Followers

Wednesday, April 23, 2014

You're Mine - Chapter 3 (Meet Venom)


YOU’RE MINE – Chapter 3 (Meet Venom)

Stefan “Jules” Salvatore

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ngayon sa itsura ko. Nakatulala lang ako at nakatingin sa pader kung saan nakasulat ang sinabi kong salita. Pulang pula ito. Halatang dugo talaga  ang ginamit. Pero hindi ko alam kung galling ito sa dugo ng tao o hayop.

Dugo.

Bumabalik na naman ang mga ala-ala niya. Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng mga nadatnan ko nang gabing nakita ko siyang halos bawian na ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo. Naaalala ko na naman yung gabing yun. Ayoko nang maalala siya. Ayoko nang bumalik ang mga ala-alang nagpapakonsensya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglalambot ng mga tuhod ko at ang panginginig ng bawat parte ng katawan ko. Nagbalik siya. Galit siya sa akin. Gusto niya akong gantihan. Pero mahal ko siya. At sa pagkaka-alam ko kahit konti lang, meron pa ring kaunting pagmamahal na natitira sa akin para sa kanya. At sabi niya noon sa akin bago nangyari ang lahat na mahal na mahal niya ako. Kaya ba niyang gawin sa akin ito? Kaya niya ba akong saktan?

Oo. Kaya na niya. Hinayaan ko siyang mamatay. Hinayaan ko lang siyang bawian ng buhay. Wala akong ginawa.

Napaluhod na lang ako at napayakap sa sariling katawan ko. Nanginginig ako at punong puno ng takot. Binabalikan na niya ako. Parang may naririnig akong nagsasalita pero hindi ko masabi kung sino. Parang alalang alala siya. Nakapikit ngayon ang mga mata ko. Ayokong idilat ang mga ito dahil na rin sa kadahilanang  takot akong makita kung ano man ang nangyayari ngayon.


“Jules.” Rinig kong sabi na naman ng boses na kanina pa sumusubok na kausapin ako. “Jules, makinig ka. Huwag kang matakot. Follow my voice. Nandito ako. Wala siya rito Jules. Hindi ka na niya magagalaw. Wala na siyang magagawa. I wouldn’t even let him touch you kung nandito man siya. Open your eyes Jules. Follow my voice. Fight it. Fight him. Fight his memories. Pls Jules. Don’t let him scare you. Just follow my voice.” Napakaganda ng boses niya. Bawat salitang sinabi niya ay unti unting nagpapakalma sa akin. Unti unting nawala ang panginginig ko. Nakaramdam rin ako ng dalawang kamay na humawak sa upper arm ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko pero hindi ko napigilan ang mga  luhang dumaloy pababa sa mga ito. Nakita kong nasa harapan ko na si Shasha, at para bang nabuksan ang isip ko at bumalik ako sa riyalidad. Hindi na niya ako mahahawakan. Hindi na niya ako magagalaw. Patay na siya.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang yakapin ako ni Shasha. Hanggang ngayon takot pa rin ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matakasan ang mga nangyari nung gabing yun. Dalawang taon na ang nakakalipas pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat. Ayoko na. pagod na pagod na ako.

“Shasha. Ayoko na. Ayoko na siyang maalala. Pagod na pagod na ako. Ayoko nang matakot.” Sabi ko in between sobs kay Shasha. Hinahagod hagod naman niya ang likuran ko. Nakaluhod kami ngayong dalawa at nagyayakapan habang humahagulgol ako sa bandang balikat niya.

Nang medyo kumalma na ako at tumigil na sa pag-iyak, agad akong inalalayan ni Shasha pababa dahil na rin sa medyo nanghihina pa ako dahil na rin sa mga nangyayari. Nung makababa na kami ng hagdan agad agad naman niya akong pina-upo sa sofa. Ilang minuto pa ang lumipas may mga nakaunipormeng lalaki ang nagsidatingan mula sa iba’t-ibang  parte ng bahay.

“Every where’s clear ma’am.” Rinig kong sabi ng  isang lalaki kay Shasha. Ahhh, mga body guards ng mga Donnovan. Nakita ko lang tumango si Shasha sa nagsalita bago siya umupo sa tabi ko at nginitian ako ng isang pilit na ngiti. Ngumiti rin ako ng pilit sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Gulantang pa rin ako sa mga  nangyari. Sino yung lalaking nakamaskara? Anong kailangan niya? At mine? Anong ibig sabihin nun? Anong gusto niyang iparating? Anong ibig niyang sabihin?

“Tinawagan mo na ba sina mom?” halos bulong ko nang sabi kay Shasha. Tumango lang siya. Kilala ko siya. Alam kong natatakot rin siya pero ayaw niya lang ipakita sa akin. Gusto niyang maging matatag para sa akin. Hindi din siya nagsalita dahil takot siyang makapagsabi nang mali at baka atakehin na naman ako. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. She visibly relaxed at ngumiti siya sa akin. I gave back the favor.

Ilang minuto pa ang lumipas sabay sabay dumating ang lahat ng mga kasambahay at mga iba pang workers sa bahay kasama nina Mommy na may kasama naman na dalawang pulis. Agad namang tumakbo papunta sa akin at pinatayo ay niyakap ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Nang tingnan ko si Dad, pinapagalitan ang mga kasambahay namin. Ngayon ko lang din napansin na sumisisigaw na pala siya. I heard something na sinabi ng mga kasambahay na may nadisgrasya malapit sa amin kaya lumabas silang lahat at tiningnan ito. But Dad being Dad, wouldn’t accept their reason.  That accident is weird. Parang planado ang lahat. But maybe it was just a coincidence.

“Dad walang magagawa ang pagsigaw mo ngayon.” Sabi ko para matigil na ang drama na ito. May kasama silang mga pulis and I want this to be finished as soon as possible. Agad naman siyang tumigil at pinapunta sa maid’s quarter ang mga kasambahay at iba pang mga trabahante. Sinenyasan agad ni Dad ang mga pulis at umakyat silang lahat sa hagdan. Sumunod naman sa kanila si mama.

“Stay with him Shasha. We’ll fix this.” Sabi ni mama bago siya umakyat pasunod kina daddy. Tumango naman si Shasha.

Umupo naman agad kami ni Shasha sa sofa nang makaakyat silang lahat. Pero teka. Alam nina mom lahat? Agad akong tumingin kay Shasha.

“I told them everything nang tinawagan ko sila if that’s what you’re going to ask.” Sabi naman niya agad nang hindi tumitingin sa akin habang kinakagat niya ang mga kuko niya. A thing she does kapag kinakabahan at nagiisip siya. I leaned on the couch at nagsimula ding magisip. Bakit parang ang daling nakapasok ng taong yun sa bahay namin? At  parang kabisadong kabisado niya ang pasikot sikot ng  bahay dahil na rin nakapasok siya nang walang kahirap hirap at nakalabas nang napakabilis. Parang planado ang lahat.

“Nakakapagtaka. Paanong nangyari ito? We have CCTV everywhere in the house. May nakabantay sa CCTV room namin 24/7. Si Mang Dante sa pagkaka alam ko ang nakashift ngayon. Hindi kaya niya nakita? Nasaan nga ba siya?.” Sabi ko na parang kinakausap ang sarili ko pero alam ko naming nakikinig si Shasha.

“And he didn’t even come for your rescue.” Dagdag pa ni Shasha.

Bago pa man ako makasagot nakarinig kami ng isang nakakabinging sigaw ng isang babae. Kilalang kilala ko yun. Si mom. At nanggagaling ang sigaw sa kwarto. Agad kaming napatayo at napatakbo ni Shasha pataas  ulit ng kwarto. Nang nakarating kami doon nakita kong nakayakap si mom kay dad na halatang takot na takot habang si dad naman halata ang pagkagulat sa kung ano man ang nakikita niya. I scanned the room at nakita ko na naka open ang walk in closet ko. Nakita ko ring nagmadali ang isang pulis na kinuha ang kumot ko at kinumutan ang isang bagay na nakalatay sa sahig ng kwarto ko. Pero bago pa man ito matakpan ng kumot ay nakita ko pa kung ano ito. Mali. Hindi ano, kung hindi sino. Si Mang Dante nakahandusay sa lupa. Maraming saksak sa katawan dahil na rin sa naliligo ito sa sariling dugo. Pero hindi lang yun. May nakaturok ding isang kutsilyo sa leeg niya habang nakadilat ang mga mata.

Agad  naman akong tumalikod dahil nakakasuka ang itsura niya. Nang tiningnan ko si Shasha nakatalikod na rin siya at halatang nandidiri at natatakot. Nakatingin din siya sa akin.

“Now that answers our question.” Sabi niya.

Fuck it. Sinong hallimaw ang makakagawa nito?

SOMEONE’S POV

Kailangan ko silang makausap. Wala sa plano namin ang mga nangyari. Wala sa plano namin ang pumatay ng mga tao pero bakit ganun ang ginawa nila? Plano ko lang sanang magpakita kay Jules. Hindi ko gustong takutin siya. Hindi ko gustong takutin ang mahal ko. Pero anong ginawa  nila? May sarili akong plano. At wala dun ang takutin si Jules. Wala din dun ang pumatay ng kahit na sino. Pero gumalaw sila nang sila lang. hindi man lang nila ako kinunsulta. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makapunta agad ako sa opisina niya.

Siya.

Siya ang nagturo sa akin lahat ng alam ko. Lahat ng kaalaman na meron ako. Siya ang naglagay sa akin sa ikatlong pinakamataas na rango sa organisasyong ito. Pero isa lang hindi ko matutu-tunan. Ang pumatay. Ang tanggalin ang konsensya sa  pagkatao ko. Ang patayin ang sino man na kumalaban at bumangga sa  akin. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang bawian ng buhay ng kahit na sino man.

Ako lang sana ang pupunta sa bahay nina Jules kanina pero nagpumilit siyang sumama. Akala ko hahayaan niya lang akong gawin ang plano ko, at yun ay ang magpakita lamang kay Jules, pero hindi. Gumalaw siya nang hindi nagpapaalam sa akin. Ako ang may misyon nito. Ako ang may gustong makuha si Jules. Dapat sa akin nanggagaling lahat ng mga gagawin. Pero alam ko naming hindi siya ang may plano nun.

Si Kisses. Ang pinakamataas sa aming tatlo. Ang pinakanakakatakot na taong nakilala ko. Kaya niyang patumbahin ang kahit na sino man na babangga sa kanya. Gaano ka man kalaki. Gaano ka man kayaman. Kahit sino kapa. Walang nakaka alam ng itsura niya . Tanging si Phoenix, ang taong sinasabi kong nagturo sa akin ng lahat, ang nakaka alam ng itsura niya. At yun din ang mas nagbibigay kay Kisses ng nakakatakot na pagkatao. Walang nakaka alam ng itsura  niya. Pwede ka niyang atakehin nang wala ka man lang kaalam alam. Alam kong malaki ang tinaya ko nang humingi ako ng tulong sa  kanilang dalawa pero ‘dun lang ako makakasiguro na makukuha ko si Jules. Ang taong pinakamamahal ko. Ang buhay ko. Simula pa 1st year high school napansin ko na siya. Naging secret admirer niya ao. Pinapadalhan ko siya ng mga sulat, tsokolate, regalo at kung ano ano pa pero ni minsan  hindi ako nagpakilala sa kanya. Ngayong 4th year na kami sisiguraduhin ko nang makukuha ko siya. Hindi ako nakakasiguro kung tatanggapin niya ako kung magpapakilala ako kaya ito na lang ang natitirang paraan. Kalangang mawala ang mga taong nakapaligid  sa kaniya. Si Shasha, at ang mga iba pa niyang kaibigan na nag aaral sa ibang unibersidad at si Dima. Alam kong may gusto si Jules kay Dima. At rinig na rinig ko kanina na tinawag ni Dima na cute si Jules.

Hindi ko hahayaang magkamabutihan pa sila. Hindi ko kayang pumatay kaya ko sila hiningan ng tulong. Pero iba kanina. Hindi nila ako inabisuhan. Pumatay na lang sila ng basta basta. Kailangan ko silang makausap.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Bawat madadaanan kong miyembro ng grupong ito ay nagbababa ng ulo bilang senyales ng paggalang. Pero wala akong pakialam sa kanila sa ngayon.

Agad agad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya nang makarating ako. Nakita kong may kahalikan siyang isang hubad na babae habang may isa pang babae na nakatayo lamang at pinapanood sila. Si Phoenix naman ay nakatopless. Tsss. Kahit kalian talaga. Agad naman siyang tumigil sa pakikipaghalikan nang makita niya ako. Ngumiti siya ng malawak sa akin.

“Venom my friend. Wanna join us?’ sabi niya habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi niya.
“No thanks. I need to talk to you. Alone.” Sabi ko habang nakatiting ng masama sa isang babae. Halatang binalot ng takot ang buong pagkatao niya given the fact na kilala niya kung sino ako, sa kadahilanang iba ang suot naming maskara sa mga ordinaryong miyembro. Iba iba ang maskara naming tatlo nina Phoenix at Kisses pero si Kisses ang may pinakamaganda, pinakamahal, at pinakamagarbo. “Out.” Dagdag ko pa. agad agad naman silang tumalima. Hindi na sila nakapagbihis. Agad agad silang nagtatakbong umalis ng kwarto. Hinarap ko naman agad si Phoenix nung makaalis na yung mga babae. Hindi pa rin natatanggal ang nakakairitang ngiti na nasa mga labi niya.

“Kahit kalian napakaKJ mo talaga.” Sabi niya habang umiinom siya sa isang baso na sa pagkakaalam ko ay may lamang alak.

“What happened kanina? Wala sa plano natin ang pumatay. Pumunta lang tayo dun para makita ako ni Jules. Pero anong ginawa mo? You killed someone. And those girls. Why did you show your face to them? And worse, you scared Jules. My Jules.” Pasigaw kong sabi habang palakad lakad sa kwarto niya. Agad naming natanggal ang nakakairita niyang ngiti nung marinig niya ang mga sinabi ko. Thank goodness. Nakakairita  na ehh.

“I knew you would eventually bug me about it. And don’t worry about those girls. They’ll be dead bago pa man sila makaalis rito.” Sabi niya habang tumatayo at sinusuot ang kanyang polo.

“Because it wasn’t part of the plan.” Sabi ko na may galit na tono at sinasabi ang about sa nangyari kanina kina Jules.

Sasagot na sana siya dahil nakita kong ibinuka niya ang bibig niya pero nakariinig na lang kami ng isang nakakabingi na tunog na nanggagaling sa speaker ng kwarto. Nakakairita ang tunog. Parang isang mike na nahulog. Napahawak at napatakip kaming pareho ni Phoenix sa mga tenga naming sa sobrang lakas ng tunog na yun.

“There was never a plan Venom.” Yan ang sunod naming narinig pagkatapos mamatay ng nakakairitang tunog. Agad agad ko naming nakilala kung sino ang nagsasalita sa likod ng nakakatakot na boses na yun. Gumagamit siya ng isang device para mabago ang tunog ng boses niya pero hindi pwedeng hindi ko matandaan ang nakakapagpataas balahibo na malamig at punong puno ng panganib na boses na yun. Nakakatakot. Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko. Lumamig ang pakiramdam ko. Napatahimik ako.

“Kisses.” Rinig kong sabi ni Phoenix. Nang tingnan ko siya hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Napapanatili pa rin niya ang kalmadong pustura niya kahit nakakatakot na ang boses na narinig naming. Siya lang ang hindi natatakot kay Kisses. Siya lang at walang iba.
“Isang buhay palang ang nakukuha natin ganyan ka na makaakto? Parte ka na ng Big 3 Venom. Dapat wala ka nang konsensya. Gusto mong makuha si Jules diba? First move, they need to know that you are dangerous, kaya namin ginawa yun. And one more thing, pinagdududahan mo ba ang mga plano ko? You asked for my help, face the consequences.” Matigas na sabi niya sa akin. Sa pagkaka alam ko magkasing edad  lang kami pero siya na ang pinakakatakutan sa lahat ng mga naging lider ng organnisasyong ito. Takot ang lahat sa kanya. Isang taon palang siya sa pwesto pero tinatawag na siyang legend.

“Hindi ko po kayo pinagdududahan.” Takot na takot na sabi ko.

“Good to hear that. Don’t worry. Isang araw, magugulat kana lang paggising mo nasa tabi mo na si Jules at nakayakap na sayo. Isa pa. kung may plano kang iwan ang grupong ito, kaliimutan mo na. kung makakaalis ka man dito, lalabas kang patay na. kilala mo ako Venom. Pinaka ayaw kko sa lahat yung tinatalikuran ako. You know what I’m capable of, and I know ayaw mong maranasan kung ano man yun.” Sabi niya with pure venom sa boses niya. Sobrang nakakatakot.

Naghintay kami ng ilang minuto pa para malaman kung nanjan pa siya pero wala. Wala nang nagsalita. Napabuntong hininga na lang ako. Nakakatakot talaga siya. Boses pa lang manlalamig kana. Tumalikod ako at magsisimula na sanang umalis pero narinig ko ulit si Phoenix.

“Narinig mo siya. Kung ako sa iyo matatakot ako sa kanya. Alam kong pagkatapos mong makuha si Jules aalis ka sa grupo ng walang paalam, pero kung ako sayo hindi ko gagawin yun. Matakot ka sa kanya Venom. Kahit ako takot sa kanya. Wala lang akong dapat ipag alala ngayon dahil wala pa akong nagagawang mali, pero kahit konting kamalian lang ng kahit na sino sa ating dalawa patay tayo. Watch your moves. Reconsider your  plans. Baka pati si Jules madamay pa.” tuloy tukloy na sabi niya sa  akin.

Natamaan naman ako sasinabi niya. Tama siya. Baka pati si Jules madamay. At ayaw kong mangyari yun. Hindi pwedeng mangyari yun. Ahyssss. Bahala na. hindi ko na hinarap pa si Phoenix. Sinimulan ko na ulit maglakad palayo. Kailangan kong maka isip ng plano kung paano kunin si Jules. Dahil akin lang siya. Akin lang.


Jules
Agad agad naming nagtawag ng coroner sina papa at kinnuha ang bangkay ni Mang Dante. Naitawag na rin sa pamilya niya sa probinsya ang nangyari sa kanya. Nasa sala kaming lahat ngayon at walang nagsasalita. Si mom halatang biglang bigla pa rin ganun din si Shasha. Ako? I’m trying not to hyperventilate. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nila. Sino ba kasi may gawa  nito? Napakawalang hiya niya. Kailangan ba niyang pumatay?

Ilang Segundo pa ang lumipas bumalik na si dad na kagagaling lang sa CCTV room kasama ang isang pulis. tiningnan nila ang mga footages ng mga oras na pumasok siya sa kwarto ko at nung pinatay niya si Mang Dante pero sa ekspresyon palang ng mukha niya halatang hindi na maganda ang sasabihin niya.

“Nagshutdown daw lahat ng mga CCTV cameras ng mga oras na yun. Wala ni isang nakuhang footage. Sinabi pa nila na ndi sa loob pinatay kung hindi galling sa labas. The system was hacked. Everything was perfectly planned. Walang mantsa. Malinis ang pagkakagawa ng krimen, clues are hard to find.” Sabi ni Dad.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tama si Dad. Masyadong malinis ang lahat. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggal sa isip ko ang isang tanong na umiikot sa isip ko. Anong kailangan niya?

“Shasha , pwede  bang sa bahay niyo muna si Jules? We need to fix this. And I want too be assured that Jules is safe, at alam kong safe sa bahay niyo given na mas mahigpit ang security niyo. Magulo lang talaga lahat. If okay lang anak.” Sabi ni mom kay Shasha.

In the end nauwing natulog ako sa bahay nina Shasha. Nagtabi kami ni Shasha kaya naging mahimbing ang tulog ko. Kinabukasan, wala akong ganang pumasok pero kailangan. Nandun pa rin yung takot na nararamdaman ko. Pumunta kami sa school with bodyguards around us, ayaw kasi ng mga parents ni Shasha na pumunta kami na walang mga guards. Buti na lang napakiusapan naming sila na hanggang parking lot lang sila kasi nakakahiya naman kung hanggang sa loob sundan nila kami. Our morning classes are done. Lunch break na. bumabalik na naman kami ni Shasha sa dati. Yung kalog at baliw na kami. Although meron pa rin yung mga time na bigla na lang kami matatahimik.

Nasa locker kami ngayoon ni Shasha. Icloclose na sana niya ang locker niya nang may mapansin siyang isang maliit na envelope. Takang kinuha niya ito at pinagmasdan. Sino naman kaya naglagay nun?

“Oys. May secret admirer.” Sabi ko sa kanya na nakangiti pero nung makita ko ang mukha niya natanggal ang mga ngiti ko. “What’s wrong?”

“Wala. Wala.” Sabi niya habang nagbigay ng isang pilit na ngiti.

Magsasalita na sana ulit ako nang may biglang tumigil na babae sa tapat namin. Nakatitigg lang siya amin. Nakakatakot ang titig niya. Mainit na malamig na hindi maintindihan. Ilang Segundo ring walang salitang lumabas mula sa aming tatlo. Nakita ko na lang na bumaba ang tingin niya mula sa amin ni Shasha pababa sa maliit na white envelope na hawak hawak ni Shasha. Nakita ko na lang na kinumutan ng takot ang ekspresyon ng mga mata niya. Agad naman siyang nagtaas ng tingin at tiningnan ako sa mata.

“It has started. Hasn’t it?” malamig na tanong niya sa  akin. Her voice sent chills down my spine. Nagsimula na? anong ibig niyang sabihin? Anong nagsimula?

“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa akin and it’s really getting really uncomfortable. Sa totoo lang maganda siya. I’ve seen her around school. Pero ni minsan hindi ko pa siya nakitang nakangiti. Lagi lang blangko ang ekspresyon sa mukha niya. Gaya ngayon.

“Hindi ko siya masisisi kung nagustuhan ka niya. You’re attractive. Mag- iingat kayo. The game has just started.” Sabi niya bago siya umalis. Game? Anong game? May kinalaman ba yun sa nangyari kagabi? Naguguluhan na ako. At sinong siya? Nagustuhan ako? Ano bang pinagsasabi niya? Magsasalita na sana ako pero umalis na yung babae leaving me with a bunch of questions. May ibig sabihin ba ang mga sinasabi niya or she was just messing us given na kalat na sa buong school ang nangyari sa bahay kagabi.

“Huwag mo nang masyadong isipi yun Jules. She was just messing with us. Kalat na sa school ang magyari sa bahay niyo kagabi.” Sabi ni Shasha sa akin. Pero hindi eh. May kakaiba sa sinabi ng babaeng yun.  May kahulugan ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Alam kong meron. Pero I didn’t press the matter anymore. Ayokong mag alala pa siya. Aalis na sana kami at pupunta na sa first class namin nang marinig namin ang isang tao na tumawag sa amin.

“Sandali,.” Sabi niya. Agad naman kaming napataikod ni Shasha. Hindi pa man ako nakakatalikod at tumitingin sa taong yun ay kilala ko na kung sino siya. Ewan ko ba. Pero nung marinig ko ang boses niya parang kumalma ang lahat ng parte ng katawan ko. Bigla kong naramdaman ang isang nakakakiliting pakiramdam sa puso ko. At natatakot ako dun. Ngayon lang na naman ulit ako nakaramdam ng ganito after 2 years. Pagkatapos niyang mawala. Ahhh. Ayoko. Erase, erase, huwag mo siyang isipin Jules. Huwag mo siyang isipin. Fortunately, napigilan ko naman ang pagpasok niya sa isip ko.

“Op?” sagot naman kay Shasha kay Dima na nasa harap na naming ngayon. As usual he’s wearing his own dazzling self. Walang mintis ang kgwapuhan. Tsss. Tumigil ka Jules.

“I heard what happened. Are you two allright?” tanong niya sa amin na halatang nag aalala. Pero nakatingin lang siya sa akin at hindi kay Shasha. Ok. Hindi yun masyadong ok. Nagbaba na lang ako ng ulo. Baka magblush na naman ako.

Then suddenly, I heard someone chuckle. Nung tingnan ko si Shasha pala. “Kami bang dalawa ang ina alala mo o si Jules lang kasi sa kanya ka lang nakatingin. Pero hindi naman kita masisisi. My friend is really attractive.” Sabi niya sabay kindat pa kay Dima. Doon na talaga ako napadilat at nagblush. Medyo nahulog din ang panga ko nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“Shasha!” pangangalit ko sa kaibigan ko. Tsss. Pinapasukan na naman ng demonyo ito ehh. Kung ano anong sinasabii. Ehhh. Nakakahiya!

“Ahhh. Ehhhhhh. Kayong dalawa syempre.” Agad namang sagot ni Dima na nakangiti at medyo nagbablush.

Sandali!!!!

Nagbabluush si Dima? Ahh? Bakit? Matatawa na sana ako nang makita ko namang nagabago ang ekspresyon niya. Parang  nagtataka? Nakatingin siya sa isang bagay na nasa kamay ngayon ni Shasha. Ang envelope na nakita namin sa locker ni Shasha. Bakit nakatingin si Dima dun? At parang nagtataka pa.

“You got one too.” Sabi niya na tumingin naman kay Shasha.

“Nakakuha ka rin nito?” tanong ni Shasha habang pinapakita niya kay Dima ang hawak hawak niyang envelope. Sunod kong namataan ay ang paghalughog ni Dima sa hawak niyang bag. Parang may hinahanap. Nang dukutin na niya ang mga kamay niya nakita ko na alng na hawak hawak na niya ang isang envelope na kagayang kagaya ng envelope na hawak ni Shasha. Nagkatinginan naman kami ni Shasha nang makita naming yun. Bakit may ganun din si Dima?

“Itatapon ko na rin ehh. It’s probably just some moron trying to mess with me and with you too.” Sabi niya na akmang itatapon na ang envelope na maliit.

“Don’t. Meet us after school at the parking lot. Bring the envelope. Don’t open it yet. Sabay niyong bubuksan ni Shasha.” Tuloy tuloy kong sabi sa kanya bago ko hinablot ang kamay ni Shasha papunta sa next class namin. Naupo kami sa classroom na walang imikan pero alam kong nagtataka rin siya. The murder, the creepy girl, the envelopes. Konektado ba ang lahat?

Mabilis tumakbo ang oras. Tapos na ang mga klase namin at halos takbuhin na namin ni Shasha ang hallways para makapunta agad sa parking lot. Pagdating na pagdating namin sa parking lot nakita ko agad si Dima. Tumakbo agad ako sa kanya at hawak hawak na niya agad ang envelope na pinakita niya sa amin kanina.

“Open it.” Sabi ko. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita. Medyo nagulat siya pero agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. He slowly opened the envelope. Nang mabuksan na ng mabuti ang envelope, tumambad sa amin ang tatlong pictures na nasa loob nito. Agad naman nitong inilabas ang mga ito mula sa envelope.

“This is me, inside my room.” Halos bulong niyang sabi. Agad naman niyang tiningnan ang sumunod na litrato. “This is my parents, inside their office” halos bulong niya ulit na sabi pero mas kumunot ang mga noo niya. Pagkatapos titigan ang pangalawang litrato agad naman niyang tiningnan ang pangatlo at huling litrato. “SHIT!!” he whispered-yelled nang Makita niya pangalawang litrato. Nabitawan at nahulog ang mga ito sa lupa maaaring sa kadahilanang nabigla si Dima sa nakita niya. Tatanungin ko na sana siya sa kung anong nakita but I already saw it myself. The three pictures are on the ground. The first one’s Dima, the second is his parents, and the third one. Aatakihin na sana ulit ako ng panic attack ko kung hindi lang inunahan ng pagtataka ang buong pagkatao ko.

Bakit nila padadalhan si Dima ng picture ng bangkay ni Mang Dante na nakadilat?

“Shasha open yours.” agad ko namang sabi kay Shasha nang Makita kong gulat pa rin si Dima sa nakita niya. Agad namang tumalima si Shasha sa sinabi ko.  Halata rin ang panginginig niya habang binubuksan niya ang envelope.

Parehong pareho lang sila ng nilalaman ng envelope ni Dima. picture niya, ng mga magulang niya at picture ng bangkay ni Mang Dante.

Pero saan galing ang mga envelope na nakuha nila. Bakit pinapadalhan sila ng mga ganyang  bagay? Tumingin ako kay Shasha na halatang nagtataka rin at tumingin din ako kay Dima na nakatingin na rin sa akin.

Magsasalita na sana ako pero hindi yun natuloy dahil nakarinig na lang kami ng isang nakakairitang tunog na galing sa mga speakers ng school. Napatakip kaming tatlo sa mga tenga namin. Sobrang nakakairita ang tunog. Parang isang kuko na pinapadaan at dinidiin sa blackboard. Bigla na lang nawala ang tunog. Napabitiw na rin kami sa tenga namin.

“He’s mine. He’s mine. He’s mine. He’s mine.” Yan ang mga salitang sumunod na umalingaw-ngaw sa buong parking lot at maaaring sa buong school na rin dahil konektado lahat ng speakers sa isa’t isa.

He’s mine? Ano na naman ito? Kagabi pa ako nakakalikom ng mga tanong pero wala akong mahanap na mga sagot. At bakit hinahayaan nilang may gumamit ng audio room ng ganun ganun na lang? Bakit hindi nila pinipigilan kung sino man yun?
Ang audio room. Tama. Agad akong kumaripas ng takbo papasok ulit sa school papunta sa audio room. Tama nga ako. Maging sa loob ng school umaalingawngaw ang mga salitang yun na kanina pang paulit ulit na naririnig mula sa mga speakers.  Pero ang nakapagtataka walang estudyante ni isa ang makikita sa loob. Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Narinig ko pang tinawag ni Dima at Shasha ang pangalan ko na halos sabay. Mga yabag lang naming tatlo ang maririnig maliban sa tunog na nangagagaling sa speakers.

Ilang sandal pa agad ko naman namataan ang audio room. Didiretso na sana ako sa may pinto nang may  makasalubong akong isang babae na tumatakbo rin mula sa opposite ng direction na pinanggalingan ko. Siya yung babae kanina sa may locker ni Shasha. That creepy pretty girl. Halos sabay din kaming napatigil at napatitig sa isa’t isa. Nasa magkabilang side kami ngayon ng pinto ng audio room.

“What are you doing here?” rinig kong tanong ni Shasha na nasa likod ko na pala kasama si Dima na parehong humihingal tulad ko at nung babae. Pero imbes na sagutin niya si Shasha  ay agad siyang pumunta sa pinto at binuksan ito. Agad naman kaming sumunod na tatlo nang makapasok na yung babae. Agad  ko naman hinanap ang mic na nakakabit sa lahat ng speakers sa buong school. Pero hindi tao ang nakita ko ngunit isang cellphone.

“A phone that is set to repeat a recorded sound for 30 minutes.” Rinig kong sabi ni Dima na hindi ko namalayan na nasa may mic na pala at hawak hawak na ang phone na pinanggagalingan ng tunog. And as if nabasa niya ang utak ko, he turned it off. Nang tiningnan ko naman si Shasha nakatingin siya sa isang sulok ng kwarto na nakanuot ang noo. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ko ang isang payat na lalaki na umiiyak na nakaupo at parang takot na takot. Habang  si creepy girl nakaluhod naman sa harap nung lalaki at hinahagod hagod ang upper arm niya in order for him to relax but the boy still keeps on sobbing.

“I-it’s him. He wanted me to do it. H-he texted me and t-told me to b-bring the p-phone here a-and make the t-three of them h-hear it. I’m safe r-right? H-he’s not g-going to hurt m-me right?” sunod sunod na sabi at tanong niya habang umiiyak at nakatingin sa babae sa harapan niya. Creepy girl just shooked her head and gave him ahalf hearted smile. Agad agad naman niyang tinayo ang lalaki at lumabas sa kwarto. Nang makalabas na sila ng kwarto dun lang gumalaw si Shasha. Mabilis siyang gumalaw at sinundan ang mga ito. Nagkatinginan naman kami ni Dima at agad na sinundan si Shasha.

Nang makalabas na kami bigla na lang hinablot ni Shasha ang wrisk nung babae. Napaharap si creepy girl na halatang nagulat at nakatingin ngayon sa mga mata ni Shasha.

“Tell me what this is. Tell me what the hell is going on.!” Sigaw ni Shasha na nakahawak pa rin sa kamay nung babae at nakatingin rito ng masama.

Agad  namang hinablot nung babae ang kamay niya at tingingnan din sa mata si Shasha. I’m surprised na kaya niyang tingnan si Shasha ng ganun. Well, Shasha is the queen bee of the campus. “Huwag niyo kaming idamay sa laro niyo. Get the hell away from us.” The girl whisper-yelled before she turned her heels at hinila sa kamay ang lalaki.


“Anong laro?” I’ve managed to say bago pa man sila makalayo. They stopped. Akala ko yung sisigaw yung babae pero hindi. Next thing I saw was the skinny boy making his way to me. Nung nasa harapan na niya ako he took both of my hands with his hands and looked me straight in the eyes. There is a certain emotion  in his eye but I can’t decipher it. I looks like sympathy, but why?

“Jules, don’t tell anyone what just happened or they’d end up dead. Even your parents. I know they’re big and they have connections everywhere but they’re just ants compared to them. To the people who are playing with you. You tell anyone and they die. Be careful. They have eyes everywhere. They know everything. They’re frightening Jules. This is just a glimpse of them. This is just the start. Just don’t tell anybody para hindi na sila madamay.” Tuloy tuloy na sabi niya sa akin bago siya lumakad palayo pabalik sa tabi ng babae.

“What do they want?” nasabi ko pa bago sila nagsimulang maglakad.

“They don’t need anything. They need someone.” Sabi nung babae na hindi tumitingin sa amin.

“Who?” rinig kong sabi naman ni Dima na ngayo’y nakahawak na saw risk ko. In other cirumstances this woud have been embarrassing but I need this. Just his touch made me relax. I never realized how thick the air around us was until I felt his touch and relaxed.

Pero nagbalik din agad ang pakiramdam na yun oat nadagdagan pa ng takot nang marinig ko ang sinabi nung babae.


“They want Jules.” Sabi niya na nakatingin kay Dima bago niya ibinaling ang tingin niya sa akin. “He wants you.”

6 comments:

  1. Creepy! Pero maganda naman. I love mysterious, thrilling and the same kind stories. Tagal ng update nito ah. Pero okay lang naman. Thanks for the update!

    -- Rye Evangelista

    ReplyDelete
  2. yeah its really that creepy and a bit of a little scary.... suspense ba..
    sna may next chapter na... i admire u author.. sana ako din marunong
    magsulat ng nobel..

    ReplyDelete
  3. next chapter pls...

    ReplyDelete
  4. Mr ponce asan n po ung chpter4 d n nsundan tong story

    ReplyDelete
  5. Ahh grabe iba tala tong story na to. Ibang concept.. Galing! Pero bitin na talaga :( next chapter na Author pleaasu

    - vhian

    ReplyDelete
  6. Reading this story for the 2nd time and I came up with the conclusion about their identities..

    Tyler is Venom
    - First day, Dima knew that Tyler was already with their friends but he left for some reason. Is it because he wanted to see Jules at the parking lot? is he the one giving Jules the creeps? Also, Venom said the he heard Dima saying Jules is cute. Tyler was there.. he was with Trevor, Sophie, Dima and Dima's cousin.

    Trevor is Phoenix. (I think)

    And Kisses?...

    It's Shasha right? Having the fact that they're rich and powerful.
    -In the beginning of the story.. Jules describe Shasha having a pouty lips. (Kissable lips.. "kisses"?) But also this girl.. Dima's cousin (the scary one) i think she has something to do with Kisses.

    This really a good story. Looking forward to read the next chapters ASAP.

    - Grey Uson

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails