The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 6
“Ang Kaibigan Kong Ninja”
By: Jace Knight
Author’s Note:
Yes! We did it guys. Simula sa
chapter na to, marami ng pagbabago ang magaganap. Due to insistent reader’s
demand, hinabaan ko na ng konti ang mga chapters simula dito. At simula dito,
ako na mismo ang mag-a-update ng mga chapters, thanks to Kuya Ponse at sa iba
pang admin.
Nakakagana talaga ang magbasa ng mga
comments at reactions nyo, lalo akong na-iinspire. So keep those coming. Sa mga
corrections at suggestions, open po tayo dyan, at tinetake-note natin yan upang
mapaganda pa ang istorya. Salamat po ng marami sa patuloy na pagsubaybay.
Maraming salamat po sa mga
consistent na nagbibigay ng kani-kanilang reactions. Si Franz, si allen, Cord
of Bulacan, Sir Raffy Asuncion, randzmesia, Kuya Noe at Sir Vin (na talagang
nagpamulat sa aking ENGLISH, hehehe), Vincent vince, si Ken, at sa iba pang
Anons. Hehehe. PLEASE do add me up on Facebook at https://www.facebook.com/jace.pajz, and you can also send me an email
sa jaceanime@gmail.com..
Eto na po ang pinahabang chapter ng
The Tree, The Leaf, and The Wind. Enjoy!
Jace..
=============================
== The Leaf ==
It was a Friday afternoon. Nakaupo
lang ako sa bench na malapit sa may fountain. Dating-gawi. Naka-on na naman ang
EMO-mode ko habang nakikinig ng music sa ipod ko. Wala na akong klase nun, at
since Flyday,wala na masyadong tao sa school. At ayoko munang umuwi sa bahay. Tatambay
muna ako dito.
Kagabi, nung hindi ko napigilang
yakapin si Yui, may naramdaman akong kakaiba sa aking sarili. My heart was
beating faster, and there was joy somewhere deep in my heart. What was it? I
don’t know. Hindi naman ako siguro naba-bakla no? “Ayoko.”
Kasalukuyang nagpe-play sa ipod ko
ang kantang “One Last Cry” ni Nina. Hooh. Lakas maka-LSS ng kantang ito dati. Ang
kantang nagpapaalala sa akin ng sakit at kalungkutang naramdaman ko magmula
nung iwan ako ni Karin. Haay. Si Karin na naman ang naiisip ko.
“Asan ka na kaya Yoh? Mahal mo pa ba
ako?” Napabuntong-hininga nalang ako sa mga katanungang gustung-gusto kong
itanong sa kanya. “Andito pa rin ako. Naghihintay.”
Hindi pa tapos ang kanta, pero
naramdaman kong may kumuha sa headphones sa tenga ko.
“Tangunu naman to oh, nagmo-moment
ang tao eh.” Reklamo ng utak ko. Napalingon naman ako mula sa likuran. Si Yui.
Nakita ko siyang nakakunot-noo sa pinapakinggang music sa headphones.
“Ano na naman to Yoh? Emote emote
din pag may time?” Pagkuwa’y ngumiti siya at ibinalik sa leeg ko ang headphones
ko. “How’s your day?” Ngiti pa niya.
God! Those smiles. Ang sarap
titigan. Nakakasilaw ang mapuputi niyang ngipin. Sinabayan pa ng malalalim na
dimples. And his blue eyes, wow! “What do you want?” malamig na tugon ko.
Lumingon naman ako sa ibang direksyon, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
Natutunaw ako.
“Yan tayo eh, nagsusungit na naman.
Tsk!” Umupo siya sa tabi ko. May kinulikot siya sa bag niya. “Ui yun palang
kagabi, di ko namalayang nasipunan mo ang shirt ko nung umiiyak ka.” Sabay tawa
ng malakas.
“Hoy, hindi ako sinisipon pag
umiiyak no. At hinaan mo nga boses mo, para kang megaphone kung magsalita.”
Sabi ko nalang. Hindi pinapansin ang pang-aasar niya,nakakahiya din kasi ang
ginawa ko kahapon. Hehehehe
Tumayo siya at ginaya ang “Sorry
po!” pose ni Chichay ng Got To Believe. “Sorry po!” Tsaka ngumiti ng kay tamis.
“Chichay?” Napatawa naman ako sa
kanyang inasta. Ewan ko ba, may kung ano talaga sa mga hirit at ngiti nya na
nanghihikayat na ngumiti at makitawa na rin. “Para kang sira!” Bumalik naman
siya sa tabi ko. Tinitigan niya lang ako, at napangiti.
“Yan! Ang cute mo pag naka-ngiti
ka.” Sabi pa nya sabay tanaw sa fountain na nasa aming harapan.
Napabuntung-hininga lang ako.
“Sigurado ka bang gusto mo akong maging kaibigan?” wala sa sariling natanong
ko.
“Hindi naman ako siguro mag-eeffort
ng ganito kung ayoko, diba?”
“Eh, bakit nga ako?” Sabay baling ng
tingin sa kanya.
“Ewan ko. Di ko alam. Basta gusto ko
lang. May angal ka?” Sabay lingon sa akin at pa-cute ng mata.
“Haay ewan. Sige na nga. OK lang.”
Nasabi ko nalang na tumingin sa ibang direksyon. Noon mahirap ako makisama at
magtiwala sa iba, pero ng marinig ko ang tibok ng puso ni Yui kagabi nung
umiiyak ako, naramdaman ko kung gaano siya ka sincere sa mga pinagsasabi nya.
“Lang? Grabe naman to.” Napapailing na
tugon nya. “Gutom ako. Ikaw ba? Tara, meryenda tayo?” anyaya niya sa akin. Paglingon
ko sa kanya, nakangiti na naman ito ng ubod ng tamis sa akin.
“Libre mo?” Tinitigan ko ulit siya.
Nakita ko syang nagpipigil ng tawa.
“Ikaw na manglibre, bumawi ka naman
sa akin. Napahiran mo na nga ng sipon ang shirt ko kahapon.” Sabay tawa ng malakas.
Napatawa naman ako. Nakakahawa talaga ang pagtawa niya. Parang si Karin lang.
“Takte! Si Karin na naman.” Naiiling
na sabi ng utak ko. “O, sige na nga. Ikaw naman ang taya kahapon. ‘Nu gusto mo
kainin?” Tanong ko nalang sa kanya. Ang sarap pala niya kausap. Nawawala ang pagiging loner at emo ko ng dahil
sa kanya.
Napa-isip naman siya. “Kumakain ka
ba ng kwek kwek?” Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko.
“Oo, minsan. Kumakain ka nun?” Balik
na tanong ko sa kanya.
“Bakit? Porke ba Japanese ako, di
pwede kumain ng Kwek Kwek?”
“Ewan ko sayo. Dami mong alam.”
Tumayo naman ako. “Tara!”
Pumunta kami sa may mapalit na Kwek
Kwek na suki ko na. Nasa labasan lang yun ng campus, kaya malapit lang. Masarap
ang sauce nila dito, yun ang nagustuhan ko.
“Sigurado kang kakain ka nyan?”
Sabay abot sa kanya ng tatlong nakatuhog na kwek kwek.
“Oo. First time.” Napatawa naman
siya. Saka hinipan ang mainit-init pang kwek kwek.
“Ha? Ilang taon ka na dito sa Pinas,
ngayon ka pa lang makakain nyan?” Nguso ko sa hawak niyang kwek kwek. “Where
have you been all this years?”
“Dyan lang, sa puso mo.” Natawa
naman ako sa binirit nya.
“Sira. Siningit mo pa talaga yun
ha?” Natatawa talaga ako.
Nakita ko namang kinain na niya yung
isang kwek kwek. Tinitigan ko lang sya, at inabangan ang magiging reaksyon
niya. “Wow!” Napangiti siya. “Ang sarap naman nito Yoh!”
Natigilan naman ako sa kanyang
tinawag sa akin, Yoh. “P-pwede bang Jayden nalang itawag mo sa akin? A-ayoko ng
Yoh eh.”
“Bakit nga? Astig kaya.” Nagtataka
ang mukha nya. Saka aktong sinubo naman nya ang natitirang kwek kwek.
“Tawagan kasi namin yun ng Ex ko. At
ayokong maalala pa.” Malamig na tugon ko. Sabay kain ng kwek kwek.
Nagulat naman ako ng biglang
mabilaukan sya. Kumuha naman agad ako ng samalamig at ipinainom sa kanya.
“Hoy! Okay ka lang? hinay hinay din
sa pagkain.” Natatawa pa ako sa itsura nya ng mabilaukan sya. Mukha siyang
ewan, pero cute pa rin. Tss. Ano ba tong nakikita ko sa kanya?
Natawa naman siya sa nangyari.
Maya-maya, hinarap niya ako. “Eh sa gusto ko ng Yoh eh. At isa pa, ikaw ang
nauna sa tawagang yun. Sumunod lang ako.” Ngiti niya.
“Basta ayoko.” Simangot ko. Kinain
ko naman yung kwek kwek na hawak-hawak ko.
“Sabi nga nila, the best way to conquer
our fears and pain is to face them. Accept the truth, and move on.” Sabi nya,
sabay abot sa akin ng isa pang set ng kwek kwek. “Accept the things you can’t
change; be brave to change the things that you can; and be wise enough to see
the difference.”
Wow. Di agad ako nakapagsalita dun
ah? But, he has a point. Pano ba mawawala ang sakit at takot sa dibdib ko kung
palagi ko lang itong tinatakbuhan? “Ikaw na dude! Ikaw na ang mahal na Propeta.”
Palakpak ko pa sa nasabi niya.
“Oi, wag dude. Gusto ko Yoh.” Sabay
ngiti pa.
Napangiti nalang ako sa tinuran nya.
Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya, kahit
kahapon lang kami masyadong nagkakilala. Tumango naman ako, senyales na
pumapayag na ako sa gusto niya.
“Pano nga pala yung ipe-present natin sa
Monday? Sa bahay nyo ba tayo magpa-plano or dun sa amin?”
“Sa bahay nalang siguro. Nakakahiya
kung dun sa bahay nyo.” Pilit kong ngiti sa kanya.
“Hindi yan. Mababait parents at
kapatid ko. Mag-eenjoy ka sa bahay.”
“Sa susunod na lang.” Ayoko muna.
Nag-aadjust pa ako sa dating tinahak kong daan, at siguro’y tatahakin na simula
ngayon. Ang daan para maging masaya. At hindi na ako lilingon pa sa daan na puno
ng kalungkutan.
“Okay.” Binayaran naman niya agad
ang kinain namin. Hindi sana ako papayag pero mapilit siya. Sabi pa nya, “What
are best friends for?” Tsk. Yung mga hirit na naman nya.
Dumidilim na ang kalangitan ng
mapagpasasyahan naming umuwi na. At ngayon ko lang nalaman, malapit-lapit lang
naman pala ang bahay nila Yui mula sa amin. Siguro mga 6 na bahay lang ang
pagitan.
“Halika na. Sakay na.” anyaya nya sa
akin na sumakay sa motor nya. Pinilit ko syang magpepedicab nalang ako pauwi
pero mapilit talaga eh.
“Ha? Hindi ako marunong sumakay
nyan.” Pagsisinungaling ko. Ang totoo, nahihiya lang talaga ako sa kanya.
“Sus! Ewan ko sayo. Ka lalaki mong
tao, hindi ka marunong? ‘Lika na Yoh. Bilis na. Hinahanap ka na ni Nanay.”
Pagpipilit nya sa akin.
“Sige na nga.” Napasakay naman ako
sa motor nya. Nahiya ako sa ginamit kong palusot. Hahaha!
Umaandar na ang motor nya, at
nagsisimula na naming baybayin ang kalsada pauwi sa amin. Hindi ko alam kung
saan ako kakapit. Sa bewang nya ba, o sa balikat nalang.
Maya-maya pa’y napagdesisyunan ko ng
sa balikat ako hahawak. Aktong papahawak na ako sa balikat nya ng kunin ng
kaliwang kamay niya ang kamay ko at iniyakap sa may bewang nya. “Kapit ka Yoh,
baka mahulog ka.”
Nanginginig ang kamay kong
nakapulupot sa bewang nya. Takte! Bakit ganito ang nararamdaman ko? At bakit
naba-bother ako sa amoy ng pabango nya? Nababaliw na ata ako. Hindi, at ayoko
maging bakla.
=============================
== The Wind ==
Nakarating naman kami sa bahay nina
Jayden ng walang imikan sa byahe. Naramdaman ko lang ang panginginig ng kamay
nya nung iniligay ko ang mga yun sa may bewang ko. “Siguro, hindi lang sanay.”
Nasabi ko sa sarili.
“S-salamat Yui.” Nakababa na sya sa
motor ko at inabot sa akin ang helmet na pinasuot ko sa kanya. “Bukas nalang
ulit.” Ngumiti siya, for the very first time, ngumiti siya ng ubod ng tamis.
Natulala naman ako. Maya-maya,
kumunot lang ang noo nya ng hindi ako nakapagsalita.
“Yan tayo eh. Nakakain lang ng kwek
kwek for the first time, nata-meme kana jan.” Sabay hampas sa balikat ko. “Hoy,
gising!”
Napakurap naman ako. “H-ha?”
Natawa siya. “Hoy, okay ka lang ba?
Wala naman sigurong lason yung kwek kwek kanina, ok naman ako.”
“A-ah, oo. S-sige. B-bukas ulet.”
Ano ba to? Bakit nata-toungtied ako sa kanya?
Tiningnan niya lang ako na parang
nagtataka. “Ok sige. Punta ka nalang dito bukas.” Sabay talikod at bukas ng
gate.
“S-sige. Bye Yoh.” Nakabawi na ako
sa pagka-starstruck sa ngiti niya. Nginitian ko din sya. Nakatalikod pa rin sya
at papasok na sa loob ng bahay nang makita ko siyang itinaas ang kamay at
kumaway sa akin.
Na starstruck talaga ako sa
pagkatamis-tamis na ngiting iyon. “Haaay. May diabetes na ata ako.” Natawa lang
ako sa tinuran ng isip ko. Maya-maya pa’y pinaandar ko na ang motor ko at
tinahak na ang daan pauwi.
Pagkarating ng bahay, tinext ko agad
sya. “Salamat sa kwek kwek Yoh. Kitakits bukas :)” sabi ko sa text na sinend ko
sa kanya. Umakyat agad ako sa kwarto ko. At pagkatapos magbihis, narinig kong
tumunog ang phone ko.
1 message. From Yoh:
“Salamat din, boy kwek kwek. ‘Ge,
dala ka ng foods ha? xD”
Napapangiti ako sa text nya. “Boy
kwek kwek pala ah?” Nahiga ako sa kama na puro Jayden ang tinatahak ng utak ko.
I can’t stop thinking about this guy. Inlababo na ba talaga ako sa kanya? Bakit
ba sa kapwa ko lalaki ako nagkagusto ulit?
Napabuntong-hininga na lang ako.
Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ako. Pero isa pa lang
ang bagay na alam kong sigurado na ako. Yun ay ang pagiging masaya ko sa
pagkakaibigan namin ni Jayden. Siguro doon nalang muna. Di ko na muna iisipin
ang mga bagay na ‘to.
Kinabukasan. Sabado ng umaga.
Excited akong pumunta kina Jayden. Nagpaluto ako ng Chicken Adobo kay Mama, at
binaon ito sa pagpunta kela Jayden. Pagdating ko sa kanila, naabutan ko lang na
nagdidilig ng halaman si Nanay Nimfa sa tapat ng bahay.
“Good Morning po Nay!” Sabay mano sa
kanya.
“Good morning din hijo. Ang aga
natin ah?” Napako naman ang tingin nito sa lalagyan ng ulam na dala ko. “Ano
yan?”
“Ah. Bigay po ni Mama sa inyo. Pwede
po bang makikain ng breakfast?” Sabay pa-cute.
“Sus. Tinatanong pa ba yan? Kung
ganito kagwapo at kalambing ang kakain sa amin, naku, hindi na ako
magdadalawang-isip.” Napatawa naman siya. Inabot nya ang ulam at binuksan to.
“Wow! Amoy pa lang masarap na ah? Salamat hijo. At pakisabi na salamat, sa Mama
mo.”
“Gising na po ba si Jayden?” Tanong
ko agad. Nakita ko namang napatawa ito ng mahina sa tinanong ko.
“Tulog pa ata. Akyatin mo nalang yun
dun. Sabihin mo gumising na at kakain na tayo.”
Pumasok naman ako sa bahay at
dumirecho sa itaas. Nakita ko namang nakabukas ang pinto, kaya pumasok na ako.
Nakita ko naman si Jayden na natutulog pa. Ang cute cute niya. Nakaunan siya sa
kanyang kanang braso at nakatagilid patalikod sa may bintana.
Para siyang anghel kung matulog. Ang
sarap lang niyang titigan.
Maya-maya, kusang gumalaw ang
katawan ko. Next thing I know is papalapit na ang mukha ko sa mukha niya. Those
lips. Ang sarap halikan. Papalapit na talaga ang labi ko sa labi niya.
Ano ba tong nararamdaman ko? His
lips are so tempting. Parang magnet na hinahatak ako palapit.
My lips were just 4 inches away from
his. Kinakabahan na ako sa ginagawa ko. Bigla naman siyang umungol at gumalaw.
Magigising na ata siya. Dali-dali naman akong natauhan at nagkunwaring tulog sa
tabi niya.
“Shit! Nakakahiya. Muntik pa akong
mabisto. Ang halay mo brad!” ako sa sarili ko. Nakapikit pa din ako.
Nagkunwaring tulog. Maya-maya bumangon siya at umupo muna sa kama.
Dumilat naman ako. Pero parang hindi
nya pa rin ako napapansin sa tabi niya. Siguro half-awake pa lang.
“Good morning Yoh!” Bati ko sa kanya
habang nakahiga pa rin.
Nagulat naman sya at dali-daling
tumayo. “Yui?! What are you doing here?!” Gulat na sabi niya. Kamuntikan na
syang mahulog sa kama ng marinig ang boses ko.
“Ginigising ang mahal na prinsipe.”
Sabay bangon at ngiti sa kanya. “Kain na tayo.”
“Ikaw ha? Kahapon ka pa. Sumusulpot
ka nalang ng pabigla-bigla. Ninja ka talaga no?” Simangot pa niya sa akin at
bumalik sa paghiga sa tabi ko. Naghihikab pa ito.
“Ninja na naman. Yan, adik mo kasi
sa Naruto eh.” Tiningnan ko naman siya. Pumikit ulit ito. “Ui, Yoh. Bangon na.
Kanina ka pa inaantay ni Nanay sa baba. Kakain na daw tayo.”
“Five minutes Yoh.” Sabi pa nya na
nakapikit pa rin.
“No. Ngayon na! Bangon na, dali!”
Niyugyug ko pa sya para lang bumangon na.
“Kulit naman nito eh.”
“Bangon ka na kasi. May pinadala pa
naman si Mama for you.” Kunwari pagtatampo ko.
“Ano naman?” tanong niya. Iminulat
na nya ang isang mata.
“Adobo. Kaya bangon ka na. Dito ako
magbe-breakfast. Tas gagawa pa tayo ng ipe-present natin sa Monday.” Nakita ko
naman siyang nakasimangot habang bumabangon. “Eto naman, ke aga-aga,
nakasimangot ka. We should always start the day with a big smile, para
maattract sa atin ang mga good vibes.”
“Opo.” Ngumiti siya. “Eto na po.”
“Good. Ligo ka muna. Ang baho ng hininga mo. Tas may
laway ka pa sa gilid ng bibig mo.” Napatawa naman ako.
Agad naman niya tong hinawakan at
sinalat-salat ang gilid ng bibig nya, pero wala siyang nahawakan. Sinamaan nya
lang ako ng tingin. “Wala naman ah?”
“Uto-uto. Ligo ka na.” Natawa lang
ako sa pagka-inis nya.
“Sira!” Sabay tayo at kuha ng
tuwalya at pumasok sa banyo ng room niya.
Inantay ko lang siya habang naliligo
siya. Napapailing ako ng maalala ang tangkang paghalik ko sa kanya. Shit. Ano
ba to?
After 15 minutes, natapos na sya. Kitang-kita
ko naman ang katawan niya nang nakatapis lang syang lumabas sa banyo. “Hoy!
Bakit ka nakatulala jan?”
“Ang puti mo pala Yoh no?”
Nastar-struck naman ako sa kinis at puti ng pang-itaas na katawan nya.
“Naman! Nagmana ako ke Mama eh.
Labas ka muna, magbibihis na ako.” Sabi niya habang tinutuyo ang buhok niya.
“Sabay na tayo. Magbihis ka na jan.
Para naman tong babae.” Ngiti ko lang. Nagkunwari akong di naa-apektuhan. “Wala
namang malisya eh, pareho tayong lalaki.” Nasabi ko nalang. Pero ang totoo,
pinagpapawisan na ako sa nakikita ko. Ang kinis kinis ng balat nya. Hindi naman
sya payat, hindi rin mataba. Sakto lang. Walang abs, pero ayos lang. Hindi
naman yun importante sa akin.
“Mga titig mo kasi. Para kang
predator na nakakita na ng prey.” Tawa nya pa. “Labas na kasi.”
“Dito lang ako. Bihis na, dali.”
Pagpupumilit ko pa sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi magbihis
habang pareho kaming nasa loob ng kwarto nya. Kinuha ko nalang yung ipod at
headphones nya at nakinig ng music para naman madistract ako.
“Ano ba tong mga music mo dito? Puro
heartbreak songs eh. Let Me Be The One, One Last Cry, If The Feeling Is Gone,
Over You, It Will Rain?” Kunot-noong tanong ko. I was browsing his playlist. Puro
talaga depressing songs ang makikita mo dun.
“Pakialamanan tayo ngayon, ha?” Sabi
nya. Lumapit naman ito sa akin at kinuha ang ipod niya. “Eh, sa gusto ko ang
mga kantang ito eh?”
“Ok fine. Basta hinay-hinay lang sa
page-emote ha?” nasabi ko nalang.
=============================
== The Leaf ==
Nagulat talaga ako ng binati ako ni
Yui nung bumangon ako kanina. Para talaga siyang Ninja na bigla-bigla nalang
sumusulpot when you least expected it.
“We should always start the day with
a big smile, para maattract sa atin ang mga good vibes.” Ang ganda ng sinabi
niya sa akin kanina. At habang naliligo ako sa banyo, pina-praktis ko ang
ngiting itinago ko ng dalawang taon. Nakaharap ako sa salamin, at parang baliw
na ngumingiti-ngiti.
“Ang gwapo ko naman pala pag
ngumingiti ako. Ngayon ko lang napansin.”
Lumabas ako ng banyo na nakatapis
lang ng tuwalya. Nagtaka naman ako ng nakatitig lang sya sa akin. Sa akin ba, o
sa katawan ko? Wala namang ipagmamalaki ang katawan ko sa katawan niya. Halata
kasi na nagwowork-out siya. Ang biceps nya matitigas, at sigurado akong may abs
siya. Medyo naramdaman ko kahapon nung iniligay niya sa bewang nya ang mga
kamay ko, habang lulan ng motor niya.
Gusto ko sanang palabasin siya kasi
nahihiya ako sa kanya. Pero makulit talaga tong lalaking ito, kaya pinabayaan
ko nalang.
Pagkatapos magbihis, sabay na kaming
bumaba ni Yui. Naabutan namin si Nanay na nagluluto ng fried rice. Nakita ko sa
may mesa na may itlog, daing, hotdog, at ang dinala ni Yui na Adobo. Naamoy ko
agad ang mabangong amoy ng laurel na nanggagaling sa Adobo.
“Ang sarap nito ah? Halatang di ikaw
ang nagluto nito.” Biro ko kay Yui. Magkatabi kaming umupo sa lamesa at
inaantay na matapos si Nanay sa sinangag na niluluto nya.
“Mas masarap kaya ako magluto kay
Mama. Di mo pa kasi natitikman.”
“Sige nga. Patikim nga.” Hamon ko sa
kanya. Napangiti naman siya.
“Itsura mo. Sige ba, contest tayo?
Mamayang gabi. Si Nanay magde-decide.” Napalingon naman sa amin si Nanay at
nakangiti lang habang pinapakinggan ang pinag-uusapan namin.
“Kol ako jan. Pustahan?”
“Sige. Ang matatalo ay manglilibre
sa Lunes, after school.”
“Sige ba!”
Kumakain kaming tatlo ni Nanay sa
kusina ng biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko naman itong sinagot ng
mabasa ko kung sino ang tumatawag.
“Hello Mrs. Samonte?” Agad na bati
ko sa taong nasa kabilang linya. Nakita ko naman na napatigil sa pagkain si Yui
at tiningnan ako.
“Yes hijo, good morning. So, have
you decided yet?”
“Maam, hindi ko pa po kasi nasasabi
sa guardian ko. Can I call you later tonight Maam?” Nasabi ko nalang.
Napakunot-noo naman ako ng makitang palihim na napabuntong-hininga si Yui.
“Sige sige hijo. Just take your
time. Bye hijo.”
“Bye po.” At naputol ang linya.
“Bye po.” At naputol ang linya.
“Sino yun anak?” Si nanay.
“Ah Nay, kasi po yung may-ari ng
school, inoffer ako na maging tutor ng panganay niyang anak. And sabi pa nya,
dadagdagan nya ang allowance na natatanggap ko bilang SA. Eh, naisip ko pong
tanggapin ang offer.”
“Sigurado ka ba jan Yoh?” tanong ni
Yui sa akin. “Diba sabi-sabi sa school, mayabang at basagulero daw yang si
Alfer?”
“Anak, pag-isipan mo muna yan. Bakit
mo ba kasi tinatanggihan ang ibinibigay sa iyo ng papa mo buwan-buwan?
Sobra-sobra pa nga ang pinapadala nya sayo eh.” Si nanay ulit.
“Nay, ayoko pong umasa sa taong
iniwan na kami.” Nalungkot naman ako ng pumasok sa usapan ang taong
kinamumuhian ko.
“Anak.” Napabuntong-hininga naman si
Nanay.
“Basta nay, tatanggapin ko na ang
offer.” Malamig na tugon ko.
Tinapos lang namin ang breakfast.
Napansin ko namang natahimik si Yui, which is weird, kasi naman maingay kasi
tong lalaking ito. Pagkatapos tinulungan si Nanay na magligpit ng kinainan,
umakyat kami ni Yui sa kwarto ko para dun planuhin ang presentation namin.
Pansin ko pa rin ang pananahimik
niya. “Yoh, okay ka lang?” Tanong ko ng nakapasok kami sa kwarto.
“Y-yeah, bakit?”
“Kanina ka pa natahimik ah?”
“Ah, w-wala. Nasarapan lang ako sa daing at sinangag ni Nanay. So anyways, how do we do this?” Pag-iiba nya ng topic. Sabay pasalampak na naupo sa kama ko.
Wala naman akong nagawa kundi
pagplanuhan ang presentation sa Monday. We were exchanging ideas, and I gotta
admit, his ideas were better than mine. Siguro bothered lang ako sa offer ni
Maam Diana, kaya di ako makapag-concentrate.
“Akalain mong matalino ka pala?”
Hirit kong biro kay Yui. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagiging tahimik nya
eh. “May problema kaya sya?” Tanong ko sa sarili.
Natawa naman ito. Pero maya-maya’y
natahimik na din. “Ganyanan tayo ha?”
“Ok ka lang ba talaga?”
“Sigurado ka na ba talaga sa offer
ng mga Samonte? Baka naman mapahamak ka sa Alfer na yun.” Seryosong tanong
niya.
“Kanina pa kita napapansin Yoh.
Kilala mo ba si Alfer? Tsaka sabi ko nga
kanina, ayokong umaasa sa papa ko.”
“Bakit naman? Papa mo yun.”
“Iniwan na nya kami.” Tumingin naman
ako sa may bintana, para iwasanan ang mga titig nya. “I just don’t want to talk
about him for now Yoh.”
Natauhan naman sya. Maya-maya,
naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat. “Sorry Yoh.” Saka ngumiti.
Ginugol lang namin ang buong
magdamag kakaplano at practice sa activity sa Monday. Kinahapunan umuwi muna si
Yui para kumuha ng sasakyan. Pupunta kasi kami sa may palengke para mamili ng
lulutuin namin para sa contest namin.
Pinaplano kong magluto ng Chicken
And Seafood Kare-kare, para ipanglaban sa lulutuin nya. Binabaybay na namin ang
daan papuntang palengke, sakay ng isang magarang sasakyan na pag-aari ng mama
ni Yui.
“Ano ba lulutuin mo?” Tanong niya sa
akin habang nagda-drive.
“Ah. Chicken and Seafood Kare-kare.
Ikaw?” Alas 3 na ng hapon nun at nag-alala akong baka wala ng preskong manok at
hipon na mabibili sa palengke.
“Sushi.” Matipid nyang sagot.
“Wow! Japanese.” Binaling ko naman
sa kanya ang tingin ko. “Nakalimutan ko tuloy itanong kung marunong ka
mag-prepare nun. Matagal ko ng plano sumubok ng mga Japanese food.”
“Oo naman. Tinuruan ako ng Papa ko
dati. Nung bata pa ako.” Napansin ko namang lumungkot ang mukha nya.
“Nandito ba sa Pilipinas papa mo? Di
ba siya ang Japanese, kasi Filipina nga mama mo?”
“Wala siya dito. Matagal na siyang
wala.”
“Eh, asan sya?” Curious na tanong
ko.
“Patay na sya Yoh.”
Nagulat naman ako. “Damn! I was so
insensitive.” Asik ko sa sarili. “Sorry for asking Yoh.” Tinapik ko naman ang
balikat niya.
Pilit siyang ngumiti. “Ok lang.
Salamat.” Di ko naman magawang magsalita pa, nahiya ako sa pinagtatanong ko.
“We’re here.” Sabi nya ng marating na namin ang palengke.
Binili lang namin ang mga
kinailangan naming ingredients at tsaka umuwi na. Dinamihan ko ang binili ko
kasi balak kong pabaunan si Yui ng Kare-kare para naman sa Mama nya.
Kapwa effort kami na lutuin ang
kanya-kanya naming pambato. Habang nagluluto din si Nanay ng banana muffins,
para daw may pang-dessert kami.
At dumating na nga ang oras ng
tikiman, ang dinner. Hinayaan namin si Nanay na unang sumubok sa niluto ng
isa’t isa. Matuman siyang nag-isip kung sino sa aming dalawa ang nanalo.
“Sorry anak, alam mong fan ako ng
mga luto mo, pero sa pagkakataong ito, mas masarap ang luto ni Yui.” Ang sabi
ni nanay sa amin.
Nagtatalon naman sa saya si Yui.
“Yes! Salamat po nay!” Para itong bata na para bang nanalo ng isang contest
kung saan ang premyo ay isang malaking laruan na gustung-gusto nito. “Oh, ano
ka ngayon?” Pagmamayabang nito sa akin.
“Itsura mo Yoh. Sige na, ikaw na.
Kaya lang naman ikaw ang pinili ni Nanay kasi ngayon lang yan nakatikim ng
Sushi eh.” Sabay tawa.
“Sus. Palusot ka pa.” Umupo ito at
tinikman ang luto kong kare-kare. “Wow!”
“Masarap magluto si Jayden anak at
alam kong magugustuhan mo din ang niluto niya.” Sabi ni Nanay kay Yui.
Pakonswelo nya sa akin.
“Oo nga nay eh. Kung dito ako kakain
lage, naku, tataba po ako.” Bumaling naman si Yui sa akin. “Ang sarap ng niluto
mo Yoh.” Sabay ngiti na para bang bumubukas na ang pintuan ng langit dahil sa
tamis nito.
Masagana naming pinagsaluhan ang
hapunan na iyon. Dating-gawi. Bato ng bato naman ng jokes si Yui. Halos
mabilaukan kami ni Nanay sa kakatawa sa mga hirit niya. Ang saya lang namin na
kumakain. Pagkatapos, niligpit na ni Nanay ang mesa at ako nama’y inihanda ang
ipapabaon naming Kare-kare at banana muffins kay Yui.
“Salamat sa bring-house ko Yoh.
Nag-enjoy ako ngayong araw.” Ngumingiti pa sya ng hinatid ko na sya sa labas ng
bahay.
“Sige ba. Walang problema. Salamat
din sa sushi, at last nakatikim na din ako.” Sumakay na sya sa sasakyan nya at
inistart na ang makina nito.
Kumaway lang ako sa kanya at tumakbo
na ang sasakyan.
Umuwi na si Yui. At ako nama’y
nakahiga lang sa kama ko, nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip. After so much
deliberation, kinuha ko ang phone ko at tinext si Mrs. Samonte. Maya-maya pa’y
tumatawag na sya.
“I’m glad you have decided na hijo.
So, kita nalang tayo Monday afternoon. Ipapasundo kita kay Alfer okay?”
“Ok po maam.” At naputol ang linya.
“This is it! Kailangan ko ng harapin si Alfer.”
- Itutuloy -
Eto na guys ang pinahabang chapter ng TLW. Sana po magustuhan nyo. Maraming salamat. :)
ReplyDeleteWow ang galing! Sana si alfer ang makatuluyan nya..tnx Mr. AUTHOR!
ReplyDeletewell, antayin natin ang mga susunod na kabanata.. :)
DeleteSo nice!!,,,thumbs up!!
ReplyDeleteSalamat! :)
DeleteMade my day ^___^
ReplyDeleteKilig kilig din pag may time :) )
Thanks nga pla sa pag acknowledge
Fan mu na ko promise
Salamat po Sir raffy. :)
DeleteGanda ng story
ReplyDeletecute ng nabubuong love story ng mag-Yoh...ano nman gulo ang ihahatid ni alfer? kaabang-abang tlga ito. tnx jace.
ReplyDeleterandzmesia
Awwee ang cute naman. Nakakakilig.kaya lang mas excited ako sa tandem ni jayden at alfer, bibitayin kaya si jay ng patiwarik? Hehehe.
ReplyDelete-benjihelios
Sayang ndi na2loy ung kiss xD hahaha
ReplyDeletegood job mr. Author [Thumbs up] :D
Ganda ng updates! Looking forward for more! C: Nakatuwa ng batuhan ng linya, napaka-natural. Sana makita ko ng tumakbo yung plot sa pagitan ni Alfer at Jayden. Good job author! ~Ken
ReplyDeleteEwan ko peo cguro wala lng ako sa mood nubg bnbsa ko toh mganda xa kaso prang mali or kulang dont get me wrong i love the story wah lagi ko toh inaabangan
ReplyDeleteTnx for mentioning my name
Cord of bulacan
Ah hinhnap ko ung pov ni alfer cguro un ung kulang
ReplyDeleteCord of bulacan
But i am still your fan
Hahaix nakakabitin talaga update kapa at sana dgdagan pa ng new leading man si jayden para todo ang selosan ;)
ReplyDeleteAng ganda talag ng story.
Franz
Like (y) ^_^
ReplyDelete-Vin
hay nakaka excite na talaga to haha ... grabe tnx author s update .... sana makalimutan n ni jay c karin .... at c yui nman ang maging lamn ng puso nya .... haha sorry nadala lng hehe
ReplyDeleteKRVT61
I love how these characters use pang- masa expressions in their exchange of converstions, such as "emote emote din pag may time", and "yan tayo eh"... ha ha! katuwa lang. And author Jace, I'm wondering now, "Where does Alfer Samonte fit in the picture?" He should also have his POV. One more thing, minessage kita sa FB, dinedma mo ako. hi hi.
ReplyDelete~ Noe
thumbs up author..:) ever since silent reader n q d2 xa msob ryt after i learn about Idol ko si Sir ni Sir Mike and stories of Sir Ponse..
ReplyDeleteAnd from time to time nag aabang na aq ng updates ng stories ng iba pang writers.. Honestly author nung nakita q 2 xa list ilang araw pa ang lumipas bgo aq nagdecide basahin 2ng craft mo kac nababagot aq xa title (no offense meant) hehe pro nung nabasa q ung Chapter 1 i ate my words xD
hinintay q tlgang umabot xa Chapter 6 bgo q simulan mula xa Chapter 2.. Sobrang sarap basahin effective ung cliff hanger xa mga previous chaps. and iba ung atake xa mga readers..
I really love the style.. Astig ng personification.. Looking forward for the next chapters..:) napapaisip kac aq xa mga pupwedeng mangyari xa mga characters..
Will the leaf dance with the wind.? or Will the leaf be attach to the tree.?
- poch of mindoro
Guys, maraming salamat sa hataw na comments and reactions nyo dito sa Chapter 6. Nalungkot nga ako nung Saturday, kasi nag-one day ang post nato last saturday pero wala pa ring comments. Buti ngayo at marami na, Waah! Naooverwhelm ako sa mga pagbibigay nyo ng puri at suggestions. Salamat. Maraming salamat.
ReplyDeleteYung tungkol kay Alfer (Tree), medyo dun gugulo ang istorya kaya binitin ko muna kayo sa sweet moments ng mag-YOH. Yun ang gusto ko eh, yung mag wonder kayo kung papano papasok sa equation si alfer. Pero, abangan nyo ang mga susunod na updates. Paganda na ng paganda ang istorya natin, so keep me motivated with your REACTIONS, ok? Salamat..
- Jace, The Author