*******Monday Morning*******
Suot
suot na ni Rusty ang kaniyang bagong Polo Barong at Slacks na personal na
inihatid pa sa bahay nina Ka Melchor ng mananahing pinagpapatahian ng mga uniforms
ng Munisipyo for their employees. Maganda ang pagkakatabas at pagkakagawa ng
uniform ni Rusty at higit sa lahat ay tamang tama lamang ang pagka Fit nito sa
kaniya kaya nama'y gwapong gwapo siya sa paningin ng mga babaeng Municipal
Employees.
"Bagay
na bagay talaga sa iyo yang uniform!" Ang panglalandi kay Rusty ni Nhinzy
from Accounting.
"Oo
nga!" Ang ani naman ni Jai Cyrus from Sanitation department habang
hinihimas himas niya ang manggas ng Polo Barong ng nakaiSmile na si Rusty.
Nginingitian
na lamang ni Rusty ang mga ito at talaga namang Flattered na flattered siya sa
mga papuri ng dalawang magagandang mga dalaga.
"Bagay
din sa iyo yang shades mo!" Ang dagdag pa ni Nhinzy kay Rusty.
"EHEM!!!"
Ang biglang ubo ni Councilor mula sa kanilang likuran na ikinatigil naman
kaagad nina Nhinzy and Jai Cyrus.
Nakapila
ulit sila sa Municipal Grounds para sa ginagawa nilang Flag Ceremony every
Monday Morning sa Munisipyo.
"Can
you remove your glasses please." Ang seryosong sambit ni Rex sa nakaShades
na si Rusty.
"Bawal
po ba Councilor?" Ang tanong naman kaagad ni Rusty.
"Kaya
nga pinapatanggal ko sa iyo." Ang masungit na reply naman ni Councilor.
"Eh
bakit po kayo nakaShades Councilor?" Ang puna naman ni Nhinzy kay Rex.
"Ako
lang ang pupuwedeng magShades kapag flag ceremony." Ang explain lamang ni
Rex na ikinahagikhik nina Nhinzy and Jai Cyrus.
"Tanggalin
mo na yang Shades mo." Ang serious na ulit muli ni Rex kay Rusty.
"Sorry
po..." Ang mahinang sambit na lamang ni Rusty at kahit na ayaw niyang
hubarin ang shades niya'y wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang kay
Councilor.
"ANYARE?!"
Ang gulat na tanong kaagad ng dalawang dalaga nang makita nila ang dalawang mga
naglalalimang mga eyebags ni Rusty.
"Hindi
ako nakatulog kagabi."
"Umayos
na kayo." Ang ang authorative na utos naman ni Rex sa tatlo at pagkatapos
ay naglakad na siyang muli upang ipagpatuloy ang kaniyang pag i inspect sa iba
pang mga employees before their flag ceremony.
"Kahit
may Eyebags ka eh gwapo ka pa din." Ang sambit nina Nhinzy and Jai Cyrus
sa nahihiyang si Rusty.
Pilit
na tinatakpan nitong si Rusty ng kaniyang semi long hair ang kaniyang mga Panda
Eyes at talaga namang pagkagising na pagkagising niya kanina'y prino problema
na niya ito.
Hindi
kasi nakatulog talaga itong si Rusty kagabi dahil pabalik balik lang sa
kaniyang mga ala-ala ang kanilang pamamasyal ni Rex kagahapon.
Not
only that...
Pinagmumuni
munihan ni Rusty kagabi ang 'Something' na naramdaman niya when he's with the
company of Rex...
Slight
lang naman iyon at kahit na ayaw mang tanggapin ni Rusty sa kaniyang sarili ay
mas maliwanag pa sa pagsikat ng araw na aminado siyang attracted siya kay Rex.
Another
reason din na nagka eyebag itong si Rusty ay excited na excited siya sa nalaman
niyang may Audit ang COA sa Munisipyo at itong Office ni Rex at ang DOST PAGASA
Basco Center ang uunahin...
"May
I have all of your attention please." Ang sambit ni Rex sa microphone
upang pukawin ang attention ng lahat.
Finished
na itong nakaShades na si Councilor sa kaniyang pag-i-Inspection...
Kaagad
na napansin ni Rusty ang isang punggok na matabang babaeng kulot na nasa sa
tabi ngayon ni Rex.
"Makakasama
natin this morning sa Flag Ceremony ang bagong representative ng Commission On
Audit." Ang next na masayang sambit ni Rex sa Microphone habang
iprini-Present niya sa lahat ang katabi niyang matabang babae.
"No
other than Mrs. Belinda Ella Flores..." Ang next na sambit ni Councilor sa
microphone.
Napansin
kaagad nitong si Rusty na hindi man lamang ngumiti ang COA Representative or
nagbigay ng kaniyang acknowledgement sa sinabi ni Councilor...
"Kahapon
pa pala dumating dito sa atin si Mrs. Flores kaya let's give her our warm
welcome!" Ang next na sambit ni Rex at pagkatapos ay pumalakpak siya na
sinundan naman ng lahat ng mga nakahanay na Municipal Employees.
Wala
pa ding reaction itong Auditor na si Mrs. Flores...
"Would
you like to say something to the Employees Ma'am Belinda?" Ang muling usal
ni Rex Addressing the New COA Representative.
"MADAM
BELLA!" Ang masungit na reply naman ni Mrs. Flores na umabot sa microphone
na hawak ni Rex na nagpakilabot sa lahat nang marinig nila ito from the speaker.
"Call
me Madam Bella!" Ang masungit na pag ulit muli nito kay Rex.
"And
I have nothing to say. Proceed with the Flag Ceremony!" Ang dagdag pa
nito.
"O-o-okay..."
Ang nauutal na reply naman ni Rex na narinig din sa Speaker.
Halos
magtinginan ang lahat ng Employees na nakapila na tila nabigla sa kasungitan ni
Madam Bella sa kanilang gwapong gwapong Councilor...
Tanging
si Rusty lamang ang may ngisi sa kaniyang mga labi at nag iEnjoy ito sa nangyayari
kay Rex.
"Let's
start our Flag Ceremony please..." Ang utos ni Rex sa maintainance.
"CAN
YOU GIVE SOME LITTLE RESPECT TO THE PHILIPPINE FLAG!" Ang sambit bigla ni
Madam Flores.
"Ansabe
nyo po Madam Bella..." Ang gulat na nasambit ni Rex.
"Tanggalin
mo yang salamin mo at magbigay galang ka sa Flag Ceremony...
Ke
aga aga eh nakaShades ka!" Ang masungit and dire direchong sambit ni Madam
Bella.
Tense
na tense itong si Rex that time at nawala na sa kaniyang isipang i-Off ang
microphone kaya nama'y dinig na dinig ng lahat ang panenermon sa kaniya nitong
si Madam Bella.
"GIVE
ME THAT!" Ang next na utos ni Madam Bella habang hinihingi niya ang suot
suot na shades ni Rex.
Just
like Rusty ay parang batang napilitang hubarin ni Rex ang kaniyang Shades at
ibinigay kaagad niya ito kay Madam Bella...
Feeling
ni niya'y isa siyang estudyanteng na kinompiskahan ng isang masungit na
Principal...
Hiyang
hiya talaga itong si Rex nang mga sandaling iyon at nakayukong tumabi na siya kay
Madam Bella para sa gagawing Flag Ceremony...
Habang
tumutugtog ang National Anthem ay nakakarinig itong si Rusty ng paghagikhik
mula kina Nhinzy and Jai Cyrus...
Hindi
na din napigilan nitong si Rusty na mapangiti habang tinitignan niya ang
nakatayong si Councilor...
Hindi
na din niya ikinubli ang kaniyang smirk nang makita niyang tinignan siya ng
masama nitong si Rex...
Tuwang
tuwa talaga itong si Rusty dahil pakiramdam niyang nakabawi na siya sa pangbu-Bully
sa kaniya kanina nitong si Rex...
During
the Flag Ceremony ay aliw na aliw talaga si Rusty na tignan ang maiitim at
malalalim na ilalim ng dalawang mga mata ni Rex na tantiya niyang mas malaki at
malala pa kaysa sa kaniyang eyebags...
Mestizo
kasi itong si Rex at maputi kaya nama'y kahit na nasa sa malayo ay kapansin
pansin ang Panda Eyes nito...
Hindi
din kasi nakatulog itong si Rex kagabi dahil kinakabahan siya ng bigtime kakaisip
sa bagong auditor na ipinadala ng Commision On Audit sa kanilang Munisipyo.
*******At The Office Of Councilor
Alexander 'Rex' Alcazar*******
Naging
tahimik lang itong si Rusty habang nag uusap sina Councilor and Madam Bella...
Tanging
si Rex lamang itong nagsasalita at pansin ni Rusty na parang ini X-ray ito ng
mga mata ni Madam Bella...
"I
can't wait to show you some of our local restaurants here. I know that you'll be
enjoying your stay here." Ang nakaSmile na pagpapaCharming ni Rex.
"...
... ..." Wala pa ding reply itong si Madam Bella.
"Coffee...
Tea... Iced Tea...?" Ang next na alok ni Rex ngunit wala pa ding reply ito
sa kaniya.
"We
could go out and have some breakfast..." Ang next na sambit ni Rex sabay
tingin niya ng malagkit at pagbibigay ng matamis na ngiti kay Madam Bella.
Halatang
halata ni Rusty na nagpapa pansin itong si Councilor...
"COUNCILOR!!!"
Ang bigla bigla na lamang na bungad ni Madam Bella na ikinagulat naman ng
dalawa.
"I
want to do rightaway what I need to do here para matapos ko na at marami pa
akong trabaho! Hindi lang kayo ang Munisipyong handle ko!" Ang masungit na
sambit ni Madam Bella.
"Sayang
naman po ang pagpunta nyo dito kung hindi po kayo magto tour dito" Ang next
na banat ni Rex.
"I
can always come back here with my family to have a vacation! Trabaho ang
pinunta ko dito!"
"Alam
ko pong pagod kayo sa biyahe at may ipinahanda po kaming relaxation for you
today sa isang famous well known SPA dito. Bukas na po kayo mag audit para makapag
relax po kayo." Ang pagpapaCharming ni Rex.
"I
want to start now! Give me all of these papers!" Ang matigas na sambit ni
Madam Bella sabay lagpak niya ng isang piece of paper sa desk ni Councilor.
"Ahm...
Eh... Ahm..." Ang usal ni Rex habang binabasa niya ang nakasaad sa papel.
"Ipapa
Prepare ko pa po ito sa Secretary ko and bukas na bukas po maibibigay ito sa
inyo..." Ang sunod na explain ni Rex pero ang totoo'y pinapa-edit at
pinababawasan na niya ang mga figures and numbers sa mga nasabing papeles sa
list para maging malinis and hindi magkaroon ng duda ang bagong taga COA.
"No
need to prepare that! Just give me all what I need to check."
"Baka
maguluhan po kayo Madam Bella."
"Sa
tagal ko ng nagtratrabaho sa COA eh maguguluhan pa ba ako?!"
"Nag-aalala
lang naman po ako eh."
"Hindi
ka mag aalala kung wala ka namang dapat ipag-alala sa gagawin kong Audit!"
Ang mas masungit na Reply kaagad ni Madam Bella.
"Meron
ba akong makikitang kaduda-duda sa Office mo?!" Ang straight to the point
na next na sinambit ni Madam Bella sa natamemeng si Rex.
Tama
pala ang sinabi kagabi sa kaniya ng kanilang Vice Mayor na Terror ang bagong
Representative ng COA...
"By
the way po pala, Let me introduce to you Rusty. He's the new DOST PAGASA
Representative." Ang mabilis na pagChange of topic naman ni Rex habang
sinesenyasan niya itong si Rusty na lumapit sa kaniyang Desk.
Medyo
napaatras din itong si Rusty nang pagtuunan siya ng tingin ng masungit na si
Madam Bella pero binalewala lang niya ang nararamdaman niyang panlalamig habang
tahimik siyang ini-inspection nito from head to toe...
"Good
Morning..." Ang magalang na sambit ni Rusty.
"...
... ..." Walang ini-reply itong si Madam Bella habang binibigyan siya ni
Rusty ng isang heart warming na smile.
"Why
don't we tour you first on our Municipal Hall before everything else." Ang
pagpaparamdam na namang muli nitong si Rex.
"Di
ba sinabi ko sa iyo na kailangan ko na ang mga papers na hinihingi ko..."
Ang mabilis na resbak naman ni Madam Bella.
"And
bakit kayo may mga Eyebags?" Ang next na puna niya kina Rex and then kay
Rusty.
"Dahil
po sa inyo." Ang sarcastic na bulong ni Rex.
"ANSABE
MO?"
"Dahil
po sa pagbisita nyo po sa amin at talagang we're honored by your visit in our
humble Municipality kaya po kami naglamay kagabi to make sure na magiging
memorable ang pagbisita po ninyo sa Batanes." Ang mabilis na pagbawi ni
Rex.
Pilit
na pinipigilan talagang tumawa nitong si Rusty nang mga sandaling iyon dahil sa
pag-i-effort ni Rex na ma-iStall ang gagawing Audit ni Madam Bella...
"I
- NEED - TO - DO - WHAT- I - CAME - HERE - TO - DO !" Ang mabagal na pag
emphasize muli ni Madam Bella sa bugbog saradong si Rex.
Slight
na naawa naman itong si Rusty sa parang batang nasermunang Councilor...
"Hindi
pa po ready yung mga papers..." Ang nahihiyang sambit naman ni Rex.
"Kung
hindi pa ready eh I shall use what I have here." Ang sambit ni Madam Bella
sabay labas niya sa kaniyang shoulder bag ng isang folder.
"Do
you know what's this... Hmmmm..." Ang may tonong tanong niya kay Rex.
"Ahm...
I don't..." Ang sambit ni Rex habang kinukutuban na siya sa hawak hawak na
mga papeles ng kaharap.
"Well,
Ito lang naman ang mga previous statement of account ng DOST PAGASA ng Region
na ito..." Ang nakangiting sambit lang ni Madam Bella na ikinalunok ng
laway ni Rex.
Kahit
na extra strong ang ginamit na anti perspirant and Deodorant ni Rex ay nakaramdam
siya ng unti unting pagpapawis sa kaniyang mga armpits...
"Where
did you get that..." Ang kinakabahang sambit ni Rex.
"Well,
I took the time to get this in our archives before I flew here." Ang
nakasmile pa ding reply ni Madam Bella.
Pansin
ni Rusty na nag iEnjoy itong si Madam Bella sa pang-to-Torture kay Rex...
Hindi
niya maiwasang mag alala for Rex dahil pakiramdam niyang seryoso sa gagawin
niyang Audit si Madam Bella...
"If
the papers isn't ready yet eh I will consider a tour..." Ang sweet na
sweet na sambit ni Madam Bella.
"TALAGA
PO!" Ani ni Rex na parang nakaJackpot sa Lotto.
May
balak kasi itong si Rex na iBribe ang bagong tagaCOA habang ipinapasyal niya
ito sa Batanes...
"Indeed!
With this Gentleman here!" Ang mabilis na usal kaagad ni Rusty sabay hawak
niya sa isang braso ng nabiglang si Rusty.
"I
want to visit your DOST PAGASA Forecasting Center so that I can see if all the
Items in this Liquidation form is in there..." Ang next na sabi ni Madam
Bella na ikinaputla na nang tuluyan ni Rex.
"Sure..."
Ang masayang sambit naman ni Rusty habang nginingitian niya itong si Madam
Bella.
"Lagot
ka!" Ang isip isip ni Rusty nang tinignan niya at nginisian ang kabadong
si Rex.
"Ihatid
mo muna ako Iho sa CR at I need to freshen up before we go..."
"Sige
po Madam Bella..." Ang mabait na sambit ni Rusty sabay labas nila sa
office.
Hinintay
muna ni Rex na lumipas ang one minute at pagkatapos ay kaagad siyang lumabas na
din sa kaniyang office at mabilis na sinundan kaagad itong sina Rusty and Madam
Bella...
"Rusty..."
Ang sambit ni Rex nang makita niyang nakatayo't naghihintay sa labas ng Girl's
CR itong si Rusty.
"Yes
Councilor..." Ang malokong ngisi naman ni Rusty.
"Ganito
ang sasabihin mo kay Madam Bella..." Ang nagmamadali't nagpapanic na
pagsisimula ni Rex.
"Teka
lang..."
"Anong
teka lang?"
"Alam
ko ang sasabihin ko sa kaniya..."
"Anong
sasabihin mo?" Ang lalo pang nag aalalang si Rex.
Kasabay
ng lalo pang pagtamis ng mga ngiti ni Rusty ay kitang kita niya ang pagtulo ng
malalaking butil na pawis sa noo ng kaniyang kausap...
"Eh
di yung totoo..." Ang smart ass answer ng nang aasar na si Rusty na ikinaFrown
naman ni Rex.
Just
like what he expected ay nabaligtad na ang kanilang situation at ito ng si
Rusty ang may upperhand kay Rex...
"Is
he bothering you Iho..." Ang biglang sambit ni Madam Bella nang makalabas
na ito sa CR.
"Hindi
po Madam Bella."
"Ihahatid
ko na po kayo sa Forecasting Center." Ang alok kaagad ni Rex.
"Sure."
Ang sambit naman ni Madam Bella at kaagad na umalis na itong si Rex para mauna
nang lumabas sa Munisipyo't kunin ang kaniyang kotse.
"I
change my mind. Let's go to your Center kung paano ka pumupunta doon..." Ang
usal ni Madam Bella nang makaalis na si Rex.
"Inihahatid
lang po ako ng tricycle eh..."
"Okay
lang yun! Let's go na iho." Ang sambit ni Madam Bella kaya nama'y kaagad
silang lumabas at pinuntahan na nila ang nag aantay na tricycle ni Ka Melchor.
"Mang
Melchor, Si Madam Bella po! Sasama po siya sa Center." Ang pag introduced
ni Rusty.
"Magandang
umaga po. Sakay na po kayo!" Ang masayang bati naman ni Ka Melchor.
"POT!
POT! POT!" Ang biglang narinig na lamang nila na bosina at pakatapos ay
tumigil sa kanila ang isang magarang white na latest style ng Toyota Corolla.
"Dito
na lang kayo po sumakay." Ang sambit ni Rex nang makababa na ito ng
sasakyan ngunit parang walang narinig itong si Madam Bella at kaagad na sumakay
na ito sa loob ng Tricycle ni Mang Melchor.
"Sa'yo
yan?" Ang hindi mapigilang tanong ni Rusty kay Rex dahil ang natatandaan
niyang kotse nito'y isang Titanium Colored na Honda Civic.
"Akin
din ito."
"Kailangan
mo ba ng dalawang kotse?"
"Tatlo
ang sasakyan ng anak ko. Land Cruiser yung isa." Ang singit naman ni Ka
Melchor.
"HMMMMMM..."
Ang malakas na sambit ni Madam Bella nang marinig nito ang kanilang usapan na
ikinaPanic pang lalo ni Rex.
"Let's
go na! ANO BA RUSTY!" Ang masungit na muling usal ni Madam Bella kaya
nama'y kaagad na sumakay na din ng Tricycle itong si Rusty at pagkatapos ay
pina-i-start na iyon ni Ka Melchor.
"Susunod
na lang ako." Ang sambit ni Rex sa Ama.
"DON'T
COME! ASIKASUHIN MO YUNG MGA PAPERS NA HINIHINGI KO! KAILANGAN READY NA ANG MGA
YUN PAGBALIK KO MAMAYA!" Ang malakas na outburst ni Madam Bella kay Rex
bago tuluyang pinaandar na ni Ka Melchor ang kaniyang tricycle.
"SHIT!
SHIT! SHIT!" Ang outburst na lamang ni Rex nang makita niyang nilingon
siya ni Rusty at nginisian.
"TAE!"
Ang asar talong nasambit ni Rex habang pabalik na siya sa loob ng munisipyo
upang siguraduhing malinis ang mga papeles na titignan ni Madam Bella.
Lalong
napapakunot ang kaniyang noo't nagngingit ngit ang kaniyang mga ngipin sa
tuwing maiisip niyang baka ilaglag siya ni Rusty sa COA Auditor.
Ngayon
siya nagsisisi kung bakit lantaran at ipinagmayabang niyang ipinaalam kay Rusty
ang kaniyang pangungurakot sa Munisipyo...
**************
Habang
on the way naman itong sina Rusty sa DOST PAGASA Forecasting Center ay
nagsimula na itong si Madam Bella na mag investigate at kaagad na pinaulanan na
niya ng mga katanungan itong si Rusty.
"Bakit
tricycle lang ang sinasakyan mo papunta sa Work?" Ang pagsisimula ni Madam
Bella.
"Ah...
Kasi po eh mas safe po ako kapag hinahatid po ako ni Mang Mechor." Ang
magalang na sagot ng Binata.
Nag
iingat din itong si Rusty sa kaniyang sasabihin dahil nakilatis na niya itong
si Madam Bella at batid niyang wala itong sina santo santo...
"Ganun
ba..."
"Opo..."
"Marunong
ka bang magDrive?"
"Marunong
naman po Madam..."
"Marunong
ka naman pala eh... Sana tinanggap mo ang pinapagamit sayong sasakyan..."
"ANO
PO?!" Ang naguguluhang usal ni Rusty na ikinatawa naman ni Madam Bella.
"Yung
dating DOST PAGASA Representative kasi ay binigyan ng sasakyan ng Office ni
Councilor Alcazar and may transpo allowance pa siya..." Ang explain ni
Madam Bella habang tinitignan niya ang hawak niyang folder.
"Hmmmmm...
May budget din sa gasolina and car repair ang munisipyo para sa kaniyang
sasakyan...
Iba
pa ang commuting allowance pa pala siya..." Ang namamanghang pagpapatuloy
ni Madam Bella habnag binabasa niya ang kaniyang listahan ng mga gastusin ng
Office ni Rex.
"Ganun
po ba..." Ang nagtatakang reply naman ni Rusty.
"Hindi
ka ba inalok ng sasakyan ni Councilor..."
"Hindi
po eh..."
"Hmmmmm..."
Ang nagdududang si Madam Bella.
"Kahit
alukin naman po ako ni Councilor eh tatanggihan ko po iyon kasi mas comfy ang
ganito at safe na safe po ako kay Mang Melchor..." Ang malumanay and
nakangiting explain naman ni Rusty.
Binigyan
na lamang ng isang heart warming na smile ni Rusty si Madam Bella nang tinignan
siya nito na parang inaalam kung nagsisinungaling ba siya or hindi...
"Palagi
ka bang hinahatid sa tricycle..." Ang next na tanong ni Madam Bella.
"Opo...
Mababait po sina Mang Mechor and Aling Leonor... Pinagbabaon pa nga po nila
ako..."
"Ayaw
ho talaga ng misis ko na umalis ng bahay yang si Rusty hangga't hindi nag
aalmusal!" Ang masayang entrada naman ni Mang Melchor.
"NAKATIRA
KA SA KANILA?!" Ang gulat na usal ni Madam Bella na masayang tinunguhan na
lamang ni Rusty.
"Hindi
ka binigyan ng apartment ni Councilor?!"
"Hindi
po..."
"Yung
pinalitan mo sa PAGASA eh binigyan ng budget sa Apartment... Kasama pa ang food
allowance... Sagot din ng Munisipyo ang kuryente't tubig..."
"Doon
din po din Madam sa bahay tumira yung pinalitan ni Rusty..." Ang ani ni Ka
Melchor habang nagdra-drive siya ng kaniyang tricycle.
"Hmmmmm..."
Ang muling usal ni Madam Bella habang nag iisip naman kaagad ng magandang alibi
itong si Rusty.
Alam
niyang masasabit itong si Councilor sa pagsagot ni Ka Melchor sa mga
itinatanong nitong si Madam Bella...
Kahit
alam ni Rusty na siguradong patong patong ang kickback ni Rex sa dating DOST PAGASA
Rep ay pagtatakpan pa din niya ito. Hindi naman plano kasing ilaglag ni Rusty
si Councilor but nais lamang niyang turuan ito ng lesson about honesty.
"May
ibinibigay ba sa inyong budget si Rex? Ay teka nga pala! Tatay po pala kayo ni
Rex..." Ani ni Madam Bella.
"Sapat
lang naman po ang ibinibigay ni Rex na panggastos sa pang araw araw at hindi
naman po gaanong mataas ang bilihin dito at saka kahit hindi kami bigyan ng
anak namin ng panggastos eh masaya po kaming nakakatulong..." Ang explain
naman ng clueless na clueless na si Ka Melchor habang slight na kinakabahan na
itong si Rusty dahil sa mga nakakalap na info nitong si Madam Bella.
"Mas
gusto ko pong tumira sa bahay po nila..."
"Bakit
naman? Ayaw mong may sarili kang apartment?" Ang tanong ni Madam Bella.
"Alagang
alaga po kasi nila ako and para na din po akong may Nanay at Tatay dito kaya po
hindi po ako masyadong naho Home sick." Ang explain naman ni Rusty.
"Si
Aling Leonor po ang naglalaba at nagplaplantsa ng mga damit ko, Pinag iinit din
po nila ako ng pampaligo at lagi po nila akong hinahainan sa mesa kapag meal
time..." Ang parang batang dagdag pa nitong si Rusty.
Medyo
napangiti itong si Madam Bella sa sinabi nitong si Rusty...
"Dito
na po tayo..." Ang sambit naman ni Ka Melchor nang iparada na niya sa
harapan ng DOST PAGASA Forecasting Center ang kaniyang sasakyan.
"Kanina
pa ako dito... Akala ko eh nandito na kayo!" Ang bati ni Aling Leonor nang
lumapit siya sa Tricycle.
"Napasyal
po kayo dito! Eto po pala si Madam Bella...
Madam
Bella, Si Aling Leonor po..." Ang pag papakilala naman ni Rusty sa dalawa.
"Magandang
umaga ho..." Ang bati naman ni Ka Leonor kay Madam Bella.
"Ba't
ka naparito Leonor..." Ang tanong naman ni Ka Melchor.
"Nagdala
ako ng agahan at merienda. Hindi na kayo nakapag agahan kanina..."
"Tamang
tama yan para makasalo natin si Madam Bella..." Ang masayang usal naman ni
Ka Melchor.
****************
Inasikaso
kaagad ng mag asawa ang agahan nila while entertaining Madam Bella habang itong
si Rusty nama'y kinakalap na ang mga infos from the forecasting machine.
Tahimik
lamang itong si Rusty at pasimple niyang pinakikiramdaman si Madam Bella...
Napangiti
kaagad siya nang naging warm ang personality nito habang nakikipag usap sa
mag-asawa...
"Kung
nasa apartment po ako eh wala pong ganitong special treatment..." Ang
masayang sambit ni Rusty nang makaupo na siya't nakisalo na sa pagbre breakfast
ng tatlo.
"Kita
ko namang asikasong asikaso ka nila talaga. You're so lucky..." Ang masayang
address ni Madam Bella sa binata.
"Para
na naming anak yang si Rusty..." Ang ani naman ng mag asawa.
Nakalimutan
na nilang tagaCOA itong si Madam Bella habang masaya nilang pinagsasaluhan ang dala
ni Ka Leonor na Coffee, Pandesal, Kesong Puti, Fried Scarmbled Eggs and Boiled
Sweet Kamote. Lalo pang sumaya ang kanilang pagbre breakfast nang magawi ang topic
nila about Family.
"Do
you have a tissue..." Ang tanong ni Madam Bella kay Rusty.
"Ako
na po dyan..." Ang mabilis na pag volunteer naman ni Ka Melchor nang
makita niyang nagSpill ang coffee sa cup ni Madam Bella.
"Ako
na lang po Mang Melchor. Pahingi ng Tissue Rusty..." Ang sambit ni Madam
Bella.
"Wala
po kaming tissue dito eh. Eto na lang pong basahan..." Ang ani naman ni
Rusty habang pinupunasan niya ang mesa.
"Eh
nasan na ang 500 pieces na tissue rolls na niRequest ng dating Rep?" Ang
panghuhuling tanong ni Madam Bella habang ipinakikita niya kay Rusty ang list
mula sa folder niyang dala-dala.
Nanlaki
talaga kaagad ang mga mata ni Rusty nang makita niya ang summarized list ng mga
allocated budget and items ng DOST PAGASA Forecasting Center for the past few
months.
Hindi
na siya nagulat kung napakaOA sa dami ng
mga items and naglalakihan ang mga budget sa listahan ngunit ang ikinagigitla't
pinangangambahan ngayon nitong si Rusty ay the fact na nakita na and may idea na
itong si Madam Bella sa pang-ga-gatas ni Councilor sa DOST PAGASA Center.
"Hahanapin
ko na lang at baka nandito lang sa loob ng Center ang mga tissue..." Ang
next na sambit ni Madam Bella.
"Excuse
me ho..." Ang paghingi ng paumanhin nito kina Ka Melchor and Ka Leonor
bago ito tumayo mula sa maliit na mesa sa Forecasting Center.
"Hmmmm..."
Ang narinig ni Rusty habang nag-i-inspection itong si Madam Bella sa loob ng
Center.
Pabaling
baling ang paningin ng Auditor sa mga kagamitan ng center at pagkatapos ay
tumitingin din siya sa hawak niyang folder...
Kung
last night ay excited na excited itong si Rusty na ma-Audit itong si Rex but now ay kabaligtaran naman ngayon ang kaniyang
nararamdaman...
Hindi
malaman ni Rusty ang bigla bigla na lamang na gumulo sa kaniyang puso't
isipan...
Unti
unti siyang kinakabahan for Rex...
"Antique
na itong Cabinet na ito ah... Sira-sira na din..." Ang puna ni Madam Bella
sa malaking Cabinet na dumagaan noon kay Rusty.
"Nasaan
na Rusty yung 15 na Locker Cabinets na ni-Request ng dating PAGASA Rep? It was
approved by By Councilor Alcazar..." Ang next na sinambit ni Madam Bella.
This
time ay hindi na nakapagsalita pa itong si Rusty at pakiramdam niyang parang
guilty din siya sa mga patama ni Madam Bella...
"Alam
kong may alam ka na Rusty. More than a week ka na dito kaya spill it out!"
Ang mabagsik na sambit ni Madam Bella na ikinagulat talaga ni Rusty.
Pakiramdam
ng binatang para ba siyang lalapain ng isang BullDog nang mga sandaling yaon...
Hindi
niya malaman-laman ang kaniyang gagawin...
"Anong
milagro ang meron sa Office ni Councilor Alcazar at ang DOST PAGASA Center
ninyo?" Ang next na sinabing pag interogate ni Madam Bella na lalo pang
kinatameme ni Rusty.
Kahit
na anumang pilit na Brainstorming ng binata'y ay wala siyang maisagot dito...
Gusto
niyang ipagtanggol itong si Rex kahit na alam niyang hindi tama ang ginagawa
nito...
Batid
ni Rusty na may nagbabadyang hindi maganda kay Rex...
"May
problema ho ba Madam..." Ang sambit naman nina Ka Melchor and Ka Leonor
nang marinig nila ang galit na tinig ni Madam Bella.
"Speaking
of the Devil!" Ang masayang bungad ni Madam Bella at kaagad na nilingon naman
ni Rusty ang tinitignan ng kaniyang kaharap.
"Shit!"
Ang malakas na sigaw ni Rusty sa kaniyang isipan nang makita niyang nakatayo sa
entrance ng Center si Rex.
"Okay
na po ang mga Papers! Tara na po sa Munisipyo!" Ang masayang bungad ni Rex
kay Madam Bella.
Labis
talagang nag-aalala itong si Rex kaya nama'y tumungo na din siya sa DOST PAGASA
ForeCasting Center...
"No
need for that one Councilor. Tapos na ako sa Audit ko."
"HA?!"
Ang sabayang usal nina Rex and Rusty.
"Let's
go Councilor at marami tayong pag uusapan..." Ang matagumpay na ngiti ni
Madam Bella sabay labas niya ng Center without taking any seconds to glance at
Rex.
"Nice
meeting you po. Salamat po ng madami sa napakasarap na almusal." Ang biPolar
na pagpapaalam ni Madam Bella sa Parents ni Rex bago siya tuluyan nang lumabas
sa Center.
"What
happened?" Ang nagpapanic na tanong ni Rex kay Rusty.
"Nag-inspection
dito si Madam Bella at hinanap niya dito ang mga Items na inApproved mo for the
past few months." Ang tugon kaagad ni Rusty.
"FUCK!"
Ang usal na lamang ni Rex.
"Isang
tanong, Isang Sagot..." Ang matigas na sambit ni Rusty na ikinapukaw ng attention ni Rex.
"Nangungurakot
ka ba talaga..." Ang next na usal ni Rusty.
Hindi
na siya tinugunan pa nitong si Rex bagkus ay talunang tinunguhan na lamang siya
ni Councilor.
Kahit
na lantarang umamin na itong si Rex ay nanatiling may liwanag ng pag-asa sa
puso ni Rusty na hindi masamang tao itong si Councilor...
"COUNCILOR!
LET'S GO NA AT GUSTO KO NANG SUMAKAY SA MAMAHALIN MONG KOTSE!" Ang malakas
while emphasizing the word 'Mamahalin' na usal ni Madam Bella mula sa labas ng
Center.
"Anyare
Rex?" Ang nag aalalang tanong nina Ka Leonor and Ka Melchor ngunit hindi
na sila pinansin pa ni Rex dahil nagmamadali na itong lumabas ng Center.
"COUNCILOR!"
Ang malakas na pagtawag ni Rusty na ikinatigil naman kaagad ni Rex.
Parang
nagkaroon ng kaunting saya sa puso ni Rex nang maramdaman niyang taos puso
siyang tinawag na 'Councilor' ni Rusty.
"What
will you do?" Ang nag aalalang bulong ni Rusty kay Rex nang makalapit siya
dito.
"I'll
bribe her." Ang desididong tugon naman ni Rex.
Alam
niya na kung hindi siya makakalusot sa Audit ay madadamay pati ang iba pang mga
may mga matataas ang position sa Munisipyo.
"Don't
do something stupid." Ani ni Rusty.
"Hindi
mo naiintindihan ang situation ko. This is do or die for me..." Ang sambit
na lamang ng talunang si Rex.
"Gagawa
ako ng paraan..." Ang nasambit ni Rusty and unconsciously ay naipinatong
niya ang isa niyang kamay sa balikat ni Rex.
...
...
...
Sa
hindi maipaliwang na kadahilana'y parang naibsan ang mabigat na dalahin and
saloobin nitong si Rex nang maramdaman niya ang kamay ni Rusty sa kaniyang
balikat...
...
...
...
Kasabay
ng pagtama ng kanilang mga paningin'y para bang nagConnect ang kanilang diwa...
...
...
...
"Don't
do something stupid..." Ani muli ni Rusty na lalo pang nagpaKalma kay Rex.
Hindi
maintindihan ni Rex ang kaniyang sarili at matamlay na lamang niyang tinunguhan
itong si Rusty...
First
time ni Rex na ibibigay niya ang buong tiwala niya sa ibang tao...
...
...
...
Kahit
hindi pa niya lubusang kilala itong si Rusty ay nagkaroon siya ng sense of
Confidence dito...
...
...
...
Sinunod
ni Rex ang isinisigaw ng kaniyang puso't damdamin na magtiwala kay Rusty...
...
...
...
"Help
me..." Ang namutawi na lamang sa mga labi ni Rex that time.
"I
will..." Ang mahinang reply lamang ni Rusty at pagkatapos ay tahimik na
lamang niyang tinignan itong si Rex na lumabas sa Center upang ipagDrive na si
Madam Bella papuntang Munisipyo.
"May
problema ba Rusty?" Ang nag aalalang tanong kaagad ni Ka Leonor.
"Wala
po iyon Aling Leonor."
"Bakit
ganoon ang hitsura ng anak ko? Parang pinagsakluban ng langit at lupa."
"Huwag
po kayong mag-alala... Kakayanin po namin ito..." Ang nakaSmile na sambit
ni Rusty habang nakakaisip siya ng Idea kung papaano niya matutulungan si Rex.
"Haiiissst..."
Ang pagbugtong hininga na lamang ni Rusty that time.
Napapailing
na lamang siya dahil alam niyang isasalang niya ang kaniyang sarili for Rex...
...
...
...
Medyo
na-Weird-an itong si Rusty dahil imbes na pag-a-agam-agam at pagdadalawang isip
ang kaniyang dapat maramdaman sa kaniyang ginawang decision...
...
...
...
Batid
ni Rusty that this is a do or die situation para sa kanilang dalawa ni Rex pero
nagtitiwala siya sa sinasabi ng kaniyang puso...
Kailangan
niyang tulungan itong si Rex no matter what...
"Kakayanin
ko ito!" Ang usal ni Rusty sa kaniyang sarili.
"Mang
Melchor..."
"Ano
yun iho..."
"Samahan
nyo naman po ako..."
"Saan..."
"May
pupuntahan lang po tayong mga lugar..." Ang nakangiting usal ni Rusty
habang unti unting nabubuhayan siya ng loob.
Kahit
na medyo mapanglaw ang success na nakikinita-kinita ni Rusty sa kaniyang
naPlanong way upang matulungan niyang makalusot si Rex sa mga kamay ni Madam
Bella'y hindi siya nawalan ng pag-asa...
He
will trust his guts dahil pakiramdam niya'y Luck is on their side ni Rex...
"Tara
na po..." Ang masayang pag aya ni Rusty kay Ka Melchor habang iniisip niya
si Rex.
Batid
ni Rusty na lalo pang lumalakas ang kaniyang loob sa tuwing gumuguhit sa
kaniyang puso't isipan ang gwapong larawan ng mukha ni Rex...
"I
can do this..." Ang pursigidong na i sigh na lamang ni Rusty that time.
To
Be Continued
Embedded Music Comes From Cindy Lauper's
ReplyDeleteGIRLS WANNA HAVE FUN Covered By Miley Cyrus
AYIEEEEE!!!
Gudorning Senyong lahat! Take Care palage and Regards Senyong Mga Pamili!!! :))
P.S.
May bagong Story sa Pinoy Daddies!
Please Click The Title Below If You Want To read It:
ANG BIYUDO
Waaahhhh ,,, nakakabitin tong chapter nato neng , hahaha
ReplyDeleteBumaliktad na talaga ang mundong ginagalawan nilang dalawa ...
Nasa kalagitnaan na tayo Ate Joy kaya pwede nang mambitin :)) LOL!
ReplyDeleteprepare ko na yung 'ATWANG :)) Hahaha!
Ganyan ka naman neng ih , hahaha ...
DeleteKung san ung exciting na chapter bibitinin mo kami .. ,hehehe
Bitin!
ReplyDeleteAs soon as possible ang update ng Next Mr.FrostKing :)))
Deleteahay..nakakabitin! haha lalo ako naeexcite!
ReplyDeleteMyk Tan :3
Sa soon as possible ang next part Kuya Myk!
DeleteKAKAYANIN NATIN ITO!
ponse....... bitinnnnnn....heheheh
ReplyDeletePaano kaya makakatulong si Rusty...hahahaha.
Dapat mabigyan ng leksiyon si Rrx.... aka Bong Revilla ng Batanea....hehehehe
Mas gwapo pa si Rex kaysa kay Kap Kuya Patryck! :)) Hahaha!
DeleteAsap ang update nito! LPWAMIS!
Maygash.
ReplyDeleteNapi-preyssure ako.
Char!
Myk Tan ⌒.⌒
tawa much sa "bella flores" xD
ReplyDeleteiyun ba ang dahilan kung bakit "kakayanin natin ito" ang title?
anyways, akala q may maitim na balak si rusty, d nman pla maitim :)
peo curious aq sa naisip na paraan ni rusty to help rex... pnu kea nila malulusutan ito? hmmm...
HINDI PA YAN LAWFER! NYAHAHAHAHA!!!!!!! :))
DeleteBitin! Gusto ko to! Next chapter na! -Ken
ReplyDeleteNice to meet you Kuya Ken! As soon as possible ang update!
DeleteYIHAAAA! :))
thanks poging ponse
ReplyDeleteAdik sabi si Ponse Kuya Vhin :))
DeleteSi Rex ang Wafu!
Nasa FB wall ko ang DP nya ;)
eto lang masasabi ko, nice! nice! nice! iba ka talaga ponse.. ang ganda ng kabig.. kilig kilig lang ng light.. hhahahahaha.. thanks for the update!
ReplyDelete-arejay kerisawa
Salamuch din Kuya Arejay :))
DeleteAdd mo naman si Ponse sa Fb oh :))
Adin Ng Japan
Ayyy bet ko yang si Madam Bella!hahahah! basta mga Bella talaga matatalas l
ReplyDeleteAno kaya gagawin ni Papa Rusty? to the rescue ihh.. :))
Thanks Kuya Ponseng Adik na Adik :))
Pasensya na Kuya Ponse at nale late ang comment ko kasi chaka magpost ng comment sa mobile kaya eto ol ako lol!
ReplyDeleteNaman Kuya Riley! Mas magana kapag Online para may Music! :))
Delete