Followers

Saturday, February 15, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 8


Hinang hina pa din itong si Rusty nang magkamalay na siya dahil sa isang commotion na kasalukuyang nagaganap sa kaniyang kinaroroonan...

Muling napapikit si Rusty dahil sa nakakasilaw na ilaw mula sa kisame...

That time ay agad niyang napansing nakahiga siya sa isang kama...

Patuloy pa din ang Commotion sa kaniyang paligid kaya nama'y muli siyang dumilat at bumangon ngunit sa kasamaang palad ay napabagsak muli siya sa kama dahil sa matinding panglalambot pa din ng kaniyang dalawang tuhod...

Hindi siya napansin ng mga Nurses dahil abala ito sa pagsasaway sa isang babae...

That time din ay na realized na ni Rusty na nasa sa loob siya ng isang hospital's private room...

"Matatapos na ako at hindi pupuwedeng maudlot ang ginagawa ko..." Ang nadinig ni Rusty na masungit na sinambit sa mga nurses ng babaeng nakaSquat sa sahig.

Kahit na medyo Groggy itong si Rusty ay napangiti na lamang siya nang makilala niya ang babae...

Nandoon din sa room at nakatayo sa likod ng nakaSquat na matandang babae sina Mang Melchor and Aling Leonor...

"Bawal po yan at may usok..." Ani ng Nurse.

"Huwag kang kokontra at may nakikita na ako sa tawas..." Ani naman ng Matandang Albularya at concentrate na concentrate ito sa kaharap nitong umuusok na palayok na nasa sa sahig.

"Rusty!" Ang nag aalalang sambit ni Aling Leonor nang mapansin niyang nakamulat na itong si Rusty at nakatingin sa kanila.

Tanging isang malamyos na pag ngiti lamang ang nai reply nitong si Rusty...

"Ayos ka na ba anak..." Ang concern na tanong naman ni Mang Melchor nang nilapitan nilang mag asawa ang nakahiga't maputlang maputlang si Rusty.

Kaagad ding lumapit ang isang Nurse sa kaniya at ang kasamahan naman nito'y lumabas kaagad upang ipaalam sa kanilang Resident Doctor na nagkamalay na ang pasyente...

Akmang magsasalita na sana itong si Rusty ay biglang umeksena na naman ang Matandang Albularya...

"NAMATANDA KA IHO..." Ang shock na shock na outburst ng Albularya habang tinitignan niya ng kaniyang dalawang nanlalaking mga mata si Rusty.

"HA?" Ang sambit naman ni Aling Leonor.

"Tignan mo dito Leonor at kitang kita kung ano ang nakadale sa bisita ninyo..." Ani naman ng Albularya.

"Eh wala naman ho akong makita eh..." Ani ni Aling Leonor nang tinignan niya ang tawas na sinunog sa uling, insenso't kamanyang.

"RUSTY!!!" Ang outburst ni Rex nang bigla bigla itong pumasok sa loob ng room kasunod ng Resident Doctor.

"Okay ka na ba?" Ang nag aalalang tanong ni Rex nang makalapit na siya sa higaan ni Rusty.

Kitang kita ang matinding pag aalala sa mukha nito...

"Nahihilo lang ako pero okay na ako..." Ang nakangiting pagsisinungaling ni Rusty para maibsan niya ang pag aalala nitong si Rex.

"NAMATANDA SIYA SA MUNISIPYO!!!" Ang next na outburst ng Albularya na ikinagulat naman ng lahat.

"TALAGA HO???!!!" Ang gulat na sambit ng Resident Doctor.

"Pati ba naman kayo Doc!?" Ang naasar na sambit ng dalawang Nurses sa iniusal ng Resident Doctor.

"Ha... Ah... Eh..." Ang nauutal na sambit ng nag Blush na Doctor.

"ABA'Y ANLAKI MO NA PALA IHO!!!" Ang outburst ng Albularya nang mamukhaan niya ang Doctor.

"Pasyente ko yan nung maliit pa!" Ang proud na proud na pagpapakilala sa lahat ng Albularya pertaining to the lalo pang nahiyang Resident Doctor.

"Doc... Ano ho bang nangyari..." Ang usal ni Mang Melchor upang maibalik na ang usapan kay Rusty.

"Stress and Fatigue... But..." Ang simula ng Doctor.

"Hindi yan Stress and Fatigue!!!" Ang kontra naman ng Albularya.

"Namatanda ang pasyente sa Munisipyo!" Ang next na usal nito.

"Patapusin muna ho natin si Doc..." Ang sambit naman ng Nurse.

"But???..." Ani naman ni Rex sa naudlot na sasabihin ng Resident Doctor.

"Irregular ang Ryhtm ng heartbeat niya..." Ang sambit ng Doctor.

"Dahil yan sa Mestizong Kapre na nasa sa Munisipyo... Nakursunadahan siya nito..." Ang hindi papatalong sabat naman ng Albularya.

"May mestizong Kapre ba?" Ani ni Mang Melchor.

"Yan ang lumabas sa resulta ng tawas ng bisita ninyo... Nakita ko pa sa tawas na may hitsura ang Mestizong Kapre at mahilig din itong magsuot ng Shades..." Ang smart na pag e explain ng Albularya.

Napatawa na lamang itong si Rusty nang makita niyang naka Shades itong si Rex kahit na nasa sa loob pa ito ng Room...

"Mas mabuti po na iwan na po muna natin ang Patient para makapagpahinga..." Ani naman ng isa pang Nurse habang inaalalayan ang matandang Albularya palabas ng Room ni Rusty.

"Doc ano pa po ang naging findings ninyo..." Ani muli ni Rex at hindi maalis alis ang pag aalala sa mukha nito.

"According to the blood chem eh mababa ang count ng mga red blood cells ng patient..."

"Anything else Doc..."

"That's all... Kailangang pa naming maCheck and ma monitor ang iba pang niyang mga vitals dahil may  irregular heartbeat ang patient..." Ang last na sambit ng Doctor.

"Rex... Sa labas lang muna kami... Rusty... Mamaya na lang ulit..." Ang paalam naman nina Mang Melchor and Aling Leonor sa dalawa habang pilit nilang nilalabas na sa room ang Albularya dahil nakikipag debate na ito sa dalawang Nurse.

"Sige ho..." Ang sambit ni Rex sa kaniyang mga parents.

Hindi niya tinatanggal ang kaniyang mga paningin sa namumutlang si Rusty...

"Matagal ka na bang nakakaramdam ng pagkahilo and chest pain..." Ang tanong ng Doctor na tinunguhan naman ni Rusty.

"Nag pa Check up ka na ba?" Next question ng Doctor.

"Hindi pa po..." Ang pagsisinungaling ni Rusty.

Ayaw talaga niyang ipaalam ang kaniyang Condition kahit kanino...

Lalong lalong ayaw niyang ipaalam ito sa kaniyang Family...

Natatakot kasi itong si Rusty na malaman ng iba ang kaniyang Heart Condition...

"We need to run some more lab test sa patient and kailangan naming I monitor siya overnight then we will repeat the ECG to double check his heart's murmurs..." Ang last na bilin naman ng Doctor bago ito tuluyang lumabas na din sa room.

"Are you okay..." Ang mabilis na sambit ni Rex nang sila na lamang dalawa ni Rusty ang nasa sa loob ng room.

Kaagad din niyang niyakap ng mahigpit itong si Rusty...

"Huwag mo na ulit akong tatakutin ng ganun ha..." Ang mahinang sambit ni Rex.

Ramdam ni Rusty ang lambing at sincerity sa mga yakap at pangun gusap nito...

"I'm sorry..." Ang mahinang sambit ni Rusty at walang pasabing tumulo ang kaniyang mga luha ng mga sandaling yaon.

"Rusty..." Ang usal ni Rex nang maramdaman niya ang pagpatak ng luha ni Rusty sa kaniyang balat.

"Don't cry please..." Ang next na sambit ng nag aalalang si Rex habang sapo sapo niya ng kaniyang dalawang maiinit na palad ang pisngi ng lumuluhang si Rusty.

"Please..." Ang mahinang usal ni Rex habang pinupunasan niya ang mga tumutulong luha ni Rusty gamit ang dalawa niyang thumb.

Hindi maiwasang makaramdam ng pighati ang puso ni Rusty dahil sa kaniyang situation...

Matagal na niyang pinapangarap na makalayo sa poder ng kaniyang mga parents...

Natupad na din ang maisabuhay niya ang kaniyang discreet sexuality...

Mas lalong hindi niya inaakalang makikilala't makakasalubong niya sa kaniyang tadhana itong si Rex...

"It's too good to be true..." Ang napipiyok na naiusal na lamang ni Rusty sa kaniyang isipan at talaga namang awang awa siya sa kaniyang sarili.

Kung kailan maligaya na siya ay saka naman sumumpong ang kaniyang sakit...

"Rusty... Don't worry at magagaling ang mga Doctor dito sa Batanes General Hospital..." Ang pag a assure ni Rex.

"I'm okay Rex... Napagod lang siguro ako..." Ani naman ni Rusty.

Hindi niya ipaalam ang kaniyang kalagayan kay Rex...

Wala siyang lakas ng loob na personal niya itong sabihin...

"Basta you're in good hands..." Ang sambit ni Rex at muli niyang ikinulong sa kaniyang mga matitikas na bisig itong si Rusty.


********After 24 hours*******

********After Lunch********


Nakahinga naman ng maluwag si Rusty nang binigyan siya ng referral ng Resident Doctor for 2D Echo and Cardiac MRI since ang nakita lang nila sa kanilang ECG ay ang Abnormal Rythm ng kaniyang puso ...

Nagsinungaling din itong si Rusty at sinabing wala siyang iniinom na maintainance kaya nama'y naging kampante ang mga Doctor na magpa test siya sa Hospital na may 2D Echo or ECG Machine...

"Bakit naman kasi wala tayong ganoon dito!" Ang reklamo na lamang ni Rex habang hinihintay nila ni Rusty Discharge papers nito sa Batanes General Hospital.

"Eh di magDonate ka." Ang sarcastic na sambit ni Rusty na ikinatawa naman nilang dalawa.

Sa awa ng Diyos ay medyo gumanda ganda na ang lagay ni Rusty at nanumbalik na muli ang healthy na kulay nito...

"I'm serious Rex... Ang laki laki ng nakukurakot nyo eh 2D Echo or MRI lang eh hindi kayo makapagbigay dito..."

"Lagay mo yan sa Memo request mo..." Ang nakangising sambit naman ni Rex na ikinaFrown kaagad nitong si Rusty.

"JOKE LANG..." Ang mabilis na bawi ni Rex sabay lapit niya kay Rusty at yakap.

"Nakaka asar ka talaga..." Ani ni Rusty habang pinipigilan niyang mapangiti.

Tila nasasanay na din at natatanggap na ni Rusty ang kalokohan nitong si Rex...

"PaKiss nga..." Ang next na pilyong sambit ni Rex and hindi na niya hinitay na sumagot pa itong si Rusty at kaagad niyang ni lips to lips ito.

"KALA KO WALA NA KAYO DITO!" Ang malakas na outburst ni Madam Bella nang walang pasabing pumasok ito sa room ni Rusty.

Mabuti na lamang ay mabilis ang mga reflexes ni Rex at kaagad niyang pinakawalan sa kaniyang yakap itong si Rusty...

"Ahm... Ehm... Madam Bella... Napasugod po kayo..." Ang kinakabahang usal ni Rex.

Hindi niya alam kung nakita ba nito na niyayakap niya't ni li lips to lips si Rusty...

Kaagad namang nag Blush itong si Rusty at hindi siya makatingin tingin ng Direcho sa mga mala asidong tingin sa kanila ni Madam Bella...

"Hmmmmmm..." Ang naiusal na lamang ni Madam Bella that time na lalong ikinakaba nina ng dalawa.

"Nakita kasi namin si Mang Melchor kanina sa kalsada at nasabi sa amin ang nangyari sa iyo..." Ang next na usal ni Madam Bella kay Rusty.

"Okay na po ako..." Ang nahihiyang sambit ni Rusty kasabay ng biglang sobrang lakas na pag pintig ng kaniyang puso.

"Are you really okay?" Ani naman ni Madam Bella nang makita niya na nakunot ang mga noo ni Rusty na tila ba may iniintadang matinding kirot.

"I'm okay po Madam Bella... Thanks for asking..." Ang pagsisinungaling na naman ni Rusty.

Batid ni Rusty na dahil sa 24 hours na pagstay ni Rex sa kaniyang room upang bantayan siya'y hindi siya nakainom ng kaniyang pang maintainance at tanging aspirin lamang ang pinaiinom sa kaniya na hindi sapat for his condition...

"My husband is a Cardiologist in St Lukes Medical in The Fort..." Ang sunod na usal ni Madam Bella.

"Ansabe nyo po?" Ang sabayang sambit naman nina Rex and Rusty.

"Hindi nyo ba ako narinig?"

"Narinig naman po..." Ani ni Rex.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Si Rusty naman.

"I'm saying na magpatingin ka sa Husband ko..."

"Bakit naman po..."

"Eh bago kami umakyat dito eh kinausap namin ang tumingin sa iyong Doctor at sinabi nga na kailangan mong magpa 2D Echo or MRI..." Explain naman ni Madam Bella.

Napakunot kaagad ang noo ni Rex dahil tila ba parang minamanmanan talaga sila ni tong si Madam Bella...

"Kasama ko siya ngayon... Kausap lang yung isang resident Doctor dito na naging Classmate niya..." Ang idinagdag pa ni Madam Bella.

"Honey..." Ang boses ng isang lalaki na narinig na lamang nila kasabay ng pagbukas ng pintuan.

"Andito na pala ang Hubby ko..." Ang nakaSmile na usal naman ni Madam Bella.

"I'm here Hon..." Ang sweet na sweet na sambit ni Madam Bella sa kaniyang Cardiologist Husband.

"ANYARE RUSTY???!!!" Ang gulat na usal ng Husband ni Madam Bella.

"DOC FLORES!!!" Ang outburst naman ni Rusty.

Kung kanina'y namumula ang mukha ni Rusty ay bigla namang naging kulay suka ito sa pagkaputla nang makita niya ang kaniyang Cardiologist sa Manila...

"Magkakilala kayo?" Ang sabayang usal nina Madam Bella and Rex.

"Patient ko si Rusty!" Ani ng Doc Flores.

"HA?!" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Rex habang pabaling baling ang tingin niya kay Rusty and Doc Flores.

"What a small world!" Ang ani naman ni Madam Bella.

"Doc Flores..." Ang sambit naman ng kakapasok na Resident Doctor na tumingin kay Rusty.

"Anong nangyari kay Rusty?" Ang tanong naman ni Doc Flores sa Resident Doctor.

"Kilala nyo po ang Patient?"

"Yes... He's my patient at St. Lukes..." Explain naman ni Doc Flores.

"Nagpapatingin ka sa Cardiologist!" Ang gulat na usal ng Resident Doctor sa naCorner na si Rusty.

"Almost a year na..."

"Ba't di mo sinabi sa amin?" Ang next na usal ng Resident Doctor kay Rusty.

"Nandito ka pala... Kaya pala nagtataka ako kung bakit hindi ka na pumupunta sa akin for your Monthly Check up..." Sambit naman ni Doc Flores kay Rusty.

"WHY DIDN'T YOU TELL ME???!!!" Ang usal naman ni Rex kay Rusty.

"YOUR TONE PLEASE!!! MAY SAKIT NA NGA SI RUSTY EH PAGAGALITAN MO PA!!!" Ang galit na saway naman ni Madam Bella kay Rex.

"Since nang na Assign ka dito eh may sakit ka na pala sa Puso???!!! BAKIT HINDI MO SINABI???!!!" Ang sunod na sambit ni Rex ignoring Madam Bella.

"Okay na naman kasi ako..." Ani naman ni Rusty.

"Better go back ASAP  to Manila Rusty para makapag Cardiac MRI ka... I think nagkaroon ka ng mild heart attack..." Ani naman ni Doc Flores.

"Better do that Iho... Pauwi na din kami bukas..." Ang segunda mano naman ni Madam Bella.

"Okay na po ako..." Ang pagtanggi naman ni Rusty.

Hindi niya alam kung bakit siya tumatanggi pero iyon ang kauna unahang isinigaw ng kaniyang puso't isipan...

"It's only a Valvular Heart Disease..." Ang next na sambit ni Rusty.

"Kaya nga dapat talagang bumalik ka na sa Manila..." Ang reply naman ni Doc Flores.

"I'll use my Contact para makapagpadala na ang DOST ng kapalit mo..." Ani naman ni Madam Bella.

"No need na po..." Ang sagot naman ni Rusty.

"HUWAG KA NG MATIGAS ANG ULO!" Ang mabangis na sambit kaagad ni Madam Bella sa nagulantang sa gulat na si Rusty.

"Why are you doing this Madam Bella?" Ang hindi mapigilang usal ni Rusty.

"Minsan lang ako makakita ng mga taong katulad mo kaya i'm lending a helping hand..."

"Katulad ko..."

"Oo Rusty... Matino ka't mabait... Hindi pa ako nagkakamali sa intuition ko sa mga tao..." Ang sure na sure na reply naman ni Madam Bella.

"Not like other people..." Ang next na sambit ni Madam Bella sabay tingin niya ng masama sa nananahimik na si Rex.

"Better pack your bags and sumabay ka na sa amin bukas Rusty... Delikado ang lagay mo..." Ang usal naman ni Doc Flores.

"I need the record and all the lab test of the patient please..." Ang next na sinabi ni Doc Flores sa Resident Doctor.

"Sure Doc... I'll prepare them rightaway..." Ang mabilis na pagsunod naman ng Resident Doctor at pagkatapos ay  kaagad na itong lumabas ng room.

"Did you call your parents?" Tanong ni Doc Flores na inilingan naman ni Rusty.

"Sabi mo sa akin that you'll inform them..." Ani ni Doc Flores na ikinatahimik ni Rusty.

"Oh My... Hindi pa pala alam ng parents mo yan... Mahirap sarilinin yan Rusty..." Ang sabi ni Madam Bella.

"Hindi naman po big deal ito... And okay na po kasi ako nung last check up po sa akin ni Doc..."

Aminado naman itong si Rusty na may pagkapasaway siya't hindi niya sinusunod kung minsan ang bilin sa kaniya ng kaniyang Cardiologist...

"Just like what i'm always telling you... Traydor ang sakit na yan Rusty... We should do something about that..." Ani ni Doc Flores.

"ANO PONG GAGAWIN DOC???!!!" Ang gulat at takot na nasambit ni Rusty.

"I can't say at this time kaya kailangan mo nang bumalik sa Manila for your Cardiac MRI..." Ang sagot naman ni Doc Flores.

Naala nitong si Rusty na may binanggit itong si Doc Flores about surgery...

"That's why isasabay ka na namin sa Manila tomorrow so pack your bags and I will be calling my contacts para may kapalit ka na kaagad... Kami na din ang bahala sa Tickets mo..." Ani muli ni Madam Bella.

Sa tono ng pananlita nito'y wala na talagang magagawa pa itong si Rusty kungdi sumunod...

"Wala namang magiging problema di ba Councilor..." Ang next na sambit ni Madam Bella kay Rex.

"Are you okay Councilor?" Ang usal muli ni Madam Bella nang makita niyang namamasa masa na and slight na namumula na din ang dalawang mga mata nito.

"REX..." Ang tawag ni Rusty nang walang pasabing nag Storm out na lamang ito palabas ng room.

"Anyare?" Ang nasambit ni Doc Flores sa kaniyang wife and kay Rusty dahil sa naging behavior ni Rex.

"Why don't you follow him Rusty..." Ang mahinang usal ni Madam Bella.

"Ano po?"

"Sundan mo na lang siya... " Ang ulit ni Madam Bella sabay kindat niya ng palihim kay Rusty.

"Ipapakuha na lang namin kina Mang Melchor ang gamit mo and we will stay here pa at may kakusapin pa kasi kami dito..." Ang next na sambit ni Madam Bella.

"Isa lang naman ang flight tomorrow to Manila and hindi pa iyon fully booked kaya as soon ay possible eh sumabay ka na sa amin tomorrow..."

Hindi na nakapagsalita pa itong si Rusty that time dahil sa bilis ng mga pangyayari...

"Sige na Rusty at sundan mo na si Councilor..." Ani muli ni Madam Bella.

"Thank you po..." Ang naisambit na lamang ni Rusty sa mag asawa sabay labas na niya sa kaniyang private room.

"HONEY NAMAN!!! ALAM MO NA NGA ANG CONDITION EH BA'T BINIGYAN MO PA NG CLEARANCE ANG BATA NA MAGPADESTINO DITO!?" Ang next na usal ni Madam Bella sa kaniyang Husband.

"I don't have any idea Honey... Wala din naman kasi siyang binggit..."

"TSK!!! KAHIT NA!!! You're a Doctor Honey kaya huwag kang padalos dalos sa trabaho mo..." Ang pagsisimula na ng panenermon ni Madam Bella.

Na pa sigh na lamang itong si Doc Flores habang parang armalite ang pagbunganga at panenermon sa kaniya ni Madam Bella...

Hindi na lamang siya umimik sa mga patutsada ng kaniyang asawa dahil iniisip niya ang condition ni Rusty while crossing his fingers na hindi sana lumalala ang sakit nito...


**************


Kaagad namang nakita ni Rusty na nakatayo itong si Rex sa lobby na parang may hinihintay...

Mukhang malalim ang iniisip nito...

"Rex..." Ang sambit ni Rusty upang makuha ang attention nito.

"Okay ka na ba Rusty..." Ang bungad ni rex sa kaniya.

Namumula pa din ang mga mata nito...

"I'm fine..."

"May tinawag na akong maintainance sa Munisipyo at siya na ang maghahatid ng mga gamit mo sa bahay..." Ani naman ni Rex.

"Come with me..." Ang next na sambit ni Rex kay Rusty.

Katulad ito ng Authorative tone ni Madam Bella kaya nama'y tahimik na sumundo na lamang itong si Rusty kay Rex hanggang sa Parking Lot ng Batanes General Hospital...

Naging tahimik lamang ang dalawa sa kanilang naging buong biyahe hanggang sa makarating na sila sa bahay nina Mang Melchor and Aling Leonor...

"Huwag ka nang bumaba at may pupuntahan pa tayo..." Ani ni Rex kay Rusty nang inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

Na Curious itong si Rusty nang makababa na itong si Rex at pumasok ito sa loob ng bahay...


*******After 10 Mins*******


"Rex..." Ang mahinang sambit ni Rusty nang sumakay na muli sa sasakyan ito.

"Okay ka lang ba?" Ani ni Rex nang ini iStart na nitong muli ang kaniyang kotse.

"I'm okay..."

"Hindi ka ba iinom ng gamot?"

"Mamayang gabi pa..."

"Good... Maaga pa naman... May pupuntahan lang tayo..." Ang serious na sambit ni Rex at pagkatapos ay saka na niya pinaandar ang kaniyang sasakyan.

"Gusto mong kumain..." Ang next na usal ni Rex na inilingan lamang ni Rusty.

"Sige... Mamaya na lang tayo kumain kapag nadoon na tayo sa pupuntahan natin..." Ang monotone na next na sinabi ni Rex na ikina Curious naman nitong Rusty.

"Saan tayo pupunta..." Ang tanong ni Rusty.

"Basta... May pag uusapan tayo..." Ang sambit ni Rex.

Hindi ito tumitingin sa nasa sa passenger seat na si Rusty at nakaConcentrate lamang ito sa pagdri Drive kaya nama'y tumahimik na lamang itong si Rusty...

Muling naalala niya ang pagsto Storm out ni Rex kanina sa Hospital...

Nakaramdam kaagad ng slight na pagkaGuilt itong si Rusty dahil sa paglilihim niya kay Rex ng kaniyang Condition...

Naging payapa naman ang biyahe ng dalawa at kaagad namang naging Familiar itong si Rusty sa binabaybay ng kotse ni Rex pero hindi na siya umimik pa at nanatiling tahimik na lamang hanggang sa makarating na sila sa kanilang paroroonan...

"Let's go..." Ang pagyaya ni Rex kay Rusty nang makababa na sila ng Kotse.

Kaagad namang tahimik na sumunod itong si Rusty...

Just like what Rusty Thought ay patungo sila sa same spot na kanilang kinaupuan noon sa Ivatan Fortress noong pinanood nila ang Sunset sa nasabing place...

"Anong gusto mong kainin Rusty..." Ang tanong ni Rex.

"Busog pa ako... Bibili na lang ako ng Mineral Water..."

"Ako na lang... Maupo ka muna dyan..." Ang mabilis na volunteer ni Rex at kaagad siyang tumungo sa isang tindahan para bumili ng Bottled Water.

Napa Smile na lamang itong si Rusty habang naupo na siya sa same spot na kinaupuan nila noon ni Rex...

Partly Cloudy naman ang panahon at malamig ang simoy ng hanging Amihan kaya nama'y parang nagkaroon ng Refreshing energy itong si Rusty...

Just like before ay gumaan ang kaniyang paghinga kasabay ng muli niyang pag ala ala sa kanilang naging conversation ni Rex noon while they're viewing the sunset...

Iba talaga ang kapayapaan na ibinibigay ng Batanes sa puso ni Rusty habang pinagmamasdan niya ang malawak na Horizon...

Umaalinsabay sa kaniyang puso ang malamyos na pagdaluyong ng mga alon at ang ang paghampas nito sa mga bato...

"Hey..." Ang bati ni Rex nang tinabihan na niya itong si Rusty at iniabot na dito ang isang malamig na bote ng Viva Mineral Water.

"Thanks..." Ani ni Rusty.

"Wait..." Ang mabilis na sambit ni Rex at pagkatapos ay muli niyang kinuha mula sa mga kamay ni Rusty ang Bottle ng Viva Mineral Water at siya na mismo ang nagbukas nito.

"Here you go..." Ang mahinang ani ni Rex sabay hawak niya sa isang kamay ni Rusty at masuyo niyang  inilagay sa mga kamay nito ang opened Viva Mineral Water.

"Thanks... Ang sweet mo naman..." Ang mahinang ani naman ni Rusty.

Serious pa din ang mukha ni Rex habang nakatingin  siya sa Horizon...

...

...

...

Nagkaroon na naman ng mahabang silence sa pagitan ng dalawa at tanging ang tunog ng mga nagsasayaw na alon lamang ang maririnig sa buong Ivatan Fortress...

...

...

...

"Ba't parang tayo lang ang tao dito..." Ang sambit ni Rusty to break the deafening Silence between them.

"Pinaalis ko!" Ang serious na sambit ni Rex.

"Hindi nga?"

"Naniniwala ka naman??? Pag ganitong araw eh madalang lang ang mga namamasyal dito..." Ani ni Rex.

...

...

...

Ang hindi alam ng dalawa'y talagang sinandya ng tadhanang maging sila lamang dalawa ang tanging nasa sa Ivatan Fortress wall...

...

...

....

"Rusty..." Ang mahinang sambit ni Rex.

"Ano yun..."

"I told you that i'm an open book sa iyo..."

"Sinabi mo nga yan..."

"Bakit ka naglihim sa akin..."

"Anong inilihim ko sa iyo..."

"RUSTY NAMAN! YUNG SAKIT MO!"

"HA... Eh hindi mo na naman kailangang malaman iyon eh..."

"After ng mga nangyari sa atin..." Ang sambit naman ni Rex na ikinagulat ni Rusty.

"You don't need to know that... Bago pa man ako umapak dito eh matagal ko ng inililihim iyon..."

"Kami lang ni Doc Flores ang nakakaalam..." Ang dagdag na explanation ni Rusty.

"Pero sa akin Rusty... Hindi mo lang ba naisip na ipaalam ito..."

"Sa Parents ko nga eh hindi ko pinaalam eh..."

"Rusty naman..."

"Anong naman... Di ba alam mo na ngayon na may sakit ako sa puso..."

"I'm worried Rusty..."

"Ansabe mo..."

"I'm worried..." Ang mahinang pag ulit ni Rex.

Lalong dumikit sa kaniyang pagkakatabi kay Rusty itong si Rex...

"Don't be... Ako nga hindi nag aalala eh..." Ang pagsisinungaling ni Rusty.

Deep inside ay marami siyang pinapangambahan...

"Sinabihan ko sina Nanay na i empake na nila ang mga gamit mo..." Ang sambit ni Rex.

"WHAT?!"

"Tumawag na din ako sa mga contacts ko and booked ka na for the flight tomorow paManila..." Ang sunod na sinabi ni Rex.

"I already talked to Madam Bella and susunduin ka nila bukas sa bahay para isabay na sa airport..."

"And we already informed your Parents about your condition..." Ang tuloy tuloy na usal ni Rex.

...

...

...

Walang masabing sentence itong si Rusty mula sa kaniyang narinig from Rex...

Hindi siya makapagsalita dahil halo halo na ang mga matirinding emotions sa kaniyang puso...

...

...

...

"You know what..." Ang next na sinabi ni Rex sabay akbay niya kay Rusty.

...

...

...

Nagkaroon na naman ng katahimikan between the two of them...

...

...

...

Lalo pang hinigpitan ni Rex ang kaniyang pagkaka akbay kay Rusty upang lalo itong mapadikit sa kaniya...

...

...

...

Lalong lumakas ang sigaw ng pagtutol sa puso nitong Rusty sa kaniyang puso...

Ayaw niyang lisanin ang Batanes...

Ayaw niyang mawalay sa piling ni Rex...

Lalong lalo na kapag ganito ang kaniyang nararamdaman...

That time ay damang dama niya ang sincerity ng buong pagkato ni Rex...

...

...

...

"I'm happy here..." Ang napipiyok na naiusal ni Rusty.

"This is the best thing na nangyari sa buhay ko..." Ang sunod niyang naiusal.

...

...

...

"Me too..." Ani naman ni Rex kasabay ng pagbibigay niya ng malamyos na halik sa noo ni Rusty.

"I don't want to leave..." Ani ni Rusty.

"Babalik ka pa naman dito eh... Magpapagamot ka lang naman sa Manila..."

"Bakit nangyari pa ito... Natatakot ako Rex..." Ang hindi na mapigilang pag amin ni Rusty kasabay ng pagbuhos ng kaniyang mga luha.

"Huwag kang mag alala Rusty... Kakayanin natin ito..." Ang sambit ni Rex.

"Rex... I'm really scared..."

"You're not alone..." Ani ni Rex habang hinihimas himas niya ang likod ni Rusty upang aluin ito.

...

...

...

"Kasama mo ang Parents mo..." Ang next na pagpapalakas ni Rex sa loob ni Rusty.

...

...

...

"And andito ako para sa iyo..." Ang last na sinabi ni Rex na lalo pang ikinaluha ni Rusty.

...

...

...

"Huwag kang paranoid... Makakabalik ka pa naman dito eh..." Ang ani muli ni Rex nang nanatiling hikbi lamang ang kaniyang naririnig from Rusty.

"We just knew each other... Don't burden yourself..." Ang mahinang sambit ni Rusty.

"Don't say that..." Ang mahinang pagsaway naman ni Rex.

"Basta magtiwala ka... We can make it..."

"Stop saying 'WE' Rex..."

"You can't stop me... Alam mo ba Rusty..."

"What..."

"Do you still remember what I told you na dito nagkakilala sina Tatay at Nanay..." Ang sambit ni Rex.

Binigyan niya ng isang smile itong humihikbing si Rusty nang mapatingin ito sa kaniyang mukha...

"Sinabi ko din sa iyo na isasama ko sa lugar na ito ang taong gusto kong makasama habang buhay..." Ang next na sambit ni Rex sabay alis niya ng kaniyang pagkaka akbay kay Rusty.

Hinawakan niya sa balakit itong si Rusty at iniharap niya ito sa kaniya...

"Bago ka bumalik ng Manila eh isinama muna kita dito..." Ang sambit ni Rex kasabay ng pagsapo niya ng kaniyang mga palad sa mga pisngi ni Rusty.

"We just knew each other..." Ang mahinang usal ni Rusty.

Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi sa kaniya ni Rex...

"Nagpapadala ka lang sa mga emotions mo..." Ang dagdag pa ni Rusty.

"No Rusty... Yun ang sinasabi ng puso ko..." Ang nakangiting sambit ni Rex at pagkatapos ay dahan dahan niyang hinagkan ang mga labi ni Rusty.

"Rex..." Ang usal ni Rusty nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Rex sa kaniyang mukha.

"Mahal na mahal kita..." Ang usal ni Rex nang niyakap niyang muli si Rusty.

Hindi na nakatutol pa itong si Rusty sa pagtatapat sa kaniya ni Rex...

...

...

...

Gumanti na din ng yakap itong si Rusty sa mga yakap ni Rex...

...

...

...

"I'm happy being with you..." Ang sunod na usal ni Rex.

"Me too..." Ang naiusal naman ni Rusty sa kaniyang isipan habang lalo pa niyang hinihigpitan ang kaniyang pag yakap kay Rex.

...

...

...

"Kakayanin natin ito..." Ang next na sambit ni Rex.

...

...

...

Kung dati'y si Rex ang nawawalan ng Pag asa habang si Rusty ang nagpapalakas ng loob nito during the audit of Madam Bella'y ngayon nama'y 180 degress na bumaligtad ang kanilang mga situation...

...

...

...

Muling humarap sa horizon ang dalawa at nantili silang tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan nilang muli ang paglubog ng araw...

Naging tahimik muli sila while enjoying the view and enjoying each other's company...

...

...

...

"Lord..." Ang taimtim na panimula ni Rex sa kaniyang panalangin.

Tanging iyon lamang ang paraan ang naisip ni Rex na gawin regarding their situation...

"I don't know what to say to you...

I can't remember the last time that I talked to you...

Pasensya na po kayo...

Alam ko pong marami ng times na nangako po ako sa inyo pero palagi ko naman pong hindi tinutupad...

Right now Lord...

We really...

Really need you...

Ayoko pong mangako po ulit sa inyo...

But please po...

Make it okay for Rusty...

Magpapakatino na po ako...

Make it okay for him Lord..." Ang last na taimtim na sinambit ni Rex sa kaniyang panalangin.

Hindi maipaliwanang ni Rex kung bakit nararamdaman niyang para bang last moment na nilang dalawa ni Rusty na magkasama...

Hinawakan ni Rex ang mga kamay ni Rusty habang tahimik pa din nilang pinagmamasdan ang payapang paglubog ng araw...

"Make it okay for him please..." Ang paulit ulit na panalangin ni Rex that time.

...

...

...

Pinisil naman ni Rusty ang mga kamay ni Rex...

...

...

...

"I'm so sorry Rex..." Ang usal ni Rusty sa kaniyang isipan.

"I won't bother you again..."

"Thank you so much..." Ang pagtatapos ng lihim na pagpapaalam ni Rusty kay Rex.

...

...

...

Dahil sa pagkatakot sa kaniyang sakit ay nagplano na itong si Rusty na kapag nakabalik na siya sa Manila'y hindi na siya muling babalik pa sa Batanes...

Kasama ang lahat ng kaniyang naging experiences sa malaParaisong lugar ng Batanes...

...

...

...

He's just being practical sa kanilang situation...

"Hindi siguro tayo para sa isa't isa..." Ang gumuhit sa isipan ni Rusty nang mga sandaling iyon.

"Maraming maraming salamat Rex..."

Alam niyang panghabang buhay na niyang magiging sakit iyon...

At pupuwedeng maging 50-50 ang condition niya...

Batid niyang nadala lamang ng kaniyang emotions itong si Rex kaya nasabi nito ang mga ganoong mga bagay...

Aminado siyang nagkaroon siya ng feelings and minahal niya itong si Rex...

Mahal niya si Rex kaya nama'y hindi na niya gagambalain pa ito...

Rex have a good future on his career...

Hindi niya hahayaang magiging sagabal lamang siya kay Rex...

Lalo na ang kanilang same sex relationship na pupuwedeng ikasira ng pangalan nito...

...

...

...

Muling tumulo ang mga luha ni Rusty nang sinirado na niya ang kaniyang ginawang Decision...

...

...

...

Idinantay na lamang ni Rusty ang kaniyang ulo sa balikat ni Rex at pumikit...

...

...

...

Nakramdam itong si Rusty ng comfort na nadama nitong si Rex mula sa ka iya before...

...

...

...

Minemorized na niya kung ano ang pakiramdam na kapiling niya si Rex...

Ninamnam din niya ang slight scent ng gamit nitong men's cologne...

Ang pakiramdam ng maiinit nitong mga kamay...

...

...

...

Yan lamang ang babaunin niya tomorrow sa pagbalik niya sa Manila...

...

...

...

"I Love you..." Ang mahinang usal ni Rusty.

"I love you too..." Ang mahinang reply naman ng clueless na clueless na si Rex.

Wala silang kabatid batid na pareho lamang silang nangangarap ng mga sandaling yaon na sana'y hindi na lumipas pa ang araw na iyon upang makapiling nila habang buhay ang isa't isa...








To Be Continued

58 comments:

  1. Embedded music come's from Sarah Geronimo's
    'FOREVERS NOT ENOUGH'

    Belated Happy Valentine's Day senyong lahat!

    GOD BLESS!!!

    ReplyDelete
  2. Ang galing mo talagang writer Kuya Ponse, Tuloy mo lang !


    ~Reagan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you Kuya Reagan :))

      Hindi po magaling si Ponse... ADIK po si Ponse :))

      Tenchupo sa pagbasa't pagComment!

      See you po sa Next Part!!!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
    2. Ganda talaga ng story mo Kuya Ponse kaso bat di ka naglalagay ng 3rd Party? Sana mas lalong exciting di po ba???

      ~Reagan

      Delete
    3. Gasgas na kasi yung gumagamit ng 3rd Party ih ;))

      Delete
  3. Replies
    1. BELATED HAPPY HEART'S DAY MR. FROSTKING ! ! !

      Delete
    2. Sino ka date mo kahapon?

      Delete
    3. Wala eh. Nagsalsal lang si Ponse ih! :))

      Delete
    4. Huwag mong sabihing hinadi ka nagsalsal nung Feb 14???

      Delete
    5. Busy ako. Alang panahon para mag salsal!

      Delete
  4. Ganda haha galing talagah! Thanks for notifying the udate Mr.Ponse :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po yaan maganda Kuya Philip :)) ADIK po iyan!

      Belated HAPPY BALENTAYN'S DAY Po!!!

      Delete
  5. Ung moment na nangangarap sila na sna hindi na matapos ang araw na mag kasama sila :((( awzt !

    Sad !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya hindi ko siya pinost kagahapon at Balentayns na Balentayns Kuya Raffy! :))

      Delete
  6. so romantic but so sad too, hindi ba sila magkakatuluyan ponse? tnx for the update alwats ha, frend. keep up the good work .

    ReplyDelete
  7. Ano ba yan ang sad ng nangyari sa chapter nato neng ..
    at wish ko sila talaga forever ... 😃

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga Ate Joy pag malapet ng matapos :))

      Delete
  8. tumulo ang luha ko dito. Ramdam ko ang emosyon nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's why hindi ko siya pinost kahapon at Valentines day Kuyang Anon :))

      Next time lagay ka ng name mo ha! :))

      Tenchu sa pagbasa't pagComment!

      See you sa next part!

      Delete
  9. sweet!

    nkakainis ka alpy, alam na alam m mga trip q Y_Y

    hahaha
    so aun pla ung "kakayanin" susme
    d q inexpect un tlaga >_<

    ReplyDelete
  10. ☆idol na kita kuyaP. .ang galing mo sobra..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga santo and banal lang po ang ginagawang idol Kuyang Anon. LOL! :))

      Next time lgayn ka naman ng name ha :))

      Tenchu po sa pagbasa't pag iwan ng comment!

      See you po sa next part! :))

      Delete
    2. aabangan ko ang next part kuya idol..
      The best story ever...!!!

      Delete
  11. Thank you for writing good stories. It never fail to put a smile on my face. I knw dat u dnt want to be called "magaling na writer", so i will just say
    ANG ADIK MO TALAGA! Hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuhay ang mga ADIK! :))

      Next time lagay ka naman ng name Kuyang Anon :))

      Tenchu po sa pagbasa't pag iwn ng comment! :))

      Delete
    2. Call me maybe...
      Hehe, joke lng...
      Its macky

      Delete
  12. So romantic but sad on the part of Rusty. I hope mkayanan niya. Tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  13. Kita Ponse, adik ka pala....ako rin ADIK na ngayon....ADIK na sa pagbabasa ng mga stories mo dito man o sa pinoy daddies....Di na ko makahintay ng kasunod...

    *** Jan Ariez ***

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nakaka adik ang mga Daddies Kuya Jan :)) LOL!

      Delete
    2. Oo nga Sana may makita akong willing maging partner ko...1 girl lang anak ko....he he he...

      *** Jan Ariez ***

      Delete
  14. What a great Story. Thumbs Up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is not a great story Kuyang Anon but it's an Adik story because it's from an Adik Author! :)) LOL!

      Tenchu po sa pagbasa't pag comment.

      Lagay po kayo please ng name next time para makilala po kayo ni Ponse :))

      See you po sa next part!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
  15. Papa P! Ikaw na! Ang ganda ng flow ng kwento. Sana kung sakali mang malapit na'tong matapos sana wag dry yung ending. Saludo na talaga ako sayo! Galing ehh!

    Belated Happy Valentin's Day! Labyu Papa P xD

    --
    A D A N

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto mo ba Kuya ADAN ang 'Masabaw' na ending??? :)) LOL!

      Delete
  16. Papa P! Ikaw na! Saludo na talaga ako sayo! Sana maganda din yung ending kagaya ng umpisa.

    Belated Happy Valentine's Day! Labyu Papa P! Haha, jk.

    --
    A D A N

    ReplyDelete
    Replies
    1. AY! Hindi ako nagagawa ng magandang ending Kuya ADAN ih :))

      Maadik na ending lang po :)) LOL!

      Delete
  17. Happy hearts day kakainlove at kakaiyak kuya ponse ano na mangyayari kina rusty at rex...

    ReplyDelete
  18. Kailangan masabaw talaga... Thank you kuya ponse...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano bang tamang Term Kuya Bobby instead of 'Masabaw' ??? :)) LOL!

      Hindi ko pa din alam kung anong mang anyare kina Rusty and Rex ;))

      Delete
  19. Nakakaiyak naman :'(

    Sana maging ok na si Rusty..

    Kaya pala "Kakayanin natin to" ang subtitle..parehas nilang kakayanin kung anuman dumating sa kanila..nice Kuya Ponse :)

    Adik ka talaga! :)

    ReplyDelete
  20. hhmmmmmm.. affected ako... kung kailan masaya na ang lahat.. haaayyyyyy.. happy ending naman to diba???

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ka pa ba nasanay sa kay Ponse Kuya Arejay???

      Hindi ako nag ha happy ending or nag sa sad ending din...

      Ang lagi kong ginagawa eh MAADIK na ending! :))

      LOL!

      Delete
  21. maganda ang story...the good and the bad. its delivered unususlly...Kepp it up Mr Author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po maganda yan Kuya Alfred :)) maADIK po yaan! :))

      Nice to meet you! Tenchu sa pagbasa't pagComment :))

      See you po sa next part!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
    2. could you email me pag meron na update? Pls? rbluegle740@yahoo.ca

      Delete
  22. LOVE IS INFINITE!!!!!!
    Mukng my mmmtay.... :(
    Niratsada ko basahin mula 1-8
    Adik na srory :D

    Jheik

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love is infinite and surpasses boundaries... :))

      Nice to meet you po Kuya Jheik!

      Tenchu po sa pagbasa't pag Comment!

      :))

      See you po sa next part!

      KAKAYANIN NATIN ITO !

      Delete
  23. Wala pa bang update ? Adik na adik na kami.

    ReplyDelete
  24. Nasaan na po karugtong nito I miss your update Sir. thanks

    Sean

    ReplyDelete
  25. Aw! Ang bigat ng chapter nato :(

    ReplyDelete
  26. kailan kaya ang update nito? pls Mr Author...medyo miss na namin ...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails