Followers

Tuesday, January 28, 2014

Unbroken 2.7


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/



Mabilis na nakauwi si FR sa kanilang bahay. He got home worried with what happened. Hindi nya alam ang nararamdaman nya. He wants Daniel to realize that he's right when he told him he's a brat. On the contrary, nakakaramdam sya ng matinding sadness nang makita nyang umiyak si Daniel.

He put his bag sa kanyang upuan at mabilis syang nagpalit ng pantulog. Patuloy na nagfaflashback sa kanya ang mga nangyari ngayong araw na ito. Ang pagkikita nila ni Daniel, ang pagpasok nya sa theater, ang biglaang midnight snack nila ni Daniel sa McDo, ang mga away at sigawan nila. Siya ay napabuntong-hininga.

Mabilis syang humiga matapos punasan ang basang mukha dala ng kanyang paghihilamos. Nagpagulong-gulong sya sa kama dahil kahit sobrang pagod na ang kanyang katawan at isip, hindi pa rin sya makatulog.

He looked at his phone and saw missed calls. Tinignan nya kung sino, hindi nga sya nagkamali, si Daniel. Napangiwi sya sa hindi malamang dahilan. Nakita din nya ang mga messages. Lahat ng text messages ay galing pa rin dito.

“FR, I'm sorry.”

“FR, Nasaan ka na? I'll send you home. Babawi ako.”

“FR?”

“FR, reply ka naman. Di ako makakatulog ng di tayo nagkakabati.”

“FR? Pag di ka magrereply ngayon, gagawan ko ng paraan para makita kita kahit di ko alam ang bahay mo. Wag mo kong susubukan.”

Napabuntong-hininga si FR. Biglang pumasok sa isip nya ang kanyang nobyang si Cindy. Hindi nya alam pero naisip nya na kaya nyang iwanan si Cindy para kay Daniel. Bakit pumasok sa isip nya, hindi din nya alam. Hindi nya alam, pero parang droga ang dating ni Daniel sa kanya. His eyes, his lips, his face, could it get any better? Napangiti sya. Ilang segundo pa, bigla syang natulala. Hindi alam ni FR ang nangyayari sa kanya.

Hindi na sya nagreply kay Daniel. Pumikit sya pinilit na magconcentrate matulog.

He succeeded. Kinain na ng dilim ang kanyang katawang lupa.



Mabilis na pinaharurot ni Daniel ang kanyang kotse nang makitang sumakay na nga ng bus si FR. Nanlumo syang bigla. Alam nyang may pagkasutil sya pero hindi nya matanggap na brat sya. Para sa kanya, hindi sya brat. At hindi nya matatanggap na brat sya.

I'm not a brat.

Nagbuntong-hininga sya. Aminado syang mali nga sya sa pagsigaw kay FR pero alam naman ni FR na ayaw nya na tingin sa kanya ay brat. Mabilis nyang dinaanan ang norteng parte ng EDSA. Wala pang 30 minutes ay nakarating na sya sa pad na binili ng kanyang magulang sa Gilmore.

He looked at his unit. Kakabili lang nito months ago. He makes sure na laging napapalinis ang kanyang unit once a week. Ayaw nya ng mabaho. Ayaw nya din ng makalat at madiwara sa gamit. Feeling so low dahil sa nangyari, ibinagsak nya nalang ang kanyang patang katawan sa navy blue na sofa set. He covered his face with his hands. Seconds after, sya ay nagbuntong-hininga.

He grabbed his phone at tinext nya si FR.

Nairita sya dahil hindi man lang sumasagot ni FR. Naisipan nyang tawagan ito, but to his dismay, wala ding sagot.

He flooded FR's inbox by sending a lot of messages. FR never answered, even his phone calls. Daniel felt despair. He has to make it up with him. He has to. Kung hindi, hindi nalang nya alam.

Dinampot nya ang remote control ng kanyang TV at ibinukas ito. Wala syang mapanuod na matino. Pinanuod nalang nya sa HBO ang Mean Girls na ilang beses narin naman nya napanuod. He laughed at some parts of the movie pero he's still bothered with what happened sa kanila ni FR. Sya ay nagbuntong-hininga.

Naramdaman ni Daniel ang pagbigat ng kaniyang talukap. Maya-maya pa, sya ay nakatulog.





Maingay ang klase noong araw na iyon dahil sa isang debate patungkol sa isang paksa sa klase ni Mrs. Trinidad. It's their Philosophy class at pagibig ang kanilang paksa. Mrs.Trinidad asked the kids if they are still willing to take a risk with someone kahit alam nilang iiwan din sila nito. The students divided themselves at magkakampi sila ngayon sa kanilang debate.

Franco.”

Yes Ma'am.” nagulat na sabi ni FR sa kanyang propesora

Umpisahan mo.”

Ang?” nagtatakang tanong nito

Gaga. Yung topic. Umpisahan mo na ng discussion.” sabat nito kay FR

Hmm.” FR cleared his throat

For me, I would surely take a risk kahit na alam kong iiwanan din ako.”

His professor smiled.

Would you mind elaborating why Mr.Gamboa?”

FR took a deep breath.

Go FR!” pabulong na sabi nito sa kanya

Manahimik ka nga Pixel.”

Chusera.”

Mr.Gamboa, I'm waiting.” naiinip na sabat ng kanyang propesora

Ahh. So-sorry. Let's put it this way. I have always believed that relationships are transitory.”

Transitory?” his professor butt-in.

Yep. Relationships are transitory, they are all good, but not the permanent one.”

I see.” nakangiting sabi ng kanyang propesora

Having said that, whenever we enter a relationship, we should be open-minded enough to know or even anticipate it's end. Kahit anong gawin natin, kahit gaano pa man natin pigilan, lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kaganda, may katapusan. Ang mahalaga ay natuto tayo. At iapply natin ang mga bagay na natutunan natin sa relasyon na yon sa mga dadating pa sa atin.”

His professor looked impressed with his answer.

How about the other team? Paano nyo tatapatan ang sinabi ni Mr.Gamboa?”

One of his classmates stood up.

Staying in a relationship na inaanticipate mo ang end is just a plain hypocrisy.”

Pixel smiled with what she has heard.

Bakit ka pa papasok sa isang relasyon na alam mo din naman na masasaktan ka? Who doesn't long for someone to hold and knows how to love you without being told? Who doesn't long for someone who would offer us unconditional love and someone who would assure us a lifetime of happiness?”

The professor nodded.

Anyone from the other group who wants to butt-in?”

Pixel. Ikaw na. Dali.”

Nagiisip pa ako FR, wait lang.”

Ma'am si Patricia Elise daw po.”

The professor smiled.

Yes, Patricia, anything to add?”

Napangisi si FR. Namutla si Pixel.

Uhhhmmm.”

Yes Patricia?”

Can I call a friend? Ang hirap naman ma'am.”

Tawanan ang buong klase.

Pasimpleng kinurot ni Pixel si FR sa likod.

Araaay!”

Yes Mr.Gamboa?” pagpuna ng kanilang professor

Po?”

I heard you're saying something?”

Na-nothing ma'am.”

Okay. It's your turn now Patricia.”

Oh my God. Okay.”

Pixel took a deep breath.

Para sa bayan to.”

May I ask something to the one who said that it's plain hypocrisy to be with someone who's about to say goodbye?”

That member of the team stood up.

Yes, Pat. Ano yun?”

Bakit mo nasabi yon? I mean bakit mo nasabi na hypocrisy?”

“Kasi alam nating masasaktan lang tayo.”

Must I assume that you are actually afraid of getting hurt?” balik ni Pixel

Who wants pain by the way?” sagot nito.

So you are afraid?”

Yes.” Mahinang sagot nito.

Pixel looked at the other team.

Let me quote a Spanish proverb. It says “A life lived with fear is a life half-lived.”

The professor smiled.

What does that have to do with the discussion, Patricia?”

If lagi tayong matatakot na sumubok, hindi tayo magiging masaya.”

Napatango si FR.

Masyadong shallow kung sasabihin natin na natatakot tayong magcommit or hindi na tayo makikipagcommit kasi alam nating iiwanan lang tayo. Paano kung yung taong yun pala yung magtuturo sa atin ng mga bagay na hindi natin malalaman sa ibang tao? Paano kung yun pala yung taong magbibigay tunay na kahulugan at magmamaximize ng existence natin dito sa mundo? Paano kung sya pala? Dahil sa takot, we won't be able to experience and learn. The one that got away.”

The class remained silent. She saw some of them murmuring.

Goodbyes are essential. Pain is essential too. Kahit naman sa isang relasyon na matagal na, I'm pretty sure that there would be a certain point in a relationship na magkakasakitan sila eh, it's on how you understand and forgive. It's on how you love. It's on how you give the unconditional love that each one of us deserves. So to say that committing to someone who's about to leave is not hypocrisy at all, those people, who believe that, are.”

Pixel beamed a triumphant smile.

Pak na pak!” usal nito na kinatawa ng mga kaklase maging ng propesora. She sat down.

Saan mo napulot yun Pixel?” FR teased her

Nabasa ko sa LRT kanina tangi.”

They both giggled.

Natapos ang klase at naging mas makabuluhan pa ang kanilang discussion. Halatang impressed ang kanilang professor sa debateng naganap. The moment their professor waved goodbye, mabilis nagtayuan ang mga estudyante at mabilis na lumabas ng silid para umuwi.

Sabay na naglalakad pababa ng building sila Pixel at FR.

Kamusta kayo ni Cindy?”

Okay naman ata.”

Ata? Bakit? May iba ba?” balik ni Pixel

The question caught FR off-guard.

Wa-wala. Adik ka Pixel.”

Hmmmmm.”

He looked at her.

Ano na namang iniisip mo Pixel?”

Wala. Basta.”

Ano naman yung basta Patricia?”

Pixel nga. Ang jologs ng Patricia.”

Sya,sya. Ano nga Pixel?”

Sino yung kasama mo kagabi sa McDo MCU kagabi?”

Nagulantang si FR sa narinig. Nanlaki ang kanyang mata at namutla.

Pa-paano mo nalaman?”

Gwapo pakshet. In fairness.”

H-ha?” natatarantang tanong ni FR.

Sino nga yun? Ireto mo nga ako sa barkada mo na yun FR. Gago ka kasi, iiwan-iwanan mo pa ako. Kaya ihanap mo ko.”

Nagpawis ang noo ni FR. Tila ba sya's madudumi. Paano nalaman ni Pixel? Paano nya nakita?

I-isang kaibigan.”

Single ba yun?”

Hi-hindi. May GF. 3-taon na sila.”

Mabilis nilang narating ang ground floor. Kinuha ni FR ang kanyang panyo at pinunasan ang namuong malamig na pawis sa kanyang noo.

Ha? Paano na kami? Gawan mo kami ng paraan FR!” panguurat ni Pixel

Tahimik si FR.

Te-teka nga FR. Kanina ka pa tahimik. Natetense ka ba?”

Ha? Hi-hindi ah.” pagkukubli nito

Dali na kasi gawan mo ng paraan!”

Niyugyog ni Pixel si FR sa gitna ng hallway.

FR!”

Dali na kasi!”

Nagulat si FR. Nasaktan sa pagyugyog sa kanya ng kanyang best friend.

Pixel masakit!”

Huminto si Pixel. May tinignan mula sa lamayo. Napatigil si FR.

Achieve! Ang gwapo naman nitong otokong to. Laman-tyan din.”

Napakunot ng noo si FR.

Sino ang tinutukoy mo Pixel?”

Ayun oh! Yung kasama mo kagabi sa McDo.” sabi ni Pixel sabay ngiti ng nakakaloko

Dahan-dahang nilingon ni FR ang lalaki. Nanlaki ang kanyang mata.

Daniel was there.

Standing.

Wearing that same smile.

I T U T U L O Y. . . .



4 comments:

  1. ang tagal ng update, tas eto na, nakakabitin lang, haha! excitng na sa nxt update.

    bharu

    ReplyDelete
  2. The flow of the story was really good. Tapos halos tama pa lahat ng english. Hindi nakakaalibadbad basahin yung english convo. Sana dumalas yung update nito and sana humaba. -kei

    ReplyDelete
  3. Update na phlueeesssee... Bitin na bitin ang chapter nato..

    Jan santos

    ReplyDelete
  4. Update name ulit! -Ken

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails