Maraming salamat sa mga nagbasa at nagkomento sa chap5. At eto na ang 6, medyo wild na po haha, be ready baka po kiligin kayo, pero pasensya na po sa mga mabo-boring sa bandang hulian. And thanks din dahil isa na po akong RA sa MSOB, maraming salamat po kuya Mike and kuya Ponse :))
Guys ending na po ang kasunod nitong chapter, which is chapter7 :(( pasensya na po, pero gagawa po ako ng next story at may mga characters na.
Kaway naman diyan mga katulad kong bisexual na single :))
Guys enjoy reading!!
---
Na-upo kami sa ilalim ng puno, bigla naman itong nagseryoso.
"Justin?" ninerbyos naman ako sa tono ng boses nito, seryoso siya.
Hindi na ako nagsalita, gusto ko na munang makinig at malaman kung bakit nga naman hindi na lang ako biglang pinapansin nito.
"I don't think this is the right time pero,.." saad nito, talagang binitin pa ako.
"Gu,.. g-gusto kasi,.." naputol nanaman ito, bigla naman ulit akong ninerbyos at ewan ko kung bakit?
"Justin gusto ko kasing sabihin na kaya tinotopak ako sayo ay dahil sa kapag nandiyan si Marvs ay hindi mo na ako pinapansin." saad nito, patampo effect pa ito eh, yun lang pala.
"Bakit naman? I mean nakakalimutan na nga ba kita kapag nandun pinsan mo? paano naman?" takang tanong ko rito kunwari, pero alam ko naman na totoo yung sinasabi niya eh.
"Oo kaya, nung birthday ko kasi pwera nandyan siya hindi mo na ako pinansin tapos umalis kapa, tapos naman kaninang umaga sa school nagkukulitan tayo diba? tapos nung dumating siya ayun nakalimutan mo nanaman ako." paliwanag naman nito, tsk tsk hindi ko daw siya pinansin nung birthday niya eh nag-usap pa nga kami nun pero yung kanina ay oo intentional yun.
"Oh sorry na, umiiwas kasi ako sayo eh." saad ko rito, napatigil naman ako sa aking nasabi, huwaaahh anga-anga ko talaga.
"Huh umiiwas?" gulat naman nito, saka naman ito lumapit sa akin, inilapit naman nito ang kanyang mukha sa aking mukha at tinitignan niya ako, natulala naman ako rito.
"A-ah kasi ano, sa company niyo pala ako nagtatrabaho, kaya nahihiya ako sayo." sagot ko naman rito, hayy buti na lang naka-isip agad ako ng palusot.
Mukhang bumenta naman ito base sa reaksyon niya, ngumiti ito saka nahiga at ipinatong naman nito ang kanyang ulo sa aking mga hita, nagulat naman ako rito.
"Ah yun lang pala, wag mo isipin yun." sagot nito ng naka-ayos na ito ng pagkakahiga, lihim naman ako kinilig sa aming pwesto.
"Woy madumi ata yung mga damo oh, umayos ka kaya." saad ko naman rito.
"Hindi yan, papatong muna ng ulo ha?" saka naman nito iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin, hirap niyang tanggihan.
"Para kang ewan, pero sige kaw bahala." pagngiti ko naman rito.
Ewan ko pero ang saya ko nanaman ngayon dahil kay Kyle, talagang nahiga pa ito sa mga hita ko, lihim naman akong kinikilig dahil dito.
"Kyle?" mahina kong sabi, may naisip kasi akong sabihin dito.
"What?" balik naman nito habang nakapikit.
"Alam mo may gusto akong tao." nakangiti kong sabi rito.
Hindi naman ito agad nakapagsalita, nanatili lang itong nakapikit.
"Kaso mukhang wala akong pag-asa sakanya eh, nalaman ko kasi na may iba siyang gusto, hirap talaga umasa at mukhang umaasa nanaman ako." seryosong sabi ko rito habang nilalaro ang buhok nito.
"Pareho pala tayo noh, may gusto din ako at may gusto nadin pala siya, wala ganyan talaga Justin." sagot naman nito, alam kong seryoso at malungkot si Kyle base narin sa tono ng boses nito, hayy sayang talaga at hindi ako ang gusto ni Kyle.
"Oo nga eh, kapag nagmahal syempre masasaktan. Bakit hindi na lang kaya tayo Kyle?" pagbibiro ko dito.
Nakita kong napatingin naman sa akin ito, halatang nagulat ito sa aking sinabi.
"J-justin." sabi naman nito.
"Oh bakit? woy binibiro lang kita ah, baka pagtawanan moko." natatawang sabi ko naman rito.
"Justin, wala ka bang gusto sa akin? I mean kahit konti lang or what?" saad nito ng nakatingin lang ng deretso sa aking mga mata, nagulat naman ako sa tanong nito, ahh ninenerbyos tuloy ako.
Siguro dahil friend kami ay okay lang na sabihin ko ito diba? Kung lalayo at iiwas siya wala tayong magagawa.
"Kyle, paano kung sabihin ko na ikaw yung tinutukoy ko na taong gusto ko?" mahina at seryoso kong sabi rito, bigla naman akong natauhan nang marealize ko yung sinabi ko, napalunok na lang ako sa aking nasabi.
Nakita ko naman nagulat at biglaang napangiti ito sa aking sinabi, parang hindi makapaniwala. Agad ko namang tinakpan ang bibig nito sa pamamagitan ng aking dalawang kamay.
"Huwag ka munang mag-react, nahihiya ako eh, ikaw kasi paseryo-seryoso kapa nadala tuloy ako." sabi ko rito habang hindi ko alam ang gagawin, at inalis ko na ang aking mga kamay para hayaan na itong magsalita.
Literal naman akong nagulat sa ginawa nito, parang tumigil ang lahat, parang wala akong ibang naririnig, parang tumigil ang ikot ng mundo ko sa ginawa niya.
Hinalikan niya ako, walang gumagalaw sa aming dalawa, pareho kaming nakapikit, hindi ko alam ang gagawin habang magkadikit ang aming mga labi, basta ang alam ko lang ay napakasarap sa pakiramdam ng labi nito sa labi ko.
Dahan-dahan naman itong kumawala, ngayon ay magkatitigan kami, ngumiti naman ito.
Natauhan naman ako at umiba ako ng tingin, wala eh nakuha na first kiss ko.
"Talaga? ako yung taong gusto mo? wuyyy Justin." pangungulit nito dahil sa hindi ko siya tinitignan, alam kong masaya ito base sa tono ng kanyang boses.
"Natuwa ka naman, hinalikan mo pa ako, wala nakuha na first kiss ko." simangot ko naman rito, hindi ko parin ito tinitignan.
"Edi kunin ko na din 2nd kiss mo." saka naman nito hinawakan at ibinaling ang aking mukha paharap sakanya, at hinalikan nanaman ako nito, iba yung kanina sa ngayon.
Ngayon kasi ay gumagalaw na ito, hanggang sa nadala nadin ako, pero napaka-bagal lang namin, marahan at parang puno ng emosyon, ewan ko ah pero parang ramdam kong pareho kaming masaya.
Hanggang sa ako naman ang kumawala, napatitig din ako dito at parang nagulat naman ito saka ngumiti.
"Nakaka-inis ka Kyle, pinagtitripan mo ko, ewan ko sayo." saka na sana ako tatayo ng pigilan ako nito.
"Para kang bata Justin kapag naiinis ka sa akin." nakangiting sabi nito. "Eh paano naman Justin kung sabihin kong ikaw yung taong gusto ko?" biglang nagseryoso ang mukha nito, nagulat naman ako sa sinabi nito pero nakatingin lang ako sakanya.
"Huwag mo nga akong biruin Kyle." inis kong sabi rito, pero ramdam ko na seryoso ito sa kanyang sinabi.
"I'm serious. Eh dun nga sa sinabi mo ay alam kong hindi ka nagbibiro pero sa akin hindi ka naniniwala." parang bata naman nitong sabi, naiinis siya haha.
"Lemme clarify it, totoo yung sinabi ko na gusto kita, pero sabi mo kagabe na may gusto kang tao kaso may gusto siyang iba, oh eh paano naman ako maniniwala nun diba." balik ko naman rito.
Nakita ko namang nagliwanag ang mukha nito, ngumiti nanaman ito na talagang gustong-gusto kong nakikita.
"Totoo nga na ikaw ang gusto ko noh, kahapon kaya kakulitan mo si Marvs, tapos nung nakita mong dumugo yung daliri niya ay sinipsip mo naman, syempre nagseselos ako at nagka-idea ako na gusto mo siya. And yung ginawa mong pagsubo sa daliri niya ay 'di kaya normal yun, kadalasan lang yun sa magkakapatid, magbestfried oh magboyfriend." sabi nito habang nakatingin lang sa kawalan, nakasimangot pa talaga ang isip bata, nagulat naman ako sa sinabi niya, huh? ako daw??
Hindi ko maipaliwanag ang lahat, akalain mo at ang gusto kong tao ay gusto din pala ako, hindi ko alam ang gagawin kaya naman,...
Humarap ako sa mukha nito saka agaran itong hinalikan, marahan, yung bang ipinaparamdam ko na gustong-gusto ko siya, napaka-saya ko sa mga nangyayari.
"Oh ayan, kung siya ay daliri ikaw naman mismong labi, oh selos kapa? ayan ah first 3 kiss ko kinuha mo na, huwag mong sasayangin ha?" saad ko rito ng nakangiti lang.
Ngumiti naman ito ng napaka-tamis, aktong hahalikan ako ulit nito ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng pagharang ng kamay ko sa labi nito.
"Woy tama na ba." saad ko naman rito.
"Totoo ba talaga 'to Justin?" hindi makapaniwalang sabi nito, ahhh ako nga din hindi makapaniwala eh.
"Yah, pero hindi na kita hahayaang halikan pa ako, hindi tayo at mas lalong hindi kita boyfriend, kaya hindi na kita hahayaang halikan ako. " tugon ko rito ng nakangiti.
"Edi liligawan kita." ngiti naman nito, napalunok naman ako sa sinabi nito.
"Hah? Kyle? ako? seryoso kaba? oh tinotopak ka nanaman?" natatawang sabi ko rito.
"Yan tayo eh, syempre seryoso ako, gusto nga kita diba! gustong-gusto." at talagang pakalapit pa nito sa akin.
"Totoo ba yan?" balik ko naman rito, hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari, lalo na't naghalikan pa kami kanina.
"Yah. Hindi ba natin pedeng subukan? I mean,.. can't we try? hindi mo alam kung gaano kita kagusto Justin, kaya hinding-hindi ko ito sasayangin." tuwang sabi nito saka naman ako agarang niyakap nito, napayakap nadin ako dahil sa mga narinig ko.
Kumawala naman ako saka ito tinignan ng deretso, mababakasan ito ng tuwa at excitement, alam kong seryoso siya sa mga sinabi niya, hindi ko na napigilan kaya naman,...
Hinalikan ko ulit ito, napakasarap at talagang napakasaya ko. Si Kyle na gustong-gusto ko ay gusto din ako.
"Ayan last kiss natin from now on, hindi pa kasi tayo eh, sorry Kyle." nakangiti kong sabi rito pagkawala ko sa aming halikan.
"Simula ngayon liligawan na kita, ipaparamdam ko sayo ang salitang PAGMAMAHAL." na talagang isinigaw pa nito ang huling sinabi niya at natawa lang ako rito, hanggang sa nagkwentuhan pa kami.
"Justin, tara kain muna tayo." saka naman ako hinila nito patayo at yun na nga, pumunta kami ng Mcdo.
Kanina ko pa ito ninanakawan ng tingin, nakangiti lang ito, na nagpapatatag naman sa akin.
"Woy ano gusto mong kainin?" ganadong tanong naman nito.
"Anything, basta pareho tayo." sagot ko naman, ahh iba pala ang feeling ng ganito no? ang sarap.
Hanggang sa umorder ito ng chicken w/rice then frenchfries tapos cokefloat, lunch daw ngayon eh kaya dapat marami ang kainin namin.
"Woy Kyle tapos uwi na ako ha?" sabi ko naman dito nang maka-upo na kami.
"Hindi mo man lang ba ako aalokin na sumama? ganyan naba?" malungkot naman nitong sabi, hirap talaga kapag isip bata ang kasama mo.
"Okay sige sama kana, gusto mo dun kapa matulog." inis ko namang balik rito, nakita ko namang ngumiti agad ito, hayy grabe talaga.
"Talaga? sige sige tabi tayo ha?" saad naman nito, ahhhhh kainis 'to.
Natapos na kaming kumain at yun na nga, bago kami umuwi sa amin ay bumili pa ito ng isang bucket ng chicken, para daw sa bahay, tsk.
Nakarating na kami sa amin at bago pa man kami bumaba ng kotse ay,..
"Woy Kyle ha, maliit lang bahay namin at baka mag-inarte ka." biglang sabi ko naman rito.
"Sobra ka naman Justin, basta kasama kita everything will be very very very very fine." pagmamalaki naman nito.
Bumaba na kami at pagkapasok ko sa loob ay sina Arvin at Charl agad ang aking nakita.
"Hi kuya Jaja."
"Kuya kain kana."
pagpansin sa akin ng dalawa na nginitian ko lang.
"May bisita tayo, isang hampaslupang naligaw sa labas kanina at naawa ako kaya sinama ko na dito." nakangiti kong sabi sa mga ito. "Asan si mama?" dagdag ko pa.
"Sinong hampaslupang yan? at milagro isinama dito ng isang hampaslupa din." nakangiting sabi ni mama, nasa may gilid lang pala at nagwawalis nanaman.
"Ahm Arvin, Charl and ma, si Kyle nga po pala." nahihiyang sabi ko sa mga ito saka ko naman hinila si Kyle dahil sa nahihiya talaga itong pumasok, medyo pinipigilan pa ako nito pero tinignan ko lang ng masama kaya ayun,..
"Good afternoon po." nahihiyang bati naman ni Kyle nang tuluyan na itong makapasok.
Nakita kong nagulat naman sila mama, nakatingin lang sila kay Kyle.
"K-kuya yan yung naghahanap sayo kahapon." si Charl, parang ewan lang eh.
"Friend? Enemy? Close friend?" natatawang banat naman ng aking mama. "Oh pasok ka Kyle, huwag kang mahiya." dagdag pa nito.
"Oh tara Kyle upo muna tayo." pag-agkat ko naman rito saka kami naupo sa may sala, pagka-upo nito ay agad na akong tumayo at pumunta saglit sa aking kwarto.
"So kayo po ba yung crush ni kuya Jaja?" bigla namang sabi ni Arvin kay Kyle ng maka-pasok na si Justin sakanyang kwarto.
"H-huh?" gulat naman ni Kyle.
"May crush po kasi si kuya sa school eh, siguro kayo po yun." dagdag naman ni Charl.
"Ano ba daw itsura?" nakangiti namang balik ni Kyle sa mga ito
"Nung minsan po may nabanggit siya eh, maputi po daw, kasing tangkad niya, napaka-bango at gwapo po daw tapos minsan may topak po daw, pero gustong-gusto niya po daw yun." sagot naman ni Arvin.
"Kayo po siguro yun?" dagdag naman ni Charl.
"Sana nga ako." sagot naman ni Kyle sa mga ito.
"Ay bakit po? gusto niyo din po ba si kuya?" nakangiting balik naman sakanya ni Charl.
"Hoy Arvin at Charl tumigil kayo, baka marinig kayo ni kuya niyo bahala kayo,... oh Kyle anak uminom ka muna ohh." sabat naman ng mama ni Justin nang maipatong na nito ang ginawa nitong juice.
"Salamat po, kayo po pala mama ni Justin." pagngiti naman ni Kyle.
"Oo anak, ano bang pinapakitang ugali ni Justin? nako sira din yung isang yun eh." natatawang balik naman ng mama ni Justin.
Tapos na akong magbihis kaya naman naisipan kong tawagin si Kyle.
"Woy Kyle dito bilis." sigaw ko rito ng makalabas ako ng kwarto, napatingin naman ito sa akin at agad naman itong tumayo saka lumapit.
At pumasok kami sa kwarto ko,..
"Kyle naaalala mo nung naghiram ako sayo ng damit? eto pala oh hindi ko agad nabalik sensya na, baka gusto mo din magpalit ng damit." pagtukoy ko sa mga gamit nito na nakalapag sa aking higaan.
"Ay sakto, sige palit nadin ako, nagpalit kana eh." tugon naman nito na nakatingin lang sa akin.
"What?" takang tanong ko naman.
"Sobrang puti naman ng legs mo, pero mas maputi padin ang akin." ngiti nito na nakatingin lang sa mga hita ko.
"Tumigil ka nga, ayan magbihis kana." saad ko rito saka na sana ako lalabas nang pigilan ako nito.
"Hintayin mo na ako, eto naman oh parang hindi tayo nagsabay maligo sa amin nung minsan." sabi nito, aba talagang ipaalala pa iyon ha.
"Oh bilis na." irita kong sabi sakanya, saka na nga ito naghubad, ganda talaga ng katawan nito, nakatalikod itong nagbibihis kaya naman nasusulyapan ko siya.
Hindi talaga ako makapaniwala, nakahalikan ko na itong taong gustong-gusto ko.
"What?" tanong naman nito ng makitang nakatigtig lang ako sakanya, wala pa itong pantaas na damit.
"Lapit ka sakin." saad ko rito na siya namang paglapit niya, naka-upo lang ako.
Inilapit ko naman ang mukha niya sa aking mukha, nakita kong nagulat naman ito.
"Sana Kyle hindi mo ako niloloko." seryoso kong sabi rito.
"Hinding-hindi kita niloloko Prince Justin, kaya sana ikaw hindi mo din ako niloloko." seryoso naman nitong sabi.
Hinalikan ko naman ito, walang gumagalaw sa amin, kumbaga nilasap lang namin ang aming mga labi. Kumawala na ako.
"Let's go?" ngiti ko rito.
"Sinasagot mo naba ako?" tanong naman nito.
"Sira ka talaga." natatawang sabi ko rito, sabagay bakit ko nga ba siya hinalikan? haha
"Eh para saan yun? sabi mo bawal na ang kiss eh pero hinalikan mo ako, dapat makaganti muna ako." parang batang sabi nito, ahh talaga si Kyle oh.
"Tara na." natatawang sabi ko rito na ikinasimangot naman niya. "Tignan mo 'to parang bata." pero talagang nakasimangot lang siya.
"Oh eto na nga oh." pagsuko ko rito saka naman ako nag-pout at pumikit, haha parang bata pa talaga akong ngumuso.
Sumilip naman ako habang nakapikit, nang papalapit na ito at hahalikan na ako ay agad naman akong umiwas dahilan para mabusit ito lalo haha.
"Woy tara na, dun tayo sa sala at makipagkwentuhan tayo." natatawang sabi ko rito, nakasimangot naman itong nagsuot ng damit, haha.
"Ayoko nga, dito na lang muna ako, matutulog na lang ako, ewan ko sayo." saka naman ito nahiga, binuksan ko na lang ang electric fan, kakahiya wala akong aircon haha.
"Oh sige wait moko diyan." saad ko rito saka na ako lumabas, pagkapunta ko sa kusina ay nandun pala silang tatlo at kinakain na ni Arvin at Charl ang binili ni Kyle, si mama naman ay nakikipagkwentuhan lang sakanila.
"Woy!" pagpansin ko sa mga ito.
"Ah kuya sabi ni kuya Kyle sa amin daw 'to eh kaya kinain na namin." si Arvin habang may subo-subong manok.
"Kayo talaga, oh ma ba't 'di ka kumakain?" pagpansin ko naman kay mama na binibigyan ng juice ang dalawang hampaslupa.
"Katatapos ko lang Jaja, oy ikaw may trabaho ka diba?" sagot naman ni mama.
"Yun na nga po eh, ayaw ni Kyle na pumasok ako kaya ayun 'di nga ako pumasok." nakangiti kong balik rito.
"Aba, buti naman at pumayag ka?" natatawang sabi naman ni mama.
"Ma, siya yung boss ko, sila ang may-ari nung company, hindi ko naman kasi alam nung una." sagot ko saka ko na kinwento kung paano ko nalaman, nagulat naman sila, tapos agad silang naglinis ng bahay dahil nakakahiya daw sa boss ko haha.
Hanggang sa binalikan ko na si Kyle, baka kung ano na nangyari sakanya, nakatulog nga ang bata, napangiti naman ako sakanya.
"Gwapo mo talaga Kyle." nasabi ko na lamang habang tinitignan ito, saka ko ito tinabihan sa pagtulog niya. "Matutulog na lang din ako." dagdag ko pa at pumikit na ako.
---
Nagising na lang ako ng may kayakap, nakayakap pala ako kay Kyle at naka-akap rin naman din ito sa akin, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para tignan ito,...
Nahiya naman ako nang makitang nakangiti ito, agad naman ako napabalikwas sa gulat.
"Siguro nauna lang akong magising sayo ng 5mins, sarap ng yakap mo eh kaya hindi na muna ako gumalaw." saad naman sa akin ni Kyle ng nakangiti.
"Sira ulo ka talaga, teka anong oras naba?" balik ko rito at tinignan ko naman ang aking orasan.
Hala 7pm na pala, ang tagal pala naming natutulog, napasarap ang tulog namin ah.
"Woy Kyle nagugutom kanaba? Oras na pala oh." pagpansin ko naman rito, nako nakakahiya bisita ko pamo ito.
"Yieee!! concern siya." kinikilig naman nitong sabi.
Nagkulitan pa kami at lumabas na para kumain, may mga natira pang manok sa binili niya pero naisipan ko itong pakainin ng pagkaing hindi pangmayaman.
Ipinagluluto naman ni mama si Kyle ng itlog at tuyo, sabi ko kasi yan ang gusto kong ipakain kay Kyle, para naman ma-experience niya yung mga pagkaing hindi pangmayaman.
Nakikipagkwentuhan naman ito sa aking mga kapatid, sarap sa pakiramdam na buti na lang at napaka-bait ni Kyle kaya naman naka-close na niya ang mga ito, at pareho pa kaming may inang napaka-bait.
"Jaja anak baka naman pinaparusahan mo iyang bisita mo sa pagkaing ito ha." natatawang sabi naman ng aking ina.
"Nope, hindi maarte yang si Kyle." pagmamalaki ko naman rito, at ayan tapos na pala.
"Woy mga hampaslupa let's go and eat eat eat na!" sigaw ko naman sa mga ito at hindi ako nabigong kuhanin ang atensyon ng mga ito kaya naman nagsilapitan na sila.
"Ngee!!" sabi naman ni Arvin at Charl ng maka-upo ang mga ito.
Kita ko namang nagulat si Kyle sa pagkaing nakahain, kaya naman,..
"Ang hindi kakain niyan, labas." seryoso kong sabi sa mga ito, nagpipigil naman ng tawa ang aking ina, hahaha kapag ganito kasi ang ulam ay napaka-arte ng dalawa kong kapatid eh kaya kailangan ko pa silang takutin.
Napalunok naman sina Arvin at Charl sa sinabi ko,..
"So, both of you, aren't you going to eat? no one will get full by just staring those foods." pagtukoy ko sa dalawa. "Then out." seryoso kong sabi, maging ako natatawa ako sa aking sinabi pero kailangan dahil etong dalawang kapatid ko ay napaka-arte, palibhasa kahit mahirap lang kami ay makikinis at mga gwapo ito eh kaya may karapatang mag-inarte, mana sakin. hahaha
Si Kyle naman ay nagsimula ng kumain, hindi ko na napigilang tumawa kaya naman tumalikod na muna ako, talagang natatawa kasi ako, alam kong napansin naman ako ng dalawa.
"Kuya naman ehhhhh,.." reklamo ni Arvin. "May manok pa diba?" natatawang dagdag naman ni Charl.
"Arvin at Charl, hindi ba kayo nahihiya kay Kyle?" singit naman ng mama ko.
"Okay lang po." ngiti naman ni Kyle sa mga ito.
"Ma ibigay mo na sa dalawang hampaslupa yung dala ni Kyle kanina at baka atakihin pa sa kaartehan yang dalawang kapatid ko." natatawang baling ko sa mga ito.
"Ikaw hindi kaba kakain?" tugon naman ng mama ko, sinabi ko naman na syempre kakain ako kaya agad akong naupo, haha.
"Masarap ba Kyle?" pagpansin ko kay Kyle.
"Yah, sobra." ngiti naman nito, alam kong hindi naman ito nagsisinungaling, masarap naman kasi magluto ang mama ko at isama mo pa ang ate ko.
"Akala ko mag-iinarte ka kasi eh." tugon ko naman sakanya.
"Hindi ah, sobra ka." balik naman nito.
Pagkatapos namin kumain ay nakipagkwentuhan muna ito sa aking mga kapatid, umalis kasi si mama at susunduin si ate sa mall, ganyan lagi ang aking mama at ate, bago kasi sila umuwi ay dadaan muna sila sa night market para bumili ng kung anu-ano.
Hinintay na muna namin sila ate bago kami pumasok sa kwarto ko, pinakilala ko ito at syempre ginisa muna kami ni ate.
Mga 10 na siguro ng pumasok na kami sa aking kwarto, talagang sinabi pa nito kila mama na dito sa amin siya matutulog ngayon, alam niya kasing pauuwiin ko siya eh.
"Woy Kyle wala kang susuotin bukas bahala ka." pagbabanta ko naman sakanya.
"Wops, dami kong dalang extra, nasa kotse ko lang, lagi kasi ako nagdadala ng extrang damit just in case." pagmamalaki nito, talagang wala na akong magagawa at dito nga ito matutulog.
"Okay, so dito ka talaga matutulog?" tanong ko pa rito, subukan kong inisin.
"Kanina kapa, parang ayaw mo talaga akong patulugin dito sa kwarto mo eh, edi wag kasi, uuwi na lang ako." inis nitong sabi, lalabas na sana ito nang hawakan ko ang kamay nito para pigilan.
"Alam mo napaka-matampuhin mo talaga." saad ko rito, dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha nito.
Nakita ko naman na nakatingin lang ito sa aking mga labi, ng malapit na malapit na at hahalikan ko na ito ay saka naman ako tumigil at inilayo ko ulit ang aking mukha, nakita kong nagulat naman ito at halatang nabitin.
"Nakakarami kana Kyle ha, talagang gustong-gusto mo." natatawa kong sabi rito saka na ako lumapit sa aking higaan para mag-alis ng damit, natutulog kasi ako ng walang damit.
"Ang daya mo, pag ako gumanti sayo talagang hinding-hindi mo matatanggihan." pagbabanta naman nito.
"Weh, ahm Kyle sensya na ha? kapag natutulog talaga ako ay walang pang-itaas, okay lang ba sayo?" pagbaling ko naman rito.
"Yah, pareho lang tayo." sagot naman nito saka na nito hinubad ang kanyang pang-itaas na damit, napatingin nanaman ako sa katawan nito at talagang ang ganda nito.
Pareho kaming nakapang-basketball shorts, naghiram din kasi ito kanina kaya ngayo'y pareho kaming walang pang-itaas at naka-short lang, naupo na ako sa higaan.
"Inaantok kana ba?" tanong ko naman rito nang tinabihan ako nito sa pag-upo sa kama.
Ramdam ko naman ang init ng katawan nito, may parang kung anong naramdaman ako sa pagdikit ng aming mga balat.
"Honestly hindi pa eh, kwentuhan muna tayo please?" pagpapa-cute pa nito.
"Sige sige, ano ba gusto mong pagkwentuhan?" pagngiti ko rito, talagang pakasiksik niya pa sa akin.
"Paano mo ako nagustuhan?" agad naman nitong sabi, nagulat naman ako sa tanong nito.
"Kailangan ba talaga yun?" kuno't noo kong balik rito.
"Yah, dali na tapos sasabihin ko din kung paano kita nagustuhan." sagot naman nito.
"Well, hindi ko alam eh? basta kapag napapatingin ako sayo parang may kung ano akong nararamdaman, tapos ang bait mo pa kahit na pinahiya mo ako nung 1st day, at ang bango-bango mo, and nagugustuhan kasi kita lalo kapag nagtatampo ka sa akin eh, tapos kapag nagyayakap tayo? ang sarap sa pakiramdam na ayaw na kitang bitawan at syempre laging masaya ako kapag kasama kita." mahabang sabi ko rito, nakita ko naman na mas lalo itong napangiti sa aking mga sinabi.
"Eh ikaw? paano mo ako nagustuhan? knowing na eto lang ako, I mean simple at mahirap." seryoso ko namang sabi rito.
"Ewan din eh? pero first day palang nagustuhan na kita, pramis, tapos nung una-una mo akong niyakap,.. yun mas lalo kitang nagustuhan, baka nga mahal na kita eh? saka kapag nakikita kitang may kasamang iba at naghaharutan kayo? ewan ko pero talagang nagseselos ako eh, kaya sana Justin,... ako lang ha? masasaktan ako ng sobra, alam mo yan, kaya sana ako lang." ramdam ko ang sinsero sa mga sinabi nito, at matapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako agad ng napakahigpit kaya't niyakap ko na din ito.
Ibang yakap ang nararamdaman ko ngayon, siguro dahil sa pareho kaming walang damit kaya ganun, sana nga ay si Kyle na ang taong mamahalin ko hanggang sa huli.
At nahiga na kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano pa, alam kong pareho kaming masaya ngayong gabi kaya naman hinding-hindi ko sasayangin ang mga sinabi ni Kyle na sana ay siya lang.
Napagpasyahan na namin na matulog na kami dahil sa oras nadin at maaga pa ang klase. Sinabi din niya na ipinaalam na niya sa mama niya na nasa amin siya at dito nadin siya matutulog.
Pwesto namin ay nakatalikod kami sa isa't-isa at malaking space ang pagitan namin, hanggang sa,...
"Justin? still awake?" mahina naman nitong sabi.
"Yah, why?" tugon ko naman rito.
"May gusto sana akong sabihin." ramdam ko naman na nahihiya ito.
"Sige ano yun?" balik ko rito.
"Pwedeng tabi tayo? I mean,.. hindi kasi ako makatulog eh." saad nito.
"Ayoko nga, matulog kana diyan." sagot ko rito, hindi na ito nagsalita.
Ramdam ko naman na pagalaw-galaw ito, nag-iiba ng pwesto, halatang hindi nga ito makatulog.
Humarap naman ako rito para makita ito, nakatalikod ito mula sa akin, naawa naman ako rito dahil sa gusto na nitong makatulog pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok.
Umusog naman ako rito, saka ko ito hinawakan sa braso at iniharap ko sya akin na nagpapahiwatig na payag na akong magtabi kami, agad naman itong umunan sa braso ko ay niyakap ako nito, lihim akong kinikilig sa aming pwesto.
Bali naka-unan na nga ito sa braso ko at saka ko nilaro ang buhok nito sa pamamagitan ng kamay ko kung saan siya naka-unan para naman makatulog na siya.
Mga ilang sandali lang ay tulog na nga ito, kaya naman ini-unan ko na ito sa aking dibdib at niyakap ko na din ito, hanggang sa nakatulog nadin ako.
------
Hanggang sa umabot ng tatlong buwan at napaka-close na namin ng sobra, halos araw-araw pinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako at ganun din naman ako, lagi kaming magkasama, tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan nito na sina Bryle, Matthew at Ivan dahil sa alam daw nilang masaya si Kyle at ngayon lang daw nila nakitang ganun si Kyle, at panatag daw sila at ako ang dahilan ng kasiyahan ni Kyle dahil sa alam daw nila na hindi ako katulad ng iba.
Akala ko tuloy-tuloy na, yung araw na sasagutin ko na sana siya sa panliligaw niya sa akin ay biglang na balewala.
"Hi Kyle :)) kita tayo at may importante akong sasabihin, bilisan mo ha? ingat." pagsend ko ng text rito.
Kaso umabot ng ilang minuto ay hindi padin ito nagrereply, mahigit isang oras na ay wala padin, unti-unti akong nawalan ng gana, nagtatampo ako kay Kyle dahil sa kagabi ko pa pinaplano na ngayon ko siya sasagutin nguni't wala lang reaksyon ito sa sinabi kong magkikita kami, sabado ngayon at tulad ng dati na kapag sinabi kong lalabas kami ay ganado ito agad, mas excited pa sa akin at talagang susunduin pa ako agad, kaya naninibago ako ngayon.
Hanggang sa nakatulog na lang ako sa kakaisip sa kanya, gusto kong maiyak sa tampo dahil sakanya.
Nagising ako mga 3pm, agad kong tinignan ang phone ko dahil baka nagtext si Kyle pero wla talaga, may isang nagtext at si Marvs pala ito.
"Woyyyyy bes!! tara labas tayo? treat ko, game?" sabi nito sa text, tutal wala rin akong ginagawa kaya naman pumayag na ako.
Nga pala, nasabi ni Marvs sa akin na gusto niya daw ako, sinabi niya ito ng ipaalam namin ni Kyle sa barkada na lumalabas na kami at nagde-date, pero hindi pa kami, para nga daw kaming tanga eh haha.
Kaya niya daw sinabi iyon ay hindi para manggulo, gusto niya lang daw ipaalam sa akin na gusto niya ako dahil sa iba daw ako, sinabi ko rin naman sakanya na nagkagusto din ako sakanya pero yun nga lang mas gusto ko talaga si Kyle na topakin.
Bale naging mag-bestfriend kami ni Marvs, kame kasi lagi magkasama kapag may lakad sila Kyle, lagi ngang nagseselos si Kyle eh at lagi namin siyang pinagtatawanan dahil sa kung makapagselos ito ay parang iiyak na lang lagi.
"Sige bes, san ba tayo magkikita?" balik ko naman rito.
"Sunduin kita noh, madame ako kekwento about kay kras :))" reply naman nito.
"Adik ka bes, sige sige at nang tambakan ako ng kilig mo, bilisan mo ha? at may ikekwento din ako." reply ko ulit.
"Sige, i'm on my way. teka hndi ba magagalit si Kyle? wala ba kayong lakad? diba every sat lagi kayong lumilibot?" diba, nakaramdam bestfriend ko haha.
"Kaya nga bilisan mo at madami tayong pagkekwentuhan." pagmamadali ko rito, at pinuntahan ko si mama para magpaalam na aalis ako.
"Ma alis ako ha? kasama ko bestfriend ko." ngiti ko rito pagkapasok ko sa kwarto niya.
"Oh ba't si Marvs kasama mo ngayon? diba dapat si Kyle?" takang tanong naman nito, nagpaalam nadin kasi ako kanina na makikipagkita ako kay Kyle, kaso wala nga.
"Medyo busy siya ma, alam mo naman yun, osige padating nadin niyan si Marvs eh, bye mommy." pagngiti ko rito saka naman ako binigyan ng pera nito, haha 200, tsk tsk ito talagang mama ko, wala na ngang pera pero talagang bibigyan padin ako, syempre tinanggap ko na haha.
Siya nga pala, alam niyo ba sobra kaartihan ni Kyle ibinili niya ako ng aircon, grabe siya eh, minsan kasi nakikitulog siya sa kwarto ko at gusto niya din daw na magka-aircon kwarto ko para daw hindi na ako mainitan sa pagtulog at nakikikain din siya sa bahay dahil nga sa masarap daw luto ni mama, kaclose na niya mga tao dito sa bahay lalo na si Arvin at Charl, nagseselos na nga ako eh.
May naririnig na akong bumubusina at si Marvs na nga iyon kaya lumabas na ako kaagad.
"Woy bes tagal mo lumabas, dyan ba si tita? may pasalubong ako oh." pagtukoy nito sa binili niyang mga tinapay.
"Grabe ka, lagi mo na lang binubusog si mama ah, kung hindi si mama si ate naman tapos pati yung mga hampaslupa ko pang kapatid." balik ko rito. "Oh huwag ka nang bababa ako na magbibigay at nang maka-alis na tayo." dagdag ko pa at nagmadali naman akong bumalik sa loob.
Mga ilang sandali ay nakabalik na ako.
"Salamat daw, sa susunod daw na magdadala ka ulit sisipain kana daw ni mama, kulit mo kasi eh." natatawang sabi ko rito pagkapasok ko sa kotse nito.
"Sinabi mo sana padadalhan ko siya ng isang truck ng pasalubong." natatawang balik naman nito, ayan ganyan na sila kaclose, halos silang lahat naman eh, si Bryle, Matthew, Ivan, Marvs at Kyle, kaclose na nila mga tao sa bahay lagi kasi silang nasa amin eh, after school kasi deretso kame sa amin para magtambay or kwentuhan or kapag may assignment or may project din, grupo kasi kame lage, lagi rin nila akong sinasama sa mga bahay nila, mababait pala talaga ang mga ito, ibang-iba sila, alam nadin ni mama na mga bisexuals din ito katulad ko, sabi nga ni ate at mama ay what a small world haha.
Mga lasinggero din itong mga ito eh, kaya katapat nila si ate ko kapag day-off nito, si Kyle hindi ko na hinahayaang uminom ng marami, kaya kapag nag-iinuman sila sa bahay ay puro papak lang kami ni Kyle sa mga pulutan, si Arvin naman at Charl ay nakikisali sa biruan, at komportableng-komportable sila siguro dahil halos ka-edaran rin lang namin itong dalawang kapatid ko.
"Hay nako bes, tara na nga." saka na kami umalis, sa SM kami pupunta, mga ilang sandali pa ay,..
"San tayo kakain? san mo gusto bes?" tanong naman sa akin ni Marvs ng makapasok na kami ng mall.
"Ikaw bahala, treat mo ba?" ngiti ko rito.
"Ofcourse, ulit-ulit nanaman tayo niyan eh, dali na may ikekwento ako sayo." mabilis nitong sabi, halatang excited haha, kapag kasama ko talaga 'tong si Marvs pati ako nadadamay sa kasiyahan niya, saglit ko ring nakalimutan yung inis ko kay Kyle dahil sakanya.
Ngayon ay nasa Jollibee nakami at naka-upo na, nagburger at napaka-raming frenchfries kami, no rice muna daw.
"Oh ano na, kwento mo na si kras." pagpansin ko sakanya, busy itong lumalaklak ng burger.
"Eto na nga,.. si ano si chinito, ayy grabe katext ko kagabi, ayyyy grabe talaga." kinikilig nitong sabi, sino mag-aakalang ganito si Marvs kapag inlove diba.
By the way, yung tinutukoy niyang chinito ay yung naka-encounter ko nung 1st day, yung nabangga at nabuhusan ko ng tubig sa food court.
"Wuyyy, inlove na inlove kana sakanya, ano naman napag-usapan niyo?" tanong ko rito, maski ako kinikilig sa mga sinasabi nito.
"Ginawa ko sinabi mo, at yun confirmed na bisexual din siya, ayy grabe talaga bes." kinikilig nitong sabi, tuwang-tuwa naman ako para sakanya.
"So ano love na yan? nagtext nga siya sa akin, salamat daw at ipinakilala kita sakanya, gurabi best love na yan." pagngiti ko rito, nga pala, naging kaibigan ko din yun, nagkakilala kasi kami dahil sa isang school activity at napag-usapan nga namin yung 1st encounter namin at puro tawanan kami tapos nung mga panahong tinotopak ako ay inagkat ko siya sa isang mall at inagkat ko din si Marvs, para sakanila talaga yun, gusto ko sila magkakilala eh, nabanggit kasi ni Marvs sakin na crush niya si chinito, kaya ayun haha.
"Dabest ka talaga bes, oh ikaw kamusta na kayo ni Kyle? tagal mong sagutin ha." pag-iba naman ng topic nito, wala naman akong nasabi kaya nanahimik na lang ako.
"Oops, did something bad happened?" sabi naman nito.
"Sasagutin ko na sana siya today eh, sabi ko magkikita kame pero hindi naman siya nagrereply, eh dati kapag magtext ako na magkikita kami nandiyan siya kaagad." simangot kong sagot rito.
Tumahimik lang ito, alam kong nakikinig lang ito sa akin.
"Kahapon ayos naman kami, nagkukulitan pa nga kami eh, naiinis talaga ako sakanya." dagdag ko pa.
"Alam mo naba dahilan?" biglang sabi naman nito habang iniinom ang kanyang coke float.
"Hindi pa." walang gana kong tugon.
"Yun naman pala eh, huwag ka muna mainis though normal lang na mag isip-isip ka ng ganyan, also, malay mo may inaasikaso lang." balik naman nito.
Hanggang sa nagdrama pa ako sakanya, ganyan ako eh, mahal ko
na kasi si Kyle.
Inagkat ko na itong maglibot-libot na, kailangan ko munang makalimutan si Kyle, ayaw ko na siyang panghinalaan pa.
Nagkekwentuhan at naghaharutan kami ni Marvs habang naglalakad.
"Woy bes, tumigil kana ha! Alam mo nang mahina ako pagdating sa kilitian eh." saad ko rito pero hindi parin niya ako tinigilan kaya para kaming mga tangang tawa ng tawa habang naglalakad.
Napatigil naman ako sa aking nakita ng masakto kami sa KFC, maski si Marvs ay napatigil ng bumaling ito kung saan ako nakatingin.
May dalawang nagsusubuan ng pagkain sa loob ng KFC, ang sweet nila at kulitan pa, nanghina naman ako sa aking nakita.
Nararamdaman kong nagsisimula ng lumuha ang aking mga mata, talagang naiiyak ako at hindi ko mapigilan, napatulala lang ako sakanilang ka-sweetan.
Si Kyle ito, tuwang-tuwa, halatang nag-eenjoy kasama ang babaeng kaharap niya habang nagsusubuan sila, hinawakan naman ako ni Marvs sa kamay.
Nakita ko namang tumayo si Kyle at inilapit ang mukha sa babaeng kaharap niya, hinalikan niya ito sa noo, at hindi ko na kinaya kaya dali-dali na akong umalis, sumunod lang si Marvs.
Ngayon ay nasa may parking lot na kami, sumandal lang ako sa kotse ni Marvs saka ko na binuhos lahat dun, binuksan naman ni Marvs ang isang pintuan at umupo siya dito, nasa tabi ko lang siya, bale siya naka-upo at ako naman nakatayo at nakasandal lang, umiiyak ng umiiyak, pinag-laruan lang pala ako ni Kyle.
"Halika nga,.." saad ni Marvs saka niya ako hinila papunta sa kanya at niyakap niya ako, sa dibdib naman niya ako umiyak.
Itutuloy
Sino kaya yung babae na kasama ni kyle. Hmmp. Wawa naman si justin. Kakalungkot. Thanks sa update mr. Author.
ReplyDeleteAhe akla kupanaman mahaba-haba pa ito ngunit d pala sana habaan mupa ang ganda ng story eh ;)
ReplyDeleteFranz
Hi guys, sana kinilig kayo :)) pasensya na sa mga nabored, pero salamat talaga sa mga nagbasa, muahh :*
ReplyDelete- Prince Justin <3
Sh*t! UPDATE AGAD! BITIN!
ReplyDeleteANGGALING MO! YUN LANG!
nice story poh..
ReplyDelete-
Woah! I can feel you, Justin! Relate na relate ako. Yung totoo Author. San mo galing yung story? True to life ba? Haha. Pero ang ganda talaga. Ihh gusto tlga kita makilala. Pakilala ka pls. Magkita na tayo pls. :( Anu ba yan. Sabihin mo kay sir michael dali naaaa. Nagtanong ako sakanya e. Pero ayun. Aabangan ko ending. ;) -dee
ReplyDeleteWawa naman si Justin...Bakit kaya nagawa ni Kyle? Abangan na lang natin ang update...Thanks Mr Author...
ReplyDeleteBaka kapatid lng Just...
ReplyDeleteDear Author, wala pong bucket of chicken sa Mcdo. Nevertheless, nice story! :)
ReplyDeleteGoodAfternoon guys :))
ReplyDeleteNakakatuwa po talaga na may nagko-comment sa story ko, mas lalo po akong ginaganahan, pasensya na po kung maiksi 'tong story na ito, hindi po talaga ako marunong gumawa ng tragic or hindi ko po alam pahabain eh, pero sa next story babawi po ako. Pramis guys, muahh :*
Ka-pampangueñong author..hahaa
ReplyDeletedi kya boring..cute nga pag sumesegwey si justin sa sarili nya..hahaa
sana humba pa.. plsssss?? haaha.. ngayon lng nkapag comment kc
sinimulan ko muna ang cute na love story nla JK..wahaha
jihi
Updateeeeeeee!!! Ang galing sana may ganon na din ako kaso wala eh discreet ako kahit sa babae wala haha sa lalaki pa kaya xD
ReplyDeleteAuthor hanapan mo rin si Justin ng magandang 'chick' para mamatay sa selos yong sioklang si kyle. Make a sudden twist sa Finale. - Mr Suggestor.
ReplyDeleteAuthor, unpredictable naman pala ni Kyle. Sana pagselosin naman siya ni Justin. -Sir Anon
ReplyDeleteGuys, be ready sa chapter 7 :)) Lemme stir your minds <3
ReplyDelete