Followers

Tuesday, March 18, 2014

Can't We Try? 1

Info: 

Guys paalala lang po, napaka-iksi po nang chapter na ito, parang teaser lang kumbaga. Either positive or negative comments will be appreciated 'wholeheartedly.

Enjoy reading guys.

-------

Chapter 1


(on the clock, 5 o'clock in the morning)

"Kriiiiiiiiiinggg!..... Kriiiiinggggg!"

nagising ako sa nakakabusit na tunog nang aking alarm clock at napaka-dilim pa kaya pumikit parin ako, sa sobrang antok ko pa ay kinakapa-kapa ko itong hinahanap sa lamesang katabi ng higaan ko para sana patayin ito, nguni't hindi ko ito mahanap at nangapa-ngapa pa ako habang nakapikit dahil ayoko pa talagang bumangon dahilan para ako'y tuluyang mahulog na mula sa aking higaan sa katangahan sa pagkapa.

"Ahhh!!" inis kong sabi ng bumagsak na ako sa baba, at dahil sa antok na antok pa talaga ako ay pumikit muna ako para sana magpahinga muna nguni't nakatulog nanaman pala ako.

Makalipas ng ilang minuto ay naimulat ko na lang ang aking mga mata, hanggang sa narealize ko na nakatulog pala ako ulit sa sahig at.... teka parang may nagsi-sink sa utak ko at..... Oras na pala!

Napabalikwas ako agad mula sa pagkakahiga at tinignan ang aking maliit na alarm clock.

"6 o'clock." pagbabasa ko sa pamamagitan ng aking isipan, nanlaki ang aking mga mata sa nakita, at ang klase ko ay 7:30am at siguradong late na ako sa first day of class.


Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at nang mapansin ko ang aking mga kapatid.

"Hoy mga hampaslupa bakit hindi niyo ako ginising? Late na ako oh!" pagturo ko sa aming orasan."

Siya nga pala, may tatlo akong kapatid na dalawang lalaki na 14 at 15 years old na at ang ate namin na 26 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang cashier sa mall. At ngayo'y si ate at ang aming ina ang gumagawa nang paraan para mabuhay kami. Isa lamang kaming mahirap na pamilya, pero saktong nakaka-kain naman araw-araw. At ang number one rule ng aking ina ay bawal ang puro problema ang iniisip at dapat laging masaya. Napaka-swerte namin dahil nagkaroon kami ng mapagmahal na ina, nagtatrabaho ito sa isang Sewing Shop dito malapit sa amin. 

Ang aming itay ay matagal nang nasa kabilang buhay at alam naming dahil sakanya ang kung anong meron kami ngayon tulad nang trabaho ni inay at ate, despite sa kahirapang tinatamasa namin. Close na close kaming lahat sa isa't-isa lalo na sa aming inay. Masarap sa pakiramdam na si ate at mama ay parang magbestfriend lang kapag nagkekwentuhan, kapag wala silang trabaho ay nagluluto sila ng masarap na ulam at kapag katapos ay makikita mo na lamang sila na nagtatawanan dahil sa kanilang tsismisan.

"At bakit ha? Sinabi mo bang magpapagising ka? Eh excited nga kayong lahat kagabi sa first day niyo na kung saan ang aga-aga niyo nagsitulog." si inay na nagwawalis pala.

"Tapos na nga kami kumain kuya eh, papasok na kami." aba't naka-uniform na pala ang mga ito, parehong 3rd year students itong dalawang kapatid ko sa isang murang paaralan dito sa manila.

"Osya umalis na kayong mga hampaslupa at oras na." sabi ko sa mga ito para maka-alis na at baka ma-late pa sila.

"Kuya Jaja, paheram naman po kami ng shades mo, sayang ang first day kung hindi kami magpapa-impress sa mga new students." si Charl.

"Nako hindi niyo na kailangan magshades pa, mga gwapo na kayo Arvin at Charl kahit walang ganun. And one more thing is, sigurado ba kayo na sa mga istudyante kayo magpapa-impress? Or sa isa't-isa lang?" natatawa kong sabi sa mga ito.

"Hala? Magpapa-impress ako sa asungot na ito? Never!.....Dagdag points lang kuya, please?" si Arvin, na halos kahawig ko na, swerte nito at nakuha niya pa kagwapuhan ko, pero kung tatanungin lang ay si Charl talaga ang pinaka-gwapo sa aming tatlo na hindi kayang tanggapin ni Arvin na topakin.

"Bakit naman ako magpapa-impress sa taong hindi marunong mag-appreciate?... Sige na kuya please?" dagdag pa ni Charl, ayaw talaga magpatalo ng dalawa.

"Osya, sige na nga. Ang hirap niyo talagang tiisin. Kuhanin niyo dun sa kwarto ko dalian niyo at baka malate pa kayo. Huwag yung blue ko ha? Gagamitin ko ngayon yun." saka naman dali-daling tinungo ng mga ito ang aking kwarto, ayy nako, ang hirap talagang tiisin ng mga ito.

"Mahal na mahal mo talaga yang dalawang yan anak ah. Siya nga pala anak anong oras  na ah? At baka ma-late ka. Kumain kana muna dito saglit at bilisan mo." pagpansin naman sa akin ng aking inay.

Saka ko lang naalala na oras na nga pala at talagang patay niyan ako dahil nga sa first day namin ngayon.

"Ah ma hindi na ako kakain at bibili na lang ako ng tinapay doon. Tiyak na late na late na ako niyan eh. Maliligo na ako." at agaran kong tinungo ang aking maliit na kwarto upang kumuha ng maisusuot at tuwalya, nakita ko pang nagkukulitan ang dalawa sa loob, napa-iling na lang ako saka dali-daling tinungo ang aming banyo.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na akong magbihis at syempre magpapogi narin.

Bago ako tuluyang maka-alis ng bahay ay nagbilin muna ang aking ina.

"Anak bilisan mo. Huwag mong sasayangin ang scholarship mo diyan sa skwelahang iyan ah? Gamitin mo katalinuhan mo huwag puro kabaliwan." at talagang natatawa pa ito sakanyang sinabi, nginitian ko lamang ito saka agad ng umalis.

Makalipas ang ilang minuto kong byahe sa jeep ay sa wakas at nasa harap nako ng school na isa sa pinaka-sikat dito sa manila. Good thing is, isang sakayan lang ito mula sa amin.

3rd time ko na rito. Napaka-swerte ko dahil pumasa ako sa test at nakakuha nang scholarhip with free allowance pa.

Hindi naman sa pagmamalaki pero masasabi kong matalino ako dahil sa pagpupursige ko sa pag-aaral.

Nagmadali na ako at hinanap ang room na aking papasukan. Sa kasamaang palad ay 4th floor daw sabi nang guard. "Huh? 1st year tapos doon?"

Tinakbo ko na ito at ginamit ko ang hagdan, oras na talaga kaya talagang tinakbuhan ko ito.

"Ayun may cute."

"Ay bet ko yan."

"Tanung mo pangalan dali."

"Ang puti,... Chinito pala siya oh."

Ni hindi ko man nasulyapan ang mga ito dahil sa tumatakbo ako at talagang nagmamadali ako.

--

"Hoy pareng Kyle saan pala tayo gigimik mamaya?"

"Sa tambayan na muna. First day eh." sagot ko naman rito.

Si Kyle at ang barkada nito ay bukod sa kilala ito dahil sa kagwapuhan nila at kayamanan ay kilala din sila bilang mayayabang nang campus.

"Puro pangit ata ang batch na ito eh no?" natatawang sabi ng aking kaibigan na si Bryle.

"Sad to say,.... Yes." pagsang-ayon naman ni Matthew.

Saka sila nagsitawanan ng malakas dahilan para sakanila mapunta ang atensyon ng mga kaklase nila kasama na ang prof na kapapasok lamang.

"So kayo nga yung mayayabang na istudyanteng tinutukoy nila nung highschool pa? Tignan natin kung hindi dumating yung araw na tatahimik din kayo." napaka-sungit na ekspresyon sakanila ng kanilang prof na matandang babae na kadarating lamang, nagsitawanan naman ang mga istudyante sapat na para marinig ng grupo ni Kyle.

Tumahimik naman sila Kyle at sa unang pagkakataon ay tinablan ata ang mga ito.

"Okay class may we all please stand up, so we can pray." at nag-sitayuan na nga kami para magdasal, tumingin naman ang aming prof sa gawi namin.

"Ikaw, what's your name?" pagtutukoy naman nito sa akin, ewan ko ba kung bakit bigla akong ninerbyos.

"Kyle po." magalang kong sabi rito, oo kilala kaming mayabang pero pagdating naman sa mga matatanda at guro ay marunong naman din kaming gumalang, siguro nga ay oo sa mga istudyante lang kami mayayabang, bully ika nga.

"Okay Kyle, come forward and lead the prayer." masungit nitong sabi, kaya agad-agad naman akong pumunta sa harap kahit na labag sa kalooban ko.

"Ang ga-gwapo niyo pamong magto-tropa kaso ang yayabang niyo dito sa university." hindi ko alam kung papuri ito o ano. "Start."

Magsisimula na sana ako ng biglang may sumulpot sa pintuan at nakapasok ito ng bahagya sa room sapat na para makita siya ng lahat, napatitig naman ako dito.

Naka-tungkod ito sakanyang mga tuhod kaya naman hindi ko makita kung anong itsura nito o kung sino man ang taong 'to. Hingal na hingal siya, halatang tumakbo ito o kung ano man na dahilan para hingalin siya nang ganyan.

"Ahm excuse me but, do you belong in this class?" mahinhin na pagpansin ng aming prof rito.

Tumingala ito at tumingin sa mga kaklase namin at pansin ko ang medyo matangos na ilong nito, hanggang sa sa amin naman ito tumingin, pawisan ang noo nito. Ewan pero parang may kung ano akong nakita rito na hindi ko maintindihan.

Mabilisan namang nagsitilian ang mga kababaihan lalo na ang mga pusong babae.

Napatitig ako rito. Sino kaya itong hunghang na ito at talagang nakuha pa ang aking atensyon.



Itutuloy

9 comments:

  1. Nice start actually, promising..

    ReplyDelete
  2. Hmm interesting..
    Su2baybayan ko to :D

    ReplyDelete
  3. Magandang simula. Medyo magiging technical lang po ako. Yung consistency lang po ng pagkakasulat. Kung galing po sa point of view ng character ang pagkakasulat, sana po ganun po until the end. Hehehe. Yun lang po, pero maganda po yung plot. C: ~Ken

    ReplyDelete
  4. i agree with ken kuya ponse.. meju nalito lng aq dun xa shifting ng POV at setting from tumatakbo tas bglang axa classrom n hehe pro overall eh kaabang abang ang storyang 2 xD

    ReplyDelete
  5. i forgot to indicate my name xD aq po ung ixang nagkoment xa taas.. hehe

    - poch

    ReplyDelete
  6. Maraming salamat po sa mga nagbasa :]]

    - Angelo

    ReplyDelete
  7. nice one to be addicted.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails