Followers

Wednesday, April 23, 2014

Mi Pobre Amor 1: Dreams


Mi Pobre Amor
(The Flirtacious Bi)

by: Mr. O




A/N: Thank you sa opportunity na binigay sakin upang maishare ko po ang story na ito. Ito po ay fiction story. Salamat ng marami kay Kuya Michael Juha at Kuya Ponse for posting it here in MSOB. Apologies for all errors dahil first time ko pa po. Salamat talaga. Comment and suggestions are welcome.









Chapter 1: "Dreams"







When he first set foot on the sandy shores of El Nido's Langen Island isang isla sa Palawan ay talagang ipinangako niya sa kanyang sarili na he will stay here for good. No matter what happens. El Nido ang ultimate dream niyang lugar na matirhan. What's in El Nido stays in El Nido  ika nga. The Philippines Last
Frontier.




Sadya lamang siyang nainlove sa isla, bukod sa may sariwang hangin, magandang kapaligiran, prestine white sandy beaches, maipagmamalaking natural form marble cliffs, green hidden lagoons, underwater caves and coves, first class hotels and resorts, ang higit sa lahat tahimik at simpleng pamumuhay ng mga taong taga rito. Pero ang hindi kasama sa kanyang pinapangarap ang manatiling ordinaryong tauhan lamang ng isang kilalang luxury resort sa isla, ang El Nido Four Season Beach Resort. He always dreamt of something else, iyon bang wala na siyang gagawin pagmulat pa lamang sa umaga kundi ang mamasyal sa dalampasigan pagkatapos ng isang masarap na almusal sa terrace ng kanyang malaki at magandang bahay.




Pagkatapos ay deadma lang sa mundo at maglalangoy siya sa dagat hanggang siya'y mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa buhangin ng dalampasigan habang nagsa-sunbathing.





At siyempre kasama sa package deal ng kanyang mga pangarap na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng sun block upang hindi masunog ang pinakakaingatan niyang balat na ani pa niya ay asset niya.




At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pinapangarap, hindi lang basta gwapo at matalino na tatanggap at magmamahal sa kanya but a man with fortunes na magbibigay ng kaginhawahan sa buhay niyang mahirap.




Then kapag mabobore na sila sa isla ay magyayaya siyang magtu-tour around the world para mas malibang at maging exciting ang kanyang buhay mayaman.




At siyempre hindi rin niya inaalis sa kanyang isipan na magkakaroon ng mga anak. Mga magaganda at gwapong mga anak na may tig-iisang yaya nang sagayon ay hindi sila maabala kung sakali mang magout of the country sila ng kanyang dream guy at maglaloving-loving. Abay siyempre, sa yaman at sandamakmak nang kanilang pera ay pupwede silang humanap ng surrogate mother o magpatest tube baby. Sa advance ba naman ng science at makabagong technologies ngayon sa mundo magagawa mo ang lahat nang gusto mo ng dahil sa pera.




Anyways, naisip niya rin ang magiging kasintahang pangarap niya ay pupwedeng pinoy, pero much better kung may lahi ito dahil mas open\ minded at tanggap ng mga foreigner ang isang tulad niya at legal sa kanila ang ganoong uri nang relasyon. Dahil naisip din niya, hindi masyadong makikitid ang mga pag-iisip ng ibang mga lahi. At para sigurado din siya na dollars ang hahawakan niyang pera.




Napahagikgik na lang siya sa kanyang mga pinag iisip.




"Haay! Ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang-" napatigil siya sa kanyang pagdaday dreaming nang marinig niya ang kanyang pangalan.




"Nicco-"




"H-ha?" maang niyang napalingon sa nagmamay-ari ng boses na tumatawag sa kanyang pangalan.





"O, Joaquin! Ikaw pala." napangiti siya nang maaninag ang binatang papalapit sa kanyang kinaroroonan.




"Anong ginagawa mong mag-isa dito sa tabing dagat?" naupo ang binata katabi niya at inilapag sa buhangin ang hawak nitong basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng shells.




"Ano pa, e di nangangarap. Tulad nang lagi kong ginagawa. Ikaw ano naman ang ginagawa mo't naparito ka? Hindi ba't lumuwas ng bayan si Mang Vic para magtanong kung magkano ang
matrikula mo para sa darating na pasukan?"




"Oo." maikli at malungkot na sagot ni Joaquin habang nakatanaw sa malawak na karagatan.




"O, eh bakit parang biyernes santo yang\ pagmumukha mo? Bakit hindi ka sumama sa iyong itay? Hindi ba ikaw ang mag-aaral, aba dapat ay sumama ka para alam mo kung anong kurso ang kukunin mo."




"Para kasing hindi ko kaya ang umalis dito sa isla. Ayoko ko rin kasing kumuha ng dormitoryo o paupahang kwarto sa bayan pag nagsimula na ang pasukan."




"What? Aba! Joaquin, dapat hindi ka ganyan umas-"




"I know but, kaya lang. . . hindi\ naasarap mag-aral gayong wala na ang inspirasyon ko sa buhay na si Rodora."




"My Gawd ka! Ayun lamang pala ang talagang dahilan, may paemote-emote ka pang nalalaman diyan. Aba, Joaquin, kung nawala man si Rodora rito sa isla, hindi ba dapat mas lalo mo siyang kalimutan at magmove-on ka na. For sure, If I know, nagpapasarap na yon doon sa States. At alam ko rin na makakahanap kanang babaeng nararapat para sayo. Yung hindi ka lolokohin. Eh, sige ka gugustuhin mo bang mapapari ka na lang, aba'y sayang ang yong kagwapuhan niyan." mahabang paliwanag ni Niccoli sa kanyang kaibigan.




"Kasi mahal ko siya." tugon naman ni Joaquin.




"Mahal? Manhid ka ba? Anyare! Di ba iniwan ka niya, pinaasa, sinaktan at binalewala lang. Hayun, sumama sa matandang kano. Anong nangyari sa pagmamahal na yan. Tanga ka ba o nagtatanga tangahan lang."




"Mahal niya nga ako. Nararamdaman ko yun."




"Mahal nga, bilang KAIBIGAN, Oo." bara niya sa kaibigan. Natahimik bigla si Joaquin dahil kahitpa paano may point naman talaga si Niccoli. Batid nilang mabait rin naman ang kanyang dating kasintahang si Rodora, sakatunayan nga isa rin ito sa mga tinuturing matalik na kaibigan ni Niccoli. Sadya nga lang pinangarap nito ang pumunta sa States kaya nong napikot siya ng matandang amerikano ay sumama na siya kaagad. Ang kinagalit lang nilang magkakaibigan kay Rodora ay ang walang pasabi-sabi nitong pagalis sa isla at ang pagiwan sa kanyang kaibigang si Joaquin.




"Kaya kung ako sayo mag-aral kang mabuti at maghanap ng magmamahal sayo hindi bilang kaibigan lang kundi KA-IBIGAN." ang next na advice ni Niccoli sa binata.




"Eh sino naman kayang maswerteng tao yon. Ikaw?" ang ngiti-ngiting tanong ni Joaqin kay Niccolo na sinabayan pa niya ng pagtaas baba ng kilay nito.




"Sira ka talaga. Hindi tayo talo atsaka hindi kita bet" sagot naman niya dito sabay hampas sa binata.




"Ang hanapin mo ay yong mayaman para naman makaahon ka na sa kagagawa mo ng mga kwintas at palamuting kabibe. Okay?" dagdag pa nito sa binata.




"Ikaw talaga, pati ito ay pinagdiskitahan mo pa at sinali mo pa ako sa pangarap at mga ilusyon mo."




"Kasi naman, tuwing magkikita tayo iyang basket mo na lalagyan ng mga shells ang lagi mong dala-dala."




"Eh sa dito ako kumikita."




"Sabagay may point ka din. O siya, hayun, may mga turista, alukin mo agad ng mga tinda mo ng makarami ka." sabay turo sa mag-asawang foreigner na napadaan malapit sakanila.



"Salamat. Sige una na ako." nagmamadaling tumayo si Joaquin upang habulin ang mag-asawang turista patungo sa dagat.




Naiiling na lang na hinabol ni Niccoli ng tingin ang kanyang kaibigan.




"Haay! Buti pa si Joaquin, ang simple lang nang pangarap, ang makabenta lang ng mga tinda niyang kabibe at palamuti. Samantalang ako, magtu- two years na dito sa El Nido ngunit di pa rin nakakakita ng mayamang lalaki na makakatanggap, magmamahal at aahon sakin sa kahirapan. Kailan kaya siya darating?" bulong at tanong na gumugulo sa isipan ni Niccoli.




Lagpas dagat naman ang tingin niya at di napapansin ang paparating na bangka na walang katig at sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.



Simula nang mapadpad si Nicco o Niccoli Domiguez sa buong pangalan sa isla ng El Nido Palawan ay hindi niya itinago ang tunay niyang pagkatao.



Bukod kasi sa kanyang mga kaibigang sina Joaquin, Rodora at Amerita, alam ng mga taga El Nido na isa siyang androgynous flirtacious bi na tanggap naman nila kasi mabait naman si Niccoli.




"Siguro ay dapat na talaga akong madseryoso sa paghuhunting ng lalaking iyon. Baka tumanda ako at kumulubot na aking balat." bahagyang napangiwi at napahagikgik si Niccoli sa kanyang mga kalokohang pinag-iisip.



Hindi naman papahuli si Niccoli sa itsura at dating kahit isa siyang binabae. Katunayan nga siya ang isa sa pinakamagaling sa PR skill sa resort na pinagtratabahuan niya. Isa siyang front desk receptionist. Sa height niyang 5'8" ay masasabi mo talagang kakaiba ang aura niya, head turner kumbaga.



May angkin siyang charm na nakakaakit sa mga guest ng resorts. Sa face value naman niya ay unang tingin mo pa lang kay Niccoli mapagkakamalan mo talaga siyang babae o tinatawag na androgynous at bishounen sa salitang hapon. Hindi niya malaman kung kanino siya nagmana bagkus ay nagpasalamat pa siya. Dagdag akit pa bukod sa kanyang kutis ay ang kanyang mata na singkit. Ang mukha niya rin ay makinis na pwedeng endorser ng isang derma soap.



Pero masyado lang talaga siyang ambisyoso. Mas gusto niya ang makahanap ng mayamang lalaki na magmamahal at tatanggap sa kanya kaya nga iniingatan niya ang kanyang itsura.




"Oo nga pala, may bagong guest sa Cottage-B. Alam ko ay isang mayaman, bata at gwapong foreigner yon at balita ko isang bisexual ang guest na iyon. Ano kaya kung magpapansin ako sa kanya. Is he will be interested in me?" wala sa loob niya na mapangiti.



Para siyang ewan sa mga oras na yon.



Lingid sa kanyang kaalaman, may\ kung ano sa kanyang ngiti ang nagpacapture sa atensyon ng lalaking nakasakay sa bangkang padaong noon. Akala tuloy ng lalaki na siya ang nginitian ni Niccoli ng mga sandaling yaon kaya bahagya rin itong ngumiti at nagpacute pa ang lalaki.




"Pero baka naman maging parang call boy ako niyan." napangiwi na naman siya sa naiisip.




"Iyon nga nakaraang foreigner na naipakilala sakin inalok ako kaagad ng one night stand. Aba hindi naman ako ganon kababa at kadesperado. At isa pa, may kaedaran na yong foreigner. Hindi naman ako basta-basta na lang pumapatol. Ang gusto ko ay getting to know each other stage muna bago pumunta sa next level ng isang relasyon. Kahit papaano may natitira pa akong dignidad at prinsipyo." napasimagot na lang si Niccoli sa naalalang pangyayari sa kanya 3 buwan na rin ang nakalilipas.




"Ah, Miss?" habang ikinakaway niya ang kamay sa mukha ni Niccoli.




"H-ha?" napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa kanyang harapan na hindi man lang niya namalayan at nakatunghay sa kanya.




"B-bakit?" ang parang wala sa sariling tanong niya rito. Bahagya siya nastammer at nastar struck sa lalaki.



"Sorry, akala ko kasi babae ka." napakamot ulo na lang ang lalaki sa inasta.



Why the man such a real hunk. Ang tikas ng dibdib nitong bakat sa sandong nangungumitim na hakab sa katawan nito. Labas ang namumutok na muscles nito sa braso. And he's so sexy sa suot na pantalong maong nakatuping pataas hanggang sa tuhod. Nayapak ito sa buhangin kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng mga butil na buhangin.



And my goodness, he has that pearly white teeth na animo'y modelo ng isang kilalang brand ng toothpaste kaya naman ang ganda ng ngiti nito.



Hindi maipagkakaila na nabighani nang husto si Niccoli sa lalaking nasa harap niya. Kahit pa araw araw may mga naggwagwapuhan silang mga guest sa resort na may mga porma't itsura sadya siyang nahumaling sa lalaki. May kung anong pwersa ang nagpapamagnet sa kanya dito. Parang isang demigod na bumagsak dito sa lupa na ngayo'y nasa harapan niya. The man was just too hot too handle and so irresistable.




"Ah, itatanong ko lang sana kung galit ka ba sa akin?" magalang na tanong ng lalaki sa noo'y nakatunganga at wala pa rin sa tamang wisyong si Niccoli.
















ITUTULOY. . . .

2 comments:

  1. Ok naman. Pero parang kulang. . .


    ReplyDelete
  2. yes may bagong aabangan nnman me haha .. nice start po kuya author =)))

    KRVT61

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails