The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 7
“The Calm Before The Storm”
By: Jace Knight
Author’s
Note:
Magandang
araw po sa lahat! Nga po pala, yung updates natin ay di ko pa alam kung anong
araw, pero ita-try kong maka-dalawang beses sa isang linggo. Kung gusto nyo ng
updates every now and then tungkol sa mga susunod na chapters, you can add me
on facebook at facebook.com/jace.pajz..
Pakonti na
ng pakonti nagbibigay ng reactions ah? Well, tingnan natin kung di kakabugin
nito ang #BestEndingEver ng #G2B, though di pa dito nagtatapos ang istorya ng
ating mga bida. Teka, bakit ako nag ha-HARSHTAG? Hahahaha.
Salamat sa
nagbigay ng mga reaksyon at komento sa Chapter 6: Ang Kaibigan Kong Ninja. The
inspiration for that subtitle is ang kaibigan kong si Jay Ar Hashim from
Zamboanga City. Dapat yun talaga gagawan ko ng istorya, pero mas na challenged
akong gawan ng personification ang mga dahon, ang puno, at ang hangin.
Yung
nag-aabang kay Alfer, konting hintay na lang at papasok na sya at magkakaroon
ng malaking parte sa istorya. Para naman kahit papaano ay di masyadong maging predictable
ang takbo ng kwento.
Finals week
po ngayon, and maybe this weekend ko pa masusundan ang chapter na to. Goodluck
po sa ating mga estudyante na magfa-Finals. Kaya natin to. But in the mean
time, ito na po muna ang 7th chapter ng TLW. Enjoy mga dude! :)
===================================
== The Leaf
==
Sunday.
Umaga pa lang tinadtad na ni Yui ang phone ko ng text. Kakagising ko lang at
hinagilap agad ang phone ko kasi kanina pa ito nagba-vibrate sa lamesang
kinalalagyan nito.
“Good
Morning!” Sabi ng unang text na nabasa ko. “Yoh, gising ka na?”, “Yoh!”, “Mahal
na prinsipe, bangon na!”,”Gala tayo maya?”, “Mall tayo mayang 9am ha?”,
“Susunduin kita.”, “Bihis ka na ba? Ui, reply ka naman kung may time ka.”
Tsk. Kahit
sa text, ang kulit pa rin ng taong ito. Nakakaasar man, pero napapangiti pa rin
ako sa kakulitan nya. Nami-miss ko lang na may gumaganito sa akin. Nami-miss ko
lang si… “Haay. Si Karin.” Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Bigla naman akong napatingin sa orasan na nasa dingding. Nang makita kong
malapit ng mag alas-nuwebe, dali-dali akong pumasok sa may banyo at naligo.
Nakahinga
naman ako ng malalim ng makalabas ako sa banyo at nakitang eksaktong alas-nuwebe
pa lang. Siguro naman, Filipino time yun kung dumating. Nagbihis agad ako at
bumaba na. Nakita ko lang si Yui na gwapong-gwapo sa suot nyang black pants,
apple green na tshirt, at black na sapatos. Halatang-halata sa kanya na kanina
pa ito nag-aantay sa akin.
“Kanina ka
pa?” Pa-inosenteng tanong ko habang nakangisi.
“Malamang sa
alamang. Ang kupad kupad mo Yoh.” Tumayo sya. “Tara na!”
“Ha?
Breakfast muna ako.” Napahinto naman sya sa paglalakad palabas ng pinto.
“Kasalanan
ko bang tanghali ka na gumising? Wag kana mag-breakfast. Paghihintayin mo na
naman ako.” Reklamo nya, pero nakangiti pa rin. Ang cute nya talaga kapag
ngumingiti.
“O sige, dun
nalang tayo kumain. Libre mo ah?”
“Ang duga
mo. Kaw tong natalo kahapon eh.”
“Sa Lunes pa
naman ang usapan na paglibre ko sayo diba?”
“Oo na! Tara
na, bilis.”
Pareho
kaming nagpa-alam kay Nanay. Pagkatapos makapagpaalam kay Nanay, lumabas na
kami ng bahay. Nakita ko naman na may isang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng
bahay. “Sayo yan?” Sabay turo sa sasakyan na nakaparada.
“Yup.”
“Asan ang
motor mo? Kala ko kasi magmomotor tayo.” Tanong ko sa kanya. “Bakit iba yung
dinala mo kahapon?”
“Ano ka? Ang
init kaya. Tas yung kahapon, kay mama yun. Ito ang sa akin.” Sumakay naman agad
kami sa sasakyan niya. Ang linis sa loob at ang bango pa. Di ako nasanay sa mga
ganito kamamahalin na kotse.
“Yaman nyo
naman Yoh.”
Nginitian
nya lang ako at nagsimula ng magdrive papuntang mall. Di naman yun kalayuan
mula sa subdivision namin. Kwentuhan lang kami habang nasa sasakyan. Di naman
ako nabored sa byahe kasi ang daldal ni Yui. Yung tipong di nauubusan ng kwento
at joke. Tawa lang kami ng tawa.
Pagkarating
namin ng mall, dumiretso agad kami sa isang fastfood para magbreakfast. Nanuod
ng sine, naglaro sa may arcade, at nagpasama sa
book store upang tumingin ng mga bagong libro.
“Mahilig ka
din pala sa libro Yoh?” tanong nya ng tumitingin na kami sa mga nakalinyang
libro.
“Oo. Di mo
ba napansin sa kwarto ko? Ang dami na kaya dun.”
“Ah. Oo nga.
Sige, hanap ka lang jan. May pupuntahan muna ako. Text mo lang ako pag tapos ka
na dito.” Sabi pa nya. Napatango lang ako, at lumabas na sya ng bookstore.
Mga
kalahating oras pa akong pumipili ng bibilhin. At ng makapili na ako ng tatlong
libro, binayaran ko na agad sa counter at tinext si Yui.
“Sige Yoh, kita nalang tayo sa may Red Ribbon.” Sabi nya sa reply. Nagpunta naman ako sa may Red Ribbon at nakita kong naghihintay na si Yui duon. Nakangiti lang sya, na para bang sinapian ng kung ano.
“Ui, bakit
ang saya-saya natin ngayon? Anong meron?” Bungad na tanong ko sa kanya ng
makalapit na ako.
“Wala naman.
Ready ka na umuwi?”
Agad naman
akong napatingin at pumili sa mga cake mula sa istante ng Red Ribbon. Binayaran
ko na agad ang isang Black Forest cake ng hindi nagpapaaalam kay Yui para di na
ito kumontra sa pagbabayad. Napakamot nalang sya ng ulo ng makitang nakabalot
na ito at nabayaran na sa counter.
Pauwi na
kami. Kwentuhan lang din sa byahe kagaya kanina. Maya-maya pa’y napansin kong
nakapasok na kami ng aming subdivision. Pero nagtaka ako ng lampasan nya ang
bahay namin.
“Yoh,
lumagpas ka na sa bahay namin.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito. “Hoy!”
“Sino ba ang
may sabi na sa inyo tayo uuwi?” Napakunot-noo naman ako. Maya-maya pa’y huminto
na kami sa tapat ng isang malaking bahay. Agad namang bumukas ang gate, at
ipinasok ni Yui ang sasakyan. “We’re here!” Ngiti pa nya na ubod ng tamis.
Pinalabas na
nya ako ng kotse, at sabay na nga kaming bumaba. Napamangha ako sa kabuuan ng
bahay. Ang laki, at may garden pa na halatang alagang-alaga. “Bahay nyo?”
Tanong ko sa kanya.
“Yep!”
Ngumiti ito. Sinalubong naman kami ng isang babae na sa tantya ko’y nasa mga
mid 40’s pa. “Andito na kami Ma!” at sabay humalik sa pisngi ng babae. Mama
nya?
“Good
afternoon po Maam.” Magalang na bati ko dito.
“Good
afternoon din hijo.” Niyakap naman ako nito. “You must be Jayden right?
Finally, nakilala na kita. Ilang araw ka ng kinukwen---“
“Uhmm ma!”
Pagpigil ni Yui sa sasabihin ng mama niya. Nagtaka naman ako, at hindi agad
nakareact sa pagyakap ng mama nito sa akin. “Yoh, this is my Mama. Ma, si
Jayden po. Kaibigan ko.” Pagpapakilala nito sa amin. Ngumiti naman ang mama nya
na sinamaan nya lang ng tingin. “Pasok na po tayo. Yoh, pasok ka.” Pilit na
ngiti sa akin ni Yui.
“Naku hijo.
Pasensya na sa kadaldalan ko. Lika, pasok ka.” Anang mama ni Yui. Ngumiti lang
ako at sumunod na sa kanila sa pagpasok sa bahay.
Inilibot ko
naman ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay. Maganda, at mas malaki kesa sa
amin. Alagang-alaga. Halatang nakakaangat talaga sila sa buhay.
“Hijo,
pagpasensyahan mo na ang bahay namin ah? Pero feel at home lang.” Sabi ng mama
ni Yui.
Noon ko lang
naalala ang cake na binili namin kanina sa mall. “Ay, nga po pala Maam, p-para
sa inyo po.” Sabay abot dito ng box ng cake.
“Naku hijo,
nakaka-Madame Auring pakinggan kung Maam itatawag mo sa akin. Tita Pearl
nalang. Salamat dito ha?” Sabi nito na ang cake ang tinutukoy.
“Walang
anuman po T-tita.” Nagpaalam ito at sinabing kukuha lang daw ng merienda.
Naiwan lang kami ni Yui sa may sala.
“Pasensya ka
na sa mama ko Yoh. Madaldal kasi.” Reklamo nya.
“Halata nga,
may pinagmanahan ka nga eh.” At nagtawanan kami. “Ang laki ng bahay nyo.”
Ngumiti lang
sya sa akin. “Yoh, punta muna ako ng kwarto ko. Sama ka?”
“S-sige.” No
choice ako. Nahihiya akong maiwan sa sala na nag-iisa.
== The Wind
==
Isinama ko
si Jayden sa kwarto ko kasi natatakot akong ibuking ako ni Mama pag nagkausap
sila ni Jayden na wala ako sa tabi nila, pareha kanina. Hehehe.
“Welcome to
my room.” Sabi ko ng makapasok kami sa kwarto ko. Nakita ko syang nililibot ng
tingin ang kwarto ko. Agad akong pumunta sa may cabinet ko at tumalikod sa
kanya. Umupo naman sya sa kama ko.
Kinuha ko
mula sa sling bag na dala-dala ko ang isang box na binili ko sa mall kanina
nung iniwan ko sya sa bookstore.
Dahan-dahan lang para di niya mahalata na may binili ako.
“Sana
magustuhan mo to.” Ang mga lumabas sa bibig ko. Patay! Bakit ko ba nasabi ang
mga katagang yun?
“Ang alin?”
Haay salamat at hindi nya na gets. Hahaha!
“Ang gift ko
para sa iyo.” Ang sabi ng isip ko. “A-ah. Ang kwarto ko.” Palusot ko. Muntikan
na.
“Ang ganda
nga eh. Mas malaki kumpara sa akin, tas ang gagara ng gamit.” Lumapit naman ako
sa kinauupuan nya at ngumiti. “Bakit ganyan ka kung makangiti? Kanina ka pa ah?
Siguro nagkita kayo nung girlfriend mo sa mall.” Kunot-noong tanong niya.
“Teka, meron ka nga bang girlfriend Yoh? Wala ka pang nababanggit.”
“H-ha?
W-wala pa. Pero may crush ako.” Sabi ko nalang. Umupo ako sa tabi niya at
nakita kong napadako ang tingin nya sa mga picture frames na nasa side table ng
kama ko.
“Sino naman
yang crush mo?”
“Basta.”
“Ang cute mo
dito oh.” Kinuha nya yung isang picture frame na naglalaman ng picture ko nung
gumraduate ako ng highschool. Kasama ko sa picture na yun sina Paul at si
Alfer.
“Patay. Si
Alfer nga pala.” Sabi ng utak ko.
Nakita ko’ng
napakunot-noo siya habang tinitignan ang litrato namin nina Alfer. “Siguro
kamukha lang.” Ang mahinang na-usal nya pero narinig ko pa rin.
Inaya ko na
syang bumaba agad, baka inaantay na kami ni Mama sa ibaba. At baka may makita
pa siyang mag-uugnay sa amin ni Alfer. Ayoko munang sabihin sa kanya.
Pagkababa
namin, inaantay na nga kami nina Mama. Nakita ko naman si Ate Reema at James na
nanunuod lang ng TV sa sala. Agad kong ipinakilala si Jayden sa kanila.
“Guys, this
is Jayden. Kaibigan ko. Yoh, si Ate Reema, at si James, bunso namin.”
Pagpapakilala ko sa kanila.
“G-good
afternoon po A-ate, J-james.” Bati ni Jayden sa kanila.
“Ui, Jayden.
Ang gwapo mo pala sa personal.” Tsaka kumaway si Ate Reema kay Jayden. “Lika,
upo ka dito.” Tiningnan naman ako ni Ate Reema na nakangisi. Sinamaan ko lang
sya ng tingin at sinenyasan na mag-behave.
“Kuya
Jayden, ingat ka dyan kay ate. Nanunuklaw ng mga gwapo yan.” Sabay tawa ni
James. Binatukan naman ito ni Ate Reema. “Aray!”
“Itsura
nito. Daming alam.” Saway ni Ate kay James. Nagtawanan nalang kami.
Kwentuhan
lang naman. Nahahalata kong sa una hindi pa masyadong komportable si Jayden na
makipag-usap sa dalawa kong makukulit na kapatid. Pero nang lumaon, nakikisabay
na sya sa amin.
Kinagabihan,
pinilit ko si Jayden na dito nalang mag-dinner kasama namin. Napapayag ko naman
sya, at hinatid sya pauwi. Naglalakad lang kami nung papauwi sa kanila.
“Salamat nga
pala sa pagpunta sa bahay.” Ngiti ko sa kanya.
“May choice
pa ba ako? Binigla mo ko Yoh eh. Ang duga mo.” Ngumiti lang din sya. “Pasensya
ka na kanina, medyo na out of place lang ako sa inyo. Medyo di pa kasi ako
sanay na makipag-usap sa iba eh. Alam mo na.”
“Ok lang yan.
Masasanay ka rin.” Sabi ko. Nakarating na pala kami sa kanila. “Goodnight Yoh.”
“Goodnight.
Kita nalang tayo bukas sa school. Yuug presentation ha? Galingan natin.” Ngiti
pa nya.
“Oo naman.
Sige, una na ako.”
Umuwi na
agad ako. Pagkarating ko ng kwarto, inistart ko agad ang computer ko. Habang
inaantay mag boot ang computer, kinuha ko sa cabinet ko ang box na binili ko kanina
sa mall. “Sana magustuhan mo to, Yoh.” Sabi ko at ngingiti-ngiting pinagmasadan
ang bagay na nasa kahon na iyon.
=====================================
== The Leaf
==
And so,
Monday came. Nagreready na ako sa presentation namin sa English, pero wala pa
si Yui. Nakalimutan ko naman ang phone ko sa pagmamadali. Di ko matetext nito
si Yui. Sana lang dumating sya on time.
Nirereview
ko ang aming magiging presentation ng biglang may nagtakip ng mata ko. “Yoh,
bakit ngayon ka lang? Buti naunahan mo pa si Miss Tayko.” Lumipat naman sya sa
tabi ko at umupo. “Wag ka. Alam kong ikaw lang ang gagawa nun. Ninja talaga eh
no?”
“Sorry na.
Hindi ka naman kasi nagtext eh.” Simangot pa niya. “Akala ko kasi andudun ka pa
sa may fountain kaya dumaan muna ako dun.”
“Pasensya
po, naiwan ko ang phone ko.” Sabay naman naming ni rehearse ng konti ang
presentation namin.
Maya-maya pa
ay dumating na ang Prof namin at nagsimula na ang presentations. Panglima
kaming pares na magpe-present.
Natapos
naman ng maayos ang presentation namin, at isa kami sa mga pares na nakakuha ng
perfect points sa activity na ito. “Wow. Tama nga ako na idea ni Yui ang
ginamit namin.” Anang utak ko.
“Sabi ko
sayo, diba? Wala kang bilib sa akin eh.” Pagmamayabang pa ni Yui pagkatapos ng
presentation namin.
“Oo na, ikaw
na! Mamaya, libre kita ng meryenda.” Ngiti ko sa kanya. Nakita ko syang
naghihikab. “Yan kasi, nagpuyat ka naman kagabi no, kaya naghihikab ka ngayon?”
Tumawa siya.
“May ginawa lang po. Mamaya ha?”
“Sige, kita
nalang tayo after class.” Sabi ko.
Sabay kaming
lumabas ng classroom namin. Vacant pa ako ng one hour kaya tatambay muna ako sa
may fountain at siya nama’y nagpaalam na may klase pa daw siya ng PolSci sa
kabilang building.
Kakarating
ko lang sa tambayan ko sa may fountain ng marinig ko ang pag-uusap ng dalawang
babae. Kilala ko sila. Si Quimee at Sheena na parehong Tourism students ng aming
school. Kilala ang dalawa sapagka’t sila lang tinaguriang “Femme Fatale” Cheer
Leaders ng school. Kikay, pasaway, at puro kabalbalan ang laman ng utak. Sayang
ang ganda nila.
Wala naman
akong dapat ipag-eavesdrop sa usapan ng dalawa. Kaso lang nabanggit kasi ni
Sheena ang pangalan ni Alfer Samonte sa pag-uusap nila. Nagpanggap akong
nakikinig ng music sa ipod ko, pero ang totoo nakikinig ako sa kanila kasi nasa
kalapit na bench lang naman sila naka-upo.
“Ang hot
talaga ni Papa Alfer. Ayain ba naman akong makipag-date sa Saturday? And I was
like, OMGWTF, so kilig!” ang maarteng pahayag ni Sheena na sinabayan pa ng
pagtawa.
“Talaga
bess? Wow naman. Gora ka na kay Papa Alfer. Single daw sya, according to the
rumors, so malaki ang chance mo!” Sagot ni Quimee.
“Go na ba
talaga bessie?” Pakipot na tanong ni Sheena. Tumango naman si Quimee, at
nagtilian ang dalawa.
“Tss. Ang
lalandi. Sige lang, sa susunod, nakalinya na kayo sa mga babaeng pina-iyak
nyang si Alfer Samonte. Tss.” Nasabi ko nalang sa sarili.
================================
== The Tree
==
Naglalaro
ako ng basketball ng biglang tinawag ako ng kaibigan kong si Paul.
“Dude! May
tawag ka. Mommy mo.”
Agad naman
akong lumapit dito at kinuha ang phone na iniwan ko sa kanya kanina. Sinagot ko
ang phone. “Yup Mom?”
“Son, please
sunduin mo mamayang 5pm si Jayden sa harap ng school gate nyo. He will start
today, or I better say, you two will start today.” Sabi ni Mom.
“Mom naman,
may practice pa kami ng basketball. Gagabihin ako ng uwi ngayon.” Reklamo ko
pa.
“Susunduin
mo si Jayden, or grounded ka for two weeks?” Banta ni Mom.
“Ok fine!”
Sabay putol ng linya.
Anak ng kwek
kwek. Bakit ba ako naiiipit sa sitwasyong ito? Napabuntong-hininga nalang ako
at bumalik sa paglalaro.
10 minutes
before 5pm, nagbihis lang ako sa locker room ng school at dumirecho agad ako sa
parking lot at kinuha ang sasakyan ko. Tapos binaybay ko na ang palabas ng
school, nang makita kong naghihintay na si Gonzales sa akin.
Paghinto ko
pa lang sa tapat niya, binuksan na agad niya ang pinto at sumakay. “You’re 5
minutes late.” Malamig na sabi nito.
“You’re
welcome!” Inis na sagot ko sa kanya. Bakit ba ang presko nya? Ang yabang lang
kasi. Kala mo kung sino.
Wala kaming
imikan habang nasa byahe papauwi sa bahay. Napansin ko sya kaninang naglagay ng
headphones at nagpatugtug ng music sa ipod niya.
Nang
marating namin ang bahay, hinugot naman nito ang headphones at inilagay sa bag
niya. Lumabas kami pareho sa sasakyan, at ng aktong papasok na sya sa loob ng
bahay, hinawakan ko ang braso niya.
“You are my
slave. So dapat ang loyalty mo, nasa akin. Understood?”
Tiningnan
lang niya ako at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat.
“I’m talking
to you!” Pagtangka kung pigilin ulit siya.
“Whatever.”
Narinig ko pang sabi niya. Tumalikod naman siya at naglakad papasok ng bahay.
Ang lakas
talaga ng loob na tratuhin akong ganito. Haaay. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Sinundan ko lang siya na pumasok sa bahay. Naabutan namin si Mom na nasa sala.
“Welcome to
our home hijo.” Bati nito kay Jayden. “Son, magbihis ka muna at bumaba agad
dito. May pag-uusapan tayong tatlo.” Baling niya sa akin.
Tumango naman ako at umakyat sa itaas at direcho sa kwarto ko. Agad naman akong nagbihis sa kwarto ko at bumaba sa may sala. Naabutan ko lang si Mom at si Jayden na nag-uusap. Parang kabaliktaran ng pinapakita sa akin ni Jayden ang pinapakita nito kay Mom. Ngumingiti naman ito, at matinong nakikipag-usap kay Mom.
Tumango naman ako at umakyat sa itaas at direcho sa kwarto ko. Agad naman akong nagbihis sa kwarto ko at bumaba sa may sala. Naabutan ko lang si Mom at si Jayden na nag-uusap. Parang kabaliktaran ng pinapakita sa akin ni Jayden ang pinapakita nito kay Mom. Ngumingiti naman ito, at matinong nakikipag-usap kay Mom.
“Alfer, sit
down. Kumain ka muna.” Turo nya sa inihandang cake at pizza na nasa center
table. Pabalibag naman akong naupo sa sofang katabi ng inuupuan ni Jayden.
“Nag-usap na kami ni Jayden, and we agreed na every Tuesday and Thursday siya
paparito upang i-tutor ka. And half-day rin every Saturday."
“What? Bakit
ang daming araw ko ata siyang dapat pakisamahan?” Reklamo ko.
Pinandilatan
naman ako ng mata ni Mom. “Watch your tongue Alfer.”
“Sus!” Asik
ko pa.
“Anyways
hijo, you should come join us over dinner.” Sabi pa ni mama sa kanya.
“Naku, wag
na po. Nakakahiya.” Ano to? Bakit parang nagiging maamong tupa ang kumag na to?
Ibang-iba sa pinapakita nitong kagaspangan sa akin.
“No I insist
hijo. Ipapahatid kita mamaya kay Alfer after dinner. Gusto ka ring makilala ng
asawa ko.” At nakita komg ngumisi sa akin si Mom.
What? Ako
talaga ang maghahatid sa kanyang pag-uwi? At si Dad, bakit nagkaron siya ng
interest na malaman ang nagaganap sa bahay na to? Weird!
=========================
== The Leaf
==
She was very
nice. San kaya nagmana ang Alfer na yun? Hindi hambog at napaka down-to-earth
ni Maam Diana, hindi gaya ng anak nito. At inanyayahan pa akong mag dinner
kasama sila. Nahihiya man, wala na akong nagawa kundi ang paunlakan ang
imbitasyon nito.
Habang
hinihintay ang dinner, kwento lang ng kwento si Mrs. Samonte tungkol sa
kabataan ni Alfer. Tuwang-tuwa nitong shinare ang nakakatawang ginagawa ni
Alfer noong bata pa ito. After a while, may narinig akong kotse na dumating.
Nagtakbuhan
naman papasok ng bahay ang kambal na anak ni Mrs. Samonte. Humalik agad ito sa
pisngi ng ina, at tinitigan nila ako na nagtataka kung sino ako.
“ Mga anak,
this is your Kuya Jayden. Siya ang magiging tutor ng Kuya Alfer nyo.” Pakilala
nya sa akin. “Jayden hijo, this is my twins, Brent and Brenna.” Baling nito sa
akin at ipinakilala ang kambal. “Siguro kilala mo na sila, since nasa High
School department lang sila ng school nyo.”
“Nice
meeting you Kuya Jayden.” Sabay na bati sa akin ng kambal.
“Nice
meeting you two.” Ngumiti naman ako sa kanila. Napansin ko namang nakamasid
lang at natulala si Alfer sa akin ng nginitian ko ang mga kapatid niya.
May isa pang
kotseng dumating, at maya-maya pa ay iniluwa na ng pinto ang sa tingin ko’y
nasa late 40’s na na lalaki. Siguro Papa ito ni Alfer. Napakakisig pa rin nito
sa kabila ng edad. Pero may napansin lang ako sa kanya, para itong
napakastrikto at tahimik lang na pumasok sa loob ng bahay.
“Hon, good
evening.” Sabay halik nito sa pisngi ni Mrs. Samonte.
“Hon, this
is Jayden Bernardo Gonzales, ang nakuha kong tutor for Alfer. Jayden, this is
my husband, Raphael Samonte.”
“Good
evening po.” Bati ko dito. Bakit isinama pa ni Maam Diana ang apelyido ng Mama
ko?
“Good
evening din hijo. You look familiar.” Ang wika nito na nakapagpakunot ng noo
ko. Kinamayan nya naman ako. Napansin ko lang na titig na titig sa aming dalawa
ni Sir Raphael si Alfer.
“Baka naman
kasi isa sya sa mga scholar ko, hon?” Si Mrs. Samonte, na may halong ngiti sa
mga labi.
“Siguro.
Well, akyat muna ako sa itaas at magbibihis muna. Excuse me hijo.” Sabi nito at
pumanhik na sa itaas.
Inaya naman
ako ni Mrs. Samonte na pumunta na sa may dining area nila, at dun nalang daw
namin antayin ang asawa nito. Tumalima naman ako. Tahimik lang na nakasunod sa
amin si Alfer. Pagkatapos ng ilang sandali, sunod-sunod na dumating ang kambal
at si Sir Raphael.
“Nabasa ko
pala ang information mo hijo. I hope you don’t mind.” Sabi ni Mr. Samonte nung
kumakain na kami. “You’re middle name is Bernardo, tama ba?” dugtong pa nito.
Kinabahan naman ako bigla. Akala ko hindi na ako kakastiguhin ng mga ito.
“Y-yes po.”
Magalang na sagot ko.
“Are you, by
chance,related to Margarette Bernardo?” Kapag kuwan ay natanong niya.
Natahimik
naman ako bigla. Di agad ako nakasagot. Nag-iisip pa ako kung sasagutin ko ba.
“Opo. She’s my mother.”
Nagulat
naman ang matandang lalaki sa sinagot ko. Napangiti lang din si Maam Diana. Si
Alfer, medyo nagtaka rin na katulad ko. Bakit kilala ni Sir Raphael si Mama?
“Hon, you just
spilled the beans. Isu-surprise ko sana sya.” Kunwaring pagtatampo pa ni Maam
Diana sa asawa.
“What a
small world hijo!” Ang nasabi ni Sir Raphael ng makabawi ito sa pagkagulat.
“Bakit po?
Kilala nyo po si Mama?” Tanong ko.
“Yes hijo.
She was Raphael’s first heartbreak.” Ngiti pa ni Maam Diana.
“Gary was
Diana’s bestfriend. Niligawan ko Mama mo noon kasi nagkagusto ako sa kanya.
Pero, she rejected me. At eto namang si Diana, biningwit ako agad.” Napatawa
lang ang dalawa sa pagbalik-tanaw sa nakaraan.
“Those were
the days.” Sabi pa ni Maam Diana. “Na mimiss ko tuloy si Gary.”
“Speaking of
Margarette, asan na pala sya ngayon? After college kasi, di na namin sya
nakita.” Natigilan ako sa tanong ni Sir Raphael.
“Oo nga
hijo. Kumusta na si Gary? Sana magkita kami one of this days.” Si Maam Diana.
“Wala na po
si Mama. Patay na po sya.” Malungkot na tugon ko sa mag-asawa. “Sampung taon na
po simula nung mamatay sya sa Ovary Cancer.”
Mas nagulat
pa ang mag-asawa sa nalaman. Unang nakabawi si Sir Raphael. “I’m very sorry for
your loss hijo. Mabait na tao si Gary, at alam kong pareho tayo na nami-miss
sya.”
“Salamat
po.” Nakita ko naman si Maam Diana na nagpupunas ng luha habang inaalo siya ni
Sir Sir Raphael.
“Pasensya na
Jayden, at naging emosyonal ako. Gary was my best friend since high school at
hindi ko akalaing wala na siya. Matagal ko na syang hinahanap, pero lahat kami
na mga kaibigan niya noong college ay wala ng naging balita sa kanya.”
“Well
anyways, let’s just think na Gary is in a better place now.” Iniba naman ni Sir
Raphael ang usapan para naman siguro gumaan ang paligid. After dinner,
pinaki-usapan na ni Maam Diana si Alfer na ihatid na ako.
Habang nasa
sasakyan, wala lang kaming imikan ni Alfer. Gaya kanina, kinuha ko lang ang
ipod ko at headset, nakinig lang ng music habang nasa daan pauwi.
Sa usapan
namin nina Maam Diana at Sir Raphael kanina, na-miss ko lalo si Mama. Ano kaya
ang naging buhay ko kung di kinuha ng maaga si Mama? “Mama, I miss you.” Nasabi
ng isip ko.
Habang
inaalala si Mama, di ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pero pinunasan
ko agad ang mga ito bago pa makahalata si Alfer.
“Ang liit
pala ng mundo no? Akalain mo, magkakilala pala ang parents natin?”
Nanatili
lang akong tahimik at nagpanggap na nakikinig lang ng music, pero ang totoo,
narinig ko sya.
Nagulat
naman ako ng bigla niyang hinugot ang headphones sa tenga ko. “Hoy! I’m talking
to you.”
“Ano ba
problema mo?!” Asik ko sa kanya. Napansin ko naman malapit na kami sa amin.
“Ihinto mo na ang kotse.”
Hininto
naman niya. Agad akong lumabas sa kotse at napansin ang motor na nakaparada sa
tapat ng gate namin.
“Y-yui?”
Napamaang ako ng nakita ko siya sa harap ng bahay.
“San ka
galing Yoh?” tanong nya agad sa akin. Nagulat naman siya ng makita si Alfer na
lumabas ng kotse. “Alfer?”
- Itutuloy -
Guys, eto na yun o. Hahaha. Hope you will like this. add me naman sa facebook at facebook.com/jace.pajz usap tayo dun. hahahahaha :)
ReplyDeleteShet! Ang ganda!!!!!!! Pls author sana si alfer makatuluyan niya...:(
ReplyDeleteDapat kahapon (MONDAY) ko pa to pinost eh. Kaso lang marami lang ginagawang project dahil Finals week na dito sa amin. Sorry po mga dude. hehehe. Si Rizal na muna aatupagin ko, see you this weekend ulit, for the next Chapter.. :)
ReplyDeleteHi Boss Jace, fan po ako ng story mo. Hehe. First time ko din po magcomment dto. Ang galing po ng pagkakagawa niyo , masyado pong natural yung flow :D Sana po maging magkaibigan tayo writer. hehe. Ano pong course yr lvl at school nio ? hihi mktanong ako wagas XD exchange emails po tau XD
ReplyDelete--Hao_Inoue--
Sure po, add me on facebook at https://www.facebook.com/jace.pajz, or you can send me an email sa jaceanime@gmail.com.. aantayin po kita :)
Deletekeep it up author :)
ReplyDeleteone thing is for sure.. ninja storm is on their way xD hehe
- poch
yun o Salamat Poch. oo, sa mga susunod na chapters, mala-bagyong Yolanda ang mga mangyayari. antayin nyo sa weekend.. :)
Deletenice work....sana everyday my update;)
ReplyDeleteSalamat po. Kung pupwede nga lang eh, kaso marami lang ginagawa. Ako nga rin po, naeexicte sa mangyayari sa susunod. :)
Deleteguys, please naman o. REQUEST LANG PO. add me sa facebook at https://www.facebook.com/jace.pajz, usap po tayo doon. aantayin ko kayo :)
ReplyDelete- Jace, The Author
Shit eto na yun! ~Ken
ReplyDeleteumpisa nb ng kumpetiyon sa puso ni jayden? tnx sa update jace.
ReplyDeleterandzmesia
Pakahet this is it pansit !
ReplyDeleteType ko na c alfer...sna marami xang lines at moment :))
Add kita accept mu ko author ah
I love it author. Bitin peo excited ako sa susunod na chapter nice twist sa chapter na toh kala q magkapatid cla alfer at jayden ndi pla buti nlang hndi
ReplyDeleteGalingan mu sa exam para mas makapagupdate ka ng maaga
cord of bulacan
we'll be patiently waiting for the next chap. author :) meantime magfocus ka muna xa exams mu at iba pang req. Ü gudlak..
ReplyDelete- poch
Sna mbsa mu toh author
ReplyDeletei wanna add u kaxo d q mkta ung add friend
anyways galingan mu sa exam if u nid help d2 lang kme mga fans mu
cord of bulacan
Cord, try mo ulet i-add ako. na change ko na settings ng FB ko. aantayin kita.. :)
DeleteWow! may fans na ba talaga ako? hahaha. Salamat po. Maraming salamat. you can now add me sa fb again at facebook.com/jace.pajz kitakits!
ReplyDeleteisang exam nalang. magkikita na tayo mamayang hapon Rizal! hahahaha. salamat sa mga nag-abot ng suporta sa career ko bilang writer at bilang isang estudyante. hi fans! kitakits sa weekend para sa susunod na installation ng TLW.. :)
ReplyDeleteSana tinodo na ang mga characters dito. Sana may mga:
ReplyDeleteRoots: ang taong kaagapay ng treeupang mwgiging matatag ang char niya para kay leaf.
ang scissor: tigaputol ng relasyon ng tree at leaf para may kakampi si wind. At catwrpillar: ang peste sa kanilang lahat.
Kaloka! Pinangunahan ang authr. Hehehe
brilliant idea. sige lang, gagawan natin yan ng paraan. :)
Delete