The Wind, The Leaf and The Tree
Chapter 9
“Si Peter Pan at Ang Mahiwagang Suntok”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Hello sa
lahat! Eto na po ang ika-siyam na kabanata ng ating istorya. Unang-una po,
salamat sa paghihintay sa update na ito, at sa patuloy na pagsuporta sa mga
gawa ko. Pangalawa po, pasensya na sa matagal na pag-a-update. Ang plano ko po
sana ay Tuesday ng gabi ito i-post, kaso kaninang umaga po kasi, may nilalakad
kaming requirements for our Internship kaya ayun natagalan.
Isa pa pong
announcement is hindi ko pa alam kung kelan ako makakapag-update sa susunod.
Babyahe po ako bukas, pauwi ng Zamboanga City, at hindi ko talaga alam ang
madadatnan ko dun. Pero, pwede nyo naman po akong i-add sa facebook, para
makakuha ng info tungkol sa updates.
Lastly, sa
mga Anonymous na nagpapahayag ng kanilang komento, sana po malagyan natin ng
pangalan o di kaya’y codename para ma-recognize ko po kayo. Hehehehe. Pasensya na
po kung mefdyo natagalan ha? Inumaga na nga ako sa pagawa nito eh. Pero ayos
lang po. Para naman sa inyong mga minamahal kong taga-subaybay..
No comment
po tungkol sa title ng chapter. Wala na po akong maisip eh. Shutdown na ang
left and right side ng utak ni Jace. Hahahaha. Without further much blah blah
blah.. Eto na po ang Next chapter ng TLW. Enjoy mga dude! :)
=============================================
== THE TREE
==
Tuesday
morning. As usual, wala naman akong magawa kundi umupo at makinig ng klase.
Alam kong pinababantayan ako ni Mom. At nakakasiguro akong si Jayden ang ginawa
nyang espiya. “Haaay.”
Natapos na
ang klase ko sa isang major. Palabas na ako ng classroom ng makita ko si Yui sa
may cafeteria na mag-isang naka-upo habang nagbabasa ng libro. Lumapit ako sa
kanya at na-upo sa lamesang kinaroroonan niya.
“Hey.” Bati
ko sa kanya.
Napadako
naman ang mga mata nito sa akin mula sa librong binabasa. “Ui, A-Alfer. Kaw
pala?”
“Shemps. O,
kumusta ka? Kumusta kayo ni Gonzales?”
Nanlaki
naman ang mata niya. “H-ha? What do you mean?” Napabalik naman ang atensyon
nito sa librong binabasa. Napansin kong namumula ang mga pisngi nya.
“Tsk! Bakit
ba napaka-defensive nito? I smell something.” Sabi ko sa sarili ko. “How’s your
new friend?”
“Well, he’s
fine naman. Kelan magsisimula nyo?”
“Sa Thursday
pa daw eh, sabi ni Mom. Pero teka nga, masungit ba talaga yung si Gonzales?
Napakaangas.”
“Ganun lang
talaga yun. Pero pag nag-open-up naman sya sayo eh, mabait naman yun.” Hindi
sya tumitingin sa akin. May itinatago ba sya? Kung meron man, ano yun?
“Ahh.
Nahihiwagaan ako sa lalaking yan eh. Napaka unpredictable. Kahapon, maayos pa
naman siyang nakikipag-usap kay Mom eh. Pero nung hinatid ko na sya, binulyawan
na naman ako. ‘The hell is his problem?”
Binaba naman
nito ang hawak na libro at tumingin sa akin. Maya-maya pa’y napabuntong-hininga
ito. “Basta dude, be kind to him.” Inayos naman nito ang mga gamit sa bag. “Una
na ako Al. Sige.”
Nakito ko
lang na palabas na si Yui ng cafeteria. Naba-bother pa rin ako sa ikinikilos ni
Yui. Parang ang weird nya pag pinag-uusapan si Gonzales.
Natigil naman
ako sa aking pag-iisip ng dumating si Paul, ang pinaka best friend ko simula pa
nung Grade school. Actually, nung High School, kaming tatlo ni Yui at Paul ang
sanggang-dikit. Pero simula ng mag-college kami, lumayo na rin ang loob ni Yui
sa amin ni Paul.
“Wait. Was
that Yukito?” Tanong sa akin ni Paul.
“Yes. Wala
ng iba. Ang weird nya.” Tsaka nilantakan ang burger na binili ko kanina.
Umupo naman
si Paul sa tabi ko. “Weird naman talaga yan dati pa eh.”
“No. There’s
something more to him. I just can’t figure what it is.”
“Ui dude.
Nagiging tsismoso ka na. Chill lang.”
Haay. Kagabi
pa ako binobomba ng mga katanungan na yan eh. Simula kay Jayden, tas ngayon si
Yui na naman. Ano ba kasi ang meron sa dalawang yon?
Panu nga ba
kami naging magkaibigan ni Yui noon? Ah yes. That was because parehas kami
mahilig noon sa basketball. Mas close pa ako kay Yui kaysa kay Paul.
Pero ano na
ba nangyari sa kanya ngayon? Ewan. Both of us don’t know. Basta nag-iba siya ng
school after High School, pero ngayon dito na ulit siya sa school namin. But he
seems so distant. “Haay. I just need to shrug it off. Kung ayaw na nya ibalik
ang dati naming pinagsamahan namin, okay. Fine.” Nasabi ko nalang sa sarili.
==========================
== The Leaf
==
“Naniniwala
ka ba kay Peter Pan?” Seryoso pa rin ang mukha niya.
Joke ba to,
or what? “Ewan. Baket?”
“Kasi sabi
nya, when you think of happy thoughts, you will fly.”
“Oo. Sabi
nga nya. So?” Bumuntong-hininga naman ito. Takte! “Ano na naman problema nito?”
sa sarili ko.
“Kasi, I’m
thinking of you right now, but I’m falling..”
Natigilan
naman ako. Kinikilig ako, pero hindi ko ipinakita kay Yui. Pero para sa akin ba
yun? Tumingala nalang ako sa kalangitan. “Hanep ng banat natin ah?”
“Ayos ba?”
“Medyo
corny. Pero okay na. Teka, para kanino yun? May nililigawan ka ba at ako ang
napagtripan mong pag praktisan?” Tanong ko. Narinig ko syang
napabuntong-hininga.
“M-meron.
K-kaso..”
“Kaso ano?”
“Di pa ako
sigurado sa magiging kinahinatnan eh.”
“Kow.
Naduduwag ka lang eh. Ang sabihin mo, torpe ka.” Natawa naman ako. Napadako ang
tingin ko sa kanya. Nakangiti lang sya
habang nakasandal sa bench at nakapikit ang mata. “So sino nga? Ka-schoolmate
lang ba natin?”
“Wag na kasi
Yoh. Di mo naman kilala eh.”
“Ok, sabi mo
eh.” Naiiling nalang ako. “Pero yoh, you should tell her. Atleast, alam niya na
gusto mo sya. Kung natatakot kang baka iwasan ka nya, take the chance.”
“Salamat
Yoh.” Napangiti sya.
Kinaumagahan.
Wednesday. Sa klase sa Taxation. Ang klase kung san kami magkaklase ni Alfer.
Pagdating ko sa classroom, nakita ko syang naka-upo sa tabi ng inuupuan ko na
may ngiti sa mga labi. “Marunong pala sya ngumiti?” tanong ko sa sarili.
“Good
morning Jayden.” Bati nito sa akin. Di naman ako umimik. Naglakad lang ako sa
harap nya at naupo sa silyang katabi ng inuupuan nito, na dati kong pwesto.
“Good
morning.” Nasabi ko nalang pagka-upo ko. Gusto ko lang maging civil sa kanya.
“Ui, himala.
Good mood ata tayo ngayon?” Di na ako sumagot. Baka kung san pa mauwi ang
usapan.
Buti nalang
at dumating na ang professor namin at nagsimula na nga ang klase. After an hour
of discussing, nag-ring na ang bell. Dali-dali naman akong tumayo at lumabas ng
classroom. Pero humabol lang sya sa akin.
“Bukas na
ang start ng pagtsu-tutor mo diba?” Sabi niya sa akin habang naglalakad kasama
ko.
“Oo.”
Malamig na sagot ko.
“Great.
‘Can’t wait to work with you.” Nakita ko pa syang ngumiti.
“Takte! Ano
ba problema nito? Bakit ganito ipinapakita nya, taliwas sa mga unang encounters
namin?” sabi ko sa sarili ko. Tumigil ako sa paglalakad, na ikinatigil rin
niya. Hinarap ko siya at direktang nakipagtitigan. Mata sa mata.
“What?”
Tanong nya. Nakakunot ang noo niya.
“Ba’t iba
yata ang ihip ng hangin ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“Well,
siguro dahil nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sayo noong mga nakalipas na
araw.”
“Tingnan mo
nga naman. Marunong pala ma-guilty ang isang Alfer Samonte?” Sarcastic na sagot
ko dito. This man has something up his sleeves. I just know it.
“Di
magandang gawain ang maging mapaghinala sa kapwa Jayden.” Sagot nya na may
ngisi. I knew it! Ang ngising iyon ang patunay na may itinatagong balak ang
Alfer na to.
“And why not
Mister Samonte? Sa pagkakaalam ko kasi, ikaw ang taong di marunong mag-guilty.
Let alone ang makipagkaibigan sa mga taong nakabangga mo na.”
“Gonzales, I
don’t consider you as an enemy. I wanted us to be friends. Mahirap bang
paniwalaan yun? Pano tayo magiging successful pareho, kung ikaw ang tutor ko,
pero di man lang tayo nakakapag-establish ng good rapour?”
“Who gives a
damn about good rapour? Ang kelangan lang natin gawin, do your job para matuto,
and I’ll do my job na turuan ka. That’s how simple it is.” Kung maaari lang
sana, ayoko na maging civil sa taong ito. Pero what can I do? Somebody needs to
do the dirty job.
“Ang hirap
sayo Gonzales, ikaw na nga tong ina-approach, ikaw pa may ganang mang-repel ng
tao. Tsk!” Lumapit sya sa akin at mas tinitigan pa ako sa mga mata. Napasandal
naman ako sa wall ng college namin dahil napaatras ako sa paglapit nya. “Tandaan
mo, we’re both tied unto this. Wala na tayong choice kundi pakisamahan ang isa’t
isa.”
Napakurap
naman ang mga mata ko dala ng pagkakalapit ng mukha namin. His lips were so
close to mine. “Arrgh! What is this feeling?” Maya-maya, natigilan ako. Huli na
ng ma-realize kong nasa hallway kami ng college namin. “TANGUNO! Machichismis
ako nito!” Ako sa sarili ko
“So, what
would it be, Mr. Gonzales?” Palapit pa ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.
Napa-isip
naman ako sa sinabi ng kumag. Tama siya. Kelangan kong paghusayan ang trabaho
ko, para na rin sa sarili ko. “Okay. See you tomorrow nalang.” At umalis na ako
sa kinatatayuan namin pagkatapos kong hawiin ang kamay nyang itinungkod niya sa
pader. Buti naman at di na ito humabol pa.
Naglalakad
na ako sa hallway pero halos lahat ng to ay sa akin nakatingin. May tingin na
parang nakiki-usyoso lang, pero may mga tinging nanggagalaiti sa galit. Siguro
dahil alam nilang hindi maganda ang relasyon ko kay Alfer.
“Tss. Akala
naman nila kung ano nangyari?" Sa sarili ko. Naglalakad ako sa hallway ng
makita ko ang magkaibigang sina Sheena at Quimee. Ang talim ng tingin brad! Nakakatusok.
“Ano na naman nasa utak nilang makikitid?” Nilagpasan ko lang sila.
Bahala sila
kung ano isipin nila. Wala akong pakialam. Wala naman akong ginagawa sa idol
nilang basketbolista eh. Kung tutuusin, ako pa nga ipinahiya ni Alfer sa harap
ng mga estudyante. Pero siguro ganun talaga. When you’re just a NOBODY, you
will play your role in the society as someone who is easily judged by others from
the higher hierarchy. Pakialam ko naman sa kanila.
Alfer
Samonte. Ang kilalang chickboy at heart-breaker ng campus. Nakukuha ang lahat
sa porma, sa yaman, at sa karisma. Pero, kanina ko lang napansin ang mga
pisikal na katangian ng mokong na yun. Sa taas ba naman na 6’2, may malalagong
kilay, malamlam na mga mata, at mapang-akit na labi, sino ba namang babae ang
hindi maiinlove dito? Halos linggo-linggo yata kung magpalit ito ng girlfriend.
Ang team
captain ng varsity basketball team, tinitilian siya ng mga babae sa school, at
sa mga taga-labas ng school. Marami ng nahumaling at lumuha sa kamay ng
lalaking ito. Clearly, we’re not on the same wavelength.
Pero dapat
ba talaga akong maniwala sa lalaking ito? May kung ano sa mga ngisi nito na
nagsasabing di ako dapat magpa-kampante sa mga salita nito.
“Haay. Ano ba
tong iniisip ko?” reklamo ng utak ko. Bakit ba pumasok si Alfer sa kokote ko?
Kinahapunan,
tumambay muna ako sa may fountain para hintayin si Yui. Naka-upo lang ako sa
may bench at nakikinig sa bagong ipod na bigay ni Yui sa akin.
I finally
did it. I have changed my old ways. Nang dahil kay Yui. Dati, kung tatambay ako
dito, nakikinig lang ako ng ipod at mag-eemote. Pero ngayon, may rason na ako
para ngumiti. Para tanggapin at i-appreciate ang kagandahan ng mundo.
Si Yui? Ano na
ba ang estado namin? Masasabi kong masarap siyang kaibigan. He’s the best
friend I’ve always wanted. Yung kayang i-negate ang lahat ng negativity at
kalungkutan mo sa katawan. Sa iilang araw simula nang magkakilala kami,
naramdaman ko kung paano niya pinandigan ang mga sinabi niya sa akin.
Mas gusto
kong isipin na siya ay isang nakatatandang kapatid na overprotective sa kaptid.
Isang kuya na handang patawanin ang kanyang kapatid kapag nalulungkot ito.
Ganun ko i-describe ang relasyon namin ni Yui.
Pero sa
iilang araw namin bilang magkaibigan, may nararamdaman akong kasiyahan sa tuwing
magkasama kami. I was asking many different questions about myself since I’ve
felt that weird feeling towards him. Questions about myself, and even my own
sexual preference. “Bakla ba talaga ako? Or may posibilidad ba talagang mahulog
ang loob ko sa kapwa ko lalaki?”
At yung
pick-up line nya kagabi. Natamaan ako dun..
“Yoh..” tawag niya sa akin.
“Yup?” Sagot ko.
“Naniniwala ka ba kay Peter Pan?”
“Ewan. Baket?”
“Kasi sabi nya, when you think of happy
thoughts, you will fly.”
“Oo. Sabi nga nya. So?”
“Kasi, I’m thinking of you right now, but
I’m falling..”
Honestly, di
ako magpapaka-plastic sa sarili ko. May isang parte ng puso ko na humihiling na
sana, ako ang inalayan nya ng pick-up line na yun. My heart was filled with
ecstasy, but not until he told me it was meant for someone else.
Siguro dapat
na lang talaga akong makontento sa kung anuman ang meron kami. At kaya siguro ako
nakakaramdam ng ganito, kasi I’m just inlove with the idea na si Yui ang
nagpabago sa akin. Siya ang naging Karin, sa pangalawang pagkakataon.
“Wag ka
ngang Erotomanic, Jayden.” Pangaral ng isip ko.
“Wala naman
sigurong masama kung pangarapin kong mahalin din ako ni Yui diba?” Sagot naman
ng puso ko.
“Wag kang OA
Jayden. Lalaki ka. At lalaki yun.” Kontra pa ng isip ko.
May point
ang utak ko eh. Papano nga ba magiging posibilidad na mahulog ako sa kapwa ko
lalaki, eh nagkaron na naman ako ng Karin sa buhay ko? And ni isang bese sa
buhay ko, di ko naisip na magiging bakla ako.
Haay!
Gumugulo na ang isipan ko. At napansin ko lang ha? Sa pag-eemote ko sa hapong
ito, dalawang beses ko ng nasambit ng utak ko ang pangalang Karin. Dumudugo na
ang utak ko sa mga pinag-iisip ko. Nakakunot-noo ako habang nag-iisip ng
malalim, at hindi ko napansin ang taong lumapit sa akin..
Kinalabit
niya ako, dahilan upang tanggalin ang headphones na nakakabit sa tenga ko. “Yes
Yoh?”
“Ang lalim
ng iniisip natin ah? Chill lang.” Sabay upo sa tabi ko.
“Wala. May bumabagabag
lang sa akin.”
“So di pwede
i-share sa akin?” Tanong niya. May kinuha siya mula sa bag niya at binigay to
sa akin.
“Salamat
yoh.” Nasabi ko nalang ng abutin ang isang pack ng paborito naming tsitsirya. “Di
naman importante yun eh.”
“Well, ikaw
bahala. Ito lang masasabi ko sayo Yoh. We make our lives more difficult by
asking the wrong questions. Ibig sabihin, minsan, dun tayo nagfo-focus sa mga
bagay na wala namang relevance sa current situation na kinalalagyan natin.”
“Yoh, may salba
bida ka?” Biglaang tanong ko sa kanya.
“Bakit?”
“Nosebleed
Yoh. Ang lalim nun. Baka malunod ako.” At nagtawanan kami.
“Ui,
natututo ka ng bumanat ah?” Sabi niya at hinampas nya pa ang kanang balikat ko.
“Shemps Yoh.
I learn from the master.” At binalingan ko sya, sabay tawa. “Ui, kumusta pala
crush mo?”
“Ayos lang
Yoh. Alam mo ba? Nag-smile na sya sakin!” Excited na sagot nito.
“Nice! Smile
ka din. Konti lang.” At dinaig pa namin ang TV Commercial ng Mcdo. Hahahaha!
“Ewan sayo
Yoh. Dami mong alam.”
Kinakain
namin ang tsitsiryang binigay ni Yui sa may fountain, nang may biglang umagaw
sa atensyon naming dalawa. May mga estudyanteng nag-uumpukan sa entrance ng
student center at may pinagkakaguluhan ata.
Tumayo si
Yui. “Tara Yoh. Tingnan natin.” Ayaw ko man maki-usyoso pa, pinilit at kinaladkad
ako ni Yui upang pumunta sa umpukan ng mga estudyante.
Pagkarating
namin dun, nakita namin si Alfer na may kaharap na babae. Hindi ko kilala ang
babae, pero sa tingin ko ay Economics student ito. At may iba pa akong
napansin. Ang babae, may hamak hawak na cake, at halatang nanginginig ang mga
tuhod habang ibinibigay kay Alfer ang cake.
Tinitigan
lang ni Alfer ang chocolate cake na inaabot ng babae habang may kung anong
ngisi lang sa mga labi ng isang lalaki na kasama ni Alfer.
“Ui dude.
Cake daw oh.” Sarkastikong sabi ng lalaki kay Alfer.
“Masarap ba
to?” Walang kagana-ganang tanong ni Alfer sa babae. Alanganing napatango naman
ang babae. Halata sa mukha nito ang matinding kaba.
Pagkatapos
ng ilang sandali, pinadaan ni Alfer ang kanang hintuturo nito sa icing mismo ng
cake at diretsong isinubo ang daliri nito na may icing. Nakataas lang ang isang
kilay nito, na parang judge sa isang cooking contest at kinikilatis ang gawa ng
isang contestant.
Napangisi si
Alfer, at inabot ang cake mula sa mga nanginginig na kamay ng dalaga. “Salamat.”
Akto na itong tatalikod sa dalaga ng bigla nitong iminudmod sa mukha ng dalaga
ang chocolate cake.
Lahat
nagulat sa ginawa ni Alfer. Walang marinig na kung anumang ingay pagkatapos
masaksihan ang ginawang pagpapahiya ni Alfer sa kawawang dalaga. Pagkatapos
makabawi sa pagkagulat, nagtawanan ang lahat ng estudyanteng nakakita sa
pangyayari.
But except
me. Kumulo ang dugo ko sa mga nasaksihan ng mata ko. Unang-una, ang pagkabastos
ni Alfer na hindi man lang nagpakita ng appreciation sa regalo nung babae.
Pangalawa, ang ginawa nitong pagpapahiya sa babae. At ang pangatlo, ang hindi
pag kontra ng mga nakasaksi sa ginawa ni Alfer, bagkus ay pinagtawanan pa ang
babae.
“Sorry miss.
Hindi ako tumatanggap ng basura.” Sarkastikong sabi ni Alfer sa maluha-luhang
babae. Nagkalat pa ang cake at icing sa mukha nito. Nagtatawanan pa ang mga
estudyante habang pabalik na sa kani-kanilang ginagawa. Arrrgh! This has got to
stop! Pupunta na ako sa kinalalagyan nina Alfer ng tinangka akong pigilan ni
Yui.
“Bitiwan mo
ako Yoh!” Galit na sabi ko dito, at lumapit na nga ako kay Alfer. “Oo nga no?”
Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig ng lahat. Nagtinginan naman
pabalik sa amin ang mga ususerong mga estudyante. “Bakit nga ba tatanggapin ng
isang BASURA ang basura’ng kagaya din nya? Sabi nga sa kasabihan, ang
MAGNANAKAW ay takot sa kapwa MAGNANAKAW.” Sarkastikong pahayag ko.
Nanlaki lang
ang mga mata ng mga nakakita sa harapang pagkalaban ko kay Alfer. Wala lang
siyang imik, habang nakatanaw sila sa aking paglapit sa kanila. Nakita at
naririnig ko na ang pag-iyak ng babae na hindi man lang nakaalis sa
kinatatayuan nito.
“Gonzales.”
Maya-maya’y nasambit ni Alfer. Nakita ko namang nanlilisik ang mga mata ng
lalaking kasama niya.
Nakataas pa
rin ang kilay ni Alfer. At yun na nga ang ikinasabog ko. “Gago ka!” Bigla ko
siyang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha dahilan upang mapatumba
ito. Kung nagulat ang mga nakakita sa ginawa ni Alfer sa babae, mas nagulat
sila sa ginawa ko. Honestly, masakit ang kamao ko. First time ko makasuntok ng
tao eh.
Katahimikan
ang namayani. Nakabawi na si Alfer sa gulat, pero naka upo pa ito sa sahig
habang sapo-sapo ang dumudugong labi niya. Aktong susugod na ang lalaking
kasamahan nito ng pigilan nya ito.
“At sinong
may sabi sa iyo na pwede ka nang mamahiya ng tao, ha Samonte?!” Galit na saad
ko. Tumayo naman ito. “Sa pagkakaalam ko, ang eskwelahan lang ang pag-aari nyo,
at hindi ang bawat estudyanteng pumapasok dito!”
Nilapitan
naman ako ni Yui at pinilit na lumabas na ng student center. Pero nagpupumiglas
pa rin akong ipamukha kay Alfer kung anong klaseng tao siya.
“Eto tandaan
mo, Samonte! Hindi pa tayo tapos. Oras na makita ko pa yang ka-hambugan mo dito
sa campus, di lang yan ang aabutin mo sa akin!” Sabi ko pa, at hinila ko ang
kamay ng babaeng ipinahiya ni Alfer para sumama sa amin ni Yui palabas ng
center.
Wala kaming
imikan habang tinutungo naming tatlo ang cafeteria. Yung babae, iyak lang ng
iyak. Naaawa ako sa kalagayan nya. “Pakshet na Alfer na yun!” Agad na nabulalas
ko ng makapasok na kami ng cafeteria. Buti nalang at wala ng tao, kasi uwian
na. Nakatayo lang kami ni Yui, habang pina-upo niya ang babae sa kalapit na
silya.
“Yoh, hindi
mo dapat ginawa yun.” Alalang sabi ni Yui. Inabutan nito ng tissue ang babae na
nakatango lang habang umiiyak. “Miss, tisue o. Maglinis ka muna.”
“At bakit
hindi Yoh? Hahayaan nalang ba nating gawin ni Alfer ang kung anumang nanaisin
nya? Buti sana kung hindi sya mandadamay ng ibang tao!”
“Pero Yoh,
sa nangyari, manganganib ka dito sa eskwelahan. Alam ko kung paano mag-isip at
gumanti yang si Alfer.”
“Wala akong
pakialam! Magkikita kami sa impyerno!” Hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa Alfer
na iyon. Dun ko lang na tandaan na isinama pala namin ang babae. “Miss, okay ka
lang?!” Baling ko dito.
Umiiyak pa
rin ito. “O-o-okay l-lang. S-salamat h-ha?” pinunasan nito ang cake at icing,
pati na ang luha nito sa mukha at tumigala sa aming dalawa ni Yui.
Biglang
humupa ang apoy ng galit sa dibdib ko, at nabuhusan ng tubig ng pagkagulat sa
nakita kong mukha ng babae. Nanlaki ang mga mata ko habang inaalala kung siya
nga ba ang babaeng iyon.
Mas nagulat
ako ng ma-realize na sya nga yun. “I-ikaw?!”
- Itutuloy -
Eto na po siya o. Pasensya ulit sa late na update. Inumaga na ako dito sa netcafe, pero para naman din sa inyo, kaya okay lang. Sorry din po kasi medyo maiksi sya ng mga 2 pages less sa Word, pero ayos na yan. Napagod po kasi ako sa kakalakad ng requirements eh. Pero sana po, MAGUSTUHAN ny pa rin..
ReplyDelete- JAce
Good! Pero, okay lang ba na may konti akong i-"correct" na word na ginamit mo. The word "rapour": is actually "rapport" but pronounced exactly the way you spell it. Meaning to have a good relationship or bond with each other.
DeleteThis comment has been removed by the author.
Deletehahaha.. pasensya na po kuya.. di ko alam spelling nun.. hahahaha.. di kasi sya nag red line sa word.. sorry po
Deletemaiksi sya kasi pagod na pagod na ako eh. pasensya na po.. pero babawi po ako sa 10.. pramis po, HONESTO! :)
ReplyDeleteBitin! At sino naman itong babaeng ito? Looking forward for the 10th chapter! ~Ken
ReplyDeletekaabang abang lalo ang susunod ns mangyari
ReplyDeleteSino yung girl ? C karin ?
ReplyDeleteMay pag ka F4 ang peg ah in fairness
Partida hindi pa mkapag concentrate c author nyan :) )
Very good. ...
salamat po Kuya Raff sa magandang review.. somehow po maypagka-F4.. pero di naman tayo magfo-focus dun. marami pang mangyayari po.. antay antay lang :)
DeleteHALA PLEASE.NAMAN.PO SANA MAUPDATE NA ITO AGAD AGAD! PAGKATAPOS KO KASI BASAHIN ANG "GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO" DUMIRETSO AGAD AKO DITO AT TALAGA NAMANG NAINLOVE NA AKO SA STORYANG ITO! UPDATE NA PLEASE!!!! PANGPAMOTIVATE SA FINALS!!
ReplyDelete- Growling Engineer
Hello po engineer. salamat naman at nagustuhan nyo tong gawa ko. 2 times a week po ang update natin eh. Kung kaya ko lang araw-arawin, why not diba? GOODLUCK sa finals! Kaya yan. tiwala lang :)
Deletesi karin ba sya?
ReplyDeleteabangan sa susunod na kabanata ang panibagong karakter.. Will she be a friend? or will she be a foe? hahaha.
Deletenice and tnx sa pagpupuyat para lng may maipagpatuloy mo ang npaka gandang story na iyung pinagpagurang ishare! again, tnx and keep up the good work, also goodluck sa inaayos mo. hope it would be successful.
ReplyDeleteWhahaha.kuwawang alfer
ReplyDeleteGo jayden!!
Wlang promise is that karin n ikingulat ni jayden
ReplyDeleteBilisan na ang pag update! Hahaha kaabang abang na ang susunod na kabanata. Mr author please update asap. Thanks and sorry for being demanding ....
ReplyDeleteang ex nya yon c Karen!
ReplyDeleteI enjoy reading the story..keep up the good work Mr. Author.
ReplyDeleteMr. CPA
salamat po :)
DeleteLooking forward for the next updates..sana madalas na yung updates..
DeleteMr. CPA
hehehe.. titingnan po natin ang magiging schedule natin Mr. CPA.. pero ang maipapramis ko po ay mga dalawang beses sa isang linggo :)
DeleteWow! Ang galing!!! Congrats po... :)
ReplyDeleteExcited to know more about that girl.
ReplyDeleteLakas maja F4.
-Allen
ok lang ganda nga ng eksena. palaban na c jayden at ano kaya ang igaganti ni alfer? kakaexcite ang nxt chapter. tnx sa update jace.
ReplyDeleterandzmesia
Bwat scene na visualized q ang ganda tlga
ReplyDeletecord of bulacan
thanks jace XD hinintay q tlgang magkaron ng chap. 10 bgo q basahin 2 kac tyak na mabibitin aq eh haha keep it up author..:)
ReplyDelete- poch