The long lost last chapter
byeiie
SI CARLOS
Alam ko hindi kayang pumatay ni raymond.. Hindi niya kaya yun.. Kilala ko sya.. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko.. Bakit parang gusto ko maniwala sa sinabi ni earl.haixt.. Bakit parang sinasabi ng puso ko na tama sya.. Mamahalin ko parin ba si raymond sa oras na malaman ko na totoo lahat ng bintang sa kanya ni earl.. I really don't know sabi ko hindi ako bibitaw.. Pero si alvin.. Nangako din ako sa kanya.
" sinabi ni earl yun.?!" gulat na saad ni joana. Pumunta ko nun sa apartment niya pagkagaling sa school.. Hindi ko maintindihin yung sarili ko bakit hindi ako mapakali.. Bakit parang may gusto akong malaman.
" pero joana hindi ako naniniwala sa kanya." saad ko lang sa ibang dereksyon nakatingin.
" hindi nga ba.?"
" I know him.."
" carlos matagal kayong hindi nagkasama.. Malay mo nagbago na sya.. Na hindi sya yung raym,ond na minahal mo..?"
" sya parin yun.. Sya parin yung minahal ko.."
" well ikaw naman makakapagsabi kung kaya bang gawin ni raymond yun eh.. I know his name pero hindi ko talaga sya kilala ang alam ko lang tungkol sa kanya ay sya yung epal sa love story niyo ni alvin.. pero nasa isip mo ba na what if nagawa niya nga yun.?"
" hindi sya mamatay tao.. At isa pa kahit naman paano may pinagsamahan sila ni alvin eh.. Kaya napakaimposible nun."
" so kung tingin mo hindi niya kayang gawin yun eh bakit ka namobroblema..?"
" hindi ko alam joana.. Pero kasi.."
" yung isip mo ayaw maniwala pero iba yung sinasabi ng puso mo.?" ngiti niya tumango naman ako ."Look hindi ako naniniwala na mahal ka nung earl na yun.. Its so imposible.. Gwapo sya mayaman. Tapos ikaw..?" ngiwi ni joana natitigan ko naman sya.
" anong ako.?"
" I mean gwapo ka naman pero kasi.. Bakit pati kapatid ni alvin.. Haixt imposible talaga.."
" ewan ko sayo..!"
"wait teka pano nga kung totoo na may kinalaman si raymond tapos si earl gusto gumanti..? Sa pagkakaalam ko carlos may nakulong nung namatay si alvin di ba.?"
" yeah meron nga.. Kaya nga hindi ko alam kung pano nasabi ni earl yun.. Pati how come na andun si raymond." napabuntong hininga naman ako saka nangalumbaba.
" pero carlos what if.?"
" what if alin.?"
" na may kinalaman talaga sya.?" saad niya ilang sandali naman akong hindi nagsalita haixt.. Mahal ko si alvin.. "kasi ako carlos.. Kahit kontra ka pa.. Gusto ko sya makulong.. Si alvin yung namatay at alam mo kung gano mo sya kamahal at kung gano ko yun kamahal hindi ko naman hahayaan na ganun na lang yun..dapat makulong sya." tumungo lang ako saka nagsimulang tumulo yung luha ko. " bakit ka umiiyak..?"
" I miss alvin.. I really miss him.." mahinang saad ko marahan namang hinimas ni joana yung likod ko. "mahal ko si raymond joana pero mas mahal ko si alvin.."
" so if ever makikipaghiwalay ka sa kanya.?"
" tingin mo matutuwa sya kung yung taong pumatay sa kanya yung makakasama ko habang buhay.?"
" hindi..?"
" sa oras na mapatunayan ni earl yun.. Aalis nalang ako joana.. Kahit saan.. yung malayo dito.. Yung malayong malayo.. Mahal ko si raymond.. Oo pero kasi joana.." hindi ko naman mapigilan yung mga luha ko. "joana si alvin yun eh.. Si alvin yung damay dito..si alvin na yung pinaguusapan dito.."
" yun yung point ko.. Involve si alvin.. At hindi lang to basta biro."
" mahal ko si raymond. Oo.. Pero nung narinig ko yung sinabi ni earl.. Para akong nadurog.. Bumalik lahat ng alaala ni alvin.. Lahat ng ngiti yung saya.. Yung mga yakap niya sakin.. Lahat ng masasayang memories namin.. Oo minahal ko si raymond dati.. Pero mas minahal ko si alvin nung naging kami.."
" haixt.. Carlos yan ang sinasabi ko sayo eh.. Umiiyak ka nanaman dahil sa raymond na yun.. Wala na si alvin.."
" joana sa oras na malaman ko yung totoo.. Lalayo na ko.. Ayoko na.. Tama na.. Dahil lang naman sakin kaya nagawa ni raymond yun."
" pwede akong sumama.?" ngiti niya.
" hindi.." saad ko sumimangot naman sya.. Kinabukasan palabas na ko ng school ng makita ko si Earl sa tapat ng gate habang nakasandal sa kotse niya.. Humugot naman ako ng malalim na hininga.
" Hi carlos." ngiti niya pero nilampasan ko lang sya saka tumuloy kung san nakapark yung kotse ko. Alam ko sumunod sya sakin pero hindi ako lumingon hanggang pigilan niya yung kamay ko ng aktong bubuksan ko na yung kotse. " can we talk.?"
" tungkol saan.?"
" Tungkol kay kuya." ngiti niya saka tinaas yung enveloped na hawak niya..
" ano yan.?"
" proof.?" hindi ko naman mapigilang titigan yung mata niya. " so can we talk now.?"
" earl.. Please tigilan mo na kami.. Please.. Nakikiusap na ko sayo."
" natatakot kang malaman yung totoo.?" ngiti nito humugot naman ako ng malalim na hininga. " look.. Carlos I know masakit malaman yung katotohanan pero you deserve to know it.. Kahit masakit kailangan tanggapin mo.. Kasi ito yung totoo."
" hindi mamamatay tao si raymond.!" madiin na saad ko.
" how can you be so sure.. Ilang taon mo syang hindi nakasama..ang tao nagbabago.. At hindi excempted si raymond dun." ilang sandali lang akong nakatingin sa mukha niya.. Haixtt please god.. Wag naman sana.
" get in." saad ko nalang saka sumakay ng kotse kita ko naman na napangiti sya saka umikot at sumakay sa kotse. " make sure na totoo lahat yan." saad ko habang nakatingin sa labas ng kotse.
" wait may tanong muna ako.?"
" ano yun.?"
" who's more handsome me or kuya alvin.?" kumunot naman yung noo ko saka lumingon sa kanya..kita ko lang yung ngiti sa labi niya.
" mas gwapo si alvin."
" sinungaling.." ngiti niya saka nilabas yung mga papel sa envelope.
" magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala.?"
" sabi ni mommy mas gwapo daw ako kay kuya alvin.. Mas maputi.. Better version nga daw ako ni kuya eh."
" depende yun sa tumitingin.."
" are you sure..?"
" pwede ba ipakita mo na sakin yan?" simangot ko sa kanya.. Inabot naman niya sakin yung mga papel saka sumandal sa upuan ng kotse..ilang minuto ko din binasa yung mga binigay niya hanggang hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko.. My god.. Napatungo lang ako.. Shit.. Bakit kahit inaasahan ko na to bakit parang sobrang sakit parin.. Sana namatay nalang ako kasama ni alvin.
" ang bango ng kotse mo huh.." lingon niya sakin. " siguro naman maniniwala ka na.. Meron din akong testigo na pwedeng magpatunay jaan." ngiti niya.
" hindi niya kayang gawin to.. Hindi.!"
" hindi niya kayang gawin to.. Hindi.!"
" nagawa niya carlos.. At wala ka ng magagawa dun.. Ganun sya kadesperadong makuha ka.. Tingin mo pagmamahal ang tawag duon.. Nagawa niyang pumatay.?" nasapo ko lang ng dalawang palad ko yung mukha ko saka hinayaaan tumulo yung mga luha ko.. Bakit.. " I know masakit to para sayo pero you deserve to know the truth.. Pinatay niya si kuya alvin."
" masaya na kami earl.. Gusto ko na maging masaya.? Bakit ba parang hindi pwede.. Bakit ba ganito.. Bakit!!" saad ko lang habang tuloy yung luha ko.
" masaya na kami earl.. Gusto ko na maging masaya.? Bakit ba parang hindi pwede.. Bakit ba ganito.. Bakit!!" saad ko lang habang tuloy yung luha ko.
" hindi ka magiging masaya kung mabubuhay ka sa isang kasinungalingan.. Maybe mahal ka nga ni raymond pero sa maling paraan." saad niya naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay aktong huhugutin ko ng higpitan pa niya yung hawak. " wala si kuya para punasan yung luha mo.. Hayaan mo sana ako gawin yun." saad niya saka hinalikan yung kamay ko.
" alam na ba to ni tita jade.?" tanong ko marahan naman syang tumango.. Hinugot ko lang yung kamay ko saka tumingin sa labas ng kotse.
" gusto ni mommy makulong si raymond."
" for sure yun din ang gusto mo.?"
" yeah.. Dapat magbayad sya sa ginawa niya."
" yeah.. Dapat magbayad sya sa ginawa niya."
" may anak sya.. Kailangan sya ng anak niya."
" hindi excuse para matakasan niya yung kasalanan niya."
" pero earl.."
" Do you still love him.?" tumungo lang ako mahal ko pa nga ba sya..ang sakit.. Bakit nagawa niyang patayin si alvin.. Dahil mahal niya ko.. Dahil gusto niya ko mabawi.. Thats bullshit.. I love him pero. Mas mahal ko si alvin..mas mahal ko yung taong pinatay niya..
" kung hilingin kong wag mo syang ipakulong.?" mahinang saad ko.
" kung hilingin kong wag mo syang ipakulong.?" mahinang saad ko.
" dapat syang makulong carlos at wala kang magagawa dun."
" wag mo syang ipakulong.. Makikiusap ako kay tita jade.. Please.. Kailangan sya ng anak niya..please."
" naririnig mo ba yung sinasabi mo huh. Pinatay niya si kuya..?"
" alam kong nagawa niya yun para sakin.. Kasalanan ko earl.. Kasalanan ko lahat to.. Naging criminal sya dahil sakin.. Please.. Parang awa mo na."
" pinili niya yun.. Hindi mo yun kasalanan."
" wag mong syang pakulong.. magiging sayo ako." saad ko habang nakatitig sa mata niya kasabay ng mga luha.. Natigilan naman sya. " please.. Earl.. Handa akong lumuhod sa harap ni tita jade.. Wag niyo lang ipakulong si raymond.. Please.. Kasalanan ko kung bakit nagawa niya yun.. Kasalanan ko.."
" mahal mo pa ba sya.?"
" mahal ko sya pero mas mahal ko yung kuya mo.. Pinatay niya si alvin.. Pinatay niya." umiiyak na saad ko. "earl magiging sayo ako kung ilalayo mo ko sa lugar na to."
" lalayo ka.? Para saan.. Wala kang kasalanan.? Si raymond ang pumatay bakit ikaw ang kailangan magsakripisyo.?"
" ayoko ng makita si raymond.. Baka ako pa ang pumatay sa kanya."
" pero di ba sabi mo.. Kahit malaman mong sya ang pumatay kay kuya..mamahalin mo parin sya."
" akala ko din.. Pero iba pala pag nalaman mo na yung totoo.. Pag nalaman mo na minamahal mo yung taong umagaw ng mundo mo.. Earl.. Mahal na mahal ko si alvin.." saad ko.. Pagkatapos namin magusap ni earl ay ilang minuto pa kong nanatili sa loob ng kotse.. Umiiyak.. Nagiisip.. Inaalala yung masasayang nangyare samin ni alvin.. Nahawakan ko naman yung kwintas ko na may sinsing na pendant..ILY ALVIN ang nakaengrave dito.. Alvin nangako tayo na forever di ba.. "Pwede bang tuparin ko yun ng ako lang magisa.?
Nagdrive lang ako papunta sa bahay nila raymond.. I'm sorry raymond.. Pero para sayo at para kay baby carlos.. Kasalanan ko kaya dapat ako ang magsakripisyo.. Ako nalang ang lalayo..pagtapat ko sa gate nila ay bumusina lang ako agad naman na lumabas si raymond.
"MK.? Akala ko may usapan uli kayo ni joana.?" pilit na ngiti nito..saka pumasok sa kotse ko.. Tinitigan ko lang sya sa mata..sya pa ba talaga yung raymond na minahal ko dati nung mga high school pa kami. Sya ba talaga yung raymond na yun. " hey MK.?"
" mond dumaan lang ako.." pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko..
" ah pasok ka muna.. Nasa loob si baby carlos."
" no wag na.."
" sure ka.?"
" yeah gusto lang talaga kitang makita.. Baba ka na uwi na ko.."
" I love you." mahinang saad niya umiwas naman ako ng tingin. " carlos walang bibitaw huh..mahal na mahal kita."
" mond why..?" mahinang saad ko saka may tumulong luha sa mata ko.. "mond bakit mo nagawa yun..? Bakit nagawa mo yun kay alvin.. Mond please sabihin mo naman sakin kung bakit oh.. Mond ang sakit sakit."
" sinabi na sayo ni earl..?" marahan naman akong tumango kasabay ng mga luha ko.. Kita ko naman na sumandal sya sa upuan ng kotse. " mond bakit.?"
" kasi mahal kita."
" mahal.. Mond masaya na kami ni alvin eh.."
" pero ako ang mahal mo.. Pinilit mo lang yung sarili mong mahalin sya.."
" no mond... Minahal ko si alvin.. At higit pa yun sa pagmamahal ko sayo.. Mond hindi naman ako magpapakasal sa kanya kung hindi ko sya mahal eh.. Limang taon kaming nagsama at hindi sya mahirap mahalin.. Kahit kailan hindi sya sumuko sakin.. Kahit kailan hindi niya ko iniwan.. Mond bakit pinatay mo sya.!" gigil na saad ko kita ko naman yung pagtulo ng luha niya. " kung hindi mo ginawa yun sana masaya kami ngayon.. Sana buo yung pamilya namin.. Napakaselfish mo mond.! Kung mahal mo talaga ko sana hindi ka nanggulo."
" carlos ako ang mahal mo.. Kung hindi ko yun ginawa habang buhay kang makukulong sa kanya."
" hindi na ikaw yung raymond na minahal ko.. Akala ko nung nagkabalikan tayo yun na yung simula ng happiness ko.. Hindi pala.."
" carlos sabi mo walang makakasira satin.. Sabi mo walang bibitaw.?"
" mond ikaw ang sumira ng lahat.. Yung love ko sayo.. Wala na.. Wala na.." kita ko naman yung titig niya sakin habang tuloy yung luha sa mata niya. " mond nawala na lahat yun.. Wala na.. Kasi si alvin habang buhay na sya dito sa puso ko at hindi hindi mo na mapapalitan yun.. Mond napakasama mo."
" mahal mo ko.. Carlos mahal ko ko eh.!"
" mond hindi.. Alam mo ang totoo.. Umasa lang ako na pwede pang ibalik yung dati natin.. Na pwede pa natin ulitin yung pagmamahalan natin before.. Pero mali ako.. Kasi raymond na minahal ko dati wala na..yung raymond na minahal ko dati kinain na galit.."
" pinatay ko si alvin dahil mahal kita... Just to have you back..! Carlos nagtiis ako ng matagal..carlos tiniis ko yung sakit..mahal kita carlos please wag naman ganito oh.. Haharapin ko yung ikakaso nila sakin.. Tatanggapin ko na makukulong ako..pero please stay with me.. Please.. Carlos ayoko.. Ayokong mawala ka sakin.. Please naman wag mo naman akong bitawan oh.. Mahal na mahal kita." umiiyak na saad niya umiwas naman ako ng tingin. " carlos please.. Kasama naman kita haharapin to di ba.. Carlos mahal mo ko eh.. Alam ko at nararamdaman ko yun.."
" mond nangako ako kay alvin.. Forever.. Tutuparin ko yun ng magisa.. Kahit wala ka.. Don't worry gagawin ko lahat para maconvince si tita jade na wag kang ipakulong.."
" carlos wag.. Wag mo naman akong iwan oh."
" I'm sorry mond..please bumaba ka na.."
" no.. Hindi ako baba dito.. Please patawarin mo ko.. Pagbabayaran ko yung kasalanan ko wag mo lang akong iwan please carlos.. Please naman oh."
" alagaan mo si baby carlos mond.. Please maging ama ka sa kanya.."
" carlos please naman oh.. Parang awa mo na.." tumitig lang ako sa mata niya saka sya binigyan ng malakas na sampal sa mukha kita ko naman na natigilan sya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ang nagawa ko lang nun ay humikbi.. Hindi na sya si raymond .. Hindi na..
" para sa pagpatay mo kay alvin.!" gigil na saad ko. " now get out!!"
" please.." nakatungong saad niya.. Nakita ko naman yung sasakyan ni earl na pumarada sa likod ng sasakyan ko. " carlos mahal na mahal kita."
" bye mond.. Bye." saad ko saka bumaba ng kotse..alam ko hindi ko sya mapipilit bumaba ng kotse.. Hindi ko na syang kayang tingnan.. Hindi na... Agad ko lang tong sinara saka tumuloy sa kotse ni earl.
" wait carlos wait please..!" sigaw ni raynmond pagbaba ng kotse ko.. Lumingon lang ako sa kanya habang may luha sa mata kita ko lang yung pagluhod niya sa kalsada. " please wag mo ko iwan." pinunasan ko lang yung luha sa pisngi ko saka sumakay sa kotse ni earl.
" lets go earl." agad naman nitong pinaandar yung kotse kita ko pa yung paghabol dito ni raymond tuloy lang yung pagpatak ng luha ko habang nakatingin sa side mirror hanggang mawala na sya sa paningin ko.
" how about your car.?"
" ikaw nalang ang kumuha.. Basta ilayo mo muna ako dito."
" did you break up with him.?"
" hindi ba obvious..?"
" sabi ko nga.. Akala mo siguro that love is sweeter the second time around.. Hindi naman totoo yun eh.. May mga bagay na hindi mo na pwedeng ibalik sa dati.. Kung maibalik mo man. Madali na tong masisira uli.. How about creating a new one." ngiti niya.
" shut up..!"
"fine.. san ba kita dadalhin.?"
" sa bahay niyo.. Gusto ko kausapin si tita jade." Nang gabing yun ay hindi ako sa bahay umuwi.. kala earl ako natulog sa dating kwarto ni alvin.. Nakiusap ako kay tita jade na wag ipakulong si raymond nung una ayaw nitong pumayag.. Pero nung lumuhod ako ay niyakap nalang ako nito.. Alam ko masakit sa kanila yung ginawa ni raymond.. Nawala yung anak nila dahil dito..masakit tanggapin oo.. Pero nangyare na.. Mahal ko si raymond pero hindi sapat yun para mapatawad ko sya sa ginawa niya.. Kahit pagbalikbaliktarin ang mundo pumatay parin sya ng tao.. Pinatay niya yung taong mahal na mahal ko.. Ang tangi ko nalang magagawa ay yung wag hayaang mawalan ng tatay yung anak niya.
" ang sarap dito noh." lingon sakin ni earl nasa isang beach kami nun.. Pagkatapos namin kausapin si tita jade ay kinabukasan ay lumipad na kami ni earl papuntang aklan.. Hindi ko na kayang harapin si raymond.. Hindi ko na kayang tingnan pa sya.. Naalala ko lang si alvin yung mga ngiti nito.
" earl do you really love me.?"
" yes.. Weird right.. Pero kasi yun yung nararamdaman ko.. I admit at first all I want lang naman is maghiganti pero nung nakilala kita.. Nung nakita ko yung mga ngiti mo.. I fell in love with you."
" I dont love you.. Wag kang umasa." sarkastiko kong ngiti sa kanya kita ko naman na natawa sya.
" sabi mo magiging akin ka.?"
" joke lang yun.. Gusto ko lang lumayo at ginamit kita para gawin yun."
" ah ganun." ngiti niya tumayo naman ako saka naglakad sa buhanginan pabalik sa bahay nila. " wait teka lang carlos."
" what.?"
" wala bang pagasang mahalin mo ko.. Gwapo naman ako.?"
" gwapo ka nga.. Pero hindi naman kita mahal." ngiti ko.
" ows.. Wait mamaya ka na pumasok.." nagulat nalang ako ng hilahin niya ko pabalik sa dalampasigan.
" ano ba gusto ko na pumasok eh."
" dito muna tayo.. Hindi mo naman ako pinapansin sa bahay eh.. Eh pag nandito tayo kinakausap mo ko..."
" wala naman kasi tayong paguusapan.?"
" kahit ano lang.. Gusto pa kita makilala."
" earl.. Ayoko.."
" naman to oh.." saad niya saka lalo akong hinila.. Hanggang makarating kami sa dalampasigan.. Umirap lang ako dito saka muling umupo sa buhanginan. " ok fine.. Ako nalang magpapakilala sayo.."
" mas ok yun.." simangot ko.
"haixt ang hirap mo pala pakisamahan noh.. fine.. lumaki ako sa amerika.. Alam mo nanaman yun di ba.. Yung mommy ko other woman sya ng daddy ni kuya alvin."
" bakit sanay ka makipagbubugan.. Adik ka siguro dati noh.?"
" kapal mo carlos huh.. Yung mommy ko kasi sya yung adik.. Pinabayaan niya ko.. Alam mo bang sa bahay ampunan ako lumaki.. Dinala ako dun ni mommy hanggang mabalitaan ko nalang na naoverdose sya sa drugs.."
" talaga.?"
" yeah buti nga nakagraduate ako eh.. Saka dumating si daddy tapos dinala ako sa bahay nila.. Alam mo ba yung hirap na para kang walang magulang..yung walang nagmamalasakit sayo.? Buong buhay ko magisa lang ako pero hindi naging sagabal yun para magtagumpay ako." seryosong saad niya habang nakatingin sa dagat.. Hindi ko naman mapigilan pagmasdan sya. " never pa kong nagmahal.. Until nakita kita.."
" bakit ako.. Pwede namang babae nalang di ba.?"
" don't know.. Nung pinakita sakin ni mommy jade yung picture niyo ni kuya.. Parang kumabog yung dibdib ko..yung nagboomboom.. Pero hindi ko nalang yun pinansin hanggang nakita kita in person.. Nung time na yun gusto na kumawala ng puso ko." natatawa niyang saad.
" korni"
" pero totoo yun huh.."
" ayoko na magmahal.. Si alvin namatay.. Si raymond nagawang pumatay.. Eh ikaw kaya.. Yung mga nagmahal kasi sakin nawala sa wisyo eh.. So kung ikaw baka magpakamatay ka.?"
" well I can do it."
" tanga ka ba huh.?"
" carlos.. Worth it kang mahalin.. O kahit pagsakripisyuhan ng buhay."
" baliw.."
" bakit naman."
" ayoko na.. Ayoko na earl ive had enough.. Sawa na ko."
" kakalimutan mo na si raymond.?"
" kaya nga ako lumayo eh... Alam mo narealize ko na mahal ko nalang si raymond dahil sa ideang minahal ko sya dati.. Binigay ko sa kanya lahat before.. Pero nasayang yun.. Buti nga sinalo ako ng kuya mo."
" rebound lang si kuya di ba.?"
" no.. Actually si alvin talaga yung unang minahal ko. Kaso yang tanga mong kuya natakot hanggang maunahan sya ni raymond..pero tapos na yun.. Kami naman ang kinasal eh. Haixt ayoko na pagusapan."
" I know mahal mo pa si raymond.?"
" mas mahal ko ang kuya mo.."
" pero wala na si kuya."
" pero hindi ibig sabihin nun na nawala na sya sa puso ko.. Si raymond. Nakaraan na sya.. Nakaraan na ibabaon ko na sa limot.. Nagulo yung buhay niya dahil sakin.. Nakapatay sya dahil sakin..tama na siguro yun.. minsan we have to learn to leg go.. Mahirap pero yun kasi yung makakabuti.. Yun ang dapat gawin..masakit oo.. Pero yun yung realidad eh.. Yung happiness na sinasabi.. Hindi ganun kadaling makuha yun.. At napakaswerte mo kung kahit paano ay naranasan mo. Ako thankful parin ako kasi naranasan ko sumaya.. Kahit sandali lang.. Kahit binawi agad yung kuya mo." saad ko habang nakatanaw sa dagat.. Ramdam na ramdam ko lang yung dampi ng hangin sa mukha ko..
" letting go.. Yun yung pinakamahirap gawin pero minsan di ba.. Yun ang pinakatamang desisyon.. Love is a desisyon.. Happiness is a desisyon.. Ikaw yung magdedecide if you want to be love or if you want to be happy.. Its all in your hand.. Minsan ang tingin natin sa love is isang hardin na punong puno ng roses..na puro ganda lang.. Ang hindi natin napapansin ay yung mga thorns behind that.." saaad lang ni earl tumungo naman ako. " pero kahit punong puno ng thorns ang roses.. Pilit parin natin to hahawakan.. Kahit masaktan tayo.. Tulad ko.. Alam kong imposibleng mahalin mo ko pero I'm still hoping na baka.. Or pwede.."
" earl.. Wag ka na umasa.. Kasi hindi ko na ulit bubuksan yung puso ko.. Mas ok naman mag-isa eh.. Mas ok na wala nalang kesa may masakatan pa." saad ko saka tumayo para bumalik sa bahay.. Ilang araw na rin kaming nakatira dito ni earl..nagresign na ko sa school na pinapasukan ko.. Sapat na rin siguro yung naipon ko para tumira dito sa lugar na to.. Para satahimik na pamumuhay.
Pagpasok ko sa kwarto ay tiningnan ko lang yung cellphone ko.. Napakadaming text at tawag...simula ata ng dumating ako dito hindi na ko nagabalang buksan pa yung msgs sa cellphone hinayaan ko nalang tong tumunog ng tumunog.
SI EARL
Minsan pinipilit natin ang isang bagay kahit alam natin na imposible.. Kahit alam natin na masasaktan tayo. Ganun naman talaga sa love di ba.. Kailangan mo sumugal kailangan mong subukan para wala kang pagsisihan sa huli.. Ganun lang yun try and try until you die.. Right.?
Ilang linggo na rin kaming magkasama ni carlos sa lugar na to.. At ilang linggo na din na para akong tangang nakikipagusap sa hangin.. Naiintindihan ko naman sya eh.. Masakit yung nangyare pero hanggang kailan sya ganito.. Siguro nga mas ok na wag niya na ko mahalin.. Basta maging ok lang sya ulit.. Ang sakit sa dibdib kapag nakikita ko syang umiiyak habang nakatanaw sa dagat.. Pag nakikita ko syang nakatulala..haixt pero hindi ko sya pababayaan.. Hindi ko sya hahayaan kainin ng lungkot niya nangako ako kay mommy na aalagaan ko si carlos at tutuparin ko yun.
Madaling araw yun ng maalipungatan ako ng marinig yung tunog ng pinto.. Agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto.. Naabutan ko lang yung front door na bukas habang hinahampas ng hangin. " carlos.?" tawag ko dito nang puntahan ko yung kwarto niya ay wala na ito duon kaya agad akong lumabas ng bahay. " carlos!" sigaw ko pero wala akong nakita.. Unti unti naman akong binalot ng kaba saka tumanaw sa dagat.. Para akong nanghina nun ng makita sya sa dagat.. hanggang dibdib niya na yung tubig pero tuloy parin sya sa paghakbang. " carlos wag.!" sigaw ko dito pero parang hindi na niya na ko narinig kaya agad akong lumusong sa tabig.. My god ano bang ginagawa niya..ng makalapit ako sa kanya agad ko syang hinarap sakin saka binigyan ng malakas na sampal.
" damn..! Tanga ka ba huh bakit ka magpapakamatay.!" sigaw ko saka sya hinila sa dalampasigan.. Sinalya ko lang sya sa buhanginan kaya napasubsob sya. "akala mo pag ginawa mo yun sasaya ka na huh!!" sigaw ko pa dito pero narinig ko lang yung paghikbi niya. " carlos hindi matutuwa si kuya kapag ginawa mo yun.!!"
" earl hayaan mo na ko please.. Gusto ko na mamatay eh.. Gusto ko na makasama yung kuya mo."
" gago.! Sa impyerno ka mapupunta kapag ginawa mo yun useless din.. Kung nababaliw ka na go to psychiatrist.! Babahiran mo pa ng dugo yang magandang dagat na yan.. Wala naman ginawa sayo yan huh!"
" pwede ba hayaan mo nalang ako.. Napapagod na ko.. Gusto ko na matahimik."
" gusto mo ng tahimik..? Eh hindi mo nga ako kinakausap.. Halos mapanis na yung laway ko.. Ano pa bang katahimikan ang gusto mo huh.. Carlos lilipas din to.. In time makakalimutan mo din lahat.. Mawawala din yung sakit pero bago mangyare dapat wag kang sumuko.. Life goes on.. Hindi titigil ang mundo mo dahil lang sa ginawa ni raymond.. Hindi titigil sa pagikot ang earth dahil nasaktan ka.. Bumangon ka hindi yung ilulubog mo pa yung sarili mo..!"
" ano bang paki mo kung mamatay ako huh.. Hindi mo pa ko kilala kaya wala kang karapatan pagsabihan ako at gagawin ko ang kahit anong gusto ko..!"
" bullshit..! Pasalamat ka mahal kita kung hindi ako na pumatay sayo.! Carlos wag kang tanga.. Alam ko ang dami mo ng pinagdaanan.. Pero di ba hindi ka sumuko.. Lumaban ka.!" sigaw ko sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko..kita ko naman yung paghikbi niya. " carlos laban lang.. Tuloy ang buhay.. Tuloy tuloy to at kailangan mong sabayan.. Masakit oo.. Pero hindi sapat na dahilan yun para sumuko ka.." saad ko kita ko lang na tumungo sya.. Habang tuloy yung paggalaw ng balikat niya..
" earl hindi ko na kaya eh.. Para na kong mababaliw..earl hindi ko na kaya." iyak niya lang nilapitan ko naman sya saka niyakap.. " earl gusto ko na mamatay.. Please gusto ko na.. Gusto ko na matapos lahat ng sakit dito sa puso ko.. Lahat ng hapdi.. Ayaw ko ng maramdaman lahat.. Ayoko na.. Sobrang sakit na eh.."
" carlos ok lang wag mo na ko mahalin.. Maging ok ka lamng.. Ituloy mo lang yung buhay mo.. Carlos nasaktan ka lang ng isang tao.. Hindi mo kailangan idamay ang mundo.. I'm here.. Sasamahan kitang harapin ang bukas.. Sasamahan kita carlos.. Please wag kang sumuko para kay kuya at para sa mga taong nagmamahal sayo." umiiyak na saad ko habang yakap yakap ko sya.. Ng mga oras na yun mas lalong gusto ko syang tulungan.. Tutulungan ko syang maghilom lahat ng sakit niya sa puso.. Lahat ng hapdi na nararamdaman niya.. Mas lalo ko lang syang niyakap ng mahigpit.. Kung sinukuan mo na ang sarili mo.. Ako ang lalaban para sayo..
Kinabukasan ay maaga ako gumising para ipagluto sya.. Para kahit paano naman gumaan yung pakiramdam niya.. Pilit lang akong ngumiti habang nakatanaw sa bintana.. Ang ganda ng lugar na to pero bakit kaya hindi niya makita yun..napabuntong hininga lang ako hanggang marinig ko na bumukas yung pinto ng kwarto niya.
" gooodmorniing." ngiti ko sa kanya pero hindi niya ko binigyan ng kahit isang sulyap. " nagluto ako kain ka na." saad ko saka inayos yung mesa.
" earl.. Siguro pwede ka ng umuwi kaya ko na yung sarili ko.." saad niya natigilan naman ako. " baka kasi kailangan ka na ni tita jade eh."
" hindi ok lang yun.. Saka im here para samahan ka."
" malaki na ko hindi ko kailangan ng kasama."
" aalis ako? Then what.? Babalik ako dito para ilibing ka.. Im sure pag umalis ako magpapakalunod ka na sa dagat."
" hindi ka ba nagsasawa earl.. Hindi ka ba napapagod."
" carlos.. First tanggap ko na hindi mo ko mamahalin.. Ang goal nalang siguro ay yung makita kang nakamove on.. Yung makita kang ok na that time siguro pwede na ko umalis.. Pag nakita kong super ok ka na."
" baka hindi na ko maging ok kaya wag ka ng umasa.."
" kung habang buhay ka ng hindi magiging ok. So be it .. Nasa tabi mo ko.. Hindi ako magsasawa na sagipin ka sa dagat na yan.. Hindi ako magsasawa na ipagluto ka sa umaga.. Hindi ako magsasawa na alagaan ka.. Kung habang buhay ko ng gagawin yun.. Tanggap ko na rin."
" earl please umuwi ka na.. Hayaan mo na ko.."
" wala naman akong gagawin sa bahay.. Si mommy busy yun si daddy laging out of the country..ako naman.. Nasa amerika ang trabaho ko.. Pero nandito sa pilipinas ang buhay ko.. At ikaw yun.. Binibigyan mo ko ng dahilan para patuloy na mabuhay.. Para patuloy na umasa.. Dati para akong robot.. Gawin mo to .. Gawin mo yan.. Dito ka.. Duon ka.. Ganun ang buhay ko. At sawang sawa na ko dun.. Sawa na ko ng inuutusan.. Ngayon gusto ko yung gusto ko naman.. At ikaw yun.. Pero kahit ayaw mo sakin gagawin ko parin to kasi kahit paano sumasaya ako."
" haixt.. Earl ayoko na makipagtalo.. Bahala ka sa buhay mo." simangot niya saka tinuon yung atensyon sa pagkain niya.. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.. Hindi ako aalis sa tabi mo carlos.. Never..
Kinagabihan ay nakita ko lang si carlos na nakaupo lang uli sa dalampasigan habang nakatanaw sa dagat.. Agad naman akong lumabas ng bahay.. Haixt not again.. Ang lamig lamig ng tubig sa gabi at ayoko lumusong..
" please pwede ba kung magtatangka ka magpakamatay.. Every other day naman.. Ang lamig lamig kaya ng tubig." saad ko pagkaupo sa tabi niya.
" eh sino ba kasi nagsabi na sagupin mo ko everytime na lulusong ako sa dagat."
" wala.. Gusto ko lang."
" saka masama ba maligo.. Naliligo lang naman ako ah.. Kahit umaga hinihila mo ko pabalik sa dalampasigan.. Ang ganda ganda ng dagat pinagbabawalan mo naman ako maligo." simangot niya napakamot naman ako sa ulo.
" eh magpapakamatay ka kasi eh.."
" gagawin ko yun pag alam kong tulog ka.. Hello gising ka.. Bawal parin ako maligo.?"
" mahirap na.. Basta pag lumusong ka hihilahin lang uli kita.. Kaya wag mo ng subukan." saad ko sumimangot lang sya saka tumanaw sa dagat. Ilang sandali lang walang nagsalita samin hanggang marinig ko yung buntong hininga niya. " para saan naman yun.?"
" wala lang.."
" nakikibalita ka ba satin.. Alam mo ba kung ano nangyare kay raymond.?" tanong ko pero umiling lang sya. " yung cellphone mo hindi mo man lang binubuksan.?"
" hindi.. Ayoko.."
" gusto mo balitaan kita.?" pilit na ngiti ko kita ko naman na lumingon sya sakin saka umiling.
" wag na ayoko."
" si raymond. Sumuko sya.. Nakakulong na sya ngayon." saad ko.
" di ba sabi ko ayoko..!" mataas na boses na saad niya saka tumayo at mabilis na naglakad.. Agad naman akong humabol dito saka hinawakan yung braso niya pero tiningnan niya lang ako ng masama nilabanan ko naman yung tingin niya.
" hindi mo to matatakasan carlos.."
" bitawan mo ko earl..!"
" ayoko... Carlos move on..!"
" sinusubukan ko naman ah.. Kaya nga nandito ako eh.!" sigaw niya kasabay ng mga patak ng luha. " earl sinusubukan kong kalimutan lahat.. Kaya nga ayoko ng balita mula sa kanila eh.. Kasi gusto ko makalimot.."
" alam mo acceptance yun ang kailangan mo.. Hindi mo kailangan magtago."
" akala mo ganun kadali yun huh. Hindi.. Kasi ang sakit sakit dito.." turo niya sa dibdib niya.. Habang umiiyak.. " alam mo ang masakit.. Yung umaasa akong babalik si alvin.. Pero di ba ang imposible nun."
" mahal mo pa ba si raymond.?"
" hindi na.. Hindi na.." gigil na saad niya.
" eh bakit ganyan ka parin.."
" bakit..? Nagluluksa.. Nagluluksa ng paulit ulit sa pagkamatay ng kuya mo.. Sa pagkamatay ng taong mahal na mahal ko.. Nagluluksa ako dahil sobrang sakit.."
" nagluluksa.? Nakakatawa ka.." sarkastikong ngiti ko sa kanya saka sya nilampasan at mabilis na naglakad papunta sa bahay.. Tingin ko hindi niya ko kailangan.. Ang kailangan niya tanggapin sarili niya lahat ng nangyare sa kanya.. Mahirap tulungan yung taong alam mong ayaw ang magpatulong.
SI CARLOS
Hanggang kailan ba ko ganito... Hanggang kailan ko mararamdaman yung sakit.. Sana makamove on na ko.. Tanggap ko na yung nangyare samin ni raymond.. Ang hindi ko matanggap ay yung nawala si alvin dahil sakin.. Dahil sa pagmamahal sakin ni raymond.. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga.. Si earl kahit inaaway niya ko.. Minumura at sinasabihan ng kung ano ano.. Hindi parin sya umaalis.. Hindi parin sya sumusuko sakin kahit ilang beses ko na syang pinagtabuyan.. Parang sinukuan ko na nga na iiwan niya pa ko eh..
Nakatanaw ako nun sa bintana habang pinagmamasdan si earl habang nakikipaglaro sa mga bata sa dalampasigan.. Mukha syang batang nakikihabulan sa mga to.. Hindi ko lang mapigilan matawa ng makita nadapa sya saka sumusob sa buhanginan.. Pinagtawanan din sya ng mga bata..mukhang ewan.. Ilang sandalli pa ng makita ko na naglakad na sya pabalik sa bahay.. Natitigan ko naman sya. Isa sa mga dahilan kaya ayoko sa kanya ay dahil kamukhang kamukha talaga sya ni alvin.. Lalo lang akong nasasaktan.
" nakita kita pinagtawanan mo ko." saad niya paglapit sa bintana umiwas naman ako ng tingin. " ang ganda talaga ng smile mo." saad pa niya saka tumalikod at tumanaw uli sa mga batang naglalaro. " alam mo ito yung hindi ko naranasan eh.. Yung maging bata."
" kaya pala isip bata ka." saad ko lang lumingon naman sya sakin.
" hindi naman.. Matured na ko noh.. Masarap lang talaga makipaglaro sa kanila."
" wala kang balak magkaanak.?" tanong ko lang sa kanya.
" uhm meron naman.. Pero kung ikaw makakasama ko.. Ok lang na wala." ngiti niya sinimangutan ko naman sya. " joke lang."
" ewan sayo.."
" ngayon ko lang nakita yung ngiti mo.. Magandang sign yan.."
" natawa lang ako sa pagkakadapa mo..anong lasa ng buhangin.." simangot ko natawa naman sya..
" lasang sukal.. Ang sarap nga eh try mo." saad niya saka dumakot ng buhangin aktong ilalapit niya sa bibig ko ng tapikin ko yung kamay niya dahilan para masaboy sa mukha niya yung buhangin.. Natawa lang ako ng makita na naubo sya." fuck..!" Reklamo niya saka dumura ng dumura.. Hindi ko naman mapigilan yung tawa ko dahil sa itsura niya natigilan lang ako ng tumigil sya sa pagubo saka dahang dahang tumingin sakin.. " are you laughing.?"
" huh hindi ah.."
" I heard you.. bakit mo tinapik nakain ko ata yung buhangin."
" mukha ngang sanay na sanay ka sa pagkain niyan eh.."
" ah ganun." ngiti niya saka pumasok sa bahay at hinila ako palabas.. Pilit naman akong nagpupumiglas hanggang madala niya ko sa buhanginan saka sya dumakot ng buhangin at nilamutak sa mukha ko.."ano lasahan mo."
" gago ka earl huh!" sigaw ko sa kanya.
" anong lasa..?"
" bwiset ka..!" sinabuyan ko lang sya ng buhangin.. Pero tinawanan niya lang ako.. Aktong lalapit pa uli sya sakin ng dumakot pa ko ng buhangin. " wag kang lalapit.!"
" hindi ako takot sa buhangin." ngiti niya.
" gago.. Lumayo ka sakin earl.. Bwisit ka huh.!" pero sinuggaban niya lang yung kamay ko saka inupo.. " fuck.. Bitawan mo nga ako." nagulat lang ako muli niya lang nilamutak yung buhangin sa mukha ko yung iba pa dito napunta sa bibig ko.. Pagkatapos nun ay tumakbo na sya papunta sa dagat.. " earl papatayin kita!!" sigaw ko saka tumakbo din sobrang gigil ko talaga ng mga oras na yun lalo pa ng marinig yung pagtawa niya.
" tara dito sa tubig.!" sigaw niya.
" gago ka lulunudin kita." habol ko sa kanya hanggang lumusong kami sa tubig hindi ko naman sya malapitan dahil sinasabuyan niya ng tubig yung mukha ko.. Fuck.. Kainis talaga tong earl na to oh.. Haixt.. Gumanti naman ako sa kanya ng pagsaboy ng tubig hanggang makalapit ako sa kanya.. Hinawakan ko lang yung buhok niya saka pilit na nilubog sa tubig.. Hindi ko lang mapigilang matawa ng magpumiglas sya.. Tinawanan ko lang sya ng iangat ko yung ulo niya kitang kita ko lang yung paghahabol niya ng hininga.
" papatayin mo ba ko.. Haixt.. Bitawan mo nga ako.!!"
" isa pa gusto mo.?" ngiti ko pero hinawi niya lang yung kamay ko ng aktong hahawakan ko uli yung ulo niya.
" mukha mo ikaw naman!" gigil na saad niya nataranta naman ako kaya tumakbo ako.. Wala kaming ginawa ni earl nun kundi maglunudan at maghabulan. Ewan ko.. Mas ok yung ganito kahit paano nakakalimot ako.. Hindi naman masama makipaglaro ako sa kanya kahit minsan.
Pagkalipas ng isang buwan ay bumili ng bangka si earl.. Hiniling ko kasi sa kanya na gusto ko mamingwit ng isda.. Una binibiro ko lang sya pero di ko akalain na bibili sya.. Ganito na kami.. Unti unti na kong nasanay sa presensya ni earl.. Mabait naman pala sya.. Palabiro.. Hindi ko na rin mapigilang makipagtawanan sa kanya.. Unti unti ko na rin nakalimutan yung mga nangyare sa tulong ni earl.. Sa tulong ng kapatid ni alvin..
" carlos bilis mo na..!" sigaw sakin ni earl mula sa labas.
" teka naman.." sigaw ko din.. Habang nagbibihis nahagip naman ng mata ko yung cellphone ko.. Ang silbi nalang sakin nito ay para sa oras.. Tiningnan ko naman to.. Hanggang ngayon napakadami parin msgs. Ng buksan ko nakita ko lang yung pangalan ni joana.. Jerome kapatid ko at si tita jade.. Tiningnan ko yung pangalan ni raymond pero wala ito.. Napangiti naman ako.. Buti naman.. nilagay ko lang to sa bulsa saka lumabas ng bahay.
" ang tagal mo naman.. Excited na ko eh."
" ako din eh.. Ang tagal na natin dito pero ngayon lang tayo mamimingwit.." ngiti ko.
" tara na bilis.." saad niya parehas lang kaming tumakbo papunta sa bangka.. Haixt masabi ko na ok na ko.. Kasi nagagawa ko na ngumiti,.. Nagagawa ko ng tumawa.. Tama si alvin dati.. Time heals all wounds.. Malayo na yung narating ng bangka namin ng iabot sakin ni earl yung fishing rod.
" ngayon lang ako gagamit nito."
" parehas tayo.. Pero nagpaturo ako dun kay manong edgar..ganito daw oh.. Ilagay mo daw yung worm sa dulo saka mo iitsa sa tubig." ngiti niya habang dinedemo kung pano gawin yun.. Sinubukan ko naman.. Haixt ang galing..
" earl paunahan tayo huh." saad ko habang iniitay na may kumagat sa pain ko.
" sure.. Ako mauuna tingnan mo.." ngiti niya nakita ko naman na parang may humigit sa tali ng fishing rod niya nang tingnan ko sya kinindatan niya lang ako. "see..meron na ko.." saad pa niya namangha lang ako ng may makitang isda sa dulo nun.
" wow earl.. May nahuli ka nga.. Ang laki." excited na saad ko.
" syempre magaling ako.. Hulaan ko huh maghapon kang nganga jan.. Pero wala kang Mahuhuli." saad niya sumimangot naman ako.
" ang yabang.. Pag ako nakahuli.. Ihuhulog kita dito sa bangka." natigilan lang ako ng tumunog yung cellphone ko sa bulsa kahit sya natigilan.
" dala mo cellphone mo.?" kunot ang noong tanong niya.
" yeah." saad ko saka kinuha yung cellphone ko nakita ko lang na may tumatawag na number. Nagkibit nalang ako ng balikat saka binato sa dagat yung cellphone ko.
" bakit mo binato.. May tumatawag ah.?"
" hayaan mo na yun.. Dito nalang ako earl.. Kahit habang buhay.."
" huh.. Sigurado ka.?"
" oo naman.."
" kahit kasama ako.?" saad niya pinilit ko naman ngumiti sa kanya.
" hanggang magsawa ka sakin." saad ko natawa naman sya.. "Basta ako dito nalang ako.. Kahit iwan mo pa ko."
" pano si raymmond.?"
" sabi ko nga di ba.. Wala na.. Inaapply ko na rin yung sinabi mo.. Acceptance.. Tanggapin yung mga bagay na dapat tinatanggap na..and move on." saad ko.
" tama nga yun.. Carlos bigyan mo naman ako ng chance oh.?"
" chance.?"
" na mahalin mo.?" saad niya umiwas naman ako ng tingin.. Saka pilit na ngumiti. " wala ba talaga.?"
" alam mo earl.. Ok na ko sa ganito.. Magisa ."
" ano tingin mo sakin sabaw. Hangin.?. Hindi ka kaya magisa.. Kasama mo kaya ako."
" what i mean is yung ganito.. Yung wala ng masasaktan.. Tama na yung nangyare sakin.. Tama na yun."
" mahal kita.."
" earl.. Ala-" nagulat lang ako ng pagharap ko sa kanya ay bigla niya kong halikan sa labi ilang sandali naman akong hindi nakagalaw.. Ilang buwan na kaming magkasama dito pero ngayon niya lang ako hinalikan.. Naramdaman ko naman na humiwalay sya hindi ko lang mapigilan titigan sya sa mukha.. Dati pag tinitingnan ko sya si alvin ang nakikita ko.. Pero bakit ngayon iba na..
" hindi mo ko tinulak.. " ngiti niya.
" huh ah eh gago ka eh namimigla ka.!" simangot ko.. Hanggang maramdaman ko na may humihigit na sa tali ng fishing rod ko.. Pilit ko naman tong hinila..pero mukha malaki to.. Hanggang maramdaman ko yung kamay ni earl na humawak sa kamay ko saka pilit na tinaas yung hawak ko.. Napanganga lang ako sa nakita kong malaking isda.
" earll hilahin mo bilis...!!" excited na saad ko.. Nang mga oras na yun nawala na sa isip ko yung paghalik sakin ni earl at ayoko na din isipin yun.. Hanggang makauwi kami sa bahay.. Inihaw lang namin yung mga isda na nahuli namin.. Nagtatawanan pa kami ni earl habang nililinis yung isda.
" ang sarap mamingwit earl noh.. Ulitin natin yun huh."
" oo naman may bangka na tayo eh.."
" ako nakahuli ng pinakamalaking isda.. Akin lang to huh."
" ok lang kahit sayo na yan lahat.. Nakiss naman kita eh." ngiti niya natigilan naman ako.. " namumula ka.." natatawang saad pa niya.
" baliw.."
" pwede bang pakiss uli.." saad niya sinimangutan ko naman sya saka pumasok sa bahay.
" kukuha lang akong pinggan." sigaw ko sa kanya pero nagulat ko ng sumunod sya sakin.. " ano.?"
" pakiss..?"
" hoy earl lumayo ka nga skain.." saad niya pero nagulat ako ng hawakan niya yung ulo ko saka masuyong hinalikan sa labi.. Nabitawan ko naman yung pinggan na hawak ko.. Bakit ba ganito nararamdaman ko. Hanggang hindi ko na napigilang sumagot sa halik niya.. Ilang sandali kaming nasa ganun pwesto ng humiwalay sya sakin.
" kanina hindi mo ko tinulak nung hinalikan kita.. Tapos ngayon you kissed me back.. Nadeveloped ka na sakin noh.?"
" ano ka picture..?" simangot ko saka sya nilampasan pero niyakap niya lang ako mula sa likod.
" I love you.. At handa akong samahan ka dito forever.."
" earl.."
" basta I love you carlos.. I love you.. Handa naman akong magintay na mahalin mo rin ako.."
" haixt ewan ko sayo." saad ko saka tinanggal yung kamay niya sa bewang ko. Humugot lang ako ng malalim na hininga.. Haixt bakit ba parang may nararamdaman na ko sa lalaking to.. Kapatid sya ni alvin.. Bakit sya pa.
Malalim na ang gabi nun ng magpasya akong magpahangin sa dalampasigan alam ko tulog na si earl ng mga oras na yun.. Ngayon nalang uli ako lumabas ng ganito kalalim ang gabi.. Gusto ko magisip.. Mali yung nararamdaman ko kay earl maling mali.. Umupo lang ako sa buhanginan saka tumingala..naalala ko lang yung unang gabi namin ni alvin.. After ng graduation..yung pagsisimula ng pagikot ng oras namin. " alvin sign naman oh.. Please help me.?" bulong ko lang.
" hey wala ka naman balak magpakamatay di ba.?" napalingon naman ako ng makita si earl sa likod ko.
" wala nagiisip lang ako."
" buti naman.." natatawang saad niya saka umupo sa tabi ko.
" kala ko tulog ka na.."
" nakakonek na ata yung puso ko sayo. Tuwing lalabas ka ng bahay nagigising ako." saad niya natawa naman ako. " look.. May binigay sakin si mommy bago tayo pumunta dito.. Nakita ko kanina habang naghahalungkat ako ng damit." saad niya saka may kinuha sa bulsa ng short niya natigilan lang ako ng makita yun.. Yung wrist watch na binigay ko kay alvin. " I really don't know bakit binigay ni mommy sakin to.. Hindi naman ako mahilig magsuot ng relo eh."
" bakit hindi ka nagsusuot ng relo..?" tanong ko saka kinuha sa kamay niya yung relo.. Napagmasdan ko lang to..nakapatay to kaya hindi umaandar yung kamay ng orasan.
" naiirita ko.. Feeling ko bigat bigat ng kamay ko." lingon niya sakin.. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.. Kapatid nga niya si alvin..
" earl do youn really love me.?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.
" kung hindi kita mahal.. Matagal na sana akong bumalik sa amerika." ngiti niya. " nakakainis nga eh.. Gusto na sumuko ng katawan ko pero yung puso ko ayaw parin.. Kahit alam ko na wala naman talaga pagasa.. Umaasa parin ako.. Mahal kita eh. Kaya kahit habang buhay siguro tayong ganito tanggap ko na.. Atleast magkasama tayo di ba.?"
" alam mo bang itong relo na to.. Binigay ko to sa kuya mo.?" napalingon naman sya sakin.
" ang cheap.. Ang mumurahin niyan ah.?"
" tange.. Fine oo na hindi naman ganun to kamahal.. Pero lagi tong sinusuot ni alvin.. Mahalaga kasi saming dalawa to eh."
" bakit..?" kunot ang noong taong niya kinuha ko lang yung kamay niya saka sinuot dito yung relo..
" sinuot ko yan sa kanya.. Nung gabing naging kami.. Sabi ko sa kanya nuon ngayon na magsisimula yung oras namin." kita ko naman yung titig niya sakin saka tumingin sa relong nasa kamay nya.
" hindi umaadar sira ata.?" saad niya.. Hindi ko lang mapigilan mapangiti.. Yun na yun din yung sinabi ni alvin nung gabing yun pinindot ko naman to saka nagsimulang umikot yung kamay ng orasan.
" earl.. Pwedeng ngayon magsimulayung kwento nating dalawa.?" pilit na ngiti ko sa kanya. Kita ko naman yung pagtulala niya sakin aktong sasampalin ko sya ng iharang niya yung kamay niya.
" wait bakit mo ko sasampalin..?"
" ah wala lang natulala ka kasi eh."
" carlos binibigyan mo na ba ko ng chance.?"
" uhm I think so.. Siguro.. Natatakot ako pero gusto ko uli subukan earl.. Gusto ko uli magmahal.. Hindi ko maintindihan yung sarili ko.. Pero tingin ko may nararamdaman na ko sayo.."
" sure ka.. Totoo ba to..?"
" ayaw mo ata eh.?"
" hindi ah gustong gusto ko.. Pero totoo talaga.. My god.. Hindi ko na huhubarin sa kamay ko tong relong to.. Promise.. Kahit maligo ako.. Water proof ba to.?"
" uhm oo ata..?" pilit na ngiti ko nagulat nalang ako ng bigla niya kong yakapin.. Napangiti naman ako.. Hindi naman masamang sumubok uli.. Hindi naman porket nasaktan ka.. Naiwan.. Niloko..hindi ka na pwede magmahal.. Sabi ko nga di ba if you love the rainbow after the rain why not love again after the pain.. Gusto ko subukan..
Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik kami ni earl sa lugar namin.. Madaming nagbago duon.. Pero yung memories ng lugar na yun hindi na maalis.. Tumuloy lang kami ni earl sa bahay nila.. Tulad ng inaasahan ko ay natuwa si tita jade na malaman na yung relasyon namin ni earl.. Nagkwento din to tungkol sa mga nangyare habang wala kami..sumuko nga si raymond at nakulong..kusa itong pumunta sa bahay nila earl at lumuhod sa harap ni tita jade.. Hindi gustong ipakulong ni tita si raymond pero nagpumilit daw ito para pagbayaran yung kasalanan niya.
Kinabukasan ay dinalaw namin sya ni earl sa kulungan.. Gusto ko na rin matapos lahat.. Gusto ko na rin magmove on.. Pinilit ko ngumiti sa kanya ng makita ko si raymond kita ko lang yung pagtulo ng luha niya.. Wala parin nagbabago sa itsura niya.. Ng tanggalin yung posas niya ay yumakap lang sya sakin..
" kamusta ka na mond.?" saad ko saka humiwalay sa kanya
" carlos patawarin mo ko sa nagawa ko.. Please.."
" pinapatawad na kita mond.." ngiti ko dito.. Naramdaman ko naman na humawak sa balikat ko si earl nilingon ko lang sya.. Kita ko naman yung titig dito ni raymond saka dahang dahang tumulo yung luha. " mond si earl at ako.."
" carlos. Sana sumaya ka na.. Yun na lang hiling ko sayo." umiiyak na saad niya pinunasan ko naman yung mga luha sa pisngi niya.
" mond.. Patawarin mo rin sana ako.. Dahil sakin naging ganito ang buhay mo. Mond I'm sorry."
" kasalanan ko to carlos.. Ako ang pumili nito.. Please kahit ikaw nalang.. Kahit ikaw nalang yung masaya.. Ok na ko dun.. I want you to be happy.. Gusto ko maramdaman mo na talaga yung saya.. Nabigo akong ipadama sayo yun.. Sana sa kanya mo yun maranasan.. Yung habang buhay."
" pangako mond.. Sasaya na ko.. Sana ikaw din."
" salamat sa pagdalaw sakin.. May isang favor lang sana ako carlos.." saad niyang nakatitig sa mata ko. " pwede bang ikaw ang magpalaki kay baby carlos.?" saad niya.
" bakit..?"
" gusto ko maranasan niya kung pano ka magmahal.. Kahit yung anak ko nalang carlos.. Kahit sya nalang.. Magiging masaya ako kung ikaw ang kilalanin niyang magulang.."
" pero mond.."
"please..?"
" ok.. Kung yun ang gusto mo.. Alagaan mo sarili mo dito mond huh.. Magiingat ka lagi.. Wag kang magpapagutom.. Dadalaw kami minsan ni earl dito.."
" earl.. Alagaan mo sya at yung anak ko.. Make sure na magiging masaya silang dalwa.. Mahal na mahal ko sila eh.. Please tol."
" no problem.. Yung sarili mo alagaan mo.. Wag kang magaalala samin." ngiti ni earl tumango naman dito si raymond.. Muli ko lang niyakap si raymond saka hinalikan sa pisnge.
" bestfriend.." ngiti ko sa kanya.. Tumulo lang yung luha niya pero agad niya tong pinunasan.
" yeah bestfriend." ngiti niya habang may luha sa mata..hindi ko lang mapigilan yung pagpatak ng luha ko.. Parang bumalik yung masasayang alaala namin.. Kasama si alvin.. Nung magbebestfriend pa kaming tatlo.. Alam ko mananatili nalang yung alaala.. Pero ahit kailan hindi ko na makakalimutan yun.. Kasi lahat ng memories na yun nakatatak na dito s apuso ko.. Lahat yun.. Mananatiling kayamanan na babaunin ko hanggang sa pagtanda..
pagkagaling namin sa kulungan ay dumeretso kami sa apartment ni joana pero nagulat nalang kami na wala na ito duon.. Tinawagan ko naman sya gamit yung cellphone ni earl.
" joana where are you.?"
" who's this."
" its me.. Carlos.." ilang sandali naman tong hindi nagsalita. " hey joana.?"
" ikaw nasaan ka.?" ramdam ko lang yung gigil sa boses niya.
" nandito ako sa harap ng apartment mo.?" saad ko.
" antayin mo ko jan huh.. Wag kang aalis.!" inis na saad niya.. Inabot ko naman yung cellphone ni earl.
" ano sabi.?"
" antayin ko daw sya dito eh.. Magugulat yun kapag sinabi ko na tayo na."
" malamang." ngiti ni earl ilang minuto pa ng may magpark na kotse.. Nakita ko lang na bumaba si jerome at joana dito.. Kita lang yung galit sa mukha ni joana kaya napaatras ako.
" hey why.,?" saad ko pero nagulat nalang ako ng bigla niya kong sampalin ng ubod ng lakas.. Pilit naman tong pinipigilan ni jerome. " anong ginawa ko."
" damn you!! Di ba nangako ka sakin na kapag kinasal ako ikaw nag bestman huh!!" sigaw niya.
" eh di ka pa naman kinakasal ah.. High blood mo.?"
" kasal na kami..!!" sigaw niya saka hinawakan sa kamay si jerome.. Tumango naman sakin si jerome napanganga lang ako. " ang panget mo wag kang ngumanga.!" sigaw pa niya narinig ko naman na tumawa si earl sa tabi ko. " at ikaw.?!" baling ni joana kay earl aktong sasampalin to ni joana ng pigilan ni earl yung kamay nito.
" ayoko sa lahat yung sinasampal ako.. Gusto mabalibag.?" hamon dito ni earl.
" eh kung ikaw ang ibalibag ko.!" saad ni jerome saka tinaggal yung kamay ni earl sa kamay ni joana.
\
" oh tama na." awat ko.
" ok fine ayoko makipagaway." saad nalang ni earl.
" carlos don't tell me.. Kayong dalawa ni earl.?" nanlalaki ang matang saad ni joana.. Tumango naman ako sa kanya.. "My god."
" seryoso kuya.?" saad ni jerome.. Muli lang akong tumango.
" gusto niyo ng patunay.?" ngiti ni earl saka ako mapusok na hinalikan sa labi.. Hindi naman ako agad nakagalaw..pagkatapos ng halik na yun kita ko lang yung pagnganga nung dalawa.
" ang papanget niyo wag kayong ngumanga.. Tara lunch tayo." saad ko saka naglakad papunta sa kotse namin ni earl.
Minsan pilit natin bubuuin ang isang bagay.. Pero di ba kahit anong gawin natin.. Masisira at masisira parin to.. Bakit mo ikukulong sa isang tao ang sarili mo kung marami naman pwede kang mahalin.. Nung higit pa sa inaakala mo.. Hindi lang isa ang magmamahal sayo.. Kung lilingon ka sa paligid mo marami kang makikita... Pitong bilyon ang tao sa mundo wag mong pagaksayan ng oras at panahon lalo ng luha ang isang taong \ hindi kayang pahalagahan yung pagmamahal na kaya mong ibigay.. Acceptance.. Yun lang yun eh.. Tanggapin yung bagay na kahit kailan may mga bagay na hindi na pwede ng ibalik..
This is how our story end
Authors note.: the long lost last chapter.. Haixt officially sinasara ko na yung kwentong to.. Haixt sorry kung natagalan to.. Nasabi ko sa book 1 na yung story na to ay hango sa totoong buhay may ilang parts na totoong nangyare may ilang parts na binago ko.. Para hindi naman masyadong obvious... Ito yun eh dito nagtapos yung story namin. Ni raymond.. Mk.. Bestfriend... Masakit oo pero kailangan tanggapin.. Nung sinimulan ko isulat to actually nung time na yun may nakikitang akong chance.. Nainspired nga ako nun eh.. hanggang may nangyare.. Na naging reason kaya hindi ko to natuloy.. Hindi ko na kasi alam kung pano ko sya dudugtungan.. Dahil nung time na yun tinuldukan ko na yung kwento namin.. Kapag sinusulat ko to lagi akong naiiyak lalo na kapag naiisip ko yung realidad na wala na talaga.. Haixt ang drama ko.. Pero gusto ko lang ishare.. Kasabay ng pagsasara ng kwento na to ay yung pagsasara ng kwento namin ni raymond.. Goodbye.. Haixt huling pagiyak ko na to.. Huling huli na..grabe habang sinisulat ko to.. Umiiyak talaga ko haixt nakakainis.. Bakit ba ganun haixt nevermind.. Tatapusin ko na nga para tapos na rin tong pesteng mga luha ko.
Hindi lang naman sya ang pwedeng magmahal sakin.. Madami pa jan.. Im single and ready to mingle.. Haha joke lang.. Babye bliss.
Bakit nga ba bliss ang title nito..? Actually ang first title nito is "solitude of bliss" nagsimula yun sa art class namin..nagreresearch ako nun about sa mga paintings ng mga sikat na artist hanggang may nakita akong nakapukaw sa atensyon ko.. Hindi ko na maalala yung artist pero yung painting niya nakataktak sa isip ko.. Its a guy wearing a jacket na may hood.. Nakaupo sya habang nakatungo.. Ang loner.. Ewan ko hindi maalis sa isip ko yun.. At yung nga yung title nung painting.. Solitide of bliss. Sinubukan ko hanapin sa dictionary.. Then I found out na its about happiness... Sabi ko nga sa book 1... Bliss is not a feeling its a state of being.. In a state of bliss everything is loved.
First....
ReplyDeleteMasnagustuhan ko yung ending nito.
Kaso lang parang me kulang, nabitin ata ako.
Kelton
I was looking for what happened kay baby Carlos....
ReplyDeleteganda talaga wlang kupas kaya lng nakakaiyak wala na ung isa s mga aabangan ko haha anyways KUDOS for u author thnx for the lesson =)))
ReplyDeleteKRVT61
kakalungkot.... naramdaman ko ung pakiramdam na nangyari kay carlos. ang hirap... sana may kwento ka pa, ganda ng story mo author... thanks
ReplyDeleteang ganda ng story , 2day akong puyat , from book 1-2,
ReplyDeletelooking forward for the next master piece ...
have a great day author :)))
-esod
From Blue, to Nicko, To Bliss Book 1 and then Bliss Book 2, idagdag mo pa yung "Dati" (iba ang author). 4 Days ko lang tinapos basahin lahat yan (actually 5days kaso yung ibang oras eh Story ni sir Mike yung binabasa ko), super laki na ng eye bags ko pero super worth it naman (Lalo na yung Blue - Super Fan ako eh).
ReplyDeleteThanks Mr. Author!!!!!
hmmmm...ewan ko parang ewan lang hindi ko talaga maintindihan nararamdaman ko sa story mo. Ikaw pala ang iba sa kwentong ito. I salute you! Talagang mahirap! Napakahirap! Gusto ko rin sana ishare ang story ko kaya lang hindi ako ganun kagaling sa pagsusulat.
ReplyDeleteIto nalang, Im Heidz 26 years old. Yes meron na akong isang anak. Naging daddy ako when I was 16 years old. Namatay ang ina ng anak ko sa panganganak. And YES, nagmahal din ako sa kapwa lalake sa di ko inaasahang pangyayari. Nang dahil sa pagmamahal na ito, namatay ang parents ko. Namatay ang parents nang lalakeng minahal ko. SAD di ba! Yes ulit, naging magkalaban/kaaway/magkagalit kami ng lalaking minahal ko for how many years. Umalis ako kasama ang anak ko at pumunta sa Canada. Alam ko author mahal namin ang isa't isa pero sadyang napakahirap, naging masalimoot ang naging tagpo ng aming pagmamahalan. Kaya nauwi sa hatred naming dalawa kasama ang aming pamilya. Nalaman ko rin na meron na syang anak but unfortunately hindi sila nagkatuluyan nung babae. I came back kasama anak ko dahil pinauwi kami ng grandfolks last year 'yon. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkita ulit kami. Hindi ko alam ang gagawin/iisipin/sasabihin sa pagtatagpong iyon. Pero hindi pala mahirap pag kinaya mo lang.
Oo, nagsasama na kami ngayon kasama mga anak namin. ANG SARAP MAGMAHAL! NAPAKASARAP! Sa ngayon nasa Pilipinas pa rin kami. Pero aalis na kami next month papuntang Canada. Sa katapusan na iyon.
Dear Author: before I leave this country I'd like to talk with you personally. I'd like to share this with you. I hope ikaw ang makapagsulat ng story ko.
-Fritz Jetson Heidz de Marco-
Heres my email po and fb acct bluerose.claveria@gmail.com :) salamat po sa pagapreciate :)
DeleteI respect this story. Yun lang masasabi ko.
ReplyDelete