Mi
Pobre Amor
(The
Flirtacious Bi)
by:
Mr. O
A/N: Thank you sa
opportunity na binigay sakin upang maishare ko po ang story na ito. Ito po ay
fiction story. Salamat ng marami kay Kuya Michael Juha at Kuya Ponse for
posting it here in MSOB. Apologies for all errors dahil first time ko pa po.
Salamat talaga. Comment and suggestions are welcome.
Chapter 1:
"Dreams"
When he first set
foot on the sandy shores of El Nido's Langen Island isang isla sa Palawan ay
talagang ipinangako niya sa kanyang sarili na he will stay here for good. No
matter what happens. El Nido ang ultimate dream niyang lugar na matirhan.
What's in El Nido stays in El Nido ika
nga. The Philippines Last
Frontier.
Sadya lamang siyang
nainlove sa isla, bukod sa may sariwang hangin, magandang kapaligiran, prestine
white sandy beaches, maipagmamalaking natural form marble cliffs, green hidden
lagoons, underwater caves and coves, first class hotels and resorts, ang higit
sa lahat tahimik at simpleng pamumuhay ng mga taong taga rito. Pero ang hindi
kasama sa kanyang pinapangarap ang manatiling ordinaryong tauhan lamang ng
isang kilalang luxury resort sa isla, ang El Nido Four Season Beach Resort. He
always dreamt of something else, iyon bang wala na siyang gagawin pagmulat pa
lamang sa umaga kundi ang mamasyal sa dalampasigan pagkatapos ng isang masarap
na almusal sa terrace ng kanyang malaki at magandang bahay.
Pagkatapos ay deadma
lang sa mundo at maglalangoy siya sa dagat hanggang siya'y mapagod at
magpapahinga na siya nang padapa sa buhangin ng dalampasigan habang
nagsa-sunbathing.
At siyempre kasama sa
package deal ng kanyang mga pangarap na may mga palad na hahaplos sa kanyang
likod habang nilalagyan siya ng sun block upang hindi masunog ang
pinakakaingatan niyang balat na ani pa niya ay asset niya.
At ang palad na iyon
ay ang palad ng lalaking kanyang pinapangarap, hindi lang basta gwapo at
matalino na tatanggap at magmamahal sa kanya but a man with fortunes na
magbibigay ng kaginhawahan sa buhay niyang mahirap.
Then kapag mabobore
na sila sa isla ay magyayaya siyang magtu-tour around the world para mas
malibang at maging exciting ang kanyang buhay mayaman.
At siyempre hindi rin
niya inaalis sa kanyang isipan na magkakaroon ng mga anak. Mga magaganda at
gwapong mga anak na may tig-iisang yaya nang sagayon ay hindi sila maabala kung
sakali mang magout of the country sila ng kanyang dream guy at maglaloving-loving.
Abay siyempre, sa yaman at sandamakmak nang kanilang pera ay pupwede silang
humanap ng surrogate mother o magpatest tube baby. Sa advance ba naman ng
science at makabagong technologies ngayon sa mundo magagawa mo ang lahat nang
gusto mo ng dahil sa pera.
Anyways, naisip niya
rin ang magiging kasintahang pangarap niya ay pupwedeng pinoy, pero much better
kung may lahi ito dahil mas open\ minded at tanggap ng mga foreigner ang isang
tulad niya at legal sa kanila ang ganoong uri nang relasyon. Dahil naisip din
niya, hindi masyadong makikitid ang mga pag-iisip ng ibang mga lahi. At para
sigurado din siya na dollars ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik na lang
siya sa kanyang mga pinag iisip.
"Haay! Ang sarap
siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang-" napatigil siya sa kanyang
pagdaday dreaming nang marinig niya ang kanyang pangalan.
"Nicco-"
"H-ha?"
maang niyang napalingon sa nagmamay-ari ng boses na tumatawag sa kanyang
pangalan.
"O, Joaquin!
Ikaw pala." napangiti siya nang maaninag ang binatang papalapit sa kanyang
kinaroroonan.
"Anong ginagawa
mong mag-isa dito sa tabing dagat?" naupo ang binata katabi niya at
inilapag sa buhangin ang hawak nitong basket na puno ng sigay at kung anu-anong
klaseng shells.
"Ano pa, e di
nangangarap. Tulad nang lagi kong ginagawa. Ikaw ano naman ang ginagawa mo't
naparito ka? Hindi ba't lumuwas ng bayan si Mang Vic para magtanong kung
magkano ang
matrikula mo para sa
darating na pasukan?"
"Oo."
maikli at malungkot na sagot ni Joaquin habang nakatanaw sa malawak na
karagatan.
"O, eh bakit
parang biyernes santo yang\ pagmumukha mo? Bakit hindi ka sumama sa iyong itay?
Hindi ba ikaw ang mag-aaral, aba dapat ay sumama ka para alam mo kung anong
kurso ang kukunin mo."
"Para kasing
hindi ko kaya ang umalis dito sa isla. Ayoko ko rin kasing kumuha ng dormitoryo
o paupahang kwarto sa bayan pag nagsimula na ang pasukan."
"What? Aba!
Joaquin, dapat hindi ka ganyan umas-"
"I know but,
kaya lang. . . hindi\ naasarap mag-aral gayong wala na ang inspirasyon ko sa
buhay na si Rodora."
"My Gawd ka!
Ayun lamang pala ang talagang dahilan, may paemote-emote ka pang nalalaman
diyan. Aba, Joaquin, kung nawala man si Rodora rito sa isla, hindi ba dapat mas
lalo mo siyang kalimutan at magmove-on ka na. For sure, If I know, nagpapasarap
na yon doon sa States. At alam ko rin na makakahanap kanang babaeng nararapat
para sayo. Yung hindi ka lolokohin. Eh, sige ka gugustuhin mo bang mapapari ka
na lang, aba'y sayang ang yong kagwapuhan niyan." mahabang paliwanag ni
Niccoli sa kanyang kaibigan.
"Kasi mahal ko
siya." tugon naman ni Joaquin.
"Mahal? Manhid
ka ba? Anyare! Di ba iniwan ka niya, pinaasa, sinaktan at binalewala lang.
Hayun, sumama sa matandang kano. Anong nangyari sa pagmamahal na yan. Tanga ka
ba o nagtatanga tangahan lang."
"Mahal niya nga
ako. Nararamdaman ko yun."
"Mahal nga,
bilang KAIBIGAN, Oo." bara niya sa kaibigan. Natahimik bigla si Joaquin
dahil kahitpa paano may point naman talaga si Niccoli. Batid nilang mabait rin
naman ang kanyang dating kasintahang si Rodora, sakatunayan nga isa rin ito sa
mga tinuturing matalik na kaibigan ni Niccoli. Sadya nga lang pinangarap nito
ang pumunta sa States kaya nong napikot siya ng matandang amerikano ay sumama
na siya kaagad. Ang kinagalit lang nilang magkakaibigan kay Rodora ay ang
walang pasabi-sabi nitong pagalis sa isla at ang pagiwan sa kanyang kaibigang
si Joaquin.
"Kaya kung ako
sayo mag-aral kang mabuti at maghanap ng magmamahal sayo hindi bilang kaibigan
lang kundi KA-IBIGAN." ang next na advice ni Niccoli sa binata.
"Eh sino naman
kayang maswerteng tao yon. Ikaw?" ang ngiti-ngiting tanong ni Joaqin kay
Niccolo na sinabayan pa niya ng pagtaas baba ng kilay nito.
"Sira ka talaga.
Hindi tayo talo atsaka hindi kita bet" sagot naman niya dito sabay hampas
sa binata.
"Ang hanapin mo
ay yong mayaman para naman makaahon ka na sa kagagawa mo ng mga kwintas at
palamuting kabibe. Okay?" dagdag pa nito sa binata.
"Ikaw talaga,
pati ito ay pinagdiskitahan mo pa at sinali mo pa ako sa pangarap at mga
ilusyon mo."
"Kasi naman,
tuwing magkikita tayo iyang basket mo na lalagyan ng mga shells ang lagi mong
dala-dala."
"Eh sa dito ako
kumikita."
"Sabagay may
point ka din. O siya, hayun, may mga turista, alukin mo agad ng mga tinda mo ng
makarami ka." sabay turo sa mag-asawang foreigner na napadaan malapit
sakanila.
"Salamat. Sige
una na ako." nagmamadaling tumayo si Joaquin upang habulin ang mag-asawang
turista patungo sa dagat.
Naiiling na lang na
hinabol ni Niccoli ng tingin ang kanyang kaibigan.
"Haay! Buti pa
si Joaquin, ang simple lang nang pangarap, ang makabenta lang ng mga tinda
niyang kabibe at palamuti. Samantalang ako, magtu- two years na dito sa El Nido
ngunit di pa rin nakakakita ng mayamang lalaki na makakatanggap, magmamahal at aahon
sakin sa kahirapan. Kailan kaya siya darating?" bulong at tanong na
gumugulo sa isipan ni Niccoli.
Lagpas dagat naman
ang tingin niya at di napapansin ang paparating na bangka na walang katig at
sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.
Simula nang mapadpad
si Nicco o Niccoli Domiguez sa buong pangalan sa isla ng El Nido Palawan ay
hindi niya itinago ang tunay niyang pagkatao.
Bukod kasi sa kanyang
mga kaibigang sina Joaquin, Rodora at Amerita, alam ng mga taga El Nido na isa
siyang androgynous flirtacious bi na tanggap naman nila kasi mabait naman si
Niccoli.
"Siguro ay dapat
na talaga akong madseryoso sa paghuhunting ng lalaking iyon. Baka tumanda ako
at kumulubot na aking balat." bahagyang napangiwi at napahagikgik si
Niccoli sa kanyang mga kalokohang pinag-iisip.
Hindi naman papahuli
si Niccoli sa itsura at dating kahit isa siyang binabae. Katunayan nga siya ang
isa sa pinakamagaling sa PR skill sa resort na pinagtratabahuan niya. Isa
siyang front desk receptionist. Sa height niyang 5'8" ay masasabi mo
talagang kakaiba ang aura niya, head turner kumbaga.
May angkin siyang
charm na nakakaakit sa mga guest ng resorts. Sa face value naman niya ay unang
tingin mo pa lang kay Niccoli mapagkakamalan mo talaga siyang babae o tinatawag
na androgynous at bishounen sa salitang hapon. Hindi niya malaman kung kanino
siya nagmana bagkus ay nagpasalamat pa siya. Dagdag akit pa bukod sa kanyang
kutis ay ang kanyang mata na singkit. Ang mukha niya rin ay makinis na pwedeng
endorser ng isang derma soap.
Pero masyado lang
talaga siyang ambisyoso. Mas gusto niya ang makahanap ng mayamang lalaki na
magmamahal at tatanggap sa kanya kaya nga iniingatan niya ang kanyang itsura.
"Oo nga pala,
may bagong guest sa Cottage-B. Alam ko ay isang mayaman, bata at gwapong
foreigner yon at balita ko isang bisexual ang guest na iyon. Ano kaya kung
magpapansin ako sa kanya. Is he will be interested in me?" wala sa loob
niya na mapangiti.
Para siyang ewan sa
mga oras na yon.
Lingid sa kanyang
kaalaman, may\ kung ano sa kanyang ngiti ang nagpacapture sa atensyon ng
lalaking nakasakay sa bangkang padaong noon. Akala tuloy ng lalaki na siya ang
nginitian ni Niccoli ng mga sandaling yaon kaya bahagya rin itong ngumiti at
nagpacute pa ang lalaki.
"Pero baka naman
maging parang call boy ako niyan." napangiwi na naman siya sa naiisip.
"Iyon nga
nakaraang foreigner na naipakilala sakin inalok ako kaagad ng one night stand.
Aba hindi naman ako ganon kababa at kadesperado. At isa pa, may kaedaran na
yong foreigner. Hindi naman ako basta-basta na lang pumapatol. Ang gusto ko ay
getting to know each other stage muna bago pumunta sa next level ng isang
relasyon. Kahit papaano may natitira pa akong dignidad at prinsipyo."
napasimagot na lang si Niccoli sa naalalang pangyayari sa kanya 3 buwan na rin
ang nakalilipas.
"Ah, Miss?"
habang ikinakaway niya ang kamay sa mukha ni Niccoli.
"H-ha?"
napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa kanyang harapan
na hindi man lang niya namalayan at nakatunghay sa kanya.
"B-bakit?"
ang parang wala sa sariling tanong niya rito. Bahagya siya nastammer at nastar
struck sa lalaki.
"Sorry, akala ko
kasi babae ka." napakamot ulo na lang ang lalaki sa inasta.
Why the man such a
real hunk. Ang tikas ng dibdib nitong bakat sa sandong nangungumitim na hakab
sa katawan nito. Labas ang namumutok na muscles nito sa braso. And he's so sexy
sa suot na pantalong maong nakatuping pataas hanggang sa tuhod. Nayapak ito sa buhangin
kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng mga butil na buhangin.
And my goodness, he
has that pearly white teeth na animo'y modelo ng isang kilalang brand ng
toothpaste kaya naman ang ganda ng ngiti nito.
Hindi maipagkakaila
na nabighani nang husto si Niccoli sa lalaking nasa harap niya. Kahit pa araw
araw may mga naggwagwapuhan silang mga guest sa resort na may mga porma't
itsura sadya siyang nahumaling sa lalaki. May kung anong pwersa ang
nagpapamagnet sa kanya dito. Parang isang demigod na bumagsak dito sa lupa na
ngayo'y nasa harapan niya. The man was just too hot too handle and so
irresistable.
"Ah, itatanong
ko lang sana kung galit ka ba sa akin?" magalang na tanong ng lalaki sa
noo'y nakatunganga at wala pa rin sa tamang wisyong si Niccoli.
ITUTULOY. . . .
Ok naman. Pero parang kulang. . .
ReplyDeleteyes may bagong aabangan nnman me haha .. nice start po kuya author =)))
ReplyDeleteKRVT61