Followers

Thursday, March 13, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Teaser 1: Dimitri]




Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2


Facebook: Boy Cookies
E-mail Address: comegetmycookies@gmail.com
 

---
Naglalakad si Dimitri sa gilid ng fountain park nang mapansin niya ang fountain na minsan naging simbolo ng isang tao sa kanya. Dala niya ang back pack na naglalaman ng mga gamit na pagsamantala niyang gagagamitin para sa convention. Ang fountain park na nagsilbing study area ng taong minsan niyang (pinaniwalang) "minahal". Natigilan siya sandali at pilit na inaalala ang mukha ng taong iyon. Di na nga niya napansin na palapit na palapit na pala siya sa fountain at naupo.

Nagbabalik lahat ng ala-ala. Tsk. I should have made the right choice. Walong taon na ang nakalipas, pero bakit kinakain pa rin ako ng konsensiya ko? Awa ba ito, guilt, o... pagmamahal? Erase, Dimitri. Erase. Napabuntong-hininga na lang si Dimitri habang iling ng iling.

Pagkaupo niya sa gilid ng fountain, nagulat siya sa pagsulpot ng dalawang employee sa kanyang department. Dalawang babae.

Oy! Sir Dim! Nakatulala ka na naman!” Pagsigaw ng isang babae mula sa malayo. Nagising sa pag-iisip si Dimitri. Nagtaas ng tingin si Dimitri at bahagyang ngumiti at kumaway sa kanyang mga katrabaho habang palapit sila ng palapit sa kanya.

Sir!” paghampas ng isa pang babae sa kanya, “Di ba alumni kayo rito?” Tumabi ang dalawang babae sa magkabilang tabi ni Dimitri. Tinignan muna ni Dimitri nang may lungkot sa mukha ang babae at dahan-dahan na ngumiti saka tumango – isang ngiti ng pait at sakit.

Talaga? Ano ba yan ang daya! Transferee lang ako rito eh.” Pagreklamo ng unang babae.

Ako since first year college andito ako. Noong first year ako, mga fourth year ata sila ni sir nun. At kilala mo iyong gwapong artista- sino ba iyon... si Jill, Joyo...”


“Gio!” Pag-correct ng unang babae sa kanina pa talak ng talak na ikalawang babae.

“Oo, siya. Magkabatch sila ni sir. Sabi nga nila na iyon sa time daw nila sir pinakamalakas iyong SEA University. Sa contest, kahit ano, noong first year pa ako, panalo lahat. Naghehelera lahat ng tarpaulin nila Sir Dimitri, iyong isang pogi pa na taga-kabilang estasyon – si Gab. Tsaka yung isa na pinaka-nakakaintriga sa lahat... pinakamatalinong bata raw na nakuha ng SEA University si... sino ba iyon?” Sabay lingon sa naunang babae para humingi ng correction dahil nakalimutan niya ang pangalan ng taong pinakamatalino sa SEA University.


Nang tinignan ng ikalawang babae ang nauna para humingi ng tulong, blangko lang ang tingin ng unang babae – halatang hindi alam ang pangalan ng pinag-uusapan, “Huwag mo akong tanungin,” panimula ng unang babae, “transferee lang ako!” Sabay kibit-balikat.

Hindi,” pag-insist ng ikalawang babae, “alam ko talaga ang pangalan niya eh. Nakalimutan ko lang. Basta girl kawawa iyon. Kasi may sex video ata siya? Tapos nakakaloka pa iyong subsitute professor namin one time na lawyer, si Ma'am Riza, batch din ata sila ni Sir Dimitri, Gio, Gab, at yung nakalimutan ko iyong pangalan. Nag-agaw eksena sa graduation nila girl! Nagulat nga kami kasi nasa backstage kami kasi inaasikaso namin iyong back drop kasi baka matanggal. Naku, nagspeech si Ma'am Riza in behalf ni... teka nakalimutan ko talaga. Si-”


“Angelo,” pag-sulpot ni Dimitri, “Si Angelo Montemayor.” Malungkot ang tono ni Dimitri. Maya-maya may namumuo nang butil ng luha sa kanyang mga mata na maya-maya babagsak sa kanyang mga pisngi.


Basta girl, iyang si Angelo,” pagbalik ng ikalawang babae, “nakakaawa siya kasi pinagtatawanan siya ng karamihan kasi nagkaroon siya ng sex video, tapos niloko ng boyfriend niya-”


“Bakla pala siya?” Pag-insert ng unang babae.

“Oo. Bakla. Tapos ginagahasa raw ng ex-boyfriend niya at ng bestfriend niya. Tapos namatayan ng kapatid at mama. Ang saklap talaga.” Sumimangot ang mukha ng babaeng nagkwento dahil sa awa.


Si Dimitri naman nanatiling naluluha habang parang bato na hindi makagalaw. Naninigas siya dahil sa konsensiya na narinig niya mula sa kanyang mga katrabaho.

Ay,” sigaw ng ikalawang babae, “di ba sir kaibigan mo si Angelo? Tapos nag-aaway kayo? Nakalimutan ko na iyon eh. 8 years ago na yun.” Na-intriga ang mga babae habang inaabangan ang sagot ni Dimitri sa tanong nga kanyang katrabaho.

Nakayuko si Dimitri at handa na siyang umiyak. Nang nagtaas siya ng tingin, bumagsak na ang kanyang unang luha at nagsalita, “Actually, naging boy-”


“HOY!” Sigaw ng isa pang babae na papalapit sa kanila “Kanina pa kita hinahanap! At bakit kasama mo tong mga babaeng to?! Ha?! Sumagot ka!” Si Corina, galit na galit ang mukha habang masama ang tingin kay Dimitri.


Natigilan ang dalawang babae habang tinitignan si Corina na nakapamewang. Isa-isang tinignan ni Corina ang dalawang babae. Masama ang tingin na binato ni Corina sa dalawa.

Nga pala sir, see you na lang sa c-convention.” Tumayo yung dalawang babae. Takot na takot sa mga titig ni Corina. Nang makaalis na ang dalawang katrabaho ni Dimitri, masamang tinignan ni Corina si Dimitri sabay hawi sa sentido nito.


“At naglalandi ka pa pala ha! San dun ang kabit mo, Dimitri?! Sagot!” Sigaw ni Corina habang nakatingin lamang si Dimitri. Hindi na ito pinaunlakan pa ni Dimitri at kaagad na sinuot ang back pack at diretsong naglakad patungo sa Dorm. Habang naglalakad siya ay nakasunod sa kanya si Corina na tinatalakan siya.

“Ikaw! Siguro gusto mo talagang dumalo sa tanginang convention na to noh? Sinong andito? Babae ba ang kabit mo o lalaki? Naku, mahuhuli ko rin kayo ng kabit mo. Makikita mo.” Pagbabanta ni Corina. Diretso lang naglakad si Dimitri sa pathwalk at hindi pinapansin si Corina na nakasunod sa kanya.


Sunod namalayan ni Dimitri ay nasa information desk na siya ng dorm. Nakabuntot pa rin si Corina sa kanya na hampas ng hampas sa kanyang likuran.


“Morning po,” bati ni Dimitri sa babae sa front desk, “guest po ko para sa convention. Dimitri Salviejo.” Tumango naman ang babae at hinanap sa listahan ang pangalan at room number na naka-assign si Dimitri.


Inaantay ni Dimitri na sumagot ang babae sa kanya ngunit kinabahan ito ng sumimangot ang babae. “Ay sir. Ang nangyari po kasi ay may isa o dalawang karoommate kayo. Hindi po kasi naka-assign dito ang record niyo.

Miss!” Sigaw ni Corina sa babae, “Paalisin mo na lang iyong guest sa room na yan at ako ang kasama niya.” Tinupi ni Corina ang kanyang mga braso at tinaasan ng kilay ang babae. Naalibadbaran na si Dimitri sa bibig ni Corina ngunit nagtimpi pa rin siya dala ng konsensiya na kanina pa siya binabagabag simula ng makapasok siya.

Pangalan po ninyo, ma'am?”


“Tanga ka ba?! Siyempre asawa niya ako. Kailangan pa ba yun?”

“Opo kasi naka-apportion na iyong para sa mga guest.”

“Corina Salviejo!” Pasigaw na usal ni Corina. Sumimangot iyong mukha ng babae pagkatapos niyang isearch sa listahan ang pangalan ni Corina. “I'm sorry po wala po ang pangalan niyo pero makakapasok naman po kayo. Di nga lang pwede paalisin yung guest. Sir Dimitri, eto na po ang room key niyo. May kasama po kayo sa kwarto maliban kay Madam Corina. Ano pa po ba ang maipaglilingkod ko?” Ngumit ang babae sa dalawa. Tumango lang si Dimitri bilang ganti at umirap naman si Corina sa babae.


Tinignan ni Dimitri ang room number na inalok ng babae sa kanya... mistula siyang maubusan ng dugo sa mukha sa nakita: ROOM 619

Kukunin na sana ni Dimitri yung susi nang hinablot ito ni Corina, “Akin na! Salamat!” Masunget na sabi ni Corina habang hinablot iyong susi mula sa babae. Wala ng pakialam si Dimitri at nagsimula na siyang maglakad patungo sa elevator.

Akala mo Dimitri di ko mahuhuli kayo ng kabet mo! Huh! Nagkakamali ka! Sasamahan kita sa kwarto mo at babantayan kita. Akala mo hahayaan kita? Paano si Monte? Akala mo makakatakas ka sa responsibilidad! Mangarap ka!” Sabay batok kay Dimitri. Ngunit tahimik pa rin si Dimitri at nagtitimpi.

Nakaabot na sila sa 6th floor at bumukas ang pintuan ng elevator. Habang palapit ng palapit sila sa dating room ni Dimitri at/o ni Angelo, lumalakas ang kabog ng dibdib ni Dimitri. Dahan-dahang gumagapang sa kanyang utak ang mga nangyari sa kanila ni Dimitri mahigit walong taon na ang nakalipas.

Nang nasa harap na sila ng pintuan. Nanlamig ang lalamunan ni Dimitri. Nakatayo lang siya sa harap ng pintuan at pinagmamasdan ito.

So ano? Tinitignan mo pa yan? Namiss mo iyong bakla mo, ha? Hoy Dimitri may asawa't anak ka na! Umayos ka! Buksan mo ang pinto!” Sabay tapon key card sa mukha ni Dimitri. Napangiwi naman si Dimitri sa ginawa ni Corina. Pinulot niya ang nahulog na key card at dahan-dahang tinuon ito sa key card lock. Nanginginig ang kanyang mga kamay.

BLEEP

Bumukas ang pintuan. “Pasok!” Sigaw ni Corina kay Dimitri na parang alila niya ito. Ngunit hindi gumalaw si Dimitri. Nakatulala pa rin siya sa kwarto nila ni Angelo noon. Parehong-pareho pa rin maliban sa naging dalawang single bed na ang mga kama.

Hindi ka papasok ha? PASOK SABI!” Tinulak ng malakas ni Corina si Dimitri. Nadapa sa sahig si Dimitri sa loob ng kwarto. Kaagad niyang inabot ang pintuan at sinarado ito ng pagkalakas-lakas. Hindi magkandaugaga si Corina na magtititili at parang baliw na sinasagad ang pag bunggo ng pintuan.

Hayy salamat. Malayo sa maingay. Napangiti si Dimitri sa kaloob-looban at napabuntong-hininga. Napatayo siya at inayos ang sarili, hindi alintana ang ingay na dala ni Corina mula sa labas ng kwarto. Nagulat siya nang makita ang isang malaking maleta na nasa gilid ng kama. May tao na pala. Malamang roommate ko na to. Nilapitan niya ang maleta at tinignan ang tag nito: A.M./ P.M.

PM? Ito na ba si PM Realoso? Ito na siguro iyong sinasabi nilang “great bidder” mula America. Shit. Porke't mula America i-se-celebrate kaagad? Kaano-ano kaya to ni Madam Realoso? Hindi ko na kasi iyon kinakausap. Alam kong galit na galit saken iyon. Hay naku.

Pero bakit walang tao? Ginawang iwanan ng baggage ang kwarto? Anak ng tokneneng.

Kaagad na pumasok si Dimitri sa banyo at binuksan ang ilaw, tinaas niya ang seat cover at umihi. Habang umiihi siya, napansin ni Dimitri na nakasarado iyong shower curtain. Weird? Pag bagong dating hindi naman sarado ang shower curtain ha? Dapat kung hindi pa gamit, open to dapat. Bakit closed? Pagtataka niya sa sarili.

Habang umiihi pa rin siya, inabot niya ang shower curtain at akmang bubuksan na ito nang may nagsalita, “What the hell do you think you're doing?” Matigas at malamig na boses ang narinig ni Dimitri.

Hindi kaagad nakagalaw si Dimitri dahil sa hiya, hindi niya natanggal mula sa shower curtain ang kanyang kamay. Maya-maya nagsalita pa ulit ang tao sa loob ng shower curtain.


“Who are you? Why are you about to pull the curtain open?” Natataranta na si Dimitri kaya mas pinabilis niya pa ang daloy ng ihi niya. Lagot, lagot, lagot! Masasapak ako nito!


Are you gay?” Tanong pa rin ng lalake sa loob ng shower curtain ngunit hindi pa rin nakakibo. Nakikita na ni Dimitri ang silhouette ng lalake. Nakahiga ito sa bath tub at akmang aabutin na ang shower curtain upang tingnan kung sino ang kanina pa gustong buksan ang kurtina.

Hindi nakapagpreno si Dimitri sa kanyang bibig.

Bakit?! Takot ka ba na makita ko ang pekpek mo? Wag kang mag-alala pareho naman tayong lalaki eh.” Pagdahilan ni Dimitri na painis habang patapos na siyang umihi.

Ngunit mas bumilis pa ang tibok ng puso ni Dimitri nang nakita niyang tumayo ang lalake mula sa bath tub at....

SWIIIIING!

Nagulat si Dimitri sa pagbukas ng kurtina. Nakita niya ang lalake at nagkaeye-to-eye sila.

Mas bumagsak ang panga ni Dimitri sa nakita. Dahil kilala niya ang lalaki.

Natakasan ng dugo si Dimitri sa mukha. Nanginginig ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang inangat ang kanyang hintuturo sa nakasabay sa banyo habang kumuha ito ng tuwalya at nagpunas.

A-A-Angelo?” 


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
7.1.14


---

 
Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.


Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final 

44 comments:

  1. Sna ngyn ipost ung first chapter ng gapangin mo ako at saktan mo ako 2

    ReplyDelete
  2. Sa august pa pala ang book 2 grabe ang ganda sa book 2.

    ReplyDelete
  3. Salamat sa book mo bunso and i will always be your tabachingching na kuya.... Di bale na pogi naman... Hahahaha

    ReplyDelete
  4. I am so thankful sa advance screening ng bunso ko para saken...

    ReplyDelete
  5. Sna ngyn ipost wg n s aug ;-)

    ReplyDelete
  6. Oo nga sana i post na, excited lng, ganda nang story , gusto ko na basahin toh

    ReplyDelete
  7. Aabangan ko to. Update ka na mister author .. ill wait for sure maadict nanaman ako sa storya mo.

    Jap

    ReplyDelete
  8. Excited na ako idol! C: Shit nagkita sila! ~Ken

    ReplyDelete
  9. gagapang ka sa lusak ate coring..lol

    ReplyDelete
  10. Yey... ito na ang pinaka inaabangan ko...

    ReplyDelete
  11. Salamat sa advance gift mo mr cookie cutter... Salamat talaga at nabasa ko na ang buong book 2 mo hehehehe thanks ng marami

    ReplyDelete
  12. cguro may teaser din para gio..ay hwag na si gio, si gab na lng at ang ready to rumble atty...exciting na to...ang pagbabalik ni diego salvador, lol..

    ReplyDelete
  13. UGH! Been craving for this! Book 2! SANA MAPAAGA KA NA!!!!! Etong story ang una kong binasa at kinaadikan dito sa msob. The best ang naging palitan ng linya dito noon. Lalo na sa twists! Lupet! Kanina, habang binabasa ko to, naramdaman ko nnman ung kakaibng pakiramdam sa dibdib na naramdaman ko lng dto hbng bnabasa ang book 1. I cant explain this feeling that drowns my heart in deep deep emotions. Kaabang abang tlga. Nag flashback n sa isip ko ung book 1. I miss all the characters!!! SH*T! AND THIS TIME!!! MUKANG SILANG TATLO (DMITRI, GAB, GIO) ARE REALLY UP TO ANGELO. I'M DEAD CURIOUS KUNG ANO ANG MAGGING REAKSYON NG IBA SA PAGBABALIK NI GELO!! UGH!! I KNOW THAT THIS WILL BE A DIFFERENT GELO, NOW AND I'M F*CKIN CRAZY FOR THIS. PLEASE OH PLEASE, UPDATE VERY VERY SOON. Sorry for the long and crazy reaction. Really missed this story. Thanks for the teaser, anyway. :) Welcome back!

    -Vin

    ReplyDelete
  14. wow.. ito nyung pinakahihintay kong series..since nung first book talagang inaabangan ko siya.. sana mai-publish n sya agad at sure n sure akong susubaybaan kO namn ito.. keep it up mr. author.. di n ako makapaghintay ng book 2...


    lummier..

    ReplyDelete
  15. Oonga sana ngayon mona ipost......maawa ka sa masugid mung mga tagapag basa.....-kelton

    ReplyDelete
  16. Ang ganda talaga ng story mo. Ang galing ng pagkakalapat ng titik sa kwento. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang binabasa ko to. You deserve your come back angelo. Perfect time! Hope for gab-angelo love team. Hehe. Thanks mr. Author

    ReplyDelete
  17. Ngaun March nyo na lang po i-post ung Book2. Birthday Gift mo na lang po sa mga may birthday. :)



    - Suzaku

    ReplyDelete
  18. Sana mauna na po yung book 2... Ang tagal po namin inaasam asam to. Sana lang po. Mr. Author. Cge na please? Saka na po yung Kahit magkaiba. Please? -super

    ReplyDelete
  19. the best talaga tagal kung inabangan to.tnx mr author.

    ReplyDelete
  20. aabangan ko to promise

    ReplyDelete
  21. Sobrang ganda po ng book 2. Sorry guys nauna ako sa screening, love kasi ako ng bunso ko. And take note mababaliw kayo sa book 2 kasi hindi lang ito kaabang abang kundi sobrang kaabang abang... And im sure youll love it.

    ReplyDelete
  22. Ang gusto ko abangan, pano kaya ang character ni angelo ngayon? Maaari kayang nag iba lang ng pangalan pero aaminin nyang si angelo sya para lang maiba ang tema kasi typical na ang mga ganyang story na sa huli malalaman na lang bigla na yung dating patay na ay buhay pala ngunit iba lang ang pangalan. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  23. Diba po ang sabi nyo dati ngayong April nyo ipo-post ung Book 2??!


    - Suzaku

    ReplyDelete
  24. Bkit ang tagal, sana sa april na

    ReplyDelete
  25. Nga nga Ansaveh sa april nga nga pren at aug pa

    ReplyDelete
  26. Actually guys tapos na niya ang Book 2, kaso fault ko kasi yun sa August pa kasi ang bitthday ko kaya dun na niya ipupublish. Sa mga masusugid niyang readers abangan niyo nalang po.


    -alaska boy

    ReplyDelete
  27. hello author,
    grabi ang tagal kong inantay e2..
    pero bakit sa august pa ang tgal nmn nun..
    bday ko na din ung august..hay sana ma post na..
    naeexcite na ako ei...anyways ang ganda ng chapter ngayun...
    Salamat kaayo author. amping kanunay! :-)

    ReplyDelete
  28. Wew, kala ko now na? August pa pla.. :( sinabik lng ako

    Degz-

    ReplyDelete
  29. Ewan ko sayo Mr. Alask boy! Haha pabalik muna sa dating date. Please? :)

    ReplyDelete
  30. lol. walang pumansin

    ReplyDelete
  31. Para magkaliwanagan po ha. Hindi po book 2 ung inannoumce ko tentatively. Kug maaalala minyo po Hello Mr. DJ? po iyon nhalata namanh magkaiba sa Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. At saka di ko sinabi iyun ang karugtong ng book 1. Nagtapos ang book 1 na wala akong sinabing impormasyon tungkol sa book 2 maliban sa pagkakaroon ng book 2.

    Pangalawa, August po iyan kasi naman may kwento pa si Dimitri. Mahalaga po ang Kahit Magkaiba at Boyfriendzone sa book 2 kaya mas minabuti ko munang ipagpa-August ang book 2.

    Sana naman po malinaw ang intensyon ko. Maraming Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga mr. Author? Lahat bang naunang story may kaugnay sa book 2? Kung ganun payag na ako sa august. Hehe. Kasi mas ok na maintindihan muna namin ang mga ilang bagay bago ang book 2. Baka kasi may lumabas na events sa book 2 na di namin maintindihan at magsimula ng maraming katanungan. Galing mo mr. Author. Keep it up.!

      Delete
  32. Konting antay na lang po at mag-enjoy lang muna tayo sa bagong mga kwento ko. Darating din tayo sa Book 2. :)

    ReplyDelete
  33. Kahit ako gusto ko sana unahin ni Mr. Author yung book 2, pero as he already mentioned na may kaugnayan ang mga mauunang akda nya sa book 2 payag na rin ako :-).

    I'm too excited about the book 2. Pero babasahin ko din ang mga mauunang akda mo Mr. Author.

    Brian Xander (Brix)

    ReplyDelete
  34. Wait ko na ito. Kelan kaya.

    Hugepulgada

    ReplyDelete
  35. Out of the countless online/blogged gay stories I've read, I was only compelled to comment on this one. For one, I'd like to commend and thank Cookie Cutter for this story. You're such a great storyteller and I can only hope to be like you. But I am also haunted by how this story turned out to be. I was so kilig on the onset and then I found myself deeply bothered by how terrifyingly effective the villains were on inflicting misery to the protagonists and by the deaths of the endearing characters. Though I'm not so fond of masochism, I am one with Angelo as well. Now, just like every reader, I'm asking for more ASAP. For the meantime I will have to steel my nerves and patiently wait for the follow up. I hope Cookie Cutter has a Twitter account(the only one I got), too, so I can tweet him some questions and possibly get updates about the upcoming stories :) (sorry napahaba, just goes out to show how much I became a fan of this work)
    -K

    ReplyDelete
  36. Ang tagal naman maghintay kakainip talaga.

    Sa August na ngayon.

    Sana start na ng book 2.

    -Cuteboy

    ReplyDelete
  37. haHa :) nabitin aQ :)
    excite na Qo sa sunod na mangyare . Hihi
    sana ma update agad .

    ReplyDelete
  38. Can't wait to see Angelo's sweet revenge. Haha

    ReplyDelete
  39. love it kua ur so good writer tlaga sana matapos na ito tsaka ano kayang mangyayari sa muling pagpapakita ni pm at dimitri

    ReplyDelete
  40. super excited na ako dito...august pa???haist...

    ReplyDelete
  41. Part 2 n pho pls

    ReplyDelete
  42. hi im nick..im happy reading ung story..Michaels Shades of Blue...hehhe..maraming lesson na mapupulot sa mga akda ng author...:) thanks and god bless u always!!! thumbs up <3

    ReplyDelete
  43. thank you very much sa update na puno ng excitement... etc.....

    i like gab for angelo kasi puro kabaitan ang pinadama nya lalo na noong nahihirapan na si angelo sa kagagawan ni jun, corina, dimitri at gio...

    please i like the character/role of atty rizza....... paki vonggahan po ang kanyang parte sa mga susunod na chapters......

    humanda ka malanding coring...... mag kasama na sa isang kwarto ulit si dimitri at angelo... hehehehe..

    aabangan ang lahat ng mga gusto nating mga kaganapan sa susunod na mga chapters..... ang saya saya ko kasi nag karoon na ng update ngayon....

    pag pasensyahan nyo na po ang mga readers na humihiling na ma post kaagad ang next chapter kasi gustong gusto lang po ng lahat mabasa ang kwento nyo na inaabangan ng marami...

    joe......

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails