Nanatiling
nakapikit at nakikiramdam sa kaniyang kapaligiran itong si Rusty nang magkaroon
na siya ng malay. Ang last na naalala lamang niya'y nasa sa loob siya ng
sasakyan ni Rex nang mahilo siya't umikot ang kaniyang paningin. Alam naman ni
Rusty na ganoon katindi siya kung mahilo pero first time niya talagang mawalan
ng malay. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit bumuhos ang halo-halong
emotions sa kaniya nang mapag alamanan niyang Municipal Councilor itong si Rex
at magiging under siya nito.
"May
nakita ho ba kayo?" Ang narinig na lamang bigla ni Rusty na tinig ni Ka
Leonor. Alam ni Rusty na nakihaga siya ngayon sa isang papag at baka'y naiuwi
na siya sa bahay nitong si Rex.
"Wala
akong nakita sa tawas." Ang tinig ng isa namang matandang babae na kausap
ni Ka Leonor.
"Eh
ano naman kaya ang nangyari kay Rusty?" Ang tinig naman ni Ka Melchor.
"Baka
may nakabati o nabalis ng kung sino?" Itong si Rex naman ang nagsalita.
"Ulitin
nyo po ulit ang pagtawas ninyo." Ang tinig ni Ka Leonor. Batid ni Rusty na
siguradong albularyo ang kausap ng mga ito.
"Hindi
pumapalya ang tawas ko. Wala akong nakitang kakaiba." Ang tinig ng
matandang babae.
Hindi
na talaga maiwasan ni Rusty na maCurious kaya nama'y dahan dahan niyang
idinilat ang isa niyang mata . Nakita ni Rusty na nasa sa likod bahay siya at
nakahiga nga siya sa papag sa labas. Malapit sa kaniya ang nagkukumpulang sina
Ka Melchor, Ka Leonor, si Rex at ang isang matandang babaeng nakaSquat sa
harapan ng isang umuusok na palayok. Tama nga ang hula ni Rusty na isang
albularyo ito.
Pinigilang
mangiti nitong si Rusty nang makita niyang serious na serious itong si Rex na
nakikinig sa Albularyo.
"Naniniwala
pa sa ganyan..." Ang nasambit ni Rusty sa kaniyang isipan para kay Rex.
"Baka
naman mas makapangyarihan ang kung anuman ang gumawa niyan sa bisita
ninyo." Ang next na sinabi ng Albularyo.
"Jus
Mio!" Ang shock na shock na naibulalas na lamang ni Ka Leonor.
"Huwag
kang mag-alala Leonor. Mas makapangyarihan ang mahiwagang latigo ko at walang
sina-santong mga impakto ito." Ang sambit ng Albularyo at pagkatapos ay
inilabas nito sa kaniyang bayong ang isang makapal at matabang latigo at
hinimas-himas ng albularyo ito sa harapan ng kaniyang mga kausap.
"GISING
NA PO AKO! NAHILO LANG PO TALAGA AKO! OKAY NA! OKAY NA! OKAY NA OKAY NA PO
AKO!!!" Ang nagpaPanic na outburst ni Rusty sabay tayo niya sa papag.
Takot na takot talaga siyang baka latiguhin siya ng Albularyo kapag nagkunwari
pa siyang walang malay.
"Kitams!
Lumayas kaagad ang maligno! Nagkamalay kaagad siya!" Ang proud na proud na
sambit ng Albularyo sa tatlo.
"Baka
nabalis lang naman ho yan." Ani muli ni Rex.
"Ba't
nangenge-alam ka ba?" Ang masungit na tanong ng Albularyo kay Rex.
"Nagsa-Suggest
lang naman ho!"
"Anyways,
may point ka din At baka nga may nakabalis lang sa kaniya. Teka muna, sino sino
ba ang mga nakausap nyan?" Ang sambit ng sosyal na albularyo.
"Kami
lang hong tatlo." Ang sagot naman ni Ka Melchor.
"Sige,
Lawayan nyo na siya sa Sikmura." Ang utos naman ng Albularyo.
"Iho,
Pakitaas mo na ang damit mo para matapos na tayo." Ang next na utos naman
ng Albularyo kay Rusty and without any warning ay kaagad-agad namang lumapit
ang mag-asawa sa kaniya.
No
choice na itong si Rusty kaya nama'y kahit na ayaw niya'y napilitan siyang itaas
ang kaniyang shirt at i-Expose sa mag-asawa ang kaniyang abs. Kaagad namang
nilawayan ng paKrus nina Ka Leonor at Ka Melchor ang tummy ni Rusty at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang lumapit na din sa
kaniya si Rex.
Just
like a while ago'y nakaramdam kaagad ng pag iinit sa kaniyang dalawang pisngi
itong si Rusty dahil ngayon lang niya napansing shirtless at medyo pawisan ng
kaunti itong si Rex kaya nama'y define na define ang lean na upper body nito.
Bigla
na lamang nagPanic itong si Rusty kaya nama'y bago makalapit ng tuluyan sa
kaniya itong si Rex ay kaagad niyang ibinaba ang kaniyang shirt.
"Ba't
mo ibinababa?" Ang nagtatakang tanong ni Rex at pagkatapos ay muli nitong
itinaas ang shirt ni Rusty saka niya dinilaan ang kaniyang index and middle
finger at pagkatapos ay pinahid niya ang laway niya ng pa-krus sa tiyan ng nako-Conscious
na si Rusty
**************
Bago
sila maghapuna'y nag-patay muna ng isang inahing manok si Ka Melchor na
ibinilin ng Albularyo sa kanila para gawing alay at nang maisaboy na nito sa
labas ng bahay ang dugo ng kinatay na chicken ay saka naman ito Itininola ni Ka
Leonor. Kasamang nag Dinner itong Rusty at sinamantala na din nito na kausapin
itong si Rusty upang pagbilinan sa magiging schedule nito para bukas.
"Sinabihan
na din ako bago ako lumipad papunta dito." Ang sambit ni Rusty kay Rex
nang tinanong siya nito kung alam na ba niya ang kaniyang magiging shcedule
para bukas.
"Good.
Si Tatay na ang maghahatid sa iyo sa reading center at bago mag 8am eh dapat
nasa sa Munisipyo ka na dahil may flag ceremony tayo doon." Ang next na
sambit ni Rex na tinunguhan na lamang ni Rusty.
Kinakailangang
na maagang pumunta itong si Rusty sa DOST PAGASA Reading/Forecasting Center
upang makuha niya ang mga Climate and Weather Vital Readings that day at bago
mag 5:00 am ay kailangan na niyang maipadala ang mga Forecasting details and
infos sa kanilang Main Reading Center sa Manila.
"Mga
alas kuwatro ng madaling araw eh kailangan nandoon na tayo." Ang sambit
naman ni Ka Melchor.
"Opo..."
Ani naman ni Rusty pagkatapos niyang makahigop ng mainit init na sabaw.
"Bukas
na tayo magbri-Briefing kung ano ang magiging set up natin sa Munisipyo."
Ang next na bilin naman ni Rex.
"Basta
before 8am eh dapat nandun ka na ha. Nga pala, Dapat may colar ang suot mong
shirt tomorrow kasi bukas ka pa mapapasukatan ng uniform." Ang dagdag ni
Rex.
"Dinala
ko ang uniform ko sa DOST. Yun muna ang isusuot ko bukas." Reply naman ni
Rusty pero hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang kakaibang ngisi nitong si
Rex. Pakiramdam ni Rusty na may binabalak itong si Rex bukas.
"Paano
Nay, Tay. Kayo na pong bahala kay Rusty. Alis na po ako." Ang paalam ni
Rex nang matapos na siyang maghapunan.
"Dalhin
mo ang natira para may maalmusal ka." Ang pahabol naman ni Ka Leonor sa
anak.
"Huwag
na po Nay at madaming tinapay sa Bahay." Ang last na sinabi na lamang ni
Rex bago siya tuluyang lumabas sa pintuan.
"Hindi
po siya dito nakatira?" Ang tanong kaagad ni Rusty sa mag asawa nang
makalabas na ng bahay itong si Rex.
Medyo
napangiti si Rusty that time dahil makakapagtanong siya ng infos about kay Rex.
Sa simula pa lamang kasi nang makita niya ito'y nagkaroon itong si Rusty ng
slight na pagka-Interest kay Rex. Hindi niya talaga pakakawalan ang
pagkakataong makapagtanong tanong siya sa parents nito.
"May
Bahay si Rex na malapit sa Munisipyo. Doon na siya nakatira ngayon." Ang
explain naman ni Ka Melchor kay Rusty.
"Ah...
May asawa na po pala siya. Ilan po ang mga apo ninyo?" Ani ni Rusty.
"Mag-isa
lang si Rusty sa bahay niya. Walang pang asawa ang anak ko." Reply ni Ka
Melchor na slight na ikinangiti naman kaagad ni Rusty.
"Eh
Girlfriend po?" Ang pasimpleng tanong ulit ni Rusty.
"Hindi
ko alam kung sino na ba ang Girlfriend ng anak ko." Ang nakangiting sambit
ni Ka Melchor.
"Ay
naku! Palaging bago ang girlfriend at laging papalit palit ng nobya yang si
Rex." Ang singit naman ni Ka Leonor na dissapointed sa naging topic.
"Naalala
ko pa nang pinagalitan ko yang anak ko dahil medyo may pagkapalikero. Kaya yun
nagsarili ng bahay para matakasan ang sermon ko sa kaniya. Medyo may
pagkapasaway yang anak namin!" Ang Dagdag pa ng nanay ni Rex. Medyo slight
na naTurn off itong si Rusty sa kaniyang narinig pero ipinagpatuloy pa din niya
ang pagtatanong sa dalawang matanda.
Umayon
naman ang situation kay Rusty at ganadong nagkuwento ng mga information tungkol
sa kanilang anak ang mag-asawa. Doo'y nalaman ng binata na sa UP din pala nag
aral ng Pol Sci itong one and only child na si Rex at nang makaGraduate ito'y
umuwi kaagad ito sa Basco at nagtrabaho sa Office of the Mayor bilang intern
hanggang sa maRegular ito sa Munisipyo.
Doon
din nagsimula ang pagkakaroon ng interest ni Rex sa Politics kaya nama'y nang
makakuha ito ng chance at ng back up from the Mayor ay tumakbo muna ito bilang
Baranggay Councilor at doon na nagsimula ang political career nito.
Naging
Baranggay Councilor muna itong si Rex ng ilang terms sa kanilang lugar hanggang
sa naging Baranggay Captain na ito at nang matapos ang kaniyang Term ay
nakipagsapalaran siyang tumakbo sa pagiging Councilor sa Municipality of Basco at
pinalad naman itong nanalo.
"Hay
naku! Ayokong ayoko talagang pumasok sa Politika ang anak ko pero di namin
maawat. Matigas talaga ang ulo!" Ang nauunsiyaming sambit ni Ka Leonor.
"Kaya
lang naman nanalong Konsehal si Rex eh dahil madami siyang mga kabataan at
kababaihang supporters." Ang dagdag pa ni Ka Melchor. Hindi naman nagulat
itong si Rusty dahil may hitsura at malakas nga ang hatak ni Rex at kahit
siya'y kaagad-agad na na-attract dito.
"Ikaw
may asawa ka na ba?" Ang biglang tanong naman ni Ka Leonor na ikinagulat
ni Rusty.
"Ha...
eh... Wala pa po..."
"Eh
Nobya?"
"Wa-wa-wala
din po..."
"Bakit
naman? Ke Gwapo mong bata?" Ang curious at mabilis na itinanong kaagad ni
Ka Leonor.
"Ha...
Ano po... eh... Wala pa po akong nakkiita..." Ang utal-utal na
pagsisinungaling naman ni Rusty.
Nabaligtad
ang situation at ngayo'y ang mag-asawa naman ang nag-i-interogate kay Rusty.
Maingat namang sinagot ng binata ang kanilang mga katanungan at talaga namang Rusty's
being careful na hindi siya madulas sa dalawa at baka mabuking ng mga ito ang
itinatago niyang malansa't masangsang na amoy ng pagigi niyang isang paminta.
Halos
umabot din ng 30 minutes ang kanilang kuwentuhan at laking pasasalamat talaga
ni Rusty nang sinabihan na siya ng mag-asawang magpahinga na't maaga pa siyang
magigising bukas. Hindi talaga comfy ang binata na nagkukuwento siya sa ibang
tao about himself.
...
...
...
Ang
tanging nasa sa isip lamang ni Rusty ng gabing yao'y ang mga infos ni Rex na
nalaman niya from his parents at habang inaalala niya ang mga ito'y nai-imagine
niya ang kaninang hitsura nito na shirtless at slight na pawisan. Aminado naman
talaga itong si Rusty na malakas talaga ang Sex Appeal ni Rex.
As
a bisexual ay talaga namang nagambala ni Rex ang attention nitong si Rusty pero
batid ng binatang ito ang magiging boss niya kaya dapat ay mag iingat siya at
sigurado din siya na baka slight na homophobic ito dahil medyo may
pagkapalikero nga ayon sa mga magulang nito.
Tanging
si Rex lamang ang naging laman sa kaniyang isipan at lalo pang naCurious itong
si Rusty kung ano kaya ang ethics nito pag dating sa trabaho.
Ito
lamang ang pinag-muni-munihan ni Rusty hanggang sa dalawin na siya ng antok at
tuluyang mahimbing.
**************
Si
Ka Melchor ang naghatid sa kaniya papunta sa Basco Reading/Forecastings Center
at bago mag 4:30 am ay nagawa na ni Rusty ang kaniyang trabaho sa
Reading/Forecasting Center at naipadala na niya ang mga information sa main
headquarters ng PAGASA DOST sa Manila.
"Tapos
ka na ba anak?" Ang tanong ni Ka Melchor.
"Mag
do double check pa po ako ulit at baka nagkamail ang mga makina sa pagbasa ng
panahon at mukha hong may namumuo bagyo." Ang concern na sagot naman ni
Rusty na ikinatawa ni Ka Melchor.
"Ganyan
lang talaga ang panahon dito sa Batanes. Kala mo me bagyo pero normal lang yan
dito." Ang explain naman ni Ka Melchor. Batid kasi ng matanda na since
ngayon lamang nagawi sa Batanes itong si Rusty ay magtataka talaga ito sa
panahon.
Ang
akala talaga ni Rusty ay may bagyo dahil napakalakas kanina ng hangin habang
binabagtas nila ng Tricycle ni Ka Melchor ang daan papunta sa
Reading/Forecasting Center kaya nama'y labis talaga ang ipinagtaka niya nang
makita niyang hindi mababa ang pressure reading ng barometer at walang signs na
magkaroon ng Low Pressure Area sa kanilang Area.
"Ganoon
ho ba?"
"Oo
anak. Pagkatapos natin dito eh uuwi ulit tayo sa bahay para makapaghanda ka na
sa trabaho mo." Ang explain naman ni Ka Melchor.
"Sige
ho." Ang sambit na lamang ni Rusty at nang masatisfy na siya sa mga
ipinakikita ng mga reading and forecasting machines ay umalis na sila sa Center
upang bumalik muli sa bahay.
Manghang
mangha pa din ang binata dahil para talagang may Bagyo ng mga oras na iyon.
"Masasanay
ka din." Ang natatawang sambit ni Ka Melchor sa binata habang binabagtas
nila ang daan pabalik sa kanilang bahay.
...
...
...
"Mag
almusal ka na iho." Ang nakaSmile na bati ni Ka Leonor kay Rusty nang
pumasok na silang dalawa ni Ka Melchor sa bahay. Medyo nahiya itong si Rusty
nang makita niyang nakahain na at ready na ang kanilang Breakfast sa Mesa.
"Sabay
sabay na tayo." Ang sambit naman ni Ka Melchor sa binata. Nangiti na
lamang itong si Rusty dahil thankful na thankful siya sa ipinakikitang
hospitality sa kaniya ng mag-asawa.
"Pinag
init pala kita ng tubig pampaligo at bago ka nga pala maligo'y ilabas mo muna
ang uniporme mo para maPlantsa ko." Ang next na sambit ni Ka Leonor.
"Naku
huwag na po! Maayos ang pagkakatupi ko po doon." Ang nahihiyang pagtanggi
naman kaagad ni Rusty.
"Huwag
ka nang mahiya pa sa amin anak. Ituring mo na kaming pangalawang magulang mo
hangga't nandito ka sa Batanes." Ang sambit naman ni Ka Melchor.
"Salamat
po talaga pero ayos na po ang uniporme ko."
"Ibigay
mo na sa akin ang uniporme mo at ako na lang diyan." Ang pagpupumilit muli
ni Ka Leonor nnag iniligpit na ni Rusty ang kanilang pinagkainan.
"Sige
na para maPlantsa at mahigpit ang anak ko sa Flag Ceremony." Ani ni Ka
Melchor na ikinatigil namang bigla ni Rusty.
"Mahigpit?"
Ang curious na tanong ni Rusty sa mag asawa.
"Oo
anak. Kaya ibigay mo na sa akin ang uniporme mo at baka mapagalitan ka pa ni
Rex." Ang natatwang sambit naman ni Ka Leonor.
"TERROR
PO BA SA MUNISIPYO ANG ANAK NINYO?!" Ang gulat na outburst ni Rusty.
Aminado
naman kasi si Rusty sa kaniyang sarili na kahit very professional siya when it
comes to Meteoroligal works ay medyo may pagka- Pasaway siya sa trabaho. Noong
nagtratrabaho pa kasi siya sa Manila ay hindi matatapos ang buo niyang week sa
work na hindi siya tumatakas sa opisina't nanonood ng sine o nagliliwaliw sa
Mall.
"Bali
balita lang naman namin yun sa mga tao sa Munisipyo." Ang biglang segway
naman ni Ka Melchor.
"Talaga
po."
"Hindi
din namin alam kung totoo at hindi naman namin yan kasi tinatanong kay Rex.
Pero yan ang usap usapan talaga." Reply ni Ka Melchor na ikinalunok naman
ng laway nitong si Rusty.
"Kaya
ibigay mo na sa akin ang uniporme mo para hindi ka magkaproblema bukas."
Ang sambit muli ni Ka Leonor kaya nama'y tahimik na umakyat na lamang itong si
Rusty sa second floor at pumasok sa kaniyang uwarto upang kunin na ang kaniyang
polo barong and slacks.
Tahimik
na iniabot niya ito sa nakangiting si Ka Leonor at pagkatapos ay binitbit na
niya ang takure ng mainit na tubig upang makaligo na siya. Habang naliligo'y
hindi maiwasang kabahan ang binata dahil sa sinabi sa kaniya ng mga magulang ni
Rex.
"Let's
find out." Ang naibugtong hininga na lamang ni Rusty nang mga sandaling
iyon.
*******At Basco Municipal Hall*******
Akward
na akward na talaga itong si Rusty habang nakatayo siya't nakapila sa harapan
ng Munisipyo kasama ang iba pang mga empleyado dahil pinagtitinginan siya ng
mga ito kaya nama'y nagkunwari na lamang siyang hindi niya napapansin ang
ginagawa ng mga ito pag check out sa kaniya from head to toe lalong-lalo na ang
mga babaeng employee.
NakaBlue
na uniform kasi ang lahat ng mga Employee at tanging si Rusty lamang ang may
Suot na light creme colored na polo barong. Suot suot din niya ang kaniyang PAGASA
DOST ID at talaga namang nagpaPogi siya kanina bago sila umalis ni Ka Melchor
sa bahay.
"Pogi,
Kaw ba ang bagong taga PAG-ASA?" Ang biglang narinig na lamang ni Rusty
mula sa kaniyang likuran.
"Yes
Ma'am. Ako pala si Rusty." Ang reply ni Rusty sa isang babaeng employee na
ngayon lang niya napansin.
"Ako
naman si Nhinzy, Taga Accounting ako. Ilang taon ka na?" Ang next na
sambit ng Babae.
"23..."
"Ang
bata mo pa pala. Nakita mo na ba si Councilor?"
"Si
Rex ba?" Ang reply naman ni Rusty na tinunguhan ng kaniyang kausap.
"Nakita
ko na siya. Nagpunta sa bahay kagahapon."
"Hi
hi hi." Ang pigil tawang bigla ng babae.
"Bakit
ka natawa?" Ang tanong ni Rusty sa humahagikhik na si Nhinzy.
"Maiinis
sa iyo yun!" Ang biglang sambit naman ng isa pang babaeng employee kay
Rusty.
"Ako
pala si Jai Cyrus. Sa Office of Sanitation ako nakaAssign." Ang intro ng
babae kay Rusty.
"Teka,
ba't sinabi mong maiinis sa akin si Rex?" Ang curious na tanong ni Rusty
sa dalawa.
"Eh
kasi may kakompetensya na siya dito sa Munisipyo." Ang natatawang sambit
ni Nhinzy na taga Accounting.
"Ansabe
mo?" Ani ng naguguluhang si Rusty.
"Ibig
niyang sabihin eh hindi na si Councilor ang magiging Pogi dito sa Munisipyo
dahil nandiyan ka na!" Ang tawa naman ni Jai Cyrus from Sanitation
Department. Nabigla itong si Rusty sa sinabi ng dalawa kaya nama'y namula
kaagad ang dalawa niyang pisngi dahil sa pagkaConscious.
Ordinary
na ang hitsura ng gwapong mukha at pagkaMestizo ni Rusty kaya lamang ay
nakakaangat siya sa iba dahil sa kaniyang style ng Buhok. Semi long hair siya
at talaga namang takaw attention ang kaniyang natural na straight at makapal na
buhok na abot leeg at kumu-Cover sa kaniyang tainga't mga kilay.
"EHEM!"
Ang malakas na pag ubo ng isang lalaki sa likuran ni Rusty na siyang ikinatigil
naman sa paghahagikhikan ng dalawang babae.
Muntik
nang mapatalon sa gulat itong si Rusty nang makita niyang katabi na pala niya
itong si Rex.
Kaagad
na napansin ni Rusty na gwapong-gwapo itong si Rex sa suot nitong puting Polo
Barong at polished na polished ito from Head to Toe. Bakas na bakas at bakat na
bakat din ang mga muscles ni Rex sa suot nito at tila ba parang tumangkad pa
itong lalo.
"Nakilala
mo na pala sina Nhinzy at Jai Cyrus. Kumusta ang Reading Center." Ang
serious na sambit ni Rex kay Rusty.
"Okay
naman Rex." Ang reply ni Rusty.
"COUNCILOR!
Call me Councilor." Ang biglang saway ni Rex .
"Yes
Councilor!" Ang gulat na usal naman ni Rusty. Labis ang pagtataka talaga
ng binata dahil sa ipinakitang aura sa kaniya ni Rex dahil ibang iba ito kaysasa
nakita niya dito kagahapon.
"Mamaya
tayo mag uusap tungkol dyan sa buhok mo." Ang last na sinabi ni Rex kay
Rusty bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa nitong pag-i-inspeksyon sa mga
nakahanay na Municipal Employees. Si Rex kasi ang nakatagalang mag supervise sa
kanilang Flag Ceremony.
"Sabi
ko sa iyo eh! Siya lang ang dapat na gwapo dito eh!" Ang bulong na pagbibiro
ni Nhinzy kay Rusty nang makalayo na sa kanilang puwesto si Rex.
Kahit
namedyo nagsusungit ang panahon ay natuloy ang Flag Ceremony ng Munisipyo...
Naghagikhikan
na lamang ang dalawang babae nang tahimik na napatingin itong si Rusty sa
direction kung nasasaan si Rex. During the Flag Ceremony ay hindi mapigilang
mapasimangot ni Rusty at pagkatapos ay mas lalo pang naBadtrip itong si Rusty
nang kinausap na siya ni Rex sa opisina nito.
"Let's
discuss about your Hair Rusty." Ang panimula ni Councilor habang seryoso
niyang tinitignan itong si Rusty. Nakaupo sa kaniyang Desk itong si Rex habang
si Rusty nama'y nakatayo sa harapan ng Desk niya.
"What
about my Hair?" Ang tanong naman ni Rusty.
"Wala
lang. Mas maganda siguro kung magpapagupit ka pra malinis tignan kapag naka
uniform ka."
"Pag
iisipan ko pa Rex." Medyo hindi na maiwasang mailabas ni Rusty ang
kaniyang pagkaBadtrip dahil that was the first time na may pumuna sa kaniyang
Semi Long hair.
"COUNCILOR!
CALL ME COUNCILOR!" Ang malakas at matigas na sambit ulit ni Rex upang
ipaalala ito kay Rusty.
"YES COUNCILOR!"
Ang sarcastic na ulit ni Rusty.
Binigyan
ng matalim na tingin ni Rex si Rusty at hindi na lamang niya pinansin ang tono
ng pananalita nito't nagpatuloy sa kaniyang mga sinasabi dito.
"Every
Monday eh kailangan mong magReport sa akin dito sa Office." Ang pag
papaalala muli ni Rex.
"
Anong oras nga pala ang balik mo ulit sa Forecasting Center?" Ang next
nitong tanong.
"Susunduin PO ako dito ng 10 para PO bumalik sa Reading Center para PO maipadala ko PO ulit ang mga readings before 11:30 then kukunin ko PO ulit ang reading sa hapon at
ipapadala ko PO iyon before 5pm PO." Ang explain naman ni Rusty kay
Councilor at talaga namang nilalagyan niya ng tono ang word na 'PO' sa kaniyang
sentence. Napangisi na lamang itong si Rex sa attitude na ipinakita sa kaniya
nitong si Rusty ngunit pinalagpas na naman niya ulit ito.
"Bago
ka umalis eh dumaan ka muna sa Admin at ibigay mo ang sukat mo doon para maisyuhan
ka na kaagad ng uniform." Ang next paalalang sambit ni Rex na hindi
ni-Reply-an nitong si Rusty.
"And
kindly sign this first." Ang next na sambit ni Rex kay Rusty. Medyo slight
na tumaas ang kilay ni Rusty dahil biglang napangisi sa kaniya itong si
Councilor. Kaagad namang kinuha ni Rusty ang iniabot na dalawang papeles sa
kaniya ni Councilor.
"I
don't need this at dala ko naman PO
ang laptop at mga gadgets ko PO."
Ang sambit ni Rusty nang ibinalik na niya ang request memo kay Councilor.
"You
need that. Kaya kailangan mong pirmahan yan. Mas maganda na hiwalay ang
ginagamit mong mga Gadgets sa work sa personal gadgets mo." Ang explain
naman ni Councilor sabay balik niya kaagad ng papel kay Rusty.
"There's
no need. Gagamitin ko na lang po yung ginamit nung dating Rep ng PAG-ASA na
pinalitan ko. Di ba sinu-surrender naman ang mga gamit kapag nagreResign ang
mga employee." Reply ni Rusty sabay
balik niyang muli sa papeles.
"Sad
to say eh nasira na silang lahat kaya kailangang palitan ng brand new."
Ang sambit ni Councilor sabay balik niyang muli ng papel kay Rusty.
"NASIRA
LAHAT?" Ang nagtatakang tanong ni Rusty na tinunguhan na lamang ni
Councilor.
"Sige
Councilor but I Think I don't need a new smart phone. Kaya paki alis na lang po
sa request memo ito." Ang sambit ni Rusty at ibinalik niyang muli ang
papeles kay Councilor.
"Kakailanganin
mo din yan kasi dyan kita tatawagan."
"May
phone naman ako." Ang tanggi ulit ni Rusty.
"I
INSIST!" Ang matigas na sambit ni Councilor. Medyo nauubusan na siya ng
pasensya kay Rusty pero kinalma lang muna niya ang kaniyang sarili dahil may
kailangan pa siya dito.
"Okay."
Ang sambit na lamang ni Rusty kaya kahit hindi niya kailangan ang brand new
laptop, tablet and Smart phone ay pumayag na din siya at may point din naman kasi
itong si Councilor na mas magandang ihiwalay ang kaniyang personnal use na mga
gadgets sa gagamitin niya habang nakaAssign siya sa Basco Batanes PAGASA
Center.
"Kailangan
mo ding pirmahan yung pangalawang papel." Ang next na ipinaalala ni
Councilor kay Rex nang matapos na niyang mapirmahan ang requets memo para sa
mga brand new gadgets.
Tahimik
at nakangiting pinagmamasdan lamang ni Councilor ang nakatayong si Rusty...
Habang
binabasa ni Rusty ang pangalawang papeles ay hindi lang napataas ang dalawa
niyang kilay bagkus ay nanlaki ang kaniyang mga mata't napanganga siya dahil sa
kung ano ang nakasaad sa pangalawang request memo na kinakailangan niyang
pirmahan.
...
...
...
Hon.
Alexander 'Rex' Alcazar
The Office Of Councilor
Basco Batanes Municipal Hall
The Office Of Councilor
Basco Batanes Municipal Hall
Dear Sir:
PAGASA
DOST BASCO BATANES REGION 2 CENTER is in need of the following items:
7
Desktop Personal Computers
5 Airconditioners
10 wall fans
200 pieces Coconut Husk (Bunot)
500 boxes of floor wax (250 pcs Red and 250 pcs White)
100 pieces brooms (Walis Tambo)
100 pieces dust pans
300 Rolls of Toilet Paper
5 Airconditioners
10 wall fans
200 pieces Coconut Husk (Bunot)
500 boxes of floor wax (250 pcs Red and 250 pcs White)
100 pieces brooms (Walis Tambo)
100 pieces dust pans
300 Rolls of Toilet Paper
Sincerely,
Restituto Rosales Jr.
DOST PAGASA Representative
Region 2 - Basco, Batanes Forecasting Center
...
...
...
"POTEK!!!"
Ang malakas na sigaw ni Rusty sa kaniyang isipan habang pulit ulit niya ang
binabasa ang listahan.
"Kindly
sign that request para maReview ko na at maApprove ko." Ang sly na sambit
ni Councilor.
Kaagad
na napatingin at lalo pang napanganga itong si Rusty sa nakangising si
Councilor...
"I'll
review it pa bago ko bigyan ng Approval. Sige na pirmahan mo na yan." Ang
next na sambit ni Councilor nang nanatiling nakatingin sa kaniya ang
nagulantang na si Rusty.
"COUNCILOR
KA PALANG!!! ALAM BA ITO NG MGA MAGULANG MO???!!!" Ang hindi mapigilang
outburst ni Rusty sa mga sandaling iyon at talaga namang nagulat siya sa tindi
nitong si Rex. Hindi niya talaga akalaing magagawa ito ng anak ng mababait na
sina Ka Melchor at Ka Leonor.
"What
do you mean?" Ang nakaSmile na sambit naman ni Councilor na tila ba
nakakaloko.
"ETO!!!"
Ang sambit ni Rusty sabay wagayway niya sa hawak niyang pangalawang requets
memo.
"Requets
memo yan para sa Center nyo." Ang cool na explain lamang ni Councilor.
Napaghandaan na naman niya kasi ang magiging eksena kagahapon pa at expected na
niya na baka mabigla itong si Rusty kapag nakita nito ang mga requets memo.
"ANG
LAKAS MONG MAKA JANET LIM NAPOLES!!!" Ang hindi napigilang sambit ni Rusty
sa tumawang si Councilor.
"May
ebidensya ka ba?" Ang lalo pang nakakalokong sambit naman ni Councilor.
"Eto!
Obvious na obvious!" Ang muling sambit ni Rusty and this time ay sa pagmumukha
na ni Councilor niya iwinawagayway ang hawak niyang requets memo.
"Huwag
ka nang madaming sinasabi pa at pirmahan mo na iyan para maReview ko na at
maaprubahan." Ang nakakalokong usal naman ni Councilor na lalo pang
ikinainis ni Rusty. Hinding hindi talaga makapaniwala itong si Rusty na sa
kauna-unahang day nya sa pagdu-Duty sa Batanes ay ito kaagad ang bumungad sa
kaniya.
Magsasalita
pa sana itong si Rusty nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina ni
Councilor...
"Rex,
Pinabibigay ng Nanay mo. Merienda mo." Ang ani ni Ka Melchor nang
mabungaran niya ang kaniyang anak. Mamaya na sana ang punta ni Ka Melchor sa
Munisipyo pero inutusan ito ni Ka Leonor na padalhan ng merienda itong si Rex
kaya napaaga naman ang pagbisita ni Ka Melchor sa opisina ng anak.
"Nandito
ka pala Rusty." Ang next na sambit ni Ka Melchor nang makita niya ang
binata.
"Tamang-tama
po ang dating nyo. Tara na po sa Center." Ang mabilis na sambit ni Rusty
kay Ka Melchor.
"Pirmahan
mo muna yang requets memo bago ka umalis." Ang sambit naman ni Councilor
kay Rusty.
"Sorry
Councilor pero kailangan na naming pumunta sa Center at medyo nagsusungit na ang
panahon. Balik na lang ako dito before five para ibigay sa iyo ito." Ang
sambit naman ni Rusty sa nagulantang na si Councilor.
"Mang
Melchor, Pakihawakan po muna ito sandali at aayusin ko lang po ang gamit
ko." Ang mabilis namang sambit muli ni Rusty at talagang sinamantala
niyang nandoroon ang tatay ni Councilor.
"DON'T
YOU DARE!!!" Ang mabangis na warning ni Councilor nang makita niyang
itinupi ni Rusty ang request memo at pagkatapos ay ibinigay nito sa kaniyan
tatay.
Nginisian
na lamang ni Rusty itong si Councilor at pagkatapos ay mabilis siyang lumabas
ng opisina nito. Tama nga ang naging hinala ni Rusty na hindi alam ng mga
mababait na magulang ni Rex ang ginagawa nitong kalokohan sa Munisipyo.
"Sige,
mauna na kami Rex." Ang paalam naman Ka Melchor sa natahimik na si
Councilor.
"FUCK!!!!"
Ang galit na galit na sambit ni Rex nang makalabas na ang dalawa sa kaniyang
opisina.
"TADO
TALAGA!" Ang next niyang outburst habang kinakalma niya ang kaniyang
sarili.
Hindi
talaga makapaniwala itong si Councilor na nalusutan siya ni Rusty at
maghihintay pa siya hanggang 5pm para lamang sa requets memo na pipirmahan
nito. Kulang na lamang ay labasan ng usok ang dalawang butas ng ilong ni Rex
dahil sa pagkaudlot ng kaniyang pangungurakot sa Budget ng Municipality of
Basco.
Napailing
na lamang siya dahil talagang naghihinayang siya at nag abroad na kasi ang
dating PAGASA DOST Representative na pinalitan ni Rusty. Kakuntsaba kasi niya
ito sa ginagawa niyang anomalya sa Munisipyo. Napailing nalamang itong si Rex
at habang nagle-level up ang kaniyang pagkainis nang mga sandaling iyo'y tila
ba sumasabay din sa kaniya ang pagsusungit ng panahon.
*******5:00 pm*******
Katulad
ng tuluyang pagsungit ng panahon sa Basco Batanes ay naging badtrip talaga sa maghapon
itong si Rex at lalo pa siyang nanggalaiti sa galit dahil hindi bumalik itong
si Rusty sa kaniyang office para ibigay ang pinapipirmahan niyang Request Memo
dito kaya nama'y kahit malakas ang hangin at ang tuloy tuloy ang pagbuhos ng
ula'y hindi umuwi sa kaniyang apartment itong si Rex at dumirecho ito sa bahay
ng kaniyang mga magulang.
"Tay,
Si Rusty?" Ang tanong kaagad ni Rex pagkapasok niya sa bahay nang makita
niyang nagkakape si Ka Melchor.
"Nasa
Center." Ang sambit naman ni Ka Melchor.
"Bakit
hindi nyo sinamahan?" Ang sambit naman ni Rex sa kaniyang Tatay.
"Napasugod
ka dito Rex?" Ani naman ni Ka Leonor nang makita niya ang anak.
"Kailangan
ko po kasing makausap si Rusty. Hindi na bumalik sa opisina ko po kanina
eh."
"Sabi
niya eh kailangan daw niyang magbantay sa Center at nag-aalala daw siya sa
pagsungit ng panahon. Sabi ko naman eh ganyan lang dito sa Batanes at masasanay
din siya." Ani naman ni Ka Melchor sa anak.
"Ganoon
ho ba Tay. Eh nasa sa inyo pa ho ba yung ibinigay niya sa inyong papel kaninang
umaga?"
"Kinuha
niya kaagad bago kami umalis kanina sa Munisipyo. Ano ba yun?"
"Wala
naman ho Tay." Ang sambit naman ni Rex na para bang nabunutan ng tinik sa
kaniyang lalamunan. Alam niyang mali ang kaniyang ginagawa kaya nama'y inilihim
niya ito sa kaniyang mga magulang at paniguradong sesermunan siya ng mga ito ng
pagkatakot-takot kapag nalaman ng mga ito ang ginagawa niyang pangungurakot sa
kaban ng bayan.
"Kumusta
kaya si Rusty?" Ang sambit naman ni Ka Leonor.
"Hayaan
mo kapag medyo kumalma na ang panahon eh susunduin ko na siya." Sagot
naman ni Ka Melchor.
"Ako
na lang ho Itay. Sa susunod po eh huwag ninyong iiwan si Rusty doon ng mag isa."
Ang sambit naman ni Rex.
"Pahinain
mo muna ang ulan at hangin Rex." Ang sambit na habol ni Ka Leonor sa
papaalis niyang anak.
"Okay
lang ho ito." Ani naman ni Rex. Wala nang nagawa pa ang mag-asawa dahil
dire-direcho nang lumabas ng bahay ang kanilang anak upang puntahan na itong si
Rusty sa Reading/Forecasting Center.
...
...
...
Kahit
na malakas ang paghampas ng hangin sa kotse nitong si Rex ay hindi siya
nahirapang magdrive dahil talaga namang sanay na sanay siyang magmaniobra ng
manibela dahil lumaki siyang palagi na lamang sumusugod sa masungit na panahon
ng Basco Batanes.
Kahit
na buong araw na naBadtrip itong si Rex sa ginawa ni Rusty sa kaniya'y
kailangan niyang matiyak na nasa sa mabuti itong kalagayan lalo na't first time
nitong nakaapak sa Batanes. Alam ni Rex na wala itong kaide-idea kung gaano ka
bagsik ang isang ordinaryong pagsusungit ng panahon sa kanilang lugar na chicken feed lamang sa mga locals ng Basco
Batanes.
"Malapit
na ako..." Ang bulong ni Rex sa kaniyang sarili nang ibinukas na niya ang
headlights ng kaniyang sasakyan dahil nagdidilim na.
Hindi
maintindihan ni Rex sa kaniyang sarili na kahit hindi siya sinang-ayunan at
sinuway siya ni Rusty ay slight na nakakaramdam siya ng pag-aalala para dito.
Walang
kaalam alam itong si Rex na sa mga sandaling yao'y nagpaPanic na itong si Rusty
sa Center at naghihintay ng isang taong sasaklolo sa kaniya.
To
Be Continued
Embedded Music is Carly Rae Jepsen's CALL ME MAYBE (Instrumental).
ReplyDeleteGUD EVE SENYONG LAHAT! INGATZ PALAGE!!!
May bago kaming Pakulo sa Pinoy Daddies!
Bagong Serye ng mga short stories (please click the link below)
JUNIOR HIGH: Mga Pakantutin Sa Matanda
Eto yung unang story sa JUNIOR HIGH (Please Click The Title To Read It)
ANG AMPON NI MANG RENANTE 1
natatawa talaga ako sa first part ng chapter na to hahahhaha grabe......
ReplyDeletedapat ROAR ang music embed mo, para silang mga tigre eh hahahahha ang cute ng bangayan parang signal no. 3 ang bangayan :)))
Ayoko ng Roar Kuya PJ :) mas gusto ko yung Fireworks ni Ate Katy Perry eh!
Delete♪ ♫ Ijust met you ♪ ♫ This is crazy... ♪ ♫
Ang adik mo talaga kuya ponse (since ayaw mo ng magaling)! Ang gaganda ng mga kwento mo. Excited na ako sa sunod na chapter!
ReplyDelete-hardname-
Eh hindi naman talaga magaling Kuya Hardname si Ponse eh :)) tawag talaga sa akin eh Adik :))
Delete♪ ♫ Here's my number ♪ ♫ Call me maybe... ♪ ♫
ay bad cheetah pla c rex tsk tsk tsk
ReplyDelete*turned off*
Yaw mo sa medyo Bad Boy Lawfer??? :))
Delete♪ ♫ And all the other boys, try to chase me... ♪ ♫ But here's my number, so call me maybe... ♪ ♫
Ang cute ng story!!
ReplyDeleteHindi ka na si Mr.FrostKing???
Delete♪ ♫ Before you came into my life I missed you so bad... ♪ ♫ I missed you so bad...♪ ♫ I missed you so, so bad... ♪ ♫
HAHAHAHAH... ma-anomalya ito.. nice! keep it up..
ReplyDelete-arejay kerisawa
Kala mo Kuya Arejay eh mabaet si Rex ano???!!! hehehe
Delete♪ ♫ Your stare was holdin...Ripped jeans, skin was showin... ♪ ♫
♪ ♫Hot night, wind was blowin....Where you think you're going baby...
♪ ♫
Bad Bad Rex!
ReplyDeleteAyan buti nga may katapat ka na..
Thanks Kuya "Call Me maybe" Ponse hahahaha!
Yun nga ang Challenging Kuya Riley eh! MEDYO BAD BOY! LOL!
Delete♪ ♫And all the other boys try to chase me...♪ ♫
♪ ♫But here's my number, so call me maybe♪ ♫
Bad Bad Rex!
ReplyDeleteAyan buti nga may nakatapat ka..
Thanks Kuya "Call Me Maybe" Ponse hahahaha!
Reality Check:
ReplyDeletePag- Asa is an executive agency, distinct and independent from municipal corporations (LGUs). It is an agency under the Department of National Defense (P.D. 78) before it was transferred under the DOST (E.O. 128). Although Pag- Asa may coordinate with other government agencies and LGUs as it does, the latter does not have the power of control and supervision over Pag- Asa.
Kaya hindi maaring maging boss ni Rusty si Councilor.
I understand this is a work of fiction. This is just my view though:)
-In dubio pro reo