan ko dahil ako lang ang tagabuhat ng aming mga pinamili. Nagpahinga
lamang ako sandali pagkatqpos ay nagpaalam na kay mama.
"Ma,
magpapahinga na po ako."
"Okay
baby. Rest well. Good night."
"Kayo din
ma, matulog na."
"Sige lang
anak at aayusin ko pa tong mga binili natin."
Naglinis muna
ako ng katawan bago pumunta sa aking kuwarto. Magaan ang pakiramdam ko ng araw
na iyon at hindi ko alam ang direktang rason. Kinuha ko ulit yung panyo nung
lalaki at muli kong inamoy amoy.
"I know he
really looks familliar to me at hindi ako puwedeng magkamali." ang bulong
ko sa sarili habang nakahiga sa aking maliit na kama.
Hindi ko lang
talaga ma tunton sa aking memorya kung saan at kailan.
"hay,
pinapasakit niya lang ang ulo ko."
Bago ako
matulog ay naglog in ako sa facebook. Balak ko kasing kamustahin si Trev. Masuwerte
naman ako at online ito. Kamustahan, kuwentuhan ng mga karanasan, at natapos
din ang aming usapan. Hindi ko nakakalimutang sabihin kay Trev na mahal ko
siya. Pero maski ako ah nalilito na. Gaano nga ba talaga kalalim ang pagmamahal
ko sa kaniya? Hay, hindi ko na alam. Basta mahal ko siya tapos ang usapan.
Araw
ng pasukan...
"Clyde,
gising na anak, first day mo ngayon kaya dapat maaga ka!" ang energetic na
bungad sakin ni mama. Mukha yatang mas excited pa ito kaysa sakin.
Kinusot ko ang
aking mga mata, nag inat at tumingin sa orasan. Alas kuwatro imedya na ng
madaling araw. Tinungo ko ang banyo upang gawin ang aking morning rituals.
pagkatapos ay masaya akong kumain ng almusal kasama si mama. Talaga nmang proud
na proud ito sa akin dahil sa isang magandang unibersidad ako papasok na
kadalasa'y mga maykaya ang mga estudyante.
Nagbihis na
ako, kinuha ang aking bag at allowance at nagpaalam kay mama.
"Mag
iingat ka Clyde, at huwag kalimutang mag enjoy baby."
isang halik
naman sa pisngi ang tinugon mo kay mama.
Suamakay na ako
ng jeep patungo sa aking eskuwelahan. underaged pa kasi ako kaya naman hindi pa
ako puwedeng magmotor sa mga major roads at talaga namang yari ako kapag
nahuli.
Dumating ako sa
university after a 30 minutes ride mula sa bahay. Pagbaba ko ng jeep ay hindi
ko maiwasan ang kabahan. First time ko kasi itong papasok sa isang pribadong
pamantasan. Magmula kasi elementary hanggang highschool ay sa public school
ako.
"Push mo
lang ito Clyde, okay lang yan." ang pagpapakalma ko sa aking sarili.
Hindi ito
anguna kong pagtuntong sa university. Nagtour na ako dito noong enrollment para
naman hindi ako masiyadong patanga tanga sa first day. Oo nga pala, BS
Psychology po ang kursong kinuha ko. Dumiretso ako sa building ng College of
Liberal Arts and Communication. Dito kasi ang schedule ng aking first class.
Medyo naiilang
ako sa mga matang nakatingin sa akin pero di ko na lang masiyadong pinansin.
Guwapo naman kasi talaga ako kung tutuusin. Ang hangin fre xD
Kinulang lang ng onfidence sa sarili.
Natunton ko rin
ang designated room number at sinilip ko ang loobng room. Mangilan ngilan pa
lamang ang tao dito. Umupo ako sa bandang likuran. Ayaw ko kasing mapansin kaya
simula pa noon ayy sa likod ng seating arrangement ang favorite part ko.
Sa loob ay nakaramdam
ako ng lalong pagkailang dahil sa pagtingin sa akinng ilang kababaihan.
Nginitian ko na lamang sila para marelease ang anxiety na nararamdaman ko.
"Sis, look
at that guy oh, ang cute puwedeng puwede."
"Ayy, oo
nga sis, kaso parang di pa matured, bagets na bagets ang dating."
Pakiramdam ko
ay nanliliit ako sa mga bulungang naririnig ko. Na flatter naman ako pero
mostly nahihiya ako sa mga nangyayari.
A girl
approached me.
"Hi there!
freshman?'
Maganda yung
girl. May hawig siya kay Emma Watson. Siya yung tipong crush ng bayan type at
talaga namang kalolokohan ng mga boylet. Tumingin muna ako sa paligid bago ako
nagreply.
"Hmm...A-ko
ba?"
"Ay hindi
hindi! Yung upuan po yung tinatanong ko. Siyempre ikaw! Ikaw lang naman ang tao
sa harapan ko diba?" Sabay bitaw ng killer smile na talaga namang
magpapalambot sa tuhod ng mga kalalakihan. Pero siyempre nerfed na ang epekto nito sa
akin. If you guys know what I mean hehe ;D
"Can I sit
here?" sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Ah, su-re
no problem."
"My name's
Venus nga pala. 2nd year Psychology student, irregular. Ikaw?"
"It's
Clyde. Clyde Buenaventura. Psychology din, first year."
"Okay I
now proclaimed that starting from today you are my friend na." Sabay ngiti
na naman ng napakasweet.
"Ha-a?
hmm...okay." Sabay bitaw ng isang pilit na ngiti.
"Teka nga
lilinawin ko lang huh, hindi kita type! as in NO, NO, NO. Over my dead
beautiful body. I'm just so friendly and kind as hell, hahaha." Sabay
pamaywang at taas ng kilay sabay astang fashion model na talaga namang bagay na
bagay sa ganda niya.
"Hahaha,
okay sabi mo eh." talaga namang natuwa ako sa pagkakuwela nitong bago kong
kakilala. Medyo nawala na yung kaba at ilang na nararamdaman ko kahit papaano.
"Ayan!
ngumiti ka rin. Kanina ko pa kasi napapansin na medyo tense ka ateng eh."
"Ateng?"
napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi."
"Haha,
ateng talaga ang tawag ko sa mga kaibigan kong babae at bekimons." sabay
ngisi niya sa akin ng nakakaloko.
"Ha?
hi-ndi ako bak-la ah." Medyo namula ang pisngi ko sa sinabi sa akin ni
Venus. Grabe naman ang sensor nitong babaeng to! katindi!
"Haha,
hindi pa nagkakamali ang instincts ko ateng, pero okay lang naman kung ayaw mo
umamin your secret will be safe with me. Kaya huwag kang masiyadong mag
alala."
Tuluyan na
ngang gumaan ang loob ko kay Venus. Talagang ineensure niya na hindi ako
maiilang or macoconscious sa paligid ko. Hindi ko na namalayan na unti unti
nang napuno ang room ng mga estudyante. Hanggang sa pumasok ang isang pamilyar na
tao...
itutuloy...
UPDATE NA PO PLEASEEEEEEEEEE SO STOKED!!!!! <3
ReplyDelete