Followers

Monday, February 17, 2014

'Untouchable' Chapter 19

Hi, guys! Unang-una sa lahat, SORRY dahil sa SOBRANG LATE na update. Nawala kasi ang file ng story ko kaya I had to re-write the next chapter all over again. :( Sana ay huwag niyong itigil ang suporta niyo.

Anyway, hindi ko na patatagalin pa. Here's the next chapter.

Happy Reading!

--

Chapter 19


Justin.

Flashback

Sinagot ko ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag sa akin si Caleb, kapitbahay at tropa ko. “Bro? Anong meron?” bungad ko sa kanya. “Damn, open your gate. Kailangan ko ng kausap.” hindi niya mapakaling sagot sa tanong ko. Nagtaka naman ako, dahil hindi ganito ang normal na pag-uugali ni Caleb. Siya na siguro ang pinakamatigas na taong kilala ko. Bihira ko siyang nakitaan ng emosyon. Don’t get me wrong, kapag nagkakasiyahan kami ng mga barkada namin ay lagi siyang nakikigulo. Kwela siya, at palabiro, ngunit ni minsan ay di ko pa siya namasdan na tila may iniindang problema. Binabaan ko siya ng telepono at nagtungo sa labas ng bahay namin.

Nasipat ko siyang naghihintay sa labas ng gate namin, tila hindi mapakali. Agad ko siyang pinagbuksan at niyaya sa garden upang makapag-usap kami ng masinsinan. “Can I get you anything?” tanong ko. “Tubig. Salamat.” simpleng reply niya. Pinaupo ko siya sa may coffee table sa harap ng pool habang kinuha ko muna siya ng tubig sa kusina. Kumuha na rin ako ng maiinom kong juice. Bumalik ako sa garden at inilapag ko ang mga inumin sa la mesa. Agad namang uminom si Caleb at sa unang lagok pa lamang ay nangalahati na agad ang baso.

“Anong nangyari?” kaswal kong tanong sa kanya. Umiling siya at nakita kong kumunot ang noo niya. “Sobra na talaga si dad.” nangagagalaiti niyang sabi sa akin. “Naanakan niya pala yung babae niya dati.” sabi niya. Nagulat naman ako sa rebelasyong iyon mula sa kanya, dahil hindi ko inaasahang may anak pala sa labas si Tito Ronald. Ang tanging alam ko lamang ay nagkaroon siya dati ng kabit base sa mga kwento ni Caleb. Hindi ako nakasagot, dahil nga sadyang nabigla ako sa narinig ko. Matagal ko ng alam na may tampo itong si Caleb sa daddy niya, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang kapait ang tunog ng pagsasalita niya.

“And now, he wants to adopt that kid. Bukas sa amin na siya titira. Fuck.” inis na inis niyang pagsusumbong. “To make matters worse, I heard that he’s a fag.” sabi pa niya. At doon ay natawa na ako. “Dude, problema nga ‘yan.” pang-aasar ko sa kanya. “Paano kung gapangin ka niya habang natutulog ka? Tsk, tsk. Ingat ka, bro.” tudyo ko pa. “Gago. Fuck, I swear I’ll make his life a living hell once he moves in.” mariin niyang sabi.

Katahimikan.

Tila may naisip na ideya si Caleb, dahil sa biglaang pagliwanag ng mukha nito. “Dude! I have a plan.” Nakangising sabi niya sa akin. Naging interesado naman ako sa topic ng conversation namin. Alam kong kapag ganito si Caleb ay handa na naman itong maglaro ng apoy. Ako naman ay game na game rin, dahil sadyang mahilig ako sa mga ganoong bagay. “What?” tanong ko. Uminom muna ako ng juice habang hinihintay ang sagot niya.

“Paibigin mo siya.” sabi niya na siyang naging dahilan para maibuga ko ang iniinom ko—literally. “Tangina! Ano?! Bakit ganyan role ko diyan?!” hindi ko makapaniwalang bulalas. Ano naman ba ang nahithit ni Caleb? “I’m not a fag!” dugtong ko pa. Tumawa lang ito ng matabang. “Alam ko, pero c’mon Justin. Alam kong hindi ka katulad niya, but I know you’re craving for some mischief. Ito na ang pagkakataon mo. I know how much you like your mind games. Kaya I’m challenging you to make my ass of a half brother fall in love... then break his heart.” sabi niya na tila proud pa sa sarili niya sa naisip niya.

Napaisip naman ako. Ayokong gawin iyon sa kung sinuman ang kapatid niya. Hindi dahil sa ayaw ko siya masaktan, because truth to be told, wala akong pakialam. Ayoko lang talagang lumapit sa mga taong tulad niya. They disgust me! Ngunit hindi ko ikakailang tinamaan ako sa sinabi ni Caleb. Matagal na nga since noong huling nakapaglaro ako, at nami-miss ko na ang sayang nakukuha ko sa paglalaro ng mga damdamin ng ibang tao. At isa pa, sa tono niya, tila hinahamon niya ako at parang pinapamukha niya sa akin na hindi ko kaya.

“Anong makukuha ko dito kapag nagawa ko?” tanong ko sa kanya matapos akong mag-isip. Nakita kong ngumisi si Caleb, dahil alam niyang sa tanong kong iyon ay pumapayag na ako sa gusto niyang mangyari. “Hmmm, sige 20k. Ok ka na ba doon?” tanong niya. Na-engganyo naman ako sa offer niya. “Gaano katagal ko dapat siya mapa-ibig?” tanong ko. “Basta dapat before sembreak niyo. I heard schoolmate mo siya, eh.” sabi niya. Napakadali naman nito. Sobrang tagal ng ibinigay niyang palugit, kaya naman hindi ako nag-aalinlangang magagawa ko iyon.

“Paano natin malalaman kung panalo ako?” tanong ko. “2 things. First, dapat sagutin ka niya. Second... he must have sex with you.” sabi niya. Nasuntok ko siya sa braso ng hindi oras. “Oh no! Hindi ko kaya ‘yan!” sabi ko sa kanya. The fuck?! “Okay... maybe that’s too much. Anyway, I’d be happy seeing that kid miserable.” sabi niya. Bigla naman akong nag-alangan at alam kong napansin niya iyon. “Come on, I know how much you want this as much as I do. Isipin mo na lang na babae siya or something na nililigawan mo. Ano na? Deal?” inip na tanong nito.

“Deal.” sagot ko, bago ko pa napigilan ang sarili ko.

--

After a few weeks

Kaya naman I set the plan into motion. Bawat araw, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang mapalapit doon sa Gabriel na iyon. I have to admit, noong una ko siyang makita sa clubhouse ng village namin ay hindi nagmatch ang expectations ko sa nakita ko. Akala ko ay isa siyang malambot, at lalamya-lamyang lalaki, dahil nga sabi ni Caleb ay isa itong bisexual. I was very wrong, dahil hindi ito halata sa kanya, at aaminin kong may aura siyang nakakatakot at times. Cool din siyang kasama, ngunit kapag gumagawa ako ng move ay halatang-halata sa kanya ang pagkailang niya—which is very insulting. Ako na nga ang lumalapit sa kanya, siya pa ang may ayaw?! Kung alam lang niya ang dami ng babaeng naghahabol sa akin. Ang kapal lang talaga.

Ngunit hindi ako susuko, at mapapaibig ko rin siya. Pagkatapos noon ay wawasakin ko ang puso niya. Hindi ko hahayaang manalo si Caleb sa pustahan naming dalawa. Hindi na patas. Palagi na lang si Caleb ang nanalo. Simula noong bata pa kami ay palagi na kaming napagkukumpara. Maging ang mga magulang ko ay hindi nahihiya sa akin sabihin na mas magaling si Caleb sa akin, na dapat gawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging katulad niya. Nakakasuka na! Puro na lang Caleb, Caleb, Caleb! This time, ay sisiguraduhin kong ako ang mananalo.

Biglang nagring ang phone ko, at nakita ko ang pangalan ni Caleb sa screen.

“Speaking of the devil.” Sabi ko bago ko ito sagutin.

“Yup? Anong atin?” tanong ko. “Hey, Justin… ugh, mukhang may problema tayo.” medyo uneasy niyang pahayag na siyang ikinataka ko. “Ano naman?” curious kong tanong. “Ah, the thing is… pwede bang itigil na natin ‘yung panloloko kay Gab?” sabi niya na lubusan kong ikinagulat. “Dude? Anong nangyari? Bakit ititigil ko na? Hindi pa nga tayo nagsisimula. At saka paano ‘yung pusta mo?” balik ko sa kanya. “I just realized… na mali itong ginagawa natin. I don’t think tama na saktan ko siya. He’s my brother after all. Don’t worry, I’ll still give you that 20k that I pledged. Wala namang kaso iyon, basta itigil na natin ‘to.” sabi niya.

“Ano bang meron sa’yo, ha? Hindi ka umaatras sa ganito. This is the first time, Caleb.” sabi ko, hindi pa rin makapaniwala. “Bro, please… itigil na natin ito. Ayoko ng lumaki itong gulo na ito.” nagmamakaawa na siya sa akin. At doon ay tila isang ideya ang pumasok sa isip ko. Hawak ko na sa leeg ngayon si Caleb, at dahil sa naisip kong iyon ay nagdiwang ako sa loob-loob ko at hindi ko na naiwasang mapangisi dahil sa inaasta ni Caleb ngayon.

“No way. Ngayong nagsisimula ng gumanda ang laro. Bakit ngayon pa ako titigil?” nakangisi kong pahayag sa kanya.

“What? Wait! Itigil mo n—“at binaba ko na ang cellphone ko, bago pa niya matapos ang apela niya.

Kahit pa nandidiri ako sa mga ginagawa ko, ay kinakaya ko pa rin. Iniisip ko na lamang na magiging maganda ang kalalabasan nito dahil unang-una, mapapatunayan ko kay Caleb na hindi ako mahina gaya ng iniisip niya. Ikalawa, dahil gusto kong makita ang pagmumukha niya once na matalo ko siya.

Kaya naman nang dalhin ko si Gab sa Villa namin ay doon ko napagdesisyonan na magpasabog ng bomba. Tonight, I’m going to ‘admit’ my feelings for Gab. Nagmemorize na ako ng speech, at nagpractice para ma-check kung natural ang dating noon. Uminom pa ako ng alak, para magkaroon ng lakas ng loob at para magmukhang kapani-paniwala ang mga pinagsasasabi ko kahit sa loob-loob ko ay ayaw ko ang mga ginagawa ko.

--

But then, who would’ve thought na dadating ako sa point na ito ngayon? Na kung kailan, sa unang pagkakataon, ay natalo ako sa isang gulong ginawa ko? Na kung saan, ako rin ang naging biktima ng paglalaro ko. At higit sa lahat, sino bang mag-aakalang dadating ako sa ganitong klaseng sitwasyon, kung saan mamahalin ko ng tunay ang taong biniktima ko?

Bakit ko ba hinayaang umabot sa ganito ang sitwasyon?

Ito na ba ang kabayaran para sa lahat ng kagaguhang ginawa ko noon?

Ngayon, alam ko na. Ang sakit-sakit pala. Karma’s one big bitch.

“Gab, say something please. Hindi ako ang may kasalanan dito kaya patawarin mo na ako!” pagmamakaawa ko sa kanya. Napansin kong nakayuko lamang ito at hindi ito makatingin sa akin. “Gab, after ng ginawa ko sa’yo, sa tingin mo ba magagawa ko pang magsinungaling sa’yo? Masakit na makita kang nasasaktan ka, at naiinis ako dahil tangina, ako ang may kagagawan niyan sa’yo!” bulyaw ko sa kanya. “Gab, please, give me a chance.” I pleaded.

“H-hindi totoo ‘yan. Hindi magagawa sa akin iyon ni Caleb, Justin.” ramdam ko ang apoy sa linyang niyang iyon. Dahil doon ay mas lalo akong nainis kay Caleb, dahil tila napaikot na rin nito ang utak ni Gab! “Sige, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan ngayon, pero ito lang ang masasabi ko sa’yo, tanungin mo siya! Nang magising ka na sa kahibangang binigay niya sa’yo.” pahayag ko. Nilapitan ko siya. Niyakap ko siya, ramdam ko ang pagpupumiglas niya, ngunit pinigilan ko ito. Ramdam ko pa rin ang patuloy na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko habang nasa ganoong posisyon kami.

“Gab, please... don’t do this to me.” pagmamakaawa ko sa kanya.

“It’s been wonderful, Justin.” impit na saad niya na siyang dahilan para kalasin ko ang yakap namin at pagmasdan ang mukha niya. Naaninag ko doon ang matinding hinagpis, na naidulot ko sa kanya na siyang nakapagpaigting ng nararamdaman kong guilt at pagka-inis sa sarili ko. “You’re a great guy. Maraming salamat, na kahit sandali lang, naiparamdam mo sa akin kung paano na... ‘yung ako naman ‘yung minamahal, dahil lagi, ako na lang ‘yung nasa kabilang end ng spectrum. Thank you for making me feel how to be loved... kahit palabas lang pala ang lahat.” malungkot niyang pahayag.

“Gab, I—“

“Goodbye, Justin.” pamamaalam niya.

--

Trisha.

Kahit pa sinabi kong babalik ako sa loob ng club ay hindi ko iyon ginawa. I just can’t leave Gab like this, knowing how much pain he’s going to feel after. Kaya naman tumambay muna ako sa isang lugar, far enough para makita ko kung anuman ang mga mangyayari, ngunit mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko naririnig kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa.

Nakita ko kung paano duru-duruin ni Gab si Justin, which made me proud, because for once, he actually stood up for something concerning himself. Natuto na siyang lumaban, at dahil doon ay natutuwa ako. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan para sa kanya, which made me rethink about everything. Surprisingly, kahit ako ay may natutunan din kahit papaano sa sitwasyon niya. Napaisip din ako tungkol sa mga nararamdaman ng mga lalaking hinihiwalayan ko matapos ang maikling panahon. Although hindi ko sila niloloko, alam kong deep down, alam kong ang sarili ko ang niloloko ko sa paghahanap ng kalinga mula sa isang taong hindi ko naman gusto.

Ngunit ikinataka ko nang may matigilan si Gab nang may sabihin sa kanya si Justin. Napansin ko ang biglaang paninigas ng katawan nito, hindi ito nakapagsalita at parang tuod na lamang na nakatayo sa harapan ng lalaking nanloko sa kanya. Nag-alala naman ako dahil naisip kong baka may nasabi si Justin na nakapagpababa sa tingin sa sarili ni Gab. Akmang lalapit na sana ako para tulungan siya nang bigla siyang lapitan ni Justin at yakapin na siyang ikinataka ko.

Bakit naman niya gagawin iyon, eh palabas lang naman ang lahat?

Napansin ko na may sinabi sila sa isa’t-isa bago tapusin ni Gab ang usapan at maglakad pabalik ng kotse nito, leaving Justin standing alone. I took that as my cue to leave the spot I’m standing at. Binigyan ko muna ng isang matalim na tingin si Justin bago ako pumasok sa kotse ni Gab. Napansin kong sising-sisi siya sa nagawa niya base sa facial expression niya. Ngunit nangyari na, eh. Kahit anong tindi ng pagsisisi niya ay hindi na noon mababago ang katotohanang nasaktan niya si Gab.

Tumahimik muna ako at hindi nagsalita. Tiningnan ko ang postura niya, at napansin kong kalmado naman ito kahit papaano kaya naman hindi ako nag-alala tungkol sa pagmamaneho niya ngayon. Isa pa, hindi naman ito uminom ng kahit anong alak sa club kanina kaya most likely ay safe kaming dalawa, and the fact that he’s driving below the speed limit made me at ease. Tinext ko naman si Juno na dapat kasama din namin ngayon pero dahil sa biglaang pagbisita ng mommy niya sa Metro Manila ay nagpass ito.

“Natatakot ako, June. Nagbreak down nga siya, pero ngayon parang ang kalmado niya.” text ko sa kanya.

“He’s doing ‘that’ again? :((”—reply niya. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy nito—ang palaging pagsupress ni Gab sa mga nararamdaman niya para hindi siya magmukhang mahina sa mata ng ibang mga tao.

“Oh, ayan na. Sa tingin ko naman wala na si Justin sa buhay niya. Wala ka ng competition, June. Pero sana huwag ka muna magproceed, basag pa siya, eh.”

“Oo naman, Trish. Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar. Kamusta naman si Justin?”

“Ayun, umiyak din. Ewan ko nga, eh. I don’t want to ask Gab about it pa. I’ll wait unti medyo nakapag settle na siya.”

“Umiyak siya? Weird! If palabas lang pala ang lahat bakit siya nalulungkot? Baka nagpapanggap pa din siya.”

“I know, right? Siguro nga tama ka. Oh well.”

“Sige, good night. Kwentuhan na lang tayo sa Tuesday.”

“Sure!”

Matapos kong itext si Juno ay chineck kong muli si Gab at nakita kong nakatuon pa rin ang pansin nito sa daan. Ngunit mas lalo akong nag-alala nang masipat kong mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela to the point na namumuti na ang kamao nito. Gusto ko mang hawakan ang balikat niya, o kausapin siya, para man lang pakalmahin siya kahit papaano ay mas pinili kong hindi dahil sa pagkakakilala ko dito ay walang maidudulot na mabuti ang balak ko. Kaya naman nanahimik na lamang ako kahit kanina pa ako kating-kati na kausapin siya.

Kaya naman ganon na lamang ang gulat ko nang biglang basagin ni Gab ang katahimikan.

“Trisha. Can I stay the night... Actually, can I stay for one whole week in your place?” tanong nito. “Uh, sure. Pero bakit naman?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi nito pinansin ang tanong ko, kahit pa sa loob-loob ko ay alam kong narinig ako nito at may iniiwasan lamang itong pag-usapan. Napabuntong-hininga ako at sinabihan kong okay lang na magstay siya kahit gaano pa niya katagal gusto sa condo ko.

--

Pagdating namin sa condo ko ay agad akong nagpunta sa kitchen dahil kanina pa ako uhaw na uhaw. Binuksan ko ang ref at kinuha ang malamig na pitsel ng tubig mula roon at pinagsalin ko ang sarili ko ng isang baso. “Gab, water?” alok ko sa kanya. He waived me off. “Magluluto ako ng merienda. Nagutom ako, eh. Gusto mong sandwhich?” alok kong muli dito. Napaisip naman ito at sa huli ay tumango kaya naman nagsimula na akong mag-assemble ng sandwhich para sa dalawang tao. Binuksan ko na rin ang oven toaster para sandali na lamang ito-toast ang tinapay.

“Tawagan ko lang si tita. Magpapaalam ako.” pahayag niya. Nakita ko ang pagkuha niya ng cellphone niya mula sa bulsa niya. “Hey, baka tulog na sila.” komento ko. “Kailangan ko ng magpaalam. Di bale ng magising sila kaysa naman mag-alala sila.” sagot niya sa akin kaya naman tumigil na ako. Alam ko namang wala akong laban sa kanya sa oras na magsimula siyang mangatwiran, eh.

“Hello, tita? Did I wake you up?... Nako, sorry po. Uhm, kasama ko pa rin po ‘yung kaibigan kong si Trisha. Tita Audrey, pwede po bang magpaalam?... Hindi po ako makakauwi ng mga isang linggo, eh. Importante po kasi ‘yung...” napansin kong natigilan ito.

“Yes, papa. Sorry po. Uhm, pa, paalam lang po ako. Can I stay here at Trisha’s condo for one week? Finals period na po kasi and to be honest, nahihirapan po akong mag-aral sa bahay. Gusto ko po kasi talagang magfocus sa pag-aaral... Uhm, kukunin ko na lang po diyan ‘yung mga gamit ko kapag naubusan na ako ng gamit dito. May mga damit naman po ako dito sa condo niya, eh. Ganito naman po ako lagi tuwing finals, tanungin niyo pa po si mama... well, si mama ko.” si Gab.

“Anong? Nagsinungaling pa siya!” protesta ko habang nilalagyan ng cheese ang ginagawa kong pagkain. “Pa, please po?...” pagtatapos niya. Napansin kong naghihintay ito ng sagot mula sa dad niya sa kabilang linya. Either that, or nile-lecturan siya ni tito. “Okay po. Promise, I won’t do anything stupid... Uhm, huwag na po dad. May pera pa naman po ako dito. Pati din po ‘yung credit card na bigay niyo hindi pa naman po bawas ‘yung laman kaya huwag niyo na po alalahanin ‘yon... Opo, opo. I understand. Thanks, pa. Sorry nagising ko kayo ni tita. Good night po. See you next week. I love you.” pagtatapos ni Gab na sakto din naman sa pagkakalagay ko ng mga sandwhich sa oven toaster.

“Oh, ayan ha. All cleared na ako.” pahayag niya, tila ipinapamukha niya sa akin na wala na akong magagawa sa kagustuhan niyang makitira dito. “Nako, kapag nalaman ‘to ni mama siguradong magwawala na naman ‘yon.” natatawa kong biro na siyang ikinatawa rin naman ni Gab, something na nakapagpagaan ng pakiramdam ko. “Oo nga, noh? One true pairing tayo ni tita, eh.” saad niya. Ngunit bigla itong natigilan at napansin ko ang biglaang paglungkot niya.

“Trisha, sana kasi ikaw na lang. Kung tayo siguro wala akong problemang ganito.” malungkot nitong pahayag habang nakayuko. Naawa naman ako para dito. “Aww, Gabby...” ang tanging nasabi ko na lamang. “Syempre nagbibiro lang ako. Ikaw talaga.” pilit ngiti niyang turan. “Alam ko... do you want to talk about what happened kanina?” seryosong pahayag ko sa kanya. Inabot ko at ikinulong sa mga palad ko ang mga kamay niyang nakakuyom sa ibabaw ng countertop. “Alam mo namang makikinig lang ako, ‘di ba?” dugtong ko habang nakatingin ng diretso sa malulungkot niyang singkit na mga mata.

“I—“

At biglang tumunog ang timer ng oven toaster ko na siyang ikinainis ko ng sobra.

Bwiset!

“Uy, kunin mo na, Trish.” utos nito sa akin, at ano pa nga ba? Wala na akong magawa dahil tuluyan ng nasira ang moment namin ni Gab dahil sa pesteng toaster ko. We ate our sandwhiches in silence. Habang kumakain ako ay tinitingnan ko siya. Alam kong malungkot na malungkot ito, ngunit hindi lamang niya iyon pinahahalata sa akin. Bigla ko namang naalala ang tanong na kanina pa bumabagabag sa isipan ko.

“Uhm, Gab?” ako.

“Yup?” tanong niya.

“Hindi naman sa ayaw kita dito, ah. Bakit ba kailangan dito ka pa magsoul search, te? May ayaw ka bang makita sa inyo, ha?” biro ko sa kanya.

Natahimik ito at biglang naging seryoso.

“Paano kung oo?” makahulugan niyang pahayag bago ako tuluyang iwan sa kusina, gulat at nagtataka sa naging sagot niya.

--

Juno.

Lumipas ang weekend, at kakasimula pa lang ng linggo ng klase. Hindi ko maiwasang mag-alala kung ano ang magiging estado ni Gab. Wala akong magawa, dahil kahit ako man ay wala ring alam sa totoong nangyayari sa kanya. Maging si Trisha ay kahit anong gawing pilit kay Gab na magkwento tungkol sa naging usapan nila ni Justin ay wala ring nakuha mula kay Gab. Ang tanging nalaman ko lang ay kasalukuyan itong nakikitira sa condo ni Trisha pansamantala. Naikwento rin sa akin ni Trisha ang tungkol sa hinala niyang may ayaw itong makitang tao sa bahay nila kaya nakikitira si Gab sa kanya.

“Baka naman kasi dahil kapitbahay niya si Justin kaya ayaw niya umuwi. Baka kasi magkita sila?” paglalahad ko ng teorya ko kay Trisha. Wala pa si Gab noong araw na iyon at wala akong ideya kung papasok ito. Ang sabi na lamang ni Trisha ay pagkagising niya ay wala na si Gab sa condo niya. Nag-iwan naman ito ng text kay Trisha na may pupuntahan lang kaya wala naman kaming pinag-aalala. Alam ko namang walang gagawing reckless si Gab. Kilala namin ito, and we know that he’s better than that.

“Hmmm, good point. Oo nga, noh. Hindi ko naisip ‘yan.” pagsang-ayon niya. “Pero hindi talaga, June... ‘yung pagkakasabi niya kasi. “Paano kung oo?” hindi ba, that’s implying something else? Ano ‘yun? Someone in their house is involved sa gusot nila ni Justin?” pahayag niya na siyang ikinatawa ko. “O, ayan ka na naman. You’re overthinking things again. Masyado ka ng nasobrahan ata sa social theories.” biro ko dito na siyang ikinitawa na lang rin niya.

“So, ano ng plano mo? Liligawan mo ba?” nakangising sabi ni Trisha. “Hindi. Basta, I’ll just give it a try. Kung mahalin niya ako, then good. If not, then wala naman akong magagawa don, eh. Pero aamin naman ako. Basta. Ewan. He’s in a mess right now. Ayoko munang dumagdag.” pahayag ko. Tumango naman si Trisha bilang pag-intindi sa mga sinabi ko.

Nagsimula ang unang klase namin na walang Gab na nagpapakita.

--

“Mr. Tan! Why are you late?” pagsita ng professor namin pagpasok ni Gab. Pangalawang subject na namin ngayon. Kung ako ba naman ito ay hindi na ako pumasok ngayon. Hinintay ko na lang siguro ang susunod na subject, dahil sadyang napaka-terror talaga ng professor naming ito. “Sorry, ma’am. I woke up late. It won’t happen again.” paghingi niya ng paumanhin. “Next time, be responsible for your actions, ha?” inis na sabi nito. Nakayuko namang lumapit si Gab sa pwesto sa tabi ko at nakinig. I didn’t dare ask him what made him late dahil nga ayokong mapagalitan ni ma’am.

Matapos ang klase ay agad umalis si Gab ng walang paalam, at ni hindi man lang kami kinakausap kaya naman tumayo na rin ako at hinabol siya. Nakita kong naglalakad na ito palayo, papunta sa stairs pababa sa first floor. Hinabol ko ito, ngunit hindi pa rin ako nagpahalatang sinusundan ko siya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng building.

“Gab!” sigaw ko dito. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang direksyon ko. Lumapit ako dito at sinabayan siyang maglakad. “May gagawin ka ba?” tanong ko sa kanya. Umiling ito. “No, uuwi na ako.” simpleng sagot nito. “Speaking of, I heard na kay Trisha ka muna tumitira. What gives?” tanong ko dito, ngunit nagulat ako sa naging reaksyon nito. “Bakit mo ba tinatanong? Ano bang pakialam mo, ha?” iritang sagot niya sa tanong ko. Natahimik ako sandali, ngunit hindi ko pinahalatang nabigla ako sa naging reaksyon nito.

Intindihin mo na lang, Juno. Be patient, may pinagdadaanan ‘yung tao.

“S-sorry.” paghingi niya ng dispensa. “Pfft, halika nga. Samahan mo ako.” pag-anyaya ko sa kanya at bago pa siya makasagot ay kinuha ko ang palad niya at hinila ko siya palabas ng building, tungo sa parking lot. Oo, nakaramdam ako ng kuryente the moment na magtagpo ang mga balat namin. Hindi ba’t ganoon naman kadalasan ang nangyayari kapag malapit ka sa taong gusto mo? Hindi na ako nagtaka kahit pa hindi ito tumutol o nagreklamo sa pagho-holding hands namin. Alam kong wala siya sa hulog ngayong araw dahil sa mga pinagdadaanan nito. Tahimik lamang si Gab hanggang sa marating namin ang parking lot sa harap ng college namin.

“Juno, wala akong dalang kotse. Nakisabay lang ako kay Trisha.” pahayag nito, at doon ay napangisi ako. Hindi ko siya pinansin hanggang sa marating namin ang parking spot ko. “Sino bang may sabing ride mo ang gagamitin natin?” makahulugan kong tanong habang payabang na tinatapik ang sasakyang na sa tabi ko. “No way!” reaksyon niya, at doon, kahit panandalian ay nakita ko ang pagsigla ng aura niya. “Yeah, regalo ni mama pagbisita niya sa amin. It’s nothing much, second hand lang, pero kotse pa rin.” pagpapaliwanag ko.

“Sus, hindi naman halatang second hand, eh. Ang ganda kaya.” pagpuri niya. Pinasalamatan ko ito bago kami tuluyang sumakay ng kotse.

Habang binabagtas namin ang daan tungo sa gusto kong puntahan ay nagpatugtog muna ako ng kanta sa radio ko. Maka-ilang minuto pa ang lumipas ay biglang nagring ang cellphone ni Gab. Tiningnan niya ang screen nito, kumunot, at ni-reject ang tawag. Makalipas pa ang isang minuto ay muling nagring ito kaya naman tinanong ko na siya. “Gab, hindi mo ba sasagutin ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Sino ba ‘yan?” dugtong ko. Bumuntong-hininga ito. “Uhm, si Caleb lang. Ayoko muna ng kausap, eh.” malumanay na sagot nito. “Ahh, okay.” sabi ko before I dropped the subject.

--

Dinala ko siya sa, well, inuwi ko lang siya sa condo ni Trisha. “Uuwi rin pala tayo niyaya-yaya mo pa ako. Porke’t naka-auto ka na, ganyan ka na.” saad niya na siyang ikinatawa ko. “Mamaya pa naman dating ni Trisha, ‘di ba?” tanong ko sa kanya. “Oo, may class siya hanggang 7:00 p.m.” sagot nito. Tumango lamang ako bilang tugon.

Pagdating namin sa loob ng unit ni Trisha ay nagtungo agad ako sa may telephone at denial ang number ng isang pizza chain para magpa-deliver ng makakain. Matapos noon ay humilata ako sa sofa at naginat-inat ng kaunti. Tiningnan ko ang paligid ko at napailing ako sa kalat ng condo ni Trisha.

Kababaeng-tao, ang gulo-gulo ng gamit.

Nagitla na lamang ako nang marinig ko ang tunog ng pintuan mula sa likod ko, at kung gaano ako inantok mula sa biyahe ay siyang ikinagising ko ng biglaan dahil sa nakita ko. Lumabas si Gab mula sa kwarto ng naka-boxer shorts lamang! Masikip na boxer shorts! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan ay ngayon ko lamang ito nakita sa ganitong ayos, at aaminin ko, naapektuhan ako sa nakita ko... If you know what I mean.

And if that wasn’t enough, umupo ito sa tabi ko sa sofa at humilata rin. Umungol ito, signifying na pagod siya, ngunit ang maduming utak ko ay kung anu-ano ang iniisip. Pinigilan ko ang sarili ko. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan, mula ulo hanggang paa, minsan tumitigil ng panandalian ang mata ko sa gitna. Napailing na lamang ako dahil hindi ko dapat siya binabastos ng ganito. I shouldn’t take advantage of this situation, lalo na’t broken pa siya.

“Uh... napagod ka yata.” komento ko. “Uhuh.” sagot nito, tinaas niya ang dalawang braso niya at ginawang ulunan habang nakasandal sa sofa, and again, I tried my best to look away. “Uh, CR lang ako.” paalam ko bago pa ako may magawang pagsisisihan ko habangbuhay. Pagdating sa loob ng CR ay pinakalma ko ang sarili ko, naghilamos na rin, at kinausap ang sarili ko sa salamin.

“Juanico Agustin, ayusin mo ‘yang sarili mo! Kalma lang, baka makahalata siya.” sabi ko sa repleksyon ko. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang lumabas. Paglabas ko ay nadatnan ko siya sa parehong posisyon—nakataas ang dalawang braso bilang ulunan, nakabukaka, at nakapikit ang mga mata. Napalunok ako sa tanawing iyon. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi nito. Pansin ko ang lalim ng paghinga nito. Siguro ay nakatulog na ito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang pagiging maamo nito. Unti-unti kong inilapit ang sarili ko at patuloy na sinuri ang kabuuan ni Gab. Nagfocus ako sa mukha niya at hindi ko maiwasang mapadako sa labi niya, ang pagkapula nito. Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng labing iyon, ang maranasan ang halik ni Gab, ng taong matagal ko ng gusto. Hindi ko napansing sobrang lapit na pala ng distansya sa pagitan ng mga mukha namin ni Gab hanggang sa biglaang bumukas ang mga mata nito.

Tulala kaming pareho. Ako ay nagpa-panic na dahil sa pagkahuli ko sa akto. Si Gab naman ay halatang gulat na gulat sa ayos naming dalawa. “Ah... eh...” pagsisimula ko nang biglang may kumatok sa pintuan na siyang ikinatuwa ko.

Saved by the bell!

--

Gab.
“Magkano share ko?” tanong ko sa kanya matapos niyang i-handa ang pizza na pina-deliver niya. Ngumiti ito at umiling. “Huwag na. Ako na ‘to. Sad ka kasi kaya libre ko na, nakakahiya naman.” biro nito, ngunit sa loob-loob ko, kahit nalulungkot ako, ay may sayang idinulot ang sinabi niya sa akin kahit papaano. “Seryoso ba ‘yan? Anong nakain mo at bigla kang nanlibre?” tanong ko sa kanya. “Wala. Basta, kumain ka na lang. Baka magbago pa isip ko.” ang sagot niya sa akin.

Katahimikan.

“Nood tayo movie.” saad ni Juno, out of the blue. “Huwag na.” pagdismiss ko sa kanya. “Alam ko na. Tulog na lang tayo. Inaantok na ako, eh.” suhestyon ko. Natigilan ito sandali, tila nag-iisip. “Hmmm, sige.” sagot nito. Niyaya ko ito sa kwarto ko—well, sa spare room ni Trisha—at nauna na akong humilata. Naghintay ako sandali ngunit nang mapansin kong wala pang tumatabi sa akin ay napatingin ako kay Juno. “Tutunganga ka na lang ba diyan?” tanong ko sa kanya. Tila nagising naman ito at tumabi na sa akin.

Muli ay natahimik na naman kaming dalawa.

“Gab...” pagtawag nito sa akin. “Hmmm?” matamlay kong tugon, unti-unti ng nakakaramdam ng antok. “Do you want to talk about it?” tanong niya  sa akin. “Talk about what?” pagmamaang-maangan ko kahit sa loob-loob ko’y alam ko ang gusto niyang ipahiwatig—ang matagal ko ng iniiwasan. Ni kahit kanino ay hindi ako nagdisclose ng kahit ano patungkol sa naramdaman ko sa nangyari kay Justin, at lalong-lalo na tungkol sa nalaman ko kay Caleb, which I haven’t confirmed yet.

“C’mon, Gab. Tayong dalawa lang naman dito. Alam mo namang makikinig lang ako at hindi ako OA mag-react tulad ni Trisha.” pahayag niya. Bumuntong-hininga ko. “It’s okay to open up, you know.” dagdag nito.

“Fire away.” walang gana kong sabi sa kanya.

“Masakit pa rin ba?” pagsisimula nito.

“Oo.” sagot ko.

“Minahal mo ba si Justin?”

“Paparating na ako doon, kaya masakit.”

“Ano bang napag-usapan niyo ni Justin? Ikwento mo naman, ating-atin lang.”

Natahimik ako ng panandalian bago nagsimula, but then I decided against it. Hindi pa ako handa.

“Matulog ka na, masyado ng maraming tanong.” pagsuway ko dito.

--
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagring ng cellphone ko. Naghihikab ko itong kinuha mula sa bedside table ko. Napansin kong tulog pa rin si Juno na hindi man lang nagising sa ringtone ko. Napailing ako at tiningnan ang screen ko. Matapos noon ay sinagot ko ang tawag.

“Hey.” bungad ng tao mula sa kabilang linya.

“Hi.” malumanay kong sagot.

“Kuya, I heard hindi ka daw uuwi. Bakit naman?” malungkot na tanong niya.

“Selah, it’s finals period. I need to concentrate.” sagot ko sa kanya.

“Why do you sound drowsy?” curious na tanong nito.

“Uhm, kakagising ko lang kasi.” sagot ko sa kanya.

“Ahh, anyway. Pinapasabi lang nila mom and dad na mag-iingat ka diyan. Umuwi ka man lang daw muna dito kahit for dinner lang daw. Miss ka na namin.” sabi niya sa akin.

“OA, Selah. Ilang araw pa lang naman ako nawawala... Tatlong araw pa lang.

“Eh, basta. Miss ka na namin.”

“I miss you too.”

“Ay, wait may kakausap nga pala sa’yo.”

“Gab.” sabi ng boses. Nang marinig ko ang boses niya ay hindi ko maiwasang manigas, matakot, mainis, mangulila, makaramdam ng galit, at kung anu-ano pang pinagsama-samang mga emosyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Oo, hindi pa ako sigurado kung totoo man ang sinabi sa akin ni Justin patungkol sa kanya, ngunit ayoko mang aminin ay malaking bahagi ng sarili ko ang nagsasabi ng oo—at iyon ang hindi ko matanggap at ang katotohanang pilit kong iniiwasan.

“Caleb. Anong atin?” kaswal na sagot ko sa kanya.


“Gab... iniiwasan mo ba ako?” malungkot na tanong niya.

--

Itutuloy...

18 comments:

  1. ayos lng author ... thankful nga ako at nag update ka uli ih anyways KAKAINIS KA NAKAKABITIN nnman haha thumbs UP!

    ReplyDelete
  2. OO Caleb, iniiwasan ka nga nya. hehe! Nainlove nmn akong bigla kay Gab. Gumaganda na ang takbo ng istorya ah. Kailan naman kaya liligaya si Gab. Puro nlng lungkot ang nangyayari sa kanya.

    Bharu

    ReplyDelete
  3. haba nman ng hair ni Gab...... kakainggit.....wehhhhhh.....ano ba shampoo no...hehehe

    ReplyDelete
  4. Sana lumigaya na si Cab! Ahhhh hands ng update! Kakabitin! Next chapter please! C: - Ken

    ReplyDelete
  5. Nice. I like justin for gab. Si caleb kasi walang moves e. Hehe.. sana madinig namin ang side ni caleb. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  6. Ang straight forward ni Caleb.... Juno, natutulog pa kaya nauunahan eh....

    ReplyDelete
  7. nakakabitin nga sana may kasunod agad ganda kc ng takbo ng story. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  8. Sana si TRISHA at GAB !! Bagay pa!!

    ReplyDelete
  9. Sa wakas may update na din ty author ^^

    ReplyDelete
  10. Wow. Ang galing mo Mr author. Di ko alam pipiliin ko sa tatlo

    ReplyDelete
  11. Wow. Two thumbs up. My first time to comment kase tinapos ko muna lahat ng chapter. Gatling Mr author. Di ko alam kung sino pipiliin. Lahat me issue. Sana me update na

    ReplyDelete
  12. Trisha at Gab sa ending. Hot na hot si Trisha

    ReplyDelete
  13. tagal naman po ng chapter 20

    ReplyDelete
  14. Sana mas often ang update. Ang ganda ng story eh. Pero sa tingin ko malapit na magsunod-sunod ang update. Malapit na magbakasyon eh. XD

    ReplyDelete
  15. This will b another unfinished story like the rest.

    ReplyDelete
  16. Hi! Mamaya na ang update. Sorry sa sobrang delay. May pinagdadaananan lang na something personal, and sobrang busy sa school. I live up to my word. I WILL FINISH THIS. Yun lamang! Thanks for the continuous support! I love you, guys! :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails