Followers
Wednesday, February 12, 2014
Limang Minuto
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing.
Nakagising ako sa ingay ng alarm clock na araw-araw kong naririnig. Kinusot ko ang mga mata ko at naupo sa kama, nakatingin sa kawalan ng mahigit limang minuto. Ganyan naman siguro ang ginagawa nating lahat matapos magising di ba?
Maya-maya, isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Excited ako, dahil sa wakas, makakausap ko na siya ulit - ang taong pinakawalan ko. Iyon ang pagkakamaling hinding-hindi ko makakalimutan, sinaktan ko siya at pinagpalit sa iba.
"Pasensiya ka na Michael. Alam kong dalawang taon na tayo, pero..." Panimula ko.
"Pero ano? George, alam kong may pagkukulang ako. Pero parang awa mo naman, huwag mo akong iwan..." Hinawakan ni Michael ang aking kamay na nakapatong sa dinner table. Tinignan ko ang kamay niya at pinakiramdaman - malamig, magaspang, at makapal. Taliwas sa kamay na kinahiligan kong hawakan at damhin noon. Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha, halata ang kanyang pagpayat at pangingitim ng ilalim na bahagi ng kanyang mga mata. Nakakaawa, pero kailangan kong magpakatotoo.
Nagbuntong-hininga muna ako at pumikit bago tinignan ang kanyang mukha. Eto na, sasaktan ko na ang taong minahal ako.
"I'm sorry Mike," hinila ko ang kamay ko. "Hindi na kita mahal. Nawala ang init eh. Nawala na ang dati kong kinabaliwan ko sa'yo."
"George, intindihin mo naman sana please. Para sa atin din naman ito eh. May pinag-ipunan kasi akong matagal mo nang gusto." Nagsimula na siyang umiyak at hinahalik-halikan ang kamay ko.
Pero pilit kung tinanggal ang kamay ko. Tumayo ako at tumalikod. Dapat ko na tong gawin.
"Teka, George, please," hindi ko siya nilingon pa, "kahit magkaibigan lang?"
Natigilan ako sa narinig. Hinarap ko si Michael at kaagad na niyakap. Iyan lang naman ang kailangan ko eh, ang tanggapin niy ang pagkasawa ko sa amin.
"Salamat, Mike. Pinalaya mo ako. Salamat." Bulong ko sa kanya. Ngunit sa halip na ibuhos niya ang luha niya, pinigilan niya ito at ngumiti pa sa akin.
"Ganyan kita kamahal George. Sige na, puntahan mo na siya." Kumalas siya sa yakapan namin, kinuha ang gamit niya, at naglakad na pabalik. Kahit alam kung pinalaya niya ako, alam kong nasasaktan pa rin siya. Habang palayo nang palayo sa akin, alam kong nababagabag siya.
Pero matapos ang isang taong hiniwalayan ko siya, akala ko okay na kami ng bago kong boyfriend. Akala ko, masaya na ako - pero ang desisyon ko na iwan ko siya... ang pinakamaling desisyon pala. Niloko lang pala ako ng bagong boyfriend ko, pinakawalan ko ang taong lubos na nagmamahal para sa tawag ng laman at maling akala.
Ngunit kahit wala na kami ni Michael, andiyan pa rin siya para pagaanin ang loob ko, nagkikita pa rin kami at dahan-dahan kong nakita ang pagkakamali kong iwan siya. Nag-uusap pa rin kami at nagtatawanan para bang walang hiwalayang nangyari. Kung may problema ako, andiyan siya palagi para payuhan ako - at ganoon din naman ako sa kanya. Kahit kami pa noong bago kong boyfriend, hindi niya ako iniwan at parang hindi lang siya nasaktan, pero alam kong araw-araw siyang nasasaktan sa pagkikita namin.
Noong nagkahiwalay kami ng boyfriend ko lang nalaman na nagkamali pala ako. Nagsisisi na ako. Kahit pa man hiwalay na kami ng boyfriend ko, pinayuhan niya ako na balikan ang boyfriend ko dahil unfair daw. Sa kabila ng pagpalit ko sa kanya, ako at ang boyfriend ko pa rin ang iniisip niya. Mabait na tao si Michael. Masarap magmahal, siya ang klase ng tao na marunong magmahal - ang taong hindi iniisip ang sarili... Bakit hindi ko nakita iyon?
Daan-dahan namang namuo ang nawalang pagtingin ko sa kanya. Binibigyan ko siya ng pick-up lines at halata ang kilig na dati kong kinagisnan. Sa madaling salita, gusto ko siya ulit. Mahal ko na naman siya. Mali ang desisyon ko noon na iwan siya.
Hanggang ngayon, mahal niya pa rin ako kagaya ng pagmamahal niya sa akin noon, walang nagbago.
At ngayong araw na ito, magkikita kami... Aaminin ko na sa kanya na gusto ko siya habangbuhay, at hindi ko na siya pakakawalan.
Habang nakaupo ako sa kama, nabuhayan ako at nawala ang antok ko. Excited na akong mahalin niya ako ulit.
Madaling dumaan ang araw. Hindi ko na nga napansin ang dami ng trabaho na nagawa ko sa office dahil sa pagka-excite ko na magkikita na kami. Mamaya, hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito.
Bago ako umuwi para magbihis, bumili ako ng singsing at strings para sa aking gitara. Hindi ko na kasi maalala ang huling pagkakataon na ginamit ko ang aking gitara. Ang totoo, mas magaling siyang tumugtog at siya ang nagturo sa akin. Gagamitin ko ang tinig ko para pasagutin ulit siya.
Nang makauwi ako, alas-siyete na ng gabi. Naligo ako. Nagbihis ng maayos. Inayos ko ang buhok ko kagaya ng kina-in-love-an niya sa akin. Maya-maya ay hinarap ko ang salamin, walang duda ako pa rin ang gwapo, at hinding-hindi niya ako maaayawan ngayo't handa na akong magpakakumbaba at hingin muli ang puso niya.
Sana this time, Michael, sa kabila ng mga kagaguhan ko sa iyo, tanggapin mo ako ulit.
Alas-otso na ng gabi, nasa sasakyan na ako. Binabaybay ko na ang daan patungo sa eksaktong restaurant na sinaktan ko siya mahigit isang taon na ang nakalipas.
Nang makaabot na ako sa restaurant, 8:35 na. Five minutes na akong late sa usapan namin. Noon, si Michael ang palaging nalelate sa amin. Mariin ko siyang pinapagalitan kahit marami pa ang makarinig sa amin. Nasa parking lot na ako at nagrehearse ng iilang salita sasabihin ko sa kanya. Kailangan maging espesyal ang gabing ito para sa aming dalawa.
Kinuha ko ang gitara at singsing na ipangreregalo ko sa kanya. Kailangan sorpresahin ko siya.
Lumabas na ako ng sasakyan at kinakabahan ako bawat yapak na hinakbang ko papasok sa restaurant. Tatanggapin niya kaya ako? Ulit? Kahit nasaktan ko siya? May mangyayari bang masama dahil sa five minutes late ako? Pagagalitan niya kaya ako?
Ngunit nang makapasok ako, ako yata ang nasorpresa. Natanaw ko kaagad ang kinauupuan niya. Katabi ang isang matangkad at gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. Bakit kaya siya nagdala ng kaibigan? Ah! Oo, hindi ko pala siya nasabihan na kaming dalawa lang. Ayos din yang may makakakita sa pagbabalikan namin.
Andiyan pa rin ang ngiti na kinabaliwan ko simula noon. Ang gwapo na ni Mike. Walang kupas. Lumapit ako sa mesa agad-agad. "Hi George! Hanep nakaporma ka ngayon ha. May gitara pa!" Sabi niya sa akin sabay hampas ng balikat ko. Natuwa ako sa kanyang ginawa dahil hindi pa rin nawala ang connection namin. Walang nagbago matapos ko siyang hiwalayan, maliban sa lumaki ang katawan niya at mas pumuti at tumangkad siya. Halatang inaalagaan niya ang sarili pagkatapos kung itapon ang pag-aalaga niya sa akin.
"Siyempre naman. Upo muna tayo!" Ngiti ko sa kanya at ng kasama niya.
"Siya nga pala George, si King." Turo niya sa kanyang katabi. Mabait ang mukha ni King, moreno at buff din. Ngumiti sa akin si King at naglahad ng palad. "King pare. Economy analyst." Malalim ang boses niya, nakakainggit ang postura.
"George. Nice meeting you!" Ngumiti din ako kay King.
"Siya pala ang bagong boyfriend ko George." Masayang wika ni Michael.
"Bagong boyfriend ko."
"Bagong boyfriend ko."
Umeecho sa tenga ko ang kanyang sinabi. Mistulang bumagsak ang langit sa aking mga balikat.
Nanlumo ako. Kaagad kong hinila si Michael palabas ng restaurant. "George, ano ba!"
Nang nasa labas na kami, binitawan ko siya. Galit na galit ako sa kanya. "Kelan pa, Michael?" Galit na galit ko siyang tinignan.
"Kanina lang. Five minutes bago ka dumating. Bakit ba? Isang taon na rin siyang nanliligaw, ano bang problema doon?" Obvious sa mukha niya ang pagkalito kung bakit ako nagagalit.
"Ano ka ba?! Tanga ka ba? Sinagot mo siya five minutes ago? Eh ako? Noon pa kita mahal! Noon ko pa nalaman ang pagkakamali ko! Di mo lang alam na pagkatapos niya akong hiwalayan, dahan-dahan na akong na-iin-love sa'yo ulit! Andiyan ako palagi para sa'yo, sa mga problema mo sa pamilya, trabaho, pera, at kung anu-ano pa! Masaya akong kahit may ginawa akong mali sa'yo, tinanggap mo pa rin ako ulit. Andoon ako sa panahon na kailangan mo ako!! Kasi, mahal na mahal kita!! Bakit di mo ako nakita?! Hindi tayo nawala sa tabi ng isa't-isa!!" Nasasaktan ako at umiiyak na kami. Tulo ng tulo ang luha ko samantalang nakayuko siya. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon dahil sa malaking boses ko.
Napakagat siya ng labi at umangat ang kanyang ulo. Maya-maya nagsalita na si Mike. "Eh ako George? Mahuhulaan mo ba kung ilang taon na akong nanliligaw sa iyo? Mahuhulaan mo ba ang haba ng pagmamahal ko sa iyo? Ang paghihintay ko na muli mo akong balikan? Ang pagbabakasakali kong lalapitan mo ako dahil hindi lang sa problema meron ka ng pinalit mo sa akin, kung hindi ang sabihin mo lang man na mahal mo ulit ako? Alam mo ba kung gaano ko katagal hiniling na sana balikan mo ako?" Pabulong na wika ni Mike habang tumutulo na ang kanyang luha. Umuuyog ang kanyang mga balikat.
Natahamik kaming dalawa. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang magkabilang balikat.
"Mahal mo pa naman pala ako eh. Tanggapin mo na ako ulit, please. Mahal na mahal kita Mike." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Sinuklian niya ang yakap ko.
"Sorry George." Humahagulgol na bulong ni Mike sa akin. "Palayain mo na ako, please. Pagod na ako sa kahihintay sa'yo. Ang pagmamahal na minsang nawala, kay King ko lang naramdaman muli. Sa panahon na tinapon mo ako, si King lang ang nagbigay ng dahilan upang magmahal ako ulit. Kagaya ng pagtitiis ko sa iyo, tiniis niya rin ako. Naghintay siya sa akin kagaya ng paghintay ko sa iyo."
Kumalas ako sa yakapan namin. "Pero five minutes lang naman ang lamang niya sa akin. Tsaka mahal mo ako, di ba? Ako na lang ulit, please? Patawarin mo na ako sa pananakit ko sa puso mo. Nagsisi na ako, please." Umiyak ako habang nakaluhod sa kanya. Niyakap ko ang kanyang mga binti kahit nauntog na ang suot kong gitara sa sahig.
Lumuhod din si Michael at niyakap ako. "George, matagal na kitang napatawad. Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Pero mas may mahal na akong iba. Di ko siya sinagot dahil five minutes early siya, pero dahil isang taon niya akong tiniis. Isang taon ko siyang tinulak palayo dahil isang taon akong umasa sa iyo. Mahalagang desisyon ito para sa akin. Pero pinili ko siya dahil kahit pinagtulakan ko pa siya hindi siya nawala. Samantalang ikaw, pinakawalan mo lang ako. Kaya please George, bigyan mo naman ako ng karapatang sumaya at magmahal muli. Pinagbigyan kita noon, sana ako naman ngayon... Please..." Binitawan na ako ni Mike at hinaplos ang aking ulo - kagaya ng ginagawa niya sa akin palagi.
Nang umangat ang kamay ni Mike, sinundan ko siya ng tingin. Nasa tabi lang pala si King naghihintay sa kanya. Nang makalapit na si Mike kay King, kaagad na niyakap nito si King at yumakap naman ang huli. Nakaka-inggit si King, minahal niya ang taong mahal ko.
Ilang segundo ang lumipas at nakatulala ako kay Mike na inaakbayan ni King. Dinig na dinig ang pagpapatahan ni King kay Mike habang papalayo sila.
Ganito pala kasakit ang iwan na nasasaktan.
Siguro nga ang limang minutong iyon ay ang magpapasaya sa kanya... habangbuhay.
Ako sana iyon eh.
Alam kong ang kasalanan ko ay hindi ang pagka-late ko ng five minutes, alam kong matagal nang naghihintay si Mike sa akin... di ko na mabilang pero baka mga mahigit isang taon na rin siguro, simula nang hiniwalayan ko siya sa parehong lugar kung saan kami nagkakaiyakan noon. Simula nang sinaktan ko siya noon.
Alam kong hindi kasalanan ang pagiging late ng five minutes. Pero siguro lang, siguro lang talaga, kung hindi ako nahuli ng five minutes, hindi sana naka-tiyempo si King kay Mike.
Siguro, nabago ko pa ang isip ni Mike o di kaya'y ni King.
Kung hindi lang ako nagpahuli ng limang minuto... siguro ako pa rin sana ulit.
Sana ako na lang ulit.
---
Author's note: Segway ko lang to habang finafinalize ko pa ang plot ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako: Diaries, Gapangin mo ako. Saktan mo ako. Book 2. at saka dalawang bagong kwento. Pasensiya na po kung medyo matagal. Pag tapos na ang second sem babalik ako sa pagsusulat. Pwede niyo akong i-add sa facebook: Boy Cookies, o di kaya'y magpadala ng e-mail sa: comegetmycookies@gmail.com
Wag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Ganda.. Worth it ang five mins mu author... Wait kami s book 2 mu
ReplyDeleteIdol ang ganda nito nakakalungkot lang kasi sayang e. Five minutes lang! -Ken
ReplyDeletepls. book2 ng gapangin... tnx very much. excited much....
ReplyDeletePero matapos ang ISANG TAONG
ReplyDeletehiniwalayan ko siya, akala ko okay na
kami ng bago kong boyfriend. Akala ko,
masaya na ako - pero ang desisyon ko na
iwan ko siya... ang pinakamaling desisyon
pala. Niloko lang pala ako ng bagong
boyfriend ko, pinakawalan ko ang taong
lubos na nagmamahal para sa tawag ng
laman at maling akala.
Alas-otso na ng gabi, nasa sasakyan na
ako. Binabaybay ko na ang daan patungo
sa eksaktong restaurant na sinaktan ko
siya TATLONG TAON na ang nakalipas.
mali mali ata yung TAON TAON mo po???
Ngunit kahit wala na kami ni Michael, ANDIYA PA RIN SIYA PARA PAGAANIN ANG LOOB KO, nagkikita pa rin kami at dahan-
dahan kong nakita ang pagkakamali kong
iwan siya. Mabait na tao si Michael.
Masarap magmahal - bakit hindi ko
nakita iyon?
"Ano ka ba?! Tanga ka ba? Sinagot mo
siya five minutes ago? Eh ako? Noon pa
kita mahal! ANDIYAN AKO PALAGI PARA SA'YO! Bakit di mo ako nakita?"
Nasasaktan ako at umiiyak na kami. Tulo
ng tulo ang luha ko samantalang
nakayuko siya. Nakakaagaw na rin kami
ng atensyon dahil sa malaking boses ko.
ang gulo di ba???
:)))
---ruhtra---
Di ko gets kung bakit nakakatawa siya, pero sige ayusin ko siya.
DeleteGanda ng story :)
ReplyDeleteBoholano blogger
medyo naguluhan lang po ako sa consistency ng mga taon....
ReplyDeleteex:
sabi dyan pagkalipas ng ISANG taon na hiniwalayan ni GEORGE si MICHAEL(yun yung araw na sinaktan niya si MICHAEL tama?) then biglang sinakatan ko siya TATLONG taon na ang nakakalipas( o di ba magulo? ilang po ba talaga?)
---ruhtra---
Pasensiya na po kung di ko napansin. Naayos ko na. Salamat, pakicheck na lang
Deleteask lng po :-) san ang book 2 ng Gapangin mo
ReplyDeleteako. Saktan mo ako? ito na ba? hehe...hindi pa kasi ako nka basa nito:-) pacnxa
tonix
cant wait for the book 2....you insipred me;)
ReplyDeleteBook 2 pls.. MatagaL ko ng hinihintay yun ee thanks po!
ReplyDeleteGanda ng story! very teaching.. Sana maipubLish na yung book 2 cant Weit to read that thanks!
ReplyDeleteBook 2 pls.. MatagaL ko ng hinihintay yun ee thanks po!
ReplyDeleteJust take your time. I'm beginning to like your plot. :-)
ReplyDelete