Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
Facebook: Boy Cookies
E-mail Address: comegetmycookies@gmail.com
---
“Sir.
Wala po ba talaga?”
“Pasensiya
na ma'am. Walong taon na po kayong pabalik-balik dito pero wala
talaga eh.” Umiling ang pulis habang nakatingin kay Riza.
Napatingala si Riza dahil sa frustration at nagbuntong-hininga.
“Baka
pwede naman po nating masilip kung nasa confidential files?” Hiling
ni Riza sa pulis. Nagkatinginan ang pulis na kinakausap ni Riza at
ang pulis na nagtatype at sabay na umiling.
“Di
po pwede yan ma'am. Bawal po eh. At saka hindi rin namin pwede makita
iyon kasi confidential. Baka kami naman ang masisibak niyan.”
Malambing na pagtanggi ng pulis habang nakatitig kay Riza na may awa
sa mata.
“Sige
po. Salamat na lang po. Babalik na lang po ako.” Malungkot na sabi
ni Riza. Tumalikod ito at naglakad palabas ng police station. Nasa
may labasan na siya nang mag-ring ang cellphone niya. Kaagad niyang
tinanggap ang tawag at nagsalita, “Hello,” bati ni Riza.
“Ma'am!
Andito na po pala iyong listahan ng mga guests para sa Convention ng
NGC Broadcasting Corporation na gagamit sa natitirang rooms sa dorm.
Pinapa-follow up din po ng President kung nabakante na ba raw ninyo
ang mga rooms sa third, fourth, fifth, sixth, seventh, eighth, ninth,
at saka tenth floor. Iyon daw po kasi ang gagamitin ng mga guests
natin. Dapat raw po lipat muna iyong mga tenants ng third hanggang
sixth sa eleventh at twelfth. Hanggang tenth floor lang po raw ang
ipapagamit sa mga guest.” Pagreremind ng isang babae sa telepono.
“Grace.
Tapos na. Wala ng tenants since last sem iyong third, fourth, fifth
at sixth. Doon na sila sa extension building na ginawa exclusively
para sa kanila. Ayos na ang rooms na pina-request niyo ni President.
Wala nang problema sa accommodations. Sa food naman, sinisikap ko na
mabalanse lahat. Kasi we are expecting more or less mga 150 – 200
persons. Pero baka mabusy ako sa disciplinary functions ko kaya
magpapa-compute na lang ako kay Dean Jonah. Dalawang araw lang naman
sila di ba? So baka pwede na malipat iyong mga estudyante pagkatapos
ng convention - so mga first sem pwede na sila ibalik.”
“Sige po ma'am. Kasi iyong budget niyo nasa accounting na. Pakikuha na lang nun. Tapos po, hinihingi na ni Dean Jonah iyong books at records ng dorm for last sem. Icocompute niya na raw po. Tapos po kung magpapabalanse kayo kay Dean, paki-set na lang po ng nacanvass niyo. Kailangan iyan para maproject ni Dean iyong eksaktong budget na hindi nasasagi iyong quality ng food.”
“Sige po ma'am. Kasi iyong budget niyo nasa accounting na. Pakikuha na lang nun. Tapos po, hinihingi na ni Dean Jonah iyong books at records ng dorm for last sem. Icocompute niya na raw po. Tapos po kung magpapabalanse kayo kay Dean, paki-set na lang po ng nacanvass niyo. Kailangan iyan para maproject ni Dean iyong eksaktong budget na hindi nasasagi iyong quality ng food.”
“Sige.
Dadaan na ako diyan sa college office niyo mamaya. Nasa presinto pa
kasi ako.”
“Ah,
si kuwan po ba iyong pinapa-follow up niyo?” Tanong ni Grace kay
Riza. Napabuntong-hininga na lang si Riza at pumikit.
“Oo,”
binuksan niya ang mga mata at dinamdam ang simoy ng hangin, “sige
Grace. Naiiyak na naman ako baka marinig mo pa ako. Nakakahiya. Bye.”
Hindi na hinintay ni Riza na sumagot si Grace. Hindi na rin
nagpapigil si Riza at binuhos na niya lahat ng emosyon kahit pa may
mga nakatingin sa kanya mula sa labas at loob ng presinto.
Dahan-dahan na siyang naglakad patungo sa kanyang sasakyan ngunit
walang humpay ang agos ng kanyang mga luha.
Pinaandar
na niya ang kanyang sasakyan at nagmaneho patungo sa South East Asia
University. Habang binabaybay niya ang kahabaan ng mga kalye hindi pa
rin mawalay sa kanyang isipan ang litrato ng isang masaya at puno ng
ligayang Angelo... na ngayo'y pilit niyang hinahanap sa kabila ng mga
lumipas na mga taon.
For
8 years Angelo, walong taon na kitang hinahanap. Alam mo ba kung
bakit ako naging lawyer?! Para sa'yo di ba! Pinaglaban kita kahit
noon pa. Bakit ka bumitaw? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ba ito
ginagawa sa akin? Bakit mo ba ako pinapahirapan sa paghahanap sa'yo?
Maya-maya
ay umabot na si Riza sa parking lot ng fountain garden. Pinark na
niya ang kanyang sasakyan at nilock ito. Dahan-dahan siyang naglakad
patungo sa building ng College of Business and Mathematics, pero si
Angelo pa rin ang nasa kanyang isip.
Kung
alam mo lang Angelo. Kung alam mo lang... Sana nalaman mo kung gaano
ka talaga kahalaga sa akin... Sorry kung wala akong nagawa upang
iligtas ka. Sorry kung wala akong nagawa para tanggalin ka sa
depresyon. Sorry kung wala akong nagawa para masabi ko man sa'yo na
mahal na mahal kita.
Huminto
siya sa harap ng Dean's Office at pinunasan ang kanyang mukha. Hindi
naman kasi magandang tingnan na pagmasdan ng isang dean ang mukha
niyang umiiyak. Unprofessional ang dating.
Lumundag
ang kamay niya sa door knob at humugot ng malalim na hininga... saka
pumasok.
“Good
morning ma'am Riza. Eto na po.” Bati ni Grace kay Riza nang
mapansin niya itong dumungaw mula sa pinto. Inalok niya ang isang
folder habang palapit ng palapit si Riza sa kanyang mesa.
“Thank
you Grace.” Pagpasalamat ni Riza habang siniyasat ang listahan ng
mga guests. Habang hinahabol ng kanyang mga mata ang mga pangalan ng
guest, nagulat siya sa isang pangalan na kanyang nabasa.
“PM
REALOSO” Realoso?
Kaano-ano to ni dean? Sa pagkakakilala ko kay dean, biyuda siya at
wala siyang anak. Parang may mali.
“Ah,
Grace,” pagtawag ni Riza kay Grace na nakayuko habang tinituplok
ang calculator sabay tingin sa mga record book, “sino si PM
Realoso?” Tanong ni Riza. Nararamdaman na niya ang malalim at
matigas na tibok ng kanyang puso.
Walang
pag-aalinlangan ay sumagot naman si Grace, “anak po iyan ni madam.”
Payak na sagot ni Grace habang busy pa rin sa pagcocompute.
Ha? Tanong
ni Riza sa kanyang isip. Nanlaki ang kanyang mata at kinukutuban siya
na parang may mali. Siguro naman sa ilang taon niyang pagpapractice
ng law may kakayahan na siyang makapansin ng mga maling
impormasyon. Mali. Walang anak si dean. Tapos ngayon sabi ni
Grace anak to ni Dean? May mali talaga.
“Andiyan
ba si dean?” Tanong ni Riza habang pabilis ng pabilis ang tibok ng
puso niya.
“Sige
po, pasukin niyo lang.” Busy pa rin sa pagcocompute si Grace.
Walang pagdadalawang-isip ay binuhat ni Riza ang kanyang mga paa at
tinungo ang pintuan. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa
luhang namumuo. May
kutob ako. Sana tama ako. Sana.. Nang
makaabot na siya sa pinto, hindi na siya kumatok, binuksan niya ito
kaagad at nagsalita ng diretso na malakas ang boses.
“Madam,
sagutin niyo ako. Sino si PM Realoso?”
Gapangin
mo ako. Saktan mo ako. 2
7.1.14
---
Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final
First
ReplyDeleteIdol! Buti naman at nkpag update ka. Thank you ng marami...galing mo talaga...
-Kelton
Teaser talaga kung teaser! Galing mo talaga, idol! ~Ken
ReplyDeleteThanks... Kaso nasa Chapter 2 na ako, hehehehe tapos na ako sa lahat ng teasers...
ReplyDeleteSan mo nabasa???
DeleteIkaw yan nu? Mr. Alaska boy? Haha daya! :)))
DeletePost niyo na po please ang chapter 1
ReplyDeleteI can foresee battles in many aspects. Battle in the courts may be exciting but battle of the hearts are far more dramatic...
ReplyDeleteGrey
Ganda naman nito sana august na
ReplyDeleteHehe. Magaling talaga ang author. Iba ang pagakakgawa sa story na to. Swabe. May kinalaman ba ang mga nasa picture sa title nito? Hehe. Napansin lanh. Thanks mr. Author.
ReplyDeletepart 3 po ? :)
ReplyDeletenice story..
ReplyDelete