Unang-una, I apologize dahil medyo natagalan ang update na ito. I went out of the country last Holy Week, and may mga inasikaso akong important things for school.
In this chapter, maraming tanong ang masasagot, and as it pains me to say this, but malapit ng matapos ang series na 'to. :( So stay tuned for the last few chapters. As early as now, I'm starting to conceptualize my next series. Anyone want to help me? Haha.
I want to know what you think about this chapter. Send me a comment below. :)
Happy Reading!
--
Chapter 24
“Are you ready?” tanong sa akin ni Justin
kinabukasan. In an instant, I felt nervous. Hindi ko talaga alam how this day
would play out. Aaminin kong natatakot ako kung paano ako pakikitunguhan ni
Caleb, at mas lalo kong ikinakatakot ang posibilidad na baka sabihin niya kila
papa at tita ang tunay kong damdamin tungo sa kanya. That just opened another
batch of doors, releasing more of my fears. Ano na lamang ang iisipin ng mga
magulang ko tungkol sa akin? Sigurado akong sisisihin nila ako at pagsasabihang
isa akong threat sa maganda nilang family.
Pakiramdam ko ay out of the picture na naman
ako.
“Hey, okay lang ‘yan. Kasama mo naman ako,
eh.” pagpapalakas ng loob sa akin ni Justin. Nasa loob kami ng kotse ko, sa
harap ng bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw, ngunit ang diwa ko ay gising
na gising na dahil sa kabang nadarama ko sa dibdib ko. Hindi ko na
nabigyang-pansin ang sinabi ni Justin nang mapansin kong biglang nagbukas ang
gate ng kanilang bahay at mula doon ay lumabas ang lalaking pumigil sa komosyon
ni Caleb at Justin noon: ang kuya niya.
“Halika, papakilala kita.” pag-aaya nito sa
akin kaya naman lumabas na ako ng kotse at sabay naming nilakad ang daan
papalapit sa kuya niya. As if sensing someone’s around, lumingon ang kuya nito
sa direksyon namin and his face instantly lit up, as if acknowledging our
presence. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin siya.
“Kuya, ‘di ko pa pala napapakilala sa inyo si
Gab properly. So there you go.” bungad ni Justin. Binaling ng kuya niya ang
tingin niya sa akin, at binigyan niya ako ng isang simpleng ngiti. “I’m Owen.”
pagpapakilala niya, habang nakalahad ang kamay niya. I shook his hand. “Gab.
Nice to meet you po.” nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi
ma-intimidate sa presence niya, knowing that mas matanda ito sa akin.
“Finally, ang taong nakapagpabago sa gago
kong kapatid.” galak na pahayag nito.
I let out an awkward laugh, dahil sa totoo
lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“Yeah, yeah. And I’m the bad kid. Alam na ni
Gab ‘yan, kuya.” sabat ni Justin.
Nanatili na lamang akong tahimik hinayaan ang
magkapatid na nag-uusap. Minsan-minsan ay nagbibiruan pa at nagtatawanan ang
dalawa kaya naman hindi ko mapigilang matuwa para kay Justin. Ang alam ko kasi
ay hindi sila okay ng kahit sino sa pamilya nito, ngunit what I’m seeing in
front of me tells me otherwise. Mukhang okay silang dalawa, at kitang-kita ko
kay Justin ang kasiyahan dahil dito.
“Babe, mag-ayos lang ako ng gamit. May
kukunin lang ako sa kwarto.” paalam nito sa akin. I rolled my eyes at him dahil
sa pet name niya para sa akin. Sinabi ko na sa kanya na ayoko na ng may mga
ganoong tawagan pa kami, ngunit dahil nga may pagka-isip bata ito ay hindi ito
nagpatinag. Nevertheless, ikinatutuwa ko iyon dahil doon lumalabas ang
pagka-romantic ng gago.
Naiwan kaming dalawa ng kuya niya sa harap ng
bahay nila at tila umurong ng tuluyan ang dila ko sa kadahilanang hindi ko alam
kung ano ang dapat sabihin sa kanya.
“So, Gab... how is being with my brother
like?” pagbasag nito sa katahimikan.
“Huh?”
“Si Justin, how is he like as a... uhm, ano
ba kayo? Official?”
“I guess?”
“Sorry kung ang awkward. Okay, nevermind.
Alam mo, Gab. I love my brother, even though marami kaming hindi
pagkakaintindihan.”
“Yeah, sabi nga niya sa akin hindi kayo
okay...”
“Totoo naman ‘yun, and ako rin naman may
kasalanan, because I never reached out. So when I saw him that night,
umiiyak... I think you know what I mean, noong nalaman mo ‘yung totoo? That’s
when I decided to finally be a brother to him. And I’m happy that he opened
up... wala rin kasi siya sigurong makausap kaya no choice na siya sa akin hehe.
“At first nagulat ako when he told me what he
did. Pinagalitan ko siya, but what shocked me more was when he told me that he
loves you. Kaya naman I told him to stay away muna from you, na bigya ka niya
at pati na rin ang sarili niya ng space to think. That kid has a good heart, he
is strong, you know. Minsan nga lang mahirap intindihin kasi may katigasan ang
ulo. Kaya Gab, alagaan mo ‘yung kapatid ko.” bilin nito sa akin.
“Salamat sa tiwala.” pagpapasalamat ko dito.
“Nah, ako ang dapat magpasalamat. It’s time
that brat learned his lesson.” sagot niya.
“Kuya Owen... ‘yung parents niyo, how did
they take it?” curious kong tanong. Kahit naman kasi sinabi na sa akin ni
Justin na okay ang mga magulang niya sa relasyon namin ay gusto ko pa ring
malaman ang kwento dahil base sa mga sinasabi sa akin ni Justin tungkol sa mga
ito ay mahirap silang i-please at may pagka-strict. I’ve met his parents
before, pero sadyang curious lamang ako on how they took this matter.
“Our mom and dad, syempre nabigla. At first,
naramdaman kong tututol sila, but then, modesty aside, sa aming tatlong
magkakapatid, ako ang pinakikinggan nila papa kaya naman I did it for Justin. I
explained his situation, and told them that by accepting his sexuality, parang
nakabawi na rin sila kay Justin. Basically inatake ko mga kunsensya nila
hahaha. And of course, minarket ko rin na at least it’s someone they know, and someone
who came from a good family, so eventually wala silang nagawa kundi pumayag.”
Napangiti ako dahil sa narinig ko.
“You’re good for him. Hope he’s good for you
too.”
“Yes, he is.”
--
“Oh my God! Kuya Gab! Namiss kita ng sobra!”
nagtititiling takbo sa akin ni Selah nang madatnan niya kaming tatlo ni Justin
at ng kuya niya sa tapat ng bahay namin. Binigyan ko naman siya ng mahigpit na
yakap sa pagsalubong niya sa akin. Totoong na-miss ko rin itong kapatid ko, and
I am feeling guilty kasi to be honest ay hindi ko siya gaanong naalala nitong
mga nakaraang araw dahil na nga rin sa mga problemang kinaharap ko.
“Hi, Selah.” sabay na bati ng magkapatid
dito. Dito ko napagtanto na wala nga palang alam si Selah – and any of my
family aside from Caleb for that matter—ukol sa naging kasalanan sa akin ni
Justin dati kaya siguro ay masayang-masaya din siyang makita si Justin.
Sandaling nagkwentuhan ang tatlo nang bigla akong hilahin ni Selah papalayo sa
dalawa.
“Kuya, how are you na? It’s been so long!”
excited na bungad nito sa akin. “Okay naman ako. Ikaw ba?” balik ko dito. “The
usual. Ikaw ang gusto kong makausap. Feeling ko ang dami mong ikkwento. Oh shit
excited na ako for this vacay!” sagot nito sa akin.
“So, any news?” tanong nito, na parang may
alam siyang something tungkol sa akin na hindi ko mawari.
“Meron nga, hehe pero mamaya na lang.” sabi
ko rito.
“Ano nga! Later pa? Now na please, kuya!”
pag-iinarte nito.
Ibinaling ko ang tingin ko sa may likuran ko
para tingnan si Justin. Binigyan ko siya ng isang titig, at alam kong alam niya
ang ibig sabihin noon. Ngumiti naman ito at tumango bago bumalik sa
pakikipag-usap sa kanyang kuya at iyon na ang kinuha kong senyales bilang
pagpayag niya, kaya naman muli kong binaling ang atensyon ko kay Selah na tila
isang excited na bata na hindi na makapaghintay sa kung anuman ang sasabihin
ko.
“Hindi na ako single.” sabi ko rito, and as
expected ay nanlaki ang mata nito.
“OMG. Sino kuya?!” pagkulit nito sa akin.
Tinuro ko si Justin, at doon ay tila naging
hysterical na siya.
“The fuck?! For real?! I didn’t know he
swings that way!” hindi niya makapaniwalang bulalas.
“Apparently for me pumayag siya hehe.”
nahihiya kong sabi dito.
“Kuya ang swerte mo! Matagal ko ng crush
‘yan, eh. Ikaw lang pala ang makakakuha sa kanya.” biro nito. Nagtawanan kaming
dalawa na parang mga bata, at hindi ko ikakailang natutuwa ako dahil tanggap ng
kapatid ko ang pinili kong direksyon sa buhay. Naputol ang tawanan namin nang
may marinig kaming isang malakas na sigaw.
“Selah!”
Malalim ang boses.
Buo.
At hindi ko ikakailang may naramdaman akong
kakaiba nang marinig ko iyon.
“Yes, kuya?”
“Tulungan mo muna si Ate Jen mag-ayos doon sa
kusina.” utos nito.
Tumango ang dalaga sa harapan ko at umalis ng
walang paalam.
Nanatili akong parang tuod sa kinalalagyan
ko. Ayokong harapin siya, ayokong lumingon, ayokong makita ang pagmumukha niya.
Masaya na ako nitong mga nakaraang araw, at hindi ko matanggap ang katotohanan
na dadating din ang araw kung kailan dapat ko siyang harapin muli.
Bigla kong naramdaman ang dalawang pares ng
kamay sa may balikat ko, and I instantly felt fear. Nagtense ang buong katawan
ko, at napapikit na lamang ako dahil ayokong malaman ang susunod na mangyayari.
“Relax, Gab. Ako ‘to.” bulong ni Justin sa
akin, which immediately sent my body back to its normal state. Humarap ako dito
at ipinatong ang noo ko sa balikat niya at bumuntong-hininga. “It’s okay.
You’ll be okay.” pagpapakalma nito sa akin, na siyang nakatulong nga na kahit
papaano ay maibalik akong muli sa huwisyo. “Thanks... Justin, I... just—“
“You don’t have to say anything. I
understand. Kaya nga ako kasama mo ‘di ba? You don’t have to feel sorry. I know
natatakot ka, at alam kong may parte pa rin ng puso mo na minamahal si Caleb.
Nakikita ko naman iyon, eh... at tanggap ko ‘yun, Gab. Hindi naman mabilis ang
pagka-recover mula sa pagmamahal mo sa isang tao, eh. Okay lang ‘yan, babe.”
sabi pa nito sa akin.
Magsasalita na sana ako nang makarinig kami
ng papalapit na makina ng kotse. Nanatili kami ni Justin na nakatigil,
hinihintay kung sino ang bababa mula sa hindi pamilyar na kotse hanggang sa
makita ko ang isang pamilyar na mukha na lumabas mula rito. Gaya noong huli
naming pagkikita ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko dito. Maganda pa rin
siya, at doon ay naisip kong bagay talaga sila ni Caleb. Itsura pa lamang ay
talagang may ipanlalaban na ang dalawa.
Nilapitan niya si Caleb at hinalikan sa
pisngi, at nginitian ito. Si Caleb naman sa kabilang banda ay blanko lamang ang
mukha, ni walang isang emosyon ang namumutawi mula rito na siyang ikinataka ko
dahil hindi ba dapat ay masaya siya dahil nandito ang girlfriend niya? Bumaling
ang tingin ng babae sa direksyon namin ni Justin at biglang nagliwanag ang
mukha nito.
“Gab, Justin.” bati nito sa amin habang
papunta sa pwesto namin.
“Sari.”
--
Kung gagawa ako ng listahan ng mga
pinaka-awkward na mga pangyayari sa buhay ko ay malamang ito ang ilalagay ko sa
pinakaunahan ng listahan. Kasalukuyan kaming bumibyahe papuntang Baler, at ang
pagkakataon nga naman, dahil na rin siguro sa dami ng gamit na mayroon kaming
lahat ay hindi na rin nagamit ang lahat ng upuan sa van namin. Si Selah ay nasa
harapan katabi ng driver namin, pagkatapos ay solo nila mama at papa ang second
row, at kaming apat ang natira sa ikatlong row ng van. Magkatabi kami ni Justin
habang ako naman ay katabi si Sari na katabi ni Caleb na nakapwesto sa may
bintana.
“Ang boring.” bulong sa akin ni Justin,
ngunit tila natatawa ito kaya naman naisip kong parang may binabalak siya.
“Don’t even think about it.” banta ko rito, dahil siguradong kung anuman ang
balak nila ay hindi iyon makakatulong upang maibsan ang awkwardness ng
sitwasyon. “And nandito parents ko.” dagdag ko pa, ngunit hindi niya iyon
pinansin. “Nandito nga, tulog na tulog naman.” sagot nito sa akin.
“Sari! Buti naman naging kayo na ni Caleb.
Ang tagal mo na ring nililigawan ‘yan, ah. Paano mo napasagot?” pagsisimula ni
Justin, at ako nama’y gusto kong tampalin ang lalaking katabi ko ngayon. “It’s
a long story.” simpleng sagot niya. Hinihintay ko kung may masasagap akong
kahit anong reaksyon mula kay Caleb, ngunit ni isang buntong-hininga ay wala
akong narinig mula rito.
“So, Gab. You and Justin, huh? I just didn’t
expect it, but good for you.” baling ni Sari sa akin at bago pa ako makasagot
ay biglang sumabat na si Justin.
“Siya rin naman hindi ko inexpect na dadating
sa buhay ko. Yieee.” pagsagot ni Justin para sa akin, at inirapan ko na lamang
siya dahil tila ba nang-aasar pa ito.
“Pfft. Landi.” mahinang bulong ni Caleb,
ngunit dinig na dinig ko ang sinabi niyang iyon. Napansin ko namang mahinang
tinabig ni Sari ang braso ni Caleb, na tila ba binabalaan ito.
Napabuntong-hininga ako at nainis dahil alam kong mahaba pa ang biyahe.
“Tulog ka muna.” sabi ni Justin bago ihilig
ang ulo ko sa balikat niya gamit ang kamay niya.
--
Maganda ang rest house ni papa. May dalawang
palapag ito, at halos lahat ng nasa loob ay gawa sa kahoy. Marami ring bintana
para magsilbing natural ventilation sa lugar. Napaka-homey at cozy ng
pakiramdam at talagang payapa ang lugar na siyang ikinasasaya ko, idagdag mo pa
ang katabi nitong beach na ang pinakapaborito kong parte ng lugar. Private ang
lugar, kaya naman malaya kaming gawin ang kung anuman ang gusto namin ng walang
umaabala sa amin. Nagyaya ng kumain si mama at habang kumakain kami ay biglang
nagsalita si Justin.
“Tito, tita... may announcement po kami ni
Gab.” pagsisimula nito, and I instantly felt nervous for the nth time today.
Alam kong napag-usapan na namin itong dalawa, pero sadyang kinakabahan pa rin
ako kung ano ang sasabihin ni papa at tita. I know for a fact that they accept
my sexuality, but announcing having a relationship with someone they know is a
different ballgame altogether. Nakita ko rin ang tila walang interes na
reaksyon ni Caleb at ang nakangising mga mukha ni Sari at Selah.
“Yes? What?” tanong ni papa na mukhang
interesado sa kung anuman ang sasabihin ni Justin.
“Kami na po ni Gab, and I want to ask your
permission kung payag po kayo sa relasyon namin.” sabi nito.
Narinig ko ang pagkalampag ng kubyertos sa
plato ni papa, si mama ay tahimik, at si Caleb... nakakunot ang noo at
tinitingnan ako na parang binabasa niya ang sarili ko. Bumilis ang tibok ng
puso ko dahil kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkabigla at doon ay lalo
akong kinabahan.
Bumuntong-hininga si papa.
“Alam na ba ‘to ng mga magulang mo?”
kinakabahang tanong ni papa kay Justin.
“Oo naman po, and okay lang sa kanila.” proud
na sagot nito.
“Okay. Iyon lang naman ang inaalala ko. Wala
namang problema sa akin ‘yan. Hindi ko lang ineexpect na ikaw pa, of all
people, pero I think maganda na rin ‘yon kasi at least kilala ka na namin, and
mabait ka namang bata.” sagot pa ni papa. Kaya naman parang isang malaking
tinik ang nabunot mula sa dibdib ko. Si tita ay patuloy pa ring nakangiti bago
sabihing dapat namin i-celebrate iyon.
“Basta huwag mong sasaktan si Gab. I’m
telling you, anak ko ‘yan, and I trust you with this one, Justin.” banta ni
papa na medyo ikinatawa ko dahil base sa reaksyon ni Justin ay medyo hindi ito
napakali dahil siguro sa takot niya sa tatay ko.
“I... hindi ko po maipapangako ‘yan, dahil I
can’t speak for the future, pero what I can promise is that gagawin ko ang
lahat para hindi masaktan si Gab.” sagot nito.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
“Okay. Fair enough. You have our blessing.”
--
Nang mapasok ko ito ay napansin kong halos
wala gaanong puno na nagbubunga ng mga prutas. Rinig na rinig ko ang mga huni
ng ibon na siyang nakapagpapakalma sa akin. Dahil taga-lungsod ako ay bihira
akong makaranas ng mga ganitong pagkakataon. It was nice to be finally one with
nature, and free from the hustle and bustle of the city.
Bigla kong narinig ang pagcrush sa mga
malulutong na mga dahon, iyong malutong tunog kapag tumapak ka ng tuyong dahon.
Kaya naman bigla akong napabalikwas patalikod at napabuntong-hininga na lamang
ako nang makita kong si Sari lang pala ang sumunod sa akin. Nginitian ko ito na
siyang ibinalik din naman niya sa akin.
“Mind if I join you?” tanong niya.
“Okay lang.” sagot ko. Kaya naman naghanap na
kami ng lugar na maaari naming tambayan sa maliit na gubat na ito hanggang sa
makakita kami ng isang hammock na nakasabit sa gitna ng dalawang malaking puno.
Excited kaming lumapit dito, ngunit sinubukan ko muna kung matibay pa ito at
tinanggal ko ang ilang mga piraso ng dahon na nahulog dito bago kami nahiga pareho.
Nanatili kaming tahimik na dalawa. Malapit na
sana akong makatulog nang bigla niyang basagin ang katahimikan.
“It’s a lie.” bulong nito.
Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at
tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Ang alin?” takang tanong ko.
“Me and Caleb, it’s all for a show.” sagot
nito sa akin. And I instantly felt sadness and pity for her, at lalo akong
nagalit kay Caleb sa loob-loob ko dahil nagkatotoo nga ang hinala ko na
gagamitin lamang niya si Sari for some unknown reason.
“Bakit mo hinahayaang ganunin ka na lang ni
Caleb? Dahil mahal mo siya?” tanong ko dito, and the answer I got was
unexpected.
“Yuck, I don’t love him.” natatawa niyang
sabi sa akin.
“B-but... then ano?”
“You know, Gab. When I entered college,
naging kaklase ko ‘yang si Caleb, and to be honest instant crush ko siya, pero
he seemed so... distant. Caleb is an enigma, and that’s how I’ve seen him
eversince.” pagsisimula nito, at napatango ako sa sinabi niya. “Even though I
tried everything I can para mapalapit sa kanya, parang walang nangyayari. That
is, until that night... It’s funny kung paano kami naging close. Kailangang may
masama pang mangyari sa akin para lang mapalapit ako sa kanya. I owe Caleb a
lot, if not for him... then I’d probably be dead or I don’t know, my life will
be fucked up or something.”
“Ano bang nangyari, if you don’t mind?”
maingat kong tanong sa kanya.
“I was with my ex that time, first year
college kaming tatlo. Kasi, Gab I value my virginity a lot, and prangkahan na
lang, hanggang ngayon virgin pa rin ako. So yeah, one night while I was
studying at my dorm bigla na lang niya akong tinawagan para lumabas. So being
the good girlfriend that I am, I obliged. Then the next thing I know, he was
already forcing himself into me. Partida, nasa may Katipunan area lang kami
noon, so what’s decency, right? I think he was high with something, and I don’t
want to know what drug he took. Takot na takot ako noon, Gab... and by chance,
nasa area lang pala si Caleb. Syempre, hindi ako makasigaw kasi his mouth was
over me, and then out of nowhere, Caleb appeared. He’s my knight in shining
armor. If not for him, I’d probably be pregnant, dead, or what.” paglalahad
nito.
“I’m so sorry.” pakiki-simpatya ko sa kanya.
“Don’t be. I’m not asking you to feel sorry.”
“But hindi ko maintindihan, hindi ba’t dapat
tuluyan mo na siyang minahal dahil sa pagsagip niya sa’yo?”
“Yeah, that’s the thing. I see him now as
more of a kuya than a person I love. Ang funny, pero iyon ang totoo. At saka
pa, hindi ako pwedeng mainlove sa gagong ‘yun. Ang gaspang ng ugali, at isa pa,
committed na rin ako.”
“Oh.”
“Yeah.”
Katahimikan.
“So... bakit kayo nagpanggap?”
“For cover.” simpleng sagot nito.
“Huh? Anong pinagtatakpan niyo?” tanong ko.
“Seriously, Gab? Ang clueless mo, ha.
Nakakaasar.”
“Seriously, Sari. Clueless talaga ako.”
panggagaya ko dito na siyang ikinahagikgik niya.
--
“Halika, magswimming tayo!” pagyaya sa akin
ni Sari nang makarating kami sa may pampang. Medyo malayo pa doon ang resthouse
nila papa, ngunit tanaw naman namin iyon mula sa kinatatayuan namin. Biglang
nagtatatakbo si Sari papunta sa dagat habang tinatanggal niya ang suot niyang
pang-itaas. Doon na ako natauhan kaya naman hinabol ko ito para pigilan siya.
Mahirap na at baka may mangyari pa. I set aside everything I found out earlier
about Caleb first.
“Sari! Huwag ka masyado lumayo, baka malunod
ka!” nag-aalala kong sigaw, at maski ako ay kinakabahan na nang makita kong
magdive pa ito sa medyo may kalayuan ng area. Patuloy akong naglalakad hanggang
sa hanggang leeg ko na ang tubig. Doon na ako kinabahan, dahil medyo malakas
ang mga alon... at dahil hindi ako marunong lumangoy.
And I just can’t believe what happened next.
I instantly panicked nang maramdaman kong
hindi na tumatama ang paa ko sa ilalim. Sari was nowhere in sight. And in that
moment, I thought about my life – of how much more I wanted to achieve, of how
much more I haven’t accomplished, of the things I have yet to correct – just
like how they they show you in the movies kapag napag-usapan ang near death
experiences. To be honest, if I were to choose a way to die, I would’ve
preferred dying underwater. Napaka-peaceful kasi.
Pero huwag naman sana ngayon.
Naramdaman kong tuluyan ng lumagpas ang tubig
sa ulo ko, and that’s when I really panicked. Ayoko pang mamatay, ngunit tila
wala akong magawa, nanigas ang mga binti ko.
Of all the times, tangina!
Unti-unting nanikip ang dibdib ko. That
moment, I prayed to God, apologized for all my sins, and wished all the people
I left, especially Justin, all the best.
I can’t believe that this is it.
Ang huli ko na lang natatandaan ay ang galaw
ng tubig sa katawan ko bago tuluyang magdilim ang aking paninigin.
--
Isang malalim na hininga, isang malakas na
buga ng hangin, at isang masakit na pakiramdam sa aking lalamunan ang naranasan
ko. Inubo ko lahat ng tubig mula sa sistema ko, nahihilo ako, umiikot ang
paningin ko. Ramdam ko ang isang pares ng mga kamay ang nakapatong sa dibdib
ko. Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay unti-unting luminaw ang paningin ko, at
lahat ng pagkahilong naramdaman ko ay biglang nawala nang makita ko ang mukha ng
taong nakapaibabaw sa akin.
“Cal—“
Bigla ko na lang naramdaman ang pag-angat ng
katawan ko at ang biglaang pagyakap nito sa akin.
“Gab! Thank God! Thank God you’re okay Gab!”
mangiyak-ngiyak na sabi nito sa akin. Ramdam kong basa rin ang katawan nito, at
nanginginig siya. Mahigpit ang pagkakayakap niya.
Mahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan.
Kinalas niya ang yakap niya sa akin at
inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Banaag ang
pag-aalala sa mukha niya, at kitang-kita ko ang mga mata niyang malapit ng
mapuno ng mga luha.
“Okay ka lang ba, Gab?” concerned niyang
tanong.
Tumango lamang ako dahil sadyang hindi ko
alam kung ano ang sasabihin ko. Ni ang magiging reaksyon ko ay hindi ko rin
maisip.
“Your heart stopped! Tumigil ang puso mo,
Gab! Alam mo ba ‘yon?! Don’t do that again, please... akala ko mawawala ka na.”
sabi nito, at ngayon ay tuluyan ng bumigay si Caleb.
Caleb cracked open.
Sa ganitong sitwasyon, ang ironic, dahil ako
pa ang nag-aalo sa kanya, na ako pa ang nagpapakalma at nagpapatahan dito.
Naramdaman kong muli ang mga bisig niya sa katawan ko. Sa oras na iyon ay tila
nawala ang lahat sa paligid ko. Tumigil ang oras, at pakiramdam ko ay kaming
dalawa lamang ni Caleb ang natitirang tao sa mundo.
“I thought... I thought you’re dead, Gab.
Sobrang tinakot mo ako.” umiiyak pa rin niyang sabi sa akin, na tila isang
batang nagsusumbong sa kanyang magulang.
Agad naman akong umisip ng magandang
sasabihin.
“Relax... I’m not going anywhere.”
--
“Babe, bakit ba kanina ka pa tulala? May
ginawa ba ako? Galit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Justin sa akin the moment
mahiga kami sa aming kama, at oo iisa ang kwarto namin dahil tila walang
pakialam sila tita at papa kahit pa magsama kami ni Justin (at maging si Caleb
at si Sari – but not that I know the real story, it’s not strange anymore) which
was very odd and nice at the same time.
“Wala. Okay lang ako.” pagsisinungaling ko
dito. Alam kong hindi niya ito paniniwalaan, dahil totoo namang I am far from
normal. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito, at hindi ko alam kung
ano pa ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawa pang araw na pagtira namin sa
lugar na ito. Nakakatakot isipin ang mga posibilidad gayong unang araw pa
lamang ay tila sunud-sunod na ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Biglang bumalik sa aking alaala ang mga
sinabi sa akin ni Sari kanina.
--
Flashback.
“Caleb’s
bullied in High School.” sabi niya na siyang ikinabigla ko, because he never
struck me as the type of person who will be bullied. Ako nga binully niya, eh. “Whoa...
and it’s because?” tanong ko dito.
“Because
people were calling him gay.” sagot nito na siyang ikinabigla ko ng sobra.
“What?!”
gulantang kong tanong, dahil talaga namang walang basehan ang label na iyon sa
kanya, dahil nga sa pagiging ilang nito sa preference ko sa simula pa lamang,
which eventually led to violence when he found out I had feelings for him.
“Pero hindi
naman ‘yon totoo ‘di ba? I mean si Caleb? Imposible. Malamang napikon siya.”
pagrarason ko sa kanya.
Umiling ito
at natawa.
“Gab, you
can’t just assume things based from your perspective. You don’t know how other
people are in reality.” iritang singhal sa akin ni Sari na siyang ikinatahimik
ko. I decided to listen to whatever she says, at saka na lamang ako
magre-react.
“Jusko, si
Caleb. Si Caleb kasi sobrang dense niya, he suppresses all his emotions para
hindi makitang mahina siya. So going back, yeah, totoong he was bullied because
people thought he was gay. And you know the thing about rumors having some
truth in them? Well, I don’t think sa akin dapat manggaling ito, but... alam ko
kasi ang estado ng relasyong niyong magkapatid kaya I guess I should tell you
this... it’s true. He’s gay. And not bisexual, ah. He’s gay, as in.” pahayag ni
Sari.
Bumilis ang
tibok ng puso ko dahil sa narinig ko, at gaya ng inaasahan ay hindi ako
nagreact bukod sa paglaki ng dalawang mga mata ko.
“And fuck,
he’s so far in the closet right now, he can see Narnia from there. But kidding
aside, he’s so scared, Gab. No one knows about this except me... and syempre
ikaw ngayon alam mo na rin. Hindi ito isang bagay na dapat na lang ipagbahala,
dahil sobrang sensitive issue nito sa buhay niya. He despises himself for being
one... kaya na lang ganoon ang naging reaksyon niya nang malaman niyang...
mahal mo siya higit pa sa isang kapatid.
“And more
than that, he has issues about love. Di ba nga nagtatago na siya sa closet,
tapos biglang may aamin sa kanya na mahal siya, tapos kapatid pa niya... so it
was a lot for him to take in. He actually felt sorry about what he said to you
and Justin, but Caleb is Caleb... he will never apologize in a million years. Isa
pa, nagka-issue pa kasi nga ang paniniwala niya mahirap siyang mahalin na tao,
kaya noong malaman niyang merong nagmamahal sa kanya, pero hindi pwede dahil
una, magkapatid kayo, and pangalawa, according to him – which is ridiculous –
kasi pareho kayong lalaki. So just try to understand him, ha?” pagtatapos nito.
Wala ako sa
sariling tumango.
“Don’t tell
him I told you that! Papatayin niya ako kapag nangyari.”
“But... may
kinwento sa akin si Selah dati, about doon sa high school girlfriend niya...”
pagsisimula ko bilang pagrarason pa ngunit pinutol ako ni Sari.
“Ah, ‘yung
kay Frankie at Migs? Nakwento na rin niya sa akin ‘yan. Mali ang version na
kinwento kay Selah. Si Migs talaga ang gusto niya, and ‘yung Francesca si Migs
din ang gusto. Si Migs naman, gusto si Caleb, pero ayaw niyang panindigan, so
he want for Frankie. And the rest, siguro alam mo na rin. About the accident,
Migs leaving for the States, and all.”
“Pa...pa-...paano
mo nalaman na... alam mo na?”
“That he’s
gay? Simple. I tried to seduce him, but it didn’t work. Walang tumayo hahaha. Tapos
hinuli ko siya, then boom! His secret’s out.” sagot nito at hindi ko mapigilang
hindi matawa sa sinabi niya. Kung anu-anong mga scenario ang naiimagine ko base
sa mga kwento niya.
“But naguguluhan pa rin ako, Sari... why are
you doing this? Bakit kayo nagpapanggap? Ano bang meron?” sunud-sunod kong
tanong.
“Tangina,
Gab. Ang manhid mo naman!” bulyaw nito sa akin bago ako nito iwan na
takang-taka, biglang-bigla, at litong-lito dahil sa mga bagay na nalaman ko.
--
Lalo pa akong ginulo dahil sa nangyaring
aksidente sa akin kanina na napagpasayahan naming tatlo nila Sari na huwag ng
ipaalam pa sa iba para hindi na lumaki ang nangyari. Pilit kong ikinokonekta
ang mga sinabi at inakto ni Caleb nang sagipin niya ako sa mga nalaman ko mula
kay Sari. May namumuo ng sagot sa isipan ko, ngunit pinili kong hindi iyon
pansinin.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Justin,
at alam kong nasaktan ko ito dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. “Stop worrying
about me too much, Justin. Still, thank you dahil nandiyan ka para sa akin.”
sabi ko dito. Agad ako nitong niyakap, at pinaglaruan ang buhok ko.
“Yeah, but I can’t help it. I care for you,
mahal kita, eh.” masuyong sabi nito, and again, I felt that certain feeling I
get everytime Justin tells me that he loves me.
“Ikaw din naman, eh. Mahal din kita...”
pagsisimula ko. “Matulog ka na. Don’t worry, I’m okay. Okay?” pagsisguro ko sa
kanya bago ko siya bigyan ng isang halik sa labi. Ngumiti ito at pumikit.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang mahinang mga hilik nito.
Pinagmasdan ko ang mukha niya at talaga namang payapang-payapa ito.
Iyan ang
taong sasaktan mo sa huli kapag... I tried to drive those thoughts away. Mariin
kong iniling ang ulo ko na para bang inaalis ko na talaga ang mga bagay na
kanina pa bumabagabag sa akin.
Makakaya mo
bang saktan si Justin dahil sa tingin mo ay...
At hindi ko na nga kinaya ang takbo ng utak
ko kaya naman dahan-dahan na akong bumangon at umalis ng kama para hindi ko
magising si Justin. Pagkatapos noon ay lumabas ako mula sa kwartong aming
tinutuluyan upang maglakad-lakad, makapagpahangin, at makapag-isip ng kaunti. Nagpunta
ako sa malaking balcony ng bahay at doon ay naupo sa isa sa mga maraming upuang
naroon.
Kahit pa madilim, kahit pa nag-iisa ako, at
kahit pa napakalakas ng hangin at ng tunog ng mga alon ay hindi ako natakot
mapag-isa, dahil sobrang tahimik at payapa ng kapaligiran ko.
And that’s probably why I didn’t notice what
happened next.
“Caleb!” gulat kong baling sa kanya.
---
Author's note/Special thanks:
I just googled "A. Lim" because I want to know if someone plagiarized my work (or probably because I'm a self-centered ass haha jk) when I saw this:
---
Author's note/Special thanks:
I just googled "A. Lim" because I want to know if someone plagiarized my work (or probably because I'm a self-centered ass haha jk) when I saw this:
HINDI KO 'TO INEXPECT HAHA. Nagulat ako, and sobrang na-touch ako sa message mo, kuya. Maraming salamat dahil na-inspire ka kahit papaano sa munting mga stories ko. Comment ka naman to acknowledge hehe (wow lang, Gabriel Tan ang fake name mo haha.) . I can't comment sa fb for various personal reasons. Ngayon ko lang 'to nakita, and I would've posted this here if I saw it sooner. Maraming salamat ulit!
Message me, please. I want to share my personal story with you. :))
P.S. No, I'm not from PolSci. Isa ako sa mga endangered species sa UP dahil bihirang-bihira ang kumukuha ng degree ko. Hindi siya popular program, and baka nga hindi mo alam na nage-exist kami hahaha.
Nice! Update agad! :p
ReplyDeleteIntense! Wishing and hoping
ReplyDeleteGAB would do the right thing. Justin has been there for him alot, Caleb yes might have feelings for him pero he is darned confused and afraid. GAB will just get hurt kasi mas madaming tutu to kasi kahit pa pa Ano magkapatid Sila. Kahit step brothers lang. Justin has been consistent. Caleb isn't.
neo from manila
What a revelation! Story get more excited can`t wait for the next chapter. Poor Caleb :'(
ReplyDelete- natejohn
GOSH! I am HYSTERICALLY excited for the next chapter! I CANT PREDICT WHAT WOULD HAPPEN NEXT(which is a good thing) but anyways, THIS IS A VERY GOOD STORY! Next chapter na agad2 please! LOTS OF LOVE! <3
ReplyDelete-Al(hanap ako boyfriend. haha. lol.)
ay pucha! nagulat ako sa mga revelations!
ReplyDeleteJustin has demonstrated big effort to win back Gab.I know that Gab has feelings to his Brother but its still not gonna work out. Too bad & too late Caleb.
ReplyDeleteCHE or CSWCD? ;)
ReplyDeleteOhmygodddddd! Shiiiiit! Ito na to! These fcking revelations! I am so much excited with this! Can't wait! ~Ken
ReplyDeletejusme. antagal ko inantay ang comment mo jan, hindi ko na nga naalala na nagpost nga pala ako sa TDF about sayo. bakit ngayon mo lang nakita? buti nakita mo? natabunan na iyan for sure ng marami pang confessions. hindi ba A.Lim ang pen name mo dito? hahaha. paano kita imemessage? hahaha.
ReplyDelete-Gabriel Tab, 2010 Engg (Gabriel Tan talga un, ewan q bakit lagi ko napipindot ang B over N lol)
Eh hindi ko rin siguro nakita na or napansin yung post mo sorry hehehe. Message me at: angelmatt.mail@gmail.com :)
Deleteemail ba yan? kung fb diko masearch haha
DeleteYup, send me an email first. :))
Deletei already sent an email.
DeleteSHET!!! lang talaga..ang ganda ng story n to..GRABE..ang GALING MO Mr. A lim..idol n talaga kita..nung isang araw ko lng talaga pinancn ang "UNTOUCHABLE".at nung nbasa ko palang yung first paragraph napashet n ako..d ko akalain n eto n pala kasunod ng "UNEXPECTED" kaya talagang ngpakapuyat ako para matapos ko hanggang dito khait pagod galing work..hehe
ReplyDeleteSALAMAT sa npakaganda mong story.god bless you always..
UPDATE NAHH!! HEHE
Pa Update Na Po Pleasee ((:
ReplyDeleteAng ganda! As is ang ganda! Ang galing mo po author! :)
ReplyDeleteAng ganda! As in ganda po ng story! Ang galing mo author! May fb account kb? Pwede ba kitang ma-add?
ReplyDelete-hardname-
Bigla ko lang naisip na what if may twist pa. Na ampon lang si caleb. So hindi cla magkapatid ni gab. Heheheheh. What if lang naman. Kawawa naman c papa justin.
ReplyDelete-hardname-
bt an tgal ng update?
ReplyDeletetgal mag update neto.i have to read and read all over again pra d maligaw sa kwento
ReplyDeleteHala! Guys, matagal ng naka-post ang chapter susunod nito (Pre-finale): http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2014/05/untouchable-pre-finale.html
ReplyDeletePlease be guided accordingly. :)