By Elochin23
Promises are meant to be broken. Iyan ang palasak na kasabihang pinaniniwalaan ng mga taong pinangakuan, pinaasa, at sinaktan. Pero paano kung ang pangakong pinanghahawakang ito ay ang nag iisang pinagmumulan ng iyong kaligayahan? handa ka bang ito ay bitawan na upang huwag nang lalo pang masaktan, o magbubulagbulagan na lamang ba sa katotohanang ika'y kaniya nang kinalimutan?
Ako si Clyde, 17 years old. Isang incoming college student sa isang unibersidad sa Cavite. May hitsura naman ako. Medyo maputi at chinito. 5'7 ang height ko. Pero mayroon akong lihim na ikinukubli sa lahat. Oo, isa akong discreet bisexual at patago kong minamahal ang aking matalik na kaibigang si Trev. Ka edad ko si Trev. Hindi ko maiipagkakailang napakaguwapo nito kahit hindi maputi at Pinoy na pinoy ang hitsura. Kung ikukumpara, may hawig siya kay Jericho Rosales. May pagkahomophobe ito dulot ng kaniyang nakaraan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob na mag "out".
Pero kaunting araw na lang at mag mamigrate na sila sa States. Hindi na ito bagong balita pero talaga namang kakaibang kirot ang dulot nito sa aking puso.
Dapat ko na bang ibasura na lamang ang aking nararamdaman para sa kaniya? Oh mananatiling hopeless romantic at umasang magkakaroon din ng katuparan na ako'y mahalin niya?
Aabangan ko ang kwentong ito.
ReplyDeleteMacky