The Wind, The Leaf and The Tree
Chapter 11
“The Past”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Magandang
araw sa lahat. Salamat po ng marami sa suporta at sa pagtangkilik. Salamat sa
mga taong nagpapaabot ng kani-kanilang reaksyon mapa comment sa ibaba, email, o
sa FB. Maraming salamat po.
Guys, alam
kong na-eexcite din kayo sa mga susunod na updates, pero gusto ko lang po
ipa-unawa na hindi po ganun kadali mag-isip, magsulat, at magpost ng
updates.Tao lang po ako, at wala po akong kakayanang makapag-update ng mabilis.
Aliping sagigilid po si Jace, meaning walang laptop o kaya PC na magagamit sa
pagawa ng update. Pero sinisikap ko pong makapag-update twice a week, so
pagtyagaan nyo na muna. Sana po maintindihan nyo. Hehehehe
Nabanggit ko
nung nakaraang chapter na nawalan na ko ng inspirasyon kaya madalas akong magka
Writer’s Block. Pero worry no more, kasi umaapaw na po ang inspirasyong
nadarama ko dahil sa isang tao na napaka-espesyal sa puso ko. Basta po,
sinisipag na ako ngayon mag-update, salamat sa kanya :)
I now
present you with the chapter na mag-eexplore sa nakaraan at sa kasalukuyang
buhay ng DAHON na si Jayden. I now present you, the Eleventh Chapter ng TLW.
Enjoy guys! :)
==============================
== The LEAF
==
“Miss, okay
ka lang?!” Baling ko dito.
Umiiyak pa
rin ito. “O-o-okay l-lang. S-salamat h-ha?” pinunasan nito ang cake at icing,
pati na ang luha nito sa mukha at tumingala sa aming dalawa ni Yui.
Biglang
humupa ang apoy ng ng pagka-inis sa dibdib ko, at nabuhusan ng tubig ng
pagkagulat sa nakita kong mukha ng babae. Nanlaki ang mga mata ko habang
inaalala kung siya nga ba ang babaeng iyon.
Mas nagulat
ako ng ma-realize na sya nga yun. “I-ikaw?!”
“Wait, so
you two knew each other?” Narinig kong tanong ni Yui. Natigilan ako sa nakikita
kong mukha sa harapan ko.
Pagkatapos
ng ilang sandali, natawa ako ng payak. “Hindi ko akalaing ikaw pala ang
ipinagtanggol ko sa hayop na Alfer Samonte’ng iyon. Why are you even here?”
Sarkastikong tanong ko sa babae. Hindi naman ito maka-imik. Tss. Nahihiya sya
siguro dahil ako ang tumayo para sa kanya.
“J-jayden.”
Maya-maya’y lumitaw na ang dila nito. Hahawakan pa sana nito ang mga kamay ko,
pero iniwas ko ito. Ayokong makipag-plastikan sa kanya. Inis at galit pa rin
ang nararamdaman ko magpasahanggang ngayon. After 2 years, I’m still bitter
about what happened.
“Just answer
my question.” Malamig na nasambit ko habang napunta sa ibang direksyon ang mga
tingin ko.
“Jayden. Di
mo pa ba ako napapatawad hanggang ngayon?” Malungkot na sagot ng babae.
Patawad? Big words.
“At bakit
kita papatawarin? Pinagkatiwalaan kita.”Oo, pinagkatiwalaan ko siya. Pero ano
ba ang nakuha ko sa pagtitiwala sa kanya? Tinraydor niya ako, kami ni Karin.
Tumikhim
naman sa tabi si Yui at napatingin ako sa kanya. “A-ah Yoh. Mukang marami ata
kayong pag-uusapan ah? Iwan ko muna kayo.”
Tumango lang
ako at lumabas na ng cafeteria si Yui. Katahimikan lang ang namayani, ilang
minuto pa ang lumipas mula nung lumabas si Yui. Nakatayo lang ako malapit sa
bintana ng cafeteria habang nakatanaw sa labas, pero hindi naman sa labas ang
tinatakbo ng isip ko, kundi sa babaeng naka-upo sa may mesa at mangiyak-ngiyak
na napapahikbi.
Sino ba ang
babaeng ito? Sino ba sya at bakit galit na galit ako sa kanya? Ano nga bang
ginawa nya at bakit ganito nalang ang inis ko sa kanya?
Her name is
Kira, Karin’s twin sister. Siya yung nagsuplong sa mga parents nila tungkol sa
relasyon namin ni Karin. She was my bestfriend, at naging tulay ko dati kay
Karin. Dumating kasi ang panahon na
mukhang nahahalata na ng parents nila na may nabago kay Karin. Late na ito
umuuwi, palaging may ka text, at kung anu-ano pang pagbabago.
Nung medyo
nakakahalata na nga ang parents nila, pinaghigpitan na si Karin. Yun ang simula
ng naging kalbaryo namin. Madalang na kami nagkikita, at namiss ko ng todo ang babeng
pinakamamahal ko. Kaya, gumawa ako ng paraan para maitawid namin ang
komplikasyong iyon. Kinuntsaba ko si Kira at nagpapadala ng mga Love Letters sa
mahal ko tuwing uwian nuon. At sa umaga naman, sinasagot lahat ni Karin ang mga
letters ko. At lahat ng mga letters na iyon, si Kira lang ang naging tulay
namin.
“Kira, please.” Sabay abot sa kanya ng isang
sulat para kay Karin. May e-mail na nun, pero para sa akin, mas sincere at mas
romantic ang mga old-school love letters, kasi naipapakita mo sa mahal mo ang
effort na gumawa ng isang napaka-korni pero ubod-tamis na letter.
Nasa labas na kami ng school nun at uwian
na. Hinihintay ni Kira ang sundo niya nun. Si Karin ay kanina pa sinundo kasi
mahigpit na bilin ng parents nila na umuwi agad ito after classes.
Nagtaka naman ako ng mapansing nagdadalawang-isip
si Kira na tanggapin ang sulat na ipinapaabot ko kay Karin. Parang tutulo na
ang luha nito ng biglang makita namin ang isang magarang kotse na huminto sa
harapan namin. Bumaba sa kotse ang isang sopistikadang babae na sa tantya ko’y
nasa late 30’s na. Naka-shades ito at papalapit na sa kinatatayuan namin ni
Kira.
“So this is Jayden Gonzales?” Tanong ng
babae nang makalapit ito sa amin ni Kira. Kinuha nito ang shades sa mukha at
tumabi kay Kira. Nagtaka naman ako dahil alam niya ang pangalan ko. Pero mas
kinilabutan ako nung i-head-to-foot niya ako ng tingin.
Nakita ko lang si Kira na walang imik, pero
mangiyak-ngiyak na ito.
“Good a-afternoon po.” Bati ko sa babae pero
inirapan lang ako nito. “K-kayo po ba ang mama nila Karin at Kira?” Patay.
Bakit ko ba yun tinanong?
“At kung ako nga, ano pakialam mo sa mga
anak ko?” Sarkastikong ngisi pa nito.
“M-mom, t-tara na po.” Hinawakan ni Kira ang
braso ng mama nito at tinangkang ilayo na sa akin. Nagulat ako ng mapansin ng
mama nito ang sulat na inabot ko kay Kira kanina. Agad nitong kinuha ang sulat
at sa harap ko mismo ay pinunit ito. “M-mom?”
“Layuan mo ang anak ko! Wala siyang mapapala
mula sa isang hampas-lupa na gaya mo!” Bulyaw sa akin ng mama nina Karin. Nakatalikod
na sana ito ng magsalita ako.
“M-maam. Mawalang galang na po, pero
h-honestly, mahal ko si Karin. Mahal din ako ni Karin.At s-sigurado po akong
wala kaming ginagawang masama ng anak nyo. M-malinis po ang hangarin ko sa
kanya. Hindi po naman nasabi agad sa inyo, kasi h-humahanap pa kami ng tyempo
para ipagtapat po sa inyo. Pero it was never my intention to hide it from you
Maam.” Mahabang paliwanag ko sa mama nila. Nakatalikod parin ito sa akin, pero
si Kira ay lumuluha ng nakatingin sa akin.
Nagulat nalang ako ng maramdaman ang kamay
ng mama ni Kira sa pisngi ko at kasabay nun ang isang malutong na tunog ng
isang sampal. Nakita ko ang mama nila na nanggagalaiti sa galit ang mga mata.
“Sinabi na ni Kira ang lahat sa akin, sa amin ng daddy nila. At ngayon,
lalayuan mo na ang mga anak ko, sa ayaw mo man o gusto mo! Wala kang alam sa
mga pinagsasabi mo, so shut up!” Kalmado ngunit halatang galit na bulyaw nito
sa akin pagkatapos ang ginawang sampal.
Hinablot nito ang braso ni Kira na tumingin
pa sa akin at nag-sorry sa nangyari. Umiiyak na ito at halatang nagi-guilty sa
mga naging hakbang nito.
Nanatili lang akong nakatayo sa may labasan
ng school namin habang pinagtitinginan at pinagtsitsismisanna ako ng mga taong nakakita sa ginawang
pagpapahiya sa akin ng mama nila Karin. Masakit ang ginawa nitong pagsampal,
pero mas masakit ang mga binitiwan nitong mga salita. Dagdagan pa na si Kira
pala ang may kagagawan ng lahat ng ito.
Okay lang naman sa akin ang ginagawa nitong
pagpapahiya sa akin eh, ang imposrtante, hindi nabawasan ang pagmamahal ko para
kay Karin. “Yoh, ipaglalaban ko to. Ipaglalaban kita. Ipaglalaban natin ito.”
Nasabi ko nalang sa sarili ko, at bagsak ang mga balikat na umuwi ako sa bahay
para magbihis.
Pagkatapos magbihis, agad ko ding nilisan
ang bahay. Ipaglalaban kita Karin. Mahal na mahal kita. Nagpara ako ng pedicab
at konting praktis ng mga sasabihin. Maya-maya pa ay dumating na ako sa
malaking bahay ng mga Risos, ang bahay nila Karin. Agad kong tinungo ang
malaking gate at nag-doorbell. Pagkatapos ng ilang pindot, nakita kong lumabas
ng gate ang sa tingin ko ay katulong nina Karin.
“Magandang hapon po ate.” Bati ko dito.
“Magandang hapon din hijo. Ano kailangan
nila?” Sagot nito.
“Andyan ba si Karin? Pwede ko po bang
maka-usap?”
“Kaklase ka ba niya hijo? Pwede bang makita
ang ID mo at ng masiguro ko?” Nagdalawang-isip naman akong ibigay ang ID ko
dito, pero sige na nga. Bahala na.
“Eto po.” Kumunot ang noo nito ng inabot ko
dito ang ID ko. Binasa niya itong maigi at kapagkuwan ay tumingin sa akin na nanliliit
ang mga mata. Mukang sinisiguro nya kung di ba ako nagsisinungaling.
“Sandali lang hijo ha? Hintayin mo nalang
dito.” Agad nitong sinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay.
“Karin, kailangan kita maka-usap. Mahal mo
pa naman ako diba? Yung pangako nating walang iwanan, Yoh, naaalala mo pa ba
yun?” Para na akong tanga’ng kinakausap ang sarili ko sa labas ng gate ng
bahay. Kalahating oras na simula nung maka-usap ko ang kanilang katulong pero
wala pa ring lumalabas.
Isang oras. Dalawang oras. Hindi ko na alam
kung gano ako katagal nakaupo lang sa may harap ng gate na iyon.
Gumagabi na, at padami na ng padami ang mga
lamok na nagpipyesta sa akin. “Yoh, labas ka naman o. Usap muna tayo.” Wishful
thinking. Kahit alam kong lumalabo na ang pag-asa kong maaayos pa namin to,
pinanghahawakan ko pa rin ang kahit na butil ng pag-asa sa pagmamahalan namin
ni Karin.
Nagulat ako ng may isang kotse ang huminto
sa harap ng gate. Yun yung kotse na sumundo kay Kira kanina. Nakita ko si Kira
na umibis ng labas sa kotse at tinungo ang kina-uupuan ko.
“K-kira..” Malamig na bati ko dito. Nakita
ko syang namumugto ang mga mata.
“J-jayden, kanina ka pa ba dyan?” Tanong
niya na halatang galing sa pag-iyak. Nagka-crack ang boses nya.
Nun lumabas mula sa kotse ang mama nila at
pinandidilatan ako’ng lumapit sa amin. Isang sampal na naman ang natanggap ko
mula dito. At sa pagkakataong ito, mas masakit na ang sampal nito. “What the
hell are you doing here?! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko sa iyo
kanina?! Layuan mo ang mga anak ko!”
Di ko na mapigilan ang luhang kanina pa
nagbabadyang mag-unahan sa pagdaloy. “M-maam, mahal na mahal ko po ang anak
nyo. Wala po kaming ginagawang masama. Oo, naiintindihan ko po kung san kayo
nanggagaling, at alam ko na kapakanan lang namin ang iniisip nyo kasi mga bata
pa po kami, pero Maam, bigyan nyo naman sana ako ng pagkakataong ipakita sa
inyo kung gano ako ka sincere sa nararamdaman ko para kay Karin.” Mahabang pagpapaliwanag
ko.
Noon ko nakita na may lumapit sa aming
gwardya ng subdivision at binulungan ito ng mama nila Kira. Lumapit ito sa akin
at nanlaki nalang ang mga mata ko sa sakit bunga ng pagsikmura nito sa akin.
Napaluhod naman ako sa tindi ng sakit ng kamao nung gwardya. Agad na lumapit at
inalalayan ako ni Kira.
“J-jayden, ok ka lang ba?” Takte. Ang
sakit-sakit. Mas naluha ako sa sakit ng dulot ng suntok nung gwardya. “M-mom,
stop this!” Narinig kong sabi ni Kira. Nakayuko at nakaluhod pa rin ako sa
pamimilipit sa sakit. Hindi ako makahinga.
“Kira, pumasok ka sa loob!” Bulyaw ng mama
nito. “Pasok na!” Agad namang pumasok si Kira sa loob ng bahay nila. “Siguro
naman magtatanda ka na nyan! Wag na wag mo akong sisisihin sa mga nangyari. I warned
you.” Baling nito sa akin.
Tumayo naman ako kahit masakit pa rin ang
parteng tinamaan ng suntok. “M-maam, please po. B-bigyan nyo po muna ako ng
huling pagkakataon na maipa---“ Di ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng
maramdaman ang gwardya sa gilid ko at sinuntok na naman ako sa mukha. Natumba
na naman ako sa suntok na iyon. Dumidilim na ang paligid ko, nakasalampak na
ako sa lupa, at kahit gustuhin kong bumangon, di ko ito magawa.
“Wag na wag ka ng babalik dito Gonzales!
Manang-mana ka sa nanay mo!” Hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi.
“Diyos ko. Ikaw na po ang bahala sa akin.
Ma, kunin mo na ako. Hirap na hirap na po ako.” Nawalan na ako ng malay-tao at
tuluyan ng pumikit ang mga mata ko, habang nararamdaman ko pa rin ang mga
luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Pagkagising ko, nagulat nalang ako dahil
papasikat na ang araw. Ewan ko pero masakit ang buo kong katawan, lalo na sa
may bandang tiyan at mukha. Dun ko natandaan ang mga nangyari ng nagdaang gabi.
Pagdilat ko ng mata,mas nagulat ako dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko na
nasa kalsada na sa may labasan ng subdivision nina Karin.
Agad kong kinolekta ang aking sarili at
kahit masakit ang aking katawan, pinilit kong makauwi. Nagulat na lang si Nanay
Nimfa ng umuwi akong lasog-lasog na nga ang katawan, wasak na wasak pa ang
puso. Nag-suggest ito na kasuhan ang mga Risos dahil sa pambubugbog na nakuha
ko, pero kinumbinsi ko itong wag nalang. Lalaki pa ang gulo, at baka tuluyan na
ngang mawala sa akin si Karin.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, di ako nakapasok
ng school ng tatlong araw. Mahigpit na utos ni Nanay Nimfa na magpahinga muna
daw ako, total, tapos na ang final exams namin at nag-hihintay nalang ng
Graduation. Pero hindi ako tumitigil na mag-email at subukang tawagan si Karin sa
cellphone niya. Pero wala akong natatanggap na reaksyon mula sa kanya. Walang
emails, walang tawag, at walang reply sa text.
Nagmumukha na akong tanga, pero ok lang.
Mahal na mahal ko parin si Karin. Umaasa pa rin ako na babalik kami sa dati.
Balik sa dati kung san masaya kami sa piling ng isa’t isa.
Monday noon. Nakabalik na ako sa school.
Nagrerehearse kami nun para sa Graduation ng bigla akong lapitan ni Kira.
Nakita ko si Karin kanina pero halatang iniiwasan talaga ako nito. Di ko naman
sya magawang pwersahin na makipag-usap sa akin. Na realize kong sa mga
nangyayari, siya ang mas naaapektuhan at ayokong maging pabigat sa kanya.
Bibigyan ko muna sya ng panahon para makapag-isip. Rerespetuhin ko parin siya.
“C-congrats Mister Valedictorian.” Sabi sa
akin ni Kira. Napatingin naman ako dito ng tumabi ito sa akin sa bleacher ng
gymnasium ng school, pero agad din akong nagbawi ng tingin. “Teka, nasabi na ba
ni Miss Claire na ikaw ang Valedictorian ng batch natin?” Pilit itong ngumiti.
Ngayon ko lang nalaman ang balitang iyon.
Pero di ko magawang magsaya dahil sa mga nangyayari sa amin kay Karin. Di lang
ako umimik sa tanong ni Kira. Napabuntong-hininga lang ako habang nakatulala
ang mga matang pinagmamasdan ang stage ng gym.
“Ngiti ka na Jayden. Di ka ba masaya na
Class Valedictorian ka? Pumapanget ka pag nakasimangot.” Pangungulit nya pa sa
akin. Pero alam ko, sa likod ng mga ngiting iyon, ay ang guilt sa ginawa nito
laban sa amin ni Karin.
“Bakit mo ginawa yun?” Malamig na tanong ko.
“Napaka far-out naman ng sagot mo sa tanong
ko.” Umiwas naman sya ng tingin nung hinarap ko sya.
“Bakit mo sinabi sa parents nyo ang totoo?
Kira, alam mo naman kung ano nangyayari sa amin ni Karin diba? Naghahanap pa
kami ng tamang tyempo para humarap sa Mom at Dad nyo. Pero bakit?” Kalmadong
tanong ko sa kanya. Tumingala nalang ako kasi ayokong umiyak sa harap ng
maraming tao.
“Jayden.” Hinawakan nya lang ang balikat ko
at tinitigan ako.
“Pwede ba Kira? Just answer the damn
question.” Narinig ko lang ang malim nyang paghugot ng hininga.
“Jayden.. mahal kita. Ayokong mapunta ka kay
Karin. Ginusto kong mapasa-akin ka. Kaya ko naman ginawa yun dahil sa
pagmamahal ko sayo. Pero honestly Jayden, hindi ko akalaing aabot ang lahat sa
ganito.” Maluha-luhang sabi ni Kira.
“My God, Kira! Alam mo namang nagmamahalan
kami ni Karin. Why can’t you just be happy for us? Bakit kailangang sirain mo
pa kami?” Tumataas na ang boses ko.
“Because I was selfish Jayden. Wala na akong
ginawa kundi isipin at ibigin ka. Alam mo ba, nasasaktan ako ng todo, kasi ako
pa talaga ang ginawa nyong tulay ng kakambal ko. Masakit yun Jayden. Ang
iparamdaman mismo ng minamahal mo na kahit kailan, hindi ka mamahalin ng minamahal
mo.”
Natigilan naman ako sa sinabi nito. Pero
kinain pa rin ako ng ego ko. Mas nainis ako sa sinabi nyang iyon. Madami na
akong problema ngayon at ayoko ng pati si Kira, dumagdag pa sa mga ito. “I’ve
trusted you Kira. But you chose to betray that trust. Just don’t talk to me
again Kira.” Malamig na sabi ko sa kanya.
“I’m so
sorry sa mga nangyari Jayden.” Umiiyak na sabi ni Kira na nagpabalik sa akin sa
kasalukuyang panahon. “Hindi ko intensyon at hinangad na magiging ganun ang
magiging resulta ng pagiging makasarili ko. Lintek kasi tong puso ko.”
Nanatili
lang akong nakikinig sa mga sinabi niya. Naaawa na ako sa kanya, pero mas
nangingibabaw ang galit at pride na hindi ko mabitaw-bitawan after all these
years.
“I’m so
sorry Jayden.”
“Sorry? Para
san pa yang sorry mo Kira?” Humarap ako sa kanya. Nakita ko syang nakatungo
lang. “Sorry sa pangbababoy ng nanay nyo sa akin? Sorry dahil nung time nayun,
nagpalipas ako ng gabi sa gitna ng kalsada dahil sa ginawang pambubugbug ng
gwardya nyo nun?” Panunumbat ko pa sa kanya.
“Jayden.
Matagal na naman yun diba? Nag sorry na ako. Pinagbayaran ko naman yung lahat
ng utang ko sayo eh.”
“Mag
move-on? Wow. Sino ka para sabihan ako ng ganyan kadali? Alam mo bang si Karin
lang ang bukod-tanging nag-ahon sa akin mula sa kalungkutan nun? Alam mo naman
mga pinagdaanan ko diba, kasi kaibigan kita eh. Pero bakit nagawa mo yun sa
akin Kira? Ang sakit-sakit.” Naluluha na ako. Muling nagbalik sa aking gunita
ang masasakit na alaala ng kahapon.
“Dahil nga
sa pesteng naramdaman ko sa iyo noon. Dahil minahal kita noon. At dahil sa bwiset
na pagmamahal na iyon, nagbago na din ang buhay ko. Di na ako kinakausap ni
Mommy sa bahay. Pati si Karin, hanggang ngayon, di na ako kinikibo.”
Natigilan
ako sa huli niyang sinabi. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang magkabilang
balikat nya. “Si Karin? What about her? Bakit sinasabi mo ngayong hindi ka na
nya kinikibo? Magkasama kayo sa bahay? Pero sa pagkakaalam ko, ipinadala na sya
ng parents nyo sa Amerika?” Sunod-sunod kong tanong.
Hindi naman
naka-imik si Kira. Nag-iiwas lang ito ng tingin sa akin. Mukha itong batang
nadulasan ng dila at nabisto sa aktong may ginagawang kalokohan.
“Answer me
Kira!” Niyugyug ko pa ang balikat nya upang magsabi lang sya ng totoo.
“Nandito
lang sa Pilipinas si Karin, Jayden. Hindi siya nagpunta ng America.” Alanganing
sagot ni Kira. Nabitawan ko naman agad ang balikat nya sa gulat. Nanghina ako
sa mga narinig ko.
After all
these time na pangungulila kay Karin, andidito lang pala sya? Am I hearing this
now? Ngayon pa na nakakamove-on na ako sa kasawian ko mula kay Karin? Nanghina
naman ang tuhod ko. Unti-unti akong napa-upo.
“Oo Jayden.
Andidito lang sya sa Pilipinas. Tinago lang nila Dad at Mom ang katotohanan sa
iyo.” Nakatayo na sa harapan ko si Kira.
“No. No.
No.”
“Hindi ko
nga rin maintindihan kung bakit Jayden. Pero ang alam ko, galit na galit si
Mommy sa iyo. Palagi ko syang naririnig na kausap si Karin noon na binabanggit
pa ang pangalan ng mama mo. Gary Bernardo, di ba?”
“Bakit?
Bakit nya kilala si Mama? Nung gabing ipinabugbog ako ng Mommy nyo, narinig ko
sya na binanggit din ang mama ko.” Naguguluhan na ako sa nangyayari. Bakit ba
kung kelang tahimik na ang buhay ko, saka pa ulit gugulo ito?
“Jayden.”
Lumapit ito sa akin at inalo ako. Umiiyak na ako sa sakit ng dibdib ko. Bakit
ganito? Bakit hanggang ngayon, apektado pa rin ako sa mga nangyayari?
Hinila ko si
Kira at lumabas ng school. “Dalhin mo ko ngayon kay Karin.” Utos ko sa kanya.
“J-jayden,
t-teka lang. W-wag na. Mas g-gulo lang ang lahat.” Awat ni Kira sa akin.
Tumigil
naman ako sa paglalakad at nakayukong umiiyak. “Kira, I just want to find out
the truth. Tungkol kay Karin, tungkol sa parents mo, at tungkol sa mama ko.”
Malungkot na sa sabi ko. “Gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito. I want to move
on with my life. At hindi ko magagawa iyon hanggang marami pang mga katanungang
bumabagabag sa utak ko. Please Kira. For the last time.”
Tumango
naman ito. “Sige Jayden. Dadalhin kita kay Karin.”
Pumara ito
ng taxi sa may labas ng school. Pareho kaming sumakay dito. Habang lulan ng
taxi, hindi ko alam ang gagawin, ang sasabihin, at ang mararamdaman sa oras na
makita ko si Karin. “Karin. Mahal parin kita.” Nasabi ko sa sarili ko.
Hindi ko
namalayan ang oras. Dumidilim na ang kalangitan ng sapitin namin ang isang
malaking bahay. Hindi ko na alam kung saang parte na ito, pero ang alam ko,
nasa loob ng bahay na iyon ang mga kasagutan sa mga tanong ko.
Hinila ako
papasok sa malaking gate ni Kira. Alam kong nagdadalawang-isip din itong gawin
ang paki-usap ko, pero wala na akong pakialam. I just want to end this
nightmare, so that I can finally wake up and welcome a brand new day. Napabuntong-hininga ako ng makapasok na kami
sa bakuran ng bahay. Maya-maya pa’y unti-unti nang bumubukas ang malaking
pintuan sa harap ng bahay.
Nanlaki ang
mga mata ko sa nakita kong mga taosa may sala ng bahay. Si Karin.
Wala pa rin
syang kupas. Ang ganda niya’y pasimpleng nag-aanyaya sa akin para ngumiti, para
tumawa. Pero may kakaiba lang akong napansin sa mukha niya. Kasi si Karin ang pinakamasayahing tao
na nakilala ko, pero bakit wala na ang mga ngiti sa mga mata at labi nito?
Ang kausap
niya’y isang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40’s na. Wait. Kilala
ko sya. Pero saan? His face is too familiar. Pareho silang naka-upo sa sofa
habang nag-uusap. Naka tagilid naman ang mga ito sa aming kinalalagyan ni Kira,
at mukhang di pa nila nararamdaman ang aming presensya.
“We’re home,
Dad.” Wait Dad? Ito ang papa nila? Agad namang nagsilingon ang mag-ama sa aming
direksyon. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ako sa tabi ni Kira.
Nun ko
natitigan ng mabuti ang mukha ng matandang lalaki. Nun ko naalala kung san ko
to nakilala, at kung sino talaga ito. Nanlumo naman ako sa mga nalaman ko. Ang
sakit-sakit. Kaya pala. Kaya pala nila nilalayo si Karin sa akin noon.
“I-ikaw?”
Gulat na gulat na tanong ng matandang lalaki.
Natawa naman
ako ng hilaw sa mga nangyayari. “Yes, ako nga. You should’ve seen this coming. Alam
ko namang alam nyo eh. Pero ako hindi. I just didn’t thought I would see you
here, papa!” Sarkastikong ngiti ko. Napamaang naman ang dalawang magkapatid sa
sinabi ko. At pinagdiinan ko pa talaga ang salitang papa.
“P-papa?”
Pag-ulit ni Karin sa sinabi ko. “Ibig-sabihin…” Gulat na gulat ito. Maging si
Kira ay hindi naka-imik sa mga nalaman.
Nakita ko
naman sa gilid ng mata ko si Kira na natulala lang at di naka-imik. “Ngayon
alam ko na kung bakit nyo kami pinaglayo ni Karin. So sila pala yung pamilya na
pinili mo. Okay. Now I get it.” This isn’t about me and Karin anymore. Iba na
ang naging takbo ng isip ko. Galit, poot at pagka-inis ang nararamdaman ko sa
ngayon.
Galit, sa
taong kaharap ko ngayon. Poot, sa pag-iwan nito sa amin. At inis, sa sarili ko.
Naging tanga ako sa palabas na ito. Ang tanga-tanga ko, kasi alam ko ako ang
pinaka-sentro sa lahat ng mga nangyayari.
“A-anak..”
Si papa. Nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
“Anak?”
Sarkastikong nasabi ko. “Pagkatapos ng ilang taon, ngayon ka pa magkakaron ng
lakas ng loob para tawagin akong anak? Gago ka!” Sinugod ko ito at binigyan ng
isang malakas na suntok sa mukha. Napa-upo ito sa sofa. Kita ko lang ang
paglapit ni Kira sa akin at pag-awat sa galit na nararmdaman ko. Si Karin naman
ang umalalay sa matandang lalaki.
“J-jayden.
Stop it.” Umiiyak na sabi ni Kira. Hinawakan nito ang balikat ko at pilit na
nilalayo sa papa nila.
Tinulak ko
lang si Kira at sumugod ulit sa naka-upo na lalaki, maging si Karin ay itinulak
ko at pinatayo ang lalaki. “Para yan kay Mama!” Sinuntok ko ulit ito sa mukha,
sa balikat, at sa dibdib. Halos madurog ang buto ko sa kamay sa kakasuntok.
Tumatayo naman ito pagkatapos tanggapin ang isang suntok. “Hayop ka!” At
pagkatapos ng pangatlong suntok napahiga ito sa sahig. “Mamatay ka na!” Sabay
sipa ko pa sa katawan nito. Hindi ko namamalayang habang binubugbog ko ito, ay
nag-uunahan naman ang mga luhang matagal ko ng gustong pakawalan.
“Tama na!”
Sigaw ni Karin. Humahagulgol na sila ni Kira. Yumakap naman si Kira sa kakambal
nito at umiyak ng umiyak. “Tama na Jayden! Papa mo pa rin siya!”
Natigilan
naman ako. Hinarap ko ang magkapatid at natawa ng hilaw. “Wag na wag nyo akong
husgahan dahil hindi nyo alam ang pinagdaanan ko, lalo ka na Karin!”
Napahagulgol pa ito at nag-iwas ng tingin sa akin. “You should know better than
this Karin! Alam mo kung pano kami naghirap ng mama ko dahil sa hayop na yan!
Wag nyo akong daanin sa matinong usapan kasi iba tayo. Pinagutan kayo
samantalang ako ay tinalikuran!” Nanggagalaiti na ako sa galit.
“Jayden..”
Pilit na tumatayo si papa. Kita ko lang na umiiyak ito. Putok ang labi nito at
umaagos ang dugo mula sa ilong nito. “Jayden, anak..”
“D-dad!”
Sigaw ni Karin at Kira at lumapit dito. Tinulungan lang nila itong makatayo.
“Anak, alam
kong malaki ang pagkakasala ko sa iyo. Alam kong naging duwag akong panagutan
kayo ni Gary. P-pero anak, mahal kita. Natakot lang akong magpakita sa iyo.
Kinakain ako ng konsensya ko. Hindi kita matignan kasi naalala ko si Gary sa
iyo. Sa mga naging kasalanan ko sa iyo.”
“Just don’t
come near me. Tahimik na ako sa buhay ko ngayon. Ayoko ng gumulo ito ng dahil
sa iyo..” Naglakad lamang ako papalabas ng pinto. Pero bago pa man makalabas ng
pintuan, tumigil ako at nagsalit. “Nice talking to you again, Karin, my sister.”
At dali-daling nilisan ang bahay na iyon.
“Anak,
kumain ka-“ saad ni Nanyay ng makarating ako ng bahay. Di na nito natuloy ang
sasabihin ng makita akong umiiyak na inakyat ang hagdanan at dire-diretsong
tinungo ang kwarto ko. Pasalampak akong napa-upo sa sahig, sa paanan ng kama
ko.
Umiiyak lang
ako nang mapansin kong kanina pa pala nagri-ring ang telepono ko. Si Yui,
tumatawag. Sinagot ko naman ito, pero hindi ako nagsasalita. Ayokong mag-alala
pa sya sa akin. Malaki ang naitulong ni Yui sa akin, pero ayoko na syang
madamay sa mga problema ko.
Pagkatapos
maputol ang linya, binato ko nalang ang phone ko sa kama at umiyak nalang ng
umiyak. Ang sakit-sakit. Ang papa ko na tumalikod
sa amin nun, sa akin, ay nagbabalik at humihingi ng patawad. Ano? Ganun nalang
kadali kalimutan yun? Namatay si Mama, at ni minsan, di man lang sya dumalaw sa
puntod nito. Ngayon, malalaman ko lang pala na di totoo na nangibang-bansa ito.
Oo, nagpapadala siya, pero obligasyon niya yun eh. Di pa rin nawawala ang galit
ko sa kanya. Hinding-hindi.
At ang babaeng una kong minahal. Pagkatapos ng ilang taong
paghahanap at pangungulila, muli lang itong nagbabalik hindi bilang isang tao
na minahal ko noon, kundi bilang isang tao na di ko na pwedeng mahalin kasi
siya ay kadugo ko.
“Shit!” Napapamura na ako sa inis. Pinilit ko namang tumahan. “Huling
beses na itong pag-iyak ko para sa mga taong yun. At ikaw Karin, kakalimutan na
kita.” Pangkonswelo ko sa sarili. “Tama Jayden. Haharapin mo na ang bagong
bukas. Tatapusin mo na ang bangungut na ito.”
Noon bumukas
ang pinto at nakita ko ang anino ng isang lalaki, si Yui. “Jayden?” nito sa
pangalan ko habang hinahagilap at binuksan ang mga ilaw. Nang sumabog na ang
ilaw na nagmumula sa flourescent bulb ng kwarto ko, agad akong nilapitan ni
Yui. Nakita ko naman ang pag-alala sa mga mata nito.
“Yoh. Anong
nangyari?” Tarantang tanong nito.
Wala lang
akong imik. Nakatulala lang ako. Pero ramdam na ramdam ko ang sinserong
pag-aalala ni Yui. At dahil dun, gusto na namang tumulo ng mga luha sa aking
mga mata at yumakap dito para ibuhos lahat ng sama ng loob na naipon sa dibdib
ko.
“Yoh!”
Tinatawag
nya ako pero di pa rin ako umiimik. Umiiyak na ako nung tinabihan niya.
“Ano ba kasi nangyari? Yoh, kausapin mo ako.” Isinandal
naman nito ang ulo ko sa balikat nya, kagaya nung unang beses na nakita nya
akong umiiyak. “Yoh.”
Natauhan ako
matapos ang ilang sandaling pag-iyak. Pinilit ko ang sariling tumahan at
harapin si Yui. “Yoh. Si karin.” Mahinang nasabi ko.
“Anong tungkol
kay Karin?”
“Si Karin.” Ayan
na naman ang mga hikbi ko. Haaisst.
“Yoh.”
Hinagod-hagod
naman niya ang likod ko. Sa ginagawa niyang ito, pakiramdam ko gusto ko lang
umiyak ng umiyak hanggang wala ng luha na natitira sa mata ko.
Kitang-kita
ko lang ang pag-aalala sa mga mata ni Yui. Ang sarap umiyak basta si Yui ang
kaharap ko.
“Yoh, si
Karin. All this time, all this years, andidito lang sya sa Pilipinas.” Yumakap
ako sa kanya at dun itinuloy-tuloy ang pag-iyak sa dibdib niya.
“Sige Yoh.
Iiyak mo muna yan. Andito lang ako.” Hinahagod-hagod ng isa nyang kamay ang ulo
ko, habang ang isa naman ay humahaplos sa likuran ko.
Shit. Bat ba
gusto kg umiyak kay Yui? Haaaist. Di ko nalang pinigilan ang mga luhang iyon.
Sinusulit ko nalang ang pagkakataong may nakikinig sa aking bawat hikbi. Natutulungan
ng aking pag-iyak na ihinga lahat ng sama ng loob ko.
Pagkatapos
ng ilang sandali. Tumahan na ako. Pilit kong kinokolekta ulit ang sarili ko.
Hinila ko si Yui papunta sa kama at sabay kaming nahiga dito.
Tinititigan
lang nya ako sa mga mata. Natutunaw naman ako sa mga titig na yun, kung kaya
iniiwas ko nalang ang mga mata ko sa kanya at nakipagtitigan sa kisame. “Yoh,
si Papa. Nakita ko siya.”
Hinawakan
nya ang mga kamay ko at humigpit pa ito sa pagkakahawak.
“Yoh, ang
sakit. Pagkatapos ng ilang taong pangungulila ko sa ama, ganito pala ang
nangyayari sa paligid ko na di ko namamalayan?”
Hinaplos-haplos
lang niya ang buhok ko. Kahit nagagalit na naman ako sa mga nalaman ko,
pinapakalma ng haplos ni Yui ang buo kong pagkatao.
“Ang sakit
Yoh. Pinaniwala ako nina Mama na nag-abroad si Papa kasi may pamilya na sya
doon. Pero ang pamilya palang iyon ay andidito lang sa Pilipinas. At yung anak
niya sa kabit niya, yun yung pinakamasakit sa lahat.” Bumuntong-hininga lang
ako. “Yoh, kapatid ko si Karin.”
Nagulat
naman ito kaya napabalikwas ito ng bangon. “Ano?!”
“Yung babae
kanina sa school, yun ang kakambal ni Karin. Si Kira. Siya yung nagdala sa akin
sa bahay nila, at dun namin nalaman lahat, naming tatlo.” Malamig na sabi ko.
“So ibig
sabihin, kahit sina Karin at yung kakambal niya, di alam na magkapatid kayo?”
“Ewan ko
Yoh. Masyado na akong naguluhan sa mga nangyari. Basta ginulpi ko nalang yung
hayop na Miguel Gonzales na yun!” Pagalit na sabi ko.
“Binugbog mo
tatay mo?” Di makapaniwalang tanong ni Yui.
“He deserve
it. Sa lahat ng ginawa niya sa amin ni Mama. Kulang na kulang yun Yoh para
maramdaman niya ang ipiaramdam niya sa amin ni Mama.” At ikinwento ko na nga
ang lahat ng nangyari sa bahay nina Karin.
“Shhhh.
Tapos ka na umiyak diba?” Umayos siya ng upo at ipinahiga ako na nakapatong ang
ulo ko sa hita niya. “Yoh, alam mo, minsan hindi natin pwedeng itali ang tao sa
isang relasyon kung ayaw talaga niya. Minsan, mas masakit ang makasama sa
iisang bubong ang isang taong hindi ka naman mahal. Siguro, yun lang yung
naging paraan ng mama mo para di na masaktan pa, ang palayain ang papa mo.”
Sabi nito habang hinahaplos-haplos pa rin ang buhok ko.
“Pero Yoh,
kasalanan niya lahat ng to eh. Namatay si Mama, hindi man sya nagpakita sa
akin, o sa libing nito. Tanging si Nanay lang ang pinapakiharapan nito para sa
pangangailan namin.”
“Yoh, base
sa mga naikwento mo, napansin kong hindi naman lumaban si papa mo nung
sinusuntok mo siya diba? Humingi pa nga siya ng patawad sa iyo. Siguro Yoh,
inuusig na sya ng konsensya niya.”
Nag-iwas
naman ako ng tingin ng tumitig na siya sa mga mata ko. “Ewan ko Yoh. Basta sa
ngayon, ayoko na munang makaharap siya. Baka mapatay ko pa siya. Hahayaan ko
munang humupa itong galit sa dibdib ko.” Noon ko siya nakitang ngumiti ng ubod
ng tamis. Haay. “Salamat Yoh.”
Alas dose na
nuon ng gabi. Nakainom na naman si Yui at sinabi ko nalang sa kanya na doon
nalang magpalipas ng gabi. Agad namang itong pumayag at tinawagn si Tita Pearl
upang magpaalam. Nakahiga na kami pareho sa kama ko. Tulog na tulog na sya,
pero di ako dinadalaw ng antok. Natutuwa naman ako dahil natagpuan ko kay Yui
ang isang kapatid na andyan sa tabi ko kapag ako’y namomroblema. Ang swerte-swerte
ko sa kanya.
Maya-maya pa’y
natagpuan ko nalang ang aking sarili na titig na titig na sa mukha ni Yui
habang humihilik pa ito ng mahina. Ang gwapo niya. Napakaamo ng mukha nito na
kakakakitaan mo talaga ng pagiging banyaga nito. “No Jayden. No.” Saway ko sa
sarili ko ng mapadako ang tingin ko sa mga labi nitong nag-aanyayang halikan ko
ito.
Papalapit na
ng papalapit ang mukha ko sa mukha nito. Hindi ko na makontrol ang aking sarili
kundi ang sumuko sa hiwagang dala ng mga labi nito. Pinikit ko nalang ang aking
mga mata. Hindi pa ako masyadong nakakalapit ng biglang siya ang naglapit ng
mga labi niya sa mga labi ko at sinakop ang buo kong pagkatao.
That kiss is
so passionate. Wala na akong nagawa kundi tugunin ang mga halik na yun.
Mumunting boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na umalipin sa buo kong
katawan. Ang lambot ng mga labi niya. Masarap. Unti-unti na akong nalulunod sa kiliting
dulot ng halik nito.
- Itutuloy -
Shit! Ganda ng update na to! Bitin na naman ako! Kakainis ka, kuya Jace! Pero great job~! Looking forward for the next update! ~Ken
ReplyDeleteHaisst, free na si jayden...kahapon pa ako nag aabang ng story na to..
ReplyDeleteGrey
Good story, I didn't expect that Karin is Jayden's sister. Two thumbs up author :-))
ReplyDeleteBrix
Hindi mo ako binigo Jace. I love the flow of the story! Keep it up. Update na bukas, kung malapit ka lang dito, pahiram ko muna laptop ko..hehe
ReplyDeleteMr. CPA
wow eto na!! eto !!! (*w*)
ReplyDeleteruhtra
Boom Jayui I lab et
ReplyDeletePatay si jayden napana ni kupido.
ReplyDeleteAko na nga ang mali! Hahaha ako na! XD
ReplyDeletePakipatay yung evil stepmother. Pwe! Hehe
Paganda ng paganda. Thank you for the update.. :) -Allen
tagaxan ka jace?super ganda ng kwento-
ReplyDeletejm fr calapan
im from Dumaguete City.. but im originally from Zamboanga del Norte po :)
Deletekagabi pa ako Hindi naka move on sa twist. ah! congrats tol.. Galing mo.,.....
ReplyDeletered 08
hahaha.. salamat sa pag-appreciate nitong gawa ko Red.. please do add me on Facebook :)
DeleteHi guys kindly visit my new blog alexander0506chua@blogspot.com , sana po mapahintulan ni boss mike ipost dito ang story ko thanks
ReplyDeletebro you can send Kuya Ponse a PM sa facebook. you go to Michael Shades of Blue Fanpage sa FB at imessage mo si Kuya Ponse. we will be waiting for you :)
DeleteFeeling ko mamamatay ci jayden dito. Hehehe
ReplyDeleteyaan mo, i'll consider that proposal. hahaha :D
DeleteWooh! Ganda ng flow ng story :D
ReplyDeleteNice work mr. AUTHOR :))
_Natsu19
Wooh! Ganda ng flow ng story :D
ReplyDeleteNice work mr. AUTHOR :))
_Natsu19
Jayden and Karin should stick together also with Kira incest (LOL)
ReplyDeleteHao Inoue, ikaw ba to bunso? ikaw lang kasi alam kong addict sa word na yan. ahahha :D
Deleteguys, please do add me on facebook and join my group at https://www.facebook.com/groups/theredink/ andudun na po ang mukha nina Jayden at Alfer.. :D
ReplyDeleteNakakakilig *.*
ReplyDeleteRan.
What a twist!
ReplyDelete-Hiya!