Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
Facebook: Boy Cookies
E-mail Address: comegetmycookies@gmail.com
---
---
Naglalakad
si Dimitri sa gilid ng fountain park nang mapansin niya ang fountain
na minsan naging simbolo ng isang tao sa kanya. Dala niya ang back
pack na naglalaman ng mga gamit na pagsamantala niyang gagagamitin
para sa convention. Ang fountain park na nagsilbing study area ng
taong minsan niyang (pinaniwalang) "minahal". Natigilan
siya sandali at pilit na inaalala ang mukha ng taong iyon. Di na nga
niya napansin na palapit na palapit na pala siya sa fountain at
naupo.
Nagbabalik
lahat ng ala-ala. Tsk. I should have made the right choice. Walong
taon na ang nakalipas, pero bakit kinakain pa rin ako ng konsensiya
ko? Awa ba ito, guilt, o... pagmamahal? Erase, Dimitri.
Erase. Napabuntong-hininga na lang si Dimitri habang iling
ng iling.
Pagkaupo
niya sa gilid ng fountain, nagulat siya sa pagsulpot ng dalawang
employee sa kanyang department. Dalawang babae.
“Oy!
Sir Dim! Nakatulala ka na naman!” Pagsigaw ng isang babae mula sa
malayo. Nagising sa pag-iisip si Dimitri. Nagtaas ng tingin si
Dimitri at bahagyang ngumiti at kumaway sa kanyang mga katrabaho
habang palapit sila ng palapit sa kanya.
“Sir!”
paghampas ng isa pang babae sa kanya, “Di ba alumni kayo rito?”
Tumabi ang dalawang babae sa magkabilang tabi ni Dimitri. Tinignan
muna ni Dimitri nang may lungkot sa mukha ang babae at dahan-dahan na
ngumiti saka tumango – isang ngiti ng pait at sakit.
“Talaga?
Ano ba yan ang daya! Transferee lang ako rito eh.” Pagreklamo ng
unang babae.
“Ako
since first year college andito ako. Noong first year ako, mga fourth
year ata sila ni sir nun. At kilala mo iyong gwapong artista- sino ba
iyon... si Jill, Joyo...”
“Gio!” Pag-correct ng unang
babae sa kanina pa talak ng talak na ikalawang babae.
“Oo,
siya. Magkabatch sila ni sir. Sabi nga nila na iyon sa time daw nila
sir pinakamalakas iyong SEA University. Sa contest, kahit ano, noong
first year pa ako, panalo lahat. Naghehelera lahat ng tarpaulin nila
Sir Dimitri, iyong isang pogi pa na taga-kabilang estasyon – si
Gab. Tsaka yung isa na pinaka-nakakaintriga sa lahat...
pinakamatalinong bata raw na nakuha ng SEA University si... sino ba
iyon?” Sabay lingon sa naunang babae para humingi ng correction
dahil nakalimutan niya ang pangalan ng taong pinakamatalino sa SEA
University.
Nang
tinignan ng ikalawang babae ang nauna para humingi ng tulong, blangko
lang ang tingin ng unang babae – halatang hindi alam ang pangalan
ng pinag-uusapan, “Huwag mo akong tanungin,” panimula ng unang
babae, “transferee lang ako!” Sabay kibit-balikat.
“Hindi,”
pag-insist ng ikalawang babae, “alam ko talaga ang pangalan niya
eh. Nakalimutan ko lang. Basta girl kawawa iyon. Kasi may sex video
ata siya? Tapos nakakaloka pa iyong subsitute professor namin one
time na lawyer, si Ma'am Riza, batch din ata sila ni Sir Dimitri,
Gio, Gab, at yung nakalimutan ko iyong pangalan. Nag-agaw eksena sa
graduation nila girl! Nagulat nga kami kasi nasa backstage kami kasi
inaasikaso namin iyong back drop kasi baka matanggal. Naku, nagspeech
si Ma'am Riza in behalf ni... teka nakalimutan ko talaga.
Si-”
“Angelo,” pag-sulpot ni Dimitri, “Si Angelo
Montemayor.” Malungkot ang tono ni Dimitri. Maya-maya may namumuo
nang butil ng luha sa kanyang mga mata na maya-maya babagsak sa
kanyang mga pisngi.
“Basta
girl, iyang si Angelo,” pagbalik ng ikalawang babae, “nakakaawa
siya kasi pinagtatawanan siya ng karamihan kasi nagkaroon siya ng sex
video, tapos niloko ng boyfriend niya-”
“Bakla pala siya?”
Pag-insert ng unang babae.
“Oo. Bakla. Tapos ginagahasa raw
ng ex-boyfriend niya at ng bestfriend niya. Tapos namatayan ng
kapatid at mama. Ang saklap talaga.” Sumimangot ang mukha ng
babaeng nagkwento dahil sa awa.
Si
Dimitri naman nanatiling naluluha habang parang bato na hindi
makagalaw. Naninigas siya dahil sa konsensiya na narinig niya mula sa
kanyang mga katrabaho.
“Ay,”
sigaw ng ikalawang babae, “di ba sir kaibigan mo si Angelo? Tapos
nag-aaway kayo? Nakalimutan ko na iyon eh. 8 years ago na yun.”
Na-intriga ang mga babae habang inaabangan ang sagot ni Dimitri sa
tanong nga kanyang katrabaho.
Nakayuko
si Dimitri at handa na siyang umiyak. Nang nagtaas siya ng tingin,
bumagsak na ang kanyang unang luha at nagsalita, “Actually, naging
boy-”
“HOY!” Sigaw ng isa pang babae na papalapit sa
kanila “Kanina pa kita hinahanap! At bakit kasama mo tong mga
babaeng to?! Ha?! Sumagot ka!” Si Corina, galit na galit ang mukha
habang masama ang tingin kay Dimitri.
Natigilan
ang dalawang babae habang tinitignan si Corina na nakapamewang.
Isa-isang tinignan ni Corina ang dalawang babae. Masama ang tingin na
binato ni Corina sa dalawa.
“Nga
pala sir, see you na lang sa c-convention.” Tumayo yung dalawang
babae. Takot na takot sa mga titig ni Corina. Nang makaalis na ang
dalawang katrabaho ni Dimitri, masamang tinignan ni Corina si Dimitri
sabay hawi sa sentido nito.
“At naglalandi ka pa pala ha!
San dun ang kabit mo, Dimitri?! Sagot!” Sigaw ni Corina habang
nakatingin lamang si Dimitri. Hindi na ito pinaunlakan pa ni Dimitri
at kaagad na sinuot ang back pack at diretsong naglakad patungo sa
Dorm. Habang naglalakad siya ay nakasunod sa kanya si Corina na
tinatalakan siya.
“Ikaw! Siguro gusto mo talagang dumalo sa
tanginang convention na to noh? Sinong andito? Babae ba ang kabit mo
o lalaki? Naku, mahuhuli ko rin kayo ng kabit mo. Makikita mo.”
Pagbabanta ni Corina. Diretso lang naglakad si Dimitri sa pathwalk at
hindi pinapansin si Corina na nakasunod sa kanya.
Sunod
namalayan ni Dimitri ay nasa information desk na siya ng dorm.
Nakabuntot pa rin si Corina sa kanya na hampas ng hampas sa kanyang
likuran.
“Morning po,” bati ni Dimitri sa babae sa front
desk, “guest po ko para sa convention. Dimitri Salviejo.” Tumango
naman ang babae at hinanap sa listahan ang pangalan at room number na
naka-assign si Dimitri.
Inaantay
ni Dimitri na sumagot ang babae sa kanya ngunit kinabahan ito ng
sumimangot ang babae. “Ay sir. Ang nangyari po kasi ay may isa o
dalawang karoommate kayo. Hindi po kasi naka-assign dito ang record
niyo.
“Miss!”
Sigaw ni Corina sa babae, “Paalisin mo na lang iyong guest sa room
na yan at ako ang kasama niya.” Tinupi ni Corina ang kanyang mga
braso at tinaasan ng kilay ang babae. Naalibadbaran na si Dimitri sa
bibig ni Corina ngunit nagtimpi pa rin siya dala ng konsensiya na
kanina pa siya binabagabag simula ng makapasok siya.
“Pangalan
po ninyo, ma'am?”
“Tanga ka ba?! Siyempre asawa niya ako.
Kailangan pa ba yun?”
“Opo kasi naka-apportion na iyong
para sa mga guest.”
“Corina Salviejo!” Pasigaw na usal
ni Corina. Sumimangot iyong mukha ng babae pagkatapos niyang isearch
sa listahan ang pangalan ni Corina. “I'm sorry po wala po ang
pangalan niyo pero makakapasok naman po kayo. Di nga lang pwede
paalisin yung guest. Sir Dimitri, eto na po ang room key niyo. May
kasama po kayo sa kwarto maliban kay Madam Corina. Ano pa po ba ang
maipaglilingkod ko?” Ngumit ang babae sa dalawa. Tumango lang si
Dimitri bilang ganti at umirap naman si Corina sa babae.
Tinignan
ni Dimitri ang room number na inalok ng babae sa kanya... mistula
siyang maubusan ng dugo sa mukha sa nakita: ROOM 619
Kukunin
na sana ni Dimitri yung susi nang hinablot ito ni Corina, “Akin na!
Salamat!” Masunget na sabi ni Corina habang hinablot iyong susi
mula sa babae. Wala ng pakialam si Dimitri at nagsimula na siyang
maglakad patungo sa elevator.
“Akala
mo Dimitri di ko mahuhuli kayo ng kabet mo! Huh! Nagkakamali ka!
Sasamahan kita sa kwarto mo at babantayan kita. Akala mo hahayaan
kita? Paano si Monte? Akala mo makakatakas ka sa responsibilidad!
Mangarap ka!” Sabay batok kay Dimitri. Ngunit tahimik pa rin si
Dimitri at nagtitimpi.
Nakaabot
na sila sa 6th floor at bumukas ang pintuan ng
elevator. Habang palapit ng palapit sila sa dating room ni Dimitri
at/o ni Angelo, lumalakas ang kabog ng dibdib ni Dimitri.
Dahan-dahang gumagapang sa kanyang utak ang mga nangyari sa kanila ni
Dimitri mahigit walong taon na ang nakalipas.
Nang
nasa harap na sila ng pintuan. Nanlamig ang lalamunan ni Dimitri.
Nakatayo lang siya sa harap ng pintuan at pinagmamasdan ito.
“So
ano? Tinitignan mo pa yan? Namiss mo iyong bakla mo, ha? Hoy Dimitri
may asawa't anak ka na! Umayos ka! Buksan mo ang pinto!” Sabay
tapon key card sa mukha ni Dimitri. Napangiwi naman si Dimitri sa
ginawa ni Corina. Pinulot niya ang nahulog na key card at
dahan-dahang tinuon ito sa key card lock. Nanginginig ang kanyang mga
kamay.
BLEEP
Bumukas
ang pintuan. “Pasok!” Sigaw ni Corina kay Dimitri na parang alila
niya ito. Ngunit hindi gumalaw si Dimitri. Nakatulala pa rin siya sa
kwarto nila ni Angelo noon. Parehong-pareho pa rin maliban sa naging
dalawang single bed na ang mga kama.
“Hindi
ka papasok ha? PASOK SABI!” Tinulak ng malakas ni Corina si
Dimitri. Nadapa sa sahig si Dimitri sa loob ng kwarto. Kaagad niyang
inabot ang pintuan at sinarado ito ng pagkalakas-lakas. Hindi
magkandaugaga si Corina na magtititili at parang baliw na sinasagad
ang pag bunggo ng pintuan.
Hayy
salamat. Malayo sa maingay. Napangiti si Dimitri sa
kaloob-looban at napabuntong-hininga. Napatayo siya at inayos ang
sarili, hindi alintana ang ingay na dala ni Corina mula sa labas ng
kwarto. Nagulat siya nang makita ang isang malaking maleta na nasa
gilid ng kama. May tao na pala. Malamang roommate ko na
to. Nilapitan niya ang maleta at tinignan ang tag
nito: A.M./ P.M.
PM?
Ito na ba si PM Realoso? Ito na siguro iyong sinasabi nilang “great
bidder” mula America. Shit. Porke't mula America i-se-celebrate
kaagad? Kaano-ano kaya to ni Madam Realoso? Hindi ko na kasi iyon
kinakausap. Alam kong galit na galit saken iyon. Hay naku.
Pero
bakit walang tao? Ginawang iwanan ng baggage ang kwarto? Anak ng
tokneneng.
Kaagad
na pumasok si Dimitri sa banyo at binuksan ang ilaw, tinaas niya ang
seat cover at umihi. Habang umiihi siya, napansin ni Dimitri na
nakasarado iyong shower curtain. Weird? Pag bagong dating
hindi naman sarado ang shower curtain ha? Dapat kung hindi pa gamit,
open to dapat. Bakit closed? Pagtataka niya sa sarili.
Habang
umiihi pa rin siya, inabot niya ang shower curtain at akmang bubuksan
na ito nang may nagsalita, “What the hell do you think you're
doing?” Matigas at malamig na boses ang narinig ni Dimitri.
Hindi
kaagad nakagalaw si Dimitri dahil sa hiya, hindi niya natanggal mula
sa shower curtain ang kanyang kamay. Maya-maya nagsalita pa ulit ang
tao sa loob ng shower curtain.
“Who are you? Why are you
about to pull the curtain open?” Natataranta na si Dimitri kaya mas
pinabilis niya pa ang daloy ng ihi niya. Lagot, lagot, lagot!
Masasapak ako nito!
“Are
you gay?” Tanong pa rin ng lalake sa loob ng shower curtain ngunit
hindi pa rin nakakibo. Nakikita na ni Dimitri ang silhouette ng
lalake. Nakahiga ito sa bath tub at akmang aabutin na ang shower
curtain upang tingnan kung sino ang kanina pa gustong buksan ang
kurtina.
Hindi
nakapagpreno si Dimitri sa kanyang bibig.
“Bakit?!
Takot ka ba na makita ko ang pekpek mo? Wag kang mag-alala pareho
naman tayong lalaki eh.” Pagdahilan ni Dimitri na painis habang
patapos na siyang umihi.
Ngunit
mas bumilis pa ang tibok ng puso ni Dimitri nang nakita niyang tumayo
ang lalake mula sa bath tub at....
SWIIIIING!
Nagulat
si Dimitri sa pagbukas ng kurtina. Nakita niya ang lalake at
nagkaeye-to-eye sila.
Mas
bumagsak ang panga ni Dimitri sa nakita. Dahil kilala niya ang
lalaki.
Natakasan
ng dugo si Dimitri sa mukha. Nanginginig ang kanyang kamay at
dahan-dahan niyang inangat ang kanyang hintuturo sa nakasabay sa
banyo habang kumuha ito ng tuwalya at nagpunas.
“A-A-Angelo?”
Gapangin
mo ako. Saktan mo ako. 2
7.1.14
---
Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final
Sna ngyn ipost ung first chapter ng gapangin mo ako at saktan mo ako 2
ReplyDeleteSa august pa pala ang book 2 grabe ang ganda sa book 2.
ReplyDeleteSalamat sa book mo bunso and i will always be your tabachingching na kuya.... Di bale na pogi naman... Hahahaha
ReplyDeleteI am so thankful sa advance screening ng bunso ko para saken...
ReplyDeleteSna ngyn ipost wg n s aug ;-)
ReplyDeleteOo nga sana i post na, excited lng, ganda nang story , gusto ko na basahin toh
ReplyDeleteAabangan ko to. Update ka na mister author .. ill wait for sure maadict nanaman ako sa storya mo.
ReplyDeleteJap
Excited na ako idol! C: Shit nagkita sila! ~Ken
ReplyDeletegagapang ka sa lusak ate coring..lol
ReplyDeleteYey... ito na ang pinaka inaabangan ko...
ReplyDeleteSalamat sa advance gift mo mr cookie cutter... Salamat talaga at nabasa ko na ang buong book 2 mo hehehehe thanks ng marami
ReplyDeletecguro may teaser din para gio..ay hwag na si gio, si gab na lng at ang ready to rumble atty...exciting na to...ang pagbabalik ni diego salvador, lol..
ReplyDeleteUGH! Been craving for this! Book 2! SANA MAPAAGA KA NA!!!!! Etong story ang una kong binasa at kinaadikan dito sa msob. The best ang naging palitan ng linya dito noon. Lalo na sa twists! Lupet! Kanina, habang binabasa ko to, naramdaman ko nnman ung kakaibng pakiramdam sa dibdib na naramdaman ko lng dto hbng bnabasa ang book 1. I cant explain this feeling that drowns my heart in deep deep emotions. Kaabang abang tlga. Nag flashback n sa isip ko ung book 1. I miss all the characters!!! SH*T! AND THIS TIME!!! MUKANG SILANG TATLO (DMITRI, GAB, GIO) ARE REALLY UP TO ANGELO. I'M DEAD CURIOUS KUNG ANO ANG MAGGING REAKSYON NG IBA SA PAGBABALIK NI GELO!! UGH!! I KNOW THAT THIS WILL BE A DIFFERENT GELO, NOW AND I'M F*CKIN CRAZY FOR THIS. PLEASE OH PLEASE, UPDATE VERY VERY SOON. Sorry for the long and crazy reaction. Really missed this story. Thanks for the teaser, anyway. :) Welcome back!
ReplyDelete-Vin
wow.. ito nyung pinakahihintay kong series..since nung first book talagang inaabangan ko siya.. sana mai-publish n sya agad at sure n sure akong susubaybaan kO namn ito.. keep it up mr. author.. di n ako makapaghintay ng book 2...
ReplyDeletelummier..
Oonga sana ngayon mona ipost......maawa ka sa masugid mung mga tagapag basa.....-kelton
ReplyDeleteAng ganda talaga ng story mo. Ang galing ng pagkakalapat ng titik sa kwento. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang binabasa ko to. You deserve your come back angelo. Perfect time! Hope for gab-angelo love team. Hehe. Thanks mr. Author
ReplyDeleteNgaun March nyo na lang po i-post ung Book2. Birthday Gift mo na lang po sa mga may birthday. :)
ReplyDelete- Suzaku
Sana mauna na po yung book 2... Ang tagal po namin inaasam asam to. Sana lang po. Mr. Author. Cge na please? Saka na po yung Kahit magkaiba. Please? -super
ReplyDeletethe best talaga tagal kung inabangan to.tnx mr author.
ReplyDeleteaabangan ko to promise
ReplyDeleteSobrang ganda po ng book 2. Sorry guys nauna ako sa screening, love kasi ako ng bunso ko. And take note mababaliw kayo sa book 2 kasi hindi lang ito kaabang abang kundi sobrang kaabang abang... And im sure youll love it.
ReplyDeleteAng gusto ko abangan, pano kaya ang character ni angelo ngayon? Maaari kayang nag iba lang ng pangalan pero aaminin nyang si angelo sya para lang maiba ang tema kasi typical na ang mga ganyang story na sa huli malalaman na lang bigla na yung dating patay na ay buhay pala ngunit iba lang ang pangalan. Thanks mr. Author.
ReplyDeleteDiba po ang sabi nyo dati ngayong April nyo ipo-post ung Book 2??!
ReplyDelete- Suzaku
Bkit ang tagal, sana sa april na
ReplyDeleteNga nga Ansaveh sa april nga nga pren at aug pa
ReplyDeleteActually guys tapos na niya ang Book 2, kaso fault ko kasi yun sa August pa kasi ang bitthday ko kaya dun na niya ipupublish. Sa mga masusugid niyang readers abangan niyo nalang po.
ReplyDelete-alaska boy
hello author,
ReplyDeletegrabi ang tagal kong inantay e2..
pero bakit sa august pa ang tgal nmn nun..
bday ko na din ung august..hay sana ma post na..
naeexcite na ako ei...anyways ang ganda ng chapter ngayun...
Salamat kaayo author. amping kanunay! :-)
Wew, kala ko now na? August pa pla.. :( sinabik lng ako
ReplyDeleteDegz-
Ewan ko sayo Mr. Alask boy! Haha pabalik muna sa dating date. Please? :)
ReplyDeletelol. walang pumansin
ReplyDeletePara magkaliwanagan po ha. Hindi po book 2 ung inannoumce ko tentatively. Kug maaalala minyo po Hello Mr. DJ? po iyon nhalata namanh magkaiba sa Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. At saka di ko sinabi iyun ang karugtong ng book 1. Nagtapos ang book 1 na wala akong sinabing impormasyon tungkol sa book 2 maliban sa pagkakaroon ng book 2.
ReplyDeletePangalawa, August po iyan kasi naman may kwento pa si Dimitri. Mahalaga po ang Kahit Magkaiba at Boyfriendzone sa book 2 kaya mas minabuti ko munang ipagpa-August ang book 2.
Sana naman po malinaw ang intensyon ko. Maraming Salamat!
Talaga mr. Author? Lahat bang naunang story may kaugnay sa book 2? Kung ganun payag na ako sa august. Hehe. Kasi mas ok na maintindihan muna namin ang mga ilang bagay bago ang book 2. Baka kasi may lumabas na events sa book 2 na di namin maintindihan at magsimula ng maraming katanungan. Galing mo mr. Author. Keep it up.!
DeleteKonting antay na lang po at mag-enjoy lang muna tayo sa bagong mga kwento ko. Darating din tayo sa Book 2. :)
ReplyDeleteKahit ako gusto ko sana unahin ni Mr. Author yung book 2, pero as he already mentioned na may kaugnayan ang mga mauunang akda nya sa book 2 payag na rin ako :-).
ReplyDeleteI'm too excited about the book 2. Pero babasahin ko din ang mga mauunang akda mo Mr. Author.
Brian Xander (Brix)
Wait ko na ito. Kelan kaya.
ReplyDeleteHugepulgada
Out of the countless online/blogged gay stories I've read, I was only compelled to comment on this one. For one, I'd like to commend and thank Cookie Cutter for this story. You're such a great storyteller and I can only hope to be like you. But I am also haunted by how this story turned out to be. I was so kilig on the onset and then I found myself deeply bothered by how terrifyingly effective the villains were on inflicting misery to the protagonists and by the deaths of the endearing characters. Though I'm not so fond of masochism, I am one with Angelo as well. Now, just like every reader, I'm asking for more ASAP. For the meantime I will have to steel my nerves and patiently wait for the follow up. I hope Cookie Cutter has a Twitter account(the only one I got), too, so I can tweet him some questions and possibly get updates about the upcoming stories :) (sorry napahaba, just goes out to show how much I became a fan of this work)
ReplyDelete-K
Ang tagal naman maghintay kakainip talaga.
ReplyDeleteSa August na ngayon.
Sana start na ng book 2.
-Cuteboy
haHa :) nabitin aQ :)
ReplyDeleteexcite na Qo sa sunod na mangyare . Hihi
sana ma update agad .
Can't wait to see Angelo's sweet revenge. Haha
ReplyDeletelove it kua ur so good writer tlaga sana matapos na ito tsaka ano kayang mangyayari sa muling pagpapakita ni pm at dimitri
ReplyDeletesuper excited na ako dito...august pa???haist...
ReplyDeletePart 2 n pho pls
ReplyDeletehi im nick..im happy reading ung story..Michaels Shades of Blue...hehhe..maraming lesson na mapupulot sa mga akda ng author...:) thanks and god bless u always!!! thumbs up <3
ReplyDeletethank you very much sa update na puno ng excitement... etc.....
ReplyDeletei like gab for angelo kasi puro kabaitan ang pinadama nya lalo na noong nahihirapan na si angelo sa kagagawan ni jun, corina, dimitri at gio...
please i like the character/role of atty rizza....... paki vonggahan po ang kanyang parte sa mga susunod na chapters......
humanda ka malanding coring...... mag kasama na sa isang kwarto ulit si dimitri at angelo... hehehehe..
aabangan ang lahat ng mga gusto nating mga kaganapan sa susunod na mga chapters..... ang saya saya ko kasi nag karoon na ng update ngayon....
pag pasensyahan nyo na po ang mga readers na humihiling na ma post kaagad ang next chapter kasi gustong gusto lang po ng lahat mabasa ang kwento nyo na inaabangan ng marami...
joe......