Followers

Tuesday, April 29, 2014

Fated Encounter 4


CHAPTER FOUR

TUMANGO SIYA SAKA BINUKSAN ang pintuan ng kotse. Bago siya bumaba ay isang nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay niya kay Joen. Lumapit siya sa kulay kahel na gate na may kataasan. Siya at ang lola niya ang nakatira sa may kalakihan na bahay na iyon. Kasama sana nilang naninirahan sa bahay ang tita niya at tatlong lalaki niyang pinsan ngunit umuwi ang mga ito sa probinsya para magbakasyon.
            Kumatok siya ng ilang beses sa gate. Nagbabakasakali lang siya na may magbubukas ng gate para sa kanya. Alam niya na tulog mantika ang lola niya at malakas na humilik. Ala una na ng madaling araw at tiyak niya na sa kasarapan na ng pagtulog ang mahal niyang abuela. Muli siyang kumatok. Sa pagkakataong iyon ay may lakas at diin. Sana kahit ngayon ay magising ang lola niya dahil kung hindi ay tiyak na tiyak niyang aabutin siya ng umaga sa kahihintay dito. Tiyak niya rin na sa labas siya ngayon matutulog.
            Nagulat siya ng may humawak sa balikat niya. Napalingon siya sa may-ari niyon. Si Joen. kumunot ang noo niya. Ang buong akala niya ay nakaalis na ito. Masyado yatang na-focus ang atensyon niya sa pagkatok sa gate at hindi niya napansin na huminto sa hindi kalayuan ang kotse nito.

            "Akala ko nakaalis ka na," sabi niya.
            "Dapat nakaalis na kami pero nag-decide ako na pahintuin ang kotse sa hindi kalayuan at hintayin na makapasok ka. Mukhang wala ng magbubukas ng gate," pagpuna nito,
            "Mukhang wala na nga," pagsang-ayon niya. Ang lola ko lang ang nasa loob. Tulog mantika pa naman `yon. Maghihintay na lang ako na magising siya."
            Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napahikab siya. Tanda na inaantok na siya.
            "Kung gusto mo sa bahay ka na lang matulog," suhestiyon nito.
            Nagulat siya sa alok nito.
            "Gusto mo sa bahay ka na lang matulog," ulit nito.
            "Seryoso ka?" HIndi naniniwalang paniniyak niya.
            "Mukha ba akong nagbibiro?" balik-tanong nito.
            "Hindi."
            "So, payag ka na?"
            Saglit siyang nag-isip. Inaantok at puyat na siya. Anumang oras ay bibigay na ang talukap ng mata niya sa sobrang antok. Kung maghihintay siya na buksan ng lola niya ang gate na mukhang malabong mangyari ay dito siya sa labas matutulog. Malamig at hindi komportable at baka may mangyaring masama sa kanya. Kung matutulog naman siya kina Joen, tiyak niya na magiging kumportable siya sa malambot na kama ng guest room nito.
            "Sige. Payag ako."
            Maluwang na napangiti si Joen. "That's good to hear. Tara."
            Hinawakan nito ang kamay niya. Walang malisya iyon dito ngunit sa kanya ay mayroon. Malambot ang kamay nito para sa isang lalaki. Anak mayaman talaga. Gusto niyang tanggalin ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito pero hindi niya ginawa. Ang sarap kayang may ka-holding hands. Lalo na at gwapo pa ang nakahawak sa kamay niya.


HUMINTO SA isang malaking bahay sa loob ng isang kilalang subdivision ang kotse ni Joen. Wala sa sariling bumaba si Vin. Namamangha siya sa karangyaan na nakikita niya sa paligid. The house was enormous and beautiful. Alam niya na mayaman si Joen base sa kilos nito ngunit hindi niya inakala na ganoon ito kayaman. Tuloy nagtataka siya kung ano ang ginagawa nito sa lugar nila. Kung ano ang ginagawa ng mayamang lalaki sa hindi kagandahan nilang lugar. Ngunit sabi nga nito kanina ay umalis ito sa bahay nito para umiwas sa mga katulad niya.
            "Tara na sa loob," ani Joen. Nauna itong naglakad.
            Habang naglalakad papasok ng bahay nito ay abala ang mga mata ni Vin sa pagtingin sa paligid. Hindi niya talaga maiwasan ang mamangha sa nakikita. Akala niya ay sa magazine lang siya makakakita ng ganitong bahay ngunit nasa harapan na niya ngayon ito. Batid niya na ang lahat ng kasangkapan sa bahay ay matataas ang kalidad.
            "Ouch," daing niya nang tumama ang kanyang noo sa likuran ni Joen. Sa sobrang bala ng mata niya ay hindi niya napansin na huminto ito. Hawak ang nasaktang noo, humingi siya ng paumanhin dito. Nasa isip niya na kailangan niyang maging magalang at tingnan ang bawat kilos niya dahil hindi kung sino-sino lang si Joen. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magpapa-api siya dito kung sakali na maulit ang nangyari kanina.
            Humarap sa kanya si Joen.
            "Pasensya na!"
            "Okay ka lang?" May pag-aalala na tanong nito.
            Natigilan siya. "Okay lang ako," sabi niya. "Ikaw okay ka lang?"
            "I'm okay. Sa ating dalawa mukhang ikaw ang mas nasaktan. Masyado atang malalim ang iniisip mo kaya hindi mo napansin na huminto ako." Ngumiti ito.
            Tumango siya. Parang timang lang. "Oo. Hindi kita napansin. Masyado kasi akong nagagandahan sa bahay n'yo. Ang laki at sumisigaw ang karangyaan. Ang sarap sigurong tumira dito."
            Nawala ang ngiti sa labi ni Joen. Napalitan iyon ng lungkot.
            "M-may nasabi ba akong mali?"
            Umiling ito. "Wala naman."
            "Sigurado ka ba?"
            Joen just nod. His smile was sad. "Actually I'm not. Tama ka mayaman nga ako at nagsisigaw ng karangyaan ang apat na sulok ng bahay na ito pero hindi masayang tumira dito. Mayaman ka nga kung wala ka namang kasama, napakalungkot. Mayaman ako dahil mayaman ang magulang ko pero hindi sa `kin ito. Mayaman nga ako pero puro naman problema ang hatid niyon. Idagdag pa ng malaman ko na.."
            "Joen!"
            Napapitlag siya. Nagulat naman si Joen nang marinig nila ang buong-buo at malakas na sigaw ng matandang lalaki na nakatayo sa may hagdanan. May galit sa mga matang nakatingin sa kanila. Partikular na kay Joen. Kahit na nagulat siya at may kaba sa dibdib niya ay hindi niya napigilan ang sarili na mag-obserba. Ito ba ang daddy ni Joen? Bakit walang resemblance ang mga ito? Ang layo ng hitsura ng mag-ama.
            "`Pa," narinig niyang sabi ni Joen. Nakayuko ito kahit na nasa harapan na nila ang daddy nito.
            Talagang nagtataka siya kung bakit walang resemblance ang mga ito. Siya na rin ang sumagot sa sarili niya. Siguro, namana ni Joen ang looks nito sa ina nito kaya ganoon. Mestisuhin si Joen parang may lahing kastila. Maganda ang kulay hazel brown nitong mata na kung tumitig ay nagsusumamo. Maganda ang hugis ng matangos nitong ilong at mapupula ang labi. Samantalang ang tinawag nitong 'papa' ay moreno ang kulay. Aminado siyang may kagwapuhan ito at matikas pa rin ang tindig kaso ay walang panama sa anak.
            Talagang mag-ama ba ang mga ito?
            Babatiin na sana niya ang daddy ni Joen ngunit hindi siya nito pinansin. Nilampasan siya ng daddy ni Joen na walang panama sa anak nito.
            "Johanson Enrique Castillo! Ano na naman ang ginawa mo? Bente dos anyos ka na pero kung umasta ka ay parang teenager. Hindi ka na bata, Joen. Matuto kang umakto na naaayon sa edad mo. Kahit kailan talaga ay sakit ka sa ulo! Konting-konti na lang at susuko na ako sa`yo!" Sunod-sunod na sabi ng galit na daddy ni Joen.
            "`Di sumuko ka! Wala akong pakialam. Mabuti nga `yon para makaalis na ako sa bahay na ito. Ang tagal ko nang hinihintay na mangyari `yon! Siguro kapag nangyari `yon ay ako na ang pinakamasaya. Magiging malaya na `ko at malalayo sa katulad mo na.."
            "Katulad ko na ano?" pamumutol ng daddy ni Joen sa sasabihin sana nito.
            Magsasalita pa sana si Joen ngunit napipilan ito. Hindi na itinuloy ang sasabihin.
            "Bakit hindi mo ituloy Joen? Ituloy mo kung ano ang sasabihin mo. Ano ang katulad ko!?"
            Sa tabi lamang si Vin. Palipat-lipat ang tingin sa mag-amang nag-aaway sa harapan niya. Ano ba ang nasuong niya? Ano ba ito? Hindi ba nahihiya ang mag-amang ito na magsagutan sa harapan niya?
            Damang-dama niya ang galit ni Joen sa ama nito. Grabe naman ang pagpipigil ng daddy nito na masaktan ang anak. Bakit parang galit na galit si Joen sa papa nito? Ano ba ang katulad ng ama nito?
            Well, siya rin naman ay ganoon. Galit siya sa ama niya. Sa ama niyang hindi siya tanggap. Sa ama niyang iresponsable at tamad pero nagawa pang mambabae. Sa ama niya na walang pangarap sa pamilya. Sa ama niyang lasenggero at basagulero na kapag nakainom ay sa kanilang pamilya ibinabaling ang frustration sa buhay.
            Pinigilan niya ang sarli na maiyak sa alaalang bumabalik sa isipan niya. Hindi napapanahon para isipin niya ang mga malulungkot na alaalang nangyari sa probinsya. Dapat ay kalimutan na niya iyon.
            Nagulat siya nang hawakan siya ni Joen sa kamay at hinila siya paakyat ng hagdan. Muntik pa siyang madapa sa pagmamadali nito na makaakyat. Mabuti na lang at nahawakan siya nito. Sumabay siya sa bilis ng paglalakad nito. Nang makaakyat sila ng hagdan ay dumiretso sila sa gitnang kwarto. Nang makapasok na sila ay papalibag na isinara nito ang pintuan. Doon nito ibinuhos ang galit na nararamdaman nito.
            Gusto niyang magtanong ngunit alam niyang wala siya sa lugar.
            Gusto niyang damayan ito sa sakit na nakikita niya sa gwapong mukha nito ngunit paano.
            Gusto niyang mag-break down ito at mag-confide sa kanya para matulungan niya ito kahit papaano. Para maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Pero duda siya na mangyayari ang mga bagay na iyon. Joen was one tough guy. Base sa nakikita niya ay malabong mag-confide ito sa nararamdaman nito.
            Bumuntung-hininga siya. Hindi siya nakatiis na hindi mag-usisa.
            "Okay ka lang? Kung gusto mong sabihin sa `kin ang nararamdaman mo, pwede mo `yong gawin. All ears akong makikinig sa `yo, sa mga sasabihin mo. Magkaibigan na tayo kaya dadamayan kita."
            Nagulat siya nang kabigin siya nito at yakapin nang mahigpit. Narinig niya ang impit na pag-iyak nito kasabay ng pagsinghot. Nagkaroon ng tunog ang tahimik nitong pag-iyak. Nakadama siya ng awa. Hinaplos niya ang likuran nito at gumanti ng mahigpit na yakap. Gusto niyang iparating dito sa pamamagitan ng mahigpit na yakap at paghaplos sa likod nito na may karamay ito. Lahat talaga ng tao ay may suliranin sa buhay. At sa kaso nilang dalawa ni Joen ay pareho ang suliranin na iyon. Ang kanilang ama.
            Nang mahimasmasan ay lumayo ito sa kanya. Tiningnan siya nito.
            "Thank you sa presensiya mo, Vin. Kahit ngayon lang dama ko na may karamay ako. I just can't take the pain that I'm feeling right now. I'm sorry on what happened earlier. Pasensya ka na kung nakita mo pa iyon."
            "Ano ba ang problema n'yo ng papa mo?"
            Pinunasan nito ang luhang naglandas sa pisngi nito. "This is not the right time to tell things, Vin. Pwede bang damayan mo ako kahit hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako ganito?"
            Tumango siya. Nakakaunawang nginitian ito. "Naiintindihan ko."
            "Dapat hindi ako umiiyak ng ganito sa harap mo. Dapat hindi dahil lalaki ako. Totoong lalaki ako at hindi dapat umiyak."
            Lihim siyang napaismid sa sinabi nitop. Sino ba ang nagpauso na hindi dapat umiyak ang mga totoong lalaki? Kalokohan!
            "Pwede ba Johanson Enrique. Hindi porke't lalaki ay hindi na pwedeng umiyak. Tao ka lang nasasaktan. Hindi kabawasan sa pagkalalaki ng isang lalaki ang pag-iyak. Kahit na umiiyak ka nga ang gwapo mo pa."
            Natutop niya ang bibig sa huling sinabi. Gosh! Ang laki talaga ng bunganga niya. Kahit kailan ay walang preno sa kakasalita.
            "Anong sabi mo?" tanong nito. Nakangiti na.
            "Eh..eh..ang sabi ko hindi kabawasan sa pagkalalaki ang pag-iyak. Nasasaktan ka dahil tao ka, may damdamin."
            Kinakabahan siya. Grabe ang kabog ng puso niya. Napakalakas. Sa susunod talaga ay dapat mag-isip muna siya bago magsalita. Pinapahamak niya ang sarili sa katabilan ng dila niya.
            "Hindi `yon. `Yung huli mong sinabi ang gusto kong marinig."
            Makikitaan ng kapilyuhan ang mukha ni Joen. Gusto talaga nitong ipahamak siya. Kanina ay sobrang lungkot nito ngunit dahil sa sinabi niya ay nagbago ang mood nito. Kailangan niyang malusutan ang kapilyuhan nito.
            Nagkunwari siyang humikab.
            "Inaantok na `ko Joen. Hindi mo pa ba ako ihahatid sa guest room n'yo?" sinipat niya ang relong pambigig. "Alas dos na o. Kailangan na nating matulog."
            "Hindi malinis ang guest room. Dito ka na lang matulog sa kwarto ko."
            "Ganoon ba. Sige mauuna na akong matulog sa `yo," aniya. Tinungo niya ang queen size bed nito. Umupo siya. Tinanggal niya ang suot na sapatos pati ang medyas.
            "Hindi ka ba maghihilamos o magpapalit man lang ng damit?" tanong ni Joen. Hindi niya namalayan na nakalapit na ito sa kanya. Tumabi sa kanya at nagtanggal rin ng suot nitong sapataos at medyas.
            Malakas na naman ang kabog ng dibdib niya. Reaksyon na dahil sa presensya ng lalaking ito. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya sa simpleng paglapit nito? Parang may spark. Kaiba sa nadama niya nang kasama niya si Mack at Nick. Mas nangingibabaw ang damdamin ng pagkailang sa kanya.
            "Ano? Maghihilamos ka ba o magpapalit ng damit?" ulit nito.
            Pasimple siyang lumayo. "Si-sige. Maghihilamos ako. Pahiram na lang ako ng damit."                 
            "Sige," anito saka tumayo. Lumapit ito sa malaking pintuan. Walk in closet. Humarap ito sa kanya. "Halika. Ikaw na ang pumili ng gusto mong suotin."
            "I-ikaw na lang pumili. Kahit ano okay na sa `kin basta makpagpalit ako."
            Hindi siya dapat lumapit sa lalaking ito. Hindi na nga siya lumapit ay ito naman ang lumapit sa kanya. Hinwakan siya nito sa braso gamit ang kanang kamay saka siya inakbayan gamit ang kaliwang braso.
            Nanigas siya. Tila may tumulay na kuryente sa simpleng pagdadaiti ng balat nila. Pinatayo siya ni Joen. Nakaakbay pa rin ito sa kanya at mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Anumang oras, sa tingin niya ay hihimatayin na siya. Alam niyang walang malisya kay Joen ang paghawak nito at pagakbay sa kanya pero sa kanya ay meron. Malaking malisya.
            Lalayo sana siya dito ngunit mas humigpit ang akbay nito. Parang tuod na sumabay siya dito sa paglalakd papunta sa closet nito. Napigil niya ang paghinga ng magsalita si Joen sa tapat ng tainga niya. It brought chill to his body. Nananadya ba ito?
            "Cool ka lang, Vin. Masyado kang tense. Napaghahalata na may crush ka sa `kin sa mga kilos mo," tatanggi sana siya pero nagsalita ito. "Don't deny it. I can clearly see it in your reactions. To tell you honestly I'm a bit flattered. Lalo na at may hitsura ka rin. Ayos lang sa `kin."
            Huminga siya nang malalim. Kinalma ang kanyang sistema. Bakit ba ganito ang sitwasyon niya? Ganoon ba siya kahalata na may crush dito o sanay lang talaga ito kapag alam nito na maygusto dito ang isang tao.
            "`Wag kang masyadong bilib sa sarili mo, Johanson Enrique. Kahit na ganito ako. Oo, aaminin ko na may crush ako sa `yo pero hanggang doon lang `yon. Hindi na lalampas. Never akong kukuha ng ipupokpok ko sa sarili ko," aniya sabay alis ng mahigpit nitong pagkakakabay sa kanya at paghawak sa braso niya.
            "Uy! Hindi ako bilib sa sarili ko. I'm always stating fact, Vin. Halata naman sa kilos mo na crush mo talaga ako. And I'm glad you admit it. I'm overwhelmed, I'm admitting it. Ang cute mo kaya but I'm more glad na hindi na lalampas pa sa crush ang nararamdamn mo sa `kin. Magkakasundo tayo.At isa pa, never akong papatol sa mga katulad mo. I'm just for girl."
            Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pinong kurot sa puso niya sa sinabi nito. Bahagya siyang nasaktan. Bakit?
            "Then it's settled. Safe ka sa `kin. Wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan, Joen."
            "Weh? Talaga? Totoo?" Sabi nito. Diskumpiyado.
            "Nagsasabi ako ng totoo. Talagang-talaga. Ihanap mo na lang ako ng damit. Maghihilamos muna ako," utos niya dito saka dumiretso ng banyo.
            "Ako ang boss dito. Bakit mo ako inuutusan?" Ang sigaw nito sa kanya.
            "Ako ang guest mo dito. Alangan naman ako ang gumalaw sa gamit mo? `Wag ka nang magreklamo, Joen. Alangan naman na tumawag ka pa ng katulong para lang ikuha ako ng damit. Abusado ka naman!"
            "Hindi ako abusado. Iyon naman ang trabaho nila, ah?"
            "Ay ewan ko sa `yo. Ikuha mo na lang ako ng damit. `Wag ka nang magreklamo. Gawin mo na lang."
            "Bahay namin `to pero kung utusan mo ako parang ikaw ang amo."
            "Sasabihin ko ulit sa `yo, guest mo ako dito." Last niyang sabi. Walang patutunguhan ang pakikipag-sagutan niya dito dahil paulit-ulit lang naman iyon.
            Pagkapasok niya sa banyo ay agad niyang isinara ang pintuan. Humarap siya sa salamin. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Pangalawang beses siyang sinabihan ni Joen ng cute. At dalawang tao ang nagsabi sa kanya ng cute. He's flattered. Overwhelmed for the compliment that Joen given to him.
            Naghilamos siya. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha gamit ang spare towel na nakasabit sa rack. Alam niyang spare towel iyon dahil hindi iyon mukhang gamit katulad ng katabi nito.
            "Vin, may spare toothbrush dyan. `Yan na ang amitin mo," narinig niyang sigaw ni Joen.
            Binuksan niya ang lagayan ng mga toothbrush. May isa doon na nakaselyo pa. Kinuha niya at ginamit niya iyon. Pagkatapos niyang magsepilyo ay tiningnan niyang muli ang repleksyon sa salamin. Paano ba nasabi ni Mack at ni Joen na cute siya? Hindi naman iyon ang nakikita niya. May cute bang matatawag na puno ng pimple mark ang mukha? May ilang butas sa kanyang pisngi. Hindi makinis ang mukha niya. Hindi siya cute at wala siyang maipagmamalaki na facial features niya maliban sa natural niyang labi na mapula. Hindi kahabaan ang pilik-mata niya. May pagkasingkit ang kanyang mata. Hindi katangusan ang ilong. Katamtaman ang kapal ng mapula niyang labi.
            Bumuntung-hininga siya. Tinapos niya ang pagtingin sa kanyang repleksyon. Hindi niya dapat hinahamak ang sarili. Hindi niya dapat hinahamak ang panlabas niyang kaanyuan. Kung hindi man na-a-appreciate ng ibang tao ang panlabas niyang anyo ay mas lamang naman ang nagmamahal sa kanya. Kung hindi man niya pwedeng maipagmalaki ang panlabas niyang anyo ay maipagmamalaki naman niya ang ugali niya. Kahit na nasasaktan siya ay nakangiti pa rin siya. Kahit na may mabigat siyang problema ay hindi niya iniinda. Lagi siyang positibo sa mga bagay kahit na may madilim siyang nakaraan. Nakaraan na pilit niyang iniiwan sa lugar na pinanggalingan niya.
            Narinig niya ang mahinang katok sa pintuan ng banyo, kasunod ang boses ni Joen. "Vin, tapos ka na ba? Kung tapos ka na ako naman ang maghihilamos. Inaantok na `ko. Gusto ko ng matulog."
            "Tapos na ako. Wait lang lalabas na `ko."
            Ibinalik niya ang towel sa rack pati ang toothbrush sa lagayan nito. Bago niya buksan ang pintuan ay ngumiti muna siya.
            "I'm done. Ikaw naman," aniya nang mabuksan ang pintuan.
            "You look fresh," anito. Hindi tunog pamumuri.
            "Salamat," aniya saka lumabas.
            Pumasok si Joen. Bago nito isara ang pintuan ay tumingin muna ito sa kanya. Mataman. Bigla siyang naasiwa.
            "Ba-bakit?"
            "Wala naman."
            "Ah, ganoon ba."
            "Meron pala," anito. Nakangiti. "Nasa higaan na `yong damit mo. Just change."
            Tumango siya saka isinara naman nito ang pintuan.
            Lumapit siya sa higaan. Nakita niya ang pares ng pantulog. Kulay asul iyon. Hinubad niya ang suot na damit pati ang suot na pantalon. Kampante siya na matatagalan si Joen sa loob ng banyo. Mukha kasi itong banidoso. Suot na lang niya ang boxer shorts niya. Dahil sa typical na pajama top ang pang-itaas ay kailangan niyang isa-isahin ang pagtanggal ng butones sa ohales. Natagalan siya sa pagsara niyon nang maisuot niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Nakatalikod siya doon. Hindi na siya nag-abala na tingnan ang paglabas ni Joen. Abala siya sa ginagawa.
            "You're hairy." Ang sabi ni Joen.
            "Kung maka-hairy ka naman. Tunog parang ang kapal ng balahibo ko na parang sa unggoy. Balbon lang ako."
            "Ayaw mo ng English gusto mo Tagalog. Sige, balbon as it."
            "Wala ka na bang ibang pwedeng ipahiram sa `kin?" Ang tanong niya saka harap dito. Natulos siya sa kinatatyuan habang nakatingin sa hitsura ni Joen. Napalunok siya at pakiramdam niya ay biglang uminit ang temperatura sa loob ng silid. Nakasuot lang ng boxer shorts ang lalaki. Kitang-kita niya  ang ganda ng katawan nito. His muscles were in perfect place. May abs at halata na suki ito ng gym. Ang gandang lalaki ng hudyo. Ang yummy. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang kamay nitong nakapaloob sa suot nitong boxer. He was holding his.. Bigla siyang natauhan. Dali-dali siyang tumalikod. Nakakahiya ang ginawa niya! Sinabi niya dito na hindi siya katulad ng iba ngunit ano ang ginawa niya? Lantaran niyang tiningnan ang katawan at kabuuan nito. Bumangon pa ang pagnanasa niya dito. Napamura siya sa isip. Minura niya ang sarili.
            Narinig niya ang malutong na tawa ng hudyo. Talagang pinagtatawanan siya nito! Mukhang sinadya nito na iparada ang katawan nito. Tini-testing ba siya ng lalaking ito?
            "Nakakatawa ka." Ang sabi nito. Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
            "Magbihis ka nga! Nakakabwisit ka! Hindi ka nakakatawa, Joen!" Ang halos na pasigaw niyang asik dito.
            Hinablot niya ang pajama sa higaan at isinuot iyon. Bakit kailangan nitong gawin iyon? Bakit kailangan siya nitong pagtawanan at pagmukhain na mag-do-drool siya sa katawan nito? Yes, he admit that he felt something earlier when he saw his body. Reaksyon na natural sa mga katulad niya. Pero bakit kailangan siyang paglaruan ng lalaking ito? Komplikado na nga ang pagkatao niya ay mas lalong nagiging komplikado dahil sa mga katulad ni Joen na mahilig maglaro. Kahit na ganito siya ay karapatan rin naman niya na tratuhin ng mabuti. Ng may galang at respeto. At sana bago gumawa ng aksyon si Joen ay sana nag-isip muna ito.
            Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi niya. Humiga siya sa kama ng hindi tumitingin kay Joen.
            Tumigil sa pagtawa si Joen. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya.
            "I'm sorry," sabi nito. "I'm just joking."
            Hindi niya ito pinansin. Sabihin na nitong maarte siya, na hindi siya nahihiya dahil sa pag-iinarte niya sa loob ng kwarto nito. Sa loob ng pamamahay nito. Gusto niyang iparamdam dito na nasaktan siya sa inaakala nitong biro para dito.
            Lumundo ang bahagi ng kama kung saan ito mahihiga. Gumalaw ang comforter. Nang maramdaman niya ang paglapit nito ay lumayo siya. Kinuha niya ang isang unan at iniharang iyon sa pagitan nila. Ginawa niya iyon para sa sarili. Para makaiwas siya sa tukso at para hindi siya makagaw ng bagay na sa huli ay pagsisisihan niya. Gusto niyang iparating dito na safe ito sa kanya.
            "Hindi mo kailangang gawin `yan, Vin. Hindi ako takot sa `yo." Ang sabi nito ngunit hindi inalis ang unan sa pagitan nila.
            "Pananggalang lang `yan, Joen. Protekta para sa `yo at para na rin sa `kin. Malay mo baka gapangin kita lalo na at nakita ko ang katawan mo. Ang ginawa mo kanina ay may epekto sa `kin, Joen. Inilagay ko `yan dyan para walang mangyari sa `yo."
            Bumuntung-hininga ito. "Kung na-offend kita, sorry ulit. Wala akong intensyon na masama. Pasensya na kung namasama mo ang actions ko. Sanay lang ako na mag-boxer. While the other one was, well I did it to teased you."
            "Talagang na-offend ako, Joen. Given na kwarto mo ito pero sana naisip mo muna na may kasama ka dito. And I'm not straight if you forgotting it. Bakla ako, Joen. Bakla."
            "Sorry ulit."

            "Pinapatawad na kita. Sorry rin. Sige, goodnight, Joen. Goodmornight."

15 comments:

  1. Cute ng kwento.
    More... hehe

    Thanks mr. Author.

    --Madztorm

    ReplyDelete
  2. Maganda ang flow...prankahan sila...honesty is the est policy ika nga...Keep it up Mr Author...

    ReplyDelete
  3. a few grammatical errors... but aside from that okay naman sya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sa pagpuna.. hahaha..
      Pagdating sa grammar, sawi ako. :(

      Delete
  4. Hello po mr. author ganda namn ung story kahit mahaba pero feeling q ang iski dahil sa pacing pero kilig much parin nmn.. :)) keep it up.. ;)

    -joma

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, ako rin feeling ko mahaba na siya kaso yong pacing niya mabilis. Hahaha..

      Delete
  5. So far maganda ang tinatakbo ng story. .
    Cute na may pag ka ma drama :))
    Sa lahat ng stories na nbasa ko sa msob sa character ni Vin ako mejo nahahawig ang personality ko

    Keep it up !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganoon po ba.. mabuti naman Mr. Raffy, at least alam ko na may ganoon nga sa totoong buhay. Hahaha..

      Just so happy at the moment :)

      Delete
  6. wahh... team JoVin author..ahhaaha
    interesting ung story po.. kaso bitiiinnn..ahahaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey mr. Jihi ng pampanga. Team JoVin talaga?
      Tanong ko lang, dapat ko bang bigyan ng sariling scene `yong dalawa kasama yong bida?
      Hahaha..
      Just need to...

      Delete
    2. mas may impact po kasi ung storyline nila..hahaa
      pero sempre dpat me scene din po sa 2.. baka magselos
      sila at di na magpakita.. ay..hahaaa..
      decision nyo pa rin po author..lam ko pong majujustify nyo nmn ng maigi..
      hihi

      bastat JoVin pa rin ako..hahaa

      jihi ng pampanga

      Delete
  7. Ang ganda mo Vin....ikaw na...thank you po sa update..


    Bruneiyuki214

    ReplyDelete
  8. si vin mahuhulog kay joen, pero di pwede kasi sa isip ni vin straight si joen at di sya bagay skanya.

    nag aassume lng sa kwento.

    -blaze

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails